The Courier

Page 2

C2G2 at LENTE magsasama para bantayan ang halalan 2013 sa Marikina City Marikina City, December 8, 2012- Nagsagawa ng panimulang pag-uusap ang Lawyers Enlightenment for Truthful Election (LENTE) na kinatawan ng pang-bansang pangkalatang kalihim nito. Mga kinatawan ng C2G2 sa pangunguna ni Chairman Benedicto Navarro, na siya din ang Chairman ng NAMFREL-Marikina. Ang nasabing pag-uusap ay kaugnay sa malaking posibilidad na pagsasama at pagsasagawa ng mga aktibidad na may kaugnayan sa darating na halalan. Sa pagsasama-sama ng NAMFREL, LENTE na pangangasiwaan ng C2G2 sa Marikina ay inaasahan ay may mahigpit na pagmamasid sa kondukta ng halalan. Pangarapin ng pagkakaisa ng tatlong (3) grupo na habulin sa hukuman ang sinumang politiko na lalabag sa anumang patakaran sa halalan.###

TRANSPORT NEWMalanday, Marikina City. 11.29.2012– Nagsagawa ng pulong Executive Officers and Federated TODA of Marikina City. Upang talakayin ang Limang (5) pangunahing usapin sa mga TODA at mga hakbangin na isasagawa sa tulong ng C2G2. Sa pulong na ito, ay lumabas ang iba pang suliranin na hindi natalakay sa TODA Transport Forum na isinama sa usaping dapat bigyan ng aksyon. Nakatakdang makipag-usap ang FTMCI EXECOM sa pangunahing opisyal ng Lokal na pamahalaan, upang hingin ang tulong at suporta. Nagkaisa ang mga opisyal ng FTMCI ay isasaayos ang mga usapin ayon sa itinatakda ng Batas at hindi sa personal na pananaw ng halal na opisyal at opisyal ng Gobyerno ng Marikina City. Ang usapin ng TODA ay usaping pangbayan, dahil dito ay buo ang C2G2 na samahan ng FTMCI sa kanilang MAKATARUNGAN AT LEGAL NA MGA GAGAWIN### By: Pinoy Politika

Page 2

Marikina City, December 5, 2012- Nagsa-

gawa ng pagdalaw ang mga Opisyal ng Federated TODA of Marikina City (FTDCI), Inc. sa butihing Mayor Del De Guzman. Nilalayon ng pagbisita ay maihain at pag-usapan ang mga kinakaharap ng usapin at suliranin ng TODA sa Marikina City. Ayon sa Kagalanggalang na Mayor, magsumite sa kanya ng mga domumento ng mga inihahaing usapin ng TODA. Isa sa inilabas na usapin ang pagpapalabas ng mga Prankisa na ayon sa apektadong TODA ay hindi umaayon sa Zoning Ordinance ng Marikina City. Matatandaan na ang Usapin sa TODA ay dati nang iniharap na halos magda-dalawang taon na ang lumipas at magpahangang ngayon ay wala pang malinaw na resulta. Nagtapos ang pag-uusap na walang malinaw na tinding ang Kagalang-galang na Mayor sa sitwasyon ng mga namamasada ng Tricycle. Sa pagtatapos ng pagpupulong, ang naging malinaw lamang ay ang sama-samang pagpapakuha ng larawan.##


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.