Nagwagi bilang kampeon ang dalawang debaters mula Mariano
Marcos State University Laboratory High School (MMSU-LHS) sa naganap kamakailan na Ilocos Norte Debate Open 2024-British Parliamentary na pinangunahan ng Ilocos Norte Debate Union....
ipagpatuloy sa pahina 4
TAGAPANDAY NG KATOTOHANAN
ni: Bryghet Quinay Tanong ng nakararami sa amin, may bago na nga ba? May naitulong nga ba?
NGITING TAGUMPAY. Kasama ang kanilang tropeyo, buong pagmamalaking tinanggap ng mga mag-aaral ang tagumpay na nagbigay-dangal sa paaralan at inspirasyon sa kabataan.
Tagumpay ng Kabataang Ilokano: MMSU LHS, Pinarangalan
Namayagpag ang grupo ng mga mag-aaral mula sa Mariano Marcos State University Laboratory High School (MMSU-LHS) Laoag Campus matapos masungkit ang unang puwesto sa EDUtech Asia 2024 Planet Protectors Sustainability Challenge na ginanap noong ika-6 hanggang ika-7 ng Nobyembre sa Sands Expo and Convention Center, Singapore. Ang grupo, na kinabibilangan nina Adrian Jed V. Cacao, Rvee Anne Vanessa G. Cid, Ynnah erese S. Salenda mula sa ika-10 baitang, Ava Laureen Graciela M. Quillope at Zhanaerelle Jae M. Agcaoili mula sa ika-9 na baitang, ay buong sigasig na ipinamalas ang kanilang inobatibong proyekto, ang GBean App—isang all-in-one platform na naglalayong solusyunan ang mga hamon sa pamamahala ng basura.
Sa gabay ng kanilang tagapayo na si Gng. Jean A. Arellano, kasama ang suporta ng school principal na si Prof. Philistia Mercuria Bagayas at ang Student A airs and Services Coordinator na si G. Al Cameron G. Avila, ipinakita nila ang kanilang husay sa larangan ng teknolohiya at pagkamalikhain.
Sa pahayag ni Dr. Aris Reynold V. Cajigal, Dean ng College of Teacher Education, sa kaniyang pagkilala sa mga mag-aaral, “I extend my heartfelt congratulations to our High School Students for this signi cant achievement. eir success highlights the high-quality education we provide at our Laboratory Schools.” (Ipinaaabot ko ang aking taos-pusong pagbati sa ating mga mag-aaral para sa tagumpay na ito. Ang kanilang tagumpay ay nagpapakita ng mataas na kalidad ng edukasyon na aming ibinibigay sa ating Laboratory Schools.) Dagdag pa ni Dr. Cajigal, ito ay inspirasyon sa kabataan na maging aktibo upang mailabas nila ang kanilang potensyal na lumikha ng mga inobatibong solusyon na makakatugon sa mga isyu ngayong panahon.
Malugod ding binati ni Gobernador Matthew Marcos Manotoc ang mga mag-aaral sa kani-lang tagumpay noong ika-21 ng Nobyembre sa Provincial Capitol. Kinilala at pinuri rin ng mga opisyal ng Lungsod ng Laoag ang tagumpay ng mga nasabing mga mag-aaral, dahil dito, sila ay ginawaran ng sertipiko ng pagkilala noong ika-116 na Regular Sesyon ng Sanggunian Panglungsod na nilagdaan ni Vice Mayor Rey Carlos M. Fariñas at ng ilang miyembro ng Sanggunian Panglungsod.
Sa kabila ng kanilang tagumpay, ibinahagi ni Cacao ang kanilang mas malalaking plano sa hinaharap, “Yes, we are currently dra ing our project proposal and implementation with the school, the city government, and the provincial government for proper funding and implementation.” (Oo, kasalukuyan naming binabalangkas ang panukala ng proyekto at ang implementasyon nito katuwang ng paaralan, ang pamahalaang lungsod, at ang pamahalaang panlalawigan para sa tamang pagpopondo at implementasyon.) Dagdag pa niya, patuloy nilang papaunlarin ang kanilang app upang maging mas kapaki-pakinabang at maipasa pa sa iba’t ibang patimpalak at eksposyum.
Tunay na maipagmamalaki ang tagumpay na ito, hindi lamang ito nagdudulot ng karangalan sa paaralan kundi nagbibigay din ng inspirasyon sa iba pang kabataan na bumuo at lumikha ng inobasyon at kahusayan sa kanilang mga gawain.
sa EduTech Asia 2024
Epekto ng Climate Change, Lumala: Kanselasyon ng Klase Tumagal ng Ilang Linggo
ni: Jamilla Orbeta
Sinalanta ng sunod-sunod na bagyo ang bansang Pilipinas, lalo na ang Luzon, mula sa katapusan ng Oktubre hanggang sa kalagitnaan ng Nobyembre, na nagdulot ng pagkansela sa mga klase at trabaho.
Ayon sa World Weather Attribution (WWA) service, ang pagbabago ng klima o climate change ang nagpalala sa mga kondisyon na nagsanhi sa pagbuo ng mga malalakas at sunod-sunod na bagyong tumama sa bansa.
Isa ang probinsya ng Ilocos Norte sa mga naapektuhan kung kaya sa pangunguna ni Gobernador Matthew Marcos Manotoc, kanyang sinuspinde ang mga klase at ilang trabaho mula sa Oktubre 23-24 dahil sa Bagyong Kristine, sa Oktubre 31 dahil sa Bagyong Leon, sa Nobyembre 7-8 dahil sa Bagyong Marce, sa Nobyembre 11 dahil sa Bagyong Nika, at sa Nobyembre 14 dahil sa Bagyong Ofel.
Apektado rito ang MMSU Laboratory High School (LHS) Laoag na umani ng magkahalong mga reaksyon mula sa mga mag-aaral at mga guro. May mga natuwa dahil walang pasok, ngunit may ilan ding nag-aalala sa epekto ng sunod-sunod na bagyo sa bansa. Marami rin ang nabahala dahil sa pagkaantala ng mga naka-iskedyul na programa, tulad ng Cultural Festival ng Social Studies Club at ang 1st Quarter Examination, na kinailangang ikansela upang maiwasan ang mga epekto ng mga bagyo.
Ayon kay Gng. Lovelyn Calixtro, isang guro mula sa MMSU LHS Laoag, "Ang hirap dahil hindi na nasunod ang mga nakaplano sa lesson plan ko, kaya kailangang madaliin ang mga discussions upang makahabol kami ng mga estudyante ko bago magtapos ang quarter."
Dagdag pa ng isang mag-aaral mula sa ika-11 na baitang, “Pakiramdam ko ay kaunti lamang ang natutunan ko sa buwan ng Nobyembre dahil sa mga pagkakansela ng klase at pagkaantala ng mga aralin dulot ng mga bagyo.”
Ang sitwasyong ito ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng tamang paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad upang mapanatili ang normal na daloy ng klase at mapabuti ang sistema ng edukasyon sa kabila ng mga hamon ng klima.
Larawan mula sa EduTech Asia
Larawan mula sa KUAideation Challenge
6
OPINYON
UMARANGKADA SHS, Umarangkada sa UNFCCC 2024 Online Conference
PAGKAKAISA PARA SA KINABUKASAN. Mga mag-aaral mula sa Asya, nagtipon upang talakayin ang
Bagong Opisyal ng LHS Laoag, Pormal na Nanumpa sa Tungkulin
ni: JANELLA VIDAD
JAMILLA CASIE MEI A. ORBERTA
halal na opisyal ng Mariano Marcos State University (MMSU) Laboratory High School (LHS) – Laoag sa seremonya ng Induksiyon 2024 noong Setyembre 24, 2024. Idinaos ang makasaysayang kaganapan sa LHS Covered Court, na dinaluhan ng mga guro, magulang, mag-aaral, at iba pang mga opisyal ng paaralan.
Pinangunahan ni Propesor Philistia Mercuria P. Bagayas, punong-guro ng University Laboratory Schools (ULS), ang programa sa pamamagitan ng kaniyang inspirasyonal na pagbati. Sinundan ito ng pagtatanghal nina Alyssa Gail Duran at Mary Ysabelle Calaoagan, na nagpamalas ng kahusayan sa pagkanta bilang intermisyong bilang.
I pinakilala ni G. Al Cameron G. Avila ang mga bagong halal na opisyal ng Student Body Organization (SBO) para sa akademiko, interes na klab, at mga opisyal ng homeroom . Samantala, si Propesor Bagayas ang nagpakilala sa mga opisyal ng General Parents-Teachers Association (GPTA).
Nagbigay ng inaugural na talumpati si Rose Lyka C. Mainit, Pangulo ng SBO, na naglahad ng kaniyang mga plano para sa mas inklusibo at masiglang pamumuno sa paaralan. Sinundan ito ni Gng. Johanne M. Quillope, Pangulo ng GPTA, na nagbigay diin sa kahalagahan ng pagkakaisa ng mga magulang, guro, at mag-aaral para sa ikauunlad ng paaralan. Nagbigay din ng makabuluhang mensahe si Dr. Aris Reynold V. Cajigal, Dekano ng Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro, na kinatawan ni Dr. Mark Limon. Sa kaniyang talumpati, tinalakay niya ang mga mahahalagang aspeto ng mahusay na pamumuno, kabilang ang malinaw na layunin, maayos na komunikasyon, at responsableng pamamahala. Nagtapos ang seremonya sa isang makabagbag-damdaming awit na inalay ng mga bagong halal na opisyal, bilang simbolo ng kanilang dedikasyon sa tungkulin. Sa pangwakas na bahagi, nagtalumpati si Angel Rosevyl V. Vicente, Pangalawang Pangulo ng SBO, siya ay nagpasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na selebrasyon.
Ang Induksiyon 2024 ay isang makabuluhang okasyon na nagpatibay ng kahalagahan ng panunumpa sa tungkulin, pagkakaisa, at dedikasyon sa paglilingkod sa paaralan at komunidad.
JAMILLA CASIE MEI A. ORBERTA
Nag-uwi ng maraming parangal ang 23 mag-aaral ng Mariano Marcos State University Laboratory High School (MMSU-LHS) Laoag matapos itanghal bilang over-all champion sa National Science Club Month (NSCM) – Philippine Society of Youth Science Clubs, Inc. (PSYSC) Extreme Activity Challenge (PEAC) 2024 na ginanap noong Setyembre 28 sa BHC Educational Institution, Inc., San Fernando, La Union. Sa temang “Climaquest: Forecasting Wind Shifts, Charting Climate Future,” ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang husay sa iba’t ibang lektura, workshops, at patimpalak. Nasungkit nina Misha Viernes, Geero Borja, Angel Vicente, Myca Gamiao, at Jed Cacao ang unang gantimpala sa PEAC – Mathematics, Science, at Kapaligiran (MSKA) Interactive Workshop. Nagkamit naman ng ikatlong gantimpala sina Jamilla Orbeta at Jay Balaan sa PEAC – MSKA Engineering Science Challenge.
Samantala, pasok sa National Finals ng PSYSC Science Olympiad (PSO) ang Junior High School Quizzers na sina Rvee Cid, Vince Pascua, at Julius Samson matapos masungkit ang ikalawang gantimpala sa National Eliminations na idinaos sa parehong araw. Bagamat bigong makapasok ang Senior High School Quizzers sa finals, ipinamalas nila ang determinasyon sa kompetisyon.
Nagpakitang-gilas ang sampung mag-aaral mula sa ika-12 baitang ng MMSU-LHS Laoag sa prestihiyosong United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) 2024 Online Confe rence na ginanap noong Nobyembre 19, 2024. Ang kaganapan, na may temang “In Solidarity for a Green World” at kaugnay ng Conference of the Parties (COP 29), ay nagbigay-daan upang ipamalas ng mga kalahok ang kanilang kahusayan sa mga isyu ukol sa pagbabago ng klima. Pinangunahan ng Yang Mei Senior High School ng Taiwan, nilahukan ang nasabing online conference ng 35 na mga mag-aaral mula sa iba’t ibang bansa tulad ng Taiwan, Thailand, India, at Turkey. Ang bawat kalahok ay binigyan ng tungkuling kumatawan sa isang bansa, maglahad ng kanilang posisyon ukol sa mga isyung pangklima, at ipakita ang kanilang kasanayan sa pananalita, pagsusulat, at pagsusulong ng mga solusyon sa climate change. Umani ng mga parangal ang mga mag-aaral ng MMSU-LHS Laoag sa iba’t ibang kategorya. Nakamit ni Cariza Isabelle A. Ventura ang ikalawang puwesto sa Best Position Paper, samantalang sina Janella Pauline B. Vidad, Coleen Abigail V. Antonio, at Jed Patrick P. Salvador ay nagtamo ng ika-pito, ika-siyam, at ika-sampung puwesto sa parehong kategorya. Samantala, kinilala bilang Verbal Commendation Awardees sina Mary Ysabelle A. Calaoagan, Jamilla Casie Mei B. Orbeta, at Antonio. Dagdag pa rito, iginawad kay Calaoagan ang
prestihiyosong titulong Best Delegate. Kabilang din sa mga lumahok sina Erwin D. Garalde Jr., Geero Aisel V. Borja, Rose Lyka C. Mainit, at Robin David D. Gertes. Ang kanilang tagumpay ay nag-ugat sa mahusay na paggabay ng kanilang mga coach na sina G. Klien Zyrus P. De Jesus, Gng. Lovelyn A. Calixtro, at consultant na si Gng. Jeanette G. Dials. Ayon kay Ventura, “Ang event na ito ay nagbigay sa amin ng mas malalim na pag-unawa sa epekto ng climate change at ang aming responsibilidad bilang kabataan upang masolusyunan ito.” Dagdag pa niya na patuloy nilang isusulong ang mga adbokasiya para sa kalikasan at magiging inspirasyon para sa iba pang kabataan.
Ang tagumpay ng MMSU-LHS Laoag ay patunay ng kahandaan ng kabataang Pilipino na makipagsabayan sa pandaigdigang talakayan ukol sa pagbabago ng klima—isang malaking hakbang tungo sa isang mas luntian at mas magandang kinabukasan.
Science Clubbers, Namayagpag sa NSCM-PEAC 2024 AGHAM
Inuwi rin ng Junior High School Team ang ikalawang gantimpala sa I Press Play (IPP) Video Competition sa pamamagitan ng kanilang bidyong “The One We Choose: Understanding the Prospects of Climate Patterns Through the Lenses of Everyday Life.” Samantala, hindi pinalad ang bidyo ng Senior High School Team na makapasok sa top rankings. Ayon kay Geero Borja, isa sa mga nagwagi, “Sobrang nakakatuwa ang NSCM kasi marami kaming nakilala at naging kaibigan.
Overwhelming din na manalo ng first place.” Dagdag pa niya, ang teamwork at dedikasyon ang susi sa kanilang tagumpay bilang kampeon.
Ang matagumpay na pakikilahok ng MMSU-LHS Laoag sa NSCM-PEAC 2024 ay patunay ng kanilang dedikasyon sa agham at ng kanilang kakayahang makipagsabayan sa pambansang antas.
STEM EXPO 2024, Dinaluhan ng MMSU-LHS Laoag sa UPD
Ipinamalas ng mga mag-aaral ng Mariano Marcos State University Laboratory High School (MMSU-LHS) Laoag ang kanilang kahusayan sa agham at teknolohiya sa ginanap na Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) Expo 2024 noong Oktobre 7–8 sa University of the Philippines Diliman College of Fine Arts Theater. Ang STEM Expo, isang taunang kaganapan na pinangungunahan ng Philippine Society of Youth Science Clubs (PSYSC), Inc., ay nagtatampok ng iba’t ibang patimpalak gaya ng Science Journalism, iGen: Ideathon, iGen: Innovation, ResearchCon, at Sci-Film. Sa taong ito, bitbit ng kaganapan ang temang “Rebooting Filipino Innovation, Reinventing the Next Generation” na naglalayong ipakita ang patuloy na paglago ng interes at dedikasyon ng kabataang Pilipino sa agham at teknolohiya. Kabilang sa mga nagwagi ang mga mag-aaral ng MMSU-LHS Laoag na sina Sophia Monique Quitoras, mula sa ika-10 baitang,na nagkamit ng unang puwesto sa News Writing, at sina Almira Faith Borromeo at Prem Adhemar Doctor, na parehong mula rin sa ika-10 baitang, na nakasungkit ng ikalawang puwesto sa News Writing at Editorial Cartooning,
ayon sa pagkakasunod-sunod. Samantala, ang iba pang mag-aaral ay aktibong lumahok sa iGen: Ideathon, na nagpakita ng kanilang malikhaing ideya at inobasyon. Tampok sa nasabing kaganapan ang pangunahing tagapagsalita na si Atty. Chel Diokno, na nagbigay ng inspirasyon sa mga kalahok sa pamamagitan ng kanyang talumpati. Tinalakay niya ang mahalagang papel ng kabataan sa paggawa ng pagbabago sa lipunan gamit ang kanilang kasanayan at kaalaman. Ayon kay Diokno, “Ang inyong mga talento at talino ay kayang magbukas ng bagong pinto para sa ating bayan. Kayo ang susunod na henerasyon ng mga lider at tagapagtaguyod ng pagbabago.” Ang tagumpay ng mga mag-aaral ng MMSU-LHS Laoag ay hindi lamang nagpamalas ng kanilang kakayahan sa mga kompetisyon kundi nagbigay rin ng karangalan sa kanilang paaralan. Ang STEM Expo ay nananatiling patunay ng potensyal ng kabataang Pilipino sa larangan ng agham at teknolohiya.
DANIELLE AQUINO
mga hamon ng climate change at magmungkahi ng mga makabago at inobatibong solusyon.
PAG-USBONG NG SIYENSIYA. MMSU Science Clubbers dinomina ang NSCM-PEAC 2024, at ipinamalas ang kanilang talino at dedikasyon sa agham at inhinyeriya.
Larawan mula kay Erwin Garalde
Larawan mula kay Jillian Cajigal
Larawan mula kay Jillian Gwen Cajigal
2 OPINYON
Stallions umarangkada Wagi sa Linggo ng Kabataan 2024
Tatlong mag-aaral mula sa MMSU Laboratory High School (LHS) Laoag ang naguwi ng karangalan matapos magwagi sa iba’t ibang patimpalak sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan (LNK) 2024 noong Agosto 26 sa Laoag City Multi-Purpose Hall. Ang temang “From Clicks to Progress: Youth Digital Pathways for Sustainable Development” ang nagsilbing gabay ng programa na inorganisa ng Sangguniang Kabataan (SK) Federation ng Laoag sa pamumuno ni Hon. Michael “Mikyong” Agustin. Layunin nitong itaguyod ang kapakanan ng kabataan at ang paggamit ng teknolohiya para sa makakalikasan at makataong pag-unlad.
