5 minute read

Ang Gangsa 1965*

Penelope Fangwa- Tica-a

Huwag kang mahiya

Advertisement

Kung luha mo’y mababaw

Ni Janet Badongen-Mede

Habang naglalakad, biglang napako ang kaniyang mga mata sa isang bilog na bakal na kawangis ng isang plato na nakasabit sa dingding. Habang nakatingin sa bilog na bakal, biglang nag-iba ang templa ng kaniyang mundo at may dumagundong sa kaniyang dibdib na hindi niya mawari kung ano.

Lalong lumakas ang dagundong sa dibdib. Nakabibingi ang lakas. Palakas nang palakas. Sa isang saglit pa ay may nagaalimpuyong hangin ang humahatak sa kaniya para lumapit sa nakasabit na bilog na bakal. Paglapit dito, nakita niya ang isang pamalong biglang nagkapakpak at lumipad sa kanang kamay. Hindi niya namalayan, dumapo sa sentro ng bakal na bilog ang pamalo at umalingawngaw ang tunog nito sa buong paligid. Ang alingawngaw ng tunog ay kiliting nagpapaindak sa kaniya. Habang umiindak, nag-uumapaw ang galak sa kaniyang puso. May nagdidikta sa kaniyang isipan. Isang tinig ang nagpahinto sa kaniyang pag-indak. Sa paglingon, isang nakangiting tindera ang nagtatanong, “Sir, bibilhin ba ninyo ang gangsa?”

Bigla siyang nagising sa waring mahabang pagkakatulog. Iginala niya ang paningin sa paligid. Siya pala ay nasa palengke. Nanlaki ang mga mata sapagkat hawakhawak niya ang ipinagbibiling gangsa. Sa pagkakahawak sa gangsa ay parang nakikita niya ang ama na buong pagmamahal na pinatutunog ang gangsa habang buong galing naman ang pagsalibi ng mahal na ina. Muli niyang narinig ang tindera. “Bibigyan ko po kayo ng discount Sir. Maganda po ito. Kayo po ang unang nagpatunog nito.”

“Oo, maganda. Talagang maganda itong gangsa. Ngunit may gangsa na kami. Napakaganda ang gangsa ni ama,” ang sambit sa sarili at muli niyang isinabit ang gangsa.

Maluha-luha siyang lumayo sa tindahan. Naalala niya ang mga magulang na nagpalaki sa kaniya. Matagal siyang hindi umuwi. Matagal na hindi umuwi sa nayong pinananahanan ng pagdadamayan at simpleng pamumuhay ng mga tao. Payak ang pamumuhay ngunit doon niya naramdaman ang tunay na kapanatagan ng kalooban, at pakikipagkapwa-tao.

Bumilis ang paglakad. Parang hinihigop siya ng tunog ng gangsa ng ama. Iisa ang nasa puso, uuwi siya sa nayong sinilangan. Sabik siya sa ama at ina. Humihiyaw ang diwa at puso. Ibig niyang marinig ang tunog ng gangsa ng ama. Ibig niyang mayakap at makita ang salibi at salidsid ng inang nagsilang sa kaniya. Hindi pa huli ang lahat. Ibig niyang ibahagi sa mga magulang ang karangyaang nakamit sa tagal ng panahong inilagi sa lungsod.

“Totoong nakamit ko ang aking pangarap sa buhay at nabubuhay ako sa karangyaan. Napatunayan kong hindi hadlang ang kahirapan upang magtagumpay ang isang tao. Kung noon ay may hinahanap akong hindi ko alam kung ano. Ngayon, alam na alam ko na kung ano ang kulang.” Lalong bumilis ang paglakad upang makarating sa kaniyang sasakyan. Buo ang desisyon. Hindi mahihigtan ng malambot na kama ang dampa ng mga magulang sa bayang kaniyang sinilangan.

Richard Giye

How would I describe to you

The smoke rises

In the heart of the valley

Twigs, papers and books burn in memory

Of the first torch of illumination.

The first academic building

The old library

The four classrooms.

It fell in the mouth of fire. There was an explosion There was anger They have painted it black at night. Gaseous - perfumed poison Premediated arson!

