KASAPI: School Press Advisers Movement (SPAM), Inc. | National Federation of Campus Journalists (NFCJ) |
www.oraetlaborabil.wordpress.com
facebook.com/OraetLaboraBIL
@OraEtLaboraBIL |
Hulyo - Oktubre 2018 Isyu | Tomo 1 Bilang 1
LABANAN ANG KRIMINALIDAD Huwag kang matakot ipaglaban ang bayan - Sereno Janna Mikaela Biazon
I
sang panata ng pagprotekta sa kapakanan ng bayan na pinamunuan ng dating Punong Hukom Maria Lourdes Sereno ang sinumpaan ng higit sa isandaang mag-aaral, kabilang ang ilang piling mag-aaral ng Benedictine Institute of Learning mula sa Junior High at Senior High School sa dinaluhang forum na inisyatiba ng Unibersidad ng Pilipinas - Lipunang Pangkasaysayan (UP-LIKAS).
Nakibahagi ang mga mag-aaral na miyembro ng BIL UNESCO Club at mga mag-aaral sa Humanidades at Araling Panlipunan (HUMSS) ng Benedictine Institute of Learning sa isinagawang tatlong araw na Pambansang Kumperensya ng mga Mag-aaral sa Kasaysayan ng Unibersidad ng Pilipinas na may temang “SALA: Krimen at Kriminalidad sa Kasaysayan at Lipunang Filipino.” Naging isa sa mga pangunahing tagapagsalita si Gng. Sereno na nagbigay ng susing pananalita na tumalakay sa digma laban sa droga, kriminalidad at karapatang pantao. “By any normal, moral and legal standards, we should have already let out a collective scream and immediately resisted the bloodbank of no less than 27,000 Filipinos,” ani Sereno sa wikang Ingles, na tinutukoy ang madugong
kampanya ng administrasyong Duterte laban sa ilegal na droga. Binigyang-diin ni Sereno ang ayon sa kanya’y mga kalabisang nagawa ng pamahalaan ng kasalukuyang Presidente Rodrigo Roa Duterte sa layunin nitong mapuksa ang kalakalan ng droga sa Pilipinas. Ito ang ikalawang taon na nagpapadala ang paaralan ng mga delegado sa nasabing kumperensya. Itinuturing ng mga mag-aaral at guro ng BIL na isang pribilehiyo ang makasama sa mga ganitong pambansang kumperensya. “Napakalaking tulong ng pagdalo sa mga ganitong klase ng malayang diskurso ukol sa kasaysayan. Nagkakaroon ang mga mag-aaral ng kamalayan sa mga isyu ng lipunan noon na naihahalintulad nila sa mga kasalukuyang isyu ng bansa,” ani G.
BALITANG-ALUMNI
BIL Alumnus, itinalagang SK President ng Imus City
Cedric Joces Yoro, guro sa BIL at tagapayo ng mga mag-aaral sa Senior High. Ayon naman kay Polyn Triviño, pangulo ng BIL UNESCO Club, naimulat siya ng nasabing kumperensya sa mga kasalukuyang pangyayari sa bansa na may malalim na pinag-ugatan mula sa ilang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas. “Naging open yung isip ko sa mga pangyayari na nagaganap sa bansa at naging aware rin ako sa consequences ng mga actions ko sa future,” ani Triviño. Ang kumperensya na ngayo’y nasa ika-dalawampu’t-pitong taon na ay naglalayong isulong ang kritikal na pag-iisip at pagtalakay sa mga isyu ng kasaysayan at pagpapalaganap ng kamalayan sa kultura at lipunang Filipino sa pamamagitan ng iba’t ibang mga aktibidad kagaya ng nasabing kumperensya. █ TINDIG LABAN SA DIKTADURYA..Isang hamon ang iniwan ng dating Punong Mahistrado Mari Lourdes Sereno sa mga kabataang dumalo sa nakaraang ika-27 Pambansang Kumperensya ng mga Mag-aaral sa Kasaysayan ng Unibersidad ng Pilipinas na dinaluhan ng mga mag-aaral ng Benedictine sa pangunguna ng UNESCO Club. Larawang hiram mula sa UP LIKAS Facebook Page
Benedictine Institute of Learning, Abad Homes Subd., Medicion IB, Imus City
Dibisyon ng Lungsod ng Imus, Rehiyon 4A - CALABARZON
M
akaraan ang dalawang taong bakante ang posisyon, itinalagang Pangulo ng Pederasyon ng Sanguniang Kabataan (SK) si Joshua Sherlanbert Y. Guinto, makaraang manalo ito sa Barangay and SK Elections na ginanap noong Mayo 14. Isang alumnus ng Benedictine Institute of Learning, nagwagi bilang SK Chariman si Guinto sa Barangay Poblacion 1D, Lungsod ng Imus. karugtong ng balita sa pahina
2
BALITANG KOMUNIDAD
Anong Meron?
BALITANG pAMPAARALAN
Tumataas na bilang ng mga nagko-komyut na estudyante, positibong solusyon sa trapiko
K
amakailan, naging kapansinpansin ang mas maluwag na daloy ng trapiko sa kahabaan ng Abad Homes Subdivision mula nang magsimula ang pasukan nitong nakaraang Hulyo. Ito ay dahil sa marami na sa mga mag-aaral ang pinipiling sumakay ng pampublikong sasakyan sa pagpasok sa paaralan kaysa magpahatid gamit ang sariling sasakyan. “Bukod sa mga school buses ng Benedictine, kakaunti na lamang ang pumapasok na sasakyan sa Abad Homes, kaya maluwag na rin ang daloy ng trapiko sa umaga at hapon.” ani Mrs. Sonia Ramirez, kawaning pangadministratibo ng paaralan at siyang nangangasiwa sa pagpasok at paglabas ng mga sasakyan sa loob ng paaralan. Matatandaan na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan karugtong ng balita sa pahina
3
BALITANG KOMUNIDAD
Kasanayan ng Junior High sa pananaliksik, muling pinanumbalik
P
agkatapos ng higit dalawang taon, muling ibinalik sa Junior High School ng Benedictine Institute of Learning (BIL) ang elektib na asignaturang Research para sa ikasiyam at ikasampung baitang upang palawigin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pananaliksik bilang paghahanda nila sa Senior High School at kolehiyo. Ayon kay Dr. Gina T. Pira, Kagawaran ng Edukasyon mula sa tagapangasiwang pang-akademiko ng Revised Basic Education Curriculum BIL at kasalukuyang humahawak ng (RBEC) papuntang Enhanced Basic mga asignaturang Research sa Junior Education Curriculum (EBEC) o mas at Senior High School, napapanahong kilala bilang K to 12 Curriculum kung ibalik muli ang asignaturang Research saan nadagdagan ng dalawang taon sa Junior High School dahil isa ito sa ang pag-aaral sa mataas na antas. mga nagiging kalamangan ng mga Dahil nga ang asignaturang mag-aaral na gumagradweyt mula Research ay kukunin rin ng Junior High School papuntang Senior mga estudyante sa Senior High, High School at kolehiyo dahil mayroon nagdesisyon ang administrasyon na na silang paunang kaalaman sa tanggalin ito sa Junior High noon. pananaliksik, isang kasanayan na “We already have produced kinakailangan sa kolehiyo. college graduates who excelled in “It is the prerogative of the school their research subjects because of this to implement research subjects as advantage. Others even presented early as Junior High School.” ani Dr. their researches abroad,” anang Pira. tagapangasiwang pang-akademiko Dalawang taong nawala ang na nagtuturo na ng asignaturang elektib na ito sa Junior High dahil Research sa Benedictine mula noong sa pagbabago sa kurikulum ng 2005. █ Shaina Mae Dalipe
Importante ang hirap para sa pagbabago ng SSG - Yoro BALITA | 2
PEKENG KWENTO, WALANG KWENTA! OPINYON | 9
NATO SA PUBG AUSTRALIA TOURNAMENT
ISPORTS | 20
BALITANG KULTURA
UNANG PALIGSAHANG NEWTON
PAGDAMAY. Nagsagawa ng ocular inspection ang STEM students para sa kanilang outreach program sa Brgy. Pag-asa bilang bahagi ng kanillang programa sa asignaturang DRRR. Photo by Rev Aladin Luzong
Ugnayan ng BIL at komunidad, pinaigting ng DRRR
B
ilang pagtugon sa layon ng paaralan na humubog ng mga magaaral na may pananagutang-sibiko, bumuo ang mga mag-aaral ng Senior High School ng inisyatiba, katulong ang kanilang guro sa Disaster Readiness and Risk Reduction (DRRR) ng ugnayan sa pamayanan, partikular sa barangay Pag-asa, Lungsod ng Imus. Nagsagawa ng sarbey sa pamayanan ang mga mag-aaral ng Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) at General Academics Strand (GAS) upang malaman ang mga pangunahing pangangailangan sa naturang lugar at makapagsagawa karugtong ng balita sa pahina
4
AGHAM | 13
NGITING TAGUMPAY. Para kay Helaena Lobren, miyembro ng SINAG, isang karangalan na i-representa ang paaralan sa mga kumpetisyong kagaya ng HataWatawat Street Dance Competition na isinagawa bilang pagdiriwang ng Araw ng Bandila. Larawang hiram mula kay Jocelyn Lobren
M
SINAG, nagbabagong-imahen bilang tagasulong ng kultura
akaraan ang pagkasungkit ng ikatlong puwesto sa nakaraang HataWatawat Street Dance Festival na isinagawa ng Lungsod ng Imus bilang paggunita sa Araw ng Bandila, napagdesisyunan ng SINAG Performing Arts Company na gawing adbokasiya ang pagsusulong ng kulturang Filipino sa pamamagitan ng sining ng pagtatanghal, partikular ang sayaw. karugtong ng balita sa pahina
3
SI LOUIS AT ANG KANIYANG OBRA MAESTRA LATHALAIN | 10