3 minute read

Jeepney Press November-December 2022 / Karen Sanchez

Tara Na!

Paano Na Ngayong Pasko?

Advertisement

Maligaya at malamig na buwan ng Pasko mga kababayan! Nawa ay nasa mabuti po tayong kalagayan at ligtas sa anumang karamdaman.

Paano kaya ang ating Pasko ngayong nagmahalan ang mga bilihin at bumaba ang halaga ng ating Japanese yen? Dahil dito, lumiit na din ang halaga ng ipinapadala natin. Hindi lang dito tumaas ang halaga ng bilihin kundi maging sa atin ay halos lahat nagrereklamo dahil ultimo gulay maging sa mga probinsya ay nagmahal na din. At ang tanging magagawa natin dito ay magsikap at magsipag dahil wala naman talagang ibang makakatulong sa ating mga sarili kundi ang ating mga sarili mismo. Hindi po ba?

Paano na din kaya ang Pasko ng mga kababayan nating nasalanta ng bagyo? Kasing lamig din kaya ng Pasko natin dito sa Japan? Kung saan parang hindi natin masyado ito nararamdaman. Na para bang ordinaryong araw na lamang ito at hindi katulad ng Pasko natin sa Pinas na pagdating ng Oktubre ay makakarinig ka ng mga masisiglang awitin sa kabila ng samo’t-saring suliranin o pagsubok na ating kinakaharap. At hindi lingid sa ating lahat na ang Pasko sa Pinas ay talagang inaabangan at mas gugustuhin sana nating doon magpasko para makasama ang mga mahal natin sa buhay at siempre dahil talaga namang kakaiba ang Pasko sa atin. Maraming Santa Claus pa ring iikot at magpaparamdam at kahit papano ay marami pa rin ang magbabalot ng mga regalo at makakatanggap ng mga ito.

Ilang Pasko na din na may Covid at mukhang nasanay na din tayo sa “social distancing” kung saan malamang hindi na ulit natin ito maidaos ng magkakasama lalo na dito sa mga “kaisha” na may “bonenkai” at “shinnenkai” dahil na din sa lalo pa ring tumataas ang kaso ng Covid dito sa Japan ngayon at upang makaiwas sa pagkakahawa-hawa kung sakali man. Nakakalungkot pero wala tayong magagawa at upang maipagpatuloy ang buhay natin kailangan din natin itong gawin para sa kapakanan din ng lahat. Higit sa lahat kailangan din nating ingatan ang ating mga sarili dahil dito sa Japan, masiglang pangangatawan ang ating mga puhunan dahil kahit na medyo apektado ang ekonomiya ng bansa, marami-rami pa rin naman tayong mahahanap na trabaho. Makakaraos at makakapagpadala pa rin tayo sa ating mga pamilya sa Pilipinas kahit papaano.

Kaya sa anumang pagsubok na ating nararanasan, lagi po nating tatandaan na ang lahat ng iyon ay may dahilan. At lahat ng katanungang “paano” ay may kaukulang kasagutan at pamamaraan upang ito ay ating makayanan at malalagpasan. Huwag din po nating kalimutang magdasal at humingi ng gabay sa Diyos Amang Maylikha sa atin dahil tanging sa Kanya lamang ay walang bagay na imposible.

Hanggang sa muli po. Maligaya at Mapagpalang Pasko po sa lahat.

by Karen Sanchez

Starting Over Again

Be brave enough to find your life

As morning comes and we wake up

Every day is the gift we can have

A chance we must take and not to give up

Life is about changing as every second counts

Make all your best as you can

Save all the best you can

And give all the best you can

We can’t change what we’ve done

We can’t get back things that’s already gone

But we can hold on for our own reasons

And stay with our goals and directions

Starting over again is the best thing to do

Forget everything and appreciate it happened

Karen Sanchez

Jeepney Press

This article is from: