TOMO IV / BLG VII-VIII / Miyerkules, 13 Pebrero 2019 email: phkule@gmail.com
E D I T O R YA L
Langit-lupa Sa ilalim ng administrasyong Duterte, walang langit para sa mga bata dahil impyerno sa lupa ang bawat patakarang inihahain nito. Upang mawalan umano ng mga gagamiting bata ang mga sindikatong sangkot sa droga, nais ibaba ng mababang kapulungan mula 15 patungong siyam ang minimum age of criminal responsibility (MACR). Sa ikalawang pagbasa ng Kongreso, ginawang 12 ang MACR alinsunod sa minumungkahi ng ilang senador; at ngayon, pasado na ito sa ikatlo at huling pagbasa. Wala nang bahid ng pagpapanggap pa sa Kongresong pinamumunuan ni Gloria Arroyo— niratsada nito ang pagpapababa ng MACR dahil ito umano ang gusto ng pangulo, indikasyon ng ganap na pagkatuta nito sa palasyo. Subalit walang anumang siyentipiko at moral na batayan para ibaba ang MACR.
Ayon sa Psychological Association of the Philippines, hindi sapat ang unlad ng pag-iisip ng bata para magkaroon ng intensyon sa paggawa ng krimen—isa sa pangunahing elemento ng paglabag sa batas. Wala ring pag-aaral ang nagpapatunay na bababa ang krimen kung ibababa ang MACR lalo na’t wala pa sa dalawang porsyento ang bilang ng krimeng sangkot ang mga bata ayon mismo sa tala ng Philippine National Police noong 2017. Gayundin, ang mga krimeng kinasasangkutan ng mga children in conflict with the law (CICL) ay may kaugnayan sa pag-aari gaya ng pagnanakaw, ayon sa Plan International Philippines. Kahirapan ang sanhi lalo na’t isa sa tatlong bata ay mahirap ayon naman sa datos ng Philippine Statistics Authority noong 2015. Ang pagbaling ng sisi sa mga bata sa halip na sa mga sindikato ay hindi kaiba sa pagpihit ng estado ng naratibong mismong mahihirap ang sanhi ng kahirapan at hindi ang mga magnanakaw sa kaban ng bayan.
Nakasaad sa umiiral na Juvenile Justice Welfare Act (JJWA) ang pagtatayo ng 114 na Bahay Pagasa o rehabilitation centers, ngunit 35 lamang ang napakikinabangan noong 2017. Ayon sa pagtatasa noong 2015 ng United Nations International Children’s Emergency Fund o UNICEF, ang mga probisyon ng JJWA ay husto na sa pagtugon sa mga kaso ng paglabag ng kabataan. Kung gayon, ang paglalaan ng sapat na pondo at pagpapatibay sa implementasyon ng JJWA, gayundin ng mga batas laban sa childtrafficking, ang nararapat gawin ng pamahalaan, at hindi pagbibilanggo sa mga bata. Sa halip na bigyan ng parusang hahadlang sa pag-unlad ng mga kabataang itinuturing na pagasa ng bayan, dapat na linangin ang kanilang mga kakayahan at itama sa wastong paraan ang mga kamalian. Subalit imposible itong mangyari sa ilalim ng isang estadong walang pagkilala sa kinabukasan ng mga bata at kabataan. Sa nakalipas na tatlong taon ng
@phkule
NEWS /
Cracked Down: Exposing the PH Human Rights Situation in Numbers
FEATS /
Boxed Workers: The abandoned struggles of Prime box workers
KULT /
Apoy sa Dagat
Ang pagbaling ng sisi sa mga bata sa halip na sa mga sindikato giyera kontra droga, hindi bababa ay hindi kaiba sa sa 54 na mga menor-de-edad ang pagpihit ng estado namatay, ayon sa Children’s Legal Rights and Development Center, ng naratibong kabilang si Kian Delos Santos. Noong gitnang bahagi ng 2017, sinimulan mismong mahihirap din ang mandatory drug testing sa ang sanhi ng mga pampublikong hayskul. Malinaw na sa pagpapababa kahirapan at di ang ng MACR, hindi lamang pinsalang kolateral kundi mismong target ang mga magnanakaw mga kabataan ng ‘di makataong mga sa kaban ng bayan. polisiya ng administrasyong Duterte. Bagaman pasado na ang panukala, hanggang kaliwa’t kanan ang protesta, handa ang mamamayang ipanalo ang masahol na laro ng pamahalaan laban sa bawat anak ng ating bayan at kinabukasan. Gayong walang langit sa lupang mala-impyernong pinamumunuan ng berdugong pangulo, iisa ang panawagan ng sambayanan: Umalis ka na riyan sa pwesto mo!
DIBUHO NI JOHN KENNETH ZAPATA
I PA S A PA G K A BA S A ! I PA S A PA G K A BA S A ! I PA S A PA G K A BA S A ! I PA S A PA G K A BA S A ! I PA S A PA G K A BA S A ! I PA S A PA G K A BA S A ! I PA S A PA G K A BA S A ! I PA S A PA G K A BA S A ! I PA S A PA G K A BA S A ! I PA S A PA G K A BA S A ! I PA S A PA G K A BA S A !
REBELKULÊ
ANG PAHAYAGAN NG MGA MAG-AARAL NG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS DILIMAN