

Busy Bee the

Taking flight without boundaries


Ang Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Bulacan State University - Laboratory High School




I-scan ang QR code upang tumungo sa Facebook Page ng The Busy Bee




MATATAG KURIKULUM,
inemplementahan na sa Laboratory High School
ni Katerina Gutierrez




Sinimulan na ang implementasyon ng MATATAG Kurikulum sa Bulacan State University - Laboratory High School, at sa lahat ng eskwelahan sa bansa ngayong taong panuruan 2024-2025.
Ang MATATAG Kurikulum, na binagong K-12 Kurikulum, ay may layuning mas tugunan ang mga umuunlad na pangangailangan at ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa Pilipinas. Mula sa dating pito ay ginawa na lamang lima ang learning areas. Ito ang Reading literacy, Mathematics, Language, Makabansa, at Good Morals and Right Conduct (GMRC).
Plano ng Department of Education (DepEd) na unti-utiin ang pagpapatupad ng MATATAG Kurikulum. Kasalukuyan itong nakaimplementa sa Kindergarten, Baitang 1, 4, at 7 ngayong taong panuruan 2024-2025 sa lahat ng eskwelahan sa bansa. Ang Baitang 2, 5, at 8 ay iimplementahan sa taong panuruan ‘25-‘26. Baitang 3, 6, at 9 naman sa taong panuruan ‘26-‘27, at Baitang 10 sa taong panuruan ‘27-‘28.
“Para sakin, nahihirapan talaga ako mag-adjust. Halos ‘di na ako matulog para lang magawa ‘yung mga projects ganun. Nabibilisan din ako sa kurikulum na ‘to.” Ani ni Marrhea Blenisha Lopez, isang mag-aaral mula sa baitang 7 ng Laboratory High School.
Ayon naman sa isa sa mga guro ng Music, Arts, Physical Education, at Health (MAPEH) sa Laboratory High School na si Ma. Ronalyn Cruz-Queddeng, “Malaki ang pagbabago na dala ng Matatag Kurikulum, lalo na sa integration ng content at time pagdating sa subject na hawak specially grade 7. Ang challenge sa MAPEH ay paano mabibigyan ng equal focus ang apat na subject nito dahil limited ang oras. Lahat ng parts kasi ng MAPEH ay mahalaga, kaya kailangan naming maging creative para siguruhing may meaningful learning pa rin ang bawat estudyante.”
Dagdag pa niya, “Isang challenge ko pa ay ang pag-adjust ng teaching strategies para maging aligned sa bagong curriculum na mas focus sa competency-based learning. Dahil hindi naman pwedeng as a MAPEH teacher nakaupo ka lang at panay discuss, kailangan makita nila na alam na alam mo ang itinuturo mo. Kaya ngayon sa bagong curriculum, tumatag ito sa preparation at collaboration ng mga teachers para magamit namin nang husto ang oras at resources. Sana nga, habang tuluyang na-iimplement ang curriculum, may mga adjustments pa rin sanang mangyari para matugunan ang mga concerns at mas mabigyan ng focus ang MAPEH.”
Kasalukuyan, marami pa ring mga guro at estudyanteng umaaray sa makabagong kurikulum dahil sa rami ng mga paksa na ibinawas at idinagdag dito, at dahil na rin sa kakulangan ng oras dahil sa paghahabol na ibalik ang pasukan ng mga taong panuruan sa Hunyo.


MATULOG NANG MAAGA O NG UMAGA?
ni Franze Clemente
Noong ika-11 ng Enero 2025, naglabas ang The Busy Bee ng isang talatanungan na tinatasa kung natatamo ba ng 100 mag-aaral ng Bulacan State University – Laboratory High School ang sapat na oras ng pagtulog tuwing may pasok.
Ang talatanungan ay binubuo ng tatlong tanong na sinusuri ng mga problema at salik na nagdudulot ng kawalan ng tulog sa nakararami, at nakapaloob dito ang mga epekto na nagiging hadlang sa kalagayan ng mga mag-aaral kinabukasan.
Ayon sa Better Health Clinic, 8–10 oras ng pagtulog ang kailangan ng isang tinedyer (13–18 taong gulang) bawat gabi. Kadalasan mo ba itong natatamo tuwing may pasok? pahina 4






LABORATORY HIGH SCHOOL,
Pangkalahatang Kampeon sa 2024 DSPC ni Rhian Reyes
Itinanghal na Pangkalahatang Kampeon ang Bulacan State University –Laboratory High School sa District Schools Press Conference na ginanap noong ika-21 ng Pebrer,o 2024 sa Barasoain Memorial Integrated School.
pahina 3






LAKAN AT LAKAMBINI
ng Junior Araling Panlipunan Club, Indayon 2024 nina Katerina Gutierrez at Daisuke Shinjo


Itinanghal ang dalawang kinatawan ng 9-Acacia na si Dreizerdon Mendoza at Kirsten Reign Illescas bilang Lakan at Lakambini sa ginanap na Junior Araling Panlipunan Club (JAPC) na may temang INDAYON 2024: Duyan ng Kultura, Tunog at Kulay ng ASEAN sa ugoy ng Pagkakaisa, noong Nobyembre 15, 2024 sa Valencia Hall.
Ang mga pangkat ng baitang 7 at 8 ay ang nagpakita ng mga tradisyonal na sayaw ng bansang kanilang inererepresenta, o cultural presentation. Samantalang sa baitang 9 at 10 naman kinuha ang mga kinatawan para sa Lakan at Lakambini, na siyang mga rumampa suot-suot ang tradisyonal na damit ng bansa na kanilang mga inirerepresenta. Sila rin ang nagpakilala at nagpaliwanag ng mga dayorama, na naglalaman ng mga sikat na landmark ng kanilang bansang inirerepresenta, na gawa rin ng kanilang pangkat.
Itinanghal bilang Unang Lakan at Unang Lakambini sina Dreizerdon Mendoza at Kirsten Reign Illescas ng 9-Acacia na kinakatawan ang bansang Singapore. Si Valence Paul Domingo naman mula Cambodia ng 10-Yakal ang Ikalawang Lakan, at si Lorraine Venica Aldaba ang Ikalawang Lakambini mula Indonesia ng 10-STE Juliano. Nakamit
naman ni Bien Adrian Bartolome ng bansang Laos mula sa 9-Dao ang ang puwesto ng Ikatlong Lakan, at si Danielle Ann Faustino ng Cambodia mula rin sa 10-Yakal bilang Ikatlong Lakambini.
“Sobrang natuwa po ako lalo na’t hindi ko inaasahang ihahayag ako bilang Lakambini. Nung una pa lamang, sinabi ko sa sarili ko na lahat ng ito’y para lamang magkaroon ng kinatawan ang bansang Singapore.” Ani ng nanalong Lakambini na si Ilescas sa isang panayam.
Dagdag pa niya, “Hindi po naging madali yung journey, especially because I felt so anxious and worried dahil wala po akong kahit anong karanasan sa ganitong bagay. Pinagsikapan ko lamang po na maging maayos ang aming pagtatanghal pagkat dala-dala namin ang pangalan ng aming seksyon at ayaw ko po na mabigo ang mga taong naniwala at sumuporta sa amin.”
Sa isa ring panayam, ibinigay rin ng nanalong Lakan na si Mendoza ang kaniyang damdamin. “Nang inanunsyo na nanalo ako, nagulat talaga ako, kasi hindi ko talaga yun inaasahan, ang dami kong narecall na mga pagkakamali lalong lalo na sa pag-rampa at pag-pose. Dahil binago yung guidelines I expected
na hindi ako mananalo, feeling ko kasi madadaig pa ako ng mga ibang lakan sa pag rampa, sa totoo lang mas mapopogi pa sila kaysa sa akin eh, pero thankfully, nanalo kami ng partner ko and we made our section and adviser super proud!”





THE BUSY BEE,
nakakuha ng 15 parangal sa 6th Gawad Galing Plaridel

Samantalang sa Cultural Presentation naman, nakamit ng 7-Tanguile ang unang puwesto, pumangalawa dito ang bansang Vietnam ng 8-Tindalo, at pangatlo Indonesia ng 8-Mahogany.
At para naman sa mga dayorama, nakamit ng bansang Cambodia ng 10-Yakal ang unang puwesto, samantalang ang Indonesia ng 10-STE Juliano naman ang nagkamit ng pangalawang puwesto, at ang Vietnam ng 10-Kamagong ang nakasungkit ng pangatlong puwesto.
Ginawaran rin ang bansang Thailand ng 9 - STE Banzon, 8 - STE Quisumbing, at 8 - STE Del Mundo ng parangal na “Best Teaser.” Ang 8Tindalo na kinatawan ang Vietnam ay ang nagkamit ng “Best in Costume Award.” Samantalang nakamit ng Lakan at Lakambini ng Cambodia mula sa 10-Yakal ang “Best National Costume Award.”



Pinarangalan ang ikalawang grupo ng 9-Acacia ng taong panuruan 2023-2024, bilang “Best Trailer” ng Noli Me Tangere sa isinagawang block screening nito sa loob ng E-Library Amphitheater ng Bulacan State University - Main Campus, noong Mayo 28, 2024.
Nagtipon-tipon ang lahat ng estudyante ng ika-9 na baitang, kasama ang ilang mga guro, upang panoorin ang mga trailer ng Noli Me Tangere na ginawa ng bawat grupo na mula pangkat ng Acacia, Dao, Guijo, at STE Banzon.
Nagkaroon ng isang maikling program para rito kung saan nagbigay ng mensahe ng pagbati ang punong guro Laboratory High School (LHS) na si Bb. Nina Lilila Javier. Ipinakilala rin dito ang mga naging hurado na sina G. Jerikko Noland Capule at G. Justine Dela Cruz, na parehong alumni ng BulSU - LHS.
Matapos ipalabas at ipapanood ang trailer ng bawat pangkat, agad nang iginawad ang mga nagsipagwagi sa iba’t ibang kategorya. Ang unang pwesto para sa “Best Trailer” ay nakuha ng ikalawang pangkat ng Acacia, ang pangalawang
pwesto ay nakuha ng unang pangkat ng Dao, at ang ikatlong pwesto naman ay napanalunan ng Banzon.
“Masaya ako na nanalo kami. Lahat naman kami ay masaya noon, pinaghirapan ito ng lahat. Pero para sa’kin, gumaan ang loob ko. Natanggal ang pagod at sakit ng ulo ko mula sa preperasyon nang malaman namin ang resulta. Kaya nang nalaman ko na nanalo kami, talagang sobrang saya at sobra ang pagka-proud ko sa kanila.” Ani ni Juztine Amaranth T. Lopez, lider ng grupo ng pangalawang grupo ng Acacia.
“Isa sa mga hirap na napagdaanan namin ay ang kakulangan sa oras. Kasalukuyan kasing ginagawa ang online classes, hindi rin kami makaalis sa bahay kahit wala namang pasok. Talagang limitado ang oras namin nang Sabado at Linggo, laging sulit ang araw nang paggawa namin.” Dagdag pa niya nang tanungin tungkol sa naging proseso na pinagdaan ng kanilang grupo.
Bilang pagtatapos ng programa, nagbigay ng pangwakas na mensahe si Bb. Reishela Lae De Castro, guro ng Filipino 9 sa STE 9.

Busy Bee Press Conference, isinagawa bilang iskrining ngayong 2024 ni Near Suarez
Ginanap ang Busy Bee Press Conference (BCBPC) 2024 noong Nobyembre 8, 2024, sa Audio Visual Room (AVR) ng Carpio Hall na dinaluhan ng mga tauhan mula sa iba’t ibang kategorya ng The Busy Bee, ang opisyal na publikasyon ng Bulacan State University - Laboratory High School.
Ang mga mananalo sa BCBPC 2024 ay ang siyang mga magiging panlaban at kinatawan ng Laboratory High School sa gaganaping District Schools Press Conference (DSPC) 2025.
Ang naging mekanismo ng programa ay katulad lamang ng sa DSPC, kung saan ang ilang mga kategorya ay bibigyan ng kanilang mga fact sheet, o di kaya’y mayroong ipinapanood na dokyumentaryo at balita.
Ang mga estudyanteng magwawagi sa paligsahang ito ay patuloy na maghahanda para sa DSPC 2025 sa gabay ng kanilang mga magiging teachercoaches.



Nakamit ng The Busy Bee, ang opisyal na publikasyon ng mga mag-aaral ng Bulacan State University – Laboratory High School, ang iba’t ibang parangal sa 6th Gawad Galing Plaridel na ginanap noong Mayo 17, 2024 sa Dinig-Tanawing Silid ng College of Business Administration noong kalahating oras makalipas ang ika-9 ng umaga.
Ang Gawad Galing Plaridel, na isang kumprensya na inorganisa ng Plaridel Guild, ang opisyal na organisasyon ng lahat ng publikasyon ng mga mag-aaral ng Bulacan State University (BulSU), ay mayroong layunin na pa-igtingin pa ang husay at upang ipamalas ng nga mamamahayag ng unibersidad ang kanilang mga galing sa kani-kanilang mga kategorya.
Sa pambungad na pananalita ng ulunan ng mga publikasyon ng mag-aaral ng BulSU na si Dr. Romulo Mercado Jr., ay iniharap niya ang tema ng ika-6 na Plaridel Guild na “Revitalizing the Value of Student Journalism Beyond Campus Borders.”
Nagpatuloy ang kumperensya ng bawat kategorya na pinangunahan ng mga tagapagsalita/hukom na itinalakay ang karagdagang impormasyon, aralin, at paraan ng mas mabisang pamamahayag na nagwakas ng ika-7 ng gabi.
Makalipas ang isang araw, nagsimula ang pagbibigay ng parangal at pagkilala sa mga kalahok ng ika-5 ng hapon sa Pampamantasang Hostel ng BulSU.
Iginawad ang ikalawang puwesto sa pagsulat ng isports at ikaapat na puwesto sa pagsulat ng editoryal, parehong indibidwal na kategorya at sa wikang Ingles, sa The Busy Bee.
Sa pamamahayag sa hatirang pangmadla, natamo ng publikasyon ang ikalawang puwesto sa pahinarya ng isports, ikatlong puwesto sa pahinarya ng lathalain, at ikaapat na puwesto sa pahinarya ng balita, editoryal, at pampanitikan. Ang pahayagan na inilathala na Tomo 43, Isyu 1 ay tumungtong sa ikatlong puwesto sa pahinarya ng balita, ikaapat na puwesto sa pahinarya ng isports, ikalimang puwesto sa pahinarya ng editoryal at lathalain, ikalimang puwesto sa pagkakaayos at disenyo ng pahinarya, at ikaanim sa pahinarya ng pampanitikan.
Sa pangkalahatan, ikaanim na puwesto sa pahayagan at ikaapat na puwesto sa pahinarya ng hatirang pangmadla ang The Busy Bee na may kabuuang 15 parangal.


ni Franze Clemente
ni Reeze Perez
kuhang larawan ni Margaret Sarmiento
kuhang larawan ni Junna Montebon


Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng
Bulacan State University - Laboratory High School TOMO XLIV
BULSU,
Isa Sa Tatapyasan ng Badyet Sa 2025
Isaang Bulacan State University (BulSU) sa mga pampublikong unibersidad na maaapektuhan ng ₱14.38 bilyong kaltas sa badyet para sa 2025. Mula sa ₱128.13 bilyon noong 2024, ang pondo para sa mga State Universities and Colleges (SUCs) ay bababa sa ₱113.75 bilyon. Ang BulSU ay makakaranas ng ₱114 milyong pagbaba sa kanilang pondo, na siyang pinakamalaki sa buong Gitnang Luzon at ika-10 sa buong bansa.
Ang pagbawas ng badyet ay nagdulot ng pangamba kung paano mapapalakas ng BulSU ang kanilang operasyon. Kasama na rito ang mga hamon sa pag-hawak ng lumalaking bilang ng mga estudyante, kakulangan sa mga pasilidad, at hirap sa pag-hire ng mga guro.
Nagsumite na ang mga lider ng mga pamantasan, kasama na ang mga mula sa BulSU, ng isang “unity statement” upang hilingin sa Kongreso na ibalik at dagdagan ang badyet para sa edukasyon. Ipinahayag nila na ang nakaraang badyet ay hindi na sapat, at kung magpapatuloy ang mga kaltas, tiyak na maaapektuhan ang kalidad ng edukasyon at mga serbisyo para sa mga estudyante.
Pinuna rin ng mga grupong tulad ng Kabataan Partylist ang pagbawas sa badyet, na tinawag nilang isang banta sa kalidad ng edukasyon. Ayon sa kanila, ang pagsira sa pondo para sa edukasyon ay magdudulot ng mas malalang epekto sa kinabukasan ng mga kabataan, lalo na ngayong lumalala ang krisis sa edukasyon.



1
LABORATORY HIGH SCHOOL,
Pangkalahatang Kampeon sa 2024 DSPC ni Rhian Reyes
Dahil sa pagkapanalo ng mga LabHayenyo ay naging kwalipikado ang lahat na kumalahok sa Division Schools Press Conference.
Ito ay ginanap naman noong ika-29 ng Pebrero 2024 kung saan tatlong magaaral naman ang naging kuwalipikado para sa Regionals Schools Press Conference.

₱240M 2024
JUNIOR MAPEH CLUB,













GINTONG MEDALYA,
Nakuha ng mga LabHayenyo sa SIMSO 2024

ni Jadell Vizcara

₱114M

Inanunsyo ang pagdadagdag ng panibagong club, ang Junior MAPEH (JMAPEH) Club na tutok sa Musika, Sining, Edukasyong Pangkatawan, at Kalusugan, sa nakaraang Club Officers Election na ginanap sa Audio Visual Room ng Laboratory High School noong Agosto 16, 2024.
Bago magsimula ang eleksyon ng mga magiging bagong pinuno ng mga club, inihayag ni Gng. Angelita R. Iglesia, na siyang namuno sa buong eleksyon, ang pagdadagdag ng JMAPEH Club.
Ang JMAPEH ay kasalukuyang nasa ilalim ng pamamahala ng presidente nito na si Bb. Kristelaine Filofeli Martin na mula sa 10-Kamagong, at Bise Presidente na si G. Marcus Laurence Estrella mula 9-STE Banzon. Ang kaganapan ng club



magbabalik muli sa 2025
nina Erica Crisostomo at Katerina Gutierrez
ay inaasahang gagawin sa taong 2025, kasabay ng sa Junior TLE Club (JTLEC).

Nagwagi ng gintong medalya sa ginanap na Siam International Math and Science Olympics (SIMSO) 2024 sa Thailand sina Franco Bugaoan at Dalton Morillo, mga mag-aaral na mula sa Bulacan State University - Laboratory High School (LabHigh), noong Agosto 9, 2024.





Si Bugaoan, mula sa Grade 10STE Zara, at si Morillo, mula sa Grade 10 - Kamagong, (S.Y. 2023-2024), ay pinarangalan dahil sa kanilang kahusayan sa matematika at agham.

“As of now ay madami kaming nae-encounter talaga na struggles since nagstart talaga kami from zero, since wala nga nung club na ‘to last year. Wala kaming guide or pattern sa kung saan magsisimula, plus, it’s my first time being elected as a club officer rin kaya mahirap talaga. Pero unti-unti naman ay nakakapag adjust na.” Saad ni Martin.
Matatandaan na muling ibinalik ang mga klub na JTLEC, Junior Math Club (JMC), Junior Science Club (JSC), Junior Filipino Club (JFC), Junior Araling Panlipunan Club (JAPC), at Junior English Club (JEC), noong isang taon matapos mawala ng ilang taon dahil sa pandemya.



Sa kabila ng matinding kompetisyon, pinatunayan nina Bugaoan at Morillo na ang mga kabataang Pilipino ay kayang makipagsabayan sa mga internasyonal na antas. Ang kanilang tagumpay ay nagsilbing inspirasyon sa iba pang kabataan na magsikap at mangarap. Inaasahan ng lahat na magsilbing simula ito ng mas marami pang tagumpay para sa LabHigh.

LABHAYENYOS,
kabilang sa kumuha ng PISA Test 2024 ni Ronaldine Balgomera
Kabilang ang ilang mga estudyante ng Laboratory High School na kumuha ng Programme for International Student Assessment (PISA) sa Audio Visual Room (AVR) ng Bulacan State University - Laboratory High School noong Disyembre 3, 2024.
Bago ang mismong pagsusulit ay nagkaroon muna ng isang “Mock Test” na ginanap noong Oktubre 28, 2024, sa loob rin ng AVR. Ito ay dinaluhan rin ng parehong piling mga estudyante na mula baitang 8, 9, 10 na siyang kumuha rin ng aktual na PISA.
Sa ilalim ng pagbabantay ng ilang mga guro, nagsimula ang pagsasagot ng mga mag-aaral ng 9am,
matapos ipaliwanag kung ano ang layunin ng pagsusulit. Ito ay nagtagal hanggang 10 ng umaga.
Ang PISA Test na ito ay para sa mga 15 taong gulang na estudyante. Ito ay upang masuri ang kagalingan at ang estado nila sa pagbabasa, matematika, at literasiya sa agham. Para rin ito sa pagsukat ng kalidad ng edukasyon sa mga bansa.
Matatandaang ang Pilipinas ay ang pangalawa sa pinakamababa sa 64 na ranggo na mga bansa sa PISA 2022. Nakakuha ang Pilipinas ng iskor na 14, kagaya ng sa Uzbekistan, at ang Albania naman ay nakakuha ng 13 na iskor na siyang naging pinakamababang ranggo.

ni Chin Dela Cruz
pahina
kuhang larawan ni Margaret Sarmiento
kuhang larawan ni Charissa Tanciatco
MGA KAMPEON NG JUNIOR FILIPINO CLUB,
Sayaw ng Lahi 2024 ni Marrhea Lopez




Itinanghal na kampeon ang 8-Tindalo at 10-STE Juliano sa Sayaw ng Lahi, programa ng Junior Filipino Club (JFC), na ginaganap noong ika-7 ng Oktubre 2024, sa Valencia Hall.
Nahati sa dalawang kategorya ang programa. Ang awiting bayan para sa mga mag-aaral ng 7 at 8 na baitang, at kontemporaryong musika na para sa mga mag-aaral ng 9 at 10 na baitang.
Para sa mga magwawagi sa kategoryang awiting bayan, magkakaroon ng una hanggang ikalimang puwesto. Samantalang nagkaroon lamang ng una hanggang ikatlong puwesto sa kategoryang kontemporaryong musika.

Inilunsad ng Junior Science Club (JSC) ang bago nilang aktibidad na “SciRolling,” kung saan kumanta ang mga Labhayhenyo ng mga pamaskong mga kanta na mayroong liriko na tungkol sa siyensiya, noong Oktubre 10, 2024, sa Valencia Hall.
Bawat baitang ay nagkaroon ng nakatalaga na paksa tungkol sa siyensya na gagawan nila ng liriko na siyang ipapalit sa pamaskong kantang napili ng pangkat nila. Ang para sa Baitang 7 ay tungkol sa Chemistry, ang Baitang 8 ay tungkol sa Physics, ang Baitang 9 naman ay tungkol sa Biology, at ang Baitang 10 ay tungkol sa Earth Science.
Matapos ang lahat pagtatanghal na nagsimula mula awiting bayan hanggang sa kontemporaryong musika ay agad nang gawaran ang mga nanalo.
Nakamit ng 8 - Mahogany ang ikalimang puwesto, sinundan ng 7 - STE Salcedo sa ikaapat na puwesto, 8 - STE Quisumbing sa ikatlong puwesto, at ang 8 - STE Del Mundo ang nagkamit ng pangalawang puwesto, at ang 8-Tindalo naman ang nag-kampeon.
Sa kategoryang kontemporaryong musika, ang 10 - Narra ang nagkamit ng ikatlong puwesto, ang 9 - STE Banzon ang pangalawang puwesto, at itinanghal na kampeon ang 10-STE Juliano.
kuhang larawan ni Junna Montebon
SCI-ROLLING 2024,
Inilunsad ng JSC
Binigyan lamang ang bawat pangkat ng isa hanggang dalawang minuto para magtanghal. Pinayagan rin ang bawat pangkat na magkaroon ng sari-sarili nilang mga DIY na materyales na gamit nilang props.
Matapos magtanghal ng lahat ay agad nang inanunsyo ang mga nanalo. Ang kampeon sa bawat baitang ay ang 7-STE Salcedo, 8-Palosapis, 9-Dao, at 10-Narra.
“Naisip ng JSC yung ‘Sci-Rolling’ kasi malapit na raw mag-Pasko. And para rin maging pamilyar yung mga estudyante sa mga topics na ibinigay sa grade level nila, kasi maaaral nila (yung mga paksa na
Ginawaran din sa parehong araw ang mga nagsipagwagi sa Tagisan Ng Talino na ihinanda rin ng JFC na siyang ginanap naman noong Seytembre 18, 2024 sa Dinig Tanawing Silid sa Carpio Hall, kung saan nagwagi ang Pangkat Rizal bilang kampeon, ang Pangkat Del Pilar sa ikalawang puwesto, at Pangkat Bonifacio sa pangatlong puwesto.
Matapos ang paulit-ulit na pagkansela dahil sa masasamang lagay ng panahaon, sa wakas ay matagumpay pa ring naidaos ang programang Sayaw ng Lahi.


ibinigay sakanila) habang gumagawa sila ng mga lyrics, at the same time ay magiging interesting din ito.” Ayon kay Maxxie T. Esguerra, isa sa mga opisyal ng JSC.
Kasabay rin ng Sci-Rolling na ginanap ang Rube Goldberg Machine (RGM) kung saan magkakagrupo ang mga estudyante na mula sa iba’t ibang pangkat at baitang. Habang nagtatanghal ang mga kalahok sa sci-rolling ay gumagawa ang mga kalahok dito. Nagkampeon rito ang Team Sirius, pumangalawa naman ang Team Achernar, at ikatlong puwesto ang nakamit ng Team Capella.

MATULOG NANG MAAGA O NG UMAGA?
ni Franze Clemente
Ano-ano ang mga dahilan kung bakit hindi ka nakatutulog nang maayos o sapat?
Piliin ang lahat na naaangkop.


Kapag hindi sapat ang iyong oras ng pagtulog, ano-ano ang mga nagiging epekto nito sa iyo? Maaaring maglista na lamang o bumuo ng mga pangungusap.

1 - nawawalan ng enerhiya at inaantok
2 - hindi nakakapagpokus sa klase
3 - sumasakit ang ulo (headache)
4 - biglaang pagbago ng emosyon (mood swing)
5 - humihina ang resistensya ng katawan
kuhang larawan ni Anika Raca
kuhang larawan ni Margaret Sarmiento
ni Katerina Gutierrez
Busy Bee the


Depektibong Kumpas:
Paglihis sa Pangarap
Pangarap—isang payak ngunit makapangyarihang bagay na humuhubog sa pagkakakilanlan ng tao. Ito’y nagsisilbing kumpas, isang gabay sa isusulong na laban. Ngunit, saan nga ba hahantong ang pangarap ng isang tao kung siya’y mapalayo sa daang nais niyang tahakin? Saan patutungo ang mga gurong sapilitang napapalihis sa silakbo ng kanilang damdamin upang harapin angkakulangan sa sistema ng edukasyon? Lalo’t higit, saan kaya pupulutin ang kalidad ng edukasyon ng bansang patuloy na tumatangkilik sa ganitong paraan?
Noong ika-29 ng Agosto, natuklasan na 62% ng mga guro sa hayskul para sa mga pampublikong paaralan ay nagtuturo ng mga asignaturang “hindi nila major noong kolehiyo.” Ang nakuhang datos ay mula sa 700,000 na mga guro sa Department of Education (DepEd), ayon kay Executive Director Karol Yee ng Second Congressional Commission on Education.
Patuloy na nahuhuli ang Pilipinas sa mga internasyonal na pagsusuri tulad ng Program for International Student Assessment (PISA) at Times Higher Education. Ayon sa ulat ng World Bank noong 2016, naipakita na ang mababaw na kaalaman ng mga guro sa itinuturo nilang asignatura ay may malaking epekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Dagdag pa ni Yee, ang kanilang pagsusuri, na nakatuon
sa paghahanda para sa PISA, ay nakapokus sa agham. Gayunpaman, halos kalahati ng mga guro sa agham ay hindi nakapag-aral ng kursong maykaugnayan sa agham sa kolehiyo.
Nakaugat ang problemang ito sa iba’t ibang dahilan, ngunit isa rito ang ipinaliwanag ni EDCOM 2 Co-Chairperson Representative Roman Romulo. Ani niya, hindi sinasabi kung anong asignatura ang ituturo ng mga guro kundi mga titulo lamang katulad ng “Teacher 1.” Kaya nagugulat ang ibang mga guro kapag naiiba ang kurikulum ng asignaturang naiaatas sa kanila. Bilang paglutas sa nabanggit, ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, babaguhin ng kagawaran ang mga hiring form.
Bagaman isang hakbang tungo sa mas maayos na pagbibigay-hanapbuhay sa mga guro ang pag-aayos ng mga form, hindi nito ganap na mapapawi ang hamong hinaharap ng libo-libong apektadong guro. Sa pagpapalalim, nakaugat ang isyung ito sa kakulangan ng mga oportunidad para sa wastong pagsasanay ng mga guro. Dulot ng kakulangan sa pondo at kawalan ng suporta, tila isang hindi mababayarang problema ang kinakaharap ng marami.
Kung layon ng bansa na maitaas ang kalidad ng edukasyon, nagsisimula ang pagbabago sa bawat kasapi ng lipunan.
Ang pakikibahagi sa mga repormang nagsusulong ng pag-unlad sa edukasyon ay isa sa mga paraan upang mahadlangan ang krisis sa maling pag-angkop ng mga guro.
Unti-unting nabubunyag ang mga balakid na umuudlot sa pag-usbong ng matatag na sistema ng edukasyon sa bansa. Tanging ang pamahalaan at mga mamamayan ng Pilipinas lamang ang maaaring magbigay ng kongkretong solusyon sa pagsubok na dinaranas ng mga guro, maging ng mga mag-aaral at magulang. Walang iba kundi ang bayan ang siyang makakapigil sa masalimuot na sistema ng edukasyon. Ang pangarap ng bawat kasapi nito ay siyang magtataguyod sa kaunlaran at pagbabago.
Ang munting pangarap na itinanim ng bawat musmos na bata ay siyang sisibol para sa pag-angat ng kabuhayan sa bansa. Sa bawat hakbang ng kanilang paglalakbay, dala nila ang mga pangarap na magsisilbing gabay tungo sa mas maliwanag na bukas. Ang katuwang nila sa daan ay ang mga magigiting na guro na taos-pusong nagsasakripisyo, alang-alang sa mga adhikain na iniwan ng bayan sa kanilang mga kamay. Ngunit, paano makakamit ang matamis na tagumpay kung ang kumpas na inaasahan ay nasisiil at nawawala sa direksyon? Malinaw ang kinakailangang direktiba; tumindig at tumindak na.




Isang Kaibigan
Bilang isang mag-aaral, hanggang saan aabot ang ₱50.00 mo, at ano ang iyong bibilhin? Marahil sa kagamitang pampaaralan ito gagastusin kagaya ng lapis o krayola. Maaari ding bumili ng libro, kuwaderno, o papel kung kakasya ito. Puwede rin ito mapunta sa ibang bagay o pagkain at kahit sa iyong ipon kung wala ka pang balak kung saan ito gagamitin. Maliit man ang halaga nito sa paningin ng nakararami, huwag mong hayaan na hindi ito magastos sa tama at karapat-dapat. Sabi nga nila, hindi posibleng makabuo ng ₱1000.00 kung walang isang piso, hindi ba?
Sa usaping libro, unang inilathala ni Sara Duterte ang kaniyang maikling kuwento na pinamagatang “Isang Kaibigan” sa Esteban Abada Elementary School noong ika-22 ng Nobyembre 2023. Binasa niya ito sa ilang mag-aaral mula sa ika-3 baitang, at inilahad ni Duterte na ang librong ito ay hindi ibebenta, kundi ani niya na ito ay magsisilbing inspirasyon sa mga mag-aaral sa larangan ng pagsusulat. Nakasandal kaya sa katotohanan ang matamis na
ni Hulagpos
pananalita ni Duterte, o ito ba ay paraan ng paglinis ng kaniyang pangalan?
Ang libro ng maikling kuwento ay tungkol sa pagkakaibigan ng dalawang ibon, kung saan tinulungan ng loro ang kuwago na muling itayo ang kaniyang tahanang nasalanta ng matinding bagyo. Sa huling pahina, makikita ang larawan ni Duterte na may kapsyon na “Siya ay isang tunay na kaibigan.”
Ngayong taon, sa isang pagdinig para sa badyet sa 2025, itinalaga ni Duterte ang iminungkahing pondo para sa “Isang Kaibigan” na umabot sa ₱10 milyon, ibig sabihin ay 200,000 kopya ang maipapamahagi sa mga mag-aaral sa buong Pilipinas dahil ₱50.00 ang presyo ng isang kopya.
Napakalaki ng ₱10 milyon para lamang sa produksyon ng isang libro na may sandamakmak na pagkakamali sa balarila. Ang ilan dito ay ang paggamit ng “sila” kahit “sina” ang angkop sa
pangungusap at “salusalo,” hindi “salusalo.” Pinagplanuhan ba talaga ito nang mabuti ni Duterte na dating kalihim pa nga ng Kagawaran ng Edukasyon. Paano masisiguro ang wastong kalidad ng edukasyon para sa mga mag-aaral kung simpleng pagbubuo at pag-aayos ng istraktura ng mga pangungusap sa wikang Filipino pa lamang ay ligwak na si Duterte?
Higit pa riyan, ang larawan ni Duterte sa huling pahina, kasama ang kapsyon, ay lumikha ng kontrobersya sa mga mambabasa nito sa hatirang pangmadla. Sa iminungkahing badyet ng Kagawaran ng Badyet at Pamamahala ito kukuhanan ng pondo. Samakatuwid, ang paglapag ng mga kredensyal ni Duterte ay nakalilito at kahina-hinala. Maaari namang ilagay na lamang ang kaniyang pangalan bilang may-akda, tutal walang gustong umangkin sa librong palpak ang nilalaman na kayang isulat ng batang apat na taong gulang pa lamang.
Sa kabila ng mga reklamo at

katanungan ng madla na tungkol sa librong ito, mapapaisip ka na lamang kung para nga ba sa ikabubuti ng mga magaaral sa pagbubunyag ng kani-kaniyang pagkamalikhain sa wika ang layunin nito. Ang pagkilos na ito ay maaaring pangangampanya ni Duterte para sa susunod na eleksyon. Kung tutuusin, ang mag-aaral na naghihirap dahil sa karukhaan ay bubuksan ang kaniyang mga kamay sa pag-abot ng anumang daan na magpapabuti sa kaniyang kalagayan sa estado ng buhay at edukasyon.
Kung ang “Isang Kaibigan” ang bubungad sa kaniya na may larawan at mga kredensyal ni Duterte, magbabago ang kaniyang pananaw sa pinunong ito. Paano pa kaya mamumulat ang taumbayan kung sa libro pa lamang ay ginagawa nang propagandang ideoholiko ito upang manghikayat sa maling paraan, at paano na ang kinabukasan ng edukasyon at mamamayan ng Pilipinas?

₱64.00: Presyo ng Pagkain o Paglimos sa Karapatan?
ni Dalisay
Ang ideya ng ₱64.00 sa pangaraw-araw na badyet para sa pagkain ay patuloy na nagdudulot ng matinding kritisismo mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Ang kahuli-hulihang datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) at National Economic and Development Authority (NEDA) ay nagsasabing ang halagang ito ay sapat upang masabing hindi “food poor” ang isang mamamayan. Bagaman ayon sa mga eksperto, ito ay malayo sa katotohanan ng kasalukuyang ekonomiya ng Pilipinas.
Ayon sa Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), ang naturang threshold ay isang alipustain sa mga manggagawang Pilipino na arawaraw na nadanas dahil sa mataas na presyo ng bilihin, lalo na ang bigas, at mababang suweldo. Ang ganitong mababang pamantayan ay tila ginagamit ng ilang opisyal upang balewalain ang
mga panawagan para sa wage hike tulad ng iminungkahing ₱150.00 na dagdag sahod. Ipinunto rin ng TUCP na ang tunay na epekto ng food inflation ay nagpapahirap lalo sa mga manggagawa at kanilang mga pamilya na hindi kayang tustusan ng ₱64.00 ang pangaraw-araw na pangangailangan.
Dagdag pa rito, inamin ng NEDA na ang ₱64.00 ay resulta ng isang menu na binuo batay sa least-cost approach kung saan ang mga pagkain ay pinili upang masaklaw ang minimum na nutrisyon. Bagaman, ayon sa PSA, hindi nito isinasaalang-alang ang pagbabago sa presyo ng bilihin lalo na sa panahon ng mataas na food inflation. Sa mga ordinaryong Pilipino, ang halaga ng pagkain ay tumataas dahil sa patuloy na pagsipa ng presyo ng mga pangunahing bilihin na sa huling talaan ay umaabot sa record-high rates sa ilang bahagi ng bansa.
Sa ilalim ng ganitong kalagayan, maraming Pilipino ang nagpahayag ng kanilang hinaing. Sinasabi nilang hindi lamang ito isang teknikal na usapin ng nutrisyon kundi pati na rin isang hamon sa dignidad ng tao. Ehemplo, sa isang pamilya na may limang miyembro, ang buwanang food threshold na ₱9,581.00 ay nagmumukhang malayo sa sapat lalo na kung isasaalang-alang ang gastusin sa iba pang pangangailangan gaya ng gamot at kuryente.
Kung ang pamahalaan ay seryoso sa pagtugon sa problema ng kahirapan, kailangan suriin muli ang pamantayan ng “food poverty.” Hindi sapat ang pagbibigay ng mga numero—kailangang maipakita na tunay nilang naiintindihan ang realidad na hinaharap ng bawat Pilipino. Ang mga manggagawa, na siyang bumubuhay sa ekonomiya, ay karapat-dapat lamang na mabigyan ng patas na sahod at suporta para
sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.
Ang tanong ngayon, sa gitna ng ganitong mga isyu, magpapatuloy ba ang gobyerno na magtakda ng mababang pamantayan o kikilos ba ito upang itaas ang kalidad ng buhay ng bawat Pilipino?








dibuho ni Dreizerdon Mendoza



Utang na Loob:
Ang Hamon ng Toxic Familial Ties
ni Tiktik
Ang hindi tumingin sa kaniyang pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan. Iyan ang katagang madalas na ginagamit ng ating mga nakakatanda upang iparating na kailangang suklian ang kanilang paghihirap. Tila nasa diwa na ng katagang ito ang konsepto ng utang na loob, ang obligasyong moral na suklian ang iba. Ngunit sa isang pamilya ng sikat na atleta na si Carlos Yulo ay masyado nang tinotoo ang katagang ito.


Noong Paris 2024 Olympics, nagkamit ng dalawang matamis na gintong medalya ang Pilipinas. Sa loob ng gabi ng ika-3 ng Agosto ay napuno ang mga ulo ng balita tungkol sa pagtamo ng gintong medalya ng gymnast na si Carlos Yulo. Makalipas lamang ang isang araw ay nalampasan
niya ang kaniyang sariling tagumpay sapagkat siya ay muling nagkamit ng gintong medalya.
Sa araw ng kaniyang pagkapanalo ay nakapanayan ng isang radyo ang kaniyang nanay na si Angelica Yulo kung saan marihil niyang itinanggi ang alegasyon ng pagkuha ng pera kay Yulo. Noong ika-6 ng Agosto ay diniin ni Yulo ang alegasyon, idinagdag pa niya na hindi lamang nagnakaw ang kaniyang ina, kundi ay hindi rin pumapabor sa kaniyang kasintahang si Chloe San Jose. Kinabukasan, nagpapulong naman sa mamamahayag ang nanay ni Yulo kung saan ay iginiit niyang hindi siya “perpektong ina.”
Ang mga netizen ay hati ang panig.
Ang iba ay sinasabing anuman ang ugali ng kaniyang ina ay ina niya pa rin siya at may utang na loob siyang suklian ang kaniyang paghihirap. Sa kabilang banda ang iba naman ay pumapabor sa pag puputol ng koneksyon ni Yulo sa kaniyang pamilya. Ngunit kung titingnan natin, tunay ngang mahirap suklian ng taong nagkasala sayo. Ano nga ba ang habol ng pamilya ni Yulo?
Ang pagkakabuo ng sirang pamilya o ang perang napanalo niya?
Nakababahala na ang pilit na pakikisawsaw ng pamilya ni Yulo sa kaniyang bagong buhay ngayong nanalo siya sa Olympics. Ang kaniyang sitwasyon ay isa lamang sa maraming toxic familial ties na laganap sa Pilipinas. Aminin nating lahat, ang bawat pamilya ay hindi perpekto,
ngunit hindi natin dapat gawing kaugalian ang pagiging pamumuhunan ang mga anak ng bawat indibidwal. Oras na siguro para putulin ang kadenang gumagapos sa mga nagdaang henerasyon at tapusin na ang konsepto ng utang na loob.
Ang kabataan ang pag-asa ng bayan, ika nga nila, ngunit masyado na yata nating inaasa ang lahat sa ating mga kabataan. Hindi pa ba mabigat na ang mga pasaning nakaatang sa kanila simula nang kanilang kamusmusan? Huwag na sana natin itong dagdagan pa, sapagkat kung hindi ay walang pag-asa ang ating bayan kung pangmatagalang kinabukasan ang pag uusapan.

dibuho ni Marcus Estrella
Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Bulacan State





Ang Times Higher Education (THE) ay isa sa mga nangungunang tagapagsuri ng kalidad ng mga unibersidad sa buong mundo. Gayunpaman, nang ilabas ang pinakabagong resulta para sa mga unibersidad ng Pilipinas, lumitaw ang isang nakakabahalang katotohanan: napakababa ng ranggo ng mga pangunahing institusyon ng bansa. Ang University of the Philippines (UP) at Ateneo de Manila University (ADMU), na itinuturing na mga haligi ng prestihiyosong edukasyon sa Pilipinas, ay parehong nasa mahigit 1000+ na posisyon. Kung ang mga nangungunang unibersidad na ito ay hindi makapanatili sa mataas

na antas, ano kaya ang magiging epekto nito sa kabuuang kalidad ng edukasyon sa bansa?


ni Sandigan

Malinaw na ang estado ng edukasyon sa Pilipinas ay may direktang epekto sa patuloy na pagbaba ng ranggo ng mga unibersidad nito. Hindi maikakaila na ang mga prestihiyosong institusyon tulad ng UP at ADMU ay nahihirapang makipagsabayan sa pandaigdigang pamantayan, dahilan upang tuloy-tuloy silang bumaba sa ranggo.
Isa sa mga pangunahing dahilan ng ganitong sitwasyon ay ang bagong metodolohiya na ginamit sa pagraranggo

noong 2023, na nakaapekto sa posisyon ng maraming unibersidad. Halimbawa, ang Ateneo de Manila, na nasa ranggong 351–400 noong 2023, ay bumagsak sa 1001–1200 noong 2024. Samantala, ang University of the Philippines, na nasa 801–1000 noong 2023, ay bumaba sa 1201–1500 noong 2024.




Hagdanang Engrande
pagpapabuti ng kurikulum, pagpapalakas ng pananaliksik, at pagpapasulong ng makabago at epektibong paraan ng pagtuturo.
Ayon sa mga pagsusuri, ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas ay may malaking papel sa pagbaba ng ranggo ng mga unibersidad, kabilang ang mga prestihiyosong institusyon tulad ng UP at ADMU. Dahil dito, mahalagang magsagawa ng mga hakbang upang mapahusay ang sistema ng edukasyon, tulad ng
Bagama’t maaaring may mga pagbabago sa pamantayan ng pagraranggo, nananatiling mahalaga ang paggamit ng mga ito bilang gabay upang matukoy ang mga aspetong kailangang pagbutihin. Hindi man ganap na nasasalamin ng mga ranggo ang kabuuang kalidad ng isang unibersidad, isa itong paalala na may puwang para sa patuloy na pag-unlad at kahusayan.

Pagwaldas ng Pondo:
Makatarungan ba o Aksaya Lamang? ni Kalasag
Ang pagsasaayos ng mga kalsada ay dapat na nakapagpapagaan sa daloy ng trapiko at nakakabawas sa mga panganib sa daan, ngunit tila lalo lamang itong nagpapalala ng sitwasyon para sa ating mga mamamayan. Isang usapin na kung ilang taon nang pinag-uusapan at nagdudulot ng pag aagam-agam ng mga mamamayan, katanungan na wala pa ding maayos na kasagutan “nagagamit nga ba ng tama at makatarungan ba ang pondong nakalaan sa pagsasaayos ng mga kalsada sa ating lalawigan?”
Sabi ng ilan, sa Pilipinas ka lang makakakita ng mga magaganda at maayos na kalsadang sinisira para lang ayusin muli. Kailangan ba talagang galawin ang mga kalsadang hindi naman nangangailangan ng pagsasaayos at ipagsawalang bahala ang mga kalsadang nakakaperwisyo na dahil sa sobrang sira nito? Ano nga ba ang tunay na dahilan, at mayroon nga bang katiwalian sa isyung ito?
Maaaring sa kahabaan ng MacArthur Highway ay napapanatili ang
magagandang istruktura at mabilis ang pagsasaayos kung may makita mang sira, ngunit naiiba ang sitwasyon sa mga kalsada sa looban. May mga kalsadang hindi pinapansin kahit malalim at malaki na ang sira, mayroon ding mga kalsadang ilang buwan ng inaayos ngunit hindi pa rin matapos-tapos. Isa pang halimbawa ay ang sitwasyon ng mga daan papuntang Hagonoy, kung saan madalas bumaha tuwing high tide dahil sa lokasyon nila na malapit sa dagat. Mabilis magkaroon ng sira ang mga daan dahil sa epekto ng baha, ang ginagawang solusyon patungan ng aspalto. Ganito palagi ang nagiging sitwasyon tag-ulan man o high tide.
Sa tuwing tatanungin ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ukol sa pagsasaayos ng mga kalsadang wala pa namang pinsala, ang kadalasang sagot ng ahensya ay bahagi raw ito ng kanilang “preventive maintenance” para maiwasan ang tuluyang pagkasira ng mga ito. Kapag sinundan naman ng isa pang tinanong na kung bakit naiiwang nakatiwangwang ang ibang kalsadang hindi pa tapos ayusin, ang dinadahilan naman nila “kulang sa
pondo.” Hindi umaayon ang paliwanag na ito sa paggastos nila ng milyong-milyong piso para sa “preventive maintenance” ng mga kalsadang maayos pa naman ang kondisyon. Hindi rin ba nila pinag aralan at pinag isipang mabuti ang paglalaan ng pondo para sa ganitong mga sitwasyon.
Marahil nauunawaan ng ilan na maaaring may sira naman talaga ang mga kalsada mula sa ilalim na hindi kaagad napapansin. Ang nais lang naman ng publiko ay gamitin sa maayos at tama ang mga pondong nakalaan sa mga proyekto ng paggawa ng matibay daan at pagpapanatili ng maayos na kakalsadahan. Gamitin ang pondong inilaan at gumamit ng mga de-kalidad na materyales sa paggawa ng daan upang hindi agad ito masira. Magtakda rin ng “timeline” kung kailan dapat muling ayusin ang mga ito at huwag sanang itapat tuwing tag-ulan at tuwing pasukan ng mga estudyante para hindi na makadagdag pa sa pagsikip ng mga kalsada.
Kung ano man ang tunay na dahilan, ang mga kinatawan ng ahensya
ng DPWH ang makakasagot, ngunit hindi nangangahulugan na makatwiran ang ganitong pagwaldas ng pondo. Hindi rin dapat magpatuloy na makaabala sa mga motorista at mamamayan ang mga proyektong pangkalsada. Matanggap nawa ng bawat mamamayan ang serbisyong dapat matamasa mula sa mga ahensiyang sangkot dito.

dibuho ni Celine Mendoza

Pagmamahal sa mga Guro, Pagmamahal sa mga Guro, Ipakita at Ipamalas Ipakita at Ipamalas
ni Katerina Gutierrez



Sa bawat isa na may dalang pagmamahal at pagpapahalaga, nagtipon ang mga mag-aaral ng Laboratory High School (LHS) sa Bulwagang Valencia upang ipagdiwang ang isang bagay—ang kanilang minamahal na mga guro. Ang programa ay nagsimula noong ika-9 ng Oktubre 2024 at inorganisa ng Junior Filipino Club.
Nagsimula ito sa pagpapakilala ng bawat miyembro ng kaguruan, na isinagawa ng mga kinatawan mula sa kani-kanilang mga seksyon. Ipinakita ng bawat isa ang kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng mga nakatutuwa,
matamis, at malikhaing tagline na nilikha nila upang ipakilala ang kanilang mga paboritong guro.
Ang Gobernador ng Local Student Council na si Ms. Lorraine Venica Aldaba, ang nanguna sa pambungad na panalangin. Habang ang minamahal na punong-guro ng LHS, si Ms. Niña Lilia Javier, ay nagbigay ng kanyang pambungad na talumpati.
Kasama sa programa ang mga nakaaaliw na aktibidad para sa mga guro. Kabilang dito ang masayang raffle na inihanda ng Junior English Club. Ang kilalang nakaaaliw na larong “Hep Hep
Hooray,” kung saan bawat seksyon ay may kinatawan, ay kanila ring nilaro.
Ipinalabas din sa TV screen ang mga malikhaing poster na inihanda ng bawat seksyon para sa kanilang mga guro, na may kanya-kanyang tema, disenyo, at nakatutuwang itsura ng bawat guro.
Sumunod na ipinakita ang isang audio-visual presentation na inihanda ng The Busy Bee. Ito ay may temang hango sa sikat na laro na Roblox na “Dress to Impress.” Sa presentasyong ito, pinalitan ang mga mukha ng mga karakter sa laro ng mga mukha ng mga guro ng LHS.
Halina, Tuklasin Ang Bulwagang Carpio
nina Jamira Sayo at Gabrielle Dela Cruz
Matipuno, mahusay, at maayos. Ito ang mga bagay na maaaring iugnay sa bantog at kagalang-galang na gusali ng Bulacan State University (BulSU). Mula sa masigasig na mga guro hanggang sa kasaysayang nakaukit sa bawat silidaralan, ang paaralang ito ay tiyak na higit pa sa nakikita ng mga mata. Ang isang bulwagan nito na maaaring kilala ng maraming estudyante na nag-aaral sa unibersidad na ito ang walang iba kundi ang Bulwagang Carpio—isa sa pinakamatandang gusali ng BulSU. Handa na ba kayong matuklasan ang nilalaman na historya na matutuklasan dito?
Noong 1904, sa ilalim ng pamamahala ng mga Amerikano, ang BulSU ay nagsimula bilang dyunyor hayskul. Sa susunod na tatlong taon, sa kagustuhan ni Gobernador Teodor Sandiko ng Bulacan,
ito’y naging isang paaralan ng industriya at nakilala sa pangalan na “Bulacan Trade School” kung saan natuto ang mga estudyante ng kakayahang teknikal. Dati ito’y pinamunuan ng mga Amerikano o Thomasites, ngunit ito’y nagbago noong 1918 kung saan nabigyang pagkakataon mamuno ang mga Pilipino sa eskwelahan na ito.
Ang unang naging Pilipinong punong guro ng naghahangad na paaralan na ito ay si G. Basilio Abiado—at siya’y magbibigay daan para umangat ang iba nating kababayan sa kanyang posisyon. Tatawaging “Bulacan National Trade School” ang Bulacan Trade School nang tinaguriang pambansang paaralan ito noong 1953, at sa susunod na apat na taon ito ay matatawag na Bulacan National School of Arts and Trades (BNSAT). Noong
Kasama rin sa presentasyon ang mga mensahe ng pasasalamat mula sa mga mag-aaral.
Ang buong Valencia Hall ay umapaw sa tawanan na puno ng pagmamahal mula sa lahat ng naroroon. Matagumpay na naipakita ng mga mag-aaral ang kanilang pagpapahalaga at pasasalamat sa kanilang mga guro. Ang mga ganitong okasyon ay tiyak na nakatutulong upang magpatuloy ang masigasig na dedikasyon ng ating mga guro na magbigay ng kanilang pinakamahusay na pagtuturo at pagpapalawak ng kaalaman sa atin.


1957, sina G. Santiago at G. Roxas ay tinaguriang unang superintendente ng BNSAT at kanyang pagdidiin na sana’y maging isang kolehiyo ang paaralang ito.
Ika-27 ng Setyembre 1967, ang petsa kung kailan tinaguriang “acting president” si G. Gavino M. Carpio, sa ngayong Bulacan College of Arts and Trade, at sa susunod na taon siya’y makikilala bilang opisyal na presidente nito. Dahil sa kahusayan ni G. Carpio, sa kanya ipapangalan ang bulwagang Carpio na itinatag noong 1979. Ang gusaling ito ay ilang beses na isinaayos dahil sa mga sakuna na nagdudulot sa pagguho o pagkasira nito, ngunit hanggang ngayon nakatayo pa rin ito—simbolo ng matatag na katangian ng bulwagang ito.
Sa mga beses na dadaan ka sa mga koridor ng Carpio, at sa mga beses na
maririnig mo ang tunog ng mga yabag sa mga pasilyo, sana’y iyong maisip ang mga mukha at ngiti na dumaan din sa mga sahig na iyong inaapak-apakan. Sila, mapadating estudyante o guro ay ang bumubuo sa historya ng paaralan na ito; ang kanilang bawat galaw ay may silbi sa paggawa ng bulwagang Carpio. Ang isang gusali ay infrastruktura ba lamang o isang lugar na nag-uugnay sa atin sa nakaraan— ang manamis-namis na mapanglaw na nakaraan?
Matipuno, mahusay at maayos. Ito ang mga bagay na maaaring iugnay sa bantog at kagalang-galang na gusali ng BulSU. Isa sa mga gusali na ito ang Bulwagang Carpio, at hindi lamang ito isang lugar na maaring bisitahin kundi isang bahagi ng kasaysayan. Ito ay karapat-dapat lamang na matuklasan.








kuhang larawan ni Uno

T lino, Pso’t arikan: Kuwento ng Isang Lakambini
ni Jamira Sayo
Kumikislap na mga ilaw, magagandang kasuotan, at kahanga-hangang mga talumpati.
Iyan ang mga iniisip kapag nabanggit ang salitang “lakambini.” Naiisip natin ang kamangha-manghang karanasan na sumusunod pagkatapos mapili ang isang tao upang kumatawan sa kanyang paaralan sa isang kompetisyon. Binibigyan din natin ng pansin ang epekto o impluwensya ng kanilang mga adbokasiya sa mga tao.
Ngunit bihira nating mapagtuunan ng pansin ang mga hamon na nararanasan ng ating mga pinahahalagahang lakambini. Sa kabila ng kanilang kariktan at kakisigan, sila ay mga tao din na dumaranas ng matinding pagsubok at pagod upang makamit ang tagumpay na kanilang minimithi.
Nagsimula ang paglalakbay ni Yzza Nicole A. Bautista noong ika-14 ng Setyembre 2023 nang isagawa ang iskrining ng Lakan at Lakambini ng Laboratory High School. Ang mapili bilang isang lakambini ay tunay na nakalulula, ngunit ang mga posibilidad ng pagkakaroon ng plataporma upang ipahayag ang kaniyang saloobin ay nagbigay sa kaniya ng labis na kasiyahan.

Ngunit upang maiparating ang mensaheng ito, kinailangan niyang harapin pa ang mas maraming hamon.
Isang araw sa pagbubukas ng Opening Salvo ng SRW Month noong ika-25 ng Enero 2023, naramdaman ni Bautista na ang kaniyang mga pagsasanay ay hindi pa sapat upang masungkit ang tilulo. Ang arko na kinakailangan para sa parada ay hindi pa nasisimulan hanggang sa araw ng kaganapan ng mga taong dapat gumawa nito. Wala rin siyang propesyonal na makeup artist. Dagdag pa dito ay hindi rin siya naturuan ng maayos kung paano maglakad sa entablado. Ngunit mas naramdaman niya ang pagkadismaya ng ang kaniyang lakan ay umatras sa kaganapang ito.


Ayon kay Bautista, tila isang malaking obligasyon ito, ngunit nang matiyak na may suporta mula sa Students’ Rights and Welfare (SRW) Committee ng Lokal na Konseho, buong puso niyang tinanggap na kumatawan bilang lakambini ng kanyang paaralan. Dumaan siya sa matinding pagod dulot ng pagsasanay, ngunit ito ay hindi naging hadlang upang pagbutihan ang pagsasanay. Isang matinding determinasyon ang tumimo sa kaniyang puso. Determinado siyang ipahayag ang mga isyu na nagpapahirap sa ating lipunan, tulad ng paggapi sa mga mag-aaral ng mga state university, mga drayber ng public utility vehicles, miyembro ng komunidad ng LGBTQIA+, at kababaihan.
Isang desisyon ang patuloy na bumabagabag sa kaniyang isipan hanggang sa Closing Salvo—ang sumuko dahil sa iresponsabilidad, pagkukulang, at kawalan ng paghahanda ng Lokal na Konseho—tila ay pinabayaan lamang nila ang lakambini na sumasagisag sa kanilang paaralan.
Subalit naalala ni Bautista kung para saan siya lumalaban. Ang suporta ng kaniyang mga kaklase mula sa 9 - STE Banzon ay nagbigay sa kaniya ng sapat na lakas upang ipagpatuloy ang Closing Salvo. Kahit hindi siya nakapasok sa natitirang anim na puwesto, pakiramdam ng tagumpay ang dumapo sa kaniya. Ang tunay na gantimpala ay hindi nasa titulo—ito ay nasa pagkakataon na tumayo at marinig.
Sa kabila ng mga pagsubok, ang kapangyarihang magdala ng pagbabago ay naging dahilan ng pagganyak ni Bautista na hubugin sa tamang daanan ang kinabukasan.



Ang Disbentaha ng SOCIAL MEDIA




ni Franze Clemente
Sa panahon ngayon, makabago at may masulong na mga produkto ng teknolohiya na ang Pilipinas. Ang ilang halimbawa nito ay ang mga gadyet kagaya ng telepono, kompyuter, telebisyon, at marami pang iba. Nakapaloob sa mga serbisyo nito ang internet; ito ay ang pandaigdig na sistema na nag-uugnay sa madla sa pamamagitan ng paglikha ng koneksyon sa iba’t ibang plataporma.
Ang hatirang pangmadla ay isang paraan ng komunikasyon na kinakailangan ang internet kung saan may pagbabahagi at pagsasama-sama ng datos na ibinabahagi. Maaari itong gamitin bilang pagbabatid, panghanap-buhay, panlibangan, o kung anumang gawi ang ninanais ng isa. Higit pa riyan, naglalaman ito ng mga interaktibong tampok na nagpapahintulot ng kalayaan sa bawat indibidwal.
Kaakibat nito ang mas mabilis at madali na pakikipag-ugnayan, pagpapalaganap ng balita, at pagpapanatili ng kamalayan sa mga pandaigdigan at pambansang isyu. Ito ay nakatutulong sa larangan ng pananalapi at negosyo dahil nagbubukas ito ng mga oportunidad na magpapalago ng saklaw at dami ng taong maaabot.
Sa kabila ng sandamakmak na kapakinabangan, bitbit nito ang ilang problema, halimbawa na ang huwad na balita. Ito ay ang mapanlinlang na impormasyon na humihikayat na isipin o paniwalaan ang isang bagay, pangyayari, o konsepto sa iba at maling paraan. Ang pekeng balita ay mahahati sa dalawang uri, ang maling impormasyon (misinformation sa wikang Ingles) at disimpormasyon (disinformation sa wikang Ingles).
Ang misinformation ay ang pagkakamali na paglaganap ng balitang walang katotohanan o hindi maaasahan. Marahil ang intensyon lamang ay magpatawa o sumikat sa pamamaraan ng paggawa ng kaguluhan o kagitlahanan.
Ang disinformation ay ang minamanipula o sinasadyang kamalian na may intensyong magdulot ng pinsala. Kadalasang nangyayari ito upang siraan ang isang tao, magbago ang paningin ng madla sa isang bagay, pabagsakin ang interes sa isang pangyayari, at iba pa na tila walang katapusan ang listahan.
Upang maiwasan ang pagkonsumo ng huwad na balita, narito ang tatlong simpleng paraan. Una, suriin nang mabuti ang impormasyon, paghiwalayin nang mabisa ang katunayan mula sa opinyon. Pangalawa, unahin ang pagbabasa sa mga pinagkakatiwalaang daluyan ng impormasyon, at iwaksi ang iba na wala sa panig ng katotohanan. Pangatlo, siguraduhin na napapanahon at nauukol sa paksa ang nakasaad. Katulad ng pagkain at inumin, naaapektuhan ng oras ang kalidad ng impormasyon, at kung gaano pa ito maaasahan.
Nawa ay magsilbing paalala ito na huwag piliing sumandal sa misinformation at disinformation, piliin ang pagkontra sa pekeng balita. Ang internet ay isang pandaigdig na sistema na may kakayahan na mag-ugnay sa madla sa paraan ng paglalahad ng impormasyon at kaalaman—hindi dapat ito ang maging dahilan sa hidwaan ng mga mamamayan dahil lamang sa balitang walang katotohanan.


Noli Me Tangere... sa Bulacan?!
ni Rouyan Reyes
Alam naman nating lahat kung sino si Gat. Jose Rizal—ang pambansang bayani ng Pilipinas. Siya ay hindi lamang isang simpleng manunulat kundi isang henyo na nag-ambag ng makabuluhang tula, nobela, literatura, at maging mga guhit na nagbigay-inspirasyon sa maraming Pilipino. Hanggang sa kasalukuyan, kilalang-kilala si Rizal ng bawat Pilipino, bata o matanda man. Sa katunayan, kahit tanungin mo ang mga nakatatanda sa paligid mo, hindi maikakaila na bahagi si Rizal ng kanilang kaalaman at kuwento. Ang kaniyang mga obra, tulad ng Noli Me Tangere, ay patuloy na pinag-aaralan at pinahahalagahan, salamat sa ating mga guro, magulang, at sa pagpapatuloy ng edukasyon sa mga kabataan.
Ngunit narinig mo na ba ang kuwento tungkol sa koneksyon ng Noli Me Tangere sa Bulacan? Isang nakakagulat na detalye
ang matutuklasan dito—ang bayan ng San Diego, na tampok sa nobela, ay sinasabing hinango mula sa bayan ng San Rafael, Bulacan! Makikita pa nga sa simbahan ng San Juan de Dios ang mga elementong tila nagbigay-inspirasyon kay Rizal sa pagsulat ng kuwento nina Crispin at Basilio. Ang dalawang batang ito, ayon sa kuwento, hango ito mula sa dalawang bata sa Hagonoy, Bulacan na totoong nabuhay. Bagama’t hindi natukoy ang kanilang mga pangalan, naiwan sa ating kamalayan ang kanilang trahedya—isang simbolo ng hirap at kawalang-katarungan noong panahon ng mga Kastila.
Makikita natin na ang Noli Me Tangere ay hindi lamang isang obra ni Rizal na nagsasalaysay ng mga suliranin ng bansa, kundi isang akdang may koneksyon sa mga tunay na karanasan at pook sa Pilipinas, lalo na sa Bulacan. Ang mga
elementong hango sa mga bayan tulad ng San Rafael at Hagonoy ay nagpapakita ng malalim na ugnayan ng nobela sa ating kasaysayan, kultura, at pagmamahal sa bayan. Ang mga karakter tulad nina Crispin at Basilio ay hindi lamang kathang-isip kundi sumasalamin sa mga tunay na buhay na naapektuhan ng kawalang-katarungan, at sa likod ng kanilang trahedya ay ang di-mabilang na kuwento ng pagmamahal ng mga tao sa kanilang pamilya at komunidad. Sa pamamagitan ng mga detalye at inspirasyon mula sa Bulacan, mas lalo nating nauunawaan kung paanong ang mga tula, nobela, at sining ni Rizal ay patuloy na nagbibigay liwanag at lakas sa ating mga kababayan.
Kung ika’y taga-Bulacan, sa susunod na naisip mo si Gat. Jose Rizal, partikular ang kaniyang akda na Noli Me Tangere, huwag na huwag mong kalimutan na
hinango ni Rizal ang nobelang ito mula sa mga pook at karanasang may malalim na koneksyon sa iyong bayan. Ang mga aral ng Noli Me Tangere ay hindi nagtatapos sa aklat lamang; patuloy itong nagsisilbing gabay para sa ating bayan sa pagnanais ng katarungan, pagkakapantay-pantay, kalayaan, at sa pagmamahal sa bayan na walang sawang sumusuporta sa mga laban para sa kabutihan ng nakararami.


I. Pag-Alis sa Panaginip

Matapos ang mahabang bakasyon, muling nagbukas ang mga tarangkahan ng paaralan—hudyat ng panibagong taon ng pagkatuto at paglalakbay sa mundo ng kaalaman. Tumunog ang aking telepono sa unang alarma nito ng alas-singko ng umaga, at gaya ng dati, paulit-ulit kong pinindot ang pindutan na “snooze.” Habang abot-kamay ang saya ng pagbabalik sa paaralan, tila hinahatak pa rin ako ng higaan kong yari sa mahogany na mas nagiging komportable sa tuwing kailangan kong gumising nang maaga.
II. Umaga ng Pagbabalik
Naramdaman ko ang marahang mga tapik ni Nanay sa aking bisig, “Tanghali na!” Sa paligid, dama ang mga palatandaan ng isang bagong araw—ang tilaok ng mga manok, ang huni ng takureng may kumukulong tubig para sa kapatid ko na ayaw maligo sa nagyeyelong tubig mula sa gripo, at ang amoy ng sinangag na nagpapalamon ng init sa lamig ng umaga. Sa mga ganitong sandali, ramdam ko ang pagmamalasakit ni Nanay. Tinulungan niya akong maghanap ng nawawala kong medyas at inabot ang bago kong sapatos na alam naming parehong hindi magtatagal mula sa hamon ng araw-araw na paggamit.
Pagkatapos magsuklay at ayusin ang aking sarili, kinuha ko ang aking baon, nagpaalam, at naglakad papasok sa terminal. Sa dami ng estudyanteng naghihintay sa jeep, nakipagsiksikan ako, tiis-init, habang iniisip ang mga magagandang bagay na naghihintay sa eskuwelahan. Matagal ko nang hindi nararamdaman ang ganitong init mula nang bumisita ang bagyong Carina sa ating bansa. Dapat noong nakaraang linggo pa kami nagsimula ng klase, ngunit dahil sa mga hindi inaasahang aberya, ngayong ika5 ng Agosto ito itinakda.
III. Pagdating sa Eskuwela
Pagkaapak ng aking sapinpaa sa paaralan, narinig ko agad ang halakhak ng mga estudyante mula sa iba’t ibang bahagi ng Bulwagang Carpio. Sa bawat sulok, tanaw ko ang masiglang pagbati ng magkakaibigan at ang kislap ng pananabik sa kanilang mga mata. Ang dating dilaw na pader ng paaralan na naluma na sa panahon ay bagong-bago sa aking paningin. Sa paligid, dama ang buhay ng mga bagong simula. Sa likod ng bawat kuwaderno, bag, at lapis ay mga pangarap na naghihintay isulat. Muling umusbong ang sigla sa akin, at naalala ko kung bakit mahalaga ang unang araw na ito.
Tulay na


Ang pagbabalik sa eskuwela ay isang muling pagbubukas ng pinto sa mga oportunidad. Sa kabila ng kaba ng unang araw, dama ko ang init ng pagkakakilala muli sa mga dating kaklase at ang pananabik sa mga bagong kaibigan. Sa bawat sulok, may mga batang nagkakantahan, nagtatawanan, at nagpapalitan ng kuwento tungkol sa kanilang bakasyon.
Sa unang bahagi ng araw, nagkaroon kami ng oryentasyon kasama ang aming gurong-tagapayo. Hindi lang ito tungkol sa mga bagong patakaran at inaasahan, ito rin ay naging isang pagkakataon upang magkilala at magbahagi ng mga kuwento. Nagsimula kaming lahat sa pagpapakilala, ibinabahagi ang aming mga pangarap, takot, at inaasahan. Sa kabila ng kaba ng unang araw, unti-unting napalitan ito ng sigla at halakhak. Ang bawat isa sa amin ay may sari-sariling kuwento—mga kuwentong nagbigay kulay at buhay sa bagong simula. Sa bawat palakpak at tawa, nagkaroon ng koneksyon ang bawat isa, at sa loob ng silid-aralan, unti-unting nabuo ang isang maliit na komunidad na maglalakbay nang magkasama sa bagong taon ng panunuran.
Ang unang araw ng pasukan ay hindi lamang simpleng araw ng pagbabalik sa eskuwela. Isa itong makabuluhang paalala
na ang bawat hakbang ay mahalaga upang matupad ang ating mga pangarap. Sa bawat ngiti at halakhak, nadarama ko ang pagkakaisa ng bawat estudyante sa aming iisang layunin: ang magtagumpay at maabot ang aming mga pangarap.
Ang paaralan ay tila isang tulay na bahaghari na nagdurugtong sa aming kasalukuyan at kinabukasan. Ang unang araw na ito ay simula ng panibagong kabanata sa aming mga buhay—isang kabanatang puno ng mga aral, hamon, at tagumpay. Sa bawat araw na darating, ang mga pagkakataong matuto, magkamali, at magtagumpay ay magpapatibay sa amin upang patuloy na abutin ang mga bituin.
Sa kabila ng mahaba at mainit na araw, umuwi akong may ngiti sa labi at kasiyahan sa puso. Ang unang araw ng pasukan ay hindi lamang tungkol sa pagaaral—ito rin ay isang paglalakbay patungo sa mas malalim na pagkilala sa sarili at sa iba. Ito ang unang hakbang sa pagtawid sa tulay na bahaghari, patungo sa mas maliwanag na hinaharap.

Tila Puso, Tila Apoy
Katapangan… isang makapangyarihang apoy na nagniningas sa loob ng matuwid at determinado.
Sa isang madilim na gabi, ang tanging naririnig ay ang kulog ng langit, ang pagpatak ng ulan galing sa mataas na puno, at ang yapak ng mga manlalakbay. Konti na lang ang kanilang pagkain, limitado na rin ang suplay ng tubig. May mga mababangis na hayop sa paligid, kanilang angil rinig na rinig na umaalingawngaw sa kanilang isip na tila isang sigaw. Ano kaya ang mangyayari?
Hawak ang isang munting kandila, ang pinuno’y naninindigan—ang sabi niya sa mga kapanalig ay malalagpasan nila ang balakid na ito.
Madalas nating tinatanong kung ano ba ang depinisyon ng isang lider. Marami ang nagsasabi na ang isang lider ay may kariktan at kahusayan sa pagsasalita. Ang iba naman ay nagsasabi na ang isang lider ay ang taong matalino at sigurado sa kanyang mga desisyon. Ngunit baka kaya’t
ni Jamira Sayo
ang depinisyon ng isang lider ay ang taong may matinding katapangan?
Tingnan natin ang magiting na pinuno na si Andres Bonifacio, minamahal ng mamamayang Pinoy at naala bilang isang mahusay na bayani. Ipinanganak sa Maynila noong 1863, nabuhay siya ng mahirap. Nagtrabaho siya bilang mensahero at tagabantay ng bodega upang matustusan ang gastusing lumalaki sa tuntunin ng mga Espanyol. Noong Agosto 1896, sa kanyang sulsol kasama ng kanyang grupo na tinawag niya ng Katipunan, nilabanan nila ang mga dayuhang Espanyol at natapos ang gera sa isang talo. Sa kabila nito, nagdulot ang kanyang katapangan sa maalab na rebolusyonaryong mithiin sa puso ng mga Pilipino.
Ngunit, paano kung ang isang pinuno ay hindi lang matapang kundi isang taong matalino at may kahusayan sa pagsasalita?
Mahuhulaan niyo ba kung sino ang aking tinutukoy? Ito ay ang ating dakilang pambansang bayani na si Jose
Rizal. Ipinanganak sa Calamba, Laguna noong 1861, ang kanyang kabataan ay ginugol sa kayamanan. Nakapag-aral siya sa Unibersidad ng Madrid kung saan hinasa niya ang kanyang talino. Noong pinamunuan niya ang Liga Filipina at isinulat ang mga libro katulad ng El Filibusterismo at Noli Me Tangere upang malabanan ang mga Espanyol, agad nating mapapansin na pinairal niya ang kanyang utak. Pinapatay siya ng Espanyol dahil sa kanyang bahagi sa rebolusyonaryong mithiin—ngunit ang kanyang kamatayan ay nagbigay inspirasyon sa maraming bata at matatandang Pilipino. Kundi dahil sa kanyang talino at kahusayan sa pagsasalita, hindi siya maitatalaga na ating pambansang bayani.
Sa kabila ng pagkakaiba ng dalawang lider, pareho silang umaasa, nasasaktan at nabubuwag. May mga pagkakataong ang kanilang apoy ay maglalaho hanggang matira lamang ay mumunting marka ng abo. Minsan sila’y matatakot, sasakmalin ng kaba ngunit papairalin pa rin nila ang kanyang talino at diwa. Manggagaling ang
kanyang katapangan sa tumitibok na bagay na taglay ng bawat isa sa atin—ang puso.
Ang isang lider ay matipuno, matalino, may taglay na kariktan, ngunit kung di dahil sa kanilang pagmamahal sa bayan, hindi nila magagawa ang kanilang sakripisyo para sa ating bayan. Ang isang pinuno ay hindi maaaring maitugariang tunay kung hindi siya pinapagana ng kanyang puso. Naniniwala ako na ang bawat tao ay may iba’t ibang depinisyon ng isang lider, ngunit kung di dahil sa kanilang labis na pagmamahal sa kanyang gawain, magkakaroon ba siya ng lakas? Magkakaroon ba siya ng katapangan?

Ang pagmamahal—isang makapangyarihang apoy na nagniningas sa loob ng matuwid at determinado.



ni Yzza Bautista
dibuho ni Rian Cruz
Pampanitikan
Sa Tahanan Muli
ni Franze Clemente
“Ang isang tahanan ay ginintuan. Hindi kailanman ito magpapatinag sa hatinggabi at kukupas sa tubig-alat ng karagatan na parang walang kailaliman,” ang unang bulong ng hangin sa akin.
Sa paglingon ko sa bintana ng aming silid-aralan, humampas sa aking pisngi ang gintong sinag ng lumulubog na araw. Nang magpaalam ang aming guro, iniligpit na namin ang mga kagamitang ginamit namin habang nagtatalakayan. Dahan-dahan kong inihanay ang mga upuan, at pinulot ng mga kaklase ko ang mga pinagsulatang papel na nakakalat sa sahig. Habang nag-aayos, rinig ang mga buntong-hininga na dulot ng pagnanais na makapagpahinga na sapagkat uwian na.
“Ang isang tahanan ay maihahalintulad sa sorbetes. Sa pagkakataong papabayaan ito, matutunaw at tutulo ito sa apa na siyang lalambot, ang magiging sanhi ng pagguho nito,” ang pangalawang bulong ng hangin sa akin.
Nang lumakad ako sa pasilyo, pababa sa hagdanan, nakita ko ang mga manlalaro ng volleyball sa kuwadranggulo. Paglabas ko ng tarangkahan, nakasalubong ko ang nagtitinda ng sorbetes na may kuliling na hawak-hawak niya na tumataginting. Nagpatuloy ako sa paglalakad, at pinagmasdan ko ang isang puting pusa na may itim na batik-batik sa buong katawan. Ito ay kumakain ng tira-tirang isda mula sa karinderya na may umuugong na
“Ang isang tahanan ay mahirap mahanap sa samot-saring karatula. Sa proseso ng paghahanap, may mga hadlang na madadaanan at pagnanais na sumuko na bubungad kung nasaan man ito,” ang pangatlong bulong ng hangin sa akin.
Nakahihilong basahin ang mga karatula ng mga dyip na dumadaan. Mahirap maiwasan ang tulakan sa mga eskinita kaya dapat ay mag-ingat tuwing narito. Naramdaman ko na ang aking pagubo dahil sa pinaghalong amoy ng usok ng mga sasakyan at ng basurang nakatambak sa gilid ng daanan. Nakaririndi ang umaalingawngaw na busina ng bus na ikot nang ikot sa aking mga tainga.
“Ang isang tahanan ay ang sinisintang kanta ng isang indibidwal. Nakasalalay sa kaniya ang kahulugan at kung saan o kanino niya mararamdaman ang kaginhawaan nito,” ang pang-apat na bulong ng hangin sa akin.

Napagtanto ko na, wala nang naidudulot na galawgaw na pakiramdam ang kapaligiran. Tahimik akong naghintay na malagpasan ang trapiko habang nakikinig sa musika ng aking telepono. Mapapakinggan ang pag-awit ng mga kalapating sunod-sunod na winawagayway ang kanilang mga pakpak na kulay-abo. Magaan ang ibinibigay na emosyon ng himpapawid, at maaliwalas ang bawat bugso nito. Sa wakas, makakauwi na ako.
Pagbagsak at Pagbangon
ni Erica Crisostomo


Bilang isang mag-aaral, karanasan ko ang panahon na maaaring isipin na bawat aralin ay napakahirap, na may mataas na marka at tagumpay na nasa dulo ng iyong mga kamay. Ngunit magkakaroon ng oras na maaari ko ring isipin na ang bawat hakbang na iyong tinatahak ay tila lalong bumibigat, at malinaw magiging alaala sa iyong nakaraan ay ang iyong mga dating mga tagumpay. Bakit ngayon, ito ay tila isang hamon? Mukhang itinabi ako at parang naiwan ng mga kaklase ko.
Sa lahat ng mga nakakuha ng medalya at karangalan, ano nang nangyari sa akin? Ang dating lakas ng loob at tiwala sa sarili ay natatangay sa ngawit ng mga pagkakamali. Maaaring dumating ang mga
Bakas sa Buhangin
ni Marcus Estrella

dibuho ni Keah Adriano


pagsubok o hindi inaasahang pangyayari sa iyong buhay, at sa isang iglap lamang, ang dati mong masiglang mga mata ay napalitan ng bakas ng pagod at pagdududa. Ngunit, napagtanto ko na ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa mga medalya o mataas na marka. Ang tagumpay ay nasa kakayahang bumangon sa bawat pagkadapa at patuloy na pagsikap kahit mahirap ang daan.
Araw-araw, bumabangon ako nang mas matatag at handa sa mga bagong hamon. Sa paglalakbay na ito, natutunan ko na ang tunay na tagumpay ay makikita sa tapang na harapin ang kabiguan at sa pagpapatuloy kahit mahirap.

Mula sa unang pag-usbong ng tao, ang mga alaala ay tunay na hindi nagbabago. Kay pait man ng nakaraan, ang magagawa lamang ng isa ay tanggapin ang nangyari at hindi pagsisihan. Dahil, ang mga alaala ang bumubuo ng kakanyahan at sariling kaisipan. Ngunit, paano kung ang mga memorya ay sadyang nakalilito balikan?

Totoo na minsan ay mahirap buklatin ang mga alaala. Subalit, ang lahat ng bagay ay may solusyon. Ang unang paraan kung paano ibatsya ang alaala ay ang karaniwang pagsulat. Sa pagpulot ng papel at panulat, kahit isang salaysay kada buwan ay sapat na para mas maintindihan ng sarili at ang mga memorya.

Ang pangalawang aktibidad naman ay ang likas na pag-usap sa ibang tao. Sa pagpapatuloy ng usapan, maaring bumungad ang mga alaala at sama-sama kayong tumuklas ng mga sagot sa mga problema. Tulad ng mga alimpuyo ng karagatan, ang buhay ay puno ng mga umiikot na memorya. Minsan ay maligaya pero may patak din ng luksa.

Tumbahi ni Juztine Lopez
“Tik-tak, tik-tak” Wika ng segundong tumatakbo, Habang nakikipag-Patintero Sa bawat minuto.

Pagkarating ng kasalukuyan, hindi sinungaling magsabi na ang mga alaala ay likas na nakaaapekto sa ngayon. Dahil ang taong likas na sanay sa mga marahas na bagay ay kumakapit sa mga memorya na walang saysay. Maski na ilawan ang mapanglaw na alaala, mayroon pa ring maliwanag at payapang sandali sa buhay ng isa; parang isang mahiwagang isla.






Ang pagdaloy ng panahon ay hindi titigil. Maging isang milyong tao ang magtulungan upang pigilan ang pag-agos nito. Ang oras ay likas na lulusot sa mga bitak at dadaloy. Ang mga bakas ng kanilang paa sa buhangin ay mananatiling naroon hanggang ang mga alon ang mismong maghuhugas sa kasaysayan ng kanilang sarili. Ngunit, ang tanging mahalaga ay hindi sila titigil o aatras. Sapagkat, hindi nila malalasap ang halimuyak ng bukas.
Ang iyong paghinga Ay tila isang gera. Pahinga mo ay tuloy-tuloy na Kahit ’di na mapigilan Ang pagsasara ng mga mata. Unti-unti mong makakamit Ang bawat hiraya.
Buong araw ay may pinaglalaanan Sa paaralan man
O sa ibang bagay. Para sa katauhan na Sa iyo ay kumakatawan.

dibuho ni Angel Villanueva
dibuho ni Emaly Sebastian
Pampanitikan
Dilaw na Pasilyo
ni Yzza Bautista
Si Dalisay ay isang mag-aaral na bibo, matalino, at plakado ang mga sagot sa tuwing siya ay tatawagin ng kaniyang mga guro sa sipnayan upang magsalita sa harap ng kaniyang mga kaklaseng masama ang tingin sa kaniya sapagkat siya raw ay ‘bida-bida.’ Ang kaniyang husay ay tila isang kasalanan sa mata ng iba.
Hindi man madali sa kaniya ang pag-aaral dahil sa mga taong kay gaspang ng pag-uugali, ang edukasyon ang tanging yamang tinatangi ni Dalisay. Maagang nawala ang kaniyang mga magulang kaya mag-isa siya sa kaniyang tahanan, at umaasa sa baon na binibigay ng kaniyang tiya. Walang nagtitirintas ng kaniyang buhok, wala siyang tinatawag tuwing nahihirapan siya sa kaniyang mga takdang-aralin, wala siyang maiiyakan.
Ikalawang linggo na naman ng Hulyo, simula na naman ng bagong taong panunuran para kay Dalisay na nasa ika-7 baitang na. Pahirapan pang bilhin ng mga magulang ang mga kagamitang pampaaralan sapagkat nagkakaubusan na ng mga kulay na kailangan. Subalit, para sa mutyang alila, panibagong araw lang ito. Ang kaniyang naipon mula sa bente pesos na baon niya araw-araw ay ang kaniyang pinangbili rito.
Nang umapak ang lumang sapinpaa ni dalisay sa dilaw na pasilyo ng kaniyang bagong paaralan, ito ay sumalubong
sa kaniya ng panlilibak—mga matang humuhusga, mga bibig na naglalabas ng masasakit na salita. Ang bawat isa ay may kinakawayan, subalit mag-isa lang si Dalisay. Walang pumasin, lahat ay nandiri. Kakulay raw ng pasilyo ang kaniyang ngipin, dilaw.
Lumipas ang isang buwan at unti-unti nang nasasanay si Dalisay sa kaniyang paligid. Bumabaha na ang mga gawain at papeles na kailangang tapusin. Marami ang nalulunod kahit na may espesyal na salbabidang pang-mayaman. Ngunit si Dalisay, may sariling bangkang gawa sa tagpi-tagping lumang libro.
Habang tumatagal, unti-unti nang pumuputi ang dilaw na pasilyo. Marahil ito rin ay nakapagsipilyo. Ang trato ng iba kay Dalisay ay mas naging matiwasay sapagkat nakita nila ang tunay na pontensyal nito. Napaliguan na rin ang magagaspang at maduduming ugali ng mga kamag-aral ng musmos. Hindi na siya sinasabihan ng mga masasakit na salita at ngayon ay pinaparamdam na hindi siya mag-isa.
Pagdating sa kaniyang tahanan, nagsulat siya sa kaniyang munting talaarawan, gamit ang bagong bolpen.


Dear Diary, Masaya ako ngayon. Sobrang saya. Dati, dilaw yung paaralan namin, at pinagtatawanan nila ako kasi marumi raw ako. May mga kaibigan sila, ako wala. Pakiramdam ko noon, basahan lang nila ako. Ngayon, nagbago na pagtrato nila sa akin. Pakiramdam ko, may kasama na ako. May halong lungkot nga lang ako nung mga huling araw na ng pasukan. Si Rene kasi, lilipat na ng school. Tapos magbabago pa nga ng mga seksyon, kaya’t baka hindi ko na maging kaklase ang mga kaklase ko ngayon. Mami-miss ko sila, sobra. Ngayon, puti na yung pader. Pinagtatawanan pa namin yun kasi mukhang mental hospital. Pero, yung mga alaala kasi, parang nabura na. May mga masasamang memorya man ako noon, tiyak na mabubura na rin naman sa kalaunan. Maaaring masakit sa mga mata ng iba ang kulay dilaw, lalo na kung
nakilala ko ang mga taong tulad nila. — AprilDalisay 4, 2014
ito ay napakatingkad. Subalit, dilaw ang kulay ng mga haligi kung saan
Enerhiya ng Sistema
ni Katerina Gutierrez

Sandali! Bago ka sumabak sa bakbakan sa paaralan, siguraduhin mo munang busog ka! Ika nga nila, kung ang kotse ay kailangan ng gasolina upang umandar, ang pagkain naman ang kailangan ng tao upang mabuhay.
Hindi ka ba nakapag-almusal sa pagmamadali? Ay, hindi maganda iyan sapagkat ang agahan ang pinakaimportante sa lahat. Para ka na lang ding sumabak sa giyera ng walang armas. Buti na lamang at maagang nagbubukas ang mga tindahan rito. Mayroong lugaw, biskwit, pancit canton, at mainit na kape na tutulungan kang maghanda sa mahabang araw na naghihintay sayo.




Ayan, sa wakas, tanghalian na. Alam kong pagod ka na at gusto mo nang umuwi, kaya naman sagot ka ng mga nagtitinda ng mga lutong bahay dito! Hindi ka man nito maiuuwi sa inyo, ngunit maipaparamdam ng mga putahe nila sayo ang panandaliang lasa ng seguridad, pahinga, at kapayapaan na siyang nararamdaman mo tuwing nasa loob ka ng inyong tahanan.
Oh, sa pagsapit naman ng oras ng meryenda, dito ka na rin magpunta, ha?
Ang dami-daming puwedeng kainin! Halo-halo, mais con yelo, turon, carioca, at iba pang matatamis para tulungan kang pawiin ang pait ng mga dinadala mo sa buhay.
Magsisilbi itong munting gantimpala para sa sarili mo dahil malapit mo nang matapos ang nakakapagod na araw. Oo, lahat ng bagay ay lumilipas. Ngunit huwag na huwag mong hayaang lumipas ang gutom, ha?



dibuho ni Reisah Bautista
dibuho ni Leomar Santos
dibuho ni Gian Mondejar







EDITORYAL


Bandera ng
LABORATORY





Isang Langhap Patungo sa Kinabukasan
Langhapin ang sariwang hangin—ito ang pangakong inihahandog ng mga puno para sa magandang kinabukasang ating inaasam. Habang patuloy na lumalago ang mga modernong lungsod at sumasakop ang mga kalsada at gusali sa mga likas na espasyo, makikita ang unti-unting paglimos ng mga luntiang puno na dating nagbigay sigla at buhay sa kapaligiran. Sa bawat sanga na pinuputol at dahon na nalalagas, tila’y mas lumalapit ang panganib ng pagkasira ng ating inang kalikasan.
Noong Marso 21, inilabas ng Climate Change Commission ang datos ng deforestation rate ng Pilipinas sa mga nagdaang taon. Ayon sa datos, umabot sa kabuuang 1.42 milyong ektarya ng kagubatan ang nawala sa Pilipinas mula 2001 hanggang 2022, na kumakatawan sa 7.6% na pagbaba mula sa kabuuang tinatayang 18.684 milyong ektarya ng kagubatan sa bansa. Tulad ng karamihan sa mga kagubatan sa buong mundo, malaking bahagi ng kagubatan na nawala sa bansa ay dulot ng urbanisasyon at commodity-driven deforestation.



Ang deforestation o pagkalbo ng kagubatan ay ang proseso ng malawakang pagputol, pag-alis, o pagkasira ng mga puno at halaman sa kagubatan upang magbigay daan sa paggamit ng mga lupain sa mga gawaing may kinalaman sa agrikultura, urbanisasyon, pagmimina, at paggawa ng mga imprastruktura. Ayon sa 2022

Philippine Forestry Statistics, tinatayang mayroon na lamang na 7.22 milyong ektarya ng kagubatan ang bansa, o 24.07% ng kabuuang lupain ng Pilipinas. Malayo ito sa 17.8 milyong ektarya ng kagubatan na mayroon ang bansa noong 1934.
Dahil sa patuloy na pagkaubos ng mga kagubatan sa iba’t ibang panig ng mundo, mabilis na tumataas ang antas ng carbon dioxide (CO₂) emissions sa atmospera, na pangunahing nag-aambag sa paglala ng mga epekto ng global warming at climate change. Ang mga puno—kilala bilang mga “baga” ng ating planeta—ay isang natural carbon sink dahil sa kanilang kakayahang sumipsip ng tubig, Carbon Dioxide, at magpalabas ng oxygen (O₂) na isang pangunahing pinagkukunan ng sariwang hangin na kailangan natin upang mabuhay.

Dahil sa kanilang kakayahang sumipsip ng tubig at Carbon Dioxide, ang mga puno ay nagsisilbing natural na proteksyon laban sa iba’t ibang sakuna, na may kapasidad na magdulot ng malawakang pinsala sa ating ekosistema at sa buhay ng nakararami. Sa bawat dahon na sumisikat sa araw, ang mga puno ay nagsisilbing tahanan sa mga hayop, mga insekto, at iba pang organismo na nagbibigay katiyakan sa biodiversity ng ating planeta. Ang mga puno, punong-puno ng benepisyo para sa kabuhayan ng mga mamamayan, pero patuloy silang nauubos— hindi ba’t panahon na para tayo’y kumilos at tumulong?


Isang malaking problema ang hinaharap ng ating mga kagubatan ngunit simple lamang ang solusyon: ang pagtutulungan. Sa pamamagitan ng bayanihan, maaaring mapalaganap ang mga proyektong reforestation at mapabilis ang proseso ng pagbibigay-buhay sa mga nasirang kagubatan. Ang pagtutok sa mga proyektong may malasakit sa kalikasan ay magbibigay daan sa isang mas malusog at luntian na kapaligiran, hindi lamang para sa kasalukuyang henerasyon kundi pati na rin sa mga susunod na salinlahi. Ang pagkilos ng bawat isa ay nagsisilbing buo at malakas na pwersa upang matamo ang pangmatagalang solusyon sa pagkaubos ng mga puno.
Bagamat may malaking papel ang gobyerno sa paglikha ng mga mekanismo upang ibalik at protektahan ang mga kagubatan, sa huli, ang mga indibidwal, komunidad, at lipunan ang may responsibilidad na magsanib-puwersa para sa pagpapabuti at pangangalaga ng kalikasan. Sa kasalukuyang panahon kung saan ang teknolohiya at urbanisasyon ang nangunguna patungo sa pag-unlad, ang mga puno ay nagsisilbing simbolo ng buhay patungo sa magandang kinabukasan. Kaya’t narito ang isang hamon para sa bawat isa sa atin: magtanim, mag-alaga, at magsikap na mapanatili ang mga puno sa paligid. Ang bawat maliit na hakbang ay may malaking epekto sa pagpapalago ng kalikasan at sa buhay ng nakararami.
Pagbaha sa Sahara Desert: Isang

HIGH SCHOOL, sa SIMSO 2024 International Finals nina Rhaiel Rodriguez at Beatrice De Leon Noong ika-9 ng Agosto 2024, dalawang mag-aaral mula sa Bulacan State University – Laboratory High School ang nagningning sa Siam International Mathematics and Science Olympiad (SIMSO) 2024 International Finals sa Bangkok, Thailand. Pinatunayan nila na ang talino at tiyaga ay susi sa pagbuo ng perpektong ekwasyon patungo sa tagumpay.
Sina Franco Bugaoan ng 10 - Zara na nasa Science, Technology, and Engineering program at Jules Dalton Morillo ng 10Kamagong ay nag-uwi ng gintong medalya mula sa prestihiyosong kompetisyon na nilahukan ng mga pinakamahusay na mag-aaral mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ang SIMSO ay isang paligsahan ng talino sa asignaturang Agham at Matematika. Bukas ito sa mga estudyanteng nasa unang baitang, elementarya, junior hayskul, at senior hayskul, at nagsisilbing isang makulay na plataporma para sa mga batang interesado sa larangan ng agham at matematika upang ipakita ang kanilang kahusayan at sukatin ang kanilang kakayahan laban sa mga pinakamahusay mula sa iba’t ibang panig ng mundo
Sa kompetisyon ng Matematika na sinalihan ng dalawang mag-aaral, itinampok ang mga pangunahing paksa na pinagtagisan ng talino ng mga kalahok na kabilang ang Arithmetic o Algebra, Geometry, Logical Analysis, Number Theory, at Combinatorics.
“Ang aking karanasan sa nagdaang SIMSO 2024 ay nakatatak sa aking puso at isip dahil sa ito ang kauna-unahang kompetisyon na sinalihan ko na ginanap sa ibang bansa,” pahayag ni Morillo sa isang panayam. “Nagpapasalamat ako sa lahat ng suporta ng aking mga dating kaklase sa 9 - Guijo at 10 - Kamagong, sa aking mga minamahal na guro, sa BulSU Community, sa aking mga magulang, at lalong-lalo na sa Panginoon,” idinagdag niya.
Ani naman ni Bugaoan, “Ang paglahok sa isang prestihiyosong kaganapang tulad nito ay nagbigay sa akin ng pagkakataong hamunin ang aking sarili sa mga paraang hindi ko akalaing posible. Sa kabuuan, ito ay isang paglalakbay ng personal na pag-unlad, pagkatuto, at mga hindi malilimutang alaala.”
Nang tanungin ang mga mag-aaral ukol sa kanilang paghahanda para sa kompetisyon, ipinaliwanag nila na hindi naging madali ang proseso ng pagsasanay at pag-eensayo, ngunit naging susi ang kanilang walang-hanggang pagsisikap at pagpupursigi sa isang makulay na tagumpay.
Senyales ng Climate Change
ni Rouyan Reyes
Isa sa pinakakilala at pinakamalaking disyerto sa buong mundo ang Sahara Desert. Matatagpuan ito sa hilagang bahagi ng kontinenteng Aprika, at hinahati ng iba't ibang bansa tulad ng Algeria, Ehipto, Morocco, Sudan at iba pa. Sa laki nitong 9.2 milyong kilometro, ito ang ikatlong pinakamalaking disyerto sa mundo. Kilala ang Sahara sa mga natatanging hayop na matatagpuan dito, kabilang ang mga camel, North African Ostrich, Saharan Cheetah, African Wild Dog, at iba pa.
Noong Setyembre 2024, nagulat ang mga taga-Morocco nang makaranas sila ng dalawang araw na walang tigil na ulan. Ang pagbuhos ng ulan ay nagdulot ng hindi inaasahang pagbaha sa ilang bahagi ng disyerto. Ang sanhi ng pagbaha ay isang extratropical cyclone na dumaan sa rehiyon, nagdala ito ng malakas na pag-ulan na nagresulta sa pagbaha sa mga lugar na karaniwang tuyo.


Ang biglaang pag-ulan ay labis na ikinagulat ng mga residente, sa loob ng 50 taon naranasan ito ulit ng Sahara Desert ng ganito kalakas na ulan. Ang pangyayaring ito ay nagdulot ng pansamantalang pagbabago sa tanawin, kung saan ang ilang bahagi ng disyerto ay tila naging mga panandaliang lawa. Pagkatapos ng insidente noong Setyembre, patuloy ang pagmamanman sa rehiyon. Noong Oktubre, nagpatuloy ang mga ulat tungkol sa hindi pangkaraniwang pag-ulan at pagbaha. Ang mga eksperto ay nagsagawa ng mga pag-aaral upang mas maunawaan ang epekto ng mga naturang kaganapan sa ekosistema at komunidad. Nobyembre nang iniulat na may ilan pang maliliit na pagbaha sa ibang bahagi ng Sahara, isang senyales na maaaring may pagbabago nang nangyayari sa klima at kapaligiran.
Ayon sa mga eksperto, ang insidente ay maaaring maiugnay sa mas

malawak na epekto ng climate change.
Ang pag-init ng mundo ay nagdudulot ng mas madalas at mas malalakas na bagyo at pag-ulan, kahit sa mga rehiyon na karaniwang tuyo tulad ng Sahara. Ang pagtaas ng temperatura ay nagiging sanhi rin ng pagbabago sa mga pattern ng panahon, kung saan ang mga lugar na dati'y hindi nakakaranas ng ulan ay unti-unting nagiging target ng malalakas na buhos. Dahil dito, ang mga disyerto tulad ng Sahara ay maaaring makaranas ng mas madalas na extreme weather events, mula sa matinding tagtuyot hanggang sa mga biglaang pagbaha.
Ang pagbaha sa Sahara noong Setyembre 2024 ay nagmarka ng mahalagang tala sa epekto ng pagbabago ng klima, na nagdulot ng mga hindi inaasahang kondisyon sa mga rehiyong karaniwang tuyo. Patuloy ang mga eksperto sa pag-aaral ng mga kaganapang ito upang maunawaan ang implikasyon nito sa ating ecosystem at mga komunidad.


