Panganganino: Isang Tangkang Pagsipat sa mga Berso ni Doc PenPen Bugtong Takipsilim

Page 1

MAHA SRI BABAJI

Panganganino
Isang Tangkang Pagsipat sa mga Berso ni Doc PenPen Bugtong Takipsilim

PANGANGANINO

IsangTangkangPagsipatsaPilingmgaBersoniDocPenPenBugtong Takipsilim

Karapatangari©2024niMahaSriBabaji

Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaringmulingilimbagogamitnsaanumangkaparaanannangwalang nasusulatnapahintulotmulasanagmamay-aringkarapatangaringaklat, malibansamaiiklingsipiparasareviewopagsusuringteksto.Parasa permiso, makipag-ugnayan sa tagapaglathalang si Noel S. Barcelona sa emailnaito:noelbarcelona1980@gmail.com.

ISBN978-621-96741-9-59(PDFRead-only)

INILATHALANGELEKTRONIKOSAREPUBLIKANGPILIPINAS

NINOELS.BARCELONA

Mezzanine,#8APinesCityRoyaleSubd.,Brgy.SanRoque,AntipoloCity E-mail:noelbarcelona1980@gmail.com

PALIMBAGANG KARITON NOEL S BARCELONA CREATIVE PRODUCTIONS

Panganganino

Isang Tangkang Pagsipat sa mga Berso ni Doc PenPen

Bugtong Takipsilim

MAHA SRI BABAJI

KARITON NOEL S BARCELONA CREATIVE PRODUCTIONS
PALIMBAGANG

Talaanngmganilalaman

4
Paghahandog Pasasalamat Bungad-sabi Unang Panganganino - Isang Maikling Pagpapakilala kay Dr. Epitacio Ramos Tongohan o Doc PenPen Bugtong Takipsilim Pangalawang Panganganino - Isang Sulyap sa Kasaysayan at Katuturan ng “Visual Poetry” Panghuling Panganganino - Paglalagom Pangatlong Panganganino - Tangkang Pagsusuri sa Ilang Berso ni Epitacio Ramos Tongohan (alias Doc PenPen Bugtong Takipsilim Talasanggunian Hinggil sa Manunulat at Mananaliksik 5 8 12 16 24 28 26 6 7

Paghahandog

Taos-pusong inihahandog ang munting aklat na ito unang-una, sa Maylikha ng Lahat, na para sa manunulat at kritikong ito ay siyang batis ng lahat ng magagandang bagay at maging ng inspirasyon para makalikha ng magaganda at makabuluhang mga bagay rito sa mundo, kabilang na ang sining at panitikan; pangalawa sa kapwa-Pilipino at iba pang lahing nagnanais na magkaroon kahit ng munting kaunawaan sa ilang mga tulang nailathala ng tinaguriang Ama at Hari ng Panulaang Biswal (Father and King of Visual Poetry) na si Doc Penpen Bugtong Takipsilim na si Dr Epitacio Ramos Tongohan, MD, sa tunay na buhay; at pangatlo, para sa mga taong nagnanais ng isang mas malaya, masaya, maaliwalas, at maalwang bukas.

Ang May-akda

5

Pasasalamat

Naniniwala akong ang pusong mapagpasalamat ay nakaaakit ng walang kahulirip at dimasusukat na biyaya buhat sa Diyos

Pauna ang pasasalamat sa Bathalang maylikha sa lahat na siyang nagbigay sa akin ng talento sa pagsusulat, pananaliksik, at maging sa pagkabatid ng ilang mga bagay sa sangkatauhan at sangkalawakan na hindi lahat ay nakaaalam.

Pangalawa, sa aking pamilya, kaibigan, at mga mahal sa buhay na patuloy na sumusuporta sa anumang bagay na aking ginagawa, lalo na’t nalalaman nilang ito ay para sa ikabubuti ng sarili, ng lipunan, at ng lahat.

Pangatlo, sa mga kaibigan sa panitik at sa sining na nagbibigay rin ng inspirasyon para patuloy tayong lumikha ng mga bagay na may katuturan.

At panghuli, sa aking bayang sinilangan, sa tahanan ng aking lahi, ang Inang Pilipinassalamat sa pagkupkop sa kaluluwang ito nang mapagpasyahan nitong bumaba sa lupang puno man ng hapis at dusa ay lupain din naman ng tuwa at saya kung matututuhan lamang na saliksikin ang tunay na kahulugan ng kasiyahan at kaligayan sa buhay.

SALAMAT SA
6
MARAMING-MARAMING
KAPANGYARIHAN NG HIRAYA AT PAGLIKHA!

Bungad-sabi

Kung babasahin sa titulo ng munting aklat na ito, isa itong pagtatangkang sisirin ang lalim at babaw, at tawirin ang kitid at lawak ng panulaang iniaalok ni Epitacio Ramos Tongohan, ang duktor at pilantropong taga-Tanay, Rizal, na nagtatangan ngayon ng titulong “Father and King of Visual Poetry” sa mundo, sa ilalim ng kaniyang sagisag-panulat na Doc Penpen Bugtong Takipsilim. Ito ay sa pamamagitan ng “panganganino” sa ilang akdang napili kong suriin para sa munting aklat na ito.

Aaminin kong bago ako sa kaniyang mga tula sapagkat sa ilang pagkakataong nagkakatagpo kami at nag-uusap, bibihirang mailagay sa gitna ang kaniyang mga tula Katunayan, mabibilang lang talaga sa daliri ang akdang mababasa mong isinulat niya sa cyberspace Ngunit, nakamamanghang malaman na ang aklat niya ng mga tula ay naisubasta sa Estados Unidos sa halagang US$30,000. Batay sa naging ulat ng Philippine Daily Inquirer ilang taon na nakararaan, ang perang nalikom ay sinasabing ibinigay rin ng makata bilang tulong pinansiyal para sa mga kapus-palad subalit karapat-dapat na mag-aaral dito sa Pilipinas.

Dahil hindi lantad at masasabi ngang di-popular ang kaniyang mga akda, nabalutan ang kaniyang mga tula ng nakaiintrigang hiwaga. Para sa mga nakabasa, ang tayog at lalim ng kaisipang nasa mga tulang nahabi ng isang Doc Penpen Bugtong Takipsilim ay masisisid lamang sa pamamagitan ng pagbabasa sa pagitan at lampas sa mga linya, upang tuluyang makita at maabot ng isip, puso, at kaluluwa ang pinadiwa umano ng kaniyang mga tula

Naisip kong isulat ang munting tratadong (treatise) na ito, una sa lahat, upang magkaroon ako kahit gamunting pagkaunawa sa kaniyang mga tula at maranasan din naman ang sinasabi nilang “hiwaga” ng kaniyang ilan sa kaniyang berso.

Ikalawa, dahil gusto ko rin namang magbasa at magsulat ng tula. Karamihan ng tulang naisusulat ko ay inspirado rin naman ng mga akdang nabasa ko na, bukod pa sa sariling danas at danas ng mga taong nakasalamuha na natin sa ating paglalagalag bilang isang makata, mamamahayag, at aktibistang sa maagang panahon ng taong 2000.

Ikatlo, isinulat ko ito, aaminin ko sa isang makasariling dahilan ang makita ko rin namang ang sarili na may kakayahan (bagaman masasabing hindi naman ganoong kahusay at hindi ko rin naman itinuturing ko ang sarili bilang eksperto o paham sa pagtula at pagsusuri ng tula) na magsulat ng mga papel na kagaya nito.

Ngunit pauna na ang paghingi ng paumanhin kung sakaling hindi perpektong maiharap ang mga perspektiba hinggil sa sinusuring mga berso ng isang makatang nakakalap ng titulong hindi pa naigagawad kanino man, kung tama ang pagkakatanda ko Father and King of Visual Poetry.

Gayon man, aaliwin ko rin ang aking sarili sa pagsasabing wala naman talagang perpekto pagdating sa lahat ng bagay subalit mas mahalagang tingnan ang naging pagtatangka kaysa sa masabing wala man lamang naiambag sa aspetong intelektuwal sa larangan ng pagtula at pagsusuri ng mga tula.

ANG MAY-AKDA

Lungsod ng Antipolo, Lalawigan ng Rizal Ika-15 ng Marso 2024

7

Misteryoso ang personalidad ng isang Epitacio Ramos Tongohan bilang isang makata at tao. Subalit, hindi maikakailang napakaraming naimpluwensiyahan ng kaniyang pagtula at pilosopiya hinggil sa pagtula at sangkatauhan mismo.

Bagaman itinuturing kong laging hiwalay ang manlilikha sa kaniyang mga nilikha, inibig kong bigyan ng kahit kaunting kasaysayan ang magiging pinakasentrong pigura ng munting aklat na ito—si Dr. Epitacio Ramos Tongohan, MD na mas kilala sa mundo ng pagtula sa daigdig bilang Doc PenPen Bugtong Takipsilim.

Batay sa mga impormasyon, taal na taga-Tanay si Tongohan at nagmula sa pamilya ng mga magsasaka Ang kahirapan niya ang naging gatong sa naglalagablab niyang pagnanais na matuto kung kaya gamit ang talino, pinagpursigihang makatapos ng kursong Medical Technology sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila at medisina naman sa University of the East-Ramon Magsaysay Memorial Medical Center sa Lungsod Quezon. Nang maging ganap na mediko, kumuha ng anatomical pathology sa UST. Naglingkod sa mahihirap na pasyente tuwing araw ng Linggo sa pamamagitan ng pagpapakonsulta nang libre. Ngunit inagaw ng pluma at “pinikot” ng tula ang kaniyang pusong siyentista kung kaya iniwan ang medisina para humabi ng mga tula.

SIDOCPENPEN:MAKATANGBISWAL(VISUALPOET)

Sa ilang dekada, nahumaling si Tongohan sa pagtula at nilikha ang sariling tatak ng tinatawag na “visual poetry.” Ang uri ng panulaang ito ang naghatid kay Tongohan sa pinakamataas na antas sa andana ng pagtula nang gawaran siya ng titulong “Father of Visual Poetry,” at sa kalauhan “King of Visual Poetry” ng iba’t ibang samahan ng mga makata sa iba’t ibang lupalop ng daigdig.

Sa isang artikulong isinulat ng dating Press Undersecretary ng administrasyong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na si Edwin M. Cordevilla na isa ring premyadong makata, ganito niya mailalarawan ang isang Epitacio Ramos Tongohan o Doc Penpen Bugtong Takipsilim para sa mga makata at manggagawang pangkultura sa buong mundo:

In this day and age of technological disruptions and unabated capitalism, poetry has to evolve to keep pace and sustain its place in the ocean of civilization. Otherwise, it may lose its significance in a fast-paced world, where populations suffer from short attention spans, as they are pampered and spoon-fed with instant gratification via various trends in fast delivery systems. It is at this historic juncture, that one name has been consistently appearing in recent years on poetry’s global stage

8
UNANGPANGANGANINO IsangMaikling PagpapakilalakayDr. EpitacioRamosTongohan oDocPenPenBugtong Takipsilim

The name is Doc Penpen. Who is Doc Penpen? He was conferred the title, Driisya Kavita Chakravarty (King of Visual Poetry), during the 2017 India World Poetree Festival held in Sitara Hotel, Ramoji Film City, Hyderabad, India As the program o states, the honor was given to Doc Penpen “in recognition of his valuable contributions to World Literature, Promotion of World Peace, and for his legendary philanthropic services in the fields of Literature, Education, Philosophy, and Visual Poetry ”

Bago ito, kinilala muna ang doktor na itong mula sa Bayan ng Tanay sa Lalawigan ng Rizal bilang “Father of Visual Poetry,” una ng mga makatang Pilipino at kalaunan ay ang mga nasa ibang bansa na humanga sa kaniyang panulaang may kakaibang karismang taglay

Pagpapatuloy ni Cordevilla sa kaniyang sanaysay tungkol kay Tongohan:

Previous to this momentous event, he was awarded as the Father of Visual Poetry in British Columbia, Canada in 2012, in the presence of Vice-Consul Melanie Balisi Diano and Philippine Consul General Jose Ampeso of the Philippine Consulate in Canada; honored as Visionary Poet by Writer International Network in Vancouver, Canada in 2012; acclaimed as the Father of Philippine Visual Poetry by the Otusa Foundation in Los Angeles, California, USA in 2012, paid courtesy call to Consul General Mary Jo Bernardo Aragon of the Philippine Consulate in Los Angeles, California; dissertated, adjudged, and was re-affirmed as the Father of Visual Poetry, spearheaded by the National Library of the Philippines, at the Marble Hall of the National Museum in 2013, with Hon Yolanda Jacinto, NLP Assistant Director, giving the opening remarks before the various national and international delegates; recognized as Gorsel Siir Babasi (Father of Visual Poetry), in Turkey in 2014, by KIBATEK, in the presence of Prof Ahmet Nihat Berker, president of the state-ofthe-art and premier Sabanci University (Prof Berker is a Turkish scientist, theoretical chemist, physicist and emeritus professor of physics at MIT); acknowledged and revered as Il Padre Della Poesia Visuale (Father of Visual Poetry), at the University of Bari, Italy in 2016, by Pablo Neruda Cultural Association, in the presence of Rector Prof Antonio Felice Urrichio; conferred the title Anyuinsem Agya (Father of Visual Poetry) at Dubois Center, Accra, Ghana, Africa in 2016, attested to by and in the presence of State Minister Hon. Abdul Rashid Pelpuo, Minister of Youth and Sports Hon Nii Lantey Vanderpuye, and Highest Priest of the Ga State Numo Akwaa Mensai III; and acknowledged and recognized as Innovative and Spiritual Father of Poetry during 5TH EDITION OF THE INTERNATIONAL FESTIVAL OF CULTURAL DIPLOMACY, by the RASSEMBLEMENT MAROCAIN POUR LA POÉSI, in Morocco in November 2017

Kinilala rin si Tongohan bilang “Father of Global Humanitarian Poetry” at “Father of Visionary Poetry” ng mga makatang taga-Ghana noong 2018

SITONGOHANBILANGISANGMAKATA

Para sa mga nakakikilala kay Tongohan, isang natatangi kundi man eksentrikong makata ang doktor na tubong-Tanay. Sa mga nakabasa ng kaniyang tula, iisa ang kanilang masasabi kakaiba kaysa sa karaniwang tula at kinakailangan ng malalimang pagkaunawa sa pagitan ng mga salita at diwang nakapalaman sa pagitan ng mga salita.

Sa disertasyon ng isinulat ni Ethel Pineda David na sinipi ng makata, kritiko, at mamamahayag na si Noel Sales Barcelona sa popular niyang blog na “Conspiring with the Universe,” ganito ang mababasa: “Tongohan’s poetry is “quite complex” and requires multiple passages before you can fathom its actual meaning,” pagbanggit ni David sa sinabi ni Neneth Ramiro Rondera na isa sa naging batis o source na kaniyang analisis sa panulaan ni Tongohang nasusulat sa Ingles.

9

Sa disertasyon ng isinulat ni Ethel Pineda David na sinipi ng makata, kritiko, at mamamahayag na si Noel Sales Barcelona sa popular niyang blog na “Conspiring with the Universe,” ganito ang mababasa: “Tongohan’s poetry is “quite complex” and requires multiple passages before you can fathom its actual meaning,” pagbanggit ni David sa sinabi ni Neneth Ramiro Rondera na isa sa naging batis o source na kaniyang analisis sa panulaan ni Tongohang nasusulat sa Ingles

Para sa mga nakakikilala kay Tongohan, isang natatangi kundi man eksentrikong makata ang doktor na tubong-Tanay. Sa mga nakabasa ng kaniyang tula, iisa ang kanilang masasabi—kakaiba kaysa sa karaniwang tula at kinakailangan ng malalimang pagkaunawa sa pagitan ng mga salita at diwang nakapalaman sa pagitan ng mga salita.

Sa isang bahagi ng kaniyang disertasyon, na binanggit din ni Barcelona sa kaniyang mahaba rin namang sanaysay patungkol sa makata, sinasabi ng mananaliksik na si David na may konotasyong relihiyoso (religious connotation) ang ilang berso ni Tongohan, partikular ang tula niyang “The Second Coming.”

Para naman kay Cordevilla, ang bawat tula ni Tongohan ay may kakayahang hubugin ang puso’t isip ng bawat babasa at makauunawa nito

“Although he had undisputedly earned the title, King of Visual Poetry, in the 2017 India World Poetry Festival, Doc Penpen’s art is really more than the visual Like his film Takipsilim, his book of poems, as multi-sensorial, appeals to the other basic senses, including extra-sensory perception, and as multi-dimensional, stimulates higher states of the creative mind But, what is the real achievement of Doc Penpen through his art Pentasi B Poetry and through his poetry movement Pentasi B World? Was it in being given the honor as King of Visual Poetry and Father of Visual Poetry by leading poetry organizations from various countries? Or is it the transformational power attained by his art, Pentasi B, that touches not only the known international literati but even the less-fortunate and damned members of society?

Marahil nga, ang huli ang pinakanatatangi at walang kahulirip na sangkap sa pagtula ni Epitacio Ramos Tongohan o Doc Penpen Bugtong Takipsilim na siyang nagbigay sa kaniya ng nag-iisang tatak bilang makata at marahil, isang pilosopo (philosopher) na gamit ang berso sa pagpapahatid ng malalim at nakapagbabagong-buhay na mensahe para sa kaniyang mga mambabasa.

ISANGKAWINGNANAG-UUGNAYSAMGAMAKATASAISANG

HATINGDAIGDIG?

Sa artikulo nang isinulat ni Neneth Ramiro Rondera para sa Philippine Star, isang nangungunang pahayagan dito sa Pilipinas noong 2020, inilarawan ni Rondera, na isa ring makata ang naging papel ni Tongohan, hindi lang sa mundo ng panitikan, partikular sa pagtula, kundi maging sa hinaharap ng mga lipunan sa mundo:

The multiple differences among us are mathematical truths that are either conspicuously existing on us or impeccably concealed inside us. We live in diverse colors, shapes, sizes, quantities, and values. But, each of us definitely possesses in oneself an incomparable chiseled individuality which can distinctly resonate in a crowd or simply melt away behind the spotlight It is our own positivism or negativism which may raise us up to victory or put us down to fiasco. But, varied as we are, an honest advocacy one does for this living world, separates him from the fellows who merely live and breathe Indeed, it matters how a person sees, performs, shares, and sustains that individual quality he has, not only in the circle he belongs, but in the vastness of the sphere he inspires

10

The polynomials of diverse things he owns do not make him a significant being, neither the question if he is just an exponent, nor a prime factor a plus point, but rather, it is the fraction of concepts, images, or even solutions he creates and shares to his fellows which truly makes him different, perfectly different from a common crowd.

Just recently, what happened in China marked another proof that despite the diversity of humans in terms of so many angles, still, it is the sum total of their contributions to the nation, as well as to the world, in general, which can make them stand out among the rest Yes! This time it is in the Land of the Red Dragon, China, where one of the most remarkable achievements of a Filipino artist has been acknowledged with full honors and felicitations. Our very own, Doc PenPen Bugtong Takipsilim (real name, Epitacio R Tongohan, MD), the renowned founder of the international poetry group, the Pentasi B World Friendship Poetry, has been honored as the Father of Visual Poetry. It is undeniably inspiring that a Filipino doctor-turned-visual-poet has earned for our nation another global recognition, which generously places the Philippines as one of the most reputable countries in the literary sphere Currently, Doc Pen Pen’s name is listed among the world’s famed visual poets.

Sa pinakabagong sanaysay na isinulat ni Cordevilla (2024), muling binigyang-diin nito ang naging ambag ni Tongohan bilang Doc PenPen Bugtong Takipsilim, hindi lamang sa mundo ng pagtula kundi maging sa kilusang humanism (humanist movement) sa daigdig:

Doc Penpen plays a crucial role in democratizing poetry through Pentasi B by providing a platform for poets from various backgrounds and levels of expertise to showcase their work As the founder and organizer of Pentasi B World Friendship Poetry, he promotes inclusivity and diversity in the poetry community, giving voice to marginalized individuals and promoting a sense of global unity through the power of poetry Through Pentasi B, Dr Tongohan organizes international poetry events, workshops, and publications that bring together poets from different countries and cultures to share their unique perspectives and experiences.

Sa pananaw rin ni Cordevilla, si Tongohan ang isa sa pinakasusi sa demokratisasyon ng pagtula hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa Ibig sabihin, si Tongohan ang siyang bumasag sa sinasabing “toreng garing” o ivory tower na kinaroroonan ng makata at nagbigay sa mga makatang kagaya niya ng pagkakataon na talagang damhin kung ano ang itinitibok ng puso at pulso ng mundo.

Bukod pa rito, si Tongohan din ang kauna-unahang nangarap na maging pinakapuso ng pagtula ng daigdig (Poetry Heart of the World) ang Pilipinas.

Gaya nang sinabi ng makata at bisyonaryong mula sa Zambales na si Danilo “Danny” Gallardo na imbentor ng panulaang “tangka,” si Doc Penpen (ang palayaw ni Tongohan) ang katuparan ng matagal nang hula ni Shakespeare sa kaniyang Sonnet No. 7 at maging sa bisyong nakita ng dalawang kilalang tao sa Pilipinas na si Dr. Jose P. Rizal at dating pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr. na maglalagay sa Pilipinas sa pinakasentro ng mundo, at ito nga kung maidedeklarang “Poetry Heart of the World” ang Pilipinas (Gallardo 2023, pagsipi ni Barcelona, 2023)

11

IsangSulyapsaKasaysayanat Katuturanng“VisualPoetry”

Pero, hindi na bago, kung tutuusin, ang visual poetry. Isa itong libong taon nang sining na naging popular sa iba’t ibang sinaunang sibilisasyon sa mundo. Sa isang sanaysay na nailathala sa WebExhibits.org, ganito ang mababasa:

Like the choice of lyrics for a piece of music, or the choice of colors for a piece of art, the poet has always enjoyed the freedom of taking words and shaping them to create a 3D representation of the entire experience.

Sumerian, Indian, Chinese, Egyptian, Chaldean, and Hebrew poets all painted word-pictures with their song-poems before the Greek and Roman empires emerged, and the Persians famously wrote and illustrated Alexandrine odes and other books with a marvelous display of lettering and color (2008)

Ngunit ang mga Griego ang may palasak na paggamit ng ganitong uri ng pagtula o paghahabi ng berso Ayon pa rin sa WebExhibits org:

The antecedents of today’s visual poetry movement were the Greek pattern poems (likely of Oriental descent), popular with 4th century B C Greek bucolic poets like Simian of Rhodes; and the Persian altar poem, developed in the 5th century A.D. Pattern poetry represented the action and motion reflected in the poem, while altar poetry replicated the shape of the poem’s subject

Isa sa popular na tipo ng ganitong uri ng panulaan ay ang tinatawag na technopaegnia, ang terminong nilikha ng makata at retorikong si Decimus Magnus Ausonius Lalong lumaganap ang naturang porma ng pagsusulat at pagpapalaganap ng tula mula 1500 hanggang sa moderno at kontemporaryong panahon.

Katunayan, iniluwal ang iba’t ibang uri ng presentasyon ng tulang may hubog o porma, gamit ang mga titik upang makapagbigay, hindi lamang ng estetikong katangian sa tula kundi maging ng iba pang sinasabing kahulugan mismo sa salita at kabuuan ng tula At ang representasyon ng tula bilang isang imahen ay nagbunsod naman sa iba’t ibang kilusan sa pagtula sa iba’t ibang bansa

Bilang bahagi ng pagbabalik-tanaw sa naging kasaysayan ng kilala natin ngayon bilang visual poetry, mahalagang mabasa ang sinabi nina Rebecca Sharp, Peter McKinney at Seamus Ross noong 2003: Halimbawa ng tinatawag na “altar poetry” ng sinaunang mga Griego. (Larawan mula sa Loeb Classical Library

12 PANGALAWANGPANGANGANINO

In 1953, the Swiss poet Eugen Gomringer published a collection of his works, each only one word in length. He referred to them as constellations and insisted that it was the positioning of the word on the page that was of more importance than the meaning of the word itself In that same year, in Sweden, Oyvind Fahlstrom wrote a Concrete Poetry Manifesto, however he apparently had no knowledge of Gomringer’s work. Simultaneously and similarly oblivious to the new style emerging in Europe, a group of Brazilian poets, the Noigrandres, were experimenting with poetry as a visual medium, using the object form of the ideogram and would later name this style Poesia Concreta. It was a time of great co-incidence, given the contemporaneous experiments with structure and form in the fields of music and painting, and the recurring use of the word ‘concrete’ More than that, however, it signalled a global desire to progress beyond traditional linear representation and start manipulating the very substances out of which art is made (p. 2).

Gayon man, kagaya nang unang nabanggit sa bahagi ng kabanatang ito, hindi na bago ang konsepto ng ganitong uri ng pagtula Sabi nga nina Sharp, et al :

This timely and apparently universal need for the new form may well have inspired such endeavours, yet the concept at the heart of it all, the word as visual image, was far from new In the early 20th century, Guillaume Apollinaire constructed complex visual collages from letters, words and phrases in Calligrammes, exploring spatial relationships and offering multiple non-linear readings of the text. Similarly at that time, the Futurists, Dadaists and Cubists emphasised semiotics and materiality Earlier still, the optical poems of the Baroque period made visual forms, such as a labyrinth, from lines of text.

Para naman kay Gabriel Saloman, isang curator mula sa Vancouver, Canada, ang pampulitikang implikasyon na nakakabit naman sa kasaysayan ng tinatawag na concrete poetry (isa sa mga katawagan sa visual poetry na sumulpot nitong ika-20 siglo), ang naging lunsaran niya sa pagsusuri sa porma at kilusang ito sa larangan ng panulaan.

Aniya:

In the case of concrete poetry, my interest in it is both a curiosity about its historical politics and a wondering about what could be reclaimed or revived in service of contemporary politics. Concrete poetry emerged as a global zeitgeist, first appearing almost simultaneously in Brazil and Switzerland in 1953, but soon extending throughout Europe, Japan, and North and South America under the influence of poets, musicians, artists, and publishers who shared a variety of philosophical and formal concerns. his period of “Classical Concrete” was marked by an interest in the relationship between technology and text, a fascination with language as an object, and with words as images In the wake of the Second World War and in the grips of the Cold War there grew a desire to rationalize poetry, to turn away from emotion and feeling as vehicles of communication, to extend poetry out from its solipsistic life on the page and have it return to the world as a material object Although critical consensus eventually converged on the word “concrete” a word that had its parallel in musical composition and visual art, not to mention its literal corollary in the ideologically motivated uses of concrete in architecture this aggregation of heterogeneous poetics contained many other names that reflect the multiple aspirations of individual poets English critic Mike Weaver divided concrete poetry between three categories: visual (optic), phonetic (sound), and kinetic (movement in a visual succession) all of which have evolved and even surpassed concrete into their own discrete disciplines in the intervening years ”

13

ICTATPAGBABAGONGHUBOGNGPAGSULAT,PAGLALATAG,AT

PAGBIBIGAYKATUTURAN/KAHULUGANSATULA

Sa patuloy na pagbabago at pagsulong ng teknolohiya, partikular sa larangan ng information and communications technology (ICT), nagkaroon din ito ng epekto sa kung paano hinuhubog, isinusulat, inilalatag, inilalako, at binibigyang katuturan o kahulugan ang mga bersong tinatawag nating tula. Katunayan, mayroon nang tinatawag na “e-poetry” na maaaring langkapan ng iba’t ibang bagay upang makapagprisinta ng bagong kahulugan at pagkaunawa sa tula.

Sa papel na isinulat ni Laura Shackelford para sa Mosaic noong 2014, sinuri ng kritiko ang e-poetry ni María Mencía Dito, iniharap ni Shackelford ang tinatawag na “multi-modal semiotic” na makikita sa e-poetry ng Espanyolang alagad ng sining Sa kaniyang naging pagsusuri sa mga akda ni Mencía, partikular ang Birds Singing Other Birds’ Songs at Another Kind of Language, pinagtuunan ng mananaliksik ang epekto sa pagkaunawa sa teksto at maging ang pagbabago/transpormasyon ng magiging pagpapakahulugan (semiotics) sa buo o bahagi ng teksto. Ani Shackelford:

Birds Singing Other Birds’ Songs and Another Kind of Language, through their engagements with the logics and interfaces of digital media, involve readers in reencountering the multimodality of language

It is a re-encounter with the multimodality of language in that language is already a combination of sounds, marks, gesture, temporal sequence, and spatial arrangement and is, therefore, multimodal. Equally, language is already digital in the primary sense of the “digital” as a combination of discrete units For instance, alphabetic letters, or graphemes, and aural phonemes are each units or digits subject to recombinatory operations of multiple sorts

Acknowledging these continuities, Mencía’s e-poems proceed to pursue, not diminish, the lingering question of what happens to existing language and signifying practices when they are authored and circulate through twenty-first-century computational technologies. These e-poems pursue the multimodal potential of these writing spaces and the kinds of writing and reading they enable without fetishizing the digital, explicitly countering multimodality’s frequent contemporary, consumerist guise as a kind of unlimited sensory plenitude

Mula sa aklat ni Lewis Caroll

Samantala, bilang kontemporaryong pamamaraan sa pagsusulat at “paghuhubog” ng tula, ang computer programming ay naging bahagi na rin ng mundo ng pagtula. Sa isang artikulong inilabas ni Trace Peterson sa Leonardo Electronic Almanac (LEA), binigyang-diin ng mananaliksik ang programming bilang bahagi ng proseso, hindi lamang ng paglikha ng tula, kundi sa paghaharap at paglalangkap sa mga berso ng bagong anyo at maging ng bagong pagkaunawa sa tula sa punto naman ng konteksto gamit ang semayotika (semiotics) Ani Peterson:

14

To make the shift in perspective necessitated by poetry's migration into the digital medium, we need to first engage this paradoxical understanding of poetic texts as "language objects" defined by a kind of semiotic or aesthetic praxis as distinct from, for example, conceptual artists' use of text to merely convey ideas, or hypertext novelists' use of texts to tell stories. Alan Sondheim was one of the first to articulate such a semiotic/aesthetic praxis by coining the term "codework." Loss Pequeno Glazier in his book Digital Poetics later described the praxis of the language object in the digital sphere by using the term "object-oriented programming" to articulate his materialist digital poetics. Such discussions were later expounded upon by theorist Rita Raley, and practitioner/critic John Cayley in his seminal essay The Code is Not the Text (Unless it is the Text) The notion of programming as a kind of writing itself evokes a way in which, more than ever, we might see poetic texts as process-based. I believe that such changes can best be illuminated by moving beyond the established surface level and narrative discourses to examine the code elements (computational, algorithmic, ergodic, monadic) that have restructured language (p 2)

Gayon man, batay na rin sa naging paghahain ng mga kritikong sina Raley at Cayley (na sinipi ni Peterson sa kaniyang mahabang introduksiyon sa isyu ng LEA na sinisipi natin sa sanaysay na ito) na hindi ang computer code o ang mga computer commands na kinakailangan para makalikha at mapaandar ang isang computer system o program mismo halimbawa, ang mismong tula kundi isang bahagi lang ng proseso ng paglikha ng isang tula.

Nababanggit natin ang mga bagay na ito dahil malaki rin ang kinalaman ng teknolohiya sa ilang tulang naisulat ni Tongohan sa nakalipas na mga taon. Bagaman hindi natin masisipi ang ilan dito dahil sinasabing higit pa kaysa porma (anila) ang tula ng doktor at makatang itong mula sa Tanay, Rizal, mahalagang makita at mabatid din ang mahalagang papel na ginagampanan ng ICT, partikular ang paggamit ng computer program at maging ng artificial intelligence (A I ) na usunguso ngayon gaya ng ChatGPT, Google Bard, atbp , sa pagbibigay katuturan at maging hubog ng tula, lalo na sa usapin ng “visual poetry” o panulaang may kaakibat na porma bilang pandagdag, hindi lamang sa estetika (aesthetic) ng tula kundi maging sa sinasabing magiging kahulugan nito.

15

TangkangPagsusurisaIlangBersoni

EpitacioRamosTongohan(aliasDoc

PenPenBugtongTakipsilim

Kagaya nang sinasabi ng pamagat ng tratadong ito, ito ay isang panganganino, isang pagtatangkang sisirin ang inaakalang lalim at tawirin ang iniisip na lawak ng panulaang biswal (visual) poetry ng makatang manggagamot na taga-Tanay, Rizal na ginawaran ng titulong “Father and King of Visual Poetry” ng mga makata sa ibayong dagat.

Tatangkain nating bigyang katuturan o kahulugan ang bawat linya at maging ang mensaheng napapalaman sa pagitan ng bawat salita’t talata ng piling mga tulang gusto nating iharap sa mga mambabasa, lalo na sa mga dinakakikilala sa makatang ito na aktibong naglunsad ng mga asambleya ng mga makata’t manunulat dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa mula Beijing, China hanggang Ghana, Africa, at may tatlong tomong (3-volume) tulang hindi naman malawakang nailimbag na idineposito sa piling mga aklatan sa mga bansa sa Europa, China, at maging dito sa Pambansang Aklatan sa Pilipinas

Tinatawagan natin ang musa ng tula

Upang ihatid sa atin ang bisa ng hiraya

nang mabanaagang mabuti ang kinang ng sinusuring mga tula

Dapat nating pakatandaan na ang pagsipat sa tula’y hindi lamang sa pagsusuri sa bunton ng mga salita’t pagtuunan ang sukat at tugma o kawalan nito kundi ang dunong na maaaring ibahagi nito sa mambabasa, na siya namang magagamit nila, kung sakali, sa kanilang pangaraw-araw na pag-iral bilang mga tao

Samantala, gagamitin natin ang pagsusuring arketipal (archetypal) na nakatuon sa simbolismo’t palaisipang maaaring inihabi’t inilakip ng makata sa kaniyang mga tula. Sabi ng ani C. G. Jung, ang Swiss na sikoanalista, ang mga arketipo (archetypes) ang sumisimbolo mismo sa “subconscious” ng tao, o ang “lihim/natatagong bahagi ng isip), ayon naman kay Og Mandino na sumulat ng mga aklat inspirasyonal na “The Greatest Salesman in the World,” “The Greatest Miracle in the World,” at iba pa

Ang subconscious, para naman sa mga nag-aaral ng metapisika at espirituwalidad, ang kawing na siyang nag-uugnay rin naman sa atin sa limót na bahagi ng ating pagkataong nakakabit sa espirituwal na mundo. Sa “subsconscious” nakatago o nakadeposito ang ilang kaalaman na maaaring magamit para mapabuti (o mapasamâ) ang lagay at kalidad ng ating pamumuhay habang tayo’y gising sa mundong ibabaw Napakahalaga, sabi nga ng ilang paham sa sikolohiya at metapisika, na maiprograma nang maayos at maganda ang ating “subconscious mind” upang maganap ang sinasabi nilang ‘mahika’ at maging totoo ang mga milagrong ibig nating mangyari sa ating mga buhay.

16 PANGATLONGPANGANGANINO

Minabuti nating apat (4) na tula lamang ang suriin upang magkaroon lamang tayo ng pagkakataong masulyapan ang uri ng panulaang inilalako ni Dr. Epitacio Ramos Tongohan, MD na kilala sa mundo ng panitikan bilang Doc PenPen Bugtong Takipsilim, na tinagurian ding “Madman of Philippine Poetry,” batay na rin sa naging bansag sa kaniya ng ilang makata (Barcelona 2023).

KALAYAANATPAGLAYA:ANGKAWALANGLIMITASYONNG

DIWAOKALULUWANGTAOSAKAPANGYARIHANNG

UNIBERSALNAPAGIBIG

Isa sa mga tula ni Tongohan na umagaw sa ating atensiyon ay ang Yes I Am na may 16 na taludtod at isinulat sa malayang taludturan (free verse).

Maihahambing sa tula ni Alejandro G. Abadilla, ang “Ama ng Modernong Panulaang Pilipino,” na “Ako ang Daigdig,” iniharap ng makata ang usapin ng kalayaan. Ang kalayaang tinutukoy rito ay hindi lamang limitasyon sa galaw o kilos ng isang nilalang kundi ang kalayaan sa limitasyong inilagay mismo ng sariling katawan (body) at isip (mind) sa sarili (Self) Ang sarili, sa kabilang banda, ay hindi lamang tumutukoy sa pagkakakilanlan o tatak (label/brand) na inilagay ng institusyong panlipunan (social institutions) pamilya, pamahalaan, relihiyon, kultura, atbp. sa kaakuhan o personalidad ng isang tao.

Basahin ang tula ni Tongohan sa ibaba:

yes !am

yes i am free yes free for all

i am beyond the walls beyond the pages beyond the bitterness of man

i am the best of all the best of all dreams of all hopes of all wishes

i am the greatest revelation of all-unending-self-discoveries

i am the core of every infinite evolution of existence for perfection

i simply live f r e e l y in every birth in every death in every breath of the universe

i am LOVE without a temple without a name

Sa kabuuan mismo ng tula, malalamang hindi ang pisikal na katawan at isip (physical or gross body and material mind) ang nagsasalita kundi ang kaluluwa at espiritu mismo ng may-akda. Sa metapisika, sinasabing hindi ang pisikal na katawang namamatay at nabubulok ang tunay na katauhan ng isang nilalang kundi ang espiritu mismo Sa biblikal na perspektiba, halimbawa, ito ang “ruach” o ang espiritu ng Diyos na inihinga sa ilong ni Adan upang maging isa itong “kaluluwang buháy ” Kung pupunahin, sa unang yugto ng paglalang, walang pisikal na limitasyon at wala ring kamatayang tinutukoy, maliban nang dumating ang tinatawag nilang “kasalanan.”

