ANG CAYBIGAN 2025

Page 1


Mindanao Ave. Ext., binuksan na sa publiko

“Inaasahan po natin na gagaan ang daloy ng trapiko sa Quirino Highway, P. Dela Cruz, at sa General Luis sa pagbubukas po natin ng Mindanao Avenue Extension.”

Ito ang pahayag ni Caloocan City Mayor Dale “Along” Malapitan sa kaniyang Facebook Page sa pagbubukas ng Mindanao Avenue Extension noong Setyembre 3, 2024.

Dagdag pa ni Mayor Along, bubuksan na ito para sa mga motorista na gagawi sa Quezon City at Gen. Luis St. Caloocan City.

Ayon kay Dingdong Aler, isang jeepney driver, nakatutulong sa kanila ang bagong daan sapagkat nababawasan umano ang traffic kahit papaano.

“May maganda naman itong dulot pero kapag sa gabi ay madilim iyong daan kaya kung sakali, dagdagan nila ‘yung ilaw para mas maganda daanan lalo na kapag gabi. Iniiwasan natin ang aksidente dahil baka sa kaunting ilaw sa daan na ito ay magkaroon pa ng mga aksidente,” wika pa ni Aler.

Sa kabilang banda, sa panayam kay Michaella Bomitivo, mag-aaral mula sa 12-GAS B na nakatira sa Novaliches Bayan, mapapadali ang paghahanap niya ng sasakyan dahil marami na ang mga dumadaan ngunit nababahala siya sa kaniyang kaligtasan habang naglalakad sa paligid ng bagong daanan.

“Isa sa disadvantage nito ang pagdudulot ng mas mataas na ingay at polusyon sa paligid. Maaaring magkaroon din ng mas maraming sasakyan sa lugar, na maaaring makapagdulot ng panganib sa mga tumatawid lalo na sa mga estudyanteng katulad ko,” saad ni Bomitivo.

Inihayag naman ni Beverly Asma, mag-aaral mula sa 12-GAS B na palaging dumadaan sa Gen. Luis St., nakatutulong ito dahil mas napapalapit sila at mas malawak ang bagong daan kaysa sa dating daanan.

“Traffic naman po ang problema dito. Madalas po nali-late kami ng kasabay ko pumasok dahil sa sobrang traffic at maraming motor na pati ‘yung dapat na daanan ng tao nakukuha na nila ‘yung space,” dagdag pa ni Asma.

Samantala, ipinahatid naman ni Mayor Along ang pasasalamat sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa proyektong ito at sa Public Safety and Traffic Management Department sa kanilang isinagawang clearing operation sa naturang lugar at sa pagbigay nila ng patnubay sa mga

caybigan. ang

Joshielle Delfinado

SABAY-SABAY SA PAGBABA, SABAY-SABAY SA PAG-ANGAT.

Epektibong pakikinig, paggabay, at pagsunod sa tamang direksyon ang itinuturing na susi ng mga magulang upang mapagtagumpayan ang larong Hula hoop na may kaugnayan sa tamang pagpapalaki sa kanilang mga anak, nitong naganap na Parent-Child Connection Workshop, Disyembre 14.

GABAY SA PAG-AGAPAY

dahil sa pagdami ng mga mag-aaral na bagsak, 'Parent-Child Workshop' ikinasa; P50k nalikom na sponsorship, donasyon

Hindi lamang karagdagang kaalaman kundi mas matibay na ugnayan bilang pamilya ang natamo ng mga magulang at mag-aaral sa isinagawang Parent-Child Connection Workshop o Family Day nitong Disyembre 14, 2024, matapos ikonsidera ng Caybigan Instructional Council (CIC) ang hiling ng mga magulang na gawin ito sa araw ng Sabado at isali ang kanilang mga anak upang sama-samang matutukan ang kanilang pag-aaral at mas mapalalim pa ang relasyon nilang mag-anak.

na nasa panganib na bumagsak o huminto sa pagaaral o mga StAR, at maitaguyod ang positibong gawi ng pagiging magulang sa paggabay sa kanilang anak. Ayon kay CIC Chairperson at Master Teacher I, Dr. Julie Olermo, mas mataas ang tiyansa ng mga bata na magtagumpay sa akademiko at umunlad sa emosyonal at panlipunang aspekto kung aktibong nakikibahagi ang kanilang mga magulang sa kanilang pag-aaral.

Kaugnay ng nangyaring insedenteng kinasangkutan ng ilang mag-aaral sa isang paaralan sa Caloocan, mas pinaigting ng Barangay 165 Bagbaguin at Barangay 166 Caybiga ang pagsasagawa ng preventive measures upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at maiwasan ang pagdami ng kaso ng bullying sa Caybiga High School (CHS) nitong Nobyembre, 2024. Nagtutulungan ang dalawang barangay sa pagsiguro ng kaligtasan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbabantay ng mga barangay tanod gayundin ng bantay bayan sa oras ng pagpasok at paglabas sa klase ng mga estudyante.

Kaugnay nito, nagsagawa ng isang informative drive ang Brgy. 166 kung saan napag-alaman dito na mayroong gang na binubuo ang ilang mag-aaral ng CHS.

“Inalam namin ‘yung mga binubuong gang, kung sino ang members, isa-isa namin silang pinatawag, para atleast ma-prevent ang mga incident at para malaman nila na aware ang barangay sa kung ano man ang activities nila outside school,” pahayag ni Brgy. 166 Administrator Mela Chan. Dagdag pa niya, naging matagumpay ang kanilang pag-alam sa mga gang dahil pumapasok na muli sa paaralan ang mga nasabing miyembro nito at mas naiwasan na ang pagdami ng kaso ng bullying.

Samantala, pinailawan din ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang ilang mga daan sa Caloocan kabilang na ang madidilim na daan sa paligid ng CHS na kadalasang pinangyayarihan ng mga insidente.

BULLYING SA PAARALAN

Nagsagawa ng Anti-Bullying Symposium ang Maka-Diyos Committee ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG), katuwang ang Guidance Office ng CHS, na may temang “ALPAS: Agapan, Labanan ang Pang-aapi, at Alagaan ang Sarili”, upang magbigay kaalaman sa bawat mag-aaral at masolusyunan ang pagtaas ng bilang ng reported cases ng bullying sa paaralan. Kaugnay nito, tumaas ang naitalang kaso ng bullying sa Guidance Office ng naturang paaralan sa taong 2024 na mayroong 15 reported cases hanggang sa buwan ng Oktubre, kumpara sa naitalang 11 kaso noong nakaraang taong panuruan.

“We conducted a symposium to raise awareness about bullying. Nais din naming ma-open ’yong kanilang mga isipan sa mga uri ng bullying na baka hindi nila alam na considered na pa lang bullying,” pahayag ni Princess Loraine Catabay, Co-Chairpeson ng Maka-Diyos.

Dagdag pa niya, mayroon pang ilulunsad na mga proyekto ang SSLG na mas makatutulong sa mga mag-aaral na maging bukas sa kanilang magulang, adviser, guidance teacher, at student leaders patungkol sa mga problemang kanilang kinahaharap sa buhay.

5 10 15

Sa maigting na pagtutulungan, nakalikom ng mahigit P50,000 mula sa boluntaryong donasyon at sponsorship sa “Adopt-a-StAR” (Students at Risk of Dropping and Retaining) mula sa Caybiga High School Alumni Association (CHSAA), School Parent-Teacher Association (SPTA), pamunuan ng Brgy. 165 at 166, at mga guro para sa pagkain, papremyo, pa-raffle, at iba pang gastusin.

Sa pangalawang taon ng implementasyon, layunin ng programang ito ang pagpapalakas ng pakikilahok ng mga magulang sa pagtugon sa mga problema ng mga mag-aaral, bawasan ang bilang ng mga mag-aaral

“So ang kasali rito ay ang Grade 7 to Senior High School students. Pagkakataon ito ng student at parent to communicate at upang magkaroon sila ng magandang ugnayan sa pamamagitan ng interactive activities at reflections pagkatapos,” saad ni Dr. Olermo.

Dagdag pa niya, inimbitihan ang kabuuang 746 mag-aaral ng StAR, kasama ang kanilang magulang, na may tatlo at higit pang bagsak na asignatura noong unang markahan.

Sa kabilang banda, iginiit ni Matthew Laorde, mag-aaral na kabilang sa StAR, nagbigay sa kaniya ng inspirasyong magpatuloy sa pag-aaral ang pagdalo niya sa programa.

Ipagpatuloy sa p2

Sophia Descaya
Magsulat. Mag-ulat. Magmulat. | TOMO XV BLG. I | Hulyo 2024 - Enero 2025
Opisyal na Pahayagan ng CAYBIGA HIGH SCHOOL, Lungsod ng Caloocan, NCR
Samantha Descaya

Bill sa tubig, pumalo ng

CHS, nabahala

Dahil sa pagtaas ng konsumo sa tubig, nag-alala ang pamunuan ng Caybiga High School (CHS) na umabot ng ₱71, 988. 62 ang bayarin ng paaralan para sa buwan ng Nobyembre hanggang Disyembre 2024.

Batay sa ibinigay na datos ng CHS, malaki ang itinaas sa konsumo ng tubig noong buwan ng Hulyo hanggang Agosto sa kaparehong taon, at umabot ng ₱56, 881 kumpara sa sumunod na buwan.

Ayon kay G. Mark Ryan Borromeo, School Property Administrator, nagpadala ng mensahe ang pamunuan ng paaralan sa Maynilad noong Setyembre na mabilis na inaksyunan ng nasabing departamento.

Matapos ang isinagawang inspeksyon, kinumpirma na walang nakitang leak sa mga tubo at nakakasiguro na mas mataas na konsumo sa tubig ang haharapin ng paaralan dahil sa paglobo ng bilang ng magaaral.

“Lalo na ngayonmas marami na ‘yung estudyante dito sa Caybiga High School, mas marami na rin ‘yung gagamit ng tubig, pero all in all naman ay wala namang tagas o kung ano, siguro disiplina ng bawat isa ‘yung kailangan para mas mapababa ito,” saad ni G. Borromeo.

KONSUMO SA KURYENTE

Tumaas ang bayarin sa kuryente ng CHS noong Oktubre hanggang Nobyembre na umabot sa ₱79, 137.18

Isa sa mga dahilan ng pagtaas ang makabagong paraan ng pagtuturo dahil gumagamit na ng kani-kanilang telebisyon ang mga guro at ilang silid-aralan upang mas maipaunawa ang bawat asignatura sa

mga mag-aaral.

Mula kay Bb. Lianne Jamie Camayudo, Administrative Assistant 3 may nakahandang badyet para sa konsumo ng kuryente at binigyang-diin niya rin ang kahalagahan ng pagtitipid.

“Naintidihan naman namin kung bakit tumataas yung bayarin pero sa simpleng pagtitipid lalo na ‘yung pagpatay ng ilaw kapag ‘di naman na kinakailangan ay malaking tulong ‘yon kasi may nakalaan lang na badyet para diyan,” ani Bb. Camayudo.

TUGON NG CAYBIGAN

Upang matugunan ang pagtaas ng konsumo ng kuryente, naglunsad ng proyekto ang Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) ng paaralan.

“Mayroon po kaming proyektong Kuryen-Tipid na naglalayong mabawasan ang konsumo ng kuryente at nakatuon po ito sa power supply conservation. Kung saan po papatayin ng lahat ng classroom ‘yung ilaw tuwing ika-10 ng umaga hanggang 3 ng hapon,” paliwanag ni Xyrelle Domingo, Pangulo ng YES-O Club. Kaugnay nito, inilunsad din ng paaralan ang “9 o’clock habit,” kung saan pinapatay ang mga ilaw sa oras na maliwanag na upang makatipid sa kuryente.

ang itinaas ng water bill sa CHS mula sa buwan ng Setyembre hanggang Disyembre 2024

‘Parent-Child Workshop’ ikinasa; P50k nalikom na sponsorship, donasyon

“Ito ‘yung nagbukas sa akin sa kahalagahan ng edukasyon at nagbigay ng inspirasyong ipagpatuloy ko ang pag-aaral. Natulungan din akong mapalapit pa po sa aking mga magulang,” sabi ni Laorde. Kaugnay nito, sa pahayag ni Gng. Rosemarie Laorde, magulang ng bata, gawing taon-taon ang pagpapatupad nito upang maranasan at maisabuhay ng iba pang mga mag-aaral at magulang ang naramdaman at mahahalagang natutuhan ng mga dumalo.

“Maganda itong naisip ng school na gawin kasi nagkaroon kami ng time mag-bonding ng anak ko, although okay naman kami sa bahay pero may pagkakataon talaga na busy ako at hindi ko siya nagagabayan. Kaya nagpapasalamat ako sa nag-organize nitong program kasi natutuhan ko na bigyan talaga ng oras ang anak at iparamdam na nandito ako at handa siyang suportahan,” ani pa ni Gng. Laorde.

Samantala, idiniin ni Gng. Rosalyn D. Luczon, Pangulo ng SPTA, nilalayon ng organisasyon na makatulong sa paaralan, guro at sa mga magaaral na nag-udyok sa kanilang mag-abot ng tulong pinansyal sa pagsasagawa ng programa.

“Ang SPTA ay naglalayon na makatulong sa ating mga mag aaral, hindi lang sa mga bagay na kailangan nila kundi ang maramdaman ng bawat isa ang suportang mula sa hanay ng mga magulang,” dagdag ni Gng. Luczon.

Ipinaabot din niya sa mga magulang na iparamdam sa kanilang mga anak ang moral at pisikal na suporta, at sa mga mag-aaral na huwag sumuko sa bawat hamon ng buhay at maging inspirasyon sa kanila ang pagkakaroon ng pagkakataon na makapagtapos ng pag aaral at magkaroon ng magandang kinabukasan.

FOOD FOR LOVE

Kasabay ng Parent-Child Connection Workshop, inilunsad din ang Food for Love na taunang proyekto ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG), kasama ang iba’t ibang pang-akademikong organisasyon sa paaralan, na layuning ipahayag ang pagmamahal at pagmamalasakit sa mga magulang at mag-aaral sa pamamagitan ng libreng pagkain.

“We wanted na ang sharing and giving ay maranasan, magawa at maisabuhay ng mga estudyante lalo na ang student leaders. Para na rin itong help sa community na in need na kahit sa simpleng paaralan ay mapasaya namin sila,” pahayag ni SSLG Adviser Sir Jason C. Sibayan.

Ipinabatid din ni Sir Sibayan na magpapatuloy pa ang ganitong boluntaryong programa upang magsilbing paraan na makahanap din sila ng mga school partner sa pamamagitan ng solicitations, mga student leader, at mga permit mula sa mga indibidwal na nais makibahagi.

Joshielle Delfinado BATANG MAKABANSA. Para sa Bansang Makabata, walang batang maiiwan sa paglatag ng mga hakbang sa pagpapaunlad ng kasanayan ng mga mag-aaral.

PAGLALATAG NG MATATAG

Mga Hamon sa Edukasyon, DepEd Tututukan

Bilang tugon sa mga suliranin sa edukasyon dahil sa learning gap na dulot ng pandemya, inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang National Mathematics Program (NMP), National Reading Program (NRP) at Catch-Up Friday (CUF) na mga programang magpapaigting sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Kasabay ng full implementation ng MATATAG K-10 Curriculum (Phase 1), ipatutupad na rin ang mga programang NMP na naglalayong i-promote ang better numeracy at mathematics achievement sa mga paaralan partikular sa elementary at secondary education.

Sa kabilang banda, kabahagi ang Caybiga High School (CHS) sa pagsasagawa ng National Reading Program at Catch-Up Friday na layuning mapaunlad ang reading at comprehension skills ng Caybigans.

Samantala, mayroong pagbabago sa classroom schedules na nakabatay sa DepEd Order No. 012, s. 2024, na ginawang 40 minuto na lamang ang oras ng isang asignatura upang iakma umano ang mga ito sa mga pangangailangan at kapasidad ng paaralan.

REAKSYON NG CAYBIGANS

Mas pagod umano ang mga guro ayon kay Gng. Maryjane Mahinay, guro ng Filipino sa Baitang 7, dahil hindi sapat ang 40 minuto sa

pagtatalakay at paggawa ng mga aktibidad sa mga mag-aaral kaya matatambakan ang mga ito sa mga gawaing hindi natapos sa silid-aralan.

"Kulang talaga sa isang oras. Ngayon 'yung 40 minuto, hindi na makapag-groupings at makapag-record na unlike noong isang oras talaga, makukumpleto mo 'yon. Kaya matatambakan kami kasi 'yung checking at recording, imbes na sa classroom na 'yon, hindi na magagawa kaya matatambakan kami ngayon. Tapos panibagong aral ulit kasi susundan namin 'yung bagong MATATAG Curriculum ng DepEd kaya mas pagod talaga ang mga guro," dagdag pa niya.

Ayon naman kay Bb. Mery-Ann Hufancia, isang guro ng Ingles, magandang yakapin ang pagbabago ngunit mas kaunti na ang oras na makakasama nila ang kanilang mga mag-aaral sa loob lamang ng pinaikling minutong pagtuturo.

"Sana'y maibalik ang isang oras na pagtuturo sa bawat guro upang mas mapalawig ang talakayan at matulungan nang mas mabuti ang mga estudyante sa kanilang pagkatuto," ani pa niya.

Gayunpaman, patuloy ang pagpapatupad ng mga proyekto ng kagawaran upang bigyang solusyon ang mga problema ng mga mag-aaral at nang mas mapaunlad ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Programang AKAP, ipinamahagi sa 150 Caybigans

Kabilang si Jade Marie Songco, mag-aaral mula sa Baitang 12 ng Caybiga High School, ang itininuturing na malaking tulong para sa kaniya ang natanggap na benepisyo mula sa Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP) Tulong-Eskwela Program nitong Agosto 31, 2024.

Isa ang pamilya ni Songco sa mga nakatanggap ng tig-P3,000 na layuning makapagbigay ng tulong pinansyal sa mga manggagawa na tumatanggap ng minimum na sahod at kabilang sa mga mababang-kitang sektor na labis na apektado ng patuloy na pagtaas ng implasyon.

Pinangunahan nina Congressman Oscar “Oca” Malapitan at Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang pagbibigay nito sa mga mamamayan sa Unang Distrito ng Caloocan.

“Nabawasan ang intindihin namin kung saan kukuha ng perang pangbayad namin sa mga bills at sa iba pa naming dapat bayaran sa paaralan,” pahayag ni Songco.

Ayon naman kay Gng. Erlinda A. Daen, magulang ng mag-aaral na nabigyan ng pinansyal, malaking tulong ito sa kanila

dahil natugunan ang pangangailangan nila sa pag-aaral ng kaniyang mga anak.

“Malaking tulong ito sa aming pagbili ng bigas at kung ano pang pangangailangan namin sa bahay. Nabigyan din ng halaga ang aking anak para sa pangangailangan niya sa school kaya nagpapasalamat din ako dahil nakatulong itong AKAP sa mga mamamayang Pilipino na hirap at hikahos sa buhay,” pasasalamat ni Gng. Daen.

Samantala, ipinaabot naman ni Cong. Oca ang kaniyang lubos na pasasalamat kina Pangulong Marcos at House Speaker Romualdez sa pagbibigay ng tulong sa mga Batang Kankaloo sa pamamagitan ng naturang programa.

“Pasalamat po tayo nang marami kay Pangulong Bongbong Marcos at kay House Speaker Martin Romualdez sa kanilang patuloy na pagmamalasakit sa mga Pilipino. Higit sa lahat, hindi po nila tayo nakakalimutan at palagi nila tayong pinagmamalasakitan dito sa Lungsod ng Caloocan,” dagdag pa ni Cong. Oca.

Jhared Marcos
Precious Bertulfo
Krizzia Espiritu
Mula sa p1

Matapos matigil ang mga programa sa bakuna noong pandemya, muling isinagawa ang SchoolBased Immunization Program ng Department of Health (DOH), katuwang ang City Health Department at Schools Division Office ng Caloocan, na mabigyan ng MRTD (Measles, Rubella, Tetanus, and Diphtheria) vaccines ang 187 mag-aaral ng Baitang 7 sa Caybiga High School, Oktubre 30, 2024.

Ayon kay City Health Department of Caloocan Nurse Supervisor Princess Dolly Mae M. Malang, kada Agosto at Setyembre nila ito isinasagawa sa Baitang 1 at 7 upang madagdagan ang proteksyon sa kanilang mga kalusugan.

“‘Yung bakuna nung maliit sila, kapag tumatagal ay natatanggal. Kailangan nila ng other protection. Pero hindi naman ibig sabihin na wala ng bisa ang binigay sa kanila nung maliit pa lamang sila; pinadagdagan lang natin ng proteksyon,” saad ni Nurse Malang sa isang panayam.

Dagdag pa niya, mayroon ding mga bakuna sa HPV (Human papillomavirus) para sa mga babaeng mag-aaral ng Baitang 4 na bago nilang nadagdag na proyekto ngayong taon.

“Normal at naiintindihan naman namin at na may anxiety ang students sa mga ganitong pagkakataon kaya ang ginagawa ay pinapakalma namin sila. Katulad na lamang ng pagsasabi sa kanila ng mga benefit ng bakuna para kahit papaano ay maibsan ‘yung kaba o takot na nararamdaman nila. Basta siguraduhin lang na ‘yung bata bago bakunahan ay nakakain at walang sakit,” pahayag pa ni Nurse Malang para sa mga mag-aaral na nangangamba at hindi pa nababakunahan.

Kaugnay nito, ayon kay Jessica Mae L. Montes, mag-aaral ng Baitang 7, panatag siya na magpabakuna dahil hindi na siya mangangamba pa na magkasakit buhat ng proteksyong dala ng bakuna.

“Nagpapasalamat po ako sa mga taong nasa likod ng programang ito at sana magpabakuna na po tayo, mga kapwa kkamag-aral,” giit ni Montes.

Samantala, binigyang-diin naman ni School Clinician Pauleen Rodriguez na may mga hakbang na isinagawa para sa mga mag-aaral na liban o hindi nakadalo sa araw ng pagbabakuna.

“Pinayuhan namin yung mga hindi nabakunahan na pwede silang magpunta sa Barangay Health Center para doon magpabakuna.” ani Rodriguez.

SUPORTA SA KABATAAN

Edu-Cash Assistance, ipinamahagi sa SHS, kolehiyo ng Brgy. 165

Nakatanggap ng 500 piso ang mga mag-aaral ng Senior High School mula sa Caybiga High School sa isinagawang Educational Cash Assistance ng Sangguniang Kabataan ng Barangay 165 nitong Nobyembre 24, 2024.

Ayon kay SK Kagawad Julia Abellana, prayoridad umano nila ang Edu-Cash Assistance at naaprubahan lang ang budget noong Marso 2024 na layuning makatulong sa kabataan.

“Si Chairwoman Julia Cayanan ang nag-iisip ng mga projects na pwede naming gawin at nagdesisyon kaming gawin ang programa gamit ang sarili naming budget. Sa pamamagitan nito, makakatulong kami sa pangangailangan sa pag-aaral ng mga estudyante,” saad ni SK Abellana.

Kaugnay nito, hindi lamang basta-basta namimili ng mga pagbibigyan ang samahan nila bagkus mayroon silang kinakailangang mga datos upang maging benepisyaryo.

“Nagkaroon kami ng background checking, kaya rin kami nanghingi ng references na pwede naming tanungin about sa students kung talaga bang qualified sila sa cash assistance. One of the requirements is kailangan enrolled ang bata at may maayos na grade,” paliwanag pa niya.

Dagdag pa rito, naging matagumpay ang pagdaraos ng kanilang programa ngunit nakatanggap umano sila ng ilang masasamang komento sa pag-implementa nito.

“Sinasabi nila na pinipili namin ‘yung kakilala lang namin. Pero hindi kami pumipili dahil kilala namin ito, dahil ang aim talaga namin dito ay matulungan iyong mga bata na nangangailangan. It's just that may limitado kaming resources kaya limited lang din ang kayang matulungan that time,” wika pa ng opisyal.

upang mapababa

Sa layuning mapalakas ang kalidad ng pagtuturo, ginagampanan na ng mga guro at non-teaching personnel ng Caybiga High School (CHS) ang bagong nakaatas na administrative task sa kanila para sa taong panuruan 2024-2025, bilang pagsunod sa DepEd Order No. 002, s. of 2024 ng Department of Education (DepEd) na mabawasan ang workload ng mga guro.

Nakasaad sa DepEd Order No. 002, s. of 2024 ang agarang pag-aalis ng mga gawaing pang-administratibo sa mga pampublikong guro upang matuon ang kanilang oras at atensyon sa pagsasakatuparan ng kanilang tungkuling magturo.

Iniatas sa mga head teacher, master teacher at non-teaching personnel ang mga administrative task na dating nakaatas sa mga regular teacher.

Isa si Gng. Rita Labrague, Puno ng Kagawaran ng Filipino, ang naatasang maging School Registrar katuwang si Eddielene Siacor, teacher-registrar.

“Mahirap. Kasi nga bukod diyan, siyempre may iba pang trabaho na dapat gawin. Kaya parang panibagong trabaho ito na hanggang ngayo’y pinag-aaralan. Kung hindi ko naman alam ang mga gagawin, magtatanong ako sa dating registrar,” saad ni Gng. Labrague.

Dagdag pa rito, binawasan ang 50 ancillary task na nakaatas sa regular teachers at ginawang 10 ancillary task na lamang upang makapagbigay ng sapat na oras ang mga guro sa kanilang pagtuturo sa klase.

Ayon kay G. Romualdo Andres, dating School Disaster Risk Reduction Managament Coordinator (SDRRMC), nakakapagod pa rin ang kaniyang trabaho dahil sa sobrang oras na kaniyang nagagamit sa araw-araw niyang tungkulin at bagong admin task.

“Mayroon akong 5 sections and then mayroon pa rin akong administrative task, ‘yung Prefect Discipline, kaya na-o-over tayo sa minutes. Kasi ang dapat ay 6 hours, pero ako 8 hour and 33 minutes. Naka-500 minutes kasi ako, kaya nakakapagod pa rin dahil sumosobra sa oras,” dagdag pa niya.

Samantala, sinisikap na ng kaguruan na magampanan nang maayos ang kanilang mga bagong tungkulin para sa Caybigans at nang mas mapaigting ang antas ng edukasyon sa nasabing paaralan.

Sa kabilang banda, ayon kay Princess Nichole Caspe, isa sa napamahagian mula sa 11-HUMSS A, malaking tulong ang ganitong programa sa kaniya dahil nabawasan ang gastusin niya at ng kaniyang magulang.

“Magandang programa po ito pero sana po dumating sa panahong may sapat na budget ang Barangay para hindi lamang mag-aaral ng SHS at College ang mabigyan, pati na rin ilang mga mag-aaral sa JHS dahil katulad namin, marami rin ang kanilang gastusin. Sana po mas marami pang magaaral at magulang ang matulungan nila,” saad ni Caspe.

Samantala, ayon pa kay SK Abellana, magpapatuloy ang kanilang proyekto sa pagbabahagi ng Educational Cash Assistance hangga't nakaupo sila sa pwesto.

ang bullying

cases ‘Mental Health Act,’ aprub sa Caybigans

Lumalabas na 100 porsiyento ng mga mag-aaral at kaguruan ng Caybiga High School ang nagsasabing sang-ayon sila sa Republic Act 12080 o ang Basic Education Mental Health and Well Being Promotion Act na layuning suportahan ang emosyonal na kalusugan ng bawat mag-aaral pagdating sa edukasyon at mabawasan ang kaso ng bullying, batay sa isinagawang sarbey sa 200 Caybigans nitong Enero 10, 2025.

Isa si Gng. Milagros Fernandez, mental health coordinator, sa mga guro na pabor sa bagong batas na maaaring maging epektibo ng solusyon upang matutuhan ng mga bata ang mas maayos na relasyon sa pagitan ng mga mag-aaral.

“Mababawasan ang ugat ng bullying tulad ng unresolved anger o insecurity sa pamam agitan ng counseling at intervention. Mabibi gyan din ng proteksyon ang mga biktima ng bullying,” saad ni Gng. Fernandez. Dagdag pa niya na kulang ang mental health professionals sa CHS ngunit marami pang paraan katulad ng nariyan ang mga guro upang maging tagapangalaga ng mental health awareness at suporta sa paaralan, maaaring magkaroon ng kasun duan sa lokal o pribadong organisasyon at hikayatin ang pagkakaroon ng higit pang guidance counselors sa tulong ng DepEd.

“Gayunpaman, ang tagumpay nito ay nakasalalay sa kung paano maisasama ang mga probisyon nito sa pang-arawaraw na operasyon ng mga paaralan,

lalo na sa mga pampublikong paaralan tulad ng ating paaralan na CHS,” ani Gng. Fernandez. Samantala, ayon kay Kate Alena Fabreag, mag-aaral mula Baitang 12, maaari nitong suportahan hindi lamang ang mga nakakaranas ng bullying kundi pati na rin ang mga gumagawa nito upang maunawaan nila ang epekto ng kanilang mga kilos.

“Nakakalikha kasi ito ng mas makatao at suportadong sistema ng pag-aaral. ‘Yung good state ng pag-iisip at emotions naming students,

Hannah Mendiola
Ayessa Bataan
Ma. Sheila Ferrer
Marian Daen
Hency Acaba
PROTEKSYON SA IMPEKSIYON: Nabakunahan laban sa Measles, Rubella, Tetanus, and Diphtheria (MRTD) ang ilang mag-aaral sa baitang 7 sa isinagawang SchoolBased Immunization Program sa Caybiga High School (CHS) nitong Oktubre 30, 2024.
Denver Galangco
KATUWANG SA PANGARAP. Pinamahagian ng Educational Cash Assistance ng Sangguniang Kabataan ng Barangay 165 ang mga piling kabataan mula sa Senior High School at College bilang tulong pinansyal sa kanilang pag-aaral, Nobyembre, 2024.

NATATANGING CAYBIGAN CSI, ginawaran bilang OCIS

MEDALYA NG ISANG CAYBIGAN. Outstanding Campus Integrity Crusaders (OCIS) ang parangal na iginawad sa Caybiga Sulong Integridad (CSI) ng Caybiga High School sa National Capital Region (NCR) na ginanap sa Office of the Ombudsman dahil sa kanilang mga proyektong nagsusulong ng integridad at responsibilidad para sa lipunan at kabataan, Agosto 30, 2024.

Dahil sa paglulunsad ng mga proyekto na nagsusulong ng integridad at responsibilidad panlipunan para sa taong panuruan 2023-2024, kinilala at pinarangalan ang Caybiga Sulong Integridad (CSI) ng Caybiga High School (CHS) bilang Outstanding Campus Integrity Crusaders (OCIS) sa National Capital Region (NCR) na ginanap sa Office of the Ombudsman noong Agosto 30, 2024.

Layunin ng proyektong “Creating Encouragement for Caybigans: Innovating Lucrative Intellect for All (Project C.E.C.I.L.I.A)”, ang kinilalang proyekto ng organisasyon, na paunlarin ang integridad, katapatan, pananagutang panlipunan at pagkakapantay ng mga mag-aaral. Ayon kay Sahra Delmiguez, dating Kalihim ng CSI, kasiyahan at katuparan ang kaniyang naramdaman dahil sa parangal na ibinigay na nagpapatunay na malaki ang naging kontribusyon ng proyekto sa mga mag-aaral ng CHS.

“Habang iginagawad din sa amin ang karangalan na iyon, napagtanto namin na maging kami ay hinubog ng aming mga proyekto,“ dagdag pa ni Delmiguez.

Ibinahagi naman ni Hannah Mendiola, dating Tagasuri ng CSI, na ito na ang ikaanim na beses na nakatanggap ng parangal ang CHS bilang OCIS, at nagpapasalamat siya sa pamumuno ni G. Jason Sibayan, CSI Adviser.

“Thankful din po kami sa mga taong tumulong po especially po sa aming adviser na si Sir Jason na lagi po kaming ginagabayan sa pagsasakatuparan po ng mga project, ” ani Mendiola.

Sa kabila ng parangal na natamo, patuloy pa rin ang CSI sa pagpapasimula ng mga proyektong magpapaunlad sa integridad, katapatan, pananagutang panlipunan at pagkakapantay ng mga mag-aaral. Kabilang na rito ang mga proyektong “Honestreats” at Project BALIK (Bigyang-Alab ang Likas na Integridad ng mga Kabataan).

Job Opportunity Act vs Mismatched Job, OK sa Caybigans

Suportado ng mag-aaral sa Caybiga High School (CHS) at ilang negosyante ang bagong batas na Enterprise-Based Education and Training (EBET) Framework Act. na naglalayong punan ang agwat sa pagitan ng

edukasyon at pangangailangan ng industriya habang binibigyang pansin ang kakayahan ng bawat indibidwal.

Kabilang si Mel Andrew Villarosa mula sa 12 HUMSS B na magtatapos ngayong taon ang nagpaabot ng pasasalamat sa magandang opor-

96.3% ang naitalang employment rate sa Pilipinas nitong 2024, mas mataas sa 95.5% na naitala noong 2023 datos mula sa Philippine Statistics Authority

Public-Private Partnership ng DepEd, pinaghahandaan na

Nakikipag-ugnayan na si Department of Education (DepEd)

Secretary Sonny Angara sa mga pribadong sektor upang simulan ang Private-Public Partnership (PPP) na naglalayong tulungan ang public schools na matugunan ang mga kakulangan sa kanilang kagamitan.

Ayon kay Angara, mapupunan nito ang mga kulang na gamit sa paaralan tulad ng mga sirang upuan at pintuan, matutulungang magpatayo ng mga bagong building, silid-aralan, at magbigay ng mga digital na kagamitan sa mga estudyante at mga guro sa mga paaralan.

Kaugnay nito, sinabi ng isang DepEd official na kakailanganin ng mahigit-kumulang Php. 397 bilyong piso upang tugunan ang kasalukuyang Php. 159,000 na kakulangan sa silid-aralan ng buong bansa.

Apektado rin ng kulang na kagamitan ang guro mula sa Caybiga High School na si Gng. Rita C. Labrague, Puno ng Kagawaran ng Filipino.

“Tama naman ang kagustuhan ni Sonny Angara na tulungan ang mga public school na kulang talaga sa pinansyal, ibig sabihin kung ano man ang kakulangan ng mga paaralan sa pagbubukas ng klase ay matutugunan ito ng private sector,” pahayag ni Gng. Labrague.

Kasama naman sa mga apektado rin ng kulang na gamit ang isang estudyante mula sa CHS na si Sean Gael Lumabe, mula sa 9-Oxygen.

“Ang mga sira at kulang na kagamitan ay nagkakaroon ng masamang epekto sa aming mga estudyante. Pero hindi lamang sa amin kundi pati na rin sa mga guro dahil pwedeng hindi na sila makinig sa kanilang mga guro dahil nagkakaroon sila ng distraction,” saad ng mag-aaral.

Samantala, sinabi ni Angara na magpokus na lamang ang mga magaaral para sa paparating na Programme for International Student Assessment Test (PISA) 2025 lalo na sa paglinang ng kanilang Critical Thinking, Problem-Solving at Analytical Skills.

tunidad na ibinigay ng gobyerno sa mga mag-aaral na nais magtrabaho sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), na makatutulong sa kanilang pagpaplano ng karera at pag-iipon para sa kanilang pag-aaral.

“Nakakatuwa lang kasi binibigyang pansin ang mga katulad ko na gustong magtrabaho muna bago mag-college. Dahil sa TESDA, magkakaroon na ako ng experience at makakapag-ipon pa para sa pang-college ko. Malaki ‘yung tiyansa na makuha ko ‘yung course na gusto ko,” pahayag ni Villarosa.

Samantala, halo-halong reaksyon ang ibinahagi ni Aljohn Cadena, dating mag-aaral sa CHS, patungkol sa naturang batas.

Ayon kay Cadena, mahusay ang

layuning matugunan ang kakulangan sa kaalaman at kasanayan ngunit, higit na nakatuon ang batas sa mga magtatapos ng technical-vocational Education and Training ( TVET).

Hiling niya na mas mapalawak pa ang sakop at maging progresibo ang pagsasatupad ng batas, at binigyang-diin niya ang panghihinayang sa natapos na pag-aaral dulot ng salat na oportunidad.

“Mahalaga na tugma ang tinapos mong programa pero kung ang available na oportunidad ay kulang, talagang no choice at tahakin na lang talaga yung landas na malayo sa programa mo,” Bukod pa rito, kasama sa mga benepisyo ng bagong aprubadong kautusan ang mga scholarship program, malaking insentibo para sa

ang employability

Sa layuning mas maituon ang oras ng mga mag-aaral sa work immersion, iminungkahi ng Department of Education (DepEd) ang pagbabawas ng core subjects sa Senior High School (SHS) sa ilalim ng revised curriculum ng Grade 11 at 12 na nakatakdang ipatutupad sa taong panuruan 2025-2026.

Nakapaloob sa mungkahi ng DepEd na magiging lima hanggang anim na lamang ang core subject na aaralin sa SHS kumpara sa dating 15 asignatura.

Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, ang pagbabawas ng asignatura sa SHS ay magsisilbing daan sa pagpapahusay ng employability o kakayahang matanggap sa trabaho ng SHS graduates dahil mas mapaglalaanan nila ng oras ang Work Immersion o On-the-job Training (OJT). Bibigyang-kalayaan din ng DepEd ang mga paaralan na magpasya sa

mga negosyo, at pagtuon sa TESDA bilang pangunahing ahensya sa implementasyon ng programa. Sa kabilang banda, kinonsidera rin ni Jonalyn Marahay, may-ari ng isang sari-sari Store, ang benepisyong inaalok ng bagong alituntunin, at inilahad ang pagkilala sa mga benepisyong maaaring idulot nito sa maliliit na negosyanteng tulad niya.

Alinsunod sa bagong direktiba, mas maraming oportunidad at solusyon sa mga isyung kinahaharap ng mga manggagawa at mag-aaral, ang magdudulot ng malalim na epekto sa kanilang kinabukasan at magpapalakas sa kanilang kakayahan upang makamit ang mas magagandang oportunidad sa trabaho at pag-unlad sa hinaharap.

core subjects sa SHS

kung anong asignatura ang kanilang idaragdag at i-o-offer sa ibibigay na basic curriculum, lalo na sa mga private school.

Samantala, naniniwala si Gng. Vea Marie Ibardaloza, Caybiga High School (CHS) SHS Grade Level Chairperso, na magiging masusi ang pag-aaral at ‘evidence-based’ ang planong pagbabawas ng core subjects dahil sa layunin nitong ihanda holistically ang mga mag-aaral.

“Maaaring may positive or negative effects ito depende sa magiging implementation. Kung babawasan ang core subjects, maaaring magbigay ito ng mas maraming oras para sa mga specialized subjects at makakabawas din ito ng academic stress sa mga mag-aaral. Ang negatibong epekto naman nito ay maaaring magkaroon ng kakulangan sa holistic development ng mga mag-aaral,” saad ni Gng. Ibardaloza.

Dagdag pa niya, nararapat na mayroong maayos at sapat na pana-

hon sa pagpaplano ang DepEd upang matiyak na hindi maisasakripisyo ang kalidad ng edukasyon.

Sa panayam naman kay Carla Engag, mag-aaral mula sa 11-HUMSS A, mahalaga ang bawat core subject dahil mayroon itong sariling layunin at kaugnayan.

“‘Yung pagbabawas sa core subjects parang hindi siya maganda dahil kapag ginawa yon, it’s either may magiging kulang or may hindi tayo malalamang mga bagay,” pahayag ng mag-aaral.

Inaasahan din ng Deped na maiiwasan ang pagiging ‘overburden’ ng mga mag-aaral sa SHS upang maging responsable at ‘job-ready’ sa tulong ng naturang plano.

5-6 core subjects

John Yurie Dilao
Sahra Delmiguez
Airene Lacaden
Stephany Panizal
Joshielle Delfinado

opinyon

Hindi pa huli ang pagsisimula ng nararapat na tunguhin ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas hangga’t may dahilan upang mag-umpisang muli.

“Kabataan ang pag-asa ng bayan.”

Kasabihang maging ang ating pambansang bayani ay pinanghahawakan.

Ang Caybigan Patnugutan 2024-2025

Sahra Delmiguez

Punong Patnugot

Marian Daen

Pangalawang Patnugot

Ayessa Mae Bataan

Samantha Descaya

Tagapamahalang Patnugot

Kristoph Abanid

Princess Nichole Caspe

Tagapangasiwa ng Pamamahagi

Sophia Descaya

Patnugot sa Balita

Hannah Mendiola

Patnugot sa Opinyon

Alleyson Joy Sobreviñas

Patnugot sa Lathalain

Kerby Gallego

Patnugot sa AgTek

Sean Art Jahren Rocha

Patnugot sa Isports

Hency Craine Acaba

Ma. Shiela Jane Ferrer Punong Taga-anyo

Denver Galangco

John Emanuel King Pinto Punong Dibuhista

Joshielle Delfinado Punong Tagalarawan

Kontribyutor:

Precious Bertulfo

John Yurie Dilao

Kim Denisse Arcilla

Stephany Jean Panizal

John Vincent Sangullas

Jhared Marcos

Princess Xylyn Gonzales

Jharone Christian Abarabar

Krizzia May Espiritu

Mark Pohl Evangelista

Rean Jae Arellado

Airene Princess Lacaden

Reynald Andrei Arenas

Joshua Jose

Jm Rich Acevedo

Samaire Elyse Abacan

Quennie Renieva

Kyan Joe Jardin

Charles Aeron Babas

Ma. Filipina Parreñas

Ehlie Nehemiah Campos

Heidilynn M. Alauig Tagapayo

Gng. Rita C. Labrague

Puno ng Kagawaran

Gng. Dinna N. Pozas

Punongguro

Ngunit nakababahalang taliwas ito sa resulta ng datos mula sa mga pag-aaral ng Second Congressional Commission on Education (Edcom II) na may layong alamin ang kalidad ng Early Childhood Care and Development (ECCD) sa bansa, maging ang dahilan ng pagkakaroon ng 91% learning poverty rito. Napaghuhulihan at nangungulelat— iyan ang sitwasyon nito sa Pilipinas.

Nakapaloob sa Republic Act (R.A.) No. 10410 o “Early Years Act (EYA) of 2013” ang pagpapatibay sa mga programa ng ECCD System nang matutukan at matugunan ang paghubog at pagpapaunlad sa pagkatao ng mga batang may edad na apat na taong gulang. Kabilang dito ang pagpasok ng mga batang edad tatlo hanggang apat sa mga Child Development Center (CDC) subalit nakalulungkot na hindi ito natututukan at nabibigyang-aksyon base sa datos ng World Bank noong 2023 na sa kabuoan ng mga batang edad tatlo hanggang apat na naka-enroll sa mga pampublikong institusyon, 19% lamang nito ang pumapasok sa mga CDC sa kadahilanan ng mga magulang nila ang nagsasabing masyado pa silang bata upang pumasok sa nasabing center.

Resulta ito ng kakulangan at kawalan sa pondo ng bansa na nakalaan dapat sa pagpapatayo ng mga pasilidad at pagtugon sa mga kinakailangang kagamitan tulad ng upuan, mesa, pisara, at iba pa. Dagdag pa rito, tinatayang siyam sa 10 child development teachers ay mga boluntaryo at nonpermanent na may average allowance lamang na P5,000 kada buwan— mababa pa sa minimum wage. Kung susumahin, kulang na kulang ito sa isang guro na may tinutustusang pamilya at umaako sa gastusin tulad ng pagpi-print ng modules na kinakailangan para sa CDC na kaniyang pinapasukan dahil sa hindi ito kayang sustentuhan ng mga barangay. Kung gayon, hindi na rin nakapagtatakang kaunti lamang sa kabuoan ng mga batang edad apat pababa sa bansa ang pumapasok sa CDC dahil sa nakikita ng kanilang mga magulang na sistema nito. May posibilidad silang

mawalan ng tiwala na ipasok ang kanilang mga anak sa CDC na nakikita naman nilang hindi sinusuportahan ng gobyerno; na maging ang mga magtuturo dito ay hindi nabibigyan ng karampatang sweldo at kagamitan para sa kanilang boluntaryong pakikiisa sa pagpapanatili na magkaroon ng kaunlaran sa pisikal, emosyonal, at mental na kalusugan habang sila ay bata pa. Sa kabilang banda, pilit na inilalayon at hinahangad ng iba’t ibang sektor ng Pamahalaan ang pagkakaroon ng kalidad sa edukasyon at kalusugan ng mga Pilipino nang sa gayon ay matuldukan ang pagkahuli ng bansa sa buong mundo. Subalit hindi naman nakikita ang aksyon. Paulit-ulit lamang ang layunin ngunit walang resulta ng pagbabago’t pag-unlad sa kalagayan ng mga mamamayan, lalo na sa mga liblib na lugar. Ipinakikita lamang nito na napakalaki at ganito kabigat ang suliranin ng bansa pagdating sa ECCD na mahabang panahon pa ang gugugulin upang mahabol ang maunlad na performance ng mga kabataan.

Kung kaya’t nararapat na bigyan ng aksyon ang mga isyung humahadlang sa patuloy na pagpapaunlad sa kalusugan at edukasyon ng mga kabataan. Pagkakaisa ng mga Kagawaran ang kinakailangan nang hindi na manatili sa dulo ang bansa pagdating sa kaunlaran nito. Kaakibat nito ang matalinong pagboto ng mga Pilipino sa tama at nang tama sa kung sinong wawakas sa cycle ng mga pangako ng maunlad na Pilipinas. Kinakailangan ding masiguro na magagamit sa tama ang dapat na pondo sa mga proyektong may kaugnayan dito at mas palawakin pa ang access sa kalidad na edukasyon.

Malaking epekto ang ECCD sa ekonomiya ng bansa. Natutulungan nito ang mga bata na matutuhan ang mga paunang kaalamang kanilang dapat malaman bago pumasok sa pormal na paaralan kung saan maiiwasan nila ang pagkabigla at pagkahuli sa mga gawain na dapat ay nasanay na sa CDC. Makaii was din ito sa bilang ng dropouts sa bansa at sa pamamagitan nito, masisiguro na pagtungtong nila sa mas mataas na antas ng edukasyon, magkakaron na sila ng sapat at karampatang kaalaman patungkol sa dapat nilang nalalaman.

Tunay na kabataan ang pag-asa ng bayan, ngunit hindi ito maisasakatuparan kung walang sapat na suporta at progresibong aksyon mula sa mga Kagawaran.

Sistematikong

solusyon, Dapat Isulong

Nagmistulang karagatan ang Bicol matapos daanan ng hagupit ng bagyong Kristine ang probinsya. Nakalulungkot ang trahedyang iniwan nito sapagkat marami ang nasawi, na umabot sa 81 katao, at libo-libo ang nawalan ng masisilungan. Samantala, nagmistulang tinangay rin ng baha ang bilyonbilyong pondong nakalaan para sa Flood Control Projects na hindi man lang naramdaman noong kasagsagan ng bagyo. Saan napunta ang pondo? Bakit bigla itong naglaho na parang bula?

Mayroong P5.768 trilyong badyet ang Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong 2024, at P255 bilyon nito ang nakalaan para sa flood control projects kabilang na ang P31.9 bilyon para sa Bicol Region, ayon kay Senator Joel Villanueva. Kung titingnan, isa ang DPWH sa mga kagawarang may malaking badyet subalit bigo ang naging aksyon nila matapos lumubog sa baha ang mamamayan mula iba’t ibang lugar.

Dahil dito, siniguro ni Senate President Francis “Chiz” Escudero noong Oktubre 25, 2024 na bubusisiin ng mga senador ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno kung saan nga ba napunta ang pondong nakalaan para sa proyektong magsisilbi sanang proteksyon laban sa kalamidad, ngunit mas lalong nagpalala sa kalagayan ng bawat isa dahil sa palpak na pamamahala ng mga lider na dapat namumuno at ginagamit sa kapakanan ng mamamayan ang badyet.

Tila salamin din ng palpak na mga proyekto ng Local Government Unit (LGU) ang nag-viral na post ng isang sikat na page sa Facebook sa Caloocan kung saan nakalagay sa isang karatula ang mga salitang “This is where your taxes go” ngunit sa halip na magandang resulta ang makita, nakadidismayang lumubong din ang karatula sa baha. Ipinapakita nito na hindi ganoon kahanda ang ating gobyerno sakaling magkaroon ng malawakang kalamidad.

Sa aking palagay, hindi rin naman maipagkakailang sa patuloy na pag-unlad ng bansa, tila nalilimutan din ng karamihan ang pangangalaga sa kalikasan. Sa simpleng pagtatapon ng basura, malaki na ang tulong nito upang maiwasan ang climate change at iba’t ibang sakuna. Dagdag pa rito, malaki rin ang epekto ng walang habas na pagbuga ng mga nakasusulasok na usok mula sa mga pabrika na mas lalong nagpapainit sa kapaligiran at nagpapalala ng mga kalamidad sa bansa.

Sa kadahilanang ito, dapat ding tiyaking ginagamit nang tama ang bawat pisong badyet na makapaghahanda ng kongkreto, epektibong proyekto, at hindi programang pangalan at logo lamang ng nagiimplementa nito ang makikita. Pangmatagalan at sistematikong

MATA SA MATA Sophia Descaya
Dibuho ni Denver Galangco
Dibuho ni Denver Galangco

Kitilin ang Katiwalian, Huwag ang

Taumbayan

Marami ang nagdusa sa isang sistemang tila pabor lamang sa mayayaman at makapangyarihan, mundong tila walang katarungan para sa mga mahihirap. Ngunit, kaya nga bang baguhin ng panahon ang bulok na sistema noon? Naging maingay ang napapanahong Quad Committee hearing patungkol sa mga hindi makataong pagkamatay ng ilang biktima ng War on Drugs noong administrasyon ng dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte. Marami ang nagulat at nalungkot para sa mga nabiktima at hustisya ang hiling nila para sa mga ito.

Noong administrasyon ng Pangulong Duterte, hindi maaalintanang naging madugo at maraming mga namatay. Humigit kumulang 30,000 kataong pinaghihinalaang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang nawalan ng buhay sa ilalim ng War on Drugs. Hindi kapani-paniwala ang dami nito at talagang nakapagtataka kung talagang totoo nga ba ang ibinibintang sa mga namatay.

Malinaw na ilegal at ipinagbabawal ang paggamit ng ilegal na gamot at dapat na maparusahan ang kung sino mang lumabag sa batas na ito, ngunit natatapakan din ng karapatang mabuhay ng mga mamamayan sa pagsulong ng War on Drugs. Nakapaloob sa Artikulo 3, Seksyon 1 ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas na hindi dapat alisan ng buhay ang sino mang tao nang hindi kaparaanan ng batas. Masasabing nalabag ito noong kasagsagan ng War on Drugs dahil sa dami ng biglaang namatay at sinasabing nanlaban ngunit hindi napatunayan at hindi dumaan sa tamang proseso. Talagang nakalulungkot na ang daming mga mamamayang nawalan ng karapatan sa maikling panahon.

DERETSAHAN

Sa mga nagdaang eleksyon, marami sa mga kandidato ang nagsasabing nais nilang magbigay ng bagong direksyon sa ating bansa, ngunit sa kanilang pag-upo sa pwesto ay paulit-ulit lamang natin nakikita ang parehong mga isyu at kabiguan sa kanilang pamamahala. Kaugnay nito, inilalarawan pa ng mga mamamayan na pawang circus at playground ang listahan ng mga indibidwal at party-list aspirants na inilabas ng Commission on Elections (Comelec) nitong Oktubre 9, 2024 para sa Eleksyon 2025. Tunay na nakababahala ang sistema ng pamamahala sa Pilipinas, lalo na ngayong maging ang mga may hangaring maglingkod sa ating bayan ay walang maayos na background at adbokasiya sa pagkamit ng mas maunlad at organisadong bansa. Ayon sa Comelec, 43,033 ang kabuoang nagsumite ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) at Certificate of Nomination - Certificate of Acceptance (CON-CANS) sa buong bansa para sa 2025 national at local elections. Kinabibilangan ito ng mga karaniwang mamamayan, artista, at dating politiko. Isa ang nakakulong sa Pasig City Jail na kinikilalang pastor at bumuo ng samahan sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Apollo Quiboloy, sa mga nagpasa nito kahit pa humaharap siya sa patong-patong na kaso na nasa ilalim ng child at sexual abuse, maging ng human trafficking. Kung kaya’t nakapagtataka at nakadidismayang maging ang may sala at nakakulong dahil sa kaliwa’t kanang ebidensya ng kaniyang pang-aabuso, ay mayroon pa ring pagkakataong pamunuan ang bansa.

Naging usap-usapan pa ang pagbasura ng Comelec sa petition ng Workers’ and Peasants’ Party (WPP) upang idiskwalipika ang pagtakbo nito bilang senador sa nalalapit na halalan. Dahil dito, tila naisantabi na lamang ang mga kasong ipinataw sa kaniya ng kaniyang mga biktima at pawang sampal pa ito sa mukha nila na pinayagan pa ng gobyerno, na siya sanang magtatanggol sa kapakanan.

May Unity pa ba sa Uniteam?

Kahit sabihing nakatutulong ang proyektong ito sa pagbabawas ng mga nagbebenta at gumagamit ng droga, may mga inosente ring kinitilan ng buhay at nadungisan ang pangalan kahit hindi naman naging sangkot sa kahit anong krimen. Katulad na lamang Darwin Hamoy na namatay sa edad na 17 dahil napagbintangang gumagamit ng ilegal na gamot. Sinasabing bumisita sila ng lamay at inutusan siyang bumili ng sigarilyo ng kaniyang ama. Dumating ang mga pulis na may hinahanap na pinaghihinalaang gumagamit ng ilegal na droga, saka nangyari ang pamamaril at isa siya sa nada may at nasisi. Masasabing hindi makatarungan ang nangyari sa kaniya sa murang edad at hindi rin napatunayan kung isa ba talaga siya sa mga sangkot sa krimen.

Mahihirap ang karamihan sa mga biktima ng War on Drugs noon. Hindi napatunayan ang maraming kaso kaya naman dapat na lubos na imbestigahan. Dapat na malaman ang mga katotohanan patungkol sa mga nangyari noong administrasyon ng dating Pangulong Duterte at kung may mali man o hindi makatarungan, pormal siyang humingi ng tawad sa mga pamilya ng nabiktima at harapin ang kaso. Pagbayarin din ang mga pulis na walang-awang pumatay ng mga inosenteng biktima.

Ang mga isyung ito ang sumasalamin sa sistema ng hustisya ng Pilipinas. Nakalulungkot na maraming mamamayan ang hindi nagkaroon ng pagkakataong ipaglaban ang kanilang karapatan dahil lamang sa kakulangan ng pera at nakadidismaya rin na ngayon lamang nabigyan ng pansin at nabuksan ang mga katiwaliang dati pang nangyayari sa ating bansa. Patunayan sana ng mga naluklok sa puwesto ngayon na hindi lamang para sa mayaya man ang hustisya at patunayan nating mas matalino at hindi na magbubulag-bulagan ang mga mamamayan sa panahon ngayon. Katiwalian ang dapat kitilin, hindi ang taumbayan.

Parang spaghetti ang trust at performance ratings nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Bise Presidente Sara Duterte batay sa sarbey na inilabas ng OCTA Research nitong Setyembre 2024 sa kadahilanang pababa ito nang pababa. Naging 59% and dating 65% na trust rating ni VP Duterte noong Hulyo 2023 habang bumaba naman ng 3% ang trust rating ni Marcos mula sa 71% noong Second Quarter. Makikita sa mga numerong ito ang bumababang tiwala ng mga Pilipino sa kanila at sa kanilang pamamahala.

Binanggit ng OCTA Research na normal naman ang pagbaba ng trust rating ni Pangulong Marcos ngunjt kapansin-pansin ang malaking pagbaba ng trust rating ni VP Duterte. Matatandaan na nitong mga nakaraang buwan, humarap ang Bise Presidente sa kaliwa’t kanang isyu at kontrobersiya na tiyak naging sanhi ng pagbaba ng kaniyang trust ratings. Kataka-taka rin na ang mga naging isyu ni Duterte ay palaging tungkol sa budget at sa hindi niya pagtupad sa kaniyang mga responsibilidad.

Nakaapekto sa pagbaba ng trust rating ni VP Duterte ang kaniyang mga isyu bilang dating Kalihim ng Department of Education (DepEd). Una na rito ang umingay na confidential funds noong Oktubre 2023. Inilarawan niya bilang kalaban ng bayan ang sinumang kontra sa P650 milyong confidential funds na hinihingi ng Office of the Vice President at DepEd. Dahil nais ng Bise Presidente na maging confidential ang fund na ito pinagdudahan ang kaniyang mga naging aksiyon. Pinuna rin ng mga Pilipino kung paano tinawag ng Bise Presidente ang kaniyang sarili bilang isang designated survivor dahil sa pagpunta niya

TAHIMIK NA BOSES
Yurie Dilao
PUNTO PER PUNTO
Hannah Mendiola
Dibuho ni Emanuel Pinto
I-scan
Dibuho ni Denver Galangco

ng mga Pilipino mula sa lantarang pang-aabuso. Nakatatawa mang isiping harap-harapan nang niloloko ng pamahalaan ang mga mamamayan nito, nakalulungkot pa ring may posibilidad na maging bulag-bulagan ang ibang botante at mailuluklok ito, lalo na’t kung hindi ginamit ang pagsasaliksik at pagpapasiya nang matalino sa pagpili ng nararapat.

Kung susumahin, nang magawa ni Quiboloy ang kaniyang mga kasalanan, siya na rin ang nagpatunay na hindi siya karapat-dapat na mamuno sa mga Pilipino at walang puwang ang gobyerno para dagdagan pa ang magpapabagsak sa sistema ng bansa ng mga mamamayan nito. Kinakailangan ng mabuti at tamang intensyon, na sasabayan ng aksyon upang magkaroon naman ng pagbabago ang Pilipinas. Imulat ang mga mata, buksan ang tainga at bibig ng taumbayan nang matauhan ang bawat isa na hindi nakadepende sa kasikatan ang galing at kredibilidad na pamunuan ang milyon-milyong tao— kahit pa ang dahilan ng kaniyang pagsikat ay dahil sa bahid ng pang-aabuso.

Sa kabilang banda, hindi naman kinakailangan ng posisyon upang makatulong sa publiko. Huwag na sanang tumakbo sa Eleksyon kung ang tanging adbokasiya ay tumulong sa nangangailangan at hindi para solusyunan ang dahilan kung bakit kailangang tulungan ang mga mamamayan. Para sa akin, kung publiko ang ating responsibilidad at paglilingkuran — hindi sila dapat gawing pang-trial and error at para sa karanasan lamang. Hindi pang-eksperimento ang pamamahala, isa itong mabigat at seryosong responsibilidad na kinabukasan ng mga nasasakupan ang nararapat isaalang-alang.

Sa huli, nasa kamay pa rin ng mga botante nakasalalay kung patuloy na iikot sa mala-circus na sistema ng pamahalaan ang ating bansa. Kung mangyari man ito, paulit-ulit lamang na aasa at madidismaya ang mga Pilipino sa mga pangako na sa umpisa lamang may pag-asa. Ngayon na pinal na ang mga nagpasa ng COCs, pagsasaliksik ng tamang impormasyon at pagboto sa nararapat ang tanging magagawa ng mga botante nang sa gayon ay hindi tuluyang maging palaruan at katuwaan ang Pamahalaan sa Pilipinas.

Uniteam?

sa ibang bansa kahit na kasagsagan ito ng bagyong Carina. Dahil tila tinakbuhan ng Bise Presidente ang kaniyang responsibilidad na tulungan at pangalagaan ang Pilipinas, lalo na sa panahon ng sakuna, umani ito ng mga batikos.

Dumagdag pa rito ang ginawa niyang libro nitong Agosto 2024 na pinamagatang “Isang Kaibigan, at umani ng kaliwa’t kanang mga batikos dahil sa hiling nitong budget na P10 milyon na siya namang hindi nakitaan ng mga Pilipino ng benepisyo para sa sistema ng edukasyon. Masasabing hindi ito akma sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral at guro at isang halimbawa ng maling prayoridad sa paggamit ng pondo sa edukasyon.

Ngunit ang pinakamalala at pinakanakababahala ay ang pag-iisip niyang tanggalan ng ulo ang mismong Presidente dahil sa galit at sinabihan ng masasamang salita ang pamilya ng Pangulo. Nabanggit din ni VP Duterte na minsan na niyang sinabi kay Senador Imee Marcos na kung hindi siya titigilan ay huhukayin niya ang labi ng kanilang ama na si dating Pangulong Marcos Sr. at itatapon sa West Philippine Sea. Hindi maganda at hindi dapat ganoon ang asal o kilos ng isang taong mataas ang posisyon sa gobyerno lalo na’t siya ang tumatayong kanang kamay ng Pangulo.

Maraming alegasyon at isyu ang kinakaharap ngayon ng Bise Presidente na kahit ang dapat niyang kakampi o katulong sa pamamahala ng Pilipinas ay gusto nyang tanggalan ng ulo. Kung ang dalawang politiko na may pinakamataas na posisyon sa gobyerno ay walang pagkakaisa at kaayusan, ano pa kaya ang aasahan natin sa mga mas may mababang posisyon o sa mga karaniwang Pilipino? Talagang salungat ang kanilang mga kilos sa layunin ng kanilang alyansa at makikitang wala nang unity sa Uniteam.

Liham sa Patnugot

Bilang mag-aaral ng Caybiga High School, marami akong natutuhan sa iba't ibang balita at isyu sa loob at labas ng paaralan, lalo na sa isyung panlipunan dahil sa inyong patnugutan na nakakaapekto sa akin at sa mga kapwa ko mamamayan. Hindi sana tumigil ang inyong pamamahagi ng impormasyong maaasahan, makatotohanan, at walang kinikilingan. Patuloy pa rin kayong maging boses at tainga ng mga Caybigan. Maraming salamat po.

Tugon ng Patnugot

Isang karangalan sa aming patnugutan na nakatulong ang aming mga artikulo upang mamulat kayo sa mga kaganapan at isyu sa inyong paligid. Patuloy naming paghuhusayan ang aming serbisyo upang magsilbi kaming motibasyon at inspirasyon sa bawat mag-aaral na maging maalam na mamamayan. Kaisa niyo ang buong puwersa ng patnugutan sa pagtugon sa mga isyung panlipunan para sa mas matalinong henerasyon.

Mensahe ng Punongguro

Isang malugod na pagbati sa inyo sa paglabas ng ating pahayagan na Ang Caybigan! Ang bawat pahina ng pahayagang ito ay bunga ng masipag na pagsusulat, pagsusuri, at pagmamahal sa wika at katotohanan. Nais kong bigyang-pugay ang ating mga batang mamamahayag na naglaan ng oras at talento upang buuin ang pahayagang ito. Ang inyong mga kwento ay salamin ng ating Mataas na Paaralan ng Caybiga — buhay, makulay, at puno ng pag-asa para sa mas maliwanag na kina- kasan. Sa inyong mga panulat, nadarama ang inyong dedikasyon sa integridad at katotohanan, mga halagang dapat nating patuloy na yakapin sa anumang larangan ngbuhay. Sa mga mambabasa, nawa’y maging inspirasyon ang bawat artikulo sainyong pang-araw-araw na buhay. Ang lahat ng ating paglilingkod at pagsusumikap ay ating inaaalay para sa Caybiga High School, sa ating bayan at higit sa lahat, sa ating Panginoong Maykapal. Mabuhay ang Caybiga High School Filipino Journalism!

Ang mensahe ko para sa aking mga minamahal na campus journalist, alam kong mahirap sumulat ng mga balita lalo pa’t hindi pa kayo sigurado dahil maraming prosesong pinagdaraanan. But at least you’re trying your best kahit mahirap, kahit hindi malinaw dahil dito kayo nagkaka roon ng kaalaman. It also takes a lot of courage to do so. ‘Yong effort niyo rin, ipagpatuloy niyo lang ang ginagawa niyo, ang naumpisahan and I hope at the end you’ll meet success. Good luck sa mga laban at mga paparating pa. Just keep it up!

Dibuho ni Emanuel Pinto
Dr. Warren A. Ramos OIC, Assistant Schools Division Superintendent of SDO - Caloocan City
Dibuho ni Denver Galangco
Gng. Dinna N. Pozas Principal
Mag-ulat. Magmulat.
Pahayagan

Bagong Kaibigan

Tila nabunutan ng tinik ang mga Pilipino nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Senador Sonny Angara bilang bagong Kalihim ng Department of Education (DepEd) noong Hulyo 2 kapalit ni Bise Presidente Sara Duterte na nagbitiw sa puwesto noong Hunyo 19. Matatandaang umani ng kaliwa’t kanang batikos ang pamamahala ng dating Kalihim, kaya sa tingin ko, mas magiging maayos ang pamamahala ni Sen. Angara. Dahil na rin sa mga naipasa niyang batas para sa edukasyon gaya ng RA 10931 na nagpatupad ng libreng tuition fee sa mga state universities.

Batay sa datos na inilabas ng Programme for International Student Assessment (PISA) noong 2022, pumuwesto sa ranggong 76 sa 81 na mga bansa ang Pilipinas sa larangan ng Mathematics, Science, at Reading Comprehension. Dahil diyan, hiniling ni Pangulong Marcos na mas pagtuunan ng pansin ng bagong Kalihim ang pagpapaunlad ng information literacy, problem solving, at critical thinking skills ng mga mag-aaral. Simbolo rin ng pamamahala at mga programang ipinatupad ng mga nauna nang mga Kalihim ang resulta ng PISA.

Sinabi ni VP Sara sa kaniyang huling talumpati bilang Kalihim ng DepEd ang mga programa at proyekto na ipinatupad sa kaniyang dalawang taong panunungkulan. Kabilang dito ang MATATAG Agenda, Kinder to Grade 10 (K to 10) MATATAG Curriculum, pagrepaso ng Senior High School (SHS) Curriculum, paglulunsad ng National Learning Recovery Plan, at pagbabalik ng in-person classes. Makikita pa rin na sa kabila ng mga alegasyon at isyu sa kaniyang pamamahala, may mga proyekto pa rin siyang nasimulan na nakapagpaunlad sa kalidad ng edukasyon.

Sa unang talumpati ni Sen. Angara bilang Kalihim ng DepEd, sisiguraduhin niyang ipatutupad at ipagpapatuloy ang mga programa na makakatulong upang sa mas magkaroon pa ng kalidad ang edukasyon ng mga mag-aaral. Kabilang sa mga programa at proyektong binanggit niya ay ang K to 10 MATATAG Curriculum at paglulunsad ng National Learning Recovery Plan. Maganda namang nakikitaan ni Angara ng potensyal ang mga naunang proyekto ni VP Sara.

Nitong Hulyo, binanggit din ni Sen. Angara na milyong kagamitan ng DepEd ang nakatambak lang sa warehouse simula noong 2020 kaya’t napagdesisyunan niyang ipamahagi na ito sa mga paaralang nangangailangan ng mga laptop, libro, at iba pang kagamitan. Kaya noong mga nakaraang buwan ay nadagdagan din ang mga ginagamit na laptop ng aming paraalan. At sana hindi rito magtapos ang pagtugon ng DepEd sa kakulangan sa mga gamit at patuloy na magamit ang inilaang badyet ng kagawaran para sa mga pangangailangan at mas pagbutihin ang mga nauna nang proyekto.

Ilang buwan na rin nang umupo bilang Kalihim ng DepEd si Angara ngunit makikita naman na umaaksiyon at gumagalaw siya upang solusyunan ang mga problema sa edukasyon. Naniniwala ako na mas magiging maganda ang kaniyang pamamahala kaysa sa pamumuno ng nakaraang Kalihim. Tiyak kong magiging isang mabuting mamamahala ang ating bagong kaibigan.

Agawang Nauwi sa Patayan

Nakababahala ang nangyaring saksakan ng mga mag-aaral ng Baitang 10 sa Caloocan City Business High School (CCBHS) nang dahil lamang sa agawan ng electric fan. Talaga namang napakababaw na dahilan nito upang maging sanhi pa ng isang karumal-dumal na eksena sapagkat malaki ang iniwan nitong lamat sa alaala ng mga nakakita gayundin ng mga biktima. Ayon sa awtoridad, mayroong tatlong sugatan habang isa ang namatay sa engkwentro. Kaugnay nito, dinepensa pa ng menor de edad na offender o Child-in-conflict with the Law (CICL) na ginawa lamang niya ito dahil sa naranasan niyang bullying sa loob mismo ng paaralan kahit pa isa siyang transferee.

paaralan. Maraming alternatibong solusyon upang matuldukan ang bullying, tulad ng pagsusumbong sa mga awtoridad sa nangyayari. Kung susuriin, isang malaking palaisipan din kung paanong nakalusot sa loob ng paaralan ang kutsilyong ginamit ng mag-aaral. Ipinakikita lamang nito na nagkulang ang nasabing paaralan sa seguridad ng mga kawani at estudyante nito. Kung kaya’t nakapagtataka ngayon kung may malaking parte ba ang mismong eskwelahan sa nangyari. Kung ako ang tatanungin, marapatin dapat ng eskwelahan na lapatan ng aksyon ang nangyari at siguraduhing mananagot ang sinumang tunay na may sala sa nangyari. Upang maiwasan rin ang ganitong pangyayari sa iba pang

magkakaroon ng random inspection ang mga namamahala sa na seguridad ng paaralan nang matiyak na walang kahit anong dalang patalim ang mga estudyante nito, tulad ng isasagawa sa Caybiga High School (CHS).

Sa aking palagay, makatutulong ang inspeksyon na ito upang masiguro na ligtas ang bawat isa sa anumang banta ng karahasan sa loob man o labas ng paaralan. Subalit, mas mainam na masiguro ng bawat paaralan na sa paraang ito ay hindi na muling maulit ang ganitong pangyayari.

Sa kabilang banda, nai-turn-over na ang CICL sa kustodiya ng City Social Welfare and Development (CSWDD). Habang ang mga batang hasaktan ay nagpapagaling at magpapatuloy sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng Alternative Delivery Mode (ADM). Ngunit magiging mahirap din ito sa kanila dahil sa iniwan nitong trauma. Kung kaya’t ang mga kasangkot at nakasaksi sa aksidente ay isasailalim sa Critical Stress Incident Debriefing (CSID).

Hindi naman talaga maiiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan sa loob ng paaralan, lalo na kung may iba’t ibang prinsipyong pinaninindigan. Ngunit, hindi solusyon dito ang paggawa ng krimen at pagtapak sa karapatan ng iba, lalo na kung buhay ang nalalagay sa alanganin. Upang mapanatili ang kaayusan sa paaralan, pagkakaisa ng mga kawani at mag aaral nito ang kinakailangan.

Kalidad na Edukasyon: Nararapat Para sa Lahat

Sa likod ng nagsisilakihang pader ng mga prestihiyosong unibersidad, mayroong mga aninong pilit tinatahak ang kahabaan ng daan tungo sa edukasyong hindi kayang matamo. Kamakailan lang, naiungkat muli ang isyu patungkol sa mga burgis o mga taong kabilang sa middle at upper class sa Pilipinas na pumapasa sa State Universities and Colleges (SUCs). Iba-iba ang reaksyon ng madla kabilang na ang mga tinatawag na influencers sa social media. Ngunit para sa akin, pagdating sa usaping kalidad na edukasyon, dapat itong nakukuha ng lahat ano man ang estado sa buhay. Noong 2024, naglaan ang Kongreso ng P128.231 bilyon para sa 116 SUCs sa Pilipinas. Subalit ibinaba ito sa P113.749 bilyon. Makikitang malaki ang naging budget cut ng kongreso sa National Expenditure Program (NEP) para sa 2025 na maaaring maging dahilan ng pagbabago ng sistema ng edukasyon.

Ipinanukala naman ng executive branch na bawasan ang pondo para sa capital outlay funds ng 69.7% noong 2025 para sa SUCs, mula sa P31.503 bilyon na inilaan ngayong taon sa P9.537 bilyon para sa mga imprastraktura at ilang kagamitan. Halimbawa nito ang University of the Philippines (UP) kung saan makatatanggap lamang ng P202.529 milyong badyet mula sa P3.097 bilyong badyet na natanggap noong 2024. Kung susuriin ang mga datos, malaking ugat ng limitadong slot ang kakulangan sa badyet ng bawat unibersidad upang mawalan ng oportunindad ang bawat estudyanteng nagnanais makapasok sa mga prestihiyosong unibersidad na ito. Kung kaya’t upang masigurong pantay at walang dayaang magaganap sa pagkamit ng slot, mayroong mga entrance examination upang sukatin ang kanilang kakayahan.

Gayunpaman, para sa akin, malaki rin ang kala-

mangan ng mga nakatataas sa resources upang magamit sa pag-aaral, higit na lalo sa oras ng entrance exam. Dahil sa kanilang yaman, mayroon silang mas malawak na access sa mga sulating makatutulong upang makapasa sila sa unibersidad na kanilang naisin. Isa ito sa mga lamat na maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng hindi pantay at malaking puwang sa pagitan ng mayayaman at mahihirap. Kung kaya’t mas maigi kung susuriing mabuti ang sistema ng entrance examination sa bawat unibersidad upang masiguro na pantay ang resources ng mga mag-aaral.

Pinabulaanan naman ni UP President Angelo Jimenez ang isyung para lamang sa mayayaman ang unibersidad. Sa katunayan, tumaas sa 56% nitong 2024 ang mga kwalipikado mula sa mga pampublikong paaralan sa UP College Admission Test (UPCAT) mula sa 50% noong 2023 at 44% noong 2022. Makikitang mas tumataas ang bilang ng mga pumapasa taon-taon. Magandang balita ito dahil nagkakaroon ng oportunindad ang mga estudyanteng karapat-dapat ding makatanggap ng kalidad na edukasyon.

Kung ako rin ang tatanungin, hindi naman talaga mayayaman ang pinakadahilan kung bakit hindi nakapapasok ang mahihirap sa mga unibersidad na ito kundi ang mababang kalidad ng libreng edukasyon sa bansa. Dahil sa hindi sapat na badyet, kulangkulang din ang mga imprastraktura at mga kagamitan sa paaralan at ang kakulangan sa suporta para sa mga guro. Ilan lamang ito sa mga dahilan kung bakit bumaba ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

“ Sa usaping kalidad na edukasyon, dapat itong nakukuha ng lahat ano man ang estado sa buhay.

Ayessa Mae Bataan
ASINTADO Kristoph Abanid
Dibuho ni Ma. Shiela Ferrer
SEGURISTA

Butas sa Batas: Kwalipikasyon sa Posisyon

Para sa lahat nga ba ang politika? Sa paparating na eleksiyon, maraming mga bagong mukha at pangalan ang ating makikita. Ngunit, hindi maipagkakailang sa sobrang baba ng kwalipikasyon para sa kanila, marami ang pumapasok sa politika nang walang sapat na kaalaman o karanasan dito. Kung patuloy na mauupo ang mga kandidatong katulad nila, maaaring hindi maging maayos ang pamamalakad sa ating bansa.

Ilan lamang ang kailangang taglayin ng isang tao upang maging isang kwalipikadong politiko. Isang halimbawa ang pagiging Pangulo. Sa pagtakbo, kailangan lamang niyang maging isang purong Pilipino, registered voter, nasa edad na 40 at pataas sa araw ng eleksiyon, at residente ng Pilipinas nang 10 taon pataas bago ganapin ang botohan. Talagang nakababahala na sa lalim ng responsi-

bilidad ng isang politiko, ang babaw ng pagkilatis na ginagawa. Kung tutuusin, madalas ay mas mahirap pang makakuha ng trabaho dahil sa dami ng requirements at taas ng standards ng mga pribadong kompanya at employers kumpara sa qualifications na hinahanap para sa mga posisyon sa gobyerno. Upang maging guro, kinakailangan ng bachelor’s degree, puspusang training, at sandamakmak na requirements. Makikita nating hindi talaga ito makata rungan kung ikukumpara ang mga kinakailangan ng isang politiko na nagpapasahod sa kanila at gumagawa ng desisyon para sa isang komunidad at mga mamamayan nito.

Dahil din dito, maraming mga tao ang nagfa-file ng Certificate of Candidacy (COC) nang walang sapat na kaalaman at napag-aralan tungkol sa politika at sa sistema nito. May ilan ding nagkakaroon ng pagkakataong tumakbo at nananalo pa kahit nasangkot at napatunayan nang may ginawang krimen katulad ng korapsyon sa gobyerno. May ilan pang mga influencers at mga artista ang walang kaalaman sa politika ang tumatakbo sa gobyerno, at marami rin ang pamilyang ginawang pamumuhay ang pagiging politiko kung saan may posisyon ang kada miyembro. Talagang nakababahala at nakalulungkot na nakauupo pa sila dahil hindi natin masisiguro kung talagang magagamit nila ang yaman ng bansa para sa mga imprastrakturang makatutulong sa bawat mamamayan, mayaman man o mahirap.

Kailangang maging mataas at palitan na ang mga kwalipikasyon ng isang politiko sa ating bansa, ngunit naiintindihan ko rin kung hindi ito kaagad na mangyayari dahil upang maisagawa ito, kailangang magkaroon ng Charter Change (Cha-Cha) na talaga namang isang komplikadong proseso. Kung hindi pa ganoon kataas ang standard ng batas, dapat na tayo ang magtaas nito. Iboto ang tao base sa karanasan, kaalaman, at mga plataporma nito at hindi lamang dahil sinasabing mabait at busilak ang kanilang puso. Nasa kamay ng mga botante ang kapalaran ng bansa, kailangan nilang bumoto nang matalino at ng matalino.

Hindi para sa lahat ang politika. Dahil sa limitadong kwalipikasyon, nakatatakbo at nananalo sa eleksiyon ang isang tao, eksperto man o hindi. Maaaring ang dahilan ng isang kandidato sa pagtakbo ay ang pagtulong sa mamamayan ngunit hindi ito sapat na dahilan upang umupo sila sa isang posisyon sa gobyerno. Kung may butas ang batas, tanging sandata ang boses ng lahat.

PAKIWARI

Samaire Elyse

Ang Hangad ng mga Marangal

“Para [kaming] magnanakaw [sa sarili naming bayan].” Ganito na lamang ipinahayag ni Leonardo Cuaresma, isang matapang na Pilipinong mangingisda sa Masinloc, Zambales ang kaniyang emosyon sa pagtanggal ng kanilang karapatan sa sariling tubig na kinikilala. Para sa isang mangingisdang tulad ni Cuaresma, tila naturingan silang magnanakaw hindi dahil sa paggawa ng krimen, kundi dahil sa patuloy na pagkawala ng kanilang mga karapatan sa sariling teritoryo kung saan nanggagaling ang kanilang nag-iisang pangkabuhayan.

Ano pa nga ba ang mararamdaman mo kung ang lugar na noong pinagmumulan ng iyong hanapbuhay, ipinagkakait na sa iyo ngayon. Hindi pa nagtatagal nang umusbong ang isyu hinggil sa alitan ng ating bansa at ng China na nagdala ng panganib sa kaligtasan at hadlang sa pangkabuhayan ng mga mangingisda. Sunod-sunod na pagharang ang naranasan ng mga mangingisdang tahanan ang karagatan ng West Philippine Sea (WPS)— ito ang tuluyang nagkitil sa kanilang tanging pinagkakakitaan.

Matatandaang walong taon na ang nakalipas mula nang manalo ang Pilipinas sa kaso laban sa China tungkol sa agawan ng teritoryo. Ngunit isang nakalulungkot na sitwasyon, patuloy pa rin ang banta at ang pag-angkin ng China sa WPS. Noong Hulyo 12, 2016, inilabas ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands ang desisyon na pabor sa Pilipinas. Ayon sa desisyon, sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas o ang 200 nautical miles mula sa baybayin nito ang WPS, ayon na rin sa United Nations Convention on the Law of the Sea. Gayunpaman, hindi nagpapadaig ang China sa desisyong ito dahil sa kanilang pinapaniwalaang “nine-dash line,” at iginigiit pang bahagi ng kanilang makasaysayang teritoryo ang WPS. Isa si Jerry Mundia, isang opisyal ng lokal na pamahalaan at isa ring mangingisda sa mga apektado ng hindi makatarungang pangyayaring

ito. Ayon sa kaniya, kung noon ay umuuwi silang masaya galing sa limang araw na paglalayag dala ang kanilang mga barkong puno ng huli, ngayon hindi na nila maabot ang mga lugar kung saan marami silang nahuhuling isda dahil sa mala-pader na harang na kagagawan ng Tsina. Kitang-kita kung paano tinatapakan ng ibang bansa ang soberanya ng Pilipinas buhat ng direktang paglabag sa soberanya ng bansa ang presensya ng mga dayuhang barko sa ating sariling katubigan. Para sa mga mangingisda na marangal na nagtatrabaho at nakikipagsapalaran para sa ikabubuhay sa kabila ng kagutuman, isa lamang na panandaliang solusyon ang ayuda mula sa gobyerno. Ayon sa isang lider ng palaisdaan, hindi ito sapat para tuluyang makaahon sila sa kahirapan. Sa katunayan, hindi lamang nakatuon ang kanilang mga daing sa kakulangan ng ayuda kundi sa hindi pagtugon ng pamahalaan sa dinadala nilang pasanin. Nararapat lamang na ipaglaban ng mga nakakataas ang karapatan sa bayan ng mga mamamayang Pilipino na wala ng ibang ginawa kung hindi ang maghanapbuhay. Sa huli, hindi ayuda ang sagot sa kasalatan sa hanapbuhay, kun’-di karapatan ng mga mangingisdang malayang makapaglayag. Isa sana ang kabuhayan ng nga mamamayang Pilipino ang itaguyod ng mga nakatataas. Ramdam ko naman ang pagpupursigi ng gobyerno na tugunan ang totoong pangangailangan ng kanilang nasasakupan, ngunit nararapat lamang na kooperasyon ng pamahalaan, bawat sektor at lahat ng mamamayang Pilipino ang manguna sa pagprotekta hindi lamang sa ating teritoryo, pati na rin sa kinabukasan ng Pilipinas.

Ang sigaw ng mga taong may marangal na trabaho ang dapat dinggin; hindi pangunahin, ikalawa, o ikatlong lunas ang kanilang kailangan, bagkus pangmatagalang kasagutan para sa nakasanayang pangkabuhayan.

SA TOTOO LANG

Alleyson Joy Sobrevinas

Sakripisyo ng Kabataan upang Kumita nang Agaran

“Ma, anong ulam?” sabi ko pagpasok sa aming pinto galing sa paaralan na pagod at gutom sa sobrang daming ginawa, alam kong hindi pa matatapos ang pagod dahil may mga hahabulin pa akong aktibidad. Nagpahinga ako saglit at nanood sa Tiktok, dito nakita ko ang batang tinatawag na ‘Neneng B’, na nagtitinda ng hotdog sa Quiapo at sinasabi niya sa video na dapat maging katulad niya ang lahat ng kabataan sa halip na laging gumagamit ng cellphone at ‘gumalaw-galaw’ naman sila. Puro mga pambabatikos ang natanggap ni Neneng B dahil sa kaniyang mga sinabi at ayon sa kanila, mahirap maging katulad niya sa dami ng ginagawa sa paaralan at hindi kailangang sabihin ni Neneng B ang mga nabanggit niya sa video. Naiintindihan ko kung bakit naging mali ang dating ng mga sinabi ni Neneng B, at may ilan din siyang salitang sinabi na mali talaga katulad na lamang ng ‘huwag puro cellphone, galaw-galaw din’ na para bang sinasabing tamad ang kabataang katulad niyang hindi nagnenegosyo. Pinapakita ng video ang pagpapabango sa salitang child labor na laging nangyayari sa bansa.

Nagtatrabaho si Neneng B mula alas dose nang tanghali hanggang alas dies ng gabi at minsan lumalampas pa kung maraming bibili, nag-aaral siya sa umaga at halos wala na talaga siyang pahinga kung iisipin. Maraming kabataan ang katulad niyang nagtatrabaho sa murang edad. Ayon sa datos, nasa 678,000 ang kabataan mula edad lima hanggang 17 ang nagtatrabaho na. Nakalulungkot na hindi na ito nabibigyan ng pansin at tinuturing nang normal sa ating bansa. Kahit pa hindi pinipilit si Neneng B ng kaniyang mga magulang na magnegosyo, hindi niya dapat isiping normal lamang ito at dapat na gawin ito ng lahat ng kabataan. May ilang nagsasabing tama lamang ang sinabi ni Neneng B at dapat maging katulad niya ang lahat na magnegosyo o magtrabaho nang maaga. Gayunpaman, dapat na hayaan natin silang namnamin ang pagiging malaya ng isang mag-aaral. Hindi naman porket hindi nagnenegosyo ang isang bata, tamad na ito at hindi nila kasalanang kaya nilang mabuhay nag hindi nagtatrabaho o nagnenegosyo at hindi sila dapat batikusin dahil dito. Matagal ko na ring nais na magtrabaho nang maaga kahit sa mga restaurant lamang para makakita ng pera ngunit hindi pumayag ang aking mga magulang upang mas mabigyan ko ng pansin ang pag-aaral. Sa halip na pagnenegosyo o pagtatrabaho, itinutuon ko ang aking pansin sa pagkatuto at pagtulong sa bahay. Kaya naman naisip ko ring may mali talaga sa sinabi ni Neneng B dahil inisip niyang lahat ng kabataang hindi nagtatrabaho, walang ginagawa at hindi gumagalaw na walang katotohanan.

Marami at patuloy na nadadagdagan ang kabataang biktima ng child labor at nagtatrabaho na sa murang edad. Dapat na magkaroon ng aksiyon upang matigil na ito at hindi na dapat magpatuloy pa ang paniniwalang normal lamang ang ganitong mga sitwasyon. Dapat ding pangaralan ang mga katulad ni Neneng B na naniniwalang dapat magtrabaho at magnegosyo na ang kabataan sa murang edad.

Darating ang araw na tutungtong na sa tamang edad ang mga mag-aaral at magsisimula nang magtrabaho. Hindi dapat ito madaliin at hayaan muna silang maging bata.

“ Huwag nakawin ang diwa ng kabataan para lamang kumita nang mas maaga at agaran.
Abacan
SAPUL
Nichole Caspe
Dibuho ni Denver Galangco
Dibuho ni Denver Galangco

Kolorete: Ang na Buhay ni Tristan Makulay

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang kahalagahan ng magulang sa ating buhay, sila ang nagsisilbing pundasyon ng ating pagkatao. Karapatan na dapat natatamasa ng lahat ang pagganap nila sa kanilang mga responsibilidad lalo na ang pag-aaruga at paggabay sa ating buhay. Ngunit ang karapatan na ito sa iilan, pribilehiyo na sa nakararami.

Bunga ng problema sa pamilya, ang musmos na si Tristan, edad na 14, ay napilitan nang tumayo sa sarili niyang mga paa. Bitbit ang kaniyang makeup kit, hinanda ni Tristan ang sarili sa iba’t ibang kulay ng buhay na kaniyang kahaharapin.

Sa una, hindi naging madali para kay Tristan na akuin ang responsibilidad ng kaniyang mga magulang sa kaniya. Masaya man na mayroon siyang kinikita mula sa kaniyang mga pinaghirapan, pakiramdam niya ay may kulang pa rin dahil tila natapyasan ng bahagi ang kaniyang buhay.

Mula sa kaniyang kinikita, natutuhan niyang pahalagahan ang bawat barya at sentimo na natatanggap niya bilang isang make-up artist. Bukod pa rito, isa rin siyang nail technician at

suma-sideline paminsan-minsan bilang host, pageant handler, at mentor sa mga question and answer ng iba’t ibang mga pageant.

Caybigang Senior High na Working Student Sa isinagawang sarbey ng Ang Caybigan, lumalabas na 44 sa 351 mag-aaral ng Senior High School ang pinagsasabay ang pag-aaral at paghahanapbuhay. Hindi nila pinili ang magtrabaho, ang sitwasyon nila ang naging dahilan kung bakit nila tinahak ang ganoong landas sa murang edad.

Anim na taon na ang nakalipas mula nang magsimulang kumayod si Tristan para sa kaniyang sarili.

Marami siyang dinaanang lubak mula sa kaniyang pagsisimula hanggang ngayon na sapat na ang kaniyang kinikita para suportahan

Ako si Mara, isang tipikal na kabataan—masayahin, puno ng pangarap, at puno ng sigla na lakbayin ang iba’t ibang bagay, at magtatapos pa lamang ng Grade 10 ngayong Marso. Ngunit isang araw, dumating ang isang pagsubok na magbabago sa aking buhay. Isang pagsubok na hindi pa ako handa, at magbubukas sa aking mga mata sa mundo ng responsibilidad, sakripisyo, at pagmamahal. Sa isang simpleng usapan ng aking mga kaibigan tungkol sa aming mga menstruation o buwanang dalaw, bigla kong naisip na tatlong buwan na pala akong hindi dinadatnan. Isang malamlam na ulap ng kaba ang sumakop sa akin, may hinuha na ako ngunit pinili kong itulak ang pakiramdam na iyon at itago ang aking takot sa likod ng mga ngiti.

Hanggang sa napag-alaman kong tatlong buwan ko na palang dinadala ang batang ito. Para akong nawalan ng lakas sa pagkatakot, hindi ko alam kung anong direksyon ang tatahakin ko. Sa harap ng salamin, nakita ko ang isang batang babae na hindi pa handa sa lahat ng responsibilidad na darating. May mga pagkakataong binalak ko na ipalaglag ang bata. Inisip ko ito bilang isang paraan upang makawala sa mga pasaning dulot ng hindi inaasahang sitwasyon. Itinanggi ng aking nobyo ang pagiging ama, puno ng masasakit na salita ang binitawan niya, mga salitang nagdulot ng lalalim na sugat sa aking puso.

Sa kabila ng lahat ng ito, hindi ko kayang magpatalo sa kahinaan, kaya’t nagdesisyon akong ituloy ang pagbubuntis. Bagamat puno ng takot at maraming katanungan, nagsimula akong mag-isip ng mga hakbang na tatahakin ko para sa batang ito. Itinago ko ang pagbubuntis sa aking pamilya, ngunit dumating din ang araw na pinaluwas niya ako sa Caloocan upang magpatuloy sa Senior High School, iniisip niyang magiging magaan ang buhay ko roon.