Kinilala si Adrian Jed V. Cacao, mag-aaral sa ika-sampung baitang, bilang kampeon sa Essay Writing Contest sa kanyang akdang pinamagatang “What Truly Sets a Bird Free.” Nagkamit naman ng ikatlong puwesto si Angel Rosevyl V. Vicente mula sa ika-11 baitang sa kanyang sanaysay na “We are the Future.” Samantala, si Prem Adhemar G. Doctor, nasa ika-sampung baitang, ay nasungkit ang ikatlong puwesto sa Poster Making Contest sa pamamagitan ng kanyang makulay na obra maestra.
Labis ang tuwa ng kanilang mga tagapayo na sina G. Klien Zyrus P. De Jesus para sa Essay Writing at G. John Ryane A. Laureta para sa Poster Making. Ayon kay G. De Jesus, “Talagang deserve nila ang manalo dahil nakita ko ang determinasyon nilang sumabak sa contest.” Dagdag pa niya, patuloy silang susuporta sa mga mag-aaral at sisiguraduhing sasali pa ang paaralan sa mga darating na kompetisyon upang maipakita ang natatanging talento ng bawat magaaral.
Ang tagumpay na ito ay patunay ng husay at dedikasyon ng MMSU-LHS Laoag sa pagbibigay-inspirasyon sa kabataan na gamitin ang kanilang mga talento para sa ikabubuti ng komunidad.
“The future belongs to those who believe the POWER of FAITH and PERSERVERANCE ” .
PILIPINAS,
Handa na nga ba para sa Eleksyon 2025?
LORRAINE HEART ARELLANO
Naghahanda na ang mga botanteng Pilipino at ang Commission on Elections (Comelec) para sa nalalapit na halalan sa darating na Mayo, kung saan kabilang ang 2025 National at Local Elections (NLE) at ang kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections (BEP).
Matapos ang paghahain ng certificates of candidacy (COC) noong Oktubre 1 hanggang 8, 2024, nakilala na ng mga botante ang mga tatakbong kandidato. Umani ng maraming kontrobersya ang proseso ng COC, kabilang na ang paglahok ng viral sensation at pares eatery owner na si Diwata, o Deo Balbuena, bilang ika-apat na nominee ng Vendors party-list.
Iba-iba naman ang naging reaksyon at saloobin ng mga botante tungkol sa darating na halalang. May ilan na tiyak na sa kanilang mga kandidato, habang ang iba ay nag-iisip pa at pinagdududahan ang ilan sa mga tatakbo.
“Dapat piliin ng mga tao yung may kakayahan talagang mamuno at huwag magpapaloko sa mga sinasabi nilang mga pangako sa darating na halalan,” ani Gloria M. Baptista, isang botante mula sa Laoag City, na binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkilatis sa mga tumatakbong kandidato.
Samantala, sa pinakabagong survey ng Social Weather Station (SWS) noong Disyembre, nangunguna ang mga senatorial aspirants na ineendorso ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na pumuno sa 10 mula sa 12 nangungunang pwesto para sa eleksyon.
Isa ring malaking pagbabago para sa 2025 NLE ay ang pagtanggal ng Comelec sa matagal nang poll provider nito na Smartmatic, at ang pag-apruba sa P17.99-bilyong kontrata sa South Korean firm na Miru Systems Inc.
Inaasahang mapapahusay ng bagong partnership na ito ang proseso ng halalan dahil sa pagbili ng bagong automated elections systems (AES), automated counting machines (ACM), at mga peripherals tulad ng mga ballot box at laptop.
Habang papalapit ang eleksyon, hinihikayat ang mga botanteng Pilipino na manatiling may alam at aktibong makilahok sa paghubog ng kinabukasan ng bansa.
1,350 participants,
JAMILLA CASIE MEI A. ORBERTA
Ipinamalas ng Mariano Marcos State University Laboratory High School (MMSU-LHS) Laoag ang diwa ng bayanihan sa matagumpay na pagsasagawa ng Rabbi-Yanihan 2024 noong Agosto 13–14, 2024. Ang programa, na may temang “Synergy in Fostering Vibrant and Safe Learning Spaces,” ay naglalayong ihanda ang kampus para sa ligtas at maayos na kapaligiran ng mga mag-aaral sa darating na pasukan. Sama-samang nagtulungan ang mga estudyante, magulang, guro, at mga miyembro ng administrasyon sa iba’t ibang aktibidad gaya ng paglilinis ng mga silid-aralan, pagkukumpuni ng mga sirang upuan at lamesa, at pagkukumpuni ng mga kagamitan tulad ng electric fans, aircon, at mga kable ng kuryente.
Isinagawa rin ang fumigation upang maiwasan ang mga sakit tulad ng dengue. Ayon sa isang magulang ng mag-aaral mula sa ika-pitong baitang, “Maganda na malinisan ang mga silid-aralan upang maengganyo ang mga bata na pumasok dahil maaliwalas ang kanilang silid.”
Ang matagumpay na Rabbi-Yanihan 2024 ay nagpapatunay sa diwa ng bayanihan at kooperasyon ng buong pamayanan ng paaralan. Patuloy itong magsisilbing inspirasyon para sa mas maraming inisyatibong magtataguyod ng maayos at ligtas na espasyo sa pag-aaral.
UNO, Ipinagdiwang sa MMSU-CTE
Nagdaos ng United Nations Day ang Mariano Marcos State University - College of Teacher Education (MMSU-CTE) na pinagtulongang inorganisa ng Social Study club mula sa basic education at kolehiyo, noong ika-26 ng Nobyembre 2024. Ang naturang kaganapan ay may temang “Celebrating United Nation’s Day: A Commitment to Peace, Progress, and Global Unity Toward a Better World for All.” Na may layuning magbigay-kaalaman tungkol sa papel ng United Nations Organization (UNO) sa pagtaguyod ng kapayapaan at turuan ang mga kalahok tungkol sa Sustainable Development Goals.
Sinimulan ang program ng isang parada na nagpapakita ng iba’t-ibang kasuotan mula sa iba’t ibang kultura ng mga bansa sa mundo at sinundan ito ng pagpapakitang gilas sa pagtanghal ang mga magaaral mula sa basic education, at mga magaaral mula sa kolehiyo. Ang selebrasyong ito nagkaroon din ng Mr. and Ms. United Nations 2024 at naiuwi ng kumatawan sa Brazil na si G. Sean Kiean Agasid ng BSE- Major in Science, at si Alexa Huen, BSE- Major in English na nagrepresenta sa Honduras.
Ayon sa mungkahi ni Jamilla Casie
Mei B. Orbeta, pangulo ng Social Study club ng Laboratory High School - Laoag (LHS)”In a world that often seems divided by borders, ideologies, and conflicts, today reminds us of our shared humanity,”. Sa kabuuan, ang pagdiriwang ng UNO na pinangunahan ng Soc Stud ay nagpapakita ng layunin ng institusyon na hikayatin ang cultural sensitivity at isulong ang pandaigdigang pag-unlad, na sumasalamin sa mga layunin ng internasyonal na organisasyon.
Inaprubahan na ng labing-apat na Regional Tripartite Wage Productivity Boards (RTWPBs) ang pagtaas ng minimum na sahod para sa halos limang milyong manggagawa sa pribadong sektor nitong nakalipas na taon lamang.
Ayon sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE), 4,907,584 na manggagawa na may pinakamababang sahod ang mabibigyan ng karampatang dagdag sahod o minimum wage increase.
Inaasahang PHP21-PHP75 ang itataas ng daily minimum wage na magsisimula sa ika-12 ng Enero ng taong ito at masusundan sa Hulyo 2025.
Makikinabang sa wage order na ito ang National Capital Region (NCR),
14 RTWPBs, Nilagdaan ang Minimum Wage Increase
Cordillera Administrative Region (CAR), Rehiyon 1, Rehiyon 2, Rehiyon 3, Rehiyon 4-A, Rehiyon 4-B, Rehiyon 6, Rehiyon 7, Rehiyon 8, Rehiyon 9, Rehiyon 10, Rehiyon 12, at Rehiyon 13 bilang panghuli. Sa kabilang banda, ang mga domestikong manggagawa o kasambahay sa siyam na rehiyon ay nabigyan ng parehong pagtaas sa kanilang suweldo ng 75 na porsiyento; na kinabibilangan ng 717,508 sa kabuuan sa mga rehiyon ng Metro Manila, Cordillera, 1, 2, Mimaropa, 6, 8, 10, at Caraga. Samakatuwid, PHP7,000 na ang ipinapatupad na buwanang minimum na sahod sa mga pribadong sektor ngunit dalawang RTWPBs (Rehiyon 5 at Rehiyon 11) sa bansa ang wala pang wage order.
Excellence (COE) in Teacher Education (TEC), ito ay iginawad ng Teacher Education Council plake nagpapatunay sa pagiging Center of Excellence ng institusyon sa taong 2024 hang-
Ang nasabing kaganapan ay dinaluhan at buong pagmamalaking tinanggap ang parangal ng mismong kumakatawang pangulo ng unibersidad na si Dr. Prima Fe R. Franco at ng dekano ng Kolehiyong Pangguro na si Dr. Aries Reynold V. Cajigal. Ipinahayag ni Dr. Franco ang kaniang labis na pasasalamat sa Teacher Education Council (TEC) at kaniang binigyang-diin ang kahalagahan ng parangal na ito. Aniya “As we carry this banner of excellence, let us continue to inspire and lead the way in cultivating minds and transforming the futures of educators”
Samantalang ibinahagi rin ni Dr. Cajigal na siyang nanguna sa pagahahanda para sa muling akreditasyon, “This event streghentn our zeal to continue producing quality teachers within an academic environment that nurtures 21st century skill and competencies.”
Napanatili ng MMSU-CTE ang prestihiyosong titulo na Center of Excelence mula pa noong 1996, kaya naman patuloy na itinakda ng kolehiyo ang pamantayan sa pagtuturo,pananaliksik at publiksayon na nagsisislbing modelo para sa iba pang mga institusyong nagsususmikap na makamit ang ganitong parangal.
COLEEN ABIGAIL ANTONIO
ANGEL ROQUE
LORRAINE HEART ARELLANO
ni: JAMILLA ORBETA
Larawan mula kay SK Federation ng laoag City
Larawan mula kay Jillian Gwen Cajigal
Career Forum, pinangunahan ng Z Club inilunsad sa MMSU
INANGUNAHAN ng MMSU LHS Z Club kasama ang Zonta Club of Ilocos Norte (ZCIN) ang pagdiriwang ng International Day of the Girl Child 2024 noong ika-11 ng Oktubre sa pamamagitan ng isang career open forum na may temang “Meeting My Future: A Career Forum.”
EDUKASYON SA RENEWABLE ENERGY
USAID, WISER Project: Inilunsad sa MMSU
INASINAYAAN ng United States Agency for International Development (USAID) ang kanilang Women Engineers as Instruments for Sustainable Engineering in Renewable Energies (WISER) Project sa MMSU noong ika-9 ng Oktubre 2024.
Ang proyekto, ay may layuning hikayatin ang mga kababaihan na pumasok sa larangan ng inhenyeriya, ay dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa MMSU Laboratory High School (LHS), partikular ang mga Grade 12 STEM students mula sa Laoag at Batac campuses.
Ang mga mag-aaral ay nakilahok sa isang career forum na may temang “Enabling Women in STEM, Strengthening Academic Partnerships for Renewable Energy” at isang Windmill Working Model workshop na nagbigay daan upang maaplay ang kanilang natutunan sa paggawa ng isang functional windmill model. Ang grupo mula sa LHS Laoag ang itinanghal na panalo sa workshop.
Sa hapon, inilunsad ang WISER app, isang interactive learning platform, sa MMSU American Corner Batac na dinaluhan ng mga kababaihan. Ang app ay nagbibigay ng mga modules, quizzes, at feedback upang matulungan ang mga mag-aaral na maghanda para sa kanilang college entrance exams at hikayatin ang iba pang mag-aaral ng senior high school, lalo
DR. AGRUPIS, itinalaga bilang CHED Commissioner
ANUMPA si Dr. Shirley C. Agrupis, ika-7 na president ng Mariano Marcos State University (MMSU), sa kaniang tungkulin bilang bagong talagang Komisyoner ng Commission on Higher Education (CHED) noong Setyembre 3 sa CHED Central Office, Quezon City, sa harap ni CHED Chairperson Popoy De Vera III.
Ayon kay Dr. Agrupis, isang karangalan nitong tumulong upang hubugin ang kinabukasan ng mataas na edukasyon ng bansa at tiyakin na ang bawat Pilipinong mag-aaral ay makakatamo ng de-kaliad na edukasyon.
kinalaman sa renewable energy.
Ang programa ay dinaluhan ng mga magaaral mula sa ika-9 na baitang hanggang ika-12 na baiatang na naglalayong magbigay-inspirasyon at patnubay sa kanilang mga pangarap na propesiyon. Ang mga panauhing tagapagsalita ay ang mga matagumpay na kababaihan mula sa ZCIN. Kabilang dito sina Dr. Ligaya Tan Miguel, Retiradong Regional Director ng DEPED Region 1; Dr. Lilibeth Rabago, may-ari ng Karmelli Hospital; Gng. Mariol Albano Sadongdong, Manager ng Philippine Business Bank; Gng. Pamela Aragosa, may-ari ng La Preciosa; Atty. Cherrie Grace Asistin, abogado ng C.P. Bareng Law Office; at Gng. Mariannne Cayetano, Digital Content Creator ng The Hungry Ilocano.
Sa kanilang mga talumpati, ibinahagi ng mga tagapagsalita ang kanilang mga personal na karanasan, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng edukasyon, pagsususmikap at katatagan. Ang bawat kwento ay nagbigay inspirasyon sa mga mag-aaral upang abutin ang kanilang mga pangarap at sundin ang kanilang
Ang app ay ipinakita at ipinakilala ang anim na mga mag-aaral mula sa LHS Laoag at Batac kay Dr. Prima Fe R. Franco, MMSU OIC President, at kay Bb. Rebekah Eubanks, USAID Philippines and Mongolia Deputy Mission Director.
mga passion sa buhay. Ang matagumpay na kaganapang ito ay patunay ng layunin ng Z Club at ZCIN na patuloy na isulong ang empowerment ng mga kabataang babae.
“We are one with USAID in developing our students, specifically the women,” ani Dr. Franco at kaniang binigyang-diin ang proyekto bilang isang mahalagang hakbang upang mapabuti ang mga serbisyong ibinibigay ng unibersidad sa mga magaaral nito ng Senior High School.
Ang Department of Energy (DOE) at ang Provincial Government of Ilocos Norte (PGIN), kasama ang Philippine Technological Council (PTC) ay katuwang ng USAID sa paglunsad ng proyekto.
Muli ring nanumpa si Dr. Agrupis sa harap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. noong Setyembre 9 sa Palasyo ng Malacañang. Kasabay niyang nanumpa ang iba pang mga bagong talagang opsiyal ng CHED.
Masasalamin na sa ilalim ng pitong (7) taong pamumuno ni Dr. Agrupis, naabot ng MMSU ang ISO-certification para sa lahat ng proseso nito, nakamit ang three-star rating sa QS Stars Rating System, at naitaas ang antas ng institutional accreditation nito sa Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities in the Philippines (AACCUP).
Itinatag rin ni Dr. Agrupis ang MMSU Virtual Learning Environment (MVLE), ang IT infrastructure at learning management system ng MMSU na nagpatibay sa teknolohikal na kakayahan ng unibersidad lalo na noong panahon ng pandemiya.
Bukod dito, si Dr. Agrupis din ang nanguna sa mga pananaliksik tungkol sa bioethanol, black garlic processing, at herbal drugs gamit ang lokal na likas yaman ng Ilocos Norte. Siya rin ang nagtatag sa National Bioenergy Research and Innovation Center (NBERIC) na nangunguna sa pananaliksik sa renewable energy at namumuno rin sa Tuklas Lunas Development Center (TLDC) ng MMSU para sa mga inobasyon sa pharmaceutical research. Sa kasalukuyan, ang Vice President for Academic Affairs na si Dr. Prima Fe R. Franco ang nakatalaga bilang Officer-In-Charge (OIC) President ng unibersidad. Dahil dito, lahat ng opisyal na komunikasyon at dokumento ay itutugon kay Dr. Franco. Ang nasabing katungkulan ni Dr. Franco ay naging epektibo noong
Setyembre 2.
AGSAGAWA ng isang seremonya ang Mariano Marcos State University (MMSU) Laboratory High School (LHS) at Laboratory Elementary School (LES) Laoag Kampus noong ika-29 ng Agosto 2024 sa LHS Covered Court. Ito ay bilang pagdiriwang sa Buwan ng Wika ngayong taon na may temang “Filipino, Wikang Mapagpalaya.” Ang programa ay pinangunahan ng Sentro ng Wika at Kultura ng nasabing paaralan sa pakikipagtulungan ng Kapisanang Inang Wika ng Laboratory Schools. Sa nasabing kaganapan, nagpahayag ng mga makabuluhan at mahalagang mensahe sina Chief Comisisoner ng Commission on the Filipino Language na si KGG. Arthur P. Casanova, Pangulong Shirley C. Agrupis na kinatawan ng Dekana ng Graduate School, Dr. Doreen D. Dominggo, at Dr. Aris Reynold V. Cajigal,
Ang kaganapang ito ay isang patunay sa layunin ng MMSU at ng USAID sa pagpapalakas ng kababaihan at pagpapahusay ng edukasyon para sa mas malawak na partisipasyon ng mga mag-aaral sa mga kursong inhinyera, partikular na sa renewable energy.
Buwan ng Wika, Ipinagdiwang
Nagwagi bilang kampeon ang dalawang debaters mula Mariano Marcos State University Laboratory High School (MMSU-LHS) sa naganap kamakailan na Ilocos Norte Debate
Open 2024-British Parliamentary na pinangunahan ng Ilocos Norte Debate Union., ito ay ginanap sa Robinson’s Place Ilocos noong Disyembre 7-8, 2024 . Ang mga naturang mga-aaral na nag-uwi ng gintong medalya ay sina Mula sa lahat ng kalahok sina Jelianne May Arante at Angel Rosevyl Vicente, samantala, nakakuha din nila ang parangal bilang 3rd Best High School Speaker at Grand Finals Best High School Speaker. Ayon kay Vicente, hindi naging madali ang proseso na kanilang napagdaanan
Dekano ng College of Teacher Education, na tumatalakay sa kahalagahan ng wikang Filipino sa pagpapalaya sa atin mula sa mga mananakop at ang wika bilang tulay natin sa kapayapaan at pagkakaisa. Pagkatapos ng programa, ipinagpatuloy ng mga estudyante ng LHS Laoag ang selebrasyon sa pamamagitan ng mga booths na kanilang inihanda.
THE MARIANITES DEBATERS
bago tuluyang makuha ang Kampeonato. Dagdag pa niya, “From trainings to the competition proper, the most challenging part was fighting my selfdoubts especially with the fact that we had no training at all.”= Bukod dito, ang iba pang pambato ng MMSU-LHS ay hindi rin nagpahuli na sina Zhanaerelle Jae Agcaoili at Courtney Fariñas ng MMSU-LHS Laoag
C ay nagtapos bilang mga Grand Finalists; sina Maxene Tangonan at Myca Marie Gamiao ng MMSU-LHS Laoag
B bilang mga Semifinalists; at si Macy Queen Reyes bilang 5th Best Judge ay hindi rin nagpatinag. Sina. Dahil dito, labis naman ang kagalakan ng kanilang mga coach na sina Ginoong
na ang mga kababaihan sa STEM, na kumuha ng mga kursong may
COLEEN ABIGAYL ANTONIO
TIFFANY JOY A. AGUILAR
Samantala, nagpamalas naman ng talento sa iba’t ibang larangan ng sining ang mga mag-aaral mula sa elementarya at sekondarya.
