Dispatch for november 26 , 2013 ( tuesday ) , 8 pia calabarzon pr , 18 weather watch,

Page 26

25 NOBYEMBRE 2013 Ospital na bapor ng Tsina, dumatimg para tumulong sa biktima ng Yolanda Pupulungin ng mga pinuno ng pananalapi ang mga negosyante sa Leyte Hiniling ng gobyerno sa mga NGO's na sundin ang 'minimum wage' sa ginagawa nilang 'cash-for-work reconstruction programs' Nagtalaga ng tauhan ang lto sa Tacloban laban sa naniningil ng napakataas na pamasahe 5 nasaktan dahil sa 'Yolanda,' ginamot sa bapor na ospital ng Tsina Puspusang makikiisa ang pamahalaan sa mga international aid agencies upang mabilis na maisagawa ang rehabilitasyon sa pinsala ni 'Yyolanda' Hinamon ng Pangulong Aquino ang mga bagong pinuno at tauhan ng AFP na puspusang tumulong sa sambayanan sa panahon ng mga kalamidad Ospital na bapor ng Tsina, dumatimg para tumulong sa biktima ng Yolanda

(LUNGSOD NG TACLOBAN, Leyte) Isang bapor na ospital buhat sa Tsina ang dumating sa Pilipinas Linggo upang manggamot at tumulong sa mga biktima ng napakalakas na bagyong "Yolanda" (Haiyan). Sinabi ni Embahador Ma Keqing ng Tsina na ang bapor na Peace Ark ay nakadaong 10 milya ang layo rito dahil napakalaki nito para dumaong sa alinmang pantalan. ―Inaasahan naming makatutulong ito,‖ wika ni Embahador Ma sa mga reporter dito bagaman kailangan pang isakay sa ferry para madala sa Peace Ark. Ayon sa Embahador, may 100 duktor ang nasa bapor para maglapat ng lunas sa iba-ibang karamdamanan. Ang Peace Ark ay bahagi ng pandaigdig na pagsisikap para tulungan ang Pilipinas matapos salantain ng napakalakas na bagyong Yolanda ang Kabisayaan at Timog Luzon at mahigit nang 5,000 ang nasawi. Ang Peace Ark ay may kapasidad na 300 beds at 106 tauhan. PND (jl/zaf) TOP Pupulungin ng mga pinuno ng pananalapi ang mga negosyante sa Leyte

(LUNGSOD NG TACLOBAN, Leyte) Nakatakdang pulungin ng mga pinuno ng Kagawaran ng Pananalapi ang mga negosyante rito upang alalayan sila sa mga suliraning kakaharapin pagkaraang malubha silang salantain ng napakalakas na bagyong "Yolanda." Sinabi Lunes ni John Tecson Lim, Administrador ng Lungsod, kasama sa gagawing pulong Lunes ang Kagawaran ng Pananalapi at ang Kawanihan ng Rentas Internas. ―Ang inaalaala ng mga negosyante ay ang kapanatagan at ang soft loans at ang tungkol sa Kawanihan ng Rentas Internas,‖ wika ni Lim sa pulong ng inter-agency rito. Nagsimula nang magbukas noong isang linggo ang ilang negosyo rito makaaang matinding hagupitin ni Yolanda ang lungsod na ito at iba pang panig ng Kabisayaan at Timog Luzon. . Sinabi ni Lim na masusi nang pinag-aaralan ang mga hakbang ukol sa seguridad ng mga neosyante rito. Idinugtong ni Lim na maaaring dumating na ngayong linggong ito ang mga kinatawan ng malalaking ―shopping malls‖ dito. Ayon kay Lim, batay sa mga ulat na nakararating sa kanya, ang pakay ng mga negosyante ay mabuksan ang mga supermarkets sa ikalawang linggo ng Disyembre. PND (jl/zaf) TOP Hiniling ng gobyerno sa mga NGO's na sundin ang 'minimum wage' sa ginagawa nilang 'cash-for-work reconstruction programs' (LUNGSOD NG TACLOBAN, Leyte) Hiniling ng pamahalaan sa mga non-government organizations na nagsasagawa ng rekostruksiyon makaraang hagupitin dito ng napakalakas na bagyong "Yolanda" (Haiyan) na kung maaari ay tiyaking ang mga manggagawa nila ay tatanggap ng minimum wage.


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.