akto: makabagong marka
Ang unang isyu ng pampanitikang aklat ng The Bureaucrat, ang opisyal na pahayagan ng Kolehiyo ng Pampublikong Pangangasiwa at Pamamahala ng Tarlac State University.
Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot mula sa may akda.
Reserbado ang lahat ng karapatan.
B UREAUCRAT THE
Ang kalipunan ng mga akda at dibuhong nakapaloob sa aklat na ito ay nakaangkla sa titulong- ‘AKTO: Makabagong Marka’. Ito ay sumisimbolo
ng aksyon at naglalayon ng pagkilos ng sinumang nasa posisyon, may kapangyarihan at kakayahan para makalikha ng atensyong direktang magpapakita ng suliraning kinahaharap ng lipunan sa paraan ng pagsulat at pagpapamulat. At ang pabalat na nagpapakita ng malikhaing ilustrasyon ng bawat nilalaman ng ‘AKTO: Makabagong Marka’ na mula sa pahayagang The Bureaucrat kaisa sa mga mambabasa ay nais maging bahagi ng pagbabago.
Ang tao ay likas na nagbabago, at patuloy na nagbabago, sapagkat nagbabago rin ang panahon. Datapwat ang pagbabago ay dalawa, paurong o pasulong, at nasa sa tao kung paano niya isasakatuparan ang pagbabagong kanyang ninanais, ito man ay para sa kanyang sarili, sa kanyang pamilya, at higit sa lahat, para sa kanyang minamahal na bayan.
Ang makabagong salinlahi sa siglong ito ay may katangi tanging pagkakakilanlan, at ito ay ang pagiging bukas sa pagbabago at manawagan para sa pagbabago. Patuloy nating inaasam na buhaying muli ang mga natulog nating mga sarili at bumuo ng makabago at minimithing buhay. Ito ay magandang katangian na kailanman hindi mananakaw sa mga kabataan, gayundin isang kasiguraduhan na isang araw, sa tulong ng mga tao na may ganitong uri ng kaisipan, lalaya din tayo sa makalumang pamamaraan at magtatamasa ng maligaya at kaaya-ayang buhay dito sa mundong ibabaw.
Handog ng aming pahayagang The Bureaucrat ang kalipunan ng mga akda na sumasalamin sa pagbabago, reporma, at muling pagkabuhay. Ninanais namin na ito ay maging tulay upang ang inyong natutulog na pagnanasa para sa isang makabagong sistema at lipunan ay mag-alab, upang ang buhay ng bawat isa ay manumbalik sa dati nitong sigla.
Sa pagtitiis at hirap umuusbong ang pagnanasa na ang buhay ay maitaas sa tunay nitong ganda.
Sa kasalukuyan, dama natin ang pagkiling ng pagsisiyasat ng marami sa mga makatotohanang kaganapan sa bansa o maging sa pangkalahatan. Kaya gayon na lamang ang kahalagahan ng mga akdang pampanitikan na naghahangad na maging susi na umaakit sa kritikal na pag-iisip at pagkamalikhain ng bawat isa.
Batid nating walang mas mahusay na tagapagtaguyod ng adhikaing ito liban sa modernong kabataang Pilipino. Kaya naman, ang The Bureaucrat bilang opisyal na publikasyon ng Kolehiyo ng Pampublikong Pangangasiwa at Pamamahala ay nagnanais na magpatuloy sa paglilingkod sa mga tao at itaguyod ang disiplina at mga doktrina nito sa pamamagitan ng mga literatura at ng mga-akdang nailathala.
Ating isantabi ang sariling ideolohiya, at maranasan ang buhay sa pamamagitan ng mga patotoo, damdamin at pagtanaw ng iba, yamang tayong lahat ay magkaka-konekta sa naising matamasa ang pagbabago at mga reporma.
Associate Editor-in-Chief
ROCHELLE KATE TAGARA
“Ang tanging permanente sa mundo ay ang pagbabago.” Marahil alam kong alam mo na ang katagang ito. Sa pag-agos ng panahon, batid kong lahat ay may hangaring magbago kalakip ng bawat damdaming nag-aalab tungo sa makabuluhang paglalakbay.
Maging ang lipon nina Rizal at Bonifacio ay sagisag ng mithiing pinagbuklod na nagnanais pumiglas sa tanikalang ipinihit ng mga mapangalipustang dayuhan sa hanay nating Pilipino. Ang rebolusyong ito ang gumising sa diwa ng natutulog na prinsipyo. Ito ang simula ng kasarinlan—ang bumago sa buhay nating Pilipino.
Ngunit kung batid natin ang tunay na pagbabago, simulan natin ito sa ating sarili mismo. Dahil ang pagbabago ay hindi naman nangangahulugang paglimot at pagtaliwas sa ating tradisyon, kultura, at paniniwala. Dahil higit pa dito ay ang pagiging bukas nating sambayanang Pilipino. Pagbali-baliktarin man ang mundo, ang “noon” ay hindi ang “ngayon.” Aminin man natin o hindi, matatamo lamang ang hangad nating pagbabago kung matututuhan din nating basagin ang itinakdang pamantayan. Ang paglabag sa isang pamantayan ay tila mali ngunit kung minsan, ito ang higit na kailangan.
Kaya naman, ang hanay ng The Bureaucrat ay may galak na ibahagi ang lipon ng mga salita at obrang sumisimbolo sa pagbabago, reporma, at bagong yugto. Batid naming mabuksan at maliwanagan ang isipan ng mga mambabasang magkakaiba man ang perspektibo, may tunguhing progresibo.
ROMALYN MACATIAG
Ang ‘comfort zone’ ang una nating hinahanap at ang palaging nililingap sapagkat ito ang kalinga para sa mga nilalang na tinuturing na magulo ang buhay sa labas ng sirkulo. Sino nga ba naman ang hindi mananatili sa nangyayakap na aroma ng kape habang banayad na nakaupo sa malambot na kama at nakatitig sa mga patak ng ulan na animo’y nag-uunahan? Sino? IKAW.
Ang mundo sa labas ng sirkulo ay binabalangkas ang konsepto ng pagbabago at nilalayon ang progreso. Hindi lang tasa ng kape ang dadampi sa iyong mga palad. Hindi lang lasa ng kape ang papawi ng iyong mga pagnanasa. Hindi natatapos sa paghimlay sa malambot na kama ang iyong mga araw. Hindi kayang pantayan ng ulan ang mga naghihintay na larawang dulot ng iyong pagsulong at paghahangad ng pagbabago.
Ang paglabas sa espasyo ay hindi kawalan, at bagkus karunungan para sa mga hindi natatakot suungin ang bagong mundo. Ito ay ang pagpunan sa kamangmangang resulta ng takot at pangambang baka sagpangin ka ng anumang bago sa paningin mo. Walang ganoon. May madadapa, magkakamali, masasaktan at higit sa lahat may matututo. At ngayong ang konsepto ng pagbabago ay hindi na bago sa iyo, hangad ng pahayagang The Bureaucrat ang pagsilang ng bagong kabanatang pagyayamanin ng iyong pagganap bilang tagahanga at tagapagtaguyod nito sa anumang porma at paraan.
Masyadong malawak ang mundo na mas pinalawak pa ng mga kaisipang likha ng tao kaya naman ang pananatili sa ‘comfort zone’ ay ang pagpayag na mapagiwanan ng rumaragasang pagbabago.
Oras ang katalo na kahit anong estado o prinsipyo natin sa mundo, siya ang masusunod at hindi magpapatalo. Kung paguusapan natin ang oras, ito ay isang malawak na misteryo. Minsan mabagal at minsa’y mabilis. Samantalang may sitwasyon din na sakto ang pagdating at alis. Katulad na lamang ng nabibilang na siglo na naitamo. Dantay na kagustuhan ba nating tayo’y nakaoras? O ititikop na lamang na tayo’y naraig sa kadustaan nito? Marahil bahagdan ang dami ng agam-agam niyo ngayon sa mga naisiwalat ko, ngunit hindi lang ito ang totoo.
Ito ay walang katapusan. Ang dimensiyon na nagsilbing panata kung hanggang kailan natin kaya. Lahat ay apektado mula sa lumalagong siklo ng bulaklak hanggang sa pagkawasak ng mga imperyo. Maaaring sirain, maaari ding gawin. Lahat ng bagay ay ipinanganak sa oras, lumaki sa oras at namamatay sa oras. Ni hindi mo ito masuri at kayang punahin. Kaya huwag tayong maging abala sa mga bagay na walang kwenta. Sa mga bagay na akala natin importante at may likas na halaga. Sa isang minuto na binubuo ng animnapung segundo ay saglit lang tapos na. Kaya sana, sa paggamit ng oras, maging matalino ka. Gamitin mo ng tama upang hindi magsisi sa huli at sabihin mong “Wala na, huli na.” Hindi ito kailanman magiging katumbas ng pera. At hindi makakatakas dito hangga’t humihinga pa. Hindi oras ang kinakalaban ng tao, sa halip ito ay salungat.
Ano ang dahilan ng kinahihinatnan? Marami sa mga natamo ay trahedya, na komedya naman para sa iba. Tanggapin man natin na madalas tayo ay bigo ngunit huwag tayong mayayamot sa mga laging panalo. Ganyan tayo nilililo ng oras. Kaya maging matarik ka, isiwalat mo ang abusadong emosyon na kalakip ng kahinaan. Maging matalas ka sa pagpapalakas ng paghimok. Mahirap maging isang tao na nakakaunawa ng buhay sa isang tiyak na paraan, isang tao na tumatanggi sa mga bagay na nagpaparumi sa sangkatauhan. Napakaraming timpla ng buhay. Ngunit, mga minamahal, huwag kayong maging mangmang sa isang bagay na ito, “Ihalintulad natin ang buhay sa pagbalat ng sibuyas, na hindi pupwedeng ika’y umiyak o masaktan sa tuwing ito’y haharapin mo”. Wag mong ipaubaya sa paaralan, gobyerno o sa ekonomiya ang salinlahi na ikararangal mo dahil may kakayahan ka na gamitin ang iyong sariling pluma at papel na magsisilbing buhay ng iyong sariling nobela at istorya. At paalala lamang sa mga tao na mapaghinala at mainggiting nilalang. Kapag nakita nila ang isang bagay na perpekto, nais nilang makahanap ng isang kapintasan dito.
Ang buhay mo ay sa iyo, walang makakanakaw sa oras at kwento mo. Maaari kang maging pangunahing tauhan dito. Ang kailangan mo lang gawin ay gawing dausdos ang bawat kabanata ng iyong kasarinlan. Magsilbi kang itak na matalim mag-isip kaysa armas na kasangkapan ng mga sakim.
Literary Editor
BLESS ZAIREL MUNOZ
Paano tayo humantong sa kinatatayuan natin ngayon? Lagi tayong humaharap sa mga sitwasyong kailangan nating magdesisyon. Mahirap man o madali, kailangan nating pumili sa kung anong landas ang ating tatahakin. Pero bakit ba natin kailangang pumili? Wala tayong magawa kung hindi ipagpatuloy ang siko ng buhay, paulit-ulit ang pagtatanong at pagiisip sa kung anong mas makakapagpabuti sa atin at sa lipunan natin.
Ganun naman lagi, diba?
Sa literary folio na ito, buksan ang inyong isipan, alisin ang piring sa mata at takip sa tainga, matutong kumilatis at makinig sa lipunang ginagalawan. Maging isang indibidwal na marunong mag-isip ng tama, dahil ang dapat na minamahal ay ang Inang Bayan, hindi ang pulitiko, at gobyerno na pilit minamanipula ang laban patungo sa kaginhawaan nating mga mamamayan.
MR. JERICH RALPH S. LOBO
PROBLEMA 01
PROSESO 20
PAGBABAGO 38
UNANG YUGTO: L.A.S.O.N. BERNABE SULAT NI TOTO SIBUYAS THE SIGN PUNLA TINDIG PANGAKONG MADALAS MAPAKO KARERA BILIBID SA MATA NG MGA NASA LAYLAYAN 2 3 5 8 9 10 11 12 13 14 17
IKALAWANG YUGTO: MAJORITY’S WIN BUKSAN MO PUNTO NG PAPEL AT PANULAT AYOS BA? TAO PO, TAYO PO MALAYA IT IS THE BATTLE I CHOSE TOMORROW WANDBORNE VICTORY KAHAPON BAGONG BIHIS NI MARIA CLARA 20 21 24 26 27 28 29 31 32 33 34 35
HULING YUGTO: BAGONG BAGAHE ALPAS PARA SA BUKAS SELDA ROSAS HIYAW ANAKPAWIS MANOK NI NENE PAGBABAGO 38 40 41 44 46 47 48 49
1 | AKTO problema | UNANG YUGTO
DIBUHO NI Pamela Castaneda
LASON
Lupaypay ang kasaysayan sapagkat sila’y walang malay sa tunay na nakalipas.
Animo’y musika sa pandinig, mapapasaloy sa ganda ng bawat liriko subalit mag-iingat sa talatang binago nang dahil sa ang atin bukas ay balak tangayin. Sa pagsibol ng mga bagong kinatawan dapat dala ay pag-asa ngunit matapos malagas ng isang daang bukang liwayway bakit pilit pinapabango ang alingawngaw sa katagang bagong lipunan.
Oras ang kalaban, katawan ang binibilang, ngayon ay may tatlongpung isang milyon ang biktima ng malawakang pagrerepaso sa nakaraan marapat lamang na atin silipin kung ano nga ba ang inaangkla sa lideratong pangmasa.
Nanganganib ang bukas, ang mga nakaangklang alingawngaw ay matagumpay na sininop, ang halimaw ay nagtatago sa lideratong pangmasa na naghahasik ng lason na dumadaloy mula sa atin mga nakikita at naririnig na walang patunay na pundasyon at magtutungo ito sa atin utak upang tayo ay unti-unting itakwil ng kamalayan at katotohanan.
AKTO | 2
AKDA NI Valentino Dungca III
1st Place Filipino Poetry - Literary Competition 2022
3 | AKTO | Bernabe
LITRATO NI Mario Sumaya Jr.
Bernabe
Ngayon ay masayang umaga, sapagkat ipinagdiriwang ang isa sa masasayang araw para sa lahat ng guro.
Tawanan, palakpakan, at mayroon din konting iyakan. Ngunit mababakas pa rin sa bawat mukha ang galak at pasasalamat, maliban kay Ginang Bernabe.
Pagsapit ng hapon, habang ako’y naglalakad sa pasilyo ng paaralan, bigla ko siyang nakasalubong. Nakangiti akong bumati at nagmano, “Happy Teachers Day po!”
“Salamat”, sagot niya ng nakangiti bago ako lampasan sa paglalakad.
Ngunit bigla akong nahinto at naalalang, patay na nga pala si Ginang Bernabe...
Pinatay siya ng mga tao na galit sa binabae.
AKTO | 4
AKDA NI Dave Hedricks Gamboa
sulat ni toto
Ako si Toto. Mahirap ang buhay at nakakaraos lamang sa kakarampot na kita ni tatay at nanay. Si tatay ay isang magsasaka at si nanay naman ay ‘suma-side line’ lamang sa paglalaba. Ngunit kahit gano’n, masaya naman ang aming pamilya.
Ako ang kabalikat ni tatay sa pagpupunla ng binhi at pag-ani ng palay. Habang si nanay at ate naman ang naghahatid ng aming tanghalian. Saksi ako sa pagbabanat ng buto ni tatay. Hindi pa sumisikat ang araw, abala na siya sa pagkayod panglaman tiyan kasama si Bruno, ang aming kalabaw.
Ngunit isang araw, nawala ang sigla ni tatay. Umiiyak din si nanay habang dinadampot ang aming kagamitan. Maraming tao ang nagkukumpulan sa labas at nang aking silayan, dumating pala ang mangangamkam ng lupa kasama ang mga berdugong naturingang alagad ng batas.
Kami’y pinapalayas sa lupang aming minana siglo na ang nagdaan. Habang nakatutok sa amin ang dahas, aligaga ang tanging namamayagpag. Tangi naming pinagkukunan ng pangkabuhayan ay naglahong parang bula.
Ilang rehimen na ang nagdaan at nangako ng tunay na reporma sa lupa. Ngunit ang tanging sagot nila sa amin ay panlalamang at karahasan. Ang uring mapagsamantala ang siyang itinuturing na bayani habang kumakamkam mula sa katas ng aming dugo’t pawis.
Ang nasa baba ay pilit ibinababa, ganito ba ang laging kapalaran naming mga dukha? Tila ang mga nasa pwesto ay walang balak iahon ang paa naming nasa hukay na. Silang mga naka-sapatos na simbolo ng estado ang siyang tinatanghal sa entablado. Kung palakpakan ng madla animo’y bayaning isinilang sa Mactan o ‘di naman kaya’y sa bayan ng Laguna.
5 | AKTO
AKDA NI Romalyn Macatiag
Ang sigaw ng hanay naming mahihirap, “Demokrasya at tunay na reporma sa lupa tungo sa lipunang masagana” Batas na hindi kontra mamamayan.
Iyong maka-tao, malaya, at may hustisya! Patas at hindi nanlalamang.
Muli, ako si Toto, hiling ang pagbabagong tunay—‘yung nararapat para sa lahat.
AKTO | 6
sulat ni toto |
LITRATO NI Mario Sumaya Jr.
7 | AKTO
LITRATO NI Jan Latrell David
SIBUYAS
NI Jelly Ursua
Nay, ayaw ko na maghiwa ng sibuyas nakakaiyak!
Oh anak, bat ka umiiyak?
Nay, wala na kasi akong mahiwang sibuyas
AKTO | 8
AKDA
DIBUHO NI Mario Sumaya Jr.
The Sign
I entered the room I need to be serious I was so nervous I think it is my doom I took the paper I saw what it is I almost saw the future
It’s almost vapor
It was the worst time But I can’t blame them I already saw the sign
“I’m gonna fail my major!”
9 | AKTO 9 | AKTO
DIBUHO NI Vien Maeren Javier
AKDA NI Arjanna Demore
Punla
Mula sa butil na luntian,
Hardin ko’y napuno ng natural na yaman
Ngunit bakit nawala ang aking lupang tinatapakan?
Tanim ko nga ba’y hindi na nadidiligan?
O nasa pangil ng mga buwaya, itong ating kabuhayan.
Kinakalimutan ang ani ng sarili kong bansa.
Patuloy pa rin sa pag-aangkat ng mga produktong banyaga.
Gumising ka at bungkalin ang tigang na lupa,
Itanim mo itong hawak kong punla
At sa pagsibol ng binhi sa darating na umaga
Ating pagsaluhan sa hapag itong bawat bunga.
Bunga ito ng pawis ng ating mga magsasaka.
Kaya’t pagtuunan sana ng pansin at baguhin ang pananaw sa sektor ng ating agrikultura
Pagkat malaking bahagdan nito ang nagtataguyod sa ating ekonomiya.
AKDA NI Phoebe Crystele Gunay
DIBUHO NI Vien Maeren Javier
TINDIG
AKDA NI Mariz Quizon
3rd Place Filipino Poetry - Literary Competition 2022
Boses niya ang puhunan, Sa panahong walang kasiguraduhan.
Sagutin ang mga bagabag at katanungan, Kung sino ang karapat-dapat pagkatiwalaan.
Kasuklaman sa bagong sistema, Ano na nga ba ang plano talaga?
Siya ba’y mag bubulag-bulagan, Sa lider na hindi mapakikinabangan?
Alingawngaw niya, Ang magsisilbing bibig ng masa.
Talasan ang mga mata, Kung bakit dapat nang baguhin ang bulok na sistema.
Ang mga mali ay itatama, Sa sistemang pabaya.
Hindi lang siya, kundi tayo ang makiki-organisa, Tungo sa kaunlaraan at katotohanang tinatamasa.
Maging tulad ng angkla sa ilalim ng tubig, Hindi magpapadaig.
Tayo’y titindig, Para sa bansa at masang iniibig.
11 | AKTO
DIBUHO NI Mario Sumaya Jr.
pangakong madalas mapako
Mabubulaklaking salita
Na palaging naglalaho parang bula
Hindi na kailangan magtiwala
Tignan na lamang kung ano na ang kanilang mga nagawa
Huwag na kasi magpabola
Sa mga bulok na plataporma
Kung gusto ng tunay na reporma
Una munang ayusin ang sistema
Tayong mga Pilipino
Madali kasing nagpapaloko
Tulad ng kaibigan mo
naniniwala agad sa ‘i love you’
Magsaliksik, kilalanin, at kilatisin
Wag magpadala sa panghaharana
O sa sa pagbibigay ng ‘ayuda’
Hindi talent show o charity event ang kampanya
Maging matalino sa pagboto
Dahil hindi totoo na kahit sinong maluklok walang mangyayaring pagbabago
Mayroong mahusay at ang puso ay tunay na nasa serbisyong pampubliko
Pero ikaw lang ‘tong paulit-ulit na bumoto sa mga manloloko
AKDA NI Jelly Ursua
AKTO | 12
DIBUHO NI Vien Maeren Javier
| Karera DIBUHO NI Vien Maeren Javier 13 | AKTO
Karera
“Pag yumaman na ako, manonood ako ng car racing sa ibang bansa”, sabi ni Juan sa kanyang sarili habang habang nanonood ng pelikulang “Cars” na pinalabas sa kanilang lumang telebisyon.
Hilig ni Juan ang mga kotse, lalong lalo na ang karera ng mga ito. Tuwing siya ay uuwi ng paaralan, agad niyang tatapusin ang kanyang mga gawain upang makapaglaro ng kanyang mga laruang kotse, regalo sa kanya ng kanyang ama mula sa kakarampot nitong bonus tuwing Pasko. Sa kanyang labis na pagkahilig dito, itinatak niya sa kanyang isipan na pag siya ay natapos sa pagaaral at nakapagtrabaho, lilipad siya sa ibang bansa gamit ang kanyang inipong sweldo upang makapanood ng karera.
