Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa: Ang Kaakit-akit na Katotohanan
Mabuhay si Śrī Guru at si Śrī Gaurāṅga Purihin ang Kanilang Kadakilaan
Unang Kabanata
Ang Kamulatan para sa Kamalayan kay Kṛṣṇa Ay Pawang Pag-iibigan at Puro Kariktan Sa pagpasok ng ika-dalawampung siglo, isang makatang taga Bengal, si Hemachandra, ang noo’y nagsulat nang ganito, “Napakaraming bansa ang pumapaimbulog sa katanyagan: ang lupaing ito, at ang lupaing iyon— tignan mo ang bansang Japan na bagama’t maliit na bansa lamang, tulad ng araw ang gusto’y sumikat din. At tanging India na lamang ang matagal nang nahihimbing.” At noong banggitin ni Hemachandra ang nasa iba pang bahagi ng mundo, ganito ang kanyang nasabi, “Pagmasdan ninyo ang pag-imbulog ng Amerika, halus lamunin na nito ang buong mundo. Palagi na lang humihiyaw at naghahamon nang pakikipagdigmaan, buong mundo’y nangangatog dahil sa labis na takot. Masyadong mainit ang bansang Amerika pati na ba naman ang mga planetang nasa kalawakan ay gusto din nitong hablutin, at pakialaman.” Ganito ang naging paglalarawan ni Hemachandra. Ito’y tulad din noong pinuntahan ni Bhaktivedānta Swāmī Mahārāj ang bansang Amerika dahil ayon sa kanya gusto din niya itong hubugin sa pamamagitan ng kamulatan para sa kamalayan kay Kṛṣṇa. Ang sabi niya’y ganito, “Halikayo, samahan ninyo ako at puntahan natin ang bansang iyon at baguhin sa pamamagitan ng kamulatan para sa kamalayan kay Kṛṣṇa.” Bakit, ano ba ang kamulatan para sa kamalayan kay Kṛṣṇa? Ang kamulatang ito para sa kamalayan kay Kṛṣṇa ay tungkol sa pag-iibigan at kariktan. Ang pangingibabaw nang tunay na pag-ibig at kagandahan; at hindi ang pagiging makasarili, ang pagiging mapagsamantala. Hindi ba’t kadalasan, kapag nakakakita tayo ng isang bagay na maganda, ang gusto natin ay agad natin itong tikman, subalit ang totoo, ang hindi natin alam Unang Kabanata: Ang Kamulatan para sa Kamalayan kay Krsna ay Pawang Kariktan at Pag-iibigan 1