Samantala, sa isang artikulong isinulat ni Michael Berg ng The Kabbalah Centre noon 2023, sinasabi nitong bago pa man magkaroon ng katawan ng isang kaluluwang manggagaling sa daigdig ng espiritu o sa Tahanan ng Diyos, nagtataglay ito ng kislap ng napakalaking potensiyal o kapangyarihan/kakayahan

17

“I think most of us believe the soul is a perfect, complete being that comes into the body and we then struggle with it to allow it to reconnect to the Light of the Creator. But Rav Ashlag is saying something completely different. He's saying that before it came into our body, each one of our souls was a tiny little spark that had great, but unrevealed, potential. So if that spark remains in the Upper World in a perfect state, it never expands or becomes what it's meant to become. It never becomes the totality of the Light of the Creator that needs to be revealed And the purpose of coming into this world is to allow the soul to expand and become all that it can be,” ani Berg sa artikulong may pamagat na “Our Soul Needs to Expand ”

“Therefore, the reason our soul comes into our body is for our soul, a tiny spark with huge potential, to reveal that potential Our soul is the Light of the Creator, but not the Light of the Creator as if our soul is 100% when it's in the Upper Worlds And when it comes into this world, our job is not to bring it back to a connection, but rather, our soul comes into this world as a tiny spark, and our struggle, the spiritual work, is to allow the soul to expand. As such, every time we share, connect to the Zohar, and so forth, what we’re actually doing is allowing our soul to expand a little more. And the struggle between body and soul is what allows the soul to become bigger and bigger,” pagpapalawig ni Berg sa dahilan kung bakit ang diwa (Consciousness) o kaluluwa (Soul) ay nagkakaroon ng katawan, ayon sa paliwanag ng Kabbalah o mistisismong Judio, upang patuloy na lumawak at umunlad ang espiritung nananahan mismo sa ating materyal na katawan, na siya namang puwersang nagpapagalaw sa huli

Sa tula ni Tongohan, nasa estado (state) na nang paglaya ang kaluluwa, at wala nang hadlang pa sa patuloy na paglawak ng saklaw nito.

Sa kabilang banda, dapat din nating malaman na ang materyal na katawan at ang lahat ng kagustuhan at pagnanasa nito ay hadlang upang makamit natin ang walang hanggang potensiyal na iniaalok ng kaluluwa. Sa Bhagavad Gita, isa sa banal na mga kasulatan ng India (Bharat), sinasabing may pangangailangang makilala natin ang sarili bilang isang espiritu o kaluluwang walang hanggan, na nakasálo sa eternal na katangian ng Diyos na Maylikha (sa pagkakataong ito, si Krishna o Vishnu) upang tuluyan naman tayong lumaya sa siklo ng dusa sa pagkapanganak, pagkamatay, at pagsilang na muli o reinkarnasyon na batas ng kalikasan at nauugnay sa pagtugon sa anumang ninanasa (desire) ng katawang materyal na may kamatayan. Dito papasok ang sinasabing “non-attachment” o ang hindi pagkapit sa anumang materyal na bagay sa mundo, at maging sa pagnanasa sa anumang bagay na ating ginagawa Sabi nga ng Bhagavad Gita:

The work of a man who is unattached to the modes of material nature and who is fully situated in transcendental knowledge merges entirely into transcendence.

Sa unang tulang sinuri natin, makikita ang prinsipyo ng kalayaan, hindi lamang sa pagkatha kundi kalayaan sa mismong itinakdang limitasyon ng naturalesa ng tao. Para sa mga naniniwalang ang tao’y may katawan, isip at kaluluwa, ang huli ang sinasabing tunay kaakuhan o identity ng isang tao, batay na rin sa sinasabi ng ilang espirituwal na tradisyon sa daigdig gaya ng Kristiyanismo, Hinduismo, at Budismo, bagaman ang huli, ang espiritu ay diwa mismo ng tao.

18

Sa puntong ito, makikitang ang makata, sa pamamagitan ng Agape, o banal na pag-ibig at sa pagsasakatawan (embodiment) nito ay lumalaya mula sa limitasyong ipinaiiral ng materyal na naturalesa (material nature) ng mundong ito na, kung tutuusin, ayon na rin sa Bhagavad Gita, ay isang daigdig na na puno ng ilusyon.

Sa kabilang banda, ipinakikita rin ng tula ni Tongohan ang pagiging kawaksi ng Diyos sa paglikha ng isang reyalidad, o pagpapasulpot ng anumang bagay na naiisip at ninanais ng isang tao. Sabi nga sa isang sipi mula sa aklat ni Will Barnes na “The Expansion of the Soul”:

“Centered, open, and diverse, the universes correspondence to your hopes and dreams is the deliverance of your foremost thoughts and actions. Energetically you can create and destroy your immediate set of circumstances under the same laws Posed as friends and foes, you will have obstacles, ones in which you must go through, over, under and aside sometimes to overcome These are the stepping stones to your future reality. Overcome that which has weakened your state of mind and conquer the thoughts and actions that you have let lead your life ”

PAG-IGPAWATPAG-AHONSAKINASASADLAKANGKUMUNOY: ANGLAKASNGISIPATPUSOUPANGMALAMPASANANG ANUMANGTRAHEDYA

Isa ang Bagyong Ondoy (international name: Ketsana) sa nagpalubog sa kabuhayan at pumuksa sa daan-daang buhay nang rumagasa ito sa Luzon noong 2009. Sa blog entry na isinulat ni Dave Llorito para sa website ng World Bank (WB) noong ika-29 ng Setyembre 2009, namatay ang isang nagngangalang Muelmar Magallanes, 18-anyos noong mga panahong iyon, dahil sa pagod sa pagsagip sa mga inanod ng baha sa kasagsagan ng bagyo

Sa unang tingin, tila negatibong emosyon ang ipinakikita ng tula. Subalit, kung susuriin ang nakatagong mensahe o kalatas ng makata sa kaniyang tula, makikitang isa itong tula ng pag-asa at marubdob na paniniwalang sa bawat, pagbagsak, may pagbangon; sa bawat paglubog, may pag-ahon

Batay sa datos ng gobyerno, nasa 1.87 milyong indibiduwal ang naapektuhan ng Super typhoon Ondoy, halos nasa 300 katao ang nasawi Nasa mahigit sa Php 1 5 bilyong halaga ng imprastruktura ang nasira samantalang halos nasa P900 milyong halaga ng pananim ang nawasak dahil sa bagyo (Llorito 2009).

Ayon sa kalatas (note) na kalakip ng sumusunod na tulang pinagmagatan niyang But UP), naisulat ito ni Tongohan, ilang araw lamang matapos ang pagragasa ng Bagyong Ondoy na siyang nagpabaha sa buong bayan ng Tanay, Rizal:

GO where i fall in midst of mist of why TO be or not to be so many why why me

im in the PLACE of hundreds thousands lists twist to exist in drowning mud of floating coffins im mad NO light i see loved ones all gone im down so down and all i HAVE my fists kissing my knees flaming-in-midst-of-i of fallen-i-in-mist dried-i go where: (I

19

Sa tula, hindi agad mapupunang may mensaheng nakapaloob sa bawat linya ng tula na kailangan mong basahin nang pataas: I HAVE NO PLACE TO GO.

Sa unang tingin, aakalain mong isang negatibong tula ang naisulat ni Tongohan (na maaari nga, sa unang mga araw ng trahedya na nagpalubog sa pag-aari at maging sa iniingatang mga pagkilalang nakalagak sa kaniyang bahay sa Tanay) subalit kung muling susuriin at lilimiing mabuti, tula ito ng pagbangon.

Ang pagkakasulat ng “encrypted” na mensaheng I HAVE NO PLACE TO GO na isinulat mula sa pinakadulong bahagi ng tula, pataas, ay naghuhudyat ng paghahanda para sa isang pagbangon at pagpapanibagong-lakas, hindi lamang ng makata mismo kundi ng sinasalamin nitong sambayanang Pilipino.

Ayon nga sa mga palamasid at mga eksperto sa akademya, matatag talaga ang espiritu at determinasyon ng mga Pilipino, lalo sa panahon ng trahedya at mga sakuna Sa papel na isinulat nina Garay, et al (2020) ganito ang naging deskripsiyon sa tatag o resilience ng sambayanang Pilipino kahit sa harap ng kalamidad at mga pagdurusa:

Filipinos are known to be survivors of numerous circumstances and a strong fighter during desperate situations We always manage to survive from several untoward incidences, not only that, we emerge more strongly and are even more determined to face whatever odds may come. In the country’s long history of several disasters and calamities, Filipinos always emerged to have [a] positive attitude despite what had happened, the triumph of the Filipino spirit springs out from the numerous hardships which has made us numb, until eventually what is left of us is the firm belief that we can make it, we can do it, we will beat the odds.

Sa tula ni Tongohan, bagama’t kapuna-puna ang tila kawalang pag-asa sa tinig ng sumusulat ng tula, hindi ito nangangahulugang tunay ngang wala nang pag-asa pang nakikita ang makata Sa katunayan, gaya nang nabanggit na, ang pamamaraan ng enkripsiyon ng mensahe, na ang pinakadulo ay umuuwi sa pinakatitulo ng tula ay nagpapakita ng tatag at determinasyon ng antagonista (makata) na makaahon mula sa balong kinalalagyan at makaigpaw sa kung anumang trahedya’t kapinsalaang naidulot sa kaniya ng nagdaang kalamidad na dulot ng Super Bagyong si Ondoy (Ketsana)

Para kina Garay et al , ang pananampalataya, matatag na ugnayang pampamilya, at maging paniniwala sa mga institusyong panlipunan na gampanan ang nakaatang na katungkulan nito para iahon ang buong sambayanan sa pagkakalubog dahil sa mga kalamidad at trahedyang sumapit sa bansa bunsod ng bagyo, baha, lindol, at iba pang natural at gawa-ng-taong katastropiya (p. 335).

Samantala, ang lakas at bisa ng tulang ito ay hindi lamang sa porma ng tula kundi maging sa diwang inilakip nito sa mismong berso. Kumbaga, naitawid ni Tongohan ang mensahe ng pagtitiwala sa sariling kakayahan at pagbuo ng tatag ng isip at karakter para tuluyang mapawalan ang sarili sa tanikalang dulot ng isang madilim at nakapanlulumong sitwasyon, dito nga, sa trahedyang dulot ng Bagyong Ondoy.

Sa unang tingin, aakalain mong isang negatibong tula ang naisulat ni Tongohan (na maaari

nga, sa unang mga araw ng trahedya na nagpalubog sa pagaari at maging sa iniingatang mga pagkilalang nakalagak sa kaniyang bahay sa Tanay) subalit kung muling susuriin at lilimiing mabuti, tula ito ng pagbangon.

20

SAMGAPAHINAATYUGTONGPAGTATAPOS—AT PAGPAPASIMULA

Isa pa sa tula ni Tongohan na umagaw sa ating pansin ang “The Day I Saw Myself.” Ang buong tula ay nasa ibaba:

uh nothing when nothing came into an end recycled-its all-transformed-its all-laws-reborn: : its-death-rebirth to new-old-new-old-thoughts when every little thing fell into a vacuum of unwritten memories for no time to spare in that timeless cage of emptiness of boredomness of nothingness

i stopped to write

) but when yes when but how right here right now yes i yes when i look again at this empty space across this page of total blankness

i see a dot

i see a new page (

uh i start to write for now i see myself again for rdv 25Mar10

Kung mapupuna ang presentasyon ng tula, may napakalalaking espasyo sa pagitan ng mga saknong. Sa matamang pagmamasid, kumakatawan ang napakalalaking espasyo sa “vacuum” o kawalan (nothingness) na maaaring nadarama ng makata bunsod ng isang paghihiwalay o pagkawalay sa isang minamahal, o bagay na pinahahalagahan.

Ngunit, sabi nga ng makata, manunulat, pintor, at pilosopo (philosopher) na si Kahlil Gibran:

21

Like sheaves of corn he gathers you unto himself.

He threshes you to make you naked.

He sifts you to free you from your husks

He grinds you to whiteness

He kneads you until you are pliant;

And then he assigns you to his sacred fire, that you may become sacred bread for God’s sacred feast

Sa tula ni Tongohan, mababakas ang sinasabi ng pilosopo’t manunulat na si Gibran hinggil sa lakas at kapangyarihang taglay ng pag-ibig maging ito man ay romantiko, pangkapatid, pangmagulang, o unibersal na uri ng pag-ibig (ang huli ay kilala rin sa tawag na Agape sa Griyego na nangangahulugang banal na pag-ibig).

Sa kabiguan, binibistay tayo ng pag-ibig