Ang Pahayagang Iskolar TOMO XXXIII Blg. 1

Page 1


PAHAYAGANG ISKOLAR

SAAN AABOT ANG MO?

atawan na walang

enerhiya, mga braso na nanghihina, at tiyan na kumakalam dulot ng walang maipasok na pagkain sa sistema. Yan ang madalas na kinagawian ng mga Pilipino na kasama sa porsyento ang naghihirap na makalapat ng pagkain sa kanilang mga lamesa.

Kaya naman umani ng samu’t saring reaksyon mula sa publiko nang sabihin ng NEDA na sapat na ang P64 kada indibidwal para sa pagkain. Ang tunay na nagpagulat sa mga Pilipino ay ang salaysay nila na kasya na ito para sa isang araw. Kung tatansyahin, P20 ang ilalaan kada almusal, tanghalian, at hapunan na talagang hindi kakasya dahil sa taas ng mga bilihin. Hindi pa rin ito magiging sapat para sa isang indibidwal.

Sa isang pahayag, binigyangdiin ni NEDA Secretary Arcenio Balisacan na ang layunin ng foo threshold ay hindi para itakda kung magkano ang dapat gastusin ng isang pamilya sa pagkain.

Ngunit kung iisipin natin, hindi pa rin makatarungan ang P20, sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin ay magiging imposible para sa isang indibidwal ang makabili ng maayos at angkop na pagkain na kailangan ng ating mga katawan.

basahin ang teksto sa pahina 4

balitanglokal.

NI FEBBY NINGAL

MATATAGPUAN PA KAYA?

BLESS TIRAZONA

Isang 15-anyos na lalaki, nawala at pinaniniwalaang aksidenteng nalunod sa isang ilog sa Brgy. Polo, Banga noong Enero 29, 2025.

Kinilalang Si Jhorus Flores ang binatang ito at hanggang sa kasalukuyan, tatlong linggo na ang nakalilipas, ay hindi pa rin natatagpuan ang katawan ni Flores.

balitangpangkampus.

HIMIG NG PAG-IBIG

BLESS TIRAZONA

Kinumpleto ng July Honey, isang sikat na local band dito sa Aklan, ang Valentine’s Day experience ng mga Sayanista, nang magkaroon ito ng Suprise Mini Concert noong ika-14 ng Pebrero 2025.

Mas naging espesyal pa ang kanilang concert nang kantahin nila sa unang pagkakataon ang kanilang unreleased song na sa ika-24 pa ng Pebrero ilalabas.

balitangnasyonal.

PRESENSYA NG CHINA SA WPS PINAIGTING NG SASAKYANG PANDAGAT

KYLE MACOLBACOL

Patuloy ang presensya ng mga barko ng China sa West Philippine Sea, ayon sa ulat ng Armed Forces of the Philippines noong Agosto 2024, sa kabila ng mga diplomatic protests ng Pilipinas upang ipagtanggol ang teritoryo.

Samantala, patuloy ang panawagan ng Pilipinas para sa respeto sa karapatan ng bansa sa exclusive economic zone batay sa mga internasyonal na batas.

Amorseco panlaban sa Arthritis

ZAK PENAFIEL

AMORSECO

May potensyal na makapagpagaling ng Arthritis sa bagong nilahad na research study “Anti-Arthritic potential of Chrysopogon acicatus Extracts.” akatanggap ng pangalawang gantimpala sa Indibidwal Life Science

Category ang Anti-Arthritic study ng Regional Science High School VI sa 2024

Regional Science and Technology Fair sa Guimbal National High School noong Nobyembre 22-23, 2024.

Nilahad ng grupo ng mga mag-aaral sa baitang 12 na sina Jayson T. Bejo, Christian James G. Caballero, Wembley Chestley D. Robelo, Precious Destiny F. Macavinta, Glynne P. Torrenueva, at tagapayong si Mikko Jan D. Lopez ang naturang study. “Makatutulong ito sa mga taong may Arthritis, sa World Health Organization (WHO), Department of Health (DOH), at mga research studies sa kinabukasan na gustong makalikha ng lunas para sa arthritis sapagkat nakatatulong ito sa pamamahala ng uric acid, ang kontributor ng sakit at pamamaga ng mga suksukan. Nais rin nitong magbigay ng mas natural na paraan ng paggamot kaysa sa regular na paggamit ng tradisyonal synthetic drugs na nagbibigay lamang ng panandaliang kaluwagan at side effects.” Sabi ni Robelo. Nagsimula ang ideya ng grupo dahil hindi napapansin ng mga tao ang kayang gawin ng amorseco at nakita lamang ang tanim na ito bilang abala dahil dumidikit lamang ito sa mga damit ng tao. Matapos ang paghahanap ng mga iba’t ibang studies, nalaman na may posibilidad na maging antiarthritic ang extracts nito. Napatunayan ng grupo na maaaring gamitin ang amorseco extract bilang lunas sa arthritis at sa pamamahala ng uric acid

Sayanistas, Nagpaulan medalya sa 2024 Division Science Quiz Bee

Namayagpag ang Regional Science High School for Region VI at naging pangkalahatang kampeon sa 2024 Division Science Quiz Bee alinsunod sa pagdaraos ng Science and Technology Month na ginanap nitong ika-9 ng Oktubre sa Gov. Corazon Legaspi Cabagnot Tourism and Training Center.

MARCKO PEÑAFIEL, LEILA SUALOG basahin ang teksto sa pahina 4

Regalado at Pastrana Naiuwi ang Kampeonato sa 1st Aklan Provincial Wildlife Quiz Bee

Nauwi nina Cassandra Dominique Regalado, Grade 12 - STEM 1 at Ludy Mae Pastrana, Grade 10 - Newton ang kampeonato sa kauna-unahang Aklan Provincial Wildlife Quiz Bee na ginanap sa Aklan State University of Banga noong Nobyembre 12, 2024. 24 bilang ng pribado at pampublikong paaaralan ng Aklan ang nakipagpaligsahan sa patimpalak, bilang paggunita sa Education and Environmental Awareness Month and Climate Consciousness Week.

LEILA SUALOG, BLESS TIRAZONA basahin ang buong teksto sa pahina 3

BALITA
Bisitahin ang Ang Pahayagang Iskolar Facebook Page
DIBUHO

Bahay ng mga Dragon nagpasiklaban sa Pahampang 2024

umiyab ang Regional Science High School VI basketball court matapos hinirang na kampeon ang Bahay ng Targaryen sa Pahampang 2024: Intramurals na may temang “House of the Dragons” noong Nobyembre 7, 2024. Ginanap ang Pahampang 2024 ng RHSH VI noong Oktubre 29-31, 2024. Binuksan ang palaro sa RSHS VI Covered Court sa pagsindi ng tanglaw at pagsimula ng Paghilinadya Cheerdance Competition na may temang “Mitolohiyang Pilipino.”

Ginantimpalaan bilang kampeon ang Bahay ng Targaryen ng baitang 12 na may 20 Gold, 12 Silver, at 3 Bronze, at nakatanggap ng Best Standing Banner. Sumunod dito ang Bahay ng Velaryon ng baitang 11 na may 9 na Gold, 17 Silver, at 11 Bronze.

Ang Bahay ng Arryn na binubuo ng mga baitang 7 at 10 ay may 11 Gold, limang Silver, at 16 Bronze at nakatanggap ng Best in Athletic Attire. Ang Bahay ng Lannister naman na kinabibilangan ng baitang walo at siyam ay may limang Gold, walong Silver, at 16 Bronze at nakatanggap ng Best in Cheers and Yells.

Hinirang naman na kampeon ang Láwû ng baitang 11 sa Paghilinadya kasama ng Best in Choreography at Best in Musicality. Sumunod naman ang Guardia Lunar ng baitang 12 kasama ng Best in Props and Costume. Ang Charybdis ng baitang 9 at 10 ay nakatanggap ng Best in Chants and Yells at ang Kakatwa ng baitang 8 at 9 naman ay nakatanggap ng Best Audience Impact.

Basketball Court ng Sayans opisyal

atapos ang mahigit apat na buwan ng konstruksiyon, opisyal nang isinagawa ang turnover ng bagong basketball court ng Regional Science High School for Region VI nitong ika-27 ng Setyembre 2024. Pinangunahan ang ribbon cutting nina Hon. Jose Enrique “Jo-en” Miraflores, Gobernador ng Aklan, Dr. Marcelle Briones, Public Schools District Supervisor, Dr. Ramon Paras Jr., Asst. Schools Division Superintendent at Rot. Nonoy Macahilig, kinatawan ni Congressman Marquez. Naroon din sina Hon. Lilyn Jauod, Sangguniang Bayan Member ng Numancia,

Maria Santia Arboleda, Punong Guro ng RSHS VI, Dr. Iryl Faith Bayubay, SLGC Chairperson, at si Jauod. Sa tulong nina at Congressman Carlito S. Marquez, Congressman Teodorico T. Haresco at Mayor Juris B. Sucro, naging posible ang pagsagawa ng proyekto na may pondo ng higit kumulang isang milyon.

Ang naturang proyekto ay iminungkahi ni Emmanuel John V. Jauod, ang dating presidente ng Grade 12 - STEM 3 ng SY. 20222023 ng RSHS VI, na siyang inaprubahan din ng institusyon.

Isinagawa naman ang Groundbreaking Ceremony ng proyekto noong Hunyo 7, 2024.

MARCKO PEÑAFIEL

SI am deeply grateful to everyone who contributed to making this dream a reality – a place where our students can learn, grow, and play together. This court is a symbol of hope, teamwork, and the bright future that awaits our young athletes.

wika ni Ma’am Arboleda.

Regalado at Pastrana Naiuwi ang

Kampeonato sa

1st Aklan Provincial Wildlife Quiz Bee

LEILA SUALOG, BLESS TIRAZONA auwi nina Cassandra Dominique Regalado, Grade 12 - STEM 1 at Ludy Mae Pastrana, Grade 10 - Newton ang kampeonato sa kauna-unahang Aklan Provincial Wildlife Quiz Bee na ginanap sa Aklan State University of Banga noong Nobyembre 12, 2024. 24 bilang ng pribado at pampublikong paaaralan ng Aklan ang nakipagpaligsahan sa patimpalak, bilang paggunita sa Education and Environmental Awareness Month and Climate Consciousness Week.

“Geniuses are born, writers are made.”

abi ng District Editorial Supervisor, speaker sa Kalibo Schools Press Conference (KSPC) ng District ng Kalibo II sa Kalibo Integrated Special Education Center (KISEC) covered court noong Oktubre 12-13, 2024. Mahigit 589 manunulat at 49 School Paper Advisers mula elementarya at sekondaryang paraalan ang nakilahok sa KSPC na may temang “KALIBO LGU: Campus Journalist’s Wind Beneath Their Wings.” Pinangunahan ng speaker na si Dr. Jude Thaddeus I. Iledan, ang pagturo sa pagsulat ng balita, isports, opinyon, at lathalain. Sinundan naman ni SB Member, Philip Yero Quimpo Jr. ang mga aralin sa opinyon at lathalain.

Nais ng KSPC na hubugin ang mga manunulat ng Kalibo II, at na pahusayin pa ang abilidad ng mga manunulat sa pagsulat ng mga artikulo sa paghanda para sa mga patimpalak at kanilang mga kinabukasan. Kasabay nito, ang mga manunulat na nagwagi at nakapasok sa Top 5 ng indibidwal na kategorya ang ilalaban ng Distrito sa gaganaping Division School Press Conference 2025 sa Banga, Aklan. Habang, ang nakakuha naman ng unang gantimpala sa pangrupong kategorya ang tanging makapapasok sa DSPC. Dagdag dito, ang Regional Science High School for Region VI ang hinirang na Top Performing School sa ginanap na patimpalak.

Isang malaking karangalan at mabigat na responsibilidad ang pagdadala sa pangalan ng Aklan. Kahit napaka-busy, sinisikap kong isingit ang paghahanda rito para sa papalapit na kompetisyon

sabi ni Regalado.

Brigada Eskwela, Binuksan para sa Panuruang Taon ng 2024-2025

SCOTT MILLOROSO

dineklara ni Ginang Maria

Santia A. Arboleda, Punong Guro ng Regional Science High School for Region VI ang opisyal na pagbubukas ng Brigada Eskwela 2024, na may temang “Bayanihan Para sa Matatag na Paaralan,” noong Hulyo 23, 2024, sa RSHS-VI Covered Court. Sa pagpasok ng panibagong panuruang taon ay sama-samang nagtipon ang mga estudyante, guro, at magulang upang makiisa sa pagseguro

I ng kalinisan at kaayusan sa loob ng mga silid at pati na rin sa mga sulok ng paaralan. Sa pamamagitan nito, maraming naibago at naipaganda sa loob ng eskuwelahan. Kasabay ng brigada, ay muli namang inilunsad ang taunang “Uniporme ko, Alay ko” ng SSLG ng RSHS VI, kung saan maaring ipamahagi ng mga estudyante ang kanilang lumang uniporme sa mga panibagong estudyante. Nagbigay din ng panata ng

suporta ang Local Government Unit (LGU) Kalibo, Aviation, RSHS-VI School ParentTeacher Association (SPTA), Old Buswang Brgy. Council, Department of Public Works and Highways (DPWH), Bureau of Fire Protection (BFP), Akelco, 4Ps, OBTODA, Kalibo Water District, at Kalibo Philippine National Police (PNP) sa naturang aktibidad.

Kasama nila sa pagiging kampeon ang kanilang coach na si Ma’am April Joy A. Talas. Dagdag dito, ang mga kalahok lamang ng nangungunang tatlong paaralan, kasama sina Regalado at Pastrana ng Regional Science High School for Region VI, ang kinilalang magrerepresenta sa Division ng Aklan sa gaganaping National Wildlife Quiz sa Butuan City ng November 28-29, 2024.

Paa, Kampeong Muli sa Statistical E-Poster Making Contest

BLESS TIRAZONA

Sa pangalawang pagkakataon, hinirang na kampeon si Xander I. Paa, isang Grade 11 student ng Regional Science High School for Region VI sa ginanap na E-Poster Making Contest ng University of the Philippines-Visayas Statistical Society at Philippine Statistics Authority ng Region VI noong Oktubre 25, 2024.

Ang taunang paligsahan ay bukas sa lahat ng high school students sa buong Western Visayas bilang paggunita sa 35th National Statistics Month (NSM) na may tema ngayong taon na

the region hay bukon ako it confident. Pero ang main reason man sa pag-intra is maconvey ko eang gid it mayad ro message ag maipakita ko kanda kung ano ang perception (sa present and future) based rin sa theme.” Sabi ni Paa. Isinalaysay din niya na ang kaniyang entry ay patungkol sa pangangailan ng mga taong makisabay sa paglago ng teknolohiya sa tulong ng statistician generation. Dagdag dito, sa pamamagitan din ng AI at ibang pang technology

asabay ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2024 na may temang tatlong opisyal ng Supreme Secondary Learner Government ng Regional Science
ang Pangalawang Pangulo ng SSLG, si Euann Shalei L. Tang, ang Kalihim ng SSLG bilang Municipal Youth Sangguniang Bayan Member, at si Mavien M. Dalisay, ang kinatawan ng ika-9 na baitang bilang Municipal Youth Liga ng mga Barangay President.
BLESS TIRAZONA
MIEKAILA ALEJANDRO
MARCKO PEÑAFIEL
LARAWAN MULA KAY APRIL TALAS
LARAWAN MULA SA SCILENS
LARAWAN MULA SA SCILENS
LARAWAN MULA SA SCILENS

BUGAE IT SAYANISTA:

KAMPEON SA UMAN

BLESS TIRAZONA, BARONESS KIMPO, KYLE MACOLBACOL

Owa sa gihapon nagpapirde ro mga estudyante it Regional Science High School for Region VI sa ginhiwat nga kompetisyon it Sinaot sa Calle it mga Inungang Ati kung siin gin-uli nanda ro kadaeag-an makarong adlaw it Enero 14, 2025 sa Pastrana Park.

