

READERS' CHOICE
TV Shows and Movies
Sa kadahilanang pangarap ko talagang maging mamamahayag noon pa man (sa maipapaliwanag na dahilan) nahilig talaga ako sa mga palabas na ang karakter ng mga bida ay reporter
Continue reading at next page
Paano Humalik?
Sa mga taong hindi pa nakakaranas humalik, ito marahil ang unang tanong na pumapasok sa ating mga kaisipan Marahil, ilan sa atin ay kinikilabutan na kapag naiisip ito o kahit imahinasyon lang
Siguro nga, dahil ito rin ang nararamdaman ko pag naiisip ko’yun
Pero kasabay ng kilabot na nararamdaman ay ang romantikong maaring maganap sa pangyayaring iyon
Continue reading at next

Bakit Kailangan mo pang Mabuhay?
SA BABASA
Ang mu munting magazine na ‘to ay inaalay ko sa mga pangarap kong wala nang katiyakan kung matutupad pa. Mga pangarap na isinasa kuwento ko na lang at sa kuwento na rin natutupad (kahit walang kwenta minsan pero may kaunting aral naman sa dulo).

Dito natatala at naikukuwento lahat ng mga masasakit na pangyayari sa buhay ko, ganoon din ang mga tagumpay na masasabi kong isang hakbang sa pag abot ng mga pangarap.
Bokod doon, naikukwento ko rin dito ang mga lugar katulad ng mga kabundukan at karagatang bumusog talaga sa mga mata at isipan ko
Ang babahahin ring ito ay may misyong ang bawat mambabasa ay nawa’y matulungan sa simpleng pamamaraan na huwag mawalan ng pag asa sa buhay
Pero hindi din, gusto ko lang talagang magkuwento.
Ilang linggo na rin ang nakararaan nang nabalitaan ko ang pagpanaw ng celebrity chef na si Hasset Go Sa totoo lang hindi ko sya kilala noon, ni hindi ko nga sya napapanood sa mga cooking shows o pina follow man lang sa mga social media sites
Sa kabilang banda, ang Babasahing ito ay hindi perpekto, marami ring pagkakamali: sa baybay ng mga salita, sa daloy na istorya/katha kaya walang sinumang may karapatang dungisan ang sarili kong buhay sa mundo ng panunulat. Subalit ang lahat ay malayang makakapag kumento at makapagbibigay ng kanilang saloobin.

Sa lahat ng mga nangangarap!! LIBRE lang po!!

Unang Lipad
Lipad

Noong nag aral na tayo madami na rin tayong napapag aralan hinggil o ukol sa pinagmulan at teorya nito Sige nga sample “sino ang naka imbento ng eroplano?” (comment your answer)
Akala ko noon, doon na matutuldukan ang pagtatanong natin matapos daanan ang elementary hanggang kolehiyo hindi pa pala. Isa sa mga tanong ngayon e kung saan napupunta ang dumi at ihi ng tao kapag inabutan ka ng tawag ng kalangitan (etse ng) kalikasan habang naglalakbay ka sa kaulapan?
Nagsisilbi ba itong bio fuel na derecho sa fuel tank ng eroplano para maging enerhiya? at sa sitwasyong walang mapaglandingan ang eroplano at magpaikot ikot ito sa kaitaasan ay hinding hindi na maso short sa gasolina dahil nga sapat na ang mga naiipong alternative fuel natin sa ating mga kapantugan?
Sa ibang banda, kaya ba minsa’y sa pag ulan ay may malalasahan tayong maalat alat dahil sa mga nagwiwiwi sa loob ng eroplano derecho palabas? O di kaya’y sa pagdumi sa isang pasahero ay sasabit na lang ito sa isa sa mga ulap? At dahil sa duming iyon ay nagkakaroon ng mistulang pataba ang isang ulap na nagiging sanhi upang mabuo ang nagbabanyang sigwa na tinatawag nating kalamidad?
At sa sitwasyong patuloy na nga ang pagdagsa ng mga nagdadaang eroplano, patuloy din ang pagdagdag ng mga pupu na naiimpak sa mga kaulapan kaya naman ito’y bumibigat at nahuhulog na lang? Salamat na lang at nagiging mistulang malinis na katya ang ating mga kaulapan kaya hindi ganoon kadumi at kabaho ang ulan.
Ahh basta! ang alam ko lang pangarap ko talagang makasakay ng eroplano. period. Taon taon sa pagpasok ng bagong buwan, nagsusulat talaga ako ng mga pangarap kong gustong matupad. Mahirap man matupad pero alam kong posible Isa na nga dito ang makasakay ng eroplano kahit hindi ako alam kung saan
Nitong Nobyempre, mapalad ko itong naisakatuparan at isa na nga ito sa hindi ko malilimutan
Salamat na lang sa tulong ng mga kaibigan kong blogger na naging daan para maisakatuparan ito
Ika apat ng nobyembre noon, wala pang tulog Hindi dahil sa nag aadik ako kundi dahil sa sobrang sabik at takot na baka maiwanan ng eroplano. Ayaw kong maiwanan no! isa ito sa highlights ng mga pangarap ko.
Maaga naman kaming nakarating sa NAIA 3 ni Kurog pero mas maaga sila Cuteberl, Xander, Kumagcow, Mark at Bino. Ay mali! mas maaga pala si Ro Anne lels. Sa kasagsagan ng paghihintay sa pagtawag ng flight namin, nakaramdam ako ng tila pag uudyok ng kubeta Hindi na ako nagdalawang isip magpunta sa palikuran ng Airport (bago daw e)
Pagpasok ko sa kubeta malinis naman at malalaki ang cubicle.. ibig sabihin malake din ang inidoro.. kala ko nga hindi magkakasya puwet ko.. sakto naman. lels.
Tatagalan ko pa sana kaso yun nga baka maiwanan ako ng eroplano.. Syempre nag flush ako.. nagulat ako kasi akala ko kasama ako sa mapa flush sa lakas na current nito lels
Paglabas ko sa CR patay malisha ako, kunwari nagwiwi lang pero ang totoo naglabas ako ng sama ng loob doon Nang biglang may tumawag sakin
“otep ! otep !” gulat much ako, kala ko umabot na sa loob ng CR na paliparan ang kasikatan ko
Si Mark lang pala hindi ko namalayan katabi ko lang pala na nanalamin tatanungin ko sana.
“tumae ka din?” hahaha lels. hindi ko na pinagpatuloy kakahiya.
Mabilis na tumakbo ang oras at hindi ko namalayan na nasa loob na ako ng eroplano. Para akong nananaginip ng gising noong mga oras na ‘yon (Ganoon ka OA! Promise)
Wala akong matinong bag para sa kulang kulang na isang linggong paglalakbay Ayaw ko namang gamitin na yung bag kong nabili sa ukay ukay na nagamit
Dahil sabay kami dumating ni Kurog malamang magkatabi kami sa eroplano tatandaan ko Seat No 21 D ako, sya naman Seat No 21 E Medyo kinabahan ako ng konte kasi baka ito na ang una’t huling sakay ko :'( 21 din kasi ang birthday ko (lam mo yun parang 21 tapos 21 bday ko konek naman di ba? lels) syempre picture picture kahit pinapapatay na yung mga cellphones Akala ko nga may sasayaw din tulad sa mga balita, e sa Cebu Pacific lang pala yun.

Ang daming sinasabi sa eroplano di ko nakabisado.. isa lang natandaan ko sabi: “Bawal maglaro ng eroplano sa loob ng eroplano” natawa ako syempre yung iba hindi parang KJ lang, nakakatawa kaya yun
Ayun pamahiin pala yun sa mga eroplano para maging soft din ang paglalakbay Imaginin nyo na lang yung eroplanong pinapalipad sa kamay ‘di ba sobrang wavy? ayun sana napaliwanag ko hahaha
Akala ko noong mga oras iyon umaandar na ang eroplano at lumilipad na kami Hindi pa pala nasa kalupaan pa pala kami nahihilo na nga ako sa kakalakad ng eroplano.
“wala na bang ibibilis ‘to?” sabi ko. Mga men! bumubwelo lang pala!.. noong malayo na ang nararating namin.. maya maya nag announce na yung piloto.
Sabi…. ahh… (hindi ko kabisado english e..) Basta pagkakaintindi ko ready to take off na.
Kinabahan ako mag pre! pakiramdam ko pumapantay itlog ko kasabay ng pagkaipit nito sa dalawang hita ko napapahawak ako sa hawakan ng upuan Hindi ko alam kung ipipikit o didikit ko ang mga mata ko sa hindi ko matanaw tanaw na labas ng bintana Kasabay ng medyo may kadilimang ilaw sa eroplano natanaw ko ang linawag sa labas!
“Men! This is it! I’m Flying! I can’t believe i Can fly!!!” yun nagsisigaw sa isip ko yan habang damang dama kong umaangat kami ng wagas wagasan..
Nahimasmasan naman ako noong medyo panatag na ang eroplano kaso nawiwi yata ‘ko.. Namamaluktot ako kasi pakiramdam ko anytime puputok na pantog ko.. e bawal pa daw magtanggal ng sinturong pangkaligtasan o seat belt.. Sabi ko “isang oras lang naman ‘to, kaya mo yan otep!!
Wala sa intensyon kong gumamit ng palikuran ng eroplano habang umaandar ito pero hindi ko na kaya Kaya noong puwede ng tumayo ayun takbo agad sa dulo ng eroplano
Sabi nga nila "Bradford shoes is the EASIEST, FASTEST AND ONLY way to be taller. Why still be short when you can be taller now.

Nakaraos naman ako Kaso mas leveling pala ang ang flush dito kamuntikan na akong higupin palabas ng eroplano
Sobrang saya ko dahil nakaranas ako mag wiwi sa loob ng eroplano. Pero hindi ko nasagot ang tanong kung saan ba napupunta ang dumi ng isang taong tulad ko?
Wala akong mat na isang linggon gamitin na yung nagamit ko noo Mindoro kasama dahil mukha tala Hindi ko alam ku mga oras na iyon office namin. Sob imahinasyon ko iyun! na iyon t medyo may kab yata sa likod. Kon nakita sa ilalim n
Ganoon pa man, ako’y umaasa na maging magandang bahagi ito ng nasa ibaba.
Nabitin ako sa biyahe! kasabay ng nagluluga kong pandinig! Men! alam mo bang halos ma dehydrate ako kakalunok ng sarili kong laway pero hindi pa rin mawala wala ang barado kong tenga
Heksayted kaming bumababa Ay! ako lang pala gusto kong maglulundag at mag planking sa airport kaso baka nga magulungan ako! Ang sarap ng pakiramdam dahil sa unang pagkakataon bukod sa nakalipad ako e nakalabas ako ng Luzon! hindi pa ako nakapunta sa ibang airport pero ang Airport ng Iloilo ay sadyang napaka linis! at napakaganda kumpara sa NAIA!
Sana marami pa akong masakyan ng eroplano kasabay ng mga bagong pangarap na nais kong marating.
MEMASa isla Mng indanao
Sa isla Mng indanao

