S

n+ d
S
n+ d
Ngayong panahon kung saan ang dahas ay naging sandata na ng mga may mataas na posisyon sa lipunan, ang ating tanging sandalan ay ang mga kababaihan.
Sa loob ng isang patriyarkal na lipunan, ang babae ay itinuturing na babae lamang. Wala silang lakas na lumaban sa bagsik at dahas ng mga kalalakihan at sa diskriminasyon na kanilang natatamasa. Ang natatanging katangian na pinapahalagahan lamang ng lipunan ay ang kanilang kagandahan. Tila’y isang palamuti sa gitna ng magulong silid, walang ibang silbi kundi maging marikit para pagsilbihan ang mga matang uhaw sa atensyon at aliw.
Gayunpaman, ang mga babae ay hindi babae lamang; ang mga babae ay ang pagsasatao ng sining at literatura. Sa unang tingin, sila ay parang isang rosas sa hardin ng sampaguita; kaakit-akit, maganda ngunit nakakasakit. Katulad ng mga likhang sining at literatura, sila ay natatangi, nakakabighani, at higit sa lahat, pumupukaw ng emosyon at damdamin.
Tulad sa karakter sa pabalat, ang kababaihan ay ang mga dilag na lalaban sa mapang-aping makinarya ng lipunan. Sila ang susugpo sa mga makapangyarihan, mapanlinlang, at mga gahamang miyembro ng lipunan. Dahil ang mga babae ay hindi lamang nagsisilbing palamuti sa masalimuot na kapisanan; kapag sila ay magsimulang sumulat at ibuhos ang tinta, dadanak ang dugo para ipaglaban ang masa.
Itaas ang bandera ng kababaihan, dahil sila ang tunay na sandata laban sa kasakiman. Sila ang sandalan ng mga naaapi. Sila ang may hawak sa talinhagang babago sa masa at sa mga darating pang henerasyon.
Tayo’y bumalik sa liwanag ng ating kasaysayan kung saan ang kababaihang Pilipino ay may hawak sa kapangyarihang makapagpabago. ¶
VERBO : GREG ANTONNIE POLDO
DIBUHO : EZRA BALANQUIT
DISENYO : MARK KENDRICK ORSUA
The Official Literary and Arts Folio of The Pillar
February 2024
Volume No. 56
Issue No. 2
ALL RIGHTS RESERVED.
Reproduction without permission is strictly prohibited. For inquiries, comments, and suggestions, feel free to write us.
Nanalig ngunit napagtaksilan. Nadinig ngunit hindi binigyang pansin. Namulat ngunit piniringan. Ito na ang pangyayaring paulit-ulit na lamang na nagaganap sa administrasyong kinapapalooban natin ngayon.
Paulit-ulit na pwersahang ibinababa ang ating mga nakalukot na mga kamaong nagpupumiglas umangat sa kabila ng pagkalunod nito sa dagat ng mga isyung panlipunang di matugunan. Pilit nilang pinipiringan ang mga matang mulat na mulat na sa reyalidad ng pang-aalipusta, pang-mamaltrato, at pagbabalatkayo ng mga nakaluklok sa trono. Nananatiling nakaantabay ang mga kamay na ginto at bakal upang busalan ang bibig ng aktibismo, hindi pipiglas hangga’t hindi pumuputok ang mga ugat ng lalamunang sinungalngal ng kapabayaan ng administrasyon. Sa likod ng mga ito ay ang ating dugong walang tigil sa pagkulo para sa ibang ninakawan ng pintig ng pag-asa nang mapagkaitan ng pagkakataong madinig. Hindi ito ang ating pinangarap na pagbaba sa ating kamao. Hiniling nating ibaba na ang ating mga nakataas na bisig dahil sa ating gunita, nakapa na ang karapatan at pangangailangang ipinagkait. Hindi natin hiniling na mapiringan ang mga mata nang pwersahan dahil ayaw ng maykapangyarihan na malaman ng masa ang masalimuot na reyalidad. Hiniling natin na dumating ang araw na isasara natin ang ating mga mata dahil mapayapa na ang ating bayan. Hindi natin kailan man hiniling na busalan ng mapaniil na mga kamay. Bagkus, hiniling natin na dumating ang araw na makakapagpahinga na ang ating mga boses sa kasisigaw para sa hustisya at serbisyong naaayon sa parehong mayaman at maralita. Sa kahulihulian, hiniling nating kumulo ang dugo hindi sa bugso ng pakikipaglaban, bagkus sa bugso ng galak sapagkat sa ating nananatiling pangarap, masarap nang tumibok para sa Pilipinas at maisigaw ang ating pangako, “Ang mamatay ng dahil sa’yo.”
