Tanglaw (Mayo 23, 2024)

Page 1

Huwebes Mayo 23, 2024

@tanglawdevcom

bit.ly/tanglawdevcom

Makasaysayang halalan

 Nanalo si Gean Magbuo bilang kauna-unahang CDC SC Chair mula sa ASDC.

Halalan Coverage

Reaksyon ng nagwagi

Ipinaabot ng mga nanalo sa CDC Student Council ang kanilang mga pangako at plataporma para sa mga mag-aaral. Pahina 5

Kilalanin mga nanalo

Ano ang magiging mga prayoridad na proyekto at panawagan ng apat na mga mauupo sa CDC Student Council? Pahina 6

Mga resulta sa USC

Para kay USC Chair-elect Mark Angelo Roma, mahalagang mapalitaw ang bahagi ng mga mag-aaral sa pamamahala. Pahina 7

Analysis sa resulta

Natapos ang halalan at naupo ang apat na tumakbo sa CDC SC. Ano ang kanilang mga hamon na dapat kaharapin? Pahina 8

Student representation

Sa panayam ng Tanglaw sa mga lider-estudyante, ang mga salik at solusyon sa bumababang bilang ng mga tumatakbo. Pahina 9

Opinyon

Basahin ang Editoryal ng Tanglaw at ang mga komentaryo nina

Andrea Bodaño at Ian Raphael Lopez sa halalan. Pahina 10-11

 Lahat ng mga tumakbo sa CDC SC ay nagwagi sa kani-kanilang mga posisyon.

 Pangunahing isyu sa halalan ay ang pagbaba ng student representation.

Ito ang naging reaksyon ni Gean Magbuo, ang bagong halal na CDC Student Council Chair, habang inaanunsyo ang naging resulta ng USC-CSC Elections sa harap ng Office of the University Registrar kagabi, Mayo 22. KUHA NI DAN ALEXANDER ABAS • TANGLAW PHOTOJOURNALIST
pahina
balita, resulta, at opinyon
Devcom Halalan Special Edition 8
ng
Unang sandali ng pagwawagi


Nilalaman ng Tanglaw

‘Di pa rin kayo recognized?

Alamin ang pinakahuling update sa aming recognition process sa tanglawdevcom.wordpress.com/recognition.

Itinatag Setyembre 21, 2022

Ang Pahayagan ng mga Mag-aaral ng UPLB College of Development Communication

Ang aming misyon

Layunin ng Tanglaw ang maging bulwagan ng mga balita at istoryang nagpapaliwanag ng mga kaganapang mahahalaga, at ang pagpapalitaw ng isang mapagpalayang pagtingin sa lipunan.

Editorial Board

Ian Raphael Lopez, Editor in Chief Reuben Pio Martinez, Managing Editor

Associate Managing Editors

Mar Jhun Daniel, Shortform Reporting

Neil Andrew Tallayo, Longform Reporting

Maria Andrea Bodaño, Opinion

Dan Alexander Abas, Media Resources

Aliah Yzabel Ombania, Distribution Jerome de Jesus, Internal Affairs

Marius Cristan Pader, External Affairs

Section Editors

Rafael Angelo Del Prado, Balita

Princess Leah Sagaad, Breaking News

Denyll Francine Almendras, Lathalain

Jan Paolo Pasco, Sports

Margaret Ann Bettina Papag, Photos

Beaula Frances Buena, Layout

Sean Gabriel Algar, Graphics

Ellyzah Janelle Devilleres, Special Projects

Stephanie Regalado, Finance Manager

Katrina Panaligan, Organization Relations

Editorial Staffers

Balita: Jian Martin Tenorio, Kyla Balatbat, Mervin Delos Reyes, Sean Angelo Guevarra, Jayvee Mhar Viloria, Dave Sy, Marco Rapsing, Taj Lagulao • Lathalain: Janelle Macandog, Lourain Anne Suarez • Opinyon: Paolo Miguel Alpay • Sports: Maryrose Alingasa, Diana Luspo • Media Resources: Karl David Encelan, Karylle Payas, Dianne Barquilla, Neil Gabrielle Calanog, Janssen Martinez • External Affairs: Ian Carlson Panuelos

Polisiyang Editoryal

Dito sa Tanglaw ay pinahahalagahan namin ang wastong impormasyon sa aming mga istorya. Para sa inyong suhestiyon, magpadala ng email sa cdcstudentnewspaper@gmail.com at ilagay sa email ang subject na [Pagwawasto].

Ang opinyon ng mga Tanglaw reporter at columnist ay hindi sumasalamin sa opinyon ng pahayagan, kolehiyo, at ng unibersidad.

Kasapian

Kasapi ang Tanglaw ng UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations (UP Solidaridad) at ng College Editors’ Guild of the Philippines (CEGP).

Tanglaw Online

Sundan ang pagbabalitang mula sa Devcom at para sa Devcom sa mga digital platform.

Campus

tanglawdevcom. wordpress.com

facebook.com/ tanglawdevcom

x.com/ tanglawdevcom

instagram.com/ tanglawdevcom

tiktok.com/ @tanglawdevcom

cdcstudent newspaper@ gmail.com

Mabigat na hamon sa numinipis na hanay ng mga konseho

Sa kabila ng patuloy na pagbigat ng mga isyung panlipunan at pang-unibersidad na nakaaapekto sa UPLB, lumiliit naman ang bilang ng mga tumatakbo sa mga konseho. bit.ly/4apaGQ0

Sa Mayo Uno, samot-saring panawagan ang bitbit ng masa

Uminog ang pagkilos sa isyu ng pasahod, ang niraratsadang Charter Change, at ang puwersahang pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program. bit.ly/3ylU91N

Editorial Notebook

Isang pasilip sa operasyon ng Tanglaw

Polisiya ng Tanglaw sa pagwawasto

Kapalit ng pagiging malaya ng Tanglaw mula sa mga institusyon at organisasyon sa kolehiyo, batid ng pahayagan ang kahalagahan ng responsable at tamang pagbabalita. Narito ang pagkakaiba ng mga terminolohiya, ayon sa Tanglaw News Guidelines and Stylebook to Devcom:

▶ Pagwawasto o correction: Ito ay ginagamit sa mga maling detalye na lumulusot sa pahayagan. Sa pagsusulat ng pagwawasto, dapat na ilagay ang buong detalye kung saan naganap ang pagkakamali, ang pagtatama nito, at isang mensahe ng paumanhin.

▶ Paglilinaw o clarification: Ito ay ginagamit kung tama naman ang detalye, ngunit hindi angkop sa konteksto ang paggamit nito. Ito ay mas dumadaan sa masinsinang pag-uusap ng Editorial Board, at dapat lamang gamitin kung nasa pagkakamali ng reporter ang pinagmulan ng kalituhan.

▶ Retraction: Ang pinakamalalang gagawin ng pahayagan, ito ay kung mapag-alaman ng Editorial Board na mali ang parte o kabuuan ng isang istorya at hindi papalag ang pagwawasto o paglilinaw.

Balikan ang mga panayam ng Tanglaw sa mga kumandidato

Isang tradisyon tuwing Devcom Halalan ay ang panayam ng Tanglaw sa lahat ng mga kumakandidato para sa CDC Student Council, kung saan inaalam ang kanilang mga plataporma. bit.ly/4btnYMy

Pagkilos laban sa Balikatan, genocide sa Gaza Strip

Binigyang-diin ang pagkakaugnay ng mga karanasan ng iba’t-ibang mga mamamayang api — Pilipino man o Palestino — sa ilalim ng agresyon ng Estados Unidos. bit.ly/44TlAwe

Paskilang Devcom

Mga aktibidad at proyekto ng CDC student orgs

UP Alliance of Development Communication Students

A recently launched activity of the UP ADS is the Community Project. The Community Project was first organized last February 2024 with Sitio Pag-asa as its partner community. For this year, it revolved around the theme of reintroduction and promotion of traditional Filipino games to the community. Stay tuned for more exciting events of the incoming UP ADS 27.

UP Community Broadcasters’ Society

Bitbit ang temang “Agrikultura: Mga Kuwento ng Hamon at Pag-asa,” kinilala ng 18th UP ComBroadSoc Gandingan Awards ang mga pambansa, lokal, at online media sa programang inilunsad noong ika-4 ng Mayo sa Baker Memorial Hall. Sa kabilang banda, i-eere ang special episodes ng Leader Ka K! kasabay ng paggunita sa ika-15 na anibersaryo ng youth-oriented magazine program.

UPLB Development Communicators’ Society

Ginanap nitong Mayo 13 ang seremonya ng pagtatapos ng iRead, inisyatibo na naglalayong paunlarin ang literasiya ng kabataan sa Los Baños Central Elementary School, na dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa unang baitang. Maaaring hudyat ito ng opisyal na pagtatapos ng iRead 2024. Ngunit, patuloy ang organisasyon sa pagsusulong ng literasiya at ng komunikasyon tungo sa mapagpanibagong aksyon at kaunlaran!

Para sa partnerships, sumulat kay Katrina Panaligan, Organization Relations Editor, sa cdcstudentnewspaper@gmail.com.

LATHALAIN SPORTS
HUWEBES, MAYO 23, 2024 | TANGLAW 02 Panimula
GABAY SA DEVCOM’S STUDENT NEWSPAPER REHIYON
01 02 03 04 05 06 07 08 09 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20
PANIMULA Rehiyon at Bansa Devcom Photos OPINYON DEVCOM

Desisyon laban sa red-tagging, depensa at hamon sa karapatan Devcom

Pinagpugayan ng mga aktibista at mamamahayag mula sa Devcom ang desisyon ng Korte Suprema.

Sa kabila nito, mananatili pa ring kritikal at nagbabantay sa mga kaso ng red-tagging.

Sa pagdeklara kamakailan ng Korte Suprema sa red-tagging bilang banta sa buhay, kapayapaan, at seguridad ay nabigyan ng legal na kahulugan ang matagal nang nararanasang panunupil at pananakot sa mga aktibista at mga mamamahayag na inaakusahang kasapi ng teroristang grupo.

Nitong Mayo 8, 2024, nagpasya ang Korte Suprema en banc na ipagkaloob sa aktibista at dating kinatawan ng Bayan Muna party-list na si Siegfred Deduro ang writ of amparo o proteksyon sa karapatang pantao alinsunod sa saligang batas. Kaugnay ito ng akusasyon sa kaniya ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army bilang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Kinilala ng Korte na ang tahasang pagpapakalat ng poster na may mukha ni Deduro sa Iloilo City, kung saan direkta siyang tinawag na miyembro ng komunistang grupo pati na ang mga paniniktik sa kanya, ay paglabag sa kanyang karapatang pantao. Sa pamamagitan ng desisyon na ito, mas kongkreto na ang basehan ng pagsasampa ng kriminal na kaso laban sa mga tahasang nagsasagawa ng red-tagging.

‘PAG-ABANTE NG LEGAL SYSTEM’

Katulad ni Deduro, si Kenneth Rementilla ng Anakbayan Southern Tagalog ay nakaranas din ng red-tagging mula sa estado. Ayon sa kaniya: “Bilang kinilala na ng Korte Supre -

ma ang red-tagging na isang banta sa buhay, kalayaan at seguridad, at maaaring maging basehan sa paggawad ng writ [of] amparo, isang bagay na maituturing na pag-abante ito sa larangan ng legal system.”

Ibinasura ang paratang kay Rementilla ng 59th Infantry Battalion na paglabag sa Anti-Terrorism Law nitong nagdaang taon dahil sa kakulangan ng posibleng ebidensya. Iginiit ni Rementilla na isang fact-finding mission ang kanilang isinagawa dahil “wasto lamang maiulat ang human rights violations nito [ng estado] sa probinsya ng Batangas tulad na lamang ang ginawa nilang pamamaslang kina Kyllene Casao at Maximino Digno na mga ordinaryong mamamayang Batangueño.”

Sa desisyon nito, binigyang-diin ng Korte na kahit hindi tiyak na mauuwi sa panghuhuli o pamamaslang sa

akusado ang mga kaso ng red-tagging, hindi na dapat hintayin pang mangyari ang mga ito bago sila bigyan ng proteksyon.

Kakabit nito ang sinabi ni Rementilla sa Tanglaw. “Dapat tuluyan nang mabuwag ang NTF-ELCAC, mabasura ang Anti-Terrorism Act at mga kahalintulad na terrorism-related charges at panagutin si Duterte, Marcos, NTF-ELCAC, at kanilang mga ahente.”

LUBOS NA SUPORTA Nagpahayag din ng suporta sa desisyon ng Korte si Ali Pine, tagapangulo ng UP Solidaridad o alyansa ng mga student publications sa UP System. “Ang mga kaso ng tahasang red-tagging sa mga kampus-mamamahayag ay lubos na nakakabagabag sa hanay ng mga estudyanteng ang layunin lamang ay makapagpa -

hayag ng mga kritikal na balita.” Base sa pagsisiyasat ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), napag-alaman na mahigit 60 pursiyento sa mga insidente ng red-tagging ang nakaugat sa estado. 19.8 pursiyento rito ang ginagamitan ng mga paraan ng pananakot tulad ng paniniktik, pagpapadala ng liham, at pagbabanggit ng mga polisiyang gobyerno bilang dahilan.

Gayunpaman, mariin ang pagtanggi sa ilalim ng mga termino nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at kasalukuyang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pag-iral ng red-tagging sa mga progresibong grupo.

“Ang ganitong hakbangin [ng Korte] ay lubos na sinusuportahan ng mga progresibo dahil nararapat nang pakinggan ng Korte Suprema at aksyunan ang mga kaso ng ilegal na pagkakaimpit at pagde-delay ng mga hearing ng mga nasangkot sa gawa-gawang kaso na ranas na ranas ng mga progresibo,” giit ni Pine.

Ilan sa mga pinaratangan ng mga gawa-gawang kaso ng estado ay sina Alex Pacalda, dating secretary-general ng College Editors Guild of the Philippines - Southern Tagalog (CEGP-ST) at kampus-mamamahayag ng The Luzonian sa Quezon, at Frenchie Mae Cumpio ng UP Vista

“Ang ganitong uri ng campus press freedom violations ay manipestasyon na takot ang estado at ang reaksyunaryong gobyerno sa matatalas at kritikal na boses ng mga kabataan,” ani Pine.

“Inaasahan natin na mapanagot na ang mga sangkot sa tahasan at walang mga batayang panre-redtag at ilegal na pagdakip sa ating mga kasamahan sa midya at hanay ng mga progresibong sektor,” dagdag niya.

Para kay Pine, bagaman nagkaroon ng ganitong desisyon ang Korte Suprema ay hindi agaran na mararamdaman ang epekto nito. “Ganu’n na lamang katakot ang estado sa pagsiwalat ng mga katotohanan,” aniya. “Gayon pa man, nananatili tayong kritikal at hindi magpapatinag.”

