LAMBIGIT ang
OPISYAL NA PAHAYAGAN NG KAGURUAN NG PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG SIOCON AGOSTO-SETYEMBRE 2021 • TOMO I - BILANG 1
BAGONG SIOCON. Ang modernong munisipyo na ayon kay Alkalde Lobrigas ay sumisimbolo sa mabilis na pagbabago ng Siocon ay handa nang ▶ sumerbisyo sa bawat Sioconian. PETER IAN PANTALITA
Safety seal, iginawad sa Sionahayz ▶ KRISTINE LEA SELISANA, GLAZEL PANER at MELANIE FRONDA
I
ginawad ang Safety Seal Certificate sa Mataas na Paaralan ng Siocon, ika-28 ng Hulyo, 2021. Ayon sa aming panayam kay Angelie Blessed Camelotes, Nurse II sa distrito ng Siocon, ibinibigay lamang ang safety seal sa mga paaralang nakagawa ng kumpletong pangangailangan alinsunod sa ipinapatupad na memorandum ng DILG at kung gaano kahanda ang paaralan para sa kaligtasan ng mga kawani at mga mag-aaral. Upang mabigyan ng Safety Seal, ang paaralan ay kinakailangang magkaroon ng mga sumusunod: isolation area; handwashing facility; thermal scanner at alcohol; logbook; health declaration form; foothbath; pagdisimpekta (dalawang beses isang linggo); face shield at face mask; basurahan para sa ginamit nang face mask and sharps. Maaaring mapawalang-bisa ang safety seal kapag hindi nasunod ng paaralan ang mga alituntuning nakapaloob dito. Pinangunahan ni Melinda Velasco, Municipal Local Government Operations Officer ang pagbigay ng sertipiko na tinanggap naman ni Marlon Micubo, punongguro ng Sionahayz kasama ang kaguruan at mga kawani ng nasabing paaralan.
MATAYOG NA PAG-UNLAD Makabagong munisipyo ng Siocon, napapakinabangan na ▶ EVANESSA VILLACRUSIS-JUTINGO
P
agkatapos mainagurahan ang 73 milyon na halagang Munisipyo ng Siocon sa ika8 ng Agosto nitong taon, ito ay kasalukuyang okupado na ng higit kumulang isandaang empleyado na handang maglingkod sa munisipalidad. Matatandaang naitala ng “The Pis Siyabit” base sa nakuha nitong datus noong taong 2017 na ang dating Munispyo ng Siocon ay giniba dahil ang infrastraktura ay hindi pumasa sa pamantayan ng “National Building Code of the Philippines” at hindi na nito kayang labanan ang mga sakuna at kalamidad dala ng kalumaan. Pagkatapos ng higit kumulang apat na taon, ang minimithi ni Alkalde Julius S. Lobrigas sa kanyang nasasakupang lungsod ay nakamit na dahil sa pagtatiyagang pag-iipon ng pamahalaan taon-taon upang madagdagan pa ang perang nakalaan para sa pagpapatayo ng nasabing “modernong” munisipyo. Sa mensahe ng alkalde sa inagurasyon ng gusali, binigyang-diin niya na ang naturang proyekto ay isa sa mga minimithi niyang legasiya bago magtapos ang kanyang termino. Dagdag pa niya, ang naitayung munispyo ay isa sa mga patunay sa kanyang pangako noong kasisimula pa lamang niyang
HUGAS PARA IWAS. Ginagamit nina PSDS Araceli Tomboc (Gitna) kasama nina Punonggguro Marlon Micubo (kanan) at Cluster Nurse ▶ Neoriente Ferrer (kaliwa) ang bagong tayong wash area sa harapan ng paaralan. ANGELIE BLESSED REYES
maging alkalde noong 2013 na babaguhin niya ang munisipalidad hindi lamang ang mukha nito pati na rin ang pamamalakad ng local na pamahalaan. “Our new municipal hall is the symbol of how Siocon had changed for the past eight long years [Ang ating bagong munisipyo ay isang simbolo kung paano nabago ang Siocon sa loob ng walong mahabang taon],” pagdeklara ng alkade. Sa huli, sinabi ng alkalde na ang kagandahan at tagumpay ng lungsod ay bunga ng sama-samang pagbuhos ng kahusayan at katapatan sa anumang tungkulin ng nasasakupan nito kaya hiling niya na patuloy itong arugahin. “Ating tandaan na ang kagandahang angkin ng Siocon ngayon ay patunay na kapag sama-samang ibinubuhos ang kahusayan at katapatan sa anumang tungkulin, magbubunga ito ng tagumpay at pag-asensong hangad natin. Ang Siocon ay atin. Patuloy natin itong mahalin at arugain,” pagtatapos ng alkalde. Ang pormal na gawain ay dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng probinsya at rehiyon na sina Governor Roberto Uy at kanyang unang ginang na si Evelyn TangUy, Vice Governor Senen Angeles, DILG Regional Director Paizal Abutazil, DILG Provincial Director Oliver Ombos, at Board Member Venus Uy. Ang munisipyo ay may tatlong palapag at modernong disenyo. Ang probinsyal na pamahalaan ay nagbigay rin ng 8 na milyon bilang karagdagang tulong sa pagpapatayo ng gusali.