Who owns the land? Who owns the heart of the valley?

The Epiphany church bell rang At the break of light in 1965 Once torched, always burned.

The ashes covered the memory of the First poem.

*On the eve of April 23, 1965 the Academic Building that housed the Àdmin Office, the Library, the School Clinic, and four classrooms of Mountain Agricultural College (MAC) was burned down. The front porch facing the flagpole in front of the now CTE served as stage for school programs during and after Monday flag ceremonies. - Memoirs of Chester Alipit

Bayani ka ngang itinuring ng lipunan Modelo ka sa mga kabataan

Sa iyong mga kamay nakasalalay ang kanilang bukas

Kung wala ka, baka hindi nila mararating ang buhay na malarosas

Panalangin ko kay Kabunyan na ikaw ay babantayan

Para sa lahat mong kailangan lalo na ang kalusugan

Nang sa ganoon ay marami ka pang matutulungan

Na mga tagapagligtas sa umiiyak nating bayan

Every Body’s Function

James Patrick Aquino

My skin lies on sharp rubble

Yet, my feeling is subtle Naked stones like leaves on roof Roughness seemed smooth, but no proof

Took a breath, flying bubble Flows with wind, spinning double Raindrop falls like iron hoof Never mind, my body’s roof

I hope thinking makes double Need not to regret trouble

Sniff journey to make a woof For that is life for a goof

At puso mo’y malambot

Dahil babae ka

Huwag kang magtaka

Kung bakit ang desisyo’y nakakalito

At madaling magbago

Dahil babae ka.

Huwag kang mawalan ng pag-asa Kapag may mga gawaing di mo kaya

At kailangan mo ang tulong nila Dahil babae ka.

Huwag kang tumutol Pag darating ang panahon Minanang pangala’y mapalitan Dahil bababe ka.

Huwag kang magreklamo Pag ikaw’y nag-aalaga ng sanggol Masuwerte ka Dahil babae ka

Babae ka

Biniyayaan ng kakaibang lakas, Talino at tibay ng kalooban Na di kayang talunin, anumang pasanin

Babae ka

Nagbibigay lakas sa bawat naghihinang kalooban Nagbibigay-ilaw sa mga nawawal sa tamang landas Nagsisislbing gabay sa mga batang walang kamalay-malay

Babae kang mahalagang tuldok sa lipunan Ilpinagmamalaki iginagalang Pasan mong mga responsibilidad Sa lakas mo’y maitatawid

Revin Xavier L. Ignacio

There has always been one in every place, This person that you may or may not hate. They go by many names; berk, git, nutcase, But really, they are just playthings of fate.

One Charlie made a mistake all can see, In a small room on school property, One plus one, and his answer became three, The laughs that soon followed were quite hearty.

Another Charlie made quite the blunder, With Cupid’s arrow, his heart was on fire, For a woman with another lover, Needless to say, he earned that person’s ire.

So you see, Charlie’s are quite aplenty, You might even be one among many.

Lory Rose B. Supsupin

If the road ends for me here

Please know that I loved you dear

The dark clouds are chasing me

The sad thoughts will set me free

I feel like falling from a building high

At least the last scene is sky

Please don’t ask yourself why I’d rather fly than cry

I didn’t want to end my life

I just didn’t want to continue the drive

If the road ends for me hear Some may shed; and tear

But trust me, for me, it’s clear

The road ends for me here.

Benguet is the Heart

Richard Giye

CAH, ISRD & GAD spearhead ‘ThinkTalk3: Lang, Lit and Comm Web Series

Richard A. Giye

Tonight, we ride

Far from the city stars

Across tarmac houses and town bars.

Up north the whirling Dagem

Fathering a tribe

Finding the gold

Trail into the valley heart

Littered with body parts.

Young men on their Levi’s jeans

Strong arms carry carrots and beans.

Loud the cheering laughs at night

Into alleys and streets

The embrace of a college mate- sweet.

Meandering the waterless river

Undone the low mountains

Unruly, wounded, falling Shontog

Torn bridges

Border stoning hard on us

Fall on rocks, on cars, on roofs.

Of paths imagined, of places dreamed

Both untamed and beauty

Trail into the Benguet heart.

This article is from: