The Flare Tabloid Volume 1 Issue No. 2

Page 1

The Flare THE OFFICIAL STUDENT PUBLICATION UNIT OF CAVITE STATE UNIVERSITY-IMUS CAMPUS

Pitong resolusyon, lusot sa CvSUSP Nina Rodolfo Dacleson II at Abigail Sapitanan

I

NDANG, Cavite - Sa pagtatapos ng kaunaunahang Cavite State University Student Parliament (CvSUSP), pitong bagong resolusyon ang naaprubahan matapos ang ilang oras na parliamentary proceedings noong Enero 24 sa International Convention Center ng CvSU-Main Campus. Pinagdebatihan at inamyendahan ng pitong magkakaibang komisyon – Agrikultura; Demokrasya at Pamamahala; Karapatang Pantao; Edukasyon; Kalakalan, Turismo, at Isports; Labor and Employment; at Kultura at Sining - ang bawat resolusyong inihain upang maayos itong maipresenta sa kasalukuyang CvSU Administration bilang Student's Agenda and List of General Demands (SAGD) at ang ilan ay petisyon naman sa Kongreso upang mapaabutan ng tulong ang iba't ibang sektor ng lipunan. Bawat komisyon ay binigyan ng pagkakataong maiparinig ang kani-kanilang resolusyon, sa pangunguna ng kanilang mga commissioner na nagsilbi rin nilang mga tagapagsalita. Matapos maihain ang bawat isang resolusyon, pormal namang binuksan ang talakayan kung saan maaaring magtanong at magbigay ng suhestiyon ang bawat kasali upang maitama, mapalitan o tuluyang tanggalin ang ilang probisyong nakapaloob sa mga ito. Ilan sa mga naging mainit na usapin ay ang pag-alis sa Garbage In and Out policy, pagdaragdag ng Agriculture sa kasalukuyang curriculum ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) upang maging STEAM at mga isyu ng militarisasyon at red-tagging sa mga unibersidad at mandatory drug testing at ROTC. Natalakay din ang balak na pagbalangkas ng planong Federation of Student Publication Units, na naglalayong mas paigtingin at palakasin pa ang gampanin ng campus journalism sa buong CvSU. Samantala, nagpasalamat si Jhon Carlos Dilag, Central Student Government - Main President, sa lahat ng mga student council at organization at mga publication na dumalo sa pagtitipon. Idagdag pa rito, iniwan niya rin ang katagang, "kapag namulat ka na, kasalananan nang pumikit pa", sa pagtatapos ng parliament upang hamunin ang mga student leader. Hindi man natapos sa oras ang parliament dahil pansamantalang naantala ang sesyon nang muling nagalburoto ang bulkang Taal, na naging sanhi ng pagkawala ng suplay kuryente, ay ligtas na nakauwi ang bawat komisyon kasabay ng matagumpay na paglusot ng kanilang mga inihaing resolusyon. Maaaring ma-access at mabasa ang mga naturang resolusyon sa Facebook page ng Cavite State University Student Parliament. #

Congresswoman Sarah Jane Elago habang nagbibigay ng kanyang talumpati sa CvSUSP 2020 sa CvSU-Main Campus tungkol sa mahalagang partisipasyon ng mga kabataan tungo sa libre at dekalidad na edukasyon. (Kuha at salita ni Klaeford Crispin)

Due to Taal eruption

By April Ann Florano

I

n line with the suspension of classes in all levels in Cavite due to ashfall from the Taal Volcano, Cavite State University-Imus Campus moved the schedules of enrollment and opening of classes for the second semester of Academic Year 2019-2020. The campus announced through the Central Student Government (CSG) that the schedule of enrollment is as follows: January 20 for all fourth-year students and January 21-22 for Irregulars, Shiftees, Returnees and Transferees, and is extended until January 23-24. Moreover, the start of classes will resume on January 27.

"S'yempre nakakalungkot lalo yung sa part nung ibang students na hindi tumugma yung araw ng pag-enroll.” CSG Public Relations Officer Roel Michael Alcaide said. “Kaso kailangan kasi talaga natin sumunod sa memo na galing din mismo sa Main Campus, binaba kay Dean, hanggang sa Registrar, gustuhin man natin na lahat ay bigyan ng pagkakataon, may sinusunod lang din talagang protocol." he added CSG already posted in their Facebook page the new schedules of the said transaction. Meanwhile, the first day of the semester which was originally set from 13th to 17th and 20th of January, respectively as of press time. #

WHAT’S INSIDE: SCI-TECH

LITRATISTAS

LITERARY

FEATURE

SPORTS

Knowing COVID-19

Shades of Love

Balintataw

Invisibility in Visible

The Pinoy Sungka


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
The Flare Tabloid Volume 1 Issue No. 2 by The Flare - Issuu