Pangamba, Lumbay, at Takot
Tanging nadarama ni Alab na unti-unting kumakain sa kanyang pagkatao ngunit hindi maitatala sapagkat ngiti ang laging nakasuot sa kanyang mga labi. Sa bawat araw na lumipas ay kaniya nang nakasanayan ang pag-aaway ng kanyang mga magulang at pagbatikos ng kanyang mga kamag-aral hanggang isang araw ay hindi na niya nakayanang maitago ang pagpeke ng kanyang mga emosyong nadarama. Dumating ang araw nang kanyang natuklasan ang isang kending hindi maitatanggi na magbibigay hiwaga sa kanyang kabuhayan kung saan dito na lamang siya kumukuha ng lakas. Ito na nga ba ang kasagutan sa kanyang kalungkutan? O ito ba ang magbibigay kapahamakan sa kanyang kabuhayan?