Reporter, Unang Labas

Page 3

KATOTOHANAN PAGBABAGO SERBISYO

Tiyakin ang maagap, mabilis at seryosong pagtugon sa mga serbisyong pambayan, hindi ningas kogon at pakitang-tao lamang. MGA HAKBANG A. SERBISYO SA KABATAAN Bigyan ng pinakamataas na atensiyon at interbensiyon ang edukasyon para sa mas magandang kinabukasan ng mga kabataan:

Ang adbokasiya sa Walong Puntong Reporma na ito ay isang balangkas para sa pulitika ng pagbabago sa bayan ng Bansud. Unang tinalakay ito ni Roy Mudanza (nasa larawan), sa Founding Assembly ng RPM (Reporma Para sa Masa) na ginanap noong Setyembre 1, 2012, sa Pag-asa, Bansud, Silangang Mindoro.

1

KATARUNGAN SA LAHAT NG BIKTIMA NG PAMAMASLANG!

Umaabot sa 15 kaso ng pamamaslang sa ating bayan ang di pa nareresolba hanggang sa kasalukuyan. Lahat ay naganap sa nakalipas na anim na taon, sa ilalim ng kasalukuyang lokal na administrasyon. MGA HAKBANG 1. KAMTIN ANG KATARUNGAN para sa mga kababayang biktima ng Pamamaslang: a. Ilunsad ang isang malawak na kilusan ng mamamayan kabilang ang mga taong simbahan at midya laban sa mga gangster at kriminal sa Bansud; b. Hulihin, ikulong at usigin ang mga gangster na kriminal at pasimuno sa mga walang pakundangang pamamaslang sa Bansud; at k. Igalang ang karapatang pantao alinsunod sa ―Article 3, Universal Declaration of Human Rights‖ (Every human being has the inherent right to life. This right shall be protected by law. No one shall be arbitrarily deprived of his life). 2. BANTAY-BAYAN Itayo at palakasin ang Bantay-bayan sa bawat barangay. Ito ay isang community-based crime watch, para sugpuin ang operasyon ng mga elementong kriminal, sindikato, at gawaing anti-sosyal, kabilang ang pagsugpo sa pagnanakaw ng mga alagang hayop ng mga magsasaka at pagsugpo sa pagpapalaganap ng ipinagbabawal na gamot; 3.CCTV CAMERA Maglagay ng CCTV camera sa mga eryang komersiyal at bawat barangay bilang bahagi ng proteksiyon laban sa kriminalidad. 4. PARA-LEGAL SERVICE a. Itayo ang ‖Para-legal group‖ sa bawat barangay para sa mabilis at libreng serbisyong legal sa mamamayan, lalo na sa mga maralitang kababayan. Ang ‖Para-legal group‖ ay tutugon sa mga kasong administratibo,sibil at criminal; b. Katuwangin dito ang mga estudyanteng abogado at iba pang institusyon bilang mga volunteers para sa ganitong serbisyo; k. Maagap na magbigay ng abogado mula sa Public Attorney’s Office (PAO) sa mga kasong kailangan ito.

2

REPORMA SA PANGUNAHING SERBISYO

TUNAY NA SERBISYO, HINDI PAKITANG-TAO!

Sa Pormal na Edukasyon: 1. College Scholarship – ipatupad ang programang ‖isang iskolar bawat maralitang pamilya‖; at Study Now-Pay Later para sa mga OSY; 3. Pre-school - Magtayo ng PreSchool sa bawat Barangay. 4. Insentibo sa bawat gurong pampubliko. Sa Skills & Sports Development: 1. Itayo ang mga ‖TESDA accredited Skills and Training facilities‖ sa mga pangunahing Barangay. 2. Itayo ang Sports Development Program sa antas bayan at sa bawat Barangay.

B.

SERBISYO SA KALUSUGAN

1. Reporma sa BEmONC: Serbisyo Hindi Negosyo! Itigil ang di-makatarungang paniningil ng P3,600 sa mga nanganganak sa Bansud Basic Emergency Obstetric and Newborn Care (BEmONC); Ibigay ng libre ang ganitong serbisyo! Sapat na ang anumang donasyon bilang bayad. Ipawalang-bisa ang kontra-maralitang Municipal Ordinance No. 027 S.2011, na pumipiga ng P3,600 sa mga pasyenteng naganganak: Ipatupad ng mga sumusunod: a. Magtayo ng Birth Center (lyingin), katumbas ng BEmONC sa bawat barangay. b. Bansud Midwifery Scholarship Program (BMSP) – Ilunsad ang ‖two-year midwifery scholarship grant‖ para sa mga kwalipikadong aplikante sa pakikipagtulungan ng mga midwifery schools at Department of Health. k. Opisyal na resibo sa bawat bayarin ng pasyente, kung mayoon man; at d. Kunin ang kinakailangang Funding Assistance mula sa mga internasyunal na institusyon kabilang ang, United Nations Population Fund (UNFPA) at United Nation Children’s Fund (UNICEF) para sa dagdag na equipment; medical supplies; capacity building ng staff at mga serbisyo ng BEmONC. 2. Free Public Health Care Service: a. Bansud Health Insurance Program Ilunsad at palakasin ang Health Insurance Program para tugunan ang pangangailangan ng maralita at mamamayan sa quality health care services; b. Outpatient consultation and diagnostic Benefit (OPB) Package Makipag-MOA (Memorandum of Agreement) ang Munisipyo sa Philippine Health Insurance Corporation (PHIC) para makakuha ng OPB para sa mamamayan; k. Indigent Enrollment Program – Katuwang ang Barangay Health Workers at ang Municipal Social Workers, tukuyin ang mga indigents at kanilang dependents na kwalipikado sa programa, kabilang ang mga barangay-tanod, sa pamamagitan ng Community Based Information System Minimum Basic Needs Approach; d. Magpasa ng Ordinansa para sa Philhealth Capitation Fund. Magtakda ng alokasyon ang munisipyo bilang Counterpart Fund para sa regular na bayad sa insurance pre-

Marso 2013

miums ng mga indigentbeneficiaries. 3. Traditional and Alternative Health Care Program: a. Preventive Health Care system Buuin ang angkop at komprehensibong programa at muling paggamit ng mga tradisyunal at alternatibong paraan ng paggagamot. Kabilang ang ‖Herbal Plantation‖ sa bawat barangay; b. Ilunsad ang mga gawain sa edukasyon at pagsasanay ng mga barangay health workers sa acupuncture, massage/hilot therapy at mga katulad na ligtas na paraan ng preventive health care practices, alinsunod sa RA No. 8423 o "Traditional and Alternative Medicine Act (TAMA) of 1997.― 4. Operation: Sagip-Mata: Ipagpatuloy ang programang Operation: Sagip-Mata para sa lahat ng mga Senior Citizens – libreng operasyon sa katarata. 5. Bansud Health Board: Buuin ang Bansud Health Board (BHB)– kunin bilang miyembro ng BHB ang mga kuwalipikadong kinatawan mula sa mga Non-Governmental Organizations, People’s Organizations (NGOs/POs) at health institution para sa komprehensibong pag-aaral at rekomendasyon sa wastong paggamit ng ”Dual Health Care Policy” – moderno at tradisyunal.

3

REPORMANG PANG -EKONOMIYA AT PANGKABUHAYAN

Primera-Klaseng Bansud: ITAYO ANG BANSUD ECONOMIC DEVELOPMENT ZONE Mula sa atrasado at segunda-klase, gawin nating primera-klaseng bayan ang Bansud. MGA HAKBANG 1. Likhain ang BANSUD ECONOMIC DEVELOPMENT PROGRAM Kumilos para sa paglikha ng hanapbuhay at maiangat ang kabuhayan ng mga Bansudeño. 2. Likhain ang BANSUD ECONOMIC ZONE (BEZ) bilang isang special economic zone ng komersiyo at industriya sa Bansud. 3. Likhain ang BANSUD INVESTMENT CODE, alinsunod sa Local Government Code of 1991 at Omnibus Investments Code (Executive Order no. 226), para hikayatin ang mga lokal at dayuhang investors sa ating bayan. Bigyan ng lubos na proteksiyon at diskwento sa buwis at iba pang insentibo ang mga investors, kabilang ang mga lokal na negosyo (small and medium enterprise)/ entrepreneurs, kooperatiba at OFW‘s. 4. 70-30 Policy – Bigyan ng mataas na prayoridad at oportunidad ang mga Bansudeño sa pagbibigay ng hanap -buhay. Ibigay sa mga kababayan natin ang 70 porsiyento (70%) o higit pa ng lakas-paggawa (labor force) sa lahat ng mga malilikhang trabaho, kabilang ang konstruksiyon ng mga gusali, kalsada at iba pa, publiko man o pribado. Ang natitirang 30 porsiyento (30%) naman ng lakas-paggawa ay ibukas na mula sa ibang bayan. 5. Buksan ang mga oportunidad sa Agro-Industry at Eko-Turismo at hikayatin ang mga investors, entrepreneurs, OFW‘s at mga kooperatiba para likhain ang mga negosyo at hanap-buhay para sa ating mga kababayan kabilang ang pagtatayo ng planta/pabrika para sa pagproseso ng ketsup; banana chips; dairy products, meat processing, fishery products at marami pang iba. Hikayatin ang mga investors para idebelop ang ating mga water falls at

beach resort. 6. Bansud Public Employment Service Office (BPESO) – Likhain ang BPESO at i-debelop ang data base ng iba‘t-ibang skilled labor. Makipag -MOA sa DOLE (Department of Labor and Employment) para sa programang Skills Registry System (SRS) para sa job opportunities ng mamamayan. Ang SRS ay isang sistemang ‗live’ electronic register of skills para sa job matching at magsilbing gabay ng mga employer sa paghahanap ng manpower at desisyon sa investment.

4

REPORMA SA AGRIKULTURA

Para sa malusog na bayan at sustainable food production: ‖BACK TO BASICS, GO ORGANIC‖ Agrikultural ang bayan ng Bansud. Magsasaka at mangingisda ang malaking mayorya ng ating populasyon mula sa bilang na 38,341(Mayo 2010, NSO). Pangunahing pwersa at katuwang ng bayan ang mga magsasaka para sa paglikha ng sapat na pagkain ng mamamayan – sa paraang natural at organiko. MGA HAKBANG LUTASIN ANG SULIRANIN SA PAGSASAKA AT AGRIKULTURA Liban sa suliranin ng kawalan ng sariling lupang sakahan, suliranin din ng mga magsasaka ang mataas na presyo sa mga gamit sa produksiyon tulad ng binhi, sintetikong pestisidyo‘t abono; suliranin sa patuloy na pagiging asidiko ng lupaing agrikultural at suliranin sa mga barat na middlemen at negosyante na namimili ng produktong agrikultural. Kung gayon, ang suliranin ng magsasaka ay suliranin din ng bayan. Ang paglutas sa suliranin sa pagsasaka at agrikultura ay paglutas sa suliranin sa kabuhayan ng magsasaka at sustainable food production para sa mamamayan: 1. GAWING ORGANIC FARMING CAPITAL ANG BANSUD SA BUONG SILANGANG MINDORO Ang tanging paraan para lutasin ang mataas na gastos sa modernong pagsasaka at malikha ang sustainable food production ay bumalik sa paraang natural at organic farming/agriculture. 2. BANSUD BIO-ORGANIC RESEARCH & DEVELOPMENT CENTER (BBRDC) Itayo ang BBRDC bilang hakbang parasa institusyunalisasyon, debelopment at sentro ng promosyon ng organic agriculture sa Bansud, batay sa Philippine Organic Agriculture Act (Republic Act No. 10068). Maglaan ng sapat na taunang pondo ang lokal na pamahalaan para sa ganitong layunin. 3. ”BACK TO BASICS GO ORGANIC” Ilunsad ang isang kilusang-bayan, ‖Back to Basics, Go Organic‖ – isang empowerment campaign na nakadiin sa gawaing edukasyon/training, impormasyon, pag-oorganisa at pagpapakilos sa sektor ng magsasaka at mamamayan. 4. COASTAL RESOURCE MANAGEMENT Itayo ang ‖Municipal Coastal Resource Management‖ (MCRM), bilang sentrong ahensiya sa Bansud para sa proteksiyon, preserbasyon at regulasyon sa mga lugar pangisdaan sa saklaw ng bayan. Pangkalahatang layunin ng MCRM na itaguyod ang karapatan at kagalingan ng mga maliliit na mangingisda; Isanib ang Fishery Management Plan

ADBOKASIYA P/4


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.