Special Election Issue

Page 1

CATALYST SC ELECTIONS 2016

The

Go out and vote on September 29-30!

EDITORYAL

MANINDIGAN AT BUMOTO Sa kasalukuyang panahon, patuloy pa rin ang pag-iral ng mga polisiyang siyang lumalabag sa demokratikong karapatan ng mga mamamayan. At sa patuloy na pagiral nito ay nararapat na patuloy rin tayong lumaban at manindigan upang supilin ang mga polisiyang ito. Kaya naman, sa nalalapit na eleksiyon, kinakailangan natin ng mga pinunong siyang handang itaguyod at ipaglaban ang karapatan ng mga iskolar ng bayan ukol sa edukasyon. Isa sa pangunahing problemang kinakaharap ng masang Pilipino sa ngayon ay ang patuloy na pagpapatupad ng mga neoliberal na polisiya sa edukasyon. Pinasimulan ito noong kasagsagan ng rehimeng US-Marcos na siya namang nagpapatuloy pa rin hanggang sa kasalukuyang administrasyon. Isa na nga ang K12 sa pangunahing mukha ng mga neoliberal na atake sa edukasyon. Ang patuloy na pag-arangkada nito ay nagpapatunay lamang na ang edukasyon ay pormang negosyo ng mga administrador. Sa katunayan, naglaan ang gubyerno ng P23.9 bilyon na nagmula sa 2017 National Budget para sa vouchers ng mga Grade 10 completers. Ang sandamakmak na perang ito ay dumidiretso lamang sa bulsa ng mga negosyanteng administrador ng mga pamantasan. Ang pagpapatupad

nito ay magluluwal lamang ng semi-skilled workers na siyang kailangan ng mga naglalakihang korporasyon para sa sobrang kita. Ang mga ganitong isyung kinakaharap ng kabataan ay isa lamang sa dahilan upang lalo nating igiit ang ating mga demokratikong karapatan. Tanging sa ating lakas lamang makakamit ang higit pang paglaban upang tutulan at tuluyang mapabasura ang mga ganitong klaseng polisiya. Kaya naman sa kabila ng mga suliraning kinakaharap ay marapat lang na ang mga susunod na lider ay handa at matapang na lumalaban para sa mga karapatan ng estudyante’t buong buong komunidad. Ilang dekada nang pinatunayan ng mga iskolar ng bayan na tanging sa kanilang pagkilos makakamit ang mga tagumpay na tinatamasa ngayon. Ngunit hindi pa tapos ang laban ng komunidad sapagkat napakarami pang hamon na siyang kinakailangang harapin ng bagong henerasyon. Ang makasaysayang paglaban ng pamantasan ay hindi lang magtatapos sa simpleng pagluluklok ng kanilang mga lider, bagkus sa tuluy-tuloy pang paglaban kasama nila upang higit pang pagtugampayan ang mga laban. Ang eleksyon at pagboto ay hindi lamang nakatali sa ideyang ito’y karapatan ng bawat isa. Isa itong responsibilidad na dapat natin tanganan ng mahigpit sapagkat nasa atin ang lakas at kakayanan na itala ang kasaysayang guhit ng sama-samang pagkilos para sa tunay na pagbabago.

Ang eleksyon at pagboto ay hindi lamang nakatali sa ideyang ito’y karapatan ng bawat isa. Isa itong responsibilidad na dapat natin tanganan ng mahigpit sapagkat nasa atin ang lakas at kakayanan na itala ang kasaysayang guhit ng sama-samang pagkilos para sa tunay na pagbabago.

Panahon na naman upang tayo’y magluklok ng mga panibagong lider na siyang magiging tagapamandila at tagapagtanggol ng akademiko at demokratikong karapatan ng bawat iskolar ng bayan sa Sintang Paaralan.

SEPTEMBER 2016


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.