Ang Opisyal na Pahayagang Pang - kampus ng Lumbia National High School Dibisyon ng Cagayan De Oro City | Rehiyon - X Tomo II | Bilang II Septyembre 2025
balitangkampus
Paninirahan sa Lumbia Market, Nagdulot ng Suliranin sa Edukasyon ng Ilang Mag-aaral ng LNHS
Iilang mag-aaral ng Lumbia National High School (LNHS) na apektado sa demolisyon na naganap nuong Hunyo 3, 2024 sa Upper Palalan, Lumbia, Cagayan de Oro City ay patuloy na nagtitiis at naghihirap sa pag-aaral dahil sa kakulangan ng maayos na tirahan at kagamitang pampaaralan matapos ang insidente, napilitan silang manirahan sa palengke, kung saan nahihirapan silang magtuon ng pansin at makumpleto ang mga gawaing pampaaralan dahil sa ingay at kakulangan ng resources sa kapaligiran.
Ang paninirahan sa Lumbia Public Market ay nagdulot ng maraming pagsubok sa mga estudyante, partikular na sa kanilang pag-aaral. Araw-araw nilang hinaharap ang maingay, masikip, at hindi kaaya-ayang kapaligiran na naging suliranin sa kanilang edukasyon. Sa panayam ni Bb. Angel Grondiano, isa sa mga mag-aaral ng LNHS galing sa baitang 12, HUMSS C na naapektohan ng demolisyon ay sinabi niya, “Hindi madali ang mawalan ng lahat at mas lalong hindi madaling makabangon pagkatapos ng unos na aming naranasan. Nawalan kami ng bahay na nagsilbing comfort namin sa pag-aaral, mga gamit at uniform ay nawala dahil sa unexpected demolition at ang pinakamasakit ay mawalan ng trabaho ang aking ama at hirap na hirap dahil ayaw kaming iwan sa palengke na kami lang na naging isa sa mga suliranin
namin sa edukasyon” Ang ganitong sitwasyon ay hindi lamang nakakaapekto sa pisikal na kalagayan ng mga estudyante, kundi pati na rin sa kanilang emosyonal at mental na estado. Ayon kay Grondiano, may mga pagkakataong nawawalan na siya ng motibasyon na magpatuloy sa pag-aaral dahil sa pagod, kakulangan sa mga gamit at maayos na mapagpahingahan. “Mahirap matulog at mag-aral doon. Mahirap maki belong sa lugar na hindi ka sanay. Kung dati, pag-uwi galing eskwela ay may maayos kaming lugar na maaabutan, may maayos na mahihigaan, at komportableng lamesa na magagamit namin habang nag-aaral sa gabie, ngunit ngayon ay wala na. Maingay, maraming tao, magulo, at mainit. Pero wala kaming magagawa, kailangan naming magtiis at lumaban sa pang araw-araw,” Dagdag pa niya.
ipagpatuloy sa pahina 4
EDUKASYON
Magnitude 7.6 na Lindol, Yumanig sa Mindanao; Tsunami Warning, Itinaas Mahigit
atinding pagyanig ang narasan ng mga residente sa Rehiyon ng Mindanao sa katimugang Pilipinas matapos tumama ang isang malakas na lindol na may lakas na 7.6 magnitude noong Oktubre 10, 2025, bandang 9:43 ng umaga na nagdulot ng malawakang pagkasira ng mga ospital at paaralan, pagkawala ng mga kuryente, paglikas ng mga residente, at pansamantalang tsunami warning sa mga baybayaing lugar na humimok sa mga residente na lumikas.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang epicentro ng lindol ay natukoy sa karagatan malapit sa Davao Oriental, may lalim na humigit-kumulang 10 kilometro. Dahil sa mababaw na lalim, naging matindi ang naramdamang paguga sa maraming bahagi ng Mindanao at maging sa ilang bahagi ng Visayas. Ani naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nakahanda ang pambansang pamahalaan na magbigay ng tulong sa mga apektadong lugar. Inatasan niya ang DSWD at Department of National Defense (DND) na magpadala ng karagdagang relief goods at pwersa sa Mindanao. Sa iniulat PHI-
VOLCS ng ay sinabi nito na inaasahan ang pinsala at aftershocks mula sa lindol na nakasentro sa dagat mga 62 kilometro sa timog-silangan ng bayan ng Manay sa lalawigan ng Davao Oriental at dulot ng paggalaw sa isang
Ni : Jean Maica Cael
Dibuho ni : Ivan Revilla at Sheng Tubal
balitanglokal
samganumero
Ni : Jean Maica Cael
Baha na Naman, ating Pondo, Nasaan?
Ni Arah Lou Poblete
Taon-taon, paulit-ulit ang istorya. Bagyo, baha, lindol — at ang sagot ng gobyerno: “May pondo tayo para d’yan.” Pero saan nga ba napupunta ang pondong iyon? Noong Setyembre 26, 2025, ilang bahagi ng Luzon, kabilang ang Bulacan, Pampanga, at Rizal, ang muling binaha matapos ang walang tigil na ulang dala ng bagyong Ineng.
Ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), mahigit 60,000 pamilya ang naapektuhan sa loob lamang ng dalawang araw. Sa kabila ng mga babala, marami pa rin ang hindi nailikas sa oras, at ilang residente ang nagsabing wala silang natanggap na tulong o abiso mula sa lokal na pamahalaan kaya sa puntong ito, muli nating tinatanong: handa ba talaga ang ating pamahalaan sa mga sakuna — o “handa” lang sa para press release?
Baha nga ba ang magpapalubog sa ating bansa o mga sakim na namamahala.
Ni Ianna May Labitad
Ayon sa Commission on Audit (COA) report noong Agosto 2025, tinatayang ₱6.8 bilyon sa disaster risk reduction and management funds ng ilang ahensiya ang hindi nagamit o hindi malinaw ang pinaglaanan. May mga lungsod na nakatanggap ng budget para sa disaster equipment, pero hanggang ngayon, mga lumang bangka at sirang megaphone pa rin ang gamit ng mga rescuer. Kung tutuusin, tila mas mabilis pang umagos ang pondo kaysa sa tubig sa mga kanal — ngunit ang tulong ay palaging nahuhuli. Hindi lang ito tungkol sa baha o bagyo. Isa rin itong salamin ng kung gaano natin pinahahalagahan ang buhay ng bawat Pilipino. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansang may pinakamataas na panganib sa natural disasters. Pero nakakapagtaka — sa kabila ng dami ng karanasan, bakit parang “first time” pa rin tayo palagi sa bawat kalamidad? Sa isang panayam ng CNN Philippines noong Setyembre 2025, inamin ng ilang lokal na opisyal sa Central Luzon na kulang sila sa training, equipment, at coordination mula sa national level. Ibig sabihin, habang nag-uutos ang nasa itaas, nagkakagulo naman sa baba dahil walang malinaw na sistema. Kaya sa halip na “disaster preparedness,” ang nangyayari ay “disaster confusion.” Ang tanong: kapag dumating ang susunod na bagyo, makakaasa pa ba tayo o mag-aabang na lang ng milagro?
Sa San Jose del Monte, Bulacan, isang ina ang nakunan habang naglalakad sa malalim na baha dahil walang dumating na rescue kahit ilang beses na silang tumawag ayon sa ulat ng ABS-CBN News, 2025. Sa
mga evacuation center naman, siksikan, kulang sa pagkain, at minsan ay wala pang kuryente. Ang mga bata’y nanginginig sa lamig, habang ang mga opisyal ay abala sa pagpo-post ng “operation ongoing” sa social media. Ito na ba ang tinatawag nilang kahandaan? May mga biniling gamit na hindi naipamahagi, at may mga training na “ginanap daw,” pero walang dokumentong magpapatunay. Samantalang ang mga mamamayan, hanggang ngayon, umaasa pa rin sa tulong ng mga kapitbahay at pribadong grupo. Mas masakit pa, kapag tinanong kung nasaan ang pondo, biglang nagiging multo. Sa mga ganitong sitwasyon, malinaw na hindi lang pera ang kailangan. Kailangan ng tunay na malasakit, maayos na sistema, at lideratong marunong umaksyon bago pa man may mangyari. Ang paghahanda ay hindi dapat ginagawa kapag may kalamidad na, kundi bago pa man ito dumating. Ang mga evacuation plan ay hindi dapat nakasulat lang sa papel, kundi sinusubok at isinasagawa. Ang pondo ay hindi dapat nakatengga o nawawala, kundi ginagamit nang tapat at malinaw. Sapat na ang mga larawan ng lumulubog na kabahayan, ng mga batang nanginginig sa bubong, at ng mga magulang na walang magawa kundi umiyak. Panahon nang magising ang ating mga lider at pakinggan ang tunay na sigaw ng bayan dahil sa dulo, ang tunay na kalamidad ay hindi ang ulan o lindol. Ito ay ang paulit-ulit na pagkukulang ng pamahalaan na matutong maging handa — hindi lang sa salita, kundi sa gawa.
Tanikalang Bumabagabag sa Edukasyong Pilipino
Ianna May Labitad antad ang pag-amin ng Department of Education (DepEd) na patuloy ang kinakaharap na krisis sa edukasyon ng Pilipinas. Ito’y sa gitna ng mababang resulta sa mga international assessment at napapansing kakulangan sa foundational skills ng mga mag-aaral. Ang bawat mag-aaral ay mayroong kinabukasan na naghihintay sa kanila. Gayunpaman, paano ba nalulunod ang mga Kabataan sa krisis ng edukasyon? Anu-ano ang kulang at nararapat tugunan? Sapat ba ang sistema ng ating edukasyon?
Batay sa mga international assesment gaya ng Programme for International Student Assessments (PISA), kabilang ang Pilipinas sa may pinakamababang marka sa reading, math, at science sa buong mundo. Ang krisis sa edukasyon ay siyang hindi pa rin nalulunasan na sugat ng ating lipunan. Ang krisis na ito ay mayroong ugat, kabilang na rito ang kakulangan sa guro at silid-aralan, hindi maikakaila ang dulot ng mga pagkukulang na ito. Sa kabila ng mga salita na binitawan ng gobyerno sa pagtugon dito, bakit tila wala pa ring pagbabago ang nakikita? Mga kagamita’y hindi sapat para sa lahat, paano matutugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral kung kahit sa mga libro, pasilidad, at mga guro ay limitado lamang? Hingil pa rito, mismong kalidad ng kurikulum ay hindi epektibo at tila
Lhangad na pagbabago. Gayunpaman, mayroong mga guro na sandamakmak na ang kanilang teaching loads, paano na lamang nila mapagtutuunang pansin ang mga dapat pag-aralan ng bawat mag-aaral kung sobra-sobra na ang kanilang gawain? Patuloy tayong naghahangad ng kaunlaran at pagkatuto subalit mismo ang sistema ng edukasyon ay hindi matatag bilang pundasyon ng mga pagasa ng bayan. Sa pahayag ni EDCOM Executive Director, Dr. Karol Mark Yee, “Ang pag-aayos ng mga pundasyon ng edukasyon ay hindi lamang isang panlipunang pag-unlad, kundi isang pang-ekonomiyang pangangailangan din.” Ito ay nagmulat sa atin sa katotohanan na ang krisis ng edukasyon ay hindi lamang nangangahulugang mababa na mga marka sa pasulit ng mga estudyante. Bagkus, ang kakulangan upang tugunan ang kanilang mga pangangailangan. Bawat tao ay mayroong karapatan sa edukasyon, nawa’y magsilbi itong instrumento upang pakinggan ng ating pamahalaan ang dulot at maidudulot pa ng krisis na ito. Hindi sapat na pag-usapan lamang ang suliraning ito, nararapat ang isang pangmatagalan lunas na magpapahilum sa sugat ng sistemang pang-edukasyon ng ating lipunan. Upang makamit ang ating layunin na paunlarin ang edukasyon ng mga mag-aaral, dapat nating isaalang-alang ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral at guro sa pagpapalakas ng sistemang pang-edukasyon. Sa kabila ng hamon na ito, pag-asa ay hangad ng bawat Pilipino. Kaya naman, tuonan natin ito ng pansin at huwag isawalang-bahala lalo na’t kinabukasan ng sambayanan ang nakasalalay rito.
Kapag corrupt ang pinuno, naghihirap ang bayan. Panagutin ang dapat managot.”
unod na nga sa baha, lunod pa sa kurapsyon ang bansa. Kabi-kabilang anomalya, kabi-kabila rin ang pagtanggi ng mga sangkot. Sa bilyon-bilyong badyet na inilaan para sa flood-control projects na sana ay tugon sa lumalalang baha, 20% dito ay napunta lamang sa labin-limang mga kontraktor, iyan ay ayon kay Pangulong Marcos. Gayun paman, sa laki ng pondo na ibinigay ng gobyerno, patuloy pa rin ang paglubog ng bayan sa bawat pagpatak ng ulan. Tunay ba na inilapat ang badyet para sa mga proyek tong ito o naibulsa lamang ng mga politiko at kasamahan nito? Sino-sino sila? Sino ang dapat managot sa anomalyang ito?
Sa bawat bulgar ng isyu, panaguta’y sigaw ng publiko. Hindi lamang sapat ang imbestigasyon ng pamahalaan. Nararapat panagutin ang lahat na sangkot sa ma-anomalya na proyektong ito. Mga Pilipino ay minumulto sa katotohanan na ang kanilang tiwala sa gobyerno upang lutasin ang problema sa baha ay hindi kailanman maasahan dahil sa pagiging buwaya ng mga ito—ginamit ang pera ng taumbayan para sa pansariling interes, hindi na nahiya ang mga ito. Kaya naman, patuloy ang hangad ng mga Pilipino na magkaroon ng katarungan ang kanilang pagdurusa sa suliranin ng baha. Ang bayan ay naghihirap sa naging epekto ng palpak na mga proyekto kung kaya’t dapat ay panagutan ito ng mga opisyal sa likod nito. Bilang tugon sa isinisigaw ng mga tao, pinangunahan ni Dizon, DPWH secretary ang paghahain ng mga kaso para sa paglabag sa Republic Act No. 3019 (Batas Laban sa Pagka-corrupt at Ilegal na Gawain); Artikulo 217 ng Revised Penal Code (Pandaraya ng Pampublikong Pondo), kaugnay ng mga Artikulo 171 ng Revised Penal Code; Republic Act No. 9184. Tama naman na nagkaroon agad ng aksyon ang pamahalaan. Dagdag pa rito, sa pahayag ni Dizon, “Ito ang sinabi ng Pangulo. Muli at muli, simula sa kanyang SONA, hanggang sa kanyang maraming inspeksyon sa lugar. Ang sinumang dapat managot ay dapat mapanagot. Kahit na sila ay mga kakilala niya, mga kaibigan, mga kapanalig, lahat ay dapat managot. Ito ay simula pa lamang habang ang Independent Commission na itatatag ng aming Pangulo ay wala pang umiiral.” Sa bawat unos na nararanasan natin, hindi baha ang magpapalubog sa ating bansa kung hindi ang sakim na mga namamahala. Nawa’y hindi matahimik ang isyu na ito hangga’t hindi napapanagutan ng mga tao sa likod ng pera na naiwaldas na siyang sana ay magiging lunas sa paglala ng baha sa ating bansa. Kung ito’y hindi maitatama, patuloy ang unti-unting paglubog ng Pilipinas, hindi sa baha kundi sa kasakiman. Sa pamamagitan ng mga boses at pagkakaisa natin, katarunga’y makakamtan natin.
a panahon ngayon laganap parin ang kahirapan na natatamasa ng kabataan. Kada pasok sa eskwela ay bitbit nila ang gutom at kahirapan na naipataw sa kanila. Pag gising sa umaga ay di tungkol sa paaralan ang naiisip nila, kundi paano mabigyan ng solusyon ang gutom na nararamdaman nila. Paano sila makakabangon para matawag na pag-asa ng bayan kung ang tanging naiwan sa kanila ay baon ng kahirapan?
Para sakin ang kahirapan ang isa sa problemang di kailangan matamasa ng mga kabataan. Ang ibang kabataan ay napipilitang lumiban dahil mas kailangan mabigyang pansin ang kanilang kahirapan at kung paano mapawi ang kagutuman. Sa kadiliman ng gabi ang iba ay natutulog at pinapawi na ang kanilang lakas, habang ang ibang kabataan ay naghahanap ng pantustos sa kagutumang di mapigilan. Sino nga bang magaakalang kahirapan ang babati at magiging hadlang sa kanilang inaasam na maliwanag na kinabukasan? Habang ang ibang kabataan ay tinutupad ang kanilang inaasam na kinabukasan, ang iba ay ginagampanan ang pilit na ipanapataw ng kahirapan. Hindi mapagkakaila na ang kahirapan ang isa sa salik na nakaka apekto sa pag-aaral
opinyon Baon ng kahirapan, bitbit ng kabataan Shane Otero Ngiting nagpapabuhay ng pag-asa
ng mga kabataan. Ang kahirapan ay hindi madaling masolusyunan kaya’t ang goberno ay dapat itong tutukan. Dapat alagaan ang kabataan dahil sa lahat ng larangan, ang kabataan ang may hawak ng kinabukasan ng bayan. Maghihintay na lamang ba ang pamahalaan, na ang kabataan mismo ang sumuko at talikuran ang titulong pag-asa ng bayan?
“Hindi dapat maging hadlang ang kahirapan sa pangarap ng kabataan. Ang gobyerno ang dapat tumugon sa kanilang pangangailangan.”
Matagal nang usapin ang pagpapatupad ng dress code policy sa mga paaralan. Mula pa noong una, naniniwala ang mga indibidwal na mayroon itong mahalagang gampanin sa larangan ng disiplina para sa mga estudyante. Ang pagkakaroon ng polisiya sa dress code ay nagtuturo sa mga mag-aaral upang maging disente, disiplinado, at pantay-pantay tignan. Layunin ng mga patakaran sa dress code na igalang ang pangalan ng institusyon at bawasan ang distraksyong dala ng mga damit na pinipili ng mga mag-aaral. Sa paaralan, mahalaga para sa atin na sundin ang isang tuntunin na magdadala ng disiplina at pagkakaisa sa atin.
ayapa na gabi, mga indibidwal ay tahimik na namamahinga mula sa buong araw na pagtatrabaho at pag-aaral. Sa katahimikan ng dilim sino ang mag-aakala na isang kaganapan ang yayanig sa kanilang mga buhay?
Pahinga kung ituring ng karamihan ang gabi ngunit sa hindi inaasahan ay sumabay naman ang kasawian ng buhay matapos tumama ang magnitude 6.9 na lindol sa Bogo City, Cebu noong gabi ng Setyembre 30. Isang kaganapan ang walang sino man ang nagpalagay. Ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ay nakapagtala ng kabuuang 8,298 aftershocks. Sa pagpapatuloy ng mga aftershocks, walang humpay rin ang kalbaryo ng mga tao at patuloy na lumalala ang pinsala na dala nito. Sa kabila ng kalamidad, ang mga ngiti ng mga taga-Cebu ay kitang-kita pa rin sa kanilang mga mata— ito ay patunay ng katatagan ng pilipino na kahit pa sa unos ay patuloy pa rin na naghahangad ng pag-asa. Mga tao na mula sa iba’t-ibang sulok ng bansa ay nag-abot ng tulong sa kanilang mga kababayan kaya’t hindi maitago ang saya at pagpapasalamat ng Cebuano. Sa likod ng mga luha na umaagos sa mga mata vvvnila ay ngiti ng kababayan na nagpapabuhay sa kanilang pag-asa. Sigaw ng mga Pilipino, Bangon Cebu! Bag-
Sa kabila ng lindol, lagi pa ring may pag-asa.”
Polisiya Para sa Disiplina
Hakbang Inspirasyon
Sa Bawat Hakbang, May Lakas
Hindi kailanman naging sukatan ang kumpletong katawan upang maging ganap na guro. Si Ma’am Maria Pennie Pagsiat, isang guro na may kundisyong mas maikli ang isang paa, ay patunay na hindi kailanman hadlang ang kakulangan upang makapagturo, magmahal, at magbigay-inspirasyon.
Bawat hakbang niya sa silid-aralan ay paalala na sa likod ng bawat kahinaan, may pusong hindi sumusuko. Habang ang iba ay lumalakad nang mabilis, siya’y matatag na sumusulong, hakbang-hakbang, may tiwala sa Diyos at sa sarili. Sa bawat aral na kanyang ibinabahagi, nakikita ng kanyang mga estudyante ang higit pa sa leksyon ng aklat, kundi leksyon ng katatagan, pagasa, at pananampalataya. Sa mundo kung saan madalas hinuhusgahan ang kakayahan batay sa pisikal na anyo, pinatunayan ni Ma’am Pennie na ang tunay na lakas ay hindi nasusukat sa mga paa na naglalakad, kundi sa pusong marunong bumangon at magpatuloy. Sa
kabila ng mga limitasyon, hindi siya kailanman napagod sa pagtuturo at pagmamahal. Sa halip, ginawa niyang inspirasyon ang kanyang kondisyon upang maipakita sa mga estudyante na kahit may kulang sa katawan, buo naman ang kanyang puso sa paglilingkod. Sa bawat pagpasok niya sa klase, dala niya ang mensaheng: Hindi mo kailangang maging perpekto para makapagbigay ng inspirasyon, minsan, sapat na ang puso mong marunong lumaban.
HINDI MO KAILANGAN,
Maging Sundalo, Para Maging Bayani
Hindi madali ang huminga sa mundo kung saan bawat paghinga ay paalala ng sakit at takot. Pero si Sir Franque Manuel C. Carrasco, 31 taong gulang, ay patuloy na humihinga, hindi para sa sarili, kundi para sa kanyang anak na si Amari Elleanor, na may karamdaman na tinatawag na 1P36 Deletion Syndrome, na may kasamang pagkaantala sa pangkalahatang pag-unlad at sakit na pangingisay. Ito ang malaking dahilan kung bakit siya lumalaban.
Minsang tinanggalan ng bahagi ng baga noong 2017, halos dalawang beses nang nalugmok sa kamatayan, ngunit sa halip na sumuko, pinili niyang mabuhay. Sa bawat hirap, sa bawat gabing puno ng pag-aalala at pagod, lagi niyang isinisigaw sa sarili: “basta kay Amari, kaya ko pa.” Ang kanyang asawa, si Mary Olive, ang kasama niya sa laban na ito, isang laban na hindi sinusukuan kahit pa ang sahod ay kinakain ng utang, kahit ang katawan ay patuloy na ginugupo ng hika’t pagod. Noon pa man, pangarap na ni Sir Franque na maging sundalo, ngunit hindi siya tinanggap dahil sa kanyang kalusugan. Ngunit kahit hindi siya nagtagumpay sa unipormeng kanyang minimithi, pinatunayan niyang may mas dakilang laban pa kaysa sa digmaan, ang laban para sa pamilya. Noong Hulyo 24, 2019, nagsimula ang kanyang buhay bilang guro, isang trabahong puno ng responsibilidad at sakripisyo. Ngunit higit pa rito, pinili rin niyang maging content creator, hindi para sa kasikatan, kundi upang madagdagan ang kita para sa gamot ng anak niyang may espesyal na pangangailangan. Sa bawat video na inedit niya, sa bawat gabing ginugol niya sa paggawa ng content, dala niya ang pagasang kahit sa maliit
na paraan, may ambag siyang kaginhawaan para sa pamilya. Sa likod ng kanyang mga ngiti ay ang lalaking minsang nangarap maging sundalo, ngunit tinanggihan ng tadhana dahil sa kalusugan. Gayunman, nananatiling mandirigma si Sir Franque, hindi sa larangan ng digmaan, kundi sa laban ng buhay, kung saan ang sandata niya ay puso, at ang panalo niya ay ang bawat araw na nakakaya niyang ngumiti, huminga, at magturo.
Guro ng Pag-asa Kalayaanat
Sa Likod ng Rehas, Pag-asa’y Di Nagwawakas
Ni : Aira Maro
Sa mundong tinatalian ng rehas at pangungusap ng nakaraan, may isang tinig na patuloy na bumubuo ng panibagong simula. Siya si Ma’am Roxan Jean Rollo, isang guro na hindi lamang nagtuturo, kundi nagsusulong ng pagbabago.
Sa bawat hakbang niya papasok sa Lumbia City Jail, dala niya ang liwanag na matagal nang inaasam ng mga nakakulong. Ang kanyang tinig ay nagiging paalala na kahit nakakulong ang katawan, may kalayaang hatid ang edukasyon. Sa bawat aral na kanyang itinuturo, unti-unting napapalitan ng pag-asa ang pagod, at ng panibagong pagtanaw ang dating pagsuko.
Hindi madali ang lumayo sa pamilya upang tumugon sa tawag ng tungkulin, ngunit sa puso ni Ma’am Roxan, mas nangingibabaw ang hangarin na magbukas ng pinto para sa mga taong nakasara na sa mundo. Sa likod ng rehas, siya ang paalala na hindi kailangang malaya upang makapagpalaya, at hindi kailangang bayani upang magligtas. Tulad ng araw na patuloy sumisikat kahit natatakpan ng ulap, si Ma’am Roxan ay patuloy na nagbibigay liwanag, dahil para sa kanya, kahit sa pinakamadilim na kulungan, ang pag-asa ay kailanman hindi nagwawakas.
Lumaban, Nanindigan, Nagtagumpay, Nagturo
Sa Bawat Hakbang, Hindi sumusuko
“Paano ako makakabayad ng tuition? Saan ako kukuha ng pera?” mga tanong na paulit-ulit sa isip ni Ma’am Mary Grace Garcia Bebillio, kilala ng kanyang mga estudyante sa Lumbia National High School bilang “Ma’am Grace.” Mula pa kolehiyo, hindi naging madali ang kanyang buhay.
kanyang scholarship. Sa wakas, nakapagtapos siya ng kolehiyo at ngayon ay isang ganap na guro. Sa bawat aral na kanyang ibinabahagi, pinapaalala niya sa mga estudyante na huwag tumigil mangarap. “Libre ang mangarap,” aniya. “Kaya huwag mong hayaang hanggang dito ka lang.” Tunay nga, sa bawat hakbang ni Ma’am Grace, napatunayan niyang ang tagumpay ay para sa mga hindi sumusuko.
Naranasan niyang hindi kayang pag-aralin ng mga magulang, kaya’t naghanap siya ng paraan. Lumapit siya sa simbahan upang maglingkod at makapag-ipon, ngunit imbes na para sa sarili, ibinigay niya ang tulong na pera ng pastor sa kanyang amang may sakit-isang sakripisyong nagpapatunay ng kanyang pusong handang magbigay. Sa kabila ng sariling pangangailangan, mas pinili niyang unahin ang pamilya dahil sa puso ni Ma’am Grace, ang pagmamahal ay higit pa sa anumang pangarap.
Paglaon, sa patuloy niyang paglilingkod sa simbahan, nakilala niya si Kagawad Rodriguez, ang taong nagbukas ng pintuan para sa
lathalain
Ni Mary Cabang
lathalain
lathalain
lathalain
Ni Aira Maro
Ni Aira Maro
Dibuho ni Ivan Revilla at Sheng Tubal
Paciencio Ysalina
Ni Aira Maro
Sa Likod ng Rehas, Pag-asa’y Di Nagwawakas
Sa isang kalsada na tila tahimik, may mga kwentong hindi mo agad maririnig, dito sa P. Ysalina Street, mula sa pinto ng Lumbia City Jail hanggang sa Gran Europa Gate, naglalakad ang mga pangarap, pag-asa, at mga pusong pilit na lumalaban sa sariling kadiliman.
Sa bawat hagdan, sa bawat tunog ng rehas na bumubukas at nagsasara, may kwentong lumalampas sa ingay ng mundo, mga taong kahit nakulong, may tinatagong pag-asa at may mga guro’t lingkod na tahimik na nagbibigay liwanag sa kanilang araw-araw. Hindi madali ang maglakad sa kalsadang ito, ngunit dito mo makikita ang tapang sa mga mata ng bawat taong nagtatagpo sa buhay sa likod ng rehas. Ang mga guro at tagapaglingkod sa paligid, kahit hindi nakikita ng karamihan, ay parang mga ilaw na hindi nama matay, patuloy na nagbabantay, nagtuturo, at nagmamahal. Sa bawat ngiti at kamay na umaabot sa nakakulong, may kwento ng ka bayanihan, na hindi nasusukat sa medalya o titulo, kundi sa tibay ng puso at sa pag-asa na hindi nawawala. Sa P. Ysalina Street, sa likod ng rehas, buhay ay patuloy na naghahabi ng mga kwento ng tapang at pag-asa, kahit ang mundo ay tila nakakalimot sa kanila.
Kwento ng Lider at Alaala ng Lumbia
Sa tahimik na daan mula Lumbia patungong Wahigan, matatag na nakatayo ang Torralba Residency hindi lamang isang tahanan, kundi isang buhay na alaala ng pamana at pamumuno ng mga unang lider ng Lumbia, na patuloy na humuhubog sa kasaysayan ng lugar hanggang sa ngayon. Dito, bawat pader at haligi ay saksi sa kwento ng pamumuno, sakripisyo, at pangarap ng pamilyang nagbigay direksyon sa komunidad. Ang simpleng halakhak sa bakuran at mga hapong puno ng gawaing pamilya ay parang bulong ng nakaraan, nag-uugnay ng kasaysayan sa kasalukuyan, at nagpapaalala na ang tunay na pamana ay nasa tibay ng puso at gawa. Bawat pintuan at bintana sa Torralba Residency ay tanawin ng pangarap at pag-asa, na patuloy na humuhubog sa mga susunod na henerasyon. Ang mga tanim, ang halakhak, at ang tahimik na sakripisyo ng pamilya ay nagiging liwanag sa madilim na kalsada ng buhay, isang paalala na sa S. Torralba Street, ang pamana at pagmamahal ay musika ng buhay, tahimik man sa simula, ngunit umaapaw sa tibok ng puso at init ng alaala. Sa likod ng lumang gate, may mga yapak ng kabataan— mga apo at bisita—na tila muling binubuhay ang diwa ng tah-
Hakbang ng Kabataan, Pangarap ng Bayan
Ni : Aira Maro
anan. Ang mga kwentong paulit-ulit na ikinukwento sa hapag, ang mga larong pinoy sa bakuran, at ang mga tanim na muling sumisibol ay patunay na ang Torralba Residency ay hindi lamang alaala, kundi buhay na pamana. Sa bawat pagbisita, muling nabubuo ang koneksyon ng nakaraan sa kasalukuyan, at ang tahanan ay nagiging guro ng kasaysayan.
Sa mga mata ng mga batang dumadalaw, ang Torralba Residency ay tila isang museo ng pagmamahal—hindi ng tahimik na pagkaluma, kundi ng aktibong pag-aalaga sa alaala. Sa bawat sulok, may aral ng kabayanihan, sa bawat halakhak, may paalala ng pagkakaisa. Sa panahong mabilis ang takbo ng mundo, nananatiling matatag ang tahanang ito, isang paalala na ang ugat ng komunidad ay laging nakabaon sa lupa ng alaala, at ang bunga nito ay pag-asa.
Sa tabi ng bawat sementadong daan, naroon ang mga guro na tahimik na nagbabantay, nag-aakay, at nagmamahal, kahit walang nakatingin. Habang lumalakad, dala-dala nila hindi lamang ang sarili nilang pangarap kundi pati ang pangarap ng kanilang pamilya at komunidad. Ang bawat yapak sa kalsadang ito ay may kuwentong hindi nasusulat sa mga aklat: luha,
pagkadapa, at muling pagbangon. Ang Dalmacio Sabalo Street ay parang tahimik na guro, nagbibigay ng aral sa bawat hakbang na puno ng determinasyon, nagtuturo na sa bawat unos, may pag-asa na naghihintay sa dulo. At sa huling sulyap sa harap ng Lumbia National High School, maririnig mo ang tahimik na sigaw ng kabataan: “Hindi kami susuko. Ang pangarap namin ay Sa bawat umagang may ambon o alinsangan, nananatiling buhay ang ritwal ng paglalakad—tila isang prusisyon ng pag-asa. Ang mga tsinelas na may butas, ang unipormeng pinlantsa ng pagmamahal, at ang baong niluto ng ina ay mga simbolo ng sakripisyo na hindi kailanman isinisigaw. Sa katahimikan ng kalsada, naroon ang ingay ng pangarap na hindi kailanman pinapatid ng pagod. Sa mga poste ng kuryente at pader ng paaralan, may mga bakas
ng poster, paalala, at minsan, mga lihim na sulat ng kabataan—mga patunay na ang Dalmacio Sabalo Street ay hindi lamang daan, kundi pahina ng kanilang kabataan. Dito rin unang natutunan ang pagkakaibigan, ang pagtulong sa kapwa, at ang pagharap sa takot—mula sa unang recitation hanggang sa unang pagkatalo sa paligsahan. At kapag dumating ang hapon, habang papalubog ang araw sa likod ng mga punong kahoy, ang kalsadang ito ay nagiging salamin ng paglalakbay. Ang mga anino ng mga batang pauwi ay tila paalala na ang edukasyon ay hindi natatapos sa loob ng silid-aralan. Sa Dalmacio Sabalo Street, ang bawat hakbang ay panata: na balang araw, babalik sila hindi bilang estudyante, kundi bilang guro, lider, o inspirasyon—patunay na ang pangarap, kapag iningatan, ay lumalago sa mismong daan kung saan ito unang isinulat.
Ang bawat hakbang, tagumpay sa pangarap at tiyaga.
Tinig ng Araw-araw na Pagsusumikap
Tuwing Miyerkules at Huwebes, muling nabubuhay ang Sofia Magsalos Street sa mga tunog ng mga tao na nagdadala ng tabo sa bawat tahanan. Mula sa Bacas Residence hanggang sa Red Island, ang kalsadang ito ay tila venang dumadaloy sa puso ng komunidad, may halong tawanan, usapan, at pag-asa. Dito, makikita ang mga ina na nagdadala ng tubig, ang mga bata na naglalaro sa gilid ng kalsada habang naghihintay sa kanilang
alitaptap ng pagkain at kaunting pahinga, at ang mga matanda na tahimik ngunit matatag na bumubuhay sa pang-arawaraw nilang laban. Hindi lamang ito daan ng tubig; ito ay daan ng buhay, pagmamahal, at simpleng kabayanihan. Ang bawat hakbang sa Sofia Magsalos Street tuwing araw ng tabo ay paalala na sa bawat maliit na gawa, may kwento ng sakripisyo at pag-aaruga. Kahit ordinaryo ang araw, ramdam mo sa hangin ang tibay ng puso ng bawat taong nagmamahal sa kanilang pamilya at kapwa. Sa bawat patak ng tubig na iniikot mula isa’t isa, may lihim na mensahe: “Sa maliit na paraan, naglilingkod tayo, nagmamahal tayo, at nagpapatuloy tayo sa kabila ng hirap.”
Bawat umaga, muling nagigising ang Melicio Cabarrubias Street, mula sa tahanan ng Manuel Ysalina Residence hanggang sa harap ng Lumbia Central School. Ang kalsadang ito ay hindi lamang bato at alikabok, ito ang tahimik na saksi sa bawat hakbang ng kabataan na naglalakad patungo sa kanilang pangarap. Dito mo maririnig ang tunog ng mga tsinelas, mga tawanan ng magkakaibigan, at ang mga kwentong binubulong sa hangin ng mga batang sabik matuto. Sa bawat hakbang, dala nila ang pag-asa at pangarap ng kanilang mga pamilya, mga
pangarap na sa kabila ng kahirapan ay hindi kailanman nawawala. Ang Melicio Cabarrubias Street ay parang lifeline ng mga estudyante, daang patungo sa kaalaman, sa kinabukasan, at sa mga pagkakataong bumabalot sa kanila ng inspirasyon. Ang bawat silid ng Lumbia Central School ay may kwento: may guro na nagbubukas ng isipan, may batang natutong mangarap, at may halakhak na nagmumula sa puso. Dito, ang ordinaryong daan ay nagiging pambihirang saksi sa mga kabataang patuloy na lumalaban, at sa bawat pag-ikot ng gulong, bawat hakbang ng paa, may lihim na awit ng pag-asa na nagsasabing: “Sa bawat lakad patungo sa paaralan, hatid natin ang liwanag ng bukas.”
Daan ng Pangarap at Pag-asa
Tahimik ang umaga sa Juan Lopez Street, mula sa Public Cemetery hanggang sa harap ng Lumbia Central School. Sa bawat hakbang, dama mo ang bigat ng nakaraan, mga alaala ng mahal sa buhay na nakahimlay sa katahimikan ng sementeryo. Ngunit kasabay ng paglakad ng mga estudyante patungo sa paaralan, may bagong pag-asa na sumisibol sa bawat ngiti, bawat tawanan, at bawat hakbang na puno ng pangarap. Ang daang ito ay paalala na sa kabila ng pamamaalam, may bagong simula na naghihintay sa bawat kabataan. Sa bawat araw na dumaraan ang mga estudyante, ang Juan Lopez Street ay nagiging tulay ng buhay at alaala, mga aral mula sa nakaraan, at mga pangarap para sa kinabukasan.
Ang sementeryo, na tahimik at puno ng katahimikan, ay parang paalala na mahalaga ang bawat sandali, habang ang Lumbia Central School ay simbolo ng mga bagong pagkakataon at pag-asa. Sa daang
Sa Daan ng Alaala, Sumisibol ang Pag-asa
ito, natututo ang kabataan na harapin ang buhay nang may tapang, dala ang alaala ng nakaraan at ang liwanag ng bukas.
Sa mga poste ng kalsada, may mga bakas ng lumang kampanya, paalala ng mga panahong lumipas—mga mukha ng lider, mga pangakong binitiwan, at mga adhikain na minsang isinulat sa papel. Ngunit higit sa lahat, ang tunay na kampanya ay makikita sa mga mata ng kabataan: ang kampanya para sa kaalaman, para sa kinabukasan, at para sa pag-angat ng kanilang mga pamilya.
Sa Juan Lopez Street, ang bawat araw ay
eleksyon ng pag-asa. Kapag bumubuhos ang ulan, ang kalsadang ito ay nagiging salamin ng pagtitiis. Basangbasang sapatos, malamig na hangin, at mabigat na bag—lahat ay bahagi ng sakripisyo, pagiging matatag, at puno ng pag-asa.
Ni : Aira Maro
Ni Aira Maro
kuha ni Ivan Revilla at Sarah Caballero
balitangagham
Katuwang saKalikasan
balitangagham
Mala-halimaw kung humagupit
to ay isa sa mga suliranin na mahirap solusyunan sa buong Pilipinas. Sa mga nakalipas na taon mas lumala pa ang epekto ng krisis sa klima at heatwaves sa bansa. Ang krisis sa klima ay isang termino na ginagamit upang ilarawan ang epekto. Samantala ang heatwaves naman ay kilala bilang matinding init, isang panahon na hindi normal ang init.
naglalabas ng gas. Sa kabuuan, ang krisis sa klima at matinding heatwave ay nagdudulot ng malawakang epekto sa kalikasan, kalusugan at kabuhayan ng mga tao. Mahalagang magkaisa ang bawat isa sa pagpapatupad ng mga solusyon tulad ng pagtanim ng puno, at pagbabawas ng emisyon. Sa ating pagkakaisa maari nating mabawasan at ma protektahan ang ating inang kalikasan laban sa sakuna. Bukod sa mga nabanggit, mahalagang pagtuunan ng pansin ang papel ng teknolohiya sa paglaban sa krisis sa klima. Sa kasalukuyan,
PALAGING YUMAYANIG
Apektado
unong guro ng Lumbia National Highschool (LNHS) na si Gng.Maurita M. Donasco ay naglunsad ng “ Tree planting Activity”sa Lower Kiam-is,layunin nitong maligtas sa sobrang pagbaha ang nasabing lugar,noong Setyembre
mga tao sa kung umulan ngmalaking tulong para sa aga-siyahan ng mga mag-aaral.Sa pamamagitan ng pagtatanim kagalakan sa mga mag-aaral na nawalan na ng gana na magtanim” ani pa nito Gayunpaman, hindi lahat ng mga estudyante ang nakapunta doon para magtanim ng puno.Iilan sa mga estudyante ang naiwan sa paaralan para magsagawa ng “BBB” o paglilinis sa kapaligiran ng paaralan. Sa kabutihang palad,lahat sila ay kumilos at tumulong sa gawain.Hindi naging hadlang sa mga guro ang mga naiwang mag-aaral na turuan ng mabuti sa paglilinis. Dahil sa pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa sa programa,naging matagumpay nilang natapos ito.Hindi umabot ng isang oras ang pagtatanim nila. Pagkatapos ng programa ay nagpasalamat ang mga guro sa aktibong pakikilahok ng mga estudyante. Ang “tree palnting activity” ay nakatulong sa maraming pilipino na nag titiis sa labis na pagbaha.Ang programa na ito ay hindi tungkol sa pagtulong kundi sa pagkakaisa.Magkaisa sana ang mga mamamayan para sa pagpapanatili sa paggawa ng “tree planting activity”,dahil sa paraan na ito uusbong ang pangkabu hayan at mananatiling ligtas
Ni Janrose Balacuit
Sariwang Preserbasyon
Mas mahabang preserbasyon ng gulay at prutas
Isang makabagong teknolohiya ang inilunsad ng EIT Food at mga katuwang nitong institusyon na naglalayong pahabain ang pagiging sariwa ng mga prutas at gulay. Tinatawag itong Antiviral and Shelf-life Prolonging Edible Coating, isang kainin, walang amoy, at walang kulay na patong na gawa sa sodium alginate, sucrose ester, at gallic acid.
Batay sa pananaliksik ng mga miyembro ng EIT Food kaya nitong bawasan ng hanggang 60% ang posibilidad ng pagkasira ng prutas at gulay sa loob ng ilang araw. Ang naturang coating ay hindi lamang eco-friendly kundi may kakayahang pigi lan din ang pagkalat ng mga virus tulad ng COVID-19 at Hepatitis A sa mga pagkain. Sa ginawang pagsubok, napatunayang ligtas itong kainin at may antiviral at antimicro bial function na makatutulong upang map anatili ang kaligtasan ng pagkain. Ayon sa datos ng EIT Food, tumaas ng 40% ang interes ng mga mamimili sa mga produk tong may karagdagang proteksyon laban sa mga virus mula nang pandemya. Bukod sa kaligtasan, malaking tulong din ito sa pagpapanatili ng sustainability ng pagkain. Ang teknolohiyang ito ay nakatutulong upang mabawasan ang 30% global food waste na karaniwang nagmu mula sa mga nabubulok na prutas at gulay. Sa ganitong paraan, napapalawig hindi la mang ang shelf life ng mga produkto kundi pati na rin ang kalusugan at kaligtasan ng mga mamimili sa buong mundo.
Ang paggamit ng mga teknolohiyang tulad ng antiviral coating ay isulong at ipatupad sa mas malawak na saklaw upang mapanatiling ligtas at sariwa ang ating pagkain. Sa ganitong paraan, makakamit
Dibuho lahat ni Ivan Revilla at Sheng Tubal
balitangagham
Serbisyo ng Philippine Red Cross
Nicole Pagtalunan
Pagsasanay sa CPR, pinangunahan ng Philippine Red Cross sa Lumbia NHS
I
sinagawa ng Philippine Red Cross ang isang CPR Caravan sa Lumbia National High School (LNHS) upang turuan ang mga estudyante ng tamang paraan sa pagsasagawa ng Cardiopulmonary Resuscitation (CPR).
Ang programa ay pinangungunahan ni Eleanor Theressa Abellan kasama ang iba pang mga tagapagsanay mula sa Red Cross. Humigit-kumulang 40 estudyante mula sa Grade 8 hanggang Grade 12 ang mga dumalo, kabilang ang mga miyembro ng Boy Scout at mga Science Class na estudyante.
Sa pagsasanay, ipinaliwanag ni Eleanor Theressa Abellan ang tamang hakbang sa pagresponde kung mayroong heart attack
o cardiac arrest, kabilang ang pagtawag ng 911 at pagbibilang ng limang segundo bago simulan ang CPR. Nagpakita rin sila ng aktwal na demonstrasyon upang mas maunawaan ng mga estudyante ang tamang paraan sa pagsasagawa ng agarang CPR sa pasyente. Ayon sa datos ng Red Cross, mahigit 20,000 Pilipino ang namatay taun-taon dahil sa kakulangan ng kaalaman sa tamang CPR. Sa kabuuan, ipinapaalala ng Philippine Red Cross na
ang pagtuturo ng CPR ay makatutulong upang makapagsagip ng buhay sa oras ng sakuna o emergency. Dapat nating ipagpatuloy ang ganitong mga programa upang maging handa at may kasanayan ang bawat kabataan sa pagtugon sa anumang uri ng krisis.
delikado, pero paalala ng lakas ng kalikasan. Handa tayo sa sakuna kung may tamang kaalaman at paghahanda.”
Sea Slug ng Pilipinas, Bayani ng Bahura at Siyensiya
Sa ilalim ng bughaw na dagat ng Pilipinas, sa pagitan ng mga bahura ng Anilao, Apo Island, at Tubbataha, namamayani ang mga nilalang na tila obra maestra ng kalikasan—ang mga sea slug. Bagaman maliit at madalas hindi napapansin, ang mga sea slug ay may mahalagang papel sa larangan ng agham at teknolohiya. Sa kanilang makukulay na katawan, kakaibang gawi, at natatanging katangian, sila ay nagsisilbing susi sa mas malalim na pag-unawa sa ekolohiya ng dagat, potensyal sa medisina, at pagsulong ng lokal na pananaliksik.
Ang Pilipinas ay bahagi ng Coral Triangle, isang rehiyon na kinikilala bilang sentro ng marine biodiversity sa buong mundo. Dito matatagpuan ang mahigit 1,000 uri ng sea slug, kabilang ang mga nudibranch na kilala sa kanilang “hubad na hasang” at mga sacoglossan na may kakayahang magsagawa ng photosynthesis. Ang kanilang presensiya ay hindi lamang palamuti sa ilalim ng dagat kundi tagapagpahiwatig ng kalusugan ng ekosistema. Dahil sa kanilang espesyalisadong diyeta— karaniwang sponge, hydroid, o coral—ang pagkawala o pagdami ng sea slug ay maaaring magpahiwatig ng aaralan din sa larangan ng medisina. May ilang uri, gaya ng Glossodoris atromarginata, na nag-iimbak ng lason mula sa kanilang kinakain at ginagamit ito bilang panlaban sa mga mandaragit. Ang mga compound na ito ay sinasaliksik ngayon bilang posibleng sangkap sa gamot laban sa kanser, impeksiyon, at sakit sa nerbiyos. Mayroon ding mga sea slug gaya ng Elysia crispata na kumukuha ng chloroplast mula sa algae at ginagamit ito upang makagawa ng enerhiya mula sa araw—isang pambihirang katangian sa mundo ng hayop. Sa mga ekspedisyong isinagawa ng California Academy of Sciences noong 2011 at 2015, mahigit 100 bagong species ang natuklasan sa Pilipinas, kabilang ang mga nudibranch na hindi pa naitatala sa agham. Isa sa mga natatanging tuklas ay ang Chromodoris alcalai, na ipinangalan kay Dr. Angel Alcala, isang Pilipinong siyentipiko na nanguna sa pagtataguyod ng marine protected areas. Isa pang pambihirang uri ay ang Phyllodesmium parangatum, na ang pangalan ay hango sa salitang “parang gatas” dahil sa mala-gatas nitong hitsura. Taglay nito ang kakayahang maki pag-ugnayan sa algae upang makuha ang enerhiya mula sa araw, gaya ng ginagawa ng mga coral. Hindi lamang mga siyentipiko ang gumaganap ng papel sa pag-aaral ng sea slug. Sa tulong ng mga lokal na diver, underwater photographer, at citizen scientists, patuloy na nadaragdagan ang tala ng mga uri sa mga plataporma gaya ng iNaturalist. Ang ganitong pakikilahok ay nagpapalawak ng datos para sa pananaliksik at tumutulong sa konserbasyon ng mga bahura. Sa kabila ng kanilang kaliitan, ang mga sea slug ay patunay na ang agham ay hindi laging nakasentro sa malalaki o makapangyarihang nilalang. Sa Pilipinas, sila ay simbolo ng
Ni Nicole Pagtalunan
Dibuho ni Ivan Revilla at Sheng Tubal
Ni : Janrose Balacuit
Janrose Balacuit
Pilipinas sa Pacific Ring of Fire:
HIV, No More
Ni Nicole Pagtalunan Bagong Shot ng Pag-asa Handang Abutin ang Bansa ng pinakabagong medisina na nakatakdang baguhin ang landscape ng HIV prevention sa Pilipinas ay ang injectable na Lenacapavir. Ito ay isang long-acting antiretroviral drug na ini-inject lamang dalawang beses kada taon bilang isang uri ng pre-exposure prophylaxis o PrEP, na inilaan upang mapigilan ang HIV infection bago pa man ito mangyari.
A Hindi tulad ng mga dating gamot na kailangang inumin araw-araw, ang Lenacapavir ay nagbibigay ng mas madaling regimen na makatutulong lalo na sa mga nahihirapang sumunod sa araw-araw na pag-inom ng tableta. Inaprubahan ng World Health Organization (WHO) ang gamit ng Lenacapavir bilang makabagong opsyon para sa HIV prevention, kung saan itinuturing ito bilang isang “game changer” dahil sa tagal ng epekto nito at mataas na bisa laban sa HIV. Sa Pilipinas, naging bahagi ito ng mga hakbang ng UNAIDS at Department of Health upang kontrolin ang pagkalat ng HIV, isang malaking problema lalo na’t patuloy na tumataas ang bilang ng mga bagong kaso sa bansa. Dahil dito,
inaasahan na mas mapapabilis ang pagkakaroon ng access sa gamot na ito para sa mga nasa high-risk groups. Bukod sa Lenacapavir, patuloy din ang paggamit ng tradisyunal na PrEP na isang paraan ng pag-inom ng kombinasyon ng mga gamot na tenofovir at emtricitabine, na ginagamit arawaraw o kapag may panganib na exposure sa HIV. Ang programa ng PrEP sa Pilipinas ay nakapagtala ng malalaking tagumpay, kabilang ang zero cases ng bagong HIV infection sa mga sumali sa pilot projects. Ito ay nagpapatunay na epektibo ang pinaghalong mga bagong at kasalukuyang gamot sa pagbawas ng panganib sa HIV, kasabay ng mga intensibong kampanya para sa kalinawan at edukasyon tungkol sa
HIV prevention. Sa pag-usbong ng mga ganitong teknolohiya sa medisina, umaasa ang bansa na mas marami pang Pilipino ang maabot at maprotektahan laban sa HIV. Mahalaga ang suporta ng gobyerno at mga organisasyon upang mapadali ang distribusyon at impormasyon tungkol sa mga bagong medisina tulad ng Lenacapavir. Sa pamamagitan ng kombinasyon ng agham, teknolohiya, at edukasyon, mas malaki ang tsansa na mapababa ang kaso ng HIV sa Pilipinas, na nagbibigay pag-asa sa isang malusog at ligtas na kinabukasan para sa lahat.
Ni Aira Jane Maro
May mga halimaw sa mundo na tahimik. Hindi mo sila maririnig, hindi mo sila makikita, ngunit dala nila ang kapangyarihang pumatay. Isa sa pinakamatinding halimaw na ito ay ang rabies. Isang virus na tahimik ngunit mabilis pumatay, mula sa hayop, dumadaan sa sugat, at humahantong sa utak ng tao.
balitangagham
Football ang tunog ng mundo, Futsal ang tinig ng talino
Sa mundo ng isports, parehong layunin ng football at futsal ang magpapakitang-gilas sa pagmamaniobra ng bola at pagmamarka ng goal. Ngunit sa kabila ng kanilang pagkakatulad, hindi maikakaila na mas kilala at mas sikat pa rin ang football kaysa futsal, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
“Ang Lenacapavir ay isang himala ng agham na nagdadala ng pag-asa laban sa HIV; mas madali, mas epektibo, at nagbibigay proteksyon para sa kinabukasan ng bawat isa.
Agham sa Gitna ng Pagyanig
Ni Janrose Balacuit
Lindol, hadlang sa pagdiriwang ng Science Month sa Lumbia NHS
ng Lumbia National High School (LNHS) ay nakatakdang magdiwang ng Science Month Celebration nang maganap ang isang 5.2 magnitude na lindol noong ika-10 ng Oktubre, 2025, ganap na 9:42 ng umaga.
Ayon kay Ma’am Melanie N. Lopez, ang malakas na pagyanig ang naging dahilan upang ipagpaliban ang mga nakahandang aktibidad. Layunin sana ng selebrasyon na maipakita ang kahalagahan ng Agham sa pag-unlad ng lipunan at sa pang-araw-araw na buhay ng mga mag-aaral. Dahil sa naturang lindol, agad na ipinag-utos ng punong guro, na si Maurita M. Donasco na ipagpaliban ang lahat ng programa para sa kaligtasan ng mga estudyante at guro. Ang mga inaabangang paligsahan
tulad ng Ambassadress at Ambassadors ng Kalikasan at seremonya ng parangal sa mga mananalo sa Essay Wringting, Poster Making, Slogan Making, Science Quiz Bowl, Paper Tower Contest, Science Large Barge, Paper Airplane, at Brochure Making ay pansamantalang isinantabi. Batay sa ulat ng PHIVOLCS, naramdaman ang lindol sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao, dahilan upang magsagawa ng agarang paglikas at pagsusuri sa mga gusali ng mga iba’t ibang paaralan.
Gayunpaman, inihayag ni Ma’am Melanie N. Lopez
na muling itutuloy ang Science Month Celebration sa susunod na pagkikita. Batay sa sinabi ni Ma’am Melanie, “Ang kaligtasan ay mas mahalaga kaysa sa anumang aktibidad”. Sa kabila ng pagkaantala, nananatiling buhay ang diwa ng siyensya at pagkatuto sa puso ng bawat mag-aaral ng LNHS. Sa muling pagbabalik ng Science Month Celebration, inaasahang mas magiging makabuluhan ito—isang patunay na ang agham ay patuloy na nagbibigay liwanag kahit matapos ang pagyanig.
Isa sa mga pangunahing dahilan ay ang malawak na kasaysayan at pandaigdigan impluwensiya ng football. Kilala bilang “pinakasikat na isport sa mundo” ang football ay may milyun-milyong tagahanga, manlalaro, at propesyonal na liga sa halos lahat ng bansa. Mula sa English Premier League hanggang FIFA World Cup, Malaki ang papel ng football sa kultura at ekonomiya ng mga bansa. Samantalang ang futsal, ginagamit bilang pagsasanay o off sesson activity ng mga football players. Malaki rin ang papel ng media at komersiyalismo sa kasikatan ng football. Ang mga malalaking kumpetisyon ay regular na ipinalalabas sa telebisyon at online platforms, may malalaking sponsor, at tampok ang mga sikat na manlalaro gaya nina Lionel Messi at Cristiano Ronaldo. Sa kabilang banda, ang futsal ay bihirang mapanood sa mainstream media at limitado ang professional leagues nito. Dahil dito, mas nakilala ng masa ang football kaysa futsal. Isa pang salik ay ang accessibility ng football. Karamihan sa mga paaralan at komunidad ay may open fields na maaaring paglaruan ng football, samantalang ang futsal ay nangangailangan ng indoor court o sementadong lugar na may tamang sukat at mga marka. Sa praktikal na aspeto, mas madali at mas abot-kamay ang football para sa maraming kabataan. Gayunpaman, hindi dapat maliitin ang futsal. Sa katunayan, ito ay epektibong paraan ng paghasa sa bilis, diskarte at kontrol sa bola. Maraming kilalang football stars ang nagsimula sa futsal bago sumabak sa mas malalaking liga. Bagama’t tahimik ang mundo ng futsal, ito ay matibay na pundasyon para sa mga batang manlalaro na nangangarap makamit ang tagumpay sa larangan ng isports. Ang kasikatan ng football ay bunga ng mahaba nitong kasaysayan, lawak ng impluwensiya, at suporta ng media. Samantalang ang futsal ay nanatiling tahimik ngunit makabuluhang larangan para sa mga tunay na mahilig sa bola. Sa panahon ng urbanisasyon at limitadong espasyo, marahil panahon na rin para bigyang pansin ang futsal bilang pangunahing isport, hindi lamang bilang alternatibo, kundi bilang larong may sariling dangal at galing.
Dairo at Sanchez ng Grade 12, walang kapantay sa court—smash sa harap, bantay sa likod! Sa laban kontra Grade 10, pinatunayan nilang ang kombinasyon ng bilis, disiplina, at tiwala ang susi sa tagumpay. Sa score na 2-0, sila na ang opisyal na pambato ng Lumbia NHS sa District Meet.
Smash sa harap, bantay sa likod, Grade 12 tandem, walang sagabal o sagot.
Sa Lumbia Cagayan de Oro ginunita ang ika-3 anibersaryo ng CDO Hospital sa pamamagitan ng World Rabies Day. Pinangunahan ni Sir Jef ang mensaheng Act Now You Me Community. Hindi ito simpleng paalala. Isa itong tawag sa bawat isa sa atin na kumilos bago maging trahedya ang virus. Hindi mo kailangan makita ang halimaw para matakot. Ang rabies ay hindi bacteria at hindi simpleng sakit. Ito ay virus na matagal nang kinatatakutan ng sangkatauhan dahil sa tindi at bilis ng pagkamatay nito. Ayon sa WHO ito ay vaccine-preventable zoonotic disease mula sa hayop patungo sa tao. Kapag nakapasok sa katawan, walang lunas. Tanging preventive vaccination lamang ang sandata ng tao laban sa virus na tahimik ngunit mabisang pumatay. Karaniwang naihahawa sa pamamagitan ng kagat ng hayop na infected at mas bihira ngunit posible rin sa pamamagitan ng gasgas. Mas mataas ang panganib kapag ang kagat ay malapit sa utak, mukha, ulo, leeg o gulugod. Ang virus ay parang apoy na dahan-dahang kumakalat. Maaaring simula ito sa maliit na sugat ngunit sa bawat segundo na hindi naaagapan lumalapit ito sa utak sa central nervous system. Dalawang uri ng bakuna ang nagbibigay proteksyon ang active antibody na tumutulong sa katawan na gumawa ng sariling depensa at ang passive antibody na agad nagpoprotekta habang hindi pa ganap ang immune response. Kasama rin dito ang anti-tetanus serum. Sa bawat hakbang na ito parang pader ang itinayo laban sa tahimik ngunit mapanganib na virus. Hindi lamang aso at pusa ang carrier. Halos lahat ng mammals ay maaaring magdala ng rabies daga unggoy fox raccoon beaver coyote at paniki. Kahit mabagal ang paggalaw ng virus sa simula kapag nakapasok na sa nervous system mabilis itong kumakalat at nagdudulot ng kamatayan. Ang bawat patak ng laway mula sa infected na hayop ay may kakayahang magdala ng trahedya kung hindi maagapan. Ang simula ng rabies sa katawan ay tahimik. Maagang sintomas ay mataas na lagnat pananakit ng ulo panghihina at hindi komportableng pakiramdam. Ngunit habang lumalala dumarating ang matinding takot sa tubig sa liwanag at sa hangin kasabay ng hallucinations at hirap sa paglunok. Sa huli kamatayan. Walang gamot tanging preven tion lamang ang lunas. Kapag napaakan mahalagang agad hugasan ang sugat ng tubig at sabon sa loob ng labinlimang minuto lagyan ng antiseptiko at kumonsulta sa os pital. Simulan ang bakuna sa loob ng pitong araw at obserbahan ang hayop sa loob ng labing apat na araw. Kahit fully vaccinated ang alagang hayop kailangan pa rin ang bakuna. Libre ang vaccination sa Lumbia Hospital tuwing Lunes Martes Huwebes at Biyernes. Habang pinapanood ko ang mga doktor at volunteers naisip ko kung gaano kahalaga ang bawat simpleng aksyon. Ang bawat paghugas ng sugat pagbabakuna at pagbabantay sa alagang hayop ay tila maliit lamang ngunit sa huli ito ay nagliligtas ng buhay. Sa bawat kagat na hindi maiiwasan sa bawat virus na tahimik ngunit mapanganib may sandata tayong lahat kaalaman at aksyon. Ang bawat hakbang ng bawat isa sa komunidad ay nagiging bahagi ng depensa laban sa rabies. Ang World Rabies Day ay hindi lamang paalala ng panganib ito ay paalala ng pagkakaisa. Ang tunay na bayani ay hindi laging
AI, lakas at panganib sa bansa
abilis na ang pag-usbong ng Artificial Intelligence (AI) na nagdudulot ng malaking pagbabago sa mundo ng agham at teknolohiya. Ginagamit ito sa edukasyon, negosyo, kalusugan, at maging sa pang-araw-araw na gawain ng tao.
Sa pamamagitan ng AI, mas napapadali ang mga proseso at nababawasan ang pagkakamali ng tao. Gayunman, kasabay ng pag-unlad na ito ay dumarami rin ang pangamba tungkol sa mga negatibong epekto nito sa lipunan.
crime na gumagamit ng AI upang manloko ng mga tao sa online platforms. Dahil dito, kinakailan
gan ang mas mahigpit na batas at regulasyon sa paggamit ng teknolohiyang ito.
at may tamang gabay, malaki ang maitutulong nito sa pag-unlad ng bansa.
Isa sa mga mabuting dulot ng AI ay ang pagpapabilis ng trabaho at pagtaas ng produktibidad. Sa mga ospital, nakatutulong ito sa pagtukoy ng mga sakit sa mas maagang yugto. Sa mga paaralan, ginagamit ito bilang kasangkapan upang mapahusay ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ayon sa datos ng World Economic Forum (2024), humigit-kumulang 60% ng mga kumpanya sa mundo ang gumagamit na ng AI upang mapabuti ang kanilang serbisyo.
Ngunit hindi rin maikakaila na may mga panganib na dala ang AI. Isa na rito ang pagkawala ng trabaho dahil napapalitan ng makina ang ilang gawain ng tao. May mga ulat din ng maling impormasyon at deepfake videos na ginagamit sa panlilinlang. Ayon sa ulat ng AP News (2025), dumarami ang kaso ng cyber-
Sa kabuuan, ang AI ay parehong banta at tulong depende sa paraan ng paggamit ng tao. Ngunit kung pababayaan, maaari itong magdulot ng panganib sa ekonomiya, seguridad, at moralidad. Kaya kung gagamitin ito nang responsable
Matinding Palo ng Tagumpay
Dairo at Sanchez, Nagpasabog ng Laro sa SHS Boys Badminton
Ibinida ng tambalang Ruian Zach A. Dairo at Rainnier L. Sanchez ng Grade 12 ang kanilang nakakalitong smashes at matibay na baseline laban kina Raul Pitt Ganihay at Hilary Abaday ng Grade 10, 2-0, na hirap makaungos sa kanilang banggaan sa kategoryang SHS Boys Badminton Doubles na ginanap sa Lumbia National High School ika-26 ng Hulyo 2025. Pagpasok pa lang ng unang laban, agad na nagpasiklab sina Dairo at Sanchez. Mabilis ang galawan, matalim ang mga tira, at solid ang kombinasyon ng tambalan. Si Dairo ang pang-atake, walang patid sa mga smash na bumabasag sa depensa ng kalaban. Si Sanchez naman, matatag sa likod, bantay-sarado ang court at laging nasa tamang pwesto sa bawat balik ng bola.
Sa Palo’t Salag ng Lakas at Talino, Grade 12 Spikers ang Umangat sa iskor na 2-0
Matinding bakbakan sa volleyball court, tinuldukan ng Grade 12 Spikers ang laban kontra Grade 10 Tigers sa iskor na 2-0 upang makamit ang kampeonato sa Intramurals Volleyball Boys 2025 na ginanap sa Lumbia National High School Ika-26 ng Hulyo,2025. Sa maiinit na palo at walang humpay na sigawan ng mga manonood, matagumpay na nasungkit ng Grade 12 Spikers ang kampeonato sa Intramurals Volleyball Boys 2025 matapos padapain ang Grade 10 Tigers sa iskor na 25–19 sa huling round ng laro. Sa unang round pa lamang, bakbakan
ang momentum ng Grade 10 Tigers sa pamamagitan ng sunod na sunod na palo ni Clarence Villanueva, dahilan ng panalo sa Round 1, 25–24. Pagpasok ng Round 2, mas agresibong opensa ang ipinakita ng Grade 12 Spikers. Hindi nila hinayaang makabawi ang Grade 10 Tigers at tuloy-tuloy ang kanilang pag-arangkada sa iskor. Matibay ang blocking nina Kurt Stephen Ontulan at Liegh James Dablio, habang matatag naman ang setting ni Terenze Dablio na nagbukas ng maraming oportunidad para sa malalakas na palo ni Villanueva. ₱ ₱ Sa huling bahagi ng set, sinubukan pang
Sa unang set, dikitan ang puntos sa simula. Subalit nang makakuha ng ritmo sina Dairo at Sanchez, sunod-sunod na smash ang kanilang pinakawalan. Bawat palo ay may kasamang sigaw ng determinasyon. Hindi na nakabawi sina Ganihay at Abaday matapos ang tuloy-tuloy na opensa, dahilan para tapusin ng Grade 12 ang set sa iskor na 21–15. Pagsapit ng ikalawang set, lalong uminit ang laban. Mas agresibo sina Dairo at Sanchez, pinagsama ang drop shot, drive, at matitinding smash na halos hindi na mahabol ng Grade 10 tandem. Sa bawat laban, bumubulusok si Dairo sa harapan habang nakabantay si Sanchez sa likod, handang saluhin ang anumang balik. Hindi na nagpatinag ang Grade 12 at
tuluyan nang tinapos ang laro sa iskor na 21–9. Ang laban ay naging mabilis lang dahil hindi na nakadalo ang Grade 11 team, dahilan upang sila ay ma-disqualify. Kaya ang pinakaaabangang sagupaan ng Grade 12 at Grade 10 ang siyang nagpasigla sa buong intrams court. “Wala mi nagpadala sa
Dairo matapos ang
Sila na ang opisyal na magrerepresenta sa paparating na district meet sa ika-12 ng Setyembre 2025. Tinakda ang laban sa loob ng court ng Lumbia Central School.
Malaki ang naiambag ni Clarence Villanueva sa pagkamit ng panalo matapos magpakitang-gilas sa depensa at opensa nito. Sa kanyang panayam matapos ang laban, sinabi niya, “Happy mi na nidaug napud and ma-represent namo among school sa division meet this school year nasad.” Dagdag pa niya, “Walay sayon, pero if love nimo na na sports, mahimo siyang sayon para nimo.” Sa pag-ugong ng huling pito, sabay-sabay na nagdiwang ang Grade 12 habang umaalingawngaw ang hiyawan ng mga tagasuporta. Sa bawat palo, sigaw, at puntos, pinatunayan ng Grade 12 Spikers na ang puso at determinasyon ang tunay na susi sa tagumpay. Ang Grade 12 Spikers ang opisyal na magrerepresenta sa kanilang distrito sa
Mga Kamaong Lumbians. “Kamaong bakal, pusong palaban— tatak Lumbians sa bawat laban. Sa ring man o sa buhay, hindi sumusuko ang tunay na kampeon!”
pampalakasangpang-kampus
na naging patunay ng kanyang pusong palaban at dedikasyon sa sport. Sa bawat suntok ni Caranay, ramdam ang determinasyon at sigasig ng isang kabataang pinanday ng disiplina at sipag. Hindi rin nagpahuli si Albert Bersabal, na nakasungkit ng ikatlong puwesto sa
Ni Janrose Balacuit
Dibuho lahat ni Ivan Revilla at Sheng Tubal
pampalakasangpang-kampus
Ni Sarah Caballero
Mga Kamaong Lumbians, Bumida sa Palaro at Regional
Ni Sarah Caballero
Doubles
Ni Sarah Caballero
pampalakasangkolumn
pampalakasangpang-kampus
pampalakasangpang-kampus
Kuha ni : Ysshielle Tubal
Kuha ni Ysshielle Tubal
Kuha ni Ysshielle Tubal
Karapatang Pantay Para sa Student-Athlete
Ni Ianna May Labitad
Sa kabila ng kanilang ambag sa paaralan, madalas ay hindi nabibigyan ng sapat na konsiderasyon ang mga student-athlete. Kapag malapit na ang laro, hindi sila nai-excuse sa klase o kaya’y konti lang ang binibigay na oras para maghanda. Ito ay tila hindi patas, lalo na kung isasaalang-alang ang hirap ng training at pressure na kanilang dinaranas.
Dapat ay magkaroon ng mas maunawaing sistema na kumikilala sa sakripisyo ng mga atleta, upang mabigyan sila ng pantay na oportunidad sa akademiko at sports. Hindi madali ang balansehin ang pag-aaral at pag-eensayo, kaya nararapat lang na suportahan sila ng paaralan sa parehong aspeto. Sa ganitong paraan, mas mahuhubog ang kabuuang potensyal ng isang estudyante, hindi lang sa utak, kundi pati sa puso at katawan.
Kailangan ding bigyan ng pansin ang mental at emosyonal na kalusugan ng mga atleta upang makayanan nila ang stress at pagkabalisa. Ang tunay na suporta ay hindi lamang sa pisikal na aspeto kundi pati sa pag-unawa sa kanilang mga pangangailangan. Sa pagtutulungan ng paaralan, guro, at magulang, higit na mapapabuti ang karanasan ng mga student-athlete.
Arnis: Pambansang laro na naiwan sa likod ng Basketball
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang mayaman sa talento at isports, ngunit kapag may pinag-uusapang popular na laro, Basketball ang nasa isip at bibig ng mga pilipino. Ngunit bakit nga ba mas popular ang Basketball kaysa sa Arnis, na isang national martial arts sport sa Pilipinas?
Ang basketball ay unang pinakilala ng mga Amerikanong kolonisador sa Pilipinas noong ika-19 na siglo. Ito ay mabilis na lumaganap at naging popular sa bansa lalo na sa mga komyunidad at paaralan. Sa maraming naglalaro nito hanggang ngayon, ang isports na ito ay naging bahagi na ng kultura sa bansang Pilipinas. Dahil dito, naging isa sa mga malalakas na koponan ng basketball ang Pilipinas sa Asya. Ang Arnis ay pinan-
kabataan.
Ang arnis man ang tradisyonal martial arts ng Pilipinas, ngunit ang basketball ang mas popular na isports sa bansa, hindi ito nangangahulugang hindi importante ang Arnis. Dahil ang Arnis ay isang mahalagang bahagi ng kultura ng Pilipinas, sa pamam agitan ng pagturo ng arnis sa komyunidad at paaralan, hindi mawawala ang kultura ng martial arts sa Pili pinas at mas lalo pang mapalakas ang ating kultura para sa susunod na henerasyon.
galanang traditional Martial Arts na isports sa Pilipinas noong unang panahon. Ito ay sistemang pagtanggol sa sarili mapa armas man o wala. Ang Arnis ay mahalagang kultura ng Pilipinas, bagamat ito ay di naging kasing popular ng Basketball. Ngunit bakit nga ba mas popular ang Basketball? Ito ay mas popular dahil ito ay sinusuportahan ng mga organisasyon at paaralan. Ito’y madaling laruin at nagsisilbing libangan at nagpapalakas ng katawan ng mga
Sa Bawat Goal May Gabay:
Ang Coach Na Laging Na Sa Likod Ng Tagumpay
Ni Sarah Caballero
Taglimao ang lakas, Lumbia walang alas
inabagsak ng Taglimao NHS ang Lumbia NHS sa Men’s Basketball District Meet matapos bumira ng sunod sunod na puntos na nauwi sa iskor na ,55-39, ginanap lang nitong Setyembre 12, 2025 sa Lumbia
Dinomina ng Taglimao NHS ang lahat ng yugto ng laro, tinapos ito sa iskor na 55-39 at winalis ang apat na quarters laban sa Lumbia NHS. Agad na dumagit ng apat na puntos ang Lumbia NHS na inakay ng tambalang Ramos at Lagaras binawi namn ito agad ng Taglimao at bumira ng dalawang puntos. Pagsapit ng mid-quarter, nakuha ng Taglimao ang kumpiyansa at tinapos ang unang bahagi sa iskor na 13-8 Sa ikalawang yugto, sinubukan ng Lumbia NHS na habulin ang kalamangan sa pamamagitan ng agresibong opensa, ngunit bawat tira ay sinalubong ng matibay na depensa ni Hernando, Antido at Evangelista. Sa kabila ng patuloy na pagtutulak ng Lumbia, nanatiling matatag ang Taglimao, nagtala ng mga iskor na 28-12 bago muling
pumutok ang minuto. Hindi na bumitaw ang Taglimao sa kanilang agresibong laro, itinaas pa ang lamang sa 43-28 dahilan upang tuluyang mawasak ang depensa ng Lumbia. Kapansin-pansin ang pagsubok ng Lumbia NHS na maibangon ang nanlalatang iskor, ₱bagama’t naging malakas ang opensa ng Lumbia NHS hindi pa rin ito naging sapat upang mapigilan ang rumaragasang depensa at opensa ng Taglimao NHS na siyang dahilan upang tuluyang isuko ng Lumbia NHS ang kampanya,55-39. Parehong koponan madalas naiipit sa mga fouls, lalo na sa matitinding drive at rebounding battle, na lalo pang nagpasiklab sa tensyon ng laro. Malaki ang parte ni Hernando upang makuha ang pagkapanalo kontra sa Lumbia NHS, ang kanyang napakahigpit na dep-
ensa ang nagsilbing daan upang masungkit ang kampyeonato. Ayon sa kanilang guro at coach na si Eunice Salcedo, malaking bagay ang pananalig at determinasyon ng koponan sa pagkakapanalo: ” Despite sa kakulangon kayo sa practice para sako dijud ako, gawas na gitagaan silag kusog sa pag-ampo and then sila pud sa ilang kaugalingon kay nag salig pud sila. Salig lang kay walay impossible” Sa huli, kinumpleto ng Taglimao NHS ang kanilang panalo sa pamamagitan ng kombinasyon ng disiplinadong depensa at tuluy-tuloy na atake, dahilan upang makuha ang korona laban sa Lumbia NHS. Ang Taglimao NHS ang opisyal nang magrerepresenta sa kanilang distrito sa nalalapit na Division Meet.
