
3 minute read
Sports, Health & Wellness CAHLAKASAN 2, Isinagawa ng Kaguruan ng CAH
Kumakandili
Joshua D. Payangdo
Advertisement
Wikang Filipino ay nagsisilbing instrumento para sa pambansang pagkakaunawaan at tulay sa magandang ugnayan ng bawat mamayan. Ito ay dapat nating puspusang gamitin at linangin tungo sa isang wikang pangintelektwalisado nang sa gayo’y mabisang magamit sa mga sopistikadang lawak ng karunungan. Sa kasamaang palad ay may maraming hadlang na kinakaharap ang Wikang Filipino tungo sa pagiging intelektwal nito.
“Nasa pagkaka-isa ang tagumpay!” Ito ang ipinamalas ng kaguruan ng Kolehiyo ng Sining at Humanidades sa kanilang isinagawang CAHLAKASAN 2 na may temang “Building Workplace Resilience” bilang bahagi ng kanilang gawaing pangkalusugan.
Ang nasabing aktibidad ay inorganisa ni Vanderlee M. Batalier, ang College Sports Coordinator. Ginanap sa Horticulture Research and Training Institute sa Bektey, Longlong, La Trinidad Benguet noong ika-11 ng Nobyembre.
Dinaluhan ito ng mga kaguruan at mga staf ng nasabing kolehiyo.
Layunin ng programang ito na ibahagi ang iba’t ibang kaalaman tungkol sa usaping sikolohikal,katatagan at pakikitungo sa trabaho.
Isinagawa ang ibat’ibang aktibidades gaya ng pagsayaw ng zumba na pinamunuan ni. Joshua D. Payangdo, kasunod ang pag-awit at pagsamba sa Panginoon na pinagunahan ni Candice Grale Belgica.


Masiglang binuksan ni Dr. Myrna B. Sison Kuiper,Dekana ng kolehiyo ng Sining at Humanidades ang palatuntunan na agad sinundan ng pagpapakilala ni Mae Castilio ang panauhing tagapagsalita na si Sir Raymundo H. Pawid Jr.
Tinalakay ni Sir. Pawid Jr. ang usaping sikolohikal kung saan binigyang diin niya na “Ang mga guro ay dapat na hindi balisa sa pagtuturo upang sila ay maging epektibo sa palinang ng kakayahan ng mga mag-aaral”.
Diniinan niya din ang tatloong R. Ang Repleksiyon, Relasyon at Resilience, ani niya na dapat magkaroon ang mga guro ng pagbabalik tanaw sa kanilang mga naging kilos at pag-uugali upang magkaroon ng maayos na pakikitungo sa mga kapwa guro at maging sa mga mag-aaral, at ipinaalala na magkaroon ng Resilience sa pamamagitan ng pagsama-sama ng lahat ng karanasan na pinagdaanan upang malampasan ang mga balakid na nagiging sanhi ng hindi pagkakaunawaan.
Upang higit pang maipaunawa ni G. Pawid Jr. ang kaniyang mga punto ay dinaan niya ito sa iba’t ibang laro kung saan ipinamalas ng mga kaguruan ang pagtutulungan at pagkakaisa na siyang gustong puntuhin ni G. Pawid Jr. Natapos ang gawain na may saya at ngiti sa labi ng mga kalahok.
Ayon kay Rolando S. Tinio sa kaniyang sanaysay na “Pilipino Para sa mga Intelektwal” kung saan tinalakay niya ang dalawa sa maraming hadlang na kinakaharap ng Wikang Filipino tungo sa intelektwalisasyon nito. Una ipinalalagay ng mga Pilipino na walang kakayahan ang kanilang wika bilang wikang intelektwal. Pangalawa, nangangamba ang mga Pilipino na maiwan sa kaunlarang pag-iisip kung tumiwalag tayo sa wikang Ingles.
Ang dalawang pangkalahatang balakid sa intelektwalisasyon ng wikang Filipino, ay sumasalamin na mababa ang pagtingin natin sa ating sariling wika at mas inuuna natin ang wika ng iba kaysa sa sariling atin dahil sa konotasyon na “maiiwanan tayo ng panahon kapag hindi tayo nakiuso”. Ang ganitong pagiisip ay hindi nakakatulong sa pagunlad ng ating wikang Filipino. Imbis na tangkilikin at payabungin ay tayo mismo ang humahatak sa patuloy ng pag-unlad nito.
Sa sanaysay naman ni Dr. Florentino H.Hornedo ay nagpahayag siya na makakamit ng Wikang Filipino ang intelektwalisasyon kung itataas natin ang antas ng Diwang malay hindi sa Diwang Buhay. Ito ay sa pamamagitan ng puspusang paggamit nito sa larangan intelektwal tulad ng pagtuturo sa mga tersiyaryo at eskwelahang gradwado, sa pagsulat ng mga akda sa pilosipiya, agham at teknolohiya.
Naniniwala ako sa sinabi ni Hornedo, kung gusto nating maging intelektwal ang ating wika bakit hindi natin gamitin ang diwang malay, masasabing ang wika ay intelektwal kung ito ay ginagamit na sa larangan ng akademya at sa antas ng eskwelahan gradwado, bakit hindi nating hayaang mapagtagumpayan ng wika nating ito upang sa pagdating ng panahon ay higit na maraming aklat at mga kagamitan ang malilimbag sa Wikang Filipino at ang mga karunungan sa iba’t ibang disiplina ay naipahahatid na sa pamamagitan ng Wikang Filipino.
Tunay nga naman na napakahalaga ng intelektwalisasyon ng wikang Filipino, kaya kagaya ni Tinio at Hernades dapat tayo ay tuloytuloy sa paggamit at pagsasanay sa Wikang Filipino upang higit pang yumaman ang kalipunan ng salita at kakayahang pang-gramatika. Higit sa lahat mahalin at huwag ikahiya, gamitin sa lahat ng larangan ng kaalaman. Sa ganitong paraan ay nakakatulong tayo sa intelektwalisasyon ng ating Wikang Filipino.
College History
The College of Arts and Humanities started as the Department of Humanities in the College of Arts and Sciences. The BOR Approval took place on July 16, 2021, while it was operational on January 2, 2021. It is composed of Department of Arts and Communication, Department of English, and Department of Filipino.