

PITAK NG LAKANDUPIL
TinigngKabataan,PahayagangMakatotohanan
Rosarians, nakilahok sa Tree Planting Activity
Nakiisa ang Paaralang Sekundarya ng Doña Rosario (PSDR) sa inilunsad na proyekto ng Department of Education (DepEd) na “DepEd’s 236,000 TREES- A Christmas Gift for the Children”, noong ika-6 ng Disyembre, 2023 sa Sharon Farm, Novaliches Proper.
Kasama sa programa sila Kapitana Asuncion M. Visaya, Kagawad Cecile Ramos, Kagawad Enrique Añonuevo, iba’t ibang club advisers, club member representatives, at kapulisan.
Ayon kay Visaya, napakahalaga ng pagtatanim dahil sa


Nakiisa ang Rosarians sa naganap na Tree Planting Activity na may magandang layunin para sa kapaligiran
Full Face-to-Face Classes, kasado
uling dinagsa ang Paaralang Sekundarya ng Doña Rosario (PSDR), matapos mailunsad ang full implementation ng face-to-face classes sa pagbubu kas ng taong panuru an 2023-2024 noong
Agosto 29, 2023
Mula sa tatlong taon na virtual classes, sa tulong ng buong kina tawan ng Doña Rosario naitawid ang nasabing full implementation.
Ayon sa datos na aming nakalap sa,

Balita:

bilang na 938 na nagsumite sa mga Rosarians 67.16% ang pabor sa pagkakaroon ng full blast face-to-face, hindi hamak na mas mataas
sa 32.84% na hindi sang-ayon sa pagkakaroon nito.

Full Face-to-Face Survey
Samantala, upang matugunan ang pangangailangan ng bawat estudyante sa pasilidad, isinagawa ang paghahati ng silid sa Sonny Belmonte Building (SB Building). pasanin sa mga Rosarians ang kakulangan sa pasilidad, hindi naman ito naging hadlang sa kanila upang ituloy ang nasimulang pangarap.
Catch-up Friday, isinakatuparan sa PSDR p. 2
Editoryal:

Lathalain:
Agham:
pamamagitan nito ay napipigilan ang paglala ng climate change na ating nararanasan.
“Napakahalaga ng pagtatanim lalo na sa inyong mga kabataan, kaya kailangan magtanim tayo ng mga puno,” ani Visaya.
Nakapagtanim ng limang pananim ang kaguruan at mga magaaral ng PSDR, kagaya ng rambutan, papaya, sampaloc at longan.
Matagumpay na nagtapos ang programa sa pamamagitan ng pagbibigay ng patola sa mga dumalo.



p. 4

p. 8

p. 11

Isports:
akiisa sa isinagawa ng Department of Education (DepEd) na Catch-up Friday ang Paaralang Sekundarya ng Doña Rosario (PSDR), nitong Enero 12, bilang bahagi ng National Learning Recovery Program (NLRP).
Ipinatupad ang NLRP sa pamamagitan ng Drop Everything and Read (DEAR), kung saan layunin nito na bigyang pagkakataon ang mga mag-aaral na mas umunlad ang kanilang pagbasa. Ayon sa isang guro
sa English ng PSDR na si G. Raymond Uyvico, ang programa na ito ay hindi para husgahan ang mga mag-aaral kundi mapalago ang pagmamahal nila sa pagbasa.
“Catch-up Friday is a reading strategy that aims to develop to the students the love and interest in reading,” ani Uyvico.
Inaasahan ng mga mag-aaral, kaguruan at ng DepEd ang magandang resulta na ipinatupad sa pagpapalawig ng pagbasa ng mga mag-aaral.
umakot ng tagumpay ang mga mamamahayag ng Paaralang Sekundarya ng Doña Rosario (PSDR) sa idinaos na District V Schools Press Conference 2023, noong Disyembre 2 sa Lagro Elementary School at Disyembre 9 sa North Fairview High School.
Sumungkit ng 11 na puwesto ang Pitak ng Lakandupil sa bawat indibidwal na kategorya laban sa 19 na paaralang nakibahagi sa nasabing kompetisyon.
Naiuwi ni Vincent Louie C. Narag ang ikatlong puwesto para sa kategoryang PaglalarawangTudling.
Hindi rin nagpadaig sa pag-arangkada si Prexus Bea Mae A. Aggalut, matapos makamtan ang ikatlong puwesto
pagdating sa Pagsulat ng Editoryal.
Binigyang pagkilala rin bilang ikatlo sa pinakamahusay sa buong District V ang pangkat ng “DZMX 7.9” Radio Broadcasting Team at Collaborative Desktop Publishing ng Pitak ng Lakandupil.
Iginawad naman kay Dylan Jacob B. Garcia ng The Big Leap ang ikalawang puwesto sa kategoryang Photojournalism Napasakamay ng PNL ang ikalimang puwesto sa pinakamagaling na pampahayagan sa Filipino.
Samantala, naiuwi naman ng TBL ang ikawalong puwesto sa pampahayagang English.
Sa kabuuan, kinilala ang PSDR bilang ikapito sa pinakamahusay na pamahayagan sa buong distrito.
BALITA
BIYAYA SA MGA GURO
alay sa kaguruan
Pamaskong Handog, ng Doña Rosario

pinagkaloob ang maagang Pamaskong Handog sa kaguruan ng Paaralang Sekundarya ng Doña Rosario (PSDR), noong ika-22 ng Nobyembre, 2023.
Sa diwa ng Pasko, taos-pusong tinanggap ng mga guro ng Doña Rosario ang munting regalo na galing kay Mayor Joy Belmonte na kung saan mayroong nilalamang
- Bagong pamunuan, magandang kinabukasan


grocery bags at mga libro.
Nagbigay ng pasasalamat ang Mapeh Department sa ipinamahagi ni Mayor Joy na munting biyaya.
Hindi lang grocery bags ang laman ng regalo, maging ang pagmamahal ay umaapaw na higit na nag-iiwan sa atin ng matibay na marka na tayo'y magkaisa.
Tunay na hindi nawawala sa kaugalian ng

Pinangalanan ang bagong halal na opisyales sa organisasyong SSLG ng Doña Rosario High School

aisakatuparan ang eleksyon para sa magiging opisyales ng Supreme Secondary Learners Government (SSLG) sa Paaralang Sekundarya ng Doña Rosario (PSDR) para sa taong panuruan 2023-2024.
Isinagawa ang pangangampanya noong ika-13 hanggang ika-16 ng Hunyo, nagsimula ng dakong ikapito ng umaga at natapos ng ikalima ng hapon.
Sa pamamagitan ng google forms, lahat ng estudyante sa PSDR ay bumoto, ang botohang ito ay pinangunahan ng piling mga magaaral at ni Gng. Rowena B. Chua na siyang SSLG Adviser. Inanunsyo noong Hunyo 21, 2023 ang mga nagsipagwagi, si Athena M. Lago bilang Pangulo, Hannah Marie Y. Espiritu bilang Pangalawang Pangulo Franzin C. Brillante bilang Kali-

mga Pilipino na magtulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kabutihan sa kapuwa mamamayan.
Lubos na natuwa ang kaguruan ng PSDR dahil sa biyayang ipinagkaloob ni Mayor Joy sa kanila para magamit sa pagtuturo.
Nagtapos ang programa sa pamamagitan ng pagkuha ng larawan at pasasalamat kay Mayor Joy Belmonte.

Bagong SSLG Officers, bagong Doña Rosario
him, Andrei A. Barceliña bilang Ingat -Yaman, Michael Shane D. Abuyon bilang Tagasuri, Mary Nathalie E. Idago bilang Tagapaghatid balita at si Aira A. Santiago bilang Tagapamayapa.
Samantala, ang iba namang nagsipagwagi bilang kinatawan sa ikapito hanggang ikasampung baitang ay sina Dezza O. Baltazar, Leyrea J. Castilion, Aki Hobe A. Basarte, Princess Keana P. Valerio, Angela B. Macasaddu, Krissa E. Lachica, Pierce L. Benavidez, Krhyzzna L. Goron.
Naglatag ng iba't ibang plano ang mga naihalal isa rito ang pagpapaigting ng ”Mental health program" na may layunin na protektahan at pangalagaan ang kalusugang mental ng mga Rosarians sa taong panuruan 2023-2024.
atagumpay na ipinagdiwang ng Rosarians ang pagsalubong sa 16th Founding Anniversary ng Paaralang Sekundarya ng Doña Rosario (PSDR) noong ika-12 at ika-13 ng Disyembre 2023. Nagsimula ang seremonya ng misa sa pangunguna ni Rev. Fr. Jay Duenas ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Mercy ng Novaliches at
- Maagang Aguinaldo
-Nagpamahagi ng pamasko si Mayor Joy Belmonte sa mga guro upang maagang madama ang diwa ng Pasko

