2 minute read

Jeepney Press November-December / Dennis Fernandez

Pagdagsa ng turista, inaasahan sa muling pagbubukas ng Japan

TOKYO, Japan – Kapansin-pansin ang muling pagsigla ng turismo sa Japan matapos magbukas ang bansa sa ikalawang linggo ng Oktubre. Marami sa mga tourist spots at shopping centers ang unti-unti nang napupuno ng mga foreign tourists kabilang na ang mga turistang Pinoy bilang resulta ng pagtatanggal sa mga travel restrictions sa maraming bansa.

Advertisement

Noong Oktubre 11, naglunsad na rin ang Japanese government ng nationwide travel discount campaign para mang-engganyo ng mga local tourists at muling mapasigla ang lokal na turismo sa Japan.

Sa ilalim ng travel discount program, aabot sa ¥8,000 kada tao bawat araw ang maaring ma-avail para sa mga package tours kabilang na ang pampublikong transportasyon. Para naman mga accommodations, aabot naman sa ¥5,000 kada tao bawat araw ang maaring ma-avail sa ilalim ng programa.

Mayroon ding vouchers na may halagang ¥3,000 kada tao sa bawat araw ang available para sa shopping at pagkain kapag weekdays at ¥1,000 kada tao bawat araw kapag weekends. Ang travel discount program ay maaaring ma-avail hanggang Disyembre 20 ngayong taon.

Sa muling pagbubukas ng Japan at sa unti-unting pagdagsa ng mga turista, patuloy pa rin ang mahigpit na COVID-19 protocols partikular sa mga requirements at mga dokumento hinggil sa vaccination.

Sa kasalukuyang protocol, kailangang tatlong beses na nabakunahan ang mga turistang papasok sa Japan. Maaari ring magpakita ng negatibong resulta ng PCR test na nakunan sa loob ng tatlong araw bago ang paglipad papasok ng Japan. Ang mga wastong impormasyon at mahahalagang gabay tungkol sa pagpasok ng mga turista sa Japan ay maaring makuha sa mga opisyal na websites ng Government of Japan kabilang na ang website ng Embassy of Japan sa Pilipinas.

Pinapayuhan naman ang mga turista na basahin, unawain, at sundin ang lahat ng mga alituntunin lalo na sa mga COVID-19 protocols at ihanda ang mga kaukulang papeles para maiwasan ang anumang problema pagdating ng Japan.

Rogerson Dennis Fernandez

Jeepney Press

This article is from: