Mga Panalangin at Nobena sa Karangalan ni San Jose Manggagawa

Page 1


Mga Nilalaman Panimula 1 Mga panalangin at nobena sa karangalan Ni san jose manggagawa 2 Panalangin ni Papa San Pio X kay San Jose Manggagawa 3 Panalangin kay San Jose, Patron ng mga Manggagawa 5 Panalangin kay San Jose para sa mga Manggagawa 6 Panalangin ng mga Naghahanap ng Trabaho 8 Nobena sa Karangalan ni San Jose Manggagawa 10 Panimulang Panalangin sa Bawat Araw ng Pagnonobena 10 Mga Panalangin sa Bawat Araw Unang Araw 13 Ikalawang Araw 14 Ikatlong Araw 15 Ika-apat na Araw 16 Ikalimang Araw 17 Ika-anim na Araw 19 Ikapitong Araw 20 Ikawalong Araw 21 Ikasiyam na Araw 22 Pangwakas na Panalangin sa Bawat Araw ng Pagnonobena 23 Mga panalangin NG MANGGAGAWA 24 Mga Pagsusumamo Sa Karangalan Ng Buhay Ni San Jose Sa Piling Ni Hesus At Maria 29


LITANIYA KAY SAN JOSE 33 Panalangin kay San Jose 36 Panalangin kay San Jose para sa mga Pari 38 Panalangin kay San Jose para sa isang Partikular na Pari 40 Pagtatalaga Ng Mga Magulang Para Sa Kanilang MGA Anak Sa Pangangalaga Ni San Jose 41 PANALANGIN SA NAHIHIMBING NA SAN JOSE 42 Mga panalangin ng pamilya sa nahihimbing na san Jose 44 Panalangin ng angkan kay san jose para sa kanilang ama 48 Panalangin ng Pagpapala at Pasasalamat 48 Panalangin para sa Asawa/Amang May Mabigat na Suliranin o Pasanin 50 Panalangin ng Paghingi ng Patawad para sa isang Mapang-abusong Asawa/Ama 52 Panalangin para sa Asawa/Ama na Hindi Naging Tapat 53 Panalangin para sa Asawa/Ama na Lulong sa Bisyo 55 Panalangin kay San Jose ni Papa Francisco 57 Panalangin ng Pagpapaubaya kay San Jose 58


PANIMULA

S

a bagong Liham na Apostoliko na pinamagatang Patris Corde (“With a Father’s Heart”), inilarawan ni Papa Francisco si San Jose bilang isang minamahal na ama, isang malambing at mapagmahal na ama, isang masunuring ama, isang mapag-ampon na ama; isang ama na malikhain at matapang, isang masipag na manggagawang ama, isang ama na nasa mga “anino” – bagamat lingid sa mga mata maaasahang laging kasama at nariyan. Samakatuwid, napapanahon lamang na tayo ay dumulog at magpaubaya sa pangangalaga ni San Jose. Malinaw na ipinapahayag ng Simbahan na kung ibig nitong ipagtanggol ang bawat mag-asawa at pamilya, ibangon ang moralidad, umunlad ang kabuhayan at bawiin para kay Hesus ang mga naliligaw, nararapat lamang na si San Jose ay tawagan at isama sa laban.

1


Ika-anim na Araw Pagsusumamo: Diyos ng mga angkan, pagpalain Mo po ang aking pamilya. Panatilihin kaming ligtas mula sa karamdaman, kapahamakan, at huwag hayaang maghari ang kasamaan sa amin. Hayaang manatili ang kapayapaan sa aming puso at isipan. Siya Nawa.

S

an Jose, nagpapasalamat ako sa Diyos sa iyong karangalan na mabilang sa Banal na Pamilya at maging puno nito. Kaalinsabay ng iyong pasasalamat sa Diyos, ipamanhik mo po para sa akin ang pagpapala para sa aking sariling pamilya. Gawin mo po na ang aming tahanan ay pagharian ng kapayapaan, kagalakan, at pag-ibig katulad ng inyong tahanan sa Nazareth.

19


MGA PAGSUSUMAMO SA KARANGALAN NG BUHAY NI SAN JOSE SA PILING NI HESUS AT MARIA

S

an Jose, ipagkaloob mong pumasok si Hesus sa aking puso at pabanalin ako.

San Jose, ipagkaloob mong pumasok si Hesus sa aking puso at akayin akong magmahal. San Jose, ipagkaloob mong pumasok si Hesus sa aking isip at liwanagan ako. San Jose, ipagkaloob mong gabayan ni Hesus ang aking kalooban at patatagin ito. San Jose, ipagkaloob mong ituwid ni Hesus ang aking kaisipan at padalisayin ito. San Jose, ipagkaloob mong gabayan ni Hesus ang aking mga naisin at ituwid ito. San Jose, ipagkaloob mong masdan ni Hesus ang aking mga gawain at ito ay kanyang basbasan. San Jose, ipagkaloob mong pag-alabin ni Hesus ang aking pagmamahal sa kanya. 29



Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.