Pakitang gilas sa pagdiriwang ng ika-16 anibersaryo ng PSDR
16th Founding Anniversary ng PSDR, binigyang buhay

sinundan ng pambungad na mensahe ni Dr. Grace A. Tariman, punong guro ng PSDR. Nagpabatid rin ng mensahe ang pangulo ng SSLG na si Athena Lago upang pormal na buksan ang lahat ng mga inihandang booths ng bawat clubs sa paaralan.
“As a SSLG president, sa naging result ng foundation day I feel happy and honored na i-celebrate ang
16th Founding anniversary since plinano namin siyang maigi and naging successful naman yung program, I am also happy na nagkaroon ulit ng way to have collaboration with our alumni,” ani Lago.
Dinagsa ng Rosarians ang bawat sulok ng covered court kung saan maraming booth ang nakapuwesto na nagbigay-buhay sa lahat, malugod na tinanggap ng maraming estudyante ang magkasunod na araw.
National Learning Camp, matagumpay na idinaos

apagtagumpayan ng Paaralang Sekundarya ng Doña Rosario (PSDR) ang pagsasagawa ng programang National Learning Camp mula Hulyo 24 hanggang Agosto 24, 2023. Binuksan ang programa sa pangunguna ng pag-awit ng National Anthem (Pilipinas kong Mahal) at ng panalangin.
Sinundan ito ng

pahayag ng ilan sa kinatawan ng paaralan na sina Head Teacher III, Luzviminda E. Valdez, Head Teacher V, Louella T. Uy, at Principal IV, Grace A. Tariman. Samantala, malugod na nagbahagi si Ayezzah B. Hidlao at Jeffrey A. Musa mula sa Grade 7- Enhancement Camp ng kanilang mahalagang karanasan. Nagwakas ang nasa-
bing programa sa pamamagitan ng pagbibigay ng English Teacher na si Mrs. Rosalinda Arcenal ng isang mensahe at pasasalamat sa nagboluntaryo.
Sa huli, naisakatuparan ng PSDR ang programa nang matagumpay at nahubog ang kaguruan at mag-aaral upang mapahusay ang kanilang pagganap sa darating na pasukan.
Patricia Mhey G. Sarmiento Paulyn S. Dela Cruz Kenneth R. Namoc Dave C. Gajultos - Tatak Rosarians
BALITA
PITAK NG LAKANDUPIL TOMO XX BLG. 1
- Handog na regalo sa Rosarians
QC LGU, namahagi ng Learning Kit, handog sa Rosarians

aglunsad ng programa ang pamunuan ng Quezon City LGU para sa mga mag-aaral na nasa ikasiyam at ika-10 baitang ng Paaralang Sekundarya ng Doña Rosario (PSDR) na layuning mamahagi ng mga Learning Kit mula kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, matapos ang muling pagbubukas ng taong panuruan Ipinamahagi sa harap ng Belmonte Hall ng eskuwelahan noong ika-20 ng Setyembre 2023 ang naglalakihang kari -
Paggunita ng GETAR sa PSDR, naisakatuparan
ahusay na idinaos ang Get Together and Read (GETAR) sa Paaralang Sekundarya ng Doña Rosario (PSDR), noong ika-24 ng Nobyembre, sa quadrangle.
Isinailalim ang GETAR sa English Month 2023 na kung saan mayroong temang “Let’s ReadLearning, Empowering, and Transforming our Society through Reading”.

mula ikapito hanggang ikasampung baitang upang mas mahasa ang kanilang kaalaman sa pagbasa.
Aktibong pakikiisa sa programa ang ipinamalas ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang mga natutuhan sa programa.
Hindi mawawala ang presensya ng panauhing tagapagsalita na si Ms. Virginia Hara Gamboa, matapos ibahagi ang “Thank
you, Ma’am” ni Langston Hughes, kung saan tumatak sa mga estudyante dahil sa aral na taglay nito.
Layunin ng GETAR na maparamdam sa mga mag-aaral na sa pamamagitan ng pagbabasa ay mayroong pag-asa na umunlad ang ating bansa.
Nagtapos ang programa sa pamamagitan ng pagbibigay ng kasabihan ni Gng. Gamboa na “Today a Reader, tommorrow a leader”.

Samahang Alumni, binuo ng SSLG

aganap ang kaunaunahang pagtitipon ng mga dating estudyanteng nakapagtapos sa Paaralang Sekundarya ng Doña Rosario (PSDR), noong ika8 ng Disyembre, ikasampu ng umaga na ginanap sa loob ng paaralan. Binuo at pinangunahan ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ang programang DRHS
Alumni Meeting upang maisakatuparan ang agendang botohan para sa posisyon.
"Purpose no’n is to bring back the memories from their alma mater, also to meet their former teachers and to have a bonding with their friends.” ani SSLG President Athena Lago.
Kaakibat ng kulay ng kanilang t-shirt ang nakatalagang kulay
Sa posisyong pagkapangulo, si Eric Co ang itinalagang nanalo na nagmula sa batch 2007, naging matagumpay ang proyekto ng Disyembre.
Nagtapos ang programa sa pamamagitan ng isang larawan, maraming mga guro ang natuwa sa muling pagbabalik ng dati nilang mga estudyante.
ton kung saan may lamang mga folder, bond papers, intermediate pad, colored papers, ballpen, lapis, pati na rin ang flash drives. Maayos na natanggap ng Rosarians ang mga gamit na inihanda sa tulong ng kaguruan at mga non-teaching staff.
Taos-pusong pinasalamatan ng mga Rosarian pati na ang punong guro ng paaralan na si Dr. Grace A. Tariman sa regalong makatutulong para sa kanilang pag-aaral.
- Bahagi ng nakaraan, binalikan ng Rosarians
-Matagumpay na nagpakita ng talento at husay ang mga mag-aaral sa pagtatapos ng Buwan ng United Nation
Rosarians, nagpamalas ng galing sa U.N. Month

Miel Alyssa A. Ducot
pinagdiwang ng mga mag-aaral sa Paaralang Sekundarya ng Doña Rosario (PSDR) ang United Nation Month sa pangunguna ng Social Studies Club (SSC) na ginanap noong ika-1 ng Oktubre, 2023.
Kabilang sa kanilang programa ang Histo Look-alike, Quiz Bee, Flag Identification at lahat ng mga mag-aaral ay nakibahagi sa poster at slogan making na may temang "International Year Of Millets".
Kabilang sa kanilang programa ang Histo Look-alike, Quiz Bee, Flag Identification. Lahat ng mga mag-aaral ay nakibahagi sa
modality, Feeding program, Cradle of Learning, at iba pa. M N I N N


poster at slogan making . Nanguna sa HistoLook-alike sina Pierce Ervyn L. Benavidez sa ika-7 baitang, Ellah G. Pahayahay naman sa ika-8 baitang, si Keanah H. Elmido naman sa ika-9 na baitang, at si Fritz James C. Villareal naman sa ika-10 baitang. Panghuli ay ang poster making na kung saan bumida sina Kenlee D. Mahistrado sa ika-7 baitang, Naj-lah D. Datumaas naman sa ika-8 baitang, Ma. Zoila D. Agustin sa ika-9 na baitang, at Vincent Louie C. Narag naman ang nangibabaw para sa ika-10 baitang.
INSET 2024, matagumpay na isinagawa

aisagawa nang matiwasay sa Paaralang Sekundarya ng Doña Rosario (PSDR) ang Mid-Year in-Service Training for Teachers (INSET 2024), kung saan nag-umpisa noong ika-24 ng Enero at nagtapos ng ika-30 ng Enero. Tinalakay ng mga kaguruan ng PSDR ang ilang sa mga layunin tulad ng Physical Face to Face

Pinarangalan naman ang bawat guro ng PSDR at ang mga naging tagapagdaloy ng INSET.
Layunin ng programang ito na mapaunlad at mapabuti pa ang mga kaalaman ng bawat guro mula sa mga sinumpaan nilang tungkulin.
sa kani-kanilang batch. Joshan C. Montejo Rhemz Reynald G. Nillo - Pagbabalik na may hangarin Abdul Wahab A. Arpha Mary Nathalie E. Idago -Kagaapay tungo sa maayos na edukasyon, handog ng QC LGU para sa RosariansEDITORYAL

Prexus Bea Mae A. Aggalut
Papasukin ang ICC sa
IMBESTIGASYON
Baliko pa rin ang kalakaran ng hustisya sa bansa. Mayroong inabuso ng nakaraan na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakatikim ng katarungan, umiiral pa rin ang karahasan.
Hinihikayat ni Bienvenido Abante Jr. ang mga government agencies na makipagtulungan kay Karim Khan para sa pag-iimbestiga ng International Criminal Court (ICC) sa war on drugs ng Duterte Administration. Nagfile siya ng House Resolu tion 1477 para rito ngunit ayon sa De -
partment of Justice (DOJ) ay pag-iisipan muna nila ito ng mabuti lalo pa't hindi na kasa-
pi sa ICC ang bansa, inalis noong Marso 17, 2019. sa ICC sapagkat may sariling justice system angbansa.
Noong pumunta si Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa United States, si nabi niya sa isang panayam na pumapayag siyang pumasok ang ICC sa pag-iimbestiga. Taliwas naman sa panayam niya ang naging desisyon nang umuwi ito sa bansa. Ayon pa kay Marcos, hindi na kailangang bumalik ang Pilipinas
Tinatayang 6,252 ang namatay sa ilalim ng Duterte Administration. Marami na ang ebidensya na mayroong pagkakamali sa ginawang hakbang ng Duterte Administration laban sa droga ngunit lubos pa rin silang naninindigan na ito'y nasa tama. Dapat lang na pumasok sa imbestigasyon ang ICC. Hindi na dapat ito tutulan para masagot ang mga katanungang nabubuhay pa rin sa isipan ng taumbayan, wakasan dapat ang karahasan.

PITAK NG LAKANDUPIL
PAMATNUGUTAN
2023-2024

Joedin Mae S. Mancilla
Punong Patnugot
Ruszel John S. Ranile


EDITORYAL


Bob Aaron C. Baldomar
Confidential Funds : Tulay ng Korupsyon
Humiling ang Pangalawang Pangulo na si Sara Duterte ng Confidential and Intelligence Funds (CIFs) sa House of Representatives na nagkakahalagang 650 million. Sinasabing ilalaan sa mga proyekto ngunit tila humantong sa korupsyon.

Katuwang na Patnugot
Nathalie Izle A. Bargan
Tagapamahalang Patnugot

Paulyn S. Dela Cruz

Patnugot ng Sirkulasyon
Dave C. Gajultos
Patnugot ng Balita

Trisha Nicole G. Bulac

Patnugot ng Lathalain
Bob Aaron C. Baldomar
Patnugot ng Editoryal


Ashley A. Carinan

Patnugot ng Agham
Nhajer C. Sultan
Joseph Benedict R. Dumalag


Patnugot ng Isports
Vincent Louie C. Narag
Aleco Brylle N. Cabria

Christian B. Patungan
Corey Harvey T. Bautista


Editoryal Kartunist
Andrei A. Barcelina
Patnugot ng Larawang Peryolismo

Ruszel John S. Ranile

Rhain Skye P. Mangubat
Aleco Brylle N. Cabria

Pag-aanyo ng Pahina
KONTRIBYUTOR

Pinatunayan ni Marikina Representative Stella Quimbo ang pagiging gahaman ni Vice President Sara nang ilabas nito ang pahayag na 125 milyon ang ginastos nito sa loob ng 11 araw. Nang tanungin siya tungkol dito ay wala siyang maipakitang ebidensya kung saan ito ginamit. Tanging sagot lang nito na ginamit niya ito sa paghubog ng kabataan at anti-communist insurgency.
sasaka kung ginamit ang CIF bilang reporma sa lupa.
Malaking salapi ang ginastos ni VP Sara. Maaari sana itong gamitin upang malutas ang ilang problema ng bansa kung nagamit ng tama. Ayon kay Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) spokesperson Ariel " Ka Ayik" Casilao, maiiwasang mawalan ng lupain ang 8,333 na mag-
Matagal nang isinarado ng pangalawang pangulo ang mata nito para sa mahihirap nating mamamayan. Dapat nang imbestigahan ito ng Commission on Audit (COA) para hindi nagmumukhang walang pake ang kasalukuyang gobyerno sa lantarang korupsyong ipina-
pakita ni VP Sara. Palabra de Honor dapat ang manaig sa mga pangako ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na hindi niya hahayaan mabahiran ng korupsyon ang kaniyang administrasyon.
Matagal nang may nakabinbin tungkol sa impeachment trial ng pangalawang pangulo pero hanggang ngayon hindi pa ito dinidinig ng Senado.
Ryan Vincent M. Ojas|Kenneth R. Namoc|Patricia Mhey G. Sarmiento |Rhemz Reynald G. Nillo|Geezer Ashley M. Sabas|Ivan B. Capacio|Shane F. Bongapat|Jesmin Ellaiza A. Pedillaga |Kirsteen Jessie M. Carinan|Roiveen James F. Aguilar|Omair S. Asnawi| Jerald C. Tambaoan|Franchesca Rain B. Rivera|Aira A. Santiago|Prexus Bea Mae A. Aggalut|Miel Alyssa A. Ducot| Abdul Wahab A. Arpha|Mary Nathalie E. Idago|Joshan C. Montejo|Raizcha Miecolle H. Dumalagan|Gracelyn Joyce C. Baldomar
Loida R. Palacio Gurong Tagapayo
Imelda F. Banaag
Puno, Kagawaran ng Filipino
Rodolfo F. De Jesus Ph. D
Tagamasid Pansangay sa Filipino/Dyornalismo
Ma. Nimfa R. Gabertan
Tagamasid Pansangay sa Ingles/Dyornalismo
Grace A. Tariman Ph. D
Punongguro IV








Ano ang pananaw ng rosarians sa MATATAG CURRICULUM ?


10 - Abad Santos
“Sang-ayon, ito ay helpful kasi ireremove nila ‘yung mga ‘unnecessary’ subjects like Mother Tongue and ibabalik nila ‘yung GMRC.”
- Dave Gajultos
9 - Agate
"Sang-ayon, masyado nang outdated at ang ibang itinuturo ay hindi naman masyadong napapakinabangan."
8 - Abraham
"Hindi sang-ayon, kahit hindi na ibalik ang GMRC dahil pwede naman itong ituro ng mga magulang sa anak"
7 - Archimedes
"Sang-ayon, para matutukan natin yung mga subject na nahihirapan tayo tulad ng Math."


EDITORYAL

Nathalie Izle A. Bargan
Panalong napako
Sa kabila ng pagpabor ng International Court of Arbitration noong 2016 sa Pilipinas, walang patid pa rin ang pang-aangkin ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS).
Nagpadala ng military ships na magpapatrolya sa karagatan at harangan ang papasok ng teritoryo. Marami ang umaasa sa WPS, daing ng ilan, itigil ang pangaalipustang kumaltas sa halos 70 porsyento ng kanilang kita sa bawat pagpalaot.
Malaking hamon din ang pakikipagpatintero ng Philippine Coast Guard (PCG) sa WPS. Makailang beses na silang tinugis ng Chinese Coast Guard (CCG) tulad ng pambobomba ng water canon sa M/L Kalayaan papunta ng Ayungin Shoal, ginamitan din ng laser gun at muntikang banggain.
LEDITORYAL

Joedin Mae S. Mancilla
Hindi lang Pilipinas at Tsina ang umaangkin dito dahil maging ang Taiwan, Vietnam, Malaysia, at Brunei ay may pagnanais din. Ngunit bakit nga ba patuloy na pinagkakaisahan ang Pilipinas? Marahil alam ng mga ito na wala gaanong maibubuga ang ating bansa pagdating sa militar.
Makailang ulit
nang naganap ang pag-uusap ng mga lider ngunit tuloy pa rin ang pang-aapi ng Tsina. Kahit buksan muli ang kaso sa Int’l Court, ang solusyon lamang para matigil ito ay batas militar. Sa ngayon, tinupad ni Pangulong Marcos ang pangakong 40 patrol boats at 2 aircraft para sa ahensya. Kailangan pang dagdagan ang pondo ng PCG.
Bagsak sa resulta ng PISA
ugmok na talaga ang edukasyon sa Pilipinas. Hindi na naipapasok sa utak ng karamihan ang mga kaalaman na kanilang natututuhan sa paaralan. Lumabas na ang resulta ng Programme for International Student Assessment 2022 (PISA) noong Disyembre 5, 2023.
Nagsagawa ng study assessment ang Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) para sa 15 taong gulang na mga mag-aaral. Lumabas sa resulta na nasa ika-77 na puwesto ang Pilipinas mula sa 81 na bansa sa buong mundo.
Nasa 355 puntos ang average na nakukuha ng kabataang Pilipino sa Mathematics, malayo sa average na puntos na 472. Kung tutuusin ay mas lamang na ito ng dalawang puntos
sa nakuha noong 2018 na 353 lang, habang 373 puntos naman ang nakuha sa Science. Pagdating sa Reading Literacy, karamihan ay nakakuha ng 347 puntos, lamang ng pitong puntos sa naitala noong 2018.
Bumababa ang kalidad ng edukasyon, resulta ng mga kakulangan na hindi natutugunan. Hindi maipagkakaila na ang K-12 Curriculum ay wala na ring binatbat sa panahon ngayon.
Solusyon ni VP at DepEd Secretary Sara
Duterte ay ang pagsulong ng MATATAG Curriculum. Mas tututukan ang Mathematics at Science. Mayroon ding mga ibiinalik at idinagdag tulad ng Good Manners and Right Conduct (GMRC), Makabansa, Reading Literacy, at Language na sisimulan sa taong panuruan 2024-2025.
Maganda itong plano ngunit magkakaroon ba ng magandang epekto? Kung ito ay tuloy-tuloy na maisasagawa at hindi mababahiran ng

korupsyon, hindi imposibleng magkaroon ng maayos na resulta at mawakasan ang matagal nang dinaramdam na pagbagsak ng edukasyon.
- Prexus Bea Mae Aggalut

Joedin Mae S. Mancilla
Maraming kasinungalingan ang lumalaganap sa bansa. Panahon na upang ito'y labanan ng mga de-kalibreng mamamahayag. Isang Journalism Academy ang itinatayang isasagawa para sa mas tutok na ensayo na magbibigay ng malawak na kaalaman at kahandaan sa mga campus journalist. Ito ay ipinatutupad sa ilalim ng Republic Act 7079 Section 2. Layunin nito na kunin ang Top 3 na magwawagi sa Division Press Conference, bibigyan ng pagsasanay
at kukuha ng isang natatanging mamamahayag na ilalaban sa Re-


Prexus Bea Mae A. Aggalut
gional Press Conference. Marami ang sumasang-ayon sa panukalang ito dahil mas matututukan ang kabataang mayroong potensyal sa pagsulat. Sa kabilang banda, suliranin naman ng programa ang kawalan ng lugar na maaaring pagganapan. Nararapat din na mabigyan ito ng pondo ng Department of Education (DepEd) upang matugunan ang mga pangangailangan tulad ng laptops, cameras, microphones at iba pang kagamitan na ginagamit sa pamamahayag. Matapos pumutok ang pagpatay sa ilang mamamahayag, makatutulong ang programa upang manumbalik ang interes ng kabataan sa lara-

ngang ito. Magbibigay ng sapat na seguridad sa mga estudyante habang hinuhubog ang kanilang kakayahan.
Ayon sa Senate Committee of Finance, nasa 758.6 billion pesos ang nakalaan na badyet ng DepEd para sa taong 2024. Kung hindi ito ibubulsa ng mga korap tulad ng hinala na ginawa sa Confidential Funds, posible namang matuldukan ang mga kakulangan.
Maituturing itong isang magandang investment dahil paniguradong pag-unlad ang balik nito sa ekonomiya. Ating ipakilala sa mundo ang mga mamamahayag na hindi basta-basta. Isang programang magsisilbing bangka patungo sa tagumpay na hinahangad ng bansa.

Protektahan ang mga Mamamahayag
aagapay ng mga sibilyan ang mga mamamahayag na nagpaparating ng makatotohanang balita. Dahil sa kanila ay maalam pa rin ang mga taong-bayan sa nag-aalab na isyu ng kasalukuyan. Paano na ang mga ito kung kapahamakan ang kanilang pinakamalaking kalaban?
Tunay na nanganganib ngayon ang mga mamamahayag ng bansa lalo pa't dumadami ang namamatay na kasapi ng industriya sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Si Rey Blanco ang unang kinitilan ng buhay noong taong 2022, sumu -
nod ang radio broadcaster na si Percy Lapid, ang radio commentator na si Cresenciano Bunduquin at si Juan Jumalon na walang awang binaril habang kasalukuyang nagpapahayag. Hindi naman si Bunduquin ang naunang pinatay na mamamahayag sa Oriental Mindoro, nauna si Nilo Bacolo Sr.
Sa kaso
nila Blanco at Lapid, hindi pa natutunton ang
Akademiya sa pamamahayag , isang paglalayag TIGER ECONOMY
may kaugnayan sa pamamahayag ang dahilan sa pagpaslang sa kanila. Hanggang ngayon ay pilit na tinutunton ang mga suspek.
Isa sa pinakamasaklap at madugong insidente ng pagpatay sa mga mamamahayag ay ang Maguindanao Massacre noong taong 2009 kung saan 32 na mamamahayag ang nawalan ng buhay. Ayon sa report ng Committee to Protect Journalist (CPJ), ikapito ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang mapanganib para sa mga mamamahayag. Hindi na ito nakakapagtaka dahil habang mas tumatagal ang panahon, mas lalong tumataas ang datos ng karahasan sa loob ng industriya.
nila ang kaalaman na may kalakip na ka pahaEDITORYAL EDITORYAL

araming alyansa ng mga bansa ang nabuo upang makipagtulungan sa maraming aspeto tulad ng ekonomiya, militar at teknolohiya. Isa sa mga alyansang kinabibilangan ng Pilipinas ay ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ito ay itinatag noong Agosto 8, 1967 sa Bangkok, Thailand at may sampung miyembro ang Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Singapore, Thailand, at Vietnam.
Isang malaking kudos sa mga pangulo ng mga bansang kasali sa ASEAN kasama ang Pilipinas dahil hindi nila pinapabayaan ang kanilang mamamayan na manatiling mahirap. Dapat magpatuloy ito at lumawak pa ang kapangyarihan ng alyansa upang maprotektahan nito ang bawat kasapi ng ASEAN .
Marami na sa kanila ay pinatay ngunit bilang lamang sa daliri ang nabigyan ng sapat na katarungan. Hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo ay namumuhay ang pambubulas sa mga mamamahayag. Nais lamang nilang maghatid ng balita ngunit ngayon ay babaunin na
Kahit na maliliit at kaunti ang miyembro ng ASEAN isa ito sa mga alyansang inaasahang mangunguna sa ekonomiya at lalaban sa European Union bilang pinakamayamang alyansa. Magandang balita ito para sa mga Pilipino dahil nakakasabay ang ating bansa sa pag-unlad na ito partikular sa Gross Domestic Product (GDP).
Nagtala ang ASEAN ng 5% average growth rate simula 2000-2022 na pinakamabilis sa buong mundo dagdag pa rito 3.2% na productivity growth ng rehiyon. ASEAN rin ang alyansang may malaking ambag sa Foreign Direct Investment (FDI) na umabot sa 11.6% FDI nang buong mundo. Malaki rin ang tulong ng digital age sa rehiyon ng ASEAN dahil umabot sa isang trilyong dolyar ang investment ng alyansang ito sa World Digital Trade.
Hindi rin dapat kalimutan ng ASEAN ang mga malalaking banta na nag-aantay sa kanila sa rehiyon. Patibayin pa dapat ang military alliance ng ASEAN upang hindi ito mabulas ng ibang bansa.




Visual Learners, paano na?

Shane F. Bongapat
adalasan sa bawat sulok ng silid-aralan, puno ng makukulay at makabuluhang larawan. Walang kaila na sa mga litratong ito pa lamang ay may makukuha ka ng kaalaman.
Sa paglipas ng panahon nakasanayan ng karamihan ang ganitong ayos ng silid-aralan. Kasama sa pagkalibang ang pagkatuto lalo na sa mapaglarong mata ng mga bata.
Ano ang ating ma gagawa kung ito'y sapili tang aalisin na? Nito lamang Agosto ay pinatupad ng Department of Education ang Department Order 21 na naglalayong alisin ang mga nakadikit na visual aids sa mga dingding ng silid-aralan.

Mahal kong Patnugot , Mapagpalang buhay, Rosarians! Labis ang galak na aking nadarama dahil nabigyan ako ng pagkakataon na sumulat ng liham na ito at maipahayag ang hinaing ng ating kaguruan at mga mag-aaral.
Simula noong magbukas ang klase noong ika-29 ng Agosto taong 2023 ay patuloy ang Paaralang Sekundarya ng Do n a Rosario sa pagpapatupad ng Full Face-to-Face Classes. Sa totoo lamang, hindi ito naging madali para sa paaralan, ngunit inaasahang sa gabay ng magigiting na kaguruan at minamahal nating punongguro na si Dr. Grace A. Tariman ay mapagtatagumpayan ito ng paaralan.
Isa sa malaking suliranin ng paaralan ay ang kakulangan nito sa silid. Maraming silid-aralan ang hinati sa dalawa at ang mga mag-aaral ay nagsisiksikan na nagdudulot ng matinding hirap lalo na kapag mainit ang panahon.
Ipinatupad rin ito upang luminis, maging functional at hindi nakadi-distract ang mga classroom. Sa aking palagay, hindi sapat ang rason ng DepEd para gumawa ng isang malaking hakbang na nakakaapekto sa lahat.

may kabuluhan ang katulong ng karamihan upang matuto”
Naninindigan akong isang malaking kawalan ng konsiderasyon ang pagpapatupad nito, lalo na't mga bata sa elementarya
Buti sana kung hanggang kolehiyo ay nagdidikit ng teaching aids, ngunit hindi naman gano’n ang kaso.
Dapat ibalik ang dating nakagawian sapagkat hindi lahat ng estudyante ay magkakaparehas. Ako'y naniniwalang kailangang mas palawakin ng DepEd ang pag-intindi na mayroong mga batang mas natututo sa pamamagitan ng pag tingin sa visual aids kaysa sa pakikinig ng mga salita ng guro.
Kanino ang
korona?

Joedin Mae S. Mancilla
Laganap ang kawalan ng pagkakapantay-pantay na siyang unti-unting sinusolusyunan ng pamahalaan. Ang respeto at tamang pagkilala ay hangad ng mga kasariang pinagkaitan. Sa kabilang banda, paano kung ang hangaring ito ay hindi na malimitahan?
Sa ginanap na Miss Universe 2023 (MU), dalawang transwomen ang lumahok, ito'y sina Miss Portugal Marina Machete at Miss Netherlands Rikkie Kollé.
Marami ang sumasang-ayon dito sa ngalan ng pagkakapantay-pantay. Gayunpaman, kahit sila'y bihis babae na, biyolohikal pa rin silang lalaki, kung pati sila ay sasalihan ang kompetisyon na para lamang sa kababaihan, hindi ba't mai-
Isinusulong natin ang Women Empowerment upang mabigyan ng lakas ang mga babae. Naniniwala akong mawawala ang layunin nito kung sa mga kompetisyon tulad ng Miss Universe, iba ang sumusungkit ng korona.
Maaari namang gumawa ang Miss Universe Organization ng patimpalak na para sa mga transwomen. Dito mas mabibigyan sila ng tiyansa na maipahayag ang
kita ang kanilang kakayahan.
“Ang lahat ng bagay ay may limitasyon”

Sa ipinaglalaban na kasarian posibleng ang iba naman ang matapakan. Ang korona ay hindi ipinagkakait sa transwoman, ngunit sa kompetisyong ito, naninindigan akong ang tunay na babae pa rin ang dapat koronahan.
Posibleng magdulot ng hindi mabuti sa kalusugan ng mga mag-aaral kaya nararapat na agarang lapatan ng solusyon. Hangad namin ang ikabubuti ng lahat kaya tayo ay gumawa na ng aksyon.
Isa namang malaking tulong ang muling pamamahagi ni Mayon Joy Belmonte ng Learnining Kit sa mga Rosarian. Nabigyang solusyon ang kakulangan ng kagamitan at nabawasan ang gastusin ng mga magulang.
Sa liham na ito, dalawa ang aking layunin. Una, matugunan ang suliraning kinakaharap ng paaralan. Pangalawa, magbigay ng pasasalamat sa mga taong patuloy na sumusuporta sa pagkaroon ng magandang kinabukasan ng mga Rosarian.
Lubos na gumagalang, Ashley A. Carinan 10-Rizal
Maling
Prayoridad

Nathalie Izle A. Bargan


Nabahiran agad ng kritisismo ang pagpapalit ng tourism campaign ng Pilipinas. Magmula sa “It's more fun in the Philippines” binago ito at naging “Love The Philippines”.
Naglaan ng 50 milyong piso para sa rebranding ang Department of Tourism ngunit hindi tumatak kumpara sa dating tagline na humakot ng milyun-milyong dayuhan. May pagnanakaw pa ng clips mula sa Brazil at Indonesia na ginamit sa promotional video ng tourist spots natin.
Maling prayoridad ang pinaiiral ng ahensya, mahalaga rin na baguhin ito ngunit hindi pa sa ngayon.
Mas magandang ilaan ang salapi ng ahensya sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyong magpapanatag sa mga bisita ng ating bansa. Sa
katagang “Love The Philippines”, tila obligado pa tayo na mahalin ang Pilipinas.
“Mawawalan ng silbi ang magandang branding kung ang loob at produkto nito ay hindi na kalidad”
Mas magandang maibalik ang proyektong mapapabuti ang ecotourism ng bansa. Tulad nito at ng slogan, may mga bagay na hindi dapat palitan o tapusin dahil baka sa kakapalit ay malihis sa kapalpakan ang pinalalakarang industriya.
istulang luhang pumapatak ang kandila, animo’y umiiyak kung ito ay pagmamasdan. Dala nito ay maraming benepisyo, isa na rito ang nagsisilbing liwanag sa atin sa gabing madilim at hindi lamang ito basta kandila kung maituturing, dahil sa mainit nitong apoy ang kahulugan ay malalim.
Nagbibigay-aliw sa atin ang kandila dahil sa gandang taglay ng liwanag na naidudulot nito, may iba’t ibang kulay na nagpapadagdag sa karikitan nito. Ito rin ang nagsisilbing sentro sa tuwing may okasyon, tulad ng araw ng mga patay, kaarawan, o maging simbang gabi at marami pang iba.
Lingid sa kaalaman ng iba, alam niyo ba na ang kandila ay maihahalintulad sa buhay natin? Pansin niyo ba na sa tu-
KABUHAYAN




wing nalulusaw ang kandila na nagmimistulang luha ay maaari pa rin itong mapakinabangan muli?
Tulad na lamang ng buhay natin, minsan dumaraan tayo sa panahon na maging tayo ay nauubos na rin dala ng pasakit sa ating buhay. Hindi sa lahat ng pagkakataon ang takbo ng buhay ay umaayon sa atin. Hindi palaging masaya gaya ng kandila kasama sa pagkaubos ang mga luhang pumapatak mula sa kaniya. Sa huli, tayong lahat ay isang kandila. Hanginin man ang apoy, balutin man ng kadiliman basta’t hindi nawawalan ng upos, patuloy ang buhay.

Tingin doon, dito, kahit saan, ating masisilayan ang kahirapan ng buhay ng mga katutubo. Mga tagpong nakadudurog ng puso, ang kanilang simpleng pamumuhay ay nagpapakita ng hirap at pagtitiis. Hindi biro ang hamon na kanilang hinaharap mula sa mapanghusgang mata at reyalidad ng buhay bawat araw, kung susuriing mabuti, tila ba ay hindi sila naaabot ng tulong na nararapat para sa kanila at para bang sila ay naging simbolo ng mga naglahong pangarap.
Nakatambay sa mga lansangan, masigla silang sumasakay ng jeepney upang mamalimos, isang masalimuot na hakbang na naglalarawan ng kanilang pamumuhay sa organisadong kapaligiran.
Ang mga Badjao ay may kultura at tradisyon na kayamanan, ngunit sa modernong mundo, kanilang kultura’y unti-unting nawawala.
Nahahaluan ng teknolo hiya, ngunit ang
kanilang pag-asa’y hindi nawawala, naniniwala sila sa pagbabago at sa pagunlad na kanilang hinahangad.
Mga dating lawiswis ng hangin sa karagatan ay napalitan ng ingay ng sasakyan at bulong ng kalsada. Bagamat humaharap sa hamon ng kahirapan, ipinapakita ng mga Badjao ang kanilang tapang at determinasyon sa bawat paglalakbay sa kalsada na nagdadala ng mga kwento ng pag-asa, pakikipagsapalaran at pagtutulungan sa gitna ng mga pagbabago.
Diskriminasyon ay isa pang suliranin, tinitingnan sila bilang mga “taong lansangan” na walang kakayahan.

Tingin doon, dito, kahit saan, ang kahirapan ng buhay ng mga katutubo ay hindi dapat maging isang kuwento ng pagkabigo. Ito ay dapat maging isang kuwento ng pag-asa, pagkakaisa, at pagbabago. Tayo ang magtulungan upang mabago ang kanilang reyalidad at bigyan sila ng kinabukasan.

Maging madilim man ang buhay ay may tanglaw pa rin na kaagapay.
yan ang patuloy na bumabakas sa pang-araw-araw na buhay ni Ma’am Mercy Espinas. Gayunpaman, hindi nito inaalinta ang lahat ng napipintong pagtatapos ng kaniyang paningin basta’t siya’y tuloy pa rin sa kabila ng kaniyang pasanin. Ngunit sa kabilang banda, may maganda pa kayang bukas ang naghihintay sa kaniya?
Kilala si Ma’am Mercy Espinas bilang huwarang guro sa Paaralang Sekundarya ng Doña Rosario (PSDR) na kasalukuyang nagtuturo sa ikasiyam na baitang bilang guro ng Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP).
Sa kaniyang 15 taon ng panunungkulan, hindi naging hadlang ang kaniyang karamdaman upang patuloy pa rin n’yang gampanan ang kaniyang tungkulin bilang guro at maging isang magulang.
Lahat ng tao ay biniyayaan ng kakaya-
,, ,, han sa kabila ng hindi perpektong pagkatao. Bagamat hindi perpekto, hindi ito sumisimbolo ng kabawasan sa talento. Tulad ng ating guro na naging kaagapay ang madilim na mundo upang maihayag ang kaniyang obra maestro. Ngayon, aking narating ang punto na tayo ay lubos na mapalad. Mapalad sa paraang hindi natin naranasan ang mga pasakit na narasan ng iba kaya’t sa tuwing ikaw ay napapaisip ng hindi magaganda, nawa’y itong tampok nating istorya ay magbigay tanglaw upang maging mapagpasala mat sa pang-arawaraw. Tunay ngang nakakabilib ang mga taong kayang tawirin ang hamon ng buhay sa kabila ng kanilang deperensya.






Nng totoong superhero?

Ako kasi oo. Hindi si Superman, hindi si Batman at mas lalong hindi si Wonder Woman. Hindi lumilipad pero magaling magpalipad at hindi kailangan mangamba saan ka man mapadpad. Walang kapangyarihan ang tsuperhero ko pero kaya ka naman niyang dalhin sa destinasyon mo nang ligtas. Hindi pa tumitilaok ang manok at hindi pa sumisikat ang araw pero
nag-aantay ng mga pasahero na sasakay sa kaniya. Bayan, bayan, sampu pa, pito sa kanan at tatlo sa kaliwa. Paki-ayos na lang po ng upo ninyo para makaupo pa ang dalawa. Kahit na para na kaming mga isda na ginawang sardinas na pinagsiksikan sa lata. Kahit na kalahati na lang ang aking nauupuan, masandalan ng kung sinu-sino at kahit halos makain na ang buhok ay
TSUPERHER0
(Sinong superhero ang paborito mo?)

hindi ko pa rin magawang magreklamo dahil sa harapan ko ay may isang magiting na tsuperhero na kayang balewalain ang pagod makapagmaneho lang sa kaniyang mga pasahero.
“Manong, bayad po, pakisuyo na lang po ng sukli sa jeep ni tsuper.” Kapag nasa harapan ka tiyak magiging isang konduktor ka nang wala sa oras.
Huwag kalilimutan na kumapit nang mahigpit dahil kapag humarurot si Manong drayber lahat
NGITING MATAMIS SA
LAKONG MALAGKIT NA
Kakanin
ay madadawit at tiyak na ang destinasyon ay patungong langit. Sa tanghali na sobrang init at traffic at sa gabi naman na may makukulay na ilaw at malalakas na tugtugan. Wala nang mas hihigit pa sa galing nila sa matematika, pagsingit ng papel na pera sa daliri nila at pagsusukli sa pasahero niya habang nakatingin sa kalsada. Hindi ka makakatakas kung hindi ka pa nagbabayad dahil nakalista sa isip niya kung sino
lang ang nag-abot sa kaniya.
Serbisyo nila ay hindi matutumbasan kaya ang mga tsuperhero ay ating ingatan upang sa susunod na henerasyon ay mapaglingkuran pa.
Manong PARA po sa amin kayo ang pinakamagiting at tunay na kahulugan ng superhero. Ang kanilang kagitingan at dedikasyon ay dapat nating pahalagahan upang mapanatili ang kaligtasan at kaginhawaan ng bawat isa.
BULAKLAK PANGARAP SA BAWAT


anlalako, iyan ang aking buhay magmula noon hanggang ngayon. Ako ay naglalako ng mga malalagkit gaya ng biko, palitaw o sapin-sapin, hindi madali ang buhay ung kaya’t kayod kalabaw upang magkaroon ng pangkain sa pang-araw-araw.



Buhat-buhat ang aking malaking bilao, naglalakbay kung saan man ako dalhin ng aking mga paa upang maghatid saya sa mga tsuper o mga tao sa labas na naghahanap ng pantawid-gutom habang nasa daan.
Madalas may mga taong kalsada na nanghihingi ng makakain kung kaya’t minsan naibibigay nang libre sa iba pero magaan ito para sa aking kalooban. Bata pa lamang ako noong ako’y namulat sa mabibigat na trabaho.Sa aking ina ako’y natutong maglako at magluto ng mga malalagkit na

nakapaghahatid ng matatamis na ngiti sa mga labi ng mga kumakain. Hindi maitago ang aking kasiyahan tuwing makikita ang mga bumibili sa akin na may naiiwang bakas ng matatamis na ngiti sa kanilang mga labi. Nasa 17 anyos noong ako’y magumpisang maglako walang ibang hanapbuhay ang aking ina dahil sa hirap na makapaghanap ng trabaho noong araw,. Ngayon, 45-anyos na ako at ito pa rin ang bumubuhay sa akin at sa aking pamilya. Mahigit 28 taon na ang nakakalipas magmula noong ako’y natuto at naghangad na magkaroon ng sariling tindahan. Masikip at maliit ang aking tahanan pero para itong biko na aking tinitinda, siksik at puno ng matatamis at malalagkit na hagikhikan at pagmamahalan ng aking pamilya. Nangangarap at nagsisikap na makaangat.


Ako si Aling Benia, isang mapagmahal at masipag na negosyante ng bulaklak at ang tindahan ko ay matatagpuan sa tapat ng simbahan, isang lugar na puno ng pag-asa at kasiyahan. “Ale, ang gaganda po ng bulaklak na inyong ibinebenta, magkano po ito? “ tanong ng mga taong dumaraan sa aking tindahan. “Alin diyan? Marami akong iba’t ibang uri ng bulaklak, ngunit ang aking pinakamabentang bulaklak ay rosas.” Habang pinagbebentahan ko sila ay napapangiti na lamang ako dahil sa hindi ko akalaing grabe na pala ang tagal at pagsasama namin ng mababango, magaganda, at makukulay na bulaklak na ito. Ngayon, ako ay 43anyos na at mahigit 20
taon na ang nakakali pas simula nang ako’y magtayo ng sarili kong tindahan ng bulaklak. Nagustuhan ko ang pagbebenta nito dahil sa ito ay magaganda at mababango. Mukha mang napakaluma na ng aking puwesto, subalit ang aking mga bulaklak ay bagong-bago. Sa tuwing ako’y nag-aalok ng mga bulaklak sa mga dumaraan sa aking tindahan, ako’y lubos na nagagalak na makita ang tuwa sa kanilang mga mata at napapasabi sila ng “Wow, ang ganda”. Narito sa bulaklak na ito ang susi sa pangarap ko para sa mga anak ko at sa buong pamilya ko. Punong puno ng ngiti ang aking labi sa tuwing ang dumaraan ay pinupuri ang aking munting kong tindahan.
SI JUAN SA ARAW NG

JUANDA
EXAM


Si Juan na handa ay kilala sa kaniyang maayos na paghahanda para sa pagsusulit. Mayroon siyang babasahin at maalam sa mga kahingian ng pagsusulit. Ang kaniyang paraan ng paghahanda ay naaayon sa pagpaplano at maingat na pagsasanay.

JUAN RELIEF






JUAN WITH HELPERS JUANDER

Si Juan na may kaagapay ay tumutukoy sa isang estudyante na may kasama o kaagapay na maaaring pagkuhanan ng sagot. Ito ay maaaring kaibigan, jowa, o sinumang nagbibigay ng tulong sa pagbibigay ng mga sagot sa pagsusulit.




IBA’T IBANG URI NI JUAN

araw ng mga puso handa ka na bang matunghayan ang nagmamahalan sa daan Ikaw? Saan ka napapabilang sa uri ni Juan?
Bhe, may pendings pa tayo — Sila yung uri ni Juan na pa -nay ang aral at tinuturing lang na normal na araw ang araw ng puso. Literal na “love is life, but acads is lifer.”

alenTYPES
4 ebri-Juan

Tatalino — klase ni Juan na nagiging matalinhaga sa tuwing sasapit ang buwan ng mga puso. Sila yung mga uri ni Juan na may konseptong 1+1= cannot be.

Miss Minchin — Uri ni Juan na parang
laya — si Juan na nagiging bitter sa relasyon ng iba, nakangiwi at ‘di maipinta ang mukha. Kadalasang may sinasabi sa kada relasyon na nakikita ngunit sa kabi la ng mala-ampalaya na kaniyang pinapakita, naghahanap pa rin ito ng tamang tao upang mapasabi ng “Kaya naman pala”
han ng bookworms club, yung mga tipo ng taong nakulong na sa pantasya na magiging totoo ang mga kathang-isip na taong nababasa nila.
Normal npc —
han ang araw na ito at pumapalibot rin sa pagmamahal na maaari mong ipamahagi sa iba. Sa huli, kahit anong klase ka man at kung sa papaano mo ginugunita ang araw na ito ay mahalaga pa rin na patuloy na maalala ang diwa nito na ang pagmamahal ay isang unibersal na lengguwahe na patuloy mong magagamit sa pagdaan

Walking fic tional Characters kadalasangsama-








AGHAM 11
ALTERNATIBONG PAGKATAO
“Cause all of me, love all of you~“
abi ni Jess, 27 taong gulang, mahirap daw mahalin ang tulad niyang sari-sari ang pagkakakilanlan.
Bawat silip sa salamin ay haharap ang isa sa lima niyang personalidad. Apat dito ay lalaki: si Ollie na 14-anyos; si Ed na hairdresser; si Jake na isang aktor; at si Jamie na isang doktor. Batay sa pananaliksik, bunga ito ng pang-aabuso ng pisikal, sekswal, at emosyonal. Ang Dissociative IdentIty o Multiple Perso-
nality na nagiging tulay para takbuhan ang traumang naranasan. “What’s going on in that beautiful mind?”

Nathalie Izle A. Bargan
hirap mahulaan ang
namit at pagtrato sa sarili depende sa katauhang

Naghahari sa Modernong Panahon

Sa pag-igting ng ating pagiging malikhain ay hindi natin nama-
malayang ang teknolohiyang bunga ng imahinasyon ang tatapos sa lakas ng paggawa ng tao.
Pagtatrabaho na lamang ang tanging alas ng mga Pilipino upang kahit papaano ay makapag-uwi ng pagkain at pantustos sa kanilang pamilya. Ngunit, dahil sa rami ng naiimbento ng matatalinong isipan, ang kanilang armas laban sa kahirapan ay tila nawawala sa kanilang mga palad.
Sa pulong nina Pangulong Ferdinand
Southeast Asia sa benepisyo ng AI na may iba’tibang katangian at teknolohiya na nagagamit
minsan sa maling gawain.
Maraming dulot ang AI sa ekonomiya, pero natatakot ang ilang Pilipino na baka dahil sa AI ay maapektuhan ang kanilang trabaho.
Pre -
SINDAK NA DULOT NG
susuotin. Nakakawala ng kumpiyansa sa sarili. Walang lunas ang Dissociative Identity Disorder (DID). Mayroon namang Psychotherapy upang matulungan ang pasyente na mas makontrol ang pamumuhay at identidad. “Love your curves and all your edges, all your perfect imperfections” Nakahanap ng taong mapagkalinga ang dalaga. Takda ito na marapat lang din nilang tamasahin ang lahat ng atensyon at pag-aaruga.
WALKING PNEUMONIA

SA MGA MAG-AARAL


diksyon ng World Economic Forum (WEF) na sa paglantad ng AI ay maaaring 14 milyong tao sa mundo ang mawawalan ng trabaho. Maiiwasan natin ang pagkaubos ng oportunidad kung tayo’y mayroong disiplina. Pero para saan ang disiplina kung ugali ng mga Pilipino ang abusuhin ang lahat ng bago sa paningin? Sa pag-abuso ba sa AI magtatapos ang mga oportunidad para sa mga Pilipino?

Datos kung gaano kahanda ang mga mag-aaral ng Paaralang Sekundarya ng Doña Rosario sa mga kumakalat na sakit
Higit kalahati ng PSDR students, may alam sa Pneumonia, pero nakababahala ang 66.7% na nagkakaroon ng ubo at sipon na konektado sa Walking Pneumonia.
Marami ang hindi naniniwala sa seryosidad ng Walking Pneumonia, kaya't hindi ito agad napapansin. Subalit, maaaring magdulot ito ng mas malalang epekto sa kalusugan ng mga estudyante kung may kulang sa agarang aksyon sa sintomas.
Batay sa sarbey
na isinagawa sa Doña Rosario High School, 51.9% lang ng estudyante ang may kaalaman sa Pneumonia. Ngunit, dumarami ang mga nakararamdam ng sintomas, gaya ng ubo at sipon. Dulot nito, madalas ang pagliban sa klase at pagkabawas ng produktibidad sa paaralan. Kinakailangan na agad na matutukan ang Walking Pneumonia. Mahalaga ang kaalaman ukol sa Walking Pneumonia sa ating komunidad para magkaroon ng tamang tugon sa sakit na ito at maiwasan ang mas
malalang epekto.
Hikayatin ang mga estudyante na kumonsulta sa doktor kapag may nararamdamang sintomas. Kasabay nito ang tamang pahinga, pag-inom ng maraming tubig at tamang antibiotic upang mabawasan ang pagkalat ng sakit na ito.
Ang tulong medikal ay mahalaga rin upang masiguro na hindi maapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante.


B.

CLASSROOM-BASED EARTHQUAKE DRILL

Matagumpay na naisagawa ng
Paaralang Sekundarya ng Doña Rosario (PSDR) ang kauna-unahang Classroom-based Earthquake Drill noong ikapito ng Setyembre, taong 2023.


psdr, tagumpay SA Robotics
Bilang karagdagang pagsasanay, naglunsad muli ng Classroom-based Earthquake Drill ang paaralan noong ikasiyam ng Nobyembre 2023.
Sa pangunguna ng mga guro at ni Ma’am Lyn Gannaban at ang mga club na BERT at RCY na pinamumunuan ni Ma’am Rita Mae Frogoso, matagumpay na naidaos ang dalawang sumunod na Classroom-based Earthquake Drill sa paaralan. Hindi rin nagpahuli ang partisipasyon ng BERT President na si Kryzille Paris at
Valerie Apostol, BERT Secretary na naglimbag ng malaking tulong sa pagdaos ng programa. Sa bawat drill, masusing itinutok ang partisipasyon ng BERT at RCY para sa teachers at clubs na mas pinaigting ang kalahok na kinabi bilangan ng mga BERT members, mga guro, at mga estudyante mula sa Grade 9 at Grade 10 level.
Science Month, aktibong nilahukan ng Rosarians
MAyon sa panig ng BERT Secretary, nasabing ang mga aktibidad na ito’y naglalayong tiyakin ang sapat na kahandaan at kaalaman ng bawat isa sa paaralan. Sa bawat pagtutok sa Earthquake Drill ay nagbubukas ng pinto para sa mas malawakang kaalaman at kahandaan sa PSDR, patuloy pa rin ang paghahanda ng mga mag-aaral na nag-

lalayong maging modelo sa ibang institusyon.
muling nagbabalik sa DoÑa


Matagumpay na naisagawa ng Paaralang Sekundarya ng Doña Rosario (PSDR) ang pagdiriwang ng Buwan ng Agham na may temang "Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa at Panatag na Kinabukasan" noong buwan ng Setyembre. Kabilang sa mga nanguna rito,
ang mga opisyales ng Yes-O Club kabilang ang kanilang gurong tagapagpayo na si Bb. Edralyn Mabini at sa tulong na rin ng Departamento ng Agham. Naglatag ng iba't ibang patimpalak ang Departmento ng Agham tulad ng slogan making, poster making, Stemtok-periment, Instructional Materials, Science Photography na kinabilangan ng mga talentadong magaaral ng PSDR na buong husay na ipinamalas ang kanilang galing.

Wagi naman ang kasalukuyang pangulo ng Supreme Secondary Learners Government (SSLG) na si Athena M. Lago sa Poster Making Contest na sinundan ng kaniyang mga kapuwa magaaral ng ika-10 baitang na sina Rean Rhyga F. Dizon, Thrixie S. De Guzman at Ihrah Chloe S. Ocampo. Nakatanggap ng karangalan ang mga nagwagi sa mga inihandang mga patimpalak ng departamento bilang paggawad at pagpupuri sa husay na ipinakita ng mga kalahok.


uli na namang bubuksan ng Paaralang Sekundarya ng Doña Rosario (PSDR) ang isa sa kinahuhumalingan sa siyensya, ang mundo ng Robotics, kung saan bibigyang pagkilala ang makabagong imbensyon na kanilang pagtutuunan ng atensyon sa pagbubukas ng taong panuruan 2023-2024. Sa pangunguna ni Gng. Meldy Villar, gurong tagapagpayo ng Doña Rosario High School (DRHS) Robotics, malugod na ibinahagi nito ang kanilang bagong ideya na “Arduino”, isang mas mataas na lebel ng modelo ng kanilang asignatura.
Sa kasalukuyan, binubuo ng 45 na mag-aaral ang DRHS Robotics, 30 para sa ikapitong baitang at 15 naman para sa ikawalong baitang, bagaman hindi na mas binigyan ng oportunidad ang mga nasa ikasiyam at ikasampung baitang dahil na rin sa kakulangan ng sapat na oras at pokus ng mga estudyante sa iba pa nilang mga asignatura.
Layunin ng grupo na mas mahikayat ang iba pang mga bagong mag-aaral na muling mabigyan ng buhay ang nasabing ekstrakurikular at mas makapaglaan pa ng makabagong kaalaman tungkol sa teknolohiya.



LDRHS WinS, umarangkada sa
Balitang Wash
umahok ang
Paaralang Sekundarya ng Doña Rosario (PSDR) sa Balitang Wash noong ika-18 ng Oktubre sa pangunguna ng gurong tagapagpayo nito na si Ginoong Juan Salvador Frial.
Aktibong nagtulong-tulong ang Wash in School Club Officers (WinS) ng paaralan mula ikapito hanggang ika-10 baitang upang maipakita sa kapuwa nitong mga





Lumaki akong hindi kumakain ng prutas at gulay dahil para sa akin ay hindi naman ito kasarapan, laging sinasabi ng aking pamilya na dapat akong kumain ng mga ito kung gusto kong mamuhay nang matagal. Kapag sinusubukan ko itong tikman ay hindi ko talaga nagugustuhan ang lasa nito at gustong iluwa ng aking dila.
Inalok ako ng aking kaibigan ng sitsiryang sabi niya'y totoong gulay at prutas kaya kumuha na rin ako. Matagal ko na rin
mag-aaral ang tamang paghuhugas ng kamay.
Naglalayon ang Balitang Wash ng Manila Water Foundation (MWF) na maipakita sa loob ng isang minuto gamit ang isang short video film ang tamang paghuhugas ng kamay upang makaiwas sa anumang karamdaman gamit ang mga hygiene facilities na mayroon ang paaralan.
Nakamtan ng DRHS


WinS ang People's Choice Award dahil sa pagdagsa ng suporta ng Rosarians para sa kapuwa mag-aral. Sa kabilang banda ay nakatanggap naman ang nasabing club ng kabuuang ₱7,000, ₱2,000 para sa People's Choice Award at ₱5,000 para sa Best in Balitang Wash.
LINAMNAM NG AT


itong nakikita sa Tiktok at kung saan-saan pang so cial media plat
forms. Sinu-
bukan kong mag saliksik at napag-alaman na 74% ng mga
Pilipibatang
no ang hindi kumakain ng prutas at gulay. Malaki ang pagkahalintulad ng vegetable at fruit chips sa sitsiry-






Sa teritoryo ng Mexico, naganap ang isang pagpupulong na nagbuklat sa usapin na pumukaw ng interes sa ilan.
“Hindi ba’t kahanga-hanga na hindi tayo nag-iisa?”
Nagtipon-tipon ang mga mambabatas, at nagpalitan ng mga detalye tungkol sa mga Unidentified Flying Object (UFO).
Sa kanilang talakayan, natuklasan ang dalawang artepakto na sinasabing labi ng mga hindi maipaliwanag na nilalang.


ang ating nakasanayang kutkutin, mula sa lutong at amoy na nakaaakit ng ating mga mata ang dahilan ng ating pagtangkilik. Mababa ito sa calories at fats, mayaman din ito sa fiber, protein, iron, vitamin A at vitamin C, mababa rin sa sodium kaya't mas nakabubuti para sa mga taong timbang ang prayo-
Inilahad ni Jaime Maussan, isang kilalang mamahayag at entusiasta ng UFO, na ang mga natuklasang labi, ay nagtataglay ng tatlong daliri sa bawat kamay at mayroong mahabang ulo, na natagpuan sa Peru noong 2017 malapit sa sinaunang Nazca Lines. Kasalukuyang sinusuri ng mga eksperto ang mga natuklasang labi upang maunawaan ang kanilang pinagmulan at kahulugan. Sa isang pahayag, sinabi ni Jose de Jesus Zalce Benitez, Direktor ng Scientific Institute


ridad. Mas nakabubuti pa sa katawan kumpara sa maaalat na sitsiryang paborito kong kinukutkot sa tuwing ako ay nagugutom. Kung gusto mo ring maging malusog at malakas ay ito na ang tamang oras upang bitawan ang mga pagkaing nakasanayang masama sa iyong katawan at kalusugan bago pa tumama ang sakit sa iyong resistensya.
for Health of the Mexican Navy, na ang mga labi ay walang kahit anong koneksyon sa ating mga tao. Sa kabila ng mga natuklasan, hindi natitinag ang pagnanais na lalong maunawaan ang hindi pa nasisilip na mundo ng mga nilalang, na marahil ay mula sa ibang planeta. Ngunit, kasabay nito, saan at ano kaya ang hahantungan ng walang katapusang paghahanap ng kaalaman at kasagutan?





Moon Drifting Away Lumalayo ang Buwan sa Earth taun-taon ng 3.8 centimeter o 1.5 inches.

Greenhouse Gas Effect
Malaki ang naiaambag ng Greenhouse Gas sa pagbabago ng ating klima.

Newly Discovered Planets
Sampu na mga bagong planeta ang nadiskubre para sa taong 2023.

Water inside the Earth’s Crust
Nadiskubre ng mga siyentipiko na mayroong karagatan sa ilalim ng crust ng Earth na 400 milya ang lalim mula sa atin

Joseph Benedict R. Dumalag




HIYAW

NG HIYAW TAGUMPAY
Hkanilang lakas dahil sa kanilang pagsasanay kaagapay ang kanilang coach na si Jaime Osea. Mga kabataang kailan lamang nung nagsimula ngunit kung mag-ensayo, puspusan ang pagtitiyaga. Kamakailan ay nakilahok din sila sa isang Taekwondo Interschool Championship na pinaghandaan ng YongGi
ESTATISTIKA ANG KAAGAPAY NI WESLEY

H
agpis sa tapang ng dugong Pinoy, diskarte ay nakatatak sa puso't isipan tungo sa apoy ng tagumpay.
Kung ang pag-uusapan ay larangan ng chess, marami na ang aminadong hindi biro kung laruin ito. May mga bihasa na ring maglaro nito subalit hindi madali. Nagpapaikot at minsan ay nanglilito dahil sa estratehiya na mga ginagamit.
Taekwondo Association sa Robinsons Novaliches. Lahat ng mga manlalaro ay may kaniya-kaniyang galing at lumalaban para maipanalo ang torneyo at makasukbit ng ginto.
Isa si Alyssa Alvarro, isang grade-10 student mula sa Doña Rosario High School, sa mga nakabulsa ng gintong medalya dahil sa kaniyang
ipinakitang lakas na agad ring nagbunga at naging daan para masungkit ang tagumpay. Sa taong ito, bagong pagkakataon para sa kanila ang makilahok at magbitbit ng mga medalya at tropeyo sa bawat torneyo, sa mga tatahaking laban, para sa puso ng Rosarians, bagong kabanata ang kanilang uumpisahan at mas lalo pang pag-iigihan.


GIANNIS PAWIS NI

Hindi biro ang maging kabilang sa propesyonal na manlalaro ng chess sa buong mundo, sapagkat labanan na rin ng matitinik at lakas ng isipan ang puhunan dito. Hindi man lumaki sa Pilipinas, ngunit dala ang alab ng bawat Pinoy, siya ay isang
Filipino-American Chess Grandmaster na si Wesley So na kilala sa buong mundo bilang isa sa pinakamahusay sa larangan ng Chess. ibang banIsa sa magandang naitatala upang dalhin ang pangalan ng Pilipinas sa ibang bansa ay ang lahing tapang at pag-iisip ng iba’t-ibang paraan upang lumusot sa kamay ng ibang bayan sa larangan ng katalinuhan. Katalinuhang kay lupit sa Chess na umaalab hindi lang sa sariling bayan pati na rin sa
sa na mula sa kaniyang pagsasanay na napalitan naman ng tagumpay. Tunay rin na hindi lang laro ang tingin ni Wesley sa larangan ng Chess, isa itong pagmamahal para sa kaniya na handang gawin ang lahat para mag-alab ang lahi ng Pinoy. Palaging nasa puso’t isipan niya ang sariling bayan na namamangha sa kaniyang diskarte at estratehiya kontra ibang bansa.
Dave C. Gajultos
naman na high jumper, nakahiligan din nito ang isports, at iyon ang basketball.







Pagdating sa pananalapi ay isa sa mga problema na napagdaanan ng kaniyang pamilya. Upang matustusan ang kanilang pangangailangan, gumawa sila ng paraan na kung saan naranasan nilang magbabad sa init ng araw at maglako ng salaming sinusuot sa araw-araw at relo para kumita sila. Matatandaan na nagsimula ang atleta sa pagsabak sa National Basketball Association (NBA) sa murang edad subalit hindi ito hadlang sa kaniya, ginamit niya ito upang gawing inspirasyon at maging susi upang matupad ang kaniyang mga pangarap.
Dahil sa pagpupursigi nito, nakagawa ito ng magandang kasaysayan sa larangan ng NBA na kung saan ito'y nakalikha ng 64 big points dahilan upang maangatan ang 57 points ni Michael Redd noong 2006. Siya rin ang unang manlalaro na nakapaglista ng higit sa 20 field goals at 20 free throws sa isang laro lamang.
Ruszel John S. Ranile




Iguban, humataw sa Interschool Chess Tournament
agtuldok sa tropang kalaro sa pagpapalasap ni Iguban ng taktikang mapusok na mitsa upang ipwersa ang kalaban tungo sa pagkalugmok
Mailap na pinukol ng section Elijah, Beinz R. Iguban ang unang pwesto kontra sa pangkat
Andrew na si Gabriel Penollo na parehong nasa

ikawalong baitang na sinelyuhan sa 1-0 ang talaan matapos makalusot sa butas ng karayom sa isang Interschool Chess Tournament, kahapon sa Doña Rosario High School Court.
Umabante si Iguban sa laban nang idiskaril ang naunang katunggali upang tumuntong sa finals dahil sa ipinamalas na kagalingan na nagdala sa kaniya sa tagumpay.
“Sobrang nakakapressure na lalo na sa position namin napakasikip ng King ko do’n na halos matatalo na ako do’n sa position na ‘yun, pero na blunder

lang ung kalaban ko kaya ako nanalo,” ani Iguban. Naging bentahe para kay Iguban ang naging blunder ni Gabriel upang ibasura ang kalamangan ng puti nang tirahin ang knight e3 katambal ang rook pin side sa king(g1) ng puti na agarang pagtaob ni Gabriel. Bunsod nito, nakuha ni Iguban ang ginto sa patuloy nitong dominasyon at pagsasanay.


Creamline, muling nagreyna sa 2023 PVL



abuo ang piyesa ng Creamline Cool Smashers matapos nilang isarado ang pinto bilang kampyeon sa 2023 PVL All-Filipino Conference kontra Choco Mucho Flying Titans, 2225, 25-20, 29-27, 24-26, 15-12, sa Smart Araneta Coliseum nito lang Linggo, Disyembre 16, 2023.
Walang kupas na sinibak ang mga laro na kanilang pinaikot, walang pinagkaiba rin ang mala-linta na labanan nila sa Choco Mucho na naging sanhi ng kanilang taas-ulong pagkapanalo.


"Can't express how proud I am with the effort na ginawa nila today," ani Alyssa Valdez, Creamline Captain. Nagparamdam
kaagad si Tots Carlos nang bumulsa ng 26 puntos para sa kaniyang koponan. Sumandal din si Jema Galanza sa kanilang depensa at nagtala ng 21 points.
Hindi rin nagpahuli ang Clutch Queen na si Alyssa Valdez sa mainit na labanan, pinahinto ang hininga ng mga manonood dahil sa kaniyang
huling hambalos sa bola sa krusyal na pananaig ng laro na nag determina kung sila'y mananalo o uuwing sawi.
Sa kabilang banda, humugot naman ng 33 markers si Sisi Rondina ng Choco Mucho para makipag bakbakan sa halimaw na kinakaharap.
Dikit man ang laban, ngunit iisa lamang ang mangingibabaw na karanasan sa mainit na labanan ng dalawang koponan.
Nagningning ang dalawang koponan sa mata ng 24,459 na tao na su-
muporta at sumubaybay upang matunghayan ang inaabangang laban.
Sila muli ang bida sa mundo ng palakasan, pitong beses na kinoronahan ng tagumpay at patuloy ikakalat ang apoy sa susunod na mga laro ng mga mahuhusay na atleta. Nananatili sa tuktok ang top-seeded at walang talo na Creamline Cool Smashers na tinaguriang Champions na kanila ngayong ipinagdiriwang.
Pangangailangan sa mundo ng pampalakasan, tutugunan
abis na ikinatuwa
ng masa ang ipinangako ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. para sa mundo ng pampalakasan at

mga atleta. Ginanap ang welcoming at awarding ceremony noong Oktubre 25, 2023 kung saan sinabi ni Marcos na bukod sa ibang bagay ay tututukan ng kaniyang administrasyon ang kalakaran sa mundo ng isports. Bilang patunay na ito'y totoo, isinusulong ngayon ang Five-Year Sports Development Plan.



Malaki ang kontribusyon ng isports sa ekonomiya at lipunan. Ilulunsad ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Five-Year Sports Development Plan mula taong 2023 hanggang 2028. Layunin nito na tugunan ang mga problema sa loob ng pampalakasan at linangin pa ng husto ang kakayahan ng mga atleta.
Itatatag ng pamahalaan ang pag-aayos sa sports facilities sa mga state univer-
sities. Hinihikayat din ang mga pribadong sektor na magpatayo ng mas maayos na establisyimento para sa isports sa mga public schools ng bansa. Pati ang pinsala na makukuha
ng mga atleta sa pag-eensayo ay tutugunan ng gobyerno.
"Keep aspiring, keep believing, keep working." Ito ang iniwang mensahe ni Marcos para sa mga atleta. Isang daan na ang ginagawa ng gobyerno para mas lalong hubugin ang talento ng mga kabataan. Hindi maipagkakailang napakalaking tulong na ito sa kanila.
Dugo't pawis ang puhunan ng mga atleta kaya't magandang sinusuklian ito ng pamahalaan. Sana'y huwag mauwi sa wala ang mga pangakong binitawan ng presidente para sa atleta ng sariling bansa.
Paghahari sa ibabaw ng lona, matatapos na


ukod sa larong basketball at volleyball, boxing ang isa sa mga pinaka patok na isports sa bansa. Noong panahon ng paghahari ni Pacman sa ibabaw ng lona at sa bawat batingting ng bell, hiyaw ng mga Pilipino na nagtutumpukan ang maririnig mo para suportahan ang pambansang kamao. Panahon ni Pacman ang maituturing na golden age era ng Pilipinas sa larangan ng boxing. Nalalapit nang matapos ang paghahari ng mga Pilipino sa larangan ng boxing. Nagkakaedad na ang itinuturing na alamat na boksingero ng Pilipinas. Nakakapanghinayang na wala pang nakikitang susunod sa yapak ng isang "8 Division Champion of the World" at "12 Major Titles of the World" na si Manny "Pacman" Pacquiao. Sa pagtatapos ng prime ni Pacman halos wala ng boksingerong Pinoy ang gumulat at yumanig sa buong mundo ng tulad sa ginawa ni Pacman. Sa ngayon, patuloy sa pagsuporta ang mga Pilipino sa mandirigma ng Pilipinas laban sa mga kamao na nagbibitbit sa ibang bansa.
Gilas, muling sumukbit ng gintong medalya sa 19th Asian Games
Tamis ng tagumpay na matagal nang inaasam

Sa isang kampeonatong puno ng damdamin at tagumpay, inagaw ng Gilas Pilipinas ang gintong medalya kontra Jordan, 70-60, sa isang 5x5 men’s basketball sa 19th Asian Games sa Hangzhou China noong Oktubre 6, 2023
Matapos ang 61 taon, nakuha ng Pilipinas ang unang gintong medalya mula nang manalo si Caloy Loyzaga sa Jakarta noong 1962.
Inakay ni Justin Brownlee ang Gilas matapos kubrahin ang 20 points kaagapay si Ange Kouame na nagtala ng 14 puntos at 11 rebounds, sapat upang maitarak ang panalo sa laro.
“We saved our best for last and we play big when we needed the most,” ani coach Tim Cone.
“It was just a thrill to be with all those guys and watch them grow in the short time that we had” dagdag pa ni Cone.
Sa kabila ng mga pagsubok mula sa grupo hanggang sa knockout stages, nagtagumpay ang Gilas Pilipinas na makarating sa finals at kunin ang gintong medalya.
Bunsod nito, nagdala ng karangalan ang Gilas sa bansa at nagbalik ng dating ningning ng Pilipinas sa larangan ng 5x5 men’s basketball sa Asian games.

AP.Bren, sinelyuhan ang ONIC ID, M5 title, binulsa
Tunay na lakas ng Pilipinas

Muling pinagharian ng Bren Esports ang larong Mobile Legends matapos pabagsakin ang
ONIC Indonesia, 4-3, sa M5 Game
7 Grand Finals na ginanap sa Rizal Memorial Coliseum, Philippines nitong Disyembre 18, 2023.
Matagumpay na nadepensahan ng koponan ng Bren ang pag dodomina ng bansang Pilipinas nang mairehistro nito ang 4th straight win sa World Championship na nagsimula pa noong taong 2020. Umentra muli si David “FlapTzy” Canon matapos kubrahin ang M5 Finals MVP na nakamit niya rin noong M2 dahil sa kaniyang lakas at pagpapakitang gilas sa laro.
eStratehiya ni Jadidah

Pangcoga, sumelyo ng panalo sa Interschool Badminton Tournament
Dedikasyon at determinasyon ang bitbit ng Grade 8 student, Jadidah Pangcoga matapos ibandera ang kaniyang dominasyon sa ginanap na Interschool Tournament sa PSDR
Rumatsada ang grade 8 representative ng Benjamin, Jadidah Pangcoga matapos lusutan si Leonora May ng pangkat June, 16-9, sa naganap na Interschool Badminton Tournament kahapon sa covered court ng Doña Rosario High School
Tangan ang kaniyang solidong laro, naging bentahe kay Pangcoga ang kaniyang bilis sa paghampas at itinarak ang 16 points sa laban.
“My teammates won it for us, I cannot believe it. It feels surreal.” ani FlapTzy.
Maagang ipinamalas ng AP.Bren ang kanilang tikas nang mapatumba ang ONIC sa unang laro at nailista ang standing na 1-0.
Lumaban man mag-isa, hindi ito naging hadlang kay Pangcoga dahil sa pagiging kampante niya sa kaniyang estilo sa paglalaro.
“Masaya naman po pero may kaunti pang kaba kasi ako lang ang sumali sa section namin,” ani Pangcoga

Puno ng tensyon ang mga manonood dahil sa ipinapakitang laro ng dalawang koponan. Hindi na hinayaan pa ng AP.Bren na maisuko ang kampanya sa ONIC at tuluyang kinubra ang kampyeonato sa loob ng 14 minuto sa huling yugto. Bunsod nito, mag-uuwi ang AP.Bren ng tumataginting na $300,000 na mahigit P16.7 milyon ang halaga sa Pilipinas.


Hindi naging mahirap para kay Pangcoga na masukbit ang kampyeonato sa ikawalong baitang dahil sa mga naitarak na errors ng kaniyang kalaban

sa kanilang sagupaan.
Simula pa lamang ng laban, ipinalasap na agad ni Pangcoga ang kaniyang lakas nang ilatag ang sunod-sunod na smash para tuluyang hablutin ang kalamangan sa laban.
Sinubukan mang umeskapo ni Leonora sa dominasyon ni Pangcoga, hindi ito naging matagumpay dahil sa kaniyang mga errors na nagmitsa sa kaniyang pagkalugmok.
Sa kabilang dako, hindi naging sapat ang siyam na puntos na isinalpak ni Leonora para maagaw ang kampyeonato kay Pangcoga.
Ngayon ay nasikwat na ni Pangcoga ang kampyeon sa ikawalong baitang at tagumpay na ibinulsa ang gintong medalya sa Interschool Badminton Tournament.



