Tapat Vol 2 No 8

Page 1

Tapat @tapatnews

TAPAT SA BALITA

/tapatnews

TAPAT SA BUHAY

tapatnews@gmail.com MAYO 22 - 28, 2014 VOL 2 NO 8

www.tapatnews.com

#CoolCatholics

When a man falls 'in love' with Mary

- page 8

it’s good to know that.. It’s good to know that healthy, energy-saving practices like biking and walking instead of driving, planting trees, quitting smoking and exercising can reduce global warming and climate change.

PNoy allies umaalma sa

pagkakasabit

sa PORK

scam

MANILA -- Tatlong mambabatas ng Kamara na kaalyado in pangulong Benigno Aquino III ang dumepensa sa isang news briefing na hindi sila diumano sangkot sa multi-milyong pork barrel scam at tinangging nakipagtransaksyon sila kay Janet Lim-Napoles. - Pahina 3


balita

2

Hamon ng pag-aasawa yakapin – Villegas

Ayon kay Arsobispo Socrates Villegas, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, kinakailangang pagtibayin ang pagkilala sa “misteryo ng pag-aasawa.”

H

INIMOK ng pinakamataas na kagawad ng Iglesiya Katolika kamakailan ang mga magasawa na muling yakapin ang ‘misteryo sa pag-aawasa’. “Kapag nawala ang misteryo, papasok ang pagtataksil at susunod na ang pagtatalo ... at ang Diyos ay maiisangtabi ,” ani arsobispo Socrates Villegas ng Lingayen Dagupan, kasalukuyang presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Ipinaliwanag ni Villegas na ang Diyos ay, “matatagpuan hindi sa pamamagitan lamang ng lohikal na pangangatwiran , kung hindi sa pamamagitan ng isang malalim na pagkilala sa isang misteryo, at paghanga.” Dagdag pa ng arsobispo, “Kapag nawala ang misteryo, maliligaw din ang pamilya dahil tayo ay magiging ilaw lamang ng pag-asa sa pamilya kung tatanggapin natin na tayo ay lalaki at babae ng misteryo, na mauunawaan

lamang sa pamamagitan ng pananampalataya.” Hinamon din ni Villegas ang mga kalahok sa katatapos lamang na Asian Conference on the Family na pag-ibayuhin ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay, sa pamamagitan ng isang matibay na pananampalataya sa kabila ng mga hamon ng buhay pamilya. Panawagan din ng asobispo sa mga dumalo sa naturang conference mula sa iba’t-ibang panig ng Asya na “maging simbolo ng pag-asa” para sa iba pang mga pamilya sa buong mundo. “Tayo ay nananalangin na ang bawat Kristiyanong pamilya sa Asya, bawat Kristiyanong pamilya sa Pilipinas, ay magiging pamilya na nag-aalab para sa Panginoon, nananatiling naghahanap sa Panginoon at walang katahimikan kung wala ang Panginoon.” Kabilang sa dumalo sa tatlong araw na pagpupulong ang libo-libong pari at madre, guro, mananampalataya at ilang mga pulitiko. Napagtuunan sa mga diskusyon ang kasalukuyang sitwasyon ng mga pamilya. Pinasinayaan naman ng pinuno ng Pontifical Council for the Family mula sa Vatican na si Bishop John Laffitte ang nasabing pagpupulong kasama ang representante ng Santo Papa sa Pilipinas na si Papal Nuncio Archbishop Guiseppe Pinto at ilang mga obispo mula sa ibatibang panig ng Asya. (Paolo de Guzman)

Kami ay hindi lamang ‘sexual beings’! – kabataan

“Kami ay hindi lamang mga ‘sexual beings’!” Ito ang matapang na pahayag ng isang lider ng grupong kabataan sa katatapos lamang na Asian Conference of Families bilang sagot sa mga ideyang kontra sa pamilya at buhay gaya na lamang ng Reproductive Health Law na sinasabing tugon sa lumalalang teenage pregnancy sa bansa. “Dapat natin siguraduhing may edukasyon, kalusugan, kabuhayan at pagpapahalaga sa pamilya,“ pahayag ni Renelyn Tan, regional director ng Asia Pacific of World Youth Alliance (WYA). Dagdag pa ni Tan na dapat rin naka pokus ang mga kabataan sa, “mga bagay na mahalaga.” Naglalayon ang kontrobersyal na RH law na magpakalat ng pildoras at condom maging sa kabataan upang diumao’y mabawasan ang maagang pagbubuntis ng kabataan taliwas sa turo ng Iglesya Katolika. Ayon naman sa mga nauna nang

