ISSN # 2244-5218
ISSUE 5
THE OFFICIAL STUDENT PUBLICATION OF POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES SAN JUAN CAMPUS
OCTOBER 2013 — MAY 2014
You and 1200 others like this. Comment. Share. MYRON DANIELLE MONTEFALCON Biyernes ng hapon noong narinig ko na namang kumakalam ang aking sikmura. Dahil bakasyon, karamihan ng mga Isko ay butas na naman ang bulsa, kabilang na ako. Kaya sa araw na ito, dose pesos lamang ang badyet ko para sa meryenda. Eksaktong nakita ko si Manong Felix at tinanong ko siya kung ano ang kayang bilhin ng dose pesos ko. Sabi niya, anim na pisong fishball = 9 fishballs + apat na squid balls + isang kikiam + isang napakalamig na ice tubig (Sige, i-calculate mo pa, tama „yan, ako pa!). Marahil hanggang fishball, kwek-kwek at malamig na tubig lamang ni Manong ang kaya kong mabili at hindi pang Starbucks, Yellow Cab at Krispy Kreme. Sa panahon ngayon, tila wala ka na halos mabibili sa halagang dose pesos. Pero sa PUP, sa halagang dose pesos ay kaya na nitong maabot ang iyong mga pangarap sa buhay. Teka muna, President De Guzman, bakit nga po ba hanggang ngayon ay P12 kada yunit lamang ang tuition fee sa PUP? PRESIDENT EMMANUEL DE GUZMAN
“We remain committed that tuition in PUP, the lowest collected from students of state colleges and universities in the country, should be affordable and that our university continues to offer quality education for the sons and daughters of the poorest families in our country.” MYRON DANIELLE MONTEFALCON Ah. Ganun po pala Sir. Salamat po sa impormasyon! :) Kayo, mga isko at iska, kumusta naman at ano na ang naabot ng dose pesos niyo? MELCHIZEDEK BAUTISTA (ISKONG GITARISTA) “Sa 12 piso na „yan, nakatuntong ako sa panibagong yugto ng aking buhay. Isang taon na naman ang lumipas at nasa ikatlong taon na ako. Natutunan ko kung paano bigyang-halaga ang bawat pera na ibinibigay ng aking mga magulang para maitaguyod ako sa pag-aaral at magabayan patungo sa isang mabuting kinabukasan. Nahubog ako na magpursiging mag-aral para makapagtapos at maibalik ang tulong na hinagulgol ng aking mga magulang para sa akin. Tinulungan ako nito na bigyang-pansin ang mga dapat unahin sa panahong ito. Binigyan din ako ng isang oportunidad na gaya ng nakararami. Marahil sa iba, ang 12 piso ay kulang pa para makamit ang mga gusto nila sa buhay. Pero para sa akin, sobra sobra ito dahil binigyan ako ng pagkakataon para maabot ang pangarap ko.” MYRON DANIELLE MONTEFALCON Rock „n Roll! Kuya Isko \m/. Isa kang inspirasyon hindi lamang sa larangan ng musika kundi pati na rin sa pagiging isang Iskolar ng Bayan. Wait lang guys, pupunta muna ako sa Marketing class ko. Babalikan ko kayo. Aha! Branding nga pala ang topic namin. :D ISKONG CEO Speaking of Marketing. Sa mundo ng Marketing, maihahalintulad ko ang PUP bilang isang katangi-tangi na brand. Sa mababang halaga ay nakakapagbigay ito ng dekalidad na edukasyon at hindi lamang nagbebenefit ang PUP (company) bagkus nagbebenefit din dito ang mga estudyante (customer) para makapagtapos ng pag-aaral at para sa ikauunlad ng ating bansa (society). MYRON DANIELLE MONTEFALCON May quiz pa pala kami guys sa Economics. Aral aral din pag may time. ISKONG EKONOMISTA Kung babalikan natin ang mga itinala ukol sa aralin sa Ekonomiks, ito marahil ang tinatawag na “opportunity cost” para sa “long-term investment”. Ayon sa Investopedia, “Opportunity cost is the cost of an alternative that must be forgone in order to pursue a certain action. Put another way, the benefits you could have received by taking an alternative action.” Gamitin natin itong formula, P12/yunit x average units na 21 x 2 semestre x 4 na taon sa kolehiyo = P2,016.00. Marahil ang P2,016.00 na ito ay maaari mo nang ipangkain sa isang buffet pero dahil sa “long-term investment” ng gobyerno sa atin sa pamamagitan ng PUP ay pwede natin ito kitain pagkatapos natin makapag-aral. Tiyak ako na hindi lamang pang-isang araw na buffet, bagkus makakainan mo pa halos lahat ng restawran sa buong bansa. Hindi lamang maibabalik ang dose pesos mo, madodoble at matitriple pa ito. MARY ELAINE LOPEZ (ISKANG TAGA-BANGKO) “Dose pesos „yung naging pamasahe ko sa lakbay ng buhay ko papuntang finish line. Nakapaloob sa lakbay iyong napakaraming aral at karanasan na kung bibilangin mo at bibigyan ng presyo, sobra sobra pa sa dose pesos, may sukli pang bonus para matupad ang mga pangarap mo.” ANGELA MILAÑEZ (ISKANG I.T.) Anong naabot? Marami! Sapat para maabot ang pangarap kong makatapos. Sapat ito para mabusog ang aking isipan na siyang magagamit sa hinaharap. Lalo pang nagpatunay na maraming naabot ang dose pesos ko dahil nitong susunod na semestre ay nasa ikaapat na taon na ako. Ang dose ko ay katumbas ng pagtulong sa pamilya ko at sa pag-unlad ng ating bayan. Saan ka pa? Ang dose mo, may sukli pang pag-asa at katuparan sa pag-abot mo ng pangarap MYRON DANIELLE MONTEFALCON Ikaw, ano naman ang kwento ng dose pesos mo?
inside:
PASKONG UGNAYANG PILIPINO GIVES WAY TO THE RISE OF OSCA
Pambansang kumperensiya sa kasaysayan...
#DiMoKaya si lola tindeng, da wander lola
Purpose driven The burden of screwed driver knowing sex
Pg. 3
Pg. 8
Pg. 5
Pg. 7
/Paraseist
@Paraseist
Pg. 4