3 minute read

Jeepney Press November-December 2022 / Jasmin Vasquez

Moving On

Depression can lead us to Death

Advertisement

This kind of sickness must be treated right away. It is not only an issue of your mood but a biological illness of your entire body.

Ang sakit na ito ay malubhang kondisyon na maaaring paikliin ang iyong buhay, ngunit magagamot din ito.

Ang bawat tao'y nakakaramdam ng kalungkutan minsan. Ang pagkasira ng isang relasyon o isang masamang marka ay maaaring humantong sa mababang mood. Minsan dumarating ang kalungkutan sa hindi malamang dahilan. Mayroon bang anumang pagkakaiba sa pagitan ng mga nagbabagong mood na ito at kung ano ang tinatawag na depresyon? Ang sinumang nakaranas ng isang episode ng depresyon ay malamang na sumagot ng oo. Ang depresyon, kumpara sa karaniwang kalungkutan, ay nailalarawan sa pamamagitan ng mas mahaba at mas malalim na mga damdamin ng kawalang-pag-asa at pagkakaroon ng ilang partikular na sintomas. Ang pagkakaibang ito ay mahalaga, dahil sa mga malalang kaso, ang depresyon ay maaaring maging banta sa buhay, na may pagpapakamatay bilang isang posibleng resulta. Ang mga taong nalulumbay ay maaari ring mabigo na mamuhay ayon sa kanilang potensyal, hindi maganda ang ginagawa sa paaralan at manatili sa mga social margin. Ang depresyon ay madalas na binabalewala o hindi ginagamot; madalas na pinipigilan ng kondisyon ang mga tao na gumawa ng mga hakbang upang tulungan ang kanilang sarili.

Ang hindi ginagamot na depresyon ay nagdaragdag ng pagkakataon ng mga mapanganib na pag-uugali tulad ng pagkagumon sa droga o alkohol. Maaari rin itong makasira ng mga relasyon, magdulot ng mga problema sa trabaho, at maging mahirap na malampasan ang mga malubhang sakit.

Kamakailan lamang may isa na namang Pinay na ating kababayan ang kinitil ang sariling buhay dahil sa depresyon. Hindi na kinaya lahat ng dagok at pag-subok sa buhay, namatay dahil sa depression. Masarap pang mabuhay ng mahaba, may pag-asa pa upang maiba ang takbo ng ating buhay. Kailangan mo lamang paglabanan yung mga bagay bagay na negative na dumarating, lumayo ka sa mga taong palaging negatibo ang epekto sa buhay mo.

Lumabas ka, go out with your friends upang malibang ka, at hindi buong maghapon palagi mo inisiip yung mga problema. Katulad ko, minsan din dumating ako sa point na ganyan na halos gusto ko na magpakamatay, pero nilabanan ko. Nagdasal ako ng nagdasal na samahan ako ni Jesus sa lahat ng pagkakataon. May mga time na feeling ko walang nagmamahal sa akin, pero dahil nilalabanan ko ang ganitong feeling iniisip ko na andyan si Jesus na kahit kailan hindi ako iiwan. Sa kanya ipinagkakatiwala ang lahat. Dahil pag si Jesus ang nangako sa atin, never nya tayo bibiguin. Tapat sya kahit kailan. Isa sa mga Tips, mga kapatid, kapag ikaw ay nakakaramdam ng kahit na anong pag aalala sa buhay, makinig ka lang ng mga worship songs, tiyak na gagaan at luluwang iyong pakiramdam.

Favorite kong worship song pag feeling down ako, pwede nyo syang hanapin sa You Tube. https://youtu.be/muxNziVFoYg Sobrang ganda ng awit na ito sana makatulong kahit paano.

”TAPAT KAILAN PA MAN”

SA PANGINOONG HESUS, AKO NAGTITIWALA SA BIYAYA NIYA'T HABANG BUHAY KO AY MAY KALINGA SA PAGSUBOK AT LUMBAY NARO'N SYA'T DUMARAMAY ANG PANGIN0O'Y TAPAT KAILAN PA MAN KUNG IKA'Y NANLALAMIG, WALA KANG MALAPITAN PARA BANG ANG DAIGDIG SA IYO'Y NAKAPASAN ALALAHANIN MO SANA, MINAMAHAL KA NIYA ANG PANGINOO'Y TAPAT KAILAN PA MAN BIYAYA NIYA'T HABAG SA BUHAY KO'Y SAPAT DI MAN KARAPATDAPAT, AKO AY NILIGTAS PANGAKO NIYA'Y DI NAG-IIBA DI TULAD NG IBA ANG PANGINOO'Y TAPAT KAILAN PA MAN

Jasmin Vasquez

Jeepney Press

This article is from: