
3 minute read
Firefoxes Unveiled Encounters in Eerie Firefoxes Unveiled Encounters in Eerie
Anamnesis of Firefoxes’
Anamnesis of Firefoxes’
Advertisement

at tahimik naman ang unang dalawang buwan namin doon. Hanggang ang katahimikan na yon ay nabasag, unti unting napalitan ng pagtataka at takot.
Madaling araw noon, naalimpungatan nalang ako dahil kumakalabog nalang bigla yung cabinet sa baba ng lababo. Lalapitan ko sana pero sa takot ko, tinulog ko nalang. Kinausap ko sila kinabukasan, may naririnig din daw sila. Madami pang mga hindi maipaliwanag na nangyari samin sa mga sumunod na araw
Mula sa simpleng kaluskos at mga nagtatamaang plastic bottles sa ilalim ng kama hanggang sa mga mas malalang sitwasyon.
Nariyan na isang araw nagsimatayan yung mga alagang isda ni Krizza sa aquarium at nagulat nalang kami na yung itim na isda ay nasa sahig, na para bang dinukot at pinaglaruan.
Maging ako ay nakaranas ng pagpaparamdam na to. Nagbabasa ako ng libro ng gabing iyon, mag isa ko lang sa loob ng kwarto dahil kakauwi ko lang galing TSU, nagkukwentuhan sila sa veranda sa labas. Walang kung anu-ano’y may narinig akong umiiyak na bata, napatakbo talaga ako papalabas, nagulat din ako ng patakbo rin sakin papaloob si Arvin.
“N-narinig mo ba yon? May umiiyak na bata”
“Huy meron”
Binalewala nalang namin at ginawan nalang naming ni David ng dahilan para hindi matakot, pero sigurado ako sa narinig ko that time.
Pinaka-nakakakilabot na siguro yung time na dumalaw yung friend namin (itago sa pangalang Louis) pumunta lang siya para makichismis at makiligo. Pag-alis niya, may napansin si Krizza their Terrifying Eerie Whispers: their
”Beh ano yang nasa kilay mo”, tanong ni Krizza. Pagpahid niya, may dugo. Tinanong naming si Louis, wala naman daw siyang sugat. Mula noon, may panaka naka kaming nakikitang dugo sa gilid ng bowl (kubeta). Doon kami medyo naalarma.
Naikwento namin sa caretaker ng kabilang boarding house, may namatay daw palang mag-asawa at nilibing sila sa katabing lupa ng boarding house namin.



Terrifying Eerie Whispers: Chilling Tales of The Blaze Chilling Tales of The Blaze
Bangungot

Madalas late na ako kumakain tuwing gabi, madalas rin masiba talaga ako kumain at busog na busog ako sa gabi pero unusual ‘yon dahil ang sabi ng iba dapat daw mas magpakabusog sa umaga.
Dahil tuwing gabi busog ako, at nakakaantok ang pagkabusog, madalas ay natutulog na ako agad pagkatapos kumain. Dito nagsimula ang nakakatakot na pangyayari.
Habang himbing na himbing ako sa pagkakatulog, natural lang na managinip. Pero hawak ko ang hininga sa bawat takbo ng istorya sa aking isipan. Mayroong masaya.
Naghahabulan. Mataman kong napagmamasdan ang mga ito na maliwanag pa sa sikat ng araw na tila ba tunay na pangyayari. Ngunit, kalaunan nagbabago ito paunti-unti.
Mula sa masaya nagtatakbuhan, ay biglang hinihingal na dahil may kung anong nakakatakot na nilalang na humahabol sa akin. Sa panaginip ko, sa diwa ko, gising ako. Pinipilit kong gumising pero sa tuwing babangon ako, tila ba nasa isang panaginip pa rin ako. Ilang ulit akong bumangon, pero hindi ako makabangon sa realidad.
Ramdam ko ang kaba, takot, pagkabalisa at pag-iyak ko. Pero hindi ako makabangon. Habang habol ang hininga mataman akong nagdasal. At sa wakas, nagising ako. Subalit bago ako magising at maimulat ng buo ang aking mga mata, nakita ko ang isang babaeng malaki sa ibabaw ko.
Nakangisi at tila may pagtatangkang patayin ako gamit ang bangungot.
Nalaman ko na ang tawag pala sa nangyari sakin ay SLEEP PARALYSIS. Alam ko madami na nakaexperience ng ganto. Isa ka ba? Kung Oo, sana makatulog ka ng mahimbing mamaya. Kung hindi pa, simulan mo na magdasal.

Ominous Playmates
I don’t usually talk to people about stories involving ghosts or supernatural beings kasi hindi naman ako yung tipo ng tao na laging nakakakita ng mga multo multo and wala din naman akong experience sa school or building natin (CBA Building) gaya ng ibang students.
So eto na, year 2020, March nun nung lumipat kami ng bahay sa nabiling lupa ng ate ko, kaya pumayag akongsumama noon It was because I thought magsasama sama nalang kami ulit nina Mama sa iisang bahay ( although wala namang family problem pero my Mom prefers to have a house of her own na para daw matuto kaming maging independent) long story short nilinis ang lote, ang bahay at sa unang week natutulog pa sina mama doon, pangalawang week 2 or 3 times nalang silang uuwi and then may point na naiwan ako sa bhay ng mag isa ulet. Dahil wala din namang internet nung mga time na yon there was nothing much for me to do, after maglinis, maliligo and kung sisipagin magbabasa ng lessons, kung hindi magbabasa ng manga. For a while, it was okay. May mga instances na parang may maririnig ako ng kaluskos sa sala, makakita ako ng mga shadows, makakaramdam ka ng langitngit sa pinto kahit nakalock na. Pero diko pinapansin kasi for me i was not born with a special ability to see or feel supernatural objects. Until one night, maglalights off nako, akmang matutulog na at nung time na nakukuha ko na yung antok ko may naririnig akong dalawang batang nagtatawanan. Yung tawa nila is yung parang meron silang nilalaro, at this point kinakabahan nako, pero dikoparin pinansin, instead I prayed. It stopped naman after that, pero what happen next made me get up at tumakbo papalabas, may dalawang taong umakyat sa kama na nagtatalunan at tumatawa. Up to now hindi ko padin alam kung pano ko nakatakbo ng ganun kabilis, buti nalang hawka hawak ko ang phone ko nung mga oras na ‘yon, and since hindi naman ako makapunta kina Mama, tumawag ako ng kaibigan at nagpasama maglock ng bahay at nakitulpg sakanila.
By: Nicole Anne Agdeppa
Kinain mong extra rice, sa kanilang PAPA nanggaling