The Gears Tabloid (Aug - Sept 2018)

Page 1

LSPU, SUC Level III na —CHED TEKSTO // ELEXANDRA LABUTAP

n

I

nihayag ng Commission on Higher Education (CHED) na ganap ng SUC Level 3 ang Laguna State Polytechnic University (LSPU), Hunyo 22, pagdating sa pagtuturo, pananaliksik, pagtulong sa komunidad at pamamahalang pinaiiral ng unibersidad.

Isinasaad ng pagangat na ito na base sa pamantayan, nagtataglay ang unibersidad ng kalidad, kahusayan, kaugnayan, daan, at katarungan pagdating sa serbisyo ng edukasyong ibinibigay nito. Kabilang sa mga serbisyong iyon ang mga programa, tungkulin, at

operasyong mayroon ang Pamantasan. Sa kasalukuyan, panglima ang LSPU sa mayroong pinakamadaming accredited programs sa buong bansa samantalang nagunguna naman sa pagkakaroon ng Level 2 Reaccredited programs. Kabilang sa mga

pamantayang ginamit ang Quality and Relevance of Instruction, Research Capability and Outputs, Relations with and Services to the Community, at Management of Resources na tinuturing na Key Result Areas (KRA) na may karampatang puntos. n

Litrato l Joseph Andrew Algarne

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY - SANTA CRUZ MAIN CAMPUS n TOMO LVIII BLG 8 n AGOSTO - SEPTYEMBRE 2018

The Gears

PARA NAMAN ‘TO SAMIN, OKAY LANG

BANGGOY

WRITE WITHOUT FAVOR. EXPRESS WITHOUT FEAR.

drug test bago MAGPATALA

Haba ng pila, umani ng hinaing ng mag-aaral

B n

TEKSTO// JENNY MELICIO

agaman pinaburan ng nga mag-aaral ng LSPU-SCC ang pagsailalim sa drug test na kinakailangan bago makapag-enroll, kanila namang idinaing ang haba ng pila at tagal ng proseso nito.

Litrato l Joseph Andrew Algarne Pakikiisa. Pormal ng sinimulan ng LSPU ang pagkakaroon ng taunang drug testing sa lahat ng mag-aaral nito.

BILANG NG TALA

22%

School Supplies

16% Thesis

Mula sa nakalap na datos ng The Gears

7k na pampatala, laan ng mag-aaral sa ibang gastusin n

TEKSTO // RANZ ENRIQUEZ

D

ahil libre na ang matrikula at miscellaneous fee sa bisa ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act ngayong taon sa Laguna State Polytechnic University (LSPU), nailalaan na ng mga mag-aaral sa iba pang gastusin ang halos P 7,000 na para dapat dito. sundan p. 2

n

TEKSTO // APOLONIO ESTRELLA at VINCE VILLANUEVA

M

ula sa 63 units, 62.42% ang ibinaba ng General Education Curriculum (GEC) Units sa kabuuang bilang na 36 units sa pagpasok ng taong-panuruan 2018-2019 upang mapagtuunan umano ng pansin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa isang kurso

at ng walang makahalintulad na asignatura na nasa “basic” at “higher education”. Ipinatupad ito base sa Commission on Higher Education (CHED) Memorandum Order (CMO) Bilang 20, serye 2013 o mas kilalang “General Education Curriculum: Holistic

Understandings, Intellectual and Civic Competencies” na inaapruba na ng Korte Suprema Labing dalawang kurso (12) ang ituturo na nakapaloob sa CMO blg. 20, ang walo ay ang mahahalagang kurso, isang “mandated” na kurso, isa naman sundan p. 5

Kompetisyon sa pagsulat, ilulunsad ng PASUC

P n

TEKSTO // JOSHUA AQUINO

inaaalahanan ni Dr. Tirso A. Ronquillo, Pangulo ng Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) ang mga kolehiyong manunulat na bigyang pansin ang mga positibong dulot ng mga pangyayari sa kani-kanilang

unibersidad at hindi lamang tumuon sa pagbatikos sa maling pamamalakad ng adminstrasyon, Agosto 8. Kasabay ito ng pagsasagawa ng pagpaplano ng kauna-unahang pambansang kompetisyon sa larangan ang pamamahayag at pagsusulat ng

Teacher Education (CTE), “Ayos ‘yan para malaman kung may mga adik diyan sa school niyo. Kahit estudyante nagamit na din e.” Bagamat sang-ayon sa naganap na drug test, hindi naman nagustuhan ng mga mag-aaral ang tagal ng proseso. “Sobrang nakakainip nung drug testing dahil napakaraming estudyante ang kailangang i-test bago pa kami ng kasama ko. Nakakalungkot ‘yung part na ‘yun kasi masyadong maraming oras ang nasayang pati sa tingin ko, hindi masyadong napaghandaan ng school kung gaano kadami ang old students at upcoming students,” saad in Angelica Romales, magaaral ng Senior High School (SHS). Gayunpaman, kinomenda parin nya ang unibersidad sa pagkakaroon nito ng hakbang para sa lagay ng mga mag-aaral sa kabila ng kanyang pagkadismaya. sundan p. 5

GEC units sa kolehiyo, bumaba sa 62.42% Filipino, pinangangambahang maalis

58% Libro

Nakasaad sa liham ng administrasyon sa mga magulang na layunin nitong matukoy kung gaano na kalaganap o karami ang drug users sa pamantasan para makagawa ng kaukulang hakbang at matulungan ang mga mag-aaral na matutukoy na gumagamit ng ilegal na droga. Naging positibo ang pagtanggap ng mga mag-aaral gayundin ng mga magulang dito bilang may kaugnayan ito sa kaligtasan ng mga mag-aaral. Kabilang sa mga ito si RonRon Dob mula sa College of Computer Studies (CCS), “It’s a good idea na nagkaroon ng ganito sa university natin. Conducting a drug test will help the school to increase the safety of each student and to prevent any type of trouble or any accident.” Gayundin naman ang opinyon ni Victoria Cagaitan Sison, magulang ng isang mag-aaral sa College of

panitikan na nagalayong mas makilala at mapagyabong pa ang kakayanan ng kabataan sa mga pamantasan at kolehiyo pagdating sa pamamahayag at sa panitikan. “We should take note in the first place as campus journalists, that we should be good sundan p. 5

NILALAMAN EDITORYAL Buntong Hininga ... p6 Hindi lang sila Teacher ... p7 Bakit Mahirap si Juan ... p7

LATHALAIN Laban ko, Laban mo ... p10 Dear Freshies ... p13 Buntot Palos ... p16

PAMAYANAN Agarang Solusyon ... p19 Manila-Laguna Railways ... p21 Tara na sa Laguna ... p22


THE GEARS

BALITA

2

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY - SANTA CRUZ MAIN CAMPUS

AGOSTO - SEPTYEMBRE 2018 | TOMO LVIII BLG 8 Litrato l Shien Rhoel Moral

Kabuuang bilang ng SHS sa LSPU, nagkaroon ng pagtaas na 55.19% n

TEKSTO // JHANE LITHRELLE AUSTRIA

M Ilang mga mag-aaral ng LSPU-SCC habang dumadalo ng flag raising ceremony na kabilang sa mahigit walong libong populasyon sa kolehiyo at SeniorHigh

7,077 mag-aaral, naitala sa kolehiyo COE, nanatiling pinakamataas na bilang n

TEKSTO // JOYCE ANN FABULA

L

umobo ang populasyonn ng Laguna State Polytechnic University- Santa Cruz Campus (LSPU-SCC) matapos magkaroon ng 7,077 kabuuang bilang ng mga estudyante sa kolehiyo sa unang semestre ng taong-panuruan 2018-2019. Muling nakamit ng College of Engineering (COE) na may 1,755 mag-aaral ang unang pwesto sa pagkakaroon ng pinakamaraming estudyante ayon sa datos ng Office of the Registrar. Tumaas naman ang bilang ng mga estudyante ng College of Computer Studies (CCS) nang magtala ng 955 at mapanatili ang ikalawang pwesto. Samantala, kapwa nasa ikatlong pwesto ang College of Industrial Technology (CIT) at College of Hospitakity Management and

Tourism (CHMT) matapos makapagtala ng 826 na mag-aaral. Sa kabilang banda, umakyat sa ikaapat na pwesto ang College of Business Management and Accountancy (CBMA) ng magkaroon ito ng 720 na mag-aaral. Bumaba naman sa ikalimang pwesto ang College of Teacher Education (CTE) matapos makapagtala ng 705 na mag-aaral. Kasunod ang College of Arts and Sciences (CAS) na may bilang na 687 na mga estudyante. Nasa ikapitong pwesto naman ang College of Criminal Justice Education (CCJE) na mayroong 448 na bilang ng mga mag-aaral habang nasa ikawalong pwesto ang College of Nursing and Allied Health (CONAH) na may 161 na bilang ng mag-aaral. n

ME Board Exam rate, tumaas;

ula sa 453 na magaaral, tumaas ng 55.19% ang populasyon ng Senior High School (SHS) sa Laguna State Polytechnic UniversitySanta Cruz Campus (LSPUSCC) matapos itong umabot sa 1011 sa unang semestre ng kasalukuyang taongpanuruan. Isang pagbabago din ang pagkadagdag ng Home Economics - Local Guiding Services sa mga strands sa ilalim ng Technical Vocational Livelihood Track dagdag sa mga iniaalok ng pamantasan. Ayon sa Office the Registar, nakapagtala ang Science, Technology, Engineering Mathematics (STEM) ng may pinakamataas na bilang matapos umangat ng 78.17% ang mga mag-aaral nito na ngayo’y may kabuuang 339. Samantala, nanatili naman ang Humanities and Social Sciences (HUMSS) sa pangalawang pwesto sa ilalim

50.05% August 2018 Mechanical Engineer Board Exam

20 bagong inhinyero, kinilala n

ng Academic Track matapos magtala ng 212 kabuuang bilang ng mag-aaral. Sa kabilang banda, bagamat tumaas at umabot sa 176 ang Accountancy Business Management (ABM), bumaba ito mula sa unang pwesto nito noong nakaraang taon. Sa ilalim naman ng Technical Vocational Livelihood Track, nanatili ang Information and Communications TechComputer Programming na may bilang na 150, sa pagkakaroon ng pinakamaraming mag-aaral. Pumangalawa dito ang Home Economics- Food and Beverages Services (HE-FBS) na nakapagtala ng 66 na magaaral, na sinundan naman ng Home Economics- Bread and Pastry Production (HE-BPP) na mayroong 48 na mag-aaral. Samantala, nasa huling pwesto naman ang kadadagdag pa lamang na Home Economics - Local Guiding Services (HE-LGS) na nagtala ng 10 na mag-aaral para sa taong panuruan.

TEKSTO // DARRYL PEÑAREDONDO

T

umaas ang nakaraang 45.45% na passing rate ng Laguna State Polytechnic University- Santa Cruz Campus (LSPU-SCC) matapos magtala ang 20 bagong lisensyadong mechanical engineers ng 50.05% passing rate, Agosto 31. Mula sa 33 Bachelor of Science in Mechanical Engineering graduates ng LSPU-SCC na kumuha ng pagsusulit, nakapasa ang 17 na first takers at tatlong repeaters. Sa gayon, umabot sa 51.52% ang passing rate ng mga kumuha nito sa unang pagkakataon samantalang 75% naman ang naitala ng mga muling sumubok sa nasabing pagsusulit. Kabilang sa mga nakapasa sina Engr. Simoun P. Ansay, Engr. Nicah Joie G. Atanacio, Engr. Japhet Cham T. Axalan, Engr. John Jordan C. Bautista, Engr. Jarren V. De Guzman. Gayundin sina Engr. Kacel Ryan M. De Leon, Engr. John Robert V. Esteves, Engr. Bladimir O. Javier, Engr. John Carlo D. Lazo, Engr. Chris John Will E. Lim, Engr, James Marlon M. Lupena, Engr. Renzo G. Malibago, at Engr. Neil Genesis M. Pajadan. Nakapasa din sina Engr. Ma. Rossini C. Rana, Engr. Gerick Eleazar J. Rogado, Engr. Victor Nico H. Sancon,

Engr. Jomyr D. Sueña, Engr. Decerie M. Tuazon, Engr. Gerald C. Velina at Engr. Bon Jovi S. Zaide. “Not bad, I know na ginawa nila ang part nila so sa akin lang, continue pa rin to do good, to be better, to be the best sa lahat ng susuungin nila, sa’n man sila magpupunta kasi they also represent the school, the LSPU,” pahayag ni Engr. Mary Erlyn Eroles, Dean ng College of Engineering sa mga nakapasa. Bukod pa dito, nagbigay din ng mensahe si Engineer Eroles sa mga kasalukuyang nagpapakadalubhasa sa kursong mechanical engineering, ang mga susunod na kukuha ng board examination. “Sipagan. Sa engineering hindi kailangan yung sobrang talino. I always tell to my students, nakapasok ka sa engineering ibig sabihin may utak ka, marunong ka na. Kasi sa engineering kaya tumatagal, kaya nagiging successful ay dahil matiyaga, masipag. Maraming matalino pero walang tyaga, walang mangyayari sayo. So laging sabi ko, you have to be patient, to be diligent, tyagain nyo kasi madali nang abutin yung star ninyo,” payo ng dekana. n

September 2018 Electrical Engineer Board Exam

74.42%

7k na pampatala, laan ng mag-aaral sa ... P1 Ayon sa survey na isinagawa ng the Gears, inilalalan ng mga mag-aaral ang halagang ito na pantustos sa thesis o print resources, mga libro, school supplies para sa proyekto, pagkain, pamasahe, baon, uniporme, renta sa dormitoryo, at maging sa mga ambagan sa unibersidad. Naitala ng 58% ng mga mag-aaral na nailalan nila sa libro ang pinakamalaking bahagi ng halagang iyon samantalang umabot naman ng 22% ng mga mag-aaral ang nagsabing sa school supplies para sa mga proyekto nila ginagastos ang malaking bahagi ng P7,000.

Libro

58%

School Supplies

Thesis

22%

16%

Samantala, pantustos naman sa thesis at iba pang print resoures ang pinaglalaaanan ng malaking bahagi nito ayon sa 16% ng mga mag-aaral. Nasa 3% naman ng mag-aaral ang nagsaad na malaking bahagi ng dapat nilang ibabayad sa tution ang ginagamit nila bilang pambaon at pamasahe at ang natitirang 1% ng mga mag-aaral ay naglalaan ng malaking halaga nito sa pagkain. Pangunahing epekto ng nasabing batas sa mga mag-aaral ang kabawasan ng gastusin at karagdagang halaga para mapantustos sa iba pang kinakailangan sa pag-aaral. “Mahalaga ang free tuition fee para sa akin dahil sa katulad kong salat, saka medyo kapos ay napapagaan ang mga gastusin” ayon kay Jomarie T. Canaria mula sa College of Engineering (COE). Para naman sa ilang graduating students, nakaapekto ito sa Pangunahing pinaglalaanan ng mga pagkakaroon nila ng pera para sa iba mag-aaral ng LSPU-SCC nadati nilang pang gastusin sa huling taon nila ng ibinabayad sa matrikula, ayon sa datos pag-aaral. na nakalap ng The Gears Publication. “Malaki ang naging epekto noon kasi syempre wala ng babayaran na tuition at miscellaneous kase free na at ang iisipin nalang naming ay Baon yung nga bayarin sa thesis, OJT at Pagkain Pamasahe Graduation fees. Kumbaga menos na sa gastos ng magulang,” saad ni Shejara Jane Vidal mula sa College of Business Administration (CBMA). n

3%

1%

Ilang mag-aaral naman ang nagbahagi ng kanilang kumento ukol sa pagtaas ng populasyon ng SHS sa unibersidad. “I was encouraged to go to LSPU and spend my senior high school here. I chose LSPU because of their academic reputation as well as the good quality of their facilities and faculty members. I am looking forward to develop a personal growth at LSPU, a development academically and as a person as well,” saad ni Czinnah Talabis mag-aaral mula sa Grade 11 – STEM. “Sa LSPU ako pumasok kasi hindi lang sa naririnig ko na iba yung quality ng education, napatunayan na rin mismo ng mga kapatid ko. Nameet naman ng LSPU yung expectations ko, though ako pala yung nagulat kasi higit pa sa ineexpect ko yung naibigay nila, sobrang the best,” ayon naman kay Renalyn Madiz, mag-aaral mula sa Grade 12HUMMS. n

74.42% passing rate naitala sa Sept 2018 REE Board Exam n

TEKSTO // RICHELLE PABILONIA

N

akamit ng Laguna State Polytechnic University- Santa Cruz Campus (LSPU-SCC) ang pinakamataas nitong passing rate record na 74.42% mula sa dating resulta na 49.15% sa Electrical Engineering (EE) Licensure Examination, Setyembre 6. Umabot sa 81.57% ang passing rate ng mga kumuha nito sa unang pagkakataon samantalang 20% naman ang naitala ng mga muling sumubok sa nasabing pagsusulit. Sa kabuuang 43 na sumabak sa nasabing pasusulit, 32 ang itinanghal na lisensyadong electrical engineers na binubuo ng 31 first takers at ng isang repeater. Bukod pa rito, nakapasa rin ang siyam na alumni ng LSPU-SCC sa Registered Master Electrician Licensure Examination na may passing percentage na 56.25%. Ito ay sina Engr. Onecho Angelo A. Gabinete, Engr. Johnrenz Aguila, Engr. Hariette A. Baldonado, Engr. John Roland Bueno, Engr. Angelito A. Delos Reyes. Engr. Hacub Esteban, Engr. Ray Allen S. Laroza, Engr. Niño Angelo A. Palay at Engr. Jaztin Erill Villariño. Kabilang sa pumasa sa EE Licensure Examination sina Engr. Marissa Yaneza Abadines, Engr. Paul John Eldrich Nemis Ambrocio, Engr. Aldrin Carao Andres, Engr. Raynold Articona, Engr. Harriette Abayari Baldonado, Engr. Joshua Christian Baligod, Engr. John Roland Bueno, Engr. Paul Christopher Manalo Curtis, Engr. Lou Joshua Valera Dalena, at Engr. John Vincent Perez De Claro. Nakapasa rin sina Engr. Angelito Aninao Delos Reyes, Engr. Dolliente, Engr. Arjae Flores, Engr. Jaycelone Mortel Fuentes, Engr. Zhella Kryzelle Esguerra Fule, Engr. Ivhan Remorosa Galay, Engr. Vincent Buera Gonzaga, Engr. Larry Moises Diomampo Gualberto, Engr. Anthony Carl Doria Guevarra, Engr. Ray Allen Salazar Laroza, Engr. John Cristian Mariño Lescano at Engr. Neonel Rivas Limboc. Gayundin sina Engr. Edilberto Lorico Jr, Engr. John Elbert Mamonong, Engr. Wendell Moldes, Engr. Lara Osuna, Engr. Earl Placente, Engr. Rey Alexander Quibang, Engr. Randy Renoballes, Engr. Renz Kenneth Soriano, Engr. Ethyl Dymme Tagle, Engr. Gerald Tano, Engr. Rudinico Tolentino at Engr. Neil Richard Baludcal. n


THE GEARS

BALITA

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY - SANTA CRUZ MAIN CAMPUS

3

AGOSTO - SEPTYEMBRE 2018 | TOMO LVIII BLG 8

CTE, CIT, sumailalim sa Level IV accreditation n

TEKSTO // JENNY MELICIO

W

e are very much impressed by the general atmosphere of teamwork and enthusiasm [of LSPU] to work for a common goal. Ito ang naging pahayag ni Dr. Leoncio M. Matibag, AACCUP Overall Coordinator, matapos ang ikaapat na Accreditation Survey Visit sa mga programang Bachelor of Secondary Education (BSED), Bachelor of Technical Teacher Education (BTTE), at Bachelor of Science in Industrial Education (BSIT) ng Laguna State Polytechnic Univeristy (LSPU), Setyembre 3-7. Bahagi ito ng pagtahak ng unibersidad na magkaroon ng Level IV accredited program o yaong programang maituturing na ‘highly respected as very high quality in the Philippines’ at ‘having prestige and authority comparable to excellent program in foreign universities’ ayon sa Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities in the Philippines (AACCUP). “Once a program is reaccredited Level IV, they enjoy the following benefits: for State University and Colleges (SUC) Levelling, for normative financing, for center of excellence and development, leading institution of higher learning, award grants from Commission on Higher Education (CHED), and conversion of state college to a university,” pagpapaliwanag ni Matibag. Kaugnay dito, ibinahagi ni Hon. University President Nestor M. De Vera, Ph. D. ang naitulong ng mga katulad na pagsusuri sa kamakailang pagtaas ng SUC Level ng LSPU. “Na-elevate ang ating state university; from Level II, naging Level III. Isa po sa dahilan niyan ay ang atin pong accredited programs.” ayon sa pangulo ng unibersidad. Sinuri sa Santa Cruz Campus ang mga programang Bachelor of Secondary Education (BSED) at Bachelor of Science in Industrial Technology (BSIT) sa pangunguna ni Dr. Fe S. Soriano Ayon kay Dr. Soriano, na nagiwan ng mga katagang, “Success in an accreditation is not an accident, it is the courage to continue. If you just want to walk fast, walk alone, but if you want to walk far, you walk together.” n

SULONG KABATAAN

Ilang solusyon sa suliranin ng mag-aaral, binigyang diin ni Ilocos Gov. Marcos n

I

TEKSTO // SHULAMAE CASTRO AT JOSEPH ANDREW ALGARNE

nihayag ni Ilocos Gov. Imee Marcos ang mga gabay sa pagtalakay ng mga suliranin ng mga estudyante hingil sa mga pagtaas ng presyo, pagbaba ng employment at iba pa na nakaapekto sa pamumuhay ng ilan sa mga estudyante ng Laguna State Polytechnic University-Sta. Cruz, Campus (SCC), Agosto 24. Kasabay ng oryentasyon sa mga bagong mag-aaral ng LSPUSCC na pinamunuan ng Supreme Student Council, bumisita si Marcos at naghayag ng kanyang saloobin partikular sa mga nararanasang pagtaas ng bilihin sa bansa. Sa nakalipas na mga buwan, nagmahal ang halos lahat ng kategorya ng bilihin kasama na ang mga pangunahing bilihin gaya ng bigas, sardinas, mantika, at maging ang mga tinatawag na ‘Sugary Drinks’. Discount Card para sa mga mag-aaral Sa kabila ng libreng matrikula na nakasaad sa mga State Universities and Colleges ay kulang pa rin kung minsan ang baon ng mga estudyante sa kabila ng kaliwa’t kanang bayarin. Kung kaya’t sa pamumuno ni Marcos sa kanyang lalawigan ay nakapagpanukala siya ng shuttle service upang makalibre ng pamasahe ang mga mag-aaral sa kanila. Ayon pa kay Marcos, kung ang mga senior citizen ay may discount na 20% card, karapat-dapat lamang ang mga estudyante na hindi pa kumikita ay siyang bigyan din ng 50% discount card ng sa gayon ay madiskwentuhan ang mga school supplies, uniporme, sapatos at iba pa. “Kung ano meron kami sa Ilocos namin ay baka pwedeng maibahagi namin ang best practices man lang dito sa Laguna at ikalat balang araw sa buong kapulungan,” ani ni Marcos. Maayos na trabaho sa mga magtatapos Noong 2016, ay mataas ang bilang ng mga walang trabaho. Mahigit dalawang milyon ang naitala ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa bansa halos kalahati rin nito ang mga kabataang hirap makahanap ng trabaho dahil sa ‘job skills-

mismatch’ “Alam naman natin na mahirap pa rin makahanap ng maayos na trabaho dahil kung minsan kaunti lang ang itituro sa mga pamantasan ng paaralan na hindi pa swak o angkop sa mga hindi makahanap ng trabaho,” saad ni Marcos. Dagdag pa nito, mas makakabuti kung ang paaralan ay bukas sa mga kumpanya na tumatanggap agad ng mga graduating students ng sa gayon ito na rin ang oportunidad ng mga kabataang magsisipagtapos ang mabigyan ng wastong trabaho. Kabataan sa Kaunlaran Sa kabila rin nito, pansin ngayon sa mga kabataan ang nalululong sa paglaganap ng social media sa bilis ng balita ngunit sa pagtalakay ni Marcos, ito rin ang dahilan ng mga cyberbullying o ang pambubully ng mga kabataan sa social media. Sa tala ng Department of Health (DOH), mahigit 2,000 libong kabataan ang nagsu-suicide noong 2016 at marahil mas tumaas pa ang bilang ng kaparehong kaso ngayong taon. Kaya batid ni Marcos na magkaroon ng ‘depression watch’ para sa mga kabataan. “Kaya kailangan maging psychiatrist, psychologist at tunay na counselor ang pamunuan ng Supreme Student Council, Sangguniang Kabataan (SK) at pati kayo na magkaroon ng ‘depression watch’ para sa ating mga kabataan,” ani ni Marcos. n Litrato l Shien Rhoel Moral

Gov. Imee Marcos, sa kanyang talumpati patungkol sa mga programang higit na makatutulong sa mga kabataan, Aug 24.

Nat’l ID System para sa mabilis na transaksyon, isinabatas na n

E

TEKSTO // JONAS SALVATIERRA

pektibo na ang Republic Act 11055 o “An Act Establishing the Philippine Identification System” na magpapabilis umano sa proseso ng transakyon sa iba’t ibang sangay ng gobyerno, Agosto 6. Sa ilalim ng batas, isang ID na lamang ang dapat ipakita ng mga Pilipino at hindi na kailangan ng maraming ID sa pagpoproseso ng mga papeles na kinakailangan ng personal na impormasyon. Mabilis na transaksyon Magkakaroon ng kanya-kanyang identification number ang bawat mamamayan ng bansa bilang parte ng pagkakaroon ng National ID. Kabilang sa mga demograpikong impormasyong kinakailangan sa nasabing ID ang buong pangalan, kasarian, petsa at lugar ng kapanganakan, blood type, tirahan, pagiging Pilipino o resident alien samantalang opyonal naman ang paglalagay ng marital status, mobile number, at e-mail address.

Bukod pa rito, kinakailangan din Front Facing Photograph, full set of fingerprints at Iris scan. Magsisilbi ang Philippine Identification System (PhilSys) bilang katunayan ng pagkakakakilanlan ng lahat ng mga Pilipino at maging ng mga ‘resident aliens’ upang mas mapadali ang pampubliko at pribadong mga transaksyon. Ayon din sa batas, magiging mabilis ang paghahatid ng serbisyo, mapapahusay ang pamunuan, mababawasan ang korapsyon, mapapagtibay ang pinansyal na kalakaran, at mapapadali nito ang pagsasagawa ng mga negosyo. Isang ID para sa lahat Magagamit ng mga mamamayan ang National ID pagdating sa pagtanggap ng social welfare at benepisyo ng gobyerno, pagkakaroon ng passports at driver’s license, sa mga transaksyong may kaugnayan ang tax, sa pagpasok sa mga paaralan at ospital, sa pagbubukas ng bank accounts, sa

pagpaparehistro at pagboto, sa mga transakyong may kaugnayan sa pagtatrabaho, gayundin sa carholder’s criminal records and clearances. Pormal na pagkakakilanlan ang national ID upang mapadali ang pagtanggap ng mga serbisyo mula sa pamahalaan ng hindi na kailangan ng madami pang dokumento. Bukod pa dito, magagamit ito ng mga Pilipinong kumakaharap ng mga problema sa kanilang lisensya, passport at iba pang papeles sapagkat sapat nang midyum ng pagkakakilanlan ang impormasyong nakasulat sa ID. Magagamit din ito sa pagpapatala sa SSS, GSIS, at Pag-IBIG. Hindi na din kinakailangang kumuha ng senior citizen ID sapagkat nakapaloob na sa National ID ang araw ng kapanganakan para magkaroon ng discount. Inaasahan din na makakatulong ito para maiwasan ang red tape ayon kay Duterte sa isa niyang talumpati. n

Dulot ng nakahintong road projects, iniinda ng mga estudyante ng LSPU n

TEKSTO // CHRISTIAN CARLO VIRIÑA at LENIN OSIO

A

pektado ang mga mag-aaral ng Laguna State Polytechnic University (LSPU) sa nadudulot na mabagal na trapiko ng nakahintong Rehabilitation and Improvement of Sta. CruzCalumpang-Nagcarlan Provincial Road Phase III Project ng Laguna Provincial Capitol. Sinimulan ang nasabing proyekto noon pang ika-18 ng Nobyembre ng nakaraang taon at kasalukuyang nagdudulot ng problema sa trapiko dahil iisang bahagi lamang ng kalsada ang natatakbuhan ng mga sasakyan. Sakit sa ulo na rin kung maituturing ng mga mag-aaral ang kasalukuyang sitwasyon dahil narin naaapektuhan ang kanilang pang-araw-araw na byahe na sinabayan pa ng malubak na daanan na sinimulang butasin ngunit hindi naman tinatapos. “Bago magkaroon ng construction don, ang allotted time ko ay one hour mula sa bahay ko hanggang LSPU, so after magkaroon ng construction, nagdagdag ako ng 30 minutes dahil

patigil-tigil yung pagtakbo nung jeep dahil don sa putol-putol na kalsada. Ang laking epekto sakin kasi nga lagi akong nale-late, nababawasan yung attendance ko, nababawasan yung grades ko,” ayon kay Jayson U. Lucido mula sa College of Teacher Education (CTE). Kaugnay nito, nagsaad si Kgg. Guillermo Bueno ng Barangay Talangan ukol sa dalawang construction company na gumawa sa nasabing proyekto. “Ang una ay terminated na, samantalang yung pangalawa naman ay nagsabing hanggang Setyembre 30 lamang sila, ngunit wala naman silang naidagdag sa proyekto,” ayon kay Bueno. Samantala, kasalukuyang isinasagawa ang proyektong ‘Construction of Drainage Canal’ sa may tulay ng Santa Cruz upang masolusyunan umano ang pagbaha tuwing may kalamidad. Bukod pa rito, may mga magaaral na naaapektuhan ng nasabing

proyekto pagdating sa oras ng kanilang pagpasok at pag-uwi. “Nakakaapekto sakin since tagaSta. Cruz ako, doon lang ako nadaan, minsan nale-late ako pagpasok kahit pag-uwi. Bilang estudyante, kailangan kong makapasok at maka-uwi sa tamang oras pero madalas hindi ko nagagawa dahil dun traffic na dinudulot nung drainage construction”, Mary Jane Samson, BSECE Gayunpaman, nagagawang unawain ng ilang mag-aaral ang pagbagal ng trapiko dahil sa proyekto bilang naglalayon ito ng kaligtasan ng mga mamamayan. “Before 15 mins lang inaabot yung byahe ko, minsan nga 8 minutes lang. Nung sinimulan yung drainage, umaabot na sa 20 – 30 mins. Yung naging problema ay yung traffic pauwi tapos maingay. Hindi pa naman ako na-late dahil don kasi nakapagadjust agad ako. Inaayos talaga sya para diretso na yung tubig at hindi magbaha,” saad ni Jerlie Almonte mula sa College of Engineering (COE).n

Nakabinbing Rehabilitasyon. Ilang mag-aaral pati na ang mga mamayanan ng Santa Cruz, habang tinatahak ang ilan sa mga konstruksyon ng kalsada sa munisipalidad. Litrato l Shien Rhoel Moral


4

THE GEARS

BALITA

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY - SANTA CRUZ MAIN CAMPUS

AGOSTO - SEPTYEMBRE 2018 | TOMO LVIII BLG 8

EDUKASYON PARA SA LAHAT

Libreng matrikula, miscellaneous fee, epektibo na sa LSPU

I

n

kinatuwa ng mga mag-aaral ang ipinatupad na libreng matrikula at miscellaneous fee sa Laguna State Polytechnic University (LSPU) sa bisa ng Republic Act 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act na layong magbigay ng libreng dekalidad na edukasyon lalo na sa mahihirap. Ginhawang pang-pinansyal Sa pagpasok ng taong-panuruan 2018-2019, hindi na kinailangang magbayad ng mga mag-aaral ng matrikulang P100 para sa kada isang yunit ng asignaturang nakapaloob sa kanilang kurso at ng miscellaneous fee na umaabot sa P 3, 500. Ipinagpasalamat ito ng mga mag-aaral sapagkat binigyangpansin nito ang pangangailangan ng pagkakaroon ng edukasyon. “..Sobrang laking kaluwagan sa puso namin nang nalaman naming free tuition and miscellaneous fee na sa ating university dahil nabibigyan na namin ng tuon ang mga bagay na sobrang kailangan naming, at ito yung edukasyon. Hindi na kami katulad noon na dating students na namomroblema kung makakapagpatuloy pa ba sila ng pag-aaral dulot ng walang pambayad sa tuition,” ayon kay Rhonn Jhon Aligarbes ng College of Teacher Education (CTE). May mga mag-aaral na nagsaad na malaking ginhawa ang naidulot nitong gayong malaking bahagi ng gastusin ang hindi na nila babayadan. “Nang una talaga naming nalaman na free na yung tuition fee sa kolehiyo, galak na agad yung

TEKSTO // MARK ANTHONY LAVARRO AT YRA BAUTISTA

naramdaman ko kasi ibinigay na yung tulay sa pag-abot ng aking pangarap at ang tangi na lang kailangan ay tiyaga at pagpupursigi sa pag-aaral. At, yung dapat na pera na nakalaan sa aking pag-aaral ay naging additional na panggastos parin sa mga requirements sa school like mga libro at iba pa,” saad ni Josephine Ambrocio mula sa College of Engineering (COE). Nasasaad sa batas na libre ang matrikula sa mga klase na nakapaloob sa kurikulum ng isang kurso gayundin ang mga naaprubahang petitioned classes na kabilang dito kung mayroon man subalit hindi kasama dito ang mga review o enhancement classes. Ilalaan din ang pondo sa miscellaneous fees kabilang ang bayarin sa library, mga kompyuter at laboratoryo, identification card, athletics, bayarin sa admission, development, serbisyo ng guidance, handbook, entrance, pagpaparehistro, serbisyong medikal at dental, at mga gawaing pangkultural. Subalit kung kakailanganin ng isang mag-aaral ng panibagong identification card para sa eskwela at sa silid-akalatan o ng student handbook, siya na ang magbabayad dito. Kalakip ng libreng matrikula Nakasaad sa batas ang kalayaang hindi tanggapin ng mga mag-aaral ang probisyong libreng edukasyon. Mayroon Opt-out mechanism kung saan maaaring tanggihan ng isang mag-aaral na may kakayanang

Litrato l Joseph Andrew Algarne

LIBRE NA! Ilang mag-aaral ng LSPU-SCC habang sila’y naghahanda patungo sa kanilang mga klase, kasalukuyang natatamo ng mga mag-aaral na ito ang libreng matrikulang ipinatupad kung saan isa ang Laguna State Polytechnic University sa mga nabigyan ng garantiyang libreng pag-aaral sa kolehiyo pinansyal ang nasabing probisyon sa panahon ng pagpapatala kada semestero kung saan magsusumite sila ng waiver kaya naman kinakailangang may proseso ukol dito. Kailangan din ng mga SUCs, LUCs, at TVET ng nakahandang proseso kung piliin ng mag-aaral na

magbayad ng partikular na halaga kahit makatanggap ng probisyon, o Student Voluntary Contribution Mechanism. Sa kabilang banda, hindi naman magkakaroon ng libreng matrikula at miscellaneous fee ang mga mag-aaral na mayroon ng bachelor’s degree o

undergraduate degree na katumbas nito, at ang mga hindi nakapasa sa kurso matapos ang nakalaang taon. Ito ay upang mapaigting pa ang programang naglalayong edukasyon para sa lahat ng mamamayan handog ng gobyerno. n

14th RSCon inilunsad ng IIEE sa LSPU The Gears muling nagdaos Kamalayan ng mga mag-aaral, pinaigting n

I

TEKSTO // CARLO VIRIÑA AT DARRYL PEÑAREDONDO

nilunsad ng Institute of Integrated Electrical Engineers of the Philippines (IIEE) ang ika-14 na Regional Student Conference (RSCon) sa Laguna State Polytechnic UniversitySta. Cruz Campus (LSPU-SCC) upang mas mapaigting ang kamalayan ng mga mag-aaral na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Electrical Engineering, Septyembre 27-29. Binigyang-diin sa naganap na pagpupulong ang mga kasalukuyang hamon sa pandaigdigang kalakaran sa enerhiya na nakaayon sa temang “Embracing Global Challenge Thru Sustainable Energy Practices.” Nagkaroon ng seminar ukol sa “Ancillary Services Procurement Agreement” at “Power Quality” na inilahad nina Engr. Blair Bondoc at Professional Electrical Engineer (PEE) Francis Denny J. Delmendo na ginanap sa College of Teacher Education (CTE) Hall. Sa kabilang banda, ukol sa “Substation and Distribution System” at “Motor Control” naman ang ibinahagi ni Francis Denny J. Delmendo, PEE sa Activity Center at “Power System Analysis” at “Harmonics” naman ang ipinaliwanag ni PEE Generoso G. Restubog sa College of Hospitality Management and Tourism (CHMT) Hall. Nagbigay din ito ng oportunidad sa mga kalahok mula sa Southern Luzon na mahasa ang kanilang kakayahan at kaalaman sa iba’t ibang patimpalak. Kabilang sa mga ito ang ika32 Regional Quiz Show kung saan muling nanalo ng unang parangal sina Josainne Leah F. Dela Cruz, Francis Leonard L. Tinaja at Jan Marco G. Balani mula sa University of Batangas (UB) matapos umani ng 11 puntos.

ng mga outreach program n

TEKSTO // ANDREW ALGARNE

N

Litrato l Christopher John Kabigting FOCUS. Mga mag-aaral mula sa iba’t ibang unibersidad sa Region 4 sa ilalim ng kursong Electrical Engineering sa taunang RSCon, Sept. 27-29.

Nagkamit naman ng anim na puntos sina Efren Jr. D. Villena, John Mars M. Venus, Paula Koline Cornel at John Mark M. Singh ng Polytechnic University of the Philippines – Sto. Tomas (PUP-Sto. Tomas) ang ikalawang pwesto na sinundan nina Fillmore R. Ferrer, John David M. Muñiz, Lindster H. Almario, Yisal Cabugnason at Rick Daniel C. Reyes ng Malayan Colleges Laguna (MCL) na may apat na puntos. Bahagi rin ng nasabing aktibidad ang ika-18 Regional Math Wizard kung saan muling nanalo ang mga mag-aaral mula UB na may 14 na puntos, na sinundan nina Efren Jr. D. Villena, John Mars M. Venus, Paula Koline Cornel, John Mark M. Singh at Danica G. Magno mula sa PUP-Sto. Tomas na may 10 puntos. Samantala, nakamit ng Laguna State Polytechnic University – San Pablo City Campus ang ikatlong puwesto ng magtala ng siyam na puntos sina Jayvin C. Callao, Charlene B. Wong, Gian Carlo A. Valido, Kathleen E. Vista at John Aldwin A.

Catipon. Bukod pa rito, idinaos din ang ika-20 Regional Student Congress kung saan nabigyang pagkakataon ang mga mag-aaral upang mabatid ang mga pinakabagong teknolohiya sa larangan ng electrical engineering. Nagtagisan din ng galing ang mga mag-aaral sa Skills Olympics kung saan nagwagi sina John Larrence C. Origenes, Joel Villanueva, Lawrenz Abracia, John Richard Amar at Arjay Sarco Ilagan mula sa Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF – SC). Pumangalawa sa mga ito ang mga mag-aaral mula sa Southern Luzon State University (SLSU) na sina Jesseca P. Salucena, Deniel June C. Cabile, Romilou John R. Page, Jayvee C. Cabarrubias at Kervin O. San juan samantalang pangatlo naman ang De La Salle University – Lipa (DLSU – Lipa) na sinundan ng MCL. Nagtapos ang pagtitipon sa pagdaraos ng EElympics kung saan itinampok ang iba’t-ibang laro gaya ng basketball. n

agsagawa muli ang The Gears Publication ng outreach programs sa ilang bayan ng Laguna bilang bahagi ng kanilang hangaring mapaigting ang kamalayan ng mga mag-aaral sa larangan ng pamamahayag at matulungan ang mga itong pagyabungin ang kanilang kakayanan kahit sila’y nasa murang edad pa. Sa kabila ng mga pagsubok at kasarinlan ng mga journalists sa bansa, marami pa ring mag-aaral ang nagnanais na maging mamamahayag kaya naman pinaunlakan ng publikasyon ang mga imbitasyong ito. Paghubog sa kakayahan Sa mga paaralang Banca-Banca Elementary School, Kabubuhayan Elementary School, Mayondon National High School, San Antonio De Padua College, Santo Niño Elementary School, at Bubukal Elementary School nagsagawa nito ang The Gears ngayong taon. Bilang bunga siyam na parangal ang nakuha ng Kabubuhayan Elementary School at lima naman sa Banca-Banca Elementary School sa kasalukuyang taon. “Namangha po ako kasi ayaw po ako payagan pero nung nag-seminar workshop po ako nagkaroon po ako ulit ng determinasyon na magsulat,” saad ni Lloyd Melvin Tonga, isa sa mga mag-aaral na nagwagi ng unang karangalan sa pagsulat ng isports. Patuloy na lilipad Naging kultura na ng publikasyon ang pagbabahagi ng kaalaman sa iba’t ibang disiplina ng dyornalismo sa mga kabataang nais maging mahusay sa pagsusulat at pamamahayag upang mapaigting ang kaalaman at

kamalayan ng mga batang manunulat hindi lamang sa paligsahan kundi sa mga pangyayari sa bansa. Patuloy itong naisasagawa ng publikasyon sa paggabay ni Mary Jane D. Fuentes, Coordinator ng The Gears Publication upang maging kasangkapan na payabungin ang mga batang manunulat sa Laguna. “To share our expertise and to render service sa mga nagnanais matut. As long as we are passionate sa ginagawa namin patuloy na magbabahagi ang The Gears,” saad ni Fuentes. Mga pasasalamat at katagumpayan ng layunin ang inuuwi ng The Gears sa bawat pagsagawa nila ng mga ganitong pagsasanay. “Nais naming magpasalamat sa magigiting na staffers ng The Gears para sa aming ginanap na schoolbased seminar-workshop on Campus journalism.” saad ni Julie Ann Loterte, Adviser ng Rendevouz, ang opisyal na pahayagan ng Mayondon National High School. Paglapit sa komunidad Walong paaralan ang binisita ng The Gears Publication matapos paunlakan ang mga paanyayang maging mga tagapagsalita at hurado pagdating sa pamamahayag sa mga bayan ng Laguna noong nakaraang taon na nagbunga ng pamamayagpag ng mga mag-aaral roon. Naniniwala ang mga kabataang ito na magsisilbing daan ito upang maipagpatuloy ng mga batang mamamahayag ang kanilang nakasanayan na ipabatid ang mga impormasyon hindi lamang sa mga kompetisyon kundi pati na rin sa buhay ng mga Pilipino at sitwasyon ng Pilipinas.n


THE GEARS

BALITA

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY - SANTA CRUZ MAIN CAMPUS

Pagtaas ng pasahe, presyo ng pagkain, epekto ng inflation sa mga mag-aaral

I

TEKSTO // LYKA PANDACAN AT MARK CARLO GAHON Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act. Bukod pa rito, ang pagbaba ng halaga ng piso, at kakaunting suplay ng mga produktong agrikultural gaya ng bigas sa mga salik na nakaapekto sa pagtaas na ito ayon sa Department of Budget and Management (DBM). Gayunpaman, mas mataas ang implasyon kumpara sa naging pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas na aabot lang ito sa 5.9 porsiyento. Sa kabila nito, naniniwala ang DBM na "manageable" pa ang inflation rin at inaasahan pababa na ito sa mga susunod na buwan. Aaksyunan umano ito ng gobyerno sa pamamagitan ng unconditional cash transfer at pantawid pasada program para sa mahihirap at pag-angkat pa ng mga isda at bigas kung kinakakailanganin. n

% 34

4%

dinadaing na ng mga mag-aaral ng Laguna State Polytechnic University – Sta. Cruz Campus (LSPU – SCC) ang patuloy na pagtaas sa mga presyo ng bilihin sa bansa. Alinsunod ito sa pagkakatala ng Pilipinas ng 6.4% inflation rate na itinuturing na pinakamataas na bahagdan sa loob ng siyam na taon. Sa ginawang pagsisiyasat ng The Gears Publication ukol sa paksang ito, 62% ng kabuuang 700 mag-aaral ang nagsabi na ang muling pagdadag ng piso sa presyo ng pamasahe ang pangunahing iniinda ng mga mag-aaral. "Kung dati kasi ang P8.00 lamang ang pamasahe sa jeep, ngayon pumapatak na ito sa P9.00 kaya kung minsan naglalakad nalang ako," ani ni Jeraldine Sacluti, senior high school (SHS). Bukod pa rito, 34% ng mag-aaral ang apektado din ang mga mag-aaral pagdating sa pagkonsumo ng pagkain sapagkat nagkaroon din ng pagtaas sa mga pangunahing sangkap nito. "Dati kapag nagla-lunch kami, may extra rice pa at nakakabili pa kami ng ice cream, ngayon wala ng extra rice at di na namin nabibili ang ibang gusto namin," saad nin Sherry Garcia mula din sa SHS. Kasabay nito, samu’t sari na ang ginagawang pagtitipid ng mga mag-aaral upang mas mapagkasya ang kani-kanilang mga baon. "Dati pwede magdala ng saktong baon na makakasama na pamasahe pauwi pati lunch at merienda, dati 10-20.00 may ulam na at busog ka na sa P30.00 pero ngayon, ang P30.00 mo ulam palang, dati mas marami ka mabibili sa baon mo ngayon maunti nalang,” giit ni Samuel McStay Zotomayor mula sa College of Teacher Education. Samantala, 4% naman ang nagsabi na ang maagang pagpaplano sa mga paglalaanan nila ng halagang mayroon sila. "Ang pagkakaroon ng P120.00 na baon ay hahatihatiin ko sa lahat ng gastusin katulad ng pagtataas ng mga pagkain, pamasahe at iba pa. At dahil dito, nalimitahan na ang pagkonsumo ko sa mga ito," solusyon ni Jurich Cambel mula sa College of of Business Management and Accountancy. Maiuugnay ang pagtaas ng pamasahe sa jeepney at mga bilihin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa merkado at ang karadagang buwis na ipinapataw dahil sa Tax Reform for

62%

n

Pagkain 62% Pamasahe 34% Pagpaplano 4%

Ipinapakita ng mga datos ang mga pangunahing epekto ng inflation sa mga mag-aaral ng LSPUSCC sa ginawang pagsisiyasat ng The Gears.

Haba ng pila ... P1 Ayon din kay Hanz Anthony Enriquez ng College of Engineering (COE), naging malaking bagay para sa kanila ang mahal na bayarin dahil sa nasabing drug testing. “Yung totoo, may kaibigan akong late nagpa-drugtest kasi wala daw siyang pera.Yung ipapangpa-test kasi, baon na niya ng tatlong araw,” saad ni Enriquez. Bukod pa rito, idinaing din nya ang mga singitang nangyayari habang isinasagawa ang testing. Sinasabing walang taong nagaasikaso upang magbantay ng mga hanay at maisaayos ang pila. Kaugnay naman nito, makasisigurado ang mga mag-aaral na magiging “confidential” ang magiging resulta ng nasabing programa. Maaari ring hindi tanggapin ang mga estudyateng magpopositibo sa drug test. Samantala, hindi nagbigay ng karagdagang kumento ukol dito ang klinika ng unibersidad, ang nanguna sa pisikal na eksaminasyon.n

GEC units sa kolehiyo ... P1 para sa pang-intelektwal na kurso, dalawa sa personal at sibikong kakayahan at sa praktikal na mga responsibilidad ay tatlo na ituturo sa Ingles at Filipino. Alinsunod din sa naibabang memorandum, mainit na pinag-usapan ang pagkakatanggal ng Filipino at Panitikan bilang “required subject” sa lahat ng mga mag-aaral sa kolehiyo. “Para sakin okay lang na bumaba yung number ng units kase bawas burden yon para sa mga students. Ang hindi okay ay yung natanggal sa bilang ng units yung Filipino subject kase kung may dapat tayong mas pag-aralan, yun yung mismong atin which is yung Filipino nga,” saad ni Paula Sumaya mula sa College of Arts and Sciences (CAS). Nasasaad sa Batas blg. 7722 o ang “Higher Education Act” na nasa kamay ng CHED ang desisyon nito na alisin ang Filipino bilang asignatura na nabibilang sa kasalukuyang GEC. “Mapapatunayan ko na hindi dapat tanggalin ang Asignaturang Filipino sa kolehiyo dahil mahina ang pundasyon ng mga mag-aaral para ihinto ang pag-aaral nila sa wikang Filipino at dapat isipin ng mga taong nagnanais na tanggalin ito, alalahanin nila ang kalayaang pinagbuwisan ng buhay bago ito makamtan” wika ni Ginoong Mylo S. Redera, guro sa Filipino sa kolehiyo ng LSPU. n

Kompetisyon sa pagsulat ... P1

development communicators. We are taking or assuming a very crucial road in the development of the universities,” saad ni Ronquillo Higit sa 200 na mga delagado mula sa iba’t ibang State Universities and Colleges (SUCs) sa buong bansa ang dumalo sa nasabing kaganapan. Naitalaga naman si Rama Lormella S. Albano ng Camarines Norte State Colleges bilang pangulo ng organisasyon ng mga PASUC Campus Journalists sa bansa. “Bilang nagsisimula pa lang na organization, ang initial plan namin ay magcome-up na sa maaaring maging official name ng organization so we could then perform our duties and responsibilities as officials.” saad ni Albano. Sa kabila nito, sinabi rin ng naitalagang presidente na nahihirapan din silang magplano kasama ang iba pang mga opisyal ng organisasyon dahil hindi sila nabigyan ng oryentasyon kung ano ang kanilang dapat gawin. “As of now wala pa kaming update from the PASUC heads, we are still trying to keep in touch through social media, so we can still work as a team. To be honest, all of us are actually clueless of what’s next since we are not properly oriented.” Ginanap ang nasabing programa sa University of Science and Technology in Southern Philippines (USTP), Cagayan de Oro City. n

5

AGOSTO - SEPTYEMBRE 2018 | TOMO LVIII BLG 8

Pre-service teachers, dapat na mas handa ayon sa PAFTE IV-A n

I

TEKSTO // JENNY MELICIO

sinaad ni Dr. Ronald A. Gonzales, namumuno sa Region IV Philippine Association for Teachers and Educators, Inc. (PAFTE) nararapat na mas may kakayanan, mas handa, at mas maasahan ang mga guro sa kabila ng epekto ng makabagong teknolohiya, Septyembre 28 Kasabay ito ng pagsasagawa ng organisasyon ng ika11 nitong seminar na ginanap sa Sta. Rosa City, Laguna na dinaluhan ng lahat ng pre-service teachers ng Laguna State Polytechnic University – Sta. Cruz Campus (LSPU – SCC). “The students who aspire to belong in the noblest profession out to have a deep sense of commitment and passion. Commitment must stay relevant through times and passion to develop more commited individuals in the lives of dear students,” hamon ni Gonzales. Kaya naman binigyang-diin ni Dr. Jenny V. Jocson, Senior Program Manager ng Philippine National Research Center for Teacher Quality ang mga pagbabago ng takbo ng edukasyon sa Pilipinas ng pumasok ang K-12 Curriculum at ang mga nararapat na kamalayan ng guro ukol ditto. “Napakarami ng nagbago at kapag ang guro ay nanatili sa iisang kaparaanan ng pagtuturo, teacher is giving students a grave injustice,” pagpapaliwanag ni Jocson sapagkat malaki aniya ang hinihingi ng K-12 Curriculum. Bukod pa dito, pinaalalahan din ni Jocson ang higit 4 000 na mag-aaral ukol sa pagbabagong hatid ng Philippine Professional Standards for Teachers (PPST). Lahat ng Pre-Service Teachers ay itinuturing ng Beginning Teachers, batay sa nasabing balangkas na may apat na lebel kabilang ang Beginning, Proficient, Highly Proficient, at Distinguished. “Binibigyan ka lang ng DepEd ng dalawang taon para maging proficient, if you are not proficient, you’ll be taken out of the service,” saad ni Jocson. Kaugnay nito, isinaad niyang kinakailangang bigyangpansin ng mga Teacher Education Intitutions (TEIs) ang mga Beginning Teachers nang maging madali para sa kanila ang maging Proficient. n

60 mag-aaral ng LSPU, nakibahagi sa The Gears Seminar-Workshop n

TEKSTO // JOSEPH ANDREW ALGARNE

N

agbahagi ng kaalaman at karanasan ang The Gears sa muli nitong pagsagawa ng Seminar-Workshop, na nagsilbing pagsasanay ng 60 mag-aaral mula sa kolehiyo at senior high school na magiging bahagi ng pangkampus na pamamahayag, Agosto 23-24. Binigyang-diin dito ang kahalagahan ng kamalayan sa mga isyu ng lipunan bilang mga Pilipino ayon sa temang “Rekindling Flames of Nationalism in Student Journalists through Campus Media.” “If you want to be cool, be one in the crowd. But if you want to be different, stand up, leave the crowd and do something,” saad ni Glessa Rose Janolino, dating editor-inchief (EIC) na nagsilbing panauhing pandangal at isa sa mga namayagpag noong kanyang panahon sa larangan ng campus journalism. Bukod pa rito, nagbahagi si OSAS Director Virgilio Bartolome, isa sa mga consultant ng publikasyon, ukol sa pagsisikap ng mga kasalukuyang campus journalists upang makatungtong sa pangrehiyon at pambansang kompetisyon. “Naging mahirap ang naging labanan sa mga kompetisyon ngunit hindi nagpadaig ang mga estudyanteng manunulat simula pa noong una hanggang ngayon na 58 taon na naghahatid ng balita ang Gears sa unibersidad,” saad ni Bartolome. Ibinahagi sa dalawang araw na iyon ang paraan ng pagsulat OSAS Director Virgilio Bartolome sa kanyang pagbabahagi ng mga salita sa Seminar Workshop, Aug. 23-24 Litrato l Andrew Algarne

ng iiba’t ibang disiplina ng journalism kabilang ang pagsulat ng balita, pangulong tudling, opinyon, lathalain, balitang pampalakasan, gayundin ang pagwawasto ng sipi at pag-uulo ng balita, paglalarawang tudling, graphic arts design, komiks, at pagkuha ng larawang pampahayagan. Nagkaroon ng paligsahan sa bawat kategorya kung saan itinanghal si Vince Villanueva, mag-aaral sa senior high school, bilang First Highest Pointer na sinundan naman ni Mark Anthony Lavarro mula College of Arts and Sciences at ni Christian Rey Carandang bilang third highest pointer. “Una po hindi ko po talaga inaasahan, kasi ang goal ko lang po talaga ay makasama sa The Gears tapos po meron po palang contest after ng lecture kaya nabigla po ako, sobrang nakakatuwa at unexpected din po kasi may mga college students po ako na makakalaban pero hindi po naging barrier yung pagiging Senior High student ko. Base po sa 2 days seminar-workshop po na naganap naging malaking impact po ito sa pagiging campus journalist namin, una po mas nadagdagan po talaga ang

alam namin, pangalawa po mas naggrow pa po yung mga information na meron po kami mula sa high school kasi po mas mataas na antas na po ito at sa pagiging estudyante po malaking advantage po sa amin ang natutunan namin at magagamit namin sa mga activity sa room tulad po ng essays o mga artikulo na maaaring editoryal o lathalain. Dagdag ko pa po hindi ko po akalain na makakagawa at mananalo po ako sa ibang category kasi isa lang po talaga ang alam ko,” saad ni Villanueva. n


THE GEARS

OPINYON

6

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY - SANTA CRUZ MAIN CAMPUS

AGOSTO - SEPTYEMBRE 2018 | TOMO LVIII BLG 8

EDITORYAL

Buntong-Hininga

H

angad ng bawat isang ordinaryong Pilipino ang makaranas ng kaginahawaan para sa bawat myembro ng pamilya. Ang makakain ng tatlong beses sa isang araw ay isang malaking bagay na kung tutuusin mairaos lang ang bawat araw na nagdadaan. Ngunit sa paglipas ng mga araw, tila nalilihis ang landas na pinapatahak sa atin ng ating gobyerno tungo sa matiwasay at magaang pamumuhay sa loob ng ating bansa. Ngayon lamang Agosto, naitala ang pinakamataas na inflation rate sa bansa sa loob ng siyam na taon na pumalo sa 6.4%. Nangangahulugan lamang ito na hindi sapat ang sinasahod ng bawat isang manggagawa para sa kanilang tustusin sa pang araw-araw. Sinasabing ang pagtaas na ito ay nauugnay sa pagpapatupad ng Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) Law noong Enero na siyang nagpapataw ng buwis sa mga produktong petrolyo at mga matatamis na bilihin. Ayon nga sa resultang inilabas ng Pulse Asia, 98% ang nagsasabing nararamdaman na nila ang pagtaas ng mga bilihin at 86% sa mga ito ang nagsasabing matindi ang epekto nito. Sinasabi rin ng mga experto na ang pagtaas na inflation rate ay ang syang dahilan ng pagbaba ng ekonomiya ng bansa. Mukha mang walang epekto ang inflation rate na ito sa ating mga estudyante, ngunit kung iisipin labis-labis ang paghihirap ng mga taong sumusuporta at nagpapaaral sa bawat isa samin hanggang sa makapagtapos. At sa ngayon nga ay nadadama na natin ang pagtaas ng presyo ng pamasahe patungo sa ating mga paaralan. Pamahal na rin ng pa mahal ang pagkaing ating binibili sa loob at labas ng paaralan. Sinasabi ng administrasyon na kailangan lang nating magtiis dahil para ito sa ikauunlad ng bansa. Ngunit bakit natin kailangang nating gawin ito, kung tanging mahihirap lamang ang natitiis sa mga pangyayaring ito? Sinabi rin nila noong nakaraang taon na ito ay papaskong handog sa mga mamamayang Pilipino, ngunit ganito bang pasko ang gusto nilang makitang nararanasan ng mga taong nasa laylayan? Kung talaga mang inaalala ng admininstrasyon ang pamumuhay ng mahihirap sa ating bansa, marapat lamang na masolusyunan nila ang paghihirap na nararanasan ngayon. Sa kanilang ginagawang aksyon ay mapapabuntong-hininga ka na lamang. Ang mayayaman ang syang patuloy na rumarangya na tila hindi apektado at ang mahihirap ang patuloy gumagapang marating lang ang rurok ng kaginhawaan. n

KARTOFFELN JOSHUA AQUINO

S

ANO NGA BANG LAGAY?

a sobrang dami ng gawain sa loob ng unibersidad, nakakaligtaan ko na ang mga panibagong mga balita sa loob at labas ng bansa maging sa ating kumunidad. Nasa ika-limang taon na nga pala ako ng kolehiyo. Konti nalang, at makukuha ko na rin ang aking diploma. Sa kabilang banda, sa muli kong pagkakatutok sa telebisyon sa aming bahay, lubos akong napatitig sa aking pinapanood. Talumpati ng pinakamataas na posisyon sa ating bansa. Lubha kong napansin ang sobrang pag-iiba ng kulay ng Pangulo lalonglalo na sa parteng mukha nito. Muling nanumbalik sa akin ang ala-ala ng aking pinanood na koreanovela. Maituturing ko itong napagandang pangyayari dahil sa tanang ng buhay ko ay bihira lang talaga ako manood ng ganitong klaseng mga palabas. Sa pagkakasakit ng presidente ng kanilang bansa, ay matinding paglilihim ang kanilang ginawa upang hindi ito kumalat sa publiko. Sinasabing ito ay para maiwasan ang mga mapansamantalang pulitiko

na maaaring lubus-lubusin ng mga kalaban nito. Tanging ang matataas na posisyon lamang ang nakakaalam kagaya ng Prime Minister at ang opisyal ng depensa ng bansa. At kagaya ng napakaraming pasikot-sikot na mga banghay ng mga palabas, lumabas sa publiko ang kondisyon ng kalusugan ng presidente at doo’y nagkagulogulo ang mga nasasakupan nito. Nagsilipana din ang mga taong nais kumuha sa mataas na posisyon. At isa na dito ang Prime Minister ng nakakaalam ng tunay nyang kalagayan. Sa huli, ang PM ang syang tunay na kalaban na syang nagpapalubha sa kalagayan ng kanilang pangulo para sa posisyon. Ano pa nga ba ang kinahantungan ng palabas? Syempre, nabuko ang kaaway at hindi ito nagtanggumpay. Ano pa nga ba ang aasahan natin. Ang presidente ang may pinakamalaking papel at responsibilidad sa ating bansa.Didikta sa ilalim ng kanyang pamumuno ang pamumuhay na kanyang ninanais para sa kanyang nasasakupan at kung anong hinaharap ang gusto

Editor-in-Chief Joshua Aquino Associate Editor Joseph Andrew Algarne Managing Editor Shulamae Castro

Circulation Manager Westlhey Canonigo | News Editor Jenny Melicio | Features Editor Vanessa Mae Antony | Sports Editor Joyce Ann Fabula | DevComm Editor Romel Brian Florendo | Chief Artist Adrian Cada | Chief Photojournalist Shien Rhoel Moral Chief Graphic Artist Bea Joy Javier Senior Photojournalist Christopher John Kabigting | Senior Staff Writers Arvie Joy Recto Jhane Austria Chaelly Allyson Balitactac Alexandra Ramirez Senior Artist Princess Plebescite Danica Villanueva

Staff Writers Apolonio Estrella Annie Jane Bernardino Aira Denise Depatillo Mark Carlo Gahon Christian Carlo Virina Esteven Combalicer Kirsten Faith Flores Rodjun Villanueva Alfred Nean Canovas Ranz Irizh Enriquez Alvin Cuevas Elexandra Labutap Jonas Salvatierra Jaylyn Esquibel Allysa Jane Montiero Christian Ray Carandang Koji Magano Aubrey Rivera Elvin Mejos Lenin Osio April Lian Albong Darryl Penarendondo Rhonna Mae Aligarbes Kaye Ezra Divinagracia Anna Luisa Flores Lyka Jasmine Pandacan Jerome Landig Nina Bless Chavez Maria Isabela Gabion Gaudy Michael San Jose Ivy Ambrocio Jasmine Therese De Jesus Shane Kieth Doria Jane Marie Cabrera Richelle Ann Pabilona Vince Villanueva Ezekhyna Naval Hopwa Delicando Nicole Espino Arvee Anillo

nyang makamtan. Naging maugong na bali-balita ang iba’t ibang naglulutangang isyu tungkol sa presidente ng ating bansa. Kung susuriin ngang mabuti, kapansin-pansin ang tila pagbabago ng kulay ng gilid ng mukha ng presidente. Habang patagal ng patagal ay lalo itong nangingitim at talaga namang nakakatawag ng pansin para sa kanyang mga mamamayan. Sa isang panayam, inamin mismo ni Pangulong Duterte na gumagamit sya powerful painkiller fentanyl dahil sa iniinda nitong pananakit ng likod dala ng isang aksidente sa motorsiklo. Sinabi rin nito na ang pangingitim ng kanyang balat ay dala ng hindi nya paggamit ng “sunblock” noong panahon ng

bilang presidente noong panahon ng eleksyon, sa kanyang pagkakaluklok sa pwesto ay nararapat lamang magkaroon tayo kamalayan sa kanyang kalusugan. Dahil hindi lang dito nakasalalay ang pangsarili nating mga interes. Ang nasasaalang-alang dito ay ang magiging lagay ng ating bansa. Kagaya na lamang sa isang tahanan, magiging isang malaking dagok sa pamilya kung magkakaroon tayo ng problema sa itinuturing nating haligi ng tahanan. Ang mga anak ay magkakagulogulo hindi lamang sa turingan sa isa’t isa kundi na rin sa kanilang pansariling buhay. Alam naman natin ang nagiging malaking epekto ng pagkakaroon ng wasak at watak-watak na pamilya. Sa realidad, kung ating iisipin, kung may masamang mangyari man sa namumuno ng ating bansa ay tiyak na mas lalaki ang isyu ng pagkakawatak-watak ng mga Pilipino. Muling magbubuklod ang mga pula sa asul maging ang dilaw. Ayon sa 1987 Constitution of the Republic of the Philippines – Article VII Section XII, nararapat lamang na

“Nawa’y

mas unahin ang magiging kapakanan ng mga mamamayan”

pangangampanya. Matatandaan rin natin ang pag-amin nya ang madalas nyang pagkakaroon ng migraine pati narin ang pagkakaroon ng Buerger’s disease, isang cardiovascular illness na naging dahilan nang pamamaga ng ugaat dahil sa paninigarilyo. Hindi ko man binoto si Duterte

maipagbigay sa mga nasasakupan ang lagay ng karamdaman ng Pangulo lalo na’t kung hindi biro ang sakit na meron ito. At kasabay nito, ang myembro ng gabinete na nakatoka pambansang siguridad ng bansa, pangdayuhang relasyon at ang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines ay hindi dapat isawalang bahala ito. Kapansin-pansin din ang ginagawang hakbang ng pangulo maging ng mga gabinete nito ang pagpapatalsik sa ikalawang pangulo. Mainit na usapan naman talaga ang koneksyon ng dalawang mataas na naluluklok sa ating bansa. Kabikabilang mga parinigan at patutsada ng dalawang grupo. Dahil nga ba hindi nya gusto ang maaaring pumalit sa kanya? Tunay nga bang malubha ang kanyang kalagayan? Sa panahong ito, sana’y iwaksi na sa isipan ng mga pulitikong ito ang mga kanilang pansariling interes na kanilang napapala sa paglilingkod sa ating bayan. Tanging ang kanilang mga sarili lamang ang naiisip at ikauunlad. Nawa’y mas unahin ang magiging kapakanan ng mga mamamayan. Dahil una sa lahat, wala ang mga taong ito sa posisyon kung wala ang taong bayan. At kung tunay ngang may malubhang sakit ang pangulo, marapat lamang na ating itong ipagdasal, maka-DDS ka man, dilawan o kung ano man. Nasa kamay niya ang pundasyon ng ating bansa. n

Editor,

THE GEARS

EDITORIAL BOARD A.Y. 2018-2019

Coordinator MaryJane D. Fuentes, DPA

Consultant OSAS Director Virgilio F. Bartolome Campus Director Engr. Joseph M. Cabiente, MSME VP Academic Affairs Eden C. Callo, Ed. D. University President Nestor M. De Vera, Ph. D. Ffp

Magandang araw. Itago nyo nalang po ako sa pangalang, EJ at ako po ay isang freshman student. Alam naman nating lahat na epektibo na ang libreng matrikula sa kolehiyo sa mga State Universities and Colleges kabilang na ang LSPU. Ganon pa man, sa unang buwan ko sa unibersidad, nahihirapan pa rin ako sa mga gastusin lalo pa’t wala namang trabaho ang aking mga magulang. Ano kaya ang dapat kong gawin para problema kong ito?

EJ, Katulad mo, isa rin ako sa maraming estudyanteng nakakaranas ng problemang pinansyal sa kabila ng mga libreng serisyong binibigay ng ating gobyerno. Maaari kang humanap ng pagkakakitaan o kumuha ng part-time job. Ang ilang opisina rin sa ating unibersidad ng mga student assistant na talagang makakatulong sayo. Ang kailangan lamang ay ang matinding pagsisikap at kasi pagan na sasabihan din ng tamang pagbabalanse ng iyong oras


THE GEARS

OPINYON

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY - SANTA CRUZ MAIN CAMPUS

7

AGOSTO - SEPTYEMBRE 2018 | TOMO LVIII BLG 8

mas malaki tayong kalaban sa mga Amerikano--ang ating sarili”.

FLUID

JOSEPH ANDREW AGARNE

Bakit Mahirap si Juan?

M

insan nang nakilala ang Pilipinas sa daigdig at nanguna sa iba’t ibang larangan.Naging una sa makabagong teknolohiya, nakilala at naparangalan noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Kinilala rin ang bansa sa sining at agrikultura. At naging malaking bahagi sa kasasysayan ng daigdig. Ilang pangulo na rin ang naluklok at ilang senador na ang nahalal. Malaking tanong pa rin kung bakit hanggang ngayon nanatili pa rin ang Pilipinas sa listahan ng mahihirap na bansa. Isang alaala na lang ba na maituturing ang pag angat ng bansa at pagbaba ng bilihin. Malawak naman ang taniman at malawak ang karagatan. Sagana ang bansa sa likas na yaman. Ngunit bakit mahirap pa rin si Juan? Pa g u s b o n g ng teknolhiya Ayon sa news ng rappler, nangunguna ang Pilipinas sa naglalaan ng oras para manood ng malalaswang palabas at hindi na kataka taka na libangan na at wala ng ginagawa kundi manuod ng porn ang ilan sa Pilipino. Isa ito sa dahilan kung bakit tumataas ang teenage pregnancy rate sa Pilipinas. Nakakabahalang, 500 sa kabataang babae ay nagiging batang ina kada araw at kung susumahin 185,500 sa isang taon. Sa pagtaas ng populasyon maraming resources ang kinakailangan. Ang pagdagdag ng isang sanggol sa isang pamilya ay malaking epekto sa gastos sa pang araw-araw. Isa rin ito sa sanhi ng lalo pang humihirap na pamilya sa bansa. At ang kabilang sa mahihirap na pamilya ay may mas marami pang anak mula 6 at higit pa at karamihan dito ay walang trabaho. Sa paglobo ng populasyon siya rin naman bagsak ng ekonomiya. Imbis na iilan lang ang papakainin at bibihisan patuloy ang mga pilipino sa pagdagdag ng bubuhayin.

Pangalawang tahanan Sa pagtaas ng bilang ng populasyon sa bansa halos 10% sa estimang 39 milyong Pilipino, 6 hanggang 24 taong gulang ay outof-school children at youth.Kabilang din sa survey, ang pinaka madalas na dahilan sa Out-of-school children at youth ay problema sa pamilya (42.3%), Mahal na matrikula o kakulangan ng pera (20.2%), at kawalan ng interes (19.7%). Ang kaalaman ay isa sa pangunahing sangkap sa pag-unlad ng isang bansa sapagkat hindi tayo makakaangat sa pandaigdigan kumpetisyon kung tayo’y hindi edukado ang sapat na kaalaman sa trabahong gusto natin pasukin ay nangangailangan ng sapat na karunungan. Sa 42.3% na out-ofschool youth ay may problema sa pamilya. Kung saan dapat ito ang kalakasan ng isang indibidwal ang sentro ng lahat. Ang pamilya ang pangunahing yunit ng l i p u n a n dapat ito ang pinaka may

“Si Juan ay

maari rin naman yumaman kung lalagyan niya ng disiplina ang kanyang pang araw-araw na buhay. “

M

ga mandirigma ng edukasyon! Ahu! Ahu! Naamoy ‘nyo na ba ang simoy ng pagtatapos kaya’t mahaba ang listahan ng nais pasalamatan? Nariyan ang mga kaibigan, magulang, kaklase at ang ating mga guro na tumulong sa atin ng ilang taon sa pagaaral. Kaya pa natin isa-isahin ang mga guro na naging paborito natin at minsan natin kinainisan. Ang guro na nga daw ang ‘Noblest Profession’ dahil sa laki ng naitutulong nila sa lipunan. Ngunit sa paglipas ng panahon tila parang napalitan na yata sa kaisipan ng marami ang mga salitang nararapat na katumbas ng GURO. Gumawa ng ingay sa social media ang short film ng Sa Wakas Theater group sa Vincentiments na KPL (Kung Pwede Lang) matapos makakuha ng higit anim na milyong views sa loob ng dalawang araw. Ito ay patungkol sa isang estudyante na naglabas ng hinaing at sama ng loob sa kanyang guro. Umani ito ng maraming komento at reaksyon mula mga magulang, estusyante, guro at iba pa. Nang mapanood ko ang video na

Alipin ng hilig Isang malaking problema ang kinakaharap ng mahihirap na Pilipino sa paggamit ng cellphone . Ayon sa pag aaral nanguna muli ang Pilipinas sa pinakamaraming gumagamit ng facebook at iba pang social media. Isa nga sa dokyumentaryo ng brigada 80% na Pilipino ang may cellphone at 70% lang ang may sariling palikuran (PSA 2015). Dahil mas mahalaga pa sa Pilipino na may maayos na cellphone kaysa maayos na palikuran. Ang mentalidad na ito ang malaking epekto kung bakit mahirap si juan. Sa paglobo ng populasyon at paglobo ng kahirapan naghihingalo na ang mga ilog. Kaya ang mga ilog na sana’y malinis at panay isda ay naging isang palikuran at tapunan ng basura. Ito’y nagiging balakid para sa mga mangingisda at turismo sa bansa. Tayo rin pala ang dahilan kung bakit tayo naghihihrap. Sa padami ng padaming Pilipino na gumagamit ng cellphone upang makapagsocialize, Isa rin ito sa balakid kung bakit hindi makaahon si juan sa kahirapan. Sa haba ng oras na ginugugol natin sa pag-gamit ng facebook,twitter, Instagram at marami pang ibang social media platform ay nakakaapekto sa ekonomiya ng ating bansa, sapagkat mas mahaba pa ang oras natin para dito kaysa gawin ang dapat natin gawin. Ang mga dahilang ito ay ilan lamang kung bakit mahirap pa rin s i

EZRA

JENNY MELICIO

H

MAYAMAN ANG PINAS

indi basta lang ang pagtatanim ng palay, pag-aani, at pagkakaroon ng kita galing dito. Namulat ako ng maaga sa kahalagahan ng pagsasaka o agriluktura sapagkat iyon ang pangunahing hanapbuhay ng mga tagaroon sa amin. Kabilang ang aking ama sa mga magsasaka sa amin bagamat sa kasalukuyan ay wala na kaming sariling lupang taniman, at umaasa na lamang sa mga nagpapaupang may-ari ng mga tubigan. May ipinamanang lupain samin si lolo bagamat ipinagbili iyon upang may maipangtustos sa pag-aaral naming tatlong magkakapatid at makapagpatayo kami ng sariling bahay. Nakakasabik,

Gamitin mo kung anong kakayanan ang mayroon ka upang ipalaganap sa iyong kapwa ang ukol sa mga hamong kinakaharap ng agrikultura.

k u n g babalikan ko ang mga karanasan namin sa tubigan noong bata palang kami. Tuwang-tuwa kami sa tuwing papayagan kami na sumama roon. May mga pagkakataon na nanguha kami noon ng mga suso, kung saan nakalubog ang bahagi ng aming mga binti sa putik. Sa mga musmos na tulad namin, m a s a y a na iyon sapagkat natugunan s a

kapangyarihan. Nawalan na ng gana sa pamilya k a y a wala na rin gana mag-aral ito ang dahilan kung bakit malaki ang papel ng isang pamilya sa ekonomiya. Sa panahon ngayon na libre na ang pag-aaral sa ilang unibersidad at kolehiyo sa bansa ay malaking tulong para tayo’y magkaroon na sapat na kaalaman at makatulong sa ating bayan. Magkaroon ng maraming propesyonal at dalubhasa sa iba’t ibang larangan upang maibangon muli ang bansa. At mabawasan ang mahihirap na Pilipino sa papamamagitan ng wastong kaalaman. Malaki ang posibilidad na umasenso ang bawat pamilya. Tayo na lang ang ayaw kumilos. Isa nga sa sikat na linya sa Heneral luna ang binitawan “May

j u a n . A n g kawalan n g disiplina a n g pinakasanhi ng lahat. Ang pagbibigay halaga sa oras at paggamit sa cellphone ng wasto

ito, hindi man lang ako ngumiti kahit isang beses dahil mas nangibabaw sa akin ang bigat ng damdamin na sa ganitong paraan tatak sa isip ng mga tao ang imahen ng isang guro. Isa akong estudyante na nagpapakadalubhasa sa pagiging guro at ngayo’y sumasalilalim na sa practice teaching. Ibig sabihin ay nararanasan ang sitwasyon ng dalawang panig at may hugot din ako sa mga nararanasan bilang estudyante at bilang teacher. Sa halos 15 taon ko na pag-aaral marami na din akong naipon na iba’t ibang karanasan sa aking mga nagdaang guro. Minsan na din akong nais sa dami ng kanilang pinapagawa, hindi

isang bansag na tanging kami lang magkakaklase ang nakakaalam. JOYCE ANN FABULA N a n g pinasok ko ang kanilang mundo ay unit-unti ko na din naintindihan ang hirap ng buhay ng isang guro sa nila pagkakaroon ng konsiderasyon loob at labas ng paaralan. Sila ang at nagdulot din ng takot sa mga mga mandirigma ng kamangmangan pero sa kasalukuyang henerasyon sila’y tinatalo ng mga baluktot na panghuhusga. Maraming kakulangan sa kanilang trabaho na matagal na panahon na nilang ipinaglalaban. Hindi din sila machine. Sandamakmak na gawain ang arawaraw nilang hinaharap instructional materials, lessonplan at kung iisa-isahin ko pa pagtaas nila ng boses. Gayun din kulang space dito para ilagay lahat. ang pagbibigay sa kanila ng iba’t Magpasalamat pa tayo na puro

sundan p. 9

bukid. Natatandaan ko din na kapag tapos na ang anihan, di namin alintana ang init, gumagapas kami ng mga natirang uhay kaming magkakapatid kasama ang mga kalaro naming tagaroon din. Minsan, kapag hindi kami pinayagan sa umaga o tanghali, sinusubukan namin sa hapon. Para payagan nga ay nakasuot na kami kaagad ng jacket, jogging pants o anumang m a h a b a n g pambaba para maprotektahan kami sa talas ng mga dahon ng palay, at sombrero daladala ang mapurol at di na ginagamit na parte ng lagaring bakal gayundin ang sakong paglalagyan ng mga uhay. Naranasan din naming kumita dahil doon. Matapos naming mangulekta ng uhay, gigiikin naming iyon upang humiwalay ang butil sa damo. Dahil wala kami noong makinarya na parang electric fan, kanyakanya pa kami ng pwesto para makahanap ng mahanging parte upang masala ang mga ipa sa may mga lamang butil. Ipapakiskis na iyon ng pagkatapos, pinagsasamasama naming lahat para mas madami saka kami maghahatihati sa ibabayad na bigas na bunga ng aming pag-uuli. Masaya kami noon dahil sa karanasan ngunit kung iisipin ang ibang bata o kabataang tulad namin na regular na ginagawa iyon, para iyon sa ikakabubuhay nila, sa kakain nila, saka ko mas minahal pa ng husto ang aking mga magulang, dahil sa sakripisyong iyon. Para sa amin. Bagamat may mga pagkakataong hindi ko nagiging prayoridad, magpahanggang ngayon, gusto kong makita ang pag-unlad ng pagsasaka, ng agrikultura sa bansa hindi lang dahil ito ang pangunahing hanapbuhay sa Pilipinas kundi dahil ito ang kayamanang ipinagkatiwala sa

pagkakataong iyon ang aming kuryosidad, kung anong pakiramdam na gumawa sa

sundan p. 9

MARIGOLD

Hindi sila Teacher lang “Hindi lahat ng guro kagaya

ng iniisip mo. Kasiyahan nila na ang makita na makatapos ka at may marating sa buhay. “

activities ang ipinapagawa sa tin dahil 21st century learners na tayo importante na ang kakayahan ng mga estudyante. Kaysa matulog lang sa klase makisama tayo sa pinaghirapan nilang isipin na iba’t ibang classroom activities. Kakak ka din naman ng kakak. Napakadami natin reklamo sa kanila kung sila nga hindi masabi ang mga dagok sa kanilang trabaho. Kailangan pa magtago sa likod ng maskara sa tuwing haharap sa atin dahil hindi maaring maging madrama sa pagtuturo. Yung dami ng pinapagawa sa atin totoo naman na para talaga sa ikabubuti natin ‘yun. Pagdating ng araw pasasalamatan mo pa siya dahil naranasan mo mag-work under pressure. Tigilan mo yang Gang Rape. Ang alam lang natin yung kwento ng mga kaibigan at kaklase natin, minsan ba natanong mo kung kamusta si Ma’am/ Sir? Alam mo ba na kamamatay lang ng nanay niya? Yung anak niya nasa ospital pero nagtuturo siya sa atin dahil hindi niya pwedeng iwan agad

sundan p. 9


THE GEARS

BALITA

8

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY - SANTA CRUZ MAIN CAMPUS

AGOSTO - SEPTYEMBRE 2018 | TOMO LVIII BLG 8

WALLFLOWER SHULAMAE CASTRO

B

Spoliarium

inigyan ng isang kahulugan ng dalawang lumikha ng magkaibang kasaysayan na bakas pa rin hanggang sa kasalukuyan. Tila namayani sa damdamin ng bawat Pilipino ang salitang ‘spoliarium’ ngunit sa aking pagtalakay sa column na ito ay iisa lamang ang aking tutukuyin. Nasa sa iyo kung gusto mong alamin hanggang huli. Kung alam mo ang kasaysayan sa likod ng mga salitang nabanggit ko sa una, marahil ikaw ay magaling na nakikinig sa iyong guro sa agham na Araling Panlipunan. Kung alam mo pa ang isang lumikha ng ingay noong dekada 80’ ay muling binuhay ang kahulugang iyon. Hindi marahil alintana sa karamihan ang lubusan nating pinaka-iniingatan at ang labis na ipinaglalaban ng mga taong saksi sa pagdarahop ng maagang pagkamulat sa kamunduhan kaakibat ng mga balakid handog ng mga kalaban. Dumilim ang paligid

Kailan nga ba huli na natamasa natin ang tunay na nagkaroon tayo ng mga matataas na namumuno na handang isakripisyo ang buhay para sa kapayapaan ng kanyang sinasakupan? Marahil noong mga panahon pa ni Ferdinand Marcos o kaya panahon pa nila Jose Rizal. Habang tumatagal nakakawalang gana na ang mga nangyayari ngayon sa Pilipinas tila naluluklok pa rin ang mga bobong politiko na hindi naman sapat ang kaalaman sa politika kung hindi magpatupad ng mga batas na wala namang sense basta may maipatupad lang para dagdag sweldo sa kanila. Ang masaklap pa niyan ay ilang tauhan na rin ang papalit-palit na uupo sa mga matataas na posisyon na tanging nangyayari lamang sa panahon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Isa pang palpak politiko lamang ang gumugulo sa kaisipan ng mga tao. Isa na siguro sa nakakatawa ngunit nakakapang-init ng dugo ang sinabi ni Vicente “Tito” Sotto na “For

TALITHA NIÑA BLESS CHAVEZ

SCHOOL. BAHAY. CHURCH

A

kala ko sa pelikula lamang pwedeng mangyari ang lahat.. Napakalawak ng ating buhay. Binubuo nito ang ating pisikal, intelektwal, emosyonal at ispiritwal. At sa sobrang lawak nito, may mga bagay na hindi natin inaasahan. Hindi natin inaakala. At isa lang ang ibig sabihin nito: Malayo ang agwat ng ating isipan sa isipan ng Panginoon. Ang sabi sa matandang katuturan, “Ang mundo ay isang entablado,”, sapagkat lahat tayo ay may kanya kanyang labas at pasok, may kanyakanyang papel na ginagampanan. At ang mga gumaganap na ito ay mga instrumento na maaring gamitin sa iba’t ibang paraan o pangyayari. Ngunit ang mga insturmentong ito ay panandalian lamang---- maaring babawiin na bukas, mamaya o mas masaklap pa’y ngayon. Napaka-ikli ng buhay ng tao, ngunit napakaganda nito kung lagi kang natin ipapaalal sa ating sarili na tayo ang pinakamagandang nilalang sa munod, dahil mahalaga tayo sa mata ng Diyos. Ganon tayo kaimportante. Oo. maaring malayo ang agwat ng ating isipan sa Kanyang isipan, ngunit ang mga puso natin sa puso Niya’y walang agwat, ni distansya. Dahil walang kayang makapaghiwalay sa atin sa Kanyang wagas na pagmamahal. (Mga taga Roma 8:39)

ESTUDYANTE BLUES

Noong ako ay nagaaral sa pribadong paaralan, may pagkakamali akong ginawa: Nangopya ako sa pagsusulit gamit ang aking cellphone.

Ang masama pa’y ang pagsusulit ay patungkol sa mga bible verses dahil ito ay sa ilalim ng ikaunang yugto ng Character Education subject.

Totoo ang pangako ni Hesus sa Juan 14:18 “Hindi ko kayo iiwang ulila, lalapit ako sa inyo,”

Hindi ako nakapagrebyu sapagkat ako ay pagod sa trabaho, ganon na rin sa gawaing bahay. Binabalewala ko ang mga ganoong subjects noon dahil inakala ko na madali lamang ito. Nang matanggap ko ang marka ko kung saan ako nangopya, pasadongpasado: 95. Hindi ko inakala ‘yon kasi nga, gumawa ako ng mali. Natamo ko sa mga sandaling iyon, masyado akong dumupende sa sarili kong kakaayanan. Nakalimutan ko ang Kayang gawin ng Panginoon. Nakalimutan kong magtiwala sa

example, yung sinabi ko na binibiro lang, hinipuan na ganun, will they be liable? You [Hontiveros] said yes. The answer is, I think it’s no.” Wala na. Wala na talagang pagasa ang bayan. Itigil ang pag-ikot ng Mundo Sa plenary debate kaugnay sa Safe Streets and Public Spaces Bill na isinulat ni Senator Risa Hontiveros, tinanong ni Sotto si Hontiveros kung liable ba ang lalaki sa batas kung pabirong hihipuan nito ang babae. Naniniwala naman si Tito Sotto na walang mali kung pabirong hihipuan ng lalaki ang isang babae. Kaya ang sagot ni Hontiveros sa pananaw ni Sotto ay “Ang babaeng hinipuan ng lalaki, hindi po namin yun tinatanaw na biro”. Siguro okay lang kay Sotto na hipuan ang asawa’t mga anak nyang babae kung pabor sya sa ganung pananaw. Maging biro man yan o hindi, kapag ang babae ay hinipuan ito ay maitatawag pa rin na harassment. Kahit ba yung mga construction workers o pahinente lang ang nakakapansin sa ganda mo

“ Umiyak,

nagdusa, at naghirap ka subalit ang hustisya ay mahirap pa rin hagilapin . .”

Kanya. Doon ko uli natamo na napakahalaga ko nga. Hindi madamot ang Panginoon. Kahit na, minsan, nakakagawa tayo ng kamalian, nandyan pa rin Siya. Kaya’t hindi ako naniniwala na kapag mabait ka, pagpapalain ka na.

MUSMOS SA LAMPIN.

Hindi ko alam kung kalian ako mismong araw ipinanganak, sapagkat sa iba’t ibang araw ako napunta, sa iba’t ibang braso napadampi, at nakabalot lamang sa maduming lampin. Hanggang sa dumating ang ika-30 ng Setyembre---- yun na yata ang pianak espesyal na araw paar sa magaswang hindi magkaanak. Dinamitan, pinakain, ipinaghanda sa tuwing sasapit ang kaarawan, kumakayaod upang makatapos sa pagaaral ang bata at maibigay ang lahat ng gusto. Hanggang sa nawala sila sa munod, at doon ko nalaman na hindi ko sila kadugo. Kaya pala ang dami kong pinagtataka: histura, talent, kilos. Ginamit ng Panginoon ang kamatayan nilang dalawa upang malaman ko mula sa bibig ng kanilang mga kapatid ang totoong ako. Totoo ang pangako ni Hesus sa Juan 14:18 “Hindi ko kayo iiwang ulila, lalapit ako sa inyo,”. Hindi nga Niya ako iniwan. Yung mga panahong ipinamigay ako kung kani-kanino, Siya ang mismong nagbigay ng mga taong tatayo kong magulang---hanggang ngayon. Yung mga panahong wala pakong kamuwang-muwang, kung wala Siya, anon a lang kayang mangyayari sa akin? Ang pagiging ampon ay maaring hindi katanggap-tanggap sa komunidad. Ang pagiging ampon ay isang pagpapala. Dahil sa dinami rami ng bata na walang magulang, ako ang pinili nila. Kaya siguro, “Niña Bless”. Babaeng pinagpala. n

“HINDI. Although nadidisiplina tayo minsan napipilitan “HINDI. Dahil ‘yung ibang lahat tayo ay may estudyante kasi karapatang pumili” nga… required talaga - Maricar Pabroada, CBMA sa lalaki ang ROTC.”

“HINDI. Disiplina ‘di dahil sa RESPETO kundi dahil sa TAKOT.”

“HINDI. Dahil hindi naman required sa lahat ng profession ang ROTC.”

“OO. Para isa na lang ‘yung maturo o maibahagi sa lahat.”

– John Dell Manalo, CHMT

“HINDI. Dahil hindi naman akma sa ibang kurso na pinili ng estudyante angROTC.”

- Danielo Marco C. Consolacion, CCS

ito ay isa pa ring uri ng pambabastos. Hindi na nakakapagtaka kung bakit ganito na lamang ang mga sagot ni Sotto sa ganyang bagay. Kung matatandaan ninyo ay sinubukan nyang ipawalang bisa ang kaso ng mga kapatid nya na sina Vic Sotto at Joey De Leon simula ng maupo siya bilang senate president sa ginawang ‘rape case’ noong dekada ’80. Mula noon hanggang ngayon ay nagagawa pa rin nila na paikutin sa kanilang mga palad ang nararapat na sana noo’y natanggap ng isang biktima na humihingi ng hustisya.

- Rommel Joe A. Recto, CCS

A n o n g sinulat ni Enteng at Joey diyan N o o n g dekada ’80 ay pumutok ang balita tungkol sa pangrarape ng tatlong komedyante na sina Vic Sotto, Joey de Leon, at Richie d’ Horsie sa starlet na si Pepsi Paloma, 15 anyos ng mga panahong

iyon. Umikot ang istorya ng dalhin ng tatlong suspek ang biktima sa hotel at doon ginawa ang panghahalay

habang pinainom ng di kaaya-ayang inumin. Sumunod na araw ay tumakbo sa opisina ng abogado si Paloma upang magsampa ng kaso laban sa tatlong komedyante. Lumapit ang nasabing biktima kay Defense Minister Juan Ponce Enrile. Habang dinidinig ang kaso ay mariing itinanggi ng dalawa na sina Vic at Joey ang panghahalay sapagkat sila raw ay mga inosente. Bukod pa roon, senador na si Tito Sotto noon kung kaya’t hindi mahirap kumbinsihin ang mga nasa korte at media na maaaring hindi totoo ang paratang ni Paloma sa kanila. Sa panayam ni Vic Sotto sa magazine sinabi nya na “Isa lang ang tanong sa taong bayan: Sino ang may sala?” Sa huli, hindi rin nakamit ni Paloma ang hustisya na nararapat para sa kanya tila ba parang papel lang na itinapon sa basura at ipinagsawalang bahala na ito ng korte ngunit nakatatak na ito sa mga tao magpa-hanggang ngayon at sa mata ng Diyos kilala niya ang nagkasala. Ito ang ipinapakita ng magiting na pintor at mananawit sa dalawang kwento at kasaysayan ng ‘Spoliarium’ ngunit iisa lang ang ibinibigkas nito. Umiyak, nagdusa, at naghirap ka subalit ang hustisya ay mahirap pa rin hagilapin lalo na kung ikaw ay mahirap lamang at mababang klaseng tao. Pinagtatawanan at kinakaawaan ng mga taong mayaman sa hustisya ng dahil lamang sila ay may pera. n

Limang dahilan upang hindi na dapat ipagpatuloy ang TRAIN Law n

JOYCE ANN FABULA

Umiigting ang pagtaas ng Inflation rate Lumampas pa sa apat na porsyento ang inflation rate, indikasyon ng lubhang sabaysabay na pagtaas ng mga produkto at serbisyo.

2

Higit na tumaas ang excise tax ng petroleum. Sunod-sunod ang naging pagtaas ng presyo ng gasoline, diesel, kerosene at LPG na pangarawaraw na ginagamit ng mga mamamayan.

Patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Dahil sa TRAIN Law nagsimulang magmahal ang bigas, asukal, sardinas at iba pa. Mga pangunahing pangangailangan ng ating pamilya.

4

S

1

3

Ang mahirap ay nanatiling mahirap. Hindi sapat ang kinikita ng karaniwang manggagawa para sa kanilang pamilya kaya’t dagdag pasanin sa kanila ang mataas na presyo ng pangangailangan. Mahal mabuhay sa Pilipinas. Mas marami ang idinadaing ng mga Pilipino kumpara dati dahil sa mga nakakalulang gastusin sa Pilipinas

5

a ambisyosong proyekto na “Build, Build,Build” ng pamahalaan, hindi lang doble kundi tripleng hirap ang araw-araw na sinusuong ng mga Pilipino. Sa mga bilihin na kulang tatlong daang pisong kinikita upang makakain ng tatlong beses sa isang araw ng isang pamilya. Binawasan man ang buwis ngunit ipinasa sa kanila ang pasanin ng mga kompanyang tinamaan ng batas. May pagkakataon pa kaya sila na maramdaman ang kaginhawaan? n

- Tricia Mae Coteng, CAS

– Alwin Viray, CIT

“SANG-AYON KA BA NA GAWING MANDATORY ANG ROTC PARA SA LAHAT NG MAG-AARAL?” n

CHRISTOPHER JOHN KABIGTING


THE GEARS

OPINYON

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY - SANTA CRUZ MAIN CAMPUS

9

AGOSTO - SEPTYEMBRE 2018 | TOMO LVIII BLG 8

LARAWANG EDITORYAL

Bakit Mahirap si Juan?

... P7

ay maaring makatulong sa pag ahon sa kahirapan. Ngunit ang labis at maling paggamit nito ay isang sumpa na aanihin ng ilan pang henerasyon. Ang kawalan ng disiplina ay isang napakalaking balakid sa pag-angat ng estado ng bansa. Maari tayong tayong maging tulad ng mauunlad na bansa kung gagawin natin ang dapat natin gawin at hindi lang ang gusto natin gawin. Ang gobyerno ay may ginagampanan na malaking obligasyon para sa mamayan ng isang bansa ngunit mas malaki ang obligasyon ng isang indibidwal sa pag angat ng estado ng kanyang buhay. Si juan ay maari rin naman yumaman kung lalagyan niya ng disiplina ang kanyang pang araw-araw na buhay. n

MAYAMAN ANG PINAS

Litrato l Shien Rhoel Moral Teksto l Christian Carlo Virina

S

SAYAW NG BUHAY

a kabila ng matinding sikat ng araw, isang batang mananayaw mula sa bayan ng Pagsanjan, Laguna, suot ang kaniyang magarbong kasuotan habang hawak-hawak ang iba’t ibang tela ang lumaban sa isang Street Dance Competition sa Areza Mall, Disyembre 9, para sa taunang Bangkero Festival. Bakas sa mukha ng bata ang pagod, ngunit tuloy parin ang pagsayaw, hindi alintana ang init, para sa ikatatagumpay ng laban. Bata mang maituturing, handa siyang ipamalas ang lahat ng kanyang kakayanan para sa kompetisyong kinabibilangan. Sa murang edad, naipakita ang kagustuhang sumayaw at pagpapakita ng talento.n

APT

VINCE VILLANUEVA

sinubok ng pagbabago

G

asgas man pakinggan para sa iilan pero ang pagbabago nga lamang talaga ang patuloy na nangyayari sa lahat ng bagay, sitwasyon man at sa tao. Hindi ko talaga mawari kung bakit ang naging reaksyon ko sa isang batang humahagulgol ng iyak dahil sa panandaliang pagalis ng kaniyang ina ay matuwa imbes na maawa o maging malungkot man. Nakatutuwa man pakinggan, subalit bigla na lang ito ang aking naramdaman noong nakita ko siya sa ganoong s i t w a s y o n . Napakamusmos. M i n s a n sumasagi rin sa aking isipan ang mga panahong mas naglalaan ako ng oras sa mga larong pinagpapawisan ako, mapakalye man o mapa-isport tulad ng volleyball o badminton. Idagdag pa ang pagkainggit na magkaroon ulit ng oras para mangaroling at kumanta ng mga

pampaskong kantang minsan lamang sa isang taon gawin. Ang buhay ay puno ng pagbabago at kasabay nito ang balon ng pagsubok na nararapat na matalunan upang hindi maging bihag nito. Senyales na nga ba ito ng pagtanda at pagunlad ng sarili? O senyales lang ito upang mapagtanto mo lamang na parte ito upang maging mas matatag sa likod ng makamundong pagbabago? Estudyante. Nakikita natin ang pagbabago mula noong pagsususog natin ng mga letra upang makabuo ng ating pangalan, pagbibilang ng mga numero hanggang sa natututo tayong m a ka a l a m ng mas k u m p l i ka d o n g mga bagay. Natuto na tayong tumayo sa ating sariling paa upang kumayod sa sariling sikap at markang maipagmamalaki natin sa ating magulang. At mas naglalaan na tayo ng oras sa paaralan

“ Ayon sa Psalm

41:3 “The Lord will sustain, refresh, and strengthen him on his bed of languishing; all his bed You [O Lord] will turn, change, and transform in his illness. ”

A

ng bawat indibidwal at bawat estudyante ay may iba’t ibang kaisipan at pagkaintindi sa mga bagay-bagay. Mayroon silang kanya kanyang opiniyon patungkol sa mga nangyayari at mga obserbasyon sa araw-araw na pamumuhay at mayroong paninindigan sa bawat lathalain na kanilang ninanais maiparating sa kapwa tao na nakakasalamuha sa mundo. Mula sa iba’t ibang pananaw ng mga mag-aaral, samu’t saring hinaing at pamantayan ang nagsisilabasan, kanilang matibay na ipinaglalaban at ibinabahagi ang kanilang opinyon upang marinig ng mga kapwa mag-aaral. Ikaw? Bilang isang estudyante o bilang isang kadete ng ROTC, ano ba ang unang humapyaw sa iyong isipan? Ano ang reaksyon at opiniyon mo ukol sa isyung gagawing mandatory ang ROTC sa LSPU Sta. Cruz? Ikaw ba ay sumasang ayon? O ikaw ba ay tutol patungkol sa isyung ito? Halina’t ating alamin ang ilan sa mga kasagutan at hinanaing ng mga mag-aaral ukol sa isyung ating tinatalakay. Muli’t muli, “Sang-ayon ka ba na gawing mandatory para sa lahat ng mag-aaral ang ROTC?” n

kaysa sa ating mga tahanan kung saan dapat balanse lamang ang mga ito. Nakakain na tayo ng mga “school works” imbes na mas mapahalagahan mo ang sarili mo. Anak. Sa mga bagay na nagagawa natin noon, mula sa pagkabasag natin ng mga pinggan dahil sa kakulitan at maging ang madapa kapag nasisiyahan ay pawang parte ng pagiging musmos na di kalauna’y natutong magbago dahil sa mga payong itinatatak ng ating magulang sa ating mga isipan. Natuto tayo bilang anak sa mga pagkakamaling ating nagagawa at nagbabago tayo upang mas maging mabuti sa lahat ng oras. At anak ng Panginoon. Napakaraming bagay ang natutuhan natin habang tumatanda tayo at kahit sa pagiging anak ng Panginoon. Mas pinipili mo lamang dati na magsimba upang makakumpleto ng pirma sa pari at may pinagbabasehan lamang upang dumalo rito subalit sa paglaon ng mga taon mas pinipili mo ng magsimba dahil nagiging masaya at nakukumpleto ka na parang walang mga problemang kinahaharap mo. At sa katunayan, mas matatag ka na ngayon sapagkat alam mo hindi lang sa iyong isipan pati na rin sa puso na kasama mo Siya. Ayon sa Psalm 41:3 “The Lord will sustain, refresh, and strengthen him on his bed of languishing; all his bed You [O Lord] will turn, change, and transform in his illness.” Sa patuloy na pagbabago kasabay talaga nito ang mga pagsubok tulad ng pagdedesisyon, pamilyang nagluluksa at higit ang mga pagsubok na susubok sa iyo. Ang buhay ay isang malaking siklong patuloy na iikot kahit anong gawin mo, nasa iyong palad na mismo kung paano mo haharapin ang mga pagbabagong ito na suusbok kung gaano ka na ba talaga katatag sa buhay. Mas mapipiliin mo bang malugmok dito o sumandal sa walang hanggang pagmamahal na inihain na ng ating Panginoon? n

“OO. Para lumawak ‘yung kaalaman nila tungkol sa ROTC.” – Christine C. Mirasol, CCJE

“OO. Dahil namumulat ang isang estudyante sa maagang pagbabanat ng buto at disiplina” - Dave Roswell Doria, CoE

.. P7

mga Pilipino. Karapat-dapat itong pagyamanin. Ibinigay ito sa atin para sa atin din. Annahin natin ang mga tala ng pag-unlad sa ibang sektor kung ang sektor na nagpapakain sa atin ang humihina. Aantayin pa ba natin na maging mas mahirap ang hamon sa agrikultura? Lumalaki ang ating populasyon. Sa kasalukuyan, nasa 107, 206, 615 ang bilang ng mga Pilipino ayon sa estima ng United Nations. Tinatayang 190 milyon na ang magiging dami ng mga Pilipino sa taong 2050. Ibig sabihin, mas lalaki ang demand sa pagkain mas maraming bigas ang kailangang isaing. Malaking hamon rin ang mga kalamidad sa sektor ng agrikultura. Kada taon, mga 20 bagyo ang nararanasan natin. Mabagsik din ang tagtuyot kasabay ng lumalalang kakulangan sa tubig. Mas malala ang dulot ng pagbabago ng klima na sa kasamaang palad ay mga tao din ang may kagagawan, di man lahat, malaki ang bahagi natin sa patuloy na pagkasira ng kalikasan. Hindi masama ang pagsabay natin sa modernisasyon, sa pagsubok ng bagong teknolohiya. Mas nakatutulong ito kung gagamitin ng tama at hindi aabusuhin. Gayunpaman, sa patuloy na urbanisasyon, lumiliit din ang lupang pansakahan. Nasa 58 taong gulang ang edad ng karaniwang edad ng mga Pilipinong magsasaka. Nakakalungkot man, karaniwang kulang pa sa kapital at maliit ang kita ng mga ito. Tumatanda ang mga magsasaka at kasalukuyang laganp sa sektor na ito ang kahirapan. Samantala, pababa naman ang bilang ng mga kabataang kumukuha nag kurong agrikultural. Bagamat may mga proyekto ang pamahalaan, hindi ito sapat kung iyon lamang ang aasahan ng bawat mamamayan. Nararapat na maging responsibilidad ng bawat isa ang pagbibigay ng prayoridad sa sektor ng agrikultura sapagkat malaki ang epekto nito sa ibang sektor. Naaapektuhan nito ang pangkalahatang estado ng ekonomiya ng bansa, ang pagbaba at pagtaas ng presyo, ang edukasyon, paghahanapbuhay, at ang maayos pamumuhay ng bawat isa dahil malaki ang bahagi nito sa kalusugan. Maging bukas ang ating isipan sa mga pangyayari sa sektor na nagpapakain sa ating mga Pilipino.Gamitin mo kung anong kakayanan ang mayroon ka upang ipalaganap sa iyong kapwa ang ukol sa mga hamong kinakaharap ng agrikultura. Hindi kinakailangan ng sisihan sapagkat wala ng magagawa ang pagpuna natin sa ating kamalian bagkus, gamitin iyon upang masolusyunan ang maaari pang bigyan ng kasagutan. Mayaman ang Pilipinas, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin sa tao ang kayamanan nito sapagkat hindi pa din prayoridad ang rice self-sufficiency. Sa patuloy na pagsabay natin sa globalisasyon, huwag nating kaligtaan ang pagyabungin ang kung anong mayroon tayo. Dito tayo nakalalamang, dito tayo espesyal, dito tayo mas uunlad, dito tayo mas makakatulong. n

Hindi sila Teacher lang

... P7

ang kanyang trabaho. Ilang taon na silang pagod na pagod sa pagsuway satin pero matiyaga pa din silang nagdidisiplina. Kapag nagtitinda ka sa klase bumili ang teacher mo di ba? Dahil alam nila ang pakiramdam na kapos sa buhay. Ang pagiging guro ay mahirap na trabaho pero ang katumbas na sweldo ay malayo sa dapat nilang tanggapin. Kulang na nga, binabawasan pa. Hindi ko sila masisisi kung nagagawa nilang magtinda sa mga estudyante madagdagan lang ang kanilang kita para sa pamilya. Sa dami ng mga guro na nakasalamuha ko, iba’t ibang personalidad at katangian ang mayroon sila. Ngayong malapit na ako magtapos puno ng kagalakan at pasasalamat ang aking puso sa aking mga guro. Hindi ako magiging ganito Hindi ko masisisi ang director ng KPL dahil alam kong katotohanan ang napanood ko ngunit gusto ko lang maunawaan ng lahat na pagkakaintindihan ang kailangan ng lahat. Kung gusto mo maintindihan ang sinasabi ko ilagay mo ang sarili mo sa posisyon ng pagiging teacher baka sakaling maintindihan mo ang hirap ng trabaho nila. Tanungin mo nga ang sarili mo kung sarili mo kung kahit kalian hindi ka nangopya sa exam na pinaghirapan pang gawan ng TOS ng teacher mo. Kahit kalian hindi ka nagmintis ng pagpapasa on-time ng project pero tinatanggap pa din nit teacher kasi walang imamarka sa’yo. Kahit kalian hindi ka nagingay sa klase kahit masakit na ang lalamunan ni Teacher madisiplina ka lang. Ibig sabihin nito, ang guro at estudyante parehong hindi perpekto. Ang sistema ng edukasyon ngayon halos pabor sa mga estudyante, konti na nga lang ang para sa mga guro nagmimintis pa. Higit pa sa pagiging guro ang kanilang ginagawa ngunit kapos ang respeto, pag-aalaga at pagkilala ang kanilang natatanggap Hindi lahat ng guro kagaya ng iniisip mo, kasiyahan nila na ang makita na makatapos ka may marating sa buhay. Paulit-ulit man siyang magalit pero hindi siya sumusuko dahil ito ang sinumpaan niyang responsibilidad. Para sa Bata, Para sa Bayan! n

“OO. Dahil malilinang ang disiplina ng isang estudyante.” – Hannah Marie J. Dingle, CoE

“OO. Dahil hindi naman dapat pinipilit sa bata ang pagmamahal sa bayan, dapat ‘yung bata mismo ang nagmamahal ng kusa sa bayan.”

– Philip Salcedo, CAS

“OO. Dahil nakakatulong sa pagdidisiplina ng isang estudyante.”

– Lienard J. Roldan, CHMT

“OO. Dahil matuturuan silang maging disiplinado at maging handa.” – Kim A. Garbo, CCJE


10

THE GEARS

LATHALIAN

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY - SANTA CRUZ MAIN CAMPUS

AGOSTO - SEPTYEMBRE 2018 | TOMO LVIII BLG 8

Ang iyong magagawa para sa taong nawawalan ng pag-asa

Laban Mo, Laban Ko n

TEKSTO // JONAS SALVATIERRA

S

a mundong puno ng mga taong may bahid ng ngiti sa labi, ilan dito ay mga nagbabalat kayo lamang. Nagpapanggap at hindi ipinapakita ang tunay na nadarama. Patuloy na naglalakad sa dilim ng kalungkutan kung saan ang liwanag ay hindi kaylan man makakamtan habang nasa walang hanggang presensya ng kadilimang nakabalot sa isipan. Nakabaon na ang ilang parte ng katawan sa hukay, di na maigalaw, di makaalis sapagkat ang sarili ay nalugmok na nang tuluyan sa kawalan.

Depresyon----pangunahing sanhi ng suicide, ang nagpapahina sa pag-asa at gana ng indibidwal na mabuhay. Maituturing na signal number 4 ng isang bagyo, lubos na mapanira at humahagupit sa ingay at dilim sa isipan na tanging siya lamang ang nakakaalam. Tila binabalot nito ang isang tao ng mga kadenang nagbabadyang pigilin ang pagpasok ng pag-asa at kasiyahan sa buhay ng nga nakakaranas nito, binabalot ang isipan ng puro kaguluhan at negatibo, binubulag ang mga mata gamit ang mga mapanlinlang na kasinungalingan. Ayon sa Department of Health’s National Center for Mental Health, ang suicide rate sa Pilipinas ay 2.5% sa lalaki at 1.7% sa babae sa bawat isan-daang libo sa populasyon. “Sa bawat pagbilang mo ng 40 segundo, isang tao ang namamatay dulot ng suicide”. Patuloy ang pag-angat ng bilang ng taong nagsusuicide sa loob pa lamang ng bansa. Mahirap maka-alis sa depresyon, makikita sa mata ang blangkong ekspresyong sumisigaw ng tulong. Kaya ikaw, ikaw mismo kayang makatulong. Sa pagkakaroon lamang ng kaalaman kung anong dapat at di dapat gawin sa mga taong may depresyon, makakaligtas ka na ng buhay.

Komunikasyon bilang aksyon. Ang mg taong nagbabadyang magsuicide ay mga taong takot magsalita, takot marinig ang sasabihin ng iba sapagkat tila pakiramdam ay minamaliit sila. Kaya kung may kakilala kang nakakaranas ng depresyon, komunikasyon ang dapat na gawing aksyon. Ngunit dapat maging maingat pa din sa bawat salitang lalabas sa bibig. Tandaan, ang bawat sasabihin mo ay makikintal sa kanilang isipan, ibahagi ang pag-asa’t pagmamahal, ipakita ang pagkalinga sa papamagitan ng napakasimpleng bagay---pakikipagusap. Sa pakikipagusap, narito ang mga dapat tandaan.

40 Isang tao kada

segundo ang namamatay dahil sa suicide

ating sasabihin. Hindi pwedeng puro salita lamang kundi dapat tandaan na isang buhay ang nakataya sa bawat sasabihin. Kaya ito ang mga dapat iwasan kung may kausap na taong suicidal.

Pakikiramay, ‘di pakikiwag-away Magsalita na Kung napapansin mo ang mga sintomas na pinapakita ng taong mahal mo, panahon na para magsalita. Paano kung mali pala ako? Anong gagawin ko kapag nagalit siya sa akin? Sa mga sitwasyon tulod na ito, normal na makaramdam ng hindi pagkapalagay sa sarili. Kapag hindi ka sigurado kung suicidal ang isang tao, ang pinakamagandang paraan para malaman mo ay maging diretso: magtanong ka. Sa pagbibigay ng pagkakataon sa taong iyon na magsalita tungkol sa tunay niyang nararamdaman, mas napapagaan ang loob niya at maaring pigilan ang pagtatangakang pagpapakamatay.

Maging totoo Sabihin ang tunay na nararamdaman, ang mga salitang kaylangan nila ay mga salitang nanggagaling sa puso, totoo. Wag mahiyang ipakita ang pagmamahal habang may pagkakataon. ‘Di natatanaw ng mga taong nagbabalak magsuicide ang pagasa. Tila isang gyera na patuloy dumarami ang kalaban, konti na lamang ay matatalo na. Kaya bilang isang kaibigan, maging sangga ka at ipakita ang tunay na pag-asang di nila makita. Gayundin, sikaping ipakita sa kanila ang katotohanan na napakarami pang dahilan upang mabuhay.

Makinig sa kanilang tinig. Minsan lamang magbahagi ng nararamdaman ang mga taong Ito. Ang kaylangan nila’y kausap na nakikinig, umiintindi at nagmamahal. Kaya’t pakinggan ang boses na nanggaling sa isipang walang ibang laman kundi kadiliman. Makinig. Sa kabilang banda, dapat alalahanin natin ang

Mahirap solusyunan ang depresyon, ngunit wag sisihin ang sarili sa mga panahong di mo kayang tulungan ang isang tao sa pag-ahon mula rito. Sa pagdamay sa kanila ay malaking tulong na. Ang kaylangan nila ay taong umiintindi, hindi taong nagse-sermon. Panatilihing nasa sarili ang mga negatibong lalabas sa bibig, upang di na dumagdag sa bigat na pasanin nila. Makiramay, wag makipagaway.

‘Wag magsalita base sa sariling pananaw Isuot mo ang sapatos nila, ilagay ang sarili sa nararamdaman nila. Piliting intindihin ang nararamdaman upang masabi ang salitang kaylangan nilang marinig. Ikaw, tayo, ang magiging instrumento upang tulungan silang umahon sa pagkakalugmok sa kawalan. Malaking tulong ang komunikasyon, kung magtutulungan ang bawat isa upang matuldukan ang lahat ng ingay na naririnig ng mga taong nakakaranas ng depresyon, maiibwasan ang bilang ng taong nagsu-suicide.

‘Wag mawawalan ng pag-asa Ang buhay ay isang mahabang paglalakbay, madaming napapagod at tumitigil sa pamamagitan ng pagpapakamatay. Pero hindi ikaw.Dahil pwedeng mapagod, pero hindi pwedeng sumuko. Alam kong mahirap, alam kong mabigat pero sigurado akong hindi ka titigil. Hindi natin alam kung bakit, pero ganun talaga ang buhay. Pero kahit ano mangyare sa buhay na ito, maging matatag, harapin ang araw at maglakad patungo sa sikat ng araw. Kahit gaano kahirap at kabigat na ang iyong nararamdaman, palaging tatandaan; wag mawawalan ng pag-asa. Hindi importante kung gaano ka-liit o kung gaano ka-laki ng pag-asa na nakikita mo. Ang importante, may pag-asa. Kung hindi matagpuan ang ilaw dito sa mundong ibabaw, tumingin ka sa taas at manalangin. Mahirap kapag mag-isa pero ikaw, kaya mo dahil kasama mo Siya, hindi lang ngayon pero habang-buhay. n


THE GEARS

LATHALAIN

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY - SANTA CRUZ MAIN CAMPUS

11

AGOSTO - SEPTYEMBRE 2018 | TOMO LVIII BLG 8

Higaan Man ay Nakarehas Din Antolohiya ng taong nakaranas sa higpit ng mundo

n

TEKSTO // WESTLHEY CANONIGO | DIBUHO // SHIEN RHOEL MORAL

M

araming pwedeng mangyari. Ang kaligtasan ng bawat isa ay hindi panghabangbuhay, ang iba umaabot lamang ng limang taon, ang kanyang pangamba ay nagtuloy-tuloy at ang iba nama’y hanggang sa pagtanda dala-dala ang kabaluktutan ng kahapon.

Hindi sapat ang apat na sulok ng bahay para maging ligtas, ang ilan sa mga panganib ay maaaring mangyari sa loob lamang ng bahay. Maniniwala ka pa bas a kakahayan ng bigat ng dugo? Isa lamang ito sa nakalap na kwento, pinanatili ng publikasyon na isarado sa publiko ang pagkakakilanlan ng tao. Kaya samahan niyo ako, tignan ang mapangahas na mundo.

Simula ng kalbaryo "S" Salita. Salita at pagpapakilala na hindi ko mabigkas, na hanggang ngayon ay dinadamdam ko pa. Pait at hinagpis ang aking naranasan, idinadaan na lang sa ngiti at tawa. Parang turnilyong pilit bumababaon sa utak ko, ang sakit, ang hapdi. Simpleng bata lamang ako noon na may mga pangarap na gustong matupad, pangarap na dinungisan ng pwersadong sarap. Simple lang kami, medyo mahirap ang buhay pero kinakaya namin sa oras na kami ay nagdarahop, siya ay nag-abot mg tulong, kamay niya ay inalok at walang atubili ko itong inabot. Ngunit sa tulong na kanyang hatid pasakit pala ang ibinunga sa akin. Sa murang edad, unti-unti akong namulat sa mga bagay na hindi pambata, init, kati, sarap at tawag ng kalamnan ang aking nalaman, nang humiling s'ya kung p'wedeng maka-isa. "O" Otso. Oras na kami ay magkakasama sa bahay nila, madaming nangyayaring kami lamang ang nakakaalam. Mayroong kwartong aking pinapasukan na puno ng bahid ng dugo dahil sa kasalanan pikit ko man linisin ay dumudumi pa rin, ano bang dapat kong gawin pagsapit ng hatinggabi kung saan ang tulog nila'y malalim. Biglang siya'y kukuhit sa akin at sasabihing siya'y nangangati. Otso anyos ako nang mawala, mapunit at madungisan ang papel na aking iniingatan, parang buhay ko'y winasak, pinagsamatalahan aking kamang-mangan. "Bakit? Bakit mo ginawa?" tanong na 'di ko masabi, tanong na hanggang ngayon ay nasa isip. Bayad ba ako sa kabutihan ng pamilya niyo? O sadyang gusto mo lang mapunan ang nais mo? Puro tanong ag utak ko, ako'y tuliro parang si Sisa puno ng tanong na naghahanap ng sagot.

Sa madilim na daan "P". Isa na ba ako sa kanila? Akala ko pamilya ang mag-iingat sa kapwa pamilya. Akala ko pamilya ang

magdadamayan sa problema, pero bakit ganoon, bakit pamilya pa ang dahilan ng pagkasora mg uilo ko? Binaboy, binasura at ginamit sa sala. Gusto ko na kumawala sa rehas, rehas na nagpapaalala sa'kin sa malagim na karanasan. Sa tatlong letra, ang hirap isipin kung totoo 'bang nagyari, pero sa maniwala kayo o hindi.... totoo ito. "H" Haplos, Makasalanang haplos na dumampi sa nangangatig 'kong hita, haplos na mayroong kasamaan. Gusto kong hugasan paliguan, linisan ang duming dulot ng kasalanan ngunit anong magagawa ko, nangyari na. Parang "tattoo" na ang hirap tanggalin. Haplis dito, haplos doon, himas dito, hugas doon, halik dito, hugas doon ang hirap, ang hirap tanggalin. Parang namamanhid na ang aking katawan, kakakuskos sa mga madungisan mong parte.

Madaling araw na gising "Wag po lolo", "Wag po, tama na..." Salitang naiisip ko tuwing gumagalaw ang kama, habang lumalangitngit ang mga kahoy, pabilis nang pabilis kaylan ba matatapos ang kalbaryo ng buhay ko. Ngunit ang mga pangungusap na kanyang sinambit ang tumatak sa aking isip, "Bumalik ka kung ayaw mong patayin ko ang kapatid mo", unti-unting pagpatak ng luha habang pauwi sa aming tahanan. Masanay ka na. Ngiti sa labi parang kurtinang pagtakip, pantakip sa sirang bintana na iyong binasag, parang papel na ginamit, ginamit ulit at binaboy pa. Maraming beses naulit, anim? pito? Tanong sa utak mo bakit ako nabalik? Dahil ba sa sarap, sa amoy, sa pakiramdam, hindi kundi dahil sa takot, takot na baka sa kapatid ko naman ibuhos ang tawag ng laman.

Pagbitiw sa lihim "O" Onse. Ang kalbaryong aking dinala akala ko panghabang-buhay ngunit mayroong katapusan din pala. Onse anyos ako nang sila ay lumipat pero aminado ako hindi pa rin ako naging tapat dahil puro takot ang umiral, kaya sa aking magulang nililihim ang lahat. Sabi ko sa aking sarili, ayoko na magkaroon ng koneksyon sa kanila o sa pamilya nila, gusto ko makalimot, gusto ko na maalis sa isip ko. alas-onse ng gabi ako nakatulog ng mahimbing. "R" Revenge. Paghihiganti? O tatahimik? Sisirain ko lamang ang reputasyon na binuo ng pamilya ko, tamang manahimik na lamag at hayaan na lamang na ang karma

ang gumanti sa kanya. Kailangan 'kong makalimot,'yung sakit at trauma na naranasan ko sana'y maglaho na parang bula sa hangin.

Pag-alis sa dilim "E" Enjoy. Sa pagtapak ko sa sekondarya, unti-unti kong napansin na nawawala na ang sakit at unti-unti ko nang tinanggap ang katotohananna nadungisan na ang papel kong iniingatan. Kailangan ko na lamang tanggapin at kalimutan. Nakangiti, nakakatawa at nakakasabay ma sa alon ng aking buhay, hindi n a ako nata-traffic sa EDSA ng kalungkutan at depresyon, bagkus nakahanap ako ng bagong daan sa tulong ng Panginoong nasa taas. "Sophomore". Masayang parte ng buhay ko kung saan lumaya ako sa rehas ng kalungkutan at takot. Sa mga naranasan ko pintatatg niya ako para makarating sa pinanggagalingan ko ngayon. Ang mga ngiti sa aking mga labi ay dumaan sa masidhing hambalos ng panahon ngunit sa Pagmamahal sa Panginoon ay ang naging sandalan ko upang makaahon. Nakalagay man sa sulok ng kahon ang madidilim na alaala, lihim pa rin tayong umaasa na tuluyan ng umalis at maglaho na parang bula ang ugong ng masamang kahapon. Kahit anong lunas, iisa lang ang mayayapos – Panginoon. Dahil kahit sa ating buhay hindi tayo nangrap na magkaroon ng madilim na parte ng buhay, siguro ang iba humiling ng kapiling, ngunit sa higaan ng iba. n

Noon at Ngayon ni Nanay Nancy

Dahil ang pangarap ay walang limitasyon n

TEKSTO // ARVEE ANILLO | DIBUHO // PRINCESS TOPE

H

indi hadlang ang edad upang abutin ang pangarap. Nadapa man noon, babangon ngayon para sa susunod na panahon. Okay lang na magkamali , pero ang mali lamang ay pananatilihing mali ang isang pagkakamali. Marami mang pagsubok ang hinaharap, hindi pa rin sumuko upang maabot ang pangarap na minsang di naabot. Ang Pangarap ay Nagsisimula Sa Sarili Siya ay si Nancy. Nancy Alfonso ng Sta. Cruz, Laguna. Pagkatapos pa lamang ng highschool ay nag apply na agad sa isang pabrika na kung saan malaki ang kita. Nawili na agad siya sa pagtatarabaho. Kung kaya't nalimutan na niya ang kanyang pangarap; ang pangarap maging titser kahit siya ay 43 na taon na. Sa kanyang trabaho niya na rin nakilala ang kanyang katuwang sa buhay at ng lumaon ay nagkaroon na rin sila ng anak. Nang malaman ni Nancy na nagkaroon na ng batas ukol sa libreng matrikula sa kolehiyo ay hindi na agad siya nagdalwang isip na ituloy muli ang kanyang pangarap. Sinigurado muna niya na mayroon ang kurso na kukunin niya at ito ang Bachelor of Technology and Livelihood Education na kung saan ay inalam

niya agad agad ang mga kailangan upang makapasok sa paaralan. Ang isang pagkakataon sa buhay ng isang tao ay parang isang sasakyan na kapag ikaw ay nalagpasan ay hindi na muli pa ito dadaan sa tamang oras at lugar na tatahakin nito. Kung kaya't hindi na niya pinakawalan pa ang opurtunidad upang maipagpatuloy ang kanyang naudlot na pangarap.

bungad minsan kailangan lang magsumikap hanggang sa maging maayos ang pintong nagbukas at maabot ang pangarap. Huwag lamang susukuan ang bawat pangyayari sa buhay. Makarininig man ng panlalait ay sa ibang tao ay hindi niya ito pinansin bagkus ginamit niya itong motibasyon upang mas lalo niya pang pagsumikapan ang kanyang pangarap.

Ang Pangarap ay Madaming Pagsubok Hindi niya inalintana ang edad sa kanyang pagaaral. Bagamat kahit hindi napakadali ang kanyang pinagdaanan ay hindi ito naging hadlang upang magsumikap Upang abutin muli ang kanyang mga matatayog na pangarap kahit na isinaalang alang niya ang kanyang edad. Mahirap man ay kakayanin para sa kanyang pamilya na handang sumuporta para sa kanyang pangarap. Ginamit niyang inspirasyon ang mga mga taong walang ibang ginawa kundi ang suportahan siya sa kanyang naisin sa buhay. Sa kabila ng lahat ng iyan ay naniniwala pa rin si Nancy na habang buhay ay may pag-asa. “Isa sa naging problema ko bilaang estudyante ay ang makabagong teknolohiya na kung saan hindi pa ko masyadong familiar. Bilang nanay, yung schedule ko sa school isa sa dahilan kaya nagkakaroon minsan ng problema sa gawaing bahay.” Hindi sa lahat ng pagkakataon na ang lahat ng pintong nagbubukas ay maganda agad ang

Ngunit, ang pangarap ay tuloy parin Mas masarap pa rin na wag sukuan ang iyong pangarap. Wala sa edad ang edukasyon, ito ay nasa determinasyon at tiyaga ng nangangarap. Huwag mong intindihin ang mga pangungutya at paghahamak ng isang tao bagkus gamitin ito bilang isang motibasyon upang mapagsumikapan pa ang mga pangarap sa buhay. Kaya habang pinagaaral ng mga magulang, ay huwag wakasan ang magandang kinabukasan na kanilang binubuksan upang pangarap mo ay makamtan. Lahat ng pangyayari sa nakaraan ay basehan lamang upang mapaganda ang hinaharap at susunod na bukas. Ang edukasyon ay sandata upang mas mapaganda ang kinabukasan. Kaya magsumikap at wag susuko hangga’t hindi pa maabot ang pangarap na nais mong maabot. “Kung magkaroon man ng problema wag agad susuko bagkus ipagpatuloy lang ang nasimulan.” n


THE GEARS

LATHALAIN

12

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY - SANTA CRUZ MAIN CAMPUS

AGOSTO - SEPTYEMBRE 2018 | TOMO LVIII BLG 8

4

Sangkap para sa kutis na nakakahumaling

Apple Cider vinegar n

TEKSTO // JOYCE ANN FABULA AT ELEXANDRA LABUTAP | DIBUHO // BEA JOY JAVIER

“Sabay-sabay tayong manalig, an apple a day, keeps the doctor away!”

I

believe, sa panahon ngayon, ang tao ay gusto na mabilis ang proseso at resulta ng isang bagay. Naging maugong sa mga netizens ang Apple Cider Vinegar dahil sa mga sinasabi nito na iba’t ibang tulong na maibibigay sa kalusugan. Marami ang nagpahayag na maganda ang kanilang karanasan sa paggamit ng apple cider vinegar kung kaya’t marami ang sumubok at nagnais na makita

1

2

3

ang magandang dulot nito. Hindi maikakaila na ang mga Pinoy ay mahilig na sumunod sa mga nauuso dahil nais na masubok ang health benefits na mayroon ang nasabing produkto. Dahil advance mag-isip ang mga tao, hindi pa man din lubos na napatutunayan ng siyensya ang kasiguraduhan nito, ngunit patuloy pa rin ang pagtangkilik ng mga konsyumer dito.

Pag lumingon ka, makinis ka na May pagkakataon ka na tapusin ang mga araw na titingin ka sa salamin at madidismaya dahil may bagong tubo na naman na tigyawat sa noo mo. Hindi mo na kailangan mag-walling at sumigaw ng “BAKIT AYAW KUMINIS?!”. Ang kaibigan nating si apple cider vinegar ay nakatutulong kung nais mo ng mala-celebrity na kutis! Ang malic at lactic acid na matatagpuan dito ay may kakayahang mapalambot at mapakinis ang ating balat. Dahil dito ay mas blooming at picture ready na ang iyong mukha, bes! Pero, ‘wag naman

sosobra sa paggamit nito. Mataas pa rin ang acid level ng sangkap kaya bago mo ilagay sa mukha ay haluan ito ng tubig at paunti-unti lamanng ang paglalagay sa ating mukha. Hinay-hinay ka lang bes kong mahal, dahil mas mahal ang pagpapagamot sa masisirang kutis kapag nasobrahan. Kapag dumating na ang tamang panahon ng pagbabalik ng iyong kutis, sabay-sabay natin isigaw ang pinakahihintay nating mga kataga na “Comeback to the young and beatiful you!”.

Lose Weight: Wala na finish na! Malakas ang ating paniniwala sa “Say No to Body Shaming” kaya’t nais natin makatulong at mabuo ang self-confidence nila. Kung nais ng mabilis na pagpayat, kumakaway na sa iyo si Apple Cider. Ang acetic acid na makukuha mula rito ay nakatutulong sa pagbabawas ng taba sa ating katawan. Ihalo lamang ang isang kutsara nito sa isang basong tubig ay instant low calorie drink na ito. Subukan mo na uminom nito sa umaga at si apple cider na ang bahala sa iyong pinapangarap na beach-body look. Isa pa sa mahika ni apple cider ang pagtulong nito sa pagbaba ng cholesterol level sa ating katawan na maaaring maging sanhi ng obesity na siyang karaniwan na problema ng mga taong

may mabibigat na timbang at kung minsan ay nakapagdudulot iba’t ibang sakit sa katawan ang labis na katabaan na nais nating iwasan. Konting kembot lang at darating na din ang summer kaya’t habang maaga pa bes, paghandaan mo na tutulungan ka ni apple cider basta easy ka lang dahil may proseso ang lahat hindi minamadali. Anong klase mang katawan ang mayroon ka sa kasalukuyan hangga’t alam mo na ikaw ay malusog ay pangalagaan mo. Biyaya ang ating katawan ano man ang iyong sukat dahil malaki ang magagawa nito para maging kapaki-pakinabang para sa lipunan. Change for the better mga bes! Dadating din yung araw na sasabihan ka nila ng magic word. “Ang payat mo na.”

“Paghilumin ang sugat ng kahapon…” Alam mo ba na pwede ring gamot sa sugat si pareAlam mo ba na pwede ring gamot sa sugat si pareng apple cider? Kung napapaisip ka ay ito ang sagot: Maaari niyang magamot ang iyong masakit at mahapding sugat, pero hindi sa sugatang puso ha? Maglagay lamang ng kaunting apple cider sa sugat at maiibsan ang pagkati nito. Maliban pa rito ay mas mapapabilis ni apple cider ang paghilom ng sugat. Ang mga anti-itching at alkalizing properties nito ang tutulong sa iyo para naman hindi ka na mastress pa sa sugat na iyong tinamo. ‘Di ba! Kung sakit man at gasgas, maaaring masama rin si lalamunan kaya ang

karamihan, eksperto man sa medical o hindi, inirerekomenda rin ito na pampagaling. Madaliang paghilom ng sugat? sana si heart din mapasama! Charot! Kaibigan ni apple cider ang oras para maghilom ng tuluyan ang sugat. Kaya kung nais mo siyang matulungan na maibsan ang sakit na nararamdaman bigyan mo siya ng apple cider. Panatilihin ang kalinisan ng sugat para mas magkapit-bisig sila ni apple cider sa pagpapagaling ng iyong sugatang puso este balat. Hindi man maibalik ng apple cider ang lahat sa dati, handa siyang tumulong upang kahit kaunti mabawasan ang sakit ng kahapon.

Beshywap Stop! Hinay ka lang. “Kung gusto mo gumanda, gumastos ka!” Ito ang sabi ng isang kandidata sa isang beauty pageant. May katotohanan sa kanyang sinabi dahil sa panahon ngayon mas malaki pa ang ikagaganda mo sa mga bagong paraan na nauuso. Iba’t ibang benepisyo ang maaring idulot ng paggamit ng apple cider vinegar, pero hinay ka lang bes! Dahil hindi pa din malawak at malim ang pag-aaral na isinagawa para dito. Maraming benepisyo ang isang bagay kung matututunan natin itong gamitin ng maayos. ‘Wag lang lalabis at aasa dahil may iba rin itong epekto sa ating katawan. Pero kung nais talaga ng mabilisan ay hanapin mo lamang si Apple Cider Vinegar at siya na ang bahala sa ‘yo. Higit pa sa doctor ang kailangan mo para maingatan ang ating katawan panloob man o panlabas. Ang mas kailangan natin ay paniniwala sa sariling ganda, pag-alaga sa kalusugan at pagiging kuntento sa kung anong mayroon tayo. Itatak sa isipan na ang Apple Cider Vinegar ay hindi himala ang dala para malunasan lahat ng ating problema. Lahat ng sobra ay nagdudulot ng masamang epekto. Isip-isip din bago gamitin para sa ligtas na buhay. Ang tanging maipapangako lang nito ay matutulungan ka niya sa abot ng kanyang makakaya. Kami man ay humawak din sa paniniwala sa pag-asang ibinibigay ng apple cider at iba pa. Ngunit higit pa sa resultang maaring handog nito ang aming natutunan at nais ibahagi sa mga kababaihan at kalalakihan. Ang tunay na magandang nilalang, tanggap ang sarili niya, and I, Thank you! n

do it, bes MALINIS AT MAKINIS? 1. Maglagay ng 1 cup ng Organic Raw Apple Cider Vinegar s isang glass jar maaring din gumamit ng malinis na bote o container. 2. Dagdagan ng 2 cups ng distilled or filtered water. Pagkatapos ay haluin upang maghalo ang lahat. 3. Maglagay ng sapat na dami sa isang cotton ball at ipahid sa muhka. Paalala bes, iwasan na malagyan ang mga parte sa mata. 4. Dalasan ang paggamit at maaari din gumamit ng moisturizer kapag natuyo na ang apple cider. 5. Kung sensitibo ang iyong balat maging maingat sa paggamit nito o kumonsulta muna sa doctor. NANANAKIT NA LALAMUNAN? 1. Hugasan ang gagamiting mga mansanas. Ilagay iyon sa malinis na lagayang may maluwang na bibig. 2. Paghaluin ang isang tasa ng tubig at askula saka ito ilagay sa ibabaw ng mga mansanas. 3. Kung kinakailangan, dagdagan ng tubig. 4. Takpan ito ng paper towel o katsa. Lagyan ito ng tali. Ito ay upang walang makapasok na anumang dumi. 5. Itago ito sa isang lugar na may katamtamang init at dilim sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo. 6. Salain ito upang makuha likido saka isantabi ang mga buong mansanas. Ilagay muli ang nasalang likido sa pinglagyan nito. takpan ulit ito ng katsa. 7. Itago muli iyon sa parehong lugar kung saan iyon unang inilagay sa loob ng apat hanggang anim na linggo. Haluin iyon kada araw. 8. Matapos ito, maaari ng gamitin ang apple cider vinegar. Ihalo ang apple cider vinegar sa tubig saka ipangmumog. Huwag itong gamitin ng puro.


THE GEARS

LATHALAIN

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY - SANTA CRUZ MAIN CAMPUS

13

AGOSTO - SEPTYEMBRE 2018 | TOMO LVIII BLG 8

Ate at Kuya’s Paalala “Sa lahat ng gagawin mo kailangang iacknowledge mo si Lord. Kung halimbawa may maachieve ka, kailangan mong iacknowledge si Lord kasi oo, hindi mo naman maachieve yung ganyang bagay tapos kailangan mananatili sayo yung humility ang humbleness para... kasi si Lord yung magtataas sayo eh. Diba sabi nga, kaya ayon, manatuli sayo ang humility and humbleness tapos sa lahat ng gagawin mo, si Lord yung iacknowledge mo, maymaachieve ka. Kasi ako, sa entire college ko, ang pinanghahawakan ko yung Proverbs 3:5 yung ‘Trust in the Lord with all your heart not in your own understanding and in all of your ways. Acknowledge Him and he shall...’ yon. Basta yung maiiadvise ko sa first year students na sa buong college life nila, ienjoy nila tapos yung respect nila sa teachers hindi mawawala. Hindi lang respeto sa teacher, pati sa kapwa mo estudyante. Ayon, panatilihin nilang maayos ang relationship nila sa isa’t isa. Tapos seryosohin din kasi para sa magulang mo yon, syempre para sa Lord, para sa magulang mo, para rin sa sarili mo.” ―Arla Alura “First, manage your time well in terms of dealing with your subjects. Second, wag mag procrastinate… I mean, kung pwedeng gawin ngayon, gawin na din.” ―Julie Ann M. Potane, BS ECE 4A. “Para sa mga freshmen, advice ko lang sainyo mag-aral mabuti. Wag masyadong magfocus sa mga boyfriend/girlfriend. Kasi eto lang e, sasabihin ko, oo ngayon medyo nakakaluwag pa kayo sa schedule pero pagdating ng panahon tapos pag naging 2nd year, 3rd year na kayo, marami kayong marerealize na dapat di mo ginawa noon.” ―Christian M. De Robles, BSIT Electrical 3-A “Sa una, mahirap talaga yan kase magkakaroon ka pa ng adjustment sa pagiging college student mula sa pagiging highschool. Ibang-iba yung environment noon.Ganun pa man, wag mo itatatak sa isip mo na mahirap maging estudyante ng kolehiyo dahil ikaw mismo ang mahihirapan pagnagkataon. ―Krisna T. Almontero

Dear Freshies Mga payo ni ate at kuya sa inyong makulay na paglalakbay sa loob ng unibersidad n

TEKSTO // ARVIE JOY RECTO AND JHANE LITHRELLE AUSTRIA LITRATO // SHIEN RHOEL MORAL

M

asasabi sa isang byaheng hinding hindi makakalimutan ang mga karanasan ng bawat estudyante sa kanilang pagtapak sa mapanabik na mundo ng kolehiyo kung saan nagsisimula ang pagmulat ng kanilang mga mata sa reyalidad ng buhay. Dito tunay na nahahasa ang kanilang abilidad ‘di lang sa pag-aaral kung hindi na rin sa pagsasabay-sabay ng mga gawaing nakaatas sa kanila.

Ganito kami noon, pano kayo ngayon? “Masaya maging freshmen” ang palaging sambit ng mga estudyanteng marami nang karanasan sa loob ng unibersidad. Ngunit paano nila nasabi na masaya nga ang maging freshmen? Ito ay dahil ba nakakatagpo sila ng iba’t ibang klase ng tao o dahil wala pa silang ideya sa mga susunod na ganap sa buhay nila makatapos ng unang yugto ng buhay nila sa kolehiyo? Ayon sa mga seniors, noong nasa unang taon pa lamang sila sa kolehiyo ay sobra-sobrang pag-aadjust ang ginawa nila pero hindi naman sila sobrang nahirapan dahil ika nga nila ‘madali lang’ ang mga pinag-aralan nila. “Parang nakikita ko naman ngayon na ang mga freshmen ngayon, parang hindi naman sila

katulad nung dati sa’min kasi wala akong masyado na nakikita na mga freshmen na tumatambay. Lahat kapag nakatambay may ginagawa, ganon.” ―Quieshah Kaye Malabag, BSIT 3F. “So ayon, so nung first year ka parang high school ka pa lang. Ako, honestly, ako ganon yung nafefeel ko nung first year ako parang feeling ko highschool pa lang kasi hindi naman kami inabot ng senior high so feeling ko parang first year lang din ako non, parang ano, parang ano lang din okay ganon. Tapos pagdating ng second year--first year-second year parang parehas lang. Tas third year, fourth year, parang kailangan talaga na ano ka na, seryoso ka na. Parang ano, damhin mo na talaga na college ka.” ―Arla Alura, CBMA.

Mahirap pero kinakaya Madalas sabihin ng iba na “laging nasa huli ang pagsisisi”. Ito ay dahil bilang estudyante, kadalasan mas inuuna pa natin ang mga bagay na hindi naman dapat pinagtutuunan ng atensyon at panahon. –– Imbis na ginagawa natin ng maaga ang mga gawain na nakaatas sa atin ay pinaaabot pa natin ito ng sobrang tagal. Minsan nga ay nasosobrahan na tayo sa chill kaya laging idinadaan nalang natin sa cramming ang mga gawain sa eskwelahan. “Bilang senior or fouth year college, syempre mahirap talaga siya, nakakastress kasi nandiyan yung sabay-sabay na requirements, yung thesis kailangan mong matapos kasi kung hindi mo natapos, ano, alanganin kang makagraduate. So yun ano, mahirap pero masaya. Masaya, bakit? Kasi yung mga classmates mo tsaka yung iba mong mga prof, sila yung nagbibigay sayo ng motivation ng encouragement para kahit anuman yung mga hirap na yon, malalampasan mo--di ka nag-iisa, alam mong hindi ka nag-iisa kasi alam mong nandiyan yung support ng classmates mo nga tsaka nung teachers

mo sa ayon.” ―Liezel Breganza BS Entrep 4C. “Alamin kung ano ang mas mahalaga para alam kung ano ang uunahin. Always set a goal. At hindi dapat susuko. Reinvent yourself, ichallenge mo ang sarili mong maging better. Ang college life ay isang malaking training ground para sa totoong buhay. Piliin mo yung mga bagay na alam mong balang araw you will thank yourself for.” -Aila Ilustre, BS Bio 4A Malayo man ang naging transisyon ng mga bagong estudyante ng Piyu at sa mga matatanda ng nag-aaral dito, ang buhay mag-aaral ay hindi naglalayo. Tandaan, parepareho man tayo ng karanasan at magiging karanasan, ang bawat nararamdaman at mga naging at magiging pagod ay magkakaiba, hindi dapat natin ikumpara ang ating mga nagawa sa kanila. Dahil minsan rin tayong naging fresh, este freshman, kaya intindihin at maging isang kapakipakinabang sa mga mata ng mas bata. n


Sapin

RODJUN GALLY VILLANUEVA

First kiss ang pinakamahalaga at pinakaiingatan ng lahat. Naalala ko pa noong bata pa ako wala pa akong masyadong kaalaman, ang alam ko lamang ay kumain at maglaro. Tandang-tanda ko Biyernes noon naglaro kami ng taguan at ako ang taya, walang sapin ang paa palabas. Habang naghahanap ako sa aking mga kalaro napadpad ako sa isang bahay na alam na alam ko lahat ng pasikot sikot nito. Pinasok ko ang bahay at may narinig akong bulungan at sinundan ko ang tunog, sa isang maliit na kwarto na sa akin nakapangalan nadatnan ko ang isang lalaking kinikilala kong ama. Hinahalkan at nakapatong sa kalaro kong si Anna.

Susunod sa Yapak JENNY MELICIO

Masyado kaming mayaman. Sa totoo niyan, sa akin ito ipinamana ni Itay. “Tignan mo ‘yung lupa hanggang dulo, ‘yun ang maipapamana ko sa iyo.” Ito lagi ang sambit ni Itay sa tuwing isasama niya ako sa tinatawag niyang ‘hacienda.’ Sumunod ako sa yapak niya. Kaya ito kami ni bunso nag-aani ng palay, hanggang dulo ng lupa ng gobyerno.

n TEKSTO /

Last Minute sa Terminal

Kalsada

WESTLHEY CANONGIO

ADRIAN CADA

Pumipikit-pikit ang dilaw na ilaw sa aming lugar Sa seraduray’y marupok, isang bisagra na ang palitaw Sa umagang iyon, Biyernes, dalawang takal na lang sa maghapon hanggang magpanglaw Napangiti, dahil mamaya lamang ito’y mapupunan

Mahal na araw ang daan Hindi na bago taon-taon ang ganitong proseso Kaya’t sisipatin ang sarili sa ilang kilometro Saplot lamang sa ibaba ang gagamitin – hubad baro Unti-unting pagtarak sa ulo ang naramdaman Kinilala ang gagabay, marami sila Bandang dulo ang tutuklas kung sasapitin ba’y tuwa Galing sa puno ang yayapusin, at ang kilos ay babagal Higanti! Simulang nang siya’y maipanganak Ipinagkanulo ang sarili’t hindi lumaban Sisikaping maging siya – ililigtas ang sarili Makasalanan! At ang lumbay ng pag-iisa ay maiibsan Dahil sa pagkawala ng sapin Sana – sa sarili’y hinaing Mailigtas man sa habangbuhay na hatid

yapak

poot at pighati ng lupa, sa yapak na paa lamang lumalapat

Pulang lipstick ako bumawi, kulang ang blush on kaya dito tumabi At ang dulong kloseta, napaisip, isang lingo muli ang lumipas bago kita mahawi Tirik ang araw ng araw na iyon, bahala na ika ko Malayo pa ang lakbayin, bilang na ang oras magsisimula na ang bulgaran kay Mayor Ngunit hindi ako ang bida, kung tutuusin marami sila Sa dako paroo’y malalaking sasakyan ang paparada Mani, bitbit ng mga tao para sa kanilang ikakwarta Kabilang banda nama’y nakahanay ang aking hanapbuhay Paniguradong blockbuster na naman ito, madaming bago mukha ang salta sa lugar na yaon Tatlumpung porsyento and makukuha para sa bawat putaheng tinda ko Sapat na para makadalawang kaban pangbuong Linggo. Marami ang bumili, bawat asul na abot nila sa akin Ubos ang nakahanda para sa gabing iyon Hindi na nakakapagtaka ang malaking pera na makukuha isang beses isang linggo Bawat terminal ng bus, iba’t ibang sigaw at bulong ang trabaho ko Madaming klaseng mani kasi, kaya mahaba ang pila kapag may bumibili – patago.

n

DIBUHO // ADRIAN CADA


Tsinelas

JOYCE ANN FABULA

Magpapasko na! Bilang na ang mga araw, may mga ilaw na ang daan. Kumikislap-kislap ang iba’t ibang kulay. Tuwing Setyembre lang kami nagkakaroon ng liwanag, mula sa Christmas Tree ng kapitbahay. *** Tatlong taon na kaming magkakasama na walang ilaw ang bahay. Isang gabi, habang papauwi galing lansangan. Napangiti. Maliwanag ang tahanan, madaming tsinelas ang nakahanay sa tapat ng bahay. Nakaburol na pala si Inay.

Kalbaryo

BEA JOY JAVIER

Malamig ang naging sandalan ni Eba ng mga oras na iyon, hingal at pagod ang bukambibig, alimpuyo ng hinahapong dibdib at lumalangitngit ang bawat pagtuon ng kamay sa lamesang kahoy. Hindi na bago sa kanya ang ganitong pangyayari. Tatlong taon na siguro nang masiguro nito ang kanyang magiging kapalaran. *** Isang puting karwahe ang naghatid papunta sa simbahan si Eba, madaming tao ang dumalo kahit na’t paglalakad ng mahaba ang kanilang maiinda, kahit alam nilang hindi sila mapapansin ni Eba. At pagharap sa altar, ikinumpas ng pari ang dasal. Ang kaluluwa sana ni Eba’y mahimlay, sa tatlong taon nitong pakikibaglaban sa sakit niyang cancer.

// JOYCE ANN FABULA | DIBUHO // BEA JOY JAVIER

Bro

KIRSTEN FAITH FLORES

Sa dakong gitna ng maalinsangang dapit hapon Dumadapo ang di kaaya ayang halimuyak Sumisilip at gumagala Marumi, balot ng alikabok ng bawat bibig. Sangdangkal na tinis, sangkahon ng lakas Buhos bawat sigaw, uhaw sa bawat patak Umaalingawngaw boses na hirap Iniinda ang bawat pagsinghap Impit na ungol, Kagat labing pigil Lapad na demonyo ang sanhi Yapak na tinatahak ang patalim Isa pa, isang hampas na lang Palo pa, huling palo na lang Sigaw pa, tapos na ba? “Pare, parte ka na ng grupo.”

Toga

ROMEL BRIAN FLORENDO

Puting toga ang aking suot, nakaharap sa salamin. Dalawang na taon din nang maudlot ang aming pagmartsa sa Barangay Mabahay*. At sana matigil na sila. *Isang maliit na Barangay sa Talipao Sulu. Enero 2016 nang lisanin ng mga residente ang lugar dahil sa kaguluhan dulot ng Abu Sayyaf. Ngayon taon lamang nabuksan ang paaralan sa mga estudyante.


16

THE GEARS

LATHALAIN

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY - SANTA CRUZ MAIN CAMPUS

AGOSTO - SEPTYEMBRE 2018 | TOMO LVIII BLG 8

FREEdom Pinag-iisang Pilipino tungo sa mas mayabong na bukangliwayway n

TEKSTO // VINCE VILLANUEVA | LITRATO // SHIEN RHOEL MORAL DIBUHO | APOLONIO ESTRELLA

Payapa. Pag-unlad. Pag-asa.

“I

bon mang may layang lumipad, kulungin mo at umiiyak”. Lingid sa nakararami ang pakiramdam ng mga iilan nating kababayan na nakaranas na ng mga kaguluhan sa bansa. Maraming naghirap, nagdusa, nawalan ng tahanan, at nagbuwis ng buhay para sa pagkamit muli ng inaasam na kalayaan. Malaking hakbangin at kabiyayaan para sa kanila ang pakikiselebrasyon ng mga Pilipino sa “National Peace Consciousness Month” ngayong Setyembre upang tuluyan ng maibaon sa limot ang lahat at umusbong ang pag-asa sa muling bukangliwayway. Ito’y nakabase sa Proklamasyon bilang 675 na inilabas noong taong 2014 na may tema ngayong taon na “Mithiing Kapayapaan: Sama-samang isakatuparan”. Sa katunayan, Setyembre ang napiling buwan sa kadahilanang maraming kaganapang nangyari sa buwan na ito na labis na nagpaunlad sa pagkamit ng kalayaan. Tulad na lamang ng pirmahang naganap sa pagitan ng gobyerno at Moro National Liberation Front sa 1996 peace agreement noong Setyembre 2 at pagtatalaga ng United Nation (UN) sa araw ng Setyembre 21 na International Day of Peace.

Pikit-matang Katotohanan Sa likod nito, nakaambang ang mga bangungot na bumalot sa Pilipinas na nagpalugmok sa ating mga kababayan. Sino ba namang makakalimot sa nakatitindig balahibong kaganapan sa 2009 Maguindanao Massacre na kumitil ng 58 katao kung

saan 32 pa rito ay pawang mga mamamahayag. Samantala, hanggang ngayon wala pa ring ganap na kataruang silang natatamasa. Kaugnay pa rito, ang kahindik-hindik na giyera kamakailan lang sa Marawi City na kagagawan ng Islamic State (ISIS) na kinasangkutan ng mga Pilipinong inosente at tahimik na namumuhay sa parting iyon ng Mindanao na nagbunga pa sa malawakang pagkasira ng siyudad at pagdanak ng mga dugo.

Peace na Tayo! Tahimik na pamayanan, walang mga pagsabog at pantay-pantay na panatag ang loob ang siyang patuloy na ninanais ng sinoman. At binigyang diin ng Pangulo ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) na si Jesus Dureza na ang pagtatrabaho sa kapayapaan ay hindi lamang dapat umiikot sa mga naapektuhan bagkus kahit sa mga nasa ligtas na lugar ay kailangan maging kabahagi at karamay sa pagkamtan ng kalayaan. Alinsabay nito ang “carrier tagline” ngayong taon na “Peace na Tayo”, isang simpleng panawagan sa napakaraming Pilipino na tumugon sa pagkakamtan ng tinatawag na matagalang kapayapaan at kalayaan sapagkat ang lahat ng ito’y hindi para lamang

Buntot Palos:

sa pamahalaan, mga opisyal bagkus ito’y babagsak at babagsak sa pangangailangan ng bawat Pilipino upang tuluyan na ring maging payapa, umunlad at magkaroon ng pag-asa.

Halaga kay Pepe Samantala, higit na malaking bahagi it okay Pepe. Mas napapahayag ng isang tipikal na estudyante ang kaniyang saloobin at hinaing sa isang sitwasyon na walang sinusunod na batas. Ang kalayaang nakakamtan na ipinaglalaban ng ating mga bayani ay magkaroon ng makabuluhang kahulugang ating matutunan. “Malaking ambag ang kalayaan na natatamasa ko ngayon, ang kalayaan kong makapag-aral, matuto at ang kalayaan kong makaunawa ay hindi lang sumesentro sa apat na sulok ng aming silid-aralan bagkus alam kong magagamit ko ito maging sa labas at sa mas malaking mundong magkahalo ang hamon at oportunidad” ani ni Zyrrus Harlan Payag, mag-aaral ng LSPU- SHS na kasalukuyang nasa Baitang 11 at kumukuha ng Track na Science, Technology, Engineering and Mathematics. Napakaraming kalayaan ang natatamasa natin, kalayaang magsalita, mabuhay, magkaroon ng pangalan at kalayaang sundin ang iyong ninanais sa buhay. Ang mas higit na matimbang ay ang kalayaang mapagbuklod at maging isa ang bawat Pilipino na dati rati’y ipinaglalaban pa ng ating mga bayani upang sa gayon totoo na nating masilayan ang nakasisilaw na bukangliwayway. n

Tayog ng Ganda, Hampas ng Ginhawa

M n

TEKSTO // CHRISTIAN CARLO VIRINA AT JASMINE THERESE DE JESUS

apagod ka man sa pag-akyat, sulit naman ang iyong pagod na natamo. Patunay ang Buntot Palos sa lalawigan ng Laguna, kabilang sa mga katangi-tanging tanawin na hindi maikaka-ilang magpapahanga at magpapakita sa sino man, na pruweba na ang Pilipinas ay napakayaman sa aspeto ng turismo.

Kilalanin, Nakatagong Ganda Ang Buntot-Palos ay isa sa pinakamataas at pinakamalaking talon sa bansa na may taas na walumpung (80) talampakan. Matatagpuan ang kagilagilalas na talon sa silanganing bahagi ng Laguna, bayan ng Pangil, ang tubig nito ay nagmumula sa itaas na dalisdis ng Sierra Madre. Ngunit bakit nga ba Buntot-Palos ang ipinanglan sa napakagandang tanawin na ito? Ang sagot? walang nakaka-alam. Umaagos ang tubig nito sa animo’y pader na bato na nakakamanghang nilikha ng kalikasan, patuloy sa patong ng mga dambuhalang bato na kung tawagin ay ‘Kawa-kawa’ hanggang sa umabot ito sa malalim na daluyan ng tubig patungo sa Pangil River at magtatapos sa Lawa ng Laguna. Hindi tulad ng ibang mga talon sa Laguna, ang Buntot-Palos ay isa rin sa pinakamahirap marating dahil sa dalawang oras na paglalakad o trekking mula sa dalawa nitong daan – Pangil Eco Park at Barangay Balian na may humigit-kumulang na 400 metrong layo. Nakatago ang

natatanging talon sa makapal na kagubatan sa dakong timog ng bulubundukin ng Sierra Madre. Mararating ang Buntot-Palos sa pamamagitan ng pagsakay ng ng dyip mula bayan ng Sta. Cruz patungong Brgy. Balian. Magpatala sa himpilan ng Brgy. Balian at humingi ng isang Tour Guide na nagkakahalagang P300 para sa isang grupo na may limang myembro, walang bayad para sa registration ngunit manghihingi sila ng donasyon. Maaari din naman sa Pangil EcoPark magmula, humingi rin ng Tour Guide na nagkakahalaga naman ng P100 kada tao. Makabubuting umalis ng maaga upang hindi tamaan ng matinding sikat ng araw sa paglalakad. Gandang Nakamamangha “Lahat ng hirap ay may kapalit na ginhawa”, matapos ang hindi matatawarang pagod at hirap sa pagtahak ng daan tungo sa talon ng Buntot-Palos, mapapawi ang lahat ng iyon dahil sa makapigil-hiningang ganda ng tanawin. Sa ilalim ng talon ay may maliit ng kwebang maaaring tayuan ng

isang tent para sa mga malalakas ang loob at naghahanap pa ng mas magpapasigla sa kanilang bakasyon. Maaari din namang subukan ang pagtalon mula sa mga matataas na bato at lumangoy sa malinis at malalim nitong tubig na umaabot sa animnapung (60) talampakan tuwing tag-ulan.. Tag-araw ang pinakaperpektong panahon para pumunta sa Buntot-Palos, ngunit may mga pagkakataong mahina ang patak ng tubig mula sa tuktok nito, sa kabilang banda, tuwing tag-ulan, masyadong maputik ang daraanan at ang pag-agos ng tubig nito ay talagang malakas, pero dahil rin sa kakaunting tao ang nais pumunta rito sa ganitong panahon, maaari mong masolo ang oras mo kasama ang talon at magawa ang mga nais mo ng walang limitasyon. May mga campsite sa paligid ng talon, ngunit limitado dahil sa hindi pantay-pantay nitong lupa. Pwede din na subukang pasukin ang maliliit na kweba sa gilid ng talon, magbaon lang ng lakas ng loob at syempre ng matinding pag-iingat at palaging humingi ng tulong sa kasamang tour guide. Hindi na nakakapagtakang marami pang nakatagong yaman at ganda ang Laguna, ang Pilipinas, na nag-aantay lamang na madiskubre at makilala. Ang Buntot-Palos falls ay unti-unti nang gumagawa ng ingay upang ipakita sa mundo ang taglay nitong kagilagilalas na katangian. n


THE GEARS

PANITIKAN

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY - SANTA CRUZ MAIN CAMPUS

17

AGOSTO - SEPTYEMBRE 2018 | TOMO LVIII BLG 8

Social Media sa kamay ng

MANUNULAT

Pagkilala sa Natatanging Grupo sa Virtual na Pamamahayag n

TEKSTO // ALVIN CUEVAS AT RODJUN GALLY VILLANUEVA

M

aging ang dating henerasyon, iba-ibang mga paraan ang ginawa sa pagpapalawak ng kaalaman sa iba’t ibang disiplina ng Literatura. Hindi natin maikakaila na sa paraang ito, mas lalong umusbong ang adhikain ng bawat manunulat na ipahayag ang kanilang damdamin o saloobin sa paraan ng pagsulat. Kung ikukumpara sa kasalukuyan, wala pa ring pinagbago ang mithiin ng bawat isa. Mas lalong lumawak at dumami ang nagkaroon ng interes sa bagong henerasyon. Tunay na naging makabuluhan ang ginawang proseso ng mga nagdaang henerasyon sa kanilang adbokasiya. Sa Media magiging Sosyal ka! Makapangyarihan ang Social Media. Ito ang ginawang medium ng mga manunulat upang makaakit ng iba’t ibang tao hindi lamang sa iisang lugar kundi maging sa buong bansa at sa buong mundo. Ito ay pinapalooban ng iba’t ibang websites tulad ng Facebook, Instagram, Twitter, at iba pang Social Media Platforms na nagiging instrumento ngayon upang makasagap at maka-attract ng iba’t ibang uri ng taga-sunod. Kaya pinili ng mga nagsusulong ng Literaturang Filipino tulad ng Titik Poetry, Betsin Artparasites, Save Lit, PAPEL (Letty R. Tura, PA P EL), LIRA at marami pang iba, na dalhin sa Social media ang mayaman nating literatura upang madaming mas makaalam at makasagap. Sa mga panibagong mga pahina ng social media na nagpapakita ng mga relatable posts na paniguradong sulit at sakto sa mga

nararamdaman ng mga millennial ay siguradong hinding-hindi mo ‘to kayang palampasin. Para sa mga kabataan, ito ay isa sa pinaka sikat ngayong panahon upang makapagaliw, makipag-komunikasyon, at magpakalat ng iba’t ibang impormasyon. Ginagawa mo rin ba ‘to? Millenial ka na ba niyan? Ano kaya sa tingin mo? Kilalanin mo si Tita Letty! Pinasimulan ni Bb. Marcjean Yutuc o mas kilala ng nakararami bilang si Inay Marcela. Sumikat ang pahinang ito sa pagpopost ng mga maikling kwento na may ‘di inaasahang daloy o ang sinasabing plot twists. Kilala rin ang pahinang ito bilang PAPEL. “It started as the nation’s groundbreaking social media organization-turned publisher for poets, fiction writers and creative writers, turned a publisher… We focus

on promoting the dynamic life of Philippine literature” ani Inay Marcela. Kilala ang pahinang ito sa pagdadaos ng mga proyekto o mga event for a cause upang makatulong sa mga kabataan na nag-aaral. Kasama sa adbokasiya nila na “Save Lit” ang paniniwala na ang literartura ay mahalaga sa pagpapanatili ng magandang kultura at sa pangmalawakang kaalaman na maaring ibahagi ng makabagong henerasyon. “Our advocacy “Save Literature” is rooted in the belief that literature is vital to sustaining a vibrant culture and educational environment especially for the young generation.” Dagdag nito. Bagama’t pili lamang ang mga awtor ng page nila, mayroon pa rin silang ginawang grupo upang mapagbigyan na sumulat ang ibapang nais magsaad ng kanilang damdamin. Kumakaharap man sila ng mga batikos patungkol sa paglilimbag ng libro patungkol sa PAPEL, hanggang ngayon ang grupo ni Yutuc ay lumilipad pa rin para makapagbigay ng magandang impluwensiya sa mga manunulat at higit sa lahat ay mga mambabasa. Feelings? E’di I-paskil mo! Ipinapakita sa Damdaming Nakapaskil ang iba’t ibang medium ng pagsusulat at karaniwan ay handang kumuha ng mga literary pieces mula sa mga nagnanais na maging isang manunulat mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa na naging asset nito upang makalikha ng samu’t saring literary pieces na may makabuluhang storya at mga aral na dulot nito. Pinasimulan ni G. Jhofil Mahilum ang pahinang ito upang ilahad, maghayag at magsaad sa mga milenyal. Idinadaan sa mga pagpapaskil online ang mga bagaybagay na karaniwang nararamdaman ng isang kabataan o ng kahit sino

pa man na talagang nakaka-relate at talaga nga naman na nakakaaliw sapagka’t sapul na sapul sa kaibuturan ng ating pakiramdam ang ipinapakita ng pahinang ito. “May kanya-kanyang pinanggalingan ang mga miyembro bago sila maging kasapi ng Damdaming Nakapaskil. May Estudyante, Guro at simpleng mamamayan na pare-parehong hilig ang pagsulat at pagbasa. Sa tingin ko ayan ang pinaka-magandang dahilan kung bakit may DN.” Saad ni G. Jhofil Mahilum. Marahil marami sa atin ang nais pang suyudin ang iba’t ibang pahina na talagang kilala at tinatangkilik ng marami. Kaya sa bawat click, dapat kasama ang pagpitik. Dahil sa ngayon, ang Social Media ay libro na ng hindi isa, kundi lahat ng may potensyal na manunulat. Pinipilit pa rin ni Mahilum na maging produktibo ang Damdaming Nakapaskil upang makapagbigay ng tulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng mga event for a cause. Kakaunti man ang miyembro, hindi naging hadlang para gumawa ng malaking epekto. Kahit Ipis, may damdamin din! Kilala ang Betsin-Artparasites bilang Ipis, dahil naniniwala sila na si Antonio ay responsible sa pagpapatili sa mga kababaihan. Hinggil sa karamihan ng lahat ang pahinang ito ay isa lamang parody ng Berlin-Artparasites, isang kilalang internasyunal na page rin sa Social Media na nagsusulong din upang mas lalong mapalaganap ang iba’t ibang disiplina sa pagsulat ng iba’t ibang katha. “Ginawa lang namin siya ni Ching (John Mark) out of boredom. Nakakakuha lang ako ng inspirasyon mula sa ibang artist pati sa mga experiences na pinagdadaanan sa buhay.” Panayam mula kay Joshua Urbano, isa sa mga nagtatag ng

pahina na ngayon ay umaabot na ng mahigit isang milyog likes mula sa mamamayan. Taong 2016 nagsimulang mabuo ang grupo, kalimitang nagkakaroon ng pagsasama-sama ang iba’t ibang manunulat at mga dibuhista sa pamamagitan ng Luneta X na tinatawag nila, ang kitaan ng grupo sa Manila sa mismong pwet ni Lapulapu. “Walang ibang goals ang grupo kundi magbigay ng platform para sa mga aspiring writers at artists para maibahagi ‘yung gawa nilang Sining. Pinapalaganap namin ang Literature sa pamamagitan ng pagbabahagi ng gamit sa pamamagitan ng events kung saan makakapagpakit ng angking galing sa pamamagitan ng Spoken Word Poetry.” Madaming pinagdaanan ang Betsi-Artparasites, mula sa katoxican ng bawat miyembro at lumalaking populasyon ng komunidad nakapitan pa rin ng mga lider ng nasabing organisasyon at komosyon na nangyari. At higit sa lahat, ginaya man nila ang Berlin-Arparasites sa paraang makakapagpasiya sa komunidad ng Pinoy, hindi sila nagsasawang tumulong sa mga taong nangangailangan at naghahanap ng bahay matitirhan sa Social Media. Malalayo man ang mga taong nasa grupong mga nabanggit na nagtatag bilang lider ng mga nasabing grupo at nagtutulak na isulong ang pagiging buhay ng Literatura, hindi ito hadlang para sa kanila upang makatulong sa mga naaapi, dahil naniniwala pa rin ang bawat taong adbokasiya ay Literatura na ito pa rin ang pinakamakapangyarihang sandata na pwedeng gamitin at hindi dahas.

n

BALITANG PAMPANITIKAN

Obra ni Juan PhilStagers nagbigay pugay kay Luna n

TEKSTO // JOYCE ANN FABULA

“G

amitin ang kasaysayan para magising sa katotohanan.” Ito ang mensaheng iniwan sa pasasalamat ni Atty. Vincent M. Tañada Direktor ng ‘Obra ni Juan’ na itinanghal ng Philippine Stagers Foundation bilang bahagi ng proyekto ng Supreme Student Council (SCC), Laguna State Polytechnic University, Setyembre 10. Tagumpay ang PhilStagers na maipakilala ang buhay ni Juan Luna sa pamamagitan ng musical play at bigyan ng pansin ang kasaysayan para sa higit 4,000 estudyanteng nakatunghay sa palabas. Mula sa mga magagandang awitin,sayaw, kasuotan, stage design, magagaling na mga actor at aktres at ang makabuluhang kwento ng Obra ni Juan ay ikinatuwa ng lahat. Binigyang daan ng grupo ang pagsisiwalat ng kwento sa likod ng iba’t ibang obra ni Juan Luna tulad ng The Parisian Life at Spolarium. Ayon kay Tañada naging hamon sa kanila ang kalituhan na maaring idulot ng dalawang Juan Luna na

kanilang ipinakilala sa palabas. Ngunit bago matapos ang kanilang pagtatangahal ay naging maganda ang resulta nito dahil tuluyang naunawaan ng mga estudyante ang kakaibang bahagi ng istorya. “Ang Obra ni Juan ay hindi lang naman sa mga bayani, hindi lang sila mga rebulto, tao din sila katulad nating lahat na we have a purpose also. Kahit marami tayong kasalanan pwede rin tayo maging bayani. Reachable yung mga bayani na pwedeng makarelate tayong lahat, nag-iinom sila, naglalasing, nag-aaway, nagbibiruan.” mula kay Tañada na gumanap din bilang si Juan Luna 1. Bagama’t bago sa grupo ni Tañada ang lugar na pinagtangahalan, hindi pa din nila binigo ang mga manonood sa kanilang galing sa pag-arte, pag-awit at pagsayaw upang makatanggap ng maraming papupri sa sa mga manonood. Sa isang panayam kay John Mark Cuevas, 4th year,BSEd Major in Social Science

Litrato l Shien Moral Litrato Rhoel l google.com PUSO AT TALENTO. Ipinakita ng Philippine Stagers Foundation ang galing ng kanilang bawat myembro sa pagtatanghal sa harap ng mga mag-aaral ng LSPU. “Matapos kong mapanood ito, mas lalong lumalim ang pagkaunawa ko sa katauhan ng mga bayani, lalo na kay Juan Luna. Sa dulang ito naipakita ang mga bagay na karamihan sa atin ay hindi nababasa sa mga libro. Gaya ng nabanggit, nagbigay ito ng pagkakataon upang makita ko ang ibang dimensyon ng mga pangunahing tauhan, lalo

na ng mga Ilustrados. Dito ko rin naunawaan ang mensahe ng mga obra at likha ni Juan Luna, lalo na ang spoliarium.” Ang Philippine Stagers Foundation ay 17 taon na tumatakbo upang magtanghal sa iba’t ibang lugar at ngayo’y sinimulan ang pagtatangahal sa mga unibersidad sa probinsya. Kaugnay nito,

katulong ang SCC ayon kay Russel Kamatoy,SSC Vice President ay binigyang handog ang bawat departamento sa kinita ng palabas. “Masaya kami dahil maraming natuwa at natutunan yung mga students sa Obra ni Juan at yung proceeds ay natulungan ang kada department.” saad ni Russel Kamatoy, SSC Vice President. n


18

THE GEARS

PANITIKAN

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY - SANTA CRUZ MAIN CAMPUS

AGOSTO - SEPTYEMBRE 2018 | TOMO LVIII BLG 8

Sa Tinta ng may Akda Konstraktibong Pagpuna para sa Pag-unlad ng mga Akda

S n

TEKSTO // CHAELLY ALLYSON BALITACTAC AT DRIMM TIONGSON | LITRATO // SHIEN RHOEL MORAL

a bawat gagawin natin ay mayroon at mayroong masasabi ang ibang tao patungkol dito. “Baguhin mo yon”, “Palitan mo ito”, ”Ayusin mo yan”, sari-saring mga pananaw na kung minsan nga´y nakakainis na, pakiramdam nati’y ang kanilang mga sinasabi ay lumalagpas na sa limitasyon na dapat nilang makita. sa pagtatama kasi nila´y parang lumalabas na ika´y mali.

Minsan mang binulabog tayo ng mga taong ito, malaking parte ang naging gampanin nila sa umaatikabong pag-angat ng sulatin pagdating sa panitikan na dahil sa kanila, siguro hindi aabot sa pwesto kung saan ka man naroon, kaya’t lilipas man ang kanilang pisikal na itsura, ang kanilang matatalim na salita ang siyang nagpabunga sa atin upang mas gumanda ang mga gawa. Sa loob may kulo si CC Narinig mo na ba si Constructive criticism? Malamang ilan lamang sa inyo, dahil ang ganitong proseso ay maaari mo na ring nagawa o kaya’y naranasan mula sa iba. Ito ang tawag sa pagbabahagi ng iba ng opiniyon nila, patungkol sa sarili mong gawang katha – o dibuho sa paraan ng pamumuna na maaaring mapapositibo, at maging negatibo. Ang pagsulat ay isang halimbawa ng madalas na magamitan ng constructive criticism. Sa paraang ito, pupunahin ang laman, istraktura at maging ang titulo ng iyong gawa. Hindi naman masamang tumanggap ng kritisismo, nasa iyo na rin

kung paano mo uunawain ang puna ng iba patungkol sa gawa mo. Kaya’t gaano mo man pinaghandaan at balik balikan ang maaaring mga mali sa gawa mo, may mga tao pa rin na handang ang iyong masayang nararamdaman sa kanilang ilang mga salita na sasabihin sa bawat pyesa na gawa mo. Ang mga Salita bilang Anyong Tao Iba’t ibang puna ang uri ng pagpuna ang ating mararanasan, lalo na’t sa mga manunulat. Hindi naman siguro masama, kailangan siguro ng pag-unlad pati na rin sa mga gawang akda. Ngunit kapag dumating sa punto na mismong kakayahan mong magsulat ang binigyan ng negatibong komento, mas masakit pa sa pisikal na sakit ang iyong mararamdaman. Isa na lamang dito si Ohm’s Law, hindi tunay na pangalan at isang manunulat at dibuhista sa Social Media, ay nakaranas ng pangmamalupit ng mga nag-ayong tao na salita. “Nagsulat ako noon tungkol sa mga katulad ko (LGBT), siguro hindi nila nagustuhan yung ginawa ko kaya ayun ang

Balikbayan Box

M

aingay na alarm clock ng iba't ibang telepono ang maririnig – ‘yan ang bumubungad sa akin tuwing umaga. Nang lumisan sa aming tahanan para mag-abroad sa sariling bayan. Apat na taon ang aking napiling kontrata at sana'y huwag ng madagdagan pa. Kaba, pagkamangha, at halu-halong emosyon ang daladala. Bitbit ang mga gamit at maleta. Habang bumabyahe sa malamig na kalsada. “Sambat na …” sigaw ng kundoktor. Hindi ko alam kung nasaan na ako, dali-daling bumaba habang nakikipagsiksikan sa bus. Sa wakas arrival na! Unang araw sa dormitoryo, hindi pa mahanap ang susi sa dami ng dala. Excited na ako sabay bukas ng pintuan at bumungad sa masayang mukha ang panis na kanin sa rice cooker, inuuod na basurahan at dumi ng aso ng aking mga kasama sa dormitoryo. Hindi alam kung saan ipapatong ang dalang maleta. Ganito pala ang mag abroad sa sariling bayan. Ito ang bungad pagpatong palang sa ibang bahay bilang maging dayuhan. Nakakapanibago ang daan, hindi pamilyar ang kapaligiran kasama na ang

n

mga taong iba ang trip sa buhay at hindi maiiwasang mga manginginom na kadorm. Iisipin mo nang umuwi at itigil na ang apat na taong kontrata. Sa umaga babangon ng sabaysabay at maghihintayan sa iisang palikuran, “First come, first serve” ika nga nila. Ang ilan ay pakanta-kanta, pasayaw-sayaw na tilang walang naghihintay. Hindi pa natatapos dito ang pasakit. Sa pag-uwing pagod na ang katawan, bubugbugin ka pa ng tambak na labada, tambak na hugasin, at mga lamok na parang helicopter. Idagdag mo pa ang hukbo ng langgam na palaging nakititira sa mga tuwalya Ilan lang ito sa kalbaryo ng mag dormitoryo, sinasanay ang sarili sa pang-araw araw na kakaharapin. Ngunit ang mamalagi dito ang humubog sa akin, natutong magluto, magsaing, maglaba, mamalantsa, mabuhay ng mag-isa at dumiskarte para may makain kapag ang allowance ay napupunta na sa proyekto sa asignatura. Sa dami ng ginagawa hindi na ako makauwi, ang dapat na limang araw na pasok ay nagiging pito, dinaig pa ang propesor, ang janitor at ang gwardya. Minsan man umuwi, isang beses

daming nagsalita, daming nagcomment. ‘Yung ibang alam ang kasarian ko, ‘yun ang kanilang sinabi kaya raw masyadong biased sa side ko ang sulat. Malamang naman ‘di ba? Eh piyesa ko ‘yun eh.” Saad nito sa isang panayam. May ilan din namang kilala si Ohm, kalapit na kaibigan, isa sa mga naging kanyang kritiko sa pagsulat lalo na’t kapag tungkol sa malikhain na pag-iisip ang kanyang isinusulat. Hindi man lang gumamit ang mga ito ng maling paraan sa pagsusulat katulad ng paggamit ng argumentong Ad hominem, dahil kahit ganoon pa rin, para kay Ohm isa sa mga nakapagbigay inspirasyon sa kanya ay ang ibang tao na mahilig magkritiko sa paraang konstraktibismo. Editor kong Basher Syempre, kapag estudyante kang manunulat at kasali sa isang Student Publication, lahat naman siguro’y nagsisimula bilang staff. At oo, hindi madali dahil sa kanila mo unang mararanasan ang rejection ng mga articles mong ipapasa! Ang saklap sa kalyo sa kamay!

TEKSTO // JOSEPH ANDREW ALGARNE DIBUHO // EZEKHYNA NAVAL sa isang buwan dala ang isang buwan na pinag-ipunan ngunit hindi pasalubong kundi para malabhan. Uupo, magpapahinga at muling babalik sa sandamakmak na gawain na tila isang bisita sa sariling tahanan. Maghahakot na tulad ng nasalanta ng bagyo, dadampot ng delata at bigas upang sa isang buwan ay may panlaman tiyan. Isang bangungot na karanasan ang realidad at katotohanan ay itinatago sa loob ng puting kasuotan. Makikihalubilo’t suot ang maskara ng tapang at pag-asa na sa pagtatapos sa apat na taong kontrata at pagbalik sa aking tahanan ay dala ang magandang kinabukasan. Kring… kring…Natunog na ang mga alarm clock nila sa wakas ako’y paalis na… Paalam na ako’y papasok pa. n

Hindi naman masamang tumanggap ng kritisismo, nasa iyo na rin kung paano mo uunawain ang puna ng iba patungkol sa gawa mo.” Kaya’t isa si MJ De Guzman, na ngayon ay isang manunulat sa iba’t ibang parte ng Social Media at contributor ng mga librong nailatha na, ang isa sa mga estudyanteng-manunulat ang nakaranas nang pangmamaliit sa mga ginawang piyes na ipapasa. Pero dahil dito, kahit una pa lang na pasa niya at hindi napasama ginawa niya itong motibasyon para makamit kung nasan man siya ngayon. “ ‘Yung editor ko dati, sinauli ‘yung lit na kauna-unahan kong sinubmit. Hindi raw kapublish-publish ‘yung dagli na ‘yun kasi hindi double bladed ‘yung twist. Tunog Eros Atalia rin daw kaya walang originality, eto ‘yung comment sa akin “Hoy writer, pakibago ‘to, walang double bladed twist, hindi ‘to kapublish-publish. Huwag din gayahin si Eros, explore niyo sarili niyong style” nasaktan ako sa part na “hoy” wala lang ang sakit matawag na hoy.” Marahil ilan lamang sila sa mga nakaranas ng kritisismo sa lipunan, lubha mang masakit sa pakiramdam ang ganitong paraan, isa itong palatandaan na may mga taong handang pumuna sa kalagayan ng iyong mga gawa. Ilan man sa kanila ay puro pang-aalipusta, o kaya’y masasamang salita na binabato. Hindi pa rin nagbabago na may mga tao pa ring handang tumulong, oras man nila’y maubos, sa pagsasaayos upang maipaganda ang mga gawang akda na galing sa iyo. n


THE GEARS

PAMAYANAN

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY - SANTA CRUZ MAIN CAMPUS

19

AGOSTO - SEPTYEMBRE 2018 | TOMO LVIII BLG 8

REXU

ALESSANDRA CORONADO

K

AGARANG SOLUSYON

ahit sino ay mapagtatanto na kailangan nang isalba ang isla sa matagalan nang may karumal dumal na estado kung kaya’t 54 araw lamang ay naisabatas na ang Proclamation No. 475 sa ika-26 Abril. Inasahan ang pag-aksyon ng Pangulong Duterte sa estado ng Boracay ngunit noong ika-siyam ng Pebrero , nasindak pa rin ang lahat sa pag-aanunsyo ng agarang pagsasarado nito para sa ikabubuti ng lahat sa ilalim ng pagdedeklara ditong isang “ STATE OF CALAMITY“. Hindi agarang nasaklaw ang naguumapaw sa suliraning isla kung kaya’t inanunsyo ng Tourism Secretary Sec. Bernadette Puyat noong Setyambre 13, ang pinahabang rehabilitasyon nila hanggang Disyembre 2019. Kasikipan ang pagtitipon ng 18, 082 turista sa apat na milyang habang

S

a ating pang-araw araw na buhay, hindi natin maipagkakaila na ang plastik ay may malaking ginagampananan sa ating mga gawain sa buhay. Ngunit sa paglipas ng panahon,naging bulag na ang mga tao sa nangyayari sa mundo,naging bingi ang mga tao sa pagdinig ng sigaw at hinagpis ng ating Inang Kalikasan. Tunay ngang nakakatulong ang plastik ngunit iton na ang oras para imulat natin ang ating mga sarili sa masamang dulot nito. Ayon sa 2015 report ng environmental campaigner na Ocean Conservancy at ng McKinsey Center for Business and Environment, aabot sa 60 porsiyento ng plastic waste na napupunta sa anyongtubig ang nanggagaling sa limang bansa sa Asya--Tsina, Indonesia, Pilipinas, Vietnam, at Thailand. Bagamat hindi direktang nakadaragdag sa pagkasira ng mundo ang plastic ito naman ay isa sa pangunahing dahilan ng sistematikong pagkasira ng kapaligiran dahil ayon

dalampasigan ng Boracay , ngunit higit na nakaapekto ang hindi pagsunod ng mga mamamayan nito. Pangkabuhayan ang dalampasigan ng boracay sa mga mamamayan nito, dapat itong alagaan at panatilihin. Mistulang 14 lamang sa 151 Commercial establishments at residente ang sumusunod sa “ Clean Water Act”, ang iresponsableng gawain ng hindi tamang pagdispatsa ng maruming tubig o drainage system ay nagpataas ng lebel ng fecal caliform. Walang gustong lumangoy sa maruming tubig, lalo na sa malumot na tubig. Lumutang ang algal blooms dahil sa mataas na konsentrasyon ng dumi sa dalampasigan. Lalong hindi napakinabangan at nasira ang imahe ng tinaguriang ‘White sand beach ‘. Mistulang naging wetlands na lamang na nauubos na rin ngayon. Kawalan sa mga eksperto, aabutin ng 500 tao bago pa ma-decompose ang mga ito. Nito lamang taon, namataan ang isang balyenang napadpad sa Thailand at namatay. Bago nasawi, nagsuka pa raw ng limang plastic bag

ng patuloy pagmamatyag ng mga may kapangyarihang pangalagaan ang isla kung kaya’t apat na lang sa siyam na wetlands ang natitira ngayon sa Boracay. Naimprentahan na ito ng 937 establisyomentong nakatayo dito na inangkin at sinira ang lupang para sa lahat, sa mga tao, hahalaman at hayop. Ang mga puka shells , nesting ground of marine turles , flying foxes at fruit bats ay nasisira na rin sa kapabayaan ng mga tumutuungtong sa isla. Dahilan ito upang ipasara ang Boracay sa lahat ng mga turista maging sa mga mamamayan. Bagaman, marami ang umangal sa mga unang araw sapagkat nawalan ng kinikita ang mga residenteng naghahanap buhay doon. Ngunit sa mga unang araw ng pagsasara ay binungkal at tinanggal ang mga drainage pipes na nagpaparumi sa isla at dalampasigan. Komersyalidad ay naging kapabayaan sa isa kung kaya’t isa lang ang solusyon ang pagtitibag ng kalhating libong establisyamentong nasa illegal na lugar, nasa kalapit ng daampasigan at hindi sumusunod sa tamang pagpapalakad ng kalinisan. Ang paglilinis naman ay isinagawa ng

CAPRICIOUS ALLYSA JANE MONTIERO

A

DAAN SA KAUNLARAN

ng bawat isa sa atin ay may mga sari-sariling ambisyon na naisin nating maabot, at makakamtan lamang ito kung may sapat kang pinagaralan ukol sa propesyong ito. Ngunit sa panahon ngayon, kung saan laganap ang inflation o ang pagtaas ng mga bilihin, dagdag pa ang kahirapan ng buhay, tila katiting na lamang ang magiging chansa mo sa pag-abot ng mga pangarap na ito. Kaya imbis na ipagpatuloy ang pag-aaral hanggang kolehiyo mapipilitan ang iba sa atin na tumigil na lamang dahil mas mabuting ang bibig ang kumain at pakalmahin ang kumakalam na sikmura kaysa pakainin ang utak na gutom sa edukasyon. Mas mabubuhay nga naman tayo kapag may pagkain, hindi ba? Sa isang bansa na tila puno pa rin ng mga namumunong nagnanakaw sa kaban ng bayan parang imposible na magkaroon ng libreng pagaaral sa kolehiyo. “Nakatapos ako ng kolehiyo sa kursong ganito…” Ang sarap sigurong banggitin ng mga salitang iyan, ano? Kahit sino nanaising makatapos ng kolehiyo dahil talagang isang malaking karangalan ang makapagtapos

ng pag-aaral ng may ‘degree’. Sa kasamaang palad marami ang hindi nakapagtapos ng pag-aaral noon dahil hindi biro ang matrikula ng mga kolehiyo o unibersidad. Dagdag pa ang kasalatan sa buhay. Kaya naman tila isang anghel na bumaba sa lupa mula langit ang balitang pagpapatupad ng libreng matrikula sa kolehiyo. Ang Republic Act No. 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act ay naglalayon na bigyan ang mga estudyante mula kolehiyo ng libreng matrikula at sasagutin din nito ang ibang fees. Ito ay pinatupad ngayon lamang academic year 20182019. Ayon sa Commission on Higher Education (CHED) officer-in-charge, P40 bilyon ang nakalaang pondo para sa unang taong implementasyon ng nasabing batas. Gayonpaman, ito’y epektibo lamang sa mga piling paaralan; 112 State Universities and Colleges (SUCs), 78 local Universities and Colleges (LUCs) at sa lahat ng Technical – Vocation Education and Training (TVET) na programang rehistrado sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Financial Aid” bibigyan ng 50% ng minimum wage sa Visayas ang mga nawalan ng trabaho at 25% ang mga napanatili ang pang kabuhayan ngunit naapektuhan naman ng paglilimita ng flights papuntang boracay. Dahil nabawasan ang mga mamamayan tama lamang na higit pang mabawasan sa bilang ang mga turistag 6000 ang papayagan araw-araw dahil ang rehabilitasyon ang balanse ng pagsasaayos ng imprastraktura, kapaligiran, at populasyon. Nakahain na ang batas, ginawa na ang aksyon at higit na nakikita ang resulta, mistulang ginawang “ OLD BORACAY “ noong 1970 - 1980’s ang “ STATE OF CALAMITY “ makaraan lamang ang 7 buwan , kakayaning matapos ang mga natitirang bahagi ng rehabilitasyon at ang pagtatapos ng pagpapaganda ng kapaligiran at ang gising sa ekonomiyang naka “ sleeping beuty” lamang ay ang inaantay na pagbubukas ng “New Boracay”.

“Ang iresponsableng hindi

pagdidispatsa ng drainage system ay nagpapataas ng lebel ng fecal caliform.“

Malaking porsyento rin na ang plastic ay napupunta sa mga karagatan. Kung kaya’t batay din sa pag-aaral na ginawa ng Jambeck Research group sa University of Georgia USA, aabot sa 8 to 12 milyong tonelada ng plastic ang napupunta sa ating mga karagatan taun-taon o katumbas ng isang trak ng basura kada minuto. Isa sa nakikitang solusyon ng senado ang pagbibigay ng plastic recycling factory sa mga probinsyang nasa paligid ng Manila bay at Metro Manila. Ngunit hindi solusyon ang pagrecycle sa paggamit ng plastic sa matinding problema na kinakaharap sa basura lalo na sa Metro Manila. Ang mga plastic na basura kasi ang kadalasang bumabara sa mga imburnalat mga daluyan ng tubig na nareresulta ng pagbaha lalo na sa Metro Manila. Sa inihaing House bill 106 ni Cavite Rep. Lani Mercardo-Revilla, nakasaad dito na sa loob ng 3 taon ay dapat na unti-unti ng ipagbawal ang paggawa, pagbebenta,at paggamit

“Isipin mo na lamang na ito ang daan sa magandang kinabukasan .“ ang balyena. Nang ma-awtopsiya, lumalabas na mayroong 80 plastic bag sa tiyan ang balyena at iba pang plastik na gamit na may kabuuang timbang na walong kilo. Kahit ang mga malalaking hayop ay apekatdo dahil sa kapabayaan nating mga tao.

mga boluntaryo, mamamayan at sugo ng gobyernong nagbibigay ng ambag nila sa pagsasaayos ng isla upang mapuliang islang natatambakan na rin ng 85 toneladang basura araw-araw.

Dagdag pa rito maaari ring mag-loan ang mga estudyante kung sakaling may iba pang bayarin sa paaralan at tinatayang isang bilyong piso ang inilaan para sa programang ito. Sadyang kagaan-gaan ang balitang ito, hindi lamang sa damdamin kundi na rin sa bulsa ng mga magulang. “Maganda at nakakabawas sa ibang gastusin. Naranasan ko kay Lynzie noon [panganay na anak] nagbabayad ako ng umaabot sa twelve thousand yearly. Ngayon naman kay Erica [pangalawang anak] wala ng tuition kaya malaking tulong.” Ayon kay Lucena Pambago isang maybahay na residente ng Brgy. Bangyas, Calauan Laguna ng tanungin ukol sa libreng matrikula sa kolehiyo.Bukod pa dito, masasabi talaga nating madaming maidudulot ang libreng matrikula sa kolehiyo. Tulad na lamang ng mataas na ekonomiya. Ibig sabihin, kung mahuhubog ang lahat ng tao sa Pilipinas sa kani-kanilang naising eksperto, magiging maunlad ang bansa dahil makapaglilikha na tayo ng mga indibidwal na may matataas na propesyon kung saan sila ang tutulong upang makabangon na ang ating bansa sa nabulok na nitong titulong kinabibilangan , ang matagal ng tinatawag na ‘third world country’. Minsan na din ba kayong nanghiyang sa isang kamag-aral o kakilala na sobrang tataas naman ng mga marka

Nagpatupad ng “no compliance, no opening” ,hindi pa makakapagbukas ang mga hindi sumusunod, ang mga sumisira sa isla. Naging epekto ng mga hakbang sa pagsasa-ayos ang pagparedistino ng 15,000 sa pagsasara ng mga establisyamento sa boracay. Hindi rin pinabayaan ng pamahalaan ang mga residenteng walang kinikita, inalalayan ang isla at mga naninirahan sa paraang bibigyan ang mag-aaply sa DOLE ng “Monthly

NINAY

RHONNA MAE ALIGARBES

Disiplina sa Basura

ng mga Non Biodegradable Plastics. Kayat naisip ng ating pamahalaan ang panukala ukol sa Plastic Ban. Kung saan ang paggamit ng plastic straw ay tuluyan na ring nalimitahan. Sa panukalang ito, nakagawa ng paraang ang ilang mga negosyante na gumamit ng straw na gawa sa papel kasunod ang iba pang mga produktong plastic na gumamit ng mga papel o sa mga recycle material. Sa pagkakataong ito, marami na ring mga eksperto ang humahanap ng paraan upang tuluyan ng maiwasan ang paggamit ng mga plastics. Kung kaya’t ilang establishimento na rin ang nagsimulang hindi gumamit ng mga plastics at ang ilan ay kutsara’t tinidor na metal. Nararapat lamang nating pahalagahan ang Inang Kalikasan. Huwag na tayong matulog,ito na

ang oras upang gumising ka sa katotohanan na kailangan ka ng mundo. Nahihirapan ka ba sa ngayon?Isipin mo na lamang na ito ang daan sa magandang kinabukasan ng susunod na henerasyon. Higit Kailanman,sa ating buhay, nararapat lamang nating isaalang alang kung ano ang mas makabubuti para sa nakararami. Dapat nating isaalang alang ang mga bagay na higit na makakatulong sa ating kapwa at lalo na sa ating Inang Kalikasan. Kagaya na lamang ng panukala ukol sa pagbabawal ng plastik at kaakibat din nito ang panukalang “STRAWLESS” kung saan ang mga straw ay papalitan na ng papel.Sa iyong palagay tama ba ito? Ito nga ba ang susi upang maingatan ang inang kalikasan? n

ngunit tumigil na ng pagaaral dahil sa pinansyal na problema? Ang RA No. 10931 ay malaking tulong para sa mga pamilyang sobrang kapos sa buhay dahil kahit papaano magkakaroon na rin ng pagkakapantay-pantay kahit sa edukasyon lamang. Tulad nga ng

pondong ginagamit dito ay hindi ba galling din naman sa mga buwis na binabayad ng taong bayan? Gayonpaman, salamat sa mga nakaupo sa gobyerno dahil sa wakas napakinggan na ang boses ng mamamayan dahil ipinatupad na nila ang libreng kolehiyo. Sa kabila ng mga hindi magagandang balita tungkol sa pagpapalakad ng kasalukuyang administrasyon, masasabi kong ang pagpapatupad ng batas na ito o ang “free tuition fee law” para sa kolehiyo ay isang malaking pambawi sa gitna ng magulong bansa kung saan laganap ang mataas na rate ng inflation, ang walang tapos na isyu ayon sa pinagbabawal na gamot at siyempre ang walang kupas na korapsyon. Ang gasgas na linya na “Edukasyon ang susi sa kaunlaran”, mas nanaisin kong gamitin ang edukasyon bilang sandata sa lahat ng kaguluhan sa lipunan dahil ang kaunlaran ay isang mataas na salita na hindi birong abutin,kakailanganin muna nating tumapos ng gera upang makamtan ang susi at maabot ang kaunlaran. Naniniwala akong na ang isang taong edukado ay alam ang gagawin sa oras ng sakuna. Tunay na ito ay susi sa kaunlaran, ngunit mas magiging ito ang susi kung ang lahat ng mamamayan ay makakakamtan ng libreng edukasyon. Makabubuo tayo ng kanya kanyang propesyon at kapag pinag buklod-buklod ay magtuturo sa atin sa daan ng patungong kaunlaran.

“..a ng isang taong edukado ay alam ang gagawin sa oras ng sakuna.“ sinasabi sa kasabihan na “hindi mo kasalanan na pinanganak kang mahirap, pero kasalanan mo na kung mamatay ka pa ding mahirap”. Itong kasabihan na ‘to ay isa sa aking mga paborito dahil kapwa totoo ang mensahe na ito. Sobrang dami na ng paraan upang mkapagtapos ka ng pag-aaral at maging matagumpay sa buhay tulad na nga ng iba’t ibang libreng edukasyon na ipinapatupad ng gobyerno. Oops, Sandali mas nanaisin kong tawagin ito na libreng edukasyon mula sa bayan dahil ang

n


20

THE GEARS

PAMAYANAN

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY - SANTA CRUZ MAIN CAMPUS

AGOSTO - SEPTYEMBRE 2018 | TOMO LVIII BLG 8

Tungong Pagbabago, LSPU Imprastraktura para sa lahat n

TEKSTO // JOYCE ANN FABULA AT ROMEL BRIAN FLORENDO LARAWAN // CHRISTOPHER JOHN KABIGTING

K

asabay ng pagkakasertipika ng International Standard Organization sa ating unibersidad, maraming pagbabago sa komunidad ng LSPU, paligid man o sistemadong paraan, katulad ng iba’t-ibang teknolohiya na pumapaligid na sa unibersidad, at isa sa malaking pagbabago na mapapansin ay ang kaliwa’t-kanan na imprastrakura. Isa itong malaking hakbang sa unibersidad lalo na’t naaprubahan na ang walang matrikula para sa ibang lokal na unibersidad sa rehiyon, kung saan katuwang ang gobyerno para sa milyon-milyong kakailanganin para sa pondo. Bago pa man nagkaroon ng malaking pagbabago, bilang isang pampublikong unibersidad, ang Laguna State Polytechnic University (LSPU) – Santa Cruz ay paaralan ng ilang libong mag-aaral mula sa iba’t-ibang lugar sa Laguna, ngunit sa higit na bilang, ay hindi na kinakaya na panatilihin ang tamang bilang ng mga mag-aaral sa isang silid. Dumating sa punto na may mga guro na kailangang magturo sa mga sheds upang walang malampasang leksyon dahil lamang wala nang

silid na maari nilang magamit. Kahit sa bawat sulat ay may mga dumadaan at labis na ingay ang nasa paligid ay kinakailangan na ituloy upang hindi mahuli. Kasabay pa nito ang kakulangan sa mga silid na may bentilador o tamang daluyan ng hangin kaya’t sa bawa’t sulat ng estudyante sa kanikanilang pahina ay siyang punas sa mga pawis na patuloy na tumutulo at paypay sa bawat parte ng katawan. Kung kaya’t isa sa mga layunin ng ISO ang pagtingin sa mga pagbabago ng isang institusyon. Dito, pinondohan ng unibersidad ang sampung iba’t-ibang imprastraktura ng paaralan para sa pagbabago at para sa mga estudyante ng paaralan. Ilan sa mga nakikitang pagbabago ay ang Engineering Building, bagong Cafeteria, CAS building at ang Academic Building. Walo sa sampung plano na magpatayo ng mga gusali ay nakaabot na sa 100% completion kung saan tapos na ang pag-gawa ng mga gusali at samantalang ang dalawa sa sampu na kakaumpisa pa lamang ay nasa 35.58% hanggang 40%. Ang mga sinabing plano ay inumpisahan

noong Mayo at ang karamihan ay natapos na bago pa man magumpisa ang umpisa ng klase noong Agosto, kung saan maraming first year ang papasok na sa unibersidad at layunin ng unibersidad na matugunan ang mga pangangailangan ng mga estudyante. Ilan lamang ito sa mga pagbabago na naipatupad ng administrasyon upang makasabay sa sertipikasyon ng ISO, ang matugunan ang estudyante sa lalong madaling panahon. May iilan na lamang na proyekto ang unibersidad katulad ng Phase VI ng Engineering Building at ilang pagtatapos na lang ng ibang gusali katulad ng Cafeteria at Silid-Aklatan. Mas maraming silid para sa mas maraming estudyante, iyan ang isa sa mga plano ngayong taon. Higit na mahalaga ang lugar kung saan komportable ang mga estudyante na matuto, dahil sa una pa lamang, ang paaralan ang pangalawang tahanan ng isang tao, at bilang isang paaralan, marapat lamang na ibigay ang dapat sa nangangarap. Kaakibat ng patuloy na pag-unlad ng mga

imprastraktura ay ang pag-unlad ng mga estudyante, at ang pag-unlad ng mga estudyante ay kaunlaran rin ng unibersidad. Sa pamamagitan nito, hindi lamang tumataas ang pamantayan na naabot natin sa ISO kundi ang kalidad ng edukasyong matatanggap natin kaakibat ng suporta ng gobyerno. Ang kailangan lang ay ang pagkaingatan ang mga bagong pasilidad na ito nang sa gayon ay mapakinabangan din ng mga susunod na henerasyon ng LSPU n

Alternative Learning System Edukasyon handog para sa mga Pilipino n

TEKSTO // ALFRED NEAN CANOVAS | LITRATO // SHIEN RHOEL MORAL

T

ayong mga Pilipino ay masipag kaya’t ang kasabihan na ‘Pag may tiyaga, may nilaga” ay nakadikit na sa mga pangalan ng bawat isa lalo na’t sa hindi mga nakapagtapos ng pagaaral dahil gusto natin na maging maayos at makakain ng tatlong beses sa isang araw ang ating pamilya, kaya’t kahit na mapadako man tayo sa kabilang dulo ng mundo ay ating titiisin. Ito ay Isang kasabihan na nagbibigay rin inspirasyon sa mga taong may mga pangarap. Ito rin ang nagsisilbing tag-line ng mga estudyanteng pinipilit makatapos sa pag-aaral kahit na sobrang hirap na ng buhay. Ipinunto pa ni Angara na sa isang survey ng Philippine Statistics Authority noong 2016, lumabas na isa sa bawat 10 kabataang Pinoy na may edad 6 hanggang 24 ay mga out-ofschool-youth. Ayon pa rin sa survey, sa kabuuang bilang ng mga out-ofschool youth, mahigit kalahati nito o 53 porsyento sa mga ito ay nagmula sa 30 porsyentong pinakamahihirap na pamilya sa bansa. Sa isa pang pag-aaral, ayon kay Senator Sonny Angara, lumalabas naman na sa kabuuang 100 mag-aaral na papasok ng elementarya, wala pang 20 sa mga ito ang nakaaabot at nakatatapos ng kolehiyo. Kadalasang dahilan-matinding kahirapan. Tayong mga Pilipino ay may karapatan na magkaroon ng free basic education, kaya’t ang ating gobyerno ay sinumalan ang ALS o Alternative Learning System para mabigay at makamit ng mga Pilipino ang Basic Education na magbabatay sa kanilang mga sitwasyon. Ang 1987 Philippine Constitution ay ang nagbibigay pansin at pagsisimula sa ibang klase ng edukasyon bukod sa pormal na edukasyon. Ang Governance Act para sa Basic Education ay tinatawag din bilang Republic Act 9155 na nasimulan ng ALS o

Alternative Learning System para matulungan ang mga Out-ofSchool Youths, mga manggagawa, may kapansanan, nakalaya sa bilangguan, dating rebelyon ng gobyerno, mga katutubo, at iba pang tao na hindi nakapasok sa paaralan o hindi nakatapos ng pag-aaral ngunit nagnanais matuto at magpatuloy sa pag-aaral. Ang ALS ay may dalawang programa na ipinatupad ng Department of Education sa pamamagitan ng Bureau of Alternative Learning System o BALS. Isa mga programa ng ALS ay ang Basic Literacy Program at ang isa ay ang Continuing Education ProgramAccreditation and Equivalency (A&E). Ang parehong programa ay pwedeng mangyari kahit saan. Ibig sabihin nito na ang karunungan ay pwedeng madala kahit kelan, kahit saan, depende sa mhga taong may kailangan. Ang kaibahan ng ALS sa Pormal na edukasyon na sistema ay ginaganap sa isang silid - aralan na ang nagtuturo ay isang rehistradong guro at ang ALS naman ay hindi pormal dahil ito ay nagaganap sa labas ng silid-aralan, sa mga learning center o sa mga barangay multi-purpose hall, napinamamahalaan ng ALS learning facilitators, mobile teachers, district ALS Coordinators, Instructional managers sa mga napag usapan nalang mga iskedyul at kung saan sila mag sasagawa ng pagtuturo. Sa kasalukuyan, nakapagtala na ang Department of Education (DepEd) ng 89,000 enrolees sa Alternative Learning System (ALS) na nagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa edukasyon ng mga kabataang nahinto sa pag-aaral at mga may edad na. Ito na marahil ang tinatawag na ‘second chance education’ para sa lahat sapagkat marami na ang natulungan ng programang ito. Sa pagpapatuloy nito, mababawasan na ang kaso ng out-ofschool youth sa bansa at ang kahirapan dala ng kakulangan sa edukasyon. n


THE GEARS

PAMAYANAN

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY - SANTA CRUZ MAIN CAMPUS

21

AGOSTO - SEPTYEMBRE 2018 | TOMO LVIII BLG 8

N

ormal na sa pang-araw araw na buhay ng mga motoristang Pilipino ang makaranas ng buhol-buhol na trapiko sa iba’t ibang lugar sa ating bansa. Dito pa lamang sa Laguna, kasama na sa pangkaraniwang araw na sa mga taga-ikalawang distrito ng lungsod partikular sa bayan ng Calamba at Los Baños, ang matagal at mahabang trapiko na s’yang nagsasanhi ng pagkabugnot at pagkainis ng mga mtorista. Bago pa man makapasok sa eskwelahan o trabaho, orasoras ang bibilangin hindi dahil malayo ang destinasyon kundi dahil sa trapiko. Ayon nga sa isang pag-aaral, ang Greater Manila Area ngayon ay man 5,000 kilometro na lansangan na dapat ay 8,000. Sa EDSA, nasa 6,800 na sasakyan ang dumadaan araw-araw na dapat ay 6,000 lamang. Sinabi rin ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines na 320,000 sasakyan ang naibente noong 2015 at 350,000 noong 2016. Iwas trapiko Sa bawat proyektong ginagawa, ay may kaakibat na pagsasakripsyo. At sa kalagayang ito, ang mga Provincial Bus ang maaapektuhan sa pagpapatupad nito. Sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) Order No. 2018-025, ang mga bus galing probinsya patungo sa Metropolitan Area ay kailangan magtapos sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX). Sa pagpapatupad nito, mababawasan ang mga bilang ng sasakyan na dumaraan sa EDSA na nagiging dahilan ng trapiko sa nasabing lugar. Kaugnay nito, umaapela ang ilang bus operators na ipagpaliban ang magiging operasyon ng PITX. Ngunit nilinaw naman LTFRB na wala silang pinapaboran sa pagpapatupad ng proyektong ito kundi tanging ang mga commuter upang mas maging maginhawa ang kanilang byahe. Konsepto ng Landport: Solusyon na sa trapik Bilang bahagi ng handog na solusyon sa trapiko ng gobyerno, sinumulan ng gawin ang kauna-unahang landport sa ating bansa, ang PITX sa coastal road ng Paranaque City at CAVITEX. Ang proyektong ito ay naglalayon na maging isang all-in-one terminal na kayang okyupahin ang mahigit 100,000 na pasahero sa Kalakhang Maynila. Dito rin inaasahang magasasakay at magbaba ng pasahero ang mga bus ng patungong Southern Tagalog region mula Maynila at pabalik. Dahil dito, lubos na inaasahan ang pagluwag ng daloy ng trapiko sa ka-Maynila-an.

World-class Transport Hub sa bansa Ang P5.6-bilyong proyektong ito ay magkakaroong ng tatlong palapag na may iba’t ibang tungkulin para sa mga sasakyan. Ang unang palapag ay nakalaan para sa mga paalis na mga bus, taxi at jeep. Dito lamang sila maaaring magsakay ng pasahero sa loob ng terminal. Ang ikalawang palapag naman ay para sa mga paparating na bus kung saan ito lamang ang nakalaang lugar upang magbaba ang mga public bus ng mga pasahero. Ang pinakamataas na palapag naman ay nakalaan para sa mga pribadong sasakyan na maaaring magsilbing parking area. Magkakaroon din dito ng proyekto na s’yang magdudugsong sa landport patungong LRT-1 para sa mga kumyuters. Magkakaroon pa raw ng dalawang landports sa ibang bahagi ng Maynila at plano rin daw lagyan ito ng centralized shopping center at health and wellness amenities, ayon sa DOTr. Ang mga ito ay sistematikong susundin kapag naisagawa na ang proyekto. World class na pasilidad ng bus terminal na tulad ng mga paliparan ang matitikman ng mga bumibiyahe. May departure, arrival area, automatic entrance, arrival at departure monitoring, malilinis na palikuran at kung praktikal ang mga provincial bus mula sa South sa Metro Manila/EDSA at Roxas Blvd. Isang paraan upang mapagaan ang trapiko ay ang pagdadagdag ng mga kalsada, skyway at riles. Nagkakaroon ng access roads ang mga motorista na nagbibigay iwas sa grabeng karanasan sa mahabang

trapiko hindi lang sa ka-Maynila-an kundi sa iba’t ibang lungsod o bayan ng bansa. Isang malaking kaginhawahan para sa mga bumibiyahe ang magandang pagdaloy ng mga sasakyan, isang malaking tulong lalo na sa pagkonsumo ng oras. Sa pagdadagdag ng mga pampublikong daan, isang malaking senyales ng pag-unlad ng bansa ang kaakibat. Hindi lamang para sa mga pampublikong motorista kundi para rin sa pangkalahatang benipisyo ang dulot ng ganitong pag-unlad. Sa bawat pagdami ng sasakyan sa Pilipinas, kaakibat nito ang paglapad ng mga proyektong nakalaan para sa transportasyon na magreresulta upang masolusyunan ang mabigat na problema ng mga motorista. Isang kapuri-puring hangarin ang pagpapahupa ng matinding trapiko sa bansa upang sa gayon ay hindi na magdusa ang libu-libong manggagawa na nangangailangan makapasok sa kanilang mga opisina at pabrika sa tamang oras. Tunay ngang nagkakaroon ng progesibong pag-unlad ang ating bansa. Sa mga hakbangin ng mga gobyernong ito, unti-unting nagagawan ng paraan at masolusyunan ang mga problemang trapiko sa ating lipunan. May mga mamamayan mang kailangan magtiis, ay pilit namang sinisurado ang ginhawa ng publiko at kapakanan ng ating mga mananakay. At sa ating pang-araw-araw, hindi na magtitiis ang mga motorista sa kahabaan ng trapiko at madali ng makakarating sa mga paroroonan. n

Manila-Laguna Railways Rekonstruksyon Mabilis na Kaginhawahan n

TEKSTO // SHULA MAE CASTRO | GRAPHICS // BEA JOY JAVIER

M

ahalaga ang naging gampanin ng mga tren bilang mabilis na transportasyon patungo sa mga paroroonan. Ang mga tren ang tinaguriang hari ng mga sasakyan noon bagamat sa paglipas ng panahon ay unti-unting napapalitan ito ng mga modernong sasakyan. Ang Philippine National Railways (PNR) ang nag-iisang railway company sa bansa na nangunguna sa pagpapalawak at pagpapayabong ng mga riles upang mas maging mabilis ang biyahe ng ating mga mamamayan. Isa sa proyekto ng kumpanya ang buhayin muli ang mga ruta partikular sa lugar ng Laguna sapagkat mahigit 20 riles mula sa iba’t ibang bayan ng Laguna ang hindi na napapakinabangan ngayon, natatambakan na lamang ng mga damo at pinamamahayan ng mga informal settlers dahilan upang bigyang pansin ng PNR. Bagaman taong 2013 ay hindi naipagpatuloy ang isa sa mga proyekto dahilan sa mga ilang isyu ng pamahalaan ay muling sinimulan ng PNR ang ManilaLaguna Railway Project na binigyang tuon

ang pagbubukas ng riles na magmumula sa Maynila hanggang Calamba na may layong 54 kilometro. Naglaan ang pamahalaan ng mahigit 10 bilyong piso para sa pagpapaayos ng riles at pagbili ng mga bagong tren na hindi lamang gagamitin sa commute ng mga pamasahero kundi para na rin sa mga shipment ng cargo na magkokonektado sa International Container Terminal Service Inc. (ICTS) terminal sa Laguna. Layunin nito na mas mapabilis pa mismo ang paghahatid ng mga cargo upang maiwasan ang abala dahilan sa mabigat na trapik gayundin ang makapaghatid ng mabilis na serbisyo sa mga pasahero. Inaprubahan naman ito ng National Economic and Development Authority (NEDA) noong Setyembre 2017 na magbibigay pondo rin ang China sa nasabing proyekto. Sinigurado naman ng PNR ang pagtatapos ng proyekto bago matapos ngayong taon dahil isa ang proyektong ito sa isinasaad na Build! Build! Build! Project ni Pangulong Rodrigo Duterte na

mabigyan ng kaginhawaan at kaayusan ang lumalalang krisis sa trapiko ngayon sa Pilipinas. Maliban sa kaginhawaan at kaayusan ng trapiko na ipinapangako ng proyektong ito, makatutulong din ang ito sa pagpapadali ng pagpasok at labas ng mga mamayan at shipment cargo mula sa Manila papuntang Laguna sa mas mablis na paraan. Mas lalo ding masisigurado ang kaligtasan ng mga shipment cargo at pasahero sa pamamagitan ng railway system na ito sapagkat mas mababa ang probabilidad na masabit sa aksidente ang mga tren. n

300,000

pasahero mahigit ang maseserbisyuhan sa pagtatapos ng proyekto sa 2021


THE GEARS

PAMAYANAN

22

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY - SANTA CRUZ MAIN CAMPUS

AGOSTO - SEPTYEMBRE 2018 | TOMO LVIII BLG 8

Tara na sa Laguna

Bagong Panahon sa Lumang Produkto n

TEKSTO // WESTLHEY CANONIGO | GRAPHICS APOLONIO ESTRELLA

Gawang Lokal na Produkto sa kabila ng huwad na Instrumento

S

a ating pagyakap sa mga makabagong produkto dulot ng globalisasyon, ang mga lokal na produkto ay kalimitang hindi napapansin. Sa Ekonomiya ng Pilipinas, ang proseso ng paglabas ng mga produktong galing lokal ay isinasaalang-alang upang mas lumaki ang kita ng ekonomiya dahilan upang hindi mapansin ng lubos ang pangangailangan ng pamilihang lokal. Isa ang Laguna sa munting probinsya na mayabong sa likas na yaman na mayroon ito, malimit puntahan din ng mga turistang lokal at dayuhan. Sa tulong ng iba’t ibang lokal na pamahalaan ay nagsasagawa ang bawat bayan ng mga piyesta upang maipresenta ang kanilang ipinagmamalaking mga produkto para mas balik-balikan ng iba’t ibang mamamayan – pamatid sa nagtatakam na sikmura at kung ano ba ang tunay na lasa ang meron sa Laguna.

Pamamayagpag, Lokal na produkto

Ayon sa Philippine Statistics Authority, taong 2010 sa Laguna namamayagpag pa rin sa pagpoproduce sa Agrikultura ang Palay, pumangalawa ang Niyog at pumanghuli naman ang Mais kung saan ang mga hilaw na produkto na ito ang ginagamit upang makagawa ng mga matatamis na kakanin, matamisin, at iba pa. Hindi makakagawa ng mga matatamis na Buko Pie, iba’t ibang uri ng Puto, Ube, Maja, at iba pang pinagmamalaki ng bayan ng Laguna ngunit sa mga makabagong produkto na dumadaan sa prosesong minamakina, nawawala na unti-unti ang presensya ng bawat pagkain. Kaya’t bilang Laguneño, kilala mo pa kaya ang mga produktong ito:

Keso’t Uraro sa Laguna

Kilala ang Uraro lalo na sa mga tiga-Laguna at sa Marinduque, kalimitang matatagpuan sa Liliw, Laguna kung saan maaaring gawing alternatibo bilang pagkain ng mga bata, hindi katulad ng mga patatas at Cassava na mataas ang bilang ng calories. Kesong puti naman ang tawag nila sa produktong nagmula sa Santa Cruz, Laguna; gawa ito sa gatas ng Kalabaw. Umusbong ang paggagawa nito noong panahon pa ng Espanyol na bitbit pa rin ang kulturang ito magpa-hanggang ngayon. Isa rin ito sa mga produktong maipagmamalaki ng bayan sapagkat binabalik balikan ito ng bawat turistang mamamayan sa loob o labas man ng probinsya. Bilang parangal sa masaganang produkto, binigyang pugay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng Kesong Puti Festival na ginaganap tuwing ika-7 hanggang ika-12 ng Mayo taon-taon upang maipreserba pa at makilala ang natatangi

ngunit hindi na masyadong ginagamit ng karamihan sa bayan ng Santa Cruz.

Balik tanaw sa Ube’t Pastillas

Binabalik-balikan ng bawat turista ang Native sweet delicacies na ipinagmamalaki ng San Pablo, Nagcarlan at Calauan sa produkto, maging ang mga bayan na ito ay may sari sariling paraan at tradisyon na pinapakita lalo na sa mga produktong kanilang binebenta. Kilala ang mga ito sa paggagawa ng mga ube, yema at iba pa na patok sa bulsa ng bawat mamimili. Kinikilala rin na ang Espasol; rice flour at coconut strips ang mga pangunahing produkto upang makabuo ng masarap na Espasol ay gawang Laguna. Hindi lang naman ube at yema ang matitikman sa haligi ng bawat bayan na nabanggit, pastillas rin ay tampok sa kanila dahilan upang mas makilala sila sa ganitong mga matatamis na oagkain na magpasahanggang ngayon ay nakikita pa rin.

Pamanang Sambalilo’t Saya sa mga Lagunense

Kung pamana pa ni Inay ang hanap, sa Baro at Saya na gawa pa sa Lumban ang tatagal na siyang pinakamatandang ‘hand embroidery’ o burda sa Laguna. Sapagkat panahon pa ng pinakalolo at lola natin nagsimula itong pagbuburda na pinagpasa-pasahan na hanggang sa henerasyon ngayon. Marahil ilan sa mga personalidad pa ang mga dumadayo sa mismong lugar makabili lang ng sikat na produkto gawa ng mga tanyag na ‘fashion designer’ sa Lumban. Sambalilo ang ipinagdiriwang ng mga taga-Cavinti tuwing sasapit ang Agosto kung saan patok ang iba’t ibang kulay at disenyo ng mga sambalilo at iba pang mga produkto na gawa sa dahon ng pandan. Mas ipinapakilala pa nito ang produkto sa pamamagitan ng pag-didisplay sa Agricultural Trade &

Craft Exhibit kung saan ipinapakita ang galling at husay ng mga taga-Cavinti pagdating sa paghahabi. Taong 2016 nakasungkit ng pwesto ang Cavinti, Laguna bilang nakagawa ng pinakamalaking Sambalilo sa buong mundo kung saan inirecord ito sa Guinness World Records na may taas na 13.05 m at lapad sa diameter na 13.05, na gawa lamang sa dahon ng Pandan.

Iangat muli ang Produktong Laguna!

Maaaring sumagi na at naalala ang mga produktong kalimitan nating binibili dati sa inyong mga isipan, Nagsisilbing paraan na rin ito upang maging buhay muli ang mga produktong mayroon sa atin. Sapagkat kilala ang mga Pilipino sa pagiging tapat sa tatak na kanyang tinatangkilik ngunit ang pagiging matapat ay maituturing na positibo o negatibo. Magiging positibo lamang ito kung ang pamilya ay gumagamit ng isang lokal na produkto dahil ang mga miyembro ng pamilya ay patuloy na gagamitin ang parehong produkto at kung ito ay mananatili sa pamilihan. Gayunpaman, magiging negatibo ito kung ang pamilya o ang indibidwal ay tapat sa isang dayuhang produkto. Bukod sa nagbebenta ng produkto, iilan lamang ang mga Pilipino na nakikinabang mula sa pagbili ng mga ito. Ang pagbili ng imported na produkto at pananatiling tapat sa ito ay nkaakaapekto sa lokal at pambansang ekonomiya; nkakaapekto sa trabaho at apekto ng direkta sa iyong pamilya. Sa pamamagitan ng pagtangkilik sa sariling atin ay naipapakita natin ang pagmamahal natin sa ating lugar. Ito ay malaking ambag para sa ikauunlad ng ating bansa. Bukod dito naipapakita natin ang nationalismong kaisipan sa pagtangkilik ng gawang Pilipino. n

Kritika Agrikultura

n

TEKSTO // CHAELLY ALLYSON BALITACTAC AT VINCE VILLANUEVA

Pagpapaunlad ng produksyon para sa Agrikulturang MakaMASA

P

inggan ng kanin, katambal ang isang pritong tuyo. Sa patul oy na pag-usad ng ating bansa ay ang pagsabayng mga Pilipinong isang kahig, isang tuka pa rin ang kain. Kamakailan lamang, pinag-usapan ang pag-aangkat ng ating bansa ng tonetoneladang “Galunggong” o “Round Scad” sa Ingles mula sa ating mga karatig bansa na nagbunsod sa pagkakaroon ng malawakang “Fish ban season” na nagpahirap sa ating kababayang mangingisda ang pangunahing ikinabubuhay. Dagok ang alok Dahil sa pag-iimplementa ng Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) Act, tumaas ang halaga ng marami sa mga bilihing tinatangkilik ng masang Pilipino gaya ng bigas, sardinas, mantika, asukal, kape, gatas at iba pa. Kalakip pa nito ang excise tax ng petroleum products na gasolina, diesel, kerosene at LPG. Bagama’t ang galunggong ay tinatawag na “poor man’s fish” pumapalo na ang kilo nito sa presyong 120 hanggang 150 kada kilo. Mas lalong nakaapeto ang “fishing ban” ngayong Setyembre upang mas tumaas ang presyo nito sa humigit kumulang 180. Ang nakapagtataka ay kung saan papatungo ang pagpapatupad nito kung magiging mababa ang supply at mataas lang namang presyo ang tatanggapin natin. Para na rin tayong nag-“smuggling” ng sariling produkto upang malamangan ang iba. Solusyo’y bigyang tuon Isa sa tatlong uri ng pangingisda ang tinatawag na “Municipal Fishing”. Dito nakapaloob ang mga pangingisda sa loob ng bawat lalawigan kabilang na ang Laguna. Sa katunayan, ang ganitong pangangalaga ng yamang dagat ang nagiging unang tahanan na nagpapalaki sa mga isda kabilang na ang mga whalesharks, dolphins at mga sea turtles. Mainam dito ang mga mangroves, seagrasses, at coral reefs na kailangan talaga ng mga isda upang mabuhay. Ang pagkakaroon at maayos na municipal water ay

isang mabisang solusyon sa lumalagong problemang tayo rin mismo ang may kagagawan. Pinayayamang Kahirapan: Pagpapaunlad ng Agrifishery Base sa kasalukuyang estado, unti-unti nang namamatay ang ating mayamang kultura pagdating sa “agri-fishery”. Mangilan-ngilan na lang din ang nagnanais na kuhanin at pangarapin ang ganitong uri ng karera. Mas nagiging mahirap nang magkaroon ng kabuhayan sa industriyang ito lalo na dahil sa pagkakaroon ng “fishing ban season”, implasyon, at pag-aangkat ng mga isda mula sa mga dayuhang bansa kung saan likas na talaga tayong mayaman dito. Dahil sa kahirapang mapaunlad ang industriyang ito, marami na sa ating mga mangingisdang Pilipino at kababayan ang nawawalan na ng pag-asa, alinsabay sa kulturang malapit ng maiwan at makalimutan. Samakatuwid, tinagurian ang bansa na isa sa mga “top producer” ng mga isda kung saan nagbunga sa pagiging pangatlo natin sa buong mundo na may malaking inilalabas na “farm seaweeds” noong 2012. Samantala, sa loob ng 20 taon bumaba naman ang puwesto natin pagdating sa “aquaculture” mula sa datos na inilabas ng Food and Agriculture Organization of the United Nations (FAO-UN). Ekonomiya sa Kultura Sa kabilang banda, pagdating sa “import value rate” ng bansa patuloy itong tumataas lalo na sa ngayon. Taong 1980, nasa 36.6 milyong dolyar lamang ang mga inaangkat noon ng Pilipinas hanggang sa mas tumataas ito ng triple sa mahigit 76.8 na bilyong dolyar noong taong 2015. Kung ang isang bansa ay mas mataas ang tala ng “import” kumpara sa “export” nagbubunsod ito sa tinatawag nating “trade deficit”. Magiging kulang ang kita ng bansa at mas mataas ang tutubuin ng ibang bansa dahil sa pagaangkat natin. Nagreresulta rin ito sa hindi sapat na pera para mapalago nila ang antas ng kanilang pamumuhay. Dahil dito lubusang nakakaimpluwensya ang kaisipang kolonyal na nakapagpapabago sa ating kultura. May mga produkto na galing sa ibang bansa na mas mura kaysa

sa presyo natin sa merkado at nagiging masagana ang supply nito dahil di umano sa malayang pagpasok ng mga produktong dayuhan o import liberalization. Mas hinihikayat na ng nakararaming Pilipino ang mga ganitong produkto lalong higit kung dito sila mas nakamumura. Ang mentalidad ng Pilipino na nagpapababa lalo sa estado n gating ekonomiya. Ayon sa Philippine Statistics Authority, bumawi ang sektor ng pangingisda sa kabuuang Gross National Income sa Agriculture, Hunting, Forestry and Fishing (AHFF) mula sa pagkakaba nito ng 2.7 na porsyento noong nakaraang taon at maitaas ng 0.3 na porsyento sa kabuuang 15.7. Isa para sa marami Kung tutuusin, maraming mga salik ang nakakaapekto sa pagbaba ng bilang ng mga mangingisda at ang mayamang kultura na nakaploob sa industriyang ito. Bagama’t madaming problema, sa iisang bagay lamang nakaturo ang lahat na ito, ang “Tragic of the Commons”. Ang problemang ito ay pangkaraniwan na sa ating komunidad, ito ay ang pagpapaunlad para sa sarili sa maikliang termino at pagkawalan ng pagaaring yaman para sa buong kapisnan. Maadali lamang ang solusyon dito, kaakibat ng suporta ng gobyerno ay ang ating disiplina. Ang Pilipinas ay isang kapuluan, madaming tubig ang nakapalibot sa atin at madami tayong likas na yaman na makukuha dito ngunit tayo ay mauubusan at mauubusan nito kung tayo ay kuha lamang ng kuha ng walang ibinibigay. Ingatan natin ang ating kalikasan at huwag nating samantalahin ang biyaya na ibinigay sa ating maliit ngunit mayamang bansa. Regulasyon at pagtutulungan ang kailangan natin. Kung bawat mangingisda ay kukuha ng kasing dami ng kaya niyang kuhanin ay mawawalan at maghahanap pa ng iba, sa halip, dapat ay linilimitahan natin ang konsumpsyon ng bawat isa para sa ikabubuti ng lahat. Sa pamamagitan nito, walang over-fishing at fishing ban season na magaganap. Ang komunidad natin ay magtutulungan para sa ikagaganda at ikayayaman ng kulturang ito. n


THE GEARS

PAMAYANAN

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY - SANTA CRUZ MAIN CAMPUS

23

AGOSTO - SEPTYEMBRE 2018 | TOMO LVIII BLG 8

Tatlong Pandaigdigang Pananaw

hatid ng International Affairs n

TEKSTO // VANESSA MAE ANTONY AT JOSEPH ANDREW ALGARNE DIBUHO // ESTEVEN COMBALICER

A

ng opisina ng International Affairs ay ang nangunguna sa paggagawa ng pagkakasosyo sa mga kumpanya mula sa iba’t ibang bansa tulad ng Keimyung University, Korea; Tan Trao University, Vietnam; American Tesol Institute at iba pa. Bukod pa rito, ang pakiki-sosyo ng unibersidad mula sa mga malalaking bansa sa asya ang nakakapagbigay ng oportunidad lalo na sa mga estudyante na makisalamuha sa iba’t ibang kultura sa labas ng bansa. Ito ay dahil mayroong ugnayan ang dalawang bansa na maghandog ng Faculty and Student Exchanges; Joint Research Activities; Collaborative Trainings; Special Academic Programs; International On-The-Job Training at iba pa. Lilipad ng Palapit Mahalagang bahagi ng pagkatuto ng isang indibiduwal ang pakikipag-usap sa mga taong kasa-kasama niya sa lipunan. Nakatutulong sa lubos na pagtamo niya ng mga kaalaman –ang tuwirang pakikipag-ugnayan sa mga tao sa kaniyang paligid. Sa unang semestero ng taong 2018-2019, mayroong humigit kumulang na dalawampu’t isa (21) na estudyante ng mula sa mga bansang Vietnam, Korea, Africa at iba pa na kasalukuyang nag-aaral sa apat na campuses ng LSPU; Sta. Cruz, Los Banos, Siniloan at San Pablo upang makamit ang mga pangarap sa kani-kanilang patlang, maging pag-iinhinyero man yan o sa agrikultura. Iba’t iba man yan ng lahi o lenggwahe ang mahalaga ay ang nakukuha nitong sapat na kaalaman mula sa unibersidad. Sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga foreign students, mas nakikilala ang kumpetensya at husay ng LSPU sa iba’t ibang bansa. Gayundin, ang pagkakaroon ng pagkakataon ang unibersidad para bumuo ng mga bagong sosyohan. Lilipad ng Palayo Hindi nakukuha ang lahat ng karunungan sa mga libro, dyaryo, magasin, at iba pang nasusulat na nakukuhaan ng kaalaman. Nakakakuha rin tayo ng malawak na kaalaman mula sa pagdanas o pagsagap ng iba pang impormasyon sa labas ng klasrum—o maging sa labas ng bansa. Sa loob ng anim na taon, simula Oktubre 2012 hanggang Hunyo 2018, ang LSPU ay nakapagpadala na ng isang daan at labinsiyam (119) na estudyante na kumukuha ng Bachelor of Secondary Education, Major in English para magturo ng Wikang Ingles sa College of Agriculture and Forestry ng Thai Nguyen University, Vietnam. Bukod pa rito, simula Septiyembre 2016, tatlumpu’t lima (35) na estudyante na kumukuha ng mga kurso na may kaugnayan sa Agrikultura ay lumipad rin ng palayo upang pagdanasan ang kanilang On-The-Job Training sa AgroStudies ng Israel. Sa patuloy na pagtatanggap ng mga dayuhang kumpanya ang mga estudyante galing LSPU, patunay ito na mayroon silang tiwala at nakikitang galing sa mga produkto ng Laguna Piyu.

Lilipad para Makamit Sa pagkamit ng mga pangarap, nangangailangan ng sipag, tiyaga at determinasyon na siya namang magagamit sa pag-abot ng magandang kinabukasan. Pero bago pa iyan, dumadaan muna iyan sa isang proseso ang pagkamit. Una, bumibisita ang mga interesado na partido upang malaman nila ang mga pwedeng i-alok ng LSPU at gayun din naman para sa LSPU. Pangalawa, iniiladlad ang mga programa at mga kailanganin na kayang paglaanan ng bawat partido. At ang huling hakbang naman ay ang paggawa at pagpirmahan ng Memorandum of Agreement na kung saan limang taon (5) ay ang pinakamababang taon sa sosyahan na iyon. Matitiyak na tungkulin ng paaralan sa mga mag-aaral na banyaga at lokal na mabigyang tuon sa pag-aaral para sa pagtatamo ng kasanayan ng mga magaaral sa pagkatuto sa kanilang mga napiling kurso. Ang patuloy na pagdami ng mga dayuhan na mag-aaral sa unibersidad ay maganda umanong indikasyon na nagiging epektibo ang pagbibigay ng kaalaman. Isa lamang ang International Affairs sa nagpupunyagi upang mas mapaganda ang karanasan, mabigyan ng kalidad at mas makilala pa sa iba’t ibang parte ng mundo ang produktong hulma ng LSPU. n

119

mag-aaral na ang lumipad sa Thai Nguyen University mula taong 2012

BALITANG PAMPAMAYANAN

Calamba ganap nang 2nd congressional district

n

TEKSTO // JHANE LITHRELLE AUSTRIA AT ARVIE JOY RECTO

T

uluyan nang napirmahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act 11078 na naglalayong magkakaroon ng sariling congressional district ang lungsod ng Calamba, Setyembre 24. Gaya ng sa San Pablo City Laguna, pangalawa na ang Calamba sa napapabilang sa mga lugar na kabilang sa Congressional District. Ang patuloy na pagtaas ng populasyon sa lungsod ng Calamba ang nakitang dahilan kung bakit naipatupad ang batas. Sinumulan ang 3rd reading noong July 23, 2018 at naipasa na ang nasabing batas, nakakuha ito 19 na boto walang tumutol at tuluyan itong naisakatuparan. Nilakad ito sa kongreso ni Senator Juan Edgardo Angara, dahil ayon sa kanya ay mas mabibigyang pansin ang lungsod kung isasalalim ito sa Congressional district dahil mas dumami ang naitalang populasyon sa lungsod. Ayon sa 1987 Constitution, ang mga lugar na umabot sa 250,00 ang populasyon ay dapat lamang magkaron ng isang representative. Sa nakaraang 2015 Cencus ay naitalang 937, 282 na residente ang naninirahan sa Laguna, ang kalahati dito ay naninirahan sa Calamba na may kabuuang 454, 486 samantalang 268, 628 naman ang rehistradong botante. “In consideration of the size and continued progress of the city, it is only right that we give them proper representation in the national government,” saad ni Angara. Nakapaloob sa batas ang pagkakaroon ng sariling representatibo ang Calamba sa House of Representatives sa 2019 Elections. Napasailalim ang Calamba sa Congressional District dahil malaki ang nagagampanan nito sa lipunan, gayundin naman ang iba pang lugar na kabilang nito.

Sa pagiging congressional district ng Calamba, mas mabibigyang pansin ang magiging problema sa lungsod mas matutuunan ito ng pansin. Makakatulong din ito upang mas maging maunlad ang bansa at mas maging prodaktibo. Malaki rin ang naiitulong nito sa iba pang sakop ng Congressional District, tulad ng Calamba mas magiging maunlad din ang ibang lungsod tulad ng Cavite at Aklan dahil isa rin sila sa bahagi ng Congressional District. Sa pagdami ng populasyon, ang ibang lungsod ay hindi nabibigyang pansin ang mga residente dito at hindi natutunan ang mga kinakaharap na problema. At hindi din ito nagiging maunlad sa pagiging Congressional District ng Calamba, malaking tulong ito sa lungsod. Mas madadagan ang leader na namamahala sa kanila. Pero may mga tao na nag sasabi na mas magiging korap ang mga pulitiko dito dahil sa pagtatalaga ng napakaraming ‘representatives’. Pero sa kabila nito mas mabibigyang pansin ang mga problema sa lungsod, nakakatulong din ito upang mas maging mayaman ang mga lungsod napasa ilalim dito. Ito rin ang isa sa mga dahilan upang mas maging maunlad ang mga lugar na ito. Maraming proseso ang kailangang pagdadaanan upang mapabilang ang isang lugar sa Congressional District, kailangan makalikom din ito ng maraming boto upang mas maisakatuparan ito. Sa kabila nito maganda ang magiging epekto nito at mas makakatulong ito sa mga susunod na lugar na mapapabilang sa Congressional District sapagkat ang malalakihang populasyon ng komunidad gaya ng Calamba ay kayang makapagbigay ng mga suliranin na kinakaharap ng distrito na maaring bigyan ng solusyon. n


THE GEARS

ISPORTS

24

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY - SANTA CRUZ MAIN CAMPUS

AGOSTO - SEPTYEMBRE 2018 | TOMO LVIII BLG 8

KABABAIHAN sa PAMPALAKASAN “Hindi kami Babae lang” n

TEKSTO // CHRISTIAN CARLO VIRINA AT KIRSTEN FAITH FLORES

H

indi na belo ang dala ni Maria Clara kundi bola na. Mga modernong Maria Clara ang gumagawa ng ingay sa larangan ng pampalakasan sa kasalukuyan. Kababaihan na ‘di papahuli sa pagpapalakas at pagbibigay karangalan sa sarili at unibersidad. Larong Softball at Futsal ang kanilang ngayo’y ginagawang daan upang ibuka ang mga pakpak at lumipad patungo sa mga taon ng tagumpay. Ang LSPU Santa Cruz ay dalwang magkasunod na taon nang namamayagpag sa Softball at tatlong beses nang nagpupunyagi sa Futsal sa mga taunang Intercampus kung kaya’t ngayo’y ibibigay sa kanila ang tanglaw upang mabigyan boses ang mga kababaiisang laro sa hang nagbigay ng mga matatamis na ala-ala ng pagpupunyagi sa unibersidad. Intercampus ay isang kagiliw-giliw na pakiramdam. Bilang pampalakasan, ito ay para sa lahat. Softball: Kwento sa likod ng team captain, palagi kong Makikitang anumang uri ng isport, walang ginto ipinapaalala sa aking mga limitasyon, babae man o lalaki, hangga’t kagrupo na ang kooperasyon ay alam mo sa iyong sarili na kaya mo at Taong 1887 nang unang inilunsad isa sa mga susi upang magtagumpay. masaya ka sa bagay na ‘yon, walang ang larong softball sa Chicago, Illinois, Noong mga oras na iyon, ang motibasyon at dudang magtatagumpay ka. United States, bilang isang indoor game iniisip ko lamang ay ibigay at gawin lahat ng para sa mga kababaihan na naging susi Futsal: ‘Ang paglaban ay bahagi makakaya ko dahil huling taon ko na sa LSPU upang ito ay kilalanin sa iba’t ibang bansa at kailangan kong depensahan ang homecourt sa mundo. Ito isa sa nagbukas ng pinto ng Tagumpay’ natin.” para sa mga Maria na pasukin ang mundo Ang bawat sipa na kanilang ipinapakita ng pampalakasan. Itinuturing ang futsal bilang isang ay para sa kanila’y katumbas ng pag-asa na Bunga ng pagkakaroon ng mga larong maihahalintulad sa football na darating ang oras na sila ang may hawak ng mahuhusay na atletang nais maglaro kilala saan man sa mundo, maging sa ginto. ng softball, isa ito sa mga inaabangang Pilipinas. Mula sa matagumpay na takbo laban mula Intramurals hanggang sa ng football sa Pilipinas, hindi nagtagal ay Modernong Pilipina Intercampus ng LSPU. Init, pagod, nakilala rin ng mga atletang Pilipino ang matinding pagsasanay at sakit ng futsal. Ito ay kilala bilang isang mahirap na Tunay na kahangahanga ang talentong katawan ang kinakaharap ng mga isports na kailan lamang ay naging patok taglay ng kababaihan mapapisikal man o babaeng atleta na napamahal na sa at naging daan upang mas itaas ang ordinaryong gawain. Ngunit lingid sa kaalaman larangang ito. kakayahan ng kababaihan. ng karamihan, ang pwersang hatid nila ay di “Biglang isang babae dapat mas Taong 2009 nang nabuo ang napapansin at kadalasan ay nababalewala sa ipakita natin sa iba na hindi lang tayo Philippine Futsal League na naging ating komunidad. basta babae, ipakita natin sakanila na sanhi ng pagbubukas ng oportunidad Pabago-bagong panahon, umuunlad na kahit babae tayo kaya nating higitan yung sa kababaihang atleta upang ilabas ang henerasyon. Umuunlad din ang kakayahan at kakayahan nila.” Joyce Perona Cabañeros tunay na galing sa larangang ito. kayang gawin ng ating mga babae. Sa iba’t softball player ng LSPU – SCC. Bilang pagbubukas ng taunang ibang larangan, patuloy na gumagawa ng Sa mga nagdaang Intercampus Sports Fest, naging kaabang-abang pangalan ang mga kababaihan gaya na lamang , kababaihan ang isa sa mga ang larong futsal marahil ito’y binubuo ng politika, pag-arte, pagbabalita higit sa lahat nakapagambag ng ginto sa LSPU-SCC ng kababaihang manlalaro na puno ng sa larangan ng pampalakasan. matapos masungkit ang kampyeonato determinasyong irepresenta ang kanilang Maging mga kabataan o mag-aaral ay sa softball. Mga babaeng walang arteng koponan. Hindi naging madali ang laban nagtatagumpay na sa mga propesyon o gawain sinuong ang matinding sikat ng araw, upang marating ang pagkakataong na kanilang kinabibilanagan. Isang halimbawa walang pag-aatubiling tumakbo at makalaro sa Intercampus bagaman ang ay ang larong futzal at softball na pawang mga marumihan para sa ikatatagumpay ng bawat isang manlalaro ay may taglay na babae lamang ang manlalaro. Karangalan kanilang larong alay para sa lahat. pambihirang galing. ang naihahatid nila sa kanilang paaralan, sa Walang dudang ang mga babaeng Mula sa isang panayam kay Trixia kanilang pamilya at higit sa kanilang sarili. ito ang patunay na anumang uri ng Nicole Gonzales, “Ang Manalo sa

Patunay na walang limitasyon sa mga bagay na bubuo sa ating pagkatao, kahit pa kasarian. “Sa lahat ng mga babaeng atleta, ang paglalaro sa anumang uri ng isports ay hindi lamang para Manalo kundi ‘yung makaramdam ka ng saya habang lumalaban ay bahagi ng iyong tagumpay.” mula kay Gonzales

Kadakilaan ang maging Babae Sa mga nagdaang taon ng ating mga lolo at lola, ang mga babae ay nakalaan lamang upang magluwal ng bata, maglinis ng tahanan, mag-asikaso ng pamilya at maging katuwang lamang ng mga lalaki. Ngunit ang paniniwalang ito ay tunay na taliwas at hindi na dapat pang tangkilikin. Maaaring ginagawa nila ang mga iyon ngunit iyon ay mga bagay na tanging babae lamang ang nakakagawa. Nangangahulugan na ang mga simpleng gawain na iyon ay isa sa mga dahilan kung bakit tinatawag na dakila ang mga babae. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na sa panahon natin ngayon, karamihan na sa mga kababaihan ay nagtatrabaho na at sya na ring bumubuhay sa kanyang pamilya. Isang tunay na ebidensyang maraming kayang gawin ang mga babae ng ating bayan. Lahat tayo ay may kakayahan, kakayahang ibinigay ng Maykapal. Kakayahan ng bawat isa na dapat nating tangkilikin at ipagmalaki lalaki ka man o babae. n

RIVAL SIBLINGS Magkasama sa tagumpay ng buhay L

n

Gaudy San Jose at Alvin Cuevas

aro lang walang personalan. Ang pagiging atleta ay maaring nasa dugo ng isang pamilya na binubuhay ng kanilang mga hilig at pag-ibig sa iba’t ibang larangan. Ang magkapatid ay sandalan ang isa’t isa pinagbuklod ng pagmamahal ng kanilang magulang at ngayo’y minamahal ang iisang sports. Parehas nilang inaasam ang tagumpay sila man ang magkita sa huli at maglaban sa tropeyo. Sa mga nakaraang Sports Fest namamayagpag ang iba’t ibang apelido na iisa ang dumadaloy na dugo ngunit magkaiba ng dinadalang bandera ng kolehiyo sa iisang laban. Magkakapatid na magkaiba ang tinatahak na landas ng propesyon ngunit nagkita sa loob ng court. Kaya’t manalo o matalo magkapatid na ang turing hindi na magkatunggali. Simula pagkabata ang magkapatid na sina Deniel Lubuguin at Derick Lubuguin ay iisa na ang hilig nila kaya’t magsama sa kung iba’t ibang bagay. Kaya’t hanggang pagtungtong nila ng kolehiyo ay dala-dala nila ang bagay na ito. Parehas pambato ng football

ang dalawa ng kani-kaniyang kolehiyo, Deniel Lubuguin para sa College of Industrial Technology (CIT) at si Derick Lubuguin para sa College of Engineering (COE). Sa kanilang paglaki, naibigan nila ang Football dahil sa panonood ng pelikulang “Shaolin Soccer” na naging hakbang upang kanilang mahalin ang field. Maka-ilang beses ng nagharap ang magkapatid, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng gitgitan ng kanilang koponan sa mainit nilang mga laban. Mas nakakatanda si Derick kay Deniel at iisa sila ng pinangalingan ngunit magkaiba pa din sila ng mga katangian na ibinubuhos sa bawat laro. Matalo man ng isa ang kanyang kapatid respeto sa bawat isa ang palaging ibinibigay ng dalawa dahil magkahati sila sa tamis ng panalo. Mula noon hanggang ngayon magkasabay nilang tinatahak ang daan ngunit sa pagkakataong ito sa magkaibang paraan ang kanilang karanasan. Maaring sa laro sila’y magkalaban ngunit magkakampi sa laban ng buhay. Iba-iba tayo ng karanasan sa ating mga kapatid, maraming iyakan, katuwaan,kalokohan , asaran at awayan ang ating pinagsamahan. Hindi sa lahat ng panahon nagtutugma ang ating mga pananaw sa buhay at iisa ng paninindigan. Walang perpektong magkakapatid subalit pinagdugtong ng pag-ibig. Manalo o matalo sa iba’t ibang laban ng buhay isports man o hindi, ang magkapatid ay mananatiling magkapatid. Ang laban ng isa ay laban ng lahat at ang tagumpay ng lahat. Walang lamangan, hating kapatid tayo Bro! n


THE GEARS

ISPORTS

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY - SANTA CRUZ MAIN CAMPUS

25

AGOSTO - SEPTYEMBRE 2018 | TOMO LVIII BLG 8

EDITORYAL

Para sa atleta, Para sa bayan! Hindi matatawaran ang galing na ipinapakita ng Pilipino sa paggawa ng kasaysayan lalo na sa isports. Gayunpaman, sa bawat istorya ng tagumpay ng ating mga atleta, naroon ang kulang na pondo para sa kanila. Ayon sa huling tala mahigit P962 milyon ang iginawad ng gobyerno para sa mga programang isports. Mababa kumpara sa ibang bansa tulad ng Singapore na naglaan ng P7.2 bilyon at ng Thailand na naglaan ng mahigit P14.37 bilyon. Hindi maikakaila ang kakulangan ng badyet na sinusustento ng gobyerno sa mga atleta ng bansa. Sa nagdaang Southeast Asian Games 2018 na ginanap sa Indonesia, nakuha ng Pilipinas ang ikalabing-siyam na pwesto, mababa kung ikukumpara sa ikaanim nitong pwesto noong 2013. Iba’t ibang mang hirap at problema ang kanilang hinarap, patuloy pa din silang lumaban para makapagbigay ng parangal sa ating bansa kaya naman mas nararapat na bigyang pansin ang pangangailangan ng mga manlalaro dahil sila mismo ang nagiging daan upang makilala ang Pilipinas ganitong larangan. Isinaad ni Philippine Olympic Committee (POC) President Peping Cojuangco na ang kakulangan sa supportang pinansyal galing sa gobyerno ang isa sa rason kung bakit hindi naging interesado at maayos ang perpormans ng Pilipinas sa naganap na (SEAG) taong 2013. Matagal nang isyu ang usaping pinansyal ngunit hanggang ngayon hindi parin ito nabibigyang aksyon. Ilang katunayan pa ba ang kailangang ipakita ng ating mga atleta para bigyan suklian ng gobyerno ang kanilang mga sakripisyo? Kabilakabila ang balita ng mga natatanging atletang Pilipino tulad nina Hidilyn Diaz, Margielyn Didal, Yuka Saso, Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go na mga kapwa nagbibigay karangalan sa bansa sa iba’t ibang uri ng isports. Suporta ang pinakamatamis na maaari nilang baunin, huwag na natin itong ipagkait. Umaasa ang mga atleta natin na baling araw na mapupunan ang kasalukuyang kakulangan. Malaking tulong ang maibibigay ng gobyerno kung magpapatuloy ang pagbibigay suporta ng gobyerno sa mga atleta ngayon. Mas mapapagbuti nila ang kanilang mga ginagawang ensayo at magkakapag-ukit ng pangalan sa isports kung sapat ang suportang pinansyal at moral na kanilang natatanggap. Sana hindi lang hanggang pangako ang binitiwang mga salita ng Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyang suporta ang ating mga manlalaro para mas mapagbuti nila ang kanilang talent. Atin sanang isaisip na sa tuwing dala ng mga atleta ang bandila ng Pilipinas sa kanilang mga laban ay bitbit din nila ang paniniwala sa ating bagong administrasiyon na magkakaroon din ng pagbabago, na makapaglalaan din ng sapat na pondo. n

KOMIKS: Ang Unang Sipa

Apolonio Estrella

MARCOS

MARK CARLO GAHON

L

aban Pilipinas. Ito ang mga katagang lagi nating naririnig sa tuwing lalaban ang ating Mens Basketball National Team sa iba’t ibang kompetisyon. Sa larangan ng isports sa Pilipinas, likas na sa mga Pilipino ang manood at suportahan ang ating mga atleta sa paglaban katunayan nga ay sa tuwing may laban ang ating kabayan. Halimbawa na lamang ito ay ang Pambansang kamao, Manny Pacquiao na tila ba nagiging maluwag na kalsada ang edsa na sa ordinayong araw ay mala pagong na sasakyan ang makikita, ngunit parang may kulang? Kung may Gilas Pilipinas, alam niyo ba na may Perlas Pilipinas? Alam niyo ba na mayroon din tayong Womens Basketball National Team? Hindi maitatanging sa tuwing naririnig ang katagang isports ang parating naiisip ng karamihan sa tao ay mga lalaking nagtatangkaran at mga lalaking naglalakihan ang katawan. Hindi man lang sumasagi sa isip ng mga tao at nabibigyang atensyon ang mga kababaihang atleta na siyang ring nag aambag sa karangalan ng ating bansa. Kung anong nagawa ng kalalakihan ay siya ring nagagawa at kung minsan ay nahihigitan pa. At sa

Tagumpay ni Maria Clara paglipas ng panahon ay nakikilala na din sila hindi lang sa larangan ng pag beauty queen kundi narin sa larangan ng pangpalakasan. Kung inyong matatandaan isang Pilipina ang tumapos sa 20 taong pagka uhaw ng Pilipinas na makakuha ng medalya sa Olympics. Naiuwi ni Hidilyn Diaz ang pilak na medalya sa larangan ng weightlifting na isang sports na karamihan ng pumapasok na manlalaro ay kalalakihan. Siya rin ang nakapagkamit ng unang gintong medalya sa 2018 Asian Games para sa Pilipinas kaya naman hindi matatawaran ang naibigay niyang karangalan sa bansa. Nagulantang naman ang

buong Pilipinas ng mabalitaan na isa muling Pilipina ang nag uwi ng gintong medalya sa 2018 Asian Games katulad ni Diaz sa hindi p a n g k a r a n i wa n g sports sa kababaihan. Nakuha ni Margielyn Didal ang gintong medalya sa skateboarding na kung saan dito sa Pinas ay puro lalake ang nagiingay sa skateboarding. madalang ang makikita mong babae ngunit sa kabila nito ay namayagpag parin si Didal dito. P a t u n a y ang dalawang pambihirang babaeng ito na hinid handlang ang pagiging babae para mangibabaw sa buong mundo dahil wala na naman tayo sa unang panahon kung saang

“Wala namang

mawawala kung susuporta tayo sa lahat ng atleta natin hangad lamang nila ang mag uwi ng medalya”

ang babae ay gumagawa ng gawaing bahay at hindi pinapakingan ang boses sa lipunan na. Iba na ngayon. Umaangat at nakikipagsabayan na sila. Sa kabilang banda pagdating naman sa Basketball ang sikat na sikat na pambansang kupoWnan ng Pilipinas na Gilas ay umaani rin ng papuri sa ibat ibang kompetisyon na kanilang sinasalihan at dahil ditto maraming tao ang hindi man lang alam na mayroon pala tayong Womens National Basketball team na katulad sa lalki ay mga pili at mga mahuhusay na atleta na nanggaling sa ibat ibang pulo ng Pilipinas. Sa pahayag ng isa sa miyembro ng Perlas Pilipinas, Jack Danielle Animam, sinabi nito ang kanyang pagkadismaya sa pagtatanggal ng women’s basketball sa delegasyon ng Pilipinas sa Asian Games 2018. Tinalakay nya rin na hindi lamang panglalaki ang basketball, kundi pwede rin maging sa kababaihan. Sa kabila nito’y, tinanggap na lamang nila na hindi pa ito ang pagkakataon upang maipakita ang galling ng mga Filipina sa basketball at pinaghahandaan nalamang ang padating na FIBA 3x3 World Cup.

Pinatunayan ng Filipinang si Janine Pontejos na isa siya sa pinaka magaling na shooter sa buong mundo ng kumuha siya ng gintong medalya sa FIBA 3X3 Shoot out. Kahit na nabigo ang kanilang kuponan na mangibabaw sa kanilang bracket ay hindi siya nawalan ng pag asa nan a itayo ang bandera ng Pilipinas. Sa pagiging atleta, malaki ang naiaambag ng suporta ng mga tao sa paglalaro nila dahil dito nila nararamdam kung para saan at para kanino sila naglalaro, sa tuwing walang suportang natatangap ang mga atleta ay nakakaramdam sila ng pagkukulang at parang nangungulila sa kanilang sariling bansa. Marapat na kung gaano kadami at kalaki ang suportang nakukuha ng lalaki pagdating sa sports ay ganoon din dapat ang natatangap ng babae, aminin na natin na mas malakas ang pangangatawan ng mga lalake pero hindi ito dahilan para magawa nila lahat ng bagay na higit sa mga babae. Wala namang mawawala kung susuporta tayo sa lahat ng atleta natin hangad lamang nila ang mag uwi ng medalya at hindi naman para lang sa kanila iyon kundi para din sa Pilipinas.n


26

THE GEARS

ISPORTS

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY - SANTA CRUZ MAIN CAMPUS

AGOSTO - SEPTYEMBRE 2018 | TOMO LVIII BLG 8

bagong kampeon

CTE, sumungkit ng ginto matapos dominahin ang COE, 3-0

T

inuldukan ng College of Teacher Education (CTE) ang pagkauhaw nila sa kampeonato matapos nilang makipagsabayan at talunin ang defending champion sa Men’s Volleyball na College of Engineering (COE) 25-19, 25-21 at 25-22, sa kabilang banda pinutol ng COE womens ang sunod sunod na pag kakampeon ng CBMA sa Women’s Volleyball na ginanap sa LSPU SCC Volleyball Court, Agosto 28. Umani ng puntos ang first year player ng CTE na si John Edward Pamilacan na sa 3rd set ay nagawang pahintuin sa pamamagitan ng malakas na spike ang sunod sunod na puntos ng team captain ng COE na nagpakawala ng mabibilis na quick at drop na pilit inaangat ang kupunan sa pag kakabaon sa 2-0 na balon, 18-13. Nagpakawala ang COE ng limang sunod sunod na puntos na nag pa angat sa kumpiyansa ng defending champion ngunit hindi nagpatinag ang manlalaro ng CTE, na gamit ang lakas at sipag sa pagbabalik ng bola ay nag umpisang magtala ng puntos na inumpisan ng drop ball galing kay Pamilacan para makuha ang unang set. Ibinuhos ng libero ng CTE na si Agusto Maglalang II ang kanyang buong lakas sa kanilang defensa na sa bawat malalakas na palo ng CO ay nagagawa niyang maitaas na naging daan upang

n

TEKSTO // MARK CARLO GAHON AT JAYLYN ESQUIBEL

makamit ang pinaka aasam na kampeonato sa huling taon niya ng paglalaro sa LSPU. Sa isang pahayag ni Maglalang II “ Sa huling taon ko gusto kong makapaglaro sa STRASUC” “ At isa ring nakukuha sa pag lalaro ay mga kaibigan at malaking parte ang sportsmanship”. Pinarangalan ang College of Industrial Technology (CIT) sa ikatlong pwesto matapos nilang matalo ang College of Business Management And Accountancy (CBMA) na umabot sa 3rd set, 25-13, 14-25 at 25-12. COE dinomina ang Women,s Volleyball Pinangunahan ng 1st Year player ng COE na si Allana Corrine Matienzo na nagdala at tumala ng maraming puntos para sa grupo upang wakasan ang pag kakapeon ng CBMA sa Womens Volleyball, 21-25, 26-24, 25-20, 18-25 at 15-12. Nakuha ng CBMA ang 1st set ng laban at nagawa rin nilang tambakan ang COE sa 2nd set ngunit nagawang baliktarin ng COE ang takbo ng kompetisyon matapos nilang makahabol atmakuha ang 2nd set pati na ang 3rd set. Nabawi ng CBMA ang 4th set ng laban sa pag pupursigi ni Cristine Jane Vida ngunit di ito naging sapat para ipagpatuloy hanggang sa huling set na sinilat na ng COE gamit ang kanilang solidong taktika, 15-12 n

Litrato l Christopher John Kabigting

PALO! Pinamalas ng mga manlalaro ng CTE ang kanilang lakas at utak kontra COE upang tanghalin na bagong kampeon sa men’s volleyball at pataubin ang COE, sa ginanap na 2018 intramurals noong Agosto 28.

COE, CCS, muling umukit ng ginto sa Badminton Tournament n

TEKSTO // RODJON GALLY VILLANUEVA AT AIRON DZEL MELENDREZ

M

uling naghari ang College of Engineering (COE) at College of Computer Studies (CCS) matapos hagupitin ng kanilang mga smash at kill shots ang mga katunggali at masungkit ang unang puwesto sa Badminton Tournament sa Laguna State Polytechnic University – Sta. Cruz Campus Activity Center, ika-27 ng Agosto. CCS, namayani sa Single A Dinepensahan ni Rick Justine Nacional ng CCS ang kanyang korona matapos talunin ang kalaban na si Aljon Comia ng COE. Unang ginto ang hatid ni nacional sa CCS upang mapaigting ang kanilang kapit sa kampeonato ng badminton. Dikdikang laban ang naging sagabal kay Nacional upang mapanatili ang kanyang korona laban kay Comia na naging dahilan ng kanyang pagkatalo sa unang laban ng twice to beat game na may final score na 21-14. Nanatili namang kalmado si Nacional at napamalas ng estratehiya kaya’t nagawang makabawi sa ikalawang pagkakataon ginagawa na nagresulta ng kanyang pagkapanalo na may scores na 22-20, 20-22, 21-15. Nakuha naman ng pambato ng College of Industrial Technologies (CIT) na si Karl Anthony Saludes ang ikatlong puwesto sa nasabing kategorya. CCJE, ginapi ang COE sa Single B Hindi nagpatinag ang manlalaro ng College of Criminal and Justice Education (CCJE) na si John David Alvaro Matapos gapiin ang twice to beat player na si Charlie Jr.

Nakakasindak na Galaw. Mga mananayaw mula College of Teachers Education (CTE) sa kanilang pagpapakitang gilas sa Latin American dancesport competition Litrato l Christopher Kabigting

Lopez mula sa COE. Pinatunayan ni Alvaro ang kanyang mga malakas na pagpalo sa score na 21-11 sa unang laro at 21-15 sa pangalawang laro. “Ang bilis ko nga mapagod kasi ngayon lang ulit nakapaglaro saka sobrang galling talaga ni Kuya.” Ayon kay Lopez na tinanggap ang kanyang pagkatalo. Nakamit naman ni Luther Salem ng College of Industrial Technology (CIT) ang ikatlong karangalan matapos magwagi sa kanyang kaharap sa bronze medal game. COE, namayagpag sa Doubles Category Tambalang Mark Carlo Gahon at Khate Thomas Corcega ng COE namayagpag sa Badminton Double Category laban sa isa pang koponan na nagpakita ng kanilang liksi at gilas na sina John Gabriel Carandang at Gregy Callo ng CCS. Matinding konsentrasyon at komunikasyon ang pinairal ng COE laban sa CCS kaya’t nakamit ang unang pwestoat nagresulta sa standing na 2-1 at final score na 21-10. Samantala, nasungkit naman nila Edizon Rondilla at Cristed Mendoza Ng College of Industrial Technology (CIT) ang ikatlong pwesto sa kategoryang nabanggit. Ayon sa isang panayam mula kina Mark Carlo Gahon at Khate Thomas Corcega, “Unity at tiwala sa isa’t isa ang kanilang naging stratehiya, at hindi nila goal ang manalo ang goal nila ay maibalik ang kanilang bawat tira sa kalaban”.n

COE chess wizards...

p28

naging susi sa pagsungkit ng COE sa kanilang unang gintong medalya. Sinundan naman ito ng apat pang gintong medalya na nasungkit ng mga manlalarong sina Jeane Chris O. Manarin, John Ray Del Coro, James Franco Garin at Efryl John Reyes. Nagkamit din ng gintong medalya sina Aidan P. Mercado at Ellisa Ariane Corpuz ng College of Computer Science (CCS) at Patrecia Pabalan ng College of Arts and Sciences (CAS) Sa kabilang banda, nag-uwi ng medalyang pilak sina Reinald Julius Salvador ng College of Hospitality, Management and Tourism (CHMT), Tim Bryner T. Llagas at Rowa-Glo Villarosa ng CAS, John Paul Llorca ng College of Business, Management and Accountancy (CBMA), Arjel Reinard Romuro ng College of Industrial Technology (CIT) at Abby Osio, Princess Plebiscite Tope at Mica Fernandez ng College of Teacher Education (CTE). “Hindi mo naman kailangang maging matalino, ang kailangan mo lang ay diskarte at tyaga, wag masyadong mainipin, dapat focus lang.” ayon kay De Castro. n

Ison, ibinuslo ang panalo...

p28

“Basta ‘was silang magsasarili atsaka may chemistry na sila kasi magkakasama silang mag laro after school.” ayon sa manlalaro ng COE. CCJE pinatalsik ang CBMA; lusot sa finals Namayani ang dalawang magkasunod na 3-point shot ni Clarence Napiza sa huling minute ng laro upang mauungusan ng College of Criminal Justice Education (CCJE) ang College of Business Management Administration sa Men’s Basketball semis. Nakapag ambag si Napiza ng 18 na puntos para sa CCJE at dinagdagan pa ito ni Santos ng 15 na puntos “Kasi ay may teamwork kame at nag kakaisa kame sa mga play namin kaya nanalo kami.” , sagot sa panayam ni Ian Karl Meana na tumulong sa depensa ng CCJE. n

CAS, CTE muling namayani sa DanceSports n

TEKSTO // CHRISTIAN CARLO VIRIÑA AT LYKA JASMINE PANDACAN

H

umataw ang mga mananayaw ng College of Arts and Sciences (CAS) at College of Teacher Education (CTE) sa kanilang ipinamalas na husay sa pagsayaw upang sungkitin ang titulo sa Dance Sports Competition bilang bahagi g taunang Sports Fest na ginanap sa LSPU-SCC Activity Center,

Agosto 28. Muling lumahok ang beteranang si Honeylee Austria at ang bago nitong kapareha na si Mark Andrei Inoceno upang irepresenta ang CAS, sina Eyra Lei Del Mundo at Reynold Abitan naman ang mga pambato ng CTE. “This year nag-improve talaga yung mga dancers dahil last year hindi naman siya ganoon kayos, para na talaga silang hustler”, paglalahad ni Dell Doree Lee A. San Juan, Grade 12-HUMSS Manuel Roxas.

Austria, Inoceno itinayo ang bandera sa Latin American Category Sa kabila ng pagkakaroon ng bagong dance partner, na si Inoceno, patuloy paring namayagpag si Austria sa larangan ng pagsasayaw matapos ang mga nakakabilib na indayog sa Cha-cha, Rumba at Jive na nagdala sa CAS dance duo sa kampyonato. “Syempre sobrang masaya kahit na hindi perfect yung ginawa namin, na-execute naman namin ng maayos, we’re very happy for our performance this year”, saad ni Austria. Sabay at malinis na indak ng mga paa at kumpas ng mga kamay ang naging susi nila Austria at Inoceno upang mapahanga ang mga manunuod gayundin naman ang mga hurado sa kanilang bawat pagtatanghal. “Actually nag-start akong mag-dance sports sa LSPU last year lang, so nairepresent ko na rin yung school na iba yung partner ko, since sya yung dating champion,” dagdag ni Inoceno. Nakamit naman ng pares mula sa CTE na sina Julie Anne Palomaria at Leonard Custodio

ang ikalawang pwesto. CTE naghari sa Modern Standard Balanseng pagkilos ng mga paa ang ipinamalas ng pares ng CTE na sina Del Mundo at Abitan sa kanilang sayaw na naging susi upang patumbahin ang mga katunggali at maiuwi ang korona. Wala mang naging kakompitensya sa nasabing kategorya, napahanga parin ng dalawa ang mga hurado at manonood sa kanilang maganda at makapigil-hiningang pagtatanghal. Buong husay nilang ipinamalas ang galing nila sa Tango, Waltz at Quick-Step. “Overwhelmed, in my first and second year nakakuha ako ng 2nd place, ito ang unang pagkakataon na nakakuha ako ng first place at makakasali sa Intercampus”, saad ni Del Mundo. Kaabang-abang ang paghaharap ng dalawang pares na nagkampyon na pasok sa gaganaping tagisan ng unibersidad kung saan kanilang makakaharap ang ilang regional winners ng LSPU pagdating sa dancesports. n


THE GEARS

ISPORTS

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY - SANTA CRUZ MAIN CAMPUS

27

AGOSTO - SEPTYEMBRE 2018 | TOMO LVIII BLG 8

PAMBANSANG BALITA SA PALAKASAN

Didal, nagpamalas ng kagila-gilalas na laro sa Asian Games

I

pinamalas ng 19 na taong gulang na Pilipina na si Margielyn Didal ang kahanga-hangang talento sa Skateboarding nang magpasiklab siya ng kanyang mga pambihirang tricks at masungkit ang gintong medalya sa Womens Skate Boarding Street Event sa 2018 Asian Games, Palembang Indonesia, Agosto 29. Sa kalye nagsisimula ang pangarap Ito ang kauna-unahang paglabas ni Didal sa Asian Games pero hindi na bago sa pagsabak sa kompetisyon ang Cebuana, sa ginanap na X Games sa Minnieapolis noong nakaraan na Hunyo ay nagawa niyang makuha ang ika-walong pwesto kalaban ang 11 pang skaters at nagawa rin niyang makapasok sa prestihiyoso na kompetisyon na Street League Skateboarding Pro Tour sa London noong nakaraang

n

TEKSTO // ALFREAD NEAN CANOVAS AT MARK CARLO GAHON

Mayo. Malayo ang narating ni Didal, mula sa mga lansangan ng Cebu at sa mga parking lot ng mga mall patungo sa pagiging pinakamagaling sa Asya. “Sa Streets lang hinahabol kami ng mga pulis, mga security, pag may nakikitang nagskate. Minsan po, pag nasa, pag nakahawak ka ng board bawal ka pumasok”, ang mga salitang binitawan ni Didal na nagmulat sa Pilipino ng kalagayan ng skate scene sa Pinas. Hindi napigilan ng maraming problema ang pagpupursige ni Didal sa skateboarding na nag resulta sa pagkakaroon niya ng mga taong nagbibigay suporta upang makapagensayo siya sa labas ng bansa, at maging sa United States upang mas mahasa ang kanyang galing, sa Manila ay nagawa rin niyang magensayo sa mga Public Skate Park sa Paco.

Tumutulak sa likod ng hirap Malaking inspirasyon ni Didal ang kaniyang mga magulang upang magpatuloy sa naturang larangan; siya ay anak ng isang construction worker at sidewalk vendor na sa kanyang magulang na balak nilang ipagpatayo ng negosyo at nais ding ikuha ni Didal ng pasaporte ang kanyang mga magulang upang maisama sa bawat laban niya sa ibang bansa. Matapos nga niyang Manalo ay hindi na niya kailangan mag-alala na hahabulin siya ng mga pulis sa tuwing maglalaro ng skateboarding, malaking papuri rin ang natanggap niya galing sa Mayor ng Cebu City na si Tomas Osmena na nangakong magpapatayo ng isang Skate Park para sa mga batang atleta na nangangarap sundan ang yapak ng gold medalist ng Pilipinas. n

Litrato l google.com

Talon para sa pangarap. Margielyn Didal, sa kanyang pagsubok na maiuwi ang gintong medalya sa ginanap na ASIAN Games ‘18 sa Indonesia, dala-dala ang watawat ng bansa at pangarap na makaahon at mabigyang suporta ang larangang kanyang kinagisnan. Aug 29.

CAS, CTE, namayagpag sa beach volleyball Mahigpit na puwersa ang naging susi ng College of Teacher Education (CTE) ang titulo ng tagumpay gamit ang magandang diskarte sa Men’s Beach Volleyball laban sa mga dating kampeon ng College of Industrial Technology (CIT), 3-1, na ginanap sa Laguna State Polytechnic University – Sta. Cruz Campus (LSPU-SCC), ika-27 ng Agosto. Malalakas na palo ang ipinatikim ng CTE sa kanilang dikit na laban kaya’t sinagutan ito CIT ng matibay na block upang maitabla ang iskor sa unag set subalit hindi nagpawaat ang mga maestro at inangkin ang panalo, 22-20.

Nagpakitang-gilas na ang CTE ng kanilang malalakas na mga palo at matataas na pagtalon ang siyang naging lamang nila laban sa CIT kung kaya’t sa dikit na bakbakan na humantong sa tabla sa unang set, CTE ang nagkamit ng unang panalo Hindi agad sumuko ang puwersa CIT at kanilang ipinahiwatig ang kanilang pagnanais na mapanatili ang kanilang korona matapos ang matagumpay na depensa at bawiin ang ikatlong set, Subalit mas lalong sumiklab ang tensyon nang mauwi sa isa na namang tabla ang laban sa ikaapat na bahagi ng laro kung saan ang kagustuhang

P28

manalo ay ipinamalas ng parehong grupo sa lakas ng kanilang pagpalo at bilis ng kanilang pagdepensa. Sa pambihirang lakas na ipinakita ni Edward Pamilacan, ang pambato ng CTE, naging hudyat ang kaniyang malakas na spike upang tapusin ang laban. “Syempre ‘yung teamwork naming tapos ‘yung experience naming ang dinala naming sa court. Matagal na kasi kaming naglalaro ng volleyball tapos malayo na rin ang narating naming— STRASUC ganon, regionals nung highschool…” ayon ni Pamilacan n

Pamatmat, inihatid sa CCS ang kampeonato ng futsal n

TEKSTO // KIRSTEN FAITH FLORES AT RICHELLE PABILONIA

S Litrato l Shien Rheol Moral

Sipa. Determinasyon. Mga manalaro mula sa College of Hospitality Management and Tourisn (CHMT) at College of Computer Studies (CCS) sa kanilang pagbabanggaan para sa kampeonato ng futsal sa ginanap na intramurals. Aug. 29

Beterano ng COE umariba, 4 ginto ... p28 sa ikalawang yugto ngunit muli nanamang sumiklab ang mahigpit na depensa ng beterano sa ika-tatlo at ika-apat na set upang tuluyang tapusin ang kompetisyon sa score na 3-1; 11-8, 6-11, 11-9, 11-7. Ipinakita naman ng tambalang Abigael Villarante at Ronald Montana Jr. ng COE ang lakas ng pag kakaisa matapos masungkit ang 2 medalyang dagdag para sa COE. ng Villarante-Montana ang pambato ng College of Bussiness Management (CBMA) upang makamit ang 3-0 na pag kapanalo sa Mixed Doubles Category ng kompetisyon. Samantala, sinilat naman ng freshman na si Jemuel Cuala ang medalya ng Singles A matapos gapiin ang beteranong si Estrella, daan upang mag kamit ng medalya ang CHMT. Sa kabilang banda, wagi naman si Lizzie Talaboc kontra sa manlalaro ng CONAH upang dagdagan ang medalya ng CHMT. n

olidong goal ang ipinasok ni Noemie Pamatmat upang ihatid ang College of Computer Studies (CCS) sa 1-0 tagumpay kontra College of Engineering (COE) para maangkin ang titulo sa pagtatapos ng Futsal Tournament ng Sports Fest 2018 ng LSPU-SCC, ika-29 ng Agosto. Mabisang kombinasyon ng sipa ang pinakawalan ng CCS na naging daan ng pagpasok ng malakas na sipa ni Pamatmat na nagbigay puntos sa grupo. Agad na kumilos ang COE ng muling sumubok tumira si Pamatmat. Mainit na labanan ang ginawad ng COE sa kabilang koponan na nagpahirap sa kanilang muling makapuntos. Sunud-sunod ang naging pag-atake ng COE at kamuntik-muntikan nang itabla ang puntos matapos paliparin ni Nicole Gonazales ang bola ngunit mabilis itong nadepensahan ng kanilang katunggali. Mula sa pahayag ni Noemie Pamatmat, “Masaya na nanalo kami kahit na maraming nagsasabi na ‘attitude’ raw kami at kahit na laging apat lang kami na lumalaban, hindi kami nagpadala doon. Sobrang unexpected talaga ng goal na yon at napakablessed namin”. n

CTE, naibalik ang korona ng baseball n

TEKSTO // ISABELA GABION AT ANNA LUISA FLORES

M

alakas na opensiba ang ibinalandra ng College of Teacher Education (CTE) kontra College of Arts and Sciences (CAS) matapos muling maibalik ang kanilang titulo sa ginanap na Baseball Championship, 8-1, Sports Fest 2018, Agosto 29. Malakas na palo ang pinakawalan ni Adrian Earl Ortigueras ng CTE na naging daan upang makapagpasok ng tatlong puntos. Muling nakapagatala ng iskor ang CTE sa pangunguna ni Chriostian Cariazo nang makapagsagawa ng Home Base. Mahigpit sa pagbibigay ng magandang bato ng bola ang Pitcher ng CAS na nagpaalab sa kanilang kampo. Ayon sa pahayag ni Mr. Lemuel Magalona, “Sila talaga ang topside player sa competition, nakakalungkot lang na paalis na sila sa university, sila yung simula first year nila ay naglalaro na talaga” n

CTE humamig ng 5 ginto sa combative sports

K

inumpleto ng College of Teacher Education (CTE) ang dominasyon sa combative sports matapos ang pambihirang pagkamit ng limang ginto sa iba’t ibang kategorya ng nasabing larangan, Sports Fest 2018, Agosto 28. Tagumpay na sinungkit ng mga pambato ng CTE na sina Rosemarie Ann Mirasol, Corine Diane Dorado, Geruel Montemor at Almira Manaye ang tropeyo nang kanilang pangunahan ang Arnis at Taekwondo upang maging panibagong kampyon. CTE, COE, CCJE, nanguna sa Arnis Nakamit ang tagumpay ng at beteranang arnisador na si Rosemarie Ann Mirasol, CTE matapos paulanan ng malalakas na hampas ang baguhang si Edna Sordillo sa Fly Weight Division Arnis. Habang ginipit ng 18-anyos na si Rodeline Claire Bondoc ng CCJE ang pambato ng CHMT na si Maria Princessa Mariquit Cariaso sa Ikatlong kategorya ng Arnis. Samantala, nakamkit ng beteranong manlalaro ng COE na si Arjay Concepcion ang kanyang katunggaling si Carl Jay Pagsinuhin ng CCJE sa Feather Weight Men’s Division. Sumungkit ng ginto ang baguhang si Marc Edelson Malacoco ng COE upang mapadapa ang kanyang kalabang si Aeron Samaniego mula CTE sa unang kategorya ,40-47 kg. Sa isang panayam kay Malacoco, “As for now, achieving a victory is breath taking because it

n

TEKSTO // JOYCE ANN FABULA

is where you’ll see how far you’ve become through all the hardships on our training sessions”. CTE, bumulsa ng 4 na ginto sa Taekwondo Gumawa ng ingay ang koponan CTE matapos tagumpay magapi ang kanilang mga katungali at maitanghal na wagi sa Women’s Division sina Corine Diane Dorado sa Feather Category, Clowie Ann Bituin ng Light Heavy Category, Almira Manaye sa Light Category at Geruel Montemor para sa Junior Men’s Division-Heavy Category. Hindi rin nagpahuli ang pwersa ng College of Industrial Technology (CIT) nang maipanalo nina Gil Bien Romero ang Senior Men’s Division-Fin Category at Bon Flores ng Junior Men’s DivisionLight Category. Bukod dito, samasamang nanaig sa Women’s Division sina Pamela Suiza ng CBMA at Cyana Yzabelle Pascual ng CCS. Gayun din Geoffrey Will John Magpily ng College of Criminal Justice Education (CCJE) sa Senior Men’s Division-Welter Category. Aquino, wagi kontra Manalo sa Karatedo Inagaw ni Andrew Aquino ng College of Nursing and Allied Health ang trono sa 2-time

defending champion na si John Paul Manalo sa isang matinding sagupaan sa larangan ng karatedo sa iskor na 6-3. Napabilib ni Aquino ang mga manonood sa ipinamalas niyang pwersa sa bawat atakeng kanyang pinakakawalan. “Kasi ako, malimit sa suntok kaya lagi kong inuunahan sa suntok” ayon kay Aquino. Sa kabilang banda, itiinanghal rin na kampeon si Ivan Lapitan ng CHMT matapos ang dikdikang laban sa pagitan niya at ni Arvic Alon ng CCJE. Nanatiling wagi sa Samantha Aguilar n g COE sa Women’s Division ng k a r a t e d o matapos m a g i n g nag-iisang kalahok sa nasabing kategorya. n

Litrato l Shien Moral


Beterano ng COE umariba, 4 ginto hinamig sa table tennis TEKSTO // PAULETTE ARCASEN AT CRYSTAL CLARE PLACENTE

n

R

umatsada ang College of Engineering (COE) matapos kumamada ng 4 medalya ang mga beterano ng COE Table Tennis Team sa 2018 Sport’s Fest na ginanap sa Activity

center ng Laguna State Polytechnic UniversitySta. Cruz Campus, Sta. Cruz Laguna. Ipinamalas ni Melvin Derecho ng COE ang lakas ng beterano ng LSPU matapos magapi ang 17-taong gulang

na Gaudy San Jose ng CTE-SHS, dahilan upang makamit ang kampyonato sa Men’s Singles B. Ma-iikot na chop ang isinukli ni Derecho ng sa mabibigat na loop ni San Jose upang makalamang sa kompetisyon.

Bagama’t nagawang manguna ni San Jose sa unang set, hindi ito naging antala kay Derecho upang ipag patuloy ang mahigpit depensa na nag resulta ng 11-8 na 1st set. Nagawa namang makabawi ni San Jose sundan p. 26

Litrato l Christopher John Kabigting

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY - SANTA CRUZ MAIN CAMPUS n TOMO LVIII BLG 8 n AGOSTO - SEPTYEMBRE 2018

Isports THE GEARS

CAS, CTE muling namayani sa Dance Sports sundan p. 26

pumuntirya ng ginto Ison, ibinuslo ang panalo ng COE, 79-72 N

n

agpakawala ng limang 3-point shot si Mark Kenneth Ison ng College of Engineering (COE) upang tiyakin a n g kanilang pagkapanalo at maiuwi ang

TEKSTO // GAUDY SAN JOSE

kampyonato kontra College of Criminal Justice Education (CCJE), 79-72, sa mainit na Men’s Basketball Finals, na ginanap sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus (LSPUSCC), Agosto 29.

Isang mabilis na tres ang

binato ni Ison sa huling 23 segundo ng laro upang mapalaki ng siyam ang lamang ng COE, dahilan upang mapataob ang CCJE. Nagawang makapag-ambag ni Ison ng 19 na puntos, kung saan 15 dito ay mula sa nagawa niyang tres. “Yung play naming, yung pasahan at yung hindi kami nag kanyakanya ang naging strategy naming ngayon.” , ayon sa tatlong taong beterano na si Ison.

COE sinibak ang CHMT sa semis Matapos matalo sa semis noong nakaraang taon, balik ang pangarap ng COE na maibulsa ang championship matapos nilang padapain ang College of Hospitality Management and Tourism (CHMT), (76-73), sa semis ng Men’s Basketball Semi-Finals, Mabibilis na pasa at koordinasyon ang naging sandata ng COE sa semis upang tuluyang maungusan ang CHMT. sundan p. 26

Depensa sa korona

CTE, pinadapa ang CHMT sa softball championship, 6-1 n

TEKSTO // JONAS SALVATIERRA AT SHARINA ANNE RECTITUD

M

uling pinatunayan ng College of Teacher’s Education (CTE) ang kanilang malakas na opensa nang makakuha ng sunod-sunod na puntos sa ikalawang inning na nagpadala sa kanila ng kampeonato sa iskor na 6-1 sa Softball Championship finals laban sa College of Hospitality Management and Tourism (CHMT), Agosto 21.

COE chess wizards, kumopo ng 5 ginto

n

TEKSTO // ARVIE JOY RECTO AT IVY AMBROCIO

P

itunayan ng College of Engineering (COE) woodpusher na hindi matitinag ang kanilang departamento pagdating sa Chess matapos nilang makapag-uwi ng limang gintong medalya sa Chess Championship na ginanap sa LSPU-SCC Library, Agosto 29. Ginulantang ni Allysa O. De Castro ang mga manonood matapos nyang mabilisang makapagtala ng limang panalo sa round robin na

sundan p. 26

CAS, CTE, namayagpag sa beach volleyball n

batter na si Renee Rose Cruz ang patuloy na paghakot ng puntos nang hampasin ang bola ng may buong lakas upang magresulta sa pagkuha pa ng dalwang puntos para sa grupo sa tulong ni Joyce Cabaneros, at Princess Cacalda. Anim na puntos ang nakuha ng koponan sa ikalawang inning. Hindi nawalan ng pag-asa ang CHMT kaya naman sa ikalawang

inning, buong loob na hinampas ng CHMT batter na si Espinueva dahilan upang makakuha sila ng iskor na isa. Sa dulo ng laro, buong pusong nagpasalamat ang manlalaro ng CTE sa pamamagitan ng pagdarasal. “Masaya kasi yung mga best namin ginawa namin. Yung mga players namin, yung iba hindi maalam pero tinry naming i-train tapos konting pagalit kasi nasunod” n

Mercado, Espinar, tumumbok ng ginto sa billiards

Litrato l Shien Rhoel Moral

n

Humahagupit sa galing ang pambato ng CTE nang makakuha ng tig-iisang homebase sa ikalawang inning. Sa lakas ng paghampas ng CTE batter na si Lindsay De Leon, nagkaron ng pagkakataong tumakbo ng mabilis sina Kristine Balinillo, Aralyn Vitug, at Mary Jean Oliva na nagdala ng pambihirang init sa laro sa gitna ng LSPU Main Campus Field. Pinanindigan ng isa pang CTE

TEKSTO // JEROME LANDIG AT REY MARANGA

TEKSTO // CYNTHJHUNE DELA TORRE AT YRA BAUTISTA

T

inumbok ng billiard rookie ng College of Industrial Technology (CIT) at beteranang manlalaro ng College of Engineering (COE) ang gintong medalya kontra Collge of Computer Studies (CCS) at College of Teacher Education (CTE) sa ginanap na 9 bals Billiard Men and Women Tournament, Sport Fest 2018, Agosto 27. Ginapi ng pambato ng CIT na si Rhaylord Mercado ang delagado ng College of CCS na si Jay-Ech Gariño, matapos magpamalas ng breakshots at galing sa pagtira ng bola kaya’t nakuhang makalamang ng tatlong puntos sa best of 5. Binawian ni Garino si Mercado nang makapagtalaito ng ilang unforced errors ang naitala kaya’t nagawang makahabol ni Gariño, 4-3. Pinainit ni Mercado ang laban nang kanyang sagutin ng kaniyang walang mintis na jumpshots na tira at naipasok ang huling dalawang pool balls sa huling bahagi ng laro. Sa isang panayam kay Mercado, “Hindi dapat ako sasali, napalaro lang pero

nakakatuwa na nagawa kong manalo.” Samantala,si Rica Espinar ng COE ay umarangkada ng galing sa kanyang laban hindi maawat sa galing kontra sa CBMA na si Eden May P. Acejo, 2-0. Sunod-sunod na naipasok ng Espinar ang mga bola, subalit dahil sa bad break nagkaroon ng pagkakataong maipasok ng Acejo ang huling bola para makapuntos, 1-1. Nagawang makabangon ni Espinar sa kanyang malilinis na tira at magresulta sa iskor na 2-1. “Hindi ko in-expect na mananalo ako. Kumabaga, experience lang. ” Ayon kay Espinar. n

T

inapos ng puwersa College of Teacher Education (CTE) ang paghahari ng College of Industrial Technology (CIT) sa Men’s Beach Volleyball matapos itanghal na kampeon sa finals, 22-20. Nagpamalas ng mga diskarte at koordinasyon ang mga CTE Spikers na kanilang naging susi sa mainit na laban kontra CIT Blockers

sundan p. 27 Litrato l April Lian Albong

SIPAT! Manlalaro ng billiards mula College of Industrial Technology (CIT) sa kanyang pagtatangkang ibuslo ang bola at ang kampeonato sa billiards competition. Aug 27


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.