Ginbida gid it mga Sayanista ro andang ginpahauman nga gabagabagang pitik ag makabueugtaw nga mga ngirit.

Hango sa dragon du andang tema makarayang dag-on, nga gasimbolo it kabaskog, kabuganaan, ag kauswagan nga ginaselebrar ag napabugae it mga Akeanon samtang ginadumdum ro kapistahan ni Señor Sto. Niño.

Bukod kara, ro mabaskog nga salig it kada isaea hay naging instrumento para maabot nanda ro ginahandum nga pagdaog. Kaibahan gid dikara ro aktibo ag masaligang manug-tuon nga si Ma’am Charmaine Joy Juanico. Indi matupungan do anang pagsakripisyo agud mapatigayon do rayang aktibidad.

Sa likod it andang pagpanguna hay una man do bulig bukon eamang it mga nagsaot igto, kundi du bawat isaea ka Sayanista nga nagtinguha gid agud maeapawan ro gin-ekspektar it mga nagpaeamantaw.

Dugang kara, nadag-an man nanda ro unang kagawaran sa Mass Demonstration.

Sayanistas, Nagpaulan ng medalya sa 2024 Division Science Quiz Bee

MARCKO PEÑAFIEL, LEILA SUALOG

Mamayagpag ang Regional Science High School for Region VI at naging pangkalahatang kampeon sa 2024 Division Science Quiz Bee alinsunod sa pagdaraos ng Science and Technology Month na ginanap nitong ika-9 ng Oktubre sa Gov. Corazon Legaspi Cabagnot Tourism and Training Center.

Sa JHS Individual Category, hinirang na Kampeon si Ludy Mae A. Pastrana. Kasabay nito, nakamit ni Royston John Louis B. Pestaño ang Ikalawang Gantimpala, Chloe Ann M. Navarro ang Ikatlong Gantimpala, Jose Gabriel S. Ortega ang Ikalimang Gantimpala at Mavien M. Dalisay ang Ikasiyam na Gantimpala. Kasabay nito ay itinalagang kampeon naman si Cassandra Dominique R. Regalado sa SHS Individual Category. Dagdag dito, kampeon din sina Marcel I. Relator, Gian Carlo L. Delacruz, at Bradley C. Magbanua sa JHS Team Category. Habang pangalawang gantimpala naman ang natanggap nina Bern Finly B. Rapio, at Rae Jewel S. Ingeniero sa parehong

Sa gabay ng mga tagasanay na sina Ruthelyn A. Yap, Doren L. Magdamo, Mae Kenneth I. Buenafe, Dina Rose F. Alfaras, Jade Antoinette A. Fuerte, Alma C. Cawaling, Georgina D. Francisco, April Joy A. Talas, Dr. Amelia K. Malilay, Juvy Grace T. Aranas, at Engr. John Marie De Felipe, naipamalas ng mga nabanggit na sayanistas ang kanilang kahusayan sa agham.

Mga Kinatawan ng Aklan, Suporta sa Impeachment ni VP Duterte

“ Labis ang aking kasiyahan at pagmamalaki sa karangalang natamo ng mga mag-aaral ng Regional Science High School for Region VI sa 2024 Division Science Quiz Bee dahil ito ay patunay ng kanilang kaalaman, pagsusumikap at dedikasyon, sabi ni Ginang Yap. Macolbacol Naiuwi ang Ikalawang Gantimpala sa PIA High Schools Press Conference

umagda sina Kinatawan Carlito Marquez ng Unang Distrito at Teodorico Haresco ng Ikalawang Distrito mula Aklan sa impeachment complaint laban kay Bise Presidente Sara Duterte noong Miyerkules, Pebrero 5, na nagdala sa kabuuang bilang ng mga nagsignatoryo sa 215, higit sa kinakailangang 103 pirma upang maipasa ang reklamo sa Inihain ang mga mabigat na alegasyon laban kay Duterte, kabilang ang mga banta sa buhay laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza AranetaMarcos, at House Speaker Martin Romualdez. Kasama din ang kontrobersiya sa paggamit ng mga pondo ng Office of the Vice President (OVP) para sa mga confidential na gastusin. Si Marquez at Haresco, na

may ika-41 at ika-56 sa listahan, ay kabilang sa malawakang suporta mula sa Panay, kung saan 15 sa 16 na mambabatas mula sa isla ay pumirma rin sa reklamo.

Ang reklamo ay Ipapasa na sa Senado, kung saan sasailalim sa masusing pagsusuri. Ang desisyon ng Senado ay magtatakda ng susunod na hakbang hinggil sa kinabukasan ni Bise Presidente Duterte sa politika. “God save the Philippines”— wika naman ni Duterte sa isang prescon noong ika-7 ng Pebrero.

LARAWAN MULA SA SCILENS
LARAWAN MULA SA SCILENS
Dinomina ng mga taga-Regional Science High School for Region VI ang Division Science Quiz Bee, nang sungkitin nila ang tatlong kampeonato at lima pang ibang gantimpala sa parehong indibidwal at grupong kategorya noong Oktubre 9, 2024 sa Gov. Corazon Legaspi Cabagnot Tourism and Training Center.

LUPON NG PAMATNUGUTAN

LUPON

Tulay o Aray?

Sa isang paraiso ng mala-puting buhangin at asul na dagat, isang bakal na halimaw ang unti-unting bumabangon. Ang Boracay, na kilala bilang hiyas ng turismo ng Pilipinas, ay tila hinahanda na para sa isang napakalaking pagbabago—ang Boracay Bridge. Kung tatanungin mo ang mga tagapagtulak ng proyektong ito, ito ang tulay patungo sa progreso at kaunlaran. Pero sa gitna ng kinang ng salitang “pag-unlad,” hindi ba’t nararapat din nating tanungin kung ito ba’y tunay na tulay ng pagasa, o isa lamang daan patungo sa kapahamakan?

Ang 1.2 kilometrong Boracay Bridge ay isang proyekto na ipinanukala ng San Miguel Holdings Corporation (SMC). Ito ay kasama sa mga pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa mga Public-Private Partnership (PPP) Infrastructure Projects. Ang nasabing tulay ay magdudugtong sa isla ng Boracay sa mainland ng Aklan, partikular sa bayan ng Caticlan.

Saan aabot ang P20 mo?

atawan na walang enerhiya, mga braso na nanghihina, at tiyan na kumakalam dulot ng walang maipasok na pagkain sa sistema. Yan ang madalas na kinagawian ng mga Pilipino na kasama sa porsyento ang naghihirap na makalapat ng pagkain sa kanilang mga lamesa.

Kaya naman umani ng samu’ saring reaksyon mula sa publiko nang sabihin ng NEDA na sapat na ang P64 kada indibidwal para sa pagkain. Ang tunay na nagpagulat sa mga Pilipino ay ang salaysay nila na kasya na ito para sa isang araw. Kung tatansyahin, P20 ang ilalaan kada almusal, tanghalian, at hapunan na talagang hindi kakasya dahil sa taas ng mga bilihin. Hindi pa rin ito magiging sapat para sa isang indibidwal. Sa isang pahayag, binigyang-diin ni NEDA Secretary Arcenio Balisacan na ang layunin ng foo threshold ay hindi para itakda kung magkano ang dapat gastusin ng isang pamilya sa pagkain. Ngunit kung iisipin natin, hindi pa rin makatarungan ang P20, sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin ay magiging imposible para sa isang indibidwal ang makabili ng maayos at angkop na pagkain na kailangan ng ating mga katawan.

Maaari nilang sabihin na magiging posible ito sa pamamagitan ng pagkuha ng mga lokal na pagkain sa mga probinsya dahil ito ay mura at mapupunan ang kailanganang enerhiya at bitamina ng isang tao upang mabuhay. Sa kabila nito, marami pa rin ang mga rason kung bakit hindi ito posible. Isa na rito ay kakayahan ng mga

Sa isang tingin, tila ito’y isang magandang plano—ang mas mabilis na pagpasok ng mga turista, mas maginhawang transportasyon, at mas mabilis na paghahatid ng mga kalakal. Kung pagbabatayan ang mga pangako ng gobyerno, ito ang magiging sagot sa patuloy na paglobo ng populasyon ng turista sa Boracay, at magbibigay ng solusyon sa ilang matagal nang problema sa isla tulad ng trapiko sa pantalan, at ang kakulangan ng mabilis na transportasyon sa oras ng sakuna. Ngunit tulad ng lahat ng malalaking proyekto, may mga bagay na hindi dapat isawalang-bahala.

Una, ang usapin ng kalikasan. Kilala ang Boracay sa pagiging isang natural na paraiso. Ngunit sa kabila ng mga pangako ng gobyerno na titiyakin ang pangangalaga sa kalikasan, hindi maikakailang ang pagtatayo ng tulay na ito ay magdudulot ng malawakang pagkasira ng kapaligiran. Ayon sa mga eksperto, ang ganitong uri ng proyekto ay maaaring makapinsala sa mga

Pilipino na pumunta sa probisya para sa pagkain na kasya sa kanilang mga pera sa bulsa. Hindi lahat ng indibidwal ay nakatira dito at mas lalong hindi lahat ay kayang pumunta rito. Mahigit 58.93 million ang nakatira sa mga urban na baranggay, kung iisipin natin hindi lahat ay mabibigyan ng tyansa na makabili ng pagkain na kakasya sa P20. Pangalawa, sa patuloy na pagtaas ng inflation rate, magugulat ka nalang sa kung gaano ang kayang bilhin nito, kung ihahantulad natin sa kendi, mahigit 16 na piraso ang mabibili mo gamit eto. Ayon din sa pananaliksik, maaari pang tumaas ang porsyento ng bilihin sa susunod na mga taon. Partikular na binanggit ni BSP Governor Eli Remolona ang mga panganib na dulot ng mga salik tulad ng geopolitical tensions at masamang lagay ng panahon, na maaaring magdulot ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

Bukod dito, ang pagkain na nagkakahalaga ng P20 ay limitado. Hindi nito maibibigay ang kailangan na nutrisyon ng katawan. Kung wala ang mga bitamina na ito, mas tataas ang posibilidad ng malnutrition na magdudulot ng pangmatagalang epekto sa immune system.

Kapag hinayaan ito ng gobyerno, baka sa isang araw, linggo, o buwan ay

coral reefs, mga seagrass beds, at sa mga coastal ecosystem

Sa usapin ng kabuhayan, maaaring magbukas ang tulay ng maraming oportunidad. Ngunit kanino ba tunay na makikinabang ang Boracay Bridge? Hindi ba’t higit na makikinabang dito ang mga malalaking negosyo at negosyanteng nasa labas ng isla? Sa likod ng proyektong ito, kitangkita ang kawalan ng tunay na malasakit sa kapakanan ng kalikasan at ng lokal na komunidad. Ito’y isang tulay patungo sa interes ng malalaking negosyante, isang tulay na maaaring magdala ng yaman para sa iilan, ngunit nag-iiwan ng mas malaking kapahamakan. Sa likod ng magarang retorika at pangakong kaunlaran, isang masalimuot na katotohanan ang unti-unting lumilitaw: ito ba talaga ang kailangan ng Boracay, o ito’y isa na namang patibong ng kapabayaan? Ano nga ba ang mas mahalaga—ang pera ng malalaking kompanya o ang kalikasan ng isla?

mas marami pa ang naghihingalong tao sa ospital kaysa sa kanilang mga bahay. Mapapanindigan ba nila ito kung sakali man na ito ay mangyari?

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang inflation rate noong Disyembre 2024 ay umabot sa 2.9%, na mas mataas kumpara sa 2.5% noong Nobyembre. Ang pagtaas na ito ay pangunahing dulot ng pagmahal ng mga pagkain at utility costs. Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin ay nagdudulot ng karagdagang pasanin sa mga mamamayan, na nagiging sanhi ng pagdami ng mga kaso ng malnutrisyon at iba pang kaugnay na sakit.

Dagdag la rito, noong Pebrero 1, 2025, naglabas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng bagong Suggested Retail Price (SRP) bulletin na nagtatala ng pagtaas sa presyo ng iba’t ibang pangunahing bilihin. Halimbawa, ang presyo ng Pinoy Tasty ay tumaas mula P40.50 patungong P44, habang ang sampung piraso ng Pinoy Pandesal ay mula P25.00 naging P27.25. Ang mga delatang sardinas naman ay nagkaroon ng pagtaas na mula P0.02 hanggang P2.73 kada 155 gramo.

Sa kabila ng mga pagtaas na ito, nananatiling mababa ang inflation rate

ng bansa. Noong Disyembre 2024, naitala ang inflation rate sa 2.9%, na nanatiling stable hanggang Enero 2025. Bagama’t pasok ito sa target range ng pamahalaan na 2% hanggang 4%, ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, partikular na sa pagkain at non-alcoholic beverages, ay patuloy na nagbibigay ng hamon sa mga mamimili. Sa harap ng mga datos na ito, mahalagang pag-aralan muli ng mga ahensya ng gobyerno ang kanilang mga threshold at tiyaking naaayon ito sa tunay na kalagayan ng mga mamamayan. Ang pagkakaroon ng realistiko at makatarungang pagtataya sa pang-arawaraw na pangangailangan sa pagkain ay susi upang makapagpatupad ng mga polisiyang tunay na makakatulong sa pag-angat ng kalidad ng buhay ng bawat Pilipino. Sa mundong patuloy na umiinog, hindi rin tumitigil ang presyo sa pag-taas. Hindi na sapat ang mahigit limang daan sa isang araw para sa isang pamilya. Hindi mabubura ang katotohanan na ang marami ang naghihirap ; hindi lamang sa sa mga nakaraang taon ngunit sa kasalukuyan. Ang mga hakbang na kailangang isagawa ay dapat taimtim na pinag-uusapan at may malalim na pananaliksik. Ngunit isang tanong ang patuloy na mamumutawi — saan aabot ang P20 mo?

Isyu at Talakayan

DIBUHO NI CHLOIE SILVOSA
DIBUHO NI FEBBY NINGAL

Ang Pahayagang Iskolar

Ganti ng Kalikasan

alikasan ang siyang unang nagdudusa sa kapabayaang nagagawa ng mga tao sa kaniya,

sunod nito ay mga mamamayan, inosente at may kinalaman, na nabubuhay sa tulong niya. Ito ang nangyari sa nakaraang isyu ng pagtagas ng langis sa bayan ng New Washington sa Aklan, ngunit ang tanong, sino nga ba ang may sala?

Noong May 26, 2024, isang oil leakage mula sa lumang barge ng isang pagawaan ng barko ang nai-report sa mga awtoridad. Agad naman itong inaksyunan ng Philippine Coast Guard o PGC, mga emplayado ng shipyard, at mga volunteers sa pamamagitang ng isang clean-up operation ng nasa 150 litro ng langis. Sinasabing ang nasabing insidente ay dahil sa pagkasira ng barge dulot ng bagyong Aghon. Nang dahil sa pagkakontamina ng tubig sa nasabing lugar, naitala ang ilan sa mga patay na yamang dagat at mga ibong balot na balot sa langis, dahilan para mabahala ang mga mamamayan doon at pamunuan mismo ang pagkontrol sa naturang oil spill. Dalawang linggo matapos ang naganap, ang LGU ng nasabing lugar ay nagpanukala ng temporary fish ban, na siya namang nakaapekto sa buhay ng tinatayang 5,000 na mga mangingisda. Dahil dito, namahagi ang lokal na pamahalaan ng mga pagkaing pangangailangan ng mga mangingisdang hindi makapaghanapbuhay. Kung titingnan, walang sinuman ang may

gusto sa nangyaring oil spill at klarong hindi ito sinadya ng kung sino man. Ngunit kung may dapat mang sisihin sa naganap at sa puwerwisyong naidulot nito, hindi kaya’t dapat na ito’y ang mga tao rin mismo?

Dahil sa kapabayaan, maling pagtatapon ng basura man o maling paggamit sa kalikasan, nagiging sanhi ito ng mga kalamidad. Ang climate change, ang isa sa mga dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagyong hindi natin inaasahan. Isa ang bagyong Aghon sa ganti ng kalikasan, at sa hagupit niya naging sanhi ito ng isa pang kaganapang tayo din ang nahirapan. Sa mga pangyayaring ito, mga komunidad ang malubhang naaapektuhan, na siya namang nagdudulot pa ng maraming problemang pampamayanan. Kaya’t ito’y isang paalala, na bago mo pa man gawin ang pagsasawalang bahala sa kalikasan, isipin mo na ang mga maaaring ganti niya at ang mga taong maaapektuhan. Nang sa gayon, matuto naman tayong siya’y pahalagahan.

MAKATOTOHAN-ANN

Minamahal na Patnugot, Lubos na nababahala ang patuloy na pagtaas ng mga insidente ng kidnapping sa ating bansa, lalo na sa mga estudyante at kabataan. Ang ganitong mga pangyayari ay hindi lamang nagdudulot ng takot at pangamba sa ating mga pamilya, kundi nagpapakita rin ng seryosong kakulangan sa seguridad at epektibong pagpapatupad ng batas. Sa kabila ng mga ulat at babala mula sa mga awtoridad, tila patuloy pa ring lumalaganap ang ganitong krimen, na nag-iiwan ng tanong sa kakayahan ng ating mga institusyon na protektahan ang mamamayan.

Kung ang mga krimeng ito ay nananatiling hindi nabibigyang-pansin at sapat na aksyon, ano ang mensahe nito sa ating mga kabataan? Dapat ba nating tanggapin na ang ating sariling kaligtasan ay isang bagay na hindi tiyak at maaaring malagay sa panganib sa anumang sandali? Sa isang bansang may malinaw na mga batas at alituntunin, hindi dapat natin hayaan na ang takot ang siyang maging gabay ng ating pangaraw-araw na buhay.

MA-CAH-TARUNGAN

Hindi porke pwede, ay dapat

ay mga bagay na pwede ngunit hindi ibig-sabihin nito ay ito ang nararapat na gawin. Kagaya na lamang ng hinaharap na isyu ngayon ng Unibersidad ng Pilipinas (UP). Ang UP ay isang institusyon na kilala bilang tahanan ng de-kalidad at nangungunang edukasyon. Ngunit tila ang proseso at totoong layunin nila ay kasalukuyang kinekwestiyon. Patuloy pa nga ba nilang pinagsisilbihan ang masa o ang mga “burgis” na ang kanilang inuuna? Para man sa lahat ang UP pero sa inaalok nitong libreng edukasyon, hindi ba at ang mga mahihirap dapat ang maging unang opsyon?

Ayon sa Republic Act No. 9500 o ang University of the Philippines Charter of 2008, ang UP ay kinikilala bilang isang “National University” na may libreng tuition fee at nangangahulugang lahat ng kabilang sa nasyon ay maaaring makapasa at makapasok sa UP. Kaya naman malayang nakapag-aaral dito ang mga tinatawag na “burgis”, ang pinaikling termino ng “bourgeoisie” o ang mga taong kabilang sa mataas na uri ng estado (Upper class) at gitnang uri ng estado (Middle class). Sa simpleng salita, sila ang mga taong materyalistiko at mayayamang may mga prebilihiyong hindi taglay ng mga nasa laylayan.

Ngunit, sa ilalim din ng Democratic Access Aspects ng RA na ito ay ipinapaliwanag na kinakailangang mas pagtuunan ng pansin ang mga “disadvantaged” o ang mga mahihirap sa pagkamit ng mga inaalok na programa at mga serbisyo ng unibersidad na ito.

Ngunit sa kabilang banda, hindi ito kasalanan ng mga “burgis” dahil simula

pa lamang ay bulok at hindi na patas ang sistema ng edukasyon ang meron tayo sa Pilipinas. Pero ang mga mapagsamantala sa dati ng sirang sistema ang mas nagpapalala pa sa problema. Sapagkat bilang isang kapwa-tao na nakatira sa hindi patas na mundo, kung may pribilehiyo at pinansyal na kakayahan lang din naman, hindi ba’t mas makatutulong kung maibibigay ang nararapat sa mga nangangailangan? Oo nga’t hindi ang estado sa buhay ang basehan kundi ang pagkapasa sa entrance exam pero hindi na rin nakapagtataka na mas mataas pa rin ang porsyento ng mga pasadong burgis kesa sa mga mahihirap sapagkat sila ang mas may kakayahan at may “access” sa mas malawak na kagamitan kagaya ng mga “review centers”, “tutoring sessions”, mga libro, at iba pa na makatutulong sa UPCAT o ang entrance exam ng UP.

Sa kabuuan, kahit saang anggulo natin tingnan, lamang at lamang pa rin talaga ang mga burgis kesa sa mga nasa laylayan. Sa

ganoong katotohanan pa lamang makikita na natin kung sino dapat ang unahin, pagtuunan, at mas bigyan kahulugan, at yun ay ang mga mahihirap. Ngunit sa uulitin, karapatan ng lahat, maging ano mang estado ng buhay meron ka na makapasok sa isang unibersidad. Hindi inaalis sa mga burgis ang kanilang karapatang makapag-aral sa UP, huwag lang sanang abusuhin at pagsamantalahan sapagkat maraming mga nasa laylayan ang isinasantabi ang pangarap dahil lang sila’y naagawan at nawalan. Ang kinakailangan dito ay pagbabago. Pagbabago sa sistema ng edukasyon; gawing patas, pantay, at totoo para sa lahat, lalong-lalo na sa mga mahihirap. Maraming mga tao ang naghahangad ng libreng edukasyon, kung kaya lang din naman makapag-aral sa ibang institusyon, ang libreng pwesto sa UP ay ialay na sa mga nangangailangan. Maaaring ito lang ang kanilang nag-iisang paraan tungo sa magandang kinabukasan. Kapwa mga mag-aaral sana’y magtulungan, sistema ang

kalaban, hindi ang isa’t-isa. Tandaan sana na may mga bagay na hindi porke pwede, ay ito na ang nararapat. Pagkakaisa sana ay manaig tungo sa tagumpay at pag-angat ng sangkatauhan.

Pagsasakatuparan ng Panibagong Patakaran

WEMBLEY ROBELO

amakailan, inanunsyo ng Department of Education (DepEd) ang isang mahalagang pagbabago sa sistema ng edukasyon sa bansa. Nagulantang naman ang masa nang malaman na ito ay tungkol sa pagtanggal ng Grade 10 sa ilalim ng MATATAG Curriculum at ang pagpapakilala ng isang pasulit na magsisilbing batayan sa pagpasok sa kolehiyo. Ang mga pagbabagong ito ay naglalayong pahusayin ang kalidad ng edukasyon at tiyakin na ang mga mag-aaral ay handa sa mas mataas na antas ng pag-aaral.

Ayon sa DepEd Order No. 010, s. 2024, sisimulan ang phased implementation ng MATATAG Curriculum sa School Year (SY) 2024-2025, na magsisimula sa Kindergarten, Grades 1, 4, at 7. Ang mga susunod na baitang ay isasama sa mga sumusunod na taon, hanggang sa tuluyang maipatupad ang kurikulum sa lahat ng antas. Sa ilalim ng bagong kurikulum, ang Grade 10 ay aalisin, at ang mga mag-aaral ay sasailalim sa isang pasulit pagkatapos ng Grade 9 upang matukoy ang kanilang kahandaan para sa kolehiyo. Ang layunin ng pasulit na ito ay upang masiguro na ang mga mag-aaral na papasok sa kolehiyo ay may sapat na kaalaman at kasanayan. Gayunpaman, may mga pangamba na ang biglaang pagbabago

ay maaaring magdulot ng kalituhan sa mga mag-aaral, magulang, at mga guro. Mahalaga na magkaroon ng malinaw na mga alituntunin at sapat na panahon para sa transisyon upang maiwasan ang anumang negatibong epekto sa sistema ng edukasyon. Bukod dito, ang pagtanggal ng isang buong baitang ay nangangailangan ng masusing pagsusuri sa mga posibleng implikasyon nito, tulad ng kakulangan sa paghahanda ng mga mag-aaral para sa mas mataas na edukasyon at ang epekto nito sa kanilang emosyonal at sosyal na pag-unlad. Ang DepEd ay kinakailangang magbigay ng sapat na suporta at mga programa upang matugunan ang mga posibleng hamon na dulot ng pagbabagong ito. Gayunpaman, mahalagang tandaan na

noong 2024, nagsagawa ang DepEd ng pilot implementation ng MATATAG Curriculum sa 35 paaralan mula sa kabuuang 47,678 paaralan sa bansa, na kumakatawan sa napakaliit na porsyento ng mga paaralan. Ipinapakita nito ang dedikasyon ng DepEd sa pagpapabuti ng sistema ng edukasyon, ngunit nangangailangan pa rin ng mas malawakang pagsasanay at implementasyon upang matiyak ang tagumpay ng mga repormang ito sa buong bansa. Ayon sa ulat ng Philippine Business for Education (PBEd) noong 2023, 82.4% ng mga Pilipinong may edad 25 pataas ay nakatapos ng primaryang edukasyon, ngunit bumababa ito sa 30.5% pagdating sa sekondaryang edukasyon, at lalo pang bumabagsak sa 24.4% para sa mga nakapagtapos ng bachelor’s

degree o katumbas nito. Ang mga datos na ito ay nagpapakita ng malaking agwat sa pagitan ng mga nagsisimula at nakakatapos ng mas mataas na antas ng edukasyon. Sa kabuuan, habang ang layunin ng DepEd na pahusayin ang kalidad ng edukasyon ay kapuri-puri, mahalaga na ang implementasyon ng mga pagbabagong ito ay gawin nang maingat at may sapat na konsultasyon sa lahat ng sektor na apektado. Tanging sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap at maayos na pagpaplano matitiyak na ang mga repormang ito ay magdudulot ng positibong pagbabago sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Panibagong patakaran tungo ngabang Kaunlaran?

Bilang mga mag-aaral at mamamayan na may malasakit sa kinabukasan ng ating lipunan, nararapat lamang na patuloy nating hamunin ang mga institusyon na tiyakin ang kaligtasan ng bawat isa. Kaya’t hinihikayat ko ang publikasyon ng Ang Pahayagang Iskolar na mas malalim na talakayin ang isyung ito—ang mga sanhi, epekto, at posibleng solusyon sa lumalalang problema ng kidnapping sa ating bansa. Sa pamamagitan ng masusing diskusyon at pagpapalaganap ng impormasyon, matutulungan natin ang bawat isa na maging mas mapagmatyag at mas handa sa pagtugon sa ganitong mga panganib. Lubos na gumagalang, Xander Paa

Salamat sa iyong liham na naging paraan upang maipaalala sa ating mga mamamayan, lalo na sa mga nasa posisyon ng kapangyarihan, ang tunay na diwa ng demokrasya—isang sistemang nakabatay sa patas, malinis, at makatarungang halalan.

Dito sa Ang Pahayagang Iskolar, naniniwala kami na ang integridad ng eleksyon ay pundasyon ng isang matatag na bansa. Ang laganap na vote buying ay isang malinaw na banta sa prinsipyong ito, sapagkat hindi lamang nito sinisira ang tiwala ng publiko kundi hinahadlangan din nito ang pagkakataon ng bawat mamamayan na pumili ng lider na tunay na magsisilbi sa bayan.

Muli, salamat sa iyong pagpapahayag ng malasakit sa isyung ito. Sa pamamagitan ng ating samasamang pagkilos, makakamit natin ang isang gobyernong tunay na nagsisilbi sa mamamayan, hindi lamang sa panahon ng halalan kundi sa bawat araw ng kanilang panunungkulan.

RICHEL FABULAR
Liham mula sa Patnugot
A-LY-ADO
DIBUHO NI MARC ANDRADE
DIBUHO NI CHLOIE SILVOSA

BOSES NG MASA

Nang maluklok ang dating kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na si Sara Duterte, pinaigting nito ang hindi mandatoryong pagsusuot ng uniporme. Kung kaya’t nakipanayam kami sa ilang mga estudyante, guro, at staff. Ang tanong: Sang-ayon ka ba sa mandatoryong pagsusuot ng I.D. at uniporme?

Sa pamamagitan ng uniporme, mababawasan ang kompetisyon sa pananamit at naiiwasan ang diskriminsayon batay sa estado sa buhay. Dagdag pa rito, mas madali ring makilala ang mga estudyante

Bilang estudyante, sumasang-ayon ako sa mandatory na pagsusuot ng uniporme at ID. Nakatutulong ito sa disiplina, seguridad, at kaayusan sa paaralan. Madali ring makilala ang mga estudyante, kaya mas ligtas ang lahat. Bukod dito, nakakatipid ang mga pamilya dahil hindi na kailangang bumili ng maraming kasuotan.

Countess Kimpo Estudyante

Bilang mag-aaral, naniniwala akong mahalaga ang pagsusuot ng uniporme at ID sa paaralan. Maitataguyod nito ang pagkakapantay-pantay ng mga estudyante. Bukod dito, nagpapakita ito ng respeto sa paaralan at pagiging isang mabuting mag-aaral.

SARBEY

Sang-ayon ka ba sa mandatoryong I.D at uniporme?

Sa isang sarbey na isinagawa ng GMA Network, ipinakita nito na sa 284 na sumagot, 55.6% ang tumutol sa paggawa ng uniporme bilang opsyonal, habang 44.4% naman ang sumangayon sa pagbabago.

Mula sa GMA Network

WEMBLEY ROBELO

Sa Manlulupig, ‘Di Pasisiil

Kung ang West Philippine Sea ay isang likha ng sining, tila ito’y isang obra maestrang pinaghaharian ng mga higanteng nagmamalinis—nasa atin ang titulo, ngunit nasa kanila

ang pintura. Paano nga ba nagiging kanila ang atin? Sa bawat buhangin at bato na kanilang tinatapakan, sa bawat pader na kanilang itinatayo sa gitna ng ating karagatan, tila binubura ng China ang ating kasaysayan gamit ang mga kongkretong harangan. At tayong mga Pilipino? Mistulang mga pasahero sa bangkang inaanod, umaasa sa diplomasya habang inuubos ang ating yaman, kabuhayan, at dangal.

Ang West Philippine Sea ay isa sa pinakamainit na isyu sa larangan ng geopolitics ngayon, at isang mahalagang teritoryo para sa Pilipinas. Ito ay hindi lamang usapin ng kasarinlan kundi ng ekonomiya, seguridad, at pagkakakilanlan bilang bansa. Subalit, sa kabila ng maliwanag na karapatan ng Pilipinas sa mga bahaging ito ng dagat, patuloy ang mga hamon mula sa ibang bansa, lalo na ang agresibong hakbang ng China sa pag-angkin ng teritoryo.

Ayon sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), malinaw na sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas ang West Philippine Sea. Ang EEZ ay nagbibigay sa atin ng karapatan sa lahat ng yaman sa loob ng 200 nautical miles mula sa ating baybayin, kabilang ang mga likas na yamang dagat tulad ng langis, natural gas, at isda. Subalit, sa kabila ng mga legal na batayan at pagkilala sa ating karapatan, patuloy na tinatapakan ito ng China.

Ang 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration sa Hague ay nagbigay ng malinaw na desisyon: walang batayan ang historical claim ng China sa halos kabuuan ng South China Sea, kabilang ang West Philippine Sea. Itinatakwil nito ang kanilang “nine-dash line” na ginagamit upang bigyang-katwiran ang kanilang ilegal na panghihimasok. Ang korte mismo ang nagpatibay na walang bisa ang mga ginagawang reclamation at militarisasyon ng China sa ating teritoryo. Ngunit, kahit malinaw ang batas, tila naging tahimik ang ating mga aksyon sa pagtaguyod nito. Hindi ba’t nakakatawang isipin na sa kabila ng internasyonal na pagkilala sa ating karapatan, tila nagiging pasibo ang ating pamahalaan

KALIWA DAM:

Panganib sa Likod ng Proseso

Asa pagtutol? Ano nga ba ang ginagawa ng gobyerno? Bakit tila wala tayong nararamdamang pagbabago? Hindi lamang sa papel nagaganap ang labanan—sa mismong karagatan ng West Philippine Sea, araw-araw ay nararanasan ng ating mga mangingisda ang pang-aabuso ng mga Chinese vessels. Mula sa pagtaboy at pangha-harass ng mga Chinese Coast Guard hanggang sa ilegal na pangingisda ng mga Chinese boats, malinaw na may layunin silang kontrolin hindi lamang ang teritoryo kundi pati ang yaman nito. Ilang ulit na ring naiulat ang paninira ng mga coral reefs sa Spratly Islands dahil sa kanilang mga ilegal na operasyon, na nagiging sanhi ng pagkaubos ng mga yamang-dagat na dapat sana’y ating pinakikinabangan. Ang laban para sa West Philippine Sea ay hindi lamang laban ng gobyerno kundi ng buong bansa. Bilang mga Pilipino, karapatan natin ang malaman ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan upang protektahan ang ating teritoryo.

Hindi sapat ang pag-upo’t maghintay ng solusyon mula sa internasyonal na komunidad. Hindi rin solusyon ang pagiging tahimik at nagpapakumbaba sa harap ng malinaw na pang-aabuso. Dapat tayong maging matatag at aktibo, hindi lamang sa larangan ng diplomasya, kundi pati sa pagpapalakas ng ating

sandatahang lakas, pagprotekta sa ating mga mangingisda, at paggamit ng ating mga yamangdagat para sa sariling kaunlaran. Malaki ang nakataya sa laban para sa West Philippine Sea—pero mas malaki ang ating pag-asa. Hindi tayo susuko, hindi ngayon, hindi bukas, at hindi kailanman. Ito ang ating karapatan, ang ating soberanya, at ang ating kinabukasan bilang isang bansa. Hindi ito ang panahon upang yumuko at hayaang manalo ang nananakot. Ito ang oras upang tumindig at igiit ang sa atin—ang ating karagatan, ang ating mga likas na yaman, at ang ating dignidad. Sa anumang banta, sa anumang pananakop, sa manlulupig, ‘di tayo pasisiil. Atin ang West Philippine Sea.

Ayon sa Greenpeace Philippines.

Bilang Pilipino, may mahalagang papel ka sa pagprotekta ng Sierra Madre. Maaari kang makipag-ambag sa pagpapalaganap ng kaalaman, makipagtulungan sa mga grupo sa kalikasan, makipagkonekta sa mga mambabatas, at makilahok sa mga pagkilos. Ang iyong suporta ay mahalaga para sa kinabukasan ng Sierra Madre at ng ating bansa. RECHEL IGAT

ng proyektong Kaliwa Dam sa Quezon Province, nagkakahalaga ng P12.2 bilyon, nagdudulot ng malawakang pag-aalala. Nagbabanta ito sa pagkasira ng 8,000 ektarya ng gubat, pagdumi ng ilog, pagkasira ng komunidad, pagkawala ng biodiversity, at pagkasira ng watershed.

“Ang proyektong Kaliwa Dam ay magbibigay ng tubig at kuryente sa mga komunidad,” ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR). “Kailangan natin ng tubig at kuryente para sa pag-unlad ng bansa,” dagdag ni President Rodrigo Duterte.

“ Ang Kaliwa Dam ay nagdudulot ng malaking panganib sa kalikasan

Ang mga katutubong Dumagat at Remontado ay maaaring mawalan ng kanilang mga lupaing ninuno, tradisyonal na pamumuhay, kultura at pagkakakilanlan.

Ang proyekto ay lumalabag sa karapatang magdesisyon sa sariling buhay ng mga katutubo, ayon sa Indigenous Peoples’ Rights International. Maaaring magdulot ng pagkawala ng mga hanapbuhay, likas na yaman at katutubong kultura.

Ang Kaliwa Dam, para sa akin ay isang malaking abala sa ating lipunan dahil sa mga posibleng epekto nito sa kapaligiran, kultura at ekonomiya.

ALICE, GUO back to China

a libo-libong mga artista sa Pilipinas, hindi na bago ang paghingi ng litrato sa angking kagandahan nila o ang kahusayan sa pag-arte, marahil hinuhubog sila ng mundo na puno ng hanga, ngunit ang depinisyon ng isang “artista” ay unti-unting nagbago dahil sa kontrobersyal na pag-ngiti ng mga opisyal at pulisya kasama si Alice Guo na tila hindi ito pinagpapawisan at nakapag-ayos pa. May isa pang kumalat na litrato kung saan komportableng nakaupo si Alice na tila walang nakapatong ng mga kaso sa kanyang mga balikat.

Si Guo Hua Ping AKA Alice Guo ay kinakaharap sa marami na mga kaso na kinabibilangan ng money laundering, human trafficking, at tax evasion. May koneksyon din siya sa ilegal na POGO Operation sa Bamban gamit ang mga dokumento na konektado lahat sa kanyang pangalan.

Agad na humingi ng paumanhin ang PNP at NBI sa nangyari samantalang ang Immigration ay hindi. Ngunit hindi nila itinanggi ang litrato. Depensa naman nila na ang pagkuha ng litrato ay isang proof na siya ay sa kustodiya nila ngunit hindi nila alam na ganun ang ekspresyon ng dating Mayor. Si Guo ay nakasuot din ng sibilyang damit at hindi ang orange na detainee shirt dahil nang makipagkita sila kay Guo sa tanggapan ng pulisya ay wala pang kasong kriminal si Guo sa Pilipinas.

Kung tama man ang mga batikos at paratang ng mga mamamayan sa di umano’y special treatment ay pinapatunayan lamang nila na ang Pilipinas ay habambuhay

na maging alipin ng Tsina. Maaari nilang sabihin na ito ay isang normal na aktibidad dahil bahagi na ito ng kultura at kilala na ang Pilipinas bilang “ selfie capital of the world” ngunit ito lang ba talaga? Hindi ito magiging karapat-dapat dahil tila nabigyan ng malayang kakayahan ang mga tsino na manghimasok sa ating bansa. Pinapatunayan lamang nito kung gaano ka rupok ang batas na nagbigay puwang para sa isang alien na maging mayor ng isang bayan. Pangalawa, ang mga kilos na ipinakita ng mga opisyal ay hindi tugma sa krimen na isinagawa ni Alice Guo, kung tutuusin sapat na ang ibang napatunayang kaso para sila ay mandiri ngunit parang isang matalik na kaibigan nila ito kung tratuhin. Ayon sa pananaliksik, ang Pilipinas ang madalas na destinasyon ng mga sindikato na tinutugis partikular na ang Tsina at Cambodia. Sa mundong puno ng iba’t ibang artista na kilala sa kanilang angking kagandahan at talento sa pag-aarte nawa’y

huwag natin ito ihalintulad sa isang indibidwal na mayroong mga kaso, may hangganan sa bawat mabuting kilos. Huwag natin kalimutan na tumakas siya ng bansa. Hindi magandang tingnan na magpa-selfie sa isang tinutugis ng bansa. Kailangan na ibalik kung saan nanggaling at nararapat. Sa pamamagitan ng pagpaparusa sa mga korap at taksil na katulad ni Alice Guo ay mabubuo ang totoong layunin ng gobyerno— ang magbigay katarungan para sa mamamayan.

MAC-ABAYAN
Merly I. Bustamante Guro
Celmer Imperial Estudyante
DIBUHO NI XANDER PAA
DIBUHO NI CHLOIE SILVOSA
DIBUHO NI CHLOIE SILVOSA
Pahayagang Iskolar

Temperaturang umaabot ng 40°C, pagtaas ng lebel ng tubig sa karagatan, at ang sunod-sunod na paghagupit ng anim na bagyo sa loob lamang ng amin na buwan.

Malaking pruweba ang mga datos na ito sa lumalalang sitwasyon ng klima ng mundo.

Sa patuloy na pagkalusaw ng mga yelo, at sa pagnipis ng ating pananggalang sa radyasyon, isang grupo ng mga mag-aaral ang nakapagtanto ng solusyon. SuCOAST.

Saan Aabot ang Proyekto Mo?

Ang limang mga mag-aaral mula sa Regional Science High School for Region VI na sina Maris Jamora, Monica Sofia Bautista, Zurielle Radones, Countess Kiara Kimpo at Mara Remaneses, ay bumuo ng isang capstone project na naglalayong magbigay solusyon sa walang hanggang krisis ng pagtaas ng carbon emission, na pangunahing dahilan sa pagtaas ng temperatura sa mundo.

Ayon kay Jamora, ang lider ng grupo, naisipan nilang gawin ang naturang proyekto matapos nilang marinig ang pagpupulong na isinagawa ng Department of Environmental and Natural Resources–Aklan (DENRAklan) at mga opisyal ng bayan ng Kalibo, na naghihikayat sa mga estudyanteng pag-aralan ang konsepto ng Blue Carbon, na makikita sa mga bakawan upang solusyunan ang krisis sa klima.

“Matapos ng ilan pang pag-uusap, napagtanto naming aabutin pa ng ilang taon kung magtatanim pa ng karagdagang mga bakawan. Kaya naman, naisipan namin na what if gumawa tayo ng device na kaya rin maghiwalay ng Karbon sa hangin upang maagapan ang epekto nito sa klima, nang hindi sumasagabal sa pagpaparami ng mga bakawan.” Dagdag pa ni Jamora.

Dito nabuo ang konsepto ng “SuCOAST: Technological Sequestration Approach for Carbon Emission Filtration towards Blue Carbon Solutions;” isang aparatong layon na gayahin ang estratihiya ng pangunguha at pag-iimbak ng Blue Carbon ng mga marine habitat. Ito ay isang estratehiyang ipinapanukala upang mabawasan ang mga ibinubugang Carbon dioxide sa hangin. Dito isinilang ang pag-aaral na nakapagdala sakanila sa entablado upang tanggapin ang pilak na medalya sa naganap na 2024 Regional Science and Technology Fair sa Guimbal National High School, sa lalawigan ng Iloilo, nitong Nobyembre 24, 2024; at matagumpay na naiuwi ang Pilak na medalya para sa dibisyon ng Aklan.

Blue carbon? Ano ‘yon?

Ang Blue Carbon ay tumutukoy sa Karbon na nagmumula sa atmospera na kinukuha at iniimbak ng mga ekosistemang pandagat,

partikular na ang mga lugar tulad ng mga dagat-dagatan at bakawan. Sa pamamagitan ng prosesong ito, nababawasan ang dami ng carbon dioxide na pumapasok sa ating atmospera, na siyang pangunahing sanhi ng greenhouse effect at nagpapalala sa global warming.

Maaaring ituring ang Blue Carbon ecosystem na katulad ng Green Carbon ecosystem, kung saan ang mga kagubatan ay sumisipsip din ng carbon dioxide mula sa hangin. Gayunpaman, ang Blue Carbon ay mayroong natatanging kalamangan kumpara sa Green Carbon. Ang mga ekosistema ng Blue Carbon ay may kakayahang kumuha ng carbon dioxide sa mas mabilis na antas, tinatayang 40 hanggang 50 beses na mas mabilis kaysa sa mga Green Carbon ecosystem. Dahil dito, mas epektibo ang Blue Carbon sa pagbabawas ng carbon dioxide sa atmospera at paglaban sa pagbabago ng klima.

Ano ang Hiwaga sa Loob ng SuCOAST?

Batay kay Jamora, ito’y isang makabagong sistema na naglalayong mag-imbak ng carbon dioxide mula sa hangin gamit ang teknolohikal na sequestration o pagsasala. Ang pangunahing layunin nito ay salain ang carbon dioxide at gawing likido sa isang mas simpleng paraan kumpara sa mga mas malalaking teknolohiya na gumagamit ng compressors. Ang sistema ay pinapatakbo ng baterya at nagsisimula sa pagkuha ng hangin mula sa kapaligiran gamit ang blower fan, na ipinapadala ito sa peristaltic pump. Sa prosesong ito, ang hangin ay dumadaan sa absorber flask na naglalaman ng monoethanolamine (MEA) upang paghiwalayin ang carbon dioxide mula sa iba pang elemento. Ang na-filter na carbon dioxide ay ipinapadala sa membrane, kung saan ito ay nagiging likido sa mababang temperatura. Sa proseso, nagkakaroon ng electrolysis na nagreresulta sa dalawang output: ang mainit na amine solution na ibinabalik sa absorber tank para magamit muli, at purong carbon dioxide bilang gas vapor. Ang mga kontaminante ay nahihiwalay sa separator tank bago ipadala ang gas sa storage tank, na may cooling system upang matiyak ang tamang temperatura ng carbon dioxide. Sa kasalukuyan, ang layunin ng likidong carbon ay i-inject ito sa ilalim ng lupa, ngunit hindi pa ito maipatupad dahil sa mga legal na dahilan. Gayunpaman, umaasa si Jamora na maraming organisasyon ang magiging interesado sa pamumuhunan para maisakatuparan ito.

Mga Yapak para sa Kinabukasan

Ang pagkuha at pag-iimbak ng likidong carbon dioxide sa ilalim ng lupa ay isang mahalagang hakbang upang maiwasan ang pagpasok nito sa atmospera at pagdudulot

ng karagdagang pinsala sa klima. Sa pamamagitan ng pagpigil sa paglabas ng carbon dioxide, nagkakaroon tayo ng pagkakataong mapabagal ang global warming at protektahan ang ating planeta. Ang estratehiyang ito ay nagbibigay daan sa atin upang aktibong harapin ang problema ng pagbabago ng klima at lumikha ng isang mas ligtas at malusog na kapaligiran para sa ating kinabukasan.

Hindi lamang natin binabawasan ang dami ng carbon dioxide sa atmospera, ngunit mayroon din tayong pagkakataong gamitin ito sa iba’t ibang paraan. Ang nakolektang likidong carbon dioxide ay maaaring gamitin sa industriya ng pagkain, paggamot ng tubig, pagsusuri sa aviation, at maging sa pagsugpo sa apoy. Higit pa rito, ang paggamit nito upang lumikha ng blue carbon ay nagpapalakas sa kakayahan ng isang lugar na angkop sa pagbabago ng klima, na nagbibigay sa atin ng dagdag na proteksyon laban sa mga epekto ng climate change.

“Tinalakay na rin ng grupo namin ang pagsumite ng isang proposal sa DENR para sa karagdagang pag-unlad at implementasyon ng SuCOAST bilang isang praktikal na solusyon sa problema ng carbon emissions.”

Sambit pa ni Jamora. Layunin ng grupo na makipagtulungan sa mas malalaking negosyo at organisasyon upang mas mapalawak ang paggamit ng teknolohiyang ito. Sa pamamagitan ng pagkikipag-ugnayan sa DENR, umaasa silang makakuha ng suporta at pondo para sa kanilang proyekto, na maaaring makatulong sa mas malawak na pagsugpo sa mga isyu ng global warming.

Sa bawat hampas ng alon at pag-agos ng tubig, tila may hatid na mensahe ang kalikasan. Ang SuCOAST ay hindi lamang isang inobasyon; ito ay isang hakbang upang mapanatili ang kinabukasan, at ang pakikipagtulungan sa mga lokal na negosyo at institusyon ay maaaring magbigay-daan sa mas epektibong implementasyon at paggamit nito. Patunay rin ang grupo nina Jamora na kinakailangang bigyang pansin ng mga institusyon ang pananaliksik ng mga kabataan. Sapagkat hindi natin alam, at baka ito na ang magdadala ng bughaw na kasagutan sa mga suliraning pangkalikasan.

LOVELY REBAÑO

Noong ika-12 ng Agosto 2024, matapos ang ikawalong pagpupulong ng Philippine Space Council (PSC), inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ng Multispectral Unit for Land Assessment o MULA—ang pinakamalaking satellite na likha ng purong Pilipinong grupo ng mga inhenyero. Ang MULA ay misyong pangkalawakan na layong obserbahan ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagkuha ng mga litrato nito mula sa orbita ng mundo.

Ating harayain ang isang matang lilipad sa sangkaarawan, at susubaybayan ang ating kapuluan. Masisiguro kaya nito ang seguridad ng ating bayan?

Ang Mata

Ang misyong MULA ay magpapadala ng satellite sa kalawakan na mayroong TrueColour multispectral optical imager. Ang kamerang ito ay may kakayahang kunan nang may mataas na kalidad ang hanggang 73,000 kilometro kwadradong sukat ng lupa o ang buong ka-islahanan ng Visayas sa loob ng 24 oras, at may 5 metrong Ground Sampling Distance (GSD) kung saan ang bawat pixel ng litrato ay may kaakibat na 5 metro rin na distansya sa lupa. Mayroon itong 9 bands spectral range na kayang tumukoy ng radiation na 433 nm hanggang 907 nm ang wavelength. Ibig sabihin ay ginagamit nito ang siyam na wavelength bands (Coastal aerosol, Visible blue, Visible green, Visible red, Nearinfrared, infrared 1 at 2, Panchromatic, at Cirrus) sa visible light upang makabuo ng litrato, hindi tulad ng normal na kamera na gumagamit lamang ng tatlo (Red, Green, at Blue).

Ang katawan

May dimensyon itong 0.65 x 0.65 x 0.72 metro at bigat na 130 kilo, o halos kasing bigat laman ng isang ostrich. Inaasahang magtatagal ang katawan ng satellite ng 5-7 taon at may Orbit Average Power (OAP), sa madaling salita, gagamit ito ng power sa kada orbit na aabot sa 35 W at 85 W peak.

Ang Utak

Kaya nitong mag-imbak ng datos na aabot hanggang 2 Terabyte. Mayroon rin itong S-band downlink data rate (bilis ng pagpasa ng signal mula sa satellite) na 2.2 Megabit/ segundo, at S-band uplink data rate (bilis ng pagpasa ng signal papuntang satellite) na 600 kilobyte/segundo.

Ang satellite ay kinabitan djn ng Automatic Identification System (AIS) at Automatic Dependent Surveillance–Broadcast (ADS-B). Ang mga sistemang ito ang nakatoka para sa komunikasyon ng MULA. Ibinobrodkast nito ang mga impormasyon tulad ng identipikasyon, posisyon, direksyon, at bilis ng satellite upang maiwasan ang banggaan sa iba pang satellite. Ang MULA ay mayroon ding S-band radar na kayang maglabas ng maasahang klaro na litrato sa kabila ng matinding kondisyon sa atmospera; at X-band radar na may mas sensitibong radar dahilan upang makabuo ito ng mga larawang may mas mataas na kalidad.

Ang Tagapagbantay

Sa tulong ng mga teknolohiyang ito, may kakayahan ang satellite na siyasatin ang kalidad ng hangin at tubig; matukoy ang kasaganaan ng isda sa isang partikular na lugar; sipatin nang mabuti ang trapiko sa mga siyudad; at bantayan ang mga barkong pumapasok sa katubigan ng bansa.Malaki ang magiging ambag nito hindi lamang sa seguridad, kundi pati na rin sa agrikultura, siyensya, usapin sa teritoryong pandagat, at paghahanda sa mga kalamidad.

Ang Philippine Space Agency (PhilSA) ang pangunahing tagapagsulong ng MULA pati na rin ang kasosyong Surrey Satellite Technology Ltd. (SSTL)—isang British na kumpanya, at iba pang mga organisasyon. Nakatakdang ilulunsad MULA satellite sa Estados Unidos sa Oktubre 2025 hanggang Marso

a tuwing may naninigarilyo sa iyong tapat, napapalukot agad ang iyong mukha. Kapag ang alaga niyo namang baboy ay namamaho, mga kapit-bahay ay agad nagrereklamo. Subalit nang ang amoy ng nabubulok na karne ang nangingibabaw sa kahanginan ng Ma. Christina sa Madalag, Aklan noong ika-16 ng Abril, idinayaw ito bilang isang magandang balita ng nakararami. Dahil ang pinagmumulan pala ng alingasaw ay isang bulaklak na may puting batik-batik sa reddish-brown na mga talulot nito na kung tawagin ng mga tagapook ay ‘Uroy’ o Rafflesia lobata.

Ang R. lobata ay uri ng Rafflesia na siyang kinabibilangan din ng pinakamalaking bulaklak sa mundo—ang Rafflesia arnoldi. Ang mga bulaklak na ito ay maaaring umabot sa isang metro ang diyametro at tumimbang ng hanggang 11 kilo.

Isa itong parasitikong halaman na lubos na umaasa sa kanyang host plant para sa kanyang ikabubuhay. Dahil dito, wala itong mga ugat, tangkay, o dahon. Sa halip, ito ay sumusulpot na lamang sa balat ng mga kahoy o baging ng

Ang R. lobata ay wala ring chlorophyll, ang sangkap na nagbibigay sa mga halaman ng kakayahang gumawa ng sarili nilang pagkain sa pamamagitan ng photosynthesis. Dahil dito, kailangan nitong umasa sa kanyang host plant para sa lahat ng kanyang sustansya. Ginagawa niya ito sa pamamagitan ng paglalabas ng mga hibla ng tisyu na parang mga ugat na tumutusok sa selula ng host plant. Sa pamamagitan ng mga hiblang ito, sinisipsip ng R. lobata ang mga nutrients at tubig na kailangan niya para mabuhay at lumaki.

Bukod sa kanyang laki at kakaibang katangian bilang isang parasitikong halaman, kilala rin ito sa kanyang nakakadiring amoy na siyang nagbigay sa kanya ng bansag na “corpse flower.” Ang bahong ito ay nagmumula sa mga kemikal na inilalabas ng mga talulot ng Rafflesia na katulad ng amoy ng nabubulok na karne. Ang mga langaw, beetle, at iba pang mga insekto ay naaakit sa baho at akala nila ay makakahanap sila ng pagkain o lugar na kanilang pupuntahan. Sa kanilang

GLYNNE TORRENUEVA

Sa ilalim ng araw at sa lilim ng gabi, nagkukubli ang tinatagong pangamba na hindi nakikita at walang babala. Dala nito ang panganib sa bawat kilos, na para bang handa nang dumapo at manaig. Handa ka na ba sa bagsik ng kanilang pagdami?

Ang dengue fever, na sanhi ng virus na dala ng Aedes aegypti, ay nananatiling isang pandaigdigang banta. Mula pa noong 2024, nakakabahala ang mabilis na paglaganap ng dengue fever, na dulot ng Aedes aegypti. Umabot na sa 12 milyong kaso ang naitala sa buong mundo, doble sa bilang noong 2023, kung saan karamihan ay mula sa Amerika at TimogSilangang Asya, kabilang ang Pilipinas. Sa unang bahagi ng 2025, mahigit 100,000 kaso na ang naitatala sa iba’t ibang rehiyon.

Ang pagtaas ng kaso ng dengue ay naiuugnay sa iba’t ibang salik, kabilang ang pagbabago ng klima, urbanisasyon, at hindi maayos na pamamahala ng basura. Ang mga salik na ito ay lumilikha ng kapaligirang mainam para sa pagdami ng lamok. Dagdag pa rito, ang limitadong datos dahil sa hindi sapat na sistema

paglapit sa bulaklak, sila ay dumadapo sa mga petalo at sa tila mangkok na gitna nito. Dito, maaaring sila ay mahuli at maging pagkain ng halaman, o kaya naman ay makatulong sa pagdala ng pollen mula sa isang bulaklak patungo sa iba, na siyang nagpapahintulot sa halaman na makapag-produce ng mga buto.

Katangi-tangi ang barayti na R. lobata na natagpuan sa Ma. Christina sapagkat Karamihan sa mga Rafflesia ay may “lobed diaphragm” na nakabukas paloob, ngunit ang R. lobata ay mayroong nakabukas palabas. Ito ay isang kakaibang katangian na hindi pa lubos na nauunawaan ng mga siyentipiko kung bakit ito nangyayari. Maaaring ito ay isang adaptasyon sa kanyang partikular na kapaligiran o sa mga tiyak na pollinators na kanyang inaakit. Ang mga Rafflesia ay inaabot ng halos siyam na buwan upang lumaki mula sa pagiging isang usbong, na kung tawagin ay ‘knops’, hanggang sa maabot ang pinakamalaking dyametro ng kanyang bulaklak. Ang pamumulaklak nito ay inaabot lamang ng ilang araw. Pahirapan rin ang pagpaparami ng Rafflesia sapagkat ang pollinators nito ay dapat maiwasang makain ng naturang bulaklak bago mailipat ang polen ng lalaking Rafflesia sa babaeng Rafflesia. Kung magkaroon man ng polinasyon, namumunga ito ng isang makinis na bunga na isang berry na paborito naman ng mga hayop tulad ng ardilya at mga ibon na siyang magiging daan upang maikalat ang mga buto nito at tumubo sa ibang lugar. Endemic ang Rafflesia sa mga bansang Indonesia, Malaysia, Thailand at Pilipinas. Subalit ang R. lobata ay tanging makikita sa isla ng Panay, sa partikular, sa kabundukan ng Antique at Iloilo. Ito rin ang ikalawa sa pinaka-unang specie ng Rafflesia na natagpuan sa Panay. Kaya naman, gayon na lamang ang galak ng mga taga Provincial Environment and Natural Resources Office ng Aklan (PENROAklan) at grupo ng

Foresters ng Manglares Coastal Resources Management Foundation nang matagpuan nila ang grupo ng mga bulaklak na ito sa tabi ng Ilog Akean sa Aklan River Watershed Forest Reserve (ARWFR) habang papunta sa isang National Greening Program (NGP) site. Sa ngayon, nanganganib na maubos ang populasyon ng mga Rafflesia dahil na rin sa pagkalagas ng natural nitong tirahan. Hindi rin ito makapagparami sa sa puder ng mga tao. Biktima rin ito ng poaching— kung saan ang mga usbong nito ay kinukuha at ibinebenta dahil sa medikal na potensyal nito. Itinuturing itong vulnerable species at nakasailalim sa DENR DOA 2017-11 na isang listahan ng mga nanganganib na mga halaman sa bansa at nilalayong maprotektahan ang mga ito. Ang R. lobata ay isang mahalagang bahagi ng ating biodiversity. Ang pagtubo nito sc isang lugar ay patunay na ang Pilipinas ay mayaman sa mga natatanging halaman at hayop na dapat nating ipagmalaki at pangalagaan.

Isang angot na hindi mo mairereklamo sapagkat isang karangalan at responsibilidad ang mapangalagaan ito. Bahong nakakapagpabango ng reputasyon ng probinsya ng Aklan sapagkat nakapagbigay ito ng angkop na tirahan para sa isang pambihirang bulaklak tulad ng Rafflesia lobata.

RICHANDREY MACAHILIG a mga nakalipas na panahon, naging matunog sa mga balita at pahayagan ang pag-usbong ng panibagong sakit dito sa Pilipinas. Kinatakutan, pinangambahan, at ikina-nerbyos ito ng karamihan sa ating mga kababayan. Matapos harapin ng mundo ang isang nakamamatay at mapaminsalang sakit na Coronavirus o COVID-19, ay may panibago na namang pagsubok ang patuloy na hinaharap ng ating bansa, ito ay ang monkeypox. Isa itong sakit sa balat na lubhang nakakahawa at maaaring magdulot ng malalang epekto sa ating katawan.

SAng Mpox o mas kilala sa tawag na Monkeypox ay isang uri ng sakit sa balat na napaka kati at nakakahawa. Ang sakit na ito ay galing sa monkeypox virus na nagmula sa bansang Denmark noong 1958 sa pamamagitan ng mga unggoy na hawak nila para sa pananaliksik at pag-aaral.

Ito ay maaaring makuha sa pamamagitan ng pagtatalik, direktang pagdikit ng mga balat, o kahit sa mga hayop na dala-dala ang virus nito.

Sintomas

1. Pangangati

2. Lagnat

3. Pananakit ng ulo at katawan

4. Pagkapagod

5. Panghihina

Mga dapat gawin

Upang ito ay maiwasan at mapigilan ang pagkalat, ilan sa mga maaaring gawin ng isang indibidwal ay:

1. Una, ang pagkakaroon ng good hygiene. Ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon lalo na kapag ikaw ay nakihalubilo sa mga tao o hayop na may sakit.

2. Pangalawa, umiwas o lumayo sa mga taong nagpapakita ng sintomas ng mpox. Ayon sa DOH, iwasan ang paghalik, pagyakap, o kahit anong skin-to-skin interaction sa mga taong positibo sa monkeypox.

3. At pangatlo, mag disinfect at kumain ng masusutansiyang pagkain upang malabanan ng ating katawan ang anumang virus sa kapaligiran. Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan, ang Pilipinas ay nakapagtala ng siyam na kaso ng monkeypox mula Hulyo ng 2022 hanggang Disyembre ng 2023. Habang sa Democratic Republic of Congo naman, kung saan may pinakamataas na kaso ng monkeypox, ay nakapagtala ng mahigit 14,000 na kaso at 511 ang kumpirmadong patay sa nakalipas na taon. Kaya naman sa panahon ngayon, hindi na biro ang pagkakaroon ng simpleng lagnat. Maaari na itong sinyales ng mas malalang sakit tulad ng dengue, COVID-19, o kaya naman monkeypox. Ingatan ang sarili, maging alerto, at panatilihin ang kalinisan ng ating kapaligiran, sapagkat ilan lamang ito sa mga maaari nating gawin upang sugpuin ang panganib na dala ng sakit na ito sa katawan ng bawat pilipinong mamamayan.

ng pagtuklas at pag-uulat ay nagpapahirap sa mga komunidad na protektahan ang kanilang sarili. Bilang tugon, pinalalakas ng World Health Organization (WHO) ang pagsubaybay at pagbabakuna, at nagbibigay ng suporta sa mga bansa para sa maagang pagtukoy at pamamahala ng sakit. Sa kasalukuyan, 2025, inaasahang magpapatuloy ang pagtaas ng kaso ng dengue dahil sa patuloy na pagbabago ng klima at urbanisasyon. Ang mas mainit na temperatura at mas madalas na pag-ulan ay nagpapataas ng panganib ng pagkalat ng sakit. Patuloy ang mga pagsisikap upang makabuo ng mas epektibong bakuna at mga bagong paraan ng pagkontrol. Mahalaga ang mga inobasyong ito upang mapabuti ang estratehiya laban sa dengue at mabawasan ang epekto nito sa kalusugan ng publiko. Nagsisilbing paalala ang pagsikat at paglubog ng araw na ang dengue ay hindi lamang isyu sa kalusugan kundi sumisimbolo rin ng ating kapaligiran. Sa pagiging mapanuri, malalabanan natin ang dengue para sa mas maliwanag na kinabukasan. Handa ka na ba sa muli nilang paglipad?

Knock-knock! Tao po! Dadalawin ko sana si Nena… Ang regla, na kilala rin bilang menstruasyon, sapanahon, buwanang dalaw, o period, ay isang normal at regular na bahagi ng buhay ng isang babae. Ito ay ang buwanang paglalabas ng dugo at lining ng matris sa pamamagitan ng vagina, na sanhi ng pagbabago-bago ng hormones sa katawan ng isang babae. Sa bawat siklo, ang katawan ng isang babae ay naghahanda para sa posibleng pagbubuntis. Ang mga hormone tulad ng estrogen at progesterone ay nagpapalapot sa lining ng matris upang maging handa sa pagtanggap ng fertilized egg. Kung walang pagbubuntis na mangyayari, ang lining na ito ay malalagas at lalabas bilang regla. Mahalagang tandaan na ang haba ng siklo ay binibilang mula sa unang araw ng isang regla hanggang sa unang araw ng susunod na regla, na karaniwang nasa pagitan ng 21 hanggang 35 araw. Hindi lahat ng babae ay may pare-parehong haba ng siklo, at ang regla ay karaniwang tumatagal ng 2-7 araw. Sa bawat siklo, isang itlog ang

inilalabas, karaniwan sa ika-14 na araw ng 28-araw na siklo. Maaaring makaranas ng iba’t ibang sintomas tulad ng kramps, bloating, at sakit ng ulo. Ang pagsubaybay sa iyong regla ay mahalaga upang maunawaan ang iyong normal at matukoy ang anumang problema.

Ang pag-ikot ng siklo ay hudyat, ang pagpatak ng buwan ay tanda. Sa panahong ito, dadalaw muli ang mabaya para kay Nena.

Dibuho ni Xander Paa
GLYNNE TORRENUEVA
Dibuho ni Marc Andrade

Paraiso? Halos perpekto.

Ang “lumot season” sa Boracay ay isang regular na pangyayari taun-taon, kadalasang nagaganap mula Pebrero hanggang Mayo, kung kailan ang berdeng algae, o lumot, ay lumilitaw sa mga baybayin. Ito ay dahil sa pagtaas ng temperatura ng dagat kasama ng mga sustansya tulad ng nitrogen at phosphorus, na kadalasang nagmumula sa hindi sapat na pagproseso ng dumi sa alkantarilya at iba pang mga aktibidad ng tao. Ang mga sustansyang ito ay nagiging pagkain ng algae at nagpapabilis sa kanilang pagtubo sa baybayin. Ang sobrang pagtubo ng algae ay maaaring magresulta sa pagkaubos ng oxygen sa tubig, na maaaring makasama sa buhay-dagat, at maaari ring makagawa ng mga lason na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan.

Ang “lumot” ay karaniwang tumutukoy sa algae o mga halamang-dagat. Ito ay isang malawak na grupo ng mga organismo na karaniwang nabubuhay sa tubig at nagsasagawa ng photosynthesis. Wala silang mga tunay na ugat, tangkay, dahon, o mga espesyalisadong istruktura para sa pagpaparami na matatagpuan sa mga tipikal na halaman. Maraming iba’t ibang uri ng selyula, mula sa maliliit na microalgae na may isang cell hanggang sa malalaking damong-dagat na may maraming selyula.

Sa kabilang banda, ang “Amihan season,” na tumatagal mula Nobyembre hanggang Mayo, ay nagdadala ng malamig at tuyong hangin sa Boracay. Ito ay isang popular na panahon para sa mga turista dahil sa maayang klima, mababang humidity, at halos walang ulan, na perpekto para sa paglangoy at iba pang aktibidad sa tubig.

Bagama’t hindi lahat ng baybayin ay apektado ng lumot at hindi ito nakakapinsala sa pangkalahatan, maaari pa rin itong magdulot ng pangangati sa balat ng ilang indibidwal. Samakatuwid, kung ikaw ay madaling magkaroon ng reaksyon sa balat, magandang ideya na maghanda ng mga gamot o pamahid na panlaban sa pangangati. Para maiwasan ang panahon kung kailan mas laganap ang lumot, planuhin ang iyong pagbisita sa pagitan ng Hunyo at Enero.

Isang paraiso kung maiituring dahil sa mala-hiyas na buhangin. Hindi man perpekto, nananatili itong kaakitakit—kahit pa ito’y bahagyang luntian.

Unang pagtapak mo pa lamang sa tarangkahan ng Regional Science High School for Region VI (RSHS VI), agad kang mapatitingala sa apat na palapag na gusali ng departamento ng Senior High School. Sa kanan, nariyan ang bagong patayong Basketball court na nangingibabaw sa pula at berde nitong pintura. Nariyan naman ang stage ng covered court, na maaliwalas sa bago nitong mukha. Agaw pansin din ang student lounge ng paaralan na de-aircon. Tiyak ngang buong pwersa ang paninigurado ng Parents Teachers Association (PTA) at mga ehekutibo ng RSHS-VI, na makapag-aral nang komportable ang mga mag-aaral dito.

Ngunit, hindi mo magagawang ipagsakawalang-kibo ang amoy na tila sumusuot sa iyong ilong. Mula sa hilaga, dala ng hangin, ay ang sangsang ng mga basura mula sa 3.8 hectare municipal dumping site ng Kalibo, na mahigit 200 metro lamang ang layo sa paaralan. Ito ang uri ng langhap na tiyak ay hindi masarap, sapagkat hindi burger ang naamoy mo, kundi kung ano mang bulok na itinapon ng tao.

Ang isa sa dalawang Science High School sa Western Visayas ay kapit-bahay lamang ang tambakan ng basura sa kabuuan ng bayan ng Kalibo. Isang peligrong pangkalusugan na maaaring makaapekto sa pag-aaral at kapakanan ng mga estudyante.

Sa 13 barangay ng Kalibo, Ilang trak ang dumarating sa tambakan kada umaga, dala ang tone-toneladang mga basura. Sakto sa flag ceremony ng mga Sayanista, pampagising kumbaga. Ang amoy na umaalingasaw mula sa tambakan ay sanhi ng mga landfill gases. Ito ay maaaring mailikha sa pamamagitan ng pagkabulok ng mga basura dahil sa bakterya, volatilization—ang pagbabago mula sa likido o solid na estado upang maging vapor o halipawpay, o kemikal na reaksyon. Karaniwang binubuo ito ng 90% hanggang 98% ng methane at carbon dioxide ang mga landfill gas; at ang natitirang 2% hanggang 10%, ay sinasaklaw naman ng nitrogen, oxygen, ammonia, sulfides, hydrogen, at iba pang gas. Mga uri ng gas na maaaring nakapipinsala sa kalusugan ng kung sino mang makalalanghap nito. Ang mga landfill gases ay isang komplikadong pinaghalong gas na nabubuo sa pamamagitan ng anaerobic

Kakaiba at nakamamangha, isang tanim na kumakain ng metal, posible pala? Isa ito sa mga kakaibang uri ng tanim na natuklasan ng ilang mga siyentipiko mula sa University of the Philippines Los Baños. Ito ay ang Rinorea Niccolifera. Ayon kay Dr. Marilyn Quimado, isa sa mga lider ng research team, ang tanim na ito ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Luzon, na kilala sa mga lupaing mayaman sa heavy metals.

Ang tanim na ito ay kumakain ng nickel para mabuhay. Kumukunsumo ito ng mahigit kumulang 18,000 ppm ng metal sa kaniyang mga dahon nang hindi nasisira o nalalason. Ang ganitong uri ng kakayahan ayon kay Dr. Augustine Doronila ng School of Chemistry sa University of Melbourne, ay may malaking potensyal sa pagpapaunlad ng green technologies tulad ng “phytoremediation”, isang proseso kung saan ginagamit ang mga hyperaccumulator na tanim upang tanggalin ang mga heavy metals sa mga kontaminadong lupa, at

“phytomining”, na isa ring proseso kung saan kinukuha ang mga metals mula sa lupa gamit ang mga ganitong uri ng tanim.

Alam nyo ba na mayroon lamang 0.5 hanggang 1 porsyento ng mga tanim ang may ganitong uri ng kakayahan? Ayon sa National Geographic, nasa tinatayang 350 plant species ang may kakayahang kumunsumo ng iba’t ibang uri ng metal tulad ng nickel, zinc, copper at manganese sa mataas na konsentrasyon. Ang mga ganitong uri ng tanim ay mayroong vacuoles—isang microscopic na istraktura ng kanilang cell na naglalaman ng membrane tulad ng atay ng tao na nakatutulong upang protektahan ang iba pang mga cell mula sa toxic na epekto ng metal. Kung kaya’t nakakaya nitong kumunsumo ng mataas na lebel ng metal nang hindi nasisira o namamatay.

Isa itong mahalagang pagtuklas na maaaring magamit bilang solusyon sa mga problemang maaaring maranasan ng ating mundo sa hinaharap. Imposible kung iisipin, mga bagay na hindi nabibigyang pansin. Ang Rinorea Niccolifera ay isa lamang sa mga halimbawa ng marami pang mga bagay sa mundo na maaaring pa nating malaman, matuklasan, at magbigyang kasagutan. Isang tanim na kakaiba, may itinatago palang halaga. Nakamamanghang likha ng inang kalikasan, makatutulong rin pala para sa mundong kinagisnan.

decomposition ng mga organikong materyales sa loob ng mga landfill. Ang prosesong ito ay kinasasangkutan ng mga mikroorganismo na humihimay sa mga basura sa ilalim ng mga kondisyon na walang oxygen. Ang mga pangunahing salik na nakakaapekto sa produksyon ng landfill gas ay ang komposisyon ng basura, ang kahalumigmigan, ang temperatura, at ang presensya ng oxygen.

Ang ammonia at hydrogen sulfide ang pangunahing sanhi ng masangsang na amoy mula sa mga dump site. Ang hydrogen sulfide ay amoy bulok na itlog, samantalang ang ammonia ay malansa. Ang dalawang ito ay maaamoy ng tao kahit pa sa mababang konsentrasyon nito sa hangin. Ang pagkakalantad sa ammonia at hydrogen sulfide, kahit sa loob ng dalawang linggo lamang, ay maaaring magdulot ng pag-uubo; iritasyon ng mata, ilong, at lalamunan; pananakit ng ulo, pagduduwal, pagkahilo, at hirap sa paghinga. Mawawala lamang ang sintomas na ito kung maiaalis na ang presensya ng dalawang gas sa hanging hinihinga.

Ang mga nabanggit na sintomas ay maaaring maging mas malala kung ang exposure sa mga kemikal na ito ay mas matagal o kung ang konsentrasyon ng mga ito ay mas mataas. Bukod pa rito, ang mga taong may mga dati nang sakit sa respiratory system tulad ng hika ay maaaring mas madaling maapektuhan ng mga gas na ito. Ang mga bata, matatanda, at mga buntis ay mas vulnerable din sa mga epekto ng ammonia at hydrogen sulfide.

Nasa mahigit 1,200 na estudyante ang apektado ng mga gas na ito araw-araw. Hindi pa kabilang mga guro, non faculty staff, mga bisita at magulang na labas-pasok din sa paaralan. Lahat ng mga batang ito, langhap na langhap ang amoy ng bulok na itlog at sangsang ng ammonia sa tuwing papasok sa eskwela. Hindi lamang ito nagdadala ng kakulangan sa ginhawa at nakakaabala sa pag-aaral, nagdudulot din ito ng problema sa kalusugan.

Ayon sa mga eksperto, ang pag-iwas sa pagkakalantad sa mga gas na ito ay ang pinakamabisang paraan upang maprotektahan ang kalusugan. Pero papaano iiwas ang mga residenteng nakatira mismo sa baranggay na kalapit nito? Papaano iiwas ang mga mag-aaral ng RSHS kung edukasyon mismo nila ang nakataya rito?

Sa pag-aaral nina Njoku et al. (2019), ang mga komunidad na kahit nasa 2 kilometro ang layo mula sa isang tambakan ay nakararanas pa rin ng mga epektong pangkalusugan at pangkalikasan dahil sa mga inilalabas na gas ng dumpsite. Mas mainam na higit sa 2 kilometro ang

layo ng isang landfill mula sa mga komunidad. Kung titignan mo sa mapa, ang municipal dumping site ay may mga bahay pa sa paligid nito, maging ang paaralan ay 200 metro lamang ang layo.

May mga aksiyon namang ginagawa ang Local Governent Unit (LGU) ng Kalibo, tulad ng pagpapatayo ng mga Materials Recovery Facility (MRF) upang mamanehuhan nang mabuti ang mga recyclable at ‘di nabubulok na mga basura. Nagsagawa rin ng Tree Planting Activity ang LGU noong 2022, kung saan sila ay nagtanim ng 150 supling ng puno sa municipal dumping site. Layon umano nitong bawasan ang gas na nilalabas ng landfill. Subalit, mga supling pa lamang ang mga ito at aabutin pa ng mga ilang taon bago lumago. Baka mas mauna pa itong malanta bago makatulong sa paghigop ng mapaminsalang gas. Sa parehong taon, ang LGU Kalibo ay nakatanggap ng Eco Friendly Ultra High Temperature Thermal Decomposition System mula sa Environmental Management Bureau-XI at Clean 02 Eco-Friendly Corporation. Ang nagkakahalaga ng 19.7 milyong pisong sistema ay kayang agnasin ang mga basura sa pamamagitan ng mataas na temperatura nang hindi naglalabas ng mapaminsalang usok o gas. Kung gayong meron naman na palang kagamitan upang mabawasan ang mga basura sa tambakan, at dalawang taon na rin ang nakalipas, bakit napapangiwi pa rin ang mga taga-RSHS VI, at mga karatig barangay ng dump site sa baho?

Kung sa bagay, iisa lamang ang naturang makina para gamitin sa lahat ng basura na naakumula ng tambakan na pang buong bayan. Sapat na rin itong dahilan upang muling umaksyon ang Solid Waste Management Office ng Kalibo na magbigay ng epektibo at agaran, ngunit pangmatagalang solusyon para sa suliraning ito.

Aanhin mo nga naman ang magagarang basketball court o abot langit na mga estraktura, kung bawat singhot mo, mapapatanong ka na lamang kung “Hihinga pa ba?” Dahil tila wala nang silbi ang paghinga kung hindi na rin naman oxygen ang papasok sa baga mo, diba?

RICHANDREY MACAHILIG

Nakikilala mo ba si Siri? o di kaya si Alexa? Ilan lamang sila sa mga uri ng AI agents na ginagamit natin sa kasalukuyan. Ito ay mga software programs na gumagamit ng artificial intelligence (AI) upang magsagawa ng mga gawain at panuto para sa isang user. Maaari itong gumawa ng desisyon, lumutas ng problema, gumawa ng iba’t ibang gawain, at mag adapt sa paligid nito upang gumawa ng isang hakbang. Ang mga ahenteng ito ay ginagamit sa iba’t ibang mga aplikasyon upang lumutas ng mahihirap na gawain na nakakatulong sa mga negosyo para sa ikauunlad nito. Nakakatulong din ito upang mas mapabilis ang mga gawain na hindi kaya o posible, hindi lang para sa tao, kundi pati na rin sa iba’t ibang sektor ng ating lipunan. Ngunit sa kabilang banda, marami parin itong negatibong epekto na maaaring makaapekto sa kabuuang ikot ng ating ekonomiya. Ilan sa mga ito ay errors, malfunctions, at isyu sa seguridad na pwedeng maging sanhi ng mga cyber na pagatake.

Ayon kina Stephen Hawking at Elon Musk, ilan sa mga kilalang personalidad sa kasalukuyan, ang labis na paggamit at pagkahumaling sa produktong AI ay maaaring maging banta para sa mga tao kung hindi gagamitin at kokontrolin ng mabuti. Dagdag pa nila, upang makamit ang inaasam na tagumpay sa larangan ng teknolohiya, dapat itong regulahin at gamitin ng may limitasyon at kontrol para sa kaligtasan ng tao at negosyo. Nakamamanghang epekto, maunlad na mundo. Ito ang layunin ng mga propesyonal at siyentipiko para sa mga tao. Para sa patuloy na pag-asenso at pag-unlad ng ating pangaraw-araw na pamumuhay, AI ang ating kaagapay. Basta’t ito’y gagamitin sa tamang pamamaraan, may limitasyon, at pag-iingat, siguradong abot kamay ang magandang buhay at kinabukasan, hindi lang para sa kasalukuyan, kundi pati na rin sa hinaharap.

RICHANDREY MACAHILIG
Larawan mula sa tropical.theferns. info
GLYNNE TORRENUEVA
Dibuho ni Marc Andrade

Sustainable Swim Circuit, Ginanap sa Boracay Island

Kagpakitang gilas ang mga lokal at internasyonal na kalahok sa 4th Leg ng Western Visayas International Open Water

Swim Circuit 2024 na itinampok sa Philippine’s best tourist destination, ang Boracay Island, noong ika-22 ng Setyembre.

Nahahati ang mga kalahok sa iba’t ibang kategorya batay sa edad at distansya nito— 2.5km, 5km, at 10km. Nangunguna si Grigori Alek Ong sa Overall 2.5km Male category. Sinundan naman nito nina Josh Lee at Nathan Eliel Hiponia. Nasungkit naman ni Janine De La Paz ang tagumpay nang manguna sa Overall 2.5km Female category. Pinangalawahan ito ni Andre Leira Selotorio at sinundan naman ito ni Juliana Dejilla. Sa Overall 5km Male category naman, kinuha ni Hans Iñigo Parreño ang unang pwesto, habang pinangalawahan ito ni

Ven Isidore Bartolome at sinundan ni Sky Gako. Nanguna si Athea Margarette Lagunay sa Overall 5km Female category na sinundan nina Nuche Veronica Ibit at Rhianne Gabrielle Gonzales.

isportseditoryal.

Nagwagi si Intnyr Gutana sa Overall 10km Male category, na sinundan nina Busty Dwyne Jalandra at Rynz Matthew Cortado. Matagumpay si Julie Ann Chua sa Overall 10km Female category. Sinundan naman niya sina Danielle Patricia Valenzuela at Coraline Montalbo. Binibigyang-diin ng swimming event ang layuning isulong ang Western Visayas maging aqua sports tourism location at ang sustainable tourism. Pinapangunahan ito ng Department of Tourism Region VI. Ginanap ang 1st Leg ng kompetisyon sa Sipalay City, Negros Occidental noong ika-18 ng Pebrero. Ang 2nd Leg ay itinampok sa Sicogon Island, Carles, Iloilo noong ika-14 ng Abril. At nasa Taklong Island, Nueva Valencia, Guimaras naman ang 3rd Leg noong ika-30 ng Hunyo.

Higit pa sa Palakpak: Ang Tunay na Suporta ng Paaralan sa mga Atleta

Ang mga paaralan ay may tungkuling tiyakin na ang mga atletang nagsisikap ipagtaguyod ang kanilang pangalan ay may sapat na akses sa training facilities, nutrisyon, at propesyonal na coaching. Sa halip na puro pagsasalita tungkol sa “pagbibigay ng suporta,” dapat itong makita sa aktwal na aksyon—karagdagang badyet para sa sports programs, masusing mentorship, at mas episyenteng pamamahala ng mga kompetisyon.

Sistema, Hindi Simpatya Madalas nating ipagbunyi ang mga panalo ng ating mga atleta, ngunit sa likod ng mga ngiti at karangalan ay isang katotohanang hindi maikakaila—marami sa kanila ang kulang sa suporta, sapat na pondo, at de-kalidad na kagamitan. Hindi sapat ang panandaliang simpatya tuwing may kompetisyon; kailangang may konkretong programa na magbibigay sa kanila ng matatag na pundasyon. Kung nais nating makamit ang tunay na tagumpay sa larangan ng isports, kailangang itaas ang antas ng suporta sa ating mga atleta— lalo na sa kanilang pinakamahihirap na sandali.

Sayanistas Dinomina ang 2024 Provincial Meet

alang duda na nagpakita ng kahusayan at talento ang mga Sayanista matapos mag-uwi ng 34 na ginto, siyam na tanso, at dalawang pilak na medalya sa ginanap na 2024 Aklan Provincial Athletic Meet noong Marso 15-17, 2024. Sa matinding kompetisyon na dinaluhan ng mga pinakamahusay na atleta sa lalawigan, namayagpag ang Regional Science High School for Region VI (RSHS VI) at muling pinatunayan ang kanilang pagiging puwersa sa larangan ng pampalakasan.

Pinangunahan ng RSHS VI Swimming Team ang pagdominang ito matapos makamit ang 18 gintong medalya, 5 tansong medalya, at 1 pilak na medalya. Namukod-tangi ang pambato ng ika-8 baitang na si Nuche Veronica Ibit, na nagkamal ng 7 gintong medalya, dahilan upang hirangin siyang Most Bemedalled Athlete sa Secondary Girls Swimming.

Hindi rin nagpahuli si Scharnelle Fiele Pullantes, na nagtala ng 5 gintong

instrumento ang mahigpit na pagsasanay at disiplina upang maabot ang tagumpay na ito. Nagningning din ang RSHS VI Gymnastics Team na pinamumunuan ni Ginoong Raymart Villa-Abrille, matapos silang mag-ambag ng 6 gintong medalya at 4 na tanso. Isa sa mga nagpakitanggilas ay si Leighanne Jizmundo, na kumamkam ng 5 gintong medalya at 1 pilak, habang nag-ambag naman si Yvainne Shannon Briones ng 2 gintong medalya at 3 pilak. Pinatunayan din ng RSHS VI Taekwondo Team ang kanilang husay matapos makapagtala ng 6 gintong medalya at 1 tansong medalya. Nakuha ni Kris Dianne Olmo ng ika-9 na baitang ang 2 gintong medalya, habang nakapagambag naman ng tig-isang ginto sina Quennie Erich Tumagan, Samantha Kirsten Titular, Fraser Miles Tejada, at Zach Gabrielle Lacanaria. Hindi rin nagpahuli si Allyzah Shysie Rario, na nag-uwi ng tansong medalya. Ang

Mikaela Samar, Peachy Ysabella Ras, at Aimes Jestley Montalban, na kapwa naguwi ng tig-isang gintong medalya. Hindi man nakasungkit ng medalya, pinahanga naman nina Scott Daneler Milloroso at Mary Christilaine Oquendo ng RSHS VI Dance Sports Team ang madla, matapos makuha ang ika-6 na puwesto sa kumpetisyon. Sa ilalim ng paggabay ni Ginang Jessa Mae Gomez, ipinakita nila ang husay, tiyaga, at determinasyon na kinakailangan upang makipagsabayan sa matitinding mananayaw sa probinsya. Matapos ang kanilang kahangahangang pagtatanghal sa Aklan Provincial Athletic Meet, muling ipapakita ng Sayanista athletes ang kanilang talento sa darating na Western Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) Meet na gaganapin sa Negros Occidental. Mas lalong pinaigting ang kanilang pagsasanay upang makasungkit ng mas maraming medalya at mabigyan ng karangalan ang kanilang paaralan at rehiyon. Walang duda—ang Sayanistas ay patuloy na magiging puwersa sa larangan ng pampalakasan. Ang kanilang tagumpay ay patunay na sa likod ng bawat medalya ay pagsisikap, dedikasyon, at matibay na suportang kanilang natatanggap mula sa paaralan, mga guro, at kanilang mga coach. Abangan natin ang kanilang susunod na laban, dahil tiyak na muli silang magpapakitang-gilas sa mas malaking entablado.

Otom, Nagtapos sa ikalimang puwesto, 45.78

indi naging madali ang laban para kay Angel Mae Otom ng Team Pilipinas sa kanyang debut sa 17th Paralympic Games sa Stade de France, Paris. Sa kabila ng kanyang matapang na pagsisikap, nagtapos siya sa ikalimang puwesto sa women’s 50-meter butterfly - S5 noong Setyembre 7, 2024. Naitala ni Otom ang oras na 45.78 segundo sa final, may agwat na 7.61 segundo mula sa gold medalist na si Lu Dong ng China. Ipinakita ni Lu ang kanyang husay matapos masungkit ang ginto sa loob ng 38.17 segundo—isang bagong world record. Samantala, nagtapos si He Shenggao sa ikalawang puwesto na may 38.98 segundo, mas mabilis kaysa sa dati niyang world record na 39.32 segundo na itinakda sa Hangzhou noong nakaraang taon. Nasungkit naman ni Sevilay Ozturk ng Turkiye ang bronze medal na may oras na 43.70 segundo.

Bukod sa butterfly event, lumaban din si Otom sa 50m backstroke S5 event, kung saan nagtapos siya sa ika-anim na puwesto overall. Kahit hindi nakapasok sa podium, ipinakita niya ang kanyang talento sa pandaigdigang entablado, isang malaking tagumpay para sa isang atleta sa kanyang unang Paralympics.

Ang Paralympic Games ay isang prestihiyosong kompetisyon para sa mga atletang may kapansanan, na nagbibigay ng plataporma upang maipakita ang kanilang galing sa iba’t ibang larangan ng sports. Ginaganap ito tuwing apat na taon, kasabay ng Olympics, at pinamamahalaan ng

International Paralympic Committee (IPC). Bukod sa pagbibigay ng oportunidad sa mga atleta, layunin din ng Paralympics na itaguyod ang inklusibidad at baguhin ang pananaw ng lipunan patungkol sa mga indibidwal na may kapansanan.

Ayon sa mga eksperto, ang paglahok ng mga Pilipinong atleta sa Paralympics ay isang hakbang patungo sa mas malawak na pagkilala at suporta para sa para-sports sa bansa. Sa kabila ng mga hamon sa pagsasanay at limitadong resources, patuloy ang pangarap ng mga atleta tulad ni Otom na makapagbigay ng karangalan sa Pilipinas. Ang kanilang tagumpay ay isang patunay na sa kabila ng anumang limitasyon, posible pa ring maabot ang pangarap sa pamamagitan ng determinasyon at pagsisikap.

Ayon kay national para swimming coach Tony Ong, kahanga-hanga ang naging performance ni Otom. “Angel did really good in her last event, the 50-meter butterfly. This is her first Paralympics, and both of her events made it to the finals. Kulang na lang ng podium,” aniya. Naniniwala siyang mas magiging handa si Otom sa susunod na mga kompetisyon at may potensyal itong manguna sa parehong events. Sa panig naman ni Otom, mas lalo siyang ginanahan na ipagpatuloy ang kanyang pagsasanay.

Malaki ang pag-asa ng Team Pilipinas na lalo pang gagaling si Otom sa mga susunod na kompetisyon. Ayon kay Philippine Paralympic Committee President Michael Barredo, ang

naging performance ng batang atleta ay patunay ng kanyang dedikasyon at husay sa larangan ng swimming. “Her determination is an inspiration to all of us, and I am confident that she will achieve even more in the future,” ani ni Barredo.

Bukod sa kanyang pagsabak sa international competitions, patuloy ang pagsasanay ni Otom upang mapabuti pa ang kanyang mga rekord. Inaasahan siyang makikilahok sa iba pang qualifying tournaments upang makuha ang kanyang tiket sa Los Angeles 2028, kasabay ng iba pang pambansang atleta na nangangarap makapagbigay ng karangalan sa bansa.

Samantala, patuloy na pinapalakas ng gobyerno at pribadong sektor ang suporta sa mga para-athletes tulad ni Otom. Ayon sa Philippine Sports Commission, nakatakdang dagdagan ang training programs at financial assistance upang matiyak na mas maraming atletang Pilipino ang makakalahok at magtatagumpay sa mga international sporting events tulad ng Paralympics.

Puwedengpuwede pa. Gusto ko pong makamit ang mas mataas na karangalan,

pahayag niya, sabik na sa muling pagsabak sa 2028 Paralympic Games sa Los Angeles.

JANE QUITOVERA
SAMANTHA RAMOS
CEDRICK JAMERO

ISPORTS EDITORYAL

ATLETANG AKLANON—SA LARO AY NANGIBABAW, NGUNIT ANG SUPORTA AY SABAW

Delegasyon ng Atletang Aklanon sa Batang Pinoy at Philippine National Games 2023 nitong Disyembre sa Manila, humakot ng medalya. Ang pinagsama-samang medalya para sa Aklan ay nagresulta sa ika-16 na pwesto mula sa 34 na probinsya sa buong Pilipinas. Sila ay nagtambak ng 21 na ginto, 7 na pilak, at 17 na tansong mga medalya.

Subalit bago pa man ang kampeonatong, ano nga bang pagdarahop ang sumubok sa mga atletang ito?

Bago pa man ang naturingang laro, marami nang kahirapan ang pinagdanasan ng mga atletang Aklanon. Mula sa pagsasakripisyo ng kanilang enerhiya at pagod sa pag-eensayo, pag-adjust o pagbabawas at dagdag ng kilo, pagbabalanse ng oras sa pag-aaral at pag-eensayo, pagkawala ng motibasyon, pagkakaba, at pagkatakot, pagaasikaso ng papeles para maging kwalipikado, pagbook ng tiket sa eroplano, hanggang sa

pagbabadyet ng lahat ng posibleng gastusin. Sadyang nakabibilib talaga ang mga atletang ito.

At tiyak nakabibilib din ang suporta ng LGU sa kanila—hindi nakatutuwa bagkus nakatatawa.

Biruin mo’y may badyet na milyong nakalaan para isports kada taon ngunit ni singko ay walang ipinadala sa mga atleta? Nahiya na lang ang Makati at Mati— bawat atleta ay mayroong sampung-libo perang pang-uli, clothing bundle na jacket, jersey, pants, shorts, rubber shoes, cap at bag, libreng transportasyon kasama ang bus at van ng probinsya, at lahat na. Nakaiinggit ‘di ba? Nasaan ang hustisya? Saan din kaya ginamit ng LGU Aklan ang limang milyon na iyon? Ang kaugnay na batas tungkol sa 5 milyong pisong badyet para sa sports sa bawat Lokal na Yunit ng Pamahalaan (LGU), na kilala bilang sa Republic Act No. 9064 o “National Sports Development Act.” Layunin ng batas na ito na itaguyod at paunlarin ang isports sa Pilipinas, na nagbibigay ng mga patnubay para sa pondo at suporta sa lokal na antas. Hinihimok

SUPORTA NG POC: SUSI SA TAGUMPAY NG

Sa likod ng bawat tagumpay ng isang atleta ay ang walang kondisyong suporta at paghahanda. Paano natin matitiyak na ang ating mga

atletang Pilipino ay makakamit ang tagumpay sa pandaigdigang entablado?

Ang Philippine Olympic Committee (POC) ay may mahalagang papel sa paghahanda at pag-suporta sa mga atletang Pilipino. Sa mga nakaraang taon, maraming atleta ang nagpakita ng galing sa iba’t ibang internasyonal na paligsahan, subalit hindi maikakaila na ang kakulangan sa suporta at pondo ay nagiging hadlang sa kanilang pagsusumikap. Sa mga nakaraang Olimpiyada, ang Pilipinas ay nakapagtala ng mga makabuluhang tagumpay, ngunit kasabay ng mga ito ang mga panawagan para sa mas matatag na sistema ng suporta mula sa POC.

Maraming atleta ang umaamin na ang kakulangan sa pondo at suporta mula sa POC ay nagiging dahilan ng kanilang kakulangan sa paghahanda. Sinasabi ng mga atleta na ang mas

UP Lady Maroons inararo ang FEU Tamaraws

JANE QUITOVERA

Tinanggalan ng sungay ng UP

maayos na funding at suporta, tulad ng mga training facilities at mentorship programs, ay makatutulong upang mapabuti ang kanilang performance. Sa isang panayam, isa sa mga kilalang atleta ang nagsabi,

Kailangan naming maramdaman na may mga taong sumusuporta sa amin hindi lamang sa salita kundi sa gawa.

Napakahalaga ng mas sistematikong suporta mula sa POC sa mga atletang Pilipino. Ang mga atleta ang mukha ng bansa sa pandaigdigang antas, at nararapat lamang na bigyan sila ng sapat na pondo, training, at pagkakataon. Ang pamumuhunan sa kanilang kakayahan

Lady Maroons ang FEU Tamaraws sa UAAP Season 87 women’s volleyball tournament sa iskor na 3-1 na itinampok sa FilOil EcoOil Arena sa San Juan city, kahapon.

Pinangunahan ni Kianne Olango ang Maroons matapos magtala ito ng 17 puntos mula sa 13 ispayks, tatlong blocks, at isang service ace habang nangunguna sa opensa si Joan Madis Monares na may 19 puntos. Rumatsada sa unang set ng laro ang Tamaraws at nagpakawala ng mga nagliliyab na mga ispayk na bigong habulin ng Lady Maroons.

Mabigat ang atmospera ng dalawang parte ng korte pagdating sa pangalawang set ng laro dahil sa dikit nitong labanan ngunit hinarang ito ni Olango at rumesbak sa iskor na 25-23.

Tila mga ibon malayang lumilipad sa ere ang Maroons nang sunod-sunod ang matitinding tirada nito at mala-pader na mga block ang kanilang pinakitang gilas at nagbunga ng nine-point lead sa pangatlong set nito na nakasumite ng 25-17 na iskor. Pigil hininga pagdating sa ika-apat na set ng laro nang nangunguna ang FEU sa unang bahagi ng laro ngunit mala-kayod marino ang Lady Maroons sa paghabol ng iskor at tuluyang pinako ang laro sa 25-23.

na sa basketball at volleyball. Oo nga naman, sunod-sunod ang Governor’s Cup—paliga roon, paliga rito, libreng jersey, libreng Gatorade, halos ‘di na nga maukapahan ang ABL Sports Complex sa Kalibo kasi araw-araw na lang may paliga. Grabe naman, nasimot ang limang milyong dulot lamang ng dalawang isports na ‘yon? Sa totoo lang, ‘yan lamang ba ang isports na nararapat bigyan ng suporta? Ewan na lang, hakot medalya naman ang Pencak Silat, Gymnastics Taekwondo, Arnis, Swimming, Archery at iba pa nang nakaraan. Sana naman ay matino at makatarungan ang pagbabadyet, kaban ng bayan ‘yan, para ‘yan sa bayan. Sa karton na nga lang natutulog

manlalaro. Sana naman ‘yang mga namamahala ay nakatutulog nang pagkakomportable sa napakakapal at napakalambot na foam. Kapag ang masarap at mainitinit na sabaw ay pinakain sa mga atleta, aba’y wow lumalabaw, sa laro sila ay mangingibabaw. Ang sabaw, pampainit sa tiyan ‘yan, hindi ginagawang suporta–sabaw na suporta, kumbaga. Kaya sa mga atleta, kainin niyo ‘yang sabaw niyo’t lumakas kayo.

Sa paparating na partisipasyon ng Aklan sa Batang Pinoy at Philippine National Games 2024 sa Palawan, mage-get na ba ang nararapat na badyet?

ay hindi lamang makikinabang sa mga atleta kundi pati na rin sa buong bansa. Dapat maging prayoridad ng POC ang pagpapaunlad ng mga atletang Pilipino upang mapanatili ang kanilang competitiveness sa international stage. Ang suporta ng Philippine Olympic Committee sa mga atletang Pilipino ay isang mahalagang aspeto na dapat

Isang makasaysayang araw para sa probinsya ng Aklan ang pagsisimula ng konstruksiyon ng Aklan Sports Training and Wellness Center sa Goding Ramos Park, Kalibo. Matatagpuan ito sa estratehikong lokasyon, malapit sa Aklan Provincial Capitol, na nagpapahiwatig ng malaking halaga’t suporta na ibinibigay ng pamahalaang panlalawigan sa pagpapaunlad ng palakasan. Higit pa sa simpleng gusali, ito ay simbolo ng pag-asa at pangako sa mas matagumpay na kinabukasan para sa mga atletang Aklanon. Hindi lamang magiging lugar para

pagtuunan ng pansin. Ang kanilang tagumpay ay tagumpay ng buong bansa, at ang pagkakaroon ng mas malalim na suporta mula sa POC ay magbubukas ng mas maraming pagkakataon para sa mga Pilipino sa larangan ng palakasan. Dapat tayong magsama-sama sa pagtulong at pagpapalakas ng ating mga atleta, dahil sila ang ating pag-asa sa hinaharap.

Pamumuhunan para sa Kinabukasan

kagamitan, maayos na pasilidad, at mga programang idinisenyo upang mapahusay ang kanilang pisikal at mental na kalusugan. Mula sa mga weightlifting areas, maging sa mga facilities para sa rehabilitation, ito ay magiging ganap na hub para sa athletic excellence.

Ang pagpili ng Goding Ramos Park bilang lokasyon ay isang matalinong desisyon. Ang parke, na kilala sa kaniyang mapayapang kapaligiran, ay magbibigay ng perpektong setting para sa pagsasanay. Ang kalapitan nito sa Aklan Provincial Capitol ay nagpadali rin sa koordinasyon at pakikipagtulungan. Ito ay halimbawa ng mahusay na urban planning na naglalayong mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga mamamayan. Ang itatayong Aklan Sports Training and Wellness Center ay malaking hakbang pasulong para sa pag-asenso ng paligsahan. Ito ay pamumuhunan hindi lamang sa kanila, kundi sa buong komunidad. Ang sentro ay magiging inspirasyon para sa mga kabataan na magbibigay sa kanila ng lugar upang mag-aral, magsanay, at magtagumpay. Ito ay pamana na maglilingkod sa maraming henerasyon ng mga

Isang testamento ang proyektong ito dahil sa dedikasyon para mapayabong ang libangan. Ito ay ehemplo ng visionary leadership na naglalayon sa pagpapabuti ng buhay ng mga mamamayan nito. Ang pagsuporta sa kanila ay hindi lamang pagsustento sa palakasan, maging sa pag-unlad ng buong komunidad.

Inaakalang ang Aklan Sports Training and Wellness Center ay mapagkukunan ng motibasyon at tagumpay. Ito ay lugar kung saan ang mga pangarap ay magiging katotohanan at kung saan ang mga atleta ay magkakaroon ng pagkakataong makamit ang kanilang buong kakayahan.

Pagbati sa lahat ng mga taong nagtrabaho nang husto upang maisakatuparan ang proyektong ito. Ang kanilang dedikasyon at pagsisikap ay inspirasyon sa ating lahat. Asahan natin na ang Aklan Sports Training and Wellness Center na ito ay maging sagisag ng panalo’t pagkakaisa para sa buong probinsya.

BANTILOC:

Ang Palaso ng Pag-asa

REIGN MESINA a mundo ng archery, kung saan ang balanse’t puwersa ay nagtatagpo, may isang para-athlete na nagpatunay na ang mga pangarap ay walang limitasyon. Si Augustina Maximo Bantiloc, 55-anyos, na naghanda sa isang laban na hindi lamang para kamkamin ang ginto, kundi para maging inspirasyon sa bawat Pilipino. Una niyang minahal ang powerlifting bagama’t mas nag-iwan ng marka sa kaniyang puso ang archery na nagbunga ng sandamakmak na tagumpay sa kaniyang titulo. Ambisyon niya talagang umentra ng 2024 Paralympic Games sa Paris. Nagmula ang kaniyang kapansanan sa edad na anim nang luminsad ang kaniyang buto sa balakang kaya siya ay gumagamit ng wheelchair. Ngunit sa kabila ng kaniyang kondisyon, hindi siya nagpatinag at inangkin ang ika-32 na puwesto sa World Ranking ng kategoryang Compound Women Open noong Marso 21, 2024. Hinirang siyang flag-bearer ng ating bansa dahil siya ang kaunaunahang Pilipinong para-archer na nakapasok sa Paralympics at nakakuha rin ng kuwalipikasyon para sa 2024 Paris Paralympics matapos kabigin ang paterong tanso sa Asian Continental Qualification Tournament nitong nakaraang Nobyembre. Ang kaniyang paglalakbay sa archery ay nagsimula sa isang simpleng pangarap—ang magkaroon ng bagong kahiligan na magbibigay sa kaniya ng pag-asa. Sa bawat pag-angat ng busog at paglabas ng palaso, nararamdaman niya ang kaniyang kalayaan, lakas, at hangad.

Si Augustina ay simbolo ng pag-asa, determinasyon, at katibayan ng loob. Ang kaniyang kuwento ay nagpapakita na ang totoong karangalan ay halong pagsisikap at pagtamo ng mga pangarap kahit pa man mayroong dagok sa buhay.

CEDRICK JAMERO
WINADETTE DOLLOSA
DIBUHO NI FEBBY NINGAL
DIBUHO NI PRINCE MANOLOSAN
REIGN MESINA

Ito ang moto ng

na si Shara

sa Pencak Silat Seni Regu (Artistic Trio) at Kun Bukator Women’s Barehand Form (Artistic Trio), Southeast Asian Games.

This motto echoes through my head every competition. I have given my everything in our trainings that is why in competitions the only thing to do is to show what I’ve been working on and how much improvement I made. It’s only a stage, medals are just bonuses

pahayag ni Jizmundo

Hindi naging madali ang dinanas ni Jizmundo bago niya nasungkit ang medalya bilang isang Student-Athlete.

“It had always been not easy being a Student-Athlete especially if you want to be good in both sports and academics. Managing my time and balancing these two is actually a problem I’d say I successfully overcame.”

Nagsimula si Jizmundo sa pagsali ng Martial Arts sa edad na anim na taong gulang, ang una niyang sport na sinalihan ay ang Sikaran. Lumipas ang panahon at sinalihan niya naman ay ang Taekwando sa edad na siyam na taong gulang upang makasali sa DEPED competitions.

Napamahal si Jizmundo sa Pencak Silat nung siya ay nasa ika pitong baitang na.

“I started in gr7, at this time I had a lot of experience na sa other martial arts and it was a good thing because it was like I had a headstart for this sport.

“ Sa kabila ng pagpursige at pagsipag sa pag training ay nakapasok si Jizmundo sa Philippine National Team at napabilang sa Tanding Category at bumida sa SEA Games, ngunit hindi ito naging madali sakanya sapagkat 3 event ang kanyang sasalihan at sinasabayan pa nya ng pag-aaral.

“I was told I had 3 events. Tanding category(sparring), Senior Category(artistic)and one event in a different sport called Kun Bokator. Since I had 3 events, I was training 5 times a day when normally it would only be twice a day. Rest was very important in training since the body needs to recover, however, in my case, the only rest I had was sleeping at night since my schedule was continuous.”

Ngunit hindi ito naging hadlang sa pagkamit ni Jizmundo ng karangalan hindi lang sa Paaralan kundi sa Buong Pilipinas.

Naniniwala si Jizmundo na ang Pencak Silat ang bigay sa kanya ng kaginhawaan at hindi lang ito sports lang kundi para din sa personal development.

Nagpapasalamat si Jizmundo sa mga taong sumusuporta sa kanya sa pagsali sa mga patimpalak at sa Panginoon.

“Improve and Become Better” yan ang araw araw na pagganyak ni Jizmundo para mas gumaling sa araw araw at sa mga susunod pang mga

Sayanistas namayagpag sa Palarong Pambansa 2024

CEDRICK JAMERO

Determinasyon, husay, at tiyaga

yan ang sandigan ng mga at letang sayanista matapos mamayagpag at magbigay karangalan sa 2024 Palarong Pambansa.

Muling ipinamalas ng mga atleta mula sa Regional Science High School for Region VI (RSHS VI) ang kanilang husay at talento sa 2024 Palarong Pambansa, matapos makapag-uwi ng mga medalya at mataas na puwesto sa iba’t ibang larangan.

Pinangunahan ni Nuche Veronica Ibit ang RSHS VI na nagpakitang-gilas sa larangan ng paglangoy. Matagumpay niyang nasungkit ang pilak na medalya sa parehong 4×50 at 4×100 meter medley relay, na nag-angat sa bandera ng kanilang paaralan at rehiyon. Bukod dito, itinampok din ang kanyang galing sa individual swimming events, matapos niyang magtapos sa ika-6 na puwesto sa 50 Meter Butterfly, ika-7 sa 100 Meter Butterfly, at ika-7 sa 100 Meter Freestyle. Ang kanyang kahanga-hangang pagganap ay nagpatunay sa husay ng kanyang

pagsasanay sa ilalim ng kanyang coach, Manuel I. De Leon Jr. Samantala, lumutang din ang talento ni Leighanne M. Jizmundo sa rhythmic gymnastics. Mula sa matinding kumpetisyon, matagumpay niyang natamo ang ika-8 puwesto sa Ribbon Finals at ika-5 puwesto sa qualifying round ng nasabing kategorya. Kasunod nito, nagtamo rin siya ng ika-10 puwesto sa Hoop, ika-13 sa Ball at Clubs, at ika-11 sa Individual All-Around (IAA), patunay ng kanyang dedikasyon at galing sa naturang isport. Nagpamalas din ng talento si Yvainne Shanon I. Briones, na nagtamo ng ika-9 puwesto sa Hoop, ika-16 sa Ball, ika-10 sa Clubs, ika-15 sa Ribbon, at ika-13 sa IAA. Ang kanyang pagganap ay nagsilbing inspirasyon sa kanyang kapwa manlalaro at sa buong delegasyon ng Western Visayas. Bukod sa indibidwal na tagumpay, ipinakita rin ng

disiplina at determinasyon. Namayagpag ang Western Visayas sa ika3 puwesto, dala ang impresibong medal haul na 39 na ginto, 28 na pilak, at 32 na tanso. Ang kanilang pagtatapos sa kumpetisyon ay nagpamalas ng kanilang husay at dedikasyon sa larangan ng pampalakasan, na nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataan ng rehiyon. Patuloy na pinatutunayan ng mga atleta mula sa RSHS VI at Western Visayas ang kanilang husay sa iba’t ibang larangan ng palakasan. Ang kanilang determinasyon at pagsusumikap ay hindi lamang nagbigay ng karangalan sa kanilang paaralan at rehiyon kundi pati na rin sa buong bansa.

Higit pa sa Medalyon: Ang Tagumpay ni Bacyadan

agdulot ng sigasig sa karamihan nang binandera’t nag-ingay sa 2024 Paris Olympics ang pambato sa boksing. Kahanga-hangang pinatunayan niya na ang mga pangarap ay walang limitasyon. Naghanda siya sa laban, hindi lamang para kamkamin ang ginto, kundi para maging inspirasyon sa bawat Pilipino.

Si Hergie Bacyadan, 30-anyos, isang Igorot mula Tabuk, Kalinga na nagpakita ng kaniyang angking kadalubhasaan at nag-iwan ng bakas sa kasaysayan bilang ang unang transgender na lalaking lumaban sa Palarong Olimpiko.

Si Bacyadan ay “trans at heart” ngunit hindi pa siya nagsisimula ng hormone replacement therapy kaya naman, pagdating ng palakasan ay mandirigmang lumantad ng lakas at determinasyon. Una niyang minahal ang boksing bagama’t dati siyang miyembro ng Philippine Wushu Team at naging kampeon sa Vovinam na nagbunga ng sandamakmak na tagumpay sa kaniyang titulo. Hindi lamang boksing o martial arts ang nagpahanga sa mga tao ng kahusayan niya sa isports sapagkat si Hergie ay vocal advocate para sa LGBTQ+ rights sa Pilipinas. Agaw-pansin din ang hulma ng kaniyang wangis at siguradong mapapalingon ka. Sa kaniyang mga litrato, makikita ang makisig niyang pangangatawan. Talaga namang nag-viral sa social media ang mga kuha sa kaniya. Itinambad niya na ang mga atletang transgender ay may lugar sa mundo ng isports at ang kanilang mga boses ay nararapat na marinig. Itatak natin ang pangalang Hergie Bacyadan. Siya ay isang halimbawa ng tapang, pagsisikap, at pagmamahal sa sarili. At sa kaniyang istorya, matatanaw natin na ang mga pangarap ay walang hangganan sa kasarian o anumang

Bisitahin ang Ang Pahayagang Iskolar
Page
Sayanista
Julia D. Jizmundo upang makamit ang tansong medalya

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.