Ngunit, habang nananatili ang kabulastugan ng mga namumuno, mananatili na rin munang matamis na pangarap ang pahinga. Wala pa ang tunay na katiwasayan sa bayan. Patuloy ang pag-angat ng kamao, patuloy ang pagpiglas sa piring, patuloy ang pagsigaw ng ating mga ipinaglalaban, at patuloy ang pagsiklab ng damdamin, kapalit man nito ang pagdanak ng dugo sa lipunan. Tuloy ang pakikibaka para sa mas lalong pagmulat, hanggang sa makamit nating mga Pilipino ang tunay na atin—pag-asenso, pagginhawa, at paglaya. ¶
Niño Anthony N. Petalbo1 7
MAY KUNO SADTO USA KATRIBO
WINDEL CLERIGO
3 9 17
KARAP-KARAP AN AN PARAY
OLIVER SELENCIO
13
KUN PAREHAS LA AMON RAPADAPA
LOLAY
PANG-AALIPIN
RIAN ABEGAIL LOVINO
NGURUTOB
ANGELICA CARDENAS
PUDONG LOLAY
AKO NAMAN ANG IYONG PAKINGGAN
BRAVENARD TANIKALA
TALINHAGANG MAPAGPALAYA
RITMONG WALANG ARMONYA KATIPUNEGRO
DOSMIL KINYENTOS
MICHAEL
TAGPIRA AN GUGMA?
WINDEL CLERIGO
HELL HATH NO FURY LIKE A WOMAN SCORNED
NOBELLEKEEPER DILUBYO
RIAN ABEGAIL LOVINO
THE WHEELS ON THE JEEP
UKAY-UKAY
AIZEL ESPELIMBERGO
INK OF DEFIANCE
NOBELLEKEEPER KUN KAY NANO NGA AN PINIT NAHAROK SA
TUNA KuN TIKASISIROM
SHARLENE MAE CAPATE
Didto siton bukid, may balay gutiay
Salog kawayan, binalighot sin uway
Naalsa sa tuna nahangad sa dampog
Kudi rapadapa kada adlaw naharok
Naharok
Sa sighot, sa lagay
Sa salog, o pasakay
Sa aspalto (danay; agsub luho nga semento)
Kun nadulhog kun nahihidaw
Sa aringasa sa bungto (danay,
Kay agsub an bungto nasaka
“para sa kauswagan” sadton namumuyo; Danay;
Agsub adton namumuyo
Gintatabog paglusad sa dampog)
Didto siton sa bungto may ... gutiay nga mulupyo, Naubo ngan naharok
Sa rapadapa san ginoo.
Akapurupaling’nga-na bisan singnga nasyun-na si Boy. Kon pinsar-na hamok, pagkatala na si tinakkahan- na. Gamit i ripak-ripak manggad nga aniya’ iya ina’anto kaya-na nga a’addo i dimu’an karuyag-na.
Adda allaw, ngan bali gayod pagragitnitan si sirak-na si allaw, malipayon i kasing-kasing-na si Boy nga agparatitili’-na tikang sa tallo andanas na ruma’ nga i bali pagkahaway ngan pagkahaya pitak-na. Pagkahalap pa ba’ si pamurubu’ut na, nga kon santup-na hamok i dimu’an, ga’le na kinahanglan kuwistiyon na i satakka na ina’anto, kay intiro to tikang sa gana’ kahuhuwayunna pagtitiwis si mga dangga-na padai’ray si lapok nga tinikangan-na.
“Abadaw!” i gasud-na si Boy ngan akasamaran i tamburu’-na ngan pagparatabas-na si parayan. Patarang’as may dayon si atubangan-na i amo nga tagtawa’ si parayan nga ag gasud-gasuran-na namay iya si ga’i paglikay-na. “Sumiran daw sa karap-karapan kami’ i tama’ pasahod nga kunta’ ang angay si kabudlayan kami’ pirmi. Ngan sumiran daw sa karap-karapan kami’ i tama’ pagtratu-na si mga day sa’i na paragtintar bu’aya kun makatagal si kami’. Kapa’i kay bisan i kaduruto ma’in pa gihapon hitso nga armas para sakarap-karapan kami’ i mahalap kinabuhi’?” I allingun-na si Boy si kalugaringun-na ngan panalikut-na si amu-na miyintras pa iya asamad gihapon.
