Banyuhay 9: Chichirya

Page 1

1


Ukol s a p a b a la t

Kakapusan ang matagal ng sinasapit ng bawat mamamayang Pilipino. Tayo ang gumagawa ng paraan para makaahon sa lubog na mga pagkakataon Kasama sa pagkilos ang adhikain maging kasama ang Boy Bawang at Siga. Sinusunog tayo ng alat at tamis ng buhay kaya’t hindi na nakakapagtaka na nagpapanatili tayo sa ating buhay pagkabata.


P a s a k a l y e Tandang-tanda ko pa ang mabilis kong pagtakbo pauwi ng bahay. Pagdating na pagdating ay dahan-dahang nagmasid. Tahimik. Walang katao-tao sa bahay. Pinagbibigyan nga naman ng tadhana. Hindi masusukat ang liksing aking pinamamalas papunta sa iba’t ibang parte ng aming tahanan kasabay ng katahimikang dumadaloy sa magkabila kong tenga. Kailangan ding maging alisto ang pandinig sa maaaring dumating na kung sino man, dahil kahit nasa bahay ka hindi ka pa rin ligtas sa lahat. Dalawang minuto. Hanggang sa naging limang minuto. Wala pa rin akong nakikita, nawawalan na ng pasensya at higit sa lahat – tiwala kung makakaya pa. Tagaktak na ang pawis na pumapatak mula ulo maging sa katawan kasabay ang kabang nadarama. Bakit ba naman kasi nakita ko pa yung sa kalaro ko. Bakit ba naman kasi ako naiinggit. Napaupo na lamang ako sa pagod. Muling kong naalala ang dahilan ng ginagawang iyon. Ang sarap-sarap ng kinakain nya. May asul na balat. Malulutong ang tunog kapag kinakagat. May namumuong mga cheese sa daliri na talaga namang nakakapagpapikit sa mata ng kung sino mang kumakain. Gusto ko rin noon. Gustonggusto.

Dali-dali kong inabot ang bulsang parte ng pantalon ni Papa. Sobrang kagalakan ang nadarama ko dahil nakapa ko ang madaming papel sa bulsa. At paghugot ko, kinilig ako sa saya. Isang papel na lila ni Roxas ang aking nakuha. Aalis na sana ako ng aking pagkatalikod ay sumalubong ang nanlilisik na mata ng taong nagluwal sakin. Walang anu-ano’y kumuha ng tsinelas at muli akong ibinalik sa pagkakatalikod. Hindi ko na naintindihan ang mga sinasabi ni Mama. Tanging ang init at lagapak na lamang sa aking likuran ang aking nadarama. Bawat hampas ay kasabay ng aking pagsigaw at pagpatak ng luha Ano ba naman tong nagawa ko. Naiinggit lang naman ako sa kalaro ko. Gusto ko lang din ng chichirya. Ilang taon man ang lumipas, sariwa pa rin sa aking ala-ala ang mga ganitong eksena sa aking buhay. Nakakatawa mang isipin ngunit sa kabilang banda’y labis itong tumatalakay sa pamumuhay ng bawat isang tao sa ating lipunan. Kahit mula pagkabata, dahil sa inggit at katakaman sa mga lasa ng Chichirya, ito’y nagawa ko na. Isang ala-ala lamang na minsan ko na ring nakasama ang mga balat nito sa mga kalokohan, kaya’t hindi ko man sila natipon, buo pa rin ang mga memorya sa aking isipan.

Napayuko na lamang ako at biglang napaisip. Kahit sana mga ulo lang ni Rizal ang makita ko o kung sinuswerte man, ay kay Aguinaldo. Sa pagkakaangat ng aking ulo ay nagningning ang aking mga mata. Ito na yun. Alam kong higit pa sa dalawang ulong nabanggit ang makikita ko. Alam kong nandoon rin si Quezon.

Joshua Aquino Punong Patnugot


Talaan ng Nilalaman T

u

l

a

Bite and Bits ni Fate Peñaflor | 8

Kiss ni Westlhey Canonigo | 17

Huling halik mula kay Lala ni Arvie Recto | 10

Nightmare ni Jonas Salvatierra | 19

Luho kay Cinco ni Samuel Nathaniel Aringo | 11

Vinegar psst… ni Joseph Andrew Algarne | 21

Welcome to Yesterday’s Junk ni Bless Chavez | 13

Stone ni April Ann De Luna | 23

Isang gatang ni Ali Cuevas | 14

Amount of Life ni April Ann De Luna | 25

Isang gabi sa Ermita ni Wendy Marie Palentinos | 15

Terrare ni Edna Chaelly Balitactac | 26

The Old, Bitter Man ni Vanessa Mae Antony | 16

Sa Gabi kapag Lamig ni Ana Luisa Flores | 27

D

a

g

l

i

Sing-a-lie-ng (Shingaling) ni June Loui Flores | 30

Mahaba ang Dala ng Gabi ni Kirsten Faith Flores | 46

Kinupit na Kropek ni June Loui Flores | 33

Bangketa ni Apolonio Estrella | 47

With or Without ni Kirten Faith Flores | 35

Sunshine ni Westlhey Canonigo | 48

Deli’s Choice ni Reniel Renz Gallardo | 36

Sa Dako Paroon

Mr. Chips ni Bless Chavez | 39

Buhay t’wing Valentines ni Aila Ilustre | 51

Palaki sa Gatas ni Rodjon Gally Villanueva | 40

Nips ang kulay ng Pag-ibig ni June Loui Flores | 53

Prito ni Reniel Renz Gallardo | 41

Flavor of the dawn ni Jostein Enal | 55

Smackee ni Westlhey Canonigo | 43

Kiss Kita ni Joyce Ann Fabula | 57

ni Westlhey Canonigo | 49

Makunat ni Apolonio Estrella | 45

P

r

o

s

a

Evacuees ni Jonas Salvatierra | 61 Lollipop ni Christian Carlo Viriña | 63 Boy Bawang ni Aila Ilustre | 64 Last Minute sa terminal ni Westlhey Canonigo | 65 Piraso ni Aila Ilustre | 67 Ekstrang Baon ni Aila Ilustre | 69

S

a

n

a

y

s

a

Dili Choice ni Lyka Jasmine Pandacan | 73 Memories, Thoughts and all that’s in between ni Jonas Salavatierra | 74 Monotone ni Vanessa Mae Antony | 77 Thrown Away ni Drimm Tiongson | 79

y


81

96 12

42


T

u

l

a


Binigay ang kaluluwa't laman, binasag, winasak at pinarupok.

Binuhos sa akin ang galit, marubdob na sakit

Bagkus ako’y ubos – walang tinira sa iba Anna Luisa Flores

7


Abot Kamay Apolonio Estrella

8


Bite and Bits Fate PeĂąaflor

Only three coins on my pocket And I still need to fill my basket I started walking with nothing on my mind Hoping something will be found

The usual cigarette smell on the front of the store And as I sate my order, the girl look kind of bore The three item that I carry with me Will be my dinner hopefully

9


Huling halik mula kay Lala Arvie Recto

Sa kanyang pag-alis, baon nya ang matamis na ngiti at mapulang marka sa kanyang pisngi na nanggaling sa isang magandang binibini handa sya’ng sumuong sa hidwaan upang ang bayan ay ipaglaban kasabay ng pagsuko ng puso sa hangganan at pagtanggap sa nalalapit na katapusan isang patak ng luha ang kanyang alay sa mga pilipinong sakanya’y nakaalalay na tanging hangad ay magandang buhay at kaligtasang tunay ngunit, kasabay ng paghakbang--kaliwa’t kanan ay isang buhay ang kanyang mapapabayaan sapagkat walang kasiguraduhan ang kaligtasan mawawalan ng ama ang bata sa sinapupunan handa nyang ibuwis ang sarili dahil sya’y isang sundalong ‘di magpapaapi isang tunay na bayani na kapayapaan lamang ang kinakamit!

10


Luho kay Cinco

Samuel Nathaniel Aringo

Ubos na ang mga isdang nakalagay sa lata Ubos na ang mga tira tirang pinapalamig sa makina, Ubos na ang laman ng matabang pitaka Ubos na ang mga bagay na dapat ipakita

Isa lang ang bagay na magpapawala ng yong pag-aalala Ibugaw mo ang kanin, para ito’y magkaroon ng kasama Salamat sa sukli ng jeepney driver kanina, ‘di na solo ang kanin, may pambili na ako ng makunat kay Tina.

11


12

Pinulut-an Bea Javier


Welcome to Yesterday’s Junk Bless De Chavez

As I passed a near-by restaurant I saw a little girl in front She was facing the front door, knocking it Didn’t knew what it is for. She was wearing an old school uniform With her thin body, unformed. Her feet were with that broken slippers, Together with her heart, bring them forever

My curiosity led me to that place, At last! My eyes were glued to her face. She puts he heavy-loaded bag beside And there were many like her side by side.

The waiter serves her a dish, but it’s neither a meat nor a fish It has rice, but its partner was junk food. And my mind whispered, “This is no good,” I was wondering if there was an amount of water Isn’t it a little favor? For her kidney that shouts for mercy And for her body that is near-dying

As she finishes her food, her little hands passed by the pocket Picking some coins for good. Wondering where is her mom? Hoping near to come. Yes, I saw her at the yesterday’s junk Making her life block.

13


Isang gatang Ali De Leon

Oras na upang kumain, Ihanda na at Ihanin. Kutsara at tinidor, alam kong madumi – may kalawang Ilang minuto na lang naman ang pagtitiis At ang kanin ay matatapos na Sa tatlong gabing gising – paglalakbay sa daan Kakasya ba? Sana. Iisa lang naman na gatang ang aking nadilihensiya Isang oras ang pinag-intayan – lamang tiyan Salamat sa hapunan, benteng napulot sa daan noong isang gabi Sa benteng halaga – disi otsong bigas At Bangus na tigdo-dos.

14


Isang gabi sa ermita

Wendy Marie Palentinos Unti-unti nang kumakagat ang dilim

Liwanag sa maliit na siwang ay naglalaho Sa sulok ng tagpi tagping gawa sa yero, bakal at kahoy Tinuring na tahanan ng dalawang batang ulila

Isang araw na naman ng pakikipagsapalaran Sa mundong ‘di umaayon sa kanilang nais Nakatulala na tila nasa kawalan Mababakas sa kanilang mukha ang kapaguran – sa lahat.

Tunog na lamang ng kuliglig ang maririnig Nang biglang nabasag ang katahimikan Isang tunog ng nagngangalit na kalamnan Hudyat na nga ito

Lumisan ang nakatatanda ng may desperasyon Natanaw nito ang isang maliit na piraso May kasagbit – samu’t samot nakakatawag pansin Pirasong nasa mga supot, sa ilang barya makukuha Dama ang takot at tensyon – tindig balahibong paghablot Wala namang nakatingin na mga mata

Nakadilihensya na siya ng tira-tirang mumo At ito ang nagsisilbing kapares ng supot Masaya inabot sa kapatid nang makauwi Nakaraos na naman sila ng una at huling kain nila sa araw na iyon.

15


The Old, Bitter Man

Vanessa Mae Antony

there was an old, bitter man,

who lived by the creek. in a worn-down house of sad and perished dreams. daily, he rode into the break of dawn on a rusty, old bicycle without a single yawn. his eyes were cherries, mouth, a heavy slur and pockets a-thin, from all that weighty gin. been thirty years since, his wife was robbed two years since, his son went amiss. life drawn with tragedy, he uttered to me once not words of nasty, but claims of unjust. for I shall remember with heavy regret, “it is happening again� said he till his death.

16


Kiss

Westlhey Canonigo Nalalasap ang pulang marka na iniiwan Isang gabi na naman ang magdadaan Kahit walang buwis na ibinibigay Alam kong buwis buhay ang ganitong bagay

Sinikipan ang mga binti’t pumulupot – gumapos Isang impit na boses ang sumilip sa bibig Hudyat na patapos na ang kanyang gawain Dalawang mata ko ang bukas sa pag-ugoy ng duyan – lumalakas ang palo Hindi naman na pala masama – isang ulo ng gobyerno ang aking nakita Nagpapasunod, nagbibigay diin sa mga salita, kaya’t ‘di na ako mahihirapang kumalma

At sa pagputok ng panibagong araw ng sandaling iyon Alam kong ilang oras na naman ang iintayin ko Sa halos tatlong taon na paulit-ulit Kaya’t simula noong binigyan niya ako ng kiss – yung tsitsirya Nabighani na ako sa kanyang salapi – hindi na masama. Dahil kahit wala akong binabayarang buwis Buwis naman ng bayan ang ipinangbabayad sa akin.

17


Onfiriti sere di pulleg Ivy Ambocio

18


nightmare Jonas Salvatierra

Our value was one, But we were many In size and in shape, we vary You broke each of them down, while you were having fun. Our value was one, But we were many They begged for your mercy, But you had none. Little by little their pieces were scattered, Broken by bits because of your madness and desire. Until you were left with nothing. Only a piece of memory, Only little of the taste. And a bag of trash, something you deserve. That’s what i thought, until you still asked for more. And saw the smallest, me I knew i was done for, because i have been bought. Before, i was fresh, left untouched. But you came, opened me, crushed me. It was not i who earned but them The devil and the sinner, what a great tandem. Wasted ---- how i feel about myself now A trash getting flown by the wind Having no direction at all Just waiting for a miracle to happen, To start anew, to recover, to stand

19


Nilukot Gamit Chichirya Fate PeĂąaflor

20


Vinegar psst... Joseph Andrew Algarne

Naglalaro kasama ang kaibigan Isang hapong walang katulad Padampi na ang labi ng dapit hapon Baril barilan, bang sak, at tagu-taguan. Kami’y unti-unting nakikipag habulan sa dilim ng gabi para sana’y makapagtago sa sagingan ng biglang.... Bang! Bang! Lumabas ako dahil akala ko’y tapos na yun pala’y si toto ay nataya na. humandusay kasama ang ligaw na bala. psssst... ang sabi ng tumaya sa kanya.

21


Bato Princess Plebescite Tope

22


Stone

April Ann De Luna Sabi nila hugutan ko raw ang chichirya, Yung maiaakma ko sa ating alaala... Pero saan nga ba ako mag-uumpisa? Kung sa bawat maingay na pagnguya Ng katabi kong may dalang Pic-A. Eh naalala ko ang pinagsamahan nating dalawa. Natatandaan mo pa ba? Simula ng tayo’y bata pa Paborito na natin ang Patata. Mahal kasi yung Piatos sa tindahan nila Aling Nena. Noong tayo ay naging highschool na, Niregaluhan mo ko ng Clover na isang dosena. Kasi sabi mo gusto mo akong maging prinsesa. Kaya nga minahal kita, Nagdate pa nga tayo sa Plaza Hawak ng mahigpit ang kamay ng bawat isa, At sa kanan mo ,may dala ka pang Nova. Graduation na. Alam mo ba na pinag ipunan ko pa, Ang niregalo kong Pringles na keso ang lasa. Tuwang tuwa ka pa nga, Pero bakit may lungkot sa iyong mga mata? Hindi ko alam na yun na pala, Ang huli mong pagpapakita. Bakit kasi hindi ka nagsalita? Eh hindi sana maayos ka pa. May kidney cancer ka na pala. At magpapagamot ka sa Amerika, Doon na rin kayo titira. Nalaman ko nalang, huli na. Kaya heto ako ngayon, nganga. Bitter sa chichirya. Kasi naalala ka pa. Kasi siya ang sumira Sa relasyon nating dalawa.

23


Lumpiang Shanghai Bea Javier

24


Amount of life April Ann De Luna

In the saltiness of the situation, Through the crispiness of life I manage to bite every second And lingers the flavor of success, However, every pack will be emptied. The taste of victory will come to an end. Opening a pack full of hope. This time, with another flavor and texture. This time, with different amount of savor. These cycle may be spiral in figure, Like every chips linger in your finger. A life’s full of good and bad ingredients, Made for a delicious contentment.

25


Terrare

Edna Chesally H. Balitactac A big round mirror Perfect for my big round figure For the nth time today I found horror in me

Cyanide and arsenic they would seem But everything around me looks good, Looks real good to eat Even if they’re almost bags of air In totality almost bare, they never fail They never fail my want, my desire to fill

I can never get enough of it, Can’t even stop to think Last in this world of flavors, Lost in my own decision. Maybe I’ll stop this addiction When I reach the end of my intoxication.

26


Sa Gabi kapag lamig Anna Luisa Flores

Binili mo ako ng walang bahid, may dulas at kinis Balot ng dating likido; nabuo na nang naglaon Biyabit ako sa madilim na silid, inihiga sa lamesa’t tumitig Buga ng ilaw sa tingkad, bango ng usok, sakin sayo’y nagpaakit, Bala ng likido sayong lalamunan, bumaga sayo’t ako’y hinubdan. Bawat labas-masok ng iyong daliri, bago ang ungot sa sarili, Bukas ang lahat, hinimas pa’t kinagatan Binigay ang kaluluwa’t laman, binasag, winasak at pinarupok. Binuhos sa akin ang galit, marubdob na sakit Bitaw ng lalaking manggagamit Butas – binutas at ginawang panakip Bagkus ako’y ubos – walang tinira sa iba Binilog at di na tinubos, binasura’t wala nang pakinabang Bagay lamang sa alak bilang pulutan.

27


D

a

g

28

l

i


Pagkatapos kong sabihin ‘yung you may kiss the bride tsaka ka pipikit “Rinna tinatanggap mo ba bilang asawa si Allen

sa hirap man o ligaya, sa sakit man o ginhawa.”

“Opo, Father.” “You may now kiss the bride.”

Westlhey Canonigo

29


Sing-a-lie-ng (Shingaling) June Louie Flores

Sumisipol na hangin, dapithapon na sinasabayan ng pagpitik sa gitara. Buo ang pakiramdam ni Kiko sa pagtugtog na dadalhin siya sa kasiyahan, at lilimutin ang kalungkutang noon ay idinaan sa tagay ng matapang na alak. “I wanna make you smile whenever you’re sad Carry you around when your arthritis is bad All I wanna do is grow old with you I’ll get your medicine when your tummy aches Build you a fire if the furnace breaks Oh, it could be so nice, growing old with you I’ll miss you Kiss you Give you my coat when you are cold

30


Tawid Gutom Bea Javier Need you Feed you Even let you hold the remote control So let me do the dishes in our kitchen sink Put you to bed when you’ve had too much to drink Oh, I could be the man who grows old with you I wanna grow old with you…” Sa buong akala ni Kiko, hindi na siya maiiwan muli sa kalawakan ng buhay. Naniwala na, ang kasiyahan ay sa simula lang mamamahay sa puso at mapapalitan din ng kapighatian na maaaring dalhin habang-buhay. Walang nagawa si Kiko, kundi ilapag ang mga dalang bulaklak sa puntod ng kaniyang minahal ng pitong taon. “Madugas ka naman, sabi mo noon, kahit saan ka magpunta, babalikan mo ako. Pareho nating kakantihan ‘yung paborito nating kanta.”

31


Lutang sa Tuwa Bea Javier

32


Kinupit na Kropek June Louie Flores

“Maaaaa! si Ming-ming kinain si Silver Swan.” Paghuhumiyaw ng aking kapatid habang naghahagilap ng dos-por-dos na ipanghahataw sa aming pusa. “Talaga ‘yang pusa na ‘yan. Hindi na naawa sa Arowana* mo. Ibibili ka na lang ulit namin, bunso.” “Hindi niyo ba na-a-appreciate ‘yung four years kong pag-aalaga kay Silver Swan, mas matagal pa sa relasyon namin ng ex ko!” Inis na parang wala na sa sarili at ginagalugad ang bawat ilalim ng mga gamit sa bahay, nagbabaka-sakaling nagtatago ang pusa. “Ano, nakita mo ba si Ming-ming?” wika ko sa aking kapatid na naghihimutok.” “Hindi ko nga makitaaa! Pahingi na nga lang ng kropek mo.” ___________________________ * Isang uri ng isda na nabubuhay sa tubig tabang.

33


Taste of Tomorrow Katherine Nicole Espino

34


With or Without Kirsten Faith Flores

As I close my eyes, your smell still lingers on my nose. Your sweet taste combined with salt and a bit spicy. How come I gave you up? With you, I live happily, contented with your unexplainable aroma. The way you make me feel, emotions I can’t explain. Without you, I’ll be safe yet it makes me sad. Just like a hole, a dark large hole. There’s a hollow part within me which craves you a lot, almost every minute. I know I should stop because of this so called hindrance. “Ugh! What’s wrong with you, UTI?”

35


Deli’s Choice Reniel Renz C. Gallardo

“O, naandito ka nanaman? Makikinood ka ng T.V, makikikain, makikitulog, mangungutang?” Iyan ang agad na sigaw ni nanay kay Ate Deli. Mabait si ate, madalas walang imik at walang kibo. Parang wala lamang sa kanya ang mga sinasabi ni nanay na masaskit na salita. Hindi ko pa sya nariringgan na sagutin si nanay kahit minsan. “Pasensya na po tiyang, dito po muna ako wala ho kasi akong kasama sa bahay.” Mahinag tugon ng aking mabit na ate ngunit naririning naman. “Pasensya, pasensya. Dito muna, para malibre maghapon sa pagkain” Muling pasaring ni nanay. Hindi ko naman maipagtanggol si ate dahil baka ako naman ang mapalo. Nasa edad akong labing apat at si ate naman ay labing anim. Pinsan ko siya sapagkat ang kanyang nanay ay kapatid ni tatay. Wala siyang kasama sa buhay at kami lamang ang tangi niyang kamag-anak. Ang nanay niya ay namatay noong nakaraang taon lamang samantala ang kanyang tatay naman ay nasa tunay na pamilya nito. Ako lamang ang tanging nakaririnig sa pagsabog ng halakhak ng kanyang puso na may pait at mga luha. Ako na akala nya ay hindi parin siya nauunawaan. “Tobby, tabi ako sayo ha. Pasensya ka na nakikigulo nanaman ako sayo, sa inyo. Eto may pasalubong ako sayo, DILIS Choice, paborito natin pareho.?” mahinhin na turan ni ate sa’kin ngunit madadama mo ang may pinipigil na luha. “ Last na to promise, sabay ngiti ng punit sa akin” “Salamat ate, kilalang kilala mo talaga ako e. Kung makapagsalita akala mo others. Bakit aalis ka ba? Magtatrabaho ka na ba ulit sa dati?” Pagtatanong ko para mabago ang mood naming. “Sira, sa tingin mo matapos ng naranasan ko doon babalik pa ako, ang hirap doon kaya ayoko na. Mahirap ang maging ganto, walang nakakakita ng halaga mo kundi ang sarili mo. Mahirap mabuhay na ang tanging pagpipilian mo ay mabuhay habang unti-unti kang pinapatay ng lipunan, o mamatay habang ang iba ay nagdidiwang dahil nawalan sila ng pahirap sa buhay.” Nagsimula nanaman si ate ng kanyang litanya na akala nya ay hindi ko nababatid kung ano ang nais niyang iparating. Hindi ako umiimik at hinayaan ko lamang siyang maglabas ng saloobin niya. Salita siya ng salita habang nilalantakan naming ang mga tsitsriya. Animoy

36


kada bukas niya sa pakete ay may bagong isisiwalat na saloobin at hinanakit sa lipunan. Ako at ang mga tsitsirya ang kanyang naging malapit na kaibigan. Kung baga, hindi kumpleto ang kwentuhan hanggat kulang ng Dilis choice. Sa bawat lungkot ay naging saksi ako at ang mga pagkaing ito na dala-dala niya. Ang mga poot nya sa lipunang ito ay nibubuhos na lamang niya sa pagkain. Mahaba-habang kwentuhan ang lumipas ng biglang natigil dahil sa pagdating ni inay. “O, Deli nandito ka pa din? Hindi uuwi ang tiyo mo kaya walang magbibigay sayo ng pangkain.” Bulyaw ni Mama na halata namang pinaalis na si ate dahil magtatanghalian na kami. Naawa ako kay ate pero wala akong magagawa baka ako ang palayasin ni nanay ng ganoon kapag sumagot ako ng pabalang. “E, tiyang, pahingi nalang limang piso. Tutal d’i naman pala makakauwi si tiyong e kayo na lamang po ang magbigay.” Muling hirit ni ate na ngayon ko lamang narinig sa kanya na sinabi kay nanay na may ngiti at tuwa. “Tse! Dyan ka magaling. O hayan ang sampu basta lumayas ka sa harapan ko at naaalibadbaran ako sa pagmumuka mo.” Sabi ni Nanay sabay haggis ng sampung pisong barya-barya kay ate. Tinamaan man at alam kong nasaktan si ate, pinulot nya ‘yon isa-isa ng nakangiti pa rin kay nanay. “Salamat tiya, huwag kang mag-alala last na to. Hindi na ako hihingi sayo, hindi ako makikinood at makikikain muli dito.” Sabi ni ate sabay takbo palabas ng bahay namin na akala mo ay nanalo sa loto sa halagang sampung piso. Pagkalipas ng tatlong araw, tinotoo nga ni ate deli yung hindi pagpunta sa bahay. Hindi sya nagparamdam sa amin kaya naman pati si tatay ay nagtatanong tuwing tanghalian na nauuwi sa pagtatalo nila ni mama. Kinabukasan, sumama ako kay tatay sa pagdadala ng pagkain kay ate sa kanyang tinutuluyang bahay. Nag-aalala na raw kasi si tatay baka hindi na yoon kumakain. Pagdating namin sa bahay ni ate, saradong sarado ito. Mukang walang taon. Mga sampung minuto din kaming tumatawag hanggang naisipan naming buksan ang bintana ng kwarto ni Ate Deli. Napasigaw si tatay sa kanyang nakita. Doon ko naintindihan ang salitang hindi na… Nakapili na si Deli… ang mamatay habang ang iba ay nagdidiwang dahil nawalan sila ng pahirap sa buhay. Kaya’t kahit sa burol ni Ate Deli – nandon pa rin ang paborito ko tuwing kasama siya, ang Dilis Choice na ibinibigay sa burol niya.

37


Sariwang Bangus Bea Javier

38


Mr. Chips Bless Chaves

“Grandma!” I shouted joyfully as I run towards the rocking chair where she is resting. I was hugging a teddy bear, a gift from mom because we went on a vacation to Batangas. “Grandma? Are you alright?” I asked again. I thought she’d respond to my embrace. She was staring at the open heavens, as the ray of sun stretches. She was calmly resting herself as her head lies down the rocking chair. Her lips were seriously laying down horizontally on her face. “Yes, darling. I am good,”. Finally. She smiled. I scrub my rubber shoes, running away from her. Picking up a large bag of chips, and I got back to her. “You open,” I gently commanded her. “Junk food again, darling? You might have kidney stone,”. “But my tongue loves this,” “Okay, you just dri—“ She paused as she was about to open up the bag of chips. “Grandma?” I sighed. “Mr. chips?” She frowned again as she saw the brand of the junkfood. “Yes, grandma. Why?” She moved forward and stared at me. “I love Mr. Chips. I missed him so much,”. She stared blankly as if everything didn’t happen. Those words escaped from her mouth as her eyes were fixing, going back to the open heavens. I gulped, forcing my voice not to escape for it will wreck everything of me. I know Grandma, in just few weeks or even days she will not even remember my name, too.

39


Palaki sa Gatas Rodjon Gally Villanueva

“Ang gwapo ni Ricci!” Ani Ali “Masarap pa!” Saad ng Nanay ni Ali habang kumakain. “Ano nay?!” gulat na sigaw ni Ali habang nanonood ng telebisyon sa kanilang sala “Totoo naman ah? Isipin mo, ang puti niya. Parang gatas. Kaya mas lalo s’yang sumarap. Pang-masa pa!” pagmamlaki ni Aling Bebang habang naghihiwa ng gulay “Nay! Ano ba?! Kadiri ‘yan ah? Sabi ko lang na gwapo si Ricci tapos ikaw naman ‘tong uusap kung gaano kasarap ‘yung tao!” pagmamaktol ni Ali “Hindi pa ba sapat sa’yo si tatay? Pati ba naman binatilyo pinagdidiskitahan ninyo.” Dagdag ng dalaga Isang malakas na hampas sa batok ang isinagot ni Aling Bebang sa kanyang anak “Bwisit ka talagang bata ka. Lumabas ka na nga sa pwerta ko, sa pinaglihi pa kita ginagawan mo ng kwento.”

40


Prito

Reniel Renz Gallardo Sa isang talakayan ng mga mag-aaral sa baiting isa… “Ano ang mg paborito ninyong pagkain?” Tanong ni Teacher Rose. “Fried Chicken” “French Fries” “Hamburger” “Ice Cream” “Ma’am, ako po bangus.” Nangingibabaw na sagot ni Victor bagaman sabaysabay sumagot ang mga kamag-aral. “Wow, Bangus pala ang paborito ni Victor. Palakpakan natin siya sapagkat siya lamang ang sumagot ng hindi Junk food sa inyo.” Masyang wika ng guro. “Ilang beses ka bang kumakain ng bangus sa isang lingo?”Dagdag na tanong ng guro. “Araw-araw po, tatlong beses isang araw.” Sagot ng bata ng may ngiti sa mga labi. “Wow, tunay ng na mahilig ka sa Bangus. Bakit mo naman ito nakahiligan anak?” “Kasi po Laging iyon lamang ang kayang bilhin nila nanay. 12 pesos po may isang dosenang bangus na malutong ka na din mula sa Tindahan ni Alin Soya. Konting sawsaw lamang po sa suka, toyo o kahit sa ketchup pampalasa sa kanin sapat na para sa isang dosenang magkakapatid katulad namin.”

41


Utak Chichirya Jana Rivera

42


Smackee

Westlhey Canonigo

“Kunwari ako pari ha? Pagkatapos kong sabihin ‘yung you may kiss the bride tsaka ka pipikit” May pagkumpas pa ng kamay ng sinabi ko iyon. Suot-suot ko pa ‘yung pinang komunyon ko noong nine years old ako, ‘di naman siguro magagalit si Nanay dahil ang bilin niya ipapamigay na niya ‘yung mga lumang damit ko. Dahil ‘di namin afford ang mamahaling singsing, napagdesisyunan naming bumili kay Aling Sonya ng Smackee nagbabakasakaling makabunot nito. Sinenyasan ko si Rinna, hudyat na magsisimula na ang aking munting seremonya. “Rinna tinatanggap mo ba bilang asawa si Allen sa hirap man o ligaya, sa sakit man o ginhawa.” “Opo, Father.” “You may now kiss the bride.” Habang pikit na lumalapit ang mga labi ni Allen, ang siyang alis ni Rinna sa kanyang pwesto. Kinakabahan man, ako na ang nagnakaw ng halik – halik na inilaan ni Rinna galing kay Allen para ibigay sa akin.

43


Kulong sa lansangan Danica Villanueva

44


Makunat Apolonio Estrella

Alas cinco ng umaga, mulat ang mata, nakikiramdam sa paligid si Emil. Bakas sa mukha ang pagkabalisa nang dahan dahan itong tumayo. Wala pang liwanag ani nito. Ang paghampas ng lamig ng hangin sa kanyang balat ay nagbigay ng kakaibang kilabot na siyang ikinaatras nito. Napasapo sa noo ang binata dahil halos dalawang Linggo niya ring inipon ang nasa bulsang mahigit dalawang libo. ‘Wala nang atrasan ito.’

‘Mang Berting, Mang Berting, pabili nga ho”.

“Ano bang bibilhin mo totoy?” tanong ni Mang Berting sa binata sa pabulong ring paraan. “Baka magising si misis ko shhhh…. “Pasok Toy”. Sa loob ng makitid na tindahan ay makikita ang samutsaring uri ng sitsiriya ni Mang Berting. Tila tahimik, wari’y wala ng tao sa tindahang ng mga oras na yaon. “Toy ituro mo ang gusto at paborito mo, patok sa pera na dala mo”, bulalas ni Mang Berting “Iyon sanang asawa ni Mang Juan,” *** Hindi na nakakapagtaka, ang halos dalawang Linggo na pagbabalik panaog ay naging araw-araw na. Hindi na maialis sa sistema, ‘pagkat ang babaeng kinakalantari niya ay nagbibigay ng kakaibang liksi kapag hinihithit niya.

45


Mahaba ang dala ng gabi Kirsten Faith B. Flores

Maiksi, kupas at bughaw na saplot ang tanging nakabalot sa munting katawan. Tanging halinghing ng pandidiri’t pagmamakaawa ang ingay na mamamalayan mula sa ilaw na dulot ng kalahating buwan na siyang saksi. Pugto at halos mawalan ng buhay ang mga matang walang tigil sa pagbuhos ng mumunting patak ng kahihiyan. ‘Di mawari kung saan patungo. Halos tawagin ang lahat ng santo upang makawala sa mapaglarong mundo. Habol siya ng takot. Nanginginig, nanlalambot, dirediretso. Preno lamang ang katapat at unti-unti nang babagsak. Kasunod niya ay isang lasing na karaniwang naglalakad sa kalsada ng walang hanggan. Sing talas ng titig ng uwak kung makatama ang talim ng tingin sa kanyang katawan. Ngalay ngunit sadyang di mapigilan. Pinagmamasdan, binibining walang kalaban laban. Kanyang namalayan, lihim na pagsilip ng kabastusan sa matandang makaraos ang hanap. Mas binilisan ang pagtakbo. Sa ‘di kalayuan ay nakahanap ng maliit na butas, kaagad na tinungo. Pigil ang hiningang sumilip silip kung sya’y nasundan ng matanda. “Ineng, lumabas ka na riyan...” Nangingilabot ang kanyang kaibuturan sa itinuran ng matanda. Dulot ito ng pagdodroga nito. Nang mapansing nakalampas na ang matanda, dahan dahan siyang humakbang ngunit... “shhkk” “Huli kang bata ka! Mapapaligaya mo na si tiyo! “ Naisakatuparan ang malagim na binabalak. Balat ng sitsirya ang may sala sa binibining di mawakasan ang pag-iyak

46


Bangketa Apolonio Estrella

Sa ilalaim ng madilim na kalingitan ay nababakas sa mukha ni Rosan ang pagkabalisa, nag-iisip kung saang kamay ng Diyos sya kukuha ng panghapunan. Mula sa kinatatayuan ay natanaw ni Rosan ang isang establisyamento na maraming naglalabas-pasok na tao, karamiha’y mapuputi at matatangos ang ilong, makapal ang bulsa, mayaman, walang problema. Lumapit si rosan sa gusali, nakarinig ng usapan – masayang hagikhikan ang kanyang narinig. “I’m full,” wika ng matangkad. Nag-isip si Rosan, “Mukhang merong pagkain sa loob ah!” Pumasok ang dalaga, nakangiti’t nagkaroon ng pag-asa. Walang pag-aalinlangan ang mga matang bumaling sa kanyang direksyon ngunit dahil sa kanyang pagnanais na magkalaman ang kanyang sikmura, hindi pinansin ang mga nagtatanong na mga tingin. Narating ni Rosan ang nais, sa loob ay tahimik ang naturang kainan, tila abala sa pagkain ang lahat. Ilang sandali pa ay may nagsalita - babai, nakangiti at masaya ang makulay nitong mukha. Hanggang sa pagkapula ng labi hanggang sa kilay na pumipilantik. Hinabol ni Rosan ang tinig.

“Ate ano po’ng tinitinda n’yo?” Tanog ni Rosan.

“Chicharon”. Tugon ng tinanong.

“May pagkain po ba dito?” Sunod na tanong ni Rosan.

“Kung gusto mong kumain, ikaw ay magtinda, nangangailangan na rin kami ng bagong tindera”. Sagot ng kausap. Sinunod ni Rosan ang sinabi ng nakaraan… “Bili na po kayo ng Chicharon ko mura lang. Chicharong Bulaklak – ‘yung akin bagong tabas at limang daang piso lang.”

47


Sunshine Westlhey Canonigo

“It is the part of the body where the release of semen takes place.” Ito ang kumuha ng atensyon ng bawat estudyante na nasa loob ng klasrum ng hapon na iyon, kasama ang larawan ng iba’t ibang babae at lalake, ang ilan sa kanila ay kilalang personalidad. Ilan sa mga pinakitang larawan ay ang binti, pisngi, tiyan, buhok at ang huli… “Katulad ng ibang pangyayari, ang rape ay hindi malalaman kung sino ang maaaring maging biktima ng ganitong karahasan.” Lumapit ang Professor sa bawat estudyante matapos ipakita ang bawat litrato na nakalagay sa screen. May bitbit na kapirasong balat ng chichirya, Sunshine, imbis na itapon ito iwinasiwas niya sa bawat mukha ng estudyante ang kapirasong balat. “See? Every one of you didn’t even budge to look into my eyes, paano nalang kaya kung nasa korte kayo? Isa sa mga akusado o biktima, paano kayo paniniwalaan ng hukom kung ang pagtingin palang ng deretso sa mata ay di ninyo magawa.” Ni-isa sa amin, hindi makakibo dahil sa tensyon na tumataas sa loob. Siguro’y naninibago, dahil unang araw lang namin bilang kumukuha ng kursong pangabugado. “This is Sunshine.”Halos sumikip ang dibdib namin sa gulat ng inisa-isang pinakita sa amin ang bawat slide. Halos maging kulay itim na ang balat ng nasa presentation, ilan sa mga ito’y halos makalbo na ang buhok, may malaking bakas ng hiwa sa bandang braso at putok na mukha – na ang isang mata’y halos hindi na makita. Isa sa mga mas tumatak na litrato ay ang buong katawan nito na puno ng paso ng sigarilyo. Hindi na napigilan ng isa sa mga estudyante ang mapahagulgol ng maipakita ang isang parte ng presentasyon kung saan ang ari ng babae, ni Sunshine, na may tahi at may nakaukit sa balat ng pagkababae nito na “we were here,”gamit ang kutsilyo. Hindi ko namalayan na may tumutulo ng luha sa aking mga mata. Iniisip na panimula pa lamang ito ng mga maaaring mangyari sa buhay pag-aabugasya. “Sunshine was drunk that night, it was her birthday. Nagising nalang ito ng may mga lalaking nakapaligid, habang ginagalaw ang kanyang katawan. And worst, isa sa kanyang mga tito ang gumahasa dito kasama ang mga lasing na barkada nito.” “See it’s just the start of your journey. If you want to back out, you have a lot of time.” Isang ngiti ang ginawad nito sa isa sa mga estudyante na nasa gitna ng room. “May nakalimutan nga pala akong sabihin sa inyo, so let me introduce you one of your classmates, Sunshine.”

48


Sa dako paroon Westlhey Canonigo

“Kuha lang ikaw ng gusto mo, and it’s all on me.” May pilantik pa ng kamay nang sinambit ito ni Donna. Sa pag-abot nito sa lilibohing pera ay sabay naman ng kanyang kaliwang kamay sa pag-aayos ng buhok sa tenga, gwapo kasi ‘yung nasa harap nila kung saan sila nakahanay. “Kuye, eehmmm, eshe peng Gatas, ‘yung haw-haw galing po sa inyo mismo.” Napaimpit ng tili si Donna ng itaas ni Bianca ang kanyang panty dahilan para masaktan ang kanyang hiwa sa ibaa. Si Bianca kasi ay isa sa mga taga-hanga ni Allan, ayon sa nameplate nito. “Sure po Ma’am, will serve it to you right away.” Mataas man ang takong, pinilit nito na umayos ang lakad sa kabila ng pagkasakang ng kanyang mga binti. Hindi kakayanin ng kanyang sarili na mapahiya sa matagal na nitong gusto, lalo na’t kasama niya si Devil B, short for bruhildang Bianca. Irap na lamang ang iginawad ni Donna sa kaibigan, hindi naman nito magawang magalit sa ginawa dahil nag-iisa lang naman kasama ngayong araw. Sabay labas ng mamahaling cellphone na halos nagpakinang sa mata ng kaibigan. “Wow Donna! Ang yaman mo talaga, biruin mo kahapon buong section ang nailibre mo ng lunch sa Mang Inasal with matching Halo-Halo pa. Sana sa susunod, sa tu-“ “Ikaw! Nilibre ka na nga – “ “Donna!” Malakas na kalabog ng kaldero ang nagpagitla sa dalawang magkaibigan matapos makita ang tiyahin nito na umuusok ang ilong limampung kilometro ang layo. “Tarantado ka talagang bata ka! Dala-dala mo na naman ‘yang Cellphone ko! Kanina ko pa hinahanap ‘yan dahil magpapadala ang tito mo ng pera.” Napayuko na lamang sa hiya si Donna matapos pagtinginan ito ng mga tao sa Barrio Seis, hindi aakalain na maabot ng kanyang tiyahin ang halos tatlong kilometrong lakaran papunta dito.

49


Suffocated Chips Danica Villanueva

50


Buhay t’wing Valentines Aila Ilustre

Maagang nagsimula ang umaga ni Amiel sa araw na iyon. Marami ang pulang laso, puso at panabit sa kung saan siya dumaan papuntang eskwela. Hindi nagklase ang una nyang guro – siguro’y may date si Ma’am kaya lumiban. Nagaabang ang ilan n’yang kaklase sa mga tsokolate o surpresa. Mukhang masaya ang ilan, ang ilan nama’y walang pakielam. May kantahan sa quadrangle, may pa-booth ang Student Council at higit sa lahat nakapula sila Ma’am at Sir. Maaga silang nagtanghalian ng kanyang mga kaibigan. Espesyal ang pagkain sa canteen at may mga pusong nakasabit sa pinto at mga kanto. Damang dama nya kung anong meron sa araw na iyon, hindi araw ng mga patay o kaya pasko, tama ang hinala mo kung naisip mong Araw ng mga puso. Iyon ang araw para sa lahat ng nagmamahal o minsan bitter kapag nasaktan o sa ilan naman walang kahulugan. Naglalabasan ang mga magkasintahan, marami ang tila kinikiliti sa tadyang sa iritan ngunit si Amiel mas sabik sa oras ng uwian. Mabilis lang natapos ang araw na iyon para sa ilan, pero kay Amiel alam niyang pasimula pa lang. Maswerte siya at may natira pang panindang bulaklak – ‘yung chicharon ito lang kasi ang abot makakaya ng tinipid niyang baon. Naglakad lang si Amiel patungo sa una at huling babaeng idadate nya sa araw na iyon. Nang makarating siya sa eskinita ay agad siyang napangiti bitbit ang mga rosas. “Happy Valentine’s Day, Ma”, isa sa pinakamatamis na pagbati para sa araw na iyon para sa babae kung saan niya unang natutunan ang magmahal at mahalin. Lumuhod ito at sinindihan ang kandila, pinunasan ang Lapidang nasa harapan nya.

51


Nakaw na tamis Bea Javier

52


Nips ang kulay ng pag-ibig June Louie Flores

“He loves me, he loves me not.” Pag-iilusyon ko habang inuubos ang isang maliit na pakete ng Nips. “He loves me… Uuuy!” Dumulas sa aking mga daliri ang kendi na bagong dukot na para sana sa He loves me not. “Wala, counted ‘yon. He loves me na ulit, He loves me not.” “He loves me, He loves me not.” Sa pagkagalak na mapasabibig ang huling butil ng kendi, napabahing si Hayme at tumalsik sa damuhan ang kendi. “Ano ba ‘yan! Hindi rin pala ako mahal ni Huben. Dahil hindi ako maarte, susuyurin ko ang damuhan na ‘to makain lang ‘yung huling kendi.”

53


Hapunan Bea Javier

54


Flavor of the dawn Jostein Enal

The class ended after dusk. Exhausted and hungry, the promising remedy was sweets. Doughnutsjust the perfect choice. Sweet and heavy, doughnuts can wipe off the problem. And so, they went to the doughnut shop. The five best friends ordered their choices. They settled in a table, opened the Choco mint box of doughnuts, and picked up their delicacies. Jojo brought his cherry red cheesecake to his lips. From the glistening sweet glaze down to the chewy dough with soft and creamy cheesecake, Jojo felt the ecstasy in his mouth. The intense pleasure with every bite, as his teeth grazed the bread, the sweetness was overpowering his senses. Caving in to his craving, Jojo devoured it whole. Polo gently picked his. Perfect round bread topped with sweet strawberry cream and a swirl of frosting. After gathering his strength, Polo closed his eyes and ate pink gourmet. Instant glee showered his soul. It was as if somebody opened the doors to a whole new world. Manuel swiftly bit down to his chocolate filled doughnut. Chocolate sprinkles on top, his taste buds were tickled with extreme sweetness. He glanced to his left to his lovely dear; Manuel cannot deny the sweet words that escaped from his lips. Rina held up her milk powder covered doughnut. Innocent and pure just like her, the vanilla volcano doughnut is simple and sweet. Exciteness overwhelmed her body and she hastily satisfied her hunger. Ruby red cherry jam filled her mouth. The white powder now tainted with red. Cleo took the last doughnut from the box. Uncomplicated and not fancy, the coffee flavored doughnut melted quickly in Cleo’s mouth. Coffee is a perfect representation of whole Cleo is. She glanced to everybody around her, all four busy eating their own. She felt the bitter coffee creeping in her taste buds. Because their doughnuts represent what their lives had been. For Jojo has no control. And Polo came out of the closet. Manuel was in love with Cleo. And Rina’s boyfriend was gay. So she gave up to Jojo and made a mistake. Cleo realized her boyfriend made a sin that her heart cannot take.

55


Mundo ni Piatos Adrian Cada

56


KISS KITA Joyce Ann b. Fabula

Pagmulat ng mata , dinig na dinig ko na ang sigaw ni nanay “Isko! Bumangon ka na at bibili ka pa ng langis!”. Ito na naman si nanay ginigising ako ng kanyang bulyaw para utusan. “ Opo, babangon na!” sagot ko kay nanay habang kinukusot ang mata. Dali-dali kong kinuha ang barya sa lamesa upang makabili na sa tindahan. “Aling Nena langis nga po tapos yung sukli po ito na lang kendi”. Dahil gusto ko masimulan ang palabas ni Spongebob ay mabilis kong tinakbo ang daan pauwi sa bahay. Ngunit natalapid ako isang bato sa daan kaya’t nabutas ang dala kong langis at nasugatan ang aking tuhod. Pag-uwi ko ng bahay, alam ko na palo ang ibibigay sa’kin ni nanay dahil sa nangyari. Hindi ako nagkamali sa aking inasahan ngunit tumigil si nanay nang makita niya ang aking sugat. “Anong nangyari dyan?” tanong ni nanay na akala mo’y galit. Hindi na ako nakasagot dahil dinala na ako ni nanay sa banyo upang hugasan ang aking sugat at kanyang ginamot. “Sa susunod titingnan mo ang dinadaan mo hindi yung para kang siga sa daan.” tangi tango lang ang naisagot ko kay nanay dahil natatakot pa din ako sa kanya kahit alam kong nag-aalala lang siya. “Masakit pa ba? Hipan ko ha?” tanong ni nanay. “Nay i-kiss niyo para di na masakit” lagi ito ang ginagawa ni nanay para mas maramdaman ko ang mabilis na paggaling. “Naku, alam ko naman ang gusto mong gawin ko. Ikaw talaga, sige na kiss kita”. Habang hinihimas ko ang buhok ni nanay. Blangko mukha ang tumambad sa akin. “Sino ka?” tanong niya. “Nay, ako si Isko. Ako yung anak mo sa kwento ko” paliwanag ko kay nanay. Sampung taon ko na paulit-ulit na ikinukwento kay nanay ang mga paglalambing niya sa akin noon upang kahit saglit maalala at makilala niya ako sa mga kwento sa kabila ng kanyang sakit. “Ikaw si Isko? kamukha mo nga ang anak ko pero hindi ikaw ‘yun.” “ Tulog ka na nanay, kiss kita” Isang halik ang iniwan ko sa noo ni inay sa kanyang pagtulog. Baka bukas, hindi na niya ako makalimutan.

57


P

r

o

58

s

a


“ “

Ngunit, pinakapaborito ko ang kulay pula dahil sa tingkad ng kulay nito. At nagbibigay ganda sa labi – taliwas pa sa tunay na kulay ng labi ko Lollipop ang lipstick ko, mura lang kasi pamalt sa totoo

” ”

Christian Carlo Viriña

59


Succumb Katherine Nicole Espino

60


Evacuees Jonas Salvatierra

As I hear the sound of crumbling and crunching of the chips I ate for lunch I can’t help but remember the roaring thunder that led us to this The sound of the gray no-signal television Before unafraid just waiting for new colors and entertainment Now praying and crying for the rising storm to stop Have we become too careless? That our Gaia is now returning all that we gave. It’s so odd that the roofs can now fly As the water continue to rise and undry I’ve been waiting for everything to stop, As my mother curl me into a hug The taste of the Bangus I ate Has become bitter and painful memory. Before, chicken and rise now have come to this Still thankful for I have been brought to evacuate, Safe and sound Still thankful for the chichirya to save me from hunger after a long long time Of waterfall and storm

61


Melted Desire Ezekhyna Naval

62


Lollipop

Christian Carlo Viriña Mahilig ako sa kendi lalo na sa lollipop – yung Chupachups ang brand ‘Yung may iba’t ibang kulay – sumisilip sa anyo ng kadramahan sa buhay Ngunit, pinakapaborito ko ang kulay pula dahil sa tingkad ng kulay nito. At nagbibigay ganda sa labi – taliwas pa sa tunay na kulay ng labi ko Lollipop ang lipstick ko, mura lang kasi pamalt sa totoo Nung Avon na katulad ng kay Ina – Ganda kasi ng tapal sa labi nito Isa pa’y dahil nuwebe pa lang ako Sinama ko na ang gandang kulay ng blush on Dahil alam kong sa pagtuntong ko ng sampu, ube pa rin ang aking matatamo Hindi lang kay Ama, pati na rin sa mga kuya kong ayaw sa bakla.

63


BOY BAWANG Aila Ilustre

Sigawan ang dulot ng paglabas ng pulutan piso pisong boy bawang na inutang Kay Aling Susan Handa na ang yelo at pampainit ng lalamunan sumunod na ang gitara at ang kanta ni Chito Aarangkada na rin ang mga tuksuhan at kwento Madilim ang paligid ngunit maliwanag ang mga mata Sabay sa indak ng paboritong kanta; bawat titik at tunog ay may alaala Iniisa isa ang kalokohan sa nakalipas na taon Pati ang mga pagkabigong niluma na ng panahon Unti unting lumalalim ang gabi at sumisilip ang buwan May halong lungkot na ang mga tawanan Alam ng bawa’t isa na ito na ang huli Maaring hindi na maging kagaya ng dati Pagkatapos na ang diploma ay mapasakamay Alam nilang hindi na nila alam ang takbo ng buhay Ngunit saksi ang paboritong tambayan Sa kung gaanong ang bawat isa ay naging tahanan, Ito na ang magiging huling pulutan Bukas na siguro muli ang pagkikita; sa ating pagmartsa at huling kamay sa bawat isa.

64


Last minute sa terminal

Westlhey Canonigo

Pumipikit-pikit ang dilaw na ilaw sa aming lugar Sa seraduray’y marupok, isang bisagra na ang palitaw Sa umagang iyon, Biyernes, dalawang takal na lang sa maghapon hanggang magpanglaw Napangiti, dahil mamaya lamang ito’y mapupunan

Pula na lipstick ako bumawi, kulang ang blush on kaya dito tumabi At ang dulong kloseta, napaisip, isang lingo muli ang lumipas bago kita mahawi Tirik ang araw ng umagang iyon, bahala na ika ko Malayo pa ang lakbayin, bilang na ang oras magsisimula na ang bulgaran kay Mayor

Ngunit hindi ako ang bida, kung tutuusin marami sila Sa dako paroo’y malalaking sasakyan ang paparada Mani, bitbit ng mga tao para sa kanilang ikakwarta Kabilang banda nama’y nakahanay ang aking hanapbuhay

Paniguradong blockbuster na naman ito, madaming bago mukha ang salta sa lugar na yaon Tatlumpung porsyento and makukuha para sa bawat putaheng tinda ko Sapat na para makadalawang kaban pangbuong Linggo. Marami ang bumili, bawat asul na abot nila sa akin Ubos ang nakahanda para sa gabing iyon

Hindi na nakakapagtaka ang malaking pera na makukuha isang beses isang linggo Bawat terminal ng bus, iba’t ibang sigaw at bulong ang trabaho ko Madaming klaseng mani kasi, kaya mahaba ang pila kapag may bumibili – patago.

65


66

Kapiraso Bea Javier


PIRASO Aila Ilustre Paulit, Pwede ba? Pinilit sabihin kahit masakit Alam nya ngunit hindi handa Tama ba ang narinig? Tila mas lumalim ang paghinga Nanunuyot ang labi habang nakatindig Umaasang mali ang kanyang hinala Malamig ang palad na kumapit Tumingin sa kanyang mga mata’t nakiusap Muling nagtanong kahit mapait Ang sagot niya’y pilit hinarap Mata’y pinikit muna muli Alaala ng lahat ay sumaglit “Hindi na kita Mahal, Sally” Salitang nasa isip habang nakapikit Namulat siyang muli upang sumagot Dala ang piraso ng puso nyang naghihikahos Walang luha ang maaring sa puso nya’y makagamot Inihanda ang salitang nagbabadyang tumapos Ngunit hindi sakit ang namutawi Pagtataka ang gumuhit sa mukha Dahil ang dating mukha ay pumula “Si Marko, siya ba ang nagpalambot muli sa’yo?”

67


Sinigang Hopwa Delicano

68


EKSTRANG BAON Aila Ilustre

Maari bang magtanong? O baka may nakaabang na baril sa likod mo? Huwag kang mag-aakala na nakikinig sila Dahan dahan kang pumikit Magbingibingihan at magpatuloy pa Nakita mo hindi ba? Ngunit tahimik kang naghugas ng dugo Walang nakarinig ng sigaw Pero alam ng lahat ang nangyari sa Sitio Alisin mo ang ebidensya sa kalye Punasan ang bakas ng inosente Nangangamoy ang bulok na katawan Alam ng lahat ang pinanggalingan Ngunit walang magtatangkang pumalag Sa rehas ng kalawang tila matatag Ayusin mo ang uniporme mo, Ikaw ang proteksyon ng mga nakaupo At hindi sa iyong sinumpaang paglilingkod Asul man ang kulay nito, Madilim ang bawat hiblang bumuo dito At sa oras nang pagsagot mo, Alam kong handa ka nang gumawa ng kwento. Ito lagi ang dala mo – ekstrang baon na salita At pandagdag mo.

69


S a n a y s a y

70


“ “

But how naive am I to think of that? He will surely want more of me, more of other just like me. Besides, I'm nothing special. There are a lot of other duplicates of me. I'm just a bag of chips.

” ”

Drimm Tiongson

71


Insecurities Richelle Anne Pabolonia

72


“Dili” Choice Lyka Jasmine R. Pandacan

Napakagandang silayan ang paglubog ng araw habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng kaaawas lamang sa eskwelahan at masayang nginangasab ang samot-saring sitsirya na kanilang binili sa tindahan ni aling Pasing. Bagamat unti-unting napapalitan ng dilim ang liwanag na nagbabadya na isang araw na naman ang lilipas na puno ng walang katapusang panibugho at kalungkutan. Kirot sa puso na nadarama ni Dilis Choice sa tuwing magsasara ang tindahan ni aling Pasing. Sapagkat ni isa mang piraso niya ay hindi nabenta. Dumaan ang buong araw na puno ng panghuhusga’t pang-aalipusta mula sa mga bumibili na nagsasabing siya ay masangsang, nakakasulasok at nakasusuka. Sa kabila ng kaniyang murang halaga, ordinaryong pakete na sapat na upang makaengganyo ng masa at ang sustansya niyang taglay na bihira lamang para sa isang sitsirya ay ang kanyang pagkasabik na matikman at gustuhin ng karamihan. Kaysaklap mang isipin ang kanyang sinapit ang tangi na lamang niyang magagawa ay manatiling nakasabit, pampasikip sa mga panindang binibili ng marami at magmistulang dekorasyon sa tindahan na sa kalaunan ay kukunat, mayuyumi at aamagin ng panahon. Sa mga panahong lumipas ay laganap parin ang sakit ng lipunan na hindi maalis-alis at lalo pang lumalala. Isang sakit na tila ba’y patuloy na sumisira sa mga sisitema ng pamumuhay ng bawat tao sa mundo.Ang diskriminasyon na isang instrumentong maaaring tuluyang wakasan ang pananatili ng kaayusan sa mundong ibabaw. “Life is a matter of choice”, nasasayo kung ipaglalaban mo ang iyong karapatan o manatiling manhid sa pang-aalipusta ng karamihan”, Dilis Choice a.k.a No Choice.

73


Memories, Thoughts and all that’s in between Jonas Salvatierra I’ve been more open to poverty, which I myself is experiencing right now. To see the street children every day when they beg for food is the most heartbreaking, I swear! Their life is hard, and it’s very evident- with how they clothe, with their body, and most specially, in their eyes. Lost in my own thoughts, I feel like I’m in a middle of nowhere. Until the fresh aroma of scented perfume, soap and other toiletri es reminded me I’m in a grocery. Yes! Grocery! I remember back when I was a child, my mom always take me with her in the grocery. As in always! And I get to buy different stuff that I want like snacks! And colognes! And facial powders! Everything a young teenager would want. But it’s different now, ever since my mom died, I decided to go into the big city to work, and study at the same time- which I’m not really used to in doing. Sadly enough, this is where I realized I was adulting, and may I remind you, I was adulting fast!! Walking in the corridor of this small grocery, thousands of memories has come upon my on-going train of thoughts. Until I’ve come to read my favorite part of the grocery, it has always been, the chichirya sector. My heart jumped and my mind exploded forgetting what it has been carrying for a moment now when I started walking towards what I considered, my safe haven. Until I took the first step inside, where the fluffy stuff toy I’ve grown to call ‘chamby’ that I’ve carried before has come to my mind first, and then my mother’s smile every time her eyes meet mine, everything was purely heaven because of that perfect moment. When i got to choose tons of my favorite chichirya for the movie marathon we’ll do when we get back home! Oh how i wish it’s still the same. Until two kinda sweaty, cute boys in uniform disturbed my flashbacks when they ran passed me making the napkin i was holding since had fall off!!

74


Vinegar Pusit Bea Javier

“oh this is so embarrassing”, i whispered to myself. “Say sorry to the lady, Tom!” said the short and cute one. “I’m so sorry ma’am! It’s just me and my bro Luiz here is so excited to buy the new product today! Ha ha! It’s kinda expensive but many students at our school had tried it and we also want to! Ha ha!”, the boy with skin of porcelain and innocent eyes explained. “oh yes, don’t worry about it” They went on and with smile on their faces, they went on the counter still chatting about how excited they were. “I’m going to check my budget first, i think once in a while i want to feel like a child again.” I checked my pocket of few 100’s and 20’s and I’ve seen the price, “yeah, it’s expensive. “ I am surrounded with tons of junk foods, and hearing the word ‘junk’, only one thing comes to mind- Politics. The election is fast approaching and this is going to be the first time that I’ll vote. With sweet and tempting words, i can hear these chichiryas tell me “vote me!” or i mean, “buy me!”. Different colors representing their own, i have to be wise in choosing. Shall i get the expensive, popular new one with rising numbers of followers or should i get my favorite, loaded, simple but has proven me that it can reach my satisfaction well enough. If choosing what to buy is like politics, then I’ll surely elect the tested one. And so i got it and went to the counter. Street children were playing as i went outside of the store. Their eyes sparkling with pure joy and happiness, as if they were children with no problems at all, just like Luiz and Tom from earlier, well they are kids after all. It felt like my heart was being tormented until i realized that i can do something for them! Yes! Using the election to vote someone to be their hero, someone who’ll save the Philippines from drowning in poverty. I really hope that there is still hope. In this world full of chunky good chips in words only, chocolate coated corrupts, twirling people with empty lies and promises, there is still one loaded with love, loaded with goodness, and loaded with good leadership.

75


On the job Alessandra Coronado

76


Monotone Vanessa Mae Antony

It is five thirty in the morning, tuesday. My eyes flung open, I wake in an empty bed. It is dark outside, and it is in the darkness I begin my day. I bathe, brew a black cup of coffee and listen to the morning news as I usually do, waiting for six thirty to strike. Now, it is six forty and I am waiting for a jeepney by a dusty road which is slowly lining up with traffic. Fellow commuters stand beside me, each absorbed in their own worlds; most faces illuminated by the lights from their smart-phones while some, dim with a vacant, blank stare. Finally, a jeepney. Professionals rush forward, each eager to get a comfortable seat inside. I do too, and I succeed. I am now inside the jeepney, seated between an old man with a walking cane and a lady in a pant suit. Opposite of me is a mother and a child dressed in a uniform… elementary, I assume. “Dalawa, oh! Dalawa pa. Para maka-alis na kayo!” The jeepney gets congested, people’s shoulders curving in an effort to make room. Eventually, I hear the engine roar and we are off; these quiet strangers and I, about to begin our monotonous routines. Outside, dawn has arrived. Tall buildings are revealed, blinking under the morning sun. It is a beautiful day, I close my eyes. Slowly, I feel myself slipping into sweet surrender until… a familiar crunch forces my eyes open. The little boy is eating one of those piso-packet chips I used to buy as a child. It feels odd, watching him. He looks happy and contented, a contrast to the gloomy faces beside him. I cannot help it, nostalgia pulls me in. I am now a ten-year old boy. It is bright and hot, a beautiful day to be outside. Full of hope and vigor, I am running down a street towards the basketball court, my childhood friends not far behind me. We hop and skip and then scream when Bruno starts barking at our youthful banter. We race towards Nanay Elma’s tindahan, the sun beating down our red necks. “Pabili po!” We race again towards the mango tree, hands heavy with piso-packet chips and ice candies. Our feet ache from running around all day and we collapse under the shade; a feeling of joy and content settles in my stomach. A loud, familiar screech rings in my ear and once again, my eyes are open. I am back in the congested jeepney, the inkling of my youth already fading. I glance at the little boy, still munching on his snack. Never grow up, I wish to mumble as my destination passes by in a blur. It is now seven thirty-five, sunny and bright like the days of my childhood. It is a beautiful day. “Para” I say.

77


Kasalanan ng Kahapon Richelle Anne Pabilonia

78


Thrown Away Drimm Tiongson

A lot of people tend to look at me with extreme joy. They show intense curiosity, eager to open me, questioning what I contain inside. It made me happy to be informed that someone is after me, a person finally wants to know me. As I was chosen, deep inside I was glad, but I know that everything is only an act. A beggining of how I’ll be torn apart. Just like most of us, I was exposed excitedly. I was the center of attention. His eyes were glad, having my companion. Clutching every piece of me, as if there’s no tomorrow. Until he was able to take every bit of me, his eyes pictured disappointment. He threw me, as if he never needed me, as if I wasn’t used. I wasn’t enough, he wanted more. I thought giving him everything I had would make him want to stay. I thought letting him take control of me, will make him want to keep me. But how naive am I to think of that? He will surely want more of me, more of other just like me. Besides, I’m nothing special. There are a lot of other duplicates of me. I’m just a bag of chips.

79


L a r a w a n

80


Bida sa Kalsada Shien Rhoel Moras

81


Tabing Daan April Lian Albong

82


Kapos Shien Rhoel Moral

83


Vanished Dream Joseph Andrew Algarne

84


Vintage Chip Shien Rhoel Moral

85


Himig Shien Rhoel Moral

86


Palangoy sa Landas Christopher John Kabigting

87


Blind Spot Aubrey Rivera

88


Busog sa Kiss Grecielle Baldesco

89


Chicharong Bulaklak Reniel Renz Gallardo

90


D

i

b

u

91

h

o


Ominous Craving Fate PeĂąaflor

92


Damot Fate PeĂąaflor

93


Simoy ng Baka Bea Javier

94


Binalot Adrian Cada

95


Sa Kabila ng Kagustuhan Esteven Combalicer

96


Isang Laman Esteven Combalicer

97


Bigkis sa Paniniwala Danica Villanueva

98


The Gears Patnugotan 2018 - 2019 Editor-in-Chief Joshua Aquino Associate Editor Joseph Andrew Algarne Managing Editor Shulamae Castro

Circulation Manager Westlhey Canonigo | News Editor Jenny Melicio | Features Editor Vanessa Mae Antony | Sports Editor Joyce Ann Fabula | DevComm Editor Romel Brian Florendo | Chief Artist Adrian Cada | Chief Photojournalist Shien Rhoel Moral | Chief Graphic Artist Bea Joy Javier Senior Photojournalist Christopher John Kabigting Senior Staff Writers Arvie Joy Recto Jhane Austria Chaelly Allyson Balitactac Alexandra Ramirez Senior Artist Princess Plebescite Danica Villanueva

Staff Writers Apolonio Estrella Annie Jane Bernardino Aira Denise Depatillo Mark Carlo Gahon Christian Carlo Virina Esteven Combalicer Kirsten Faith Flores Rodjun Villanueva Alfred Nean Canovas Ranz Irizh Enriquez Alvin Cuevas Elexandra Labutap Jonas Salvatierra Jaylyn Esquibel Allysa Jane Montiero Christian Ray Carandang Koji Magano Aubrey Rivera Elvin Mejos Lenin Osio April Lian Albong Darryl Penarendondo Rhonna Mae Aligarbes Kaye Ezra Divinagracia Anna Luisa Flores Lyka Jasmine Pandacan Jerome Landig Nina Bless Chavez Maria Isabela Gabion Gaudy Michael San Jose Ivy Ambrocio Jasmine Therese De Jesus Shane Kieth Doria Jane Marie Cabrera Richelle Ann Pabilona Vince Villanueva Ezekhyna Naval Hopwa Delicando Nicole Espino Arvee Anillo

Coordinator MaryJane D. Fuentes, DPA

Consultant OSAS Director Virgilio F. Bartolome Campus Director Engr. Joseph M. Cabiente, MSME VP Academic Affairs Eden C. Callo, Ed. D.

University President Nestor M. De Vera, Ph. D. Ffp

Karapatang Ari Š 2018

99


100


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.