Candor photography

Page 14

MAALA-ALA MO SANA Mary Sharmine Sager

Minsan ang kahalagahan ng isang bagay o tao ay makikita lamang kapag huli na… May isang pamilya, kumbaga’y maaari nang maihalintulad sa manok na “isang kahig, isang tuka”. Si manong ben, ang nagsisilbing haligi ng tahanan na siayng bumubuhay sa kaisaisang supling at lumping asawa na si Mira. Sa gabi’y pagbabalot aang pinagkakaabalahan ni Ben at sa umaga nama’y pinagiigib niya ang mga kapitbahay sa presyong tatlong piso kada timba. Sa pamamagitan nito, napagtapos niya ang anak na si Nina sa kolehiyo. Mula pagkabata hanggang pagtanda’y nakagawian nan i Ben ang pagsilip kay nina sa silid upang tiyaking kung nakukumutang maigi, kung hindi napapasok ng lamok, at kung hindi natatamaan ng liwanag ng buwan o kung naisuot nito ang kanyang padyama. Ganito na lamang ang pagmamahal na binubuhos ng ama sa anak. Isang umaga, naalimpungatan si ben sa isang malakas na bulahaw ni nina. Nabigla na lang siya nang Makita ang asawa na wala ng buhay. Halos, ilang lingo silang nagdalamhati sa nangyaring iyon. Makalipas ang ilang araw matapos ito, nagdesido si nina na lumuwas ng manila upang magtrabaho at doo’y kanyang nakilala ang lalaking mapapangasawa na si Carlo. Mga ilang buwan pa ang nakalilipas siya’y nagdalang tao na ngunit hindi man lang niya inaalala ang naiwang ama sa probinsya. Kahit halos mapuno na ang isang kahon ng sulat galing sa ama patuloy pa rin itong binabalewala ni nina.


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.