


pagkilala sa bagong pinuno
-Tungkulin ay ginampanan tungo sa kaunlaran ng kapwa mag-aaral
N akilahok si Mary Nathalie E. Idago, ang pangulo ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG), ng Paaralang Sekundarya ng Doña Rosario (PSDR), sa Linggo ng Kabataan na may temang “Tayo ang Kabataang QC: Sama-sama sa Pag-unlad.”
Naganap ang programa mula ika-12 hanggang ika-14
ng Agosto 2024, sa Quezon City Hall, na pinangunahan ni Sangguniang Kabataan Federation President Sami Neri.
Ayon kay Idago, umabot sa 59 na mga pangulo ng SSLG, mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa lungsod ang dumalo.
“Sa tatlong araw na pagiging little councilor, marami
akong natutunan na maaari kong i-apply bilang student leader, at mas na-inspire ako na gumawa ng mas higit pa para sa aking mga kapwa estudyante,” ani Idago.
Kinilala si Idago, bilang bagong little councilor ng District V ni Councilor Alfred Vargas.
2
4
8
2
I pinagdiwang sa Paaralang Sekundarya ng Doña Rosario (PSDR), ang Buwan ng mga Guro na pinamunuan ni Dr. Arliana A. Arboleda, punongguro ng PSDR, na ginanap noong ika-1 ng Oktubre 2024. Nagsimula ang programa sa pamamagitan ng pambungad na mensahe ng Pangulo ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) na si Mary Nathalie E. Idago.
Sinundan ito ng mensahe at kasabay ng pamamahagi ni Dr. Arboleda ng parangal sa mga guro bilang pagkilala sa kanilang
NOVIE SEAN TOÑACO
taos-pusong serbisyo sa mga mag-aaral ng PSDR, “ Ang mga Teachers at head teachers ay tunay na bayani,” aniya.
Nagwakas ang programa sa pamamagitan ng pangwakas na mensahe ni Gng. Erlina A. Go at awitin na “Greatest Love of All” na dedikado para sa mga bayaning guro.
Samantala, labis naman ang pasasamalat ni Dr. Arboleda, dahil matagumpay na naisagawa ang programa sa tulong ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) at ng iba pang mga kawani ng paaralan.
Opisyal na Pahayagan ng Paaralang
Sekundarya ng Dona Rosario Novaliches, Lungsod Quezon
ABDUL WAHAB ARPHA
H inirang si Gng.
Loida R. Palacio, gurong tagapayo ng Pitak ng Lakandupil (PNL), sa Paaralang Sekundarya ng Doña Rosario (PSDR), bilang Outstanding School Paper Adviser sa Division 2024, at pinarangalan ng Service Excellence Award, sa naganap na Gawad Parangal sa Pamamahayag noong ika-16 ng Disyembre, 2024.
Nakamit ni Palacio, ang Outstanding School Paper Adviser bilang finalist sa limang mahuhusay na kapwa
niya guro sa pamamahayag sa buong Lungsod Quezon.
Samantala, iginawad din kay Palacio, ang Service Excellence Award, bilang pagkilala sa kaniyang taos-pusong serbisyo bilang gurong tagapayo ng PNL sa loob ng 20 taon.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng pambungad na mensahe ni Alkalde Ma. Josefina “Joy” Belmonte, at sinundan ito ni Carleen S. Sedilla, CESO V, Tagapamahalang Pansangay.
MARIEL LOUISE GATLABAYAN
I tinanghal na ng
Doña Rosario High School, ang mga kandidato para sa mga bagong kabataan na papalit sa posisyon ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ng eskwelahan para sa taong 20242025, noong Mayo 9, 2023. Inilabas ang resulta ng mga nanalo noong Mayo 15, 2023, matapos ang eleksyon.
Binubuo ng tatlong partido ang mga kandidato, ang mga partidong ito ay ang BINI (Bunga ng Inspirasyon, Naglilingkod para sa Inisyatibo), SALAMIN (Students Alliance for Leadership, Advocacy, Motivating, Innovating, and Nurturing) at ULAYAW (United Leaders Advancing Youth Aspirations Within).
Kinilala naman para sa posisyon ng Presidente si Mary Idago, sa Bise Presidente ay si Wiljohn Ablan, sa Sekretarya ay si Daniela Gumop-as, sa Ingat-Yaman ay si Wahab Arpha, sa Tagapagsuri ay si Krissa Lachica, sa P.I.O. ay si Pierce Benavidez, at sa P.O. ay si Christine Jumadiao, habang ang mga Representatives naman sa Grade 8 ay sina Toni Lanzar, at Czarina Lazaro, sa Grade 9 ay sina Charize Sianghio, at Princess Roldan, sa Grade 10 ay sina Jordan Villamor, at Mary Joy Mendoza.
Layunin ng programa na mabigyang pagpapahalaga ang mundo ng pamamaha
yag, sa tulong ng Quezon City Association of Elementary School Paper Advisers (QCAESPA), at Quezon City Association of Secondary School Paper Advisers (QCASSPA), ay matagumpay na naisagawa ang programa.
Nakiisa sina Mariel Louise Gatlabayan at Mark Louis Tolic, sa Center for Excellence in Research and Student Leadership (CENTREX), training batch ‘24, matapos muling ilunsad sa Lungsod ng Quezon noong Biyernes, ng Oktubre 11, 2024.
Tejano,
Irosarians, bida sa centrex
-Katalinuhan at katatagan, ipinamalas nina Gatlabayan at Tolic
ABEGAIL GANALON
Naganap ang unang araw ng CENTREX sa Quezon City Science High School, kung saan 138 na mag-aaral, ang nakiisa mula sa iba’t ibang distrito sa Lungsod ng Quezon, kasama ang pambato ng Paaralang Sekundarya ng Doña Rosario (PSDR), na sina Gatlabayan at Tolic, na pareho ring mamamahayag ng PSDR.
“Unang araw pa lang namin sa CENTREX, marami na kami agad natutunan at marami kaming naging kaibigan,” ani Gatlabayan.
sinagawa sa Paaralang Sekundaryo ng Lagro (LHS), ang pandistritong patimpalak ng Read-A-Thon, na may temang “Halina at Tuklasin ang Hiwagang Nakapaloob sa Bawat Pahina ng Aklat at Hayaang Maglakbay ang Imahinasyon tungo sa Malikhaing Pagsulat” noong Sabado, ika-16 ng Oktubre.
Lumahok sa patimpalak ang siyam na kandidato mula sa iba’t ibang paaralan sa ika-limang distrito, kabilang na
rito si Don Carlos Tejano, mula sa ika-10 baitang ng Paaralang Sekundarya ng Dona Rosario (PSDR).
Inilabas din kaagad ang resulta noong Sabado, matapos maganap ang nasabing pandistritong patimpalak.
“Nagsumikap at sinubukan ko talaga ang aking makakaya upang manalo kahit walang sapat na pag-eensayo, ngunit kinapos talaga, I was there but not enough to
Tagumpay na ibinida ng dalawang iskolar kasama ang kanilang gurong tagapayo sa CENTREX, na si Gng. Rowena B. Chua, ang kanilang research na Yakap-Usapan (YAKAPP), kung saan tumutugon ito sa isyu ng mental health. Naganap ang pagtatapos ng CENTREX VS Hotel and Convention Center sa Edsa, Quezon City, kung saan kasamang dumalo ang Alkalde ng Lungsod ng Quezon na si Josefina “Joy” Belmonte.
be there. Actually may kaba at takot nung una, ngunit pagapak mo sa entablado ay nararamdaman mo na malaya ka at magaan sa pakiramdam. Alam ko sa sarili ko na gumawa ako ng magandang laban kahit hindi nanalo,” ani Tejano. Nanguna sa pagkapanalo ang Paaralang Sekundarya ng Sta. Lucia, habang pumapangalawa ang Paaralang Sekundarya ng San Bartolome, at pumangatlo naman ang Paaralang Sekundarya ng Lagro.
PITAK NG
LAKANDUPIL
Opisyal na Pahayagan ng Paaralang
Sekundarya ng Dona Rosario
Novaliches, Lungsod Quezon
TAGUMPAY AY SINELYUHAN
-PSDR wagi sa District V Secondary School
Namayagpag ang mga mamamahayag ng Paaralang
Sekundarya ng Doña Rosario (PSDR), matapos maguwi ng karangalan mula sa District V Secondary School Press Conference, na may temang “Fostering Inclusivity: Campus Journalism for a Diverse School Community.”
Naganap ang unang araw ng tagisan ng Pamamahayag sa indibidwal na kategorya sa Paaralang Sekundarya ng San Bartolome, at sinundan ito ng pangkatang kategorya sa Pamantasan ng
Our Lady of Fatima sa Lagro, Lungsod Quezon, noong ika-19 - 20 ng Oktubre, 2024.
Nag-uwi ng tatlong karangalan ang Pitak ng Lakandupil, ang opisyal na pahayagang Filipino ng PSDR, matapos masungkit nina Mark Justine Remolacio ang unang puwesto sa pagsulat ng Agham, ikasiyam na puwesto sa pagsulat ng Kolum na nakamit ni Yohan Literatus at iniuwi naman
I sinagawa ang unang araw ng Brigada Eskwela sa Paaralang Sekundarya ng Doña Rosario (PSDR) nitong hunyo 23, 2024 na pinamagatang “BAYANIHAN para sa MATATAG na paaralan”.
Pinangunahan ito ni Dr. Arliana A. Arboleda, kasama ang mga guro, mag-aaral, magulang at iba pang nakibahagi sa aktibidad.
Nagtatakda taon-taon ng Brigada Eskwela ang PSDR para sa mga mag-aaral sa darating na unang araw ng pasukan.
Nagsagawa naman ang Supreme Secondary Learners Government (SSLG) ng isang proyekto na tinawag na “Pamana ni Ate at ni Kuya Overload” para sa mga Rosarian na nangangailangan ng uniporme at kagamitan sa darating na pasukan.
Nagtatakda taon-taon ng Brigada Eskwela ang PSDR para sa mga mag-aaral sa darating na unang araw ng pasukan. Kabilang sa mga aktibidad na ginawa ay ang paglilinis ng pasilidad, pagpinta at pagaayos ng mga sirang kagamitan.
Matagumpay na naisakatuparan ang Brigada Eskwela at na natapos din makalipas ang tatlong araw na paghahanda.
ni Ma. Nichole Castil ang ika-siyam na puwesto sa Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita.
Samantala, ang The Big Leap, ang opisyal na pahayagang Ingles ng PSDR, ay naguwi naman ng limang panalo sa nasabing kompetisyon.
Umabot sa 27 na paaralan, ang lumahok sa patimpalak at nasungkit ng School of Saint Anthony, ang unang sa puwesto bilang pinakamahusay na paaralan sa larangan ng Pamamahayag. Ipagpapatuloy ng mga mamamahayag ng PSDR ang kanilang husay sa pag- sulat sa Division Secondary School Press Conference, sa Disyembre 7, 2024.
JAMIEJE CASCARA
Nagsagawa na ng
NCAE o National Career Assessment Examination, ang mga Rosarians nitong Agosto 14 at 15, taong 2024.
Isinagawa ito sa Paaralang Sekundarya ng Doña Rosario upang magabayan ang mga estudyante sa oras ng kanilang pagtungtong ng senior high.
Ayon sa panayam ng isang estudyante na si Apple Tagana, “Mahaba po yung sinagutan namin, yung unang booklet po ay tinanong kami tungkol sa sarili
namin tapos yung iba naman po puro babasahin and solving, mahirap po pero kinaya naman para po sa future.”
Patuloy naman ang paggabay ng mga guro sa mga dapat gawin at isulat ng mga estudyante sa kani-kanilang sagutang papel.
Pansin sa ibang estudyante na nahirapan sila dahil hindi pa sila sigurado sa kukuhanin nilang strand sa Senior high at sabi naman ng iba ay hindi pa sila handang tumungtong sa Senior high.
Samantala, inaantabayan naman ng mga Rosarians ang naging resulta ng isinagawang NCAE.
MARY NATHALIE IDAGO
Sinimulan na ang pagpapatala sa bagong paaralan na Paaralang Sekundarya Sta. Monica para sa mga paparating na Senior High School students nitong ika-25 ng Enero, 2025. Nag-aalok ng Academic Track at Technical Vocational Track ang paaralan. Nilalaman ng Academ- ic Track ang Science, Technol- ogy, Engineering and Mathe- matics (STEM), Humanities
and Social Sciences (HUMMS) at Accountancy, and Business Management (ABM).
Para naman sa Technical Vocational Track, mayroon silang Hairdressing and Barbering Beauty Care and Wellness massage (Wellness), Food and Beverages Bread and Pastry Production ( Home Economics) at Software Programming and Autocad Hardware (ICT).
Opisyal na Pahayagan ng Paaralang Sekundarya ng Dona Rosario Novaliches, Lungsod Quezon
PITAK NG LAKANDUPIL
2024-2025
JHOMARI TAMAYO
yon
kay Education Secretary at Bise Presidente Sara Duterte, ang Matatag Kurikulum ay solusyon upang matugunan ang nakaaalarmang pagbaba ng akademikong kakayahan ng mga estudyanteng nasa elementarya. Bagama’t mas matimbang ang sang-ayon sa kurikulum na ito, naging isang pasakit ito sa ibang estudyante dahil sa napakaraming paksa ang tatalakayin ng mga guro sa isang araw na nagiging dahilan ng pagpapahirap sa mga estudyante.
Ang MATATAG
CURRICULUM, ay ipinatupad upang bawasan ang Learning Competencies sa bawat baitang mula 11,000 na naging 3,000 na lamang upang matiyak na hindi sobra-sobra ang impormasyon na pumupuno sa utak ng mga estudyante na nagiging sanhi ng kahirapan sa pagkatuto. Tinawag na "Makabansa" ang paksa ng Matatag Curriculum na siyang pumalit sa dating paksa nitong "Makabayan".
Kasabay ng paglunsad ng kurikulum na ito ay magiging malaking hamon ito para sa mga estudyante at guro na ayusin ang mga nakasanayan upang makasabay sa pagbabago ng sistema. Hindi lamang sa mga estudyante at guro ang hamong dala nito kung hindi pati na rin sa DepEd (Department of Education) dahil kailangan nilang mapanatili ang kaayusan sa sistema ng edukasyon sa bansa.
N
oong maupo bilang Bise
President si Sara Duterte, ay hindi niya inuna ang problema sa edukasyon. Inuna niyang humingi ng 150 milyon pesos, na Confidential funds at Intelligence funds para sa Department of Education (DepEd).
Ayon yan kay Atty. Chel Diokno, na ipinost nya sa kaniyang Social Media Account.
Nang maupo siya sa DepEd, ay inuna nya ang rebranding ng Martial Law para pabanguhin ang pangalan ng dati niyang katandem sa UniTeam. Ang pag-aaral muna ang dapat hindi ba? Bakit mas inuna niya ang mga kasama niya sa politika na kaya naman ang kanilang sarili?
May sinabi siya sa kaniyang panayam na hindi naman daw niya ginustong maging
Bise Presidente. Hindi ba dapat ay alam nya pa rin ang uunahin?
Ngunit inuna niya ang pera at politika kaysa sa edukasyon.
At noong para sa budget hearing naman ay nagkaroon ng tensyon sa kanila ni Sen. Risa Hontiveros. Nagkukwento si Sara, ng kung ano-ano na walang ugnayan sa budget hearing. Hindi napigilan ni Sen. Hontiveros na sumagot sa mga sinasabi ni Sara, Isinisumbat ni Sara, kay Sen. Hontiveros, ang paghingi ng tulong sa kanya noong eleksyon.
Ayon kay Antipolo 2nd District Rep. Romeo Acop, “The Filipino people deserve honesty and openness from their leaders, especially when their actions are being scrutinized. Dodging the oath gives the impression that the Vice President may not want the full truth to come out. No one is above the law or beyond the reach of truth… Transparency should never be optional for public officials."
Transparency lamang ang hiling ng taong bayan kay Sara ngunit, hindi niya ito maibigay. Paano magtitiwala ang taong bayan sa kaniya kung hindi siya nagpapakatotoo?
Dapat unahin ni VP Sara ang mga makabuluhang bagay kagaya ng pagtulong at hustisya. Dapat tutukan ng mga Pilipino ang mga ginagawa ng gobyerno. Dapat niya at mga nasa gobyerno unahin ang Pilipinas at taong bayan, unahin ang kailangan sa edukasyon at unahin din ang kailangan ng mga mamamayan. Nadidismaya ang karamihang Pinoy dahil sa pag-aaway ng mga nakaupo sa puwesto. Sino ba naman daw ang hindi madidismaya kung ang Pangulo at Pangalawang Pangulo ang nagtatalo.
Jamieje Cascara | Omair Asnawi | Mariel Louise Gatlabayan | Miel Allysa Ducot | Mary Nathalie E. Idago | Don Carlos Tejano | Althea Flores | Reygie Rose Torres | Jade Mitchill Buen | Shamel Alliandres | Kirsteen Carinan | Santino Vien C. Padua | Abegail Ganalon | Gracelyn Joyce Baldomar | Yohan Franchezka Literatus | Jhomari Tamayo | Amanda Jade Pacultilo | Novie Seian Toñacao | Alexa Soriano
Loida R. Palacio
Gurong Tagapayo
Imelda F. Banaag
Puno, Kagawaran ng Filipino
Dr. Ryan C. Ateroza
Tagamasid Pansangay sa Filipino/Dyornalismo
Ma. Nimfa R. Gabertan
Tagamasid Pansangay sa Ingles/Dyornalismo
Arliana A. Arboleda EdD Punong Guro IV
PREXUS AGGALUT
I sang maselan na pak sa para sa mga Pilipino ang usaping sekswal kung saan iniiwasan itong pag-usapan lalong-lalo na kung mayroong mga musmos sa usapan. Dahil dito, hindi maiwasang maligaw ang landas ng ilan dahil sa ka kulangan ng kaalaman na nagreresulta sa pagbubuntis ng maaga pag-aalaga sa kapwa nila bata.
Noong nakaraang taon, tinatayang 3,000 na kabataang babae ang nagdadalang-tao at karamihan sa mga ito ay nag-aaral pa. Tila basura rin na natatagpuan ang mga sang gol sa mga basurahan at pam publikong palikuran katulad
namang ipinapalaglag ng iba sa mga ilegal na abortion clinic kung saan maaaring magdala ito ng malubhang komp-
Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sang-ayon siya sa pagtuturo ng sex education at nanindigan na importante itong pag-aralan sa mga paaralan at lalong-lalo na ng mga kabataan. Nais naman ni Senator Sherwin Gatchalian na pagtuunan pa lalo ang comprehensive sexuality education (CSE) at kailangan nang kumilos upang maging epektibo ang pagtuturo nito sa mga paaralan.
likasyon sa kababaihan at bumibili naman ang iba ng mga pampalaglag sa tabibahan at bangketa.
Kung tutuusin, wala namang masama sa mga sekswal na usapin. Walang dapat ikahiya at mas lalong hindi dapat iniiwasan ang ganitong paksa dahil isang banta na ang pagbubuntis ng maaga sa ating bansa. Sa pamamagitan ng pagtaas ng komprehensibo ng mga Pilipino patungkol dito, mapipigilan na ang paglobo ng teenage pregnancy.
HJADE MITCHILL BUEN
abang tumatagal lalo lamang nadaragdagan ang mga kaso ng ilegal na gawain sa bansa. Ngunit, hindi nabibigyan ng sapat na ebidensiya upang mapatunayan ang ganitong gawain. Anong klaseng pamamahala ang ginagawa sa bansa, at tila’y walang pagbabagong nangyayari? Nasaan na nga ba ang aksyon ng National Bereau of Investigation o NBI. Sunod-sunod ang mga kontrobesyal na pinag-usapan sa bansa. Nito lang Hulyo 18, namataan si Guo Hua Ping, o mas kilalang Alice Guo, na mayora ng Bamban, Tarlac. Tumakas ito ng Pilipinas sa
ilegal na paraan, sa kabila ng mga kasong kinakaharap ay matagal ang paghuli nila kay Guo. Mismong NBI na ang tumutugis kay Guo, na may kaugnayan tungkol sa pagkakasangkot nito sa POGO (Philippine Offshore Gaming Operation) sa bansa.
Nagkaroon din ng kontrobesyal na usapin ang pastor ng the Kingdom of Jesus Christ na si pastor Quiboloy ng dahil sa mga kababuyang kaso nitong gaya na lang ng human trafficking, at sexual abuse na ginawa sa labas o loob man ng bansa at tila ba hindi mahuli -huli ng NBI at maski sa Estados Unidos ay may warrant ito.
KINUKURAKOT PA
Matagal ng nararanasan ng bawat Pilipino ang smuggling ng mga produkto, tanda ring sa kalagitnaan ng pandemya ay nagkaroon ng panlilinlang sa presyo ng mga produkto. Kaunti na nga lamang ang suplay na umiikot sa bansa, nagawa pang ikurakot ng mga negosyante.
Kabilang sa tinalakay sa State of the Nation Address (SONA) ni Bongbong Marcos ang smuggling, hoarding, at pagkontrol ng presyo ng produkto. Kamakailan lamang ay pinirmahan niya ang batas
Nahuli si Guo nitong Agosto 14, dahil namataan sya sa airport ng Indonesia, na muling tatakas sa bansang Indonesia, papuntang Malaysia, upang magtago ulit sa mga awtoridad at taguan ang kanyang mga kaso sa Pilipinas.
Nagkaroon din ng matagalang paghuli kay pastor Quiboloy, dahil sa kapit nito sa mga makapangyarihang buwaya ng Pinas at bandang 5:27 am ng Sabado, hinatid ng PNP( Philippines National Police) ang warrant na pinamunuan ni Police Brigadier General Nicolas Torre III upang pasukin ang KOJC( Kingdom of Jesus Christ) at hindi ito naging madali at umabot ng 2,000 na pulisya ang pumasok at nanghuli pa rito dahil sa tigas ng ulo nitong magpadakip sa mga pulisya.
Ang kawalan ng NBI ng kakayahang patunayan ng malinaw ang mga ebidensya na sila mismo ang nag-imbestiga ay isang malaking kapalpakan at kapabayaang pagkatiwalaan pa sila ng karamihan. Sa mga aktong ito ay unti-unti nang nawawalan ang mga tao ng gana pa upang sundin ang batas na dapat igalang ngunit sila mismo ay hindi kayang sundin. Dahil sa kapangyarihan ay marami-raming kriminal ang nakatatakas at nakakatakbo sa hustisya na dapat makamit ng sambayanan. Hindi takot ang mga kriminal mapaibang lahi man ng dahil sa mga tumutulong din dito na nakatungtong sa gobyerno na pinili ng sambayanang mamuno na wala man lang tulong sa loob ng gobyernong at bulag sa katotohanan makamit lamang ang kapangyarihan.
iba ay mas marami pa ang pro dukto galing sa ibang bansa kay- sa sa sariling bansa. Panigurado ay hahanap at hahanap sila ng paraan upang makapagpuslit ng mga produkto sa loob ng bansa.
May mga batas na rin na nagawa upang hulihin ang mga pinaka-utak at pinanggagalingan ng produkto na ipinapasok sa bansa. Ngunit ,ang mga ito ay magaling makipaglaro, sa tingin ng iba ay may kinalaman ang mga ito sa mga opisyal ng pamahalaan.
Maaring hindi ligtas ang mga pagkain na ipinapasok nila sa bansa, sa kadahilanang may mga kemikal na ginagamit ang iba upang maganda ang bunga ng kanilang aanihin. Walang naitutulong ang mga may katungkulan sa pagprotekta ng ating mga produktong lumalabas at pumapasok sa ating bansa.
A minin man natin, bilang estudyante, lahat tayo may pangarap na paaralan,paaralang nais pasukan sapagka’t hangad natin ang isang magandang kalidad ng edukasyon. Kung kaya’t, kumukuha tayo ng mga scholarship at pagsusulit sa bawat paaralan na nais pasukan. Ngunit, paano kung ang mararangya lamang ang nakakukuha nito, mayayaman ba ang may sala o ang mahinang gobyerno?
Matibay kong pinaniniwalan na mas kinakailangan ng taong walang sapat na kakayahan upang matustusan ang kanilang pag-aaral ang mga scholarship program. Sapagka’t, ang mga taong may sapat na kakayahang magbayad para sa kanilang pag-aaral ay kaya nilang tustusan ang pagpasok sa mga unibersidad.
“Walang saysay ang tulong kung mayayaman lamang ang makikinabang dito”
Opisyal na Pahayagan ng Paaralang
Sekundarya ng Dona Rosario Novaliches, Lungsod Quezon
PITAK NG LAKANDUPIL
Ngunit, hanggang ngayon ay pumapasok pa rin sa isip ng mga tao na ang pagpasok sa iilang unibersidad ay isang prebilihiyo para sa mga mayayaman, tulad na lamang ng mga estudyante sa Unibersidad ng Pilipinas o kinikilala sa tawag na UP
Liham sa Patnugot
Noong nakaraang taon ay mayroong kumakalat na isyu patungkol sa iilang estudyante ng UP na kung tawagin nilang “burgis” sapagka’t mahina ang kanilang kaalaman at parang hindi nararapat mapabilang sa UP. Naririnig ko ang mga usapin patungkol dito na kaya lamang sila nakapasok ay dahil marami silang koneksyon at mayayaman sila, na nagreresulta sa kanilang mataas na prebilihiyo at tiyansang makapasok. Paano nga ba nakalulusot ang mga ganitong pangyayari, mga mayayaman ba ang dapat sisihin o ang sistemang edukasyon na hinahayaan itong mangyari?
Base sa aking pag-oobserba ay masyadong mahina ang sistema ng edukasyon kung kaya’t nakalulusot ang mga ganitong pangyayari. Kaya mayayaman na lang ang nakakapasok sa UP, ay hindi dahil mayaman sila, kundi dahil mababa ang kalidad ng libreng edukasyon sa bansa. Walang ibang nararapat sisihin kundi ang sistema ng libreng edukasyon. Sapagkat imbis na ibigay anscholarship sa mga karapat-dapat na siyang magbabago ng kapalaran ng ibang mahirap ay ibinibigay ito sa mga taong salat ang kaalaman at pakialam sa bansa.
Santino Vien C. Padua 01/25/2025
Magandang Buhay Rosarians!
Ako'y labis na nagagalak dahil nabig yan ako ng pagkakataon na sumulat ng liham upa ng maipahayag ang aking pananaw o kuro-kuro. Noong Hulyo 29, 2024 ang naging panimula ng klase ng Paaralang Sekundarya ng Doña Rosario (PSDR), Ito'y magandang simula para sa aming mag-aaral, dahil sa bagong yugto na ito ay kasama ang bagong butihing punongguro ng PSDR na si Dr. Arli ana A. Arboleda. Ito'y isang magandang panimula sa aming mga Rosarians dahil mas naging ligtas kami sa taong panuruang ito. Isa rin sa mga napansin ko ay ang bagong mga pag kain sa aming canteen dahil nawala ang mga pagkain na hin di maganda sa aming mga kalusugan at ngayon ay mayroon ng masustansyang fruit juice, na kung saan ito'y gawa sa tunay na prutas. Natuwa rin ako dahil ang iilang pagkain sa canteen ay bumaba ang presyo nito na higit na nagpasaya sa aming Rosarians, dahil abot kaya na ang mga presyo.
Ngunit may iilan akong napansin sa paaralan na ang bawat sulok o pader ay may mga nakaguhit na hindi kaaya-aya sa paningin. Umusbong sa ating paaralan ang vandalism na kagagawan ng iilang mag-aaral ng PSDR. Sana’y mabigyan ito ng agarang solusyon, sapagka’t ang ating minamahal na paaralan ay napakaganda at isa sa magbibigay tagumpay sa bawat mag-aaral.
Taos-pusong gumagalang, Santino Vien C. Padua | 10-Rizal
YOHAN FRANCHEZKA LITERATUS
S a kabila ng mga pagbabago ngayong panahon, marami pa rin ang naniniwala sa makalumang paniniwala na ang mga gawaing pangmaskulado ay para lamang sa kalalakihan at ang gawaing mahinhin ay para lamang sa mga kababaihan.Tulad ng paggawa ng gawaing bahay, pagbabanat ng buto at pagiging malakas. Ang mga ganitong gawi ay nararapat nang wakasan dahil kayang gawin ng parehong kasarian ang lahat ng bagay.
Dating mga trabaho na nakaatas lamang sa mga babae ay maaari na rin gawin ng mga lalaki, trabahong tulad ng gawaing bahay, hanapbuhay na pagiging guro, nars at marami pang iba. Ang ibang gawain na para sa kalalakihan tulad ng pagmamaneho at pagmemekaniko ay kaya na rin gawin ng mga babae.
Sa aking pananaw, buong giting akong sumasalungat sa Gender Norms o sa Gender Stereotypes na ang paniniwalang ang isang uri ng gawain o kakayahan ay para lamang sa iisang kasarian.
Lahat ay pantay, kung anong kayang gawin ng isang kasarian ay kaya na rin ng kasalungat na kasarian. Sa nakaraan, ang mga lalaki ay mas binibigyang pagkakataon sa edukasyon, posisyon sa trabaho at pagiging kandidato sa pamamahala. Ngunit, sa kasalukuyan, unti-unting nagiging pantay pagkakataon para sa mga kababaihan sa iba’t ibang larangan.
Nakasanayan din noon na ang pagpapahayag ng nararamdaman ng mga babae ay normal lamang dahil ang kababaihan ay inaasahang maging emosyonal at sensitibo, ngunit pagdating sa kalalakihan Ito’y isang senyales ng kahinaan. Ang ganitong nakasanayang paniniwala ay nag-eepekto sa paglilimita sa kakayahan ng bawat isa na ipahayag ang saloobin at tunay na nararamdaman. Ang gender norms ay patuloy pa rin na nagiging hamon sa ating lipunan, Ito’y may malalim na epekto sa bawat isa. Para sa akin, upang matugunan ang mga ito kailangan na ituro sa mga kabataan ang tungkol sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng kasarian.
Binatikos sa social media ang mga taong nagdiriwang ng San Juan Water Festival da- hil sa kanilang pagiging bastos at mapilit. Tila pinipilit nilang basain ng tubig at pasukin ang mga sasakyan upang anyayahan ang mga tao na makisabay sa kanilang pagdiriwang.
Matibay kong pinaniniwalaan na mali ang ganitong kilos ng mga tao sa San Juan. Sapagka’t hindi nila dapat pinilit ang mga tao na ayaw naman maperwisyo sa kanilang pagdiriwang.
“Walang saya sa pagdiriwang kung may perwisyong dala”
ROIVEEN JAMES AGUILAR ,,
Paano na lamang kung ang gamit na iyon ay mahalagang dokumento na hindi na mapapalitan? Paano na lang kung aabutin pa ng ilang taon bago ito mapalitan?
Usapin din ang isang lalaki na tinatawag nila bilang “boy dila” dahil sa kani- yang ginawang pang-aasar sa isang dumadaan na sinabihan siyang ayaw niya mabasa. Subalit ang kaniyang rason ay pagdiriwang naman kaya ginawa niya ito.
Isa pa sa mga rason kung bakit hindi dapat ginawa ng mga tao iyon ay dahil may mga gamit ang mga dayo na importante at nabasa ng tubig.
Matibay kong pinaninindigan na kahit pa pagdiriwang ito ay dapat alam pa rin ng mga tao roon ang salitang respeto. Sapagka’t may mga nasira silang gadyet na umaabot ng 4,000-5,000 libong piso. Hindi dahil sa katuwaan lamang ang kanilang ginawa kundi isa itong seryosong usapan dahil sa kanilang pamimilit.
I mpormasyon ang makatutulong sa atin upang madagdagan o kaya masuportahan ang ating kaalaman. Marami tayong mapagkukunan ng impormasyon tulad na lamang ng balita, radyo, artikulo, mga turo o sabi-sabi. Ngunit, sigurado ba tayong tama ang mga impormasyong ating nakakalap?
Marami sa ating mga Pilipino na kapag may nakitang impormasyon ay agad na pinaniniwalaan na kahit wala itong sapat na ebidensya. Kaya ay maraming nalolokong tao at nakakalat ang mga maling impormasyon. Sa simpleng pagtitiwala sa walang sapat ng ebidensya at hindi kati-katiwalang pinagkukunan ng impormasyon, ay dahil hindi natin sinisigurado ang mga nakakalap nating impormasyon.
Ayon sa isang datos ng Social Weather Stations
(SWS), natuklasan nilang 51% sa mga Pilipino ang hirap na masuri kung lehitimo o peke ang kanilang nakalap na impormasyon.
Marami rin ang mga Pilipinong hirap tuklasin kung lehitimo ang isang impormasyon.
Bilang mag-aaral, dapat tayong maging masuri sa mga nakakalap nating impormasyon. Hindi dapat tayo mabilis maniwala, humanap muna ng kontekstong susuporta sa impormasyon. Ang pagpapalaganap ng maling impormasyon sa iba ay maaring magbunga sa hindi pagkakaunawaan at hindi pagkakaroon ng kaayusan.
Ang mga pekeng balita ay maaring magbunga sa mga malala pang pangyayari. Katulad na lamang ng pagkawala ng tiwala sa mga pinagkukunan ng impormasyon. Maari rin itong gamitin sa mga scams o panloloko.
Base sa aking karanasan, ang epekto ng pagpapakalat ng mga pekeng impormasyon ay maling pagtingin sa isang tao o kaya naman sa isang gawain. Sa bawat impormasyon na ating nakikita ay maaring magbago ang ating pananaw sa isang bagay.
Sa mga taong nagpapalaganap ng pekeng impormasyon ay maari silang makasuhan sa ilalim ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012. Maari silang makulong ng anim hanggang 12 na taon.
“Maging mapanuri at ilahad ng tama ang bawat impormasyon”
Noong Enero 5, 2025, ay nagkaroon ng impeachment kay Bise Presidente Sara Duterte na inihain ng House of Rep - resentatives.
Ang impeachment laban kay Duterte ay nag ugat sa
paratang ka - tiwalian, pagtataksil, at bantang pagpatay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa aking pagsusuri, ang impeachment ay isang malaking bahagi ng ating demokratikong sistema dahil dito napapanagot ang mga opisyal na lumalabag sa mga tungkulin nila. Tama lamang na managot si Duterte,
sapagkat matindi na ang mga nagawa niyang kamalian sa publiko at sa bansa.
Isa sa mga dahilan nito ay ang kahina-hinala niyang paggastos at paghingi ng sobra-sobrang budget para sa Office of the Vice President (OVP). Noong 2022, naglabas ng ulat ang Commission on Audit (COA), patungkol sa paggastos ng ₱125 milyong confidential funds at naigastos ito sa loob lamang ng 11 araw. At pati na rin ang paghingi niya ng ₱10 milyong pondo para sa librong kaniyang ginawa na “Isang Kaibigan” na kaduda-duda.
Noong naguusap ukol sa badyet, tinanong siya patungkol sa mga nagastos na confidential funds ng OVP sa mga taong 2022 at 2023, ngunit, ay itinatanggi niyang sumagot sa mga tanong ng House of Representatives.
Ang pangbabastos din kay Pangulong Marcos, ay isa sa mga rason ng kaniyang impeachment. Noong Nobyembre 2024 ay lumabas ang isang bidyo ni Bise Presidente Duterte na nagsasabi ng mga hinaing niya at pagbabanta sa buhay ng pangulo, sakaling mamatay rin siya. Pati na rin ang pagpunta niya sa isang rally na sumasang-ayon sa pagbitiw sa posisyong pangulo ni Presidente Marcos.
YOHAN FRANCHEZKA LITERATUS
Kung ako ang tatanungin, sapat ang mga rason na iyon upang maimpeach na si Bise Presidente Duterte. Hindi kailangan ng ating bansa sa isang opisyal na may mataas na panunungkulan ngunit ang asta ay hindi naman naaayon sa kaniyang posisyon. Dapat tayong magpokus sa opisyal na kaya tayong ipaglaban, alam ang kanilang ginagawa, at higit sa lahat hindi habol ang pera ngunit ang pagseserbisyo sa masa.
Sa kabuuan, ang impeachment ni Bise Presidente Sara Duterte, ay hakbang upang matigil ang kaniyang hindi naa angkop na pag-uugali at pang aabuso sa kapangyarihan. Sa mga kahina-hinala nitong paggastos at paghingi ng mga pera para sa confidential funds hanggang sa pagbabanta sa buhay ng Presidente ay dapat siyang managot. Ang totoong pinuno ay may malasakit sa bayan, tapat sa tungkulin at inuuna ang kaayusang ng masa kaysa sa sariling kagustuhan. Paalala ito na ang kapangyarihan ay isang responsibilidad na dapat gampanan nang may integridad at katapatan.
Opisyal na Pahayagan ng Paaralang Sekundarya ng Dona Rosario Novaliches,
say kapag dating sa Publikasyon. Sino ba namang hindi hahahanga dahil sa di narami-daming paaralan ay nakapasok tayo sa ika-10 mahuhusay na publikasyon.
Hindi pa rito nagtatapos ang mga parangal na nakamit ng publikasyon sapagkat ito ay nagsisimula pa lamang, wala pa ito sa tinatawag na masayang parte at talagang ka hit sino na lang ay magugulat dahil sa daming mga nakamit na parangal ng Publikasyon ng Pitak ng Lakandupil. Pinarangalan ng ika pitong puwesto ang pahina ng collaborative desktop publishing at ika siyam na puwesto naman sa News Section at panghuli ay ika walong puwesto para sa Isports Section.
Hakot karangalan din ang mga manunulat ng Pitak ng Lakandupil kung saan sila ay pinarangalan ng sunod-sunod, hindi umuwing talunan ang bawat isa dahil sila ay naka tanggap ng iba’t ibang karangalan, hindi lamang isang manunulat ang nanalo kada kategorya ngunit ito ay dalawa o humigit pa at ang nakatutuwa ay may isang manunulat na nakamit ang ika unang panalo.
Paaralan kung saan kinatatakutan ng karami- han dahil sa galing pagdating sa pagsusulat ng iba’t ibang kategorya, hinakot ang iba’t ibang parangal ng mga estudyanteng lumaban sa District Press Conference noong ika-1 ng Setyem bre, taong 2016, una na rito ay sina Renelle Angelique Cabarles at Patricia Anne Romu lo, matapos sungkitin ang ikatatlong puwesto at ikawalong puwesto sa pagsulat ng balita. Sila ang patunay na kahit mahirap ngunit kung mahal mo ang ginagawa mo ay pagsusumika pan mo ito dahil sa kanilang walang tigil na pag-eensayo ay nagbunga ito ng napakaganda.
Nagpamalas naman ng kah- anga-hangang talento ang mga manunulat ng Pitak Ng Lakandupil (PNL) matapos sum ali sa YMCA, na ginanap noong taong 2019. Nag-uwi ang mga manunulat ng iba’t ibang karangalan sa iba’t ibang kategorya na kanilang kinabibilangan, katulad ni Claries Pimentel na nai-uwi ang ikapitong puwesto sa kategoryang Pagsulat ng Kolum. Chester Andrew Coronado, ikalawang puwesto sa kategoryang Pagsulat ng Lath alain, NathanielAlvarez, ikatlong puwesto sa kategoryang Pagsulat ng Balita. Kasama rin estudyanteng ang sina Sophia Mabalod, ika-10 na puwesto sa kategoryang Pagsulat ng Isports at si Chena Lyka Agulto na nagkamit ng ikasiyam na puwesto sa Pagkuha ng Lar awan. Isang pagpapatunay na sila ay nagsusu- mikap para sa pahayagang kanilang kinabibilangan. PITAK NG LAKANDUPIL
Sa natunayan rangan ng Jemuel Clavecilla, onaldo, na nakakuha ang ika-12 puwesto ng mataas na antas Hindi rito natapos ang ing namayagpag ang kanilang ing sa National na patimpalakan. ang Pahinang Balita, isang malaking per Competition (2021-2022), Pahinang Agham at ika-10 puwesto syon ng mga mamamahayag, Muling pinatunayan ng mga sa pamamahayag matapos nilang magningning Sa kabila ng matinding kompetisyon, kampanyang pampahayagan. Pinangunahan puwesto sa Pagsulat ng Isports. Isang ng palakasan, hindi maitatangging nararapat yag sa lungsod. Hindi rin nagpahuli Nagpakitang-gilas si Vincent Paglalarawang Tudling matapos pangatlo sa Editoryal na Pagsulat. sa Kolum, at si Joedin Mae S. rin nagpahuli si Aleco Brylle Cabria, na nagtamo ng ika-9 na puwesto wawasto at Pag-uulo ng Balita, puwesto sa Kolum, at Christian saysayang tagumpay na inukit sa kanilang paaralan, kasabay dedikasyon sa pagsulat at Ang tagumpay na sawang pagsisikap mga mamamahayag nilang kaya nilang t inig ngHusay
Sa kabila ng mga hamon ng panahon, patuloy na pi- natunayan ng aming mga manunulat ang kanilang husay sa la- ng pamamahayag. Sa taong 2020-2021, nagpakitang-gilas sina Clavecilla, na nagtamo ng ika-2 puwesto sa Editoryal, Chester Andrew Cor- nakakuha ng ika-8 puwesto sa Lathalain, at Nathaniel Alvarez, na nakamit puwesto sa Balita. Ang kanilang dedikasyon at galing sa pagsusulat ay patunay antas ng pagsasanay at pagmamahal sa sining ng pananalita at impormasyon. ang kanilang tagumpay, sapagkat noong 2021-2022, mul- kanilang husay sa lahat ng tao, pinatunayan ang kanilang kahusayan at nakarat- patimpalakan. Sa Baylayn National Level School Paper, nagkamit ng ikatlong puwesto malaking karangalan sa antas pambansa. Samantala, sa Division Level School Pa- muling ipinakita ang kanilang talento matapos masungkit ang ika-7 puwesto sa puwesto sa Pahinang Balita. Tagumpay na inspirasyon sa mga susunod pang henera- patunay na sa tamang pagsisikap at determinasyon, walang imposibleng makamit. manunulat ng Pitak ng Lakandupil (PNL) ang kanilang husay magningning sa 2023 Quezon City Division Secondary Schools Press Conference (DSSPC). kompetisyon, matagumpay nilang naiangat ang pangalan ng Doña Rosario High School sa larangan ng Pinangunahan ito ni Joshua O. Rabutin ang tagumpay ng Pitak matapos niyang makuha ang unang Isang kanyang masusing pagsusuri at mahusay na pagsasalaysay ng mga pangyayari sa mundo nararapat lamang ang kanyang pagkilala bilang isa sa pinakamahusay na batang mamamaha- si Bernie Axcel L. Mabalod, na nakamit ang ikaapat na puwesto sa Paglalarawang Tudling. Vincent Louie Narag sa matapos makuha ang ika-3 puwesto, habang si Prexus Bea Mae Aggalut ay pumwesto rin sa Pagsulat. Samantala, nagpakitang husay si Nathalie Izla A. Bargan na pumuwesto sa ika-6 Mancilla na nakakuha ng ika-8 posisyon sa Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita. Hindi Cabria, na nagwagi ng ika-8 puwesto sa Paglalarawang Tudling, at si Dave C. Gajultos, puwesto sa Balita. Pati na rin sa ika-9 si Aira Santiago sa Lathalain, Ma. Nicole Castil sa Pag- at Nhajer Sultan sa Isports. At sa huli ay sina Shane F. Bongapat, na nakamit ang ika-10 Christian B. Patungan, na pumuwesto rin sa ika-10 sa Paglalarawang Tudling. Isa itong maka- inukit ng mga mag-aaral matapos nilang makuha ang pangkalahatang ika-7 puwesto para kasabay ng kanilang ika-3 ranggo sa Collaborative Publishing na nagpapakita ng kanilang at husay na kanilang ipinapamalas sa ano mang kompetisyon na kanilang salihan. na ito ay patunay ng walang ng mga manunulat ng Pitak ng Lakandupil upang ipakita ang galing ng mamamahayag ng paaralan. Sa kabila ng mahigpit na kumpetisyon, pinatunayan nilang makipagsabayan sa pinakamahuhusay sa Lungsod Quezon.
Nerd, sila iyong taga-provide ng mga sagot at palaging maaasahan ng leader. Matatalino sila pero karamihan
U na na rito ang
Opisyal na Pahayagan ng Paaralang Sekundarya ng Dona Rosario Novaliches, Lungsod Quezon
PITAK NG LAKANDUPIL
Leader, ito iyong mga classmates natin na mauutak o magagaling kung mamuno. May masungit, mabait, nonchalant lang at mga leaders na go with the flow lang.
S ayaw doon sayaw diyan, maririnig ang malakas at masayang kantahan ng mga tao sa bayan. Inaantay at pinaghahandaan upang maihatid at maipamalas ang lubos na pasasalamat sa itinakdang araw na iisa ang lahat.
Makikita ang makukulay na banderitas, malakas na pagtunog ng tambol at masisilayan ang malawak na ngiti sa gitna ng karamihan. Nagbibigay daan upang makilala at mabigyang oportunidad ang mga tao upang maipakita ang pagmamalasakit sa maykapal.
Pistang ginanap nitong Setyembre 24, 2024 sa National Shrine and Parish of Our Lady of Mercy (Diocese of Novaliches). Magmula pa mang mai- tayo ito noong 1856, taon-taon nang ipinagdiriwang ang ganitong kapistahan.
Minsang isang pagkakataon hindi lamang para magsimba, kung hindi para magkasama-sama ang buong komunidad na maipakita ang pagkakaisa at pagtutulungan sa ngalan ng pananampalataya.
Gawaing inalay para maihatid ang taos-pusong pasasalamat at pagsamba sa ating diyos ama. Isang okasyon na hindi lamang para magpasalamat, isang paraan din ng pag-iisa sa mga katoliko at mga taong pagsasaya ang hanap. Isang okasyong hindi limitadong lumahok ang lahat, bukas para sa sino man at tanggap kahit na anong relihiyon man. Paraan ng sanlibutan upang maipakita ang pagmamalasakit sa maykapal, para masuklian ang kaginhawaan at biyayang kaniyang pinagkaloob sa mamamayan.
Kulturang iniwan ng ating ninuno noon pa man, patuloy na isinasagawa at naging parte na ng ating buhay na kinalakihan. Isang masayang paraan ng pagkakaisa, pagsasaya at patuloy na pagtanggap at pagkilala sa ating diyos ama.
naman yung mga walang ambag sa paggawa pero masasaya ka-grupo dahil wala hiya kapag nagre-report at siyempre audience impact na rin pero minsan mga taga-hawak lang
Nasaan ka na ba ‘te? ito yung mga ka miyembro nating napakanonchalantpagdatingsa groupings. Lagi silang walang ambag at chill lang sa gilid.
least, Chilimansi, talagang busog ang buong grupo dahil lagi silang may dalang pancit canton tuwing practice o brainstorming. Calaman- si, chilimansi o sweet&spicy man iyan. Maliban sa pancit canton, sa- got din nila yung lugar dahil ma- dalas sa bahay nila nagkikita-kita.
GRACELYN JOYCE BALDOMAR
Sino nga ba ang nasa likod ng mga helmet na ito?
Sa likod ng mga helmet at mga sasakyang hindi sigurado ang kaligtasan, may mga kwento ng pagpupursige at pagtitiyaga. Sa ilalim ng mainit na sikat ng araw at walang tigil na ulan, sa kabila ng mga hamon at panganib, sila ay patuloy na nagdadala ng ngiti at pagasa sa bawat mamamayan.
Ako si John, isang delivery rider. Malamig na pawis ang tumatagaktak sa aking balat, habang hinahabol ang patak at galaw ng mga kamay ng orasan upang maihatid ng sakto sa oras ang pagkaing inaantay ng bawat kostumer. Pagod, antok, oras, at takot ang laging kalaban ko sa araw-araw na pagkakayod kalabaw. Puno ang isip ng mga katanungang: “Paano kung hindi umabot?” “Paano kung pumalpak?” “Paano kung malate?” “Paano kung i-scam?” “Paano kung may panganib na nag-aabang?” Puro paano, dahil walang kasiguraduhan kung saan patungo ang bawat ruta na aking papasukan.
Hatid rito, hatid roon. Paikot-ikot na landas na tila’y walang kapagurang iniinda para sa magandang kinabukasan ng aking pamilya. Pagod at antok man, ay walang tigil upang makapaghatid ng kasiyahan sa mga taong nangangailangan ng mabilis na serbisyo.
Ang mga ngiti at pasasalamat ng mga bawat mamimili ang nagbibigay lakas sa akin upang magpatuloy. Isa ito sa dahilan kung bakit patuloy ang paghahatid serbisyo ko sa bawat tahanan, opisina, o kung saan man, dahil kahit mababa at hindi sapat ang kita, ay may mga kostumer na nangangailangan ng aking serbisyo.
Sa kabila ng mga hamon, patuloy akong nagpapakita ng pagtitiyaga at pagpupursige. Hindi lang ako nagdadala ng pagkain, kundi nagbibigay din ng ngiti at pag-asa sa mga taong nakatanggap nito.
Sa bawat ikot ko, mayroong kwento ng pag-asa at pagtitiyaga. Sa bawat helmet ko, mayroong kwento ng pagpupursige at pagmamahal.
Hindi lang ako isang delivery rider, bayani rin ako kung ituring ng mga mamamayan, dahil ano mang pagsubok ang harapin, ay walang pagdadalawang isip na magpatuloy sa gawain. Mainit man o binabagyo, ano mang sakuna ay patuloy parin sa trabaho, dahil hindi lang ako pagasa ng bayan, isa rin akong pag-asa ng aming pamilya.
Bumida ang manunulat ng agham na si Mark Justine Remolacio, matapos masungkit ang unang pwesto sa katatapos lamang na District Press Conference na ginanap noong Oktubre 19-20, 2024 sa Paaralang Sekundarya ng San Bartolome at Unibersidad ng Our Lady of Fatima.
Naghain ang mga hurado ng dalawang paksang ‘limitations of using cellphones in classroom at depression’, upang gamiting paksa ng mga manunulat para sa kategorya ng agham,
kung saan ang napiling paksa para kay Remolacio, ay tungkol sa depression na kaniya namang isinulat nang may kaalaman.
“Aking naging estratehiya ay hindi lang ako bumase sa fact sheet na ibinigay, kundi maging sa aking mga sariling kaalaman at karanasan, dahil sa ganitong paraan sa tingin ko’y maganda at malakas ang dating ng kinalabasan.” ani Remolacio.
Tinapos ng buong husay ni Remolacio ang kaniyang artikulo sa loob ng itinakdang oras at nasungkit ang ika-unang puwesto sa indibiduwal na kategoryang ito na naghatid ng karangalan Para sa Paaralang Sekundarya ng Doña Rosario
Samantala, bukod kay Remolacio nagtagumpay rin ang dalawang mamamahayag ng PNL na maiuwi ang ranggo ika-9 na puwesto para kay Ma. Nichole Castil sa kategoryang Pag-uulo at pagwawasto at ika-9 puwesto naman para kay Yohan Literatus sa pagsulat ng Kolum.
Opisyal na Pahayagan ng Paaralang Sekundarya ng Dona Rosario Novaliches, Lungsod Quezon
PITAK NG LAKANDUPIL
I naasahang sasabog
muli ang Bulkang Kanlaon sa lugar ng Negros Island, da hil sa mga lindol na nagmu mula rito, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
“Nasa Alert Level 2 ang Kanlaon ngayon. Ibig sabihin nito puwede mag-es calate further ‘yung activity. Yes, posible po na puputok ulit ito.” ayon kay PHIVOLCS
Chief Teresito Bacolcol.
Umabot na sa halos 37 na paglindol na nanggaling mula sa Bulkang Kanlaon simula noong lunes hanggang martes, ayon sa bulletin ng PHIVOLCS.
“Ang ibig sabi hin po nito ay maaaring may magma na umaakyat o umaangat at binabasag ang mga bato kaya po nagkaka roon po tayo ng paglindol” dagdag pa ni Bacolcol.
Mahigit kumulang 2794 na toniladang sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan, at umaabot ang taas nito ng hanggang 800 metro patungong hilagang-silangang Negros.
PAGSUGPO SA inumpirma ng Department of Health (DOH) na mayroong 18 katao ang nagkaroon ng Monkeypox sa bansa noong kalagitnaan ng buwan ng Agosto at Setyembre, 2024.
Inihayag naman ni Teodoro Herbosa, na mayroong limang pasyente ang nakaligtas sa sakit na ito. Dinala naman ang ilang mga pasyente sa government hospital, kung saan kinuhanan ang mga ito ng specimens mula sa skin lesions, na nagpatunay na ang mga ito ay positibo sa Monkeypox viral DNA.
Ayon sa DOH, na maaaring maihawa ang Mpox sa ibang tao sa pamamagitan ng close contact sa isang taong may karamdaman nito, mula lamang sa kontaminadong materyales katulad ng mga utensils o kagamitan na maaaring pagkuhanan ng sakit na ito.
H indi maipagkakaila na mayroong mabuti at masamang dala ang internet sa mga tao. Sa panahon ngayon, sa tulong nito ay napapada li na ang pagkalap ng impor masyon at hindi na nahihirapan ang mga tao sa komunikasyon. Sa kabilang banda, mara mi din itong masamang dulot lalong lalo na sa mga kabataan.
Pinangangambahan ng mga magulang ang mga malalaswang litrato at mga bidyo sa loob ng internet. Madali na lamang itong ma-access ng mga kabataan lalo pa’t nabubuhay na tayo sa makabagong panahon kung saan maunlad na ang teknolohiya. Hindi lamang malalaswang bagay ang maaaring makita ng mga kabataan kundi maaari na rin silang mapasailalim sa mga ilegal na aktibidad at maging biktima ng cyberbullying.
PREXUS AGGALUT
Sa sarbey na isinagawa sa bansa, 80% sa mga
Nakapaloob sa Republic Act No. 11930, o kilala rin bil-
k amangha-manghang isipin na nagawa ng isang tao na maglakbay sa malawak at misteryosong kalawakan na tila walang hanggan. Nagbigay inspirasyon ang isang tao na si Yuri Gagarin, nang siya ay unang makarating sa kalawakan. Gulat at mangha ang naging reaksyon ng mga tao sa pangyayari na ito, hindi akalain ng mga tao na may makakagawa ng imposibleng bagay na gaya nalang ng makapunta sa kalawakan sapagkat marami ng tao ang sumubok na pumunta sa kalawakan ngunit ilang beses na rin silang nabigo.
Kilalanin natin ang tao na kauna-unahang nakapaglakbay sa kalawakan. Si Yuri Gagarin, ay ipinanganak sa maliit na nayon sa Klushino,Russia, at pumanaw sa murang edad na 34 taong gulang. Maraming nalungkot sa kaniyang pagpanaw dahil maraming tao ang ginawa siyang inspirasyon na makapaglakbay sa kala- wakan at maging astronaut.
Sa kabila ng kahirapan ng kaniyang pamilya, naging masigasig si Yuri Gagarin sa pag-aaral. Dahil sa kaniyang pagpupursigi, nakapasok siya sa Soviet Air Force, kung saan lalo pa niyang pinatunayan ang kaniyang kakayahan. Dahil dito, nabigyan siya ng pagkakataong maging bahagi ng makasaysayang paglalakbay sakay ng Vostok 1 patungo sa kalawakan. Hindi niya inakalang magtatagumpay ang misyong ito, ngunit sa kabila ng lahat, naisakatuparan niya ang unang
matagumpay na paglalakbay ng tao sa kalawakan.
Ngiti at tuwa ang sumalubong sa kaniya mula sa mga tao ng siya ay muling makatapak sa mundo. Itinuring siya bilang isang bayani ng buong bansa dahil sa kaniyang tapang at determinasyon sa pagpunta sa kalawakan. Ginawang simbolo ng tapang at determinasyon ang pangalan na Yuri Gagarin. Isang kasaysayan ang iniukit ni Yuri Gagarin, isang gawain na hindi mapapantayan ng sino man
Ang ating itinuturing second moon ay isa lamang na maliit na asteroid.
Ang dahilan ng wildfire sa California ay ang tagtuyot, malakas na hangin, at mga illegal na aktibidad ng mga tao.
Isa o dalawa lamang ang kaya ng katawan ng tao para mag pa x-ray kada isang taon.
Nagaganap tuwing ang buwan ay hindi sapat ang lapit sa Earth upang matakpan ang buong araw, kaya mayroong pagilitaw na “ring of fire”.
Nasa 60% ang pagkakatulad ng DNA ng tao mula sa DNA ng saging.
Hindi lubos maisip na may mga hayop pala na kayang kainin ang kanilang sariling mga anak. Tinatawag na Filial cannibalism ang mga hayop na kayang kainin ang kanilang sariling mga anak. Bagamat nakakagulat ang pangyayaring ito may mga ilang dahilan kung bakit nila ito ginagawa
Isa na sa mga dahilan ay ang kakulangan sa pagkain dahil sa sobrang kagutuman hindi na matiis ng ilang mga hayop ang kanilang gutom kaya’t ang
pati na ang sarili nilang anak ay nagagawa nilang kainin. Isa na rin sa dahilan ang Pag patay sa mga mahihinang anak, para ito ay mapanatiling malusog ang natitira niyang anak
Isa na rito ang hamster kapag masyadong bata pa ang ibang hamster at stressed dito na nangyayari na maari niyang kainin ang sarili niyang anak. Ginagawa ito ng hamster upang mabawasan ang kanilang aalagaan at mabawasan ang kaniyang stressed. Isang halimbawa na rin dito ang mga alimango may mga
kasong pag patay sa kanilang anak para bigyaang Daan ang mga malalakas na kaniyang anak. Nakatulong din ito upang maiwasan ang patuloy na pag dami ng mga popolusyon ng kanilang mga lahi upang hindi sila mag ka agawan ng mga pagkain. Nakakatulong din ito sa mga magulang upang sila ay mag ka roon ng malakas na resistensy. Bagamat ito ay brutal na proseso ang gawaing ito ay bahagi ng natural na mekanismo ng kalikasan upang mapanatili ang balanse ng ekosistema
Hindi ginagawa ito ng mga hayop ng walang dahilan, ito ay para na rin sakanilang sariling kapakanan, mabuhay at iba pa. Para sa mga ibang hayop ito ay Isang istratehiya upang mabuhay, at mabuhay lamang ang mga malalakas na kanilang anak. Ipinapakita lang dito na Isang malupit na lugar ang kapaligiran para sa mga hayop kinakailangan nilang kainin ang kanilang mga anak para lamang mabuhay.
Pagka hiwa-hiwalay ng mga kontinente
ba’t ibang ebidensya na ang nag papatunay sa paggalaw ng mga kontinente sa ating paligid.
Patuloy pa rin ang Pag monitor ng mga siyantipiko ang continental drift theory of and ideyang patuloy na paggalaw ng mga kontinente.
Ang taong nag mungkahi sa ideyang ito ay si Alfred Wegener noong 1912, na kung saan sinabi nya ang kontinente natin ay iisang kontinente lang dati na tinawag niyang Pangea.
KIRSTEEN CARINAN
Ang paglapag ng Apollo 11 sa Buwan noong Hulyo 20, 1969, ay isang sandali na nagukit ng malalim na marka sa kasaysayan ng sangkatauhan.
Ngunit sa likod ng tagumpay na ito, nananatili ang isang madilim na anino ng pagdududa. Kung saan patuloy na nagtatalo kung totoong nangyari nga ba ito. Hindi ito simpleng usapin ng “oo” o “hindi, kundi isang paglalakbay sa pagitan ng katotohanan at konspirasyon, kung saan ang ebidensiya ay nilalaban ng mga teorya.
Hindi maikakaila ang katibayan na sumusuporta sa matagumpay na paglapag ng Apollo 11 sa Buwan. Ang malawak na dokumentasyon ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) sa pamamagitan ng milyun-milyong larawan at video footag
es, kasama ang mga natatanging lunar samples, ay isa sa mga pangunahing sangkap na nagpapatunay sa usaping ito.
Malawak ang ebidensiya na sumusuporta sa paglapag ng Apollo 11 sa Buwan, ngunit nananatili ang mga teorya ng konspirasyon. Ang mga nagdududa ay nakatuon sa mga “anomaly” sa mga nakuhang larawan at video. Maraming pumuna sa kakulangan ng mga bituin, ang hindi maipaliwanag na mga anino, at ang tila kakaibang liwanag.
Bagamat ipinaliwanag na ng mga eksperto ang mga ito dahil sa limitasyon ng teknolohiya at sa mga kondisyon sa Buwan, patuloy pa ring naniniwala ang marami sa mga teorya ng konspirasyon. Lalo na itong nakakaakit para sa mga naghahanap
Ayon sa mga Pag aaral ang dahilan ng pag ka hiwalay-hiwalay ng mga kontinente ay dulot ng tectonic plates.
Sa Kabila ng mga Pagdududa matibay na suporta ang plate tectonics plates bilang pagpapaliwanag sa continental drift theory . Isang kontrebersya pa rin ang continental drift theory dahil Isa ito sa maaring dahi lan ng paglindol at minsanang Pag putok ng mga bulkan.
ng alternatibong paliwanag. Dagdag pa rito, hindi lamang ang Estados Unidos ang may kakayahang mag-monitor ng mga aktibidad sa kalawakan noong panahon ng Apollo 11’s program. Ang dating Unyong Sobyet, isang matinding karibal ng Estados Unidos sa panahon ng Cold War, ay mayroon ding mga advanced na sistema ng pagsubaybay sa kalawakan, kabilang ang mga satellite at mga istasyon ng pagsubaybay sa lupa. Ang kanilang kakayahan sa pagmamanman ay kilala rin sa pagiging mahusay. Kung sakali, mayroon silang malakas na insentibo na ilantad ang anumang katibayan ng panloloko ng Estados Unidos. Para sa mga naniniwala, kung ang paglapag sa Buwan ay isang malaking kasinungalingan, malamang na natuklasan
na ito ng mga Sobyet, at ginamit na nila ito bilang isang malakas na propaganda laban sa Esta dos Unidos sa pandaigdigang arena. Ang kanilang katahimi kan sa isyu ay nagpapatunay na posibleng totoo ang mga kredi bilidad ng paglapag sa Buwan. Kaya’t, habang may mga ebidensiya na sumusu porta sa paglapag ng sang katauhan sa buwan, ang mga pagdududa ay nananatiling matatag. Nag-iiwan ng isang malaking tanong na hindi pa nasasagot. Sapat ba ang mga konspirasyon at ebidensya, sa pagpapatunay kung ito ay kato tohanan o kathang isip lamang?
Pinatunayan din ng mga independiyenteng pagaaral mula sa iba’t ibang ban sa ang pagiging lehitimo ng mga datos ng NASA, gamit ang mga tracking station.
FRANCHESCA RIVERA
Ayuda ng Ginto
Binuo ang piyesa ng Creamline Cool Smashers matapos nilang isarado ang pinto bilang champions sa 2023 PVL All-Filipino Conference, binatbat ang laro sa 22-25, 25-20, 29-27, 2426, 15-12, sa Smart Araneta Coliseum ngayong Linggo ng Disyembre 16, 2023.
Walang kupas na sinibak ang mga laro na kanilang pinaikot, walang pinagkaiba ang mala-linta na labanan nila sa Choco Mucho na naging sanhi ng kanilang taas ulong pagkapanalo.
“Can’t express how proud I am with the effort na ginawa nila today” Ani Alyssa Valdez, Creamline Captain.
Nagparamdam kaagad si Tots Carlos, nang bumulsa ng 26 puntos para sa koponan niya.
Hindi rin nagpahuli ang Clutch Queen na si Alyssa Valdez, sa mainit na labanan. Napa-pigil hininga ang mga manonood dahil sa kaniyang huling hambalos sa bola na nag ditermina kung sila’y mananalo o uuwing sawi.
Humugot din ng 33 puntos si Sisi Ronda ,ng Choco Mucho Flying
Titans para makipag bakbakan sa halimaw na hinaharap.
Sumandal din si Jema Galanza, sa depensa nila at nagtala ng 21 puntos.
Dikit man ang laban, ngunit iisa lamang ang nangingibabaw na karanasan sa mainit na labanan na kanilang hinarap.
Sila muna ang bida sa mundo ng palakasan, Dahil pitong beses na kinoronahan ng tagumpay at patuloy ikakalat ang apoy sa susunod na mga laro ng mga mahuhusay na atleta.
Nanatili sa tuktok ang walang talo na Creamline
Cool Smashers na tinaguriang Champions na ngayon ay pinagdiriwang nila.
JERALD TAMBAOAN
Palo ng panalo
I sang makapigil hiningang labanan ang ipinakita nina Mark Cadigoy at Apple Tagana, matapos magbanggaan sa larangan ng badminton nitong Nobyembre 8, 2024.
Ginapos naman ni Cadigoy, ang mainit na one set match sa 17-21 na ginanap sa paaralan ng Doña Rosario High School . “Nung una, mataas pa tiwala ko sa sarili ko, kaso nung bandang huli, medjo na pressure ako perp importante na enjoy namin ang laro at nanalo ako sa malakas na kalaban” Ani ni Cadigoy.
Nagpasiklab naman si Tagana, matapos bumanat sa limang sunod-sunod na rally at sinubukang dakmain ang match point.
M
insan napapaluha na lamang ako dahil masakit pala sa pakiramdam na matalo at matawag na mahina, hindi ko alam kung ipaglalaban ko pa ba itong pangarap ko bilang isang magaling na manlalaro ng chess o susukuan ko na lang ba. Saan ako lulugar nito kung tingin sa akin ng mga tao ay isang talunan lamang? paano nga ba maging magaling? napapatanong na lamang ako sa aking sarili.
Nakapanghihinang isipin na ang tingin sa akin ng ibang tao ay mahina at talunan kapag dating sa larangan ng larong chess. Tinatanggap ko ang pagkatalo ko at humahanap ng ibang paraan upang ako ay maging mahusay at mas maging mal- akas, ang mga taong tingin sa akin ay mahina ay aking naging inspirasyon.
Nag-eensayo ng maayos upang pagtibayin pa ang kumpiyansa ko sa aking sarili, hindi ako sumuko sapagka’t alam kong ito ang larong gusto kong ipaglaban. Hindi ito naging madali sa akin sapagka’t hindi ko pa gaanong alam kung paano ito laruin, ngunit hindi ito naging hadlang.
Natutunan kong mahalin ang larong chess, sapagka’t, ito ang naging kasangga ko sa tuwing nakararamdam ako ng kabiguan. Tingin ng iba, ito ay laro lamang ngunit, para sa akin isa itong gamot na nakapapawi ng kalungkutan.
Dumaraan ang oras at lumilipas ang araw, paunti-unti ko nang natutunan kung paano maging magaling sa larangan ng chess at kung paano ito laruin ng tama. Kay sarap sa pakiramdam na ang dating hinihiling ko lang ngayon ay unti-unti nang natutupad, grabe rin pala ang pinagdaanan ko sa bawat araw na lumilipas at nakikita ko na ang bunga ng paghihirap ko.
Haharapin ko ang panibagong laban dahil isa lamang ako sa napili sa aming paaralan na lalahok sa larong chess. Hindi ko alam kung papalarin nga ba ako ngunit kung ano man ang kalabasan ay malugod ko itong tatanggapin.
FRANCHESCA RAIN RIVERA
Carlos Yulo, Tumikada para sa Unang Ginto sa Paris Olympics Ginintuang Kapalaran
I nilabas ni Carlos Yulo ang kamandag ng dugong Pilipino matapos nitong kubrahin ang gintong medalya sa mens floor exercise, 2024 Paris Olympics.
Kinandado ni Yulo, ang unang ginto matapos umiskor ng 15.000 puntos na tumalo sa representibo ng Israel, dumaan muna sa butas ng karay-
k ilala si Carlos Edriel Poquiz Yulo, bilang isang tanyag na himnastika sa bansang Pilipinas. Siya lamang ang kauna-unahang Pilipino na nag-uwi ng dalawang gintong medalya.
Natalo niya ang defending kampeon na si Artem Dolgopy, at ng Israel, matapos makakuha lamang ng puntos na 14.966 sa mens floor exercise finals. Ibinida ni Yulo, ang medalya niya matapos manalo sa 2024 Paris Olympics sa mens vault.
JERALD TAMBAOAN
Pumuntos siya ng 15.116 na nagmula sa average ng dalawang routine ng vault. Ang kaniyang unang pagganap sa vault ay ang difference maker na may puntos na 15.43 ito ay sinundan ng solidong 14.800 upang tuluyang masungkit ang panalo.
Kahanga-hanga ang kaniyang pinakita, umani ito ng maraming tagahanga dahil sa husay at galing na pinamalas niya. Nasungkit niya rin ang naglalakihang premyo sa kaniyang pagkapanalo.
k aba, pagod, luha, pangamba. Ayan ang aking naramdaman sa unang sabak sa isang laban bilang isang baguhang manlalaro na nirerepresenta ang sariling paaralan. Hindi maitimbang ang bigat na nararamdaman, kung alin ba ang uunahin sa mga nakahain na gawain sa aking harapan. Alin ba dapat ang unahin?
Sa mga nakalipas na araw, litong-lito pa rin sa dapat gawin, paano ko magagampanan lahat ng mga tungkulin kung hirap ako sa pagbalanse ng aking mga gawain? Nakakalula ang mga naiisip kung sakaling gumuho ang aking dapat isagawa, mag-iisip pa ako.
Ang San Miguel Beermen ay nagwagi ng pinakamaraming kampeonato sa PBA, na may kabuuang 27 titulong nakuha.
“Winning yesterday took away all of my stress, today I was more chilled and relaxed. It helped me give it all because there was nothing to lose anymore. And that’s what happened. It’s so crazy, I don’t know what to feel right now ” ani Yulo. Hindi nagpahuli ang mga tagasuporta niya sa pagbati sa kaniya sapagka’t isang magandang kasaysayan na naman ang naibahagi niya sa bansang Pilipinas magmula sa kauna-unahang gintong medalya na ibinulsa ni Hidilyn DIaz .
Teka, tiyempo, Isip, kilos at puso. Ako ay isang manlalaro ng badminton sa aming paaralan na Doña Rosario High School. Ano ang silbi ng aking pagsasanay kung hindi ko ito mailalagay sa araw na aking pinaka hihintay? Handa akong ibigay ang luha’t pawis para sa ikabubuti ko
Para bang uminom ako ng malamig na tubig matapos maglakad sa ilalim ng malupit na araw, ngayon ay alam ko na, dapat alam mo ang iyong layunin. Ako si Apple Tagana, isang marangal na manlalaro ng badminton sa aming paaralan. Sa bawat pagod at pawis, ay may kapalit na tagumpay at puri.
Ang Arnis ay kinikilalang pambansang sining-marsyal ng Pilipinas .
Ang Pilipinas ay unang lumahok sa Olympics, taong 1924.