Rowell Esteves at Ginoong Christian Jay Valdez, na siyang nasa likod sa lahat ng tagumpay na nakamit ng grupo.
Larawan mula kay Jillian Gwen Cajigal
Larawan mula sa KIW Page
BOMB THREAT
BINULABOG ANG MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
ATAC CITY—Isang bomb threat ang nagdulot ng matinding pagkabahala sa mga estudyante at mga kawani ng Mariano Marcos State University (MMSU) Batac Campus, miyerkules ika-13 ng Nobyembre. Bandang 10:30 ng umaga, isang facebook account na nagngangalang 'Dumper Chlo' ang nagpost sa pamamagitan ng SIRMATA’s facebook page – nagsasabing may labing isang nakatanim na bomba sa loob ng unibersidad partikular na sa College of Health and Sciences at ito’y sasabog pagsapit ng alauna y media ng hapon.
Ayon sa mensahe, pitong bomba ang nakatanim sa Departament of Pharmasc at Nursing at ang apat naman ay nasa Department of Physical Therapy. Dahil dito, agad na inabisuhan ang City of Batac Police Station at pinalikas ang mga estudyante at guro sa naturang gusali. Kasabay na rin nito ang agad pagdeklara ng asynchronous classes sa buong campus upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.
Agarang umaksyon ang Ilocos Norte Provincial Police (INPP), EOD K9 unit, kasama ang City of Batac Bureau of Fire Protection, Marines, City Health Office, MMSU management, PMFC at AFP units upang siyasatin ang bawat sulok ng naturang lugar. Gayumpaman agad ding idineklara na negatibo o walang nadiskubre na bomba sa loob ng paaralan. Batay sa panayam sa isang local radio station ng Provincial Director Police Col. Frederick Obar bigyang-diin na makikipagtulungan ang police provincial office sa Provincial Mobile Force Company at Anti- Cybercrime Unit upang imbestigahan ang hindi pa nakikilalang nagpadala ng mensaheng ito.
Bagaman naideklarang negatibo ito hindi rin naiwasan nangamba ang mga magulang ng mga mag-aaral sa University Laboratory School, Laoag Campus sa naturang pangyayari, kaya mas minabuti nilang sunduin at pauwiin ang kanilang mga anak sa naturang paaralan
Sa kabila ng naturang pekeng bomb threat, nagbigay ito ng mahalagang aral sa unibersidad at sa mga awtoridad tungkol sa kahalagahan ng kahandaan at maagap na pagresponde sa mga ganitong sitwasyon.
Banta ng Dengue, muling lumaganap sa mmsu laboratory
1
Iaoag City — Muling binalot ng pangamba ang Mariano Marcos State University (MMSU) Laboratory High School (LHS) sa Laoag dahil sa muling paglitaw ng mga kaso ng dengue sa paaralan sa kabila ng mga naunang hakbang na isinagawa upang labanan ang sakit.
Noong Setyembre, isang estudyante mula sa Grade 8 ang naitalang nagpositibo sa dengue, dahilan upang agad na magsagawa ng pagkilos ang pamunuan ng paaralan katuwang ang General Parent-Teacher Association (PTA) sa pamumuno ni Pangulong Johanne M. Quillope. Naglagay ng mga anti-dengue net sa lahat ng silid-aralan at naglunsad ng malawakang paglilinis noong ika-6 hanggang ika-7 ng Oktubre upang puksain ang mga lamok na nagdadala ng sakit.
HALAL NA BAGONG LEADER, NANUMPA
LORRAINE HEART ARELLANO
inagawa kamakailan ang seremonya ng Induksiyon sa Mariano Marcos State University (MMSU) Laboratory High School (LHS)–Laoag bilang pagtatalaga ng tungkulin at panunumpa ng mga bagong hanay ng lider sa paaralan. Ang naturang kaganapan ay nangyari noong Setyembre 24, 2024, sa LHS Covered Court.
Upang pormal na simulan ang programa at batiin ang lahat ng dumalo, nagbigay ng pambungad na pahayag ang punong-guro ng University Laboratory Schools (ULS) na si Propesor Philistia Mercuria P. Bagayas. Pagkatapos, nagpakita sina Alyssa Gail Duran at Mary Ysabelle Calaoagan ng kanilang talento sa pagkanta sa pamamagitan ng isang intermisyon na nagpahanga sa mga manonood.
Ipinakilala ni Ginoong Al Cameron G. Avila ang mga bagong halal na opisyal ng Student Body Organization, mga akademiko at interes klub, at mga homeroom opisyal, habang si Propesor Bagayas naman sa mga opisyal ng General Parents-Teachers Association (GPTA).
Kasunod nito, nagbigay ng pambungad na talumpati ang Pangulo ng Student Body Organization na si Rose Lyka C. Mainit at ang Pangulo ng GPTA na si Mrs. Johanne M. Quillope, na parehong nagbahagi ng kanilang mga layunin upang mas mapabuti pa ang LHS-Laoag.
Isinagawa kamakailan ang seremonya ng Induksiyon sa Mariano Marcos State University (MMSU) Laboratory High School (LHS)–Laoag bilang pagtatalaga ng tungkulin at panunumpa ng mga bagong hanay ng lider sa paaralan. Ang naturang kaganapan ay nangyari noong Setyembre 24, 2024, sa LHS Covered Court. Upang pormal na simulan ang programa at batiin ang lahat ng dumalo, nagbigay ng pambungad na pahayag ang punong-guro ng University Laboratory Schools (ULS) na si Propesor Philistia Mercuria P. Bagayas. Pagkatapos, nagpakita sina Alyssa Gail Duran at Mary Ysabelle Calaoagan ng kanilang talento sa pagkanta sa pamamagitan ng isang intermisyon na nagpahanga sa mga manonood.
Subalit, nitong Nobyembre, dalawang panibagong kaso ang muling naiulat sa mga mag-aaral mula sa Grade 11 at Grade 12, na nagdulot ng pagkabahala sa mga magulang at guro. Sa kabila ng naunang mga hakbang, tila patuloy pa rin ang banta ng lamok sa paaralan. “Nakakaalarma na marinig ang tungkol sa panibagong kaso ng dengue,” pahayag ng isang nag-aalalang magulang. Aniya, kailangang paigtingin pa ng pamunuan ang mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante.
Bilang tugon sa mga panibagong kaso, muling nanawagan ang PTA at pamunuan ng paaralan para sa mas malawak na pagkilos laban sa dengue. Ilan sa mga suhestyon ay ang mas madalas na paglilinis, regular na fogging,
inirang bilang kampyeon ang Mannalon iCooperative App na ginawa ng tatlong mga mag-aaral mula sa Mariano Marcos State University (MMSU) Laboratory High School (LHS) Laoag sa naganap na KU AIdeation Challenge 2024 sa kategoryang AIdeation for Social–Business Innovation noong ika-3 ng Disyembre 2024 sa pamamagitan ng Zoom meeting.
Ang mga nagwaging estudyante ay sina Bb. Majell V. Pasalo, Bb. Pauline Daniele V. Ruiz, at G. Patrick Jeremy S. Badua Jr., na parehong nasa ika-11 na baiting sa gabay nina Gng. Jean A. Arellano at G. Al Cameron G. Avila, matagumpay na naipresenta ang kanilang proyektong Mannalon iCooperative App, na
at mas maingat na pagsusuri sa kalusugan ng mga mag-aaral. Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang paaralan sa mga lokal na opisyal at mga magulang upang maglunsad ng mas epektibong kampanya kontra dengue. Ayon sa mga eksperto, mahalagang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran upang tuluyang masugpo ang mga lamok na nagdadala ng sakit. Ang pagbalik ng dengue sa paaralan ay nagsisilbing paalala na hindi dapat tumigil ang laban sa sakit upang mapanatili ang kalusugan at kaligtasan ng lahat
pamamahala ng pagkain at kalikasan gamit ang Artificial Intelligence (AI).
Ayon kay Pasalo, “I had been feeling optimistic all day and believed we would succeed, and that feeling came true.” Dagdag pa niya, hindi nila agad narinig ang anunsyo ng mga nanalo dahil nagkaroon ng aberya sa internet kaya’t kinakailangan nila itong ulitin.
Ang naturang patimpalak, ay inorganisa ng Kasetsart University ng Thailand at ng Southeast Asian Ministers of Education Organization Regional Centre for STEM Education (SEAMEO-STEM ED).
Ito ay nilahukan ng iba’t ibang mga paaralan mula sa bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), China, Japan, at South Korea. Bilang kampeon, nakatanggap ang grupo ng 12,000 THB at isang sertipiko bilang pagkilala sa kanilang natatanging kontribusyon sa larangan ng social-business innovation gamit ang AI. “STOP FARM WASTE, SUPPORT FARMERS.”
Kaso Patay
L
ni: JAMILLA ORBETA
ni: DANIELLE AQUINO
ni: ANGEL ROQUE
Larawan mula sa Google
Larawan mula kay Majell Pasalo
opinyon
Ang MARIANITES
Lupon ng Patnugutan 2024-2025
Punong Patnugot : JAMILLA CASIE ORBETA
Pangalawang Patnugot : SHAN INOCENTE.
Patnugot ng Balita: COLEEN ABIGAIL ANTONIO
Patnugot ng Opinyon : ANGEL FAYE MAGAYANO
Patnugot ng Lathalain: ALLAHNA TOLENTINO
Patnugot ng palakasan: TIFFANY JOY AGUILAR
Dibuhista:
PREM ADHEMAR DOCTOR
MAJELL PASALO
ALEXANDRA BLANCO
Tagakuha ng Larawan: JILLIAN CAJIGAL
Pangkalahatang Kalihim : GIANNE ALBERTO
Iba pang manunulat:
DANIELLE AQUINO
LOREINNE ARELLANO
ANGEL ROQUE
VINCE PASCUA
ERWIN GARALDE JR.
CLAUDETTE DANLASAN
PRINCESS CANONIZADO
SARAH BORROMEO
AVA QUILLOPE
ROSE MAINIT
CELINE SAET
JEMIFLOR PACRIS
ZAKIA COLOMA
JANELLA VIDAD
LUKE PASCUAL
Tagapayo : FRANCISCA S. NICOLAS
SHERY ANN TUMAMAO
JOHN RYANE LAURETA
Sa katunayan, 48% ng mga mag-aaral na gumagamit ng AI tools ay nagsasabing mas napapadali nito ang kanilang pag-aaral, ayon sa ulat ng National Education Technology Survey noong 2024.
Disclaimer:
Ang paggamit ng ChatGPT ay nasa sariling responsibilidad ng gumagamit. Ang mga sagot at impormasyon na ibinibigay ng system ay batay sa mga nakalap na datos at algorithms, ngunit hindi ito isang kapalit ng propesyonal na payo o serbisyong. Hindi nagbibigay ang ChatGPT ng tiyak na medikal, legal, o iba pang propesyonal na payo. Laging kumonsulta sa isang kwalipikadong eksperto para sa mga isyung nangangailangan ng espesyal na kaalaman.
SUSPEK! SUSPEK!
Kaibigan o Kalaban sa Pag-aaral?
a mabilis na pag-usbong ng teknolohiya, ang paggamit ng mga AI tools tulad ng ChatGPT ay nagiging talamak na sa mga estud yante. Mula sa paggawa ng mga takdang-aralin hanggang sa pagsagot ng mga masalimuot na katanungan, tila naging bahagi na ng buhay estudyante ang ganitong mga plataporma. Sa bawat sulok ng mga paaralan, unibersidad, at online platforms, hindi maikakaila ang malawak na impluwensiya ng teknolohiyang ito sa modernong edukasyon. Ngunit ang tanong: Paano kung ang paggamit nito ay inaabuso na ng mga estudyante?
Ayon sa isang pag-aaral ng Pew Research Center noong 2023, halos 60% ng mga mag-aaral sa sekondarya at unibersidad sa buong mundo ang regular na gumagamit ng AI tools sa kanilang mga takdang-aralin. Sa kabila ng mabilis na pagbibigay ng impormasyon, may pangamba ang mga guro sa posibleng pagkakaroon ng dependency o sobrang pag-asa ng mga estudyante sa teknolohiya.
Ang ChatGPT ay nagbibigay ng mabilis, tumpak, at accessible na impormasyon sa mga mag-aaral. Hindi na kailangang magbabad ng maraming oras sa paghanap ng sagot sa mga libro o iba pang tradisyunal na mapagkukunan ng impormasyon dahil isang pindot lamang ay maaari nang makuha ang sagot sa iba't ibang tanong na nais sagutin. Ang bilis at lawak ng
impormasyong hatid ng AI na ito ay nagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa mas masusing pagaaral.
Bukod sa pagbibigay ng impormasyon, ang ChatGPT ay nagsisilbing katuwang ng mga estudyante sa iba't ibang gawaing pang-akademiko. Maaari nitong tulungan ang mga magaaral sa pagsasaayos ng kanilang mga ideya, paggawa ng sanaysay, at pagsusuri ng mga kumplikadong konsepto. Para sa mga estudyanteng nahihirapan sa pagbuo ng kanilang mga sagot o pag-intindi sa mahihirap na aralin, nagiging isang mahalagang suporta ang teknolohiya. Sa katunayan, 48% ng mga mag-aaral na gumagamit ng AI tools ay nagsasabing mas napapadali nito ang kanilang pag-aaral, ayon sa ulat ng National Education Technology Survey noong 2024.
Nagiging mas epektibo ang kanilang pag-aaral, at nagkakaroon sila ng mas maraming oras upang pagtuunan ang iba pang aspeto ng kanilang buhay. Sa mga panahon ng stress at pagkakaroon ng maraming gawain, ang AI ay nagiging kasangkapan upang mabawasan ang presyon sa mga estudyante. Nagbibigay ito ng kasiguruhan na kahit sa gitna ng maraming responsibilidad, may magagamit silang tool na handang tumulong upang maipasa ang kanilang mga kinakailangang gawain. Gayunpaman, habang maraming positibong aspeto ang dulot ng paggamit ng ChatGPT, may mga negati-
bong epekto itong hatid na hindi maaari.
Isa sa mga pangunahing isyu na kaakibat ng paggamit ng ChatGPT ay ang pagbuo ng dependency o sobrang pag-asa ng mga estudyante sa teknolohiya. Sa halip na magsumikap na maunawaan ang mga konsepto, maraming mga mag-aaral ang umaasa na lamang sa AI upang tapusin ang kanilang mga takdang-aralin at proyekto. Ang ganitong gawi ay naglilimita sa kanilang kakayahang mag-isip nang malalim, maging malikhain, at magsariling diskurso. Sa halip na maging isang kasangkapan para sa pagkatuto, nagiging isang shortcut ang ChatGPT na maaaring magresulta sa pagbaba ng kanilang kritikal na pag-iisip.
Sa madaling pag-access ng mga sagot, mas tumataas ang posibilidad ng plagiarism o pagsumite ng mga gawaing hindi orihinal. Batay sa datos mula sa Academic Integrity Consortium noong 2024, tumaas ng 35% ang mga kaso ng akademikong pandaraya mula nang maging mas accessible ang AI tools. Nagiging hamon para sa mga guro ang matukoy kung ang gawa ba ng estudyante ay tunay nilang pinaghirapan o kung ito'y likha ng AI. Ang ganitong sitwasyon ay nagdudulot ng mas malaking problema, kung saan ang kalidad ng edukasyon ay maaaring
AI na naman, wala na bang bago?
mabawasan at ang tunay na layunin ng pag-aaral ay maaaring mawala. Ang ChatGPT at iba pang AI tools ay isang makapangyarihang kasangkapan na kayang baguhin ang anyo ng edukasyon. Gayunpaman, mahalaga ang balanseng paggamit nito. Ang teknolohiya ay dapat maglingkod bilang suporta at hindi kapalit ng pagsusumikap at tunay na pagkatuto. Nararapat na magkaroon ng malinaw na mga patakaran at gabay mula sa mga guro, magulang, at institusyon upang masiguro ang wastong paggamit nito.
Sa huli, ang tagumpay ng edukasyon ay hindi lamang nakasalalay sa modernong teknolohiya, kundi sa determinasyon, disiplina, at pananagutan ng bawat mag-aaral. Ang ChatGPT ay maaaring maging kaibigan ng pagkatuto, ngunit dapat itong gamitin nang may talino at pananagutan.
ung nais mong magpa-bibo, wala ng oras para magpaligoy-ligoy at manlito ng tao—diretsuhin mo! May mga bagay na pangmatagalan, may mga bagay na dinadaanan lang—ang simpleng mensaheng ito ang siyang nagbibigay liwanag sa masalimuot na katotohanan ng pagbabago. Hindi lahat ng bagay ay kailangang panghawakan, at hindi rin lahat ng dumadaan ay dapat ipagsawalang-pansin.
Tulad ng agos ng tubig, may mga bagay na kailangang hayaan, ngunit tulad din ng bato sa dalampasigan, may mga bagay na kailangang tibayan. Ang inaasam na susi ay hindi nakabatay sa pagpigil sa pagbabagong ito kundi sa pagyakap dito ng may tamang direksyon. Sa bandang huli, ang mahalaga ay hindi ang bilis ng pag-usad kundi ang kaliwanagan ng patutunguhan.
Hindi maikakaila na sa taglay na benepisyo ng mga makabagong teknolohiya na siyang agimat ay Arti cial Intelligence (AI), may mga hamon din itong kasama. Pamilyar naman na sa madla na hindi lahat ng bagay ay isang malaking himala na walang bitbit na pasanin, sapagkat sa bawat paggalaw at pagbabago ng mundo, tiyak na may taglay na kuwento.
Kung tutuusin, hindi naman na bago ang usaping paggamit sa mga makabuluhang instrumento, kagaya na lamang ng ChatGPT, sa larangan ng edu-
kasyon. Paulit-ulit itong pinag-uusapan ng kahit na sino man simula noong ito’y nadiskubre ng lipunan. Isang malaking kontrobersiya ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa panahon ngayon dahil ang inaasahang benepisyo galing sa mga ito ay tila pinagsasamantalahan ng publiko.
“Give credit where credit is due.” Tama naman ang pahayag ni Magayano, ang ChatGPT ay maaaring maging isang kaibigan ng pagkatuto, subalit nararapat itong gamitin nang may talino at pananagutan. Ang nakakatawa lamang na isipin ay kung gaano kabilis naimpluwensyahan ang lipunan sa mga simpleng salita lamang—mga patag na argumento at mababaw na solusyon na hindi nakatungtong sa konkretong aksyon o etikal na konsiderasyon. Kaya naman, tila nagmumukhang palasyo ng mga ideya na walang taglay na kasiguraduhan ang kabuuan ng artikulo ni Magayano. Maaaring may bitbit na takot ang may-akda kung kaya’t hindi
niya nabigyang linaw pa ang naturang usapin at magbigay ng tunay na pagsusuri, hindi ba? Gayunpaman, palagi na lamang bang ChatGPT at AI ang laman ng talakayan? Hindi ba’t nakakasawang pag-usapan ang topikong laging laman ng bulwagan? Oo, may kalakip na hamon ang lubusang paggamit ng mga teknolohiyang ito, subalit hindi naman maitatanggi na isa itong integral na bahagi ng progresibong takbo ng ating mundo. Sa huli, walang saysay ang mga imbensyon kung wala rin namang magbibigay atensyon. Hindi naman lubos na kasalanan ang paggamit sa mga ito sapagkat ito rin ang huhubog sa ating pagkatao. Nasa sa tao na kung paano nito gagamitin ng wasto at may integridad ang mga instrumentong naglalayong maging pundasyon ng ating hinaharap. “To live in stagnation is to live in death.” Mas gusto mo bang mabuhay sa makalumang panahon o magdiwang sa pinaunlad na ngayon?
Ni: Shan Andrei Innocente
Ni: Angel Faye Magayano
Guhit ni Prem Adhemar Doctor
Pundasyon ng globalisasyon
Kamakailan lamang ay idinaos ng Mariano Marcos State University (MMSU) Language Center ang isang awarding ceremony noong Disyembre 16 sa College of Arts and Sciences (CAS) Multimedia Center upang kilalanin ang unang batch ng mga nag sitapos mula sa inaugural Korean Language Beginner Course (LANG12). Subalit ang tanong: Paano ito makatutulong sa globalisasyon kung ang pundasyon sa paggamit at pakikipagkomunikasyon sa ating mga pangunahing wika ay hindi pa sapat?
Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2020, halos 20% ng mga Pilipinong mag-aaral ang nahihirapang umintindi ng wikang Ingles, habang tinatayang 30% ang hindi ganap na bihasa sa wikang Filipino. Ang kahinaang ito ay nagiging hadlang sa pag-unawa at pag-unlad ng ating edukasyon dahil ang mga wikang ito ang pangunahing ginagamit sa mga akademiko at propesyonal na aspeto sa ating bansa. Sa likod ng tagumpay na nakamit ng MMSU sa pagtuturo ng Korean Language, sila ba’y
Bnakakasigurong sapat na ang kasanayan ng mga kabataan sa paggamit ng kanilang sariling wika? Itinuturo din ba nila nang maigi sa kanilang mga estudyante kung paano gamitin ang sariling atin?
Mula sa isang survey ng World Bank noong 2022, higit sa 50% ng mga mag-aaral sa Grade 5 sa Pilipinas ang hindi maayos na nakakabasa at nakakaintindi ng simpleng pangungusap sa Ingles. Ito ay nagpapakita na maraming mga mag-aaral ang nahihirapan dahil sila ay mas nasanay na sa kanilang katutubong wika kaya’t nararapat lamang na umpisahan ang pagtuturo mula sa mga wikang ating nakasanayan. Dahil kung patuloy na ang mga mag-aaral ay nahihirapan sa mga basikong kasanayan sa Ingles, paano nila matutulungan ang kanilang mga sarili na magtagumpay sa mas mataas na antas ng edukasyon o makipag-ugnayan sa internasyunal na komunidad?
Gayunpaman, ang programang ito ng MMSU ay nakapagbibigay din ng maraming oportunidad para sa mga mag-
Bagong Silya, Lumang Sistema
aaral. Ibinahagi ni LC Chief Ryan Roi Domingo na ang mga nakapagtapos na 19 na indibidwal sa unang batch ay makakatulong sa pagpapalakas ng koneksyon sa pagitan ng mga komunidad ng Filipino at Korean. Ipinaliwanag niya na ang kanilang bagong kasanayan sa wika ay magpapadali ng komunikasyon at magbubukas ng mas maraming oportunidad sa mga larangan tulad ng turismo, edukasyon, at negosyo. Idinagdag din niya na ang programa ay hindi lamang sumusuporta sa pag-unlad ng mga mag-aaral kundi nagpapatibay rin ng ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Korea.
Dagdag pa rito, ang programang ito ay may positibong epekto hindi lamang sa mga mag-aaral na nakikinabang mula sa kurso, kundi pati na rin sa buong komunidad ng MMSU. Mapapatibay ng institusyon ang koneksyon nito sa iba’t ibang bansa at magkakaroon ito ng mas maraming internasyunal na oportunidad. Ito ang magiging daan sa pagiging matagumpay ng unibersidad, hindi lamang sa ating sariling bansa, kundi pati na rin sa internasyunal. Ang mga mag-aaral ay maari ding magbahagi ng kanilang mga natutunan upang makatulong sa pagpapalawak sa kaalaman at kakayahan ng mga kabataan na mag-adapt sa mga pagbabago sa globalisadong mundo. Sa huli, ang programang tulad ng Korean Language Course ay isang hakbang patungo sa pagbubukas ng mga bagong pinto para sa mga mag-aaral ng MMSU. Habang tumataas ang kasanayan nila sa wika, unti-unti ring nabubuo ang mas malawak na koneksiyon nila sa iba’tibang panig ng mundo. Subalit, mahalaga ring huwag nating kalimutan ang pagpapalakas at pagpapalawak ng ating sariling wika na siyang nagsisilbing pundasyon ng ating pakikipagkalakalan at pakikipag-ugnayan sa loob at labas ng bansa. Nararapat na magtulungan upang lumikha ng isang balanseng sistema ng edukasyon na makapagpapalawak ng ating kaalaman sa global na mundo ng hindi kinakalimutan ang ating pinagmulan.
“
Huwag kalimutan ang sariling wika habang nag-aaral ng iba; ang pagyakap sa banyagang wika ay mas mainam kung may malalim kang ugat sa iyong sariling wika.
Pagyakap sa Globalisasyono
Ni: Majell Pasalo
Ang artikulo ay nagsusulong ng pagpapahalaga sa sariling wika bago pa man yakapin ang pagaaral ng mga wikang banyaga bilang bahagi ng globalisasyon. Bagaman mahalaga ang mga banyagang wika sa pakikipag-ugnayan at kalakalan sa ibang bansa, binibigyang-diin na may malaking suliranin ang sistema ng edukasyon ng Pilipinas sa dalawang pangunahing wika nito—Filipino at Ingles. Ang mababang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa mga wikang ito ay nagpapakita ng kakulangan sa pundasyong kinakailangan para sa matagumpay na globalisasyon.
Tinukoy ang pagsasanay ng mga mag-aaral sa Korean Language Beginner Course ng Mariano Marcos State University bilang isang hakbang patungo sa globalisasyon. Gayunpaman, nananatiling isang hamon ang kakulangan sa sapat na kaalaman sa sariling wika. Ayon sa artikulo, bago tayo maging bukas sa iba’t ibang kultura, kailangang tiyakin na matatag ang pundasyon ng ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalakas ng sariling wika at edukasyon.
Sa kabuuan, binibigyang-diin na hindi masama ang globalisasyon, ngunit ito ay dapat tahakin nang may matibay na pundasyon sa sariling kultura at wika upang maging tunay na matagumpay sa hinaharap.
awat bagong bagay na ipinagkaloob sa atin ay isang simbolo ng pag-asa, subalit hindi laging kasabay nito ang tunay na pagbabago. Sa unang tingin, tila isang hakbang pasulong ang pagdating ng animnapung bagong silya sa paaralang Mariano Marcos State University Laboratory High School La oag—isang tanda ng pagbabago at pag-unlad ng kasalukuyang sistema. Ngunit sa likod ng kinang ng mga bago at makintab na upuan may bumabalot na katanungan, para kanino nga ba ito?
Kung iisipin, hindi kasya ang libong- libong pangarap sa animnapung silya lamang. Ang bawat upuan ay sagisag ng puwang na dapat ay para sa lahat, ngunit paano nga ba magkakaroon ng tunay na progreso kung ang sistema mismo ay hindi kayang bigyang-puwang ang lahat ng nangangarap?
Sa isang institusyong binubuo ng daan-daang populasyon, ang limitadong bilang ng benepisyo ay tila repleksyon ng isang sistemang laging may inuuna at laging may naiiwan. Sa bawat pagkakataong may inilalapit na pag-unlad, hindi maikakaila na mayroong para sa kabuuan at para sa iilan. Ang bagong silya ay maaaring magbigay ginhawa sa iilang mapalad na makakagamit nito, subalit paano na lamang ang iba pang nananatiling nakaupo sa sira-sirang upuan—mga upuang hindi lamang mistulang pagod na, kundi siya ring simbolo ng nakabalot na lumang sistema? Mga upuan na siyang nagpapakita ng mga pangarap na hindi nakamtan. Ang bawat bitak at kalawang ay sumasalamin sa mga hamon ng mga mag-aaral na tila ba kinakailangang magtiis sa kakulangan. Ang sistemang ito na pumapabor sa piling iilan ay tila paulit-ulit na senaryo—isang siklo ng pangako at pagkabigo.
Ganitong kalakaran ang patuloy na sisira sa tunay na kahulugan ng edukasyon, sapagkat nararapat na ito ang magbigay daan para sa mga mag-aaral na maipa-
kita ang kanilang angking kakayahan, magyabong sa kanilang mga talento, at maipahayag ang kanilang tunay na pagkakakilanlan upang makamit ang mga pangarap na magdadala sa kanila tungo sa mas maliwanag na kinabukasan. Subalit sa ilalim ng limitadong mga resurso at lumang sistema, unti-unting napipigilan ang mga mag-aaral na maipamalas ang kanilang tunay na potensyal.
Tandaan na sa bawat hakbang tungo sa progreso, higit na kailangan ng malalim na pagbabago sa sistema at hindi lamang ang simpleng pagtatago ng mga nakasanayang kakulangan sa pamamagitan ng pagpintura sa kasalukuyang sistema. Ang mga bagong silya ay simbolo ng pag-asa, ngunit hindi ito sapat upang matugunan ang mga pangarap ng nakararami kung hindi ito sinasabayan ng tunay na reporma. Sa bawat bitak at sira ng mga lumang upuan, nakatago ang mga kuwento ng mga mag-aaral na humihiling ng mas malawak na espasyo at pagkakataon upang maipakita ang kanilang angking kakayahan at upang ang kanilang mga pangarap ay makamtan.
Anong saysay ng mga bagong silya at iba pang kagamitan kung hindi naman ito pantay na napapamahagi dahil tayo’y patuloy na nakakubli sa dilim ng lumang sistema na higit na nangangailangan ng reporma? Hindi nasusukat sa bilang ng mga bagay na
ipinamamahagi ang tunay na pagbabago sapagkat ang kapasidad ng sistema na magbigay wasto at nararapat na pag-unlad para sa lahat ang tunay na sumisimbolo.
Ni: Janella Vidad
Ni: Gianne Alberto
“Ang kalinisan ay hindi lamang sa panlabas, kundi pati na rin sa puso at isipan.”
WOW LHS-LAOAG, opinyon
Ni:
Wow Laging Hanggang Salita Lang
nanong mo kung anong ganap, bigla na lang silang nawawala sa eksena. Tila sa una ay nasusunod ang lahat ng nasa campaign may pa-photo ops pa, ngunit kapag wala ng kamera—ang lahat ng mga salitang ipinangako ay biglang napapako. Ang mga basura, tulad ng kanilang mga pangako, nananatili at walang pinagbago.
WOW, LHS
Pulso ng Madla
HAVEY O WALEY?
Ayon sa datos ng Student
Body Organization 20% sa mga mag-aaral ng LHS ang sumusunod sa patakarang pagpapanatili ng kalinisan.
Mababakas sa mukha ang hirap ng tagapaglinis ng naturang department unit sa paglilinis sa iba’t ibang sulok ng paaralan, kasabay pa nito ang paghiwa-hiwalay sa sangkaterbang halo-halong basura mula sa mga mag-aaral at mga guro. Kaya ang tanong ng nakararami, “Nasaan ang pinangako ng Z club na WOW LHS?”
alat dito, kalat doon. Linis dito, linis doon. Bakit nga ba kalat na kalat pa rin ang mga basura sa bawat sulok ng Mariano Marcos State University Laboratory High School sa siyudad ng Laoag, kahit na isa itong benepisyaryo ng WOW LHS Movement ng Z- Club? Ang isyung basura ay hindi na bago sa pandinig ng madla kaya naman, laging may mga umuusbong na proyekto, mga kampanya, at mga pangako ng pagbabago tungkol sa waste management, subalit tila ang mga ito ay parang bulang naglalaho sa tuwing patapos na ang isang kaganapang pampubliko. Parang isang malaking palabas na naglalayong makuha ang pansin ng publiko, ngunit pagkatapos ng curtain call, lahat ay bumabalik sa dati—puno pa rin ng kalat ang bawat sulok ng paligid. Ganitong-ganito ang eksena ng WOW LHS ng Z- Club. Isang malaking tanong na lamang kung may nakikinig at nakikiisa pa sa napakagandang adbokasiya at proyekto ng Z-Club—o wala na. WOW LHS, kunwari ay isang makabago at makulay na inisyatiba para mabawasan sana ang basura sa paaralan, ngunit kapag ti-
Dahil sa WOW LHS Movement, ang lahat ay naintriga at nadala sa pinakita nitong magagandang plano para sa paaralan—ang kanilang mga eco-friendly initiatives, gaya na lamang ng Waste Segregation, Clean-up Drives, Clean Surroundings and Classrooms, Walang Plastikan sa LHS, 5G Project: Reels on Recycling, at E-Waste Gastos with bin-E ay tunay na makabago sa tainga ng iba. Ngunit ang tanong, hanggang saan nga ba ang mga hakbang na ito? Magiging epektibo ba ang mga proyekto kung wala namang pagbabago sa mga nasasakopan na siyang magsasagawa nito? Naglipana pa rin ang kalat sa mga koridor at kwarto, maging ang mga tambak ng basura ay nakakalat pa rin kung saan-saan. Hindi ba’t isang malaking
kabiguan dapat ito para sa Z- Club, na inaasahan pa naman na magbibigay solusyon sa problemang gaya nito? Kung sabagay, puro pa-aesthetic na pubmat o tarpaulin, pang-moment na usapan, at pangmalakasang clout chase na “clean-up drive” lang naman ang makikita sa organisasyong ito. Nasaan na ang mga konkretong hakbang? Nasaan na ang mga aktwal na pagpapalaganap ng tamang gawi? Kung hindi naman nag-aabot ng tulong ang Z-Club sa mga estudyante kung paano maging disiplinado, anong silbi ng lahat ng ito? Ngunit, kung tutuusin, hindi lang nakasalalay ang pagbabago sa Z-Club, sapagkat ang isang indibidwal ay nararapat na maging responsable sa kaniyang sariling pagbabago at paglago. Kahit gaano pa ka-ingay ang mga kampanya at kahit gaano pa karaming pubmat o tarpaulin ang ipagkalat sa social media, kung hindi ito isasabuhay ng bawat isa, mananatili lamang itong isang ilusyon ng pagbabago na hindi nagagawa.
BANGUNGOT
Ni: Angel Faye Magayano
Sa bawat araw na pumapasok ang mga estudyante sa paaralan, patuloy na humahaba ang listahan ng mga aktibidad na ibinibigay, mas nagiging mabigat ang responsibilidad na kanilang dinadala. Mula sa mga takdang-aralin, proyekto, pagsusulit at hanggang sa iba’t ibang ekstrakurikular na gawain, ang tanong: Ito ba ay tunay na nakatutulong sa pagkatuto o isang hamak na pabigat lamang sa kanilang mga balikat? Isinasaalang-alang ba ng sistemang ito ang kapakanan ng mga mag-aaral o ito ang nagiging ugat ng kanilang stress at pagkabigo? Bakit tila nagiging komplikado na ang sistema ng edukasyon?
Ang paaralan ay nagmistulang isang pabrika ng walang katapusang mga gawain. Hindi pa ba sapat ang mga oras ng pananatili ng mga mag-aaral sa paaralan upang magleksiyon at magklase? Bakit binabangungot pa rin ng mga aktibidad ang mga mag-aaral kahit sila ay nakauwi na mula sa paaralan? Dahil dito, napipilitan silang magsakripisyo ng kanilang oras para sa kanilang pamilya, at kahit ang simpleng pahinga. Paano ang mga estudyanteng may mga responsibilidad sa kanilang mga tahanan? Hanggang kailan pa ba ito? Kami ay mga estudyante lamang, kami ay tao rin – napapagod, nangangailangan ng pahinga, at higit sa lahat, hindi kami mga robot na kayang gumawa ng mga bagay ng walang tigil. Ang pagbibigay ng maraming aktibidad ay karaniwang nagdudulot ng sobrang presyur. Tila ang pagsagot sa mga aktibidad na ito ay ginagawa na lamang ng mga estudyante para mayroong maipasa at matapos na ang mga pinapagawa ng paaralan, hindi upang tunay na matuto. Pinipilit tapusin ang mga proyekto ng walang malalim na pag-unawa sa konteksto dahil tila nakakalimutan na ng mga guro ang kanilang tunay na layunin. Sila ba ay may kamalayan sa kanilang mga pagkukulang? Bakit tila ginagawa nilang batayan ang dami ng aktibidad upang matukoy ang kakayahan ng kanilang mga estudyante? Maraming guro ang tila nakatuon sa pagtatapos ng curriculum kaysa sa pagtiyak na maganda ang kalidad ng pagkakaturo ng mga aralin. Paano nila matutulungan ang mga estudyante kung ang kalidad ng mga guro ay mababa rin? Isinasaalang-alang ba ng sistemang ito ang kapakanan ng mga mag-aaral o ito ang nagiging ugat ng kanilang stress at pagkabigo? May boses ba ang mga estudyante sa sistema? O nagiging tagasunod lamang sila sa mga utos na tila walang pakundangan sa kanilang kaligayahan? Tunay bang mayroon silang malasakit o nakatuon lamang sila sa pagpapabango ng
imahe ng paaralan? Sa labis na dami ng mga gawain ay nagiging sanhi ito ng burnout. Sa halip na magbigay ito ng motibasyon sa mga mag-aaral, ito ay nagiging mitsa ng pagkasira ng kanilang mental na kalusugan. Kapag sumuko na ang isipan at kata wan, susuko na rin ang kakayahan nitong matuto. Kung talagang layunin ng mga aktibidad na ito na magbigay ng mga kaalaman, bakit tila nagiging hadlang ito sa tunay na pagkatuto? Ang estudyante ay naitutulak sa pagiging tagasunod lamang sa mga instruksiyon, na nagiging balakid upang mahasa ang kanilang kritikal na pag-iisip. Paano nito matutuklasan ang kaniyang tunay na potensyal kung ang oras niya ay nauubos sa paggawa ng sunod-sunod na gawain?
Nararapat na pagtuonan ng pansin ang kalidad ng edukasyon. Ang mga guro ay nararapat magbigay ng mga aktibidad na nakakatulong upang mapalawak ang kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral, malikhaing kakayahan, at epektibong pagkatuto. Bukod dito, mahalaga ang pakikinig sa mga tinig ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan nito, mas mauunawaan ang epekto ng kasalukuyang sistema at mabibigyan ng aksyon ang mga pagkukulang nito. Dapat ding suriin ng mga guro ang kanilang paraan ng pagtuturo, magbigay ng makabuluhang suporta, at palakasin pa ang kanilang mga kakayahan. Sa huli, ang edukasyon ay hindi dapat maging simbolo ng pagod at presyur. Ito dapat ang pinanggagalingan ng kaalaman at suporta sa mga estudyante. Ang pagbibigay ng maraming aktibidad ay hindi nangangahulugang napapabuti nito ang sistema ng edukasyon. Nararapat maitaguyod ang isang balanseng edukasyon na nagbibigay halaga hindi lamang sa kaalaman kundi pati na rin sa kalusugan at kapayapaan ng mga mag-aaral. Panahon na upang ipakita na ang kahalagahan ng estudyante ay hindi nasusukat sa dami ng mga aktibidad na kaya nitong tapusin kundi sa kakayahan nitong pahalagahan din ang kaniyang sarili.
Ni: Bryghet Quinay
Bryghet Quinay
Guhit ni Prem Adhemar Doctor
Guhit ni Prem Adhemar Doctor
Bait o Buwisit?
Mga Guro sa Laboratoryo, Sino Nga Ba Kayo?
Ni: Janella Vidad
agbayag evaluation, ibabak rating ni—“ Hindi ba’t nakatatawang marinig ang mga salitang ito galing sa isang estudyante na labis ang inis at hinanakit sa kaniyang guro? Sa bawat pamantasan, may mga gurong nagiging bunga ng inspirasyon sa mga estudyante—mga guro na handang magsakripisyo upang matutukan ang panga ngailangan ng mga mag-aaral bilang mga tagamapahagi ng kaalaman, ang ating mga ilaw sa dilim. Sa kasamaang palad, may mga guro rin na tila ang presensya ay isang mabigat na pasanin kaysa tulong sa buhay ng isang estudyante—mga guro na hinding-hindi mo makalilimutan dahil sa kanilang angking personalidad na sanhi ng pagkakairita ng mga magaaral sa tuwing sila ay nakikita.
Sa isang laboratoryo ng edukasyon, tulad ng paaralang pang-agham ng Mariano Marcos State University Laboratory High School Laoag, hindi maiiwasan ang mga guro na may pusong tapat sa pagtuturo at mga guro na tila laging may hinanakit sa mundo. Kaya't, bait ba o buwisit ang mga guro sa laboratoryo? Sino nga ba sila sa mata ng isang estudyante na nais lamang matuto?
Sa loob ng isang silid-aralan at sa bawat hakbang na gagawin ng isang estudyante, may guro na tumutulong, gumagabay, at nagbibigay ng tama at naayong direksyon sa buhay ng estudyante. Ang guro ay hindi lamang tagapagturo ng kaalaman, kundi isang tagapagbigay ng pag-asa, lakas ng loob, at mga aral na babaunin ng isang mag-aaral sa loob ng kaniyang pamamalagi sa mundo. Subalit tulad ng mga ordinaryong tao, ang guro ay may kakayahang magtaglay ng mga kahinaan ar imperpeksyon, ngunit ang mga ito ay hindi nararapat na magsilbing balakid upang maging isang hindi magandang ehemplo sa mata ng mga nakababata. At, hindi rin dapat ginagamit ang kanilang titulo upang maliitin ang kakayahan ng ibang tao sapagkat ang tunay na guro ay may malasakit—inaalam ang damdamin ng bawat isa, tumutulong upang malampasan ang mga pagsubok ng isang mag-aaral, at hindi nakatingin sa mga resulta ng mga pagsusulit o sa mga marka, kundi sa taglay na pagkakakilanlan ng bawat estudyante sa loob ng kaniyang silid aralan, sapagkat ang tunay na malasakit ay hindi nakabase sa pagiging mahusay na tagapagturo o nasusukat sa tagumpay sa pamamagitan ng mga numero, kundi sa mga buhay na nabago ng mga aral na kanilang itinuro.
May mga guro naman na tila walang malasakit sa mga taong kanilang naapakan, mga gurong unti-unti o matagal-tagal na ring nawawala ang kanilang pagmamahal sa kanilang tungkulin bilang tagapag-hatid ng kaalaman. Dahil dito, sa halip na sila’y magsilbing inspirasyon ay sila pa ang nagiging sanhi ng pagkabigo ng mga estudyante sapagkat hindi nila nakikita ang tunay na pangangailangan ng kanilang mga tinuturuan. Unti-unti ay nagiging buwisit sila sa mata ng madla, hindi dahil sa kanilang paraan ng pagbibigay kaalaman, kundi dahil sa kanilang kakulangan sa simpatiya at pang-unawa. Paano magiging epektibo ang pagtuturo kung ang mga mag-aaral ay nawawalan ng liwanag sa madilim na mundo? Paano magagamit ng mga estudyante ang mga bagay na itinuturo sa silid-aralan kung ang guro na siyang dapat ay liwanag sa dilim ay hindi nagiging gabay kundi isang sagabal sa kanilang pag-unlad?
Ang bawat guro ay may kakayahang baguhin ang takbo ng isang buhay. Sa isang simpleng salita, sa isang gabay na tamang sinabi, o sa isang malasakit na ipinakita, maaaring magbukas ang mga pinto ng mga bagong oportunidad para sa mga mag-aaral. Ang bawat guro, kung itinuturing ang kanilang tungkulin bilang tagapag-hatid ng kaalaman na isang misyon at responsibilidad at hindi simpleng trabaho lamang ay hindi magiging isang pabigat kundi isang gabay na magtuturo hindi lamang ng kaalaman, kundi ng tunay na kahulugan ng pagkakaroon ng malasakit sa kapwa na kailangang bitbitin ng isang estudyante sa hangganan ng kaniyang buhay.
Ang edukasyon ay hindi isang labanan ng karunungan at titulong tinamo sapagkat ito ay isang pagtulong at pag-unawa sa bawat hakbang na ginagawa ng isang estudyante. Kung ang bawat guro ay magtataglay ng malasakit at pag-unawa, walang mag-aaral ang magiging kawawa sa loob ng isang silid-aralan. Kaya naman para sa mga guro sa laboratoryo,
Ni: Angel Faye Magayano S
FEM Lecture: Makabagong Propaganda
a mabilis na takbo ng makabagong panahon, ang kasaysayan ay itinuturing na isang lumang bahagi ng ating edukasyon. Sa kabila ng mga pagbabagong ito, nananatiling mahalaga at makabuluhan ang kasaysayan, hindi lamang sa ating edukasyon kundi pati na rin sa ating identidad at sa pagkakakilanlan natin bilang isang bansa. Ngunit paano tayo makakasigurong ang mga impormasyong ating nalalaman ay walang labis at walang kulang?
Idinaraos ang Ferdinand Edralin Marcos Lecture Series sa Teatro Ilocandia noong ika-10 ng Setyembre bilang parangal sa ika-107 kaarawan ng ating dating presidente. Layunin nitong magbigay ng karagdagang kaalaman tungkol sa kaniyang mga nagawa at pamana sa ating pinakamamahal na bansa. Ang panayam na ito ay nakahikayat ng mga estudyante, kapuwa sumusuporta at tumututol sa administrasyong Marcos, at naging daan para sa kanila upang mamulat ang kanilang mga mata sa katotohanan at sa mga tunay na kaganapan sa kaniyang panahon. Ngunit, ito ay naka-ani ng magkahalong reaksyon at kritisismo mula sa ibang estudyante dahil sa pinaniniwalaan nilang ang panayam na ito ay may kinikilingan. Ang tagapagsalita ay nag-iingat upang maging pabor ito sa dating presidente. Ang panayam na ito ay tinawag na “makabagong propaganda” ng mga manonood. Bagama’t ang panayam ay nakatutok lamang sa mga tagumpay sa panahon ni Marcos, ipinaglalaban ng iba na nararapat lamang na pag-usapan din ang mga naging pagkukulang at mga pagkakamali nito kagaya na lamang ng kaniyang pagiging diktador upang tunay na mabigyang-diin ang kahalagahan ng hindi pagkalimot sa ating kasaysayan.
Sa kabila ng kaganapang ito, naging usap-usapan din ang pagkakaltas sa budget ng Higher Education Institutions (HEI). Bagama’t ibinahagi sa panayam ang labis na pagpapahalaga ng administrasyong Marcos sa sistema ng edukasyon, tila naging salungat ang mga nangyayari ngayon sa paaralang kanilang ipinatayo. Ang aksyon na ito ay nagpapakita lamang ng pagbabalewala sa pangangailangan ng pondo na ginagamit upang matustusan ang mga pangangailangan ng mga HEIs at mga estudyante. Ang tanong ng karamihan; Tunay bang may malasakit ang mga Marcos?
Ni: Janella Vidad
Sa kabuuan, mahalagang matutunan natin ang ating kasaysayan. Huwag nating kakalimutan ang kabuoan nito at ang katotohanang walang kinikilingan, at walang prinoprotektahan. Ngunit huwag lamang tayong magpokus sa nakaraan, nararapat ding pagtuonan natin ng pansin ang mga pangangailangan natin sa kasalukuyan. Matuto tayong making sa boses ng bawat mamamayan. Sa pamamagitan nito, mas lalong magiging maayos ang sistema ng edukasyon sa ating bansa.
I-chat si Titser o Chat-GPT nalang?
iak maawatan daytoy ibagbaga ni ma’am kadetoy nga parte.” Isang simpleng pagpapahayag ng reklamo na pamilyar na sa pandinig ng lahat ng mag-aaral. Isa lamang ito sa mga madalas na marinig ng mga magaaral sa kanilang mga kaklase sa tuwing sila ay nasa gitna ng isang pagtatalakay sa loob ng isang silid-aralan. Hindi naman na bago ang karanasang hindi maintindihan ang diskusyon ng titser sa isang klase sapagkat isa itong karanasan na nagsisilbing pundasyon upang mahubog ang buhay ng isang mag-aaral.
Paano matututo ang isang mag-aaral kung hindi nito naranasan ang ganitong paghihirap? Ika nga ng karamihan, “It builds character!” kaya naman ang karanasan na ito ay dapat hindi ikubli at ikahiya ng kahit nino man. Walang maniniwala sayo, ni isa, kung sasabihin mong hindi ka nahihirapan kahit sa isa man lang na leksyon ng iyong titser.
May mga leksyon na ubod ng daling intindihin at mayroon namang tila kay hirap unawain. Sa kasamaang palad, mas madalas na harapin ng mga mag-aaral ang mga leksyon na kay hirap unawain—yung tipong kahit paulit-ulit nila itong subukang intindihin, wala’t wala pa rin. Kaya naman, sa puntong magbibigay na ang titser ng gawain— nganga—ang tanging reaksyon na kayang ilabas ng isang mag-aaral sabay bulong sa hangin, “Awanen.” nakakatawa mang isipin subalit kapag ikaw na ang nasa sitwasyon na ito ay ganito na lamang din ang magagawa mo. Sa puntong ito, humahantong sa isang mabigat na pagpapasya ang isang mag-aaral—maging tapat at amining hindi niya ito kayang gawin o magpatulong sa kaniyang munting kasangga—ChatGPT.
Ang ChatGPT ay isang chatbot na gumagamit ng Arti cial Intelligence (AI) upang makipag-usap sa mga gumagamit nito sa isang natural na paraan. Ito ay dinisenyo upang magbigay ng impormasyon, tumugon sa mga katanungan, at magbigay tulong at serbisyo sa iba’t ibang gawain ng iba’t ibang tao, kagaya na lamang ng mga mag-aaral.
Lahat ng mga posibleng katanungan na maaaring maglaro sa isipan ng isang tao ay tiyak na may kalakip na kasagutan. Subalit hindi lagi’t lagi na may susulpot sa isipan ng isang tao na kasagutan sa mga katanungang ito—bigyang pansin na lamang natin ang sitwasyon na inilahad sa itaas. Hindi sa lahat ng bagay o aspeto ay kayang maghari ang angking talino o ang utak ng isang tao.
Ang mga sitwasyon, kagaya nito, ang nagsisilbing hudyat ng agarang aksyon sa mga larangan na nakasentro sa mga usaping nangangailangan ng mga kongkretong kasagutan— mga sagot na may katiyakan at paninindigan. Kaya naman, ang laganap na pag-usbong ng mga makabagong inobasyon at teknolohiya ay kitang-kita sa henerasyon na ito. Sa panahon ngayon, ginagamit na ng karamihan ang mga makabagong instrumento tulad ng ChatGPT na tila tatak na sa pandinig ng masa, kagaya na lamang sa mga mag-aaral ng Mariano Marcos State University Laboratory High School - Laoag.
Sigurado, lahat naman ng mga tao sa mundo, mag-aaral, guro, o iba pang mga larangan ng propesyon ay nagamit na ang mga makabagong instrumento tulad ng ChatGPT sa kanilang pangaraw-araw na buhay. Wala namang masama kung aaminin ng isang tao ang katotohanang ito, sapagkat hindi naman uusbong ang mga makabagong inobasyon at teknolohiya gaya ng ChatGPT kung hindi rin naman ito gagamitin ng masa.
Ang paggamit ng mga mag-aaral sa mga makabagong instrumento tulad ng ChatGPT ay isang normal lamang na gawain ng isang mag-aaral, o ng isang ordinaryong tao. Paano ka aangat at mahahasa kung patuloy mong ilalagay ang iyong sarili sa bitag ng kawalang kaunlaran? Sabi nga nila, “To live in stagnation, is to live in death.” Ang mga instrumentong ito ay nabuo bilang solusyon sa mga bagay na hindi kayang solusyonan ng mga tao ng sila-sila lamang. Kaya naman, ang ChatGPT ay siyang nagsisilbing instrumento tungo sa pag-unlad at pagbabago.
Sa patuloy na mabilis na daloy ng panahon, maraming pagbabago ang sasalubong sa mundo, kagaya na lamang ng pag-usbong ng mga makabuluhang instrumento na pinapagana ng Arti cial Intelligence (AI). Ang mundo ay dinamiko at patuloy na nagbabago, kagaya ng mga tao. Sa huli, nasa sa tao na kung sila ay magpapatangay o sasabay sa alon na ito.
TIMPLA NG BUHAY
LATHALAIN
Ni: Allahna Tolentino
kung ihahalintulad ang sarili sa kape, alin ka kaya rito? Iyon bang mapait ngunit matapang at kaya kang ipaglaban, o katamtaman lang- hindi matamis at hindi naninipa ang lasa, o ‘di kaya naman yung tipong pa-sweet lang pero kakaiba at tiyak na hahanap-hanapin ng panlasa. Katulad ng kada tasa ng kape, bawat tao ay may kaniya-kaniyang timpla at espesyal na katangiang hindi maihahalintulad sa iba. Ano areh ang iyong hanap sa kape? Sa probinsya ng Batangas lubos nilang ipinagmamalaki ang isa sa natatangi nilang ani- ang Barako Coffee amoy palang ay masasabi ng ito ay kapeng batangueño nanunuot sa ilong ang kaaya-aya nitong bango. Siguradong kapag tinikman ito mapapa “Ala eh!” ka sa angkin nitong sarap. Hindi pa rin nalalayo sa rehiyong ito ibinibida naman ng Cavite ang kanilang Robusta Coffee angkop para sa mga mahihilig sa malakas na lasa ng kape. Ang mataas na antas ng caffeine nito ay parang isang masiglang hagupit ng enerhiya isang kasamang mapagkakatiwalaan para sa mga pusong naghahanap ng sigla. Dumako naman tayo sa bulubundukin ng Cordillera Administrative Region na kung saan kilala ang kanilang rehiyon sa espesyal nilang coffee bean- ang SGD Coffea Arabica itinuturing itong hiyas sa industrya ng kape taglay nito ang maliliit ngunit makinis na butil, tila ba’y isang perlas na nag-kukubli ng kayamannag lasa. Sa likod ng bawat butil ay ang perpektong kombinasyon ng katamtamang tamis at tapang. Sa kabila ng sari-saring uri ng kape sa bansa ay siyang naging dahilan na rin upang maging parte na ito ng kultura, sa bawat umaga ay may kapeng kasama. Sa ating kultura ang kape ay higit pa sa isang inumin—itinatangi ito bilang isang bahagi ng kultura at buhay. Sa bawat umaga,
ang amoy ng mainit na barako o arabica ay parang paanyaya sa mga tahanan upang magsimula ng araw na puno ng sigla. Sa mga bayan at lungsod, ang mga kapehan ay nagsisilbing sentro ng kwentuhan, usapang negosyo, o tahimik na pagninilay. Ang bawat tasa ay may kuwento, mula sa mga kamay ng masisipag na magsasaka sa Benguet at Batangas hanggang sa mga palad ng mga Pilipinong naghahanap ng ginhawa at inspirasyon. Sa gitna ng mga ingay ng lungsod o tahimik na paligid ng probinsya, ang kape ay isang sining, tradisyon, at kasiyahang sabay-sabay na inihahain, na nagbubuklod sa bawat Pilipino sa iisang pag-ibig—ang pagmamahal sa bawat higop ng kape. Sa gitna ng tahimik at malamig na gabi, habang tulog ang lahat ang bawat tasa ng kape ay saksi sa kada oras na isinakripisyo, sa bawat paghihirap na nalagpasan, at sa mga ala-alang hindi lubos na makalimutan. Kasama ito sa bawat pagbagsak ng mga balikat dahil sa pagod at muling pagtindig, upang ipagpatuloy ang mga pahinang pilit tinatapos, at sa pag-abot ng mga pangarap na binubuo sa dilim. Ang tanging kakampi na nagbibigay ng lakas hindi lamang upang manatiling gising, kundi upang patuloy na harapin ang bawat hamong tatahakin. Marahil ay isa ka rin sa isinalba ng kape sa mga oras na malapit ka ng bumitaw at sumuko, ngunit dahil sa tapang na amoy nito ang kumalabit at nagpa-alala sa iyo kung bakit ka nagsasakripisyo.
pawis at luha, may bunga ang bawat pagsisikap. Katulad ng iba’t ibang timpla ng kape, bawat tao ay may natatanging lakas at lasa ng tagumpay—nagkakaisa sa kulturang Pilipino na nagpapaalala sa atin na, sa bawat pagsubok, laging may pag-asang haharapin.
Ang kape ay tila salamin ng bawat Pilipino—mapait ngunit matapang, o di kaya’y banayad ngunit tiyak na hahanap-hanapin. Sa bawat rehiyon, bawat tasa ng kape ay may sariling kuwento: ang tapang ng Barako mula sa Batangas, ang hagupit ng enerhiya ng Robusta ng Cavite, at ang perlas ng lasa ng Arabica ng Cordillera. Ang kape ay higit pa sa inumin; ito’y alaala ng pag-asa, sakripisyo, at tagumpay.
