Sining Collective: "Talop"
Tomo1 Bilang 2
Sa ayaw natin at sa hindi, ang pag-aalaga at pagpapayabong sa isang kultura ay isang mahirap ngunit mapagpalayang gawain. Sa bawat gawaing pangkultural, tulad ng pagguhit, pagtula, pagkukuwento, pagtatanghal, pagpipinta, potograpiya at kahit pagluluto ng putahe, ang isang artista ay tila gustong bigyan ng kulay, katuwiran o ekspresyon ang isang mundong blangko’t walang kulay—kadalasang pinupunan nito ang kakulangan ng isang pagiral—na maihahalintulad sa isang bahay na nais maging tahanang puno ng pag-asa at pag-ibig.