
3 minute read
Fancy Flight *
K.O. Laking
You came to me in the twilight wearing your twig-like hair We looked at each other and the world started to spin in brown, green, blue, gray and black.
Advertisement
Your breasts, gleaming in the dim twilight calling, inviting, challenging to join you in the fancy fight of wild, wondering bliss.
You capture me in wings of musical flight and tangle me with your warmth of words, their fibers, incandescent light; a night of fancied ecstasy begun.
How lyrical your voice, how bright the tone to contrast the gloomy world where we collide.
Your woven words of nectar they lay like gentle dew upon my breasts. Can something so profoundly impassioned last for long? Or will these blissful flights of fancy will just become a song?
*An Ekphrastic poem inspired by “Alembong”

Ni Janet Badongen-Mede
3RD PLACE / ESSAY
106th BSU Founding Anniversary Celebration CREATIVE WORKS OF BSU EMPLOYEES EXHIBIT
September 26-30, 2022
Habang naglalakad, biglang napako ang kaniyang mga mata sa isang bilog na bakal na kawangis ng isang plato na nakasabit sa dingding. Habang nakatingin sa bilog na bakal, biglang nag-iba ang templa ng kaniyang mundo at may dumagundong sa kaniyang dibdib na hindi niya mawari kung ano.
Lalong lumakas ang dagundong sa dibdib. Nakabibingi ang lakas. Palakas nang palakas. Sa isang saglit pa ay may nagaalimpuyong hangin ang humahatak sa kaniya para lumapit sa nakasabit na bilog na bakal. Paglapit dito, nakita niya ang isang pamalong biglang nagkapakpak at lumipad sa kanang kamay.
Hindi niya namalayan, dumapo sa sentro ng bakal na bilog ang pamalo at umalingawngaw ang tunog nito sa buong paligid. Ang alingawngaw ng tunog ay kiliting nagpapaindak sa kaniya. Habang umiindak, nag-uumapaw ang galak sa kaniyang puso. May nagdidikta sa kaniyang isipan. Isang tinig ang nagpahinto sa kaniyang pag-indak. Sa paglingon, isang nakangiting tindera ang nagtatanong, “Sir, bibilhin ba ninyo ang gangsa?”
Bigla siyang nagising sa waring mahabang pagkakatulog. Iginala niya ang paningin sa paligid. Siya pala ay nasa palengke. Nanlaki ang mga mata sapagkat hawakhawak niya ang ipinagbibiling gangsa. Sa pagkakahawak sa gangsa ay parang nakikita niya ang ama na buong pagmamahal na pinatutunog ang gangsa habang buong galing naman ang pagsalibi ng mahal na ina. Muli niyang narinig ang tindera. “Bibigyan ko po kayo ng discount Sir. Maganda po ito. Kayo po ang unang nagpatunog nito.”
“Oo, maganda. Talagang maganda itong gangsa. Ngunit may gangsa na kami. Napakaganda ang gangsa ni ama,” ang sambit sa sarili at muli niyang isinabit ang gangsa.
Maluha-luha siyang lumayo sa tindahan. Naalala niya ang mga magulang na nagpalaki sa kaniya. Matagal siyang hindi umuwi. Matagal na hindi umuwi sa nayong pinananahanan ng pagdadamayan at simpleng pamumuhay ng mga tao. Payak ang pamumuhay ngunit doon niya naramdaman ang tunay na kapanatagan ng kalooban, at pakikipagkapwa-tao.
Bumilis ang paglakad. Parang hinihigop siya ng tunog ng gangsa ng ama. Iisa ang nasa puso, uuwi siya sa nayong sinilangan. Sabik siya sa ama at ina. Humihiyaw ang diwa at puso. Ibig niyang marinig ang tunog ng gangsa ng ama. Ibig niyang mayakap at makita ang salibi at salidsid ng inang nagsilang sa kaniya. Hindi pa huli ang lahat. Ibig niyang ibahagi sa mga magulang ang karangyaang nakamit sa tagal ng panahong inilagi sa lungsod.
“Totoong nakamit ko ang aking pangarap sa buhay at nabubuhay ako sa karangyaan. Napatunayan kong hindi hadlang ang kahirapan upang magtagumpay ang isang tao. Kung noon ay may hinahanap akong hindi ko alam kung ano. Ngayon, alam na alam ko na kung ano ang kulang.” Lalong bumilis ang paglakad upang makarating sa kaniyang sasakyan. Buo ang desisyon. Hindi mahihigtan ng malambot na kama ang dampa ng mga magulang sa bayang kaniyang sinilangan.
Richard Giye
How would I describe to you
The smoke rises
In the heart of the valley
Twigs, papers and books burn in memory
Of the first torch of illumination.
The first academic building
The old library
The four classrooms.
It fell in the mouth of fire. There was an explosion
There was anger
They have painted it black at night. Gaseous - perfumed poison
Premediated arson!
Who owns the land?
Who owns the heart of the valley?
The Epiphany church bell rang At the break of light in 1965
Once torched, always burned.
The ashes covered the memory of the First poem.
*On the eve of April 23, 1965 the Academic Building that housed the Àdmin Office, the Library, the School Clinic, and four classrooms of Mountain Agricultural College (MAC) was burned down. The front porch facing the flagpole in front of the now CTE served as stage for school programs during and after Monday flag ceremonies. - Memoirs of Chester Alipit