Mar Jhun Daniel, Neil Andrew Tallayo Associate Managing Editors
03 TANGLAW | HUWEBES, MAYO 23, 2024 
Angelo Del Prado, Princess Leah Sagaad News Editors DAPAT MONG MALAMAN Bitbit ni UP Solidaridad Chair Ali Pine sa isang pagkilos sa Miagao, Iloilo noong Pebrero 2024 ang mga panawagan para sa kalayaan sa pamamahayag at palayain ang mga inaatakeng mamamahayag gaya ni Frenchie Mae Cumpio. KUHA NI DAN ALEXANDER ABAS • TANGLAW PHOTOJOURNALIST

Inantala ng pamilyar na kalansing ng mga susi ang katahimikan sa Devcom. Sa hallway, habang nagpapahinga sa mga upuan ang kaniyang mga kasama, bumungad ang abalang mga yapak ng kilala nating lahat na si Tito Aga. Tumigil siya sa harap ng mga ito at nagtanong: “Ano ang ipapabili niyong ulam?” Nang makakuha ng sagot, naglakad na siya patungo sa opisina, sabay habol ng paliwanag: “Saglit, may utos lang sa Edcom.”

Kung tutukuyin ang love language ni Tito Aga, marahil ay pagseserbisyo ang makukuhang sagot ng Devcom. Palaging pinaparamdam ng butihing administrative assistant ang mapagkakatiwalaan niyang presensya. Ito rin siguro ang pinakahahanap-hanapin ng kolehiyo sa kaniyang pag-alis. Nitong nakaraang Marso 12 kasi, opisyal na siyang nagretiro sa trabaho.

Si Romeo Estimado, mas kilala bilang Tito Aga, ay nagsilbi sa Devcom ng 43 taon. Sa mahabang panahon na ito, naipakita niya ang dedikasyon sa iba’t ibang tungkulin na ginampanan — mula sa pagiging machine operator, audiovisual assistant, at sa kalaunan, bilang administrative assistant. “Halos lahat ginagawa ko. On-call kasi ako kahit magsetup ng mga gamit. Halimbawa sa mga training, may ipagagawa sa’kin, gagawin ko. Lahat ng faculty siguro, nakatrabaho ko na lahat sila. ‘Yung may mga pinapagawa [sila] na hindi nila kaya, sa akin pinagagawa,” salaysay ni Tito Aga sa Tanglaw. Gayun na lang ang hanga sa kaniya ng mga kasamahan niya sa trabaho. “Si Aga, talagang ‘yan ay desidido talaga na manrabaho dito sa kolehiyo. Saka talagang ‘yan masipag talaga … Sample niyan, sa trabaho, kahit na anong iutos mo d’yan, OK nang OK ‘yan. Kaya ‘yan talagang [saludo] ako d’yan [kay] Aga,” bahagi ni Ding Ataya, kapwa administrative staff ni Tito Aga. Para naman kay Danisse Banasihan, mag-aaral ng Devcom, lagi ring nakaalalay si Tito Aga sa mga estudyante. Aniya, “one call away” ito at maaasahang gagawin agad ang makakaya upang makatulong. “Nu’ng pagbalik natin after the pandemic, siya ‘yung nag-isip nung arrows na lalakaran natin para mayroon tayong social distancing. Ayun ‘yung mga gano’ng creative inputs niya na naisasagawa niya into outputs na kongkreto na,” dagdag niya.

Kapuri-puri ang kalidad ng serbisyo na naipamalas ni Tito Aga sa kolehiyo. Subalit, hindi lang ito ang batayan ng pagpapahalaga sa kaniya ng Devcom. “Matagal na matagal na namin yan [si Aga] naging kasama. Halos mag-

NEWS FEATURE

Ang susunod na yugto kay Tito Aga

Hindi pa kolehiyo ang Devcom, kabahagi na siya ng kultura sa loob nito.

Sa pagtatapos ng isang napakahabang karera, bitbit niya sa pagreretiro ang mga mensahe ng mga nakatrabaho at ng mga mag-aaral na kaniyang natulungan.

kasabay kami niyan, kaya halos ang turingan namin ay isang pamilya,” dagdag pa ni Tito Ding. Ang pagiging parang isang pamilya ni Tito Aga at ng komunidad ng kolehiyo ang siya ring sukat ng pagmamahal nito sa kaniya. Hindi malilimutan ang pagkakaibigan na naibahagi niya para sa kaniyang mga katrabaho.

“I think what’s prominent about Tito Aga is his care sa kaniyang mga officemates. For example, na lang, walang lunch ‘yung nanay ko tapos pupunta siya office ng nanay ko, ta’s sasabihan niya ‘Anong gusto mo? Ibibili kita,’ gano’n,” kuwento ni Danisse na anak ni Lisa Banasihan, administrative officer sa CDC Office of the Dean.

‘FINISHED OR NOT FINISHED’

Gustuhin man ng komunidad ng Devcom na patuloy pang makasama si Tito Aga, itinakda na ng mga polisiya ng unibersidad ang pagreretiro niya. Iminandato ang pagreretiro ng mga empleyadong may edad 65 na nakapagsilbi sa unibersidad ng hindi bababa sa 15 na taon. “Full retirement na ‘yung akin… 65 years old [na ako],

kaya finished or not finished, pass your papers,” paliwanag ni Tito Aga. Gayun na lang ang paghahalo-halo ng emosyon na kaniyang naramdaman sa pag-alis. “Siyempre, lungkot [kasi] maiiwan ko na ‘yung Devcom. Alam mo naman na 43 years ako nagtrabaho dito. Sa araw-araw ko, ayun na lang ang ginagawa ko. Pasok-uwi, pasok-uwi trabaho ‘yang ganan. Parang ang hirap kalimutan nung ganon,” ani Tito Aga.

Masaya naman daw siya sapagkat makakapiling na niya ang kaniyang pamilya at magkakaoras na siya para sa sarili. Ngunit, ‘di maikakailang may puwang na maiiwan si Tito Aga — hindi lang sa mga espasyong kalimitan niyang pinamamalagian sa kolehiyo, kundi pati sa puso ng mga taong arawaraw niyang nakakasalumuha rito. Gayunpaman, sapat nang panlunas sa kirot na ito ang malaman na masayang mga alaala sa Devcom ang baon niya sa pagtungtong sa panibagong yugto ng kaniyang buhay. “Siguro hindi ko na inisip na lumipat pa [ng trabaho] kasi maligaya ako dito. Mababait ‘yung mga kasamahan ko.

At saka, maalwan ‘yung trabaho [...] walang pressure,” pagbabahagi niya. Mga matatamis na salita ang kaniyang iniwan para sa kolehiyong nagsilbi na rin niyang tahanan sa loob ng maraming taon. “Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga faculty na pinagtiyagaan niyo ako … minahal niyo ako,” pasasalamat niya sa mga guro ng Devcom.

Hangad naman niya ang tagumpay ng mga mag-aaral dito: “Sa mga estudyante, sana matapos kayo nang four years. Pagkatapos niyo, [sana] umunlad kayo at saka, kapag kayo’y nakatapos na, ‘wag niyong kalimutan ang Devcom, kung saan kayo nanggaling […] Mahalin niyo ang Devcom.” Hindi matutumbasan ang dedikasyong ibinahagi ni Tito Aga sa Devcom kaya’t walang humpay na pasasalamat din ang alay sa kaniya ng kolehiyo. “Salamat sa dedikasyon mo sa kolehiyo. Malaki ang ambag mo dito. Saka tungkol naman sa retirement mo, mag-ingat-ingat sa sarili,” ito ang pasasalamat ni Tito Ding, na sumasalamin sa mensahe na nais ipaabot ng komunidad ng Devcom kay Tito Aga.

HUWEBES, MAYO 23, 2024 | TANGLAW 04 Devcom
DISENYO NI JANSSEN MARTINEZ • TANGLAW LAYOUT ARTIST MULA SA MGA KUHA NI NEIL CALANOG • TANGLAW PHOTOJOURNALIST
“At

the end of the day, you will all serve under one banner of the student council. The work of the student council is development communication itself.”

Apat na kumandidato sa CDC SC, nagwagi

Panalo ang mga tumakbo para sa mga posisyon sa CDC Student Council.

Prayoridad ng bagong CDC SC Chair ang pagpapaigting ng student representation.

Angelo Del Prado TANGLAW REPORTER

Nagwagi ang lahat ng mga kumandidato para sa CDC Student Council (CDC SC) sa naging resulta ng halalan kagabi, ika-22 ng Mayo.

Nahalal na ang apat na bagong maumuno sa konseho para sa susunod na taon na pinangungunahan ni Cassandra Gean Magubo mula SAKBAYAN, na mauupong bilang bagong CDC SC Chair. Samantala, nagwagi naman ang independent candidate na si Jedd Kristoffer Abordo bilang Vice Chair. Nanalo rin bilang nag-iisang councilor si Andrea Jariel, na kapartido ni Magbuo, at si Ethan Gavril Pahm bilang CDC SC College Representative to the USC. Sa kaniyang pagkapanalo, si Magbuo ang pinakaunang CDC SC Chair na magmumula sa Associate of Science in Development Communication (ASDC) Program.

Sa isang panayam na isinagawa ng Tanglaw matapos ianunsyo ang resulta ng halalan, binigyang-diin ni Magbuo ang mga programa na nais niyang ipatupad na nakasentro sa student representation.

“Ang focus talaga ay ‘yung pag-upo ng mga organizational representatives and batch representatives, kasi kadalasan ang nakikita natin sa polisiya, kaya nagkakaroon tayo ng gap sa kung ano ba talaga ‘yung kailangan ng estudyante at kung ano ba ‘yung mga resolutions na kailangan natin ipasa sa Student Legislative Chamber ay wala tayong komprehensibong [naipapasa],” aniya.

ANTAS NG PAKIKILAHOK

Ngayong taon, pumangalawa ang Devcom sa lahat ng kolehiyo pagdating sa voters’ turnout. 48.2 pursyento ng mga eligible voter ang nakaboto sa halalan, na nagsimula noong Sabado, Mayo 18 at nagtapos kahapon ng 5 p.m. Kung ikukumpara sa naging bilang sa halalan noong 2023, kung saan 56.7 pursyento ng mga mag-aaral ng Devcom ang bumoto, ay mas mababa ang naging voters’ turnout ngayong taon.

Samantala, magiging hamon sa papasok na CDC SC ang kakulangan sa tao, at ang nakikitang pagbaba ng antas ng pakikilahok ng mga mag-aaral. Para kay Magbuo, ang pagpapataas ng student representation ay maiuugat sa mga salik na kinahaharap ng mga mag-aaral.

“‘Yung hamon ng pagiging lider-estudyante kasi hindi lamang siya sa konseho, marami rin namang magaaral sa CDC talaga na tumatangan ng gampanin bilang lider-estudyante,” ani Magbuo. “Dapat ‘yung student representation, hindi siya napuputol sa council.”

VOX POPULI

Sa pagbaba ng student representation

Ellyzah Devilleres at Mervin delos Reyes

Sa diwa ng pamumuno

Jai, BSDC, Batch ‘22

“Mas natutuunan natin ng pansin ‘yung sense ng social work instead of leadership.”

Workload at intimidation

RC, BSDC, Batch ‘21

“‘Yung workload talaga ‘yung ‘di kinakaya… also yung intimidation sa pagli-lead sa council.”

Epekto sa mga tumatakbo

Karissa, ASDC, Batch ‘23

“Marami siyang kaakibat na responsibilities… mayroong s’yang toll sa physical and mental health.”

Koneksyon sa mga mag-aaral

Fred, BSDC, Batch ‘20

“Hindi nailalapit sa kanila [students] yung activities o mandato ng council.”

Kahandaan ng mga mag-aaral

Michael, BSDC, Batch ‘23

“Natatakot sila na maging bahagi nito dahil hindi pa sila gaanong kahanda.”

Panoorin ang buong video sa Instagram @tanglawdevcom

Devcom 05 TANGLAW | HUWEBES, MAYO 23, 2024 
TANGLAW REPORTERS DAPAT MONG MALAMAN
Abordo, Jedd (IND) 264 Abstain 58 Total votes 322 Turnout Bumoto CDC SC Chair Magbuo, Gean (SAK) 220 Abstain 102 Total votes 322 CDC SC Vice Chair CDC SC Councilor Jariel, Shaine Andrea (SAK) 220 Abstain 102 Total votes 322
TANGLAW ONLINE
RESULTA SA DEVCOM
RESULTA SA CDC STUDENT COUNCIL
College Rep. to the USC Pahm, Ethan (IND) 177 Abstain 145 Total votes 322 ‘Di bumoto 51.8% 48.2%
CDC Student Council Chair Jelaine Kate Pagayon Pinalakpakan ng mga kasapi ng SAKBAYAN ang mga anunsyo habang naghihintay ng resulta ng halalan sa harap ng Office of the University Registrar kagabi, Mayo 22. KUHA NI DAN ALEXANDER ABAS • TANGLAW PHOTOJOURNALIST

“Kadalasan ang nakikita natin sa polisiya... nagkakaroon tayo ng gap sa kung ano ba talaga ‘yung kailangan ng estudyante at kung ano ba ‘yung mga resolutions...”

CDC Student Council Chair-elect Gean Magbuo

ANG SUSUNOD NA CDC STUDENT

COUNCIL

Kilalanin ang mga nagwagi

Pinaigting na konsultasyon sa mga mag-aaral

Kabilang si Gean Magbuo sa unang batch ng mga mag-aaral ng Associate of Science in Development Communication (ASDC) simula nang mainstitusyonalisa ang nasabing programa. Ngayon, siya ang kauna-unahang Chair na mauupo sa CDC Student Council.

Bitbit ang mga adbokasiya at panawagan para sa sangkaestudyantehan ng Devcom, gaya ng pagtutol sa generalist curriculum na nakaangkla umano sa cheap labor production, plano ni Magbuo ang pagpapalakas ng mga kinatawan ng mga mag-aaral.

“Kadalasan ang nakikita natin sa polisiya, kaya nagkakaroon tayo ng gap sa kung ano ba talaga ‘yung kailangan ng estudyante at kung ano ba ‘yung mga resolutions na kailangan natin ipasa sa Student Legislative Chamber ay wala tayong komprehensibong [naipapasa],” saad ni Magbuo sa Tanglaw kagabi.

Nakikita ni Magbuo na maisasagawa ito sa pamamagitan ng mga organizational and batch representatives. “Nandoon ‘yung representation sa kung ano yung pangangailangan ng org and kung ano yung pangangailangan ng mga estudyante sa bawat batch na walang mga organization.”

“Kaya kinakailangan talaga na magpaupo tayo ng mga tao na makakatulong sa pagpapagawa ng mga polisiya para klaro na ito ay mula sa konsultatibo at sa consolidated na pangangailangan,” ani Magbuo.

Sa naunang panayam ng Tanglaw noong kampanya, isinaad ni Magbuo ang kaniyang paniniwala sa pamumuno. “Isang malaking tulong doon ng konseho ay ‘yung pagiging boses o pagbibigay-plataporma sa kung ano ba yung panawagan ng mga estudyante sa kung ano ‘yung nangyayari sa lipunan.”

Kasalukuyang miyembro ang bagong-halal na CDC SC Chair ng Gabriela Youth UPLB. Kasapi rin si Magbuo ng UPLB Delta Lambda Sigma.

Sa muling pagkakataon ay magsisilbi ang freshman na si Jedd Kristoffer Abordo bilang isang lider-estudyante sa konseho, matapos unang mailuklok bilang

CDC Freshman Council Treasurer. Bago mahalal bilang Vice Chair sa CDC SC, nagsimula sa pagiging parte ng CDC Freshman Council, tumayo din siya bilang isang ex-officio member ng Secretariat Committee ng CDC SC. Prayoridad ni Abordo sa pag-upo ang iba’t ibang mga plataporma, gaya ng pagpapatupad ng UPLB Safe Haven Resolution upang masiguradong na mayroong proteksyon sa

mga banta ng pag-atake mula puwersa ng mga militar at ng estado; ang pakikipaglaban kontra sa niraratsadang Charter Change; ang pagtatambol ng panawagan para sa kalayaan sa pamamahayag; at ang paglaban sa komersyalisado, kanluranin, at pasistang porma ng edukasyon sa bansa.

“‘Yung pagtanaw po natin sa press freedom ay napakahalaga po nito, dahil watchdog nga tayo ng gobyerno natin at isa itong malayang espasyo para sa ating kaisipan,” paliwanag ni Abordo sa panayam ng Tanglaw noong kampanya. “Isa rin itong malaking hakbang para sa progressive at developing na lipunan. Dahil bilang development communicators, ito yung pangunahin nating tungkulin.” — SAG/IRL

Bukod sa pagiging artista ng bayan, opisyal na ring lider-estudyante sa konseho ang BSDC freshman na si Shaine Andrea Jariel. Dati na rin siyang nagsilbi bilang class president at alumni association auditor sa kanyang sekondaryang paaralan. Kasalukuyang miyembro ng Education Committee ng Umalohokan, Inc. si Jariel. Isa sa mga lumabas na tutukan niya ang mga akademikong suliranin ng mga mag-aaral ng Devcom. “Isa na d’on po siguro ‘yung sa POS [Plan of Study], ‘yung sa pagkakaroon ng revisions. Lalo na, first year pa lang, pinapadecide na ‘yung mga estudyante and s’yempre pagdating ng other years [ay] most likely magbago ‘yung gusto nating mga career path. Ayun ‘yung isa kong nakikitang hadlang,” aniya. — SAG/IRL

Sa mga isyung ibinato kay Ethan Pahm, ang bagong-halal na College Representative to the USC, sa nakaraang College MDA, sumentro ang diskusyon at mga katanungan sa pagiging bahagi niya ng Upsilon Sigma Phi. Giit ng mga mag-aaral ng Devcom, paano niya masisiguro ang pananagutan ng mga student formation gaya ng fraternities sa mga isyung sangkot ito? “It’s always been my conviction to say that I have never been afraid to criticize the organization that I am part of,” aniya. “If in my eyes I see that the Upsilon Sigma Phi has done something unforgiveable and something that’s not right, I have always been there to fight against it.” — MJD

 HUWEBES, MAYO 23, 2024 | TANGLAW 06 Devcom
Sa unang pagkakataon, humarap si CDC SC Chair-elect Gean Magbuo sa mga nagtipong tagasuporta ng SAKBAYAN sa Office of the University Registrar kagabi. KUHA NI DAN ALEXANDER ABAS • TANGLAW PHOTOJOURNALIST GEAN MAGBUO
Pagtambol ng panawagan
JEDD ABORDO SHAINE JARIEL ETHAN PAHM
“Tunggaliin ‘yung mga notion na isa lang naman ‘yung tumatakbo, bakit pa kailangan nating bumoto... Mag-start tayo with empowering the studentry.”
USC Chair-elect Mark Angelo Roma

RESULTA SA UPLB UNIVERSITY STUDENT COUNCIL

Pagkilos tungo sa empowerment

Plano ng bagong USC ang isang konsehong magbibigay ng boses sa mga mag-aaral.

Kasama na rin dito ang panghahamig sa papel na ginagampanan ng konseho.

Isang konsehong magsisilbing modelo at magbibigay ng kapangyarihan sa mga mag-aaral ang nakikitang solusyon ng bagong halal na si UPLB University Student Council (USC) Chair Mark Angelo Roma, ukol sa hamon ng pagpapataas ng pakikilahok ng sangkaestudyantehan sa mga bitbit nilang kampanya.

“Unang-una na kailangan nating gawin, i-mobilize natin ang student council so that makita nila at magsilbing model ‘yung mga student council... to empower iyong mga studentry natin, so that makita nila na kaya naman ‘yung pagpa-participate when it comes to campaigns,” ani Roma sa panayam ng Tanglaw

Bagaman hindi na bago ang hamong ito sa konseho, naniniwala naman si USC Vice Chair-Elect Anne Margrett Dolar na ang pakikipag-alyansa at puspusang panghahamig sa mga mag-aaral ang maaaring gawin upang mapalawig pa ang pakikilahok ng mga mag-aaral.

“Siyempre, ima-maximize pa rin talaga ng student council ang kanilang mga alliances sa panghahamig at ... tireless persuasion,” banggit ni Dolar. “Mahalaga rin na ilapit sa mga estudyante na lahat ng tinatamasa nating benepisyo sa pag-aaral tulad ng free tuition at siyempre, nandiyan na rin iyong pagpabasura sa SAIS, pagkamit ng co-management sa Student Union [Building], ay naipanalo dahil sa student representation.”

Ngayong 2024 USC-CSC Elections ay nakatala ng 36.62 pursyento na voters’ turnout sa buong unibersidad. Ito ay bahagyang pagtaas mula sa 35.45 pursyento ng mga mag-aaral ng UPLB na bumoto noong nakaraang

mga

na

taon. Nakakuha si Roma ng 3,822 boto mula sa mga mag-aaral samantalang 1,476 naman ang nag-abstain. 4,015 naman ang bumoto kay Dolar habang 1,283 ang nag-abstain.

Gaya noong mga nakalipas na taon, wala muling kalaban ang mga kandidato mula sa Samahan ng Kabataan para sa Bayan (SAKBAYAN) sa USC Elections. Para kay Roma, hindi dapat itong magsilbing hadlang sa mga magaaral upang makilahok sa halalan.

“Tunggaliin ‘yung mga notion na isa lang naman ‘yung tumatakbo, bakit pa kailangan nating bumoto. Tunggaliin iyon. Kailangan nating bumoto dahil may ganoong dala na kampanya ‘yung mga student council na ‘yun ‘yung dapat nating ipatampok sa studentry,” giit ni Roma.

HAMON SA LIDER-ESTUDYANTE

Ang pagbibigay-kapangyarihan din sa mga mag-aaral ang nakikitang hakbangin ni Roma upang ma-engganyo silang pasanin ang hamon na maging lider-estudyante. “Mag-start tayo with empowering the studentry na mabigyan sila ng idea na kaya itong gaw-

Turnout

USC Chair

Roma, Mark Angelo (SAK) 3,822

Abstain 1,476

Total votes 5,298

USC Vice Chair

Dolar, Anne Margrett (SAK) 4,015

Abstain 1,283 Total votes 5,298

USC Councilors

Balbarona, Marifel (SAK) 2,864

Guanzon, Neroz Khrystian (SAK) 2,599

Sanchez, Arwin Jasper (SAK) 2,595

Delos Santos, Johnrey Oliver (SAK) 2,490

Rumbaroa, Jethro Joshel (SAK) 2,398

Ong, Cyreal Andrei (SAK) 2,387

Sanico, Arce Lemuel (SAK) 2,325

Plopino, Gabriel Luis (SAK) 2,290

Abstain 1,412

in ng kahit sino,” saad niya. “Walang pinagkaiba ‘yung mga student council-elect sa isang estudyante na nagaaral kasi kahit kami, mga estudyante din. Kumbaga, iyon ‘yung kailangan nating paintindi sa mga estudyante.” Hindi ito ang unang pagkakataon na magsisilbi bilang lider-estudyante sila Roma at Dolar. Naupo na bilang Chair ng College of Engineering and Agro-Industrial Technology Student Council si Roma, samantalang nakadalawang magkasunod na termino naman ng pagiging konsehal sa USC si Dolar. Sasamahan sila ng mga nagwaging konsehal na sila Marifel Balbarona, Neroz Guanzon, Arwin Jasper Sanchez, Johnrey Delos Santos, Jethro Rumbaoa, Cyreal Ong, Arce Sanico, at Gabriel Luis Plopino. Mga kasalukuyan nang USC councilor sila Balbarona, Guanzon, at Rumbaoa. Nagsilbi na rin si Sanchez bilang College Representative to the USC ng College of Forestry and Natural Resources Student Council. Samantala, naglingkod na sa freshman council ng kani-kanilang kolehiyo sila Delos Santos at Plopino.

Devcom 07 TANGLAW | HUWEBES, MAYO 23, 2024 
Jian Martin Tenorio TANGLAW REPORTER RESULTA SA LABAS NG DEVCOM DAPAT MONG MALAMAN Nagkaroon ng pagkakataon na magkasama ang bagong-halal kasapi ng University Student Council kagabi, Mayo 22. KUHA NI DAN ALEXANDER ABAS • TANGLAW PHOTOJOURNALIST
Bumoto ‘Di bumoto 63.4% 36.6%
“Dapat na mas ilapit natin sa mga estudyante ang mga proyektong ating isinasagawa sa CDC SC. Kung saan mas madali silang makikilahok.”

CDC Student Council Councilor-elect Shaine Jariel

NEWS ANALYSIS SA CDC STUDENT COUNCIL

Matapos magwagi, ang mga hamon

Ngayong taon, pinili ng mga mag-aaral ang representasyon kaysa sa botong abstain.

Ang susunod na suliranin ng apat na mga nagwagi: Kaharapin ang mga problema.

Sa kabila ng numinipis na hanay ng mga mag-aaral na gustong tumangan ng responsibilidad sa konseho, nanaig sa Devcom ang student representation sa nakalipas na University Student Council – College Student Council Elections, matapos manalo ang lahat ng kandidatong tumakbo para sa CDC Student Council (CDC SC). Lumabas kahapon, Mayo 22, ang resulta ng ginanap na halalan. Sa lahat ng mga posisyon, naalpasan nina CDC SC Chair-elect Gean Magbuo, CDC SC Vice Chair-elect si Jedd Abordo, CDC SC Councilor-elect si Shane Jariel, at CDC College Representative-elect to the USC si Ethan Pahm ang abstain votes.

Sa naging resulta ngayong taon, lumamang ang boto ng mga magaaral sa mga kandidato kaysa sa naging abstain votes. Matatandaang naging mainit na isyu ang abstain votes sa nakalipas na halalan.

Sa mga eleksyon sa nakalipas na taon, kapwa naging mas mataas ang abstain votes mula sa mga mag-aaral ng kolehiyo kung ikukumpara sa mga nakuha nina CDC SC Councilor Angelo Antipuesto at USC Chair Gio Olivar.

TINDIG SA ABSTAIN VOTES

Sa ginanap na CDC Miting de Avance (MDA) noong Mayo 16, hinimay ang tindig ng mga noo’y tumatakbong kandidato sa usapin ng abstain votes. Ayon kay Abordo, patuloy niyang isusulong ang resolusyon sa Council of Student Leaders (CSL) ang pagkilala sa abstain votes.

“Ang magagawa ng SC dito ay babalik at babalik tayo sa pag-recognize ng ating democratic rights… Bukod pa rito, ang pag-push through ng resolution

ng CDC SC na nasa CSL na recognizing the abstain vote,” saad ni Abordo.

Sang-ayon din si Pahm sa suhestyon ni Abordo na kilalanin ang abstain votes ng mga mag-aaral. “We should always be able to recognize the abstain vote because the students should always have the right to decide what kind of leader they want to see and the kind of leader that would represent their interests well,” ani Pahm.

Sa kabilang banda, iba ang pananaw ng SAKBAYAN sa usaping ito. Ayon kay Magbuo, bagaman naniniwala silang hindi dapat tanggalan ang mga magaaral ng karapatang mag-abstain sa halalan, hindi dapat ito kilalaning protest vote. “Hindi rin dapat natin i-recognize bilang protest vote ang abstain dahil mayroong maayos na proseso sa pagpapakita ‘yung pagpo-protesta sa isang kandidato,” paliwanag ni Magbuo. Aniya, maaari namang maghain ng electoral protest ang mga mag-aaral na hindi sang-ayon sa pagtakbo ng isang kandidato sa konseho.

ANG HINAHARAP NG DEVCOM

Ngayong masasabing ipinagkatiwala ng mga mag-aaral ng

Devcom ang kanilang boto sa apat na tumakbo ngayong halalan, ang kasunod na tanong ay kung paano nila kahaharaping apat ang samot-saring hamon na bumabalot sa mga mag-aaral ng kolehiyo.

Isa sa mga problemang kinahaharap ng kolehiyo ay ang kakulangan ng partisipasyon sa mga proyekto ng konseho mula sa mga mag-aaral. Ngayong may mga bagong mamumuno na sa konseho, mag-iiba kaya ang ganitong naratibo?

Sa MDA, inilatag ni Jariel ang plano niyang magkaroon ng batch representatives upang mailapit ang mga proyekto ng konseho sa sangkaestudyantehan. Paliwanag niya, may iba’t ibang dahilan ang mga mag-aaral kung bakit hindi sila nakalalahok sa mga gawain ng konseho.

“Dapat na mas ilapit natin sa mga estudyante ang mga proyektong ating isinasagawa sa CDC SC. Kung saan mas madali silang makikilahok. May iba’t iba kasing dahilan kung bakit nahihirapang makilahok ang mga estudyante, lalo ang academic load,” saad ni Jariel.

Para kay Abordo, responsabilidad

ng konseho na hikayatin ang mga mag-aaral na makibahagi sa mga proyekyo ng konseho sa pamamagitan ng direktang pagpapabatid kung paano makaaapekto ang mga ito sa kanila.

Ayon naman kay Pahm, magandang paraan ang pakikipag-uganayan sa mga student organization ng Devcom upang mas mahimok pa ang sangkaestudyantehan na makilahok sa mga gawain ng konseho.

Sa manipis na hanay ng panibagong konseho, umaasa silang mas mahahamig nila ang mas maraming bilang ng mga mag-aaral sa kanilang mga proyekto. Ang magiging pundasyon ng kanilang pamumuno sa pagtugon sa iba pang mga problema ng Devcom: mas maraming partisipasyon.

“Ang tunay na esensya ng komunikasyong pangkaunlaran ay maging mapag-isa kasama ang ating komunidad,” pahayag ni Seth Pagulayan, dating CDC SC Chair, sa isang panayam. “Malaking oportunidad ang konseho para magawa ang gampanin bilang isang Devcom student and practitioner.”

 HUWEBES, MAYO 23, 2024 | TANGLAW 08 Devcom
DAPAT MONG MALAMAN Ngayong nanalo lahat ng mga tumakbo sa CDC Student Council, babantayan kung paano nila pagtutulungan ang mga problemang kinahaharap ng mga mag-aaral ng kolehiyo at mailapit ang karanasan at isyu ng mamamayan sa sangkaestudyantehan. KUHA NI NEIL GABRIELLE CALANOG • TANGLAW PHOTOJOURNALIST
“The more that you make students aware of the current issues that you’re facing within your college... the more they want to contribute to different campaigns.”
Dating CDC Student Council Chair Seth Pagulayan

PAGBABA NG STUDENT REPRESENTATION

Pagtatasa sa tawag ng pamumuno

Pinunto ang kahalagahan ng sapat na mga kinatawang gagampan sa CDC SC. Malaking hamon na mailapit sa Devcom sa mga pagsubok ng mga lider-estudyante.

Neil Andrew Tallayo at Mar Jhun Daniel

TANGLAW REPORTERS

Matapos ang higit isang buwan na kampanya at limang araw ng botohan para sa University Student Council-College Student Council (USC-CSC) Elections na ginanap noong Mayo 22, 2024, nagtala ang Devcom ng voters’ turnout na 48.20 pursyento at pumangalawa sa kabuuang bilang ng turnout sa unibersidad — isang makasaysayang tagpo mula sa kolehiyong palaging nangunguna sa ranggong ito.

Kaakibat nito, ngayong taon din naitala ang isa sa pinakamababang bilang ng mga kumandidato para sa konseho laman ang tig-iisang patakbo sa apat na posisyon ng Chair, Vice Chair, College Representative to the USC, at Councilor. Matatandaang ang mababang partisipasyon ng mga magaaral sa pagtakbo sa konseho ang isa sa mga isyung binutbot sa nagdaang CDC SC Miting de Avance.

Sa panayam ng Tanglaw sa mga nagsilbing lider-estudyante sa Devcom, pinupunto ang kahalagahan ng sapat na mga kinatawang gagampan sa papel ng konseho sa kolehiyo.

SA LIKOD NG BUMABABANG BILANG

Ayon kay Seth Alfred Pagulayan, dating CDC SC Chair, ang bilang ng mga kumakandidato kada taon ay nagbabago-bago, ngunit ang sitwasyon ngayon ay dapat bigyang pansin ng konseho at ng sangkaestudyantehan ng Devcom. “Bilang parte ng isang kampanya ng isang konseho, maybe it’s an assessment. What’s important is for students to understand that the student council has a critical role of representing the students in decision-making bodies.”

Hinimay ni Pagulayan ang iba’t

ibang maaaring dahilan ng pagbaba ng partisipasyon ng mga mag-aaral sa CDC. Bilang dating bahagi ng konseho, naniniwala siya na dapat kilatisin ang naging paraan ng kasalukuyang konseho sa paghimok sa mga mag-aaral na makilahok sa mga aktibidad.

“How was the student council perceived? Maybe during the course of the year, nakikita talaga ng mga estudyante na they’re being represented. It’s either these are being met or not pero kung mababa ang pagtingin sa isang konseho, malaking factor iyon kung paano talaga nagiging effective ang previous student council,” kwento niya.

Binigyang-diin din ni Jelaine Kate Pagayon, dating CDC SC Chairperson, ang bigat na kaakibat ng pagiging bahagi ng konseho. Aniya, naka -

dadagdag ito sa dahilan kung bakit nagdadalawang-isip ang mga magaaral na makilahok, bunsod ng takot na sila’y mapag-iwanan sa trabaho ng konseho.

“Harapin natin iyong realidad na napakabigat ng council work lalung-lalo na kapag kaunti ang tumatakbo at kaunti ang nananalo. Mas bumibigat ang burden, in our case, dalawa o tatlong committees ang hawak ng bawat isa. Hindi siya makatao eh, iyong ganoong workload, hindi iyon normal,” kuwento niya.

Dagdag pa rito ay ang karagdagang responsibilidad ng pagiging bahagi ng mga alyansa sa UPLB upang magkaroon ng sapat na representasyon ang mga mag-aaral ng CDC. “Panibago itong responsibilidad sa isa’t isa, pagpapadala ng representante. Siyempre.

ayaw rin naman nating mawalan ng council representatives sa lahat ng alliances and network na mayroon,” dagdag ni Pagayon.

HAMON SA SUSUNOD NA KONSEHO Para sa mga bagong uupong lider-estudyante sa konseho ng Devcom, malaking hamon na mailapit sa komunidad sa kolehiyo ang mga pagsubok na kinakaharap ng mga mauupo. Sa patuloy na pagnipis ng kanilang hanay, kritikal na magarantiya na kabilang ang constituents sa bawat hakbang at mga proyektong isusulong ng konseho.

Giit ni Pagulayan, “The more that you make students aware of the current issues that you’re facing within your college community, university, region, and the Philippines, the more they want to contribute to different campaigns. That’s where the student council comes in. How can you facilitate the actualization of students towards serving their community?” Isa rin sa pinupunto ng mga haharaping hamon ng uupong mga lider-estudyante ay ang diskursong pumapaikot sa party system sa Devcom. Sentral dito ang nagkakaibang mga tindig at plataporma ng mga tatangan sa panawagan ng sangkaestudyantehan ng kolehiyo.

Paliwanag ni Pagayon, mas nahihikayat ng kompetisyon ang mga mag-aaral na mas kilalanin ang mga tumatakbo at siyasatin ang kanilang mga tindig. Sa ganitong sistema, dagdag pa niya, mas masisiguro na solido ang student participation sa proseso sapagkat mas maraming mga lider-estudyante ang makapanghahamig sa mga inisyatibo ng konseho. Sa usapin naman ng sanga-sangang tindig ng mga bahagi ng konseho, parehong nakikita ni Pagayon at Pagulayan na hindi ito sagabal. Pagdiriin ni Pagulayan, “At the end of the day, you will all serve under one banner of the student council.”

Paliwanag pa niya, hamon ito sa konseho kung paano nila kolektibong bitbitin ang mga isyu sa loob at labas ng kolehiyo bilang mga kinatawan ng Devcom. “The work of the student council is development communication itself.”

Devcom 09 TANGLAW | HUWEBES, MAYO 23, 2024 
DAPAT MONG MALAMAN “At the end of the day, you will all serve under one banner of the student council” — isang paalala sa mga mauupo sa CDC Student Council sa taong ito. KUHA NI NEIL GABRIELLE CALANOG • TANGLAW PHOTOJOURNALIST

MOpinyon

EDITORYAL NG TANGLAW

Ang editoryal na ito ay isinulat ng aming Editorial Board, na naglalayong ilahad ang opinyon ng pahayagan sa mga napapanahong isyu.

Ang kakayanan upang manilbihan

atapos ang isa na namang halalan para sa mga posisyon sa CDC Student Council (CDC SC) at sa University Student Council (USC), isang isyu ang umikot sa isipan ng maraming nagbabantay tungkol sa magiging resulta: ang patuloy na pagbaba ng antas ng representasyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng bilang ng mga tumatakbong lider-estudyante para sa konseho. Makikita sa sitwasyon ng ibang mga unibersidad sa loob ng UP System, at maging sa iba pang bahagi ng bansa, kung ano ang magiging epekto ng kawalan ng mga kinatawan ng mga mag-aaral. Bilang ang mga kasapi ng student council ang primaryang koneksyon ng pamunuan ng mga kolehiyo at ng mga unibersidad sa mga mag-aaral, mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga tumatangan ng responsabilidad na ito. Maliban pa rito, matagal nang pinanghahawakan ng mga kasapi ng konseho ang tungkulin upang ilapit sa mga pinaglilingkuran nito ang mga isyung hindi lamang nakaaapekto sa pang-araw-araw na sitwasyon ng mga mag-aaral, kundi pati na rin ang mga karanasan at suliranin ng mamamayan na siyang dapat simulain at makatatanggap ng dunong na nakukuha natin sa unibersidad. Sa dalawang aspeto primaryang nakita sa halalalang ito ang unti-unting pagkawala ng student representation sa ating kolehiyo. Apat na kandidato lamang ang tumakbo sa Devcom para sa mga posisyong mababakante sa paglisan ng kasalukuyang administrasyon. Maliban pa rito, ang pinal na voters’ turnout, kung saan pumangalawa lamang ang kolehiyo sa buong UPLB, ay isang signos ng maaari’y maging unos.

Marami na ang nasabi sa mga inilathala ng pahayagang ito tungkol sa mga salik na maaaring nakaapekto sa pagbaba ng antas ng pakikilahok ng mga mag-aaral sa panahon ng halalan. Samot-sari na rin ang mga iminungkahi

upang matugunan ang lumalalang suliranin. Isa ang malinaw mula sa resulta ng halalan ngayong 2024: Kailangang magkaroon ng kagyat na pagbabago sa sistema ng pamumuno at sa kung papaano mailalapit sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng student representation. Ngunit paano ito maisasagawa ng mga konsehong bungi sa aspeto ng lakas-paggawa, o ng mga estudyante na kinahaharap ang iba’t ibang mga problema sa kanilang pag-aaral?

Sa panayam ng Tanglaw kay USC Chair-elect Mark Angelo Roma, sinabi nito na hindi naman magkaiba ang danas ng mga lider-estudyante sa mga pinaglilingkuran nito. Kung tayo nga ay nahihirapan, hindi lamang sa aspeto ng akademiko, kundi pati na rin sa paggalaw sa isang sistema ng edukasyong hinuhubog ang mga mag-aaral upang mabenepisyo ang kapitalismo, paano pa kaya ang mga

pumapasok sa sistema ng paninilbihan sa student councils — isang mundong mas humihingi ng oras at lakas ng mga nangangahas na maglingkod?

Dapat nating alalahanin na hindi tumitigil ang mga suliraning kinahaharap natin at ng mas malawak na masa kasabay ng unti-unting pagkalagas ng mga lider-estudyante. Sa ilalim ng isang rehimeng hindi natutugunan ang mga batayang pangangailangan ng mamamayan, na hindi naipagtatanggol ang kalayaan ng bansa mula sa mga dayuhang interes, at na nababalot sa pag-aaway-away ng mga pamilyang politikal, mas kinakailangan sa panahong ito ang ating pakikisangkot sa mga isyu at sa kabuuang pamumuno sa ating kolehiyo.

Ito ay isang umiikot na sitwasyon na dapat nating kaharapin sa pamamagitan ng iisang hakbang — ang magpatuloy sa paninilbihan. Mag-

sisilbing hamon sa mga mauupo ang pagpapanatili ng bukas na komunikasyon at kritikal na pagsiyasat sa kanilang bawat hakbang. Sa kabilang banda, kinakailangan na maikintal sa isipan ng bawat mag-aaral na ang pakikisangkot na ito ay hindi sayang sa kanilang oras at lakas, kundi isa lamang sa maraming maaari nating magawa upang manatiling matalas at mapagmatiyag sa lipunan na ating ginagalawan. Ang kakayanang manilbihan para sa kapuwa mag-aaral at sa masa ay dapat nating patuloy na panatilihin at pagyamanin. Dinadala lamang natin ang naging resulta ng matapang na pakikibaka ng mga nauna sa atin para sa karapatan sa pakikilahok na ating tinatamasa. Magsilbi sana itong paalala na huwag nating sayangin ang kakayanang ito, lalo na ngayon — sa panahong mas kailangan natin ito.

 HUWEBES, MAYO 23, 2024 | TANGLAW 10

Ang hamon sa baluwarte ng demokrasya

Ano nga ba ang nauna, ang manok o ang itlog? Ang tanong na ito ay maaaring gamitin sa ating karanasan pagdating ng halalan — ang malaking elepante sa kwarto ukol sa matumal na paglahok ng sangkaestudyantehan sa student elections. Kapansin-pansin sa Devcom ang kahirapang kompletuhin ang mga kandidato para sa slate ng CDC Student Council tuwing halalan. Ngayong taon, iisang partido na lamang ang nasa listahan, habang pilit itinatawid ang tatlong pinakamataas na posisyon dahil sa kakulangan sa kandidato.

Nakakabigo at nakababahala ang patuloy na humihinang pagtangan sa mga puwestong inaayunan ang mga karapatan at pangangailangan ng sangkaestudyantehan. Para sa mga nagsasabing ang UP ay balwarte ng demokrasya: hahayaan na bang mamalagi na lang tayo sa bare minimum?

Tandaan na ang halalan at ang mga konseho ay plataporma nating lahat upang maiadya ang ating mga kalayaan at karapatan sa loob ng kolehiyo at lalo na sa unibersidad,

Andrea

Bodaño

Tanglaw Columnist

kaya dapat nating sadyain ang pagtutok dito. Ang student council ay ang tanging plataporma upang masiguradong may representasyon ang mga mag-aaral sa mga desisyong institusiyonal, lalo na sa usaping academic freedom at mga isyung panlipunan. Sa likod nito ay isang katotohanang madaling isipin ngunit mahirap maintindihan: Ang mga naglalakas-loob na ialay ang sarili sa paglilingkod sa sangkaestudyantehan ay hindi alagad sa trabahong ipinagkaloob nito, kundi isang kinatawang magsasangga at magsusulong ng ating mga hinaing. Huwag sana nating isipin na

magkahiwalay ang mundo ng mga kinatawan at mga bumoboto, dahil sabi nga ng kasabihan, kung ano ang itinanim, iyon rin ang aanihin.

Pagnilayan rin natin kung makabuluhan pa rin ba ang umiiral na porma ng pamamahala at paglilingkod, upang matiyak na ang sangkaestudyantehan lamang at hindi ibang interes ang pinagsilbihan nito. Hindi dapat pilitin ang sangkaestudyantehan na pumanig sa kandidatong hindi nila kayang ipagkaloob ang posisyon, gayundin sa pagtakbo sa konseho. Buwagin natin ang toxic culture na umiiral sa loob ng mga konseho, dahil hindi kailangan ilagay sa kompromiso ang kapakanan ng mga lider-estudyante para lamang makapaglingkod sa mag-aaral.

Mahalagang natutukoy natin na ang kontekstong ito ay isang produkto ng pagsalang-kimot ng sistemang edukasyon at iba pang puwersang panlipunan. Subalit, mahalaga ring makita ang mga sanhing maaaring solusyonan na tila tutuklawin ka na: ang pagsiguro sa kalidad ng serbisyo at ang kulturang pumapalibot dito na siyang nag-uudyok sa isang engaged

Sa mga gabing walang tulugan

Madalang lang kaming magkita sa Tanglaw, bilang isang pahayagan na mistulang matagal nang operational ngunit hindi pa recognized. Ngunit, sa gabing ito, himala at nagtipon kami sa isang maliit na kuwarto sa Two Sapphire Place.

Noong nagsisimula pa lang kasi ako sa UPLB Perspective, naikintal na sa akin na ang gabi kung kailan inilalabas ang resulta ng student council elections sa UPLB ang isa sa mga pinakaabalang gabi para sa mga student journalist na gaya ko. Hindi ko nga lang naranasan ang gabing ito sa kabilang pahayagan Inabot ng pandemya ang dapat sana’y unang karanasan ko sa all-nighter na election coverage, kung saan aligaga ang isang layout artist na gaya ko para hindi magkamali sa sandamukal na numero at mga pangalan na kakabit ng election results. Lumipas na lang ang panahon at na-promote na lang ako sa bagong pahayagang ito, kung saan marami na rin naman kaming mga walang tulugang coverage sa panahon ng General Assembly of Student Coun-

Buhay Devcom

Raphael Lopez

cils, halimbawa. Nagkaroon na rin ng print issue ang Tanglaw noong 2023 matapos ang halalan, ngunit mayroon kaming isang weekend upang pag-isipan kung anu-ano ang mga maaaring ilagay at sulatan tungkol sa eleksyon. Ngunit, ngayong taon ko pa lang naranasan ang mag-abang ng resulta at lumahok sa isang coverage na kailangang ilabas agad kinabukasan. Sa kuwartong ito sa Two Sapphire, mistulang sardinas ang mga Tanglaw editor at staffer na nagkukumahog sa pagkalap ng mga interview, pagberipika ng mga datos, at pag-isip ng mga anggulong makakatulong sa pagbubuod sa halalang ito. Buti na nga lang at nadelihensya ng am-

citizenry tungo sa isang umiiral na demokrasya. Maaaring simulan ito sa mas pagbigay-tanaw ng mga proseso at plataporma ng konseho sa mga mag-aaral, upang mas maging malinaw kung ano ang kahalagahan ng mga ito sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Sa ilang semestre natin sa Devcom, tandaan natin na ito’y isang praxis: ang paggamit ng teorya gamit ang purposive, pragmatic, at value-laden na praktis. Batid natin ang mga puno’t dulo ng suliranin, subalit nagkukulang tayo sa pagkilos upang solusyonan ito. Sa panahon ng pagkabahala lalo na sa mga isyung pambansa dahil sa panghihimasok ng mga lokal at mga banyagang pasista, ay dapat nating paigtingin ang pagkilos upang panatilihin ang kung ano ang atin.

Ito ang lagom ng mga nakaraang termino at hamon sa hinaharap ng balwarte ng demokrasya: gamitin ang kapangyarihan ng boto at ang kahalagahan ng konseho upang muling maging isang kolektibong humaharap sa mga pagsubok — anuman ang nauna sa manok at itlog.

ing Associate Managing Editor for Internal Affairs Jerome de Jesus ang kuwartong ito — na, sa katunayan, ay pook-tulugan talaga nila ng kaniyang roommate na si Angelo Manalus. Sa kanilang busilak na kalooban, nagkaroon kami ng pagkakataon sa pahayagang ito upang magkaroon ng pansamantalang tahanan — isang lugar na ipinagkait sa amin ng panahon at ng mga sirkumstansyang labas na sa aming kontrol. Hindi ko naman din naisip na sa isang routine coverage gaya nito ay maalala ko kung gaano karami ba ang maaaring magbago sa loob ng isang taon. Noong 2023, halos magmakaawa kami para sa mga datos tungkol sa halalan. Ngayon lang namin naranasan na patuluyin sa Student Union Building upang agarang makuha ang resulta at maibalita ito sa inyo. Isa pa sa mga nais kong ipagpasalamat ay ang pagbuhos ng pinansyal at moral na suporta mula sa mga mag-aaral, kawani, at kaguruan ng Devcom. Ang kopyang hinahawakan mo ngayon ay resulta ng pagpapapatak na buong-loob na sinuportahan ng komunidad sa kolehiyo. At panghuli, nariyan ang masigasig na mga kawani ng Tanglaw na talaga

namang nagbuhos ng kanilang oras, lakas, at talino upang magbalita. Sayang nga lang at ngayon lamang natatamasa ng pahayagang ito ang mga benepisyong mula sa inyong pagkilala, pagsuporta, at pakikilahok sa mga isyung may kinalaman sa sangkaestudyantehan. Sa ilang linggo kasi, kung palarin sa aking thesis, ay aalis na ang uugod-ugod niyong lingkod. Ngunit habang nandito ako sa isang maliit na kuwarto, ganito pala ang pakiramdam na maging bahagi ng coverage na nawa’y makatulong sa pagpapataas at pagpapatalas ng diskurso sa Devcom. Baka may libreng espasyo sa bagong Student Union Building para hindi na kami makihiram ng dorm sa susunod, pero sana ay hindi ko na abutin ang panahong iyon.

Abangan ang opinyon ni Tanglaw columnist Paolo Alpay tungkol sa hinaharap ng mga fraternity.

Opinyon 11 TANGLAW | HUWEBES, MAYO 23, 2024 
TANGLAW ONLINE

Bakit hindi pantay ang wage hike sa buong Pilipinas? Rehiyon&Bansa

Inungkat ang datos kung paano at bakit magkaiba ang dagdag sa minimum wage.

Panawagan ng mga grupo ng mga manggagawa ang iisang umento sa sahod.

Angelo Del Prado, Reuben Pio Martinez, at Chadwick Calica PARA SA TANGLAW

Para kay Mary Ann Castillo, isang technician sa Nexperia Philippines sa Cabuyao, Laguna, hindi biro ang paglipat o pagtira lamang sa kung saan mas mataas ang minimum wage. Malayo na nga sa pamilya nila, dagdag-gastusin pa ang paninirahan sa ibang lugar.

“Magsisiksikan [sila] sa Laguna o sa Manila, [iiwanan] ‘yung pamilya, tapos, hahatiin na ‘yung sahod niya na hindi na kasya. Dahil magre-rent pa siya, ibabayad sa pang-upa niya... Tapos, pagkain pa, iba, pamasahe, so wala na halos silang naibibigay,” sabi ni Castillo, tagapangulo ng unyon sa Nexperia Philippines at lead convenor ng grupong Workers Initiative for Wage Increase (Win For Win) sa isang birtwal na panayam.

Kung tutuusin, hindi nakabibigla kung bakit nanawagan si Castillo at iba pang manggagawa at mga organisasyon para sa makatarungang livable wage. Sa patuloy na pagtaas ng cost of living, matagal nang ipinanawagan ng mga manggagawa ang makataong umento sa kanilang mga sahod. Ayon sa datos ng IBON Foundation nitong Abril 2024, ang isang pamilya na may limang miyembro sa National Capital Region (NCR) ay dapat nakakapag-ipon ng P1,197 sa isang araw o P26,033 kada buwan para sa basic commodities. Kaugnay nito, iniulat ng Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang infla-

tion rate nitong Abril 2024 ay pumalo sa 3.8 pursiyento, dulot ng patuloy na pagmamahal ng mga pagkain gaya ng bigas at karne, ang pagbulusok ng presyo ng kada litro ng gasolina, at ang pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar o peso depreciation. Kaya ikinalugod ni Sonny Africa, Executive Director ng IBON Foundation, ang pagpasa sa pangatlo at huling reading sa Senado ng dagdag P100 sa sahod ng mga trabahador sa pribadong sektor nitong Pebrero. Paliwanag ni Africa, sa isang pahayag ng IBON Foundation noong Pebrero 2024, “the least that [the] government can do to support millions of Filipino workers forced to survive on low wages especially amid the high costs of goods and services.”

Sa kabila nito, ipinaliwanag ni Castillo ng Nexperia na, kung madadagdagan man ang sahod ng mga manggagawa, hindi naman ito pantay-pantay sa lahat ng bahagi ng bansa. Aniya, “Kasi parang nakaka-discriminate naman sa ibang mga manggagawa yung magkakaiba pa ng sahod. Ano pa ba ipinagkaiba ng Biñan sa Calamba? [Sa] Cabuyao?”

ANG TUMUTUKOY KUNG MAGKANO ANG MINIMUM WAGE

Pangunahing nakabatay kung magkano ang minimum wage sa desisyon ng wage board ng bawat rehiyon sa bansa, at sa iba’t ibang salik tulad ng poverty threshold, mga pangangailangan ng mga manggagawa at kanilang mga pamilya, at iba pa.

Makikita sa datos mula sa website ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang obserbasyon ni Castillo na hindi pantay ang pagtaas ng minimum wage at kung gaano kadalas magkaroon ng wage hike sa bawat rehiyon. Sa mga pinakabagong wage order sa bawat rehiyon noong Disyembre 2023, mula P11 hanggang P40 ang idinagdag sa minimum wage para sa mga agricultural at non-ag-

Dami ng wage hikes sa mga rehiyon sa bansa

Note: Nahati ang Region IV sa IV-A at IV-B noong Mayo 2002 sa pamamagitan ng Executive Order No. 103. Datos mula sa National Wages at Productivity Commission • Disenyo ni Angelo del Prado

ricultural worker. Ang ilan sa mga rehiyon na may higit P31 hanggang P40 na dagdag sa minimum wage, base sa mga pinakabagong wage order, ay ang NCR, Rehiyon I, III, IV-B, VII, X, at XIII. Samantala, ang Cordillera Administrative Region (CAR), Rehiyon VI, VIII, at IX ay may dagdag na P21 hanggang P30, at ang Rehiyon II, XI, at ang Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) ang may dagdag na P11 hanggang P20. Kung titingnan ang datos, magkaiba rin ang pagbabago sa minimum wage sa iba’t ibang rehiyon. Mula sa P89 noong 1989, umabot ng P551.50 noong 2023 ang minimum wage sa pribadong sektor ng NCR. Sa kaso ng BARMM, ang pinakamahirap sa mga rehiyon sa bansa, P84 ang minimum wage noong 1989. Noong 2023, umabot lamang ang minimum

wage sa lugar sa P328.50 kada araw. Mapapansin din na magkakaiba ang karanasan ng bawat rehiyon sa kung gaano kadalas nagkakaroon ng wage hike sa iba’t ibang mga taon. Ang Rehiyon VII ay nakaranas na ng 30 na wage hike mula 1989 hanggang 2023. Samantala, ang Rehiyon IV-B (MIMAROPA) naman ang nakaranas lamang ng 16 na wage hike.

MGA SALIK SA WAGE HIKE

Para kay Castillo, kaya mas maraming wage hike sa ibang rehiyon ay dahil sa pagpepetisyon. Aniya, ang mga petisyon ay upang siguraduhin na tinutugunan ng mga negosyante ang cost of living at mga pangangailangan ng mga trabahador. Bukod dito ay may mga rehiyon na maaaring magkaroon pa ng mga wage hike, alinsunod sa Omnibus Rules of Wage Determination. Kung

HUWEBES, MAYO 23, 2024 | TANGLAW 12
Neil Andrew Tallayo Associate Managing Editor Angelo Del Prado News Editor DAPAT MONG MALAMAN Mula 1989 hanggang 2023, makikita sa datos na magkakaiba ang bilang kada taon ng mga wage orders na nag-uutos ng umento sa sahod sa lahat ng mga rehiyon sa Pilipinas.
NCR CAR I II III IV* IV-A IV-B V VI VII VIII IX X XI XII XIII BARMM 0 5 10 15 20 25 30 35 40 Bilangngwageorderssanon-agriculturalworkers  1989  1990  1991  1992  1993  1994  1995  1996  1997  1998  1999  2000  2001  2002  2003  2004  2005  2006  2007  2008  2009  2010  2011  2012  2013  2014  2015  2016  2017  2018  2019  2020  2021  2022  2023
Rehiyon

Apektado ang lahat sa nakaumang na jeepney modernization

Mga istorya mula sa Southern Tagalog at Pilipinas sa tanglawdevcom.wordpress.com

iisa lang ang nakatakdang dagdag sa minimum wage para sa isang rehiyon, maaari namang magkaiba ang minimum wage sa ibang lungsod o munisipyo na saklaw nito. Sa ibang rehiyon ay nagpatupad din ng iba’t ibang klasipikasyon ng trabahador at lungsod na kung saan sila nagtatrabaho. Isang halimbawa nito ay ang Rehiyon IV-A o CALABARZON. Sa paglabas ng Wage Order IV-A 20 noong 2022, ang bagong minimum wage sa rehiyon ay mula sa P385, P425, P479, at P520 para sa mga agricultural worker, at mula P385, P425, hanggang P520 naman para sa mga non-agricultural worker. Isa rin sa mga salik ay kung anong uri ng lugar ang isang lungsod o munisipalidad:

 Sa ilalim ng mga tinatawag na “growth corridor area,” o mga lungsod na kung saan mabilis ang urbanisasyon at industriyalisasyon, may tatlo pang klasipikasyon: extended metropolitan area, component city, at first-class municipality (P479).

 Samantala, ang mga second at third class municipality ay kabilang sa mga “emerging growth area.” Ito ay mga lugar na mayroong “rural [at] agricultural potential” o malapit sa “rapidly urbanizing and industrializing parts.”

 Ang mga fourth, fifth, at sixth class municipality naman ay mga “resource-based area,” o mga lugar na may “predominantly rural and

agricultural resource potential” at kadalasan ay malalayo sa mga panrehiyonal na merkado o mula sa NCR. Ang ibang rehiyon ay nakararanas din ng pagtaas ng minimum wage na nahahati sa mga tranche, na sa halip na ipagsama sa isang date of effectivity ang pagtaas ng minimum wage ay inuutay-utay ito. Isang halimbawa nito ay sa Rehiyon X, kung saan alinsunod sa Wage Order RX-22, madadagdagan ng P23 ang minimum wage sa date of effectivity, o ang tinatawag na unang tranche. Madadagdagan pa ito ng P10 sa Hulyo 1, 2024, o ang pangalawang tranche.

NAKAMAMATAY NA COST OF LIVING

Para kay Castillo, ang lead convenor ng Win For Win, hindi sapat ang ganitong mga minimum wage na kaalinsabay ng pagtaas ng presyo ng iba’t ibang produkto at serbisyo. Paliwanag niya na sa sobrang mahal ng mga gastusin, napipilitan na lamang ang mga trabahador na harapin ang kanilang mga sitwasyon, tulad ng kakulangan ng pagkain, gamit, at iba pa. Ayon sa Win For Win, ang cost of living sa Rehiyon IV-A ay halos P1,086. Sa kabila nito, ang maiipon lang ng mga trabahador na sumasahod ng P520 – ang pinakamataas na minimum wage sa rehiyon – ay P13,520 sa isang buwan. Ang halaga nito ay hindi lalampas sa poverty threshold

na iniulat ng PSA noong 2022 na P26,033. Kaya’t itinuturing ng alyansa na ang umento sa sahod na mula P35 hanggang P50 lamang ay “cause of dying” para sa mga trabahador.

Kakabit din nito na may dalang mabuti at masamang epekto ang pagiging economic zone ng CALABARZON. Binahagi noong 2017 ng Regional Development Council ng rehiyon na ang manufacturing industry ng rehiyon ay ang ikalawang pinakamalaki ang ambag sa gross domestic product ng rehiyon, na sumusunod lamang sa NCR.

Para kay Castillo, inaabuso lamang ito ng mga dayuhang investor at ng mga pribadong kompanya, na makikita sa pagdami ng mga negosyo sa mga probinsyang mababa ang minimum wage. Ang usapin ukol sa pagdami ng mga negosyo ng mga dayuhan ay kakabit sa isyu ng Charter Change, na ipinapanukala ng ilang opisyal ng pamahalaan na nagnanais bawasan ang mga restriction sa foreign ownership.

Tinalakay rin ni Castillo ang kaniyang karanasan sa Nexperia, na kung saan pinaalis sa ang ilan niyang katrabaho dahil sa mga buyout, pagsasara ng mga department, at iba pang suliranin. Para sa kaniya, gagawin ng mga kumpanya ang mga hakbang na ito, kasama ang pagpapatupad ng kontraktwalisasyon at

iba pa, sa halip na tugunan ang mga pangangailangan ng mga empleyado.

NAKABUBUHAY NA SOLUSYON

Sa lahat ng mga salik na ito, lumilitaw ang isyu para sa isang patas na pagtaas sa minimum wage sa lahat ng bahagi ng bansa. Noong Pebrero 2024, tinutulan ng Foundation for Economic Freedom (FEF) ang dagdag P100 sa minimum wage sa lahat ng rehiyon. Anila, tataas din ang presyo ng mga bilihin, at hindi sakop ang mga nagtatrabaho sa impormal na sektor, tulad ng mga gig worker.

