The DEMOCRAT Tomo LXVIII Bilang II

Page 1

The DEM

CRAT

ANG MALAYANG PAHAYAGAN NG MGA MAG-AARAL NG UNIVERSITY OF NUEVA CACERES (UNC) NOBYEMBRE 2020 - PEBRERO 2021 • TOMO LXVIII, BILANG II

EDITORYAL

Hindi pula ang dapat mong isama sa dati nang pulang sistemang agresibo lamang sa kayang himukin at hinuha’y tunay na kalaban. Mas lalo lamang itong magmimistulang kinawawa; dugong sa iyo ring dumadaloy ang natatapakan, lahat tayo rito damay.

K

amakailan lamang ay umugong na naman ang pagpapataw sa mga indibidwal na sila’y mga terorista o kasapi ng mga progresibong organisasyong kumakalaban umano sa gobyerno. Ang gawing ito ay hindi na bago sa sistemang ‘di dapat kasanayan at ‘wag nang pabayaan—red tagging o ang pag-akusa nang walang basehan na ikaw o sila ay isang kalaban, komunista, o terorista; isa ka nang banta sa mga mata nila. Maaaring mangyari ito sa lahat lalo na kung bukas ka sa kaisipan ng pagbabago o pagsasaayos, pagiging kritikal sa gobyerno, pagsuporta ng organisasyong nagpapabuti sa katayuan ng tao, at ang pagbigay ng opinyon na magpapainit ng kanilang ulo. Buhat nito, maaari kang mailagay sa pagmamatyag, pag-aari ay limitado hanggang sa bawal galawin, at maaring ikulong kahit walang kasong nakasampa. Pipikit ka na lang ba o hindi magsasalita para hindi ka maparatangan kahit na harap-harapan ka nang niloloko ng sistema? Bukod pa sa nalihis ata ang atensyon ng gobyerno laban sa pandemyang hanggang ngayo’y sinusugpo sa lantaran at tuwirang pang-rered tag sa mga paaralan at iba pa na umano’y kasapi

UNC @ 73: Virtual Foundation

Ibang-iba mula sa nakasanayang paraan ng pagdiriwang, ngayong taon ay tampok ang iba’t-ibang aktibidad...

BALITA 02

ng CPP-NPA at nirerecruit na maging terorista ang mga estudyante. Ngunit, ani Parlade, tagapagsalita ng National Task Force on Ending Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), kasama raw ito upang pabulaanan ang ipinapakalat ng mga kaliwa sa pagkukulang ng gobyerno kontra COVID-19. Pero hindi ito sapat upang ilagay sa alanganin ang pangalan ng paaralan, tao, at organisasyon dahil lamang sa pagbitaw ng makatotohanang obserbasyon. Matatandaang nagsimula ang nasabing bayrus sa bansa noong hindi pinakinggan ang mga tao na ‘wag munang papasukin ang mga banyagang galing sa bansang Tsina, kung saan nagmula ang bayrus. Sa pagtaas ng bilang ng mga pasyente ay ang paglobo rin ng mga utang ng pamahalaang Duterte bilang tulong daw sa pandemya pero hanggang ngayon ay hindi tayo mabigyan ng likidasyon kung saan ito napunta. Tinatayang umabot na ito ng ₱ 10 trilyon noong taong 2020. Sa kalagitnaan pa nga’y mas nabigyang atensyon din ang pagpapasara ng

Mantsa sa Demokrasya

prangkisa ng ABS-CBN at ang pagpasa ng Antiterrorism Law kahit na marami na ang umaalma rito. Sa dakong sistemang pang-edukasyon, kung saan ang lahat ay nahihirapan, doble dagok naman ang nararamdaman pati ng mga magulang matapos masama ang kanilang paaralan bilang pangunahing kanlungan umano ng NPA matapos akusahan ni Parlade. Kabilang nga sa 18 paaralang ito ang Bicol University, University of Sto. Thomas (Legapi) sa Albay, at ang Ateneo de Naga ng Naga City. Ngunit, katulad ng iba pang red tagging, isa na naman ito sa walang mga kongkretong ebidensya. Ani pa nga ng mga nasamang paaralan, tanging naggagalingang enhinyero, siyentista, at kabilang na rin ang mga opisyales sa gobyerno ang kanilang hinuhubog. Hindi na kagulat-gulat na kasama rito ang tanyag na Unibersidad ng Pilipinas. Kung saan likas ang pagiging kritiko, progresibo, at nagmamahal sa ginagalawang bansa. At ang likas na kagalingan at totoong pugad ng katalinuhan at hindi ng terorista. Agaran itong sinagot ng paaralan sa pamamaraang pagdiin sa kanilang naitulong sa kasalukuyang problema, at ang pag-isa-isa sa gabinete ni Duterte na mga nagtapos sa Unibersidad ng Paaralan. Kung ganoon, puno rin pala ng terorista ang pamahalaan.

Tracking my Path

Laugh Responsibly

Filipinos are happy people living in an unhappy archipelago. I have lost count of how often toxic positivity romanticized our smiling faces in front of calamities and other grave situations... PITAK 06

“If ever you fall, don’t fall at our house hah.” These are the exact terms I said back when I was in my elementary years. Yes, funny that I’m talking to our late 42-year-old large avocado tree but I’m dead serious... LATHALAIN 10

Marahil narinig niyo rin ang mga sikat na personalidad na idinawit o inakusahan ding kasapi ng terorista. Ito ay sina Catriona Gray, Angel Locsin, at Liza Soberano. Dito mo makikitang lahat ay may tapang kung ikaw ay nasa tama at may ipinaglalaban. At dito rin makikitang ang mga nasa taas ay natatakot din sa mga taong nakapaligid sa kanila lalo na yaong may kakayanang humakot ng pansin sa tao. Sa panahon ngayong madaling kumalat ang mga impormasyon, katulad ng kanilang pagpapakalat gamit ang facebook, mainam na pawang katotohanan lamang ang ibahagi at huwag ang mga bagay na nagbibigay pangamba sa bawat tao. Kung hindi kayang itigil ang paghahanap ng mga taong kayang akusahan, mangyaring tapusin ang mga kabaliwan, kamalian ng sistemang sa tingin niyo’y kayo lang ang nakaiintindi. Ngunit kayo’y nagkamali. Muli, ‘wag mong isama ang pula sa mga puting nais lamang ay maging maayos ang kahihinatnan. Kayo lang din ang nagmumukhang mantsa sa demokrasya. Kasama sa binuo niyong sistema ang mga aktibista, mga kritikong pumupuna sa kamalian at kakulangan, freedom of speech at iba pa.

UNC Greyhounds resume limited face-to-face training

Following an almost year-long imposed strict lockdown, the UNC Greyhounds finally returned to the court, which was welcomed by several victories in online ... PALAKASAN 02


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.