Nakarating na si Boy sa kung saan-saang bansa. Kung babalik-tanawin lang niya ang lahat, napakalayo na ng kaniyang narating. Gamit ang sako-sakong salapi na mayroon siya ngayon, kaya na niyang bilhin lahat ng gustuhin niyang magkaroon.
Isang araw, habang tirik na tirik ang araw, tila nakasakay sa ulap ang puso ni Boy habang
pinagmamasdan niya mula sa kaniyang tatlong palapag na bahay ang kaniyang malaki at malawak na lupain. Napakasarap ng kaniyang pakiramdam habang kalmadong nagmamasid, lahat ng natatanaw niya ngayon ay bunga ng di mabilang-bilang na pawis na tumagaktak sa lupa na kung saan siya nagmula.
“Aray!” ang pasigaw na sambit ni Boy nang masugatan ang kaniyang kamay habang nagtatabas sa palayan. Kasabay noon ang biglaang paglitaw ng amo niyang walang pakundangan siyang hiniyawan sa kaniyang katangahan.
“Kailan kaya namin makakapa ang tamang pasahod na nararapat para sa lahat ng paghihirap namin? At kailan kaya namin makakapa ang tamang pagtrato sa amin ng mga buwayang lubog kung mangmanipula? Bakit tila maging ang kasipagan ay hindi pa rin nagiging sapat na sandata para tuluyan naming makapa ang magandang buhay?” ang tanging nasambit ni Boy pagkatalikod ng kaniyang amo bago pa siya muling masugatan.
An paray ginpara obserbaran ko
TIkang san itanum ngadto san iya pagdako
An sudang, an uran, tanan iya gin antos
Adto la gihapon, nakatindog wara pagpadaog
Kaya man sa luyo sa iya pinan agi-an
Yana, adto siya nagbubunga na sin bulawan.
“Buhat dida!” ughaw mo
“Ngan tikang-tikangi an lakaw diretso.
Sugaa si kuan basin hitubtob s’im mga hingyap.”
Makapira na ba hipakulob? Kasuol. Kasumo.
Dikan an pirmi sagdon: diretso an lakaw.
Bagaw mo pa “wa’y kabubuwasan an wa’y pangarap.”
Hala, hala. Padayon!
Ak’ kahim’tangan,
Pinipirit gad makalarga sa lab’ugan.
Maka-sayò pa, hipakulob utro; An nasayod san ak’ ampo: “bulig! kay di ak’ nakaya”
Utro, “buhat dida!” ughaw mo.
“Hibaro paglugaríng. Sugaa si kuan
Masarig an rapadapa. Ngan padayon la. Baktas an dalan, ayaw kahubya
Basin an hingyap, maab’tan mo.”
Mabanhod na ak’ tuhod.
Hubag an bul-ong, buru-og na tudlo. Bis’an pagtugbos lupaypay, Naghihimatay.
Sugaa kuno si kuan, kay iton maupay an rapadapa.
Siring ko gihapon: kay iton si kuan, de-medyas in tilarga; Kay iton si kuan, an suwilas san sapatos, duha ka dupa. Mabusag an rapadapa, mahumot tungod hinaplasan politika.
Ngan an salapi...himangraw ka pa?
Sanglit iton si kuan, matadong an rampa.
Bisan balod-balod an dalan, may taga-alsa.
Karuyag ko man, kudi makuri sug’on si kuan.
Kalag’yan ak’ dalan; sigad a kanya.
Diri gad masugad nga waray hiningyap
Kay si ako, unsahay nga kablas—
An dinak’an kakarab’wan ngan upa;
Alambre an nagdudugtong sa sipit nga pitas, Ngan kibal nala an pirit nag-aalsa
Sa pagkatawo nga tinamak-tamakan pa.
Aadto, higtaas gad ta’k hingyap.
An pagsagka, bangin masayon gad kunta Kun parehas la amon rapadapa.
May mga damdamin na kailangang supilin at ikahon upang walang makaalam sa tinik na nakapaloob.
Kukulayan ng matitingkad, mga salitang tila kagandahan ang katumbas. Ngunit, mali ang mambabasa kung inaakala mong tama ang iyong tinutuklas, sapagkat binalot ng makapangyarihan ang bibig ng mga salat. Tama ang kanilang narinig ngunit hindi pwedeng ipagkalat—dahil katumbas ay kawalan ng pagkakakilanlan. Mabubulag na lang sa nakikita, mabibingi sa maririnig, dahil iginapos na sa tanikala ang tinik ang nag-aalpas na salita at damdamin. Kahabag-habag ang mga dukha, piring ang mga matang naglalakad sa kaparang. Kung kaya’t ang bayang hindi nagbabago ay mananatiling nasa baba, walang pangalan.
Ito ang kanilang gawi, sapagkat sila’y may mga kanin sa hapag habang ang iba’y mais ang pinapain sa tiyan. Kaya hindi totoo na ang mundo ay parang gulong, sapagkat hindi ito umiikot. Ang nasa taas ay laging nasa itaas at ang nasa baba ay laging mababa. Subalit, huwag ninyong hayaan na lupigin ang inyong karapatan na lumaban at magmahal sa bayan. Dahil may boses ang isang katauhan, mahina man ngunit may bisa. Kaya’t mag-aklas kung inaapakan ang dignidad, sapagkat, hindi natatapos ang digmaan at meron pa tayong mabigat na kalaban—ang manlulupig, gayun din ang mga bibig na binusalan.
Siplat! hatag higayon!
Takna sin paghayaw sadton kinadenahan
Mga dila nga nagsamad na
Tungod sin alambre hinigtan
Hingan yamsak sin hilom
Bagan tarahiti yakan nga binubuhian
Kun hain pag-ikukuligi sin pagpahimutang
Mao man maatakar dadlagan siton kakabayohan
Usa kadali sarigumok, kiriskis san balitaan
Kakan’o ba binati huring siton binusalan?
Kun aada paas ngan sin ginhawa kinuhaan?
San’o ginpasidunggan bangokngok sadton nawad’an?
Kun aada napad-an na sin hayag ngan nagtatahos sin kadulman!
San’o magkakamay-ada yungod an waray lingkuranan?
Kun hitaas an hangad sadton may katigayonan!
Ngan nagpapakabungol sadton nakamhag san iya tagiliran?
Kakan-o ka nangusog?
Nanalimbasog sin pag isan?
Waray! Tungod kay sin hukip ginbandahan
Waray man nahinumdom sin pagliso
Waray nanginlabot pagpasimangar!
Inabuyon san sulog ngan nagpa-as-as
-lugod nakighangkopay sadton sirot
Ginkaon na sadton hulop iya kabug’usan
Kiblan na sugad sin tan-ag nga makuri ipisan
Iniiloban an digurok, hinay-hinay
Lupig adton dalogdog kun hirani pamatian
Malan nagtitikarakdag la hani
Dapit naraginit kun dinodot’an
Intawon, manggad na mapukan
Kun magbukang kataragman
Dida nagdamo an ngula tungod kay dila binigkisan
On metro nga kiwaso manggad kalop-an
Barikos in pabilin, ulat hinumdoman
Masikla kadali hadlok nga himugtosan
Tarom in sinisiplatan agod hanap sin pagdepensar
Nagtikarapok waray sarig kay san tuna nakawan
Ngani tindogi an katadman
Sagdi kun umawas dugo siton dughan
Kurinit, gasuri ayaw pag-alang!
Ayaw hulat nga pagbahin-bahinon ka sin kapitoan
Kawang an isog kun tiokok wait nga kahilab’an
Igpadungog an ngurutob, ayaw hilom san kadam’an
Suriti adton hurotib-hutib ngadaw maglaga sin kadak-an
Hinumdomi, diri naapartar an kalayo kun nadagkutan
Igpapadayon pa ba adton ginladngan?
- Kay kun sugad, nano kay nagtitikaatras an dalagan?
Plastado an pagtahi sadton hingyap
Kudi’ paonan’o ka hahatagan sin kasayuran?
Bagan ka nakighimangraw dida sa kahanginan!
Dayon yakan ngan taod-taod la, igpapalid sa
kawad’an
Aba gudman!
Sanglit nagpapatakas adton rikohanon
Ngan si ikaw mao’n nagtitikalubong
Ikaw nga nag-ukad sin hilarom
Mao’n masul-ong sa kauninahan.
Pudong nga baga, Ginakot sa huna-huna.
Hiunong sa huring, Hiunong sa huring, Mga magpan-os nga dila.
Mga uwat-uwat nga talinga!
Mga bulugon mga mata!
Tahubi, tahubi
Pati an kamatuoran, hala!
Panlagabong sa dughan, Dungan an taghoy san mga pusil.
Gasud, gasud paniguro.
Pangalipay, mga kademonyuhan!
Panngoy-ngoy, mga iroy!
Magburugto san sinirang an sudang; San pangiklop, an kamingawan.
‘Nano daw an ginkasinahan
Kay san utro nanugaok an manok, Mga dahon, ugbos ngan uga, Sa hawan pinanrarahig na.
Bravenard
Pakiusap, hayaan mong subukan kong
magkwento
Isatitik ang mga nakatagong misteryo
Sa likod ng hinagpis at ‘di pagtahan
Dahil hindi pa rin ako napakikinggan.
Hayaan mo sana akong makaraos
Upang kahit nanunuot pa rin ang sugat
Magawa kong maghilom at makabalikwas
Kahit ‘di ko batid kung paano.
Susuong sa darating bukas.
Minsan kitang inilaban
Sa kabila ng pangungutya at pangamba
Na kahit hindi nila ako panigan
Pinili pa rin kitang ipaglaban.
Dugo at pluma ang tanging sandata
Maging ang buhay itataya
Makamtan lamang
Ang pagbabago’t hustisya.
Para sa isang midyang mapagpalaya.
Dahil hindi lang ito tungkol sa iyo
Bagkus sa bawat inabuso,
Sa mga hindi napakinggan,
At sa bawat istoryang itinala
Hanggang sa huling patak ng pluma.
Mananatiling bulag kahit walang kapansanan, mananatiling alipin sa sariling bayan; ilang taon pa ba ang dapat lumipas? ilang termino pa ba ang magwawakas?
Sa bayang di magiliw, makapangyarihan ang mga sakim
Sa alab na tumataimtim habang ang perlas mo’y umiitim, Tayo’y manatili lamang numero, sa kanilang namumulang paningin, sadyang pinaghirap kahit ayaw magpasiil, pilit pinababa para murang bilhin.
Sa lupang aking sinilangan edukado pa ang mga gahaman tahanan ng aking lahi, ang mga magnanakaw nagwawagi.
Mananatili Magtitimpi Magkukunwari
Sa tanikala na nakagapos sa bansa; sariling mga pinuno ang syang may sala.
Makikibaka
Mag-aalsa
Pabagsakin ang sistema
Sa ritmo ng himagsikan, sasayaw ang mga nilapastangan.
Ilang taong ginapos, kinadena
Sa kamay ng mga matapobreng pasista, Tinawanan, pinatay, binaboy, Sa nilalangaw na eskenita.
Sabay tapon ng droga sa katawan, Kahit hindi naman nanlaban, Ilang taong ginapos, kinadena.
Ilang taong ginapos, kinadena
Ng mga edukadong gahaman.
Tinataga ng mga salita’t tinta
Ng mga katipunerong kabataan.
Sinakal ng kamay na bakal,
Inanihan ng armas at granada;
Ilang taong ginapos, kinadena.
Ilang taong ginapos, kinadena
Sa bawat sigaw para sa pagbabago, Kaakibat ang pag-iyak ng mga tao, “tama na, ayoko na”—kailangan na mag-alsa!
Lalaban para sa masa, pero tinakpan ang bandera, Dinakip, kinulong, pinatay, inisa-isa.
Ilang taong ginapos, kinadena— kailan kaya lalaya?
“Let us sing to you, oh UEP” 31 | SANDATA
“Unsullied loyalty, we do pledge.”
SANDATA
“Let us sing to you, oh UEP”
Tayo’y umawit para sa UEP, para sa namumulang karagatan; para sa dumidilim na kabundukan; at para sa bukid na walang anihan—tayo pa ang masusugatan.
“Let us sing to you dear UEP”
Sabay-sabay tayong umawit para sa unibersidad na siyang institusyon ay bulag, pipi, at bingi sa sigaw ng mga estudyante. Pakinggan natin ang armonya na nagkakaisa sa mga politiko’t dalubguro—ang samahang mapagsamantala—mga edukadong gahaman na binago ang sistema. Sabay-sabay nating awitin ang dating himnong bumuhay sa’tin na ngayo’y elehiya na magbabaon sa mga bangkay natin.
Kami na ang magpapadaloy. Kami ang dugo na bubuhay at magpapatuloy. Kahit anumang higpit sa pagkagapos sa kinakalawang na tanikala. Kahit anong asido ang ibuhos sa ginto, at kahit umitim ang kalangitang asul. Patuloy pa rin dadaloy ang aking tinta. Patuloy na tatakbo ang makinarya ng pagbabago at pakikibaka.
“Unsullied loyalty, we do pledge.”
Walang dungis na katapatan ang pinapangako. Ngunit, pinakita ang walang katapusang pang-gagago. Kailan kaya titino ang sistemang kinalakihan at humubog sa’kin? Kailan kaya uupo ang tunay na tutulong sa’tin? Mahirap bang umasa ng konting katapatan? O kahit tulong naman sa’ming pangangailangan? Para ba talaga sa lahat, o para lang sa mga gahaman?
Tanikalang iginapos sa katotohanan, Nagmistulang palamuti, buhat ng mabulaklak na kasinungalingan.
Hindi ka ba nagtataka
Kung bakit ang mali ay naitama?
Hindi mo ba nakikita?
Pinaglalaruan ng tadhana.
Paano nga ba mapakikinggan
Kung boses ay pinipigilan?
May busal ang labi’t may piring ang mata
Kapalit ng pangakong pag-asa,
Hangin ang nagdala.
Naisin mang isatinig,
Hindi makuha ang tamang himig.
Walang kakayahan ang bibig
Hikbi’t pakiusap paano maririnig?
Sa mundong binabalot ng dilim,
Tanikalang nakapalibot,
Kandado’y lihim.
Gisingin ang natutulog na dedikasyon sa iyong puso
Pukawin ang nananalaytay na tapang sa iyong dugo.
Balikan mo ang nakaraan
Isiping mabuti ang pinagmulan
Alalahanin kung paano pinakawalan,
Pluma at tinta, inilahad ay kalayaan.
Letrang sumasabay sa pintig ng puso,
Tinta’y gawing dugo
Kalayaan sa paglalahad matatamo.
Sa bawat patak ng tinta, Isiwalat ang mga pinigilang salita
Kung tinig ay di mabisa, Sa papel iukit ang mga kataga.
Gawin mong patalim ang pluma
Hayaan mong sa bawat pagdikit nito sa pergamino, karapatan mahulma.
Natatanging dimensyong di magagapos ng kadena
Sandatang tatarak sa isipan, di mawawala.
Nakakarawat ka na ba?
sa kwarta na ginhatag tikang sa bulsa bulsa nga ginhabi sa bulawan bulawan nga kinawatan.
Nakapili ka na ba?
sa tawo nga tangkod ngan may kapas nga ipapakita ipapakita nga ungod nga serbisyo serbisyo ngadto para sa tawo.
Nagpadara ka ba?
sa mga saad nga kagtatam-is pamatian ngan babawi-on ta unina unina nga panahon imo pagbabasulon pagbabasulon sa pira katuigon.
Nauwat ka na ba?
sa mga tawo nga puro buwa an naguwa sa hiwa hiwa nga nakakahilo sa kada kalag kalag paghirot, panulay diri nabulag
Nabido ka ba? nga imo pagkatawo sa iba ginbaligya ginbaligya an konsensiya sa dosmil kinyentos dosmil kinyentos nga diri makabaralos.
An bagaw, di nasusukol
An bug-at san gugma
Sa inggat san bulawan, Sa kadamo san rayandayan, Kun salmon o bangkulis, Kun premium o NFA, An halad
Di nasusukol sa kilo o gantang
Di natatakos, di natitimbang.
Kudi gugma
Masuol ka danay sa dughan
Kay gugma di ka makatambal
Sa hadlat san tiyan
San ak pinaura, ak mga linangga;
Im paso di naabot
Sa napintan nga surok-surok
Pagbabaktas pauma
Paglalaspay palawod Kay gugma,
Di ka nasusukol sa kilo o gantang
Di ka natatakos, diri natitimbang
Di ka mapiprenda
Sa Mlhuillier o Palawan An bagaw, Makuri mabuhi sin waray gugma
Kudi duroy kakuri
Kun gugma la an may-ada.
In the land of my birth, where culture holds sway, A sickening truth rears its head today. Families hush whispers, turn blind eyes, To protect their sons, they spurn their daughters’ cries.
What madness is this, what twisted decree, That shields the predator, abandons the free?
In the name of harmony, they silence the screams, While innocence shatters, shattered dreams.
How dare they prioritize peace over pain, Allowing monsters to roam, unrestrained?
Their daughters, their nieces, their sisters betrayed, Their anguish ignored, their justice delayed.
Shame on the fathers who turn a blind eye, And the mothers who silence their daughters’ outcry. They’re complicit in crimes, they’re enablers of sin, Their silence roars louder than the devil’s din.
So let the rage of the silenced ignite, A storm of fury, a tempest’s might. For the daughters of this land demand their due, No longer silenced, no longer subdued.
May their wrath be felt, may their voices ring clear, As they shatter the silence, dispel the fear.
These people’s cowardice exposed, their sins laid bare, May they drown in the fury of daughters’ despair!
Pagdilim ng kalangitan ang senyales ng delubyong paparating sisira ng mga kabahayan, maging pangarap ay ililibing. Ilulubog nito ang buong bayan. Daanan ay ‘di na muling mababagtas, mawawala, masisira, tatangayin ng ulan at baha. Mga pangarap at pag-asa, hindi na muling maibabalik, tuluyang hihikbi sa gilid, tatangis ang mga mata, ang kalangitan. Bakit nga ba kasi pinagkakatiwalaan ang mga mapanlinlang.
The wheels on the jeep
Go ‘round and round
Round and sound
Loud and proud
The wheels on the jeep
Go loud and proud
All through the town
Then the wheels on the jeep
At once, hit breaks
Down and flat,
Dreams at stake
The wheels on the jeep Will be replaced
Said the ribboned politicians
Now the wipers on the jeep
Go swish swish swish They wish wish wished They won’t get ditched
The wipers on the jeep Can’t wipe the tears Of their poor old back-bent drivers.
Mga napaglumaan na muling paglulumaan
hanggang sa walang kamatayang kalumaan.
Wala nga bang kalumaan, O walang kamatayan?
Sapagkat ang mga luma ay hindi basta luma.
Ang mga mantsa ay hindi lamang mantsa.
Ang gusot ay marka ng katotohanan.
Ang mga butas, punít, ay simbolo ng pakikipaglaban.
May ilang dumating, duguan, at umaalingasaw.
Itatambak, lalabhan, kukusutin, titiisin.
Susubukang tanggalin ang mantsa ng krimen, Ibabagsak sa bodega’t bubuksan para bilhin.
Ang itim ay ang pumatay.
Ang dilaw ay ang pinatay.
Itim na de kwelyo ang lumasap sa sarap, Dilaw na daster ang bumubulong ng tulong.
Mahirap silang piliin.
Maya-maya’t titingnan at ibabalik din, “Magkano ito?”, “Singkwenta”
Kukunot ang noo, aamuyin, iiwang nakasalansan.
“Kwarenta nalang.”
Hindi pa rin kukunin.
Isang linggo na sila dito,
Animo’y isang linggo na rin hindi matagpuan ang tunay na may-ari.
Nagtatago, ang isa ay itinago.
Sekretong habang buhay itatago, Ngunit hindi habang buhay maitatago.
Sa wakas ay binili rin.
“Parang mabigat sa balikat,” Iwawaksi ang tingin, Titingin sa salamin.
Sukat ng babae ang daster na dilaw, Habang may kakaibang nilalang na sa kanya’y nakadungaw.
Di bale ay nabili naman na. Tapos na ang kilabot at pangamba.
May darating na isang sakong bale, Hindi na naman patutulugin ng ilang gabi.
In a realm of scholars, writers, and pens, oppressed by a regime that suppresses their lens. Their words, their voices, their truths they defend, as they stand against tyranny, their courage transcends.
Amidst the shadows, a spark of defiance, in the hearts of the learned, a burning alliance. Their pens wielded as swords, in the face of reliance, on falsehoods and oppression, their ink forms compliance.
But the path they tread is fraught with peril, as the rulers seek to silence their quill. Yet, the scholars and writers, their spirit imperil, as they stand united, against the tyrants’ shrill.
