The DEMOCRAT Tomo LXVII Bilang III

Page 1

The

Ang Malayang Pahayagan ng mga Mag-aaral ng University of Nueva Caceres Enero 2020 - Marso 2020 | Tomo LXVII Bilang III

DEMOCRAT

Editoryal

Sa Gitna ng Dalawang Dagat Nanatiling matunog ang University Student Government (USG) hindi dahil sa mga malalaking nagawa nito kung hindi sa mga kontrobersya na bumalot dito sa mga nakaraang administrasyon. Ang dalawang tanyag na partidong YLAW at BUGKOS ay nanatiling prominente bilang mga

halal na opisyal. Ngunit sa pag-usbong ng mga negatibong usapin, hindi malayong ang pagtakbo ng malaya sa anumang partido ay magbubunga ng pagbabago sa USG. Matatandang noong nakaraang taon nang isakdal sa ‘impeachment complaint’ ang presidente ng USG ng mismong bise presidente dahil hindi umano ay bigo ito na hawakan at pangalagaan ang USG. Ngunit, ang ‘impeachment’ ay hindi naisakatuparan at nauwi na lamang sa pag-alis nito sa puwesto. Ito ay salungat sa inaasahang pagkakaisa ng dilaw at asul. Hindi ito naging kaaya-aya para sa mga estudyanteng umasa sa kanilang tapat at sapat na serbisyo. Sa isyu ng publikasyon TOMO LVXI BILANG III, nagpahayag ang mga mag-aaral na nakasira ito sa imahe ng USG. Halimbawa

na lamang ang pahayag ng isang estudyante na hindi naramdaman ang presensya ng USG sapagkat mas marami pa ang mga isyu kaysa sa mga nagawa. Sa sumunod na taon walang isinumiteng Presidente at Bise - Presidente ang parehong partido para sa eleksyon. Kahit pa nagbigay ng sapat na palugit ang Commission on Election sa pagpasa ng Certificate of Candidacy, wala pa ring nagnais tumakbo sa pagkapangulo. Gayunman, mayroong naglakas-loob panindigan ang pagiging bise-residente galing sa YLAW. Nagpapatunay lamang ito na maging ang pinakamalalaking partido ay nahihirapan maghanap ng kandidato na magdadala ng kanilang pangalan. PATULOY SA 02


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.