
1 minute read
PATAK SA KUTSILYO
ni Jamaica Codillo
Oras ang kalaban, pawis ang kaban Sa init ng araw, kapal ng buhok ang sandigan Natutulala, nawiwindang, sa malayo sana’y mahagkan Kay kinis, kulay nito’y kumikinang sa ilang.
Advertisement
Hindi maipaliwanag ang halik at samyo Pagtanggap dito’y unti-unting iniibayo Hindi man sa kagustuhan ko, ito’y tungkol sa iyo Sa iyong pagal upang punan ang pagkukulang ng gobyerno.
Kagustuhan kong malasap, kumpleto - rekado Ngunit boses ko’y binusalan sa mahal ng presyo Nagkulang ba tayo? O sadyang katotohana’y itinatago? Inilabas ko’y huling patak ng pawis, akala ko’y dugo.
Matalim aking gamit, para sa kalamnang kumukulo Hindi ito nakasugat, ngunit masakit sa mata ko Kung dati’y mula sa talsik ng katas nito, Ngayo’y pagsilip sa taas-presyo ang ugat nito.
Ang patak sa kutsilyo, luha mula sa mahapding presyo Hindi sa paglisan mo, ngunit sa pagtago ng totoo Ngayon ko lang naramdaman, mahal pala ang luha ko Ngunit mas mahal ko ang masang Pilipino.
Courage
By: Clijster Zyrell Bañal
Starting strong and standing firm is my battle cry. my reminder every time I feel frightened and scared every time I fight. when defeat comes and my armor breaks, I am always ready to brawl and do whatever it takes.
Courage is a power that conquers. even when numerous struggles arrive, we always devour and remain victorious. It is something that we must share, to help everyone achieve triumph instead of despair. It is a strength that can be found in all of us, built-in and deep down in our hearts.
“we write to express,not to impress.”