With minds filled with knowledge and hearts ablaze, they refuse to be silenced in the government’s maze.
For they know that true power lies in the words they raise, as they fight for a future where justice stays.
And so, the struggle continues, the scholars stand tall, Their pens poised and ready to answer the call.
For they know that their words have the power to enthrall. And they will not rest until freedom covers all.
SharleneMaeCapate
Ini an rason kun kay nano nga an pinit naharok sa tuna kun tikasisirom
Tikang san pagbunayan, ini an imo ginkahigad-an
Balik, hapa ngan harok kay ikaw didi tikang
An tuna an imo ginikanan
Iton an kamatuoran nga diri mo angay hingalimtan.
Bug-os adlaw ikaw nakadto sa bawbaw
Mapaso man o mapinit an pader, pwerte paniguro, waray ukaw
Lurulukso, tadog tadog panhanap pagkaon
Kay mao iton an kinabuhi, bagaw pa sito darawhanon
Salit ini an rason kun kay nano nga an pinit naharok sa tuna kun tikasisirom
Kay an kinabuhi san pinit pareho sin arom
Kahuman san paniguro, nabalik i-ginuuran, ngan nabalik sa pagdulom.
Mga Patnugot at mga Kawani
Niño Anthony Petalbo
Punong Patnugot
Trisha Mae Docil
Kawaksing Patnugot
Antoine Jusherand Obieta
Punong Dibuhista
Angelo Surio
Patnugot sa Balita
Ayessa Mae Esquillo
Mark Kendrick Orsua
Mga Tagalapat
John Esposo
Mariel Mejos
Mark Panarigan
Queen Pearl Mhae Surio
Mga Litratista
Marwin Taco
Tagapamahalang Patnugot
Val John Grajo
Punong Tagalapat
Clowie Gordo
Patnugot sa Lathalain
Greg Antonnie Poldo
Kawani
Katrina Magdaraog
Ira Marie Ambida
Mga Tagapamahalang Pinansyal
Atty. Michael Pecayo
Tagapayong Teknikal
Paul Melbert Gallano
Punong Litratista
Edizon Jao
Tagapamahala ng Social Media
Shan Mykel Alhambra
Ezra Balanquit
Gellin Bañez
Jomel Modrigo
Eljam Renz Padilla
Fidel Sabangan
Mga Dibuhista
Taos-pusong ipinaaabot ng The Pillar ang pasasalamat at pagkilala sa lahat ng mga taong naging bahagi upang maisakatuparan ang pagbuo ng Literary Folio na ito kabilang na ang mga sumusunod:
• Sa lahat ng sumuporta at gumabay sa pagsasapapel ng kalipunan ng mga akdang ito.
• Kay Atty. Michael Pecayo (Tagapayong Teknikal, The Pillar)
• Espesyal na pasasalamat din kay Francisco S. Gaco sa pagbahagi ng kanyang talento at kaalaman sa pagsasaayos ng artikulong Karap-Karap na may lengguwaheng Inabaknon.
• Sa lahat ng nga manunulat, dibuhista, at litratistang nagsumite ng kanilang mga akda sa amin. Ito ay tunay na nagpakita ng silakbo ng inyong mga damdamin sa larangan ng sining at literatura
• Kay Aaron Amar, Lloyd Zapanta, at Freeedom Fonts sa paggawa ng typefaces (Quiapo, Baybayin Sisil, Kapayapaan) na ginamit sa Literary Folio.
• Sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa mga layunin ng organisasyong ito.
MGA OBRA:
[Pabalat,17,62]
Ezra Balanquit
[Nilalaman,TribalGraphics]
Ayessa Mae Esquillo
[43-46]
Wendy Sorio
MGA LITRATO:
[7,8]
John Esposo
[Nilalaman,9-12,31-34,49-52]
Antoine Jusherand Obieta
[23-24]
Shan Mykel Alhambra
[47-48]
Val John Grajo
[Nilalaman,3-6,21-22,62]
Eljam Padilla
[25-26,35-38]
Mark Kendrick Orsua
[55]
Gellin Bañez
[1,39,59]
Fidel Sabangan
[39]
Mariel Mejos
[63-64]
Jomel Modrigo
[13-14,15-16,27,30]
Mark Panarigan
[41-42]
Mariel Mejos
[53-54]
Queen Pearl Mhae Surio