Pilipino Express • Jun 1 2016

Page 21

EH KASI, PINOY!

JUNE 1 - 15, 2016

PILIPINO EXPRESS

Simula sa ika-5 ng kasalukuyang buwan, minsan pang masasaksihan dito sa Winnipeg ang taunang pagdiriwang ng Philippine Heritage Week. Ang kahulugan ng salita sa Tagalog ay mana, pamana, minana at namana. Isang linggong patungkol sa araw ng kalayaan ng Pilipinas. Makiisa, makisama at makipagsaya. *** Throne speech ang palaging unang adyenda tuwing magbubukas ang sesyon ng Manitoba’s provincial legislature. Natupad ba naman ang nilalaman ng mensahe? Karaniwang nangyayari ay para lang tinangay ng hangin. *** Malaking latay sa ekonomiya ng Canada ang naganap ng malaking sunog sa Fort McMurray sa Alberta. *** Magandang ugali ang inaasahan ng Canadians sa taong pinagkalooban ng kapangyarihan. Ang ginawi ni PM Justin Trudeau sa Parliament Hill noong Ika-18 ng Mayo ay hindi basta mabubura sa apology. *** Nakatakda nang magretiro sa Federal Politics ang former PM Stephen Harper bago magbukas ang parliament sa darating na taglagas. *** May sapat nang delegado si Donald Trump para masungkit na ang Republican nomination for the coming November US presidential elections. Si Hillary Clinton naman ang tinitiyak na pambato ng Democrats for president. Pilipinas Hindi nagustuhan ng China ang kinalabasan ng nakaraang G7 meeting sa Japan. Kinundena ng mga kasapi ang pambubully ng

Beijing sa West Philippine Sea / South China Sea. *** Walang iniwan sa komiks na wakasan ang nakaraang 2016 national and local elections. Ang mayor ng Davao na minemenos ng mga kalaban sa pagkapresidente at kinukondena ng mga nagkukunwaring malinis sa mga kasalanan sa bayan ay walang iniwan ngayon sa mga basang sisiw. *** Totoo ang kinalabasan ng sinabi ni PNoy. Ang 2016 elections ay magsisilbing referendum kung ang kaniyang anim na taong pamamahala ay welcome or not ng taong bayan. Nabigo ang kaniyang anointed for president na si Mar Roxas. Rody Duterte’s win for presidency is a clear expression of the peoples’ indignation toward the Aquino administration. *** Sabi ni PNoy, lahat ng paraan ay kaniyang gagawin para hindi makakatuntong kahit sa harap lang ng pintuan ng Malacañang si Bongbong Marcos. Ang biglang pagpapalit ng Smartmatic machine script na ayon sa Comelec ay cosmetic lang, dapat napatunayan. Hindi kaya kasama ‘yon sa umano’y script plan B ng LP ni Noynoy? Mismong si Sen. Serge Osmeña ng LP ay naghihinala. Nanawagang kailangang imbestigahan ang mga tauhan ng Smartmatic Machine. No comment naman ang Comelec. *** Ang canvassing of votes for vice president ay natapos sa loob ng limang araw. Si Rep. Lani Robredo ng LP ang nakakuha ng higit na maraming boto vs Bongbong Marcos. Hindi na raw haharangin ni Bongbong ang proklamasyon ni Leni at wala

HINAGAP

Malaya Hangin ay malaya, subalit maharot, May ligayang taglay at lubhang malungkot; Ulan ay maganda, ang pangit ay unos, Na ang iniiwan ay sama ng loob! *** Iba’t ibang anyo ang mukha ng buhay, Sa maraming laman ng ating lipunan; Mayaman ay ungos sa kaginhawahan, Ang dukha ay said sa kaligayahan! *** Bansang Pilipinas, ngayon ay Malaya, Ang nakikinabang maraming banyaga; Sa kaban ng bayan, ang nagpapasasa, ay ang mga bulok na namamahala! *** Laging bukam-bibig noo’y kalayaan, Ngunit nang makamit ay pinabayaan! Paquito Rey Pacheco

pang balita kung si Bongbong ay maghaharap ng kasong protesta. *** Malaki ang pananagutan ng Comelec at Smartmatic Corporation sa nangyaring system change sa transparency server, ayon kay former Comelec chairman, Christian Monsod. Bakit daw ang mga tauhan ng Smartmatic agency ay binigyan ng kapangyarihan sa ginanap na elections? *** Ipinakita ng higit na maraming OFWs ang kanilang hinakdal laban sa bengatibong lider na noon akala ay matino. Ang probisyon ng Konstitusyon na likha ng rebolusyonaryong gobyerno ng kaniyang ina, si PNoy mismo ang lumabag. *** Ang DAP ay imbento ng LP na ayon sa mga kritiko ay “Lapiang Pork.” Ginamit na padulas sa mga kongresista at senador para mapatalsik sa Korte Suprema ang former CJ Renato Corona. Isa sa mga pangunahing motibo ay para ang lupa ng mga magsasaka na sinakop ng Hacienda Luisita ay manatili sa mga Aquino-Cojuangco. ‘Yon nga ang nangyari. *** Nadagdagan ang bilang ng mga naghihirap sa kabuhayan. Ang mga mayayaman ang lalong pinayaman. Lumala ang peace and order situation sa bansa. Lumubha ang corruption. Nagpairal ng selective justice laban sa mga hindi kapartido. Marami pang mga pangit na legacy na nangyayari sa panahon nang naging presidente sa pamamagitan ng aksidente. *** Knock-down ang opinion ng chief at ibang associates justices ng Korte Suprema. Binigo ng mga mamamayang botante ang ginawa nilang parang lastiko ang probisyon ng Konstitusyon. Pinayagan kasi nila na si Sen. Grace Poe-Llamanzares na kumandidato sa pagkapangulo kahit may malaking problema tungkol sa kaniyang pagkatao ang residency. *** Sa loob ng susunod na anim na buwan, the future of the 6-year administration of President Duterte ay unti-unti nang maliliwanagan. Kung papayagan niyang pumapel at mangibabaw ang mga tumanggap ng karnengbaboy, malamang sila ang magiging mitsa ng mga dilemma sa DU30 administration. *** Marami nang sumulpot na mga political balimbing. May mga uring sobra ang pagkahinog. Ang iba ay medyo hilaw. Sana

CRISTY... From page 20 kaliwang brain niya, sa pagdadaan ng mga araw ay namaga pa, pero tumanggi na ang kaniyang pamilya na pabuksan ang kaniyang ulo. Walang garantiya ang operasyon, suntok sa buwan ang magiging resulta, pinili na lang ng ina ni Richard na idaan sa medikasyon ang gamutan. Umaga at gabi ay nasa ICU

PAGE 21

ang gobyernong sosyalista ay mangyari sa sinusulong na federalism democracy ng bagong administrasyon. Kalimutan na ang the-most-crazy form na matira ang matibay at ang mahina ay bahala na sila sa buhay nila. *** Malalaman na rin kung sino ang mga kapit-tuko sa puwesto, gayun din ang may delicadeza. Puno na ang kanilang mga bulsa. Sobra-sobrang kasakiman na ‘yon. Darating ang sandaling tiyak magpapantay din naman ang kanilang mga paa. Ang kayamanang nakuha nila mula sa iba’t ibang paraan ay hindi naman nila madadala. *** Teka, alam ba ninyo na ang ombudsman at deputies na appointed by the president ay pitong taon lang ang termino? Hindi rin sila maaaring mareappoint sa nabanggit na katungkulan batay sa probisyon ng 1987 Constitution. Bunga nito, mahigit isang taon na lang ang termino sa office ni Ombudsman Conchita Carpio Morales. Ang kaniyang term ay nagsimula noong siya ang humalili kay Merceditas Gutierrez na napilitang magresign. Heto ang nilalaman ng Article X, Sec.11 ng Konstitusyon. “The Ombudsman and his Deputies shall serve for a term of seven years without reappointment. They shall not be qualified to run for any office in the election immediately succeeding their cessation from office. *** Ang VP contest ay malinaw. Sina Bongbong Marcos at Leni Robredo ay kapuwa biktima ng pagka-belyako ni PNoy. The Valenzuela Automated Election System (AES) na Smartmatic machine script ay hinihinalang smartfraud. Nabalita na hindi iyon ginagamit ng Canada, US, Australia at iba pang maunlad na bansa. Sa Brazil, Mexico at Pilipinas lang. Hindi lang daw ngayong 2016 nangyari, bagkus ay kahit noong 2010 and 2013 elections. Kaya pati mga kaalyado ng LP ay umalma. Sa susunod na mid-term elections, ang mga tauhan ng Valenzuela Smartmatic machine operators ng Automated Election System ay papayagan pa rin kayang pumapel ng Comelec? *** Ngayon pa lang ay sinimulan na ang paninira kay President Duterte na maaaring katuparan ng plan B ni PNoy na bago pa mag-eleksiyon ay sinasabi na ni Bongbong. Halimbawa ang sabi ng Commission on Human Rights. Duterte is liable sa kaniyang jokes. Ginagatungan na rin ang

patutsadahan ng ilang opisyal ng Simbahang Katoliko at ni Pres. Duterte. Katas Kapalaran ang nagluklok sa kapangyarihan ng former Davao City Mayor, na ngayo’y ika-16 na pangulo ng Pilipinas. • Maraming problema ang nakaatang ngayon sa kaniyang balikat na nangangailangan ng kaukulang solusyon. • Pangunahin ang pagpili ng kaniyang official family na inaakalang tapat sa kanilang sinumpaang katungkulan. Ang political coalition parties ay waring tanikalang papel na mahirap asahan. • Ang panukala ni President Duterte na for the sake of unity ay pagkalooban ng puwesto sa mga ahensiya ng gobyerno ang mga lider kumunista ay matanggap kaya ng AFP-PNP military factions? • Tinawagan at binati ni US President Barack Obama si President Duterte. Matalino si DU30. Alam niyang maaaring may iba pang motibo, kaya nakangiti si PNoy? • Ang panukalang gobyernong federalismo ng Duterte administration ay maganda subalit kailangang mangyari sa loob ng tatlong taon ng kaniyang anim na taong leadership. Una sa lahat, kailangang mabago ang kasalukuyang konstitusyon. • Federalism ay isang uri ng gobyerno na sambayanan ang nasusunod. Ang lider ng bansa ay hindi tuwirang hinahalal ng mga tao kundi mula sa multi-party. Ang lider ng partidong nakakuha ng mayoryang boto ang nagiging Prime Minister. Maganda ang plano na democratic federalism ng Duterte administration. Menos ang posibilidad sa pagpapayaman ng nakaupong lider. Kasabihan Ang kasakiman sa kayamanan at kapangyarihan ay salot sa lipunan! Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express. Paquito Rey Pacheco worked for 21 years in Philippine radio broadcasting. He is a former PRO for Radio in the Office of the Secretary of Philippine National Defense and former Chairman of the Rural Broadcasters Council of the Philippines. He was a reporter for Bagong Buhay newspaper. In Winnipeg, he was the News Director of Good Morning Philippines for 13 years on CKJS Radio 810 AM. E-mail: kakareypacheco@yahoo.ca.

kami ng Capitol Medical Center, naghihintay sa pagganda ng kaniyang sitwasyon; sabik na sabik na makakita ng milagro dahil napakaraming nagmamahalnagdarasal para sa kaniyang paggaling. Mula sa isang linggong pagkakatulog ay bahagya siyang nagmulat ng mga mata. Iyak nang iyak si Mama Yolly, sana raw ay senyal na iyon na malalampasan ng kaniyang panganay ang matinding

laban na ito, pero mukhang hindi pa rin. Noong Biyernes nang hapon ay sumailalim si Richard sa dialysis, umaalon ang kaniyang tiyan sa sobrang hirap sa paghinga, kahit pa may nakakabit nang respirator at oxygen sa kaniya. Nakabukas nga ang kaniyang mga mata pero wala naman siyang nakikita. “Katukin n’yo na po ang mga pintuan ng bawat simbahan, See CRISTY p22


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.