Ni: Allahna Tolentino
Sa bawat umagang nagsisimula at gabing puno ng laban, kasama ang kape bilang saksi at kakampi. Ito ang tahimik na nagbibigay-inspirasyon, nagpapalakas ng loob, at nagpapaalala na sa bawat patak ng
EXTRA CURRICULAR
BURNOUT
Nakita mo na ba ang kandila sa kaniyang pagliyab? Sa simula’y sumasayaw ang ningas, masigla’t maliwanag puno ng buhay at nagningning na tila ba wala ng bukas. Ngunit sa paglipas ng panahon unti-unting kumukupas ang kaniyang haliging lakas, hanggang sa hindi na ito makislap.
Naitatak na sa aking isipan na kapag nasungkit ko ang mga bagay na nagbibigay parangal sa akin ay batid kong ako’y hahangaan at papalakpakan nang nakararami at makaaani ng iba’t ibang papuri sa mga tao, kakilala man o hindi. Tama naman ako dito. Lumaki ako na naging parang awitin na sa aking pandinig ang mga magagandang papuri nila sa akin. Sa kabila nito, nakararamdam pa rin ako ng takot na baka kulang pa ang ipinapakita kong husay at galing at madismaya sila sa akin. Napangunahan na ako ng pangamba sa mga bagay na maaring mangyari kung sakaling mabigo ko sila at ako’y hindi magwagi sa anumang paligsahan kung saan ako’y nakilala. Ano kaya ang ang sasabihin nila sa akin? Batid ko na sa oras na bumagsak ako mula sa kinaroroonan ko ngayon hindi na ako pansin o parang wala na akong saysay sa mundo. Sa mata nila ako’y talunan, napag-iiwanan, at hindi na makababangon pa. Bunga nito, ako ay laging nagsisikap, at palakasin ang aking kakayahan sa iba’t ibang larangan. Laging nakaukit sa aking
isipan na dapat palaging panalo, at walang lugar ang pagkatalo.
Sa kabila ng kaisipang ito at habang lumilipas ang panahon, hindi ko namamalayan na naglalaho na pala ang sigla ng apoy ng kandilang dating nagbibigay liwanag. Kagaya ng kandila ay nalulusaw na rin ako, unti-unti nang nanghihina ang nagliliyab na apoy at tila isa ng ningas na nabuhusan ng tubig. Wala na akong nararamdamang saya sa mga gawaing dating kinagigiliwan ko, at ang tanging dahilan na lamang upang magpatuloy ay ang takot kong masabihan na pumalpak ako bilang estudyante. Para bang isinasaalang-alang ko na lamang ang bawat pagkapanalo para sa mga taong umaasa sa paligid ko. Sa paraang ito na lang ba nasusukat ang halaga ko?
Sa lilim ng mga tropeo’t medalya nagtatago ang totoong ako. Sinong mag-aakala na sa likod nito ay nakakulong ang batang ako. Ang isang paslit na hindi labis na natamasa ang pagkabata sapagkat sa halip na naglalaro kasama
Bibong bata kung ako’y tawagin, kahit ano pa ang ipagawa noon ay sabik na sabik ko itong gawin. Parati ring ako ang napipiling pambato at laging isinasali sa iba’t ibang patimpalak sa eskwela, maari na nga akong tawaging kontesera dahil sa kaliwa’t kanang paligsahang aking sinasalihan. Sa ganitong paraan na nga ako namulat, maagang nasilaw sa mga sertipiko’t parangal ngunit hanggang ngayon ay tila may kulang at uhaw pa rin sa tagumpay. Nasaan na kaya ang dating nanabik, masiyahin, at kuntentong bata?
ang mga kaibigan ay nagsasanay para sa susunod na kompetisyon, tila sapilitang tumanda ang aking ulirat at namulat sa katotohanang walang lugar ang pagiging malaya. Sa bawat ningas at pagkupas ng kandila, natutunan ko na ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa dami ng papuri o bigat ng medalya. Ito ay nakakamit sa muling pagyakap at pagmamalasakit sa sarili, sa pagtanggap na ang pagiging tao ay may kahinaan at kalakasan. Kada medalyang natatanggap ko ay siyang nagsisilbing maskara upang itago ang mga hirap na pinagdaanan ko. Akala ng iba na kapag mahusay ka ay hindi ka na napapagod, laging nakangiti at masaya sa buhay. Ang hindi nila alam, ako’y tila isa ring kandila- natutunaw, nauupos, namamatay. Kaya’t sa aking pagtanda ay hinahanap ang naligaw na sarili para akong nalunod sa mga haka-hakang batikos ng mundo. Pakiramdam ko wala na ang mahusay na ako, mahirap itong tanggapin sa aking sarili ngunit pagod na rin ako. Iginugol ko na halos ang buong buhay ko sa pag-abot ng mga ekspektasyon ng tao sa paligid ko. May hangganan rin pala ang bawat konteserang gaya ko.
Ngunit sa kabila ng lahat, hindi ko maitanggi ang kirot ng pagbitaw sa mga bagay na dati kong kinagigiliwan. Hinahanap-hanap ko ang panahon kung kailan ako’y malaya at masaya. Sa gitna ng aking pagkaligaw, patuloy akong umaasa na muling makikilala ang totoong ako. Ngayong huminto na ang galaw ng orasan ng mga patimpalak, natutuhan kong hanapin ang kagalakan sa mga simpleng bagay. Ang aking hinahanap ay hindi lamang ang sarili kong matagal nang naligaw, kundi ang diwa ng buhay na malaya, puno ng ngiti, at walang bakas ng takot. Sapagkat higit sa lahat, ang pinakamahalagang medalya ay ang pagtanggap sa sarili—sa bawat sugat, sa bawat pagkatalo, sa bawat pagkakamali ay may katumbas na pagbangon at muling paglaban.
Sa ilalim ng tahimik na langit, umaasa akong muling magliliyab ang kandilang ito. Hindi na upang bigyang liwanag ang mundo ng iba, kundi upang magningning para sa sarili at makontento kung ano ang kakayahang meron ako.
Larawan mula sa Pinterest
Let’s Go, MaMaSU Let’s GO!
Ilang araw na lamang isang opisyal na Stallions na ako! handa na ako! batid kong taglay ko na ang karakter ng isang tunay at mahusay na stallion. Simula pa sa aking pagkabata, pangarap kong mapabilang sa institusyong ito, gusto kong maabot ang aking mga pangarap bilang isang stallions. Halina’t tunghayan natin ang aking rst day high moment. Pagsikat ng umaga ay kasabay ng pagbubukas ng pintuang puno ng pag-asa. Dala ko ang masasayang ngiti sa labi at baon ang mga pangarap na abot hanggang alapaap. Ito ang hatid ng mga panibagong mukha na aking makikilala, mga taong magbibigay kulay, buhay, at liwanag sa tinaguriang pangalawang tahanan—ang paaralan.
Ika nga nila, ang mga inspirasyon ay nagsisimula lahat sa pangarap. Saan nga ba matutupad ang mga ito? Sa eskwela, maraming tao ang nakakasalamuha; bawat isa sa kanila ay may dalang nakabibighaning kwento na nakatataba ng puso. Ilan sa kanila’y pumapasok upang makapagtapos at iahon ang kanilang pamilya sa hirap, habang ang iba naman ay pumapasok para lamang sa baon. Alin ka sa kanila? Sa mga nakaraang buwan ay nagkaroon tayo ng pagkakataong makapagpahinga, ngunit ngayon ay oras na upang harapin muli ang eskwela at sungkitin ang ating mga hangarin.
Ayon sa mga narinig kong kuwento, bawat taon ay mainit na sinasalubong ang mga bagong estudyante sa pamamagitan ng isang programa na tinatawag na “Freshie Walk.” Ito ay isang tradisyon ng paaralan upang salubungin at iparamdam ang init ng pagtanggap ng pagsisimula sa mga bagong miyembro ng komunidad. Para sa akin, hindi lamang ito isang magandang karanasan upang simulan ang unang araw ng eskwela.
Bagkus, isa itong simbolo ng panibagong simula, isang paalala na bawat hakbang patungo sa pangarap ay may kaakibat na pagtitiwala sa nakaraan at pananaw sa hinaharap. Kada hakbang sa bagong pintuang nagbukas ay isang lagusan patungo sa matamis na tagumpay.
Maihahalintulad ang programang ito sa bilang isang mahalagang katangian nating mga Pilipino—ang pagiging magiliw sa pagtanggap ng mga bisita. Kilala tayo bilang isa sa mga pinaka-hospitable na lahi sa mundo. Sa Freshie Walk, makikita kung gaano kahanda ang mga ate at kuya na maging kaibigan at karamay. Patunay ito na sa paaralang ito, walang nag-iisa. Sa kanilang mga ngiti, tiyak kong naalala rin nila ang kanilang unang araw sa eskwela— marahil ay napangunahan din sila noon ng kaba at takot sa kung anong hamon ang dadalhin ng bagong yugto ng buhay. Ngunit sa tradisyong ito, binibigyan tayo ng pagkakataong maramdaman na tayo’y tanggap at bahagi na ng isang malaking komunidad na itinuturing na pamilya.
Natatanaw ko na ang mga makukulay na lobo, rinig ko na ang hiyawan at sigawan ng mga kapwa ko estudyante, at ramdam ko na rin ang kanilang sabik para sa unang araw ng eskwela. Sino nga ba ang hindi? Sa ganito ba namang paraan ng pagtanggap mula sa mga guro at mga na sa mataas na baiting. Napakasimpleng bagay lamang ito ngunit mayroong malaking impak sa amin bilang baguhan, tunay na kay sarap maging parte ng paaralang ito, tunay na kay gaan ng bagong simula sa paaralang dati ko lang pangarap. Sa bawat hakbang na ginagawa ng mga baguhan tulad ko, isang malaking bagay ang Freshie Walk upang panatagin ang aming kalooban. Kung kinaya nila noon, kakayanin ko rin ngayon. Balang araw, magiging isa rin ako sa mga sasalubong sa mga bagong estudyante, magbibigay kulay sa kanilang unang araw, at magpaparamdam na hindi sila nag-iisa. Malaking bagay ito para sa akin sapagkat alam kong may mga taong naniniwala sa akin, kahit sa simula pa lamang ng mahaba-habang paglalakbay patungo sa aking mga pangarap.
47th Foundation Anniversary
Sa loob ng halos limang dekada, ang Mariano Marcos State University (MMSU) ay naging haligi ng kahusayan sa Hilagang Luzon, sa larangan ng edukasyon, pananaliksik, at pakikilahok sa komunidad. Mula nang itatag ito noong 1978, patuloy itong nagbibigay ng de-kalidad na edukasyon at nagiging tagapagtaguyod ng makabagong teknolohiya sa rehiyon. Sa kabila ng maraming pagsubok, nananatiling matatag ang MMSU sa pagtupad sa misyon nitong makapagbigay ng makabuluhang kaalaman at serbisyo para sa ikabubuti ng lipunan. Sa kanilang bisyon na maging nangungunang unibersidad ng bansa pagsapit ng 2028, isinusulong nila ang mga pangunahing halagang kaalaman, pagkakaisa, propesyonalismo, espiritualidad, at pananagutan.
Sa pagdiriwang ng ika-47 na anibersaryo ng unibersidad ngayong taon, dinala ng MMSU ang temang "Cultivating Minds, Transforming Futures." Ang tema ay sumasalamin sa kanilang walang sawang pagsusumikap na magbigay ng mga oportunidad para sa mas magandang kinabukasan ng bawat mag-aaral at ng buong komunidad. Isa sa mga tampok na gawain ay ang "Diana Around e Town," isang parada na pinangunahan ni Ocer-In-Charge President Prima Fe R. Franco, mga opisyal ng unibersidad, at si CHED Commissioner Shirley C. Agrupis, na dating pangulo ng MMSU. Ang parada ay umikot sa mga pangunahing lugar mula Batac hanggang Paoay, nagdulot ng kasiyahan sa mga residente, at nagbigay-liwanag sa pagdiriwang.
Bukod sa parada, naging tampok din ang "MMSU Trade Fair and Garden Show" na nagpakita ng mga natatanging produkto ng mga Ilocano, tulad ng mga likha ng mga lokal na eksibitor mula sa iba’t ibang probinsya. Isa ring bahagi ng trade fair ang mga makabagong pananaliksik at teknolohiyang binuo ng mga mag-aaral at mananaliksik ng unibersidad. Sa ganitong paraan, naipakita ang kakayahan ng mga estudyante at mga propesor ng MMSU sa pagsulong ng agham, sining, at teknolohiya.
Para sa mga mag-aaral ng unibersidad, ang kanilang tagumpay ay isang hamon na patuloy na paghusayin ang kanilang sarili at ipagmalaki ang kanilang alma mater. Ayon sa pamunuan, mahalaga na bawat mag-aaral ay magpunyagi upang makamit ang mataas na antas ng edukasyon at maging handa sa hamon ng hinaharap. Sa pamamagitan ng pagsusumikap at pakikiisa sa mga adbokasiya ng paaralan, inaasahan ng unibersidad na patuloy na magiging mabunga ang kanilang pagtatanim ng kaalaman at kasanayan.
Ang MMSU ay nananatiling inspirasyon sa mga kabataan—isang paalala na ang tagumpay ay nakakamit sa pamamagitan ng pagkakaisa, determinasyon, at walang sawang paghahangad ng kaalaman para sa ikabubuti ng nakararami.
LATHALAIN
Ni: Vince Pascua
Ni: Allahna Tolentino
Larawan mula sa MMSU Page
LATHALAIN
larawan ni: DRRamonReyesMD
U- UMINOM NG TUBIG
U.B.O. Sundalo!
ni: Danielle Aquino
Sa patuloy na pagbabago-bago ng klima, ay siya namang pag-usbong ng mga kalabang ubo”t plema. Sa init o lamig; saan mang dako ay nandiyan sila, tila nag-aalburotong bulkang pilit na kumakawala sa la lamunan; nagsasabay-sabay mistulang isang ritmong walang katapusan. Nakababahala; lahat na ay tinatamaan sa kalabang katawan ang naaapektuhan. Paano nga ba ito malulunasan?
Ang ubo ay isang karaniwang kondisyon na madalas mangyari sa tao. Salungat sa kaalamang naikintal sa lahat, ang ubo ay hindi sakit, ito ay reaksiyon lamang ng katawan kapag ang daluyan ng hangin ay barado, dulot ng plema, sipon o minsan mga pagkaing nakapapasok sa lagusan nito. Ang ubo ay tumatagal ng ilang araw o hanggang dalawang linggo. Minsan, mabisa na rin ang “organic” na gamot o iba pang maaaring lunas upang mapawi ang nakababahalang banta nito sa katawan. Ngunit, kalimitan ay hindi na ito kinakailangan ng gamutan dahil nadadaan na sa mas matipid at mas mabilis na pamamaraan.
At kung simpleng ubo ang patuloy na mananalasa sa katawan, may mga paraan upang maibsan ang problema at banta nito bukod sa mga tabletas na reseta ng doktor. Narito ang ilan sa mga lunas na maaaring itumbas upang maging ligtas sa taglay nitong banta:
Ang tubig ay isa sa pinakaepektibong paunang gamot sa anumang sakit dahil taglay nito ang minerals na kinakailangan ng katawan. Ang pag-inom ng tubig o hindi kaya ay pagmumog ng maligamgam na tubig na may asin o may oral antiseptic ay isang mabisang lunas sa nangangating lalamunan. Ang maligamgam na tubig ay karaniwang ginagamit upang mapanatiling maayos ang nasal secretion o ang pagluwag ng plema na nagbabarado sa daluyan ng hangin sa katawan.
Maraming pag-aaral na ang nagpatunay na ang saltwater gargle o pagmumog sa tubig na may asin ay isang pantulong na lunas ng iba pang sakit gaya ng sore throat, tonsilitis, lalong lalo ang pagluwag ng plema, mga dumi-dumi o bacteria sa lalamunan na nagdudulot ng pag-ubo.
B- BODY STEAM/ SUOB o TUOB
Malaking tulong ang steam inhalation o body steaming sa katawan. Ang paglanghap ng usok mula sa mainit na tubig na may kaunting asin ay nagtataglay ng tinatawag na water vapor na makatutulong na maibsan ang pagbarado ng ilong, sipon, ubo at sinusitis. Ang steam o tinatawag na suob ay isang home-based therapy o remedi para sa ubo o iba pang sakit. Ang pagkukulob sa loob ng kumot habang nilalanghap ang usok mula sa steamer o palanggana ay nakapagdudulot ng kaginhawaan sa katawan. Ngunit, ayon sa World Health Organization (WHO) ito ay hindi masasabing lunas kundi ito ay magandang pantulong lamang upang maibsan ang sintomas ng sakit na nararamdaman, ito ay makatutulong lamang para sa patuloy na paggaling.
O- ORGANIKO/ NATURAL NA GAMOT
Nakasanayan na ng mga Pilipino ang paggamit ng mga natural o organikong gamot bilang mga alternatibong panlunas sa iba’t ibang sakit. Sa simpleng pagpapakulo o pagpiga sa katas mula sa mga halamang gamot gaya ng lagundi, oregano, luya, at eucalyptus ay ilan lamang sa karaniwang kasangkapan. Taglay ng ilan sa mga halamang ito ang volatile oils na nakagiginhawa ng lalamunan. Ang mga natural na kemikal na mula sa mga halamang ito ay mabisang gamot para mapalambot ang matigas at malagkit na plema na siyang bumabara sa daluyan ng hangin. Ang ganitong uri ng mga gamot ay laganap sa iba’t ibang sulok ng bansa, lalo na sa mga liblib na lugar na malayo sa sibilisasyon. Bukod dito, ang taglay na nutrients at kemikals mula sa mga halamang gamot ay mas mainam at mabisang gamitin sa kahit na anomang uri ng sakit, partikular na sa mga simpleng ubo at sipon.
Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, ang pangunahing paraan ng pagkalat ng ubo ay sa pamamagitan ng laway at pagbahing ng tao. Ang paghahanda ay isang panghabambuhay na aral na tinuro sa paaralan. Ganun din sa ubo! Dapat laging handa!
Academic PRESSURE
“...makikita pa rin kaya ako? Unti-unti nang nauubos ang sarili
ninanais na sana ito na ang huli. Sino na nga ba ako muli?
MALAMIG ang simoy ng hangin; ang mga bituin ay nagniningning at ang buwan ang nagsisilbing ilaw sa kalangitang madilim. Narito siya pinupuno ang sandata ng mga bala upang makipatintero na naman sa giyera.