Hindi ko na kaya pang itago ang dinadala kong bata, napilitan na akong aminin sa papa ko ang katotohanan dahil sa kapansin-pansin na ang pagbabago sa katawan ko. Nagtanong siya nang may halong pagnanais na maintindihan “Bakit ngayon mo lang ito sinabi?”. Kasunod ang may agam-agam pa ring tanong na “Ipagpapatuloy mo ba ang pag-aaral, o titigil ka muna para sa bata?”. Parang isang dagok sa aking puso ang mga salitang iyon, at sa kabila ng lahat ng takot at kalituhan, nagdesisyon akong huminto muna sa pag-aaral at magpokus na lang sa pagpapalaki ng anak ko.

Ang Realidad ng Teenage Pregnancy

Sa kabila ng mga sakripisyo, ang kwento ko ay isang salamin ng malupit na katotohanan ng teenage pregnancy sa ating bansa. Ayon artikulo ng PhilStar.com, inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nasa 13.3 percent ang nagbuntis na edad 19, 5.9 percent ang 18-anyos,

ang sarili. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, patuloy siyang nagsusumikap para mabuhay at dumidiskarte para sa kaniyang pag-aaral.

Mula sa kaniyang mga naging karanasan, marami siyang napulot na aral at karanasang nagpatatag sa kaniyang pagkatao.

Ang payo niya, pagbutihin at pahalagahan ang lahat na mayroon tayo, isa na rito ang suporta at kalinga ng pamilya, isang bagay na sa kamusmusan, ay pinagkait sa kaniya. Hindi na lang mukha at kamay ng tao ang pagagandahin ni Tristan, kundi pati na rin ang kaniyang buhay.

1.7% ang 16 taong gulang habang 1.4% ang 15 years old. Ayon sa PSA, ang tala ay mula sa 27,821 kababaihan na kanilang nakausap na edad 15-19 noong 2022. Isang malupit na hamon ang teenage pregnancy, at isang tanong na mahirap sagutin: Paano ko haharapin ang mundo ng pagiging magulang sa edad na hindi ko pa lubos na nauunawaan ang mundo?

Noong manganak ako, isang mahirap at magulo na yugto ng buhay ang sumalubong sa akin. Wala akong ina na maaaring magsilbing gabay sa pagpapalaki ng aking anak, at abala naman ang aking ama sa paghahanapbuhay upang matustusan ang aming mga pangangailangan. Ako na lamang ang nag-asikaso sa aking sarili at sa aking anak, kahit na wala akong karanasan sa pag-aalaga ng mga bagong silang. Sa kabila ng mga takot at pag-aalinlangan, hindi ko iniiwasan ang responsibilidad. Naghanap ako ng mga paraan, nag-research at nagbasa ng mga gabay upang matutuhan kung paano pangalagaan ang aking anak. Sa bawat hakbang, natutuhan kong hindi hadlang ang kakulangan sa karanasan, sapat na ang wagas na pagmamahal at determinasyon na magampanan ang aking tungkulin bilang ina.

Mahabang kwento ng pagsubok, kabiguan, at muling pagbangon ang aking istorya. Isa itong paalala sa mga kabataan—na sa kabila ng kasalukuyang saya at kalayaan, may mga pananagutan na dulot ng maling desisyon. Ngunit sa bawat pagkatalo, may aral na matututuhan. Nalaman ko na hindi dapat magmadali; kailangan maghanda, magsikap, at magpatuloy upang matamo ang pangarap. Sa buhay, may mga pagkakataon na hindi natin kontrolado, ngunit may mga pagkakataon din na tayo ang may hawak ng ating kapalaran. Ngayon, bilang isang batang ina, ang mga pangarap ko ay naging mas malinaw. Gusto kong makapagtapos ng kolehiyo at mag-aral ng accounting, at balang araw ay magtapos din sa law school. Nais ko hindi lamang para sa sarili ko, kundi para sa anak ko, upang mabigyan siya ng magandang kinabukasan. Sa kabila ng lahat ng pagsubok, natutuhan kong hindi ako nag-iisa. Ang kwento ko ay kwento ng lakas at pag-asa, at para sa mga kabataan, ito’y paalala na ang bawat desisyon ay may kahihinatnan—pero may pagkakataon pa ring baguhin ang ating landas.

Sahra Delmiguez
Ayessa Mae Bataan
Dibuho ni Hency Acaba
Kuha ni Sean Art Rocha

Pagtatagumpay sa Buhay: “Hindi na Marami ang Tubig ng Noodles”

nina Jhared Marcos at Ma. Shiela Ferrer

Isang hapon, habang dahan-dahang lumulubog ang araw, may batang nagluto ng noodles sa isang lumang kaldero. Sa hirap ng buhay, sadyang dinadamihan niya ang tubig, umaasang madadala nito ang lahat ng kakulangan at magiging sapat sa kanilang pamilya kahit na sabaw lamang—tulad ng mga araw na puno ng paghihirap at sakripisyo. Sinisimbolo ng sobrang tubig ang pagsubok sa kaniyang buhay na tila walang katapusan, habang nagsisilbi namang kaniyang mga pangarap ang konting noodles na kaniyang pinagtitiyagaan, at patuloy na iniisip na para ito sa pinapangarap niyang buhay. Pilit niyang pakuluan ang lahat, kahit na bakas ang kahirapan, hinaluan niya ng kakaibang sangkap ang noodles — pinagsamang determinasyon at pagsusumikap, may sahog pa na lakas ng loob. Kalakip ang pag-asa sa kaniyang matagumpay na hinaharap.

“Hindi na patahian ang pinapasukan, kun’di sa paaralan”

Bago pa man ito makamit ni Ma’am Mary Jane Rostata, ilang hibla pa ng sinulid ang kaniyang tinahak dahil sa liit ng butas ng karayom na dapat niyang malampasan; kahirapan at kagustuhang makatulong sa pamilya ang kaniyang pinanghahawakan. Huminto sa kaniyang pag-aaral matapos ng high school. Sa mga panahon na mas pinili niyang magtrabaho sa patahian, maraming mga oportunidad ang napalampas.

Ngunit dala ng pananalig na makakapagtapos pa siya ng pag-aaral, muli siyang sumubok na magsulit sa Philippine Normal University o PNU, at bitbit ang nag-aalab niyang determinasyon ay nakapasok siya sa pamantasan at nakapagtapos bilang guro. Ngayon, hindi lamang siya isa sa mga matatagumpay na guro sa Caybiga High School, parte rin siya ng guidance counseling team na tumutok sa paggabay at suporta sa mga mag-aaral.

“Hindi na benta ng pandesal ang binilang; nagtuturo na siya kung paano magbilang”

Malubak na daan ang tinahak ni Sir Romualdo Andres sa kaniyang pagkabata. Sinubok siya ng karanasan sa murang edad na tumayo sa sariling paa dahil sa malayong probinsya ang kaniyang pamilya. Paglalako ng pandesal ang kaniyang ikinabuhay noon upang matustusan ang kaniyang pangangailangan arawaraw, lalo na sa paaralan. Sa bawat sigaw niya ng “Pandesal kayo riyan!” may nag-aalab na determinasyon upang magpursige at magtapos sa pag-aaral para sa mas magandang kinabukasan. Kaya para kay Sir, may palaman na pagsisikap at mga pangarap ang mga pandesal na iyon, may kasama pang kapeng magbibigay tapang para magpakatatag lamang sa hamon ng buhay.

Ngayon, ang dating naglalako sa kalsada ng Caybiga ay isa ng matagumpay at mahusay na guro ng Matematika sa CHS. Hinubog siya ng mga napagdaanan kaya mas matatag na niyang hinaharap ang buhay.

“Hindi na inuulam ang toyo, asin, o

Milo kapag kinakapos”

Sa murang edad, namulat na si Sir Kim William Asanza sa mahirap na kalagayan ng kaniyang pamilya. Tumayo na siyang breadwinner dahil hindi sapat sa kanilang mag-anak ang kinikita ng kaniyang ama sa pagiging factory worker. Kabi-kabilang hamon ang sumubok sa kaniyang mga pangarap ngunit nagpatuloy siya at taas noong nakapagtapos sa Philippine Normal University. Isa na siya ngayon sa mga hinahangaang guro dahil sa husay niyang umawit at sumayaw, naatasan din siya na maging tagapagsanay ng nagsisimulang Indak Caybigan Dance Troupe. Bitbit niya ang motibasyong

“There is always a rainbow after the rain,” sa pagharap sa mga tila bagyong problema sa kaniyang paglalakbay tungo sa tagumpay. Nais niyang ibahagi sa mga kabataan na huwag panghinaan ng loob kahit na mabagal ang pag-usad, ang mahalaga ay taas-noong magpatuloy at higpitan ang kapit sa pangarap na magandang kinabukasan. Sa huli, tulad ng batang nagluto ng noodles, ang bawat pagsubok at sakripisyo sa buhay ay bahagi ng ating pagluluto ng tagumpay. Dahil sa sobrang tubig noon sa noodles na sumasagisag sa pagtitipid at pagtitiis dahil sa hirap ng buhay, malalasap na ang tunay na lasa ng tagumpay dala ng pagsusumikap at determinasyon sa buhay. Sa mga kwento ng mga taong tulad ni Ma’am Mary Jane, Sir Romualdo, at Sir Kim William, mapatutunayan natin na sa bawat laban, ang mga pangarap na may sandigan na lakas ng loob at pag-asa ang magdadala sa atin sa mas maginhawang bukas, kung saan hindi na marami ang tubig ng noodles.

HEALing ng Inner Child

Alleyson Sobreviñas

Papunta ka pa lang, hindi na sila makababalik.

Ganito mailalarawan ang pagtanda, isang prosesong hindi na nauulit. Wala nang balikan kumbaga. Ang katawang-lupa ay nagbabago, kasabay nito ang mga responsibilidad ng tao sa kaniyang buhay.

Alas-kuwatro na ng madaling araw, oras na ng gising. Nag-init na sila ng tubig panligo, naghanda na rin ng makakain, nagbihis at nag-ayos na ng kanilang sarili. Pagsapit ng alas-sais, handa na silang pumasok sa trabaho.

Ganito na ang araw-araw na buhay ng mga adult, salungat sa kung anong ginagawa nila noong bata pa sila. Hindi na kalaro sa patintero ang mahirap buhatin, ang mga responsibilidad na nila; hindi na pagkatalo sa laro ang iniiyakan, ang problema na sa iba’t ibang aspekto ng buhay; at hindi na pag-aaral ang pumipiga sa kanilang utak, kundi ang mga bayarin nang walang tigil sa pagdating.

Kaya naman nauso sa social media ang trend na “healing my inner child” kung saan ginagawa ng mga netizens ang mga bagay na hindi nila nagawa noong kabataan nila. Ang iba ay ginagawa ito sa paraang nakatutuwa at nakaka-relate ang ibang tao, gaya na lamang ng paglalaro ng mga larong kinagisnan ng lahat bilang isang adult. Ang iba naman, may halong antig sa emosyon ng mga tao. Halimbawa na lamang ang trend sa TikTok, kung saan nireregaluhan ng mga anak ang kanilang magulang ng mga bagay na hindi nila narasanang magkaroon bilang isang bata.

Iba-iba ang naging paraan ng mga tao kung paano nila patatahanin ang bata mula sa luha ng nakaraan. Nagsilbi itong coping mechanism ng karamihan dahil naayos nito nang paunti-unti ang tapyas sa bahagi ng kanilang buhay.

Ang katotohanan: hindi na tayo babalik sa ating pagkabata, ngunit habambuhay naman nating kasama ang musmos na nag tanim ng masasayang alaala sa ating buhay. Halata man sa pisikal nating anyo ang bakas ng malungkot na katotohanan ng pagtanda, kita pa rin ang ngiti ng batang natutuwa kapag nagawa ang ninanais niya. Lumipas man ang panahon, nariyan pa rin ang ating inner child; at ang hiling nila: gawin natin ang mga bagay na magpapasaya sa kanila ngayon na ipinagkait sa kanila noon.

Dibuho ni Hency Acaba

DOC alidad na Pamumuno para sa Caybigans

hadlang ang kahirapan sa kaniyang pag-aaral. Bagkus ginawa niya itong inspirasyon upang

Hindi man niya nasungkit ang pangarap na maging computer engineer o maging architect dahil sa hirap ng buhay nila noon, nagbukas ito ng bagong oportunidad sa kaniya. Para sa kaniya, naging bokasyon niya ang pagtuturo ngunit hindi niya inaasahan na mararating ang

Umani si Doc Warren ng ibat ibang parangal katas ng kasipagan at pagiging dedikado sa kaniyang propesyon. Naging Chief Education Supervisor of the Policy Planning and Research Division in the Department of Education National Capital Region. Natapos ni Doc Ramos ang kaniyang baccalaureate at Masteral Degree sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila; at kaniyang Doctorate Degree sa National

Nagturo siya ng Chemistry at Physics sa basic education, at Analytical Chemistry, Bio-chemistry, at Physical Science sa kolehiyo. Naging Graduate School Professor IV din siya sa Our Lady of Fatima University and University (OLFU) Caloocan City hawak ang Advanced Research, Advanced Statistics, Educational Legislation, at iba pang education management subjects.

Sa 27 taong karanasan ni Dr. Warren A. Rames sa pagtuturo at pamumuno. Naatasan si Dr. Ramos bilang OIC principal ng Caybiga High School. Sa kaniyang dalawang buwang pagkakaupo, nailunsad niya sa paaralan ang E-lear-

ning hub sa library na makakatulong sa mga Caybigans na walang magamit na gadget para sa pag-aaral. Kasabay nito ang pamamahagi ng mahigit 30 laptops at TV. Buong puso niya ring simasuportahan ang iba’t ibang club tulad ng Journalism at Campain for Character Education Tenacity (CACHET) na nakatutulong sa paghubog ng karakter ng Caybigans.

Hindi biro ang pagiging lider lalo na’t kung hindi lang ito ang iyong ginagampanan. Ayon kay Doc Warren, mahalagang taglayin ng isang lider ang pagiging positibo, kalmado, at may kontrol sa sarili, Hindi lamang tungkol sa pagiging matagumpay ang basehan ng pagiging mahusay na lider, kundi dapat magsilbing inspirasyon at gabay para sa iba.

May mas malalim siyang pagpapakahulugan sa “Masayang Caybigans” na ginagamit sa paaralan na paraan sa pagbati. Ayon sa kaniya, nasa tao kung pipiliin niyang sumaya o hindi, kaya naman hangarin niya magkaroon ng self-care tuwing flag ceremony para maiwasan yung stress hindi lamang ng mga estudyante ngunit pati rin mga guro.

Bilang OIC Principal, ang mensahe niya sa Caybigans: Magtulungan, Mag-usap, at maging malikhain sa pagresolba ng mga problema hindi lamang ng paaralan kundi pati na rin ang ating sari-sariling mga problema.

Naniniwala siyang ito ang susi para maging matagumpay ang mga pagsubok na pagdadaanan at makamit ang mga pangarap ng mga Caybigas.

Hindi man siya doktor ng medisina na nanggagamot sa mga may sakit. Isa naman siyang doktor ng edukasyon, na may layuning magbigay ng lunas sa hamon na kinakaharap ng edukasyon sa Caybiga High School. Sa pamamagitan ng tapat at organisadong pamumuno, kaakibat ang husay at dangal, handa na si Doc Warren para sa isang Masayang Caybigans.

Hannah Mendiola
Nichole Caspe

Produktong Caybigan: Diploma’t Diskarte ang Puhunan

Diploma o Diskarte?

Malamang narinig mo na ang tanong na ‘yan sa social media. Naging maugong ito nang magsilabasan ang mga Pinoy business content creators sa iba’t ibang social media platforms, sabay mo pa ang mga food vloggers na nagpi-feature ng mga restaurants at maliliit na food stalls. Samu’t saring opinyon ang nagbanggaan sa kung ano nga ba ang mas matimbang sa dalawa. Ngunit ano’t ano pa man, mapa-diskarte o diploma, o ‘di kaya’y pareho, ang tagumpay ng isang tao ay nakadepende sa kaniyang lakas ng loob na magpatuloy.

CAYBIGANG MADISKARTE

Si Marvin Perez, isang Caybigang ehemplo ng pagtitiyaga at pagsisikap. Bagama’t hindi nakapagtapos ng hayskul at kolehiyo, hindi ito naging hadlang para maabot ang kaniyang pangarap. Nagsimula ang kaniyang tagumpay sa pagba-buy and sell, gamit ang kaniyang people skills at galing makipag-usap sa mga mamimili, naging maganda ang kinalabasan ng kaniyang pag-uumpisa. Unti-unti siyang nakapag-ipon ng kaniyang puhunan at ngayon, abala siya sa pagpapatayo ng kaniyang sariling resort sa Cavite habang nagtatrabaho sa EIP Layer Farm bilang producer ng mga farm-fresh eggs. Ang golden rule niya pagdating sa negosyo: bawal utang. Naniniwala siyang mas mainam ang nag-uumpisa sa maliit at unti-unting lumalago kaysa panay utang, dahil ito ang sasakal sa mga negosyanteng nag-uumpisa pa lamang.

CAYBIGANG MAY DIPLOMA

Simula pa lamang, pinapangarap na ni Noressa Alvarez Bongalan na makatapos ng pag-aaral. Wala mang karangalang natanggap, ang mahalaga para sa kaniya ay nakapagtapos siya noong taong 1987 sa Caybiga High School. Dalawang taon rin siyang nag-aral bilang Junior secretarial at dahil sa hirap ng buhay, nagpasiya siyang maghanap ng trabaho at natanggap naman bilang secretary sa isang malaking kompanya sa edad na 18. Kalaunan nakapagtayo siya ng maliit na negosyo katuwang ang kaniyang asawa, ang JB Trading. Naging puhunan niya ang pagiging matiyaga, tiwala sa sarili, at pagmamahal sa trabaho. Nasa likod din ng kaniyang tagumpay ang mga taong nakapaligid sa kaniya. Ibinigay niya ng buo ang tiwala at nagkaroon nang maayos na komunikasyon sa mga tauhan. Ayon sa kaniya, kinakailangan ang diploma ngunit samahan pa rin ito ng diskarte para sa pagtupad ng mga pangarap sa buhay.

CAYBIGANG MAY DIPLOMA AT DISKARTE

Si Rosalyn Luczon, nagtapos sa Caybiga High School taong 1997 at nakapagtapos sa kursong BSBA Marketing. Nagsimula ang kaniyang tagumpay sa pag-aasam na umunlad ang sarili, hanggang sa naisipan niyang gumawa ng kaniyang sariling pabango bilang kaniyang negosyo at tinawag niya itong Scents by Tr3e. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay naging mabango ang kaniyang negosyo. Bukod kasi sa kaunti lang ang na-e-engganyo sa pabango, marami ring malalaking kakumpetensiya; kaya ginawa ni Rosalyn na pangmasa ang presyo ng kaniyang mga pabango. Bukod sa pagnenegosyo, aktibo ring kabahagi si Rosalyn ng SPTA sa CHS, dito niya nagamit ang pakikipag-kapwa tao na kaniyang natutuhan sa pamamalagi sa paaralan. Dahil para sa kaniya, ang tagumpay ay nakakamit kapag hindi lamang ikaw kundi lahat ng tao sa paligid mo ay masaya at umaa-ngat kasama mo.

Ilan lamang ang kwento nina Marvin, Noressa, at Rosalyn sa mga nagsikap upang makamit ang kanilang pangarap sa kabila ng mga balakid sa buhay. Mahalaga lamang na maging determinado at matiyaga. Gawin silang inspirasyon at huwag sukuuan ang pangarap. Nasa kamay natin ang kalagayan ng hinaharap, kaya’t magsumikap sa buhay. Kung ikaw ang tatanungin, diploma o diskarte?

BUHAYSKUL

BUmakas na karanasan sa HAYSKUL

Minsan sa may Kalayaan tayo’y nagkatagpuan, may mga sariling gimik at kaniya-kaniyang hangad sa buhay.

Sa tuwing napakikinggan ko ang kantang ito ng Eraserhead, bigla ko na lamang naiisip ang mga nabuong samahan noong Junior High School.

Ako si Ely, isa na ngayong mag-aaral ng Senior High School. Sayang lang at maiksing panahon ko lamang naranasan ang Junior High School. Paano ba naman, dalawang taon kaming kinulong sa aming tahanan ng pandemya. Pero masasabi kong sa maikling panahon na ito, napuno ako ng masasayang alaala na tumatak sa aking puso’t isipan at bumuo ng aking pagkatao. Halina’t samahan ninyo akong magbalik-tanaw sa aking halo-halong karanasan bilang isang mag-aaral ng hayskul.

Grade 10, huling taon ng Junior High School aking nakilala ang mga taong hindi ko akalaing bubuo ng aking high school life.

Maituturing kong isang banda ang aming grupo, dahil may mga tugma ang aming mga hangarin, tila ba isang musika kapag kami ay nagkakasama-sama; malungkot, masaya, kung minsan ay napapasayaw pa. Ang aming palitan ng salita ay nagsisilbing mga liriko na para bang bumubuo kami ng kantang walang tiyak na hangganan.

Sa ilalim ng bilog na buwan, mga tiyan nati’y walang laman. Ngunit kahit na walang pera ang bawat gabi anong saya.

Sa aming tambayan, sa taas kung saan abot-kamay namin ang kalangi-

tan. Napalitan ng ingay ang kuliglig na bumabalot sa katahimikan ng gabi. Kumakalam ang mga sikmura ngunit nabubusog sa kuwentuhan at kalokohan na kung saan hindi na namin namamalayan ang oras, uuwing may sermon ni nanay pero ayos lang, nagsilbi ang aming tawanan bilang saglit na takas sa katotohanan.

Araw ng pag-aangat antas, huling araw ng buhay hayskul, huling pagkakataon na kasama ko silang papasok sa parehong paaralan, huling beses na papasok na suot ang parehong unipormeng gusot dahil hindi plantsado sa kamamadali, at huling araw na aaralin at mapipiga ang utak sa parehong asignatura.

Isang taon na samahan. masasabi kong nasulit namin ang limitadong panahon na kami ay magkakasama, Sa isang taong iyon, nabalot ang silid-aralan ng ingay: napuno ng kulitan ang bahay, at napunan ang espasyong nagkulang sa aking buhay.

Ngunit ngayon, kay bilis maglaho ng kahapon. Sana’y ‘wag kalimutan ang ating mga pinagsamahan.

Ngayon, unti-unti na kaming tutungo sa aming kani-kaniyang nais marating sa buhay. Magkakaiba man ang landas na aming tinatahak at salungat man ang oras ng bawat isa, kampante akong magkikita-kita kami nang may ngiti sa labi, na para bang nagdaan lang ang kahapon.

Tunay ngang kay bilis ng panahon, ang bawat oras ay lumilipas nang hindi natin namamalayan. Hindi natin hawak ang hinaharap kaya’t pahalagahan ang kasalukuyan at gawin nating bukas ang kahapon.

Kristoph Abanid
Dibuho ni Denver Galangco
Kerby Gallego

lathalain

Pinoy ‘di POP-akabog

Sapat na ang pag-play sa isang tono upang marinig at matawag pansin ang mga Pinoy Pop (PPoP) fans. Sumasabay sa indak ang kanilang katawan sa mga tono ng kanta na tila kabisado ang bawat galaw. Hindi maiwasang pansinin ang mga trending nilang mga kanta at sayaw na nagkalat sa social media, kahit mga hindi sa kanila umiidolo ay napapasayaw rin dahil sa impluwensya nito.

Pamilyar ka ba sa “Salamin, Salamin” at “Gento”?

Malamang nakilala mo na rin ang mga sikat na PPoP idol sa bansa. Kasabay ng BINI at SB19 ang pag-angat pa ng ibang PPoP group tulad ng HORI7ON, VXON, BGYO, at marami pang iba. Sila na ba ang magsisilbing daan upang matuklasan at maipakita sa mundo ang talento ng mga Pilipino?

Isa sa mga hinahangaan ng fans sa kanilang iniidolo ang talento nila sa paglikha ng musika, pagkanta, at maging sa pagsayaw. Kaya naman, hindi kataka-taka na parami na nang parami ang nahuhumaling sa kanilang mga likha dahil sa inspirasyong dala nito. Kabilang si Lezeil Anino, mula sa 10-Rizal sa mga mag-aaral ng Caybiga High School na tagapakinig sa mga awitin ng SB19.

Maaari pang madagdagan ang mga nagnanais maging tulad din nila kung patuloy na susuportahan ng kapwa Pilipino ang isa’t isa. Kinakailangan lamang na linangin at paunlarin ang kanilang talento, tiyak malayo ang kanilang mararating. Iba rin talaga kapag Pinoy!

Tamis ng Tagumpay:Panghimagas ni Arenas

Sa likod ng mga tambak na libro, patong-patong na gawain, at paglalaan ng mahahabang gabi sa pag-aaral— si Reynald Andrei Arenas, isang Senior High School student mula sa Caybiga High School ay nagbukas ng pintuan sa mundo ng negosyo. Sa simpleng hilig sa paggawa ng matamis na dessert, nabuo ang ideya ng pagbebenta ng Oreo cheesecake— isang produkto na hindi lamang nagdala ng dagdag na kita kun’di naging simbolo ng determinasyon at pagsusumikap. Musmos pa lamang, namulat na siya sa kalagayan ng kanilang buhay kaya naman kahit nag-aaral, pinili niyang magtinda upang magkaroon ng mapagkakakitaan. Wala siyang pormal na pagsasanay sa paggawa ng panghimagas kaya naman tumingin siya ng recipe online. Pinaglaanan niya ito ng P800 bilang puhunan at inalok sa mga kaklase at kaibigan na tumangkilik naman. Ang mga tubo ay ginagamit niya upang mag-stock ng mga sangkap para sa patuloy na produksyon ng Graham Dessert, na nagtitiyak na laging map handa para sa mga darating na order.

Katulad mo ba si Reynald na gusto ring makatulong sa pamilya? Ngunit hindi alam ang nais na gawing pagkakitaan? Maaari mong gawin ang recipe na ibinahagi niya upang makapagsimula rin ng maliit na negosyo: Una, Ihanda ang mga kinakailangang sangkap:

LABUBU CRAZE

Mayroon na bang anik-anik ang lahat?

Naglipana sa iba’t ibang lugar at nagkalat ang unboxing videos online ng isang collectible, ang Labubu. Mayroon pang ibang sumikat na mga anik-anik kasabay nito, ito ang Smiskis, Sonny Angels, Molly, at marami pang iba. Umani ng iba’t ibang reaksyon ang mga anik-anik na itinitinda online, may ibang natutuwa dahil sa cuteness overload na dala ng mga ito habang may mga nagsasabi na sayang lang ang pera sa mga ganitong bagay at mas mabuting gamitin na lamang ito sa mas mahahalagang pangangailangan.

Nakikilala ang Labubu sa matutulis nitong tenga, matatalas na ngipin na lumalabas sa kanyang bibig, maliit na katawan at may pilyong ngiti. Ang pinaka-viral na koleksyon ng Labubu ng Pop Mart ay ang “Exciting Macaron,” kung saan nakita si Labubu na nagsusuot ng iba’t ibang pastel-colored onesies. Nagsimula ang mga

Labubu nang i-publish ni Kasing Lung ang serye ng kwentong “The Monsters” noon pang 2015. Karaniwan itong nabibili sa mga tindahan ng Pop Mart na nagkakahalagang 900 pesos hanggang 51,000 pesos, depende sa laki at uri ng manika.

Hindi rin nagpahuli maging ang mga kilalang personalidad. Naging popular ang mga Labubu nang mag-post sa Instagram story ang kilalang Thai K-pop Idol mula sa Blackpink na si Lisa Manoban. Tinangkilik din ito ng mga content creatos at artista tulad nina Vice Ganda at Heart Evanghelista.

3 buong Oreos, 2tsp (10g) melted butter, 1½ cup (115g) cream cheese, 2tbsp icing sugar, 2 durog na Oreos Ikalawa, durugin nang pino ang buong Oreo at isalin sa mangkok, idagdag mo na rin ang melted butter at haluing maigi upang mabuo ang base at ilagay sa refrigerator.

Ngunit higit pa sa simpleng pagkolekta, ano nga ba ang tunay na dahilan ng pagkahumaling sa mga anik-anik na ito? Marahil, ibinabalik nito ang ating pagkabata. Ang simpleng kasayahang hatid ng pagbubukas ng isang bagong laruan at mga alaalang muling nabubuhay sa bawat unboxing. Ngunit, hindi nakasalalay ang kasiyahan sa dami ng mga koleksiyon. Laging isaisip pa rin na kinakailangang maging masinop sa pera at ilaan ito sa mas kinakailangan.

Ikatlo, sa isang malaking mangkok, paghaluin ang cream cheese at asukal na pino gamit ang whisk at ilagay ang mixture sa ibabaw ng base at pakinisin. Ilagay itong muli sa refrigerator sa loob ng ilang oras. “Huwag kayong panghinaan ng loob, i-try lang palagi lahat ng maiisip niyo kahit mabagal man ang magiging proseso ng iyong binabalak na negosyo, kailangan lang talaga ng sipag at tiyaga.”, Ang payo niya para sa mga estudyanteng nagnanais o nangangambang sumubok magnegosyo. Hindi man puro tamis ang timpla ng iyong buhay, ang mahalaga, mananatili kang sumusubok upang makamit ang tagumpay na inaasam. Malay mo katulad ka rin pala ni Reynald na nagmula sa pagiging estudyante tungo sa pagiging matagumpay na batang negosyante.

Mananatiling Totoo sa Sinumpaang Prinsipyo

Nagsimula na namang mag-ingay at magpapansin ang mga kandidato para sa pwesto. Nalalapit na kasi ang halalan kaya naman pinapabango na ang kanilang pangalan sa publiko. Tila pinapalobo nila na parang bula ang mga pangako sa taumbayan ngunit nang makaupo ay biglang pumuputok at nawawala.

Mapagmulat at tunay na nagsisiwalat ng totoong kalagayan ng politika sa ating bansa ang pelikulang Balota. Naipapakita nang maayos sa publiko ang mga posibleng kaganapan sa mga lugar tuwing panahon ng halalan na lingid sa ating kaalaman. Sa pamamagitan ng pelikula, naipapakita ang mga isyung kinakaharap ng ating lipunan at nagsisilbing paalala sa atin na maging mapanuri at bumoto nang matalino. Kaya naman mayroon tayong malaking gampanin bilang mamamayan ng ating bansa.

Taas-noo nating kilalanin at bigyang pugay ang mga katulad ni Teacher Emmy, na hindi tumigil sa pagpapahayag ng katotohanan kahit na isakrapisyo pa ang kaniyang buhay. Ang kanilang katapangan at dedikasyon sa paghahanap ng katarungan ay isang inspirasyon sa ating lahat. Sila ang mga tunay na bayani na nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging matapat at pagiging matatag para sa bayang sinilangan.

Pinatunayan lamang ng pelikulang Balota kung gaano kagulo ang sistema ng eleksyon, ngunit ipinapakita rin dito na kung mananatili tayong nakatindig at hindi papayag na magpapaapi, mananaig ang mabuti. Mayroon pang pag-asa at magagawa lamang natin iyon kung hindi ipagbibili ang boto, para sa pinapangarap na pagbabago at maunlad na Pilipinas.

Dibuho ni Denver Galangco
John Vincent Sangullas
Sophia Descaya
Sean Art Rocha
John Yurie Dilao
Dibuho ni Emanuel Pinto

agtek

ALALAY SA PAGLALAKBAY

GPS, sensor sa Walking Stick, malaking tulong sa visually impaired—masahista

“Nakakatuwa na nabibigyan kami ng atensyon at gumagawa ng mga ganiyang bagay. Malaking tulong talaga ‘to para sa mga kagaya kong bulag.”

Iyan ang pasasalamat ni Mary Joy Lopez, isang masahista sa kilalang massage spa sa Barangay Caybiga nang kaniyang mapag-alaman ang bagong imbensyong walking stick ng apat na Engineering student sa STI College Ortigas-Cainta.

Matagal nang ginagamit ng mga taong may kapansanan sa paningin o mga visually impaired ang walking stick na kanilang gabay sa paglalakbay lalo’t hirap silang gawin ito dulot ng kanilang kapansanan.

Kaya’t kataka-takang patok at kakaiba ang imbensyon ng apat na Computer Engineering students na sina Harold Aldaba, John Patrick Mendros, Herault Aguirre at John Christian Marquez.

Paano ba naman, ang simpleng walking stick na nagbibigay lamang ng balanse at suporta sa gumagamit nito, nagkaroon ng mga dagdag na features gaya ng GPS at sensor.

“Nakatira po ako sa Antipolo. Doon po sa bayan marami pong blind massage therapists. So, na-inspire po ako sa kanila dahil despite their disability they wanted to work still so ayun yung naging basis nung tungkod namin,” ‘yan ang pahayag ni Aldaba, isa sa mga estudyante nang sila’y tanungin kung bakit nila naisip ang imbensyon.

Samantala, ani Mendros, may tatlong layunin ang kanilang imbensyon na tiyak na makakatulong sa simpleng gawain ng isang visually impaired hanggang sa komplikadong gawain gaya ng pagtatrabaho.

Una, mayroong obstacle detection sensor ang stick na ito na nagbibigay ng real time alert sa gumagamit kung sakali mang may matamaan ito habang naglalakad.

Mayroon ding GPS ang stick na nagpapakita ng lokasyon ng gumagamit sa kaniyang mga kamag-anak o kakilala upang madali siyang mahanap kung kinakailangan.

Dahil mga massage therapists ang pinaka benepisyaryo ng imbensyong ito, mayroon ding bill identifier acceptor device na naka-program sa proyekto upang masiguro ang halaga ng perang binabayad sa kanila ng mga customer at maiwasan ang panloloko sa kanila.

Ayon kay Aguirre at Marquez, pinag-aralan nilang mabuti ang mga nilalaman ng kanilang proyekto, nagsagawa rin sila ng beta testing upang masigurong hindi ito magkaproblema sa hinaharap.

Samantala, hiling ng mga estudyanteng suportahan sila upang maparami ang kanilang imbensyon at maibahagi ito sa iba’t ibang panig ng bansa.

“Sana nga ay mabigyan kami ng walking stick na ‘yon para magamit at mapakinabangan na namin.” dagdag pa ni Mary Joy.

SAMA-SAMANG PAGKALAP Inilahad ni Gng. Neliza E. Rebulado, English Department Head at School Librarian, ang paglulunsad ng E-learning Hub na naglalayong padaliin ang pag-aaral ng mga estudyante sa pagbibigay ng libreng access sa mga ‘electronic devices’ sa ikalawang linggo ng Oktubre.

E-learning hub, inilunsad sa CHS

Upang magkaroon ng access ang mga estudyante at guro sa mga inihandang Starbooks ng Department of Science and Technology (DOST), opisyal nang inilunsad ang Electronic Learning Hub o E-learning hub sa Caybiga High School (CHS) noong Oktubre 11, 2024.

Nilalayon ng E-Learning hub, isang digital na plataporma na mapadali ang pangangalap ng impormasyon, magbigay ng dagdag kaalaman, at mapagkukunan ng mga datos para sa pag-aaral ng mga estudyante.

“They can easily connect to the internet; they’re able to use the computer in the library to search for the lesson and for whatever information they want

Caybigan

sa

or need in studying,” saad ni Gng. Neliza E. Rebulado, English Department Head at School Librarian. Kaugnay nito, ang mga gurong tagapayo o mga guro sa English ang magbibigay ng permiso sa mga mag-aaral upang mapadali ang kanilang paggamit ng e-learning resources.

“Masaya ako kasi mas mapadadali sa mga estudyante na gumamit ng mga electronic devices at hindi na nila kinakailangan pang manghingi ng pera sa kanilang mga magulang na pambili ng laptop na kailangan nilang gamitin sa pag-aaral,” pahayag ni Janelle Galora, kalihim ng Junior Librarian Club.

Dagdag pa niya, makatutulong ang e-learning hub upang magkaroon ang mga estudyante ng access lalo na kung sila ay magsasaliksik ng mga impormasyon sa kanilang gagawin at makababawas sa gastusin sa mga estudyante na walang gadget.

Upang mapanatili ang kaayusan sa paggamit ng resources, kinakailangang sundin ang mga patakaran ng silid-aklatan.

Sa kasalukuyan, nasa proseso na ang pag-oorganisa ng mga e-learning resources at nakakonekta na ang mga Starbooks sa mga computers.

Sa tulong ng mga guro na sina IT coordinator/IT focal, G. Lyndon M. Serrano, LRMDS Coordinator Gng. Stephanie R. Obanil, Guro ng Librarian, Bb. Mary Rose P. Sanchez at sa lahat ng guro ng English, mas napadali ang implementasyon ng mga benepisyo ng e-learning sa buong CHS.

pagsasabatas ng

Pinoy Centers Act: pangamba sa sakuna, nabawasan

Kaginhawaan at seguridad ang nadama ni Zyralen Santiago, mag-aaral mula sa Baitang 12, matapos mapirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Ligtas Pinoy Centers Act na layuning magbigay ng pansamantala ngunit ligtas na matutuluyan ng mga mamamayang apektado ng kalamidad sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Nakapaloob sa batas na may mga matutulugan, magkahiwalay na palikuran para sa lalaki at babae, kusina, at iba pa, ang mga evacuation centers pati na ang pagkonsidera ng lokasyon kung saan itatayo ang mga ito na malayo sa disaster-prone areas.

“Nakikita ko ito bilang isang mahalagang hakbang tungo sa mas maayos at makataong pagtugon sa mga pangangailangan ng mga evacuee. Nabawasan nito ‘yung pangamba ko na baka walang matutuluyan kapag need na mag evacuate na kami ulit kasi nagbibigay na ang batas ng tunay na proteksyon, seguridad, at kapanatagan para makabangon din kami mula sa trahedya,” saad ni Santiago.

Kaugnay nito, ayon sa Pangulo, makatutulong ang pag-iinvest sa mga climate-resilient facilities upang mapalakas ang kapasidad ng mga Local Government Units (LGUs) sa pagtugon, pagbawas at pamamahala sa

Sa kasalukuyan, ang mundo ay totoong nababalot ng kadiliman dahil sa mga hindi pangkaraniwang sakit na nasasagupa at hindi maiwasang suliranin sa buhay na kung saan darating sa puntong may mga taong dumadaing nang walang humpay at naghihintay ng kasagutan. Meron nga ba?

Isang tanyag na cardiologist at online health advocate sa Pilipinas si Dr. Willie Ong na humarap sa isang malubhang sakit na kanser na itinuturing na “hindi na maoperahan” subalit “talagang himala” nang naging usap-usapan sa internet ang isang magandang balita na kanyang ikinatuwa at ng maraming netizens.

Kaugnay rito, lumiit ang sarcoma ni Doc Willie ng 60% sa loob ng anim na linggo sa tulong ng isang Oncologist na si Dr. Ang Peng Tiam ng Parkway Cancer Center sa Singapore.

“Ang Sarcoma ay isa sa pinakamahirap gamuting kanser” giit ni Dr. Ang. Mapapag-alamang ang sarcoma cancer ay natagpuang nakatago sa gitna ng harap ng gulugod at nakadikit sa puso ni Dr. Ong na may laking 16 centimeters.

“The miracle worker” Iyan ang nais iparating ni

Ligtas

epekto ng mga kalamidad.

“We need to ensure that the evacuation centers sufficiently respond to the needs of our people affected by calamities and such emergencies,” saad ng Pangulo. Dagdag pa niya, tugon din ito sa suliraning `nararanasan ng mga paaralan na ginagawang ‘makeshift shelters’ tuwing panahon ng sakuna.

“Schools are supposed to be sanctuaries for learning, creativity, and growth. They should not also be a burden of being a make shift shelter. With the enactment of this law, we commit to only using our schools for the promotion of our student’s welfare and the development of the education system,” pahayag ng Pangulo.

Dr. Willie Ong sa kaniyang facebook post kay Dr. Ang dahil sa labis nitong pasasalamat dito.

Naibahagi ni Doc Willie sa kaniyang latest vlog ang kaniyang naging karanasan bago malamang mayroon na pala siyang kanser.

Noong Mayo hanggang Abril 2023, isinalaysay niyang walang tigil ang kaniyang pagtatrabaho para sa mga projects at programs na nagdulot ng stress kung kaya’t hindi niya namamalayang nag-iiba ang ihip ng hangin nang bigla siyang makaramdam ng malalang backpain sa Throcic Vertebrae o T10 sa bandang itaas ng kanyang likod.

Bago mai-admit sa hospital si Doc Willie noong Agosto 20, 2023, Agosto18 at 19 pa lang ay lumalala na ang kaniyang kanser at dumating sa puntong hindi na siya makatulog nang maayos at lumalaki na ang kanyang tiyan.

“Nalungkot ako nung una. Pero masaya na ako dahil may purpose pa ang Diyos,” ayon kay Dr. Willie Ong. Ang kanyang paglaban sa kanser ay naging isang inspirasyon at isang paalala na kahit sa gitna ng mga pagsubok, may pag-asa pa at ang himala ay posible kung mahigpit ang iyong pananalig at paninindigan.

Kerby Gallego
Paglaban
Agham Lathalain
Queenie Renieva
Balitang Agham Ma Filipina Parreñas
Trex Alinday
Balitang Agham
Kristoph Abanid
Dibuho ni Emanuel Pinto

Isa ang Artificial Intelligence (AI) sa nagbigay ng malaking pagbabago sa ating mundo. Nakatutulong ito upang mas mapadali ang ating trabaho at mga gawain. Ngunit dahil din dito, nagiging talamak na ang pamemeke ng mukha, boses, at nagiging sanhi rin ng iba’t iba pang krimen. Mas lumala pa ito dahil sa pag-usbong ng deep fake AI na may kakayahang palitan o gayahin ang mukha o boses ng isang tao.

Noong nakaraang budget hearing ng Department of Information and Communications Technology (DICT), naiungkat ang isyu na nangyari sa isang sikat na P-pop group na BINI. Naging biktima sila ng deep fake AI kung saan nagamit ang kanilang mga larawan sa mga malalaswang paraan. Nakababahala ito dahil kung kumalat, makasisira ito sa reputasyon ng tao at alam kong hindi lamang iyan ang hangganan ng kayang gawin ng deep fake AI. May ilang nilalagay ang mukha ng mga dalubhasa upang gamitin sa advertisement ng kanilang produkto o magpakalat ng maling impormasyon. Katulad na lamang ng nangyari sa sikat na Filipino Journalist at News Anchor na si Cheryl Cosim kung saan kumalat ang isang video na nanghihikayat siya bumili ng isang herbal medicine. Hindi lamang kabataan ang maaapektuhan nito, kundi gayundin ang mga magulang at lahat ng gumagamit ng social media na kakaunti lang ang kaalaman sa teknolohiya. Naging usap-usapan din ang kumalat na YouTube video ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nagbabantang sasakupin ang China na kalauna’y napatunayang gawa rin ng AI. Bagama’t napatunayang hindi totoo, nagdulot ito ng takot sa mga mamamayan at muntikan pang maging dahilan nang mas malalang hidwaan ng Pilipinas at China.

Napakaraming negatibong epekto ng deep fake AI na maaaring magresulta sa pagkasira ng pangalan ng ibang tao at maaaring maging biktima kahit normal na mag-aaral lamang. Mahirap nang malaman kung ano ang totoo sa hindi. Mas malala pa kung maging isa rin ang mga mag-aaral sa biktima ng malalaswang video na gawa ng deep fake AI na posibleng maging dahilan upang masira ang kanilang reputasyon at magbigay sa kanila ng trauma.

Upang hindi maging isa sa biktima nito, dapat alam natin ang pinagkaiba ng deep fake AI. Isa sa maaari nating mapansin ang hindi malinaw na background ng video o ilang maliliit na detalye nitong blurred o smudged katulad ng hikaw o butones sa damit at hindi rin makasabay ang galaw ng bibig sa boses ng nagsasalita. Ginagawa na rin ng DICT ang kanilang makakaya upang mabilis na ma-ban ang ganitong mga uri ng larawan o video, ngunit kakailanganin pa nang mas mabilis na aksyon upang wala nang mabiktima pang mamamayan.

Sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, mas dumarami ang taong pinagsasamantalahan ito at ginagamit sa masama. Kaya dapat mas pinaiigting pa ng gobyerno ang seguridad sa social media. Subalit hindi lamang dapat ang gobyerno ang umaaksiyon, tayo ring mga gumagamit ng social media ay maging mapanuri. Kaya pagkakaiba ng totoo sa gawa ng deep fake AI, dapat alam mo!

Sa Pagitan ng mga Botante at Cyber Attack

Paano kung mapunta sa wala ang inaasam na magandang pamamahala? Ito ang tanong ng madla sa nakababahalang banta ng cyber attack sa 2025 midterm election. Sa patuloy na pagusbong ng teknolohiya, ang mga ito ang naging pangunahing salik sa pagpapabilis ng mga gawain at pagpapadali ng impormasyon. Ngunit, hindi makakaila na lahat ng bagay, may positibo at negatibong epekto – laganap pa rin ang iba’t ibang cyber espionage activities sa bansa.

Kamakailan lang nagdulot ng mga seryosong alalahanin hinggil sa cybersecurity ng bansa ang nalalapit na midterm election sa Pilipinas. Dahil sa tumataas na bilang ng cyber criminals sa bansa, pati sistema ng botohan, hindi na rin nakaligtas. Maaaring gamitin ng mga cyber attackers ang teknolohiya tulad ng AI para manipulahin ang impormasyon, magdulot ng kalituhan, o makialam sa mga proseso ng eleksyon. Ano na lamang ang magiging lagay ng taumbayan kung hindi galing sa kanilang mga boto ang mananalo’t mamumuno?

Mula sa mga makabagong gadgets, mga Artificial Intelligence (AI), at digital na komunikasyon, mas napapadali ang panlilinlang at dumarami ang mga estratehiya ng mga mapagsamantala upang makapanloko. Kaya kasabay nito ang pagtaas ng mga pagkakataong maging biktima ng mga ganitong krimen. Sa isang panayam, “Do your own research.” ang sambit ni Elizabeth Campos, isang botanteng magulang sa patuloy na pagtaas ng kaso ng cybercrime sa bansa. Saad ni Campos, nakababahala ito sapagkat malaki ang tyansa ng pandaraya sa resulta ng mga boto at pagpapalaganap ng maling impormasyon. Dobleng pag-iingat at agarang pansin ng gobyerno ang kinakailangan upang mawakasan ang kontrobersiya ukol sa cybersecurity ng bansa.

Bunsod ng bantang ito, patuloy na nananawagan ng agarang aksyon upang mapigilan ang ganitong banta ng mga ahensya ng gobyerno at mga eksperto. Kinakailangan ng matalinong estratehiya’t tekniks at pagpapalakas ng proteksyon lalo na ng Commission on Elections (COMELEC) laban sa mga ganitong uri ng panganib. Gayunpaman, mangyayari lamang ang ninanais kong maayos na pamumuno kung bibigyan ng agarang pansin ng gobyerno ang isyung ito. Sa pamamagitan ng pagpapatatag ng matibay na cyber security infrastructure at pagpapalakas ng cybersecurity education. Napakahalaga rin ng pagpa-

palawak ng kaalaman tungkol sa cyber security ng mga botante, upang hindi maapektuhan ang kanilang mga desisyon sa darating na eleksyon. Kung hindi ito bibigyan ng kongkretong solusyon ng gobyerno, mawawalan ng saysay ang lahat ng boto ng mamamayang Pilipino. Sa pagitan ng mga botante at cyber attackers, ang tama ang kailangang manaig.

“ “ Sapagkat, nararapat na mahalal ang kandidatong tapat at dapat sa bansa, hindi galing sa daya at maling sistema.

Dulot ng panganib na dala nito sa hayop at tao, nangangamba ang mga mag-aaral ng Caybiga High School (CHS) kung ipagpapatuloy pa ng mga vendor ang paggamit ng Red No. 3 bilang sangkap sa mga pagkain at inumin, dahilan sa pagpabor ng Caybigans sa pagpapatigil ng paggamit nito. Ayon kay Sheene Cindy Dala, mag-aaral mula sa 12-HUMSS B, nakadidismaya na mayroong mga vendor ang laging gumagamit ng Red No. 3 kahit pa masama ang naidudulot nito sa kalusugan lalo

na ng mga mag-aaral. Isa sa mga dahilan ng pagbabawal ng kemikal ang kaugnayan nito sa mga kaso ng pagkakaroon ng cancer ng mga daga at bilang rason ng attention at memory issue ng mga batang nakakakain nito, ngunit wala pang matibay na ebidensya ang nagpapatunay nito.

“Karamihan sa bumibili ng kwek-kwek ay mga estudyante tapos nakaka-cause pala ‘yon ng kanser. Dapat as an adult, educated sila sa ginagamit nila sa tinitinda bago

ibenta o kaya mag conduct muna ng seminar bago ipatigil ito,” saad ni Dala. Dagdag pa niya na hindi lahat ng vendors na gumagamit ng Red No. 3 alam ang naidudulot nito sa kalusugan ng tao kaya maaari itong maging sanhi ng hindi pagsunod ng iba at maling pagpapalaganap ng impormasyon. Kaugnay nito, maaaring may sangkap na Red No. 3 ang mga pagkaing strawberry flavored tulad ng ice

alternatives

AGHAM KOLUM
Deep Fake AI: Dapat Alam Mo!
Elyse Abacan
Balitang Agham Kyan Jardin at Ehlie Campos
cream, cake, vegetarian
at iba pa.
BUKAS-ISIPAN Nichole Caspe
Reynald Arenas
KULAY NG PELIGRO. Ipinagbawal ng United States Food and Drug Administration ang Red No. 3 na pampakulay sa mga pagkain buhat ng posibleng panganib na dala nito sa mga hayop at sa pisikal at mental na kalusugan ng mga tao, Enero 15.
Dibuho ni Denver Galangco
Dibuho ni Hency Acaba
Magsulat.

Dalawang Magkaibang Pahina

Sa isang silid-aklatan, nagtatagpo ang dalawang magkaibang anyo ng pagbabasa: ang matandang Aklat at ang makintab na E-book. Si Aklat, isang mahalimuyak na simbolo ng tradisyon, puno ng mga kwento at karunungan mula sa nakaraan. Nagdadala ng nostalgia ang amoy ng tinta at papel nito, isang yakap mula sa mga lumipas na panahon. Sa kabilang banda, ang E-book, ang modernong “prinsipe” ng mga kwento na makulay at maliwanag ang screen na nag-aalok ng bagong karanasan—mabilis, magaan, at puno ng mga interaktibong elemento tulad ng tunog at video. May kaniya-kaniyang katangian at alok ang dalawang ito: ang Aklat na nagbibigay ng isang tradisyonal na karanasan, habang ang E-book naman na isang praktikal at makabago na alternatibo.

Isang batang babae ang pumasok sa silid-aklatan, naghahanap ng bagong kwento at pakikipagsapalaran. Nang makita niya si Aklat, naranasan niya ang saya ng pagbabasa ng mga kwentong puno ng nostalgia at karunungan. Ngunit, nang mapansin niya ang E-book, nahulog siya sa alindog ng makulay nitong screen at ang kaginhawaan ng pagbabasa na hatid ng digital na mundo. Sa huli, pinili niyang tuklasin ang parehong anyo ng kwento. Natuklasan niya na may kanya-kanyang kagandahan at halaga ang bawat isa—nag-aalok ng tradisyunal na alindog ang Aklat, samantalang nagbibigay ng modernong kaginhawaan ang E-book. Sa kanilang pagkakasama

sa silid-aklatan, napagtanto ng batang babae na hindi sa anyo ng kwento nakasalalay ang kagandahan ng pagbabasa, kundi sa paglalakbay na ginagawa ng mambabasa—sa bawat pahina, at sa bawat screen. Matatagpuan ang tunay na halaga ng pagbabasa sa proseso ng pagtuklas, sa pakikipagsapalaran na bumubukas sa ating isipan at puso.

Sa surbey na isinagawa ng mga mamamahayag ng Caybiga High School, mas nakita ang kagustuhan ng mga estudyante patungkol sa mga aklat at e-books. Ayon sa resulta ng mga nakalap na impormasyon, 65% ng mga estudyante ang mas gustong gumamit ng e-books dahil madali itong dalhin, at naglalaan ng higit sa isang oras ang 85% ng mga ito sa pagbabasa gamit ang digital na format. Sa kabilang banda, 34.5% ng mga estudyante ang mas gustong gumamit ng mga libro dahil sa kaginhawahan nitong gamitin sa pag-aaral at mas nakasanayan gamitin, 55% sa mga estudyanteng ito ang nagbabasa ng mahigit sa isang oras kada araw. Nagpapakita ang datos na ito na patuloy ang tensyon at balanseng aspekto ng parehong digital at tradisyunal na paraan ng pagbabasa. Ang mga estudyante, tulad ng batang babae sa silid-aklatan, ay nahaharap sa pagpili sa pagitan ng mga makaba go at tradisyunal na pamamaraan ng pagkatuto at pagbabasa. Ang mahalaga, sa kabila ng mga pagbabago sa teknolohiya, ay ang kakayahan ng bawat format—maging Aklat man o E-book—ito magbigay ng mga kwen to, karunungan, at pakikipagsapalaran na maghuhubog sa isipan at damdamin ng mga mambabasa.

Agham Lathalain

Hannah Mendiola

Sa pag-usbong ng makabagong panahon, sumasabay sa agos ang pagdami ng mga taong gumagamit ng teknolohiya at ang pagkabuhay ng mga scammers sa social media. Mahigit dalawang taon mula nang maisabatas ang Republic Act No. 11934 o ang “Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act (SRA)”. Ngunit kahit naipasa na ang batas na ito marami pa ring mga tao ang nabibiktima ng text scams. Solusyon nga ba ito o pinalala lang nito ang problema natin sa mga text scam?

“Sa tingin ko kinakailangan kong maging maging mapanuri sa lahat ng online shops lalo na kung mauuna ang pagbabayad bago ang delivery.” Ayon kay Zekiella Mhariel Simon, isang mag-aaral ng Caybiga High School (CHS) na nakaranas ng text scams.

Upang maiwasan na mabiktima ng mga text scam, nagbahagi ng estratehiya ang National Telecommunications Commission (NTC) gamit ang acronym na “BIRD”. Sa ulat ng Philippine Information Agency, binanggit ni NTC Legal Officer Ana Minelle Maningding ang kahulugan ng BIRD:

Block:

Pigilan ang mga scammer na makipag-ugnayan sa iyo sa pamamagitan ng pag-block sa kanilang mga numero sa iyong telepono. Huwag nang ituloy ang pakikipag-usap sa mga taong tumawag sa iyo na kaduda-dudang kausap.

Ignore:

Huwag sagutin ang mga kahina-hinalang mensahe o tawag na iyong natatanggap. Balewalain na lamang ang mga ito upang maiwasan ang pakikipag-ugnayan sa scammer.

Report:

Ipagbigay-alam kaagad sa mga awtoridad o sa service provider ang tungkol sa kahina-hinalang

META

linonG

Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, ang Meta AI ay isang makapangyarihang kasangkapan na nagbibigay ng mabilis na solusyon sa mga katanungan at pangangailangan ng impormasyon.

mensahe o tawag na iyong natanggap, dahil makatutulong ito sa kanila na matugunan at malutas ang isyung ito.

Delete:

Tanggalin sa iyong device ang mga mensaheng nagbibigay sa iyo ng pagdududa upang maiwasan ang karagdagang panganib.

Sa matalinong paggamit ng Block, Ignore, Report, at Delete (BIRD) mababawasan ang posibilidad na mas lalo pang dadami ang mga taong mabibiktima ng mga mapanlinlang na mga gawain katulad ng text scams. Makatutulong ang estratehiyang BIRD upang maiwasan ng mga tao na mapinsala sila ng mga scammers.

Paggamit nG

Hindi ba’t masarap ang pakiramdam ng paghigop sa kape, lalo na kung alam mong ginawa ito nang may pagmamahal?

Isang pamilyar na amoy ang sumasalubong sa mga dumadaan sa Big Brew, isang sikat na kapehan sa Caybiga. Ang mababangong aroma ng kape ang nakapaghihikayat sa mga mamimili na balikbalikan ito. Karamihan sa kanila estudyante, bukod kasi sa masarap na timpla abot-kaya lamang ito sa halagang 29 at 39.

Sa pagtatapos ng araw, ang patu loy na pag-unlad ng pagbabasa ang mahalaga—sa anumang anyo nito.

Isang mahalagang bahagi ng ating buhay at edukasyon ang pagbabasa, at mas nagiging makulay at kapakipakinabang kapag ginagamit nang wasto ang teknolohiya at kasanayan mula sa nakaraan at kasalukuyan.

Sa Caybiga High School (CHS), isang mabilis at maginhawang tool ang Meta AI para sa paghahanap ng impormasyon. Gayunpaman, ayon kay Justin Kit Gonzales, isang mag-aaral, mas mainam pa rin ang kumuha ng impormasyon mula sa mga mapagkakatiwalaang website kaysa umasa lamang sa AI, dahil hindi palaging tama ang mga sagot nito. Ayon sa isang survey ng ng BestColleges, 51% ng mga mag-aaral sa kolehiyo ang sumasang-ayon na bumubuo ng pandaraya o plagiarism ang paggamit ng artificial intelligence. Sa pag-aaral kamakailan ng Instructure, mahigit 83% ng mga estudyanteng Pilipino ang gumagamit ng AI sa kanilang mga gawaing pang-akademiko. Gayunpaman, 57% ang hindi nilalayon na gamitin o ipagpatuloy ang paggamit nito upang tapusin ang kanilang mga gawain sa paaralan.

Bagong Timpla

Bagamat may mga benepisyo, tulad ng mabilis na paghahanap ng impormasyon, may mga isyu pa rin tulad ng maling impormasyon at mga bias sa AI. Sa CHS, bagamat pinapayagan ang mga mag-aaral na gamitin ang Meta AI at iba pang mga teknolohiya para makipagsa bayan sa pagiging moderno ng mundo, at bilang pandagdag na kasangkapan sa pag-aaral, mahalaga pa ring maging kritikal at gumamit ng mga mapagkakatiwalaang sanggunian.

Sa METAlinong paggamit ng AI, maaaring makamtan ng makabagong henerasyon ang tunay na benepisyo ng teknolohiya na natutulungan silang mapadali ang mga gawain, at para sa kanilang pag-un lad at edukasyon.

Ako si Cedrick, tatlong taon magmula noong unang araw ko sa trabaho, kabisado ko na ang paggawa ng kape. Kung tatanungin ang aking mga suki, tila may mahika raw akong ginagawa upang maging perpekto ang lasa ng kapeng binibili nila. Bawat kapeng gumigising sa kanilang diwa at nagpapatuloy sa kanilang araw ang hatid ko.

Hindi ko inaakala na may magbubukas sa akin ng pinto sa kabila ng kasagsagan ng pandemya. Alam ko namang marami ang naapektuhan at naghirap noong panahong iyon, kabilang dito ang pangarap kong hindi naipagpatuloy. Kaya’t laking pasasalamat ko dahil malaking tulong para sa akin at sa pamilya ko ang pagiging barista, iyon ang pantustos sa pangangai-

langan namin sa araw-araw lalo na’t kapos din kami sa pera.

Masasabi kong masaya at mahal ko ang trabaho bilang barista. Ang sarap sa pakiramdam na makapaghatid ng ngiti sa mamimili sa papamagitan ng mga inumin. Tamang timpla na may halong pagmamahal ang aking puhunan upang maibigay sa kanila ang perpektong order. Bukod sa paggawa ng kape, nagagalak din akong makisalamuha sa mga tao dahil nakikita ko ang iba’t ibang ugali ang mayroon sila. Nang makarating sa akin ang balita tungkol sa bagong produkto ng teknolohiya, hindi ko alam kung matutuwa o mababahala ako. AI Barista ang tawag, sa isang pindot mo lamang dito, kaya nitong makabuo ng isang masarap na tasa ng kape nang mabilis. Bigla tuloy sumagi sa isip ko na “Paano kung tuluyang mapalitan ang mga katulad ko?” Saan na lamang lulugar ang mga tulad kong hindi nakapagtapos at hindi kayang tapatan ang standard ng ibang trabaho na kinakailangang college graduate?

Maganda naman para sa ating bansa na makipagsabayan din sa mauunlad na bansa, ngunit huwag sana

kalimutan ang mga maliliit na tao. Hindi lang sana ang mga nakatataas ang magbenepisyo sa mga bagong robot. Mayroon man itong bilis at husay, tila kulang pa rin at may nawawala. Ang init ng pagmamahal sa aking ginagawa, dedikasyon, at kwento ng isang barista ay hinding-hindi matatapatan ng ano mang bagay. Patuloy mang lumago ang teknolohiya, mananatili pa rin ang pagmamahal ko bilang barista na patuloy na maghahatid ng saya at galak sa mga mamimili sa pamamagitan ng gawa kong kape.

Agham Lathalain Rean Arellado
Agham Lathalain Krizzia Espiritu
Dibuho ni Sean Art Rocha
Dibuho ni Yurie Dilao
Dibuho ni Emanuel Pinto

isports

BAGO PERO ‘DI PATATALO

BAGO PERO ‘DI PAPATALO!

Bagong Dance Troupe ng CHS, 5th Place sa Festiv-Aliwan 2024

John Vincent Sangullas

NAGPAKITANG GILAS ang bagong grupo ng Indak Caybigan Dance Troupe (ICDT) ng Caybiga High School (CHS), hindi nagpahuli sa pag-indak at paghataw upang makamit ang ikalimang puwesto sa 10 paaralan na sumabak sa Festiv-Aliwan 2024 sa Caloocan City, na ginanap sa South Caloocan City Hall nitong Setyembre 13, 2024.

NAGPAKITANG GILAS ang bagong grupo ng Indak Caybigan Dance Troupe (ICDT) ng Caybiga High School (CHS), hindi nagpahuli sa pag-indak at paghataw upang makamit ang Ikalimang Puwesto sa 10 paaralan na sumabak sa Festiv-Aliwan 2024 sa Caloocan City, na ginanap sa South Caloocan City Hall nitong Setyembre 13, 2024.

Nagsagawa ng audition ang MAPEH department para sa mga mag-aaral na gustong lumahok sa dance group sa simula sa mga Junior High School at Senior High School nitong Agosto 5-9.

Upang ipakita ang talento ng mga mag-aaral sa pagsasayaw, pinili ng Caloocan Culture at Tourism Office ang pagtatanghal ng sayaw mula sa mga festival sa Pilipinas.

Mahigit apat na oras ang inilalaan sa kanilang pagsasanay at nang papalapit na ang laban, ginawa na nilang buong araw ang kanilang paspasang pag-eensayo. Kahit Sabado, hindi ito pinalipas, tumagal ng tatlong linggo para maayos ang presentasyon ng ‘Palawod Festival Dance’.

Binanggit ni G. Marvin Kim Celendro, isa mga trainer, na napili nila ang Palawod Festival mula sa Cebu na tumutukoy sa mga bayaning mangingisda dahil dito naka-sentro ang ating pang-araw-araw na buhay sa mga yaman na nakukuha natin sa ating mga karagatan.

Kasama sa mga nagpaabot ng tulong at suporta ang mga mag-aaral, guro at magulang ng dancers pati na rin ang barangay LGU 165 at 166 SK at SPTA sa pamumuno ni Mrs. Rosalyn D. Luczon at maging ang alumni dance group, trainers na sina G. Celendro at G. Kim William P.

Asanza na gumabay at umalalay sa grupo.

“Nagpapasalamat kami sa suportang natanggap ng bagong dance troupe ng paaralan natin, masasabi ko na babaies step na pangarap lang namin ito na natupad at magbubunga pa sa mga susunod na competition” pahayag ni G. Asanza. Ang mga paaralan na lumahok sa patimpalak kabilang ang Caloocan HS,Bagong Baryo National HS,Camarin HS, May Pajo HS, Samaguita HS, Tala HS,Bagong Silang HS,Maria Clara HS atpb.

Ibinigay ng mga kabataang mananayaw ang kanilang galing at husay upang painitin ang entablado sa kanilang nagbabagang performance kasabay ng malakas na hiyawan at palapakan ng kanilang miyembro, kaya naman nakamit ang Ikalimang Puwesto sa Festiv-Aliwan.

“Lubos po kaming nagpapasalamat sa mga mag-aaral at guro na tumulong sa pagbibigay ng props at sponsors kahit na bago pa lamang ang dance troupe hindi nagdalawang isip na mag-abot ng suportang-pampinansiyal dahil dito ay nagpatuloy kami,” wika ni Marian Daen , isa sa mga miyembro ng ICDT. Marami pa silang mga lalahukan na sa susunod na buwan para ipakita ang natatangi talento, matinding pagsasanay pa ang kanilang pagsisikapan upang makuha ang tagumpay sa susunod na kompetisyon.

Sapat na halaga para sa mahahalaga

Hindi maikakailang hindi sapat ang nakalaang pondo para sa mga Pilipinong atleta dahil kinakailangan pang maghain sa House of Representatives ng resolution na naglalayong taasan ang suporta ng pamahalaan sa larangan ng pampalakasan. Isa na rito ang pondo para sa 22 olympians na nagrepresenta ng Pilipinas sa Paris Olympic Games 2024. Para sa kanilang hindi matatawarang pagsisikap na maiuwi ang tagumpay sa bansa, nararapat lamang bigyang-pansin ang paglalaan ng sapat na pondo para suportahan at mas magkarooon pa ng kalidad ang pag-eensayo ng mga atleta, at para na rin sa mga susunod pang atleta sa ating bansa.

Sa kabilang banda, ayon sa mga mambabatas, sa iminumungkahi ng Pamahalaan na 2025 budget ay P725 milyon ang nakalaan para sa Philippine Sports Commission (PSC) , mas mababa ito kumpara sa P1.156 bilyong nakalaan dito noong 2024. Ngunit kung susumahin, kulang na kulang ito kung iisa-isahin ang mga kinakailangang ng mga atleta. At bilang isang mag-aaral na sumasali rin sa iba’t ibang patimpalak, alam kong hindi lamang talino, galing, at husay ang puhunan. Kailangan din ng sapat na pondo upang matugunan ang mga materyal na kailangan para sa mas may kalidad na pag-eensayo.

Hindi dapat sukuan ng mga atleta ang kanilang pangarap sa sarili at bansa. Kung nasa kalagitnaan man ng samu’t saring pasanin sa larangan ng isports, laging pakatatandaan ang dahilan kung bakit sila nagsimula. Ang kaligirang walang muwang sa pangangailangan ng nasasakupan ay salamin sa mababang suporta sa mga atleta. Pakinggan ang hinaing ng pampalakasan. Ito ang reyalidad ng karamihan sa mga atleta na dapat pinakikinggan, binibigyang-pansin, at pinahahalagahan. Mahalaga ang mga atleta kaya nararapat ding silang paglaanan ng pondong may sapat na halaga.

Ganado ang Bawat Laro ‘Pag Pamilya Suportado

Sinasabing isa sa susi ng pagiging matagumpay na atleta ang suportang kaniyang natatanggap mula sa komunidad lalo na sa pamilya. Sinisindihan nito ang kanilang nag- aalab na puso upang patuloy na tahakin ang mundo ng pampalakasan. Ngunit, kung titingnan ang realidad kontemporaryo, hindi lahat ng mga atleta ay suportado ng kanilang magulang. Kaya, maswerte ang mga atletang may suporta galing sa pamilya, lalo na’t dito nagsisimula ang kalakasan nila. Gaya na lang ni Jaylord Fariñas na simula elementarya, suportado na ang kaniyang mga hilig, kasama na rito ang isports na kinahiligan niya. Sa pagpapatuloy niya sa kaniyang karera bilang atleta, hindi na mapigilan ang kaniyang kagalakan mula sa isports na kinagisnan na Table Tennis, matapos magpatumba ng iba’t ibang manlalaro mula sa kaniyang karera

sa pagtungtong sa ikaapat na baitang. Hindi sapat ang angking talentong kinahiligan, kung walang suportang nanggagaling mula sa kaniyang mga magulang.

Sa katunayan, pamilya ang kaniyang unang naging pangunahing rason, upang mas pagbutihin pa sa bawat paghampas ng bola. Natagpuan ni Fariñas ang larong ito, noong sabihan siya ng kaniyang ina na sa larong Table Tennis na lang magsanay, dahil nakikitaan siya ng potensiyal nito sa pagiging maligalig niya. Hanggang sa nagustuhan niya rin ito na nadala niya hanggang ngayon, kasama ang mga medalyang nakamit sa Area Meet, Division Meet, maging sa NCR Palaro nitong nakaraang taon.

Sa paglaki niya, hindi niya kailanman itinanggi ang mga kagustuhan niya sa kaniyang mga magulang na naging daan upang magtagumpay sa kinaroroonan niya ngayon. Nakapuwesto siya kamakailan, 6th place sa

NCR Palaro, kasabay ang pag-uwi ng dalawang ginto sa Area Meet at Division Meet noong siya ay nasa ikaanim na baitang pa lamang. Simula sa pagpasok hanggang pag-uwi sa lugar ng kaniyang pinag-eensayuhan, sanay na siya sa kaway ng kaniyang magulang na may kasamang ngiti sa labi na talagang pagod ay mapapawi. Ito ang isa sa mga pinagkukunan niya ng lakas sa bawat araw, upang maging isang mas malakas, mas pinatatag, at determinadong atleta ng Caybiga High School. Nagkamit din siya ng tanso sa Division Meet 2025 nito lang January 22, Martes. Kaya kung isa ka ring atleta na nag-uumpisa pa lamang sa pagratsada, sana’y gabayan ka rin ng liwanag kung saan tutulungan ka nito sa paglakbay, para mahanap ang matagal mo nang inaasam-asam na tagumpay. Maging patas sa bawat laban upang makamit ang malinis na pagkapanalo.

ni Yurie Dilao
Hannah Mendiola
I-scan
aming website.
ISPORTS KOLUM
Alleyson Sobreviñas
ISPORTS LATHALAIN
HATAW KUNG HATAW Pinatuyan na hindi magpapahuli pagdating sa pag-indak para makamit ang ikalimang-puwesto ng CHS sa Indak Caybigan Dance Troupe (ICDT) sa Festival-Aliwan 2024 sa Caloocan City, na ginanap sa South Caloocan City Hall, nitong Setyembre 13, 2024.
Dibuho ni Denver Galangco
TOTOO LANG

Pampalakasan sa Gitna ng Modernisadong Mundo

Sa patuloy na pag-ikot ng mundo na tila isang gulong din kung ilarawan ang bilis ng pagbabago pagdating sa usaping pampalakasan. Kung kaya’t mainit na usapin ngayon ang tungkol sa online games kung ito ba’y dapat ikonsid era bilang isang isports. Ngunit para sa akin, hindi man nito taglay ang pisikal na aspekto ng isports, nalilinang pa rin nito ang ilan sa katangian nito.

Ayon sa isang pag-aaral, mayroong iba’t ibang benepisyo ang paglalaro ng online games. Ilan sa mga ito ang paglinang sa kasanayan sa pag-aaral, kalusugan at pan lipunan ng mga manlalaro nito gayundin ang paglinang sa communication skills at teamwork nila. Talaga namang magandang tulong ito sa kaunlaran ng isang indibidwal na manlalaro.

ISPORTS EDITORYAL

Maraming nagsasabi na kulang na kulang ang paglalaro ng video games sa mga pisikal na elementong tinataglay ng isang tradisyunal na isports. Bagamat marami ang positibong epekto ng paglalaro ng video games, hindi pa rin daw maippagkakailang hindi nito nahihikayat ang karamihan maging aktibo pagdating sa usaping ito.

Sa kadahilanang ito, nararapat na bigyang-pansin at pahalagahan pa rin natin ang mga tradisyunal na isports sa gitna ng pagyakap sa modernisadong bersyon nito. Paigtingin din natin ang mga pampalakasang mayroon tayo sa pamamagitan ng pagbibigay-pugay sa kanilang dedikasyon, higit sa lalo ang mga nagrerepresenta sa ating bansa.

Pagdating sa video games, isa rin ako sa mga naglalaro nito. Sa katunayan, nagbibigay-aliw ito sa akin sa tuwing nararamdaman ko ang pagod. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit ngayon, mabilis at mahusay na ako sa pag-iisip ng mga estratehiya na ginagamit ko rin bilang isang batang mamamahayag.

Naniniwala ako, iba-iba man ang ipinaglalaban ng karamihan lalo na ang mga may karanasan sa isports, nararapat pa rin nating kilalanin ang iba’t ibang anyo nito. At isaisip na hindi na lamang limitado sa pisikal na usapin ang isports, kun’di sa pagsasabuhay ng diwa nito tulad ng social skills, communication skills at teamwork. Hindi humihinto ang orasan kaya’t kailangan hindi rin tayo hihinto sa pag-unlad.

Dalawang Gintong Binaon Isang Isyung Hinukay

Ano ang kabayaran ng pagiging kilalang atleta o kahit pa kilalang tao sa larangang dalubhasa ka? Dalawang ginto ang nakamit ng gymnast na si Carlos Yulo nitong Paris Olympics 2024 na talaga namang bumuo ng kasaysayan sa ating bansa. Sa kabila ng lahat ng ito, tila ba napagsawalang bahala ang lahat dahil lamang sa isyu niya sa kaniyang personal na buhay at pamilya kung saan binatikos siya pati ang kaniyang ina dahil sa mga usapin tungkol sa pagkuha ng mga napanalunan ng atleta. Simula nang mangyari ito, hindi na halos makilala si Carlos bilang Isang taong nagbigay ng karangalan sa bansa ngunit bilang Isang kontrobersiyal na isyu tungkol sa relasyon ng ina at anak. Isang biyaya ang makilala ng halos lahat ng mamamayan, maging usap-usapan sa publiko, at makakamit ng papuri para sa iyong karangalan. Pawanng nagiging sumpa ang biyayang ito sa oras na madamay na ang personal na problema ng isang tao sa kaniyang pagkakakilanlan sa publiko. Nakalulungkot dahil sa halip na ipagdiwang ang karangalan ni Carlos bilang atleta, mas inuna niya ang pagpapaliwanag ng kaniyang panig sa isyu nila ng kanilang ina. Dahil dito, kinilala na siya bilang isang anak na ayaw sa kaniyang magulang at hindi bilang isang atletang nagdala ng karangalan sa bayan.

Marami ang nagsasabi na normal na sa

PINABALIK ANG BAGSIK

Viernes, muling minate ang ginto sa Area

Meet

pagiging sikat ang magkaroon ng isyu sa personal na buhay at malaman ito ng publiko. Gayunpaman, hindi dapat bigyang kahulugan ang pagkatao ng isang atleta base sa mga pangyayari sa kaniyang buhay na walang kinalaman sa kaniyang paglalakbay sa larangan ng isports. Kung gagawin ito, nawawalang ng halaga ang kaniyang mga karangalan.

Mali rin na ginamit ng pamilya ni Carlos Yulo ang pagiging sikat nito upang kumuha ng atensiyon sa publiko. Nakalulungkot din na may ilang nagbibigay pa ng mga masasamang komento sa atleta dahil sa kaniyang relasyon sa kaniyang pamilya kahit pa wala silang koneksiyon sa kanila at hindi sila naaapektuhan sa isyung ito.

Dapat na itigil na ng publiko ang pangingialam at pagbibigay komento sa buhay ng kahit sinong tao lalo na kung hindi sila isa sa nasa loob ng isyung ito at hindi alam ang buong tunay kwentong pinag-ugatan nito.

Isang kabayaran ng pagiging kilala ang iyong personal na buhay bilang isang atleta, ngunit kailangan bang singilin sila para dito kung kahit sila ay hindi ito ginusto? Dapat na hindi makialam ang publiko sa kung ano mang desisyon ng atleta at kung paano man siya magresolba ng problema kung hindi naman siya nakatatapak ng kahit sino. Hindi nakabase sa personal na isyu ng atleta ang kaniyang galing, husay, at karangalan. Huwag nating ibaon ang gintong nakamit ng atleta para lamang hukayin ang kaniyang personal na isyu.

Maglaro ay ‘Di Biro

Princess Nichole Caspe Maglaro ay ‘di biro, maghapong nag-eensayo. Hindi man lang makapagpahinga, hindi man lang makagawa ng aktibidad. Binti’y nangangalay kakatakbo at kaeehersisyo. Sa umaga paggising, pati pag-aaral iisipin, andaming ipapasa at andaming gagawin.

Ayon sa Studocu, ang buhay ng isang atleta ay hindi biro, hindi laging masaya at hindi laging panalo. May mga pagkakataon na susubukin ka ng panahon, tulad ni Carlo na nagkamit ng medalya sa World Olympics. Danas niya ang hirap sa mabilis na panahon sa gitna ng pag-aaral at pag-eensayo, na tila bang kailangang i-ayon ang tuon sa edukasyon, para ang oras na balanse ay maiahon. Maraming nagsasabing madali lamang ang pagiging isang manlalaro, dahil kinakailangan mo lamang ng tibay at tiyaga upang pagsabayin din ang pag-aaral. Subalit, naninindigan kaming hindi ito sing dali kagaya ng hinala ng iba. Laging pagod ang mga katawan ng manlalaro galing sa ensayo at napapagod din ang kanilang utak sa paghahabol ng mga gawaing pampaaralan. Samu’t saring mga aktibidad ang kailangan nilang ipasa at kailangan nilang intindihin ang maraming aralin sa maikling oras. Hindi man ako isang manlalaro, naranasan ko na ring pagsabayin ang ibang aktibidad sa paking pag-aaral. May ilang mga guro na nagbibigay ng lubos na konsiderasyon at suporta sa amin kaya naman mas naging madali ang laban. Mas nagiging madali ang pagtugon sa mga responsibilidad dahil sa kanila. Kung ganito lamang sana ang lahat ng guro, mas maraming atleta pa ang uunlad at magbibigay karangalan hindi lamang sa ating paaralan, pati na rin sa ating bansa. Naniniwala kami, sa bawat paaralan ay dapat bigyan din ng palugit ang mga estudyante sa paggawa ng mga aktibidad nang sa gayon, makasasabay sila sa mga itinuturo ng mga guro na halos lalagpas sa pitong asignatura. Dapat din na intindihin kung hindi sila makahabol sa tinuturo dahil kailangan nilang pagtuunan ng pansin ang pageensayo. Maglaro ay hindi biro, kaya’t ang suporta, huwag sanang huminto.

Muling nagbabalik ang mainit na ratsada ng Caybiga High School matapos mapasakamay ni Cyrus Jored Viernes ang unang pwesto sa kasagsagan ng CANOSA-A Area Meet Chess, mula ika-24 hanggang ika-27 ng Nobyembre, na ginanap sa paaralan ng Bagumbong High School.

Gamit ang malawak na karanasan, matagumpay na pinagharian ni Viernes ang Area Meet gamit ang Italian Opening at Sicilian Defense na naging susi para malusutan ang mga naging dikit na laban, mula sa board 2 hanggang makaabot sa final round.

Mala-tala na nagningning si Viernes, pagkatapos makamit ang unang pwesto sa Area Meet laban sa dating kampeon na si Kennan Roquero mula sa Bagumbong High School na nagwagi nakaraang taon.

“Masayang masaya ako na nakapag-1st ako, kasi ilang taon na akong nag-co-compete tapos ngayong last year ko na rito sa Caybiga, tiyaka ako nanalo” saad ni Cyrus Jored C. Viernes mula sa 12-Gas-A na kasalukuyang nag-aaral sa Caybiga High School.

“Nahirapan talaga ako kay Kennan Roquero, kasi undefeated siya no’ng regular match tapos siya rin ‘yung rank 1 sa bracket namin” dagdag pa niya. Sinubukang habulin ni Roquero ng Bagumbong High School ang nanaig na kampeon ng Caybiga High School, ngunit hindi pa rin ito sumapat upang salbahin ang kaniyang trono nakaraang taon. Walang nasayang na pawis at pagod na isinakripisyo ng matanglawing manlalaro ng Caybiga High School at nasuklian ng kumikinang na ginto na nagbigay gana para mas paghusayan pa ang kaniyang puspusang pagsasanay araw-araw sa nalalapit na Division Meet.

“ Nahirapan talaga ako kay Kennan Roquero, kasi undefeated siya no’ng regular match tapos siya rin ‘yung rank 1 sa bracket namin.

Ayessa Bataan
ISPORTS KOLUM
KAMAY SA PUSO: Pinangunahan man ng kaba, nagpasiklab naman para manguna, bumwelta ng tiwala para malusutan ang ibang atleta sa naganap na tagisan ng talino’t pagiging determinado sa CANOSA-A Area Meet Chess, nitong Nobyembre 24-27 na idinaos sa paaralan ng Bagumbong High School.
ISPORTS BALITA
Hency Acaba
Dibuho ni Emanuel Pinto
ALISTO

Block Blast sa CHS, Patok nga ba?

LUMALABAS sa datos na nakalap ng Ang Caybigan na ang larong block blast ay kilala at tinatangkilik ng mga estudyante sa Caybiga High School (CHS).

Batay sa pagsusuri, 100% ang naglalaro ng Block Blast sa mahigit na 100 estudyante sa Baitang 10, makikita rito ang pagkahilig nila sa mga online games katulad na lamang ng tampok na larong ito na naihahalintulad sa sikat na laro dati na tinatawag na Tetris.

Ayon sa isang mag-aaral mula sa 10-Rizal, naglalaro lang siya ng Block Blast kapag inaaya siya ng kaniyang mga kaklase upang makipagpataasan sa bawat isa, upang maipakita ang angking galing sa larong ito.

Sa katunayan, tila nagmimistulang tambayan na ito ng mga estudyante rito sa Caybiga High School, kung saan inaprubahan ito bilang isang paligsahan at tinawag na “Block Blast Tournament”, idinaos ito ngayong buwan, sa araw na Huwebes, Enero 16, 2025.

“Masaya talaga at nakaka-miss kasi ‘yung sikat na laro na Tetris, hinahalintulad namin siya rito sa larong Block Blast, kung saan ginagamitan namin ito ng pag-iisip para tumaas ang score namin”

Samantalang, 100% o 1200 na estudyante naman ang hindi naglalaro ng Block Blast, sa kadahilanang hindi nila ito gustong laruin, at ang iba naman ay sinasabing wala naman itong positibong epekto sa kanila, ngunit sa karamihang naglalaro nito ay mas sumasaya sila, lalo na kapag kasama ang kanilang tropa.

ISPORTS TRIVIA

Alam mo ba na may kultura din sa laro? Sa table tennis, mayroon silang salitang sinasambit, ito ang “Cho” at “Cho-le”. Karaniwan itong pasigaw na sinasabi ng mga manlalaro na nagpapakita ng kanilang kasiyahan at pagdiriwang sa bawat puntos na kanilang nakukuha.

Madalas ang “Cho” na sambitin upang magbigay kasiyahan, pagkatapos ng isang magandang puntos sa laro. Ang “le” naman ay nangangahulugang “muli, isa pa.” Kaya ang “Cho-le” ay nangangahulugang “magandang puntos, isa pa.”

Samantalang ang “Cho-le! Cho” ay nagsasabi na “Isa pang magandang tira!” Ito ay isang paraan ng mga manlalaro ng table tennis, upang ipakita ang kanilang kasiyahan at paghikayat sa sarili o sa kalaban matapos ang isang mahusay at kalkuladong taktika, para pagharian ang isang laban.

“ Sobrang intense kasi talaga ng training namin, kaya no’ng nanalo kami, sobrang saya namin na nagbunga lahat ng pagod at hirap na inilaan namin.

SELYADONG ABANTE

CHS Table Tennis Team, humakot

muli sa CANOSA-A Area Meet

Sinigurado ng Caybiga High School Table Tennis Team ang ratsada ng pagiging kampeon nakaraang taon magpasahanggang ngayon, sa Table Tennis’ CANOSA-A Area Meet na naganap noong ika-24 hanggang ika-27 ng Nobyembre sa Cielito Zamora Junior High School.

Bumwelta ang 7th-grader na si Jaylord Fariñas ng agresibong pukpukan sa Single Bracket A Boys para selyuhan ang kampeonato, 8-0 sinigurado na walang makakahadlang sa kaniyang pagkapanalo patungong Division Meet.

Isinalba ng mauutak na forehand at isang mainit na smash ang pagkapanalo ni Thricia Sumagay sa Single Bracket A Girls, 6-1 sa kaniyang huling laban kontra sa umaasang CalNatSci na nagtala ng 3-4.

“Masasabi ko talagang mahalaga ang training, kasi dito ko nakikita ‘yung skills ng mga bata”, sa masayang tono na saad ng pursigidong na si Coach Richel Lorca nang tanungin kung paano niya kinukuha ang kaniyang mga manlalaro.

Mainit ang naging simula sa pangalawang huling laban ng Double Boys ng Caybiga High School at Caloocan City Business High School nang magkapalitan na ng puntos kasabay ang sigawan ng cho-le na tumagal hanggang matapos ang laban.

Nalusutan ng magkakasunod na pun-

tiryang smash ng CCBHS ang CHS na nagresulta ng 2-1, daan upang matiyak ang nag-aantay na puwesto para sa paparating na Division Meet.

Pinutakte ng gigil na tatlong outside smash ang entrada ng Caybiga HS sa 1st set na nagbigay-buhay para makalamang ang Camarin HS at sa kalaunan ay nagtuloy-tuloy ito hanggang sa 2nd set na nagbunga ng malinis na 2-0.

Ipinamalas ng nag-iisang Rhica Anjel Navera ng CHS ang tibay ng kaniyang loob para magbida sa nangyaring Area Meet, 3-3 sa kaniyang unang sabak dito na nagbigay karangalan sa kaniya bilang 4th place.

Sa huli, rumatsada ang Caybiga High School sa pangunguna ng kanilang Coach Richel Gimeno Lorca, matapos pumuwesto si Jaylord Fariñas sa ikatlong puwesto na nagkamit ng bronze medal, sa nagdaang Table Tennis Division Meet, nitong January 20, 2025 sa Caloocan High School.

BAGO PERO ‘DI PATATALO

Bagong Dance Troupe ng CHS, 5th Place sa Festiv-Aliwan 2024

NAGPAKITANG

GILAS ang bagong grupo ng Indak Caybigan Dance Troupe (ICDT) ng Caybiga High School (CHS), hindi nagpahuli sa pag-indak at paghataw upang makamit ang ikalimang puwesto sa 10 paaralan na sumabak sa Festiv-Aliwan 2024 sa Caloocan City, na ginanap sa South Caloocan City Hall nitong Setyembre 13, 2024.

Nagsagawa ng audition ang MAPEH department para sa mga mag-aaral na gustong lumahok sa dance group sa simula sa mga Junior High School at Senior High School nitong Agosto 5-9. Isang pagtatanghal ng sayaw na mula sa mga festival sa Pilipinas ang ginawa ng Caloocan culture affairs at Tourism Office layunin nitong ipakita ang talento ng mga mag-aaral sa pagsasayaw. Ipagpatuloy sa Pahina 18

CHS Billiards Team, muling sumargo patungong Division

Napasakamay ng Caybiga High School Billiards Team ang 2 golds, kasama ang 2 silvers at 1 bronze para pagbidahan ang CANOSA-A Area Meet Billiards 2024, na naganap sa ika-24 hanggang ika-27 ng Nobyembre, na idinaos sa Escuela de Sofia of Caloocan Inc.

Minarkahan ni Kim Bryant Natingga ang panalo sa 8-balls at 9-balls kontra sa kaniyang umaasang katunggali gamit ang walang mintis na tira, upang angkinin ang pwesto tungo sa Division Meet, habang binulsa naman ni Albert Villanueva ang bronze sa 8-balls.

Taas noong iniwagayway ng dating kampeon, Tinyfer Nagac ng 12-Humss B ang 2 silver sa 8-balls at 9-balls kontra sa pitong atletang manlalaro, gamit ang solidong bentahe para pagbidahan din ang nasungkit na silver sa Division Meet na naganap sa Caloocan High School, Enero 13, 2025.

“Tiwala sa sarili at sa tira, be humble palagi and siyempre focus sa game”, saad ni Kim Bryan Natingga na nagkamit ng ginto sa naganap na 8-balls at 9-balls sa nagdaang Area Meet. Pinanghawakan ni Natingga ang kaniyang tiwala sa sarili sa gitna ng 7-6 kontra sa umaasang Deparo High School na pilit umaagaw sa kaniya ang trono sa unang karangalan patungon Division Meet.

”Kailangan talaga na skilled ka as a coach, dahil mahirap ipa-champion ‘yung isang palaro na wala kang knowledge eh“ pahayag ni G. Carreon na isang guro at isa rin sa mga beteranong coach sa buong Pilipinas na simula pa lang grade 5 ay naglalaro na ng Billiard. Patunay ito na ang larangan ng Billiard ay hindi lamang larong pangkalye, pangtambay at pang-pustahan, kundi Larong Pambansa na ginagamitan ng kalkuladong galaw, utak at diskarte para mangibabaw at mamayagpag.

CAYBIGA HIGH SCHOOL , Lungsod ng Caloocan, NCR TOMO XV BLG. I Hulyo 2024 - Enero 2025
Opisyal na Pahayagan
MGA NILALAMAN
Joshielle Delfinado
LABAN KUNG LABAN. Hindi nagpahuli at hinding hindi magpapahuli
‘pag dating sa labanan, yan ang nakasanayan ng Caybiga High School sa kanilang mga nagdaang laban sa Table Tennis’ CANOSA-A Area Meet at Caloocan Divison Meet.
MARKADO ANG SAYA: Muling nagpakitang gilas ang Caybiga High School Billiards Team nang makapag-uwi ng mga medalya para sa sintang paaralan sa naganap na Area Meet at Division Meet na idinaos nitong Oktubre
John Vincent Sangullas
Sean Art Rocha
PINABALIK ANG BAGSIK Viernes, muling minate ang ginto sa Area Meet
Kristoph Abanid
Ma. Sheila Ferrer
Sahra Delmiguez

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.