Makalipas ang mahabang panahon, natapos nga siya ng pagaaral at nakapagtrabaho. Datapwat sa taas ng bilihin at hirap ng buhay, minabuti nalang ni Juan na magtrabaho para sa kanyang pamilya. Isinantabi niya na ang kanyang pangarap na mangibang bansa upang manood ng karera. Ibang karera pala ng buhay ang kinailangan niyang tahakin at hindi ang karerang kanyang isinapuso mula noong siya’y musmos pa.
Hindi pala si Juan ang makikinabang sa kanyang pinagtrabahuhan, kundi ang mga nasa katungkulan—na napabalitang nasa ibang bansa upang manood ng karera, gastos na pinondohan ng kanyang pinaghirapang pera.
AKTO | 14
AKDA NI Jan Latrell David
Bilibid
Sabi ni inay, “ineng, ang hustisya’y nasa iyong mga palad na.”
Sinubukan kong bumalik sa huwisyo gamit ang mga litanyang ito ngunit pag bukas ko nang telebisyon...
Tumagaktak ang aking gatimbang na pawis nang mahagip sa lente si Pepe, malayang gumagamit ng cellphone at tumutungga ng alak habang nakikipaghalakhalakan sa mga kapwa bilanggo.
Pakiramdam ko’y hinahalay muli ang aking kaluluwa’t damdamin sa labis na hinagpis at poot sa bulok na sistema.
Bakit paraiso at hindi parusa ang selda?
15 | AKTO
AKDA NI Berniece Aguas
AKTO | 16 Bilibid |
DIBUHO NI Joy Pamela Castaneda
Sa mata ng mga nasa laylayan
AKDA NI Mario Sumaya Jr.
Namutawi ang emosyonal na sigaw ng mga tao nang sabay-sabay para sa kakaibang ekspresyon na hindi maintindihan ng isang bata sa edad na sampu, lahat ay nag-aabot ng kanilang mga banner at ang karamihan ay kumakatawan sa mga kulay. Sinusubukan kong unawain ang layunin ng eksena ngunit nabigo ako at nauwi sa wala. Ang malagay sa maraming taong nagkakasundo sa kanilang kalooban at mga salita, at ang tindi ng emosyong bumabalot sa karamihan, ay kataka-taka para sa isang batang inosenteng minamasdan ang lahat.
Ang hindi maipaliwanag na pagtatagpong ito ay nagsimula noong unang mga araw ng Pebrero. Nasaksihan ko ang pag-ulan ng mga kendi na dumadampi sa kalsada at ang mga taong nagmamadaling parang zombie para salubungin ang mga ito. Taimtim akong nakatingin sa tuwang-tuwang mga tao hanggang sa nahagip ng candyman ang aking paningin at doon, inihagis niya ang samu’t saring matatamis na likas kong nasalo dahil alam kong pagkakataon ko na.
Habang abala sa pagkolekta, iniikot ko ang aking mga mata sa isang tiyak na direksyon. Nakita ko ang ilang mga tao sa aming komunidad na nag-uunat ng kanilang mga braso upang abutin ang kamay ng lalaking may itim na buhok, may salamin at sombrerong pang-cowboy na siguradong nakita ko nang maraming beses sa telebisyon.
Ilang sandali ng pag-iisip— “Ah. ‘Yung itim na Nazareno sa Quiapo, makikipag-unahan sila para mahawakan ‘yung santo tapos madalas may hawak silang panyo o kaya towel.” – bulong ko.
Nagpatuloy ako sa pagpulot at pagpili hanggang sa may lumabas na lalaki mula sa makipot na kalye habang sumisigaw.
“Mga clown!” – sabi niya, patungkol sa lalaki at sa mga tao sa sasakyan.
Sa isip ko, hindi ko magawang salungatin ang kanyang mga tinuran. Kung titingnan ang masasarap na kendi, ilang naka-pack na paninda, nakangiti at pumapalakpak na mga tao, hindi maipagkakaila na tunay silang payaso. Ngunit mayroong isang bagay sa lalaking ito, ang kanyang emosyon ay hindi ipinares sa sinuman. Siya ang kabaligtaran namin. Mapapansin ang galit sa kilos at pananalita niya.
Pagkalipas ng ilang araw, panibagong pag-ulan ng mga kendi. Paulit-ulit lang, walang bago, hindi kasiya-siyang lasa ng musika na naging dahilan upang hindi na ako sumali at magpatuloy pa sa pagtangkilik.
Akala ko wala nang bagong kaganapan na darating.
17 | AKTO
Sa mata ng mga nasa laylayan |
Hanggang sa nagtipon ang pulutong ng mga tao sa isang lugar, na ikinagulat ko. Gaya nga ng sinabi ko, wala akong alam. Sa mga dumalo sa ganap na ito, ako at ang aking nanay lang ang magkakilala. Inilagay niya ako dito nang walang pahintulot ko ngunit sa kabila noon, alam kong alam niya ang ginagawa niya. Ang nakabibinging tunog sa tainga at ang patuloy na hiyawan ng mga tao ay talagang naghari sa kaganapan, ngunit hindi ako maka-relate. Noong mga sandaling ‘yon nagapasya akong sadayaing tignan ang aking nanay para makita ang kanyang reaksiyon, na noo’y mahigpit ang kapit sa aking kamay at takot na mawala ako dahil sa hindi mabilang na mga tao.
Malinaw ang pahiwatig ng kanyang mukha na hindi siya sanay sa ganitong uri ng kaganapan. Hinila ko ang braso niya para makuha ang kanyang atensyon at saka tinanong kung pwede na ba kaming umalis. Ilang sandali siyang nakatitig sa akin na parang may halong pangungusap. Naaawa siya sa akin.
Mahirap makaalis sa gitna ng maraming tao pero nakaya namin. Sa kabilang banda, nanatili akong nanguguluhan sa buong kaganapan.
“Anong nangyayari?”– wika ko ngunit wala akong natanggap na sagot mula kay nanay.
Akala ko uuwi na kami at magpapahinga, pero iginiit ni nanay na may isa pang kaganapan na hindi kalayuan sa aming kinalalagyan.
Magulo pa rin sa akin ang lahat. Sumunod ako. Hindi tulad ng una, nagsasaya siya. Inabot sa kanya ang pera at may ibinigay na mga gamit. Maliit na usapan at parang isang kasunduan.
Sa aking pagkakatanda, bata pa lamang ako noon. Kapos kami sa panggastos at hirap itaguyod ang pangkain sa araw-araw at si nanay pinipilit gumawa ng paraan para sandaling mapunan ang aming kahirapan. Sa kabila ng agwat ng aming edad ni nanay, pareho kaming walang alam sa yugtong iyon ng aming buhay. Hindi nauunawaan ang mga nangyayari at hindi alam na kasama kami sa ipinaglalaban.
AKTO | 18
LITRATO NI Jan Latrell David
At ang nilalang ay nawala sa katinuan nang malamang ang mundo’y mapanlamang at mapanlinlang.
19 | AKTO
The Majority’s Win
As an unsure future lies ahead Who do we trust to keep tabs? Nobody’s keeping score Maybe it’s time for us to act and comprehend
As society’s fate is in the palms of many, We have to keep the fire burning Lit the light towards betterment Foreseeing an optimistic future
True leaders are meant to serve, not to seek superiority Open your eyes, utilize your ears, speak your mind, smell the cruelty It will bring common success for the people, by the people Let’s keep the noise going
We have to pay our dues
Set the bar and the rest will follow Our tiny efforts makes a big difference Be the match that will ignite the fire
AKTO | 20
proseso
AKDA NI Kurt Darell Puno
| IKALAWANG
3rd Place - English Poetry Literary Competition 2022
YUGTO
DIBUHO NI Fairy Reyn Cruz
BUKSAN MO
AKDA NI Jamile Aquino
“Buksan mo nga.”
Habang humihigop ng mainit na kape, siyang naghihintay si Aling Baby na buksan ng asawa ang kanilang telebisyon. Lunes ngayon at idineklara ang parating na bagyo.
“Pakibuksan nga po.” iniabot ng bata sa ina ang biskwit mula sa baunan at dali-dali ring ininom ang juice na kasama nito.
“Buksan mo na at titingnan ko.”
Nag-aalangan, kinakabahan. Labag man sa kalooban ay hindi mahindian ang utos ng ina, agad niyang binuksan ang bag at inilabas ang kapirasong papel na tinatakang “Report Card”.
“Buksan na natin ma!” kasabay ng pagkislap ng makukulay na dekorasyong ilaw sa paligid ng kanilang tahanan, siya namang kintab ng mga ngiti ng bawat miyembro ng pamilya habang binubuksan isa-isa ang mga regalong nakabalot ng mga papel na may kulay ng kapaskuhan.
“Buksan mo to anak!” “Ate, buksan mo na to!”
Hindi mapakali, ni hindi alam kung ano ba ang dadamputin para lang magawan ng paraan ang sitwasyon. Maya-maya pa ay unti-unting kumakawala sa tarangakahan ang pinto. “Nay, dalaga na ho ako.”
“Buksan niyo na ang mga libro ninyo.”
Ilang araw sa hayskul at naiintindihan na ang kaibahan ng mga tungkulin na dapat gawin, mas hihirap ang laban, ngunit mas gaganahan lumaban.
“Buksan mo ang pinto ‘Toy, si nanay ito, anak ano ba ang problema?” Ramdam sa nginig ng boses ng ina ang pag-aalala sa anak na siyang nagkulong sa kwarto nito, nang walang imik, walang paliwanag. “Anak, nandito lang ako. Nandito lang kami.”
“Buksan mo darling, para sayo yan.” Isa sa iilang pagkakataon na maipagdiwang ang anibersaryo, ngiting puno ng pagmamahal ang namutawi habang binubuksan ang regalo ng isa’t isa.
“Buksan niyo po, surprise namin yan sa inyo.” Masayang binabasa ng ina at ama ang report card ng anak at higit na pinasaya ng balitang magtatapos silang may mataas na marka ang araw na ito.
Hindi maipaliwanag ang malakas na pagkatok sa pintuan, kung bakit — ano ba ang dahilan ng pagmamadali? ano ba ang hindi makapaghintay?
“Buksan mo po Nay, si tatay hindi daw po makahinga!”
Sa tahimik na blangkong kalsada, hindi alam kung saan makakakuha ng tulong, ng ambulansya. Mahirap man ang mga susunod na tagpo, inasahan na ang pangyayaring ito. Hindi matakpan ng suot na pangmedikal na antipas, at patakip sa mukha na gawa sa plastik ang luha at pangamba na nananalaytay sa sistema ng pamilya.
21 | AKTO
“Bubuksan ho sana namin, kung maari.”
Tanging ang namamagang mata lamang ang masisilayan sa pamilyang ngayon ay nasa pinakamasakit na sitwasyon. “Para ho sana kahit sa huling pagkakataon man lang, makita po namin si Papa.” giit pa nila. “Kung bubuksan ho, maraming maaapektuhan. Hindi ho lahat na ng desisyong pabor sa inyo, ay pabor sa karamihan. Para po ito sa kaligtasan ng lahat.”
“Bukas na ba ang camera ko? Nakikita ba ako class?” ang dating tawanan sa pagitan ng bawat upuan, ngayo’y pinagitnaan na lamang ng mga monitor ng gadyet. Bagong set-up, para sa bagong mundong dulot ng hindi nakikitang elementong kumitil sa buhay, oportunidad at pangarap ng marami.
“Buksan mo nang dahan-dahan lang at baka masira, baka hindi pa basahin ng makina.”
Matapos ang ilang araw na panliligaw, dumating na ang puntong ibibigay na ang sagot ng sambayanan. Tatapusin na ang iringan, iiwan na na ang mga kulay na naglalaban, para itayo ang kulay ng sambayanan.
Senyales ang malalim na lilang kulay sa daliri, tapos na. Tatanggapin ang resulta ng desisyon ng madla kahit pa may katanungan patung-
kol sa lagusan ng pagbabago, “Mabubuksan pa kaya?”
“Buksan na daw sa pahina 23.” Ilang taon rin bago muling narinig ang boses ng mga batang nagsisiusapan sa loob ng silid-aralan. Mga yapak ng paang nagmamadali dahil hinahabol ang orasan. Mga kwentong karanasan sa isang araw sa eskwelahan.
Matagal na rin nung nabuksan.
Ang mga pwesto sa merkado, ng damit o ng pang araw-araw na kailangan, matagal din silang sarado.
Nakahinga na rin sa wakas ang mga isda at karne, na nanirahang matagal sa pridyider. Nakakapamasada na rin ang mga traysikel at jeepney drayber.
Kung dati’y ospital at botika lang ang maaring puntahan, bukas na rin ang mga establisyimento’t pasyalan.
Dadalwa nalang siguro ang nakaligtaan buksan.
Ang matang nakikita ng katotohanan, at isip na nakakaintidi sa pangangailangan.
“Ayaw mabuksan, paano ito?”
AKTO | 22
BUKSAN MO |
Pagtigil ang huling paraan, walang hindi kayang buksan ang puso at isip na nakalaan para sa ikabubuti ng bayan.
23 | AKTO
| Buksan Mo
punto ng papel at panulat
AKDA NI Mario Sumaya Jr.
ang kalayaan ay nananahan sa papel at panulat na minsang naging tahanan ng mga tinig at pagnanais na kumawala sa gapos at tanikalang pumapatay sa pagiging makabayan
ang pagtindig, ang paglaban, at ang boses ng mamamayan, ay hindi pag-aalsa o isang hudyat ng hidwaan kung hindi pagpapakilala ng tinatapakang karapatan
ang mamahayag sa piling ng peligrosong espasyo kung saan ang salita’t mga pahayag ay pinipilit na kuro-kuro, kasabwat ang mga daliring
nilalaro ang gatilyo
ang paninindigang tumutulak na ituloy ang planong imulat ang masa sa pagkatuto at totoo
habang sinisiil ang sinumang kapanalig na nagsusulong ng punto
AKTO | 24
| punto ng papel at panulat
totoo ang banta sa mga mamahayag at sa ating kalayaang magpahayag sapagkat ang diwang makabayan ay nag-aalab at takot matupok ang sistemang
nandaraya
ang papel na komunidad ng mga pahayag at ideyang sumisigaw at ang panulat na nililinaw ang bawat makabuluhang bulong, ay nasa hulma ng kalasag at sandatang sinubok at sinusubok ng
panahon
ang punto ng papel at panulat sa panahon ng paniniil ay ang tanging kilalanin at bigyang pansin ang kalayaa’t karapatang sinusubukang burahin
25 | AKTO
DIBUHO NI Bless Zairel Munoz
AYOS BA?
