Taytayan Newsletter A.Y. 2022-2023

Page 1

TAYTAYAN

STUDENT PUBLICATION OF PAGBABALIK NG TAYTAYAN; 50 CAMPUS JOURNO, ISINABAK

COLLEGE OF SOCIAL SCIENCES AND PHILOSOPHY

Muling binigyang-buhay ngayong taon ang opisyal na pahayagan ng College of Social Sciences and Philosophy (CSSP), ang Taytayan, matapos ang halos dalawang taong pagiging tahimik dahil sa naranasang pandemya at nakapagtipon ng 50 mga batang mamamahayag na siyang nagpapatuloy sa pagbibigay ng dekalidad at matapat na balita.

Kaugnay nito, napagdesisyunan na ianunsyo ang pagbabalik ng publikasyon nitong ika-8 ng Agosto kung saan nagpabatid ng paghahanap ng mga manunulat at miyembro na sumailalim sa interview noong ika-

25 at 26 ng Agosto, habang inilabas ang resulta ng interview noong ika-29 ng Agosto.

Bunga nga nito, nagtalaga ng mga bagong uupo sa posisyon ng Editorial Board (EB) kasabay ng pagtanggap ng bagong TV Broadcasting team at Video Production team.

Nagkaroon din ng pagpupulong ang EB, katuwang ng tagapayo ng Taytayan na si G. Andrei Miguel S. Jose, LPT, at ang butihing dekano ng CSSP na si Dr. Sherwin M. Pariñas para sa mga plano para sa taong pampaaralang ito.

Sa huli, naisakatuparan ang intensyong maibalik ang pahayagan upang maka-

BulSU Sikolohistas join the 8th Regional Psychology Convention: 4 students bag

awards

40 delegates from the BS Psychology program at Bulacan State University (BulSU) participated in the 8th Regional Psychology Convention held at Holy Angel University (HAU), Angeles, Pampanga, on April 20, 2023. The event was split into two sessions, in which a seminar was conducted in the morning and different competitions took place in the afternoon.

Rainier Ladic, MA, RPsy, also known as “The

Juan Psychologist,” discussed “Mental Health in the COVID Generation,” while Jeremiah Paul Silvestre, RPm, lectured about “On Crises and Vices: Coping in the Post-COVID-19 Era.”

Meanwhile, competitions were held in the afternoon, namely, “PaPSYCHLaban 2023: Inter-school Quiz Bee Competition” and “Ibuyó: A TED Talk Competition”, and the awarding of “Masalang Bukas: A Photography Competition”.

SAYK Org participant Ruby Vistan won 2nd runner-up in the Ibuyó: TED Talk Competition, while Jeward Brian Gumasing, Neillion Brix Cruz, and Ailleen Angelica Dairocas won 5th place in the PaPSYCHLaban: Inter-School Quiz Bee Competition.

Vistan was also the News Editor of Taytayan, while Gumasing is the Feature Editor for the academic year 2022-2023.

BulSUONE, dinomina ang SSC Elections, p. 2

BulSU SG Elections, tinutukan ng Taytayan p. 2

G. Capitle ng CSSP, isa nang ganap na abogado, p. 3

BulSU Passing Rate sa SWLE 2022, 84.85%; Macamos, pasok sa Top 10, p. 3

Taytayan favors Media Partnerships, p. 3

TV Broadcasting ng Taytayan, umarangkada, p. 3 and more...

EDITORIAL, p. 6

LITERARY, p. 14 FEATURE, p. 11

OFFICIAL
Ni: Ruby Vistan paghatid ng balita, anunsyo, at mga babasahin sa mga mag-aaral ng Bulacan State University, lalo na sa mga Rajahs.
NEWS
Photo from HAU Psychology Society Larawan ni: King Hendrick Lopez

BulSUONE, dinomina ang SSC Elections

Ni: Dhaicel Ipapo

Sa pangunguna ng University Commission on Student Elections (UCSE), opisyal na i nilabas noon, ika-19 ng Abril, ang resulta ng official canvassing ng mga boto kung saan nangibabaw ang partidong BulSUONE (B1) sa lahat ng posisyon para sa Supreme Student Council (SSC).

Nagwagi bilang bagong presidente si Arianna Marie B. De Jesus na nakakuha ng 8,959 na boto, habang nagtamo naman si Reina Kristine D. Reyes (KASAMA) ng 5,986 na boto, samantala nakalikom naman ng 7,750 ang nanalong Bise Presidente na si Jerson M. Robles habang 6,955 naman ang nakuhang boto ni Joanne Rizelle N. Rafa (KASAMA).

Kaugnay nito, nanguna naman sa pagiging senador si Althea Jana I. Trinidad na nakakuha ng boto na 6,577, na sinundan ni Alyha Kaye C. Marcelo na nagkamit naman ng 6,092 boto, sumunod sina Ervin Jay V. Arellano na nagkaroon ng 5,730, Carlos Miguel E. Salamat na mayroong boto na 5,305, Rosenda B. De Jesus na may 5,273 na

boto, Marvin D.C. Sambilay na mayroong boto na 5,120 at si Jhon Kien Anjelo S. Ramos na nakakuha ng 4,959 na boto.

Sa kabilang dako, nagtamo ng ika-walo hanggang ika-labing-apat na puwesto ang mga sumusunod na KASAMA

Senatorial Candidates: Sweet Brien A. Margen (4,924), John Noelly C. Camacho (4,045), Peter Ezekiel L. Reyes (3,755), John Daryll S. Santos (3,671), Kyle Dominic E. Fernando (3,424), Jammel E. Segubience (3,185) at si John Anthony C. Valencia (3,124). Samantala, para sa Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya, nakakuha ng 617 na boto si Gobernador Merwyn John Cruz habang ang Bise-Gobernador naman na si Rohanne Cyrus Mendoza ay mayroong boto na 509.

Rica Charmaine Mendoza, bokal ng Sikolohiya na nakakuha ng 331 na boto, sumunod si Gerrie Talusan, bokal ng Sikolohiya na mayroong 306 na boto, habang nagtamo ng 121 na boto ang bokal ng Pangangasiwang Pambayan na si Christian Noble at 101 naman na boto ang nakuha ng bokal ng Gawaing Panlipunan na si Jerliza Melize Muldong.

Sa kabilang dako, ang percentage of election turnout ay mayroong lamang 45.03% na kung saan ang total number of voters ay 739 at ang total number of non voters naman ay 902.

BulSU SG Elections, tinutukan ng Taytayan

Sa ilalim ng temang SIYAsatin, masusing sinubaybayan ng Taytayan, opisyal na pahayagan ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya, ang lahat ng kaganapang nagdaan patungkol sa halalan ng Konseho ng Mag-aaral 2023.

Nanguna naman si Isiniwalat ng pahayagan ang mga ulat mula pa lamang sa paghahain ng kadidatura ng bawat kandidato hanggang sa proklamasyon ng mga nagwagi sa mga posisyon sa konseho.

Gayunpaman, patuloy pa rin ang Taytayan sa pagpapanatiling pagtutok nang may layuning maghatid ng balita sa mga Rajahs na may pagkiling lamang sa katotohanan.

“Isang malaking tagumpay ang special coverage ng Taytayan (SIYAsatin) para sa nagdaang SG Election dahil bilang

estudyanteng peryodista pa lamang, naranasan na natin kung paano subaybayan at siyasatin ang bawat kandidato na tumakbo. Sa pamamagitan nito, naranasan nating tutukan at bantayan ang bawat kaganapan sa panahon ng kampanya hanggang sa mismong eleksyon na para bang maihahalintulad sa karanasan ng mga media sa pagdating sa national elections,” ani Erica Sanchez, punong patnugot, patungkol sa tagumpay ng SIYAsatin.

Ni: Mary Ramirose Cuaton
NEWS 2
Larawan ni: Joan Perpetua Oliveros Larawan ni: Dhaicel Ipapo

G. Capitle ng CSSP, isa nang ganap na Abogado

Ni: Erica Sanchez

Inilabas ng Korte Suprema ang listahan ng mga pumasa sa 2022 Bar Examination noong ika-14 ng Abril.

Inanunsyo ng Korte Suprema na 3,992 o 43.47% mula sa 9, 183 na examinees ang matagumpay na pumasa sa nasabing pagsusulit.

Isa sa matagumpay na pumasa si G. Arjay P. Capitle, isang college instructor mula sa College of Social Sciences and Philosophy (CSSP) ng Bulacan State University (BulSU) at kasalukuyang tagapayo ng lokal na konseho ng nasabing kolehiyo.

Sa pakikipagpanayam ng Taytayan, isinaad ni G. Capitle ang kanyang nararamdaman matapos isapubliko ang resulta, “Sa totoo lang, pakiramdam ko eh babagsak ako. Pero nagulat ako na nandoon ang pangalan ko sa listahan. Masaya. Overflowing ang damdamin dahil nasulit na rin ang lahat ng sakripisyo,” aniya.

Bagaman isa na siya ngayong ganap na abogado, ipagpapatuloy pa rin niya umano ang kanyang pagtuturo at maghihintay rin ng mga oportunidad sa mga law office.

“Hindi ko iiwan ang mga estudyante. Magtuturo pa rin. Magbabalik din sa aking mga magulang sa kanilang mga sakripisyo sa loob ng mahabang panahon,” saad niya.

Samantala, 20 naman mula sa College of Law ng BulSU ang nakapasa kung saan 51.28% ang overall passing rate ng pamantasan.

Taytayan favors Media Partnerships

In line with the revival of the publication alongside the consecutive university events, The Official Publication of the College of Social Science and Philosophy (CSSP) -Taytayan opens the door to media partnerships.

As Academic Year 2022–2023 ends, the publication was invited by different organizations to become a media partner for events and important happenings inside and outside the university.

Some of these media partnerships’ partner organizations are: Samahan ng mga Mag-aaral sa Sikolohikal na Kamalayan (SAYK), Asosasyon ng mga Naglilingkod para sa Bayan (ALAB), Alliance of Public Admin-

BulSU Passing Rate

sa SWLE 2022, 84.85%; Macamos, pasok sa Top 10

Isinapubliko ang resulta ng nagdaang Social Work Licensure Examination nitong Setyembre 2022 kung saan pumasa ang 28 sa 33 kumuha ng pagsusulit galing sa Bulacan State University (BulSU), at hinirang na Top 10 si Vannessa Bianca M. Macamos, alumnus ng BulSU.

Samantala, isa rin si Bb. Kristine Analiza P. De Vera, ang tagapangulo ng Departamento ng Agham-Panlipunan ng BulSU-College of Social Sciences and Philosophy (CSSP) sa mga matagumpay na nakapasa sa pagsusulit.

istration Students (ALPAS), Mental Health Coalition (MHC), BulSU Office of the Student Organizations and Activities (OSOA), Students Rights and Welfare (SRW), University Commission on Student Election (UCSE), Junior Social Workers Association of the Philippines Central Luzon (JSWAP-CL), (other orgs….)

Among these media partnerships’ successes are those of news writers, photojournalists, TV broadcasters, layout artists, and the video production team of Taytayan.

TV Broadcasting Team ng Taytayan, umarangkada

Ni: Mischa Iona Molina

Sinimulan noong Oktubre ng nakaraang taon ang unang pagtutok ng ng TV Broadcasting Team ng Taytayan na nagpapatuloy sa pagtutok magpahanggang ngayon.

Iba’t ibang mga kaganapan at selebrasyon ang nasaksihan ng mga Rajahs sa pamamagitan nga “Pagtutok ng Taytayan” kagaya na lamang ng Balangayan sa Unibersidad, SRW Month Celebration, Student Government Elections 2023.

Isa sa mga pamosong coverage ang kontrobersyal na pagbibitiw sa partido ng ilang Katipunan Student Movement (KSM) members.

Sa huli, tunay na naging parte ng mga pangyayari sa loob ng kampus ang naging mga pagtutok ng Taytayan, at inaasahang magpapatuloy ito sa mga susunod pang taon.

Ni: Ruby Vistan
NEWS 3

BulSU BSSW held first Pinning and Send-Off Rites

Bachelor of Science in Social Work (BSSW) established a new tradition as they held their first-ever pinning and send-off ceremony at the College of Social Sciences and Philosophy

(CSSP) Audio Visual Room on September 6 last year.

The event was celebrated for 70 student interns from fourth-year BS Social Work batch 2023, carrying the theme of “Gear towards excellence amidst adversities” to formally commence their faceto-face on-the-job training.

Prof. Jeffrey D.C. Lobos, LPT, RSW, MSSW, gave his words of challenge to student interns that also served as an inspiration for future social workers.

“It’s for you to discover the beauty of social work profession,” he uttered.

Moreover, National Association for Social Work Education, Inc. (NASWEI) President Bella Patricia G. Osalvo, DPA, RSSW and Philippine Association of Social Workers, Inc. (PASWI) President Rosauro R. Luntayao, RSW, expressed their inspirational messages, respectively.

The Pinning and Send-off Ceremony ended with the recitation of the student pledge led by Prof. Arjay P. Capitle, JD, and the announcement of the official deployment of BSSW student interns.

“Lagi’t laging para sa tao, lagi’t laging para sa bayan,” stressed by Prof. Kristine Analiza De Vera, LPT, MSW, concluding today’s program

Kauna-unahang Psychology Pinning Ceremony, natunghayan

Ni: Mary Ramirose Cuaton

Pormal nang isinakatuparan ang

unang Pinning Ceremony na inihanda para sa mga mag-aaral ng

Bachelor of Science in Psychology

mula sa ikatlo at ikaapat na antas noong ika-4 ng Marso sa Valencia Hall ng Bulacan State University.

Binuksan ang programa ng mga tagapagdaloy ng palatuntunan na sina Merwyn Cruz at Rica Mendoza kung saan agad ding itinawag si G. Robert Espiritu, tagapamuno ng departamento ng Sikolohiya, sa pagbabahagi ng pambungad na pananalita.

Sinundan ito ng pagpapakilala ng unang panauhing tagapagsalita na si G. Alvin John Joseph Mapoy, alumnus ng pamantasan, ngayon ay isang propesor sa University of Sto. Tomas, at isa sa mga sikolohista ng Wayside Psyche Resources Center, sa pamamagitan ni Gng. Marionne

Rotaquio, propesor mula sa departamento.

Tinalakay ni G. Mapoy ang iba’t ibang landas na maaaring tahakin sa pagtatapos ng Sikolohiya at ipinaalam kung gaano kalawak ang sakop ng larang na ito. “You just have to find out kung ano yung para sa iyo,” aniya.

Sumunod, tinawag na ang CSSP Band upang ipamalas ang kanilang pampasiglang bilang at sinundan din ng pagpapakilala sa ikalawang panauhing tagapagsalita na si G. Alfred Montarial, registered psychometrician at kilala rin sa pagkahirang niya bilang Top 3 sa Board Licensure

Examination for Psychologists and Psychometricians (BLEPP) sa pamamagitan ni Gng. Estrella Ranas, propesor mula sa departamento.

Ibinahagi sa kanyang talakay ang iilang tips upang maging lubusang handa sa pagkuha ng Psychometrician board exams.

Iniwan niya sa mga mag-aaral ang linyang tumatak sa kaniya na nag-

NEWS 4
Photo by: Joan Perpetua Oliveros Larawan ni: Adriane Cudia

mula kay Dr. Felicidad Villavicencio ng Psychology Department, “I am not expecting you to do 100% but I am expecting you to do your level best.”

Sa kabilang dako, sinurpresa ni Dean Sherwin M. Pariñas ang madla sa kanyang ipinamalas na pampasiglang biglang at inilapat sa mga

isipan ng mga mag-aaral ang kaniyang inspirasyonal na mensahe.

Matapos, ganap nang isinagawa ang pinakapakay ng programa kung saan ikinabit na ang kani-kanilang metal pins maging ang pagsasagawa ng BS Psychology Pledge of Commitment ng mga mag-aaral na pinangunahan nina James Patrick Dabu, pangulo

ng SAYK Org, at Alliah Sunga, tagapangulo ng proyekto.

Winakasan ang programa sa pamamagitan ng pananalita ni Mr. Clemuel B. Cruz, tagapayo ng SAYK Org.

“Sulong para sa isang malaya at mapagpalayang Mental Health at Sikolohiya,” kanyang pagtatapos.

SRW MONTH 2022 reaches Closing Salvo and LLK Coronation

A day of honor befell on BulSU Valencia Hall as the Students’ Rights and Welfare Month came to its closing salvo and the coronation of Lakan at Lakambini ng Karapatan on November 21, 2022.

The tension of the BulSUans’ collective action shone out after two years of commemorating this month in an online setting with this year’s theme, “THE PRESIDENTS’ GAMBIT: To Expose and To Reclaim,” and used their talents to participate in the SRW month 2022 events in literary, media, public speaking, and debate.

The event started with a parade, each college gathered and stood forward with their advocacies in hand to support their respective Lakan and Lakambini.

In the opening remarks of the program, Student Government President Patricia Camus encouraged every student to uphold their advocacies and learn the advocacy of each candidate.

Moreover, Chairperson of the Students’ Rights and Welfare Senator Althea Trinidad expressed during her keynote speech the campaign of the SRW committee:

• Safe Reopening of Schools: Demanding for greater budget for the Bulacan State University

• Fighting Against Historical Distortion: Strengthen the protection of academic freedom

• Combatting the Red Scare: Standing against red tagging and solidifying the student movement

Twenty lakan and lakambini candidates competed in casual wear, advocacy costumes, and formal wear competitions, and during the question and answer portion, each candidate gave their convictions on social issues posed to them.

The closing salvo concluded with the announcement of the Lakan and Lakambini ng Karapatan 2022 champions, with CSSP Lakan Merwyn Cruz officially hailed as Lakan ng Kalayaan 2022 and Hannah Razell Driza as Lakambini ng Karapatan 2022 3rd runner up.

“Carrying CSSP’s advocacy, “Activism, not terrorism,” proved to be challenging for me at first, because it was filled with misconceptions and negative connotations by a lot of people. But that didn’t

stop me because I truly am passionate about getting the message across, because activism is our constitutional and universal rights, as long as it does not hinder and put the lives of others at risk,” Cruz shared his LLK experience, being an eye-opener.

“I am hoping to see them all and stand with them as I continue to carry out my advocacy even after the competition, as this is the solution to truly bring change and betterment for the student body and eventually the masses. Iskolar ng bayan, para sa katotohanan-Iskolar ng bayan, para sa mamamayan,” He also expressed his gratitude to the Rajahs, who supported and trusted him throughout his journey.

NEWS 5
Photo by: Joan Perpetua Oliveros

ANG ALAMAT NG PUTING VAN

Pangilan-ngilan ang pagkawala, ngunit marami na ang nag-aalala. Hinahanap-hanap ang katawan, nagtatanong-tanong kung buhay pa ba. Walang kibo ang mga namamahala, malalaman na lang natin sa susunod ay tumataas pa ang bilang ng mga nawawalalubhang nakababahala.

Ni:Nathaniel Valles dulot ng pagsiklab ng pangangamba ng taong-bayan, na hindi muna palabasin ang kanilang mga anak, at magkaroon pa ng pagdodoble-ingat sa pagbabantay sa mga ito. Matapos din ang ilang araw, natuklasan ang kalunos-lunos na sinapit ng nasabing nawawalang dalagita. Natagpuan itong wala ng buhay at puno ng mga paso at mga strangulation marks nang makita sa madamong bahagi sa gilid ng isang kalsada sa Bustos, Bulacan. Lubos na kalungkulatan at pangdadalamhati ang nararamdaman ng kaniyang mga magulang.

Ayon sa Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang peace and order sa ating bansa ay matatag at matibay. Gustong mapawi ng nasabing pahayag ang nabuong takot ng publiko sa gitna ng mga napaulat na pagdukot at pagpatay nitong mga nakaraang linggo. Sa pagsasalita niya sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Police Service sa Regional Office 3 (Gitnang Luzon) headquarters sa Pampanga, nabanggit din ni Azurin na ang datos ng PNP ay nagpakita ng tuluyang pagbaba ng bilang ng krimen sa loob ng 12 taon mula noong 2010. Ang pagbaba ng 45. 24% sa krimen sa ilalim ng administrasyong Marcos ay ikinumpara sa bilang ng rehimeng Duterte. Gayunpaman, kung tama ang mga naiulat na datos at siya ngang bumababa ang bilang ng kaso ng mga pagkawala, ay hindi pa rin tama na sabihing matatag at matibay ang peace and order sa bansa. Hindi porket iilan lang ang nakararanas, ay marapat na natin itong ipagsawalang bahala.

Kaugnay nito, binalot ng takot at pangamba ang publiko matapos ang pagkawala ng ilang mga kababaihan sa Bulacan, Palawan at iba pang kalapit na probinsya. Ang pagkawala ng 15-anyos na dalagita ay ang nag-

Ang ganitong uri ng kaso ay marapat na nating aksyunan, bago pa man ang mga biktima ay madagdagan. Sino ba ang mga dapat lapitan, kanino nga ba dapat makipagtulungan?

Ang gobyerno ay isa sa mga may makapangyarihang plataporma at maraming sangay-sangay na ahensya, dito mag-uumpisa ang pinakaunang paggalaw ng solusyon. Ang pagkakaroon ng epektibo at maayos na sistema ng imbestigasyon sa mga nauna na at sa mga maaring susunod pa na mga kaso ay mainam. Kapag nagkaroon na ng imbestigasyon, maglilitawan na ang mga kasagutan at ispekulasyon. Patalimin pa ang punto ng seguridad, maigi na alam ng mga kapulisan kung aling mga lugar ang “prone” sa mga dukutan – mga madilim na kanto, mga eskinita, at kalye

Bilang isang mamamayan, mas magiging madali ang pagkakaroon ng mapayapa at ligtas na kapaligiran kung ang lahat ay nakikiisa sa maayos na pamamalakad ng mga protocol at polisiya na nagpoprotekta sa atin. Ang karaniwang nakasasaksi ng mga pagdukot ay tayo-tayo lang ding mga pangkaraniwang mamamayan, bilang isang responsableng kapwa, marapat na ipaalam natin ito kaagad sa kinauukulan upang agaran din ang maging aksyon at pagtugon.

Samantala, ang guardian o magulang dapat ang pinaka responsable sa kanilang mga anak. Kung menor de edad at musmos pa ang kaisipan, mas kailangan niya ang inyong gabay at tulong, na maunawaan na mayroong posibilidad na mangyari rin sa kanila ang sinapit ng iilang biktima ng pagdukot. Hindi mo siya tuturuan matakot, kung hindi ay tuturuan mong mag-ingat.

malapit sa kalsada. Ang pagtutulungan ng mga tanod sa LGU’s at mga kapulisan sa pagronda sa umaga man o gabi ay isa rin sa wastong solusyon.

Ikaw, responsibilidad mo rin ang sarili mo. Palagiang siguraduhin na mayroong nakaaalam sa kahit na sino sa iyong pamilya, kaibigan, o pinagkakatiwalaan kakilala kung saan ka gagawi o pupunta. Kung maaari ay iwasan ang pagdaan sa mga madilim na eskinita o humanap ng ibang ruta. Huwag tumanggap ng mga aya ng libreng sakay mula sa mga estranghero. Ang pagdadala rin ng mga self-defense weapons ay naiulat na malaking tulong din sa mga ganoong uri ng sitwasyon. At ang huli, gising at mulat na isipan. Hindi matatapos ang problemang ito kung ang plaka ng puting van o biktima lang ang ating hahanapin. Marapat na sa paghahanap natin sa kanila ay hinahanap din natin ang competency, aksyon at hustisya mula sa gobyerno, disiplina mula sa mamamayang pilipino, responsableng mga kilos mula sa mga magulang, at ang maagap mong pagtugon sa iyong kapaligiran at kapwa bilang isang indibidwal. Kapag ang lahat ng ito ay nagkaroo n ng maayos na daloy, baka sa susunod ay hindi lang ang alamat ng puting van ang ating matuklasan, baka sa susunod ay hindi lang ang kaso ng pagdukot ang ating masolusyunan.

na
EDITORIAL 6
Dibuho ni: Fatima Raynelle Ramos

BUTI PA ANG NINGAS-KUGON

Sa una lang masigasig, sa una lang tumitinig, sa una lang may tindig. Gaano kababa ang ating pamantayan para sa isang huwarang pamahalaan?

Labing-anim na bagyo’t isang malakas na lindol ang nagdaan sa taong ito, kung saan nagkaroon ng mga pagbabago; mula sa pagbabalik ng normal na buhay na ginapi ng pandemya hanggang sa pakikibaka sa nagdaang eleksyon at ngayon ay isang bagong administrasyong nakaluklok, ang taong 2022 ay kinabuuan ng iba’t-ibang pangyayaring mabilis na lumilipas. Mula pa lang sa 49.5 milyong perwisyong agrikultura at 4.5 bilyong halaga ng nasirang imprastrukturang iniwan ng bagyong Paeng ay may ilan pa rin tayong mga kababayang hindi pa nakakabalik sa kani-kanilang mga tirahan, habang ang iba’y wala na talagang mababalikan pa. Isa lang ito sa napakaraming kabawasan na naitala ngayong taon. Kamusta na nga ba ang naging tugon ng administrasyong Marcos-Duterte sa mga nagdaang kalamidad na pinagdaanan ng bansa sa ilalim ng kanilang pamamahala? Higit sa lahat, nagkaroon na ba ng progreso ang sistema ng disaster risk reduction at response ng kasalukuyang gobyerno kumpara sa mga nagdaan?

Nitong Setyembre ay inilabas ang World Risk Index (WRI) para sa taong 2022 at pagbati dahil ang naging ranggo ng Pilipinas ay sa unang pwesto, bilang bansa na nasa pinakamataas na panganib sa oras ng kalamidad. Pang-una sa 193 na bansa sa buong mundo na kumakatawan sa 99 porsyento ng pandaigdigang populasyon. Pumangalawa at pangatlo ang India at Indonesia, na sinundan ng Colombia at Mexico. Ang WRI ay isang taunang ulat, na inilunsad noong 2011, at inilathala ng Bündnis Entwicklung Hilft at ng Institute for International Law of Peace and Armed Conflict sa Ruhr University Bochum. Ito ay pinagsama-samang binuo sa United Nations University Institute for Environment and Human Security. Sinasaklaw nito ang mga panganib mula sa lindol, bagyo/bagyo, baha (kapwa baybayin at ilog), tagtuyot, pagtaas ng lebel ng dagat, tsunami, at digmaan, at iba pa.

Hindi kayang pigilan ng isang tao, gobyerno, departamento, o pangulo ang isang natural na kalamidad tulad ng bagyo, lindol, o pagsabog ng bulkan. Datapwat matutugunan ng isa, partikular na ng pamahalaan, ang mga bagay na magiging sagwil ng mamamayan tulad ng kahirapan, kagutuman, edukasyon, pampublikong kalusugan, at kahandaan sa sakuna upang mabawasan ang damage o kasiraang maidudulot nito. Sinusukat ng Index ang dalawang bagay: una ay ang pagkakalantad ng populasyon ng isang bansa sa potensyal na epekto ng mga bagyo, lindol, pagsabog ng bulkan, tagtuyot, baha, at iba pang natural na pangyayari. Ang pangalawa ay ang vulnerability ng lipunan. Sa makatuwid, ang pagiging ‘top 1’ ng Pilipinas sa WRI ay hindi isang karangal-rangal na aspeto.

Nang sinabi ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga katagang;

“We could’ve done better than that,” sa pagtugon sa mga tala ng namatay sa bagyong Paeng ay ‘di mawaglit sa isipan ni Juan Dela Cruz ang kabiguan para sa kaniyang bayan at sambayanan. Nang magbigay ng sandaang sakong bigas ang Opisina ng Bise Presidente sa Laguna sa kabila ng bilyon-bilyong confidential funds ay pipi itong tinanggap, tinanguan, at hinagkan ng mga evacuees. Kung uugatin kung sinong dapat na sisihin sa lahat ng ‘magagawa pa sana’ noong kasagsagan ng mga kalamidad na humagupit sa bansa, magsasanga-sanga lamang ang mga ahensya at departamentong lilitaw dahil sa sangsang ng kanilang kapabayaan. Hindi nakasentro sa pangulo o sa bise lamang ang sisi, bagkus ay sa kabuuan at kalahatan.

Ngayong may mga nagbabadya pang bagyo o anumang kalamidad bago matapos ang taong ito, nawa ay maramdaman na ang gobyerno. Higit sa isang konstruktibong kritisismo, ito ay isang panawagan para sa lahat ng mga opisyales na nasa ginintuang silya ng kanilang opisina. Marahil ay komportable ang posisyon, marahil ay mahirap matanaw ang mga hikahos kung masyadong nakakasilaw ang ningning mula sa itaas ng tatsulok na inyong kinabibilangan, ngunit ito ay isang payak ngunit may diing hinaing. Gamitin ng husto ang pondo ng gobyerno at maglaan ng sapat na badyet para sa mga ahensyang kinakilangang maagap na tumugon sa oras ng sakuna. At kung sakaling hindi pa rin madidinig ng mga lingkod-bayan na ito ang pagtangis ng bayan na kanilang dapat na pinaglilingkuran, magsisilbi rin itong pag-uudyok na mariing tumindig para sa gobyernong ating dapat na matamasa. Panahon na upang itaas ang panggobyernong pamantayang sadlak sa lupa at walang ibang gagawa nito kung hindi tayo.

Buti pa ang ningas kugon, kahit papano’y sa umpisa ay magaling. Kaysa naman sa mga ni minsa’y ‘di nagparamdam at nagpakita sa taumbayan - sa mga indibidwal na naghihikahos sa pamahalaang madadakila at masusumpungan.

EDITORIAL 7
Dibuho ni: Trixie Velasco

PASENSYA, MAYROONG DEPISYENSIYA

Kritikal ang gampanin ng pagkakaroon ng sapat na pasilidad sa bawat mag-aaral. Subalit sa tila patuloy na pagkipot ng espasyong mayroon ang unibersidad, tayo ay namamalimos ng pagkilos mula sa sistemang pinaiimbulugan ng kakulangan, hindi lamang sa bilang, kundi maging sa kusa at kaayusan.

Umuugong ang kabi-kabilang hinaing ng mga mag-aaral patungkol sa kakulangan ng mga silid-aralan at ‘di pagpapanatili ng kalinisan sa buong unibersidad. Kung ating bibigyang pansin, ang kakulangan nito ay maaaring magdulot ng negatibong epekto sa kanilang akademikong pagganap maging sa kanilang kaligtasan. Dagdag pa rito, mahalaga ang gampanin ng pagkakaroon ng maayos at maaliwalas na mga silid maging ang pagkakaroon ng kumpletong kagamitan sapagkat ito ang isa sa mga susi upang maganap ng mga mag-aaral ang pagkatuto. Subalit ano nga ba ang pinag-uugatan ng isyu patungkol sa kakulangang ito?

Sa panayam na isinagawa ng Taytayan sa SWARM, isang agency na hinayr ng Bulacan State University (BulSU) upang panatilihin ang kalinisan at kaayusan sa unibersidad, napag-alaman na mayroong kakulangan sa manpower na nagiging sanhi upang maging mabigat para sa isang tao na gampanan ang lahat ng gawaing nakaatas sa kaniya. Subalit hindi rin daw ito ang dahilan ng inirereklamong kakulangan sa pasilidad. Ani nga ng Dekano ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya na si G. Sherwin Pariñas, “...our maintenance people, they’re doing their part. Kung mapapansin niyo ‘yon, maya’t maya sila nagwawalis, kaya lang maraming tao e, kaya laging may kalat. Kaya from time to time, they mop the floor ‘di ba.”

Isinaad naman ni Patricia Camus, pangulo ng BulSU Student Government (SG), na ang kakulangan ng mga silid-aralan at pasilidad ay maaaring ugatin sa iskarsidad ng badyet sa edukasyon. “Kasi kung maibibigay naman ng government natin ‘yung enough na budget para makapagpatayo ng mas maraming classrooms, not just in main campus but even external campuses, ay hindi natin mar-

aranasan ito,” ani ni Camus. “Isa pa, mas madadagdagan natin ‘yung population ng estudyanteng papasok sa atin [BulSU],” dagdag pa niya.

Bagama’t hindi kabilang ang Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya sa mga nakararanas ng malubhang kakulangan sa silid-aralan, binanggit ng dekano ng kolehiyo na mababanaag pa rin ang isyu patungkol sa karumihan at kakulangan sa kaayusan ng mga silid-aralan na karaniwang dahilan ng basta-basta lamang na pag-iwan ng ibang mga mag-aaral dito matapos itong gamitin. Tunay ngang hindi maiiwasan ang kaisipan na responsibilidad ng mga hired utility personnel ang kaayusan at kalinisan sa mga pasilidad. Subalit nawa’y magmarka rin sa ating mga isipan na hindi kaakibat ng kanilang trabaho ang responsibilidad na gawin maski ang bahaging dapat ay ginagampanan natin bilang estudyante na siyang gumagamit ng mga pasilidad na ito.

“What I would like to emphasize and suggest or recommend is ‘yung tinatawag nating ‘communal responsibility,’ that each one of us would take in our own little way to help maintain cleanliness of the building. Kasi in the first place tayo rin naman ‘yung gumagamit, kolehiyo natin ito so dapat mahalin natin ito, and one way of loving the college is of course, through cleanliness,” saad ni G. Pariñas.

Bunsod ng nasabing isyu ay banta sa ma-

sistemang pagkatuto ng mga mag-aaral sapagkat ang pasilidad ang mga lugar na lunsaran ng pagbabahagi ng mga aral. Nagsisilbing tahanan ng mga mag-aaral ang mga pasilidad na siyang hugpungan ng mabungang pagkatuto. Kung gayon, isang malubhang suliranin kung hindi ito matutugunan. Balakid kung ito ay ituturing kung kaya naman marapat lamang na maging aktibo ang administrasyon upang matugunan ang kakulangang ito. Nasa kamay ng administrasyon at maging ng gobyerno ang kontrol upang ito ay matugunan sapagkat sila ang responsable sa usaping ito, taga-gamit lamang ang mga mag-aaral. Bagamat ganoon, ang mga mag-aaral naman ay inaasahang gamitin ito nang may ayos. Hindi dapat ito sinisira at niyuyurakan sapagkat hindi lamang sila ang gagamit nito. Hindi rin sapat na rason ang pangangatwiran na dahil sa pagmamadali ay nakalilimutan nang suriin kung mayroon bang naiwang bukas na mga ilaw o ‘di naman kaya ay electric fan o aircon sa ginamit na silid. Higit pa rito, tungkulin ng bawat magaaral na pangalagaan ito sa pamamagitan ng hindi pagkakalat at hindi pang-aabuso sa pasilidad.

Ang isyung ito ay kinakailangan ng agaran na tugon mula sa administrasyon. Responsibilidad nilang tugunan ang bawat puwang at pagkukulang. Sa kabilang dako, bagama’t gampanin ng utility personnel ang paglilinis nito, tungkulin din ng mga mag-aaral na pangalagaan ito. Ang tatlong grupo ay parehong may kaakibat na responsibilidad na marapat tugunan. Nasa kanilang mga palad kung paano sila maka-aalpas dito. Kaya naman upang mapunan ang depisyensiya, sa halip na paghingi lamang ng pasensya, ang ibayong pag-iingat at pagpapahalaga sa mag-aaral at sa pasilidad— ay lubhang kailangan.

EDITORIAL 8
Dibuho ni: Jazz Claudine Tobias

BALINTATAW: A BIG DISAPPOINTMENT TO OUR GOVERN-

MENT OFFICIALS

“Of course, a politician’s promise isn’t worth the paper it’s written on.”

On the 31st of January, Ms. Patricia Ann P. Camus, the President of Bulacan State University (Konseho ng Mag-aaral), posted a statement that expressed their big disappointment to the invited Bulacan government officials who failed to attend the political forum “Balintataw: Sulyap sa Hinaharap.”

Prior to Balintataw, programs such as “Tanglawin 2022: A Political Forum” and “Talawigan: Talakayan sa Lalawigan” were already planned and organized before the election. Supposedly, these programs would be a 100-day event intended to learn the plans, intentions, and standpoints of aspiring government officials. These programs aim to let voters know and assess the candidates for whom they will vote. However, there was a conflict among the schedules of the politicians, which postponed the programs. In line with these plans, the Konseho ng MagAaral decided to continue the forum initiative in January 2023, believing that it is about time to ask for accountability, updates, and transparency about the plans promised by the officials.

One of the main purposes of the event is to assess the accomplishments made by the officials during the term they have had so far. Supposedly, the political forum would be limited to municipalities, meaning that only the mayors and vice mayors would be guests at the forum. However, knowing that BulSU encompasses the whole province of Bulacan, they decided to make the forum inclusive and invited Governor Daniel R. Fernando, Vice Governor Alex Castro, a congressman, a board member, and the President of the SK Federation of Bulacan Province.

The organizations have invited different representatives from various sectors of the community, such as health, transportation, agriculture, youth, women, and even representatives from external campuses, to raise

the concerns of the sector they represent. The students who wish to join the forum were also allowed to participate in the forum to ask necessary questions about the issues that require immediate action and response. They highly expect the invited officials to state their own insights and answer the questions.

The Balintataw was spearheaded by the Research and Development Committee of the Student Government. There are also a lot of volunteers from other committees and organizations, such as the Office of the Student Regent, who also contributed a lot to the preparations for the event. The organizers clarified that they communicated clearly with the offices. They have given the invitation letter to the office three weeks before the forum and asked them if it is possible to have the governor and vice governor attend the forum even for a short span of five to ten minutes. The office of the Governor and Congress Board Members did not give the organizers the chance but gave them the contact number of the official staff to follow up on their request.

On the other hand, the office of the Vice Governor did not say yes immediately since the Vice Governor was out of the country during that time and it would be hard to contact him for a while, but the office has assured the organizers that there is a high possibility that the official will join and respond since the forum will be held during ‘People’s Day” and their schedules are free on the given date.

As per President Patricia, the organizers are determined and have never stopped making follow-up requests via email. However, there was no response from the government staff. President Patricia expressed her disappointment and questioned how hard it is for the staff to reply and tell them that the officials won’t be available on the date, so they would not keep their hopes high anymore. The organizers kept waiting for confirmation, but they did not get any. Moreover, the organizers also invested a lot of time, resources, and effort in organizing the program and its design. There are special numbers performed

by BulSU Saring Himig, BulSU Symphonic Band, Lahing Kayumanggi, and BulSU Entablado. To their dismay, the invited guests did not come to witness it.

The situation cannot be completely justified by the mere excuse of a schedule conflict. The organizers stated that they are very willing to adjust the time and date of the forum. They have made the guests’ availability their priority. The organizers have made more than enough adjustments, but the issue of schedule still persists.

The forum happened on January 30, 2023, at the Valencia Hall of the BulSU Main Campus. On the day of the actual event, the audience and the staff waited for an hour, but the expected government officials did not make it to the forum. Instead, they sent their representatives to answer the crowd’s questions on their behalf. According to President Patricia, they expected reports and a well-prepared speech from the representatives, but to their dismay, the representatives seem to not be completely prepared. Another big reason why the organizers are extremely disappointed is because the officials did not reach out personally; they did not leave any apology, explanation, or message. President Patricia waited a day before expressing her disappointment in the outcome of the forum.

In order to achieve harmony and build a strong relationship between the government and its people, we need to establish a twoway relationship where we’ll both listen and be heard. The initiative of the organizers to set up this forum was never a petty effort. It is the product of the collective and unified desire of the people to ask for transparency, updates, and concrete answers. The term they are serving hasn’t ended yet; they still have the chance to redeem themselves and showcase their consistency. If the officials continue to take no notice of the effort coming from the people to reach out to them, how would the citizens expect them to be reliable in more urgent situations in the province?

EDITORIAL 9

NAWAWALANG PA(HINA)

Hindi pasisiil.

Sa kabila ng paggugunita ng Buwan ng Wika ang Komisyon ng Wikang Filipino ay ibinaba noong ika-12 ng Agosto ang isang kontrobersyal na Memorandum No. 2022-0663 na naglalaman ng kautusan na ipinagbabawal at ipinatitigil ang pamamahagi sa mga paaralan at mga pampublikong silid-aklatan ang limang libro na di umano ay naglalaman ng mga pagtuligsa sa gobyerno at paglabag sa Article 9 of Republic Act 11479 o ang Anti-Terrorism Act. Kasama sa nasabing mga libro ay ang Teatro Politikal Dos ni Malou Jacob, Kalatas: Mga Kuwentong Bayan at Kuwentong Buhay ni Rommel Rodriguez, May Hadlang ang Umaga ni Don Pagusara, Labas: Mga Palabas sa Labas ng Sentro ni Reuel Aguila at ang Tawid-diwa sa Pananagisag ni Bienvenido Lumbera: Ang Bayan, at Manunulat, at ang Magasing Sagisag sa Imahinatibong Yugto ng Batas Militar 1975-1979 ni Dexter Cayanes. Saad ni KWF Commisioner ng Ilocano Language Benjamin Medillo na ang mga librong nabanggit ay napag-alamang naglalaman ng mga sipi na nagmula sa kilusang komunista na nanghihimok o nag-uudyok sa mga mambababasa na labanan ang pamahalaan. Ang mga ganitong gawi ay isang pagpapakita ng panunubok na kontrolahin ang mga dapat lamanin ng bawat librong maisasapubliko at mailalathala. Kung saan mapipigilan ang malayang talakayan at paghahayag ng mga aklat na makatutulong na magkaroon ng kritikal na pag-iisip ang mga mambabasa at hindi tanggapin ang kung anong nakikita o naririnig lamang.

Kaugnay nito ipinahayag ng dating Leyte-Samar commisioner ng KWF Jerry Gracio ang kanyang pagkadismaya sa red-tagging na nagaganap dahil lang sa pagsipi sa mga akda ni Lumbera at Guillermo ng ilang mga manunulat lalo na ang thesis na ginawa ni Cayanes kung saan ay tinalakay nya ang akda ni Lumbera patungkol sa Martial Law. Sa ganitong antas makikita ang tuwirang paniniil sa karapatan ng malayang pamamahayag at ang hindi matapos tapos na di makatao at walang basehang red-tagging sa bansa.

Sa buwan na ito ay ginugunita ang Buwan ng Wika ngunit nakalulungkot isipin na sa bu-

wan rin na ito ay ibinaba ang memorandum na tila hindi nagpapakita nang pagsuporta at pagpapahina sa mga lokal na akda at sa wikang ginagamit natin. Tunay na nakaaalarma ang nasabing memorandum. Ang ganitong mga aksyon ng mga na sa posisyon ay tuwirang nagpapakita ng pagsubok na muling kontrolin ang mga impormasyon na iikot sa bansa. Ito rin ay nagsasaad ng pagnanais na magkaroon ng iisang kaisipan lamang at pagpigil sa kahit ano mang tutuligsa rito. Ang mga pagbabawal sa ilang akda na nagpapakita ng pagtuligsa ay di maikukubling nangyari rin sa ibang panahon ngunit tayo ay na sa ibang panahon na. Ang pangyayaring ito ay hindi na mangyayari pa kung ang bawat isa ay hindi na magpapasiil pang muli.

HAMON NG PAGKAKAISA

‘Bat ka nagagalit wala naman siyang ginagawa?

Sa mahigit kumulang na 50 milyon na botante nitong nagdaang eleksyon 58% o halos mahigit 30 milyon na botante ang pumanig, pumili at naniwala sa plataporma ng pagkakaisa kaysa sa pangakong sa gobyernong tapat, angat buhay lahat, bilis kilos, aayusin ang buhay ng Pilipino at iba pa.

Kaugnay nito, sa nagdaang unang State of the Nation of Address ni Pangulong Bongbong Marcos, isa sa binigyang pansin niya ang usapin nang lumalalang krisis sa kakulangan ng pagkain at ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga ito. Kung saan matataandaan na siya ang kasalukuyang department secretary ng agrikultura. Sa kabila nito, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay rumatsada ang pagtaas ng presyo ng sibuyas, ng ibang gulay at ultimo ang presyo ng pang noche buena ng mga Pilipino. Alinsunod dito, naitala ang food inflation ay tumaas mula 6.7 noong buwan ng Agosto at naging 7.7% nitong Setyembre.

Dagdag pa rito, binanggit niya rin rito na inatasan niya ang Department of Social Welfare and Development na magkaroon ng agarang mga hakbang na gagawin sa mga panahon ng sakuna upang mabilis na makapaghatid

ng tulong sa mga naapektuhan. Kaya’t noong panahon nang pananalasa ng Typhoon Karding, ang pinakamalakas na bagyo ngayong taon, ay nagsagawa lamang ito ng aerial inspection upang hindi raw siya makaabala sa mga rumeresponde. Bukod pa rito, matatandaan na sa kasagsagan ng bagyo ay inilabas nito ang kanyang vlog patungkol sa kanyang naging trip sa New York, at napabalita rin ang kanyang paglipad sa Singapore para manuod ng Formula 1 Grand Prix sa mga panahon na sinusubukan na muling bumangon ng mga nasalanta ng bagyong Karding.

Binanggit ng kasalukuyang administrasyon na isa sa nais nilang ipagpatuloy ang naumpisahang “build, build, build” project nang nagdaang administrasyon nak ung saan pinalitan na “build, better, more” alinsunod sa palayaw ng presidente na BBM. Kaugnay nito, naging matunog ang usapin ng pagsasabatas ng Maharlika Wealth Fund kung saan isa sa rason ng pagpapanukala ng nasabing batas ay upang patuloy ang pagpapagawa ng mga imprastaktura sa bansa. Kung saan matataandaan na ang windmill na nagawa sa panahon ng kanyang ama ay mapasa hanggang ngayon ay ginagamit at kinokonekta nila sa kanilang pangalan.

Sa pagkakataon na ito, sana tamang sagot sa kumakalam na sikmura ang pagkakaisa. Sana tamang solusyon sa kabi-kabilang problema ng bansa ang pagkakaisa. Sana tamang solusyon ang pagkakaisa. Sa pabirong tanong ng mahigit kumulang na 30 milyong pumanig “bakit ka nagagalit wala naman syang ginagawa?” ang sagot ng manorya “nagagalit kami dahil wala siyang ginagawa.”

“Hindi ito magagawa sa isang araw, hindi magagawa sa isang buwan, o isang taon lamang. Ngunit kailangan na natin simulan NGAYON” saad ni Pangulong Marcos sa kanyang SONA. Tamang ang nagdaang anim na buwan sa ilalim ng bagon administrasyon ay hindi sapat na batayan sa kakayanan nitong maglingkod at sa posibilidad na maaari pa nitong magawa sa anim na taon. Ngunit, katulad ng nabanggit niya “...come on , let’s go. We need to do these things. We haven’t very much time...We have very many difficulties…”. Totoong maraming problema at sa ngayon isang nanunungkulan na may sense of urgency ang kailangan ng bansa. Isang planong totoong mapagkakaisa ang bayan na may malaking agwat ang pamumuhay.

EDITORIAL 10
Ni: Aila Marie Castillo

MARY

Ni: Jeward Brian Gumasing

SALUBONG ang mga kilay ni Mary nang maalimpungatan siya dahil sa ngawa ng kanyang munting supling. Ramdam man ang tigas ng kutsong nakalatag lamang sa sahig, mahimbing ang kanyang tulog ngayong gabi.

Sa kanyang panaginip, isa pa nga siya sa mahigit apat na raang nanalo sa lotto—na makapaguuwi sana ng kalahating milyong piso. Subalit napabalikwas na lamang siya mula sa pagkakahiga kahit na hindi pa gising ang kanyang diwa. Kasabay nito’y ang kanyang pagtingin sa orasang nakasabit sa kahoy na dingding ng kanilang munting tahanan.

“Alas dos y medya,” bulong niya sa kanyang sarili habang pinagtitimpla ng gatas ang kanyang sanggol. Kasabay ng kalansing ng mga kubyertos, maririnig ang awitin ng mga kuliglig sa dis-oras ng gabi. Malamig na rin ang simoy ng hangin, senyales na nalalapit na naman ang pasko. Sa kabilang banda, pipikit-pikit ang mga mata ni Mary nang padedehin niya ang kanyang anak. Sa kabutihang palad, dahan-dahan naman itong tumahan, na sinabayan naman niya ng marahang pagtapik sa malulusog nitong hita.

Napalingon si Mary sa kanilang higaan. Apat sa kanyang mga kapatid, na may edad walo hanggang katorse, at ang kanyang inang kuwarenta’y singko anyos, ang nagsisiksikan sa kaliwang parte ng silid. Mamamataan naman sa kanan ang kanyang asawa na tila ba walang naririnig na iyak ng sanggol kanina; malakas pa rin ang hilik, masarap ang tulog—parang walang ibang pinoproblema. Sa puntong ito’y gising na ang diwa ni Mary, samantalang ang kanyang anak, na anim na buwan pa lamang, ay unti-unti na namang nahihimbing ang tulog.

Habang pinagmamasdan niya ang kanyang sanggol, binalot na naman ng ligalig ang kanyang isipan. Hindi malaman kung saan kukuha ng kwarta pambili ng makakain para mamayang umaga. Mangungutang na naman ba siya sa kanyang tiyahin? Na ipinahihiya muna siya bago makahiram ng singkwenta pesos? Manghihiram na naman

ba siya sa kanilang kapitbahay? Na ipinangangalandakan muna ang kanyang pagkatao sa mga kachismisan nito?

“Huwag na lang,” sambit nito sa kanyang sarili. Mukhang mauuwi na naman sila sa pagpag. Kaunting hugas lamang naman at panandaliang prito’y kasing-sarap na ito ng mga luto sa karinderya. Napasandal na lamang si Mary sa kanilang bangko habang naghihintay dalawin muli ng antok. Marahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata, nagmumuni-muni, iniisip kung paano makaaahon ang kanyang pamilya sa hirap.

Sa murang edad na dyesisais, bakas sa balingkinitang katawan ng dalaga ang hirap na inabot nito mula ng ipagbuntis ang kanyang panganay. Kabilang si Mary sa tumataas na populasyon ng mga batang ina sa Pilipinas. Kung saan isa sa bawat sampung kadalagahan na may edad labinglima hanggang labingsiyam ay iniluwal o ipinagbubuntis na ang kanilang unang anak.

Sa takot na itakwil ng kanyang ina, ilang buwan ding pilit itinago ng dalaga ang pagbubuntis nito kay Zhion, ang kanyang munting supling. Nalaman nga lamang nitong siya’y nagdadalang-tao noong apat na buwan na ang bata sa kanyang sinapupunan. Ilang gabi ring hindi matigil ang pagbabangayan ng mag-asawang sina Mary at Joseph. Buong barangay na ata nila’y narinig ang kanilang pagtatalo.

“Hindi ko anak ang batang ‘yan!” bulalas ng binata sa dalaga nang malamang ito’y buntis. Aminado naman si Joseph na may nangyari na sa kanilang dalawa ni Mary, kahit pa dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanyang kasintahan. Ngunit ayon sa kanya, gumamit naman sila ng proteksyon dahil batid nila na hindi pa nila kayang bumuhay ng isang sanggol.

Sa kabilang dako, maririnig na ang tilaok ng mga manok ng kanilang kapitbahay. Sandali na lamang ay babangon na ang kanyang ina upang mangalakal. Maaari naman siyang sumama, subalit naaawa ito sa kanyang mga kapatid sa tuwing iniiwan niya si Zhion sa kanila. Ang kanyang asawa nama’y diretso agad sa basketball court matapos nitong maghilamos pagkagising. Kung magbigay man ito ng sustento sa kanyang maybahay, isang beses lamang sa isang linggo. Ma-

dalang na raw siyang tawagin ng foreman nila sa construction, katwiran nito.

Unti-unting nahihimbing ang diwa ni Mary habang hawak ang kanyang anak, subalit biglaan siyang napabalikwas dahil sa lagabag ng kanilang pinto. Ang nakasusukang amoy ng alak at ang matalim na amoy ng sigarilyo ay kumalat sa maliit na silid. Binalot ng kaba ang katawan ni Mary, na hindi malaman kung magtutulug-tulugan pa ba o tuluyan nang gigising. Hindi rin naman niya maatim na lumingon sa pintuan dahil naluluha na lamang siya sa tuwing naaalala niya ang mga nangyari. Palapit nang palapit ang gumegewang na lalaki sa kanyang kinalalagyan; at alam ito ng dalaga.

“Puñeta, wala bang mahihigan dito sa bahay na ‘to?!”

Tuluyan na ngang napadilat ang dalaga. Humigpit ang yapos sa kanyang sanggol kahit hindi mapigilan ang panginginig. Kasabay ng pamumuo ng kanyang luha, nagtama ang tingin ni Mary at ng lasing na lalaki. Ang bunsong kapatid ng kanyang ina, na isang taon nang nakitutuloy sa kanilang tahanan. Ang kanyang tiyuhin, na siya ring ama ng sanggol na nasa kanyang mga bisig.

Kasabay nang pagpatak ng alas-kwatro y medya sa kanilang orasan ay ang pagbuhos ng mga ‘di-mapigilang luha ng dalaga. Talaga nga namang kalunos-lunos ang sinapit ng batang ina sa kamay ng mapaglarong tadhana. Ngunit sino nga ba siya upang itakwil ang in osenteng ang hel na dulot ng panghahalay ng kanyang ti yuhin? Hin di ba’t biyaya na nga ito kay Mary?

FEATURE 11
Pag-aanyo ni: Ryel Tana Andrea Bon

1k HOLIDAY CHALLENGE

“Saan aabot ang 1k mo?”

Juanita faced the camera with all smiles as she welcomed another day with another vlog. This coming Christmas Eve, she de cided to film something very fitting for the holiday’s theme. Pause… she stared into the blue bill thinking of all the possible things she could buy with it.

Touring the store, she faced the camera with doubt and hesitation. The Department of Trade and Industry released a price guide stating that 500 pesos is enough for a family of four to five. Pause… she stared into the price tags. The ingredients she chose to pre pare for Noche Buena every year rose from 50 cents up to 42 pesos. She decided not to show grimace with her face, but her wallet felt an excruciating pain because as months passed by, the inflation rate also passed the 7% rate spiking up to eight.

Walking up to someone, Juanita faced the camera greeting a fellow consumer. “Saan aabot and 1k mo?” She asked with a glint of hope in her eyes hoping the tables will be turned. Pause… she stared intently at the guy in front of him, suppressing her disap-

pointment. With 500 pesos, he could buy the basic ingredients for the Noche Buena, but it will not suffice. Who will even cook spaghet

this marketplace as people flock for the best deals they could find.

Pause… Juanita stared into the camera. Trying to articulate some thoughts she could share for today’s vlog. She stared into the blue bill that seemed like a whisper in the wind with the rising prices of this year’s holiday celebration. At sea… she was gathering herself how little these 500 and 1000 pesos to some families who are in the lower middle class. It sure is a one-time celebration yet it should be one of the best and most memorable, not to mention the upcoming Media Noche next year. Juanita considered the fact that our country is still recovering from the toll of the pandemic on our nation’s economy. But deep down, she still expects that as days, months, and years pass by, the impact will water down and the system will be better.

pesos but now, even the 20 peso bill is not enough to buy her favorite flavor.

Making her way to a crowded market, Juanita faced the camera with optimism. She flashed her grin from ear to ear pinning her hope to the supermarket that she always goes to find cheap deals. “Tawad,” was not only said to the little children caroling in front of her neighbor’s house but also to every corner of

“Saan aabot and 1k mo?” Juanita said as she decided to gradually end her vlog with the same question she asked in the beginning. If things were like yesterday, she could proudly say her 1000 pesos will fill the bill but the 1k challenge today made her pause and stare a lot at the numbers of the price tag which seemed like an abyss.

“Hope you all have a happy holiday.”

I DON’T LIKE WRITING ABOUT LOVE

I don’t like writing about love.

I like writing about attractions. You know, how life throws people together. You study with folks, go to the same department with them, and frequent the same stores, rooms, and events. You

make new friends, and those new friends make new friends. People eventually start to notice one another. Attractions develop. There isn’t always an obvious cause for attraction, and people don’t always understand why they’re attracted to someone else. The attraction will eventually be mutual. There may be some denial, but they will soon realize that their feelings are mutual.

They “connected,” as it were. That is easy to talk about.

I can’t say the same if I write about love. Sitting in front of my computer, trying to figure out if this piece will make sense if I continue to mumble about it. Don’t get me wrong, it’s not because I don’t have anything to say. In fact, I have a lot in mind. But where should I start? Should I define it? It’s not like there’s a need since everyone can give their own meaning about this emotion that makes the world go round. Is love even an emotion? Karla McLaren, M.Ed., an award-winning social science researcher and empathy pioneer says in The Language of Emo-

FEATURE 12
Photo by: Adriane Cudia

tions, “When an emotion is healthy, it arises only when it’s needed … it recedes willingly once it has addressed an issue. When love is healthy, it does none of these things…Love is not an emotion; it doesn’t behave the way emotions do. Real love is in a category of its own.” Emotions are transient; they come and go depending on the situation, occurrence, or mood. Love is so much more. It is a state of mind. It is a never-ending flow of living energy. Love is defined by the depth and breadth of your own existence rather than by external reality. You see how complicated this four-letter word seems to be. There’s a reason why tons of songs and movies try to explain what love is. As a subject, love’s inexhaustible and impossible to describe in a way that does its justice. Butterflies and happily ever afters, coffee dates and kissing in the rain, time travels and organ donations, it’s all true, but nowhere near it at the same time.

In the end, you will never get it right. You really don’t have to. Just like me who thought that I was in love, a lot, upon growing up. I’d feel love for people after talking to them for a day. I fell in love with everybody; I loved every guy I met and half the women. Yet at some point in my life, I realized that love isn’t that tingling sensation, or behaving like a fool, or wanting to be with someone all the time. Love has a whole new meaning for me and that is trying to know someone genuinely. Wanting every day that has them in it, not just because of what they are but what they’re about to be, with you. I believe love should come with peaceful trust; an affection founded on familiarity but never losing spontaneity. Got a person in mind? I do. And that’s one more thing I don’t like when writing about love.

It makes me want to write about you.

IKAW ANG PAKSA AT PAMAGAT

Ni: Rizelle Azarcon

Ang sining ay iba’t ibang uri ng paglikha ng biswal, naririnig, o ‘di kaya’y isang pagtatanghal na pinakikita ang kahusayan ng isang manlilikha sa kanyang malikhaing pag-iisip o teknikal na husay. Ngunit sa kaibaibabawan ng lahat ng magagandang bagay na maaari mong ihanay sa salitang ito, alam mo bang ikaw ang pinakatumpak na depinisyon nito?

Ikaw ang pinakamagandang sining.

Sa kabila ng mga kulubot, marka, galos, dungis at mga kapintasan—nananatili kang namumukadkad sa kagandahan. Marahil hindi ka naniniwala, ako man hindi makapaniwala.

Kung tataluntunin mo ang kahabaan ng ikinabuhay mo sa mundong ito, naisip mo na siguro kung bakit mo nga ba iniisip na sinusundan ka ng buwan noon. Kung bakit ka kumakanta sa harapan ng electric fan. Kung bakit mo sinisipsip ang nectar ng santan bago mo gawing bracelet. Kung bakit mo sinusulat ang pangalan mo sa maalikabok na sasakyan. Kung bakit mo ginagawang braces ‘yong silver na balat ng hany. Kung bakit ka magddoor bell sa isang bahay sabay tatakbo. Kung bakit sarap na sarap kang papakin ang milo. Kung bakit mo ginagawang sigarilyo ang stick-o. Kung gaano ka ka-iyakin, ka-hyper at kababaw sa panahon ng kamusmusan.

Aminin mo, totoo.

Hindi maikukubli ang hayag na kasaysayan ng ating pagkabata, mula sa kilos, salita at gawa.

Ngunit sa paglipas ng panahon, mas lumawak at lumalim na ang pananaw at kaisipan mo. Hindi sa edad, ngunit sa karanasan. Mula sa mga

nabagong gawi at uri ng pamumuhay, mula sa palaging pagiging taya sa habulan, patintero at langit lupa, ikaw na ngayon ang tumataya at nakikipagsapalaran sa totoong laro ng buhay.

May kahulugan na ang luha mo, may tagumpay na sa bawat pagbubunyi mo.

Nakatitindig ka na.

Alam mong hindi ka makakain ng mga salitang pinupukol nila sa’yo dahil mas kilala mo ang sarili mo. Kalkulado na ang mga kilos mo dahil may pangarap kang inaabot. Alam mo ang direksyon mo dahil may nais kang patunguhan sa dulo.

Kung noon, tayo’y tila isang butong itinanim lamang sa lupa, ngayo’y tumutubo na at lumalago bilang isang halamang lumalaki at nagbubunga. Habang lumalalim ang ugat, mas tumitibay ang kabuuan. Nadiligan ng mga pagsubok at pangyayaring humubog sa’yo bilang isang taong may makabuluhang perspektibo.

Kahit ‘di mo aminin, batid kong totoo. Musika, teatro, pelikula, sayaw at iba pang uri ng pagtatanghal, kabilang na rin ang literatura at iba pang uri ng media ay saklaw sa malawak na kahulugan ng sining na nagnanais mapahalagahan dahil sa kanilang kagandahan o sa kakahayan nitong magpaantig ng damdamin.

Nguni’t sa isang silid na puno ng iba’t ibang sining, ikaw pa rin ang titingnan ko. Natural, walang halong kemikal.

Obra maestrang nilikha para sa ikagaganda pa ng mundo. Dahil sa lathalaing ito, hindi man isang librong may pabalat – ikaw pa rin ang paksa at pamagat.

FEATURE 13
Pag-aanyo ni: Cassandra Mae Tabita

ANG KAPE SA DAPIT-HAPON

“Ang init-init, magka-kape ka?” tanong sa akin ng aking ina.

Alas-kwatro na naman ng hapon. Oras na para sa kapeng mainit kahit maalinsangan ang panahon.

Hindi na ako nag-isip pa ng ikakatuwiran sa kaniya. Nagtungo na lamang ako sa kusina at nagsimulang mag-handa ng kape. Arawaraw akong umiinom ng kape—lalo na tuwing papatak ang alas-kuwatro ng hapon. Kahit pa nakapikit ay kaya kong magtimpla nito; kabisado ko ang bawat sukat ng pinagsama-samang kape, asukal, at mainit na tubig.

Pero kahit anong gawing sukat o halo, hindi pa rin nagiging swak ang lasa.

May mga araw na sobra ang tamis na nakangingilo na sa pakiramdam—katulad ng mga panahong nag-sasalo sa meryendang kanyang pinagpagurang gawin habang nag-tatawanan at nag-aasaran. Mayroon

Amor Sui

“I want you to be happy.” I saw the way his mouth opened and closed as he uttered the words that made me feel like I was punched in the gut and a bucket full of ice water was dumped onto me at the same time. The scene never fully registered to me. Not until I felt the tears run down my cheeks; not until my whole body wracked because of the sobs I didn’t know I was holding; not until I saw his car driving away. Leaving me. Alone. Scared. Defeated. Broken. He left me with nothing but a broken heart and a broken belief. That was the last time I ever saw him and I still don’t know if I’ll ever be happy.

Weeks have passed and I am staring at the ceiling of my room. Tears continuously fall down my cheeks as I replay that event over and over in my mind. The doubts I have been feeling before grew and made their way into my brain. Echoing the words: “It’s my fault. I’m not good enough. I will not be loved again. I’m not meant for anything.” over and

ding mga araw na mapait ang timpla, sumosobra ang tapang—katulad ng mga panahon na nilalamon ng inis at nauuwi sa tampuhan ang hapong dapat ay pagsasaluhan o ‘di kaya tuwing ako’y mapapagalitan dahil hindi mo nagustuhan ang aking inasta. May mga araw rin na walang lasa ang kape; walang dating ang inumin—katulad ng araw na ikaw ay nawala sa aking tabi, katulad ng mga gabing nangungulila ako habang nakahiga sa ating kama.

Nang matapos akong mag-timpla ay umupo na ako sa may hapag-kainan. Sa paunti-un ting paghigop ng kape ay ramdam ko rin ang unti-unting paghapdi ng mata dala ng nag babadyang mga luha. Doon ko napagtanto na kahit anong subok ko, may mga bagay talagang hindi mapa pantayan kagaya ng paraan ng iyong pagtitimpla. Doon ko napagtanto na may mga alaala tayo na hinding-hindi

mababaon sa limot kahit pa maiwanan at hayaang lumamig sa hapag-kainan. Doon ko napagtanto na may mga pagmamahal na hindi lumilipas, bagkus mas tumapatapang

over again until it becomes one with what my mouth whispers, “It’s my fault. I’m not good enough. I will not be loved again. I’m not meant for anything,” and for months to come, these will be the things I will believe in.

Months have passed and I have been slowly getting up from the downfall that came because of my former relationship. It was a place in my life that I never want to go back to. It was a journey that I never thought I would take. The aftermath of that event was something I can never look back to without feeling an ache in my heart and regret in my mind. And the phrases still echoed in my mind. I tried to look happy so people won’t be worried and I think I was good at pretending because no one even asked me how I’m doing and that’s okay. I have no answers for such questions, anyway.

But lo and behold. There was a person who refused to leave me alone and took it upon themselves to help me and remind me every day that it only takes one footstep to go to where you want to be. That advice helped me more than I thought it would and I am so

thankful for that person. It was a surprising and not at all a believable event for I have known this person all my life and have been ignoring their presence for the most part of it. It took some time but I finally found my way back to my old self and there’s nothing more rewarding than being happy and being able to know how love truly works. And I have never been more certain and I believe it wholeheartedly that I am at the happiest point of my life because of this person. I gathered my things and looked back at the who helped me, “I am happy; and it’s all thanks to you.”

I said and smiled at and smiled at my reflection in the mirror.

LITERARY 14
Layout by: Alliah Grace Cruz

Get Up!

The raging rain that poured on the world outside beat down on the panes of my bedroom window with the boom of a bass drum in a marching band. My mind, now clouded with the innumerable pitter-patter of the wet season’s finest, found little to no room to think in a coherent fashion.

That is not to say that it did not try—unfortunately for me, the sea of static that I have now been submerged in only encouraged my mind to badger me further with the concerns that I have hoped to think about another day. Annoyed, I closed my eyes and prayed silently for sleep to come over me.

It did not.

‘You do know that there are deadlines that you need to mind, right?’ asked a wayward thought within my mind.

‘They’re still far enough.’ I answered. ‘I can do them at a later date.’

‘That’s what you said last time.’ It replied, disappointed.

‘That’s what I said last time.’ I echoed.

The thought receded back into the back of my head, leaving me to lay in silence within the confines of my dimly-lit bedroom once more. Sensing an opportunity, I quickly made an attempt to sleep, though I just as quickly found out just how impossible that task was.

Frustrated, I opened my eyes and stared daggers at the ceiling.

I did not know just how long I had remained in that position when the thought finally returned to the forefront of my mind.

‘Get up.’ It demanded.

I did not respond.

‘Get up.’

Silence.

‘Get up.’

This twisted form of the dialectic method continued on for an indiscernible stretch of time. With each demand, my silence grew—and as my silence grew, the demands became louder and louder.

I was eventually fed up with the aimlessness of our ‘exchange’.

‘What use is there in getting up?’ I asked, furious. ‘There’s no reason to.’

‘There is always a reason.’ It replied. My frustration mounted even further. ‘The worst thing that can happen to a person in this regard is to become stagnant. Say—if a person refuses to move, to change

and to do the things that need doing, then what would become of them?’

I managed to resist the temptation to physically roll my eyes.

‘It’s not like I’ll be laying down forever.’ I said. ‘I’ll just let this day pass by—there’s always tomorrow.’

‘That’s what you said last time.’

I sighed.

‘That’s what I said last time.’

‘If you keep putting things off, then how can things truly improve for you?’ The thought asked. ‘For you to become better, you must change. For you to change, you must indulge in motion. For you to indulge in motion, you must get up.’

My lips became as tight as they were before.

‘So, get up.’

The thought went silent again—and something told me that it was for good. After all, it had sown a seed within me. It was an idea, or maybe even a feeling. Whatever it was, it made me want to comply. To acquiesce to what my mind has been telling me all. This. Time.

Simply put, I wanted to get up.

Battling against my lethargy with the full force and might of my will, I sat up from my bed and cast my blanket aside with a small groan. Humming to myself, I kicked my feet up and left my bed. Then, after a short warm-up, I noticed that the rain had stopped and that the shroud of darkness that had enveloped my room before had been dispelled, replaced instead with a light mix of yellow-blue as the sun slowly poked out from behind the clouds.

“It finally feels like a true morning.” I said to myself, amused, as I stared out of my window, squinting through the moistness and the dew. “So much for that rain, huh?”

Smiling, I turned away from the window and faced the door.

Sa Paglaya

Ni: Airene Atienza

Kaya ko na ba?

Sa pagbaba ko ng sasakyan, ang malakas na hangin kaagad ang sumalubong at yumakap sa akin. Buwan ng Enero; buwan kung saan malamig pa rin ang simoy ng hangin—para bang sinasabayan ang nararamdamang bumabalot sa aking kalooban.

Nakakatakot na salubungin ang panibagong taon na mistulang walang pag-asang makapagpapa-angat sa pagkakalugmok. Siguro, naiisip ko lang na uulitin ko lang naman ang lahat ng ginagawa kto noong mga nakalipas na taon. Taon-taon kong ipinagdiriwang ngunit pagkatapos ay parang walang nangyari.

Parang namatay na nabubuhay lamang kapag may handaan o may selebrasyon. Buhay mang nakikisalo sa hapag, patay na at lipas ang nasa loob.

Konting hakbang pa.

Hindi ko alam kung ako lang ba, ngunit kada nadadagdagan ang edad ko kasabay ng pagpapalit ng taon ay pabigat na rin nang pabigat ang mga pasanin ko sa buhay. Nariyan ang gabundok na mga bayarin, si bunso na hindi pa nakakapagtapos ng pag-aaral, sila inay at itay na may mga maintenance na gamot, pati ang kapitbahay na nangungutang pampagawa raw ng bubong nila. Kung alam ko lang na ganito pala, sana hindi ko na hiniling na “Sana tumanda na ako para hindi na ako matutulog sa hapon”. Sana itinulog ko na lahat noon. Sana kaya pa rin ng tulog mawala lahat. Gusto ko naman talaga magbago. Ayoko na buong buhay ko araw-araw ay nasasaktan na lang ako sa bawat paggising at pagtulog. Kaya nga siguro seryoso at buo na ang pasya ko sa desisyon ko. Kasi kung hindi, paano naman ako? Hindi ko sila napabayaan pero… paano kaya ako?

Mapapanindigan ko na kaya?

“Libre kita pagkatapos mo, support kita sa paghingi ng support sa guidance counselor. Galingan mo!,” tumango ako at hindi na rin s’ya kinibo. Ngumiti na lang din siya. Kinakabahan ako, pero ayoko maging 2022 ulit ang taon na ito. Gusto ko na pagaanin ang lahat ng bigat na kinimkim at hanggang ngayon dinadala ko.

Alam ko naman na ang kailangan gawin at sa tingin ko alam naman ng lahat iyon, ako na lang talaga ang huli sa pagtuklas at pagkilos. Kailangan kong pakawalan ang nakaraan at mag pokus ngayon. Lagi kong sinusubukan gawin, pero nababalik lang ako lagi sa simula. Siguro dahil sinusubukan ko mag-isa, akala ko kasi’y alam ko na ang lahat ng kailangan gawin.

Akala ko kasi’y kaya ko pa. Akala ko kasi’y ayos lang palaging mag-isa.

Gusto ko mamukadkad sa 2023. Dito, sisimulan kong bumalik sa umpisa.

Magmula dito, papalayain ko na lahat ng pabigat at nagpapabigat sa akin. Nakakatakot magsimula ngunit ngayon ay hindi ko na hahayaang lamunin ako ng pangamba hanggang sa gisingin ako sa bawat pagtulog. Nakakakaba humakbang papunta sa kung saan man ngunit sisikapin at pipiliing umabante kahit gano pa kaliit ang mga yabag. Nakakapanghina at nakakapagod agad sa tuwing babaguhin ang mga nakasanayan ngunit kung ikukulong kong pilit ang sarili ay hindi ako makakausad at makakahinga ng maluwag.

“Kumusta ka?” Kaya ko, para sa sarili ko. Papakawalan ko na ang lahat ng sakit at pipiliin ko na ang sarili ko.

“Gusto ko po sana simulan ang taon ng walang bigat sa sarili at mas malinaw na pag iisip.”

Ngayon, pipiltin kong humakbang gamit ang saklay na paghingi ng tulong. Bukas, at sa mga susunod na taon, kakayanin ko nang tumayo nang mag-isa at higit sa lahat, alam kong kahit na anong mangyari, kaya ko na.

LITERARY 15

its in the little things

It was a question

If love is something I could see within my eye

When birds unwind after flying a mile

Out my windowsill, with all those effort and chirp

To be in one, yet left solely

Or maybe it is how I glance at lads

Fussing around, carefree

Cherish time as their summers prime

Like no woe about to stumble on

It was a question

If love is something I could hear around the manor

Like how I hear my cat’s purr

When she bump her head to my feet

Willing me to pick her up and caress

Or maybe it’s how driven roadmenders mocking one and all

Despite the days in the sun and rattle of machines

There are screams of joy and laughter

Valued every second, delight in what they do

It was a question

If love is something I could smell within vicinity

Like the scent of pine trees

Breathe life back to my youth

Each time I walk in that pavement

Or maybe it’s how gran kept in mind

The sweet and woody perfume I wore Mumbled, spot it from the shop and thought of you

Handed over delicately with sparkling gaze

It was a question

If love is something I could feel close at hand

Like how a pillow touch my face

In a night of weary as I lay

Full of doubts and fear even asleep

Or maybe it’s how mama melt into me

The first time she laid her eyes

An urge to fortify me

ano nga ba ang Taytayan?

Ang salitang TAYTAYAN ay salitang Filipino na nangangahulugang TULAY NA KAWAYAN.

Tulay at Kawayan, ito tayo! Ito ang kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya. Ito ang Taytayan!

Tulay ang kolehiyo sa paghahatid ng kaalaman, kakayahan at mga pagpapahalagang taal sa puso ng mga Agham Panlipunan at Pilosopiya.

KAWAYAN sa paghahalintulad, sapagkat matayog ang ating mithiin sa matatag na pag-uugat; ngunit sa kabila ng tayog ay kayang yumukod at umagapay.

Ang TAYTAYAN ay opisyal na pahayagan ng kolehiyo. Ito ang tulay ng buklod ng mga mag-aaral at tagahubog. Ang TAYTAYAN ang tagpuan ng hibik ng mga mag-aaral at mithiing pangunahan ng kolehiyo at Pamantasan; tagpuan at kaisipan tungo sa pagkilos.

Ang TAYTAYAN ay tagapaghatid ng balita at daluyan ng impormasyon sa pag-aangat sa kamalayan at mapanagutang pagsasakatuparan ng bisyon at misyon ng kolehiyo.

Tayo ang TAYTAYAN - ang tulay na nagbubuklod, ang tagpuang nagpapayaman ng kaisipan pagkilos, ang tagapagbalita ng mga positibong pangyayari.

TAYTAYAN EDITORIAL BOARD AND STAFF

A.Y. 2022-2023

Editor-in-Chief: Erica S. Sanchez

Associate Editor: Aila Marie G. Castillo

Managing Editor: Mischa Iona B. Molina

News Editor: Ruby S.M. Vistan

Editorial Editor: Nathaniel L. Valles

Feature Editor: Jeward Brian A. Gumasing

Literary Editor: Iris Nicole L. Ciriaco

Sports Editor: Andre D. Naquimen

Head Editorial Cartoonist: Jhan Lowell G. Casasis

Head Layout Artist: Nico Angelo B. Angeles

Head Photojournalist: Joan Perpetua D. Oliveros

Video Production Head: Gwyneth Margaux

V. Reyes

Head Online Manager: Hazel L. Abeleda

Staff Writers: Thessalonica C. Agulto; Andrea Pearl C. De Leon; Mary Ramirose P. Cuaton; Louri Maurene T. Termulo; Geraldine Marie E. Barcelon; Rodlynne Angellie

Just

as I’m her biggest possession

It was a question

If love is something I could taste at the tip of my tongue

Just as the tingling flavor left in my palate

As I try to recce way in facet of his torso

Or maybe it’s how I got accustomed

To next-door’s 6 o’clock ritual

How herbs and spices linger, locked in these four walls

As I hear a knock—in their hand, a pot of soup

Said for me to savor, left with a smile in their faces

Even in those senses,

I always knew love is somewhere out there, Like a smile of a child in a subway

A comfort where peace is within anyone in any form

When the sun blows our skin with warmth

How walking barefoot in the sand feels easy

It’s in the most little things

And purest form

Hope I reckon not to overlook

A. Cleofas; Cassandra Nicole P. Fernandez; Rizelle P. Azarcon; Elizabeth C. Lagman; Joseph Airam S. Roque; Mary Desirae Nicole A. Babor; Airene R. Atienza; Clarisa Mendoza; Dhaicel F. Ipapo;

Editorial Cartoonists: Trixie C. Velasco; Jazz Claudine A. Tobias; Ira Mikaella P. Mamaril; Ian Kevin G. Cruz; Fatima Raynelle B. Ramos

Layout Artists: Janna DR. Guillermo; Ryel Tana Andrea C. Bon; Alliah Grace S. Cruz; Cassandra Mae M. Tabita

Photojournalists: Louie Anne L. Dela Cruz; Ira Mikaella P. Mamaril; Phoebe G. Yamat; Adriane C. Cudia

Video Production Team: Karl Isaac R. Otayde; Gabriel Angelo V. Agulto; Ram Kweenzel A. Bengco

TV Broadcasters: Kyla Rose F. Enriquez; Mark John T. Gutierrez; Christian S. Martin; Kirsten Claire V. Fangon; Rafael Gwen Angelo DL. Onraksa; Juleannah Louise A. Gayares; Daisy Mae M. Cañete

Online Manager: Bernadette Kyle G.Bulac

Adviser: Mr. Andrei Miguel S. Jose, LPT

LITERARY 16

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.