Gaya ng sinabi sakin ni CJ pwede daw akong kumuha ng Map sa tourist booth dun kaso wala akong nakita Actually wala ngang gaanong tao sa mga booth dun kasi nga sobrang aga pa ata ng 6:00am
Lumabas na ako ng airport at nag expect na may banner akong makikita na nakapangalan sakin Hahaha joke lang Pero nag expect ako na nandoon na si CJ para sunduin ako
Inulan ko s’ya ng text kung nasaan na s’ya o kung ano na ang gagawin ko pero madaming minuto din na wala siyang reply Habang tumatagal nadadagdagan ang daga ko sa dibdib kasabay nang unti unting pagkaubos ng mga tao sa waiting area.. 20, 10, 5 hanggang naiwan na lang ata akong mag isa. Naalala ko bigla yung huling pag uusap namin ni CJ na 7am ang pasok nya.. e mag aala syete na noon kaya sigurado na akong hindi n’ya na ako susunduin.
Tinext ko si Bino kung saang hotel ang pwede kong tuluyan na mura at malapit lang. Madaming naibigay sakin si Bino. Naalala ko yung binigay sakin na hotel ni Neo (Richard Diongson/Tubong Davao) na Sampaguita Tourist Inn Mura lang daw dun Since wala akong wi fi phone i mean, meron naman wala lang battery Tinext ko uli si Bino kung saang Lugar ang Sampaguita Tourist in Mt Mayon St Habang nakaupo ako sa mala tubong bakal na upuan sa waiting area pakiramdam ko talaga OFW ako tapos na illegal recruiter Sobrang kabado ako Nanalangin ako na wag akong bisayain ng masasakyan ko
Nagtungo ako sa pila ng Taxi Yung haba ng pila doon kanina ngayon wala na at may dalawang taxi na lang ang natira. Lakas loob akong nagtanong:
OTEP: Kuya may alam ba kayong hotel dito na malapit at mura?
Madami siyang sinabi pero wala akong naintindihan sa dami kaya nag iba na lang ako ng tanong
OTEP: Kuya malayo ba dito yung Sampaguita Tourist Inn?
DRIVER: Saan yun? (Sasagutin ko sana.)
OTEP: Sa Cebu (char Sa Mt Mayon Stree po kaya aabutin?
DRIVER: Mga 300 sig
OTEP: Naku! ang mah Sabay andar na kami

DRIVER: Bago ka lang
OTEP: Opo e Hindi ka Nagtaka na lang ako metro ng taxi (pinata
OTEP: Kuya paki met
DRIVER: Sige pakidag Wala na ako nagawa kaya umo O na lang Mabait naman si kuy pa ako na kasintahan ko dito “Kasintahan” pagsisisi nya sa kabataan nya kung bakit maaga syang nag asawa at kung anu ano pa Siguro halos kalahating oras din ang tinagal ko sa Taxing iyon na punung puno ng kwento ni kuya
Expected ko talaga
Dahil ayos naman si kuya hindi ko na kinuha yung sukli sa P20000 dahil sumang ayon naman ako sa “dagdagan” na sinasabi nya Bumaba akong may ngiti at pahabol na

hahahaha
inabot lang
P30000
Pumasok ako sa loob ng Sampaguita Tourist Inn. Tama nga! mura dito, sa sobrang affordable walang bakante at tanghali pa daw magkakaroon.
Dahil sa sobrang aga noon ayaw ko naman tumunganga ng ilang oras para sumugal kung magkakaroon ng bakante o wala.
Nagulat na lang ako noong sinabi nung babae na tignan ko daw sa kabilang branch nila (bandang likod) baka may bakante at mas mura pa daw doon Natuwa ako syempre kung yung branch nga nila na iyon ay naglalaro lang sa P300 50000 per day ay mura na paano pa kaya sa kabila?
SampaguitaPeople s Park. Infairness pang mayam at sobrang higpit ng security nila. Sana park sa Manila may kapkapan portion naging Mayor ako ng Maynila papagaw ganito. haha.
Grabre! Lumalaki pala ng husto ang Ph Eagle ng ganito kalaki! Hahaha. Yun n naiisip lang ng utak niknik na tulad ko Matapos malibot agad na ring kami lu ng People’s Park at tamang tamang m naghihintay na Dirty Ice Cream sa laba anong flavor pa ba ang pipiliin kundi D yumyum!


DOWNTOWN
Sinunod na agad namin ang paglibot downtown ng Davao City sa hindi nakakapagod na paraan. Sumakay kami ng Jeep at instant naming naikot ito. Ayos na ayos para sa mga taong ayaw mapagod. Kung tutuusin wala namang gaanong pinagkaiba ang Davao City sa Kamaynilaan. Kung meron man, ito ‘yung napapansin kong disiplinado sila sa kalsada.
Walang gaanong matataas na gusali sa Davao kung ikukumpara sa Makati City pero kung iaadvance natin ang isipan natin, hindi imposibleng




“WELCOME TO DAVAO”
Isang oras din sila naghintay sa amin ganoon pa man magsalamat na lang sila at nasundo sila! (ako nga hindi e. hahaha bitter pa din.)

Tila pagkikita ng nagkalayong pamilya ang scene namin sa airport may yakapan portion pang nangyayari samantalang si Jhiegz nganga lang
Dahil hindi ako nakapagpa picture picture sa Durian kahapon kaya pinilit kong magpicture kahit may kuha na sila doon


JAZZY JAMES COUNTRY HOTEL Halos tanghali na noong nakarating kami sa downtown. Dumerecho muna kami sa hotel na pangmayaman ito yung JAZZY JAMES COUNTRY HOTEL na matatagpuan malapit sa VICTORIA PLAZA MALL sa kahabaan ng J. P. Laurel Avenue at sa Lacson street naman ang hotel. Weird nga lang ang rate ng hotel nila dito kasi mas mura ang triple kaysa sa double. Syempre mas pipiliin dapat namin yung mas mura kaso wala pang vacant kaya kinuha muna namin yung double
Fully Airconditioned ang mga rooms nila, Hot and Cold ang Shower nila, meron syempreng Elevator!, In House Restaurant, telepono, Cable Television na flatscreen, Parking Lot, accessible sa mall/ kainan higit sa lahat Wi fi! (mabilis wi fi nila dito promise) Kaya sana sa pagbalik ko dahil sa blog post na ito, discounted na ko hahaha!
Pagkalapag na paglapag ng aming mga gamit pahinga muna kami ng kaunti at lumarga na para kumain sa Mcdonalds na
Salamat kay ate Leah para sa Chicken fillet
Mabuti na lang at hindi namin tinake out dahil isang oras pa pala papunta sa next destination namin Philippine Eagle Foundation. Pero bago pa man iyon dinala muna kami ni CJ sa Calinan Museum.
PHILIPPINE JAPAN HISTORICAL MUSEUM Mula sa Harap ng Victoria Plaza mall (J P Laurel
JapanHistorical Museum
Bago makapasok sa museum kinakailangan mong magtanggal ng sapatos o kung naka tsisnelas ka na siguro kailangan mo pa din magpalit Tulad sa tradisyon ng mga east asian countries kinakailangan mong magtanggal ng sapatos sa pagpasok ng isang tahanan upang mapanatiling malinis ang kanilang bahay Kaugalian sa bansang Hapon ang paghuhubad ng sapatos bago pumanhik sa loob ng bahay Ang sapatos ay hindi dinadala sa loob ng bahay at may nakalaang lalagyan sa may pintuan o “genkan” kung saan ito itinatabi. May mga tsinelas na ginagamit para sa loob ng bahay, ngunit ito rin ay hinuhubad bago pumasok sa isang “tatami room”. (o di ba maka search wagas!) haha

Bago sumiklab ang pangalawang pandaigdigang digmaan naging sentro daw ng pag aabaca ang Davao partikular sa Mintal na siya namang naging malaking bahagi ang mga hapon Doon umosbong ang maraming pag iibigan naks! kaya nagawang magpakasal ang mga lalakeng hapon sa mga lokal na kababaihan ng Davao.
Noong napadpad ako sa Davao, ganoong nabansagan na nga itong “Little Tokyo” ng Pilipinas, minsan mapapatanong ka pa rin kung bakit parang wala ka namang gaanong nakikitang singkit ng mga tao dito.
At may paliwanag na ang teorya ko dito! sumama na kasi ang mga asawa’t pamilya nila maaring sa bansang hapon o sa iba’t ibang parte ng Pilipinas para maghanap ng ikabubuhay o sa alam nilang mas giginhawa ang buhay nila Matapos ang digmaang pandaigdig muling bumista ang mga Hapon sa Davao upang balikan ang mga sentimental na pangyayari sa buhay nila at doon nga tinayo ang Museum na ito para mapreserba kung anong kasaysayan ang naipon sa mahabang panahon.
Kaya naman sa loob ng museum madami kang matatagpuan na uukit sa iyong imahinasyon kung anong pamumuhay mayroon sila noon

At bilang isang layout artist na inspired ako sa mga lumang pahayagang hapon na naka display dito Ang sarap isipin kung sino ba ang naglayout ng pahayagan na ito, isipin nyo naging bahagi sya ng kasaysayan


PHILIPPINEEAGLECENTER


Mula sa Calinan Museum sakto may tricycle na nakontrata nam isa papuntang Philippine Eagle Medyo naguilty na nga ‘ko kasi m may kalayuan pala tapos P80.00 binayad namin. Mas naguilty ak nakalimutan ko magbayad kun man nag abono hahaha lels.
Pagdating namin sa Davao City District, isang mala gubat at ref lugar ang sumalubong sa amin kinakailangang magbayad ng P entrance at P300 para sa mga b tulad ko lels
Bukod doon, sinalubong din pa mga nagbebenta ng hand mad bracelets na naka traditional cu Hindi ako bumili kasi magui gu naman ako kapag yung iba hind mabilhan.




At dahil nga sa paimportante ako, late na kaming nakarating doon at nagmelagrong meron pa rin palang ibang pampasaherong bangka papunta doon. Pacific boat yung nasakyan namin na P60.00 ang pamasahe.
Maayos naman yung bangkang sinakyan namin Mukhang kumpleto naman ang mga emergency kit at anik anik nila sa bangka. Sandali lang din kaming naghintay at hindi na pinuno dahil may oras talaga ang pag alis.
Mga alas Diyes ng umaga kaming nakaalis mula sa pantalan.
Maayos naman ang klima ng umalis ang bangkang sinasakyan namin. Napakapanatag ng tubig sa dagat na parang hini hele ka lang kaya magagawa mo talagang makatulog, Haluan pa ng preskong hanggin.
TA ng namin sa pier medyo isip ako kung ano namang atnan namin dito?. Nagkamali ako. o nagamit ang kasabihang “don’t he pier on it’s cover” haha. ad kami ng humigit kumulang 300 bang bago namin natuntun ang a. Yung chapel ang una naming Tamang tama pala ito tuwing na araw o holy week tuwing r, yung tipong kahit nag eenjoy wede pa ding magnilay nilay

pagpunit ng gift wrapper, unti unti kong nasisilayan ang supresa nito sa loob.
Sobrang berde ng lugar kasing berde ng pag iisip ko. hahaha.

Umorber kami ng Sinigang na baboy na pagkasarap sarap saka isang nakaka highblood na liempo na pagkasarap sarap din naman samahan mo pa ng isang 1.5 litre na happiness Coca cola ahhhhhhhhhhhhh. coca cola! haha. syempre may tatlong kanin, ewan ko ba feeling ko nagpapanggap lang yung mga kasama kong hindi malakas kumain ng kanin. peace!
Humigit kumukang 450 ang nakain naming tatlo
Parang wala kami sa beach noong mga oras na iyon kundi sa Golf Course, napapa-“pangmayaman!” na lang ako. Mas lalo na noong napadpad na ako sa tabing dagat “shetness!” talaga. Ito na yung ideal beach ko kasi sobrang lilim na lugar, ‘yung tipong pwede kang mag sun bathing sa lilim. haha. Ito na yung place para sa mga ayaw umitim.
Sa loob ng
mayroon na ding kainan,

kami bumili
dahil alam naming may makakainan na rin dito.
syudad

Bukod sa aming tatlo wala ng ibang tao sa Isla Reta maliban sa dalawa na kung hindi ako nagkakamali ay magsyota/asawa. Doon nagkaroon sila ng pagkakataon sisirin ang ilalim at babaw ng dagat. Yeah puwedeng mag snorkel at mag diving. At dahil kami lang ang tao doon libre naming nagamit ang mga cottage.
Nakakatuwa ang isla na ito, first time ko yatang makakita ng mga tupa, tapos sa isla pa. Noong nilapitan ko sila nag aykatan sila sa mataas na bahagi ng lupa doon. Mabuti na lang at may nahagip akong baby tupa .

At dahil maliwanag pa nang makarating kami sa Sta Ana Wharf may time pa para pumunta pa sa ibang lugar. Katabi lang ng Pier ang Magsaysay Park kung saan matatagpuan din ang madaming vendor ng Durian na pagkakakilanlan syempre ng Davao.
Sa harap naman ng mga bilihan ng Durian ang China Town. Akala ko sa Maynila lang may China town meron din pala dito sa Davao.


The Davao Chinatown is the Chinatown located in Davao City and the only one in Mindanao It is the primary residential area of the Chinese Philippine community in the city The area is bordered by Santa Ana Avenue, Monteverde Avenue, Ramón Magsaysay Street and León García Street It is the Philippines' largest Chinatown

Sa hotel, nagkaroon kami ng bisita si Xprosaic, first time ko lang sya makilala kung alam ko lang dati na pangmayaman sya, sana dati ko pa sya kinaibigan hahaha lels.
Ayun, at natapos na rin maligo si jhiegz kaya matapos nun pinagdrive nya na kami papunta sa sa aming dinner venue! Kainan na!

PENONGS
Kung nagkalat man ang mga Mang Inasal na sikat dahil sa kanilang unli rice sa kamaynilaan, Siguro ang Penong’s na ang pinasusyal na Mang Inasal sa Davao city Biruin mo pati fruit shake nila merong Payong haha SUSYAL!
Saktong ngang nakasabay pa naming kumain si Kuya Bernard na kadarating lang din noong umaga. Dahil nga hindi nakasama sa amin si ate Leah sa isla maswerteng nakasama na namin sya dito sa Dinner!
P20000 pesos ang naging share ko sa dinner na ito kasama na ang chapsuey, mango shake at BBQ ICE CREAM GIANT Syempre pagkatapos mag dinner ano pa ba ang isusunod? kundi ang katakam takam na Dessert

y p p g Giant sa kahabaan ng Santa Ana Avenue kung saan nagsisigaw sa laki ang ice cream nila .
Nakakatawa man, pero hindi maiwasan na kuhaan s’ya ng kuhaan ng picture. Parang pumunta lang kami dun hindi para kumain kundi para magpa picture sa mala artistang Ice Giant Magkasuka suka man kami sa kabusugan sa Penongs, tuloy pa din ang lamon ng ice cream sa Ice Giant Sarap buhay Pasensya na kung hindi ko masasabi kung magkano dahil hindi naman ako nagbayad, pero kung madadaan ka sa Davao City huwag na huwag mong palalagpasin ang Ice Giant!



Eden Nature Park sa Davao

Mula naman doon, nakita naman namin sila. haha. Nagtanong tanong kami (sila lang pala) kung paano makarating sa Eden Nature Park & Resort. Sumakay kami ng Jeep papuntang Toril at bumaba sa Mercury Drug Store Mula naman doon may paradahan na mga tricycle at habal habal paakyat ng bundok ng Talamo na aabutin din ng kulang kulang isang oras na biyahe
Ngayon kasi ang dating ni Mark Salvador aka Mahal na Poon dito sa Davao, at nandito na rin daw si Joel Matira aka Batang Mangyan. Susunod pa daw si Will Cabrera. Sayang naman kung mami missed ko lahat ng pwedeng mangyari kasama sila. Ayun! nagpapigil na lang ako sa sarili ko kaya extended pa!
Sakay ng taxi kasama sina Ate Leah, Jhiegz at ang bagong dating na si Mahal na Poon nagtungo kami sa MTS (Matina Town Square), kung saan katatagpuin naman namin si CJ at kuya Bernard
Mapalad akong si Mahal na Poon ang nakasama ko sa motor na may sidecar (hindi ko masabi kung tricycle iyon dahil wala namang mga dingding at bubungan maliban sa payong na tulad ng mga nagsosorbetes sa daan
Noong una, hindi ko naisip kung bakit kami pinagpalit ng pwesto sa pagkakaupo ni Mahal na Poon, at si Mahal na Poon na rin ang sumagot na para daw maging balanse kami.
Sa biyahe paakyat ng bundok, ihanda na ang tenga sa pagbabara nito dahil 3,000 feet above sea level ang taas ng pupuntahan nyo, para ka ring nasa eroplano
Kahit medyo may pakiramdam na parang tatalsik kayo sa daan habang hindi mo rin matansya ang kalsada kung kailan bibilis at haharurot ang sinasakyan nyo, ma eenjoy mo pa rin naman ang kalikasan at ang linis ng Davao Mapapansin nyo din ang mga kulay kahel sa kalsada na hindi mo mawari kung laruan, prutas o kung ano mang bunga ito Ito daw yung Mickey Mouse Plant Parang gusto ko ngang hawakan kung may pagkakataon
Nakarating naman kami sa gate ng Eden Nature Park ng matiwasay. At dahil wala akong wallet noon dahil na kay Yaya (Ate Leah) si Mahal na Poon na ang nagbayad. Hindi ko lang alam kung magkano pero nasa 50 80 pesos ata ang isa. Nakalibre na naman!



Mula sa loob ng Nature Park nakahanda na pala ng buffet na pihanda namin haha kami talaga nagpahanda Doon, natanaw na namin si Joel mag isa, syempre nagulat kaming lahat dahil nauna pa sya Mas nagulat ako noong makita ko si Marvin Gaspar aka Kikilabotz Lumingon lingon ako sa paligid baka may makita pa akong iba na ako na lang ang hindi pa nakakakita Ayun wala ng ibang dagdag silang dalawa lang Ang daming pagkain! pero pakiramdam ko kakaunti lang ang nakain ko, siguro nabusog ako sa hangin kanina sa sobrang dami kong nasinggot Sayang kasi yung pagkakaton na

Ang sarap pala sa pakiramdam yung pagkakataong nasa matatas kang puno tapos kakatapos lang umulan haaaaaaaaaaaaaay buhay that’s life sarap!
Nagsimula na kaming mamundok, kapansin pansin ang mga walang pakialam na mga hayop na naglalakad lang kung saan saan, hindi ko nga lang sila makilala basta mukha silang mga kamag anak ng manok
MEMANoong una talaga, akala ko ito na yung zipline, mabuti na lang talaga walang nakahalata sa kamangmamangan ko. Syempre kailangan ma try ito, kahit pa feeling ko mataas pa sa akin ang kababagsakan ko kung saka sakali. Walang nakapigil sa amin kahit pa maputik ang paligid dahil katatapos nga lang ng malakas na ulan
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na magmura kapag napapadpad na ako sa dulo sakay ng India Jones Halos italsik ka kasi nito pabalik ng Maynila sa lakas kaya mapapura ka talaga (Parang
talaga sa pagmumura
POOK PASYALAN
Matapos noon sinunod muli namin ang paglalakwatsa, lakas talaga ng trip kahit maputik lakad kami ng lakad. Hanggang mapadpad kami sa Pook Pasyalan kung saan makikita ang iba’t ibang uri ibon at hayop na ngayon ko lang nakita at dito natagpuan.
BUTTERFLY GARDEN
Sobrang natuwa ako sa lugar na ito Dati kasi sa TV ko lang ‘to napapanood ngayon nakasalamuha ko na ang mga butterfly Ang gaganda pala talaga nila sa personal at hindi sila naiilang sa mga tao
ZIPLINE

Ito na talaga ang totoong zipline Sa totoo lang nakakalula, pero iniisip ko na lang na kung ang roller coaster ay kinakaya ko, kaya ko din siguro ‘to.
P150.00 kada tao ang bayad para masubukan mo ang napakataas ng zipline. Kalahati lang sa amin ang sinubok ang tapang.
Masayang natapos ang araw na iyon sa Eden Nature Park na puno ng mga bagong karanasan Kahit hindi namin nalibot Paano ba naman 80 hectares ang laki nun, saka medyo masama ang panahon
Paglabas namin, muli kong masusubukan ang habal habal, yun lang kasi ang available doon sa taas dahil bawal ata tumambay yung pampasaherong mga motorcyle na may sidecar
Napagpasyahan namin na magkanya kanya muna pagkababa ng downtown at magkita kita pagdating ng hapunan sa Penongs. At ito na nga ang aming mga kinain
Matapos ang kainan, bahagyang nagkainuman sa harap din ng Penong’s sa kahabaan ng Santa Ana.
Punung puno ng kwento ang paglalakbay na ito sa Mindanao At tiyak na hindi ko ito makakalimutan Hanggang sa muli Ka mema!

Alam n’yo, naniniwala naman ako sa kasabihang “kung mahal mo naman talaga ang tao, tatanggapin mo s’ya kahit ano o maging sino man sya” pero paano mo matatanggap ang senaryong hindi naman kayo pero nagagawa n’yo yung mga ganoong bagay?
Fact: Wala naman sigurong makikipag tooo tooot* sayo ng ganoon kadali kung wala pa s’yang karanasan sa iba. Pero naniwala ka naman!. Fact you! talaga.
Ang sistema lang noong naging “kayo” pa ay hindi man n’ya nasabi yung nakaraan n’ya kahit tinatanong mo. Sobrang pinaniwala ka n’ya sa lahat ng first time n’ya “kuno” sa piling mo tulad ng first kiss at holding hands. ‘Yun pala naganap na ang sagad sagarang maaring matamo ng isang pagkatao sa larangan ng “chuvaness”!
Doon mo maiisip bigla lahat ng nagawa mong pakikipaglaban sa nararamdaman mo para sa kanya Ang mga pakikipagbuno mo sa larangan ng pag ibig at pagmamahalan laban sa tinatawag na “hangal na pag ibig” ekek
Doon biglang babaliktad ang sikmura mo na parang sa sitwasyong sa pelikulang “AMOK” ng cinemalaya 2011, akala mo tunay na babae ang kahalinghingan mo yun pala transexual na magaling ang pagkakagawa?

katulad din sa galing n’ya sa pagsisinungaling na akala mo’y tunay na birhen yun pala birhen birhenan lang pala!
Hindi ko nais pag diinan dito na kamuhian natin ang mga HINDI NA VIRGIN.. bakit malinis ka!? Pero nais ko sanang pagdiinan ang KATAPATAN sa kapwa mo ke gumagawa kayo ng kasalanan o milagro Ang isang kasalanang tulad sa maagang pagpapalabas ng makamundong pagnanasa ay hindi na dapat sundan pa ng isang kasalanang tulad ng pagsisinungaling na saganang akin ay katumbas ng sakit na AIDs na wala ng lunas (kasi naganap na pero )
Hindi masamang magpatawad ang masama ay kung ikaw na ang nagkasala ay hindi ka pa marunong humingi ng tawad sa kapwa
LAHAT NG TAO MAY DUNGIS SA KATAWAN, PERO PUWEDE YUNG MABAWASAN KUNG ILILIGO MO LANG NG KATAPATAN! #mema
KWENTONG KATATAKUTAN
ZIGZAG

sakayakongpampasaherongDyip biyahengpa Alabang.Pabalikakosa boardinghousenatinutuluyankosa Pandacan,Manilamulasamahigit isanglinggongbakasyonsaCavite
Hindi na iba sa atin ang makakita ng tulog sa loob ng sasakyan, madalas isa rin tayo sa nakakatulog dahil sa haba at nakaka inip na biyahe Noong araw na iyon, nagawa ko ang ganoong sitwasyon subalit sa nakakakilabot na pangyayari isang panaginip naakalain mong totoong nangyayari Sa parehong sitwasyon, sakay din daw ako ng pamapasaherong Dyip biyaheng Alabang nang magising ako sa lakas ng busina nito. Pagmulat ng aking mga mata isang Truck ang tumambad sa harap ng sasakyan namin. Sa taranta ng aming Driver iniliko n’ya ito, subalit sa sobrang kalituhan bumangaa kami sa mga halaman at madamong gilid ng kalsada at tuluyang rumagasa pababa ng bangin. Nagpagulong gulong kami kasabay ang mga nagsisigawang mga pasahero “arrrayyy.., tulongg…, saklolooo”
Nang mahipo ng Jeep ang mabasa basa at mabatong ilalim ng bangin sinundan ito ng malakas na pagsabog Ang pagsabog na iyon ang s’yang gumising sa’kin sa katotohanan na isa iyong bangungot Pero tila napaka hirap paniwalaan na hindi iyon totoo ang mga sitwasyon , at lugar ng pangyayari parehong pareho! Pawis na pawis ako noong mga oras na iyon, tila imposibleng mangyari na lumatak ang mga pawis mo sa ganoong kadami lalo na’t madaling araw iyon at napaka lamig ng hangin na pumapasok sa loob ng sasakyan. Hindi ako mapakali, natataranta ako kaya nagawa kong sumigaw ng napaka lakas. Mas lalo na ng malaman ko na malapit na kami sa Zigzag ang pinangyarihan “Manong para po!… Manong bababa ako!”
Huminto ang sasakyan at natatawang tinatanaw ako ng mga pasahero kabilang ang driver Ang iba naman ay nagising sa kanilang pagkaka iglip at nagbibigay na kani kanilang reaksyon
“Sino naman kaya bababain n’ya dito , eh wala namang nakatira dito ?”
Hindi pa ako gaanong nakaka baba sa jeep, nakita ko ang kapwa ko pasahero na mag asawa kasama ang kanilang anak na umiiyak, kung hindi ako nagkakamali nasa pito hanggang siyam na buwan ang edad ng bata nang maibulaslas ko ang ganito.. “’te paki usap bumaba na rin kayo”
Tila susunod naman sa’kin ang babae ng buhatin n’ya ang bata sa aktong tatayo Pinigilan ito ng kanyang asawa “baliw ka ba?!.. Adik ‘yun..wag mong pansinin”
Hindi ko na alam ang sumunod na pangyayri sa pagitan ng mag asawa dahil humarurot na ang sasakyan
Madilim ang parteng iyon ng zigzag na pinag babaan ko, pero hindi ako natakot na baka may mangyari sa akin, ang mas kina katakutan ko na baka magkatotoo ang panaginip.
Nanlalamig ang buo kong katawan na may kasamang panginginig. Hindi ko man nakikita pero nararamdaman kong namumutla ako sa takot.
Minuto din ang hinintay ko bago dumating ang sumunod na Dyip na biyaheng pa Alabang din Agad agad akong sumakay sa sasakyan katabi ang Driver at isang pasahero nito sa harapan Ilang sandali lang matapos lumiko ng pakanan ang sasakyan may pumarang mag ina
Hindi ako nagkakamali na sila mismo ang nakasabay ko sa Dyip na sinabihan kong bumaba na
Samantala, sa kasamaang palad hindi sila pinansin ng driver at nakasakay sa dyip sa kadahilanang punong puno na ang loob ng sasakyan Naawa ako sa mag ina at na guilty sa nagawakong kabalastugan Kung hindi ko sila binulabog sana wala sila sa ganoong lugar Ganoon pa man, labis ang pagtataka ko kung bakit hindi nila kasamang bumaba ang asawa nito. Ganoon na ba kasama ang lalake para pabayaan ang kanyang mag ina sa ganoong kadilim at kadilikadong lugar?
Hindi pa rin mawala ang bagabag sa’king dibdib noong mga oras na iyon. Habang binabagtas namin ang ma kurbang daan isang malakas na pagsabog mula sa bangin ang gumuluntang sa’min Tuluyan na nang umagos ang naiipong likido sa aking mga mata sa sobrang hilakbot
Totoo ang panaginip! Totoo ang nasaksihan ko! Mga salitang sa isip ko lang isinisigaw habang tulala at habang naparalisa ang biyahe ng ilang saglit Nais tumulong ng mga pasahero, ang masaklap lang hindi nila magawa sa kadahilanang malalim ang bangin Ang truck naman na kapwa napahinto ay maya maya ay umandar ang makina at lumayo.
Walang naka saksi sa aksidente kung ano ang tunay na nangyari bukod sa truck na salarin at sa sarili kong panaginip.
Nakauwi naman ako ng matiwasay sa boarding house ni walang paso o gasgas sa balat, taliwas sa nakaka pangilabot kong napanginip Noong araw na iyon pinilit kong huwag munang pumasok sa unang araw ng second semester

Buong araw akong natulala at habang naghihintay ng balita sa telebisyon ukol sa aksidente , ay nabalitaan kong ni isa sa mga pasahero ay walang nabuhay o kahit naisugod man lang sa ospital Ni isa rin sa mga kamag anak ko ay walang nag alala na baka isa ako sa nadamay sa aksidente Pero naiintindihan ko kung bakit dahil ugali ko nang mag text pagkarating na pakarating ko pa lang sa Maynila
Wala akong pinag sabihan ng kuwentong ito bukod sa kausap ko sa panalangin dahil alam kong walang maniniwala.
Decembre ng muli akong umuwi sa Cavite para sa Christmas Vacation. Hindi ako makapaniwala na magpa hanggang ngayon ay nabubuhay pa ako at nakaka usap ko pa sila Niyakap ko ng mahigpit si Mama pagkarating ko at nagpasalamat na may kasamang paghingi ng tawad Nagtaka silang lahat dahil hindi iyon gawain ng estudyateng tulad ko
“o bakit may nangyari ba? naku may lagnat ka ba?" nangingiting winika ng mama ko At sinabayan ng tawa ng mga kapatid kong first time akong nakita sa aktong iyon
Enero nang bumalik ako sa Maynila Sakay pa rin ng dyip dahil wala namang ibang sasakyan bukod doon. Sa ganoong araw pa rin ng lunes, papasok sa unang araw ng pasukan sa eskwela ngayong taon.
Dilat na dilat kong ibinayahe ang mga mata ko at tila may pobya na sa paghimbing sa loob ng Jeep. Papasok na kami sa zigzag noon malapit sa pinangyarihan ng aksidente nitong nakaraang taon Nang makaramd
May pumarang mag ina sa sinasakyan naming Jeep pero tila ako lang ang nakakakita Maluwag ang loob ng sasakyan, kasya ang walo hanggang sampung katao
Subalit hindi ito pinansin ng driveram muli ako ng hilakbot na triple na ngayon
Naiiyak ako noong mga oras na iyon at tila nais kong mabaliw, lumiko ang dyip at muli ko silang nakita, ayoko silang tingnan pero lubhang hinihikayat ang mukha ko palabas ng bintana para tanawin sila Nakakatakot ang kanilang anyong duguan at humihingi ng tulong Muling lumiko ang dyip pa kanan at muli ko na naman silang natanaw mas nakakatakot dahil inaagnas ito at patuloy na humihingi ng tulong, mas lalo na nang lumapit sila sa mukha ko pa mismo.
Wala akong magawa noong mga oras na iyon, hindi ko naman magawang ipikit ang mga mata ko dahil sa pobya na baka makatulog. Nang makalabas kami sa Zigzag abut abot ang pasasalamat ko dahil kusa na silang nag laho
Sikat na ang araw ng makarating kami sa Alabang, pinilit kong magpaka normal mahirap man magpatay malisya na parang walang nangyari

Simula noon hindi na ako dumaan pa sa zigzag ng Governor’s Drive ng Cavite at mas pinilit na daanan ang mas malayo pauwi man o pabalik
Hindi ko alam kung naging malas ang aking kakaibang karanasan o mapalad dahil sa pangalawang pagkakataon na ipinakaloob sa akin.
Siguro nga hindi ko pa oras, maswerte lang talaga ang mga taong tulad ko na nabibigyan ng pagkakataong humingi ng kapatawaran sa mga taong mahal at mga taong alam kong nasaktan ko Kumpara sa mga taong binawian ng buhay sa hindi inaasahang pagkakataon na magpahanggang sa ngayon ay hindi pa rin natatahimik ang kanilang mga naliligaw na kaluluwa