Madaling baguhin
Kung iyong gugustuhin
Hindi mo magagawa
Kung ayaw mo sa tama
Kadiliman ay huwag lapitan
Huwag mawili at ito’y layuan
Ating isipin ang kinabukasan
Pagbabago ang ating tunay na kailangan
Palitan ang dapat palitan
Bitawan ang dapat bitawan
Ito ay para sa ating ikabubuti
Kaya’t huwag manindigan sa mali
AKTO | 26
AKDA NI Missy Corcuera
DIBUHO NI Bless Zairel Munoz
tao po? tayo po
AKDA NI Jamile Aquino
Pagkatok
Simbolo ng respeto bago lumahok
Sa kung ano mang sitwasyon ang ihain ng bawat sulok
Halika, pasok
Tao po? Naririnig niyo ba?
Mga hinaing na taliwas sa isa’t isa
Paano ba? Nakikinig ka ba?
Sa ingay na dulot ng inasahang sigalot, nakakarindi na
Tao po? Nakikita niyo ba?
Mga buhay na nagkalat sa daan
May direksyon na sinundan ngunit walang kinahinatnan
May kamay na kinapitan, bara-barang binitawan
Tao po? Tao po? Nararamdaman niyo ba?
Walang balanse, nakakalula hindi ba?
Nanginginig ang tulay na tinatahak nila
Manhid ba at pakikinig ay baliwala?
Narinig ko
Bawat salita at bawat punto
Bawat idinidiin ng isip at puso
Bukas ang tenga, nadinig ko
Nakita ko
Hirap at tikom, pinilit hanggang dulo
Iginapos pinatahimik, lalo lang gumulo
Ikaw ang sandigan, na binalewala ang saklolo?
Naramdaman ko
Unti-unti na ngang gumuguho
Sandamakmak na pangako ngayo’y naglalaho
Mga yabag na pagbabago raw ang panibugho
Tao po? Tayo po
Tayo ang dapat na magsilbing boses ng api
Pilitin lumakad maski abutin ng gabi
Hindi lang para sa mga nabubuhay pati na rin sa nasasawi
Tao po? Tayo na po
Wala nang oras kumuyakoy at tumulad sa mga nakaupo
Pahingahan lang ang upuan at hindi teritoryo
Paa’y dapat sumulong hangga’t magkakalyo
Pag-asa ng bayan, Pag-asa sa bayan
Kilos ng bawat bilang sa esdatistika ay kailangan
Daliri’y huwag nang magturo at baka manuno
Tabi-tabi po, kami na po
27 | AKTO
DIBUHO NI Stephanie Rose Cunanan
malaya
DIBUHO NI John Kevin Sone
AKTO | 28
1st Place Traditional Art - Literary Competition 2022
it is the battle i chose
AKDA NI Denice Esteban
Are we satisfied to have less?
Ain’t we deserve better?
Letting them laugh while putting your life into their pockets, Drinking wine in the scenery of money while you can’t even drink coffee.
Different opinions
I keep myself in silence
In various field of thoughts
Finding hope in the misery of life
Never considered that silence is “yes” Peace of mind was all I sought. But if my comfort result to distress of many I better choose to fight, don’t I?
Calling out ain’t rude
So does expressing viewpoints
If it’s for the betterment, Taking sides does matter.
2nd Place English Poetry - Literary Competition 2022
29 | AKTO
DIBUHO NI Stephanie Rose Cunanan
AKTO | 30 it is the battle i chose | It’s not about disrespecting It’s more of fighting for what we believe in I missed most of my battles But it’s hard to see the country in despair. If we let things go far beyond And doing nothing The sake of our lives Will perish for tomorrow’s existence.
TOMORROW
Please don’t look back
Embrace the tears of sorrow
Absorb the power of anger
Breathe through the rays of joy
These kinds of dark nights comfort me
But I guess it is much brighter than a fake sun
I closed my eyes
And see my mind slips
Deep into my thoughts
Deep into my memories
Swim to the vastness of my memories
When I opened my eyes:
I saw the beginning of my tomorrow.
31 | AKTO
AKDA NI Arjanna Demore
DIBUHO NI Fairy Reyn Cruz
WANDBORNE
To be a great leader is to rise the wand, Not to fall nor to touch the land.
To be a great leader is to be the one, Not to leave others hanging beyond.
Vision, persistence, bold, Keep the future uphold. Honesty, integrity, controlled, Keep the authority on mold.
What’s over can never undo, What comes can always renew. Choose wisely who governs with value, For tomorrow shining hue.
AKTO | 32
AKDA NI Iomie Caibiran
1st Place English Poetry - Literary Competition 2022
DIBUHO NI Fairy Reyn Cruz
How to win, how to bring? A trophy which is just a thing
Is it the object? or is it the thought? Is value equal to the price that you sought?
33 | AKTO
AKDA NI Bless Zairel Munoz
LITRATO NI Mario Sumaya Jr.
ka(hapo)n
AKDA NI Jamile Aquino
Yabag na nagmamadali, buhay nga’y daming baka sakali
Luwag ng direksyon ay siyang sikip ng daan ang bawi
Sino ba ang kalaban, Sino ba ang kakampi
Sa lahi ba ang problema, o problema natin ang lahi?
Pumatak ang lilang tinta sa kukong puno ng grasa
Mga daliring bumubutinting ng makina, mga kamay na ipinangkakain pa
Gumising at inasahan ang balota
Makakatikim na ba kami ng ibang putahe bukod sa asin at mantika?
Napailing at buntong-hininga
“Hindi ba ganyan na ang baon mo kahapon pa?”
Katahimikan ang ibinalik, kubyertos ay kinapa
“Hindi lang ikaw ang hapo, ako kahapon pa.”
Kahapon pa, natapos na
Hindi na dapat mabagabag pa
Sabi ng may kotseng hindi de-baterya
Sabi ng naglalakad sa gintong abaka
Kahapon na, tapusin na
Hindi na pipiliing manahimik pa
Sabi ng binansagang isang kahig isang tuka
Sabi ng nakikipagpatintero sa mga bala
Ang kahapon na ay tapusin na
AKTO | 34
DIBUHO NI Bless Zairel Munoz
Bagong Bihis ni Maria Clara
AKDA NI Romalyn Macatiag
Ang kanyang kasuota’y hinabi sa mahabang hibla
Pino at mahinhin sa kanyang isip, kilos, at salita Ganyan siya ilarawan sa isang makasaysayang akda Maria Clara—‘yan ang ngalan niya.
Ikubli man ng abaniko, batid mo ang tunay niyang ganda
Babaeng mayumi’t masinop, katangiang taglay niya
Balot man ng telang pulgada, kubling damdami’y ‘di maikakaila
Si Maria Clara, siyang huwaran nga ba?
Sa nagdaang dekada, ako’y narindi na
“Kumilos ka ng parang si Maria Clara”—‘yan ang laging sambit nila
Maging sunod-sunuran, walang-kibo, may agam-agam at pangamba Ito ba ang ibig sabihin nila?
Matapang, may paninindigan, may tatas ang salita Hindi nagpapa-api, taas noo kung ibandera May laban. Lumalaban. May ipinaglalaban—ito si Maria Clara sa kasalukuyang kabanata
Malayo sa nakasanayan nilang paksa.
35 | AKTO
DIBUHO NI
Joy Pamela Castaneda
Hindi na basehan ang mahahabang saya
O ‘di naman kaya’y mga matatamis na salita
Dahil ang Maria Clara ngayon ay may tunay na talinhaga
Ngunit natitiyak kong may tugma ang dalawa
Baligtarin man ang mga pahina, si Maria Clara noon at ngayon ay parehong…
BABAE. PILIPINA. GINAGALANG.
AKTO | 36
|
Bagong Bihis ni Maria Clara
At ang kanlungang unang naranasan ay nilingap at hinanap sa piling ng katotohanan.
37 | AKTO
BAGONG BAGAHE
AKDA NI Mario Sumaya Jr.
Bumibigat ang pakiramdam ko kasabay ng pagbagal ng bawat hakbang. Hindi ito unang araw sa pagpasok at mas lalong hindi ito “Friday sickness.”
Sa paunti-unting lakad na may kasamang pagkumbinsi sa sarili, nakarating ako sa kwarto kung saan may mga pamilyar na mukha, mukhang ayaw kong makita kasama ang mga taong madalas kapalitan ko ng tsaa.
Hindi pa nagsisimula ang klase. Wala pa ang propesor kaya namili na muna ako ng salumpuwit na uupuan, at sa tabi ng bintana kung saan humahampas ang sariwang hangin ay nahagilap ko ang kapanatagan.
Bumukas ang pintuan, takatak ng takong at isang boses ang nangibabaw.
“GROUP REPORTING! Deadline next week, October 13!” – aniya.
Napalingon ako. Sa kaunting panahon na hindi ako naging alerto, marami agad ang mga nangyari. Mababasa mo sa mga kaklase ko ang pagkabalisa, marahil hindi pa sila nakakausad sa katatapos lang na pagsusulit at panibagong bagahe na naman ang paggugulan ng pansin.
Nagsimula na kaming i-grupo. Nakakalat ang mga estudyante sa maliit na kwarto habang tinutungo ang nakatakdang grupo at kung saan ang tamang pwesto.
At ako? —tahimik na pinoproseso ang kinasadlakan kong sirkulo ng estudyanteng ibinoto ako bilang lider.
Nang tanungin ko sila bakit ako ang napili nilang ilagay sa posisyong ito, nabanggit nila ang nakaraang pagganap ko sa mga ibinatong tanong ni ma’am. Minsan lang ako tumayo at tumama ng sagot sa isang akademikong resitasyon ngunit ang kapalit pala nito’y obligasyon.
AKTO | 38
\
pagbabago | HULING YUGTO
BAGONG BAGAHE
Marahil ito ang sumpa ng pagiging bida-bida, dagdag bagahe; ang tinatawag na pag-asa; ang tagapagligtas at tagabuhat.
Ngunit lingid sa kaalaman ng aking grupo, gaya rin nila ako—binubuhat at halos subuan na ng mga matatalino.
Sa kalagitnaan ng pagdududa sa aking kakayahan at mga nakagugulong ideyang hindi ko rin alam ang patutunguhan, isang simpleng tapik ang dumampi sa aking balikat at mga salitang nag-udyok sa aking maniwala na kaya ko.
“Congrats! I’m rooting on you!” —hindi ko man gaano naunawaan ang ilan sa wikang Ingles na kanyang nabanggit, batid kong may positibong emosyon ang nakapaloob rito.
39 | AKTO
|
DIBUHO NI Mario Sumaya Jr.
alpas para sa bukas
2nd Place Filipino Poetry - Literary Competition 2022
Kabataan na lingkod-bayan
Pagasa ng masa para sa kinabukasan
“Lalaban tayo”
“Titindig”
Tataya sa mabuting pamamahala
Hindi na muling makikipagsapalaran
Hindi na papayag na masira ang kinabukasan
Sisimulan sa sarili ang pagbabago
Hindi na mananatili sa bulok na liderato
Uusbong ang bagong henerasyon
Lilinisin ang nag-aalingasaw na administrayon
Maruruming pandaraya at korapsyon
Magtatapos sa mga lingkod-bayan sa makabagong panahon
Ang alingawngaw ng “pagkakaisa”
Ay bumabanda sa pagkilos para sa masa
Boses ay nagkakaisa
Ang bukas ay magiging patas na
AKTO | 40
AKDA NI Joseph Magaway
DIBUHO NI Mario Sumaya Jr.
huwag mong ikulong ang iyong sarili sa kadiliman at kamalian. May mata ka naman, huwag kang magbulag-bulagan!
AKDA NI Missy Corcuera
selda
41 | AKTO
DIBUHO NI Stephanie Rose Cunanan
Manok ni Nene
Dinig ni Nene sa kanto, Bigas daw ay malapit nang maging bente ang presyo
Bawat Juan palaging may sustento
Matatamasa lahat ng gusto
Matapos ang halalan, manok nila’y nanalo
Masayang gumunita, “sa wakas mauunawaan na tayo”
Katagala’y ang dating isang kahig, isang tuka
Dumoble kahig na’t wala pa ring matuka
Ganire ang mga Pilipino, Sa mahalimuyak na salitang di na bago
Kada anim na taon ay nagpapaloko Di kaila kung bakit laging talo
Ikaw, sinong manok ang binoto mo?
AKTO | 42
AKDA NI Kate Tagara
43 | AKTO | rosas
DIBUHO NI Stephanie Rose Cunanan
rosas
Namulat ako dahil sa kaliwa’t kanang manlulupig, Ngunit binigyan mo ako ng rosas at ipinahiwatig ang kahulugan ng pag-ibig.
Ang iyong hakbang ang nagsilbing ilaw sa kadiliman.
Tinuruan mo akong manindigan!
Hindi na muling pasisiil at pipikit kailanman.
AKTO | 44
AKDA NI Phoebe Crystele Gunay
HIYAW
Napapanahon, pananahimik ay hindi kailanman solusyon.
Mga suliranin na dapat ay unahin.
Problema ng bansa’y nararapat bigyang agarang pansin. Mga mangagawang biktima ng mapangabusong kontrakwalisasyon.
Karapatan ng bawat kulay sa bahaghari’y hindi maituon.
Kasalukuyang edukasyon ay kulang sa atensyon.
Bilang ng nagugutom ay patuloy ang pag usbong.
Pagpapatahimik sa mamamahayag tila kanilang aksyon?
Ngunit kabataan tayo ay manindigan.
Kay dami mang hahadlang, pero para ito laylayan.
Pag-ibig sa ating bayan ay dapat nating pag-aralan.
Wala sa apat na sulok ng silid ang tunay na kalagayan ng bayan.
Hinaing ng taong bayan ay bigyan ng malakas na sigaw.
Lansangan ay kalampagin upang mga
nakaluklok ay magising, Bigyang boses ang masang api sa palpak at hindi makatuwirang pagsisilbi, Upang mapagtagumpayan bayan nating minimithi.
45 | AKTO
AKDA NI Nelson Lansang Jr. 3rd Place Filipino Poetry - Literary Competition 2022
DIBUHO NI Fairy Reyn Cruz
ANAK PAWIS
AKDA NI Kate Tagara
Gumayak kahit lubog pa ang araw bitbit ang karison
“Madali ka’t kuhanin ang punla” aniya sa anak na binata
Tagaktak ang pawis, nagbubungkal maghapon
Bitbit ang pagasang sa eskwelaha’y magkaroon ng pambaon
Gapos dito, gapos doon
Ilabas ang kwarta, isalin ang abono
Sa wakas, maaari nang maggapas, galak na inalam ang presyo, Sa kasamaang palad, sila na nama’y talo, sila pa’y abonado
“Itay, ano pa’t tayo’y nagsasaka kung tayo mismo’y walang napala” ani anak-pawis, Napatanaw ang ama sa paligid ng may hinagpis Dumungaw ang sibilisasyon , “Ako na lamang pala ang natitirang magsasaka sa nayon”.
AKTO | 46
Pagbabago
AKDA NI Jan Latrell David
“Ang pagbabago ay nagsisimula sa ating mga sarili at sa ating mga tahanan”, sabi ng tagapagsalita sa isang pagtitipong nadaanan ni Miguel habang siya ay pauwi sa kanilang bahay.
Napaisip si Miguel sa kanyang narinig, bagamat ito’y napakatagal nang paulit ulit na namumutawi sa bibig ng iba’t ibang tao, sumagi sa kanya na tila nararapat na niyang gawin ano man ang pagbabago na kanyang ninanais para sa kanyang sarili.
Nagsuot siya ng estilo ng pananamit na matagal na niyang gustong subukan. “Ano na naman ‘yang suot mo? Hindi ka mukhang kaaya aya dyan, hubarin mo yan!”, turan ng kanyang ina na halatang dismayado sa kanyang nakita. Sinunod na lamang niya ang nais ng kanyang ina at inisip na sa tamang panahon, magagawa niya pa kung ano man itong kanyang sinubukan.
Sinimulan niyang maging malaya sa pagpapahayag ng kanyang saloobin at kaisipan sa kanyang social media accounts. Akala niya ay dahil makabago na ang panahon, marami na ang bukas sa makabagong pananaw, ngunit nagkamali siya. Pinutakti siya ng mga mensahe mula sa kanyang mga kamag-anak pati na rin ng kanyang sariling pamilya, tila pahiwatig na hindi sila sang-ayon sa kung ano man ang mga pahayag na kanyang pinaniniwalaan. Ipinagkibit balikat nalang niya ang nangyari at binura ang mga naturang pahayag niya sa kanyang mga social media accounts.
At noong nagdaang halalan, sinubukan niyang kumbinsihin at baguhin ang pananaw ang mga nasa loob ng kanyang tahanan na bumoto sa isang makabagong lider na may nakahandang masusing plataporma ng pag angat ng buhay ng bawat tao. Gayundin, katulad ng kanyang mga naunang ginawa, hindi siya nagtagumpay.
Araw ng Linggo, nagsimba si Miguel sa kalapit na simbahan, at sa sermon, ang pari ay nagtanong sa bayan: “Naniniwala ba kayo na ang pagbabago ay nagsisimula sa ating mga sarili at sa ating mga tahanan?”. Sumagi na lamang sa kamalayan ni Miguel ang isang pagninilay.
47 | AKTO
“Gasgas na gasgas na ang linyang ang pagbabago ay naguugat sa ating mga sarili at tahanan. Kahit anong gawin nating pagbabago, kung ang ating paligid ay hindi bukas sa pagbabago at hindi handing magbago, ang pagbabago ay mananatiling isang ideyang nakakulong sa sarili nitong depinisyon.”
Tunay nga, kahit anong kayod natin sa araw araw, kahit anong pagbabago ang ating ipatupad sa ating mga sarili, kung ang mas malaking sistema ng pagiral at pamamahala ay hindi bukas sa pagbabago, hindi kailanman magkakaroon ng progresibong pagbabago na tutulong sa pansarili nating pagunlad. Ang bawat tao ay katulad ni Miguel na minsang naghangad baguhin ang sarili at ang kanyang buhay, ngunit mas malakas ang pwersang pumipigil sa atin upang magbago.
“Ang pagbabago ay nagsisimula sa ating mga sarili at sa ating mga tahanan”, madali para sa iilan, pero mahirap para sa karamihan, lalo na sa mga nasa laylayan na ng lipunan.
AKTO | 48
pagbabago |
DIBUHO NI Mario Sumaya Jr.
At sa dulo, ang nilalang ay natuto at naging tagahanga ng pagbabago.
Pagbati ng isang matimyas, mabiyaya, at mapagpalayang buhay sa bawat isa!
Ang pahayagang The Bureaucrat ay lubos na nagpapasalamat sa inyong pagtangkilik sa aming inilabas na unang “Literary Folio” para sa panuruang taong 2022 - 2023. Ang AKTO, bilang isang salitang nagbubunsod ng pagbabago sa bawat isa, ay magbunsod nawa sa inyo, aming mga tagapagtangkilik, ng ibayong sigla upang maging tulay at simula ng pagbabago sa ating mga pamilya, pamayanan, pamahalaan, at sangkatauhan.
Kami ay nagpapasalamat unang una sa ating minamahal na Dekano, Dr. Edwin T. Caoleng, gayundin sa aming tagapayo, Ginoong Jerich Ralph S. Lobo, sa buong kaguruan ng aming kolehiyo, sa Student Affairs and Services sa pangunguna ni Prof. Gherold Benitez, sa Student Publications Unit sa pagkakandili ni Dr. Gladie Natherine Cabanizas, at sa mga kapwa ko Punong Patnugot at mga miyembro ng iba’t ibang pahayagan ng ating minamahal na pamantasan. Gayundin, aming taos pusong pasasalamat sa pamunuan ng Tarlac State University sa liderato ng ating napakabuting pangulo, Dr. Arnold Velasco at sa Vice President on Academic Affairs, Dr. Agnes Macaraeg. Amin ding lubos na pasasalamat sa lahat ng mga magaaral, lalong lalo na sa aming kolehiyo, gayundin sa lahat ng mga magaaral ng ating pamantasan kung kanino namin iniaalay ang obrang bunga ng aming puso’t isipan. Higit sa lahat, sa ating Dakilang Lumikha, sa lahat ng biyaya at paggabay na ating tinatamasa sa kabila ng mga hamon sa ating buhay.
Kulang man ang aming pahayagan sa mga kinakailangan, mahirap man gumalaw at humakbang para sa mga mas malaking bagay dahil limitado ang aming kakayahan, dakila naman at naguumapaw ang aming pasasalamat at pagmamahal para sa mga minamahal naming kapwa magaaral dito sa ating kolehiyo, ang Kolehiyo ng Pampublikong Pangangasiwa at Pamamahala. Tayo nawa ay huwag mapagod at umAKTO para sa ikabubuti ng bawat isa at sa ikauunlad ng kapakanan ng bawat tao dito sa mundong ibabaw.
Sumasainyo kaalinsabay ng mainit na pagpapasalamat,
Jan Latrell T. David Punong Patnugot
editorial board
JAN LATRELL DAVID
Editor-in-Chief
KATE TAGARA
Associate Editor-in-Chief
ROMALYN MACATIAG Managing Editor
DAVE GAMBOA New Editor
BERNIECE AGUAS Feature Editor
RIZZA IQUIN Sports Editor
JELLY URSUA
DevComm Editor
MARIO SUMAYA JR. Literary Editor
PAMELA CASTANEDA Layout Editor
FAIRY REYN CRUZ Graphics Editor
CARLO MANUBA
Senior Photojournalist
RALPH NIKKO GRANIL
Senior Photojournalist
BLESS ZAIREL MUNOZ
Senior Cartoonist
VIEN MAEREN JAVIER Junior Cartoonist
STEPHANIE CUNANAN
Junior Cartoonist
CORRESPONDENTS
JUSTINE LLOYD MARIANO |
RHINEN PULMANO | PHOEBE
CRYSTELE GUNAY | JAN KENNETH
ARCILLA | MISSY CORCUERA
| ARJANNA DEMORE | JAMILE
AQUINO | MICHAEL VENTENILLA
| SHANE GADI
CONTRIBUTORS
VALENTINO DUNGCA III | MARIZ
QUIZON | JOHN KEVIN SONE
|
KURT DARELL PUNO | IOMIE
CAIBIRAN | DENICE
ESTEBAN | NELSON
LANSANG JR.
| JOSEPH MAGAWAY
AKTO: ISSUE 1