GMA takes special treatment for her exclusive animal disease—Page 3
T
Pilipenis Kangkungan Opisyal na pamahid sa ebak at pambalot ng tinapa ng mga mananalsal ng Unibersidad ng Pilipenis 16 Dicksyempre 2011 Boso 69, Blg. 666
MAGUGUNAW NA ANG MUNDO!
Pinaguho ni Nikbur Kabarete
Anong sinasapit ng falling stars? Lalaki-rin Pahina 4
Hamon sa mga supot: magpatuli E ‘di salsal Pahina 2
Masama raw magstereotype, pero aminin mo, masayang laro ‘yun! Kulutera Pahina 5
Minsan, may isang batang jakolero Seminal Phases Dickko Maycallo “Hindi mo kami maiintindihan, Ma. Punks kami.” – Rey “PJ” Abellana, sa pelikulang The Punks oong bata pa ako, hindi ako sigurado sa hitsura ng semilya. Ang inakala ko pa, kasinliit ang bawat sperm ng kisses, ‘yung maliliit at mababangong bilog na nabibili sa labas ng iskul, ‘yung nanganganak daw—at nagsisilbi ring pampabango ng taxi. Ganun ako ka-naïve. Nasa ikalawang taon na ako sa hayskul nang malaman kong pwede palang magsalsal. Si Alvin, dating kaibigan, ang nagsabing ginagawa niya ito araw-araw. At kung hindi ko rin gagawin, hindi raw ako pwedeng tawaging isang tunay na lalaki, sabi niya. Bumigay ako sa hamon niya, bilang hindi naman magiging mabait sa akin ang lipunan kung sinabi kong hindi. Naghanap ako ng mga DVD sa bahay. Born Again Christians ang mga magulang ko, kaya ang tanging R-18 movies na makikita sa bahay ay ang Bruce Lee collection ng erpat ko. Dito nag-umpisa ang aking obsessive relationship sa naghubad na babae sa pelikulang Enter the Dragon. Isang araw, nang maiwan akong mag-isa sa bahay, pinaulit-ulit ko ang eksenang iyon sa pelikula, at sa unang pagkakataon, nagawa kong ipaputok ang bulkan. Sabi ng kaibigan ko, normal lang ang ma-guilty sa unang beses, pero bigyan ko pa raw ng two to three tries para mawala ang guilt feelings. At tama nga siya, dahil ‘di nagtagal, nilamon na ng sarap ang lahat ng takot at agam-agam. Bad daw mag-jakol, sabi ng simbahan. Kamatayan ang parusa ni God kay Onan when the poor guy spilled his seed on the ground. Dahil na rin sa upbringing ko, sinubukan kong walain ang adiksyong ito. Napa-search pa nga ako sa Internet ng ways in overcoming masturbation. Step 1: Avoid being alone. Step 2: Huwag maging very conscious sa hitsura. And so on and so forth. “Believe me, I tried.” – Joel Lamangan kay Lino Brocka Pero kasi kapag tinitigasan na ako, nangingibabaw pa rin ang pangangailangang ibigay ang gusto ng aking katawan. Sa pagsalsal ko nararamdamanan ang extra feelings na ipinagkakait ng order, monotony at repetitions ng buhay at mundo. ‘Di naglaon, nalaman kong masturbation is a force to be reckoned with. Imagine, kung 99 na porsyento ng mga lalaki at tinatayang 65 porsyento ng mga babae ang regular na nagsasalsal, ang laking halaga ng oras na ginugugol sa pagsasalsal ang pwede sanang gugulin sa pagtatrabaho. Mas mapagsasamantalahan pa sana sila ng mga gahamang kumpanya. Kaya siguro tila taboo pa rin ang pagsasalsal hanggang sa ngayon. Ginawa itong taboo ng mga makapangyarihan— tulad ng simbahan, rich elite, gobyerno— upang sa mata ng lipunan, mortal na kasalanan ang kanilang karapatang magsalsal. Sabi nga ng mga pantas: kapag lalong hinukot, lalong gustong kumantot. Kaya putang ina na lang sa sistema. Mamaya, bukas, magpakailanman, ako at ang aking birdie, ang aking birdie at ako, kami ay magiging happy together. ●
N