
2 minute read
Anatomiya ng School Bag
Sa Pagbabalik Ng Face To Face Classess
mga larawan kinuha sa: https://ph.images.search. yahoo.
Advertisement
kapag tayo ay mayroong mga projects o kaya takdang aralin sa paaralan, mas napapadali tayong maghanap ng mga kasagutan. Hindi na tayo mahihirapan mag hanap sa mga libro, ang kompyuter na mismo ang magbibigay sa atin ng sagot. Nakapapasa tayo agad dahil pwede natin e print ang ating proyekto kaagad sa tulong ng printer.
Pangalawa, tumutulong din ang kompyuter para magkaroon tayo ng komunikasyon sa mga mahal natin sa buhay sa ibang bansa.
Nakakatulong din ng malaki ang kompyuter sa mga negosyo gamit ang internet. Ang kompyuter ang pangunahing dahilan ng mga I.T. students sa pagpili nila sa kanilang kurso.
Bagaman nakakatulong, ito rin ay may negatibong epekto. Una nadiyan ang problemang naidudulot nito sa mga kabataan. Ang iba ay napapabayaan na ang kanilang pag-aaral dahil sa kompyuter. Na adik ang mga kabataan sa paglalaro ng mga games tulad ng DOTA at iba pa. Pangalawa, hindi lang oras ang nasasayang, pati narin ang pera. Winawaldas ng mga estudyante ang kanilang pera sa paglalaro kaysa sa pagkain. Pangatlo ay ang sakit na pwedeng maidulot nito. Dahil sa tagal na pagkatutok sa kompyuter, hindi maiwasang sumakit ang kanilang ulo o kaya’y pagkahilo.#
Sa pagbabalik ng face to classes, pinapatupad ang lahat ng heatlh protocols kasama na rin ang mga daily routines upang maiwasan ang pagkakasakit ng mga bata sa paaralan.
Ang mga magulang ay todo protekta at ingat din sa kanilang mga anak lalo pa at makakasalamuha sila ng mga bata sa paaralan.
Sa unang linggo ng klase, ibinibigay ng mga guro ang requirements. Ang mga sumusunod ay siyang pinapadala at importanteng mayroon ang isang mag-aaral sa pagbabalik ng face-face classes:
1. Facemask na may lanyard - ito ay dahil hindi pinapapasok sa gate ang batang walang facemask. Kung madumihan man ang kanyang facemask dapat meron siyang dalang extra. Kailangan itong may lanyard o tali sapagkat pwede itong mahulog o mawala.

2. Alcohol - kung may tali mas ok upang madali lang sa bata sa paggamit nito. Pwede din niya itong e refill sa paaralan lalo na pag may isang gallon ang guro. Itinuro din sa mga bata kung kailan dapat mag-alcohol upang hindi masayang ang alcohol.




3. Baon na biskwit o kahit ano para sa snaks - Mahigpit pang ipinagbabawal ang pagtitinda o minsan walang tinda sa kantina at dahil hindi pinapalabas ang mga bata tuwing recess, pinapabaon lng sila ng kanilang mga magulang.

4. Tubig - importante ito lalo na na hindi pwede ang pag share ng baon o lalo na tubig.
5. Toothbrush at tuwalya - nakasaad sa class program ang handwashing at tootbrushing ng mga bata bilang parte ng protocol. Pinapadala sila nito upang may magamit. Bagamat may mga bata na walang extra toothbrush sa bahay, binibigyan sila ng guro mula sa MOOE ng paaralan.
6. Mga gamit sa pag-aaral, upang maging produktibo ang kanyang araw. Kung ikukumpara ang bag ngayun at noon, may pagkakaiba na. Mula 8 libro na araw-araw mong dadalhin sa paaralan, wala ng libro na ipinapadala ngayon, nagsasagot nalang sa paaralan gamit ang modyul. Pinapadalhan lang ang mga bata ng printed woksheets o takdang aralin. Hindi na masyadong mabigat ang bag ng mga bata ngayon sapagkat ito ay dahilan ng pag-ubo dahil sa basang likod. #

Marami sa atin ang nagrerefill na tubig sa plastik na bote ng tubig. Sa ating pag-iisip, wala itong masamang naidudulot at nakakatulong sa pagbabawas ng basura. Ngunit, ang gawaing ito na para sa hydration ay makakasama pala sa kalusugan (The asian parent.com). Ano nga ba ang epekto ng plastik sa kalusugan natin? Ano ang pwede nating gawin upang makatulong sa pagbabawas ng basura?
BPA - Ang sangkap na Bispehnol A (BPA) ng mga plastik ng mga plastik na bote ay nagdudulot ng hindi magandang epekto sa kapaligiran at sa kalusugan natin ang kemikal na ito ay dahilan ng pagtubo ng masasamang bacteria sa craks ng bote. Ito ay makikita sa plastik na straw at maaaring magdulot ng malalang problema sa kalusugan. (theAsianparent.com)
Ang mababang paaralan ng