5 minute read

Tagumpay na Nagniningning

Next Article
Puno ng Buhay

Puno ng Buhay

WINS - Wash in Schools (Water, Sanitation and Hygiene).

Ito ay isa sa programa ng Oplan Kalusugan sa Deped na naglalayong ipatupad ang mga pamatayan sa malinis, ligtas, at wastong gawi para pagpapanatili ng hygiene at sanitation ng mga mag-aaral at iba pang membro ng paaralan.

Advertisement

Mga target nito ang:

1. Malinis na suplay ng tubig;

2. Sapat at maayos na sanitation facility.

3. Pagpapanatili ng hygiene at kalinisan

4. Kaalaman ng magaaral at magulang sa health education.

5. Deworming ng atleast 85% ng mga mag-aaral sa paaralan

6. Capacity ng mga program implementer.

Ang Simon Edgar A. Garay Elementary School ay naglalayon na makuha ang 3 stars ng nasabing pro- grama.

Nangangahulugan kasi ito ng pagtupad sa mga pamantayan ng Oplan Kalusugan.

Kapag 3 stars ang isang paaralan, lahat ng nabanggit na target ay naipatupad at makikita sa paaralan.

Sa ngayon, ang SEAG ay isa na sa mga paaralan sa Bislig na 3 Stars school. Ito ay dahil sa pagtutulungan ng Kahayag Baran- gay Council, PTA at mga stakeholders na nagpaabot ng kanilang tu long sa paaralan upa ng mai bigay ang de kalidad na serbisyo sa mga magulang at magaaral. Ipinagpatuloy ngayon ng paaralan ang pagpapatupad ng programang ito na nagbigay ng malaking

Sa Kabila ng kaba at pag-aalinlangan

tulong upang magkaroon kami ng malulusog na mga mag-aaral.

Ang kahalagahan ng paghuhugas ng kamay

Batay sa datos ng World Health Organization, 13 kabataan ang namamatay kada araw, lumalabas na halos 5,000 kada taon. Diarrhea at pneumonia pa rin ang nangungunang sanhi ng child mortality sa Pilipinas. Ayon naman sa isang pananaliksik sa Pakistan, bumaba ang bilang ng mga kabataan na nabiktima ng diarrhea at pneumonia kung pananatilihing malinis ang mga kamay. Makatutulong ang pagkakaroon ng malinis na kamay upaang maiwasan ang pagkakahawa-hawa ng sakit. (Philippine Daily Inquirer)

Madaling makukuha ang disease-causing germs kahit saan. Ngunit madali lang din naman itong labanan pamamagitan ng tamang kalinisan at tamang

At upang maiwasan at pagkakaroon ng bulate sa katawan. Ito ay kanilang ginagawa pagkatapos nilang mamulot ng mga tuyong dahon sa umaga, bago mag recess at pagkatapos ng recess. Pinaaalalahanin din ng guro na gawin ito sa araw - araw lalo na bahay pagkatapos nila magbanyo.

Iba - ibang paraan ang ginagawa ng guro upang malaman nila ang kahalagahan ng paghuhugas ng kamay. Dinadaan ng guro sa mga kwento at tula ang kahalagahan nito. Sinisingit din niya sa klase ang tamang paglilinis ng katawan upang makaiwas sa sakit.

Sa pamamgitan ng pagmomodelo sa tamang paraan ng paghuhugas, natutunan ng mga bata na mayroon pang natitirang dumi sa kamay kung hindi maayos ang pagsasabon at paghuhugas.

Sa dalawang taong walang face-face dahil sa virus, hindi pa rin maiwasan ng mga magulang ang mag-alala sa banta ng virus at iba pang sakit na makukuha sa labas ng bahay.

Sa kabila nito, sinisiguro pa rin ng mga magulang na ligtas ang kanilang anak.

Pinapasuot nila ng mask ang kanilang mga anak, palagiang pinapaalala ng maging maingat, huwag lumapit sa mga kaklase na may ubo o may nararamdaman, at pinapainom ng vitamins upang lumakas ang katawan.

Sa paaralan, sinisiguro din ng mga guro na walang batang pumapa- sok na may lagnat. Naglalagay sila ng alcohol palagi at nag didis infect pagkatapos ng klase.

Ang mga batang may ubo ay hindi pinapapasok upang hindi ito makahawa sa mga kaklase.

Nagkakaroon din ng skedyul sa paghuhugas ng kamay. Ang paaralan ay mgay handwashing facility na magagamit sa lahat ng bata.

Palagian din pinapaalala at sinasali sa klase ang tama at malusog na lifestyle upang mapalakas ang immune system ng sa gayun hindi madaling mahawa. Sinusunod ng mga mag-aaral ang mga health protocols gayun

Lagaslas ng Sian

man ang mga guro.

Kahit naging problema ng paaralan noon ang pagliliban ng mga bata lalo na noong panahon na ulan, nalampasan pa din ng paaralan ito sa pamamagitan ng pabalik balik na routine pangkalusugan. # (Shane Mae O. Aranquiz)

Paliwanag sa pangalan ng Pahayagang Pampaaralan ng SEAG

Isang tagong paraiso ang makikita Barangay Kahayag, Bislig City. Papasok sa isang makitid na daan, madadaanan ang Pryce Gardens, Bislig City, pwede ka sumakay ng anong uri ng sasakyan. Maglalakad ka ng mga 10 minuto, sa gitna ng mga kakahuyan daratnan mo ang isang tagong paraiso, Ang Sian Falls

Ang mga mag - aaral sa SEAG

Ang pagpuputol ng kuko ay isa din paraan ng paglilinis. Lunes ang sinasabing nail clipping day. Ito ang araw kung saan tinitingnan o iniinspeksyon ng guro ang mga kuko ng mga bata. At pinuputolan nila ang mga batang matatas ang kuko.

Ipinapatupad din sa paaralan ang Water Sanitation and Hygiene (WASH) program. Isa itong programa kung saan, ang bawat paaralan ay minomonitor kung mayroong handwashing area, ipinapatupad ang kalinisan sa paaralan at malinis at masustansiya ang pagkain sa canteen, at may malinis na tubig na iniinom ang mga bata.

(Marjorie Sillador)

May mga bata na masayang nagkukuwentuhan at nagtatampisaw tuwing umaga habang habang naglalaba ang kanilang mga ina. Larawan ng isang nakapasayang kabataan ng mga pamilyang di maaford ang mga mamahaling ligoan o sa dagat.

Ang Sian, tinatawag na tagong paraiso para sa mga taong nakapunta na doon. Isa itong bukal ng malamig at malinis na tubig galing sa kalikasan.

Nasa Purok 5 ng Barangay Kahayag matatagpuan ang tagong paraiso na ito. Ang pinanggalingan ng falls na ito ay nasa Maharlika, Bislig City kung saan isa ito sa pinanggalingan ng tubig na dumadaan sa ating mga gripo sa Bislig City.

Sapagkat nasa Barangay Kahayag ito at isa ito sa maipagmamalaking atraksyon ng Barangay Kahayag, dito nakaisip na kunin ang pangalan ng pahayang pamapaaralan ng Mababang Paaralan ng SEAG.

LAGASLAS NG SIAN, na ang ibig sa sabihin ay umaagos pababa. Ang pahayang kinukunan ng impormasyon at kaalaman na mula sa mga guro at pinapadaloy patungo sa mga bata upang ang balita ay mabilis ang paghahatid sa paaralan. ( Marjorie Sillador)

Drip Irrigation: tulong nito sa halaman at tao

Umiinit na ang panahon dahil sa climate change. Ang mga halaman sa atinghardin ay kilangan ng tubig palagi lalo na ang maliliit na tanim upang hindi ito mamatay.

Sa mga paaralan kung saan pinapatupad ang programang

Gulayan sa Paaralan, isang hirap na nararanasan lalo nang mga bata ay ang pagdidilig sa umaga dahil sa dami ng tanim at malayo ang salukan ng tubig. Pagod at pawisan na sila kahit hindi pa nagsisimula angk lase.

Ayon sa Department of Agriculture, ang drip irrigation ay isang uri ng pagdidilig ng halaman na kung saan unti unting nadidiligan ang halaman sa pamamagitan ng tubo o plastic na hose. Ang tubig nito ay pwedeng manggaling sa mainline ng gripo o saan mang pondong tubig upang dumaloy ng untiunti papunta sa mga tanim. Sa pamamagitan nito, hindi na kailangang araw - araw na magdidilig ng halaman sapagkat hindi nawawalan ng tubig ang pinanggalingan nito.

Isa ang SEAG Elementary School sa gumagamit ng teknolohiyang ito para sa mga tanim. Dahil sa malayo ang mainline ng gripo sa gulayan, masyadong mataas ang hose na gagamitin upang makonekta ito sa mainline, at dahil sa walang pondo para dito, nakaisip ang paaralan ng paraan upang makatipid. Sa halip na e konekta ito sa tubong gripo, malaking lalagyan ng mineral water ang ginagamit bilang imbakan ng tubig, at sa halip na hose, bumili sila ng recycled na hose ng dextrose. Matipid na nakakatulong pa sa basura. Sa halos 4 na buwan na gamit nila nito, malaki na ang kanilang natitipid. Nakakatipid na sa tubig, nakakatulong din ito upang hindi na masyadong mapagod ang mga bata sa pagdidilig araw - araw. #

This article is from: