Rebel Kule Tomo 4 Isyu 2

Page 1

TOMO IV / BLG II / Huwebes, 25 Oktubre 2018 email: phkule@gmail.com

EDITORIAL

@phkule

Walang pagpipilian

NEWS /

Amid persistent atrocities, Lumad intensify calls against Martial Law

FEATS /

Salt of the Earth: The plight of Laiya peasants

Ang kapalaran ng bayan ay nakasalalay sa isang pirasong papel, sa iilang pangalan—iyan ang sinasabi ng eleksyon, ang nakabibinging “solusyon” sa lumalalang kalagayan ng bansa.

KULT /

Suntok sa Buwan: Ang mitong bitbit ng Lotto

Sa kabila ng nagtataasang presyo ng bilihin, kaso ng pandadakip ng estado, welga’t bungkalan, tinatapalan ito ng mga gasgas na pangalan at pangako sa bawat istasyon ng telebisyon, sa bawat balita sa social media. Masahol ang eleksyon sa susunod na taon— tatakbo ang anak ng dating diktador na si Ferdinand Marcos at tatlong anak ni Duterte. Lahat, kung hindi mamamatay-tao, ay magnanakaw sa kaban ng bayan gaya ni Enrile. Sa nakaambang diktadura at sa lumalalang krisis pang-ekonomiya gaganapin ang eleksyon na lalo pang magpapalayo sa bansa sa diskurso tungkol sa tunay na solusyon sa mga suliraning panlipunan; dahil ang pulitika ng halalan ay nakakatig lamang sa mayayaman at ang lalo pang pagtitibay sa kanilang kapangyarihan. Kapwa may maruming tala ang alyado ng kasalukuyang gobyerno at ilang nag-aastang oposisyon na nagsimula nang magpasa ng sertipiko sa kandidatura noong nakaraang linggo. Ang mga isinusulong na pagbabago ng mga opisyal at personalidad na ito ay makikita sa bawat reporma sa mga panukala at pagpihit sa mga numero ng ekonomiya.

Sa yugtong ito ng panunungkulan ni Duterte, pumalo sa higit 6.2 porsyento ang inflation rate at sampung piso na ang minimum sa pasahe. Pasan itong lahat ng ordinaryong mamamayan na nalulugmok sa taas ng presyo ng bilihin—paulit-ulit, palala nang palalang kahirapan. Makatarungan umano ito, sa perspektiba ng mga opisyal at mambabatas, habang nakatakda pang bawasan ang buwis ng malalaking negosyo at korporasyon sa ikalawang bahagi ng TRAIN. Ang mga talang ito ng bawat opisyal sa senado at kongreso ang dapat nilang masagot sa kanilang pangangampanya. Ang mga talang ito ang dapat maging batayan ng mga botante at manapa’y ng bawat Pilipino sa kanilang mga panawagan. Kung kaya kapag batid na ng mamamayan ang komprehensibong pamamaraan ng pagresolba sa mga problema, lalahok ito sa halalan upang maging lunsaran sa pagpapanagot sa kahungkagan ng mga pangako ng

naghaharing-iilan at sa pagsusulong ng mga panukalang mula at tungo sa ordinaryong Pilipino. Gayunman, hindi makakamit ang tunay na paglaya sa eleksyon dahil ito ay bahagi ng nakapangyayaring sistemang panlipunan, at ang bulok na sistema ang siyang pinaguugatan ng lahat ng suliranin. Ang pangangailangan ng mamamayan, na laman ng kanilang bawat panawagan, ay matutugunan hindi sa pamamagitan ng patse-patseng mga reporma at bagong mambabatas, kundi sa natura nitong boses at lakas. Halalan ang katibayan ng demokratikong porma ng estado dahil mukha ito ng pagiging patas, at dinidinig nito ang boses ng nakararami. Gayunman, ang katambal nitong wangis ay ang sahol ng kompetisyon at higit, ang dominansya ng mayayaman.

Ang pangangailangan ng mamamayan, na laman ng kanilang bawat panawagan, ay matutugunan hindi sa Hindi nagtatapos sa balota pamamagitan ng ang paghahangad sa tunay na patse-patseng mga kasarinlan dahil nasa kamay ng ordinaryong mamamayan ang tunay reporma at bagong na lakas na makakapagpalaya sa mga manggagawa sa kadena ng mambabatas, kundi pananamantala, sa mga magsasaka sa mga lapastangang panginoon. sa natura nitong Kapag hindi na binigyan ng estado ang mamamayan ng pagpipilian boses at lakas. kundi lumaban, ibibigay natin itong magkakapit-bisig at makatwiran.

ILLUSTRATION BY FERNANDO MONTEJO

I PA S A PA G K A BA S A ! I PA S A PA G K A BA S A ! I PA S A PA G K A BA S A ! I PA S A PA G K A BA S A ! I PA S A PA G K A BA S A ! I PA S A PA G K A BA S A ! I PA S A PA G K A BA S A ! I PA S A PA G K A BA S A ! I PA S A PA G K A BA S A ! I PA S A PA G K A BA S A ! I PA S A PA G K A BA S A !

REBELKULÊ

ANG PAHAYAGAN NG MGA MAG-AARAL NG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS DILIMAN


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
Rebel Kule Tomo 4 Isyu 2 by Philippine Collegian - Issuu