Alas dose na naman, hudyat ng panibagong araw na tatahakin at pagsubok na haharapin. Ang amoy ng kape ay nanunuot sa mga ilong at ang pandesal ay mainit-init pa. Pagpatak ng alas sais ng umaga ay ang paggising ng diwa mula sa tatlong oras na pahinga. Alas siyete na, susugod na naman sa digmaan, sayang ang naihain sa lamesa pati sa pagkain ay parang ipinagkakait sa sarili sa takot na mahuli sa eskuwela. Simula pa lamang ng araw ay sinusubok na ng tadhana, umaga pa lamang ay nakikipag-unahan na sa mga kapuwa estudyante para may masakyan, idagdag pa ang ingay at usok ng mga sasakyang nakasusulasok. Papasok pa lamang sa paaralan ay pagod na, at makikinig pa sa klase hanggang alas singko ng hapon pag balik sa tahanan madilim na, ang enerhiya ay said na ngunit may mga takdang-aralin na dapat tapusin, at bubuklatin ang mga pahina ng libro upang ang susunod na leksiyon ay aaralin. Sinimulan ang araw na pagod at tatapusin din sa pagod. Halos kalahati ng araw ay iginugugol para sa eskwela. Ngunit bakit tila kulang pa rin ang lahat ng ginagawa? “Pabida” kung siya’y tawagin ng kapuwa estudyante, ngunit kung wala siyang gagawin ay hindi mangunguna sa klase.
Kulang pa nga lahat ng ginagawa sapagkat kahit anong aral, kahit anong puyat, kahit anong pagsusumikap, talo siya sa lahat ng bagay. Nagmistulang sa eskwela na umiikot ang mundo, wala nang buhay sa labas nito. Parating pinupuring matalino, ngunit sa loob-loob niya kwinekwestyon pa rin ito. Maaring totoo man, ngunit hindi siya ang pinakamautak. Nakakapagod din palang isipin na rito nasusukat ang kahalagahan, na kung hindi magsusumikap na maging pinakamagiting na sundalo ay tila ba hindi magniningning sa mundo. Hindi na kilala ang sarili, ang layo na sa nakasanayang dati, ano ang nangyari? Mula sa isang batang masaya, maligalig, at kuntento bakit naging ganito? Ang daming tanong sa isipan pero sarili lamang ang makakasagot at masisisi, itinatak sa kukote na hanggang dito lang. Ang mga boses na naririnig ay galing sa sariling utak.
MALAMIG ang simoy ng hangin; ang mga bituin ay nagniningning at ang buwan ang nagsisilbing ilaw sa kalangitang madilim. Narito siya pinupuno ang sandata ng mga bala upang makipatintero na naman sa giyera.
“You will experience your first heartbreak in high school...”
...ang karaniwang babala ng mga nakaranas na. Ngunit bakit walang nagsabi na ganito pala ang sakit kapag isang punto na lamang ay maaabot na ang matagal nang inaasam. Ang markang otso sa report card ang babasag sa pusong pagod, ang average na kulang ng isang puntos upang masama sa high honors ay mistulang katapusan na ng mundo, nakakasira, nakakawalang gana, nakakapanghina. Hindi naman ganito dati, makita lamang na may nuwebeng marka ay masaya na. Patagal nang patagal ay ang paglala ng palala ang pananabik sa karangalang matatanggap, na hindi na mabuti ang dulot sa katawan at utak. Ikinukumpara ang sarili sa kapuwa estudyante na kahit may buhay siya sa labas ng eskuwela nakakagala at tila walang iniisip na gawain pero sila pa rin ang mas nakakataas. Pero bakit siya na halos mamatay na sa kakaaral, wala ng oras para magliwaliw ay nasa ibaba. Ang lahat ng sakripisyo ay kailanman hindi magiging sapat. Sa bawat papuring natatanggap, ay ang pagtaas ng ekspektasyong haharapin. Sabi nila kamahal-mahal, walang katumbas na halaga ngunit sa likod ng bawat sertipiko’t medalya ay hirap, luha, at pagdududa. Hindi na mawari kung sino na ang sarili, kung wala ang lahat ng ito mahalaga pa rin kaya ako sa mundo, makikita pa rin kaya ako? Unti-unti nang nauubos ang sarili nanais na sana ito na ang huli. Sino na nga ba ako muli?
Guhit ni: Alexandra Blanco
Ni: Allahna Tolentino
AGTEK
Ni: Shan Andrei Innocente
Kalinisan ang mithiin? Gbean ay Gamitin!
Alam mo ba kung ano ang no. 1 na naliklikha ng tao? Hindi kaalaman, bagay o pera kundi basura. Ayon sa Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yamang o DENR ang Pilipinas ay lumilikha ng 61,000 metrikong tolenda na basura sa bawat araw. Kung itoy iisipin at susuriin napakaliit na bagay lamang ang usaping pagtatapon ng basura, ngunit sa katotohanan, ito ay isa sa pinakamalalaking suliraning kinahaharap ng ating lipunan.
Bagaman may mga landfills na pinagtatapunan, hindi pa rin nakaiwas ang marine o coastal areas na maraming basura, dahil dito ang mga basurang ito ay nagdulot ng polusyon, pagkasira ng kalikasan, at banta sa kalusugan ng tao. Kaya naman upang mabawasan ang suliraning ito nalikha ang isang aplikasyon na maaaring makatulong sa problema ng basura, ito ang Green Bean o Gbean.
Ang G-bean ay isang aplikasyong linikha ng limang mga magaaral mula sa Mariano Marcos State University – Laboratory High School, na may layuning magtaguyod ng wastong pamamahala ng basura. Ito ay may walong interactive feature gaya ng Generate Bean, Game Bean, Gain Bean, Gleam Bean, Generalized Bean, Green Bin, Grow Bean at Galleon Bean na may iba’t ibang gamit para makatulong sa waste management.
Ang pinakatampok sa aplikasyong G-bean ay ang kanyang scanning dahil dito makikita kung ang isang basura ay nabubulok, di- nabubulok o recycable, ipinapakita rin nito kung saan ang pinakamalapit na basurahan upang maiwasan ang pagtapon kung saan-saan at nagbibigay rin ng educational information ukol sa pangangalaga ng ating kapaligiran, tulad nang tamang pagtapon ng basura at maaring gawin sa mga basurang pwedeng magamit pa.
Sa kabuoan, ang aplikasyong G-bean ay may malaking tulong sa problema tungkol sa pagpapaantili ng kaayusan at kalinisan sa ating kapaligiran, ngunit ang pinakamahalaga parin ay ang disiplina ng bawat isa. Ikaw kaibigan ano pa ang iyong hinihintay, maging tagapangalaga ng kapaligiran gamit ang Gbean!
Halina’t magtanim ngunit tubig lang ang gamit?
Ni: Shan Andrei Innocente
Sa patuloy na pag-usbong ng iba’t ibang imprastraktura, kasabay ng hindi maawat na paglobo ng papulasyon ng tao, na siyang dahilan kung bakit ang mga dating sakahan na punong-puno ng iba’t ibang tanim ngayon ay punong-puno na ng gusali at makikitid na daan. wala ng mataniman ang mga plantita at plantito. Ngunit huwag mag-alala dahil sa patuloy na pagbabago ng lahat dahil sa modernisasyon pati ang pagtatanim ay sumabay na rin, at ang pinakasikat ngayon ay ang tinatawag na hydroponics. Halina! tukalasin natin ito.
Ang hydroponics ay isang siyentipikong pamamaraan ng pagtatanim na gumagamit ng tubig bilang pangunahing medium. Sa tradisyonal na paraan, nangangailangan ng lupa upang magtanim, subalit sa hydroponics, ang tubig na may halong mga nutrisyong kinakailangan ng halaman ay sapat na upang mapatubo ito. Unang ginamit ang hydroponics noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, partikular sa mga isla ng Pasipiko kung saan ang mga sundalo ay nangangailangan ng sariwang pagkain ngunit ang lupa ay hindi angkop sa pagtatanim. Dahil sa matagumpay na resulta nito, nagsimula itong gamitin sa iba’t ibang bansa bilang alternatibong pamamaraan ng agrikultura.
Ang mga pangunahing benepisyo ng hydroponics ay ang hindi paggamit ng lupa na nakababawas ng panganib mula sa pagkakaroon ng mga peste at sakit na nagmumula sa kontaminadong lupa, ito ay maaring gawin kahit sa loob ng bahay. Mainam ito para sa mga naninirahan sa urbanisadong lugar na may limitadong espasyo, puwede ring magtanim ng kahit anong uri ng halaman napapanahon man ito o hindi at higit sa lahat nagbibigay ito ng maraming ani lalo na kung may kontroladong kondisyon sa pagtatanim, tulad ng dami ng tubig, sustansiya, at ilaw, nagiging dahilan ng produktibong mga pananim, na nagreresulta sa mas maraming ani kumpara sa tradisyonal na pagtatanim.
Sa kabuuan, ang hydroponics ay isang makabago at mabisang paraan ng pagtatanim na maaaring gawin kahit sa mga lugar na kulang sa espasyo at may di-angkop na kondisyon sa lupa. Sa pamamagitan ng pamamaraang ito, hindi lamang napapabuti ang ani kundi nakatutulong din ito sa pangangalaga sa kapaligiran dahil sa mas mababang paggamit ng tubig at pestisidyo. Kaya ano pang hinihintay mo? Subukan na ang hydroponics at magtanim gamit ang tubig!
WOW LHS: Wow na Wow
Sa kabila nang maraming benipisyo naidudulot ang AI ay marami rin ang sumasalungat dito. Maraming agam-agam ang naglalaro sa kanilang isipan, makatutulong nga ba o makagdudulot ng pinsala? Maraming tanong na hindi masagit. Isa sa mga hindi sumasang-ayon ay ang GMA. Hindi sila pumayag na mai-debut ang AI sportscasters sa NCAA Season 99 men’s basketball tournament na kung saan marami ang nagbigay ng kanilang negatibong reaction. Dagdag pa, ayon kay Professor Rachel Khan ng University of the Philippines Diliman-College of Mass Communication na ang ginawa nila ay maaaring maging sanhi ng hindi pagtitiwala ng tao sa media at ang pagkalat ng mga maling impormasyon.
Bukod dito, ang AI rin ay nagdudulot ng pagkawala ng trabaho dahil sa paggamit ng mga kumpanya nang mga AI-powered na mga makina. At saka, ito rin ay maaaring maging dahilan ng pagkatamad at pagkagulo ng edukasyon, maraming guro ang nakakhuli ng mga estudyanteng gumagamit ng AI at ayon sa mga eksperto, ang paggamit nila ay magpapababa sa kanilang katalinuhan.
Bilang konklusiyon, ang AI ay isang malaking hakbang para sa mga tao, subalit ang teknolohiyang ito ay nagreresulta ng samu’t saring reaksyon mula sa mga tao, at tinatanong kung ito ba ay tagahatid ng tulong o kapahamakan. Kung ikaw ay tatanongin, ang AI ba ay tulong o panganib?
Ngunit, paano nila isasagawa ang proyektong ito? Ang WOW LHS ay may tatlong mga aktibidad, at ito ay ang “Clean and Green Project’, “5G Project”, at “Compost Pit na Malupit”. Ang bawat aktibidad ay may iba’t ibang alituntunin na tiyak na makakatulong sa pangangalaga sa ating kapaligiran.
Tulad ng Clean and Green Project, ito ay naglalayong mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng mga silid-aralan at kapaligiran ng paaralan. At adhikain nito ay maturuan o masanay ang mga mag-aaral sa wastong paghihiwalay at pagpapaganda ng basura sa pamamagitan ng pagtatanim o paghahalaman.
Ang 5G Project (Girls Generation on the Go for Green and Gold) naman ay may layuning makapagsagawa ng kapaki-pakinabang, matibay at mabibiling produkto na gawa sa mga recycled na materyales. Ang paksa ng Compost Pit na
Malupit naman ay ang paglagay ng mga basura na galing sa Clean and Grean Project sa isang compost pit upang makagawa ng mabisa at organikong pataba. Bukod pa sa mga ito, ang mga aktibidad na nailahad ay gagamit din ng teknolohiya upang mas marami ang mabibigyan ng oportunidad na makibahgi sa pangangalaga ng kalikasan, tulad na lang ng 5G. Kinakailangang makabuo ng isang video na ibabahagi sa social media upang maipakita ang kahalagahan ng pag-recycle. Bilang konklusyon, ang WOW LHS ay talagang napaka-WOW sapagkat mababakas ang determinasyon ng mga mag-aaral na mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng ating kapaligiran. Ginagamit ang teknolohiya upang maipalaganap at mabigyang inspirasyon ang mga tao. Ang proyektong ito ay isang instrumento sa pagkakaisa at pagtutulungan tungo sa malinis at maaayos na kinabukasan, wow ka talaga WOW LHS.
Ni: Vince Pascua
Take a Chance With Microlearning?
“Ang katalinuhan ay isang kayamanan,” iyan ang sabi ng karamihan. Subalit, sa dami ng impormasyong nasasagap ng ating utak, kaya pa ba natin ito? Sa mga mag-aaral na pinagsasabay ang academics at extra-curricular activities, kaya pa ba? O kinakaya na lang. Upang mabawasan ang pangamba, tara! microlearning ating pag-usapan. Ang microlearning ay isang estratehiyang pang-edukasyon kung saan nahahati-hati sa maliliit na bahagi ang isang aralin upang mas mabilis at mabisang matutunan ito. Kung ang tradisyonal na paraan ay naglalaman ng malalaking bahagi ng kaalaman na mahirap isautak, ang microlearning ay binubuo ng maikli at nakakaengganyong piraso ng bagong impormasyon na madaling maunawaan at matandaan.
Kadalasang naglalaman ang isang microlearning module ng maikling pagpapaliwanag sa aralin, mga larawan at video, maikling pagsusulit, at mga interactive na laro patungkol sa aralin.
Makikita ang mga ito sa social media, kadalasang nasa YouTube at pati na rin sa mga websites tulad ng Khan Academy.
Nakatuon ang diskarteng ito sa konseptong forgetting curve ni Hermann Ebbinghaus. Ayon sa kaniya, habang dumarami ang impormasyong natututuhan nang sabay-sabay, nababawasan ang kakayahan ng utak na maalala ito. Nilalabanan ng microlearning ang ganitong pagkalimot sa pamamagitan ng paghahati ng impormasyon sa maliliit na bahagi at pagbibigay-daan sa mga mag-aaral na paulit-ulit na balikan ang nilalaman sa paglipas ng panahon.
Bagaman maraming benepisyo ang microlearning, may mga hamon din itong kinakaharap gaya ng kakulangan ng impormasyon, dahil sa maikli ang mga module, maaaring kulangin ang detalyeng kailangan upang lubos na maintindihan ang isang konsepto at pagpapanatili ng balance ang pagtukoy sa angkop na balanse sa pagitan ng pagiging maikli at nakakaengganyo habang nagbibigay ng
sapat na impormasyon ay isang hamon.
Base sa isang pag-aaral nina GS Mohammed, K Wakil, at SS Nawroly (2018), tinignan nila ang epekto ng microlearning sa mga mag-aaral sa elementarya. Sa loob ng anim na linggo, ang mga mag-aaral sa microlearning group ay nagpakita nang humigit-kumulang 18% na mas mahusay na pagkatuto sa asignaturang ICT kaysa sa mga mag-aaral sa tradisyonal na grupo.
Sa wakas, ang microlearning ay isang makabagong pamamaraan ng pag-aaral kung saan nahahati-hati ang aralin sa maliliit na bahagi upang mas mapahusay ang pagkaalala at pag-unawa. Bagaman may mga hamon sa estratehiyang ito, hindi maitatanggi na ang microlearning ay may potensyal na magbunga ng intelektwal na kayamanan sa panahon ng mabilisang impormasyon. Sa panahon ng digital na pagbabago, ang microlearning ay isang makapangyarihang kasangkapan para sa mga mag-aaral at propesyonal na nais matuto nang mabilis at epektibo.
"Small things can be powerful" Ika nga nila, kaya maniniwala ka ba kung sasabihin ko na sa isang hibla ng tela, may teknolohiyang taglay ito? Oo, may teknolohiyang kasinliit ng mga atomo o atoms. Kung di ka kumbinsido, halika’t ating alamin ang Nanotechnology! Ang nanoteknolohiya o nanotechnology ay isang makabagong agham na tumutukoy sa pagbabago o paggawa ng mga bagay sa napakaliit na sukat. Tinatawag ang maliit na sukat na nanoscale, na mas maliit pa sa hibla ng buhok ng tao, ang isang nanometer ay katumbas ng isang bilyong bahagi ng isang metro (1 nm = 1 × 10^-9 m).
Sa pamamagitan ng pagbabago ng estruktura ng mga materyales sa ganitong kaliit na sukat, nakakalikha ng mga bagong kemikal at pisikal na katangian na nagpapahusay sa mga kagamitang ito ay may kakayahang magpalit ng kulay depende sa laki ng mga partikulo, matibay ngunit magaan at dahil sa mas maliliit na particle size, mas mabilis makipag-reaksyon ang mga nanomaterials sa ibang mga sangkap. Ang nanoteknolohiya ay giangamit sa iba't ibang larangan tulad ng elektronika nakung saan ang nano-sized transistors ay nagpapabilis sa mga processors ng mga computer at smartphone, kaya mas mabilis at mas compact ang mga gadget ngayon, sa medisina nanakakatulong ang nanotechnology sa paggawa ng mas epektibong gamot at diagnostic tools. Halimbawa, may mga nanoparticle na ginagamit upang direktang ihatid ang gamot sa cancer cells nang hindi naapektuhan ang malulusog na bahagi ng katawan, para rin ito sa enrhiya dahil ginagamit ito bilang paggawa ng mas epektibong solar panels na kayang sumipsip ng mas maraming enerhiya mula sa araw at kaya rin nitong gumawa ng baterya na mas matibay at mas mabilis mag-charge, at sa Agrikultura, ginagamit ito upang makagawa ng mas mahusay na fertilizers at pesticides na mas mabilis kumalat at mas matipid gamitin.
Gayunpaman ang kahusayan at kagandahan nito, may kaakibat ding panganib ang paggamit ng nanotechnology. Dahil sa napakaliit na sukat ng mga nanomaterials, madali itong ma-absorb ng katawan o kumalat sa kapaligiran. Ilan sa mga posibleng panganib na ma aapektohan nito ay ang ating Kalusugan – Maaaring magdulot ng mga negatibong epekto sa kalusugan tulad ng respiratory issues, inflammation, o toxicity kapag nasinghot o nalunok at Kapaligiran – Maaaring magresulta sa kontaminasyon ng tubig, lupa, at hangin, na posibleng makapinsala sa mga ecosystem.
Ang nanotechnology ay isang makabagong agham na may kakayahang baguhin at paghusayin ang iba’t ibang aspeto ng ating buhay. Mula sa mga mas mabilis na gadget hanggang sa mas epektibong gamot, napakaraming maiaambag nito sa ating pang-araw-araw na gawain at kabuhayan. Subalit sa kabila nito, hindi maikakaila ang mga negatibong epekto nito sa kalusugan at kalikasan. Kung ikaw ang tatanungin, gagamitin mo ba ang teknolohiyang ito na kahit malupit, kung may sabit?
Ni: Shan Andrei Innocente
Ni: Shan Andrei Innocente
Larawan ni: MLX Design
AGTEK
"SDGs: Balangkas ng Pag-asa para sa Kina- bukasan"
Ni: Shan Andrei Innocente
Naaagnas na paligid, nangangayayat na mga bata, at nawawasak na kapaligiran—iyan ang ilan sa mga malupit na problemang hinaharap ng ating planeta. Bagamat maraming solusyon at hakbang na ang inilatag upang tugunan ang mga isyung ito, may mga konkretong aksyon at nagawa na ba patungkol sa Sustainable Development Goals (SDGs)?
Naaagnas na paligid, nangangayayat na mga bata, at nawawasak na kapaligiran, iyan ang mga ilang pangkalahatang problema na hinaharap ng ating daigdig. Bagaman may nailahad ng mga solusyon at paglala sa mga ito, may mga aksyon at nagawa na ba patungkol sa SDGs.
And SDG o Sustainable Development Goals ay ang blueprint o ang balangkas para tugunan ang mga pangkalahatang problema ng ating daigdig tulad ng kahirapan, hindi pagkapantay-pantay, climate change, pagkawasak ng kapaligiran, hustisya, at kapayapaan. Nahati ito sa labing-pito na layunin o 17 SDG goals, subalit, lahat ng ito ay naglalayong makamit ang kapayapaan, seguridad, at maayos na kinabukasan para sa susunod na henerasyon.
Nailahad sa nagawang 2030 Agenda for Sustainable Development Assembly noong 2015 ang mga SGGs na ito ngunit sa taong 2024, tinatanong ng ilan kung may mga direktang pagkilos na ba ang naisagawa.
Ayon sa datos na inilathala ng United Nations Department of Economic and Social A airs, 17% lamang sa mga target ang nasa tamang landas para sa 2030. Inilahad nila na may mga naging sagabal sa pag-unlad at pagkilos ng maraming layunin, tulad ng pandemyang Covid-19, paglala ng mga tunggalian ng bansa, at pagtaas ng ekonomiya.
Inilantad din nila na lumala ang antas ng kahirapan at gutom na dulot ng nagdaang pandemya at ibang suliranin sa daigdig, na nagresulta sa pagkadagdag ng humigit-kumulang 23 milyong tao na nabubuhay sa kahirapan at kakulangan ng pagkain. Noong 2019, tinatayang nasa 7.9% ng populasyon ng mundo ang naaapektuhan ng gutom, subalit ngayon halos nasa 10% na. Bukod dito, lumala rin ang sektor pangkapaligiran sapagkat tumaas ang antas ng carbon dioxide emissions at greenhouse gases sa atmospera ng halos 150%, mas mataas pa ito kumpara sa mga antas noong industriyalisasyon. At saka, dahil sa mataas na carbon dioxide emissions, nagdudulot ito ng mataas ng pag-aasido ng karagatan, na nakakaapekto sa kakayahan ng mga marine life na mabuhay at maging sanhi ng pagbaba ng populasyon ng mga marine life.
Sa kabila nito, may mga positibong naaaksyunan na, tulad sa enerhiya, na mas marami na ang nagkakaroon. At hindi lang basta enerhiya kundi clean and renewable energy ito na nagpapababa sa carbon footprtints at emissions ng mga tahanan. Gayunpaman, sa kabila ng mga hamon na kinakaharap ng mundo, ang UN ay nananabik pa rin na ipagpatuloy at tapusin ang trabaho. Ilang mga ahensiya ng gobyerno ay nagkakaisa at na rin ng gumagamit ng mga makabagong teknolohiya upang maipagpatuloy at makamit ang mga layunin ng SDGs.
Bilang konklusyon, ang UN at mga gobyerno ay pursigidong ginagampanan ang mga trabahong ito upang maiwasan ang kahirapan at gutom, mapabuti ang kapaligiran, at mapahusay ang hinaharap. Ang SDGs na ito ay isang mabuting pundasyon para sa sususnod na henerasyon at isang balangkas para sa ating kianabukasan.
Naaalala mo ba nung tayo’y nagka quarantine dahil sa Covid-19? Maniniwala ka ba kapag sinabi kung may virus na naman na kumakalat mula sa China? Pero huwag mabahala, hindi ito Covid-19 part 2 at upang maiwasan ang pagkalat nito ating pag-aralan ang HMPV.
Ang HMPV o Human Metapneumovirus ay isang karaniwang at seasonal na virus na lumalaganap tuwing taglamig at unang bahagi ng tagsibol. Parte ito sa pamilya ng mga virus na “Pneumoviridae” na ang tinatamaan ay ang respiratory o baga kaya ang virus na ito ay nagdudulot ng sipon at trangkaso.
Ang iba pang sintomas nito ay ang ubo , lagnat, pagbahing, at pagkati ng lalamunan. Bagaman hindi ito malubha, maaaring maging Malala ito sa mga bata, matatanda, at may mahinang immune system, na pwedeng humantong sa mas Malala na sakit tulad ng pneumonia at severe bronchiolitis.
Upang maiwasan ito, inilahad ng Centers for Disease Control and Prevention o CDC ang mga dapat gawin, tulad na lang
paghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig upang mapanatili ang kalinisan sa mga kamay. At kung wala naman ang mga ito, mas mainam na gamitin ang mga alcohol-based sanitizer para sa ating mga kamay.
Bukod dito, base sa mga eksperto, iwasan ang paghawak sa mga mata, ilong, at bibig kung hindi malinis ang kamay upang di kumalat o makakuha ng maduduming bacteria at virus. At saka, iwasan rin ang paggamit ng mga bagay tulad ng baso at kutsara lalo na pag ginamit ito ng iba at hindi pa ito nalilinisan. Ayon nga kay Dr. Atul Goel, Director-General of Health Services sa India, na mahalaga ang pagpapanatili ng pangkalahatang kalinisan upang hindi lumala at kumalat ang virus na ito at iba pang mga sakit.
Sa wakas, ang HMPV ay isang seasonal na virus lamang at madaling maiwasan. Kaya huwag mabahala, hindi ito katulad ng Covid-19 at nawa’y hindi na maulit pa, samakatuwid, tayo’y maging malinis at mag-ingat upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Ni: Majell Pasalo
Ulam: Kinakain at Iniingatan
Ni: Angel Magayano
Kain dito, kain diyan—tila hindi natin maiwasang kumain dahil sa pangangailangan, ngunit hindi rin natin dapat kalimutan ang pagpapahalaga sa pagkain. Sa kasalukuyang panahon, lumalala ang isyu ng pag-aaksaya ng pagkain, isang problema na malalim ang epekto sa ating ekonomiya at kalusugan. Gayunpaman, may mga hakbang at inobasyon mula sa mga kumpanya tulad ng FAST Logistics na nagsisilbing solusyon sa problemang ito.
Ayon sa Food and Agriculture Organization (FAO), milyon-milyong Pilipino ang patuloy na nakikipagsapalaran sa gutom at malnutrisyon dahil sa kakulangan ng pagkain. Kasabay nito, 30% ng produktong agrikultural sa bansa, kabilang na ang 450,000 tonelada ng bigas taun-taon, ang nasasayang dahil sa mga isyu sa logistika at pasilidad pagkatapos ng pag-aani. Sa kabila ng mga ganitong suliranin, ang FAST Logistics Group ay gumawa ng mga hakbang upang mabawasan ang pagka-aksaya ng pagkain sa bansa.
Isa sa mga pangunahing solusyon ng FAST ay ang paggamit ng makabagong teknolohiya upang mapabuti ang pamamahagi at kondisyon ng mga pro-
duktong agrikultural. Sa pamamagitan ng kanilang sariling AI algorithm para sa Transport Management System (TMS), tinitiyak nila ang tamang oras ng pag-alis ng mga cargo, mga rutang dadaanan, at mga iskedyul sa paghahatid. Ang sistemang ito ay hindi lamang nakakatipid ng oras at gastos, kundi nakatutulong din sa pag-iwas sa pagkaaksaya ng pagkain.
Bukod pa rito, ang FAST ay gumagamit ng Warehouse Management System (WMS) na nagbibigay ng real-time na data tungkol sa antas ng imbentaryo, petsa ng pagkasira ng produkto, at iba pang mga metrics. Ang WMS ay may kakayahang mag-monitor ng temperatura 24/7, na mahalaga upang mapanatili ang kalidad ng mga produktong madaling masira at maiwasan ang pagkasira ng mga ito sa imbakan.
Sa aspeto ng transportasyon, ang FAST Logistics ay may mga refrigerated na sasakyan na may makabagong sistema ng pagsubaybay ng temperatura at thermal technology. Tinitiyak nito ang kaligtasan at kalidad ng mga produkto habang nasa biyahe, lalo na ang mga produktong madaling masira tulad ng mga prutas, gulay, at karne.
Sa kabuuan, ang mga inobasyon ng FAST Logistics Group ay isang mahalagang hakbang patungo sa pagresolba ng problema sa pag-aaksaya ng pagkain. Sa mga solusyong ito, masisiguro na ang pagkain na darating sa ating mga hapagkainan ay may mataas na kalidad at ligtas sa anumang panganib. Gayunpaman, kahit na may mga inobasyong ganito, kinakailangan pa rin nating maging disiplinado sa wastong paggamit at pag-aalaga ng mga pagkain, upang matugunan ang patuloy na isyu ng pag-aaksaya sa pagkain sa ating bansa.
STEM Expo, Puno ng Kaalaman at Talino!
mag-aaral, ang STEM Expo ay nagmulat sa kanilang mga mata ang kagandahan at mga tulong na handog ng agham at teknolohiya.
Bukod dito, nanalo rin ang ilan sa mga mag-aaral sa mga patimpalak tulad nina Prem Doctor na nanalong 1st sa Editorial Cartooning. Samantalang nag-2nd at 3rd runner-up naman sina Sophia Quitoras at Faith Borromeo sa News Making.
Ang mga ibang mag-aaral naman ay sumali sa Ideathon at iba pang Science Journalism events subalit hindi sila nabigyang-swerte na Manalo. Gayunpaman, mas malaking premyo pa rin ang nai-uwi nilang kaalaman ukol sa agham at teknolohiya mula sa STEM Expo. Bilang konklusiyon, naipamalas ng mga mag-aaral ngMMSU-LHS ang kanilang galing at
Ang tema ng Stem Expo ngayong taon ay “Rebooting Filipino Innovation, Reinventing the next generation”, at upang masigurado ang kanilang pagkahikayat may mga patimpalak ang expo na ito tulad ng Science Journalism, iGen: Ideathon, iGen: Innovation, ResearchCon, at Sci-Film. Karagdagan, ang mga patimpalak na ito ay labis na nag-iwan ng maraming kaalaman lalo na sa mga 32 na mag-aaral na nakihalok sa STEM Expo. Ayon nga sa ilang
talino sa agham at teknolohiya. At laking pasasalamat nila sa naglunsad sa expong ito sapagkat nahihikayat ang mga kabataan na matuto ng agham at teknolohiya, at labis na napapalakas ang kanilang agimat at napapatalis ang kanilang talino.
Ni: Angel Magayano
ISPORTS
determinasyon,
Ni: Claudette Dansalan
Mala- poseidon na David, kampeonato’y sinisisid
Ni: Claudette Dansalan
Sa bawat lagaslas ng tubig, ipinapamalas ni Christian David C. Leano, isang 15-anyos na manlalangoy mula sa Mariano Marcos State University Laboratory High School (MMSU-LHS) Laoag Campus, ang kahusayan at dedikasyon na humubog sa kanya bilang isa sa mga pinakamatitinding atleta ng rehiyon.
Pitong taon na ang nakalipas mula nang unang magtampisaw si Leano sa kanyang pagmamahal sa isports. Ngayon, bawat paglangoy niya ay patungo sa pangarap na maabot ang rurok ng tagumpay. Bagamat hamon ang pagsabay ng pagiging estudyante at atleta, hindi natitinag si Leano sa kanyang puspusang pag-eensayo -- mula alas-sais hanggang alas-siyete ng umaga, at muling sumasabak sa tubig mula alas-kuwatro hanggang alas-siyete ng gabi.
“Mahirap, pero kinakaya. Alam kong para ito sa pangarap ko,” ani Leano, na patuloy na hinahamon ang sarili na lampasan ang kanyang mga personal na rekord.
Sa nakaraang Laoag City Athletic Association (LCAA) Meet ngayong taon, kumintab ang pangalan ni Leano sa larangan ng paglangoy matapos makuha ang gintong medalya sa 1500m freestyle, 400m individual medley (IM), 200m freestyle, at 4x100m medley relay. Hindi rin nagpahuli ang kaniyang koponan na nanalo ng pilak na medalya sa 4x100m freestyle relay at 200m freestyle.
“Lahat ng pagod at sakripisyo ko sa pitong taon ay sulit na sulit. Marami na akong pinagdaanan, kaya sobrang proud ako sa sarili ko,” masayang pahayag ni Leano.
Bilang isa mala-torpedong manlalangoy, determinado si Leano na maabot ang mas mataas pang tagumpay. Ang kaniyang susunod na layunin: mapabilang sa Palarong Pambansa at magdala ng karangalan, hindi lamang para sa kanyang paaralan kundi para sa buong relihiyon.
Mula sa bawat lagaslas ng tubig hanggang sa bawat medalya sa kaniyang dibdib, tunay na inspirasyon si Christian David Leano-- isang patunay na sa puspusang pagsusumikap, kahit ang pinakamalalim na pangarap ay kayang abutin.
Ni: Tiffany Joy Aclan
Leano at Tolentino, nilangoy ang kampeonato
Tolentino, biningwit ang medalyang tanso
Dinagit ng mala-shokoy na Allahna A. Tolentino mula sa Mariano Marcos State University Laboratory High School (MMSU-LHA) ang kumukinang na medalyang tanso kontra sa mala-sirenang si Ullyn Currammeng mula sa Divine World College of Laoag (DWCL) sa kapanakqpanabik na Laoag City Athletic Association (LCAA) Meet Swimming 800m Freestyle Women’s Category na umugong sa Urban Wave Resort noong ika-17 ng Oktubre
Pinalutang ni Tolentino ang pag-asang masisid niya ang kampeonato subalit, nilunod ito ni Currammeng at mas binilisan ang pagpagpadyak upang tuluyang manguna at maisuot ang korona.
“With only a week of training i think its justi able. that even if im not that ready i still get to beat my time. it serve as a lesson that it is better to try rather than being scared of the results.” komento ni Tolentino.
Walang bahid ng panghihinayan sa mukha ni Tolentino kahit siya’y pumangalawa sa salpukang naganap.
LANGOY SA TAGUMPAY. Puno ng
nilangoy nina Tolentino at Leano ang tubig upang masungkit ang medalya, na nagsilbing patunay ng kanilang pagsusumikap at dedikasyon.
Larawan mula sa PhilSTar
Larawan mula kay Christiam Leano
Larawan mula kay Christiam Leano
UNA SA TUBIG. Ginawad kay Leano ang tropeyo bilang gantimpala sa kanyang walang sawang pagsusumikap na mamayagpag sa larangan ng paglangoy.
PANALO’T TALO. Masaya at buong galak na tinanggap ni Tolentino ang sertipikong nagpapatunay sa determinasyon ipinamalas niya sa kabila ng mga pagsubok.
Dedikasyon, tiyaga, at husay puhunan ng tunay na kampeLarawan mula kay: Federyx Farinas
ATLETANG MARIANITES Fariñas,hinagupit si Pizarro, 8-2
LAOAG CITY, Ilocos Norte – Ipinalagpak ni Federyx Fariñas ng Mariano Marcos State University (MMSU) Laboratory High School (LHS) Laoag ang pambato ng Ilocos Norte National High School (INNHS) na si Jordan Pizarro sa pamamagitan ng mga matitinding attacks upang masungkit ang kampeonato at maselyuhan ang Laoag City Athletic Association (LCAA) Meet Lawn Tennis Championship Match, 8-2, na yumanig sa JAVA Hotel Tennis Court, Nobyembre 19, 2024.
Sa pagpapabagsak niya kay Pizarro, isang dating Bronze Medalist mula sa Region 1 Athletic Association (R1AA) Meet, ipinakita ni Fariñas na walang makapapantay sa kaniyang galing at kakayahan, na nagbigay sa kaniya ng panalo.
“Ang laban na ito ay isang napakalupit na pagsubok, ngunit sa tulong ng aking mga kapamilya at gabay ng aking coach, nakamit ko ang tagumpay ngayong araw. Hindi ito lamang isang panalo para sa akin kundi para sa buong paaralan at sa aking mga tagasuporta. Gusto kong magpasalamat sa lahat ng sumusuporta sa akin”, ani ni Fariñas.
Eksplosibong sinimulan ni Pizarro ang salpukan sa kaniyang pagpapaulan ng mga dekalibreng tirada, ngunit ito ay hindi naging sapat upang tibagin ang depensa ni Farinas na nagpakawala ng matutulis na forehand drives at manaig sa una at ikalawang set ng salpukan.
“Sa kaniyang pagkapanalo, ako ay labis na nagagalak at proud. Ang kaniyang tagumpay ay hindi lamang bunga ng kaniyang talento kundi pati na rin ng kaniyang tiyaga at determinasyon. Ang kaniyang pagkapanalo ay nagpapatunay na ang kaniyang pagsisikap at dedikasyon ay nagbubunga ng magagandang resulta. Ang kaniyang tagumpay ay isang inspirasyon para sa iba pang mga manlalaro”, saad ng coach ni Farinas na si Hazel Mariano.
Muling raratsada si Farinas sa paparating na R1AA Meet na gaganapin sa Ferdinand E. Marcos Stadium, sa nalalapit na Abril.
TATAK ALETA
Isang pangarap ang unti-unting nakakamit. Noon isa lang siyang batang nagnanais lang na makapasok sa larangan ng basketbol, ngayon ay isa na ring hinahangaan ng madla. Tunay nga bang isa siyang tatak atleta?
Bata palang si Hasan John Yucel pinapangarap na niya noon na maging isang basketball player. Nagsimula siyang maglaro ng basketbol noong siya’y nasa ikatlong baitang at dito siya nag-umpisang mangarap na maging isang tanyag na manlalaro.
Pagkahantong niya sa highschool, dito na niya sinimulang abutin ang kaniyang mga pangarap. Ngunit, hindi ito naging madali dahil sa kaniyang kahinaan ng loob at tiwala sa sarili. Pagkalipas ng isang taon, noong nasa ika-walong baitang na siya, nabigyan siya ng pagkakataon para sumubok na mapabilang sa Basketball Varsity Team ng Laboratory Highschool - Laoag, at walang alinlangan niya itong sinubukan.
Dahil sa kaniyang pagpupursigi na mapabilang sa koponan, ‘di hamak na siya’y natanggap at napabilang bilang isang tunay Jaguars. At dito tuluyang nagbigyang kulay ang mga iniukit niyang pangarap. Ngayon, si Yucel ang isa sa mga hinahangaan ng karamihan dahil sa kanyang husay sa larang ng basketbol kasabay ng kanyang pag-aaral. Dagdag pa niyang mensahe sa madla “Wisdom is not enough. Even though how good you are, you still need to listen and learn from someone who’s trying to help you. Be patient, improvement takes time. Also, don’t forget those people behind your success, always be humble.” Tunay ngang lakas ng loob ang kailangan sa pagabot ng iyong mga pangarap. Sabi nga nila “Walang masama kung susubukan mo.” Tulad ni Hasan John Yucel, dedikasyon at pagmamahal ang daan tungo sa tagumpay na inaasam.