Para naman kay Africa ng IBON Foundation, hindi gaano madadamay ang mga kumpanya kung ikukumpara sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs). Dagdag pa niya, na bagaman totoo na halos 74 pursiyento ng 48.2 milyong Pilipinong nagtatrabaho ay self-employed o nagtatrabaho nang informal o sa mga informal establishment – na labas sa mga regulasyon sa paggawa – mas malaki pa rin ang magiging epekto sa ekonomiya kung tataasan ang sahod ng mga manggagawa.

Ayon naman kay Castillo, ang pagkakaroon ng patas na minimum wage ay makatutulong hindi lamang sa empleyado, kundi pati sa mga negosyante. Ipinaliwanag niya na kapag nakakabili ang mga trabahador ng kanilang mga pangangailangan, kikita rin naman ang mga negosyo. Nang tanungin kung ano ang puwedeng gawin ng mga MSME – isa sa mga pinakamaaapektuhan ng anumang umento sa sahod – para tugunan ang mga pangangailangan ng mga empleyado, iminungkahi ni Castillo na babaan ng pamahalaan ang buwis at magbigay ng mga subsidiya. Sa ganitong paraan ay mas mataas ang maibibigay ng mga negosyo sa mga empleyado.

Kaya naman, nanawagan si Castillo ng “across the board” na wage hike. Aniya, “Hindi na siya [dapat] one wage, one region, kundi buong Pilipinas, dapat isa na lang yung magiging minimum na sahod, at dapat ‘yung nakabubuhay na sahod o ‘yung sinasabing family-level wage.”

Ang istoryang ito ay isinulat nina Del Prado, Martinez, at Calica para sa DEVC 127 (Data Journalism for Development). Nag-ulat din para sa istoryang ito si Tanglaw reporter Taj Samuel Lagulao.

Rehiyon at Bansa 13 TANGLAW | HUWEBES, MAYO 23, 2024
IBA PANG ISTORYA Isa sa mga pangunahing panawagan ng mga manggagawa sa mga pagkilos, gaya ng taunang Mayo Uno mobilization sa Calamba Crossing, ay ang isang umento na makakatulong patungo sa nakabubuhay na sahod para sa lahat. KUHA NI NEIL GABRIELLE CALANOG • TANGLAW PHOTOJOURNALIST

Lathalain

Sa pagtatagumpay kamakailan ng Umalohokan, Inc., ano nga ba ang realidad sa estado ng teatro sa sarili nitong tahanan — ang UPLB?

Parte ng ating pagkabata ang paglalaro kasama ang mga kababata o mga ka-pamilya natin. Isa sa mga madalas nating laruin ang bahay-bahayan, kung saan malaya tayong gawin ang gusto natin, depende sa kung sino tayo sa binuo nating “bahay”. May sari-sarili tayong kwento, karakter, at gampanin. Hindi malayo ang larong bahay-bahayan sa tinatawag nating teatro. May kapangyarihan ang teatro na maipakita ang realidad sa pamamagitan ng mga dayalogo, awitin, himig, at pag-arte. At dito sa University of the Philippines Los Baños, buhay ang sining at teatro kung saan isa sa mga nagpapaalab sa diwa nito ay ang cultural mass organization na Umalohokan, Inc. Bilang isang community theatre, layunin ng Umalohokan, Inc. na maitampok ang mga kwentong mula sa masa at tungo sa masa. Naririyan pa rin ang mga barayiting komedya, trahedya, musikal, o mga dagliang dula, ngunit ang lunduan nito ay ang pagpapatampok ng mga isyu at krisis panlipunan — lagi’t laging may bitbit na panawagan ang bawat pagtatanghal. Sa naging karanasan ng Umalohokan Inc. upang magtanghal kasama ang isang premyadong organisasyon sa larangan ng teatro sa Pilipinas, lumitaw na bagaman likas na sa mga mag-aaral ng UPLB ang kakayanang ipamalas ang istorya ng masa sa pamamgitan ng dulaan ay marami pa rin silang kinahaharap na balakid.

MAY MGA KUMAKATOK

SA ATING BAHAY

Noong Enero 14 hanggang 21, 2024, at sa unang pagkakataon ay nagtanghal ang Umalohokan, Inc. sa Philippine Educational Theater Association (PETA) Theater Center ng kanilang Devised Performance ng dulang pinamagatang “Pilipinas, Geym Ka Na Ba?” (PGKNB). “Bilang dulaang pang-komunidad, tinatalakay at binabagtas nito ang mga danas ng iba’t ibang uri ng mamayang Pilipino. Inilalantad nito ang kalagay-

Either kulang [o] wala talagang akmang art spaces sa campus. Nanggagaling pa sa atin ‘to bilang isang cultural organization...

Joseph Curbilla Chair, Umalohokan, Inc.

an ng mga komunidad at patuloy na pinapalakas ang panawagan ng mga mamamayan para sa pagbabago, pag-aklas, at paglaya,” sipi mula sa tema ng dula, tangan ang kaisipang ninanais buhayin ng PGKNB. Nasa panulat ni Kyle Saldonido, ang PGKNB ay isa sa mga palabas noong “Nawawala 2023: Tagpu-Tagpuan”, ang taunang serye ng Umalohokan,

Inc. ng mga dulang may isang yugto. Ang buod ng PGKNB ay nagsimula sa isang kaganapan sa Bayan ng Pinapili. Nagising ang mga residente ng Bayan sa isang akala mo’y escape room at upang makaalis, dapat nilang talunin ang isang serye ng mga larong Pinoy, na bawat isa ay may kinahihinatnang madilim na kapalaran.

Tinalakay sa dulang ito ang kasalukuyang pulitikal na kalagayan ng ating lipunan. Inilantad ng dulang PGKNB ang realidad sa kampanyang giyera kontra droga o mas kilala bilang “Operation Tokhang” sa ilalim ng nakaraang rehimen ni Rodrigo Duterte. Mahigit 6,000 na mga Pilipino, maski matanda o kabataan man, ay mga naging biktima ng extrajudicial killings sa nasabing kampanya ni Duterte. Dumaan na ang ilang taon at hanggang ngayo’y humihingi pa rin ng hustisya ang mga naiwang pamilya ng mga biktima.

Natunghayan ang tagumpay ng palabas hindi lamang ng komunidad ng

Los Baños, kundi pati ang alumni ng Umalohokan, Inc. na si Gail Billones mula sa Philippine Educational Theater Association (PETA) Lingap Sining Program. Ayon kay King Joshua Nalupa, ang tagapangasiwa ng Externals Committee ng Umalohokan Inc.: “Namatahan na maaaring magandang maisama ang PGKNB sa nilulutong kampanya ng PETA Lingap Sining.” Pangunahing isinusulong ng PETA Lingap Sining Program ang kultura ng kaligtasan at katatagan sa mga komunidad ng Pilipinas. Sa mga panahong iyon ay unti-unti nang ibinabalangkas ang kanilang proyekto at pananaliksik na “Control + Shift: Changing Narratives, Reclaiming & Reshaping Stories of the Filipino People” ang pagbibigay-linaw sa mga katotohanan sa lipunan sa pamamagitan ng teatro at sining. Sa lumalawak na krisis na disimpormasyon lalo na sa internet o social media, tangan ng kampanya ang paglalantad, pagbabago, at

HUWEBES, MAYO 23, 2024 | TANGLAW 14
Neil Andrew Tallayo Associate Managing Editor Denyll Francine Almendras Lathalain Editor DISENYO NI DIANNE BARQUILLA • TANGLAW LAYOUT ARTIST MULA SA MGA LITRATO NG UMALOHOKAN, INC.

pagkukwento ng mga naratibo ng mga Pilipino – laluna ng istorya ng mga minorya nito. Ito ay plataporma upang punan ang mga puwang sa kolektibong paggawa, paglikha at pagkilos para sa pagbabagong panlipunan.

BAGONG OPORTUNIDAD

PARA SA TAHANAN

Limang buwan matapos itanghal ang unang palabas ng PGKNB sa UPLB ay naimbitahan ang Umalohokan, Inc. na itanghal ang PGKNB sa PETA bilang parte ng kampanyang ito. Lumawak na ang tahanang PGKNB, at mula rito ay mayroong mga bagong taong kumupkop at nag-alaga sa piyesa at istoryang ito.

Ang PGKNB 2024 ay isang “devised performance” na isinulat ni Saldonido, idinirehe ni Kovi Billones at ginabayan ng direksyon ni Ian Segarra mula sa PETA. Kung ikukumpara sa tradisyunal na teatro at mga pagtatanghal, imbis na isang buo at kumpletong piyesa na ang kanilang iinsayuhin, isang kolaboratibong proseso ng pagpapaunlad ng piyesa ang isang devised performance at kasama rito ang mga direktor, ang manunulat ng piyesa, mga aktor, mga mananaliksik (mula sa PETA Lingap Sining) at ang iba pang mga creatives.

Sa buong proseso nito ay puno ng mga improvisasyon, eksperimento, at mga talakayan na sumasalamin sa magkakaibang pananaw at kontribusyon ng grupo. Bilang isang devised performance na pagtatanghal kasama ang PETA Lingap Sining, marami ang mga naging pihit para maisaayos ang naratibo ng PGKNB.

“Hindi siya [isang piyesa na buo na agad]… Mas collaborative [ito]. Hindi pa mismong buo sa simula dahil gusto mo pang malaman yung insights ng tao. It may not be unique pero mas totoo yung napproduce mo kasi hindi mo siya sinusulat mag-isa. Nag-improve nang nag-improve [ang piyesa] sa pamamagitan ng mga workshops, ng insights ng mga actors mismo at sa tulong rin ng guidance ng PETA Lingap Sining,” kuwento ni Saldonido sa Tanglaw. Naibahagi rin niya na nagkaroon sila ng kahirapang hubugin ang piyesa upang maging kakumbi-kumbinsi at kapani-paniwala. Layon kasi nilang maging sandata upang paigtingin ang diwa at kamalayan ng bawat manonood. Aniya, gayunpama’t marami ang nabago sa piyesa, mas nakita ng may-akda ang “final and true form”

IBA PANG LATHALAIN

Mga istoryang nagpapalalim sa mga isyu sa tanglawdevcom.wordpress.com

KUHA MULA SA UMALOHOKAN INC.

Isang pag-eensayo ng Umalohokan, Inc. sa Student Union Building Basement.

ng PGKNB. “Ang PGKNB, bilang devised performance, ay heavily reliant sa contributions ng mismong actors. Same story but improved with collective efforts,” ani Billones.

Nagising ang tunay na anyo ng PGKNB dahil na rin sa suporta ng PETA Lingap Sining sa organisasyon para sa pagtatanghal ng piyesa. Bukod sa pagpopondo para sa mga pangangailangan ng Umalohokan, Inc. ay naging malaking tulong din ang paggabay ng mismong mga miyembro ng PETA, at ang pagpapagamit nila ng kanilang espasyo para makapag-ensayo ang PGKNB.

MASIKIP SA SARILI NATING BAHAY

Paano kung walang sahig na pwedeng mapagtulugan, makakatulog ka ba? Hindi lamang karanasan sa pagteteatro ang napulot ng Umalohokan mula sa pakikipagtulungan sa PETA, kundi nagbunga rin ito ng mga repleksyon ukol sa kanilang tahanang tanghalan sa UPLB. Matagal nang panawagan ng mga kultural na organisasyon gaya ng Umalohokan, Inc. ang art spaces sa loob ng pamantasan, ngunit wala pa ring nagiging aksyon ang para unibersidad para matugunan ito. Bukod dito, problema rin ang mismong kalagayan ng iilang espasyo na mayroon

We have the means, UPLB has the means, may iba’t ibang offices na nakatalaga para sa pagsuporta sa teatro pero hindi tayo naaambunan.

Kyle Saldonido

Playwright ng PGKNB

tayo. Kung pagbabasehan, ang Umalohokan, Inc. ay laging sa Student Union Building Basement nag-eensayo – kung saan madilim, malamok, at walang maayos na bentilasyon. Hindi rin nalalayo sa mga suliranin ng organisasyon ang usaping suporta at pondo. “Either kulang [o] wala talagang akmang art spaces sa campus. Nanggagaling pa sa atin ‘to bilang isang cultural organization… and on top of that, nag-ooffer pa [ang UPLB] ng degree program para sa theater majors pero there is a lack of pag-provide ng spaces for [them],” wika ni Joseph Curbilla, ang chair ng Umalohokan, Inc. Bilang halimbawa, nitong nakaraang Disyembre – sa kasagsagan ng mga produksyon ng

mga estudyante mula sa BA Communication Arts, mga pagtatanghal para sa Christmas Lighting, at pag-eensayo ng PGKNB para sa PETA – hati-hati ang nagiging sistema sa SU Basement para sa espasyo sa pag eensayo. Hinaing ng mga mag-aaral na hindi nila kasalanan na nagaagawan ang bawat isa sa espasyo, dahil wala talagang akmang lugar para makapagensayo nang pribado at nang may laya. “Bilang [stage manager ng Umalohokan, Inc.], kailangan ko ring i-secure yung space namin for PGKNB… Sobrang daming kailangang pagdaanang proseso para lang masecure namin yung basement,” kuwento ni Maureen Vicente ng Umalohokan Inc.

“Kailangan naming magpa-reserve online and dapat 5 days before rehearsals para maiprocess ng office. Tapos iba pa yung activity permit, sa mga binibigay lang natin na letter noon, at permit sa panghihiram ng gamit at kung kani-kanino mo pa ito kailangang ipasa para mapapirmahan at maipa-approve. Para kaming nasuot talaga sa butas ng karayom para lang makapag-rehearse.”

Kaya’t isang malaking tagumpay ang PGKNB sa lokal na sining sa ating komunidad. Naipalabas ang piyesa ng mga estudyante ng pamantasan sa isa sa mga nangungunang organisasyong pang-teatro sa bansa. Kaakibat ng produksyong ito, naipakita rin ang sariling mga kwento, piyesa at likha ng mga artista ng bayan. Sa kabila nito, nananatili ang panawagan ng mga estudyante-artista.

“We deserve more spaces. If pagp-produce lang kayang kaya ‘yan ng mga UPLB students, kaya natin iyan sa Umalohokan, talented tayong lahat, pero lagi tayong nahaharangan ng pinansya,” saad ni Saldonido. “We have the means, UPLB has the means, may iba’t ibang offices na nakatalaga para sa pagsuporta sa teatro pero hindi tayo naaambunan. Mas umuultaw ang problemang ito para sa amin, dahil mas nakikita natin kung ano ang mas deserve natin as artists.”

Matatapang, matatalino, at malikhain ang mga iskolar ng bayan. Malaki ang maiaambag ng mga ito sa lokal na sining para sa pamantasan at para sa kani-kanilang komunidad. Ang tanging hiling lamang ng mga talentong ito ay ang masuportahan, at matangkilik mismo ng sistema; na maalagaan man lang sila sa sarili nitong tahanan.

Lathalain 15 TANGLAW | HUWEBES, MAYO 23, 2024
pa sa mga tropeyo, malayang pamamahayag ang ating ipanalo
Higit

ibang klase ng bigas ang

Bigas ay buhay...?

Patuloy ang problemang kinahaharap ng mga magsasaka sa pagtatanim nila ng palay — na pagdating sa mga merkado ay ramdam din ng mga mamimili.

Janelle Macandog

Susuungin ng mga Pilipino ang taong ito nang butas ang bulsa, dahil kahit doblehin pa ang bente pesos ng isang Pinoy ngayon ay hindi ito sasapat para makabili ng isang kilong bigas. Makikita sa mga numero sa ibaba ang patuloy na pagtaas ng presyo ng iba’t ibang klase ng bigas, maliban sa well-milled imported commercial rice, sa mga piling palengke sa National Capital Region. Ito ay batay sa naku-

hang average na presyo ng bigas mula sa arawang tala ng Bantay Presyo ng Department of Agriculture. Hinaing ni Norma Basilan, isang konsyumer sa San Pablo, Laguna, napakalaking problema at pagbabago raw sa kanilang gastusin ang “dire-diretsong pagtaas” ng presyo ng bigas na umaabot na umano sa P60. “Ngayon, ang laki ng diperensya. Hindi ka naman pwedeng magsaing ng isang kilo lang sa isang araw,” aniya. Maging ang kaniyang negosyong karinderya ay apektado rin. “Nagtaas ako ng presyo ng kanin ko, ang

mahal sobra kasi. Syempre hindi ka naman pwedeng magtinda sa tindahan ng mga pangit na bigas,” ani Basilan. Maraming salik ang nakaaapekto sa pasakit na ito sa konsyumer. At ang mga salik na ito, pasakit din para sa ating mga magsasakang nagkakanda-kuba na sa pagkayod ay luging-lugi pa sa kita.

MAGTANIM AY ‘DI BIRO

Numero uno sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng bigas ay ang mahal na gastos ng produksyon nito sa Pilipinas, ayon kay Rowena Buena, Regional Coordinator ng Magsasaka at Siyentipiko para sa Pag-unlad ng Agrikultura (MASIPAG). Ayon kay Buena, na kasapi ng grupong pinamumunuan ng mga magsasaka’t siyentista, mula raw nang magkapandemya ay halos dumoble o triple pa ang presyo ng inputs sa pagtatanim ng palay tulad ng abono, pesticides, binhi, at maging ang bayad sa patanim at paani.

“Nung huli kong marinig, ang presyo ng pag-produce ng isang kilo ng palay ay halos umaabot ng P12. Samantalang sa ibang bansa ay five to seven pesos lang,” ani Buena sa isang panayam ng Tanglaw. Paliwanag niya, bahagi na rin marahil ito ng “pagiging gahaman ng mga korporasyon” na nananamantala sa pagtataas ng

presyo ng mga input kahit na hindi naman ganoon kamahal ang presyo ng mga ito sa pandaigdigang merkado. Idagdag pa rito ang kakulangan ng mga magsasaka sa post-harvest facilities at equipment. Maliban sa kulang na teknolohiya, salarin din ang maling teknolohiyang ibinibigay sa mga magsasaka. “Maganda nga [‘yung modernisasyon] lalo kung mapapabilis n’ya ‘yung production, mapapagaan n’ya ‘yung gawain ng mga magsasaka kasi mahirap talagang magsaka. Pero dapat appropriate s’ya sa kondisyon ng mga magsasaka. Halimbawa, mechanization, samantalang maraming mga magsasaka natin, nasa bundok,” diin ni Buena. Sa kabilang banda, bukod sa maliit lamang ang nagagastos ng ibang bansa tulad ng Vietnam, Thailand, at Taiwan sa produksyon ng palay, malaki rin ang nakukuha nilang suporta mula sa gobyerno, ‘di tulad dito sa Pilipinas. Ito aniya ay isa pang dahilan kung bakit natural na mas mura ang bigas na nabibili mula sa ibang bansa.

Kaya lamang, maski pa sandamakmak na ang inaangkat na bigas ng Pilipinas, bunsod ng implementasyon ng Rice Liberalization Law at alinsunod sa pagiging kasapi natin sa World Trade Organization, hindi pa rin nito nagarantiya ang pagbaba ng

HUWEBES, MAYO 23, 2024 | TANGLAW 16 Lathalain
Iba’t ibinebenta sa Batong Malake Public Market noong Pebrero 2023. KUHA NI DAN ALEXANDER ABAS • TANGLAW PHOTOJOURNALIST

presyo ng bigas sa merkado. Ang Rice Liberalization Law o Republic Act No. 11203 na naisabatas sa pamumuno ni dating Presidente Rodrigo Duterte ay naglalayong tanggalin ang quantitative restriction sa inaangkat na bigas ng bansa at sa halip ay patawan ang mga ito ng taripa.

Isa ito sa nakitang paraan ng gobyerno upang tumaas ang suplay ng bigas sa lokal na merkado at mapababa ang presyo nito. Katuparan din ang implementasyon ng naturang batas sa obligasyon ng Pilipinas bilang miyembro ng World Trade Organization, na nag-udyok upang buksan natin ang ating lokal na merkado sa pandaigdigang merkado.

“Bahagi ng kasunduan na iyon na kapag hindi tayo nag-import o kapag hindi natin binukas yung ating pamilihan dun sa mga bansa na ‘yon ay bibigyan nila tayo ng economic sanction,” paliwanag ni Buena.

Sa ulat ng IBON Foundation noong 2018, pangunahing dahilan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas sa kabila ng maraming suplay ay ang kawalan ng kontrol ng gobyerno sa pabago-bagong presyo sa pandaigdigang merkado na nakaaapekto naman sa presyo ng bigas sa lokal na merkado. Gayundin, hindi kontrolado ng gobyerno ang presyo ng inangkat na bigas kapag ibinenta na ito sa lokal na pamilihan.

Tulad ng sabi ni Buena, masyado kasing “market-oriented” at “import-dependent” ang ating merkado. “Mas pinaluwag at mas pinalala ‘yung importation ng bigas kaya talagang talong-talo ‘yung mga magsasaka … Talaga namang halos pumatay na [ito] doon sa mga magsasaka natin,” aniya.

‘LALONG PINAHIHIRAPAN’

Paglilinaw ni Buena, hindi porket tumataas ang presyo ng bigas sa kasalukuyan ay pinakikinabangan ito ng mga magsasaka. Aniya, marami sa mga bigas na makikita at tinatangkilik sa merkado sa kasalukuyan ay yaong mga inangkat mula sa ibang bansa at hindi mga lokal na produkto ng mga magsasaka.

Bunsod nito, marami raw sa mga magsasaka ang nawawalan na ng ganang magtanim ng palay. Hindi na umano kinakikitaan ng halaga ang pagtatanim ng palay dahil sa patong-patong na pabigat na kaakibat nito: mahal na produksyon, banta ng El Niño at pabago-bagong klima, at mababang bili sa palay.

Kaya naman ang ibang magsasaka, pinipili na lamang magtanim ng ibang produkto tulad ng lamang-ugat, gulay, at mais o kaya naman ay ibinebenta na lamang o ipinaaarkila ang lupang sinasaka. “Kaya maraming kabata-

Pagsasaka ng palay sa Pilipinas

Datos

an ang hindi interesado sa pagsasaka kasi ‘yung lolo nila, mahirap na magsasaka. ‘Yung magulang nila, mahirap na magsasaka. Naturally, sila, magiging mahirap na magsasaka. Kumbaga iyon ay intergenerational na na sitwasyon ng mga magsasaka … so bakit ka pa magsasaka?”

Ayon kay Buena, hindi lamang buhay ng mga magsasaka ang naaagrabyado rito kundi pati na rin ang ka-

pati asin. Lahat na lang imported. Pero ‘yung mga magsasaka natin, nananatili silang ganoon, kumbaga lugmok sa utang tapos ‘yung suporta sa kanila kakaunti. Mahirap talaga.”

LUPA, PAGKAIN SA LAHAT

Panawagan ni Buena kaakibat ang organisasyon ng MASIPAG, mapasakamay na dapat ng mga magsasaka ang kanilang karapatan sa lupa, binhi, kaalaman, teknolohiya, at merkado. Matagal na aniyang ipinapanawagan ng mga magsasaka ang pagkakaroon ng sariling lupa dahil karamihan sa kanila ay nagbubuwis lamang sa lupang pagmamay-ari ng mga propesyunal sa Maynila o kaya naman ay ng gobyerno. Hindi rin makikinabang nang buo ang mga magsasaka sa kanilang produksyon kung hindi nila sarili ang lupang sinasaka.

Kaugnay nito, isinusulong din ng organisasyon ang panawagan para sa pagkaing malusog, abot-kamay, abot-kaya, at walang lason. “Kung walang magsasaka, wala namang pagkain. At para sa mga magsasaka, kung wala kang lupa, wala ka namang buhay. Mahalagang napapagdugtong-dugtong din natin ‘yung mga salik na ‘yun sa kalagayan ng mga magsasaka natin,” pahayag niya. Batid umano ni Buena na maaaring maging taliwas ang nais ng konsyumer at magsasaka: ang mga magsasaka, hangad ang mataas na presyo ng palay na nangangahulugan namang mataas na presyo ng bigas sa merkado, na tiyak ay ayaw ng mga mamimili. Sa kabila nito, maaari pa rin aniyang magkaroon ng “win-win” na sitwasyon. “Maaari din kasing ang maging itsura n’ya, bababa ‘yung cost of production nila. Para kahit 20 pesos ang presyo ng kanilang palay, [kapag] maliit ang kanilang cost of production, malaki na rin s’ya.” Upang makamit ito, kinakailangan aniya ang epektibong interbensyon ng gobyerno. Matagal nang nakikipaglaban ang mga magsasaka para sa kanilang karapatan, at matagal-tagal na ring kinahaharap ng mga konsyumer ang makabutas-bulsang presyo ng pangunahing pagkain sa kanilang hapag.

buuang seguridad ng bansa pagdating sa pagkain. Lalo pa, malaking bahagi ng mga magsasaka sa bansa, 80 pursyento aniya, ay maliliit na magsasaka. “Karamihan sa mga magsasaka natin ay mahihirap, naghihirap, at lalong pinahihirapan … Kung maayos ang buhay ng ating mga magsasaka, hindi tayo mamomroblema sa pagkain. Eh ngayon parang lahat na lang ini-import natin e,” aniya. “Bawang, sibuyas,

Bagaman mukhang isa na namang mahirap na taon ito para sa ating mga magsasaka, mitsa rin ang pagsisimula ng 2024 ng nagpapatuloy na pakikibaka para sa karapatan ng mga mamimili at sa kabuhayan ng mga magsasaka. Ika nga ni Buena, itanggi man ng marami, nananatiling agrikultural na bansa ang Pilipinas. Ang hindi pagtugon sa pangangailangan ng sektor ng magsasaka ay katumbas ng pagsasakripisyo sa kasiguruhan sa pagkain ng buong bansa.

Lathalain 17 TANGLAW | HUWEBES, MAYO 23, 2024
mula sa Philippine Statistics Authority at International Rice Research Institute

EDITOR’S NOTE

Sa pakikipagpanayam ng Tanglaw sa mga mag-aaral, hindi nagpapangalan ang lahat ng mga mag-aaral at mga student-athletes na nakausap ng pahayagan upang magbigay ng kanilang opinyon sa varsity prioritization. Ito ay dahil sa agam-agam na dulot ng mainit na usapin tungkol sa isyung ito. Sa kabila nito, napagdesisyunan ng Tanglawna ipagpatuloy ang paglalathala dahil ipinabatid naman sa akin ang pagkakakilanlan ng mga nakausap, alinsunod sa matagal nang practice sa paggamit ng anonymous sources at sa mga alituntunin ng TanglawNewsGuidelinesandStylebook toDevcom.Maraming salamat sa inyong pang-unawa. – IanRaphael Lopez,TanglawEditorinChief

Kasabay ng naging pagsisimula ng panibagong semestre noong Pebrero ay ang kahirapan ng pagkuha ng units ng mga mag-aaral. Kaya naman, umani ng samot-saring reaksyon mula sa mga mag-aaral ng UPLB ang naging prioritization ng mga varsity athletes sa pre-registration ngayong semestre.

Sa panayam ng Tanglaw sa mga mag-aaral — na magkahalong mga kasama ng varsity at ang mga hindi — makikita na bagaman iba’t iba ang kanilang naging pananaw sa prioritization ay nagmungkahi sila ng mga hakbang upang masigurong hindi na maulit ang kalituhan sa proseso. Ipinamalas din ng namamahala sa varsity program ng UPLB ang konteksto sa pagbibigay ng prioritization sa mga student-athletes, at nagmungkahi rin ang mga lider-estudyante tungkol sa isyu. Ang diskurso ukol sa varsity prioritization ay makatutulong para sa mga student-athlete, hindi lamang sa larangang pang-akademiya ngunit para rin sa isports na kanilang kinabibilangan at pinag-eensayuhan. Sa konteksto ng UPLB, ang mga tinatawag na “varsity” ay ang mga mag-aaral na kumakatawan sa mga pangpalakasang kompetisyon para sa unibersidad, tulad na lamang ng Southern Tagalog Regional Association of State Universities and Colleges (STRASUC). Ang mga kabilang sa ispektrum ng ehersisyo at pampalakasan tulad ng mga team sport tulad ng mga isports na basketball, volleyball, esports naman (Mobile Legends, Valorant, o League of Legends), dance troupe, at iba pa na sumasabak sa mga kompetisyon para

Usapin ng pribilehiyo

Kasabay ng pagsisimula ng panibagong semestre, umani ng samot-saring reaksyon mula sa mga mag-aaral ng UPLB ang isyu tungkol sa varsity prioritization sa preregistration. Ito nga ba ay tunay na pribilehiyo para sa mga student-athletes?

Ang main privilege sa akin kapag varsity ka ‘no? That you [are] allow[ed]. That you’re bringing the name of the university, ‘yun ‘yung pinaka-privilege.

bitbitin ang pangalan ng UPLB ay matatawag din na varsity. Ayon sa Varsity Sports Coordinator na si Asst. Prof. Toni Salangsang, tinatayang humigit kumulang 400 mag-aaral ang nabigyan na prayoridad sa nagdaang pre-registration para sa ikalawang semestre. Sa kabila nito, binigyang-diin

ni Salangsang na hindi naman maaaring ipagmalaki kaagad ng isang magaaral na siya ay isang kasapi ng varsity. “In the technical sense of the word, ang mga varsity yung mga taong nagrerepresent,” ani Salangsang. “Pero may mga trainees tayo na ganun din naman, gini-gear sila kasi gra-graduate na ‘to [current representative], sino naman yung magte-train?” dagdag pa niya. Dagdag pa ni Salansang, may prioritization na para sa mga varsity sa ibang campus ng UP, tulad na lamang sa UP Diliman. Bilang nagtapos at minsan nang nagrepresenta para sa UP, may malay siya na mayroong prayoritasyon para sa mga mag-aaral na atleta rito kaya naman matagal na nyang hinihiling ang varsity prioritization rito sa unibersidad.

HINDI BIRO

Ang isyu ng prioritization ay matagal nang ipinaglalaban at idinidiin na

Bilang student-athlete, hindi birong irepresenta ang unibersidad at mag-training 3 times a week kasabay ang mabigat na workload.

Isang student-athlete na nakapanayam ng Tanglaw

matamasa ng mga student-athletes at coaches ng unibersidad. Ayon sa isang Devcom student-athlete na nakapanayam ng Tanglaw, kasama pa sa kanilang mga dalahin ang problema sa kakulangan ng units ay ang pangangailangan ng minimum na bilang ng units na kanilang dapat makuha sa isang semestre upang makasali

HUWEBES, MAYO 23, 2024 | TANGLAW 18 Sports
Diana Luspo at Maryrose Alingasa TANGLAW REPORTERS TANGLAW SPECIAL REPORT DISENYO NI DIANNE BARQUILLA • TANGLAW LAYOUT ARTIST MULA SA MGA TANGLAW FILE PHOTOS

sa ilang mga paligsahan. “Bilang student-athlete, hindi birong irepresenta ang unibersidad at mag training 3 times a week kasabay ang mabigat na workload,” pahayag ng nasabing Devcom student-athlete.

Ayon sa kaniya, isang malaking bagay na nabigyan siya ng prioritization sa pre-registration dahil isa siya sa mga atletang ipapadala upang lumaban sa STRASUC, isang collegiate sports competition, ngayong semestre. “This competition requires a certain minimum number of units kaya kapag underload kami ay hindi kami masasama sa lineup,” aniya.

Ganito rin ang naging punto ng isang Batch ‘21 student-athlete mula sa College of Arts and Sciences. Aniya, malaking tulong para sa kaniya ang prioritization upang maiplano ng mga atleta ang kanilang oras. “Mahalaga naman po na magkaroon ng chance makapag-manage ng kanilang schedule ang mga varsity members dahil may dagdag na responsibilidad silang mag-train o kaya magrepresent ng university throughout the semester,” ayon sa kaniya.

Ang biglaang pag-anunsyo na magkakaroon ng priority ang mga varsitarian sa pre-registration ang naging mitsa ng iba’t ibang pananaw tungkol sa isyu. Pakiwari ng isa pang Batch ‘21 na mag-aaral ng Devcom na hindi miyembro ng varsity, ang naganap na prioritization ay isa sa mga benepisyo na dapat lang na natatamasa ng mga student-athlete sa ating unibersidad. “I think okay lang siya, I mean, given na sobrang konti na lang ng benefit and support na natatanggap nila — that’s the least the admin can do for them,” aniya.

Sa kabila ng kanilang pagsang-ayon sa prioritization, apektado pa rin sila sa mabilis na pagkaubos ng mga units noong pre-registration. Sa nakausap na mag-aaral mula sa College of Engineering and Agro-industrial Technology (CEAT), isa ang mabilisang pagkalimas ng units sa AMIS sa kaniyang ikinabahala sa unang araw pa lamang ng pre-registration. Dagdag pa rito, naubusan siya kaagad ng slots sa isang major subject na kinakailangan niyang makuha ngayong semestre, kung saan nakasalalay kung kailan siya magtatapos sa unibersidad.

“Actually, marami akong ka-batchmates na nakakuha ng course na ‘yun thru varsity prio, kaya ang laking edge para sa kanila na hindi na nakikipag-agawan sa units unlike sa’min na hanggang ngayong dulo ng change of matriculation e nangangarag pa rin sa units,” pahayag niya.

Sa kabilang banda, naniniwala pa rin ang isang Batch ‘21 Devcom student na ang prioritization initiative na naganap ay isang bagay na

Mahalaga sana na may official statement ang [UPLB] admin sa announcement. They made the change fly under the radar kaya nagkagulatan.

Isang mag-aaral na nakapanayam ng Tanglaw

nararapat matamasa ng mga student-athlete. “Honestly, nung una dismayado din ako kasi affected din kami as from lower batch but I just came up naman they deserve it.

Pero sana, ‘yung pagiging varsity nila ay hindi magtapos dahil may gan’to silang nakukuha,” aniya.

WALANG NAGING ANUNSYO

Para sa ilan pang mga estudyante, ang naging prioritization ay isa sa mga tinuturo nilang salik sa paglala ng kanilang karanasan sa pagpapatala ngayong semestre. Sa email blast ng UPLB Office of the University Registrar noong ika-15 ng Enero 2024, napasama na ang “varsity” sa listahan ng unang ipprioritize sa unang araw ng pre-registration.

Ikinagulat ng isang Batch ‘21 student mula sa Devcom ang agarang pagpapatupad ng inisyatibong ito.

“Naubusan din ng units yung sagot ko na malaking effect sa akin nito. Wala rin kasing official announcement na maprioritize na ang varsiry sa enlistment, so nagulat na lang din yung mga students na bakit first day pa lang ay nagkaubusan na ng slots,” aniya. Ayon kay Salansang, ang Varsity Sports Coordinator ng

unibersidad, ay ngayong semestre pa lamang nagkaroon ng prioritization para sa mga student-athletes. Ibinahagi rin nya na matagal na itong hinihiling sa administrasyon ng UPLB na maaaring bago pa man siya magturo sa unibersidad ay sinusubukan nang isulong.

Bagaman ngayon lang naisakatuparan ay binigyang-diin nya na ang ganitong mga desisyon ay dumadaan sa maraming dayalogo. “Well, it’s a collective decision of the administration between multiple dialogues with the USC. That’s what I know. So, maybe, sa pag-uusap nila, finally, naka-come up sila ng way,” paglilinaw ni Salangsang.

Isa pa sa hindi naging malinaw sa isang Batch ‘21 na mag-aaral ng Devcom ay kung sino ba ang varsity at sino ang hindi. “Nalaman lang namin sa iba na ang mga dance orgs ay nagkaroon din ng pribilehiyo na maprioritize sa enlistment dahil na-label sila as varsity. Ang pagkakataon na ito ay maaaring maging loophole para abusuhin ng mga estudyante ang perks na ito sa mga susunod na enlistment period.”

Para kay Salansang: “In the sense of UPLB varsity, these are the select[ed] group of people who represent the university in athletic competitions,” paglilinaw ni Salangsang. “Kasama do’n . . . not just sports, in sports sense, the whole totality of the spectrum of exercise. So, kasama ro’n yung dances.”

Sa susunod na pre-registration period, mungkahi ng isa pang Batch ‘21 student mula sa Devcom ang maayos na anunsyo mula sa administrasyon na kalakip ng iilang importanteng detalye ukol sa varsity prioritization. “Mahalaga sana na may official statement ang admin sa announcement. They made the change fly under the radar kaya nagkagulatan.

Kinakailangang magkaroon ng mekanismo upang hindi maudlot ang kanilang pag-aaral habang ginagampanan nila ang tungkulin.

Had there been a public statement of justification instead of responses being handed out on popular social media posts, hindi sana inflammatory yung change. The admin could have treated the situation better,” aniya.

PRIBILEHIYO?

Hindi maikakaila na maaaring tignan ang varsity prioritization bilang isang pribilehiyo dahil kabilang sila sa unang araw ng preregistration. Ngunit para sa kay Salangsang, hindi ito ang tunay na pribilehiyong nakukuha ng mga varsity. “Ang main privilege sa akin kapag varsity ka ‘no? That you [are] allow[ed]. That you’re bringing the name of the university, ‘yun yung pinaka-privilege,” aniya.

Hindi lamang ang tungkuling pang-akademiko at pampalakasan ang dala-dala ng mga student-athletes ng unibersidad. Bitbit din nila ang responsibilidad na irepresenta ang UPLB sa iba’t ibang kompetisyon, pahayag naman ng USC nang tanungin ng Tanglaw

“Bilang ang ating mga atleta ay may fixed schedule for trainings na maaring bumangga sa acad schedule nila, kinakailangang magkaroon ng mekanismo upang hindi maudlot ang kanilang pag-aaral habang ginagampanan nila ang tungkulin na irepresenta ang unibersidad,” saad ni USC Chair Gio Olivar. “Ito ay parte lamang ng hindi pa sapat na kompensasyon na natatanggap nila.”

Mungkahi ng USC, may magagawa pa upang mapalalim ang diskurso sa varsity prioritization, labas sa lumitaw ngayong semestre kung saan tila ba’y naglaban ang mag-aaral sa kapwa nito mag-aaral.

“Ngunit, naandon ang pagkilala natin na may pagpapaunlad sa kung papaano dapat ipinapaliwanag sa mga mag-aaral ang ganitong konsepto nang may pagpapakumbaba at panghahamig na tinuturol ang problema tuwing enrollment period na nakaangkla sa kakulangan ng slots dahil walang magtuturo o kulang ang pasilidad,” dagdag pa ni Olivar.

Sports 19 TANGLAW | HUWEBES, MAYO 23, 2024
Gaya ng isang laro ng chess, mistulang nabanggaan ang interes ng mga mag-aaral sa UPLB at student-athletes sa isyu ng varsity prioritization sa pre-registration. FILE PHOTO NA KUHA NI DAN ALEXANDER ABAS • TANGLAW PHOTOJOURNALIST

Sports

Matapos ang halos limang taon, nagsama-sama ang komunidad ng Devcom upang tunghayan ang pagbabalik ng isang matagal nang aktibidad.

Matapos ang mahigit apat na taon, muling nagpasiklaban ng lakas at galing ang mga atleta, mag-aaral, guro, at kawani ng College of Development Communication (CDC) sa CDCiklaban Sports Festival 2024 sa Copeland Gymnasium noong Abril 27.

Huling ginanap ang CDCiklaban noong Nobyembre 2019 bago nagsimula ang COVID-19 pandemic. Ang CDCiklaban ay hakbang upang mapaigting ang sportsmanship at camaraderie sa mga mag-aaral at ng buong komunidad ng kolehiyo. Sa pamamagitan nito ay nagkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na makasalamuha ang kapwa nila mag-aaral, guro, at kawani sa labas ng apat na sulok ng gusali ng CDC.

“Isa rin sa mga importansya na gusto naming ilahad ay isa rin kasi itong avenue or opportunity for the students to, of course, showcase their skills and talent in sports,” pagbabahagi ni CDC Student Council Chair Jelaine Kate Pagayon. “To... also have an opportunity to relieve their stress amidst the academic workload that we’re all facing right now. So, we hope na through CDCiklaban ay maka-build ng magandang relationship ang bawat isa habang nag-eenjoy at habang nagkakaroon ng break from their acads.”

Tangan ang temang “Muling Pag-aalab ng Diwang Atleta at Samahan ng Komunidad ng Devcom,” layunin ng CDCiklaban na isulong ang pisikal na aktibidad ng mga mag-aaral, suportahan ang mga student-athlete ng kolehiyo, magbigay ng recreational activities sa pamamagitan ng isports, at pasiglahin ang pagka-isport at partisipasyon mula sa sangkaestudyantehan ng Devcom. Layunin din ng CDCiklaban na maihanda ang mga mag-aaral ng Devcom na lalahok sa Palarong UPLB. Ngunit, noong ika-3 ng Mayo ay inianunsyo na ipagpapaliban ang Palaro na nakatakdang ganapin noong ika-6 hanggang ika-10 ng Mayo. Nagpapakitang-gilas din ang mga mag-aaral ng Devcom pagdating sa iba’t ibang pampalakasan, kabilang

aaral at kawani ng CDC. Ang mga aktibidad ay kinabilangan ng calamansi relay, sack race, at putukan lobo.

IISANG KOMUNIDAD

Ang partisipasyon ng mga mag-aaral, faculty, at kawani sa CDCiklaban ay mahalaga upang mapanatili ang “diwang atleta” ng kolehiyo. Kaya naman, ang mga dumalo sa CDCiklaban ay ang magiging basehan ng mga manlalaro para sa hindi pa natutuloy na Palarong UPLB ngayong taon.

Nag-aalab na diwa ng

“Alam mo, for all, for most kasi antagal ng walang CDCiklaban, ngayon lang siya bumalik. And also, syempre from batch din na malayo na ang agwat, ayun parang first time experience. Parang ansaya-saya lang makita din ‘yung mga kasama mong naglalaro din ng volleyball,” pahayag ni Batumfookeh Spiker Aron Perales. Maliban dito, nagsilbi rin ang aktibidad bilang pagkakataon sa komunidad ng Devcom na magkaroon ng pampisikal na ehersisyo tungo sa malusog at malakas na mental, emosyonal, at pisikal na pangangatawan. Isang hakbang tungo sa inklusibong CDCiklaban ay binigyan ng kalayaan ang mga transgender na pumili ng nais nilang lahukan sa mga isports na may Men’s and Women’s na kategorya.

Pinag-alab ng mga atleta ng Devcom na sina, mula kaliwa, Jhoanes Villaseñor Danisse Banasihan, at Marx Villaseñor, ang sulo para sa pagbabalik ng CDCiklaban.

dito ang Badminton (Singles and Doubles), Basketball, Chess, Volleyball, at Palarong Lahi na nilahukan ng buong Devcommunity. Ang mga isports tulad ng Softball at Football ay hindi napabilang sa mga opisyal na pagtatagisan ng galing ng Devcommunity dahil sa kakulangan ng manlalaro.

Itinanghal na kampeon sa Men’s Basketball ang Basta Team Kami, 11165, sa pangunguna ni Team Captain Marx Villaseñor na nakapagtala ng 27 points, 6 assist, 5 rebounds, at 3 steals. Nanaig naman ang Batumfookeh Spikers sa Men’s Volleyball na kung saan naiuwi nila ang kampeonato sa loob ng 2 sets, 25-22 at 25-20, sa pangunguna ni Team Captain Aron Perales. Matapos ang 3 sets ay itinanghal na kampeon si Christian Gail Esguerra ng Badminton – Single’s (Men’s)

We hope na through CDCiklaban ay maka-build ng magandang relationship ang bawat isa habang nag-eenjoy.

Pagayon

at sina Jhoanes Villaseñor at Miguel Banatin naman para sa Badminton – Double’s (Men’s). Wagi naman si Botvinnik Refuerzo sa Chess (Men’s). Nagkaroon din ng Palarong Lahi na nilahukan ng anim na grupo. Kasama sa mga sumali sa palaro ay mga mag-

Nakaangkla ang layuning ito sa nais isulong ng CDCiklaban na pagkakapantay-pantay ng bawat kasarian at respeto sa indibidwal na pagkakakilanlan ng kasarian. Kalakip nito ay inlahad ni UPLB Women’s Basketball player, Danisse Banasihan ang kaniyang pananaw sa presensya ng kababaihan sa isports.

“Tapos especially women in sports kasi for example ngayon, walang nag-enlist for women’s basketball. Parang hindi naman naging co-ed ‘yung basketball. Pero ayun. So, for me ‘yung importance of it is parang mas ineempower n’ya (CDCiklaban) ‘yung athletes in a way,” saloobin ni Banasihan.

Sa huli’t huli, marami ang natuwa sa CDCiklaban dahil sa pagkakataong makahinga mula sa pagod ng pag-aaral. “Bumalik ulit ‘yung mga activities ng Devcom na outside sa pagiging Devcom natin. Like, parang, aside from being development communicators, we’re also people and we want to enjoy. We want to experience other parts of our life that make us happy,” pahayag ni Vera Sudaprasert, isa sa mga dumalo sa CDCiklaban.

HUWEBES, MAYO 23, 2024 | TANGLAW 20
Neil Andrew Tallayo Associate Managing Editor Jan Paolo Pasco Sports Editor KUHA NI MAR JHUN DANIEL • TANGLAW REPORTER

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.