Philippine Collegian Issue 9

Page 1

Opisyal na lingguhang pahayagan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas - Dilman Tomo 90, Blg. 09 Agosto 16, 2012

SA

GITNA

NG

SAKUNA

KARANIWAN NA SA MGA PILIPINO ang maglunsad ng iba’t ibang gawaing pambayanihan upang mapunan ang kakulangan ng gobyerno sa pagpapatupad ng maayos at mabisang sistemang pansakuna tuwing panahon ng tag-ulan. Nito lamang nakaraang linggo, mahigit 500 estudyante, guro, kawani, at alumni ang araw-araw na lumahok sa IskoOperation o University of the Philippines (UP) Diliman relief operations, upang tumulong sa mga pamilyang nasalanta sa hagupit ng malakas at tuluy-tuloy na pagbuhos ng ulan. Nagtipon-tipon ang mga volunteer sa College of Human Kinetics (CHK) Gym upang mag-pack ng relief goods at ipamigay ang mga ito sa mga komunidad na nasalanta ng baha. “Overwhelming ang dami ng volunteers at donations na nakuha mula sa pagpa-publicize sa mga social networking site at text messaging, kaya mula sa University Student Council (USC) office ay lumipat kami sa CHK Gym,” ani UPD USC Chair Gabriel “Heart” Diño. Sa loob ng apat na araw, natulungan ng proyekto ang halos 23,700 pamilya mula sa University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center, Caloocan, Malabon, Navotas, Valen-

zuela, Bataan, Laguna, Batangas, Taguig, Marikina, Quezon City at Rizal. Sinuspinde ni UPD Chancellor Caesar Saloma ang klase sa UPD noong mga araw na iyon, mula Agosto 7 hanggang 10. Wala namang naiulat na malaking pinsala sa mga kampus ng unibersidad, ani Student Regent Cleve Kevin Robert Arguelles. Gayunpaman, nararapat na alalahaning ang pakikisangkot sa mga suliranin ng mga maralita sa lungsod at kanayunan ay hindi dapat na magtapos sa pagtila ng ulan at paghupa ng baha. Sa unti-unting pagbangon mula sa pinsalang dulot ng kalamidad, humaharap pa rin sa maraming panganib ang mga komunidad: kawalan ng pangmatagalang hanapbuhay, mga banta ng demolisyon, kakulangan ng maayos na serbisyong panlipunan, at iba pang kapabayaan ng pamahalaan.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.