“Ang mga pinagdaanan kong training bago sumabak sa nagdaang SIMSO 2024 ay hindi naging madali dahil marami akong inaral na mga modules at nanood ng mga tutorial videos. Simula ng nagpa-rehistro ako para sa Final Round ay araw-araw akong nag-aral ng mga pinadalang reviewers nina Ma’am Angelita Iglesia, Sir Vince Hendrick Carangan, at ang aking kasamang mag-aaral na si Franco Bugaoan,” ayon kay Morillo.
Matapos ang kanilang kabighabighaning karanasan sa kompetisyon, nagbigay naman ng mahahalagang payo ang mga mag-aaral sa kanilang kapwa estudyante upang magbigay inspirasyon at lakas ng loob.
“Ang aking payo para sa mga estudyanteng nagnanais na sumali sa mga kaganapan tulad ng SIMSO ay ang pagkakaroon ng dedikasyon at masusing paghahanda. Huwag magdalawang isip na magtanong o humingi ng tulong. At huling paalala, tandaan na magsaya sa magiging proseso! Ang mga kompetisyon ay hindi lamang tungkol sa pagkapanalo; ito ay mga pagkakataon para sa pagkatuto at personal na pag-unlad,” ani ni Bugaoan.
Ito ay isa sa mga tagumpay na kanilang nakamit na hindi lamang isang makulay na alaala, kundi isang gabay at inspirasyon para sa mga susunod pang henerasyon ng mag-aaral, na magpapatuloy sa pagpapalago ng kanilang mga talento at kakayahan.


Mula Buto Hanggang Balat: Kakaibhan ng Indibidwal
Alam mo ba na ang ating katawan ay nagtatago ng isang mundong puno ng mga kababalaghan na marahil ay hindi mo pa naririnig? Sa bawat selula at tisyu, may mga proseso at reaksyon na patuloy na nagaganap, na nagbibigay ng mga misteryosong pagsasama ng biyolohiya at kimika. Sa kabila ng ating kaalaman, marami pa ring mga tanong ang nananatiling walang sagot tungkol sa mga lihim na taglay ng ating katawan.
Nalaman mo na ba na ang iyong dila ay may kakaibang print, tulad ng iyong mga fingerprint? Ang bawat dila ay may sariling pattern at uka na tinatawag na papillae, na nagiging sanhi ng pagkakaibaiba sa bawat tao. Maaring gamitin ito para sa pagkilala, katulad ng mga fingerprint o retinal scan. Bagamat hindi ito karaniwang ginagamit sa forensics o seguridad, ang natatanging print ng dila ay nagbubukas ng iba’t ibang pinto sa mga posibilidad para sa personal na pagkakakilanlan.
Ang katawan ng tao ay nagdadala rin ng mga bakas ng ating ebolusyon. Isang halimbawa nito ay ang coccyx o tailbone, na matatagpuan sa ibaba ng gulugod. Ang maliit na butong ito ay isang vestige ng buntot na mayroon ang ating mga ninuno. Bagaman hindi na ito nagsisilbing katulad ng dati, ang tailbone ay nagbibigay ng suporta sa mga organo ng pelvis at nagsisilbing attachment point para sa iba’t ibang mga kalamnan, ligament, at tendon. Ang kamangha-manghang tampok na ito ay nagpapakita ng ating koneksyon sa puno ng ebolusyon at mga adaptasyon na humubog sa ating species
Isa sa mga kamangha-manghang katotohanan tungkol sa katawan ng tao ay ang haba ng ating mga daluyan ng dugo. Kung iaabot mo ang lahat ng daluyan ng dugo ng isang adult, aabot ito ng humigitkumulang 60,000 milya—sapat na upang ikutin ang mundo na higit sa dalawang beses. Ang napakalawak na network na ito ay mahalaga para sa pagdadala ng dugo, oxygen, at mga nutrisyon sa bawat selula ng ating katawan, na nagsisiguro na gumagana nang maayos. Ang komplikasyon ng sistemang ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng kalusugan ng cardiovascular, dahil ang pagpapanatiling malusog ng mga daluyan ng dugo ay mahalaga para sa ating kabuuang kalusugan.
Sa huli, ang mga kamanghamanghang katotohanang ito tungkol sa katawan ng tao ay nagpapakita ng kahalagahan ng ating pisikal na kalusugan. Ang pag-aaral kung paano ito gumagana at ang mga sistemang nagtutulungan ay nagbibigay sa atin ng motibasyon na pangalagaan ang ating sarili. Sa pamamagitan ng balanseng diyeta, regular na ehersisyo, at wastong pahinga, mapapanatili natin ang ating mga katawan sa pinakamagandang kondisyon. Ang pag-unawa sa ating katawan ay hindi lamang nakakatulong sa ating kalusugan, ngunit nagbibigay din sa atin ng mas malalim na pagpapahalaga sa biyaya ng buhay.


WHO, MULING IDINEKLARANG ANG MPOX
na isang Pandaigdigang Emerhensiya sa Kalusugan
Noong Agosto 14, 2024, idineklara ng
World Health Organization (WHO) na ang mpox na dating kilala billang monkeypox, ay isang sakit na kumakalat sa pakikipag-ugnayan ng tao o hayop na iniulat muli bilang isang pandaigdigang emerhensiya sa kalusugan, ang pinakamataas na antas ng alerto ng WHO. Dulot ito ng paglaganap ng isang bagong uri ng mpox sa Democratic Republic of Congo (DRC) na kumakalat sa mga kalapit na bansa sa kasalukuyan.
Ayon kay WHO Director-General Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, bukod pa sa mga paglaganap ng iba pang uri ng mpox sa DRC at iba pang mga bansa sa Aprika, malinaw na kailangan na natin ng isang “coordinated international response” upang mahinto ang paglaganap ng mpox, kung saan kinakailangang magtulungan tayong lahat upang mapigilan ang sakit na ito.
Ang sanhi ng lahat ng ito, ay isang viral na impeksyon na mula sa monkeypox virus, na isa sa mga uri ng orthopoxvirus. Ang orthopoxvirus ay isang grupo ng virus na nagdudulot ng mga maumbok na pantal sa katawan, kaya’t kumakabilang din dito ang mga sakit na chickenpox, smallpox, at iba pa. Mabilis na kumalat ang mpox dahil madalas itong nakukuha sa pamamagitan ng zoonosis o ang pagtalon ng sakit mula sa
hayop patungo sa tao, at ang hindi direkta pati na rin ang direktang pakikipagugnayan sa ating kapwa tulad ng pagyakap, pakikipagtalik, at paghalik. Dahil dito, mas mataas ang pagkakataon ng mga taong maramihan ang kasosyong sekswal na mahawa sa sakit na ito.
Ito ay unang natuklasan sa mga unggoy na ginagamit para sa pananaliksik sa Denmark noong 1958, ngunit ang unang kaso nito ay sa DRC, at ito’y nakuha ng isang siyam na buwang gulang na bata noong 1970. Makalipas ang outbreak ng smallpox at ang pagbibigay ng bakuna nito noong 1980, unti-unting lumaganap ang sakit na ito sa Aprika, at dito nagsimula ang pagkalat nito sa mundo. Ito ay may dalawang uri, ang Clade I at Clade II. Ang pagkakaiba ng dalawang ito, ay ang Clade I ay mas mataas ang fatality rate at karamihan ang kaso ay nangagaling sa Aprika, habang mas mababa ang fatality rate ng Clade II at karamihan ng mga kaso ay nanggagaling sa iba’t ibang bansa. Ang bagong uri ng mpox na natuklasan at lumaganap sa Democratic Republic of Congo ay ang Clade Ib, kung saan ito ay kadalasang kumakalat sa pamamagitan ng pakikipagtalik ng mga tao.
Sa pagtamo ng sakit na ito, ang mga karaniwang sintomas na nararamdaman

Sa bawat paggalaw ng lupa, isang panibagong kwento ng ating planeta ang isinusulat—handa ka bang saksihan ang pagbabalik ng isang nagkakaisang daigdig?
Mahigit 300 milyong taon na ang nakalilipas, bumuo ng isang superkontinente ang lahat ng mga lupaing masa ng mundo na tinawag na Pangaea. Ito ang panahon kung kailan ang ating planeta ay tila isang malawak na kapatagan na napapalibutan ng isang karagatan na tinatawag na Panthalassa. Dahil sa patuloy na paggalaw ng mga tectonic plate, naghiwa-hiwalay ang Pangaea upang bumuo ng kasalukuyang pitong kontinente. Ngunit ayon sa mga dalubhasa, may posibilidad na muling bumuo ng superkontinente sa hinaharap—ang Pangaea Proxima. Sa muling pagsasanib na ito ng mga kontinente, tiyak na magdadala ito ng malalawak na pagbabago sa klima, kalikasan, at buhay ng mga nilalang. Ang plate tectonics ay isang mahalagang proseso na nagbibigaybuhay at anyo sa ating planeta. Binubuo ng humigit-kumulang 15 pangunahing tectonic plate ang crust ng mundo at ang mga ito ay patuloy na gumagalaw dahil sa convection currents sa mantle. Ito ay nagdudulot ng mga natural na proseso gaya ng paglindol, pagsabog ng bulkan, at pagbuo ng mga kabundukan. Noong nabuo ang Pangaea, ito ay naganap dahil sa pagsanib ng iba't ibang tectonic plates at ang kanilang pagkakahiwalay ay dulot ng paggalaw ng mga ito sa loob ng milyunmilyong taon. Ayon sa mga eksperto, ang bilis ng paggalaw ng mga plato ay humigitkumulang 1 hanggang 10 sentimetro kada taon—halos kasintulin ng pagtubo ng mga kuko ng tao. Sa ganitong paraan, bagaman mabagal, malaki ang epekto nito sa kasaysayan at anyo ng mundo.
Batay sa mga modelo ng heolohiya, maaaring mabuo ang Pangaea Proxima sa loob ng 200 hanggang 300 milyong taon. May dalawang pangunahing teorya kung paano ito mangyayari: introversion at extroversion. Ang introversion ay nagsasaad na muling maghihiwalay ang mga kontinente mula sa kasalukuyan nitong posisyon upang bumalik sa dating lugar ng Pangaea sa pamamagitan ng pagsasara ng Karagatang Atlantiko. Sa



ay ang paglitaw ng mga pantal, lagnat, sakit sa lalamunan, sakit sa ulo, sakit sa likod, pamamaga ng lymph nodes—isang importanteng parte ng iyong immune system, at pananakit ng kalamnan. Upang maiwasan ang sakit na ito, maari tayong magpabakuna ng JYNNEOS vaccine, isang bakuna na inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) para sa pag-iwas sa bulutong at mpox. Ang simpleng paghuhugas lamang ng kamay gamit ang sabon at tubig o paggamit ng mga alcohol based sanitizers ay tumutulong na din sa pag-iwas ng mpox.
Sa nakaraang Public Health Emergency of International Concern (PHEIC) noong Hulyo 2022, palibhasa sa mabilis na pagkalat ng mpox sa iba't ibang bansa, at sa pagdedeklara muli nito sa kasalukuyan, tayo ay dapat maging alerto sa sakit na ito upang hindi lumala at dumami ang mga kaso ng mpox sa mundo. Sa isang paalala ni Committee Chair Professor Dimie Ogoin, ang kasalukuyang pagtaas ng mga kaso ng mpox sa ilang bahagi ng Africa, kasama ang pagkalat ng bagong sexually transmissible strain ng monkeypox virus, ay isang emerhensiya, hindi lamang para sa Aprika, kundi para sa buong mundo. Panahon na upang kumilos tayong lahat upang maiwasang maulit ang kasaysayan.

Pangaea Proxima : Ang Pagbabalik ng Superkontinente
ni Katelyn Roque
kabilang banda, ang extroversion ay nagsasabi na ang mga kontinente ay nabuo ng superkontinente sa kabaligtarang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng pagsasara ng Karagatang Pasipiko. Anuman ang senaryong maganap, malinaw na magdudulot ito ng malalaking pagbabago sa pandaigdigang klima, heolohiya, at ekolohiya.
Isang pag-aaral ni Christopher Scotese, isang kilalang heologo, ang nagsasabing malaki ang posibilidad ng pagbubuo ng superkontinente batay sa kasalukuyang paggalaw ng mga tectonic plate. Ang Amerika ay maaaring magsanib muli sa Europa at Aprika habang ang Australia ay lilipat patungo sa hilaga upang sumanib sa Asya. Ang ganitong senaryo ay nagdudulot ng mga posibilidad na tila nagbubukas ng pinto ng bagong yugto sa kasaysayan ng mundo.
Sa ilalim ng Pangaea Proxima, magbabago ang kasalukuyang klima ng mundo. Ayon sa mga pag-aaral, ang gitna ng superkontinente ay maaaring maging napakainit at tigang dahil sa distansya nito mula sa mga dagat. Ang mga hangin ay hindi makakapasok sa mga lupaing ito na magdudulot ng mga malawak na disyerto at tuyong lupain. Ang init ay posibleng magdulot ng matinding stress sa mga hayop at halaman na magbabago ng kanilang pamumuhay at tirahan. Ang mga kabundukan na mabubuo sa pamamagitan ng banggaan ng mga kontinente ay maaaring magdulot ng pagbabago sa patak ng ulan at magdulot ng tuyong klima sa ilang rehiyon.
Samantala, ang mga karagatan ay maaaring lumiit at humina ang daloy ng tubig. Ang pagbawas sa dami ng tubig sa dagat ay maaaring magdulot ng pagbaba ng antas ng oxygen na makakaapekto sa marine life. Ang pagkakaroon ng limitadong daloy ng karagatan ay magreresulta sa pagbago sa ocean currents na magpapabago sa pandaigdigang klima at magpapahina sa mga ecosystem ng dagat.
Sa panahon ng muling pagbubuo ng Pangaea Proxima, magkakaroon ng malaking epekto sa biodiversity. Ang mga hayop at halaman na hindi makakaangkop sa matinding pagbabagong klima ay maaaring maglaho. Ayon sa mga eksperto,
malaki ang posibilidad ng pagkakaroon ng mass extinction event kung saan maraming species ang maaaring maubos. Subalit, sa kabilang banda, magbubukas din ito ng pagkakataon para sa mga bagong anyo ng buhay na mag-evolve at makipagsapalaran sa bagong anyo ng mundo.
Kung naririto pa ang sangkatauhan sa panahong muling mabuo ang Pangaea Proxima, tiyak na ito ay magdudulot ng mga hamon at oportunidad. Magiging pangunahing hamon ang pag-angkop sa mga bagong klima at tirahan. Ang mga disyerto at tigang na lupa ay magpapahirap sa pagsasaka at pagkukunan ng pagkain. Ang matinding init sa ilang rehiyon ay maaaring magdulot ng mga problema sa kalusugan at maging sanhi ng pagkakaroon ng mga malawakang migrasyon.
Gayunpaman, ang kakayahan ng tao na mag-imbento ng mga teknolohiya at gumawa ng mga solusyon sa mga hamon ng kalikasan ay magbibigay ng pag-asa sa ating pag-iral. Maaaring magdulot ito ng panibagong yugto ng inobasyon at teknolohikal na pag-unlad upang tugunan ang mga pagbabagong dala ng kalikasan.
Ang pagbabalik ng Pangaea Proxima ay isang paalala ng patuloy na pagbabago ng ating planeta. Bagaman tila napakalayo pa ng panahon ng kaganapang ito, mahalagang pag-aralan ito upang mapanatili ang balanse sa pagitan ng tao at kalikasan. Ang kaalaman sa heolohiya, ekolohiya, at pagbabago ng klima ay susi upang makapaghanda sa mga posibleng hamon ng hinaharap. Sa pamamagitan ng edukasyon at pananaliksik, maitataguyod natin ang pagkakaroon ng kamalayan at pag-unawa sa masalimuot na kalikasan ng mundo.
Sa bawat paggalaw ng mga tectonic plate, patuloy na isinusulat ang panibagong kwento ng ating mundo. Ang pagbabalik ng Pangaea Proxima ay isang halimbawa ng likas na pagbabago na patuloy na umiikot sa daigdig. Sa harap ng posibleng pagsasanib ng mga kontinente at pagbabagong dulot nito, dapat tayong maging handa—handa sa pag-unawa, pagtutok, at pagharap sa mga hamon ng kalikasan. Ang muling pagkakaisa ng mundo ay kwento ng lakas, pagtitiis, at patuloy na pag-usbong ng buhay sa gitna ng pagbabago.

ni Enzo De Castro
ni Jacob Opiz
dibuho ni Emaly Sebastian
RED EAGLES NG BULSU LHS,
Namayagpag sa CLRAA 2024
nina Yzza Bautista at Ace Guirhem


Buo ang loob at taas-noong
inihayag ng BULSU Laboratory High School (LHS) Red Eagles ang kanilang husay sa Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) Meet 2024. Ang prestihiyosong paligsahan, ginanap mula Abril 28 hanggang Mayo 2 sa Tarlac Recreational Park, ay naging entablado para ipamalas ng mga atletang Red Eagles ang kanilang talento at dedikasyon.
Mula sa parada ng mga delegasyon hanggang sa huling paligsahan, ramdam ang sigasig at pagkakaisa ng bawat koponan. Pinangunahan ng Malolos Division ang mga delegadong Red Eagles, kabilang ang mga manlalaro mula sa Swimming, Taekwondo, Archery, Athletics, at Badminton.
Pinatunayan ni Celso Maria Felisha, isang manlalangoy mula sa ika-7 baitang, na ang edad ay hindi hadlang sa tagumpay. Sa kabila ng kompetisyon mula sa mas nakatatanda at mas bihasang mga manlalaro, nagwagi siya ng gintong medalya sa swimming, nagbigay-daan sa kanyang paglahok sa Palarong Pambansa 2024. Ang kanyang tagumpay ay nagbigay inspirasyon hindi lamang sa kanyang koponan kundi sa buong paaralan.
Hindi rin nagpahuli ang mga arkero ng LHS na sina Gregorio Jade, Gatuz Joan, at Dea Panganiban, na nagbigay ng karangalan sa Malolos Division. Ang kanilang dedikasyon sa pagsasanay ay nagbigay-buhay sa

Nagningning ang husay at tapang ng College of Education (COED) Blue Flames Taekwondo Team mula sa Laboratory High School (LHS) sa Bulacan State University Intramurals 2024 na ginanap noong Oktubre 16 sa WalterMart Supermarket, Malolos. Sa kabila ng malaking hamon sa taas, edad, at karanasan laban sa mas batikang mga atleta na mula sa kolehiyo, pinatunayan ng LHS na kaya nilang makipagsabayan at mag-uwi ng karangalan.
Sa unang bahagi ng kompetisyon, buong gilas na ipinamalas ni Allan Eugenio ang kanyang pagiging maestro sa Poomsae – Individual Senior Male category. Sa bawat galaw ng kanyang mga kamay at paa, kapansin-pansin ang husay at disiplina na nagresulta sa isang gintong medalya matapos makakuha ng kahanga-hangang iskor na 5.8.
Samantala, naging mahusay na tambalan sina Lance Andrei Pangilinan at Angelique Dela Cruz sa Poomsae –Mixed Pair. Ang kanilang perpektong koordinasyon at malinis na execution ay nagbigay-daan sa isa pang gintong medalya matapos nilang makuha ang iskor na 5.53.
Sa Kyorugi Men’s Division, hindi natinag ang mga batang atleta mula sa LHS kahit pa tila napakalaki ng bentahe ng kanilang mga kalaban. Sina Kevin Lopez at Cyrus Rejoso ay nagpakita ng walang katulad na tapang at determinasyon, bagamat hindi nila nakuha ang panalo laban sa mas matatangkad at malalakas na
kumpiyansa ng koponan, patuloy na pinatitibay ang reputasyon ng Red Eagles sa larangan ng isports.
Bagamat hindi nag-uwi ng medalya sina Roco Kamille (Athletics), Jenah De Castro (Taekwondo), at Soriano Denise (Badminton), ipinakita nila ang tunay na diwa ng sportsmanship. Ang kanilang tapang, tiyaga, at dedikasyon ay sumasalamin sa tatak ng Red Eagles—walang takot, walang pagod, at palaging handang harapin ang hamon.
Binigyang-diin ni DepEd Legal Officer Oswald Halili ang kahalagahan ng isports sa paghubog ng kabataan. Aniya, “Ang mga paligsahang tulad nito ay nagkakaloob ng pagkakataon para sa mga mag-aaral na hubugin ang kanilang talento at disiplina— mahahalagang aspeto para sa kanilang personal na pag-unlad.”
Bilang paghahanda sa Palarong Pambansa 2024, tuloy ang masusing pagsasanay ng mga delegado ng Malolos Division, dala ang inspirasyon at diwa ng tagumpay. Ang CLRAA 2024 ay nag-iwan ng marka hindi lamang sa mga Red Eagles kundi sa lahat ng sumaksi sa kanilang paglipad—mataas, malayo, at matatag.
Sa bawat kumpas ng kanilang galaw at bawat hakbang ng kanilang laban, ipinapakita ng Red Eagles ang lakas at pagmamalaki ng isang koponang hindi kailanman sumuko, patuloy na nagbibigay dangal sa BULSU Laboratory High School.

COED-LHS BLUE FLAMES, humakot ng 90 medalya
ni Franze Clemente
Noong ika-14 ng Oktubre, sumiklab ang pagbubukas ng Bulacan State University (BulSU) Palarong Pampamantasan 2024 na may temang “ALAB, Lakas, Laban, BulSUan” sa pamamagitan ng isang parada ng mga atletang lalahok mula sa kani-kanilang kolehiyo o kampus.
Umusbong ang kasiglahan sa pagsisimula ng parada sa Bulwagang Valencia kung saan 12 isports ang may mga atletang mula sa Laboratory High School (LHS) na siyang lalaban bilang miyembro ng College of Education (COED) Blue Flames.
Binandera ng 32 atleta mula sa LHS ang COED Blue Flames sa larangan ng women’s volleyball, women’s archery, women’s badminton, men’s at women’s athletics, men’s at women’s chess, women’s swimming, women’s esports, at men’s at women’s taekwondo.
Nagsimula ang paglaban ng mga atleta mula sa LHS noong ika-14 ng Oktubre sa women’s volleyball at women’s archery.
Sa women’s volleyball, ang mga matitinding palo at pagsalo ng bola ng COED-LHS Blue Flames ay nagbigay sa kanila ng nagliliyab na opensa at depensa, at ang naging dahilan ng pagtamo ng ikatlong puwesto.
Sinundan ito ng men’s at women’s badminton, men’s at women’s athletics, men’s at women’s chess, women’s swimming, at women’s esports noong ika15 ng Oktubre.
Ang bawat welga ng raketa ay ang nagsilbing matibay na hangad ng COEDLHS Blue Flames sa men’s at women’s badminton na nagdulot sa dalawang gintong medalya.
Hindi nagpahuli ang mga atleta ng LHS sa men’s athletics na nakatungtong sa unang puwesto, at sa women’s athletics ay
COED-LHS TAEKWONDO, Tagumpay sa Intramurals 2024
manlalaro mula sa iba’t ibang kolehiyo.
Pagdating sa Featherweight category, matinding sigasig ang ipinakita ni Samuel Villanueva. Ang kanyang mapanlikhang estratehiya at bilis ang nagbigay sa kanya ng panalo laban kay Prince Arceja ng College of Criminal Justice Education (CCJE), na nagdala sa kanya sa semifinals. Gayunpaman, isang malakas na head kick mula kay Jerome Huson ng Hagonoy Campus ang nagtapos sa kanyang laban. Sa kabila nito, nag-uwi si Villanueva ng bronze medal bilang patunay ng kanyang katatagan at husay sa larangan ng taekwondo.
“Medyo nahirapan ako sa mga kalaban, lalo na noong tinamaan ako sa mukha sa semi-final match ko, pero masasabi kong masaya pa rin ang naging karanasan,” ani Villanueva.
Sa pangkalahatan, ang COED Men’s Taekwondo Team ay nag-uwi ng tatlong medalya: dalawang ginto mula sa Poomsae events at isang bronze mula sa Kyorugi. Ang tagumpay na ito ay patunay ng dedikasyon at mahusay na paggabay ng kanilang mga coach na sina Mark Aron Tubig at Mark Zapata.
Ang kanilang kahusayan at pagkakaisa ay nagsilbing inspirasyon hindi lamang para sa LHS kundi para sa buong College of Education na nagdiriwang ng isa na namang matagumpay na laban sa mundo ng pampamantasan.

nakakuha sila ng isang tansong medalya, parehong bunga ng kanilang pagpupursigi sa pagtakbo, pagtalon, at paghagis.
Sa bawat pagsulong sa tabla, hawak ng men’s chess ang ika-11 puwesto habang ikaanim na puwesto naman sa women’s chess. Hindi man nakapasok ang mga manlalaro sa ranggo ng una hanggang ikatlong puwesto, inilahad nila ang kanilang pananalig sa pagrepresenta ng LHS sa COED Blue Flames at BulSU.
Naghari rin ang women’s swimming sa pagsungkit ng limang gintong medalya na nagtaas sa kanila sa ikalawang puwesto sa pangkalahatang ranggo ng mga gumaganap sa men’s at women’s swimming.
Ipinakita ng COED-LHS Blue Flames ang kani-kaniyang malalakas na suntok at sipa sa men’s at women’s taekwondo noong ika-16 ng Oktubre.
Naabot ng mga atleta ng LHS sa women’s taekwondo ang dalawang gintong medalya at isang tansong medalya, at dalawang gintong medalya at isang tansong medalya rin sa men’s taekwondo. Dahil dito, iginawad sa kanila ang ikalawang puwesto sa pangkalahatang ranggo ng mga gumaganap sa men’s at women’s taekwondo.
Sa kabila ng maulang panahon, nagpatuloy ang mga isports hanggang ika18 ng Oktubre sa loob at labas ng BulSU, at sa paglapit ng pagtatapos ay bumunyag na ang mga inisyal na talaan ng mga kolehiyo at kampus na nangunguna sa medalya.
Nakamit ng COED Blue Flames ang 90 medalya na binubuo ng 23 ginto, 22 pilak, at 45 tanso sa pagwawakas ng BulSU Palarong Pampamantasan 2024. Ang kalahatan nito ay inangat ang koponan sa ikaapat na puwesto sa ranggo ng 18 kolehiyo at kampus ng BulSU para sa kompetisyong ito.



ni Erica Crisostomo
mga kuhang larawan nina Shadd Castillo at Anika Raca


dibuho ni Emaly Sebastian


Kirot: Kaya pa ba, Atleta?
Hindi pa man sumisikat ang araw, si Carpio na walang takot sa malamig na hamog ng umaga ay sumasalok na ng nagyeyelong tubig panligo. Hindi niya alintana ang ginaw o ang kasakitang dulot ng bawat patak na dumadapo sa kaniyang katawan, dahil ang bawat segundo ng kaniyang buhay ay may presyo. Ang presyo ng pangarap na matagal nang itinaguyod, isang pangarap na nag-uugnay sa kaniya sa alaala ng kaniyang ama, na pumanaw na. Mag-eensayo kasi siya ngayon para sa kaniyang patimpalak sa isang linggo.
Kahit na walang laman ang tiyan, lumaklak ang binata ng kapeng itim, sabay haplos sa paa na punong puno ng lintos at sugat mula sa masikip na sapatos na gamit. Puno man ng pasa ang kaniyang mga bisig sa bawat hampas ng yantok ng kalaban, dala pa rin niya ang determinasyon upang magpatuloy.
Mabahong bundok ng Payatas man ang naiipong mga gawaing pangakademiko, hindi pa rin niya nalilimutang maglaan ng panahon para sa kaniyang pangarap dahil ang bawat galaw ng kaniyang katawan. Bawat pasa at galos ay hindi lang simpleng pagpapakita ng sakripisyo, kundi isang tahimik na sigaw ng kaniyang mga hinaing, isang sigaw ng hindi pagkatalo. Subalit ang pagnanais na magpatuloy, kahit na ang katawan at isipan ay naglalaban sa kabila ng lahat ng ito.

ni Yzza Bautista
Palabas na ng tahanan si Carpio nang muntikan na siyang mauntog sa mababang kisame ng kanilang tahanan. Bitbit ang yantok, sumabit ang binata sa punong jyip bago pa man ito umalis sa terminal. Nakalimutan pa nga nito ang baong tubig at kanin na may tuyo sa lamesa.
Matapos ang ilang panahong bugbugan sa gitna ng mainit na daanan papunta sa kaniyang papasukan, sumalubong kaagad sa kaniya ang guro nito sa agham. Kay rami na raw kasing mga pagsusulit ang hindi naipapasa ni Carpio, at kapag siya’y bumagsak, matatanggal din siya sa listahan ng mga atleta. Dahil dito, hindi man nakapagbasa ng mga aralin ay sinagutan niya ang mga tanong. Marahil ay tanging ang tunog ng kahoy na pumapalo ang naririnig ng kaniyang utak sapagkat pasang-awa ang kaniyang nakuhang iskor.
Matapos magsagot ay dumetsiyo agad siya sa lugar kung saan ay tipon-tipon ang mga manlalarong tulad niya. Ika-ika siyang naglakad patungo sa taga-sanay upang masimulan na ang nakakapagpapawis na ensayo.
Palo rito, palo roon. Hampas dito, hampas doon. Matapos ang apat na laro sa arnis combat ay daig ng binugbog ang katawan ni Carpio sa dami ng mga galos at pasang natamo dahil sira-sira na rin ang kaniyang mga kagamitan.
Wala rin kasing suporta ang paaralan sa mga atletang tulad niya na banat na banat ang mga buto para lamang maipanalo ang pangalan ng pamantasan. Ang tunay na kailangan ay maayos na badyet upang mapundaran ang mga angkop na kagamitan, pananamit, at maging ang tamang pagkain na kakailanganin ng mga manlalaro.
Subalit, tanging mga post sa social media ang ambag sa tuwing nananalo, kasama na rin ang mga pagbating parang may ambag ang mga nakaupo sa paaralan sa kanilang pagkapanalo. Tanging ang medalya lang kasi ang tiningnan nila, hindi ang paghihirap ng mga atleta.
Dumating na ang araw ng kompetisyon. Puno ng kagalakan ang bawat isa, ngunit hindi maitago ni Carpio ang kalungkutan at pagkabahala. Pigangpiga siya kung titingnan, dahil siguro nasobrahan din sa pag-eensayo.
Habang ang mundo ay nagmamasid sa mga tagumpay, sa mga palakpak at papuri, si Carpio ay nakatago sa ilalim ng isang anino. Ang mga pagdududa, ang mga takot na dulot ng pisikal at emosyonal na pagkapagod, ay mga tanong na hindi kayang sagutin ng kahit anong medalya.
Minsan, naiisip niya—hanggang saan kaya ang kaya ng isang atleta, kung ang katawan ay nagpapakita na ng mga
NATATANGING MANLALANGOY NG LABORATORI HAYSKUL
Sa bawat padyak, mga paghihirap sa ensayo ay naaalala, sa malamig na tubig kaniyang mga pangarap ay iniisip, at sa bawat paghinga sa itaas ng tubig, nangingibabaw ang pagnanais na ipanalo ang laban. Ang mga karanasan na nagpapatibay na si Felisha Celso ay isang natatanging manlalaro.
Si Maria Felisha E. Celso na mula sa Pulilan ay nagsimula nang lumangoy ng pitong taong gulang pa lamang siya. Sa murang edad ay nagpakita na ng gilas at talento sa isports na swimming. Bata pa lamang ay napamahal na sa paglangoy at sinimulan nang lumaban sa mga kompetisyon nito.
Elementarya pa lamang ay nakasali na sa Palarong Pambansa, ang karanasan na ito ay nag-udyok kay Felisha na mas magpursige pa para sa kinabukasan. Unang nakilala ang kaniyang pangalan nung nakipag paligsahan sa Provincial Meet 2024 na kinatawan ang BulSU Laboratory
ni Beatrice De Leon
Hayskul. Bunga ng kaniyang sipag at tiyaga nasungkit ang Gintong Medalya sa lahat ng kompetisyon ng swimming tulad ng breaststroke, backstroke, at freestyle. Sumunod ay kinuha din ang Ginto sa CLRAA (Central Luzon Regional Athletic Association) na naging hakbang niya upang nakatungtong sa Palarong Pambansa. Dito, hindi lamang paaralan, ngunit buong rehiyon 3 ang kaniyang sinasagisag. Bigay ang lahat ng kaniyang makakaya, tumungtong sa entablado ng may medalya na silver.
Ngunit sa bawat tamis ng pagkapanalo ay may tinatagong pait na paghihirap upang makamit ito. Masipag na estudyante sa umaga at matiyagang atleta sa hapon, ang kaniyang pag-eensayo ay nagsisimula pagkatapos ng kaniyang klase mga 6:30 sa hapon. Inuuna nito ang pag stretching at short land training bago lumangoy upang maihanda ang katawan at ‘di magkaroon ng anumang sakit. Ang kaniyang pag-eensayo ay kadalasang natatapos ng 9:00 ng gabi.
Tinitimbang niya ang kaniyang oras sa pageensayo at pag aaral sa eskwelahan.
Ang tagumpay ni Felisha Celso sa larangan ng swimming ay hindi lamang bunga ng talento kundi pati na rin ng kaniyang dedikasyon, sakripisyo, at walang humpay na pagsisikap. Sa bawat padyak at paghinga sa ibabaw ng tubig, dala niya ang mga pangarap na hindi lamang para sa sarili kundi para rin sa paaralan at rehiyon na kaniyang kinatawan.
Ang kaniyang kwento ay patunay na ang sipag at tiyaga ay nagbubunga ng tagumpay. Si Felisha ay isang inspirasyon hindi lamang para sa mga kabataang atleta kundi para sa lahat ng nangangarap at handang magsikap upang makamit ito. Sa patuloy niyang paglalakbay bilang isang natatanging manlalaro, isa lang ang tiyak—si Felisha ay mag-iiwan ng marka sa larangan ng swimming at magpapatuloy na maging inspirasyon sa darating pang mga henerasyon.

palatandaan ng pagkatalo, ng pagkaubos? Hanggang saan ang kakayahan ng isang tao na magpatuloy sa paglaban kung ang mundo ay tila hindi naman nakikita ang mga sakripisyo sa likod ng bawat tagumpay?
Si Carpio ay patuloy na humakbang, ngunit ang bawat hakbang ay hindi lang naglalaman ng lakas naglalaman ito ng mga tanong, ng pag-aalinlangan, at ng hindi matanggap na katotohanan na ang kaniyang pangarap ay natatabunan na ng sakit at kalungkutan.
Nakamit niya ang gintong medalyang inaasam. Narinig ang mga papuri sa mga kapwa atleta at mga guro. Tapos na raw ang kaniyang laban, ani ng isang tagasanay. Subalit tapos na nga ba? Aba’y isang katerba pa ang hahabuling mga gawing pangakademiko. Mas lalong mapipiga ang mga bisig dahil sa mas matinding pagnanasang makatungtong sa mas mataas na posisyon.
Tanging ang parangal ang nahahagilap ng siyang bulag sa katotohanan ng mga manlalaro. Tanging ang mga ngiti ang nabibigyang pansin. Hindi nila kita ang sakit sa ilalim ng kasuotan. Hindi nila ramdam ang hapdi, ang kirot. Kailan ma’y hindi naisip ang kalayagan ng mga atleta sa labas ng isports, sa labas court, sa labas ng paglalaro.
Kaya pa nila? Kaya mo pa ba, Atleta?


kuhang larawan ni Josef Hernandez


EDITORYAL
Hole-in-Logistics:
Uniform ng PH Olympic Golfers, Saan Napadpad?
Ang atletang Pilipino ay matagal nang kinikilala sa buong mundo hindi lamang dahil sa kanilang kakayahan, kundi dahil na rin sa kanilang hindi matitinag na determinasyon at diwa ng bayanihan. Sa kabila ng mga kalunuslunos na pagsubok, patuloy nilang isinusulong ang watawat ng Pilipinas, pinapakita ang kanilang galing at tapang. Subalit, sa harap ng pinakamalaking paligsahan ng mundo, hindi lamang ang lakas ng katawan at utak ang batayan ng tagumpay ng isang atleta, kundi pati na rin ang kalidad ng suporta at sistemang nakapaligid sa kanila. Sa Paris 2024 Olympics, isang insidente ang tumampok at nagsilbing malupit na paalala ng mga hindi pagkakapantay-pantay at kahinaan sa sistema ng isports sa Pilipinas, ang isyu ng kakulangan ng tamang kagamitan at uniporme sa mga golfer ng bansa, partikular na sina Dottie Ardina at Bianca Pagdanganan.
Hindi alintana ang kanilang mga personal na sakripisyo at mahihirap na preparasyon, ang dalawang Pilipinang golfer ay hindi nakaligtas sa isang aberya na hindi nila inaasahan. Habang naghahanda para sa kanilang laban sa isa sa pinakamahalagang mga kaganapan ng kanilang karera, natuklasan nila na ang kanilang mga opisyal na uniporme at kagamitan ay hindi dumating sa tamang oras, at nang dumating, hindi kumpleto at hindi akma. Ayon sa Philippine Olympic Committee (POC), isang hindi inaasahang pagkaantala sa pagpapadala ng mga uniporme ang nagdulot ng isyung ito. Ang Adidas, ang opisyal na sponsor ng delegasyon ng Pilipinas, ay nagpadala ng mga uniporme na kailangang aprubahan ng International Olympic Committee.
Nang hindi pumasa ang unang set ng mga kagamitan, agad na nagsagawa ng aksyon ang Adidas upang magpadala ng kapalit na mga uniporme. Ngunit dahil sa pagka-hold ng customs sa France, hindi nakarating sa oras ang mga bagong uniporme, kaya’t hindi ito nagamit sa tamang oras sa mga kompetisyon. Upang maiwasan pa ang ibang mga problema, nagsagawa ang POC ng mga hakbang upang makapagpagawa ng karagdagang mga uniporme sa Paris.
Sa mga practice rounds, suot ni Bianca Pagdanganan ang Adidas apparel, samantalang si Dottie Ardina ay gumamit ng competition uniform sa unang round. Ngunit sa mga sumunod na rounds, napilitan silang magsuot ng kanilang sariling mga damit at gumamit ng tape upang itagpi ang watawat ng Pilipinas sa kanilang t-shirts, upang maipakita pa rin ang kanilang nasyonalismong pride sa kabila ng mga paghihirap.
"Sana all my uniform… kami lang ang wala," ani Ardina sa isang viral video na nagpapakita ng kaniyang pagkabigo. “Diyos ko, anong klaseng Olympics ’to?"
Ang isyu ng kakulangan ng tamang kagamitan ay nagbigay ng isang mas malalim na pananaw sa estado ng sistema ng suporta sa mga atleta ng Pilipinas. Ang mga kagamitan ng isang atleta ay hindi lamang mga bagay na ginagamit para sa kanilang laro, ito ay simbolo ng kanilang pagkakakilanlan at dedikasyon. Ang bawat uniporme, bawat gear ay nagiging bahagi ng kanilang paglalakbay at nagiging isang pahayag ng kanilang katapatan at pagmamahal sa bayan. Kaya’t ang simpleng pagkaantala sa mga gamit ay nagiging isang salamin ng mas malalaking
problema sa organisasyon at pag-aalaga sa ating mga atleta. Kung ang ating mga pinakamahusay na atleta, gaya ni Ardina at Pagdanganan, ay naharap sa ganitong uri ng problema, anong epekto nito sa mga hindi kilalang atleta ng bansa, na mas hindi nakatatanggap ng sapat na suporta at atensyon?
Ang POC ay nagsabi na walang kasalanan ng katiwalian sa pagkaantala ng mga uniporme at ipinaliwanag nila na ang Adidas ay nagbigay ng mga kagamitan nang libre. Gayunpaman, ang kanilang paliwanag ay hindi sapat upang itago ang mga malalalim na isyu sa ilalim ng kanilang mga aksyon. Ang mga atletang tulad nina Ardina at Pagdanganan ay hindi karapat-dapat na humarap sa mga ganitong uri ng problema, lalo pa't hindi nila kontrolado ang mga isyung ito. Hindi sapat na magbigay lamang ng mga pahayag ng suporta; kinakailangan din ng konkretong aksyon upang matiyak na hindi na mauulit pa ang ganitong insidente.
Sa huli, ang insidenteng ito ay isang pahiwatig para sa mas malalim na pagsusuri at pagbabago sa sistema ng isports sa Pilipinas. Ang bawat atleta, hindi lamang ang mga bituin ng ating bansa, ay may karapatang magkaroon ng tamang kagamitan, suporta, at paghahanda. Ang kanilang tagumpay ay hindi lamang magiging tagumpay ng isang tao, kundi ng buong bansa. Kung nais nating makamtan ang tagumpay sa internasyonal isports, kailangan nating magbigay ng higit pa kaysa sa mga salita—kailangan nating magbigay ng mga masidhing aksyon na magpapakita ng ating tunay na pagpapahalaga at suporta sa ating mga atleta.

Pusong Palaban:
Ang Mga Bagong Bayani ng Pilipinas sa Paris 2024 Olympics
Naging makasaysayan at makulay ang pagsabak ng Pilipinas sa nakaraang Paris 2024 Olympics na ginanap sa Paris, France. Isa na namang pagkakataon ang nabuksan para sa mga Pilipino na magpakita ng galing, tapang, at dedikasyon sa larangan ng palakasan, dala ang mithiin ng bayan na makasungkit ng gintong medalya. Iba't ibang atleta mula sa Pilipinas ang nagbigay ng natatanging kontribusyon sa iba’t ibang sports, patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa kanilang mga kababayan.
Ang delegasyon ng Pilipinas ay binubuo ng 22 atleta na lumahok sa 9 larangan ng palakasan sa Olympics, kabilang ang: Athletics, Boxing, Fencing, Golf, Gymnastics, Judo, Rowing, Swimming, at Weightlifting.
Naging tampok sa pagganap ng Pilipinas ngayong taon ang makasaysayang tagumpay ni Carlos Yulo, na nagkamit ng dalawang gintong medalya sa Gymnastics. Sa kaniyang husay at dedikasyon, pinatunayan ni Yulo na ang Pilipinas ay may kakayahang makipagsabayan sa mga pinakamahusay sa mundo sa larangan ng Gymnastics. Ang kaniyang pagganap ay hindi lamang nagbigay ng karangalan sa bansa, kundi nagsilbi ring inspirasyon para sa mga kabataang Pilipino na maabot ang kanilang mga pangarap. Ipinakita ni Yulo ang kaniyang galing sa mga ganap sa floor exercise. Sa kaniyang routine, gumamit siya ng mga twisting at tumbling passes na nagiwan ng malaking impresyon sa mga hurado, at naging sapat upang malampasan ang malalakas na kalaban mula sa iba't ibang bansa. Dagdag pa rito ang pagexecute niya ng malinis sa kaniyang buong routine kaya nakakuha siya ng markang 14.8. Sa men’s vault final, kung saan ang kaniyang iskor ay 15.166, siyang nagpakita ng dalawang mahirap na vault na may mataas na difficulty score. Ang matinding husay na kaniyang ipinakita ang nagbigay sa kaniya ng dalawang gintong medalya, at ito ang unang beses na nagkamit ng dalawang ginto ang Pilipinas sa larangan ng gymnastics.
Sa larangan ng boxing, muling nagpakitang-gilas ang mga babaeng boksingero ng Pilipinas na sina Nesthy Petecio at Aira Villegas na parehong nagkamit ng tansong medalya. Parehong sumabak ang dalawang atleta sa matitinding laban at matagumpay na
naipakita ang kanilang lakas sa kabila ng mga hamon. Nasungkit ni Petecio ang tansong medalya matapos maitala ang iskor na 4-1 kontra sa atletang si Julia Szeremeta na mula sa Poland, matapos na ipakita ni Petecio ang kaniyang lakas sa unang round, ang kaniyang agresibong estilo, sabayan ng bilis at malinis na suntok, ang nagbigay sa kaniya ng kalamangan laban sa kalaban. Ang kaniyang agresibong estilo, sabayan ng bilis at malinis na suntok, ang nagbigay sa kaniya ng kalamangan laban sa kalaban. Si Villegas naman ay nagwagi sa mga iskor na 30-27, 30-26, 30-27, 30-27, at 30-26 kung saan tila walang round na naipanalo ang kaniyang kalaban. Ang ganitong performance ay napakabihira at nagpapakita ng kaniyang kasanayan sa kontrol ng laban mula umpisa hanggang dulo. Ang nakalaban niya ay ang atletang ay si Buse Naz Çakıroğlu mula sa bansang Turkey.
Sa larangan ng track and field, nagpakitang-gilas din si EJ Obiena sa pole vaulting. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nakapasok sa top 10 ranking ng mundo sa nasabing larangan. Sa Olympics ngayong taon, ginamit niya ang kaniyang determinasyon at husay upang makipagsabayan sa pinakamahusay sa mundo. Noong 2020 Tokyo Olympics, nakamit ni Obiena ang pang-11 sa ranggo. Kaya naman, ikinatuwa ng marami na ngayong Olympics ay umakyat ang kaniyang pwesto sa pang-apat. Nagtapos si EJ Obiena sa ika-apat na puwesto sa men’s pole vault final sa 2024 Paris Olympics matapos mabigo sa paglampas sa taas na 5.95m sa tatlong pagkakataon. Nalampasan niya ang 5.90m, ngunit hindi ito sapat para makakuha ng medalya. Bagamat walang medalya, kaniyang nakamit ang kaniyang personal best sa palighasan at nakipagsabayan sa pinakamahuhusay, tulad ng naghaharing kampeon na si Armand Duplantis.
Samantala, sa larangan ng swimming, gumawa ng ingay si Kayla Sanchez, isang Filipino-Canadian swimmer na nagpasiyang kumatawan sa Pilipinas. Bunsod ng kaniyang matatag na puso para sa kaniyang pinagmulan, ipinakita niya ang kaniyang suporta sa bansa sa pamamagitan ng pagsabak sa Olympics. Itinala niya ang bagong pambansang rekord ng Pilipinas na may oras na 53.67 segundo sa 100m freestyle, na nagbigay sa kaniya ng puwesto sa semifinals. Nakamit niya
ang ika-10 na pwesto sa kabuuang ranggo sa preliminaries, isang malaking tagumpay lalo na't pinalo niya ang kaniyang sariling rekord na 54.25 segundo
Si Dottie Ardina, isang Filipina golfer, ay nagpahayag ng pagkadismaya sa kakulangan ng tamang uniporme para sa kaniya at sa kapwa golfer na si Bianca Pagdanganan sa 2024 Paris Olympics. Dahil sa mga aberya at pagkaantala mula sa Philippine Olympic Committee (POC) at National Golf Association of the Philippines (NGAP), napilitan si Ardina na bumili ng simpleng damit at idikit ang watawat ng Pilipinas. Sinabi niya na, “Nakakahiya. Sobrang daming tao, kami lang ang walang uniform, tuklap-tuklap pa 'tong anong 'to.”
Nag-udyok ito ng kritisismo mula sa mga atleta at opisyal, kabilang si Senator Bong Go, na nanawagan ng pananagutan dahil sa malaking pondo para sa delegasyon ng Olympics, na aniya'y dapat sumasalamin sa dignidad at karangalan ng bansa.
Isinagawa ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, at iba pang mga organisasyong may kinalaman sa isports ang masusing paghahanda upang bigyan ng sapat na suporta ang mga atleta ng bansa sa Olympics.
Sa kabila ng mga limitasyon, ang pagkakaisa at suporta ng bawat Pilipino ang nagbigay lakas at inspirasyon sa mga atletang lumaban sa Paris. Ang suporta ng mga Pilipino mula sa iba’t ibang panig ng mundo ay isa sa mga nagpapatibay sa loob ng ating mga atleta. Sa bawat laban at sa bawat tagumpay na nakamit nila, ipinakita nila ang diwa ng bayanihan at ang pagiging tunay na bayani sa modernong panahon. Ang Olympics 2024 ay nagbigay-daan upang muling maipakita ng mga Pilipino ang kanilang talento at kakayahan sa pandaigdigang entablado. Bagamat may mga hamon, ang tagumpay ng bawat atleta ay isang patunay ng kanilang dedikasyon at pagmamahal sa bayan. Ang kanilang mga kwento ay mananatiling inspirasyon sa susunod na henerasyon ng mga atletang Pilipino na nangangarap ding maging bayani sa larangan ng palakasan. Sa pagwawakas ng Paris Olympics, ipinamalas ng Pilipinas ang hindi matatawarang pusong palaban, isang pag-asa para sa mas maliwanag na kinabukasan ng Philippine sports.

Apak,
Bukaka!Tawid, :
Kasaysayan ng Chinese Garter ni Eirianne Nabong
Noong bata tayo, hilig natin ang mga larong Pinoy o laro ng lahi tulad ng Tumbang Preso, Luksong Baka, Piko, at Chinese Garter, na tinatawag din nating 10-20. Madalas nating marinig ang mga batang babae na nagyayayang, “Tara, laro tayo ng Chinese Garter!” Ngunit hindi ka ba nagtataka kung bakit halos puro babae ang naglalaro nito? Bakit kaya bihira lang ang mga batang lalaki na makisali sa Chinese Garter? Ano ang kasaysayan ng larong ito, saan kaya nagmula?
Ang Chinese garter ay isang laro na nangangailangan ng isang garter at tatlo o higit pang mga manlalaro. Dalawa sa mga ito ay magsisilbing “poste” kung saan sila ang may hawak ng garter o ipapalibot ang garter sa kanilang mga binti o katawan, depende sa antas ng laro. Mayroon itong 10 antas—nagsisimula sa unang antas kung saan ang garter ay nasa bukungbukong ng mga taga-hawak ng garter. Sumunod na antas ay iniaangat ang garter sa tuhod, itaas ng hita, baywang, dibdib, balikat, ulo, hanggang sa punto kung saan kailangang nakatingkayad na ang mga nasa magkabilang dulo upang hawakan ang garter.
Ang pangunahing layunin ng laro ay matawiran ang garter upang makausad sa susunod na antas. Kilala ang laro sa pagpapabuti ng liksi, koordinasyon, at kaliksihan ng mga manlalaro. Palagian itong nilalaro ng mga kabataan sa paaralan, komunidad, at mga pista noong mga panahong iyon. May isang patakaran lamang ang laro: kapag nabigo ang isang manlalaro na tumalon sa garter o natapakan ito, maaari silang iligtas ng “Mother.” Kapag nabigo ang “Mother,” magkakaroon ng pagkakataon na maglaro ang kabilang koponan. Ang “Mother” ay tinutukoy bilang lider ng koponan, kaya’t siya ang may responsibilidad na iligtas ang kaniyang koponan kapag nabigo ang isa sa mga miyembro.
Nagsimula ang Chinese garter sa Tsina noong ikapitong siglo, kung saan kilala ito sa tawag na “Chinese jump rope.” Bagaman walang eksaktong impormasyon tungkol sa kabuuang kasaysayan ng laro o kung sino ang nakaimbento nito, may ilang nagsasabing ang Chinese garter ay nagsimula upang mabigyan ng aliwan ang mga kabataan noong sinaunang panahon. Madalas itong nilalaro ng mga tao tuwing ipinagdiriwang ang Chinese New Year. Sa Tsina, ginagamit nila ang laro bilang bahagi ng koreo na sinasabayan ng musika o ipinapakita ito bilang isang pagtatanghal.
Sa pagdaan ng panahon, ipinasa ang laro sa mga susunod na henerasyon hanggang sa maging sikat ito sa ibang mga bansa. Noong dekada 1970, nagsimula ring laruin ito ng mga bata sa Kanlurang bahagi ng mundo. Sa Germany, tinawag nila itong “gummitwist", at sa United Kingdom, tinawag naman itong “elastics”.
Noong mga panahong iyon, nakarating ang Chinese garter sa Pilipinas dahil sa impluwensiya ng mga sinaunang kalakalan at migrasyon ng mga Tsino. Sa pamamagitan ng kalakalan at migrasyon ng mga Pilipino at Tsino, dinala ng mga Tsino ang kanilang mga tradisyonal na pagkain, kultura, at mga laro—kasama na rito ang Chinese garter. Pagkalipas ng ilang panahon, naging bahagi na ng ating kultura ang laro dahil sa kasiyahan at pisikal na aktibidad na hatid nito.
Naging tanyag ang Chinese garter noong dekada ’90, at maaari itong ituring na isa sa mga kilalang larong Pilipino noong panahong iyon. Sa kasikatan ng laro, isinama ito sa mga kompetisyon dahil ipinapakita nito ang galing sa koordinasyon, bilis, at liksi. Bukod dito, isinama rin ito dahil nagbibigay ito ng kasiyahan sa mga manonood. Dahil dito, napapanatili ang ating tradisyon at kultura habang pinapanood ang mga kalahok sa paligsahan.
Gayunpaman, maraming naniniwala na ang Chinese garter ay nagbibigay ng swerte at kakayahang magkaanak. Dahil dito, madalas itong isinasama sa mga kasalan, ngunit may kakaibang bersyon ng laro para sa mga bagong kasal. Magsisimula ang laro sa paglagay ng garter sa binti ng bride at groom, at magkakaroon ng kompetisyon sa pagitan ng mga bisita kung saan aalisin ang garter mula sa binti ng bride at ilalagay sa binti ng groom, at vice versa.

ni Cjan Rivera



Aflight without boundaries









Kalkuladong Raketa
Gurong Atleta:
Ma’am Ilene at Sir Emman, Tatak Inspirasyon ng LHS
nina Lara Aldaba at Yzza Bautista

ng pagpupugay sa mga mahahalagang modelo ay isang senyales na ipinakita nila ang kanilang dakilang gawain o ambag sa isang bagay. Sa loob ng Laboratori Hayskul, hindi lamang ang mga mag-aaral ang nagpapamalas ng kahusayan—maging ang mga guro ay nagsisilbing huwaran sa larangan ng edukasyon at isports. Dalawang natatanging personalidad, sina Ma’am Ilene Bunag at Sir Eman Robles, ang patunay na ang dedikasyon sa pagtuturo ay maaaring sabayan ng kahusayan sa paligsahan.
Si Ma’am Ilene Bunag, isang guro ng matematika, ay kilala hindi lamang sa kaniyang husay sa pagtuturo kundi maging sa larangan ng badminton. Mula pa sa simula, aktibo na siya sa iba’t ibang paligsahan, kabilang ang Palarong Pambansa at CLRAA 2023, kung saan siya’y nagsilbing coach.
Nagsimula ang kaniyang paglalakbay bilang badminton player noong Tesdaman Badminton Tournament 2021, kung saan nakamit niya ang Team Event Champion. Nasundan ito ng tagumpay sa SCUFAR 3 sa PSAU noong Agosto 2024, kung saan nasungkit niya ang gintong medalya sa Mixed Doubles at Women’s Doubles. Sa Angara Cup Year 4 noong Abril, nagwagi naman siya ng pilak na medalya.
“Naging coach din ako ng CLRAA noong 2014 hanggang 2019 at bumalik ako sa pagko-coach noong 2022 hanggang 2023. Nang gumanap ang Palarong Pambansa ay naging coach ako ng 2016 hanggang 2019 at bumalik ng 2023,” ayon sa kaniya.
Ang dedikasyon niya sa isport ay hindi natatapos sa kaniyang sariling tagumpay. Sa ilalim ng kaniyang paggabay, maraming mag-aaral ang naihanda para sa rehiyonal at pambansang kompetisyon. Para sa kaniya, ang badminton ay hindi lamang laro, ito’y simbolo ng disiplina, tiyaga, at pagmamahal sa kaniyang propesyon. Guhit, Atleta!



sa larangan ng football, tiniis niya ang mga hamon at hirap sa pagsasanay. Ito rin ay nagpatuloy hanggang siya ay nakakuha ng siguridad sa pagiging isang manlalaro noong hayskul hanggang sa kolehiyo. Kaniyang tiniis ang bawat pagpapahirap at tumiwala siya sa kaniyang kakayahan. Naging tagasanay siya sa BulSU Gold Gears hanggang Nasyonal na paligsahan.
Sa mga paligsahang kaniyang nasalihan ay nakabilang siya sa National Masters and Seniors Athletics Association of The Philippines, taong 2024. Kabilang din siya sa mga lumahok sa Bulacan Masters Group o JD Training Performance Bulacan Masters. Nakasungkit din siya ng pitong medalya sa lahat na nakuha niya. Naganap ang Philippine Masters International Athletics Championship 2024 ng makakuha siya ng Gold sa lahat ng 4x100m relay maliban sa 4x100m Men Relay kung saan siya ay nakakuha ng Bronze. Muli, siya ay nakakuha ng Silver sa Long Jump M-45 at 100m M-45 hanggang siya ay makakuha ng Bronze naman sa 400m M-45.
“Actually, apat kami from BSU na nag-join doon. All of us are coaches. Ako ay isang university football at futsal coach. Magcocoach din ako sa pagbabalik ng 3rd Lakan Cup na magaganap sa ika-30 ng Nobyembre sa bulwagan ng Bulacan Sports Complex,” ayon sa kaniya.
Bukod sa badminton ay mayroong isang gurong labis ang pagtuturo sa pagtakbo, paghahagis, at pakikipaglahok sa isport na athletics na si ginoong Eman Robles. Marahil ay may kasanayan sa sining, isa rin siyang atletang lumahok sa mga pambansa at rehiyonal na paligsahan, kabilang ang City Meet 2023 at Palarong Pamantasan 2024. Sa murang edad pa lamang, nagsimula na ang kaniyang pagmamahal sa isports nang sumali siya sa Cadet Officer Candidate Course noong hayskul. Sa paniniwalang makakamit niya ang pangarap



Sa ilalim ng kaniyang gabay, nagtagumpay ang kaniyang mga mag-aaral sa Palarong Pampamantasan at City Meet. Ang mga karangalang ito ay hindi lamang nagpapamalas ng kaniyang galing bilang atleta kundi pati na rin ng kaniyang kahusayan bilang guro at tagapagsanay.
Ang labis na pagtitiyaga at pagtitiwala ay ang tanging lakas nila upang deretsong makamit ang kanilang pangarap. Ito ang isang partikular na bagay o susing ginamit nila upang ipamalas, hindi lamang sa kanila kundi sa kabuuan ng Laboratori Hayskul. Ang pagsubaybay at pakikipag-gabay na kung tawagin natin pamulat sa ating mga mata sa realidad ng isports.



