1. ANO ANG KASALANAN? “Lahat ng kalikuan ay kasalanan . . .” (1 Juan 5:17). (Anumang bagay na hindi tama sa paningin ng Diyos ay kasalanan.) 2. ANO ANG PINAKAMABIGAT NA KASALANAN? Ang sabi ni Jesus: “. . . Sapagka’t hindi sila nagsisampalataya sa akin” (Juan 16:19). 3. SINO ANG MGA MAKASALANAN? “Sapagka’t ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos” (Mga taga Roma 3:23). 4. ANO ANG KAHIHINATNAN NG MGA MAKASALANAN? “. . . ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay” (Ezekiel 18:4). “Sapagka’t ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan . . .” (Mga taga Roma 6:23). 5. ANO ANG AKING GAGAWIN UPANG MALIGTAS SA KABAYARAN NG AKING KASALANAN? “. . . Manampalataya ka sa panginoong Jesus, at maliligtas ka . . .” (Ang mga Gawa 16:31).
6. ANO ANG PANANAMPALATAYANAN KO TUNGKOL KAY JESUS? “. . . si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan, At siy’y inilibing; at siya’y muling binuhay nang ikationg araw ayon sa mga kasulatan” (1 Mga taga Corinto 15:3, 4). 7. ANO ANG IBINIBIGAY NG DIYOS SA LAHAT NG SUMASAMPALATAYA KAY JESUS? “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan . . .” (Juan 3:36). 8. PAANO MAPAPASAAKIN ANG KALOOB NG DIYOS? Datapuwa’t ang lahat ng sa kaniya’y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Diyos, sa makatuwid baga’y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan’ (Juan 1:12) 9. PAANO KO MALALAMAN NA MAG-KAKAROON AKO NG BUHAY NA WALANG HANGGAN? “. . . na ipinangako ng Diyos na di makapagsisinungaling buhat pa ng mga panahong walang hanggan” (Kay Tito 1:2). 10. ANO ANG MANGYAYARI KUNG HINDI KO TATANGGAPIN SI JESUS NA AKING TAGAPAGLIGTAS? “. . . at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus: Na siyang tatangap ng kaparusahan, na walang