ANG PAMALAKAYA Opisyal na pahayagan ng PAMALAKAYA-Pilipinas Pebrero 2024
Editoryal
PAGBEBENTA NG MGA POOK-PANGISDAAN SA DAYUHAN ANG KATUMBAS NG CHA-CHA NI MARCOS JR.
M
abilis na nalantad ang tangkang pagmanipula ng rehimeng Marcos Jr. para isulong ang Charter Change (Cha-Cha), na nilalayong baguhin ang mga mayor na nilalaman ng Saligang Batas pabor sa mga dinastiya at dayuhang negosyo. Gamit ang bilyun-bilyong kaban ng bayan, nilinlang ang mamamayan sa ipinakalat na petisyon na walang kahit anong paliwanag sa mga pinapirma kundi ang kapalit na P100 o kaya ay pangakong ayuda. probisyon ng Cha-Cha. Matatandaang nagbuhos ang imperyalistang institusyon na World Bank ng US$176 million para sa proyektong Philippine Fisheries and Coastal Resilience Project (FISHCORE), na naglalayong higit pang palaganapin ang mga naglalawakang akwakultura sa ating karagatan. Mangangahulugan ito ng tuluyang pagkitid ng mga komunal na pangisdaan para bigyang-daan ang mga pribadong akwakultura kung saan ang produksyon ay para sa eksport. Dagdag pa ang malubhang epekto nito sa ekosistema ng karagatan dahil sa mapaminsalang kemikal na ginagamit sa pagpapalaki ng mga isda.
Sa mabilis na pagkakalantad ng nag-astang ‘People’s Initiative’, marami ang nagpaabot ng pagbawi o pag-atras ng kanilang lagda. Patunay na hindi buong-loob na kagustuhan ng mamamayan ang isinusulong na Cha-Cha ng iilang nasa poder.
ing mga utilidad tulad ng komunikasyon, edukasyon, at media. Ito ay sa pamamagitan ng pagsisingit sa isang probisyon na papayagang magmay-ari ang dayuhang kumpanya ng lupain sa ating bansa basta’t pahihintulutan ng batas.
Tulad ng mga sinundang rehimen, dalawa ang nilalayong baguhin ni Ferdinand Marcos Jr. sa Saligang Batas – ang mga probisyon sa usaping politika at ekonomiya. Sa politika, nilalayon ang ekstensyon ng termino ng Presidente at Bise Presidente.
Kahit na mayroong 60-40 na patakaran kaugnay sa dayuhang pag-aari, laganap na ang monopolyo-kontrol ng mga ito sa ating lupain at iba pang utilidad. Paano na lamang kung payagan ang pag-aaring dayuhan ng 100% sa pamamagitan ng Cha-Cha?
Nais namang tuluyang ibuyangyang sa dayuhan ang ating rekurso, likas-yaman, at pampubliko at sus-
Isa ang sektor ng pangisdaan sa lubhang nanganganib sa dayuhang pandarambong sa nagbabadyang p.1
Pagtitibayin din ng pang-ekonomikong probisyon ng Cha-Cha ang pamamayagpag sa mga munisipal na pangisdaan ng malalaking barkong palakaya, na mula sa kasalukuyang umiiral na sistemang joint venture agreement (JVA) ay maaari nang maging direktang pag-aari ng dayuhan. Ang mga mapanirang kumbersyon at reklamasyon ng mga pook-pangisdaan at baybayin ay maaari na ring maging ganap na proyekto ng mga dayuhan. Kamakailan nga lamang ay nailantad ang direktang pagkakasangkot ng China sa ilang reklamasyon sa Manila Bay, partikular ang 417-etaryang reklamasyon sa Baseco, at ang 318-ektarya sa Maynila. Sa ilalim ni Marcos Jr., lumalalim ang pagkakalugmok sa kahirapan ng sektor ng mangingisda. Maging kagutuman sa hanay ng mga pamilyang nasa kostal.