Ang Gaseta

Page 1

pag-asa pagbasa sa

Catch-Up Fridays, implementado na sa Guiuan NHS

Binigyang implementasyon na ng Guiuan National High School ang programang CatchUp Fridays na inilunsad ng Department of Education nitong ika-2 ng Pebrero.

Batay sa DepEd Memorandum 001 s. 2024, ito ay isang programang naglalayong mapalaganap ang abilidad ng bawat mag-aaral sa larangan ng pagbabasa at matematika.

Alinsunod sa nasabing programa, nagsasagawa rin ng iba’t-ibang aktibidad ang GNHS tuwing Biyernes na naiuugnay sa National Reading Program

sa English at Filipino, maging ang National Numeracy Program.

Binigyang-diin din ng paaralan ang patungkol sa “integrative approach to teaching” at ang Drop Everything and Read (D.E.A.R.) na naaayon naman sa mga reading sessions.

“This is to respond to the needs of learners, especially now that we have more students who are struggling in terms of reading. Based on the result of the Program for International Student Assessment, it came out that Philippines is in the lowest that goes to show that most of our learners are very poor in terms

of reading comprehension. This will eventually help lessen the number of students who are struggling in literacy.” saad ni Master Teacher l Jocelyn Padel.

Ayon naman kay Genil Paderan, mag-aaral sa GNHS, ang programang ito ay epektibo sa kadahilanang nabibigyang pansin nito ang mga magaaral na naghihirap sa mga basic knowledge kagaya ng pagbabasa at pagsusuri.

Patuloy na isasagawa ng paaralan ang Catchup Friday kabilang ang Values, Health, at Peace Integration gamit ang temang (theme) na nakatalaga sa bawat markahan.

panig sa katotohanan TOMO III. BILANG 01. AGOSTO 2023-ABRIL 2024
ANG GASETA
OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN AT PANGKOMUNIDAD NG MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG GUIUAN GUIUAN, DIBISYON NG SILANGANG SAMAR, SILANGANG BISAYAS (R8)
ni Michelle Gayoso
BALITA OPINYON LATHALAIN AGTEK 3 13 17 Sining Tanghalan, ginanap ng Guiuan National High School Pupuntiryahin ang Konstitusyonal na Pagbabago Responsableng Pagbungkal Para sa Kalikasan at Ekonomiya
EDUK-AKSYON SA PAGBABASA. Masugid na sinusubayabayan ng guro na si Jocelyn Padel, Master Teacher I ng English Department ang kanyang mag-aaral sa pagsasagawa ng Catch-Up Friday kasabay ng pagtala ng antas ng pagbasa na nakuha ng mag-aaral.
Larawan kuha ni Irene Mercales

Dagaño: Planong magdagdag ng isang oras na remedial class para sa mga estudyante na non-proficient sa numeracy

Sinuhestyon ni Master Teacher II Jun Dagaño na dagdagan ng isang oras na klase sa hapon para matugunan ang mga studyanteng non-proficient sa numeracy sa ginanap na In-Service Training noong ika-28 ng Enero, 2024.

Ito ang naging tugon ni Jun Dagaño, Mathematics Teacher ng Guiuan National High School, aniya pa makakatulong ‘raw ito para takpan ang kakulangan ng mga estudyante pagdating sa numeracy.

“We are planning to intensify the remedial class by extending an hour in the afternoon for those students who are non-proficient in numeracy.” pahayag ni Dagaño.

“However we are having the Catch Up Fridays, we found it not enough to cover up the deficiency of the students who are deficient in numeracy because it is only integrative approach, so we cannot intensify that manner, the numeracy campaign for those non numerates.” Dagdag pa niya.

Samantalang nagsisimula na ang post reading assessment na mga studyanteng grade 7 hanggang grade 10, ayon sa Junior High School Literary teacher na si Carol Alipez.

“We are starting our post assessment from grade 7 to grade 10, it started last week.” Ang post assessment ay inaasahang matatapos sa ikalawang linggo ng Abril.

...we found it (CatchUp Fridays) not enough to cover up the deficiency of the students who are deficient in numeracy...

In-Service Training for Teaching Reading in English and Filipino para sa Catch-Up Fridays, isinagawa ng Language Department

Nagsagawa ng InService Training for Teaching Reading in English and Filipino at Orientation for Catch-Up Fridays ang mga guro ng Guiuan National High School na pinangunahan ng English at Filipino Department mula ika-29 ng Enero hanggang ika-30.

Sa pagtitipon na ito ay nagkaroon ng Orientation sa Phil-IRI Administration na pinangunahan ni Master Teacher Jocelyn Padel. Isinaad dito ang pagsusuri sa abilidad ng mga magaaral sa sekondarya sa larangan ng pagbabasa.

Nagbigay impormasyon naman si Teacher ll Carlo Mar Padullon patungkol sa mga Reading Process at The Art of Teaching Beginning Reading in English. Binigyan diin naman dito ang iba’t-

ibang estratehiya para sa epektibong pagbabasa. Nagkaroon din ng Oral Language Development and The Teaching of Speaking Skills at Teaching Reading Comprehension na ibinahagi ni Teacher ll Glaiza Oreo. Matapos ay nagsagawa rin ng Remedial Reading Manual si Master Teacher Carol Alipez.

“This is to respond to the needs of learners, especially now that we have more students who are struggling in terms of reading. Based on the result of the Program for International Student Assessment, it came out that Philippines is in the lowest that goes to show that most of our learners are very poor in terms of reading comprehension. This will eventually help lessen the number of students who are struggling in literacy”, saad

ni Master Teacher Jocelyn Padel.

“This professional development empowers teachers to enhance their reading instruction, leading to improved literacy outcomes for students and a more inclusive and effective learning environment”, dagdag ni Reading Coordinator at Master Teacher Carol Alipez.

Para sa ikalawang araw ay nagkaroon naman ng Demonstration Teaching sa English at Filipino na kung saan nakita ang aplikasyon sa mga ibinahaging Reading Strategies.

Samantala, magsisimula naman ang nasabing Catch-up Fridays ngayong Pebrero 2, 2024.

12- HE, tagumpay na nasungkit ang 100% passing rate sa NC II Assessment

Isinagawa ang dalawang araw na NC II Assessment para sa Food and Beverage Services o FBS sa paaralan ng Guiuan NHS na kinasangkutan ng Ikalabin dalawang baitang. nitong Enero 6 hanggang 7, 2024.

Pinangunahan ito nina

Fe Afable, bilang assessor at Christian Cabusas, isang TESDA representative.

Layunin ng assessment na ito na maging sertipikado ang isang mag-aaral bilang may kakayahan sa Food and Beverage Service.

Kinabibilangan ang mga

kasanayan na nais makamit ay ang table reservation, table service, wine service, table setting, room service at table napkin folding. Binigyang diin naman ni sir Joselito Sumook, class adviser ng 12 - FBS, ang kanyang payo at mensahe para mga susunod na kukuha ng FBS na strand. “Unang una ay kung pipili sila ng track ay pagisipan ito ng mabuti. Ikalawa, pahalagahan niya ang track na kukunin niya, maging consistent. Huli ay mahalin niya ang kursong pinili.”

DepEd: Dagdag na pagsasanay para sa pagpapatupad ng MATATAG Curriculum, kakailanganin

Patuloy na sasanayin

ng Department of Education (DepEd) ang mga instructional leaders para matiyak ang tamang pagpapatupad ng MATATAG Curriculum.

Sa mga darating na linggo, ang mga pagsasanay na pangungunahan ng central office ay ilulunsad sa mga rehiyon, sinabi ni

Vice President at Education

Secretary Sara Duterte sa talumpati noong ika 16 ng Pebrero sa National Summit ng MATATAG Curriculum Pilot implementers sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Ang dahan-dahang pagpapatupad ng kurikulum ay itinakda para sa School Year 2024-2025.

“Kailangan nating maipatupad nang maayos ang curriculum... Ang MATATAG curriculum, kapag naipatupad nang maayos sa napakahusay na mga guro sa larangan, ay lubos na makakasuporta sa ating learning recovery efforts at makatulong na mapabuti ang resulta ng pagkatuto ng mga estudyante,” ani Duterte. Nagpasalamat din siya sa 35 paaralan na nagpasimula ng kurikulum sa pitong rehiyon.

“Sa ngayon, mayroong limang paaralan sa bawat isa sa pitong rehiyon na nagpapatupad ng nasabing kurikulum, na may humigitkumulang 385 at 8,294 na kalahok na mga guro at mag-aaral, ayon sa pagkakabanggit.

Kabilang dito ang mga paaralan sa Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Caraga Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Visayas, at Soccsksargen.

Samantala, idinaos ng DepEd ang pambansang summit upang pagsamasamahin ang mga iniulat na hamon at alalahanin mula sa pilot na implementasyon ng MATATAG curriculum, tukuyin ang mga lakas na dapat mapanatili, at magkaroon ng “synchronized mechanism of support” para sa panukala.

pagtataguyod ng kagalingan ng mag-aaral, pagiging kasama ng pagkatuto, at positibo kapaligiran ng pag-aaral; at, Magbigay ng suporta para sa mga guro upang magturo nang mas mahusay.

“ “

This is to respond to the needs of learners, especially now that we have more students who are struggling in terms of reading.

100% passing rate para sa NC II Assessment, nakamit ng mga mag-aaral ng 12-EIM ng Guiuan NHS

Nagkaroon ng National Certification II Assessment sa Electrical Installation and Maintenance (EIM) ang paaralan ng Guiuan NHS na nakakamit ng 100% percent passing rate noong ika-anim hanggang ika-walo ng Enero, 2024.

Malugod na tinanggap ni G. Armon A. Gamalo ng Balangiga NAS ang pag-assess sa mga mag-aaral na nais makakuha ng sertipiko (NC II).

Unang sumalang ang unang Batch sa nasabing Assessment noong ika-anim ng Enero, sinundan ito ng ikalawang batch noong Enero 7 at ang panghuling batch naman nitong Enero 8, 2024. Layunin nitong makita ang pagiging hasa ng mag-aaral sa pagkokonekta ng kuryente at maging pakinabang ng lahat.

Ang benepisyong taglay ng Assessment na ito ay ang

mahasa ang kasanayan ng mag-aaral na konektado sa mga competencies, maging kapaki-pakinabang sa industriya, opurtunidad sa pagtatrabaho, at makuha ang sertipiko (NC II).

Ang TESDA certificate ay magsisilbing katibayan na ang isang mag-aaral ay certified TESDA passer at karapatdapat sa papasukang trabaho. Dumaan ang mga magaaral sa prosesong hinihingi ng TESDA. Sumailalim sila sa written test, online registration, practical activity at interview. “I think the secret as to why we were able to achieve the 100% passer is the determination and patience of the learners because by that can say that those are the most important factor wherein the students got the 100% passing rate.” saad naman ni sir Allan Abriol, Subject Teacher ng Grade 12- EIM students.

“Sa iyong mga pagsisikap sa pangunguna, sa iyong pakikilahok, nakakakuha kami ng mga kinakailangang insight at nakakakuha ng mga praktikal na pananaw sa mga hamon ng pagpapatupad at ang posibleng solusyon upang

Ang MATATAG Curriculum, na pinasimulan noong Setyembre noong nakaraang taon, ay naglalayong i-decongest ang curriculum at lutasin ang mga misplaced learning competencies mula Kinder hanggang Grade 10. Ang MATATAG ay nakatayo para sa “Gawaing may kaugnayan ang kurikulum upang makabuo ng mga mamamayang handa sa trabaho, Aktibo at responsableng mamamayan, Gumawa ng mga hakbang upang mapabilis ang paghahatid ng mga serbisyo sa pangunahing edukasyon at mga pasilidad ng probisyon; PANGALAGAAN ng mabuti ang mga mag-aaral sa

Sa iyong mga pagsisikap sa pangunguna, sa iyong pakikilahok, nakakakuha kami ng mga kinakailangang insight at nakakakuha ng mga praktikal na pananaw sa mga hamon ng pagpapatupad at ang posibleng solusyon upang matugunan iyon.

BALITA BALITA 2 3 TOMO III. BILANG 01. AGOSTO 2023-ABRIL 2024 TOMO III. BILANG 01. AGOSTO 2023-ABRIL 2024 OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN AT PANGKOMUNIDAD NG MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG GUIUAN OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN AT PANGKOMUNIDAD NG MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG GUIUAN GUIUAN, DIBISYON NG SILANGANG SAMAR, SILANGANG BISAYAS (R8) GUIUAN, DIBISYON NG SILANGANG SAMAR, SILANGANG BISAYAS (R8) panig sa katotohanan panig sa katotohanan DAGDAG ORAS?
ni Doxa Pareño ni Michelle Sheene Gayoso ni Michelle Sheene Gayoso ni Barbie Balondo ni Michelle Sheene Gayoso PARA SA IKABUBUTI PAGTALAKAY SA ESTRATEHIYA HANDA NA SA FBS BUNGA NG DETERMINASYON SOLUSYON SA PROBLEMA
TUTOK SA PAGBASA. Sa pagsisimula ng Catch-up Fridays, naging sentro ang pagpapabuti ng pag-unawa sa pagbasa. Larawan kuha ni Adrian Jay Sudario FOOD AND BEVERAGES SERVICES. Ipinakita ng mga mag-aaral ng 12-HE ang galing sa Food and Beverages Services upang makuha ang NCII noong ika-6 hanggang ika-8 ng Enero. Larawan mula kay AJ Sudario IN-SERVICE TRAINING. Pagkatapos talakayin ang mga paksa, nagkaroon ng pagpapakitang-turo ang ilan sa mga piniling guro para sa aplikasyon ng mga natutuhang topiko. Pinangunahan ng mga Master teachers na sina maam Catalina Capanang, Monica R. Delleva, Elenita Bagares, Jocelyn Padel, Carol Alipez at Myra Luz Altar bilang mga panel observer sa ginawang In-service training na ginanap noong ika-29 ng Enero. 2024. Larawan kuha ni Nicole Talipan NUMERACY. Pangunahing pinag-usapan ng mga guro ng Guiuan National High School, Senior High at Junior High na mga guro ang pagpapaigting sa pagkakaroon ng sapat na oras sa pagbibigay ng atensyon pagkwekwenta sa matimatika sa pangunguna ni sir Jun Dagaño, Numeracy Coordinator noong ika-28 ng Enero, 2024. Larawan kuha ni Irene Mercales

Naglunsad ng Pansangay na Pagsasanay para sa mga Tagasanay at Kampus Jornalists ang Dibisyon ng Eastern Samar na ginanap sa Guiuan National High School nitong ika-8 hanggang 9 ng Marso.

Umabot sa kabuoan ng 1,605 na campus journalists kasama ang mga School Paper Advisers ang dumalo sa nasabing pagsasanay mula sa iba’t-ibang paaralan na sakop ng Eastern Samar.

Dumalo rin ang ilang panauhing pandangal kabilang ang Schools Division Superintendent, Gorgonio Diaz, Jr., PhD, CESO V, ang OIC-Assistant Schools Division Superintendent, Atty. Calick Arrieta, CID Chief Nicolas Baylan, Secondary School Paper Coordinator at Education Program Supervisor, Marcosa A. Lavado.

“We cannot settle for less, we really have to strive hard, and we really have to aim for gold”, pahayag ni Atty. Arrieta.

“Yung rehistrasyon, pagkain at transportasyon ay hindi na dapat pinoproblema ng bata, that is the duty of the School Head”, pagbibigay-diin niya.

Matapos ang opening program ay agarang nagkaroon ng pagsasanay para sa iba’t-ibang kategorya na sinundan ng mga workshop upang binigyang aplikasyon ng mga journalists ang mga natutuhan.

“I learned more about the specific rubrics and rules when creating a certain page for the paper”, saad ni Warren Riveral, mamamahayag ng The Guiuan Gazette.

Bago magtapos, nagsagawa naman ng awarding para sa top 5 best output sa individual categories at top 3 naman sa group categories kung saan nagtala bilang kampeon ang Can-avid sa isinagawang dalawang araw ng pagsasanay.

Guiuan National High School, tumanggap ng mga gurong nagsasanay mula sa ESSU Guiuan

Nagsimula ang practice teaching ng mga 4th year Education Students ng Eastern Samar State University (ESSU), Guiuan, nitong ika-13 ng Pebrero, 2024 sa Guiuan National High School.

Dumating ang mahigit 30 na education student ng Eastern Samar State University (ESSU) na may labindalawang (12) BSED-English, walong (8)

BTED na may dalawang (2) major sa HE at anim (6) na major sa ICT, kasama ang apat (4) na BSED-Filipino, at anim (6) na major Social Studies.

“Ang mga karanasan ko dito sa paaralan ay marami

akong nalaman at natutuhan bilang practice teacher, at ang bad side para sa akin kung paano maka coop sa mga studyante lalo na kung marami at mahirap masaway. Madami akong natutuhan lalo na sa lesson planning” ayon kay Maricel C. Mahinay, isang gurong nagsasanay. Dagdag pa niya “nakakatulong ito sa amin na mas mahasa ang aming kakayahan sa pagtuturo at bago paman kami makapunta sa field”.

“Bilang critique teacher, isang kagalakan ang mabigyan ng gurong nagsasanay sapagkat naipapakita ko

ang mga karampatang mga estratehiya na pwedeng magamit niya sa tunay na mundo ng pagtuturo,” ayon kay Gng. Nenita D. Salazar, isa sa mga gurong tagasanay. “Sa pagtuturo, makikita na mahalaga ang maging malikhain ang guro sa pagtuturo upang ang iyong mga mag-aaral ay hindi mabagot at magsanhi ito ng pagliban sa klase, kaya malaking tulong sa mga gurong nagsasanay na makita nila at mai-aplay sa totoong mundo ng pagtuturo ang kanilang matutuhan dito”, dagdag pa ni Salazar.

“ We cannot settle for less, we really have to strive hard, and we really have to aim for gold.

Naglunsad ng Sining Tanghalan ang Guiuan National High School na may temang “

PADAYON: Unifying a Resilient Community Through 21st Century Learners Preserving Culture and Tradition in Promoting Health and Welfare Through Dance” sa Guiuan Cultural Center, kahapon, Pebrero 4, 2024.

Ito ay kaugnay sa adbokasiya ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) maging ang 2024 National Arts Month ngayong buwan ng Pebrero.

Ang nasabing kompetisyon sa street dancing at Balye sa Kalye ay kinabibilangan ng mga magaaral sa ikalabindalawang baitang sa iba’t ibang

11-HE, National Certification Level II Assessment na bitbit ang 100% passing rate

ni Barbie Balondo TESDA-CERTIFIED

Nagdaos ng tatlong araw na NC II Assessment para sa mag-aaral ng cookery noong Marso 10 hanggang 12, 2024 sa Guiuan National High School na nakatamo ng 100 passing rate.

Taos-pusong tinanggap nina Pepito C. Abrogar, TESDA representative, Dindo C. Edradan, assessor at Samuel Judd D. Esquierdo, assessment center member bilang mga tagahusga sa mga output na ginawa ng mga mag-aaral na nais makakuha ng sertipiko. Ang TESDA Certificate ay magsisilbing patunay na ang isang mag-aaral ay certified TESDA passer at angkop sa

kanyang papasukang trabaho.

Binigyang diin ng adviser ng cookery II na si ma’am Glenda Ibarra ang kahalagahan at mga benepisyo ng pagkakaroon ng TESDA certificate. “The objectives of these assessment first is to teach nutrition education such as planning meals and make smarter food choices, second is to provide opportunities for employment here in the Philippines and abroad” pagiisa-isa ni Ibarra.

“If you are really not sure if you will be able to pursue any degree after Senior High or if you want to earn money immediately after graduation, then this track is for you. Even without college Technical

If you are really not sure if you will be able to pursue any degree after Senior High or if you want to earn money immediately after graduation, then this track is for you.

seksyon at strand ng GNHS.

Ayon kay Sydney James Abulencia, magaaral ng Grade 12 HUMSS 4, “Para ha akon, an pagparticipate ko hini nga event, mas nabo-boost it amon confident ngan hiton amon skills through hiton mga different activities or sugad hini nga competition kun baga, mas mapapakita mo it im kapas or it im kaya nga dire mo gud napapakita ha iba.”

“Nakakaexcite, at the same time nakakakulba, “dagdag ni Ann Mary Criz Parambita, mag-aaral sa ABM.

“I would like to express my sincerest gratitude

to all of my Grade 12 students. Thank you for your cooperation kay kun waray kamo kooperar hini, dire ini magiging succesful nga sugad hini nga event. Thank you haiyo, han mga piraw, han ngatanan thank you,” saad ni Teacher ll, Felmark Duran.

“Basta it akon naman ha iyo padayon la kamo mag reach hit iyo dreams in life despite of all the challenges nga iyo gin-eencounter, padayon Grade 12,” dagdag pa niya.

Kabilang sa pag-organisa ng event na ito ang GNHS teaching at non-teaching staff, Guiuan North District Supervisor, maging ang LGU-Guiuan.

BALITA 4 5 TOMO III. BILANG 01. AGOSTO 2023-ABRIL 2024 OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN AT PANGKOMUNIDAD NG MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG GUIUAN GUIUAN, DIBISYON NG SILANGANG SAMAR, SILANGANG BISAYAS (R8) panig sa katotohanan YUGYOG AT INDAK Sining Tanghalan, tampok sa Guiuan National High School ni Brenn Acebias BAYLE SA KALYE
OPORTUNIDAD
ni Andrie Alday
PAGBIBIGAY
GURONG NAGSASANAY. Nagpakitang-turo sa Grade 11-ABM 1 ni Miss Angel Baldelomar, isang gurong nagsasanay mula sa Eastern Samar State University (ESSU) na kumukuha ng Bachelor of Secondary Education (BSED) major in English.Larawan mula kay Mhel Neithaniel Padel BINIGYANG BUHAY NG BAYLE ANG KALYE! Isinagawa ang sayaw sa lansangan at ipinamalas ng mga mag-aaral ng Ikalabing dalawa ang galing sa pagsayaw. Ginanap noong ika-3 ng Febrero, 2024. Larawan mula kay J. Terencio
Vocational Track will equipped you with job-ready skills in the future”, mensahe pa ni Ibarra.
ASSESSORS, TESDA REPRESENTATIVE AT GRADE 11-HE STUDENTS. Pagpapakitang-gilas ng mga mag-aaral ng 11-HE upang makakuha ng sertipiko (NC II) na magsisilbing karapat-dapat sa papasukang trabaho. Larawan mula kay AJ Sudario

Sa kasalukuyang panahon, ang usapin ng Charter Change ay laging napapagitnaan ng mga pulitiko at mamamayan. Bilang isang mamamayang Pilipino, nananatili kaming hindi sang-ayon sa Charter Change.

Isang pangunahing dahilan kung bakit hindi kami sang-ayon sa Charter Change ay ang posibleng panganib nito sa ating demokrasya. Ayon sa Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), ang Charter Change ay maaaring magdulot ng pagbubukas ng pintuan sa mga politiko upang palakasin ang kanilang kapangyarihan at kontrol sa pamahalaan. Hindi natin dapat ipaalam na ang kapangyarihan ay dapat lamang mapanatili sa mga may kakayahan at hindi sa iilang mapanganib na kamay.

Ang pangalawang dahilan kung bakit hindi kami sumusuporta sa Charter Change ay ang potensyal nitong magdulot ng di-mabilang na kaguluhan at hidwaan sa ating lipunan. Ayon sa Ateneo Policy Center, ang mga pagbabagong ito ay maaaring magdulot ng mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga sektor ng lipunan, lalo na sa usapin ng teritoryo at mga karapatan ng mga mamamayan. Hindi tayo dapat pumayag na ang ating bayan ay magdusa sa mga di-inaasahang kaguluhan dulot ng Charter Change.

Isa pang malaking kadahilanan kung bakit dapat tayo mag-ingat sa Charter Change ay ang banta nito sa ating ekonomiya. Ayon sa World Bank, ang anumang instability sa politika ay maaaring magdulot ng kawalan ng tiwala mula sa mga dayuhan na mamuhunan sa ating bansa. Hindi natin dapat pahintulutan na ang mga pagbabagong ito ay magdulot ng pagbagsak sa ating ekonomiya at pagdulot ng mas maraming kahirapan sa ating mga kababayan.

Sa kabuuan, hindi maitatangging ang Charter Change ay may potensyal na magdulot ng pagbabago sa ating bansa. Gayunpaman, ang mga panganib at banta na kaakibat nito ay hindi dapat balewalain. Kailangan nating maging mapanuri at mapagmatyag sa mga posibleng epekto nito sa ating lipunan, ekonomiya, at demokrasya. Ang ating kinabukasan ay nakasalalay sa mga desisyong ating gagawin ngayon. Kaya’t huwag nating ipagpalit ang kalayaan at kasarinlan sa ilang pangakong walang kasiguraduhan.

Kailangan nating maging mapanuri at mapagmatyag sa mga posibleng epekto nito sa ating lipunan, ekonomiya, at demokrasya.

Catch-up Friday, Dagdag Pasanin?

M

araming naninibago sa mga guro at estudyante sa bagong programang ipinatupad ng Department of Education (DepEd) na Catch-Up Fridays. Ang programang ito ay isinasagawa lamang tuwing Biyernes upang tulungan ang mga mag-aaral. Dahil nga sa bago lang ito, ayon sa Philstar Global (2024), may ilang mga mag-aaral na hindi naeengganyong pumasok tuwing Biyernes, dahilan upang isipin ng ibang guro na tanggalin na lamang ito. Para sa ibang mga mag-aaral, ito ay pagsasayang lamang ng oras lalo na’t kulang din ang mga paaralan sa mga babasahing materyales na aangkop sa programang ito. Kaya naman maraming hindi sangayon sa programang ito.

Randy Wayne B. Yawn Jr.

John Carlo F. Tabernero

Steve B. Marquito

Cris Raymond I. Salamida TAGAAYOS NG PAHAYAGAN: Tagapangasiwa ng Pag-aayos ng

Pahayagan: Brenn A. Acebias

Justine Dave A. Landrito

LUPON NG MGA TAGAPAGBALITA

Tagapangasiwa, Tagapagbalita: Adriel James S. Dalogdog

Mga Tagapagbalita: Prescious Angel D. Gaytana

Jessabel D. Salamida

Kovi Matt L. Price

Christyle L. Macasil

Krestello Clement M. Paylangco

Mark Joshua L. Vasquez

Niño Arian G. Tombalasa

Kristel Ann C. Sagales

Andrei L. Alday

Kristine Kimberly Ecleo

Sherlyn B. Padriquez

Jerosa Mae C. Iglopas

Mga Manunulat: Hershy S. Atinto

Brando De Angelo Bagasin

Mea Joyce L. Abuda

Mark Paul D. Macapañas

Arriane Kyle D. Nadores

Jean Rose V. Labutap

Kontribyutor:

Shamika R. Yodico

Jermel L. Adora

Angelica S. Labide

Jhyllianne Vienne A. Cuadra

Barbie Balondo

Limuel Badar

Mga Tagapayo:

Nenita D. Salazar

Monica R. Delleva

Armando P. Omlang

Marjiore P. Roncales

Konsultant: Benjamin P. Campomanes, SPIV

“A learning mechanism intended to strengthen the foundational, social, and other relevant skills necessary to actualize the intent of the basic education curriculum,” ito ay ayon sa DepEd sa pahayag patungkol sa Catch-Up Friday.

Sa utos ng Presidente ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos Jr. at sa pangunguna Pangalawang Pangulo at Kalihim ng Departamento ng Edukasyon na si VP Sara Duterte, ipinatupad nila ito mapaunlad ang kalidad ng pagtuturo sa bawat paaralan na nasa ilalim ng DepEd.

Ang Catch-Up Friday at inimplementa ng DepEd sa kadahilanang maraming magaaral ang nangangailangan ng atensiyon at oras upang matutuhan ang mga bagaybagay at mapaganda pa ang kanilang kakayahang magbasa at makaintindi. Maraming benepisyong makukuha rito

Sang mga mag-aaral. Unang-una lahat, mas mabibigyan sila ng pagkakataon na maturuan ng mga guro gamit ang iba’tibang paraan sapagkat ang programang ito ay hindi lamang para sa mga non-readers kundi pati na rin sa ibang estudyante ba marunong magbasa (Philstar Global, 2024). Ang paraang ito ay nais matulungan ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay leksiyon sa mga espisipikong interes at pangangailangan nila. Isa pa, halos alam ng nakararami na ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may maraming illiterate o mga indibidwal ba hirap sa pagbabasa, pagsusulat, at kahit na sa pagbibilang. Kung ipagpapatuloy ang programang ito, tiyak na masosolusyonan ng bansa ang problemang ito. Dahil ang programang Catch-Up Friday ay naglalayong mapaayos nito ang

performance pang-akademiko ng mga estudyante at mas maging aktibo pagdating sa paaralan. Mas mainam din na habang maaga pa ay maturuan kaagad ang mga mag-aaral upang hindi sila gaanong mahirapan paglaki nito.

Marami man ang nakikitang problema sa programang ito ganoon din sa bilang ng mga taong hindi sang-ayon dito, hindi pa rin ibig sabihin na ititigil na ang pagpapatupad sa nasabing programa. Dahil kung titingnan natin nang maayos, mas maraming benepisyo o magagandang epekto ang makukuha ng lahat pagdating ng tamang panahon. Makatutulong din ito upang lumago ang ating bansa dahil mas malaking opurtunidad ang naghihintay sa bawat isa. Paunti-unti ring mababawasan ang bilang ng mga indibidwal na illiterate.

Pagkilos Laban sa Hamon ng Climate Change

a harap ng bumibilis na pagbabago ng klima, ang mundo ay nasa isang kritikal na sandali kung saan ang desisyong aksyon ay hindi lamang opsiyon kundi isang agarang pangangailangan. Ang ating mundo ay mabilis na nagbabago dahil sa init nito. Hindi na ito oras para maghintay, kailangan na nating kumilos agad. Alam natin na ang masamang epekto ng pag-init ng mundo ay nararamdaman na natin, tulad ng matinding ulan at sobrang init ng panahon. Kailangan na nating gawin ang ating bahagi para protektahan ang ating planeta para sa susunod pa na mga henerasyon.

Una, dapat nating tanggapin na tayo mismo ang may kasalanan sa pag-init ng mundo. Ang paggamit natin ng mga bagay na naglalabas ng maruming hangin, tulad ng mga sasakyan at pabrika, ay nagdudulot ng problema. Kaya dapat nating baguhin ang ating paraan ng pamumuhay. Pangalawa, dapat tayo ay magtulungan upang bawasan ang anumang bagay na nagdadagdag sa init ng mundo. Puwede nating subukang gumamit ng mas kaunting gasolina o kaya ay maglakad o magbisikleta na lang papunta sa ating pupuntahan. Malaki na ang maitutulong natin kahit sa simpleng paraan lamang.

Pangatlo, mahalaga rin na tulungan natin ang mga komunidad na lubos na naapektuhan ng pag-init ng mundo, tulad ng mga taong mahirap at mga katutubo.

Dapat natin silang bigyan ng tulong upang makabangon at magkaroon ng mas maayos na buhay sa kabila ng mga problemang ito. Sa huli, mahalaga ang edukasyon at pagpapalawak ng kamalayan tungkol sa problemang ito. Kailangan nating ipaalam sa lahat kung gaano kahalaga ang ating mga hakbang para makatulong sa pagsugpo ng pag-init ng mundo. Hindi lamang tayo magiging mas maalam, ngunit magkakaroon din tayo ng mas malawak na pag-unawa sa ating tungkulin bilang mamamayan ng mundo.

Sa maikling salita, dapat na tayong kumilos upang protektahan ang ating mundo mula sa pag-init. Lahat tayo ay may bahagi sa solusyon, at hindi natin dapat ipagwalang-bahala ang problema na ito. Hindi natin hahayaang masira ang ating planeta, tayo ang magtutulungan upang ito ay mapanatili para sa susunod na henerasyon!

...kung titingnan natin nang maayos, mas maraming benepisyo o magagandang epekto ang makukuha ng lahat pagdating ng tamang panahon.

“ “

Kailangan nating ipaalam sa lahat kung gaano kahalaga ang ating mga hakbang para makatulong sa pagsugpo ng pag-init ng mundo.

Magandang araw, Gaseta! Nais kong ipahatid ang aking pagbati sa mga kawani nitong pahayagang sa pamamagitan ng sulat na ito. Ipinagmamalaki kong sabihin na hango sa mga nilalaman ng pahayagan na ito Ang Gaseta, ang mga bagong kaalaman na nakalap ko kamakailan. Napaka-impormatibo ng mga artikulo, kawili-wili ang mga lathalain, at nakaaakit ang mga guhit, layout, at mga litrato. Talagang nararapat ng karangalan ang bawat manunulat at miyembro nitong pahayagan. Good luck sa mga susunod na hakbang, at nawa’y pagpalain ang bawat miyembro, at ang buong pahayagan, lalo na sa paparating na DSSPC at RSPC. Ipagpatuloy ninyong maghatid ng kaalaman at balita sa inyong kapwa

Magandang Araw! Kami po ay nagagalak ay hindi maiitago ang aming kasiyahan dahil sa iyong ipinadalang mensahe at pagbati. Napakasarap sa pakiramdam na kasama nyo kami sa pagsusumikap na ito. Natutuwa akong malaman nan a ang mga impormasyong matatagpuan sa Ang Gaseta ay kapakipakinabang at malabuluhan. Ngayong darating na DSSPC at RSPC ipinangangako naming na gagawin naming ang aming makakaya upang makamit ang mga parangal at makapagbigay ng karangalan sa ating paaralan. Lubos kaming nagpapasalamat sa taos-puso ninyong pagtulong at inaasahan naming ang inyong patuloy na pagsuporta sa paaralan.

OPINYON OPINYON 6 7 TOMO III. BILANG 01. AGOSTO 2023-ABRIL 2024 TOMO III. BILANG 01. AGOSTO 2023-ABRIL 2024 OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN AT PANGKOMUNIDAD NG MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG GUIUAN OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN AT PANGKOMUNIDAD NG MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG GUIUAN GUIUAN, DIBISYON NG SILANGANG SAMAR, SILANGANG BISAYAS (R8) GUIUAN, DIBISYON NG SILANGANG SAMAR, SILANGANG BISAYAS (R8) panig sa katotohanan panig sa
EDITORYAL PAGPAPAKATOTOO MAKAKALIKASAN LIHAM SA PATNUGOT Lubos na gumagalang, nagpapasalamat, at nagmamahal, Lo, Jomella, 11 – STEM 2
katotohanan
Nagmamahal, Ainel Delantar,Punong Patnugot-Ang Gaseta Pupuntiryahin ang Konstitusyonal na Pagbabago: lupon ng patnugutan sy 2023-2024 Isang Mahalagang Hamon sa Kinabukasan ng Bansa
mag-aaral,
salamat sa lahat ng
Laban! Punong Patnugot: Ainel Benedict T. Delantar Pangalawang Patnugot: Jasmin Jay S. Flores Tagapangasiwa ng Editor: Ivy Anne C. Balagbis Tagapangasiwa ng Sirkulasyon: Doxa Abigail M. Pareño SEKSYON NG EDITOR Editor ng Balita: Michelle Sheene Gayoso Editor ng Lathalain: Jellyn L. Delantar at Jessabel Goden Editor ng Isports: Christian E. Ogaro Editor ng Agham at Teknolohiya: Carnea Kit Hermione A. Navidad Editor ng Kolum: Tanesha Mae E. Yape DEPARTMENTO NG PAGLIKHA Tagapangasiwa ng Larawan: Mhel Nethaniel A. Padel Rod C. Cablao Tagakuha ng Larawan: Adrian Jay O. Sudario Angel Joy O. Garbosa LUPON NG KARTUNISTA Tagapangasiwa ng
James
at
iyong kontribusyon sa ating paaralan.
Kartun:
I. Ignacio
Kartunista: Scott John Kian A. Tan
Tagakuha ng Bidyo: James D. del Valle CJ Emmanuel
Yape
A.
ni Angelica Labide ni Hannah Grace V. Dimaangay Guhit ni James Ignacio Guhit ni James Ignacio

MATATAG Agenda: Solusyon nga ba?

Hindi importante kung magaling ka o hindi, kinakailangan mo lang ng maayos na kurikulum. Kaya’t ipinatupad noong 2023 ang MATATAG AGENDA kasabay ng pagpapakilala ng “MATATAG: Bansang Makabata, Batang Makabansa”. Sakop nito ang layunin na mapasok ang basic education sa lahat ng elementarya at sekondarya, kabilang ang moral at pagiging responsableng mamamayan ng bansa. Ang Catch-up Friday at pagbabalik ng school calendar ay isa sa mga programa sa ilalim ng agenda na ito, ito ang kanilang naturingan na solusyon upang matulungang humabol ang mga estudyante at magkaroon ng ekwal na kompetisyon.

Sa tingin mo!, hindi ba nakakatamad magtalakay ng leksiyon na pinag-aralan mo naman na? Maraming estudyante ang hindi makasabay sa leksiyon dahil hindi sila natutukan sa basic education.

Kung ating titingnan ang paligid simula ng magpandemya, mas lalong lumala ang isyu sa edukasyon ayon sa PISA result 2022, kung saan tayo ay nasa ranggo ng 77th. Ito ay nagpapatunay lamang na mahina tayo sa larangan ng pabasa (comprehension), matematika, at siyentipiko. Kung hindi natin ito susulusyunan ngayon, kailan pa? Ayon nga kay Vice President Sara, “There is no denying that many of these problems are deeply ingrained in our basic education system, and some are deeply rooted in the reprehensive culture of corruption searing through the future of our learners. The MATATAG Agenda hopes to stop the bleeding.” Nagpapatunay

lamang na hindi kabuuang solusyon ngunit maaari itong maging malaking hakbang kung seseryosohin at isasapuso ang programa.

Subalit meron ding mga aspeto ang apektado sa Agendang ito kagaya ng imbes na magkaroon ng tuloy-tuloy na pagtatalakay puputulin ito para ibalik ka sa basic education. Ilan sa mga estudyante ng STE ay nagsasabi “some of us maybe nangangailangan pero kami hindi naman, like bumabalik nalang naman tayo sa square 1 pag ganoon nakakatamad na, as well as sa calendar nayan, they are rushing the student to do something that to the point na hindi na sila natututo”, Sa paniniwala naman ng guro wala itong gamit kung hindi naman interesado ang mga estudyante, tingnan niyo nalang bakit hindi sila marunong magbasa hanggang ngayon dapat sa elementarya natuto na sila, “laziness is a

disease dapat silang tumayo sa kanilang sariling paa dahil pagdating naman sa sekandarya ay hindi na dito pinagtutuunan ng pansin ang basic education”. Isa pa sa komplikasyon nito ay ang mga pasilidad na gagamitin, mga materyales na kakailanganin. Kung walang pagkakaisa hindi pa rin ito magibibigay ng maayos na resulta.

Sa dami ng komplikasyon nito pumapabor pa rin ako sa programang ito. Maaring marunong na ako ngunit ano ang gamit ng aking karunungan kung ako lang mag-isa? ika nga nila “No man is an island” Mas nanaisin ko na makita na lahat kami ay natututo at nagpapakitang gilas kaysa naman na ako lang mag-isa ang natututo.

Kung ating susuportahan ang Agendang ito, maari itong maging isang malaking hakbang sa ating lahat upang umunlad at lumago sa edukasyon sa bansa.

A

Nagpapatunay lamang na hindi kabuuang solusyon ngunit maaari itong maging malaking hakbang kung seseryosohin at isasapuso ang programa.

BUKAS NA LIHAM Tigilan na ang pang-aabuso ng Tsina sa Bansa

Ang liham na ito ay taos-pusong isinulat na may magandang hangarin at layunin sa kapuwa. Ito ay para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Matagal na pong nababalot ng agresyong Tsino ang ating karagatan. Ang kanilang pagpapalakas ng mga militar na pasilidad, pag-angkin sa mga isla at teritoryo na pasakop sa atin, at ang walang habas na pangingisda sa ating mga eksklusibong ekonomikong sona ay hindi lamang paglabag sa ating soberanya kundi isang malaking hamon sa ating seguridad at kaayusan.

Napapanahon na pong kumilos upang ipagtanggol ang ating teritoryo at protektahan ang karapatan ng ating mga mamamayan. Hindi natin maaaring hayaang patuloy na durugin ng dayuhan ang ating mga karapatan at dignidad bilang isang bansa.

Sa harap ng patuloy na paglabag ng Tsina sa ating soberanya, nananawagan ako sa inyo na magsagawa ng mga hakbang upang ipanawagan ang ating karapatan sa West Philippine Sea. Ang ating boses bilang isang bansa ay dapat ipakilala sa pandaigdigang komunidad. Mangyaring isulong ang mga diplomatic na paraan upang magkaroon ng makatarungang solusyon sa sitwasyon na ito.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang ating mga ninuno na ipagtanggol ang ating teritoryo at karapatan. Sa panahon ng krisis, kinakailangan nating magsama-sama at magkaisa bilang isang bansa upang labanan ang mga pwersang nagnanais na saktan at apihin tayo.

Guiuan Para sa Inklusibong Paaralan

“...accepted by us, not just tolerated.” Catriona Gray

Talamak parin ang diskriminasyon sa ilan pang mga paaralan dito sa Pilipinas, sadyang may iilan paring di magawang yakapin ang pagkaka-iba iba ng bawat tao. Sa ganitong estado, bukas na nga ba talaga ang bawat pambublikong paaralan sa lahat ng mga estudyante, ano man ang kanilang kasarian, ekspresyon, kultura, relihiyon, katayuan sa lipunan o may kapansanan? May mga nagbago na nga ba matapos magbaba ng ilang ordinansa patungkol dito ang Department of Education (DepEd)? Ano nga ba ang usaping Inclusivity at bakit ito kailangang pag-usapan?

Ang Inclusivity ay patungkol sa pagkakaroon ng pantay pantay na trato sa bawat tao ano man ang kanilang paniniwala at katayuan sa lipunan. Tumutukoy ito sa pagkakaisa at pagwawakas sa ano mang uri ng diskriminasyon. Isa sa mga dapat maunawaan ng lahat na ang pagkakaroon ng inklusibong kumunidad ay hindi lamang pagbibigay pribilehiyo sa iilan bagkus pantay pantay na karapatan para sa lahat. Dito sa Guiuan National Highschool, tuluyan na ngang pinahintulutan ang mga transgender at ilan pang kabilang sa LGBTQIA+ community na magsuot ng uniporme kung saan sila mas komportable, bukod rito, malaya na rin silang pahabain ang kanilang mga buhok, kinakailangan lamang na mayroon itong permiso sa mga kinauukulan partikular na sa prinsipal ng paaralan.

Colored Hair Dress Code Policy: Balakid nga ba sa mga mag-aaral?

ng paggamit ng pangkulay ng buhok ay karaniwan sa parehong mga kasarian, ngayon milyon-milyong gumagamit nito. Ang pangkulay ng buhok ay ginagawa hindi lamang ng mga propesyonal, kundi pati na rin ng isang tanyag na cosmetic procedure sa bahay. Ang pagpapalit ng kulay ng buhok ng isang tao ay naging trend ng kagandahan sa mga nakalipas na panahon.

Ang kulay ng buhok ay isang anyo ng pagpapakita ng sariling katangian. Napakaraming masasayang kulay at posibilidad na tuklasin gamit ang pangkulay ng buhok. Ito ay maaaring maging isang masaya at kapana-panabik na paraan upang baguhin ang hitsura at maging mas maganda ang pakiramdam tungkol sa sarili. Sa bansang Pilipinas, ang pagkakaroon ng artipisyal na kulay na buhok ay hindi pa ganoong tanggap ang ganoong disenyong pampisikal. Naging isyu ang patakaran sa buhok sa mga paaralan ay matagal nang debate sa mga administrador ng paaralan, mga magulang, at mga magaaral. Karamihan sa mga paaralan ay hindi pinapayagan ang makulay na buhok maliban kung ito ay isang natural na kulay, dahil sinasabi nila na ito ay isang “pagkaabala” sa ibang mga mag-aaral at ginagawang masama ang kalagayan paaralan. Ang ilan ay naniniwala na ang patakaran sa buhok ng isang indibidwal ay dapat pabayaan, habang ang iba ay nangangatuwiran na ang mga paaralan ay dapat magkaroon ng mga regulasyon na dapat sundin.

“ “ “ “

May ilang mga programa na rin para sa mga may kapansanan tulad ng Special Needs Education Program (SNED) ang ngayo’y sinisimulang bigyang pansin ng paaralan, isinasaalang alang nito ang mga estudyanteng may problema sa pandinig, paningin at iba pa. Layunin ng programang itong bigyang pansin at suporta ang mga mag-aaral na may disabilidad. May mga programa na ring naglalayong mapabuti ang lahat ng mga mag-aaral, kaugnay na rito ang Matatag Agenda Curriculum na inilunsad ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte. Ang pangunahing pokus ng programang ito ay matutukan ang mga batang nahihirapang bumasa at magbilang. Ngunit sapat na nga ba ang mga programang ito upang tuluyang matawag na inklusibo ang paaralan ng Guiuan National High School?

“Para sa akin, hindi pa sapat ang mga ibinabang programa, pero masaya ako dahil sa limang taon kong pag-aaral dito, nagkaroon na din ng progreso ang mataas na paaralan ng Guiuan sa usaping pagiging inklusibo.” Pahayag ni Jacob Guimbaolibot, kabilang sa LGBTQIA+ community na kasalukuyan din nag-aaral sa Guiuan National High School. Ang pag-unlad ay nagsisimula sa paunti unti, kung kaya’t magandang indikasyon itong doon na patungo ang mataas na paaralan ng Guiuan. Maraming mag-aaral ang naghihintay pa rin na tuluyan silang tanggapin at malayang makilahok sa kahit na ano ng hindi nangangambang makutya o mahusgahan. Buksan natin ang pintuan tungo sa mas malaya at masayang paaralan para sa lahat.

nangangambang makutya o mahusgahan.

Masasabing isa sa mga pinakakontrobersyal na patakaran sa dress code ng paaralan ay ang “colored hair dress code policy” na mayroong hindi mabilang na mga negatibong impluwensya sa kultura ngayon at ang mga paaralan ay madalas na nahihirapan sa paghahanap ng balanse sa pagpapaalam sa mga mag-aaral na ipakita ang kanilang sarili at pagpapanatili ng kaayusan sa paaralan.

SNakasaad sa Article III, Section 4 ng 1987 Constitution na, “No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances”. Nagpapahayag ito na may karapatan tayong magpahayag ng sarili. Para sa ibang tao, ang pagkulay ng buhok ay paraan nila upang ilabas ang kanilang pagkamalikhain. Sa pagpapakulay ng buhok, mas nabibigyang kakayahan ang mga mag-aaral ipahayag ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kulay at istilo ng buhok at maaaring makatulong ang pagpapakita ng totoong sarili na maayos ang isyung ito. Ang pagpayag sa ganitong paraan ng pagpapahayag ng sarili ay maaaring mapalakas ang kumpiyansa at pagkamalikhain ng mag-aaral, mapabuti ang kalusugan sa pag-iisip, at gawing mas malugod ang kapaligiran ng paaralan sa lahat.

Ang mga mag-aaral ay sinasabihan na sila ay pinapayagan lamang na magpakulay ng kanilang buhok ng ‘natural’ na mga kulay, kayumanggi, itim, blonde at pula. Ang anumang ‘hindi natural’ na mga kulay ay hindi pinapayagan dahil ang mga ito ay itinuturing na ‘nakagagambala’ sa ibang mga bata. Ang indibidwalidad at kalayaan sa pagpapahayag ay isang mahalagang bahagi ng paglago at pag-unlad. Ang isang bata ay dapat na malayang makapagpahayag ng kanyang sarili sa anumang paraan na hindi makakasakit sa kanilang sarili o sa ibang tao. Normal sa mga public school ang pagkakaroon ng iba’t ibang katangiang pisikal, may mga batang na nagmula sa lahat ng antas ng pamumuhay, na may iba’t ibang kulay ng balat, iba’t ibang laki, at iba’t ibang paniniwala, at paraang ng pagtanggap kung sino sila. Hindi binabago ng kulay ng buhok ng isang bata ang kanilang kahandaang matuto, o ang mga estudyanteng nasa tabi nila. Sa kabila ng lahat, ang kulay at haba ng buhok ay hindi nakakaapekto sa akademikong pagganap ng isang magaaral. Ang pagpapakita at pagpapahayag ng sarili ay hindi lamang at hindi dapat limitado sa kulay ng buhok. Ang pagkulay ng buhok ay hindi tumutukoy sa moralidad na kung ano ang mayroon sa isang mag-aaral.

Ang isang bata ay dapat na malayang makapagpahayag ng kanyang sarili sa anumang paraan na hindi makakasakit sa kanilang sarili o sa ibang tao. Hindi binabago ng kulay ng buhok ng isang bata ang kanilang kahandaang matuto, o ang mga estudyanteng nasa tabi nila.

Catch Up-Fridays sa Larangan ng Edukasyon

a katunayan ang lahat ng Biyernes sa buong kasalukuyan taong panuruan ay tinawag na “catch-up” day na may layuning paghusayin ang numeracy at literacy skills ng mga mag-aaral.

Ipinatupad ang “Catch-up Fridays”para sa mga mag-aaral sa lahat ng public elementary at secondary schools at community learning centers sa buong bansa.

Layon nito na palakasin ang academic performance ng mga mag-aaral sa K to 12 Basic Education Program, ikinonsidera rito ang mababang antas sa pagkwenta at pagbasa sa National at International LargeScale Assessments.

Bukod pa rito, nakatuon ang DepEd sa pagpapatakbo ng National Reading Program, habang sa kalahating araw naman ay nakatuon sa Mathematics at pangangalaga sa “values, health, at peace education.”

Ang Drop Everything and Read o ay pinapayagan ang mga mag-aaral na “independently at silently” ay pagbabasa ng libro.

Ang nasabing programa ay mabisa para sa mga mag-aaral upang mas maging

Napapatibay nito ang kapasidad ng bawat mag-aaral sa larangan ng edukasyon, hamon upang maiangat muli ang Pilipinas sa pang edukasyong usapan. Ito ay lubos na makapagpapabago hindi lamang sa mga mag-aaral kundi sa ating bansa na hangad ang mapabuti ang kalidad ng edukasyon na walang bata ang mahihirapan magbasa, magbilang,at magsulat sapagkat ang catch up friday ay nariyan, hamon sa isang matiwasay na

Malakibaangepekto ngCatch-upFriday sa’yo?

I-scan ang QR code at ipadala ang iyong sagot.

Ito ay lubos na makapagpapabago hindilamangsa mgamag-aaral kundisaating bansanahangad angmapabuti angkalidadng edukasyon. Maraming mag-aaral ang naghihintay pa rin na tuluyan silang tanggapin at malayang makilahok sa kahit na ano ng hindi

OPINYON OPINYON 8 9 TOMO III. BILANG 01. AGOSTO 2023-ABRIL 2024 TOMO III. BILANG 01. AGOSTO 2023-ABRIL 2024 OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN AT PANGKOMUNIDAD NG MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG GUIUAN OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN AT PANGKOMUNIDAD NG MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG GUIUAN GUIUAN, DIBISYON NG SILANGANG SAMAR, SILANGANG BISAYAS (R8) GUIUAN, DIBISYON NG SILANGANG SAMAR, SILANGANG BISAYAS (R8) panig sa katotohanan NAGTATANONG LANG PERSPEKTIBO SA GAWING AKIN KAKAMPI
ni Doxa Abigail M. Pareño ni JV Cuadra
Ainel Delantar
Limiel Badar
ni
ni
Guhit ni James Ignacio

Bayani Ko, Asan Kana?

ni Juliana Caberoy

Habang lumilipas ang mga taon, nananabik akong makasama muli ang lalaking naging tanglaw ko, kahit minsan kailangan ko ang aking bayani kapag nalulungkot ako, minsan napapasabi nalang akong “kailangan na kita ngayon, napapagod na ako” habang tumutulo ang aking mga luha...

Sa puso ng Maynila, sa gitna ng mataong tanawin ng lungsod, naninirahan ang isang dakilang tao, na hindi lamang Isang ordinaryong tao kundi isang tunay na bayani sa mata ng Isang batang kaluluwa. Ang aking bayani sa pagkabata ay may angking sagisag ng lakas, kabaitan, walang takot, pagmamalasakit at Siya rin ang kauna-unahang lalaking minahal ko. Ang kanyang presenya ay nagpapaliwanag sa aking mundo, nagbibigay kaligayahan, pagmamahal at ang kanyang paggabay ang humubog sa mismong pundasyon ng aking pagkatao. Siya, ang itinuturing kong bumubuo sa akin.

Sa masiglang mga araw ng aking kabataan, ang taong iyon ay tumayo bilang ehemplo ng kadakilaan. Ang kanyang presensya at pagtawa ay ang siyang umaalingawngaw saaming bahay, mga ala-alang nagpangiti saakin habang lumuluha. Parang nandito parin siya, sa tabi ko at alam kong, kung kaya lang niya gagawin niya. Isang nakakaaliw na himig na sumasalamin sa pagibig sa lahat ng dako. Parang Isang panaginip na bumabalik sa aking nakaraan na walang negatibo kundi kapayapaan at Hindi nalilibungan ng mga problema. Siya ay hindi lamang isang nakaraang tagapag-alaga, siya rin ang aking tagapagturo, Isang mabuting huwaran, ang aking pinagmulan ng inspirasyon, pagmamahal at kaligayahan na nagpasigla sa aking mga pangarap noong ako ay bata pa. Ang kanyang mga salita ay Isang kumpas na nagtutulak saakin patungo sa landas na aking tinatahak, siya ang nagturo saakin kung paano lumakad ngayon, salamat sa kanya natuto akong maglakad ng mag-isa, habang binibitbit parin ang kanyang mga salita at dadalhin ko ito, magpakailanman.

Ang paglalakbay ko sa buhay ay nagkaroon ng hindi inaasahang pagliko noong ako ay limang taong gulang pa lamang. Sa kabila ng pisikal na distansya na naghiwalay sa amin ang alaala ng aking bayani ay patuloy na naging gabay na liwanag. Kaya’t lumipas ang mga araw ay nagpasya ang aking ina na lumipat kami sa Guiuan, pagkatapos noon ay hindi ko na siya nakita at ang mga ilaw ng lungsod ng Maynila ay kumupas sa abot-tanaw, ngunit ang kanyang mga aral at pagmamahal ay nanatiling nakaukit sa aking puso at nakakulong ito magpakailanman. Pero naniniwala talaga ako na ang bawat rosas ay may mga kasamang tinik kaya tinatawag itong aking tadhana.

Habang lumilipas ang mga taon, nananabik akong makasama muli ang lalaking naging tanglaw ko, kahit minsan kailangan ko ang aking bayani kapag nalulungkot ako, minsan napapasabi nalang akong “kailangan na kita ngayon, napapagod na ako” habang tumutulo ang aking mga luha, pero ginagawa kong tumingin nalang sa langit at isipin na marahil hindi man sila bituin sa langit, kundi pagbubukas kung saan ang ating mga mahal sa buhay upang ipaalam sa atin na nandiyan sila para sayo, at naniniwala ako na ang Isang bagay na minamahal ay hindi nawawala. Kahit na milya-milaya ang agwat namin ang mga dayandang ng kanyang karunungan ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa akin. Hindi nabawasan ng paghihiwalay ang epekto ng kanyang pagmamahal sa buhay ko. “Palagi Kang nasa puso ko, dahil doon ka pa nabubuhay”. Siya ang aking Ama na tinaguriang “nawalang bayani”.

Sa mga palahabang kulay kayumangging kahoy na nakahugis ng isang krus, ay may isang nakaraang tumatak sa nakararami. Sa pinakamasakit na sandali, ang sandali na nagsakripisyo ang isang bayani para sa lahat.

Simula pa sa panahon ng kolonyalismo ng Kastila, natutuhan at iniangkop na sa tradisyon ng mga Pilipino ang Semana Santa. Kadalasan itong pinagninilayan sa kasalukuyan sa buwan ng Marso o Abril. Magsisimula sa Lunes Santo, Martes Santo hanggang sa dumating ang Huwebes Santo, Biyernes Santo at Sabado de Gloria nakapaloob ang mga araw na ito sa Semana Santa. Tinawag itong Semana Santa dahil sa paghihirap na kusang-loob na pinagdaanan ni Hesukristo hanggang sa ipako siya sa krus upang bayaran ang kasalanan ng kanyang mga hinirang.

Sa mga nakaraang taon ng pandemya, lalo na sa taong 2020, ang pagdiriwang o pagninilay sa Mahal na Araw ay naabutan ng quarantine. Sa mga sumunod na taon naman ay may paghihigpit at pagsunod pa rin sa social distancing.Pero, hindi ito alintana ng tradisyon ng Pilipino. Isinagawa pa rin ang iba’t ibang gawain tuwing Mahal na Araw. Ngayong 2024, mas naging maluwag na ang quarantine, at ibinalik ang mas mapagnilay na selebrasyon ng Mahal na Araw. Sa tinatawag nating Mahal na Araw o Semana Santa ay may mga tradisyon tayo Maraming mga kaugalian at paniniwala ang sinusunod. Isa na rito ang PALASPAS. Ang “Palaspas” o tinatawag na “Palm Sunday” ay nanggaling sa pagsalubong kay Hesukristo

ni Jessabel goden

nang siya ay pumunta sa Jerusalem. Ito ay ginagawa tuwing Linggo para simulan ang Mahal na Araw, at dito ay iwinawagayway ng mga Kristiyano ang kanilang mga palaspas na gawa sa dahon ng saging, o kaya niyog. Bukod dito, paniniwala din ng mga Pilipino na ang pagtatago ng palaspas ay magdadala ng swerte at pampawala ng malas sa kanilang mga bahay. Kasama rin dito ang PABASA. Ang pabasa ay kadalasang ginagawa sa mga probinsya. Pero ngayon, ginagawa na din ito sa mga simbahan sa siyudad. Ang pabasa ay nagsisimula pagkatapos ng misa ng palaspas. Ito ay isa sa pinakapopular na tradisyon ng mga Pilipino. Sa pabasa ay mayroong isang grupo ng mga taong magbabasa ng mga dasal, at may isa pang grupo na sasagot. Ang pabasa ay ginagawa para sa buong komunidad, pero minsan may mga pabasa din na ginagawa ng mga pamilya para sa kanilang mga kamaganak. Kadalasan, sinisimulan ang pabasa mula Huwebes Santo ng Mahal na Araw, at tinatapos eksakto o bago ang oras ng kamatayan ni Hesus sa Biyernes Santos. Sunod nama’y kadalasang ginagawa ng nakararami ito dahil ito ay sinasabi

nilang isang paraan ng pagpapahalaga sa ginawang pagsakripisyo ng ating panginoon. Ito ang PAGPIPINETENSIYA at VIA CRUZES. Ang Iba ay nag-aalay lakad, isang halimbawa nito ay sa bayan ng Guiuan hanggang sa Barangay Sulangan na ilang kilometro ang layo.

Ang VISITA IGLESIA, o “Way of the Cross” naman ay kadalasang ginagawa sa Huwebes, o Maundy Thursday. Dito, nagpupunta ang mga tao sa Iba’t ibang simbahan upang magdasal, at alalahanin lahat ng mga paghihirap na pinagdaanan ni Hesukristo.

Ang SIETE PALABRAS, o “Seven Last Words”, isang tradisyon ng mga Pilipino na minana pa natin sa mga Kastila. Ito ay ginagawa tuwing Biyernes ng Mahal na Araw, o Good Friday. Dito, ay isinasadula ang pagkamatay ni Kristo, at mayroon ding mahabang misa na may nakasinding kandila at preskong bulaklak.

Kung may “Easter Sunday” sa ibang bansa, sa Pilipinas naman ay ito ay tinatawag na SALUBONG, o “Pasko ng Muling Pagkabuhay”. Dito inaalala ang muling pagkabuhay ni Kristo matapos ang tatlong araw. Isinasagawa ang SALUBONG dahil sinasalubong ng mga tao ang pagbabalik ni Hesukristo. Natutuwa at nagagalak ang mga tao dahil katulad ni Hesus tayo ay muli ring nabuhay, nabuhay sa pag-asa at pagmamahal. Ang Semana Santa ay ang pag-alala sa pagsasakripisyo at tanda ng pagmamahal ng Diyos sa ating mga Anak Niya. Kaya’t dapat natin itong gunitain, pahalagahan at

LATHALAIN 10 TOMO III. BILANG 01. AGOSTO 2023-ABRIL 2024 OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN AT PANGKOMUNIDAD NG MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG GUIUAN GUIUAN, DIBISYON NG SILANGANG SAMAR, SILANGANG BISAYAS (R8) panig sa katotohanan

ni Jessabel Goden

Maupay nga Patron Guiuan!

Isa sa pinakahinihintay ng mga Guiuananon ang ipagbunyi ang araw ng kapistahan sa patron nitong si Santo Rosario. Isang masayang pangyayari na hindi lamang ang bayan ng Guiuan ang maaaring magsaya, ngunit maaari mo rin itong maranasan at mapaglibangan.

Makikita sa mga lansangan ang mga pinalamutian ng makukulay na banderitas na magandang pagmasdan, at ang iyong mga naririnig na tawanan sa ligid na nakakapagbigay ng kulay.

Ang kapistahan ng bayan ng Guiuan ay isang taunang tradisyon na ipinagdiriwang tuwing linggo ng buwan ng masayang Oktobre. Taon-taon, ang Hermana Mayor ay ang fiesta sponsor at nag hahanda sa lahat ng mga aktibidad bago at sa araw ng kapistahan. Tatawagin ba itong fiesta kung walang pagkain?

Sa sulok at labas ng eskinita iyong makikita ang mga taong kumakain ng kilala at tradisyonal na lasang Filipino, na tiyak na ikaw ay mabubusog sa okasyong ito!

Sa kapistahan ng Guiuan iyong masasaksihan ang makukulay na mga damit sa kalye dahil sa prusisyon na inaabangan ng nakararami, isa kana rin doon! Ang mga programang pangkultura ay isa sa naglalarawan sa buhay ng mga taga-bayan nito, at higit sa lahat, ang iba’t ibang aktibidad ng simbahan na maaari mong daluhan. Tulad na lamang ng Novena mass na nangyayari tuwing Umaga, thanks giving mass tuwing hapon, at ang misa na ginaganap sa araw ng kapistahan.

Nahuhuli ka na sa balita at kasayahan sapagkat ang sentro ng atensyon ng gabing pag tatanghal ay ang paghahanap sa Miss Guiuan Tourism, na kung saan iyong masasaksihan ang mga magagandang binibini.

Isa ring inaabangan ng madla ang “Rigodon de Honor” na isang nakasanayan ng mga Guiuananon na kung saan ang mga tao ay sumasayaw ng mga nakasanayan. Isa na dito ang amenudo at kuratsa mayor na kinaaaliwan ng nakararami, dahil sa mga perang lumilipad na hinuhulog ng mananayaw. Hindi ba’t nakakatuwa!

Ang paggunita at pagdiriwang ay mas maliwanag at mas kaakit-akit sapagkat makikita mo ang buong kalangitan na kumikinang dahil sa kuwitis at paputok na napaka raming kulay, na maaari mo ring masaksihan.

Lahat ng ito ay maaari ninyong maranasan sa kapistahan dito sa bayan ng Guiuan. Lahat ay maaaring makilahok sa mga nasabing aktibidad,maging kayo ay imbitado at maluwag na pinahihintulutan dito sa Guiuan. Halina’t makisaya sa pyesta sa Guiuan!

Sa isang pambulikong paaralang Guiuan National High School, hindi maitatangging maraming mag-aaral ang nakapaloob. Iba’t ibang ugali ang makakasalubong , iba’t ibang kulay ang matatanaw. Iba ang iyong mararamdaman sa panahon ngayong nagbabago ang takbo ng mundo maging ang iyong kaibigan, maraming makilala sa araw- araw. Bagong simula ang iyong haharapin ,mas matatag ang iyong loob at magbabago ang iyong dating kinagisnan.

Sa kabila nito , isang opurtunidad ang dumating sa magaaral upang maipakita ang kanilang talento, talino at husay sa pagrampa .Nagkaroon ng aktibidad ang Guiuan National High School ng “Mr. and Ms. GNHS 2023. Ito’y nilahukan ng matitibay na mag- aaral na humarap sa entabladoong may tiwala sa sarili at kakayahan. Inumpisahan ang palatuntunan bandang ala-una ng hapon, tanaw sa kanilang mukha ang kaba at kahandaan. Kani-kanilang magulang ay naroon upang magpakita ng suporta at magpalakas ng loob. Hiyawan at sigawan sa bawat oras ng kanilang pagrampa.

Sa naganap na kompetisyon, dalawa lamang ang nahirang. Sila’y ay sina Stephanie at Oliver. Sa kanilang pinagdaanan maraming kalaban ang nakaabang ngunit hindi sila nagpatinag bagkus sila’y nagpatuloy . Masasabi talaga na kapag may gusto tayong maabot, ito’y ating pagsisikapan at pagtitiisan , iyan lamang ang aking nakita sa kanilang mga mata. Hindi rito nagtatapos ang kanilang kwento sa buhay , ito’y bagong simula pa lamang. Sila’y uuwi bitbit ang kanilang “korona”.

Sa totoo lang, crush ko na siya noong nasa ikalawang marka pa lamang kami sa Missionary of the Sacred Heart o MSH. Naalala ko na ako pa lamang ang nandoon sa aming paaralan at habang naghihintay sa aking mga kaklase, nakakita ako ng lalaki na may kasamang batang babae. Meron silang itinatanong sa bawat guro na madadaanan. Nasa isip ko, “Ito na ba kaya ang aming bagong kaklase sa MSH?” Kaya sila ay aking hinintay habang patuloy ko silang pinagmamasdan sa may pintuan. Nang dumating na sila sa silid, tila akong natulala. Hindi ko alam ang aking sasabihin at kung ano ang aming maaaring pag-usapan. Sobrang payapa noon at tuwing makikita ko ang kanyang mga mata ay sobrang masarap sa pakiramdam. Dahil doon, nagkaroon ng tila “awkward” na sitwasyon. Mabuti na lang at dumating ang aming guro at sila’y nakapag-usap. Dahil sa kanya, naging iba ang aking pag-uugali at pakikitungo sa iba kong mga kaklase. Parang isang bata na walang pakialam o nagbubulag-

Si Crush

bulagan tuwing makikita at makakasama ko siya. Gusto ko na mapansin niya ako. Noon, hindi ko naiintindihan ang aking sarili kung bakit ako nasasaktan tuwing may kausap siyang classmate kong lalaki at tuwing Valentine’s na may nagbibigay sa kanya ng liham, tsokolate at mga bulaklak. Sa mga pagkakataong iyon, gusto ko ring gawin ang mga iyon. Sa pagtagal ng panahon, unti-unti kong naiisip kung may pagkagusto ba ako sa kanya. Dahil sa matindi rin ang aking paghanga sa kanyang katalinuhan, kabaitan, at kagandahan. May mga gabi na hindi ko siya natatanggal sa aking isipan kung saan ay mapapaginipan ko siya. Noong unang pagkikita namin, akala ko’y isang anghel siya na bumaba mula sa langit, na nagdulot ng init at liwanag sa aking mundo. Pagdating ng ika-anim na baitang, doon ko mas naramdaman ang kilig ng pagibig. Naging inspirasyon ko rin siya sa pagpasok sa paaralan. Palagi ko na siyang pinagmamasdan mula pagpasok hanggang uwian.

Kaya noong aming Christmas party nang ibinigay niya ang kanyang “exchange gift” sa akin, para na rin niyang hinawakan ang aking pisngi. Hanggang ngayon, narito pa rin ang regalo niya sa akin upang alalahanin ang kanyang matamis na halik. Ngunit habang lumalapit na ang aming ika-apat na taon sa high school, unti-unti na kaming lumalayo sa isa’t isa. Hindi na kami gaanong nag-uusap at hindi na rin kami gaanong nagkikita. At sa malapit nang matapos ang aming freshman year, biglang dumating ang Covid-19 bilang isang pandemya na nagdulot sa amin na hindi na magkita at huminto sa komunikasyon sa isa’t isa.

Sa kabila ng lahat ng ito, napagtanto ko na ang tunay na pag-ibig ay marunong maghintay. Naisip ko na maghintay para sa kanya. Ang buhay ay hindi dapat minamadali, lagi nating nakakamit ang ating mga nais, at ang buhay ay hindi tiyak kaya’t dapat nating ialay ito sa kagustuhan ng Diyos.

ni Jellyn Delantar ni J. Adora

Sa paggunita sa Ika10 Taon ng Landfall ng Bagyong Yolanda sa Guiuan, ang Lokal na Pamahalaan ng Guiuan ay naglunsad ng kanilang Greenhouse Project at isinagawa ang Aktibidad ng Arbor Day sa Guiuan EcoWaste and Management Center noong ika-4 ng Nobyembre, 2023.

Nag-donate ang pamahalaan ng Tsina ng dalawang milyong proyektong greenhouse sa pamamagitan ng kinatawan ng 4Ps Partylist at House Minority Floor Leader na si Congressman Marcelino

“Nonoy” Libanan. Naroon sa mahalagang pagtitipon ang Chinese Embassy Counselor Zheng Junlyu at kasamahan, mga opisyal ng LGU-Guiuan, kinatawan ng 4Ps, mga miyembro ng Guiuan Farmers Association, at napiling mga opisyal ng YES-O mula sa Guiuan National High School.

Kasama ang Punong

Bayan ng Guiuan na si Gng. Annaliza Gonzales-Kwan,

kasama ang mga espesyal na bisita na sina Chinese Ambassador Counselor Zheng Junlyu, ay tinalakay ang mga benepisyo ng mga Greenhouses. Pinakita ni Mayor Annaliza Gonzales-Kwan ang tunay na pagpapahalaga sa nabanggit na proyekto.

“Naiintindihan ko ang halaga ng paggamit ng makabagong teknolohiya sa agrikultura, lalo na sa pagpapataas ng antas at kalidad ng produksyon,” sabi ni Kwan sa Ingles.

“Ito ay aking misyon bilang inyong punong bayan na lumikha ng isang programa, na nagpapamodernisa sa ating industriya ng agrikultura, simula sa proyektong green house na ito,” dagdag pa niya.

Bukod dito, ipinahayag din ng LGU-Guiuan ang kanilang mainit na pasasalamat sa Embahada ng Tsina para sa pag-donate ng dalawang milyong piso sa nabanggit na proyekto.

Samantala, pinangako ni Counselor Zheng Junlyu

sa mga taga-Guiuan ang isang teknolohiya-inspired at teknolohiya-powered na agrikultura.

“Sa tingin ko, ang maliit na donasyon na ito ay makakatulong sa pag-unlad ng mga gulay sa mababang lupain at iba pang pananim na magbibigay ng tamang nutrisyon, kita, at kalagayan sa ekonomiya ng mga tao dito sa Guiuan,” sabi ni Ms. Zheng Junlyu.

Naniniwala si Counselor Junlyu na ang bayan ay kailangan maging teknolohiyapowered sa pagdating sa produktibidad ng agrikultura.

“Sa palagay ko at inaasam ko na ang lugar na ito ay kailangan maging inspirado ng teknolohiya, teknolohiya-powered,” iginiit niya.

Siniguro rin ng embahador ang mga taga-Guiuan na magbibigay ng kinakailangang tulong mula sa Tsina kaugnay ng proyekto.

“Maniwala rin kami na kami mula sa Tsina ay handang magbigay at may

kakayahan na magbigay ng kinakailangang tulong sa hinaharap,” suportado niya.

Ipinahayag din ng kinatawan ang alaala sa Guiuan bilang isang lugar ng pagtuklas at pagiging matatag.

“Naiintindihan namin ang Guiuan mula sa kasaysayan na ang Guiuan ay isang lugar ng pagtuklas, isang lugar ng pananampalataya, isang lugar ng malugod na pagtanggap, at isang lugar ng pagiging matatag.”

Bukod dito, sinabi ni Ms. Junlyu na ang proyektong donasyon na nagkakahalaga ng 2 milyon ay tutulong sa Guiuan na maabot ang pag-unlad sa teknolohiya sa larangan ng produksyon ng agrikultura.

“Umaasa rin kami na ang aming maliit na kontribusyon ay makakatulong sa inyo na maging isang lugar ng inspirasyon sa teknolohiya,” dagdag pa niya.

Hinikayat ni Counselor Zheng ang mga taga-Guiuan na pagandahin ang kanilang

industriya sa agrikultura at panatilihin ang kanilang magandang pamumuhay.

“Mahigpit naming pinapayuhan kayo na pagandahin ang inyong industriya sa agrikultura at panatilihin ang inyong magandang pamumuhay na lubos kayong ipinagmamalaki,” sabi niya nang bukas-palad.

“Hihikayatin namin ang higit pang mga Tsino na makita ng kanilang mga sariling mga mata ang napaka-gandang lugar na ito, at nagdarasal ako na ang lahat ay magtagumpay ng lubos,” pagtatapos niya. Pagkatapos ng mga nakaaantig na pahayag, isinagawa ng mga estudyante at iba pang mga asosasyon ng mga magsasaka ang mga aktibidad tulad ng pagtatanim ng puno at pamamahagi ng tulong-kabuhayan (baboy) sa mga rehistradong magsasaka sa Guiuan.

Math, Science Month, maagang ipinagdiwang

Ang Guiuan National High School ay nagtapos ng kanilang buwanang pagdiriwang para sa Buwan ng Agham at Matematika noong Setyembre 27, dalawang araw bago matapos ang Setyembre dahil sa pagkasabay ng mga aktibidad na nakatakdang gawin ngayong buwan.

Nakatuon sa programa ang pagpapakita ng mga kakayahan ng mga mag-aaral sa Science Jinggle Making Contest na may kinalaman sa temang, “Seyensya Teknolohiya at Inobasyon kabalikat sa matatag, maginhawa at panatag kinabukasan”.

Matapos ang maikling pagsalita ni Master Teacher at Head ng Science

Department, Francelina Gonzales, naglaban-laban ang mga magaaral ng junior high sa kanilang mga performance sa nabanggit na kompetisyon na nagdulot ng kasiyahan sa mga manonood.

Ipinagkaloob ang mga premyo at sertipiko sa mga nanalo sa Mathematics Oral at Written Quiz Bee pati na rin sa Math Bingo.

Pagkatapos nito, muling ipinakita ng mga manonood ang kanilang palakpakan sa mainit at intense na kompetisyon ng Science Jingle para sa mga contestant ng Senior High School. Pinamunuan ng mga magaaral ng STEM ang mga parangal sa Jingle Making Contest para sa Senior

High school Category. Ang mga ranggo ay: 3rd placer-12 STEM, 2nd placer-11 STEM 2, at ang kampeon-11 STEM 1 na pinamagatang ang kanilang awitin, “Strive for a resilient future.”

Bukod dito, nag-enjoy ang audience sa mga presentasyon ng mga aktibidad ngayong taon.

“Hindi talaga ako umaasang ganun, kahit wala kaming presentation sa Jingle, na-enjoy ko lang talaga,” sabi ni Mark Joshua Vasquez, isang manonood.

Natapos ang programa sa pagpapamahagi ng mga sertipiko sa mga opisyal ng Math at YES-O club at sa mga guro ng Science at Mathematics.

Nagpapahayag ang Science at Mathematics department ng kanilang taos-pusong pasasalamat at pagpapahalaga sa lahat ng nagbahagi ng kanilang mga talento, pagsisikap, at oras sa pagpapatupad ng 2023 Science at Mathematics Month celebration.

DGAD, nagbigay

Nagkaroon ng Students’ Symposium on Teenage Pregnancy para sa mga Senior High School Female Students sa Guiuan National High School, Desyembre 11, 2023.

Ito’y inilunsad ng Gender and Development Team, na pinangungunahan ni Ginang Leame Melquiades, GAD Coordinator. Upang simulan ay nagbigay pahayag at kaalaman si Hannah Dignos, Registered Nurse at Health Education Program Officer ng LGU,

patungkol sa Adolescent, Puberty, Pregnancy at maging sa paglilimita ng paglaganap ng early teenage pregnancy.

“Eastern Samar alone, kadako na hit contribution for teenage pregnancy for the whole Eastern Visayas”. saad ni Nurse Dignos.

Ibinahagi naman ni Ginang Jeany Depositario, Registered Nurse at guro sa GNHS, ang patungkol sa mga rason kung bakit kailangang iwasan ang pagbubuntis ng wala pa sa edad at ang mga paraan kung paano ito

malilimitahan. “Agi hit nga symposium, mas naiintindihan ta it mga disadvantage hit nga teenage pregnancy, it will also help para han mga guti la an knowledge about hit sugad na topic, maiibanan it rate hit nga teenage pregnancy ha aton Lugar or Bansa. Maeencourage daman it mga student to focus on their studies and even though mayda nira mga uyab maaram hira hit ira limitations to avoid this teenage pregnancy.” saad ni Jasmine Loyola, SHS student.

inaluhan ng tinatayang nasa 1,500 na mga environmental advocates, church-affiliated groups, at mga parishioner’s ng mga lokal simbahan ng Eastern Samar at iba pang probinsiya, na nagpakita ng kanilang malakas na paninindigan sa ‘No to Mining and Environmental Segregation in any parts of Samar’ sa Island-Wide Jericho Prayer Assembly nitong ika 20 ng Enero sa Immaculate Conception Church, Guiuan, Eastern Samar.

Naglalayon na bigyan ng kamalayan ang pagpapahinto ng operasyon sa mina sa mga Isla ng Homonhon, Manicani at Samar Islands. Nakakuha naman ng pagkilala ang mga taga suporta at anti-mining advocate nang mag lagay ng kanilang mga lagda sa freedom wall sa labas ng

simbahan. Dumalo din si Miguel Balboa Mendoza na nagsuot ng tarpulin na nagpapakita ng kaniyang malakas na suporta sa pagpapahinto ng mina sa mga Isla ng Guiuan.

“Half of me is from Homonhon, half of me is from Manicani but live here in Guiuan. know what is happening in both Island,” aniya Mendoza. Nabanggit din niya ang kasalukuyang sitwasyon ng mga isla sa Guiuan na nakakaapekto sa kalikasan at sa mga taong naninirahan dito.

Samantala, nagbigay din ng kaniyang pahayag si Fr. Johnathan Pading ng St. John the Baptist Parish Priest of Homonhon ng kasalukuyang sitwasyon sa Homonhon at binigyan diin din niya ang mga alalahin ng kanilang komunidad. Hindi nagbago

ang pananampalataya ng pari sa kanyang pinaniniwalaan. Hinimok naman ni Fr. Jonathan ang mga nakilahok na gamitin ang kanilang pananampalataya para makagawa ng pagbabago para sa kalikasan.

“We are not in the arena of anti or pro mining, we are in a church in of everyone, place of the holy Christ. Let God intervene, let God’s voice be heared,” dagdag pa niya. Nagbigay naman ng nakakapukaw sa pag-iisip na mensahe si Philippine Misereor Partnership Inc. Anti-Mining Campaign (PMPI-AMC) Cherylon Aivan Herzano sa Island-Wide Jericho Prayer Assembly.

Ipinakita ang mga komplikadong isyu sa kapaligiran na nakapokus sa mahahalagang aspeto ng kahalagahan ng kalikasan at ang kahalagahan ng klima.

Nagpakita ang mga kwento na ibinahagi ni Herzano kung gaano kahirap para sa isang komunidad na tumira sa ganitong kapaligiran ngunit kailangan pa rin gawin ang nga responsibilidad bilang mga tao. Sa kanyang pahayag ibinahagi niya ang kahalagahan ng kalikasan at nanawagan sa mga tao baguhin ang paniniwala at magpatupad ng mga batas para mapangalagaan ang kalikasan.

Hinikayat din ni Bishop

Most Rev. Fr. Crispin Vasquez ang mga dumalo na patuloy na manalangin para mahinto ang pagmimina sa mga isla ng Samar. “We have to continue praying. If possible we will not stop doing this kind of activity until ma stop an mining operation dinhe sa isla han Samar,” aniya. Nagtapos ang kaganapan sa yukaristikong pagdiriwang.

Ang Island -wide

We are not in the arena of anti or pro mining, we are in a church in of everyone, place of the holy Christ. Let God intervene, let God’s voice be heared.

AGTEK 14 15 TOMO III. BILANG 01. AGOSTO 2023-ABRIL 2024 TOMO III. BILANG 01. AGOSTO 2023-ABRIL 2024 OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN AT PANGKOMUNIDAD NG MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG GUIUAN OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN AT PANGKOMUNIDAD NG MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG GUIUAN GUIUAN, DIBISYON NG SILANGANG SAMAR, SILANGANG BISAYAS (R8) GUIUAN, DIBISYON NG SILANGANG SAMAR, SILANGANG BISAYAS (R8) panig sa katotohanan panig sa katotohanan agham at teknolohiya MAKABAGONG TEKNOLOHIYA Php
sa
Day
Michelle Sheene Gayoso ni Michelle Sheene Gayoso TULONG MULA SA IBANG BANSA
2M greenhouse project, inilunsad sa Guiuan
Arbor
ni
kaalaman sa maagang pagbubuntis
ni Esteban Navidad III & Jasmine Anne Puti-an PAGPAPA-ALALA DOBLENG SELEBRASYON
assembly ay inorganisa ng Dioceses Borongan at CARITAS Borongan. MAPAYAPANG PAGTUTOL Jericho Prayer Assembly, isinagawa laban sa pagmimina sa Homonhon, Samar PANANAMPALATAYA VS. PAGSIRA SA KALIKASAN ni Esteban Navidad III & Jasmine Anne Puti-an EARLY PREGNANCY ORIENTATION. Nagsagawa ng Early Pregnancy Orientation ang Gender and Development Team na dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang ng paaralang Guiuan National High School na ginanap noong Disyembre 11, 2024 sa GNHS Covered Court. Larawang kuha ni L. Melquiades HUWAG MAGMINA. Mga tagapagtaguyod ng kalikasan, nagtitipon tipon para tutulan ang pagmimina sa Samar. Larawan mula sa Caritas Philippines INOBASYON. Guiuan Municipality Mayor Annaliza Gonzales-Kwan at Chinese Ambassador Counselor Zheng Junlyu nag-inspeksyon sa bagong pasilidad ng greenhouse project. Larawan mula kay Mhel Neithaniel Padel
PA-SCI DUNGOG HAN MATH-KARIT. Mga mag-aaral ng Grade 9 STEM ng Guiuan National High School ay nagpakita ng kanilang entry sa Science at Math Jingle sa pagtatapos ng programa ng Buwan ng Agham at Matematika noong Setyembre 27, 2023. Larawan mula kay Rod Cablao

Artificial Intelligence (AI) sa Mag-aaral:

Nakakatulong nga ba o Patuloy Ka Lang

Linulugmok nito?

Sa gitna ng patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, patuloy rin ang kontrobersiyang kung ang artificial Intelligence (AI) ba ay tunay na nakakatulong o isa lamang itong banta sa ating sarili at sa lipunan.

Mahalaga lamang na maging maingat at alam ang paggamit ng teknolohiyang ito upang mapanatili ang pagiging kapaki-pakinabang nito sa pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon sa bansa.

Ang artificial intelligence (AI) ay tumutukoy sa mga sistemang kompyuter na kayang gawin ang mga kumplikadong gawain na dati ay maaari lamang gawin ng tao. Kabilang dito ang pag-iisip, pagdedesisyon, o pagsosolve ng mga problema. Layunin ng artificial intelligence ang pagpapalakas ng kompyuter-enhanced learning, pag-iisip, at pagpapansin. Ginagamit ang AI ngayon sa iba’t ibang industriya mula sa edukasyon at iba pa. Nilahad ng mga mananaliksik ang mahahalagang papel na ginagampanan ng AI sa pagpapaunlad ng edukasyon at pagtuturo. Ayon sa mga ulat, ang AI ay maaaring maging isang mabisang kasangkapan upang mapalakas ang pagkatuto at pag-unlad ng mga mag-aaral sa iba’t-ibang larangan sa edukasyon.

Gayunpaman, hindi maiiwasan ang ilang mga agamagam at pag-aalala hinggil sa paggamit ng AI sa edukasyon partikular sa mga estudyante. Isa sa mga pangunahing alalahanin ay ang posibilidad na mawalan ng trabaho ang mga guro dahil sa paglaganap ng AI. Dagdag pa rito, may mga tanong hinggil sa seguridad at pribadong impormasyon ng mga mag-aaral na nakatago sa likod ng teknolohiyang ito. Ayon sa mga piling mag-aaral, bagamat may mga

pangamba, naniniwala silang ang AI ay may potensyal na magdulot ng positibong epekto sa kanilang pag-aaral. Sa kabilang banda, may ilan namang nagpahayag ng kanilang pag-aalala hinggil sa pagiging dependent sa nasabing teknolohiya at hindi na pagtangkilik sa sariling kaalaman. Dagdag pa ang

pagkakaroon ng limitadong interaksyon sa tunay na guro at pag-aaral. Ang kakulangan rin sa access sa teknolohiya sa ilang komunidad ay nagdudulot ng pagiging hindi pantaypantay ng oportunidad sa larangan ng edukasyon. Sa kabuuan, malaki ang papel na ginagampanan ng AI at hindi maitatanggi na

Liyab ng Bagong Mundo: Pagbabago sa Klima

“Sa pag-ikot ng mundo, lihim na nagbago ang himig ng klima…”

Kapag tiningnan natin ang kalikasan, tila nagpapalitan ito ng melodrama—mabilisang pagpapalit ng emosyon mula sa kasiyahan hanggang sa pagkalungkot, kung paanong isang sinematikong masterpiece. Ito ang larawan ng ating mundo sa harap ng hamon ng climate change. Sa bawat paglipas ng araw, tila naglalaro ito sa ating mga damdamin, nagdudulot ng hindi-mabilang na pakiramdam, hindi lang sa ating kalooban kundi pati na rin sa ating kalusugan at kapaligiran.

Ngunit hindi ito ang huling kabanata ng ating kuwento.

Sa gitna ng panganib, naguusbong ang mga pambihirang himig ng agham at teknolohiya upang ipakita na may pag-asa pa. Ang kahirapan ng problema ay nauuwi sa mga inspiradong solusyon, naglalakbay mula sa mga laborataryo patungo sa ating mga komunidad.

Sa pag-aaral ni Dr. Elena Yula ng Environmental Science Institute, ipinakikita niya na ang pagtaas ng temperatura sa mga karagatan ay nagdudulot ng pagkasira sa mga coral reefs.

Sa bawat hakbang, sinusubukan nating baguhin ang takbo ng kasaysayan. Sa paggamit ng mga salitang

tulad ng “adaptasyon” at “mitigasyon,” hinaharap natin ang hamon ng climate change nang may determinasyon at pag-asa.

Sa bawat siklo ng hangin, bagyong dumaraan, o pagbuhos ng ulan, hindi lamang tayo mga saksi kundi pati na rin mga mandirigma sa digmaan laban sa kawalangkatarungan sa kalikasan. Ang bawat indibidwal na kilos ay isang himig sa malakas na akordeon ng pagbabago.

Ayon sa ulat ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC), ang mga aksyon ng tao ang pangunahing sanhi ng pagbabago sa klima sa kasalukuyan.

Ligtas ang laging handa!

ni Carnea Kit Hermione A. Navidad

Sa panahon ng kalamidad, ang pagiging handa at ang pagtukoy sa mga paraan upang maging ligtas ay mahalaga upang mapanatili ang kaligtasan ng mga indibidwal at ng kanilang pamilya. Narito ang ilang mga paraan upang maging ligtas sa panahon ng kalamidad:

1. Pagpaplano ng Emergency Kit

Maglaan ng isang emergency kit na naglalaman ng pagkain, tubig, gamot, kandila, flashlight, at iba pang mahahalagang kagamitan na maaaring kailanganin sa panahon ng kalamidad. Siguruhing ito ay madaling ma-access at nasa lugar na ligtas sa inyong tahanan.

2. Pagpaplano ng Evacuation Route

Alamin at paghandaan ang tamang ruta patungo sa mga evacuation center o ligtas na lugar sakaling mangailangan ng paglikas. Gawan ng plano ang buong pamilya at siguruhing lahat ay may alam kung ano ang kanilang gagawin sa oras ng pangangailangan.

3. Pagpapahalaga sa Impormasyon

Maging updated sa mga weather bulletins at advisories mula sa lokal na pamahalaan at meteorological agencies tulad ng PAGASA. Alamin ang mga banta at mga hakbang na dapat gawin upang maiwasan ang mga posibleng panganib.

BALITANG LATHALAIN

Sa bawat kilos, nagiging bahagi tayo ng kolektibong paglalakbay patungo sa isang mas maayos na kinabukasan. Ang bawat pagtanggap ng bagong pamamaraan, paggamit ng renewable energy, at pagsuporta sa mga proyektong pangklima ay hakbang tungo sa pagkakaroon ng mas maligayang at maunlad na mundo.

Ayon sa datos mula sa National Aeronautics and Space Administration (NASA), patuloy na tumataas ang antas ng carbon dioxide (CO2) sa atmospera, na nagdudulot ng pag-init ng planeta.

Sa ating paglalakbay, nararanasan natin ang mga

galaw ng bagong mundo. Sa pagtutulungan ng agham, teknolohiya, at pagtitiwala sa sarili, tayo ay nagiging tagasulat ng bagong kabanata ng ating kasaysayan.

Habang patuloy nating hinaharap ang pagbabago, huwag nating kalimutang makinig sa himig ng kalikasan. Sa bawat nota, tayo ay nagiging bahagi ng orkestrang nagtutulak sa pag-awit ng pagbabago.

Sa bawat hakbang, sa bawat himig, ang hinaharap ay nagiging mas maliwanag. Dahil sa liyab ng bagong mundo, patuloy tayong naglalakbay, patungo sa isang mas maayos at mas luntiang kinabukasan.

may positibong ambag ito sa edukasyon. Sa kabilang banda nito, may mga potensyal itong banta. Mahalaga lamang na maging maingat at alam ang paggamit ng teknolohiyang ito upang mapanatili ang pagiging kapaki-pakinabang nito sa pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon sa bansa.

ni Jasmin Jay Flores

Habang patuloy nating hinaharap ang pagbabago, huwag nating kalimutang makinig sa himig ng kalikasan. Sa bawat nota, tayo ay nagiging bahagi ng orkestrang nagtutulak sa pag-awit ng pagbabago.

4. Pagsasagawa ng Inspeksyon sa Bahay

Regular na suriin ang inyong tahanan para sa anumang mga sira o potensyal na panganib sa panahon ng kalamidad. Siguruhing ang inyong bahay ay matibay at ligtas laban sa anumang sakuna tulad ng pagguho ng lupa o pagbaha.

Sa pangkalahatan, ang pagiging handa at proaktibo sa panahon ng kalamidad ay magiging susi sa kaligtasan ng bawat isa. Sa pamamagitan ng pagpaplano, pagsasanay, at pagiging handa sa anumang sitwasyon, maaari nating mapanatili ang kaligtasan at proteksyon ng ating sarili at ng ating mga mahal sa buhay.

Responsableng Pagbungkal Para sa Kalikasan at Ekonomiya

Maraming magagandang bunga naidudulot ang pagmimina, tulad ng pag-unlad ng ekonomiya ng isang lugar o bansa, ngunit hindi maitatangging may masasamang epekto ito kapag hindi ito ginagawa nang responsable. Sa kasalukuyan, isa sa mga lugar na pinagtutuunan ng pansin ng pagmimina ay ang Homonhon Island sa Eatern Samar.

Ayon sa mga naisagawang mga ulat, ang Homonhon Island ay isang isla na may mataas na antas ng pag-unlad at likas na yaman. Naglalaman ang isla nga mga mineral tulad ng chromite, lateritic nickel at iron ores. May sapat din na suplay ng tubig at mayaman ang lupa nila sa mga mineral na mahalaga sa pangaraw-araw na buhay ng mga taong naninirahan dito. Kaya bumuhos ang pagtatangka ng gobyerno at lokal na pamahalaan sa pagpapalawig ng ekonomiya sa pamamagitan ng mina at napili ang isla bilang lugar ng mga mining companies. Sa kasalukuyan, apat na mining companies na ang nagbubungkal sa isla. Sa pagpasok ng mga kompanya ng pagmimina sa Homonhon, maraming ang

nagiba at naganap sa isla partikular sa sektor ng ekonomiya. Ayon sa alkalde ng munisipalidad, mahigit 2000 na mga lokal na residente ang nabibigyan ng hanapbuhay dahil sa mga kompanya ng mina. Maliban din sa trabahong naaalok nito sa mga tao, nagdulot din ito ng iba pang oportunidad tulad ng pagkakaroon ng negosyo sa lugar. Nakatutulong din ang mga kompanya ng mina sa pamamagitan ng kanilang iba’t-ibang programa. Isa na dito ang scholarship program para sa mga mag-aaral. Ang ibang kompanya naman ay nag kakaroon ng planting program, at may pursyentong ibinibigay ang kompanya sa baranggay kung saan nagaganap ang mina.

Sinabi ng Mines and Geosciences Bureau sa Eastern Visayas (MGB-8) na ang mga aktibidad sa pagmimina sa Eastern Visayas ay nagresulta sa P182.62 milyon na kita para sa

pambansang pamahalaan sa pamamagitan ng buwis sa pagmimina na binayaran ng mga operator ng mina noong nakaraang taon.

Sa pananaw ng mga tagapagtanggol ng kalikasan, ang pagmimina ay may masamang epekto sa kapaligiran at kalikasan ng Homonhon. Nagdudulot ito ng polusyon sa ilog at mga dagat na nagsasanhi ng pagkamatay at pagkawala ng mga isda at iba pang yamang dagat sa isla. Naapektuhan din ng iresponsableng pagmimina ang lupa, hangin, mga likas na yamang anyong tubig, ekosistema, at lokal na komunidad ng lugar na pinagmiminahan.

Ayon sa anti-mining group na Homonhon Environmental Advocates and Rights Defender Inc. (Heard), sinabi nila na walang halaga ang makakapagbayad para sa pinsala na idinulot ng mga operasyon sa pagmimina sa isla, kung

saan nagtungo ang Portuges na manlalakbay na si Ferdinand Magellan noong 1521.

Napahayag ng Bishop ng Diyoses ng Borongan ang malalim na pag-aalala sa patuloy na pagtaas ng mga operasyon sa pagmimina sa isla dahil ito ang nagsilbing unang “stepping stone” ng mga Espanyol, na sa huli ay nagdulot ng Kristiyanismo ng Pilipinas.

“Labis kaming nababahala sa pagtaas ng operasyon ng pagmimina sa aming minamahal na makasaysayang isla ng Homonhon. Nanawagan ako sa mga awtoridad na maingat na pag-aralan ang mga proyektong pangmimina sa isla upang tiyakin na hindi ito magdudulot ng malubhang epekto sa kalikasan at sa mga lokal na residente,” ayon sa isang pahayag ng obispo noong Abril 11, 2023.

Sa kabilang banda naman, ayon sa mga tagapagtanggol ng mina ay nasisigurado daw nila na nasusunod ang mga patakaran at regulasyon na nailatag ng gobyerno upang masiguradong maproprotektahan

ang kalikasan ng isla. Ang pagmiminang nagaganap sa Homonhon ay nagdudulot ng maraming epekto at pagbabago sa ekonomiya hindi lang sa lokal kundi sa Nasyunal na pamahalaan. Sa kabilang banda nito, ito rin ay nagdudulot ng mga kontrobersiya na nagaganap sa pagitan ng mga tutol sa pagmimina at tagapagtanggol nito dahil nagiging iresponsable ang nagaganap na pagmimina. Sa huli, dapat tandaan na masama ang sobra at dapat ibalanse ang pagmimina kahit nagbibigay ito ng malaking tulong sa ekonomiya ay dapat wag kalimutan ang kalalagyan kapag ito ay nasobrahan.

AGTEK agham at teknolohiya 16 17 TOMO III. BILANG 01. AGOSTO 2023-ABRIL 2024 OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN AT PANGKOMUNIDAD NG MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG GUIUAN GUIUAN, DIBISYON NG SILANGANG SAMAR, SILANGANG BISAYAS (R8) panig sa katotohanan panig sa katotohanan AGTEK agham at teknolohiya EDITORYAL
TAGAPANGALAGA KAHANDAAN SA KALAMIDAD Guhit ni James Ignacio

LAKAS KABABAIHAN

Lady Spikers, umarangkada sa homecourt sa volleyball women’s division

ni Christian Ogaro Nasungkit ng Lady Spikers ng Guiuan North District ang ginto nang itaboy nila ang kabitbahay na Mercedes sa 2-1 (19-25, 25-6, 25-9) na panalo sa 2023 Unit IV Athletic Meet na ginanap sa Bobon covered court, Disyembre 12.

Walang laban ang Mercedes sa gutom na GNHS Lady Spikers nang makakuha nila ang puwesto sa nalalapit na Eastern Samar Provincial Athletic Association Meet (ESPAA) 2023.

Hindi madaling nakuha ang unang set para sa

Lady Spikers dahil sa lakas ng offensa at depensa ng Mercedes dahilan upang makuha ang advantage na 13-4.

Nang inakala nilang nasa kamay ng Mercedes ang momentum, natamaan ang kanang siko ng katapat ni Lady Spikers na si hitter Ivy Pagadora matapos tangkaing mabigong dive dig dahilan para mabawi ng kanyang koponan ang mainit na laban, sinubukan ng GNHS na habulin ang kalabang puntos ngunit hindi pa nakuntento sa huli. Lumaban sa unang frame, 2519 pabor sa Mercedes District.

Gayunpaman, nang magpalit ng court ang koponan para sa ikalawang set, ang nagsisigawang pulutong na Mercedes ay nagaangas sa likod ng puwesto ng koponan habang pinangungunahan nito ang hype ng laro habang umiinit ang kapaligiran ng laro. Hindi tulad ng unang set na pinasabog nila ang kanilang kalamangan, tiniyak ng team captain na si Noren Bergado na may sapat na tulong sa panig ng kanyang mga kasamahan sa koponan na hindi na mauulit dahil ang mataas na espiritu

ng laro ay sumabay sa kanilang panig na naglalabas ng maraming atake at serbisyo aces, pinatalsik ang pangmatagalang Mercedes sa isang tamed second set, 6-25.

“Hadto nga time han first set, kala namon dri na talaga makakaato kay na pressure talaga kami hadto. Pero pag abot han second set dida na namon napakita nga bisan agi han kabutlaw, uhaw, ngan susrunod nga tulo nga uyas waray kami suko,” sabi ni Bergado.

Ang pangatlong frame ay carbon-copy ng kanilang ikalawang set, kung saan ang

Chess Prodigy ng Black Panthers Unit 4, nagwagi sa ESPAAM 2024

Max Enrique, ang nagwagi bilang kampeon sa chess, na nagtulak sa Black Panthers patungo sa isang tagumpay sa Eastern Samar Provincial Athletic Association Meet (ESPAAM) 2024 sa Mercedes E. Samar.

Ang walang humpay na

nagpapakita ng malalim na kahalagahan ng sinaunang laro sa mundo ng palakasan. Nagtagumpay si Max sa bawat kalaban, kabilang ang mga kilalang manlalaro na sina Armil Jay Carreon, Wrenz Christof Banario, Louis Daniel Gordora, Mark Andre Pagatpat, Timothy Costuna, Clark Ivan Ty, at Bryan

Mark Colandog, na ay kanyang tinalo sa larong chess sa Mercedes.

Ang pagtakbo ni Garado sa laro ay may metodikal na paglapit subalit dinamiko, pinagsasama ang maingat na mga galaw at matapang na mga diskarte, na nag-iwan sa kanyang mga kalaban na nagsusumikap upang labanan

Lady Spikers ay nagtala ng 23-7 kalamangan sa kabila ng pagod mula sa labis na pagrampa laban sa kanilang mga kapatid na Mercedes sa isang loop sided third set decision, 25-9.

Matapos ang karapatdapat na tagumpay sa kampeonato, muling magsasagawa ang Lady Spikers ng kanilang mga pagsasanay para sa ESPAA Meet na gaganapin sa susunod na taon sa Mercedes, Eastern Samar.

ni Christian Ogaro

kanyang walang humpay na atake.

“Iton chess diri la usa nga mulay; usa ini nga kompetisyon kun diin an tagsa nga gi-os importante”, pahayag ni Garado, na naglalarawan ng kahalagahan ng pag-iisip at talino na kinakailangan upang magtagumpay sa laro.

Binigyang-diin ni Sir

nagbibigay sakripisyo ang mga manlalaro maging ang mga coach para sa mga pagsasanay na nagsisilbing preparasyon sa mga mas mataas pang antas.

Sa kabila ng mahabang proseso na puno ng sakripisyo, ito ay isang paraan at malaking kontribusyon din sa paghahasa sa abilidad ng bawat manlalaro na maaaring kumatawan para sa National Level.

Ilan lamang sa mga atleta na nagtagumpay

pangatadongan, pagin organisado, ngan pagin marigon,” pahayag ni Dagaño, na naglalayon ng mas malalim na aral mula sa laro.

Sa bawat galaw, pinatunayan ni Garado hindi lamang ang kanyang kasanayan kundi pati na rin ang kanyang pang-unawa sa malalim na aspeto ng laro, na nagpapatibay sa kanyang reputasyon bilang isang matitinding puwersa sa mundo ng chess. Habang inaabangan ni Garado ang paparating na mga laro sa EVRAA, ang kanyang taktikal na kahusayan at dedikasyon ay naglilingkod bilang inspirasyon para sa mga nagnanais na manlalaro ng chess at mga atletang umaasam na marating ang tagumpay sa kanilang larangan.

Pambansa. Subalit, mula sa matagumpay na karanasan, isa sa pinakamalaking rason ng paghihirap ang kakulangan sa ibinibigay na pondo sapagkat hindi lahat ay mayroong pinansyal na kakayahan upang bigyang gabay ang mga manlalaro mula sa mga gastusing nakapaloob sa pagsasagawa ng nasabing kompetisyon.

Mula sa ulat ng Philippine Sports Commission (PSC) chairman

nasabing bilyun-bilyong pondo na ito ay hindi naibigay ng ilahad ng ilan sa mga atleta ang kakulangan ng gabay mula sa gobyerno.

Dagdag pa ng SunStar Philippines, ilan sa mga manlalaro ng Davao para sa Palarong Pambansa 2017, natulog sa karton sapagkat hindi ito nabigyan ng sapat na kagamitan na kakailanganin sa ilang araw na kompetisyon sa kadahilanang ang paaralan na nag-host ay dumepende sa Department of Education (DepEd).

ito para sa ating bansa na makasali.

Sa kabila ng tagumpay na nakakamit mula sa bawat proseso na pinagdaraanan ng mga atleta upang umabot sa Palarong Pambansa, ikinakailangang bigyan pa rin ng pansin ng gobyerno ang estado ng pinansyal na kakayahan ng ibinibigay na pondo upang mas mapadali, mapalawak at mas mapalaganap ang abilidad ng bawat atleta.

...hindi lahat ay mayroong pinansyal na kakayahan upang bigyang gabay ang mga manlalaro mula sa mga gastusing nakapaloob sa pagsasagawa ng nasabing kompetisyon ni Jasmin Jay S. Flores

Ramirez, Paylangco, itinanghal bilang Mr. & Ms. Intramurals 2023

Naganap na naman ang isa sa pinakainaabangang pagdiriwang sa Guiuan National High School noong ika-20 ng Oktubre, 2023, ang Intramurals ng Mr. & Miss GNHS. Kasama ang daandaang estudyante mula sa grade 7 hanggang grade 12, hindi matitinag ang kanilang sigla at determinasyon upang makamit ang korona ng pagiging Hari at Reyna sa isa sa pinakamatagumpay na palaro sa paaralan. Unang araw pa lamang, hindi mapantayan ang excitement nang makita ang makukulay na parada ng bawat tribu. Bawat baitang ay kinatawan ng kanilang mga tribu, kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na ipamalas ang kanilang kultura at kasaysayan. Isinagawa rin ang seremonya ng pag-angat ng bandila, kung saan bawat tribu ay nagtungo sa harapang entablado upang itaas ang kanilang bandila na may kasamang pagmamalaki. Hindi rin nagpahuli ang mga mag-aaral sa aspeto ng kasuotan sa sportswear

competition. Bawat tribu ay nagpakita ng kanilang kahusayan sa pagtutugma ng kanilang mga kasuotan na nagpapakita ng kanilang samahan at dedikasyon. Ang mga makukulay na mga kasuotan ay nagbigay kulay sa Intramurals.

Sa araw ng koronasyon, hindi rin nag-atubiling isalaysay ang mga mananalo ng pakontestang pagpapakita ng mga talento, formal attire, at Q&A. Nagpamalas sila ng kanilang talino sa pagsagot sa mga makabuluhan at kaugnay na tanong. Ipinakita nila

ang kanilang kahandaan na maging modelo ng paaralan. Sa pagdating ng pagsasara ng programa, ang lahat ay nagtipon-tipon upang kilalanin ang mga nagwagi at magbigay-pugay sa lahat ng sumali sa Intramurals 2023. Kasama na rito ang nagwagi bilang Mr. & Miss GNHS na sina

Kristefanie Joy Paylangco at Sheen Oliver Ramirez ng Tribu Duruto. Isa itong pagkakataon upang magpasalamat sa mga guro, magulang, at mga estudyante na nagbigay buhay sa taunang okasyon na ito. Sa kabuuan, ang Mr.& Miss

GNHS sa Intramurals 2023 ng Guiuan National High School ay nagdala ng masayang alaala para sa lahat. Ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang husay, kultura, at pagkakaisa. Ang kaganapan na ito ay hindi lamang simpleng palaro kundi isang makulay na pagdiriwang na nagdadala ng kasiyahan at inspirasyon para sa lahat. ay naglilingkod bilang inspirasyon para sa mga nagnanais na manlalaro ng chess at mga atletang umaasam na marating ang tagumpay sa kanilang larangan.

ISPORTS 18 TOMO III. BILANG 01. AGOSTO 2023-ABRIL 2024 OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN AT PANGKOMUNIDAD NG MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG GUIUAN GUIUAN, DIBISYON NG SILANGANG SAMAR, SILANGANG BISAYAS (R8) panig sa katotohanan
UNIT IV ATHLETIC MEET
SA LARONG CHESS PUHUNAN ANG UTAK AT DISKARTE. Namayagpag sa larong chess si Max Enrique A. Garado (pangalawang naka-pink) sa ginanap na Provincial Meet na ginanap sa Mercedes E. Samar noong Pebrero 3, 2024. Larawang kuha ni J. Dagaño
PAGPAPAKITANG-GILAS
BAGONG HARI AT REYNA SPIKE. GNHS Lady Spiker, nagpakawala ng spike para maungusan ang kalabaan sa puntos. Larawang kuha ni Nicole Talipan Guhit ni James Ignacio

TAGISAN GALING NG

Kasanayan sa isports, ipinamalas sa Intramurals Meet 2023; Tribo Rig-on, wagi bilang pangkalahatang kampeon ni Michelle Gayoso

Malakas at mabagsik!

Wagi at itinanghal na pangkalahatang kampeon ang Unit 6 o Tribo Rig-on matapos magtala ng 9 na panalo sa iba’t ibang larangan ng sports sa Intramural Meet 2023 ng Guiuan National HIgh School nitong Oktubre 20-21.

Umabot sa 1,400 puntos sa iba’t ibang larangan ng sports, kabilang na rito ang Basketball (Men’s and Women’s category), Badminton Men’s, Badminton (Women’s S1 and S4), 2 Swimming 100Meter Backstroke (Boys), 800 Meter Run Boys and Volleyball Men’s.

Sinundan naman ito ng Unit 4 Tribo Bagani na nagpamalas sa iba’t ibang bahagi ng laro, Swimming 50m Freestyle (Girls), Swimming 100m Freestyle (Girls), Swimming, 50m Backstroke (Girls), Swimming 100m Backstroke (Girls), Swimming 50m Breastroke (Girls), Swimming 100m Breastroke (Girls), Swimming 50m Butterfly (Girls), 200 Meter Dash (Boys), 100 Meter dash (Girls), 400 Meter run (Girls), Billiards (Boys), Table Tennis (Girls).

Hindi naman nagpahuli ang Unit 5 Tribo Maduroto sa pagpapakita ng galing sa Swimming 50M Freestyle (Boys), Swimming 100M Freestyle (Boys), Swimming 50M Backstroke (Boys), swimming 50M Breastroke (Boys) , Swimming 50M Butterfly (Boys), 100 Meter

Dash Boys, 400 Meter Run Boys, 1200 Meter Run Boys, 1600 Meter Run Boys, Sepak takraw Boys, Table tennis Boys, Tennis, Badminton Men’s S2 and S3, Badminton Women’s S2 and S3, Chess Boys.

“I’m very happy and proud that our unit, which is the unit 6 was the overall champion. Despite of the sweat that we gave in our practices and trainings, thecircumstances we’ve experience from the different sports and dances, we have realized that team work is the best weapon in able to have a unity.” saad ni Cyril Kim Daganio, mag-aaral ng Grade 12-STEM. Ang mga itinanghal na kampyon ay siyang magiging pambato ng Guiuan National High School sa darating na District Meet 2023.

Palarong Pambansa: Kahalagahan sa Sakripisyo ng Bawat Atleta

ISPORTS panig sa katotohanan TOMO III. BILANG 01. AGOSTO 2023-ABRIL 2024 OPISYAL NA PAHAYAGANG PAMPAARALAN AT PANGKOMUNIDAD NG MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG GUIUAN GUIUAN, DIBISYON NG SILANGANG SAMAR, SILANGANG BISAYAS (R8)
ANG GASETA
19 18 18 “
...hindi lahat ay mayroong pinansyal na kakayahan upang bigyang gabay ang mga manlalaro mula sa mga gastusing nakapaloob sa pagsasagawa ng nasabing kompetisyon.
Chess Prodigy ng Black Panthers Unit 4, nagwagi sa ESPAAM 2024 Lady Spikers, umarangkada sa homecourt sa volleyball women’s division SIMBOLO NG PAGSISIMULA. Dala dala ang Games Torch, sinindihan ng EVRAA player na si Noreen Bergado ang ‘cauldron’, hudyat ng pagsisimula ng palaro, Oktubre 21. Larawan kuha ni Joselito Terencio

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.