Sepak Takraw Bida ang ngiti at liksi ng mga Manlalaro
Ni Ruby Abaday
Sa mundo ng laro, karaniwang ginagamit ang kamay sa pag depensa at tira. Ngunit ito ang kabaliktaran sa Larong Pampalakasan ng mga katutubo sa Timog Silangang Asya na Sepak Takraw. Sa halip,ginagamit ng manlalaro ang kanilang paa,tuhod,ulo,at dibdib. Nahahati ang laro sa dalawang grupo May humahagis na bola na ang tawag ay tekong, sumisipa sa bola na killer, at feeder na nag papasok ng bola sa killer upang
maka sipa ito.Ang larong ito ay ginagamitan ng creative footwork at quick reflexes na kombinasyon ng agility at creativity. Isa si Anuwat Chaichana sa mga mahuhusay at kilala na manlalaro sa Sepak Takraw sa buong mundo. Siya ay natutong maglaro ng Sepak Takraw noong siya ay bata pa lamang, kaya’t sa kanyang paglaki, siya ay sumali sa mga laro. Sa kanyang angking talento at masuhay na skills, kanyang nasungkit ang 2 gold medals noong 2009-
Sa bawat sipol ng referee at hampas ng bola sa damuhan, may isang tinig na pumapailanlang sa gitna ng sigawan ito ang boses ng dedikasyon at disiplina. Siya si Coach Cris Michael Elle Balabat, 25 anyos, ang haligi ng Lumbia Raptors FC at tagapagsanay ng mga student-athletes ng Lumbia National High School (LNHS). Sa loob ng limang taon bilang coach, naging simbolo siya ng determinasyon, puso, at tunay na pagmamahal sa larong soccer. Nagsimula ang kanyang paglalakbay sa larangan ng football noong siya ay Grade 7, bago pa man nabuo ang kanilang team noong 2014. Mula sa simpleng pangarap, ngayon ay isa na siyang Certified Philippine Youth Coach (PYCC) na nagsanay mula July 29 to August 4, at naging bahagi rin ng Football Starts at Home Seminar. Ngunit higit pa sa mga certificate at seminar, dala ni Coach Balabat ang puso ng isang tunay na mentor,matatag, mapagpakumbaba, at puno ng inspirasyon. Noong September 2019, naging assistant coach siya sa Marawi Futsal Coaching for Teachers, isang proyekto para sa mga gurong nais matutunan ang diskarte ng futsal. Bukod dito, naging grassroots coach din siya sa Abbas Orchards School sa loob ng walong buwan, kung saan itinanim niya ang mga unang binhi ng disiplina at teamwork sa mga batang manlalaro. Dalawang beses rin siyang lumahok bilang Assistant Goalkeeper sa GKMarks Academy sa CDO, patunay ng kanyang tuloy-tuloy na paghasa sa larangan. Sa ilalim ng kanyang paggabay, pitong ulit nang itinanghal na kampeon ang koponan ng mga batang kababaihan ng LNHS, kabilang na ang panalo sa Liga Eskwela Futsal Festival sa BNHS isang karangalang bitbit ng buong paaralan. At noong Disyembre 15, tumanggap siya ng isang parangal na hindi lang medalya kundi simbolo ng lahat ng kanyang pagod at sakripisyo ito ay ang Best Coach Award, na nagsilbing pruweba ng kanyang dedikasyon sa bawat sipol, sa bawat sigaw, at sa bawat panalo. At sa huli, isang linya ang tumatak bilang buod ng kanyang paniniwala: “Dili kapildihan ang mapildi ka sa dula, ang tinood nga kapildihan mao ang ni-surrender ka nga wala pa nagsugod ang dula.” anya niya. Sa damuhan man o sa court, sa bawat sigaw ng “Goal!” o bawat patak ng pawis, dala ni Coach Cris Michael Elle Balabat ang diwa ng isang tunay na mandirigmang may pusong atleta, isang coach na hindi lang nagtuturo ng laro, kundi ng buhay.
2011 at 2010- 2014. Ang larong ito ay hindi simpleng “laro lamang”. Dahil ang larong Sepak Takraw ay nagbibigay ng pagkakataon na tumulong mapaunlad ang liksi,balanse,pagtutulungan,at estratehikong pag-iisip di lang sa mga kabataan kundi pati narin sa lahat na naglalaro nito. Ito rin ay nagbibigay ng saya at nagbibigay ng maraming opportunidad para sa kanilang kinabukasan.
Talino sa Lahat ng Larangan
Ni Shane Otero
Hindi dapat ituring na sukatan ng talino ang mataas na grado lamang. maraming estudyante ang may taglay na katalinuhan sa iba’t-ibang anyo, sa sining musika, leadership at lalo na sa larangan ng sports. Ang mga atleta, halimbawa, ay nagpapamalas ng aspeto na hindi matu tumbasan ng simpleng pagsusulit. ang tunay na talino ay makikita sa kakayahang magtagumpay sa piniling
Ni Sarah Caballero
Sa mundo ng palakasan, hindi lang bola,ring o court ang arena ng laban, naroon din ang entablado kung saan Dance Sports ang nagiging sentro ng atensyon. Ang bawat pares ng mananayaw ay may sariling taktika,mula sa mabilis na cha-cha hanggang sa malamyos na waltz na kasing-ayos ng maingat na set play. Sa bawat ikot,buhat,at bagsak ng galaw ramdam ang kombinasyon ng diskarte,pagkakaisa, at pusong palaban na siyang sandata tungo sa tagumpay. Isport na sa bawat hakbang ay may puntos at bawat ikot ay maaaring maging panalo o pagkatalo. Sa likod ng makukulay na kasuotan at matatamis na ngiti, naroon ang mahigpit na ensayo, tagaktak ng pawis, at walang humpay na disiplina. Katulad ng ibang atleta, ang mga mananayaw ng Dance Sports ay dumadaan sa matinding pagsasanay para sa tibay ng katawan, tiyempo ng kilos at linis ng galaw. Kapag oras na ng paligsahan, ang entablado ang kanilang korteng pampalakasan, ang tugtugin ang nagsisilbing patnubay, at ang bawat galaw ang tunay na sandata. Sa huli, pinapatunayan ng Dance Sports na ang palakasan ay hindi lamang sukat sa lakas, kundi pati sa ritmo, tiyaga, at pusong nag aalab sa laban.
2025 sa Lumbia Central School court, M
Sa unang set, mabilis na nakapuntos ang Taglimao ngunit agad namang bumawi ang Lumbia sa tatlong sunod-sunod na puntos. Nagdikit ang laban sa kalagitnaan ng laro, pero hindi nakayanan ng Taglimao ang matutulis na mala ispadang smashes ng tambalang Edwardo O. Orallo at Duke Blake D. Eparwa. Tinapos ng Lumbia ang set sa 21-16. Pagdating ng ikalawang set, ibang mukha ang ipinakita ng Taglimao. Pinangunahan nina Eljune Quimbo at Jhon Carlo Comilang ang sunod-sunod na atake, kumamada ng diretsong apat na puntos bago sumagot ang Lumbia. Sa kabila ng depensa ng Lumbia, nanaig ang diskarte at tibay ng Taglimao, isinalba ang set sa iskor na 21-15 upang itabla ang laban, 1-all. Umabot sa do-or-die third set ang bakbakan. Muling nagpakitang-gilas ang Lumbia sa pamamagitan ng mabilis na smashes
pampalakasangpang-kampus
“While dula kulba but happy mi na daog japun mi.. ang techniques ra jud namo kay smash, drops ug crosscourts lang jud.”
Anya ng manlalaro mula sa Lumbia NHS pagkatapos matalo nila ang Taglimao NHS sa iskor na 2-1. at stratehiyang drops. Gayunpaman, hindi nagpahuli ang Taglimao na patuloy na lumaban gamit ang kanilang crosscourt shots at matatag na depensa. Dikit ang iskor hanggang sa huling bahagi, 20-19, pero isang krusiyal error sa receive ng Taglimao ang nagbigay ng panalo sa Lumbia, 21-19. Napuno ng hiyawan at palakpakan ang court, habang ramdam ang tensyon at kasabikan ng parehong koponan na makapasok sa division meet. Matapos ang laban, ibinahagi ng
mga manlalaro ng Lumbia ang kanilang salita ukol sa naganap na laro.
“While dula kulba but happy mi na daug japon mi… ang techniques rajud namo kay smash, drops ug crosscourts lang jud.” anya ng manlalaro ng Lumbia NHS. Sa huli, nanaig ang determinasyon ng Lumbia NHS, na ngayon ay opisyal nang magrerepresenta sa kanilang distrito sa nalalapit na Division Meet.
Lumbia ginapi ang Tumpagon sa Volleyball Championship
Sa Dance Sports, bawat ikot ay diskarte, bawat hakbang ay laban, at bawat galaw ay puso.
Ayon sa kanilang guro
Ni Cyrelle Sugar Mole Lumbia, Itinilanghang kampeonato
Boys Championship Match
ang Tumpagon
na (2-0) sa isang kapanapanabik na labanan sa entablado sa pamamagitan ng malalakas na opensa at depensa na ginanap noong Septyembre 12, 2025 naginanap sa Lumbia National High School, Covered Court. Sa unang sagupaan pa lamang ng labanan ng Lumbia kontra Tumpagon ay mainit-init na ang kanilang bakbakan sa entablado at nakuha nila kaagad ang atensyon ng mga manonood sa lakas ng hiyawan. Nagsimula ito sa isang malalakas na opensa at mahihigpit na depensa sa bawat koponan, at nangunang pumuntos ang Lumbia matapos sa isang pinakamalakas na Ispike ni Oday at sa galing sa pag d-depensa ni Sambaan sa puntos na 8-3. Bagama’t hindi nagpatinag ang Tumpagon at kaagad na nagpakitang gilas sa entablado hanggang sa nakabangon sa pamamagitan ng kanilang samahan at pagkakaisa. Nandyan si Aca-ac ng Tumpagon na handang rumesbak, na siya nitong umangat sa kaniyang panig at nagpahirap na makapuntos ang Lumbia dahil sa kaniyang husay sa pag b-block, atake at depensa. Ngunit bigo parin silang lumamang nang dahil lagi silang sumasablay at kaagad nakuha ng Lumbia ang momentum matapos ang kanilang pagkasunod-sunod na puntos sa entablado at muling nakabangon ulit hanggang sa maipabagsak na nila ang Tumpagon,24-9. Sa pagpatuloy ng bakbakan ng dalawang koponan sa ikalawang set ay ramdam na ang tensyon ng labanan matapos matalo ang Tumpagon sa unang set ay sila naman ang nangunguna sa laro at kaagad na kumamada ng malalaking puntos hanggang sa hirap makalamang ang Lumbia,8-2.