pahayag ng Simbahan, paggabay sa kabataan ang solusyon sa tumataas na istatistika ng teen pregnancy. Ibinahagi din ni Tan kung paano ibinabahagi ng kanyang grupo sa ibang kabataan ang tungkol sa dignidad ng buhay ng tao at kung paano nagsimula ang WYA. Aniya, nagmula ang kanyang grupo sa isang ‘reaksyon ng konsensya’ sa naging pamamahagi ng ilang kabataan sa United Nations Conference on Population and Development in Manhattan, New York City na nagtutulak ng mga adhikaing kontra sa moralidad at buhay. Naniniwala ang nasabing mga kabataan na ang kailangan ng mga kabataan sa buong mundo ay tatlong bagay: aborsyon bilang pandaigdigang karapatan, pagtatanggal ng karapatan ng mga magulang at karapatang sekswal ng kabataan mula sa edad na sampu. Dagdag ni Tan, “Ang aming grupo ay boses ng mga kabataan sa mga lugar na

MAYO 22 - 28, 2014

from the

SAINTS

“...Filled with love, the holy Apostles went into the world, preaching salvation to mankind and fearing nothing, for the Spirit of God was their strength. When St. Andrew was threatened with death upon the cross if he did not stay his preaching he answered: ‘If I feared the cross I should not be preaching the Cross.”

- St. Silouan the Athonite on the Pentecost, “Wisdom from Mt. Athos”

Ayon sa Simbahang Katolika, ang sagot sa lumalalang isyu ng teenage pregnancies sa bansa ay hindi aborsyon o condom, kung hindi gabay ng magulang. (File photo)

tila wala nang pagasa, kung saan ang pamilya ay nasisira, at kung saan ang mga bata ay pwersahang pinagtatalik sa kanilang mga nobyo sa pagaakalang ito ay parte ng pagibig.

Ang World Youth Alliance ay nakabase sa ibat-ibang panig ng mundo mula Asia-Pacific, Latin America, Africa, the Middle East, Europe, at North America. (RA)


MAYO 22 - 28, 2014

balita

3

PNoy allies umaalma sa pagkakasabit sa pork scam Ni Paolo de Guzman MANILA -- Tatlong mambabatas ng Kamara na kaalyado in pangulong Benigno Aquino III ang dumepensa sa isang news briefing na hindi sila diumano sangkot sa multi-milyong pork barrel scam at tinangging nakipagtransaksyon sila kay Janet LimNapoles. Kabilang si Rep. Reynaldo Umali ng Oriental Mindoro na umamin na minsan nang nagbigay ng kanyang Priority Development Assistance Funds (PDAF) sa isang NGO ni Napoles, ngunit sinabing hindi niya alam na bogus pala ang operasyon ng NGO ni Napoles. Kapwa tinanggi naman nila Rep. Giorgidi Aggabao ng Isabela at Rep. Sonny Collantes ng Batangas na nakipagtransaksyon sila kay Janet LimNapoles. Ang tatlo ay mga kaalyado ng pangulo. Sa pagkakadawit ni Umali sa tinaguriang ‘Napolist’ inamin nitong nakapaglagak siya ng humigit kumulang 1.5 milyong piso sa Kaupdanan para sa Mangunguma Foundation Inc., na kabilang sa mga NGO ni Napoles at sinabing napunta naman sa dapat patunguhan ang pondo. “Hindi ko tinatangi na may P1.5 milyon na proyekto pero hindi ko [ito] PDAF bagkus ay ‘organic agriculture fund’ ng Department of Agriculture na nailagak sa NGO ni Napoles. Kasi hindi ko naman alam na Napoles NGO yun,” paliwanag ni Umali. Dagdag ni Umali, “Napatunayan naman na natanggap ng ating mga nasasakupan na kababayan ang mga kalakal.”

The late activist and comedian Tado Jimenez joins some protesting bikers at the ‘EDSA Tayo’ anti-pork barrel protest on September 11, 2013. (File photo)

Samantala, nagpahayag naman ng pangamba si pangulong Aquino sa kumpletong affidavit mula kay Napoles na napabalitang ilalabas sa mga susunod na araw. Nakasaad diumano sa naturang affidavit ang karagdagang mga pangalan na sangkot sa pork scam. Ani Aquino sa mga reporters matapos magsalita sa ginanap na conference

sa Legaspi City, “Sa mga balita, sinabi ng kanyang lawyer na magdadagdag ng mga pangalan ng mga sangkot , hindi ako sigurado kung may matatanggal na pangalan. Sa huli, inaasahan ba natin na totoo lahat ang nanggagaling sa kanya?” Kampante naman ang palasyo na hindi isasabit ni Napoles si pangulong Aquino.

Sinabi ni secretary Herminio Coloma Jr., hepe ng Presidential Communication Operations Office (PCOO), na patuloy ang paghahangad ng opisina ng pangulo na lumabas ang katotohanan. “Nananatili ng ating pokus sa paghahangad ng katotohanan at hustisya kahit pa ano ang gustong gawin ng ilang indibidwal,” ani Coloma.

LiveLoud concert

June 7, 2014, Philsports Arena (Ultra), Pasig city Tickets are available at P120, P160, P200 and P250. For more information, contact https://www.facebook.com/yfc.liveloud


editoryal (BroEd Matias)

4

MAYO 22 - 28, 2014

AREOPAGUS social media for asia INC. Publisher Nirva Delacruz Editor in Chief SKY ORTIGAS Creative Director / Online Editor YEN OCAMPO Marketing Director Tapat is published every Thursday by Areopagus Social Media for Asia Inc. Unit 306 HHC Building Basco cor Victoria Sts., Intramuros Manila 1002 You can reach us through the following: Landline # (02) 788 07 04 Email: tapatnews@areopaguscommunications.com Website: www.tapatnews.com All rights reserved 2014

Editoryal

N

oong Mayo 23, isang 22 taong gulang na binata ang nagwala at pinagsasaksak ang dalawa niyang room mates at isang bisita, bago pa man siya tumungo sa isang sorority sa University of California, Santa Barbara at barilin ang tatlong dalaga. Sakay sa kanyang itim na BMW, tumungo si Elliot Rodger sa isang groseri kung saan binaril naman niya ang isa pang lalaking estudyante. Mula sa kanyang sasakyan ay buong laya niyang pinagbabaril ang ilang mga taong nadaanan niya. Matapos masugatan ang ilang mga tao, ibinangga nito ang kotse at nagpatiwakal.

Sa huling bilang, mayroong pitong patay at labing-tatlong sugatan. Lumalabas na si Rodger ay matagal nang nagdadala ng hinanakit at poot dahil sa pagkabigo sa pakikipagrelasyon sa mga kababaihan. Idinaing ni Rodger sa isang manifestong 137 pahina ang haba, sa edad na 22, ni hindi man lang nahalikan si Rodger ng isang babae. Ang motibo at rason ng pagpaslang sa mga biktima ay ang malalim na pagkaunsiyami nito

Paano maging tao? Sino ba si Elliot Rodger kung hindi isang nakagigimbal na patotoo na ang pamily ang pundasyon ng lipunan? Ang pagguho nito ang simula ng pag-agnas ng lipunan. sa kanyang buhay pag-ibig. Ayon pa nito sa manifesto: “You are animals and I will slaughter you like animals. And I will be a god, exacting my retribution on all those who deserve it. You do deserve it. Just for the crime of living a better life than me. All you, popular kids, you’ve never accepted me, and now you will all pay for it. And girls, all I ever wanted was to love you, and to be loved by you. I’ve wanted a girlfriend, I’ve wanted sex, I’ve wanted love, affection, adoration. You think I’m unworthy of it. That’s a crime that can never be forgiven.”

Nakatitindig-balahibo ang ganitong pahayag -- isang pagsanib ng pagkainggit, pagdalamhati at kawalan ng pag-asa. Si Elliot ay anak ng assistant director ng Hunger Games na si Peter Rodger. Kilala sa mundo ng Hollywood, ang nakatatandang Rodger ay diborsyado at nakapag-asawa nang mabilis matapos ang paghiwalay nito sa ina ni Elliot noong siya ay 7 taong gulang pa lamang. Maraming opinyon ang naglalabasang muli tungkol sa usapin ng gun control o tungkol sa mga bagong batas upang mas malimitahan ang mga may-ari ng baril,

ngunit, mukhang mas malalim ang tunay na isyu -- isang paksang kabiyak ng ating pagiging tao. Nabubuhay ang ating mga kalalakihan -- mga binata, mga sanggol, mga totoy, mga lolo, mga may asawa -- sa isang lipunang nakalilimutan silang turuan kung paano maging tao, kung paano makipagkapwa tao, paano magmahal. Ang pangangailangan ng tao -- bata man o matanda, mayaman man o dukha -- ay hindi mapagkakaila. Ang kaso ni Rodger ang patunay na nabubuhay ang tao hindi lamang sa pagkain, damit, tubig at hangin, kung hindi sa pagmamahal at kalinga. Sa likod ng pagkabaluktod ng pag-iisip at damdamin ni Rodger, lumalabas na ito ay tila isang nawawalang tupang tuluyan nang ‘di nasagip. Isinalaysay din nito ang una niyang karanasang makakita ng pornograpiya sa isang internet café nang masilayan niya ang porn na pinanonood ng isang pahina 6


MAYO 22 - 28, 2014

opinyon

RE4TERAKER

ni Yen Ocampo

S

FREE POW!

AMU’T sari ang mga naging reaksyon tungkol kay Andrea Rosal, isang prisoners-of-war (POW) at anak ng dating CPP-NPA Spokesperson na si Gregorio ‘’Ka Roger’’ Rosal. Si Andrea na isang diumano’y

kalagayan. At nitong Mayo 16, siya ay nanganak at pinangalanang Baby Diona Andrea ang sanggol, ngunit pagkalipas ng dalawang araw, ang sanggol ay namatay sanhi diumano ng oxygen deficiency sa dugo. Ang

Hindi pa naman convicted si Andrea pero bakit ganito? Samantalang ang mga napatunayang nanloko sa bansa at nanlustay ng kaban ng bayan tulad ni GMA at Napoles ay mayroong VIP treatment?

‘suspected Communist leader’ ay nahuli nitong March 27 sa may Kalookan. Kinasuhan si Andrea ng kidnapping at murder na kanya namang itinanggi at walang matibay na ebidensya laban sa kanya. Sa kabila ng pagiging buntis, si Andrea ay ipiniit sa bilangguan na hindi sapat ang mga kagamitan para sa kanyang

pagkamatay ng sanggol ay dahil sa mabagal na pag-aksyon ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) tungkol sa masamang kalagayan ng magina, maraming papeles pa ang hinihingi bago ito madala sa ospital. Ano bang klaseng sistema ito? Ang mas nakalulungkot pa

Tabi po! ni Melo Acuña

Kwentong Kutsero

L

5

niyan, hindi pinahintulutan si Andrea na maihatid sa huling hantungan ang kanyang anak. Hanggang lamay lamang ito pinayagan ng Taguig Regional Trial Court. Hindi pa naman convicted si Andrea pero bakit ganito? Samantalang ang mga napatunayang nanloko sa bansa at nanlustay ng kaban ng bayan tulad ni GMA at Napoles ay mayroong VIP treatment? Bakit kailangan may sanggol pa na mawalan ng buhay dahil sa kapabayaan ng iilan? Kahit pa sabihing POW si Andrea, mayroon tayong pantay-pantay na karapatang pantao, lalong-lalo na sa mata ng Diyos. Sa mga gustong makiramay, ito po ang nakuha nating iskedyul para kay Baby Diona Andrea. May she have rest in peace! • May 20-21 - wake of Baby Diona Andrea, Iglesia Filipina Independiente (IFI) in Taft Avenue Cathedral, Pedro Gil, Manila • May 21 – program for Baby Diona Andrea at IFI • May 22, 6 a.m. - Rosal Family members and supporters to travel to Ibaan, Batangas for burial (re4teraker@hotmail.com) ng bayan. Binanggit ang mga pangalan nina Kalihim Florencio “Butch” Abad at Proceso “Procy” J. Alcala. Hindi pa lumulubog ang araw ay naglabas na ng pahayag si Kalihim Abad na hindi siya kailanman nakipagtalas-tasan kay Gng. Napoles. Lumabas naman ang balitang nangutang ang dating mambabatas ng Batanes sa negosyante noong 2000. Sa likod ng mga balitang ito’y lumitaw ang kwento na walang

AMAN ng mga pahaya- Enrile, Jose “Jinggoy” Estrada gan, radyo’t telebisyon at Ramon “Bong” Revilla, Jr. ang “Napolist,” Ping’s List Magkakaroon pa rin ng ikalaat ang exposè ni Benhur Luy wang listahan na naglalaman tungkol sa mga mambabatas ng mga kaalyado ng Malacañan na sangkot at Sa likod ng mga balitang ito’y lumitaw ang kwento na sinasabing nakinabang sa walang relasyong namamagitan kina Kris Aquino at kabaitan ni Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista. Gng. Janet Lim Napoles sa naMagkaibigan lamang sila. Nakatutuwa na sa bawat kalipas na mga kontrobersya ay biglang lilitaw si Kris at may dalang taon. Sa isang kuwento na pagpipistahan ng madla. Tila ba sinasadya t a n g h a l i a n upang lumalig ang isyu at maligaw ang madla sa tunay kamakailan, na nagaganap sa bansa. isa sa mga kaibigan ko ang nagsabing hindi magtatagal ay at may ikatlong listahan na relasyong namamagitan kina dadakpin ang tatlong naunang naglalaman ng mga pamaha- Kris Aquino at Quezon City isinangkot sa kasong plun- laang lokal na nakinabang sa pahina 6 der– sina Senador Juan Ponce- pag-ulan ng pera mula sa kaban

Live Free!

by Samantha Catabas - Manuel

On Marriage and Fidelity

T

HE Legal Wife, My Husband’s Lover, No Other Woman, The Mistress… They all deal with infidelity. It’s often a hot topic among men and women struggling in their married life. It’s trending on social media and garnering high ratings on TV and in the box office. Generally, it’s an overused plot in novels, movies, and TV programs. Some people would probably think that the reality of infidelity is practically normal these days -- married couples splitting up, children raised in single-parent households. That’s why others would probably think that what you see in media only reflects what is actually happening in society. I am not intending to condemn nor judge anyone. However, I wish to share a

riage: First, marriage should be able to remind us that we are made to be in a relationship with others. In a practical manner, this fact teaches us to see ourselves – both body and soul - as a gift to be given in love to another person. Often marriages tend to fail when we look at this concept the other way around. This happens when we focus on what we can get out of our relationship with the other person. Second, realizing that we are called to be a “gift” to others, married couples should be able to make decisions with the other person mind. Day by day, we are called to sacrifice our own needs and desires in order to serve our spouse. Finally, it also tells us the marriage is meant to be exclu-

Marriage should be able to remind us that we are made to be in a relationship with others. It teaches us to see ourselves – both body and soul - as a gift to be given in love to another person. Often marriages tend to fail when we look at this concept the other way around.

piece of my mind and my heart in proclaiming the beauty of marriage as a lifetime commitment. Marriage, for me, is a great responsibility that we have to take seriously. I am saying this because I have personally witnessed inspiring stories of love between two imperfect individuals, commitment in the midst of struggles, acceptance, in spite of the weaknesses, and forgiveness prevailing over pain. Pope John Paul’s teachings on the Theology of the Body have these to say about mar-

sive. From that very moment we vowed to love one another until death, we share a certain kind of bond that would be impossible to duplicate with someone else. Married couples are called to give love to one another without holding anything back. It is not about giving a part of us to one person and one part to another. It is, in fact, a full giving of one’s self solely to our spouse. Whenever I think of my own married life, I think of it as a journey towards becomturn to page 6


balita

6

MAYO 22 - 28, 2014

idolong TAPAT Sina Ronie D. Bautista (kaliwa) at John C. Florencondia (kanan) ay mga ‘porter’ sa Roxas City airport. Sila ay mga Tapat sa kanilang tungkulin na iayos ng tama at may respeto ang mga gamit ng mga commuters at higit sa lahat, ibigay ito sa tamang may-ari. Sa kabila ng maliit na kinikita, hindi nila iniiwan ang kanilang mga kliyente hanggang hindi nila natitiyak na ito’y mga ligtas. (YO/TapatNews) Paano Magiging Tao?...

mula sa pahina 4

binata. Ayon kay Rodger, “The sight was shocking, traumatizing, and arousing. All of these feelings mixed together took a great toll on me.” Mag-isa, naglakad siyang pauwi at umiyak. “I felt too guilty about what I saw to talk to my parents about it,” dagdag pa niya. Labing-isang taong gulang si Rodger noon. Ang tanong, nasaan ang mga magulang niya noong panahong iyon? Hiwalay. Lumaki si Rodger na ‘di panatag ang loob, nagkikimkim ng galit at tanong na hindi masagot, at pakiramdam na siya ay walang halaga. Ilan pa kayang mga Elliot Rodger ang hinuhubog ngayon -- sa mga tahanahan, sa mga paaralan, sa mga lansangan? Sino ba si Elliot Rodger kung hindi isang nakagigimbal na patotoo na ang pamily ang pundasyon ng lipunan? Ang pagguho nito ang simula ng pag-agnas ng lipunan.

On Marriage and Fidelity..

from 5

ing the person I am meant to be. I’m not perfect, sinless, spared from trials and temptation. My life is not always happy, nor problem-free. Life with my spouse can be challenging, but that’s what makes the journey worthwhile. The reality is marriage will always be a work in progress. A person cannot do this on his own; it takes two to make it work and three to make it last. Yes, there is always a third party to any marriage and that is God.

Kwentong Kutsero..

mula sa pahina 5

Mayor Herbert “Bistek” Bautista. Magkaibigan lamang sila. Nakatutuwa na sa bawat kontrobersya ay biglang lilitaw si Kris at may dalang kuwento na pagpipistahan ng madla. Tila ba sinasadya upang lumalig ang isyu at maligaw ang madla sa tunay na nagaganap sa bansa. Kung noo’y natuon ang pansin ng madla sa Korte Suprema sa pagpapatalsik kay Chief Justice Renato Corona, nakatuon naman ngayon ang madla sa Senado at Kongreso. Kung magpapatuloy ito, tiyak na bababa ang paniniwala ng taongbayan sa dalawang sanga ng pamahalaan. Tanging ang ehekutibo na lamang ang mananatiling walang bahid ng kontrobersya. Baka wala ng maniwala sa hudikatura at lehislatura. Kung mahalagang paksa ang Priority Development Assistance Fund na kilala sa pangalang pork barrel, wala nang hihigit pa sa isyung dala ng Enhanced Defense Cooperation Agreement na nilagdaan nina Kalihim Voltaire Gazmin at US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg noong nakalipas na buwan. Hinimay ng palatuntunang Tapatan sa Aristocrat noong ika-19 ng Mayo ang naturang kasunduan. Sa ating pagbabalik sa isyu ni Gng. Napoles at iba pang mga taong nadawit sa kontrobersya, may nagsasabing may nagbalak nito upang tumingkad ang galing ng isang taong nananaginip maging pangulo sa 2016. Nagkataon nga lamang na nag-boomerang kaya’t iba’t ibang kuwento na ang lumalabas sa media ngayon. Bahagi po ito ng mga kwentong kutsero sa Intramuros, sa Divisoria at maging sa Binondo. Tabi po!

ADVERTISE WITH US..... EMAIL US AT

tapatnews@areopaguscommunications.com


MAYO 22 - 28, 2014

Katoliko

7

Unapologetically Catholic

May batayan ba sa Bibliya ang purgatoryo?

ni MARK SILVA indi bat’ ayon sa Bibliya, ang Mabuting Magnanakaw ay dumiretso sa langit ng walang patungkol sa purgatoryo? Hindi ba’t ito ay patunay mula sa Kasulatan na walang purgatoryo? Bakit naniniwala ang mga Katoliko sa Purgatoryo? Sinasabi sa Ebanghelyo ni Lukas na binanggit nga ni Kristo ang tungkol sa Mabuting Magnanakaw na kilala mula sa tradisyong Katoliko bilang si Dismas na sasama sa Kanya sa langit. Sambit ni Dismas, “Hesus, alalahanin mo ako pagpasok mo sa iyong kaharian.” Ngunit batayan nga ba ang naturang sitas na walang Purgatoryo? Una, hindi na kinakailangan ni Dismas ang mapunta pa sa Purgatoryo. Siya ay nalinis na mula sa kanyang mga kasalanan ng kanyang sambitin kay Hesus ang kanyang “pagkukumpisal”. Pangalawa, ang purgatoryo ay lugar kung saan ang isang namayapa na may marka ng maliit na pagkakasala at hindi nararapat sa kadalisayan ng langit ay nililinis. Ito ay kinakailangan dahil, itinuturo sa Kasulatan, “walang may bahid ang makakapasok sa presensya ng Diyos sa langit.” (Paghahayag 21:27) Pangatlo, kinikilala ng Bibliya ang mga

H

KATESISMO, MISMO! Talaga bang hindi maaaring magkamali ang Santo Papa? Oo. Ngunit ang Papa ay nagsasalita lamang ng walang mali kung siya ay nagpapatibay ng mga aral ng Iglesya sa isang nakatakdang eklesiastikong gawain (“ex cathedra), sa madaling salita, kung ito ay nagdedesisyon sa mga katanungang doktrinal tungkol sa pananampalataya at moralidad. Ang mga desisyon ng Mahisteryo mula sa samahan ng mga obispo sa pakikibahagi ng Santo Papa ay may karakter tulad ng papa, halimbawa, sa pagdedesisyon sa lokal na konseho. Ang paniniwalang ang papa ay hindi maaaring magkamali ay walang kaugnayan sa kanyang personal na integridad at talino. Ang walang mali ay ang Iglesya, dahil ipinangako ni Kristo ang Banal na Espiritu sa Kanya, na siyang nagpapanatili ng katotohanan at nangunguna sa pagpapalalim nito. Kung ang katotohanan ng pananampalataya

Ang mga Hudyo sa kasalukuyan ay nananalangin ng isang dasal na tinatawag na “Mourner’s Kaddish” sa loob ng labing isang buwan matapos mamayapa ang isang minamahal na may paghahangad na malinis ang namayapa.

ay inisantabi, tinalikuran at mali ang pagkakaintindi, ang Iglesya ang may huling salita at may kapangyarihan upang magsabi kung ano ang tama at mali. Ito ang boses ng papa. Bilang tagapagmana ni San Pedro, ang unang obispo, siya ay may kapangyarihang magpatupad ng katotohanan na naaayon sa Tradisyon ng Iglesya sa pananampalataya. Sa paraang ito ay maipapamahagi sa mananampalataya sa lahat ng panahon ang katotohonan bilang “dapat paniwalaan nang walang duda”. Masasabi na ang papa ang nagpapaliwanag ng dogma. Samakatuwid, ang turo (dogma) ay hindi maaaring may kasamang “pagbabago”. Hindi madalas ang paglilinaw sa isang dogma. Ang pinakahuli ay noong 1970. (MS)

“dasal sa mga yumao” na matatagpuan sa 2 Makabeo 12:43-45. Ngunit tinanggal ng mga Protestante ang naturang libro sa Bibliya, ngunit kanila namang kinikilala ito bilang ‘apokripal’. Ang mga dasal ay hindi na kinakailangan ng mga nasa langit at wala namang makatutulong sa mga nasa impyerno. Ibig sabihin ang dasal para sa mga yumao na pinaniniwalaan maging ng mga sinaunang Hudyo ay katanggap-tanggap at makatotohanan. Ang dasal para sa mga yumao ay kadikit na doktrina ng purgatoryo at naging parte na ng totoong relihiyon bago pa man dumating si Kristo. Ito ay gawain ng mga Hudyo mula pa ng panahon ni Makabeo at matatandaang si Kristo mismo ay isang Hudyo. Ang mga Hudyo sa kasalukuyan ay nananalangin ng isang dasal na tinatawag na “Mourner’s Kaddish” sa loob ng labing isang buwan matapos mamayapa ang isang minamahal na may paghahangad na malinis ang namayapa. Ang doktrina ng purgatoryo ay bahagi na ng pananampalataya ng mga Hudyo at mga Kristiyano bago pa man dumating ang mga Protestante at tanggihan ang naturang turo.


8

#CoolCatholics

When a man falls 'in love' with Mary

MAYO 22 - 28, 2014

“I sinned and I sinned a lot. I was addicted to sex, pornography, and well, everything that you can think of. There was no guilt within me, maybe because I was blinded by the enemy.”

by SKY A. ORTIGAS BEING a missionary in my Catholic community for 8 years, I got to know and get close to people who are just so in love with Jesus and the mission. But seldom do I meet men, yes, young men, who are so in love with our Mother Mary and just can’t help but always talk about her. Rare is the guy who is transfixed by Our Lady, like a young man just so full of love. So imagine my surprise when this guy, Jhonsen Sales, talked with passion about Mary during one of our community’s activities. Back then, I was already falling in love with Marian devotion and consecration, that every time I would listen to someone give a talk, I would always offer a special rosary for that person as the talk would progress. So while Jhonsen was in front and speaking to us, with me holding my rosary, he just started talking and talking about Mama Mary that I had to ask myself, “Who is this guy?” So, let’s get to know Jhonsen. Sky: So, you’re an electronics and communications engineer, and as an engineer myself, I know that we can get “scientific” and theoretical in some, or let’s say, most things. With this, how did you get to know the mystery and gift of Christ in your life? Jhonsen: The year 2008 was the worst and yet the best year of my life. I was at the peak of my “worldly” lifestyle and to tell you honestly, I was totally drowned in sinning, though I was not aware that what I was doing was really wrong. I sinned and I sinned a lot. I was addicted to sex, pornography, and well, everything that you can think of. There was no guilt within me, maybe because I was blinded by the enemy. But praise God, 2008 was also a year when I got to know the Lord more. I believe I was rescued! With just a few words that I’ve heard from a preacher, my life totally changed direction. “You are so special,” the preacher said. Then I have realized that in encountering God, whatever or whoever I am, God had been loving me in my past, present and future. He has given everything to me, even His own Son just to save me and be with Him in heaven. Sky: You’ve always been active in social media, sharing about Jesus and about our Mother Mary. Can you tell us about Mary’s impact on your personal life? Jhonsen: I dreamt of her. I realized, maybe because I pray the rosary a lot. Before, I did not know how to pray. Even with the rosary, I needed to have a guide to do it. But then it became a habit and I have realized that Mary helped me to know more about Jesus. She helped me fill my spiritual hunger. In a way, I feel special because in my sleep, I dream of her, though I felt unworthy, but I am convinced that Mama Mary is

preparing me for a mission -- a mission which I am willing to fulfill for the sake of my love for her as my spiritual Mother. Sky: How important is Marian consecration for you? How did you get to know this kind of entrustment / consecration? Jhonsen: When I was in China for work, I researched a lot about our Catholic faith. And then I came across a 12-page e-book called The Secret of Mary by St.Louis de Montfort. I read through it and was so amazed by its contents. It contained messages that reveal and speak about Mama Mary that you can’t find in any other book. To consecrate myself to Mama Mary is about surrendering my life to Jesus through Mary. Only Mary can help us and lead us into communion with the Holy Trinity. Sky: How did the consecration help you in your practical life? Jhonsen: Everything is grace. The consecration opened my heart, mind and soul to every grace that our God wants to give us. It also allowed me to be open to respond to these graces that can and will lead me to sanctity, purity and holiness. Sky: What is your personal goal? Your personal mission? Jhonsen: I want to become a saint. That’s my spiritual goal. I don’t know how, but one thing I am sure of, only our MOM, Mary Our Mother, can help us become saints. I want to share to other people the mission of Mama Mary in Salvation history -- to defend her the way she protected me. Sky: And now on to my usual question, which is I ask all my interviewees, what are your simple joys? Jhonsen: Reading books and stories about the saints and spending time in the Blessed Sacrament Jhonsen and I are currently writing a book called Mercy Café: Coffee for the Soul that contains our learnings and experiences on mission and most especially, on our love for the Eucharist and our MOM, Mary Our Mother, plus our conversations over coffee. We also have Mercy Café: Coffee and Conversations sessions (catechism over coffee) every second Saturday of the month in one of the restaurants in Quezon City. The book and the café are part of the bigger mission to spread God’s love and mercy called the “Mercy Project.” Visit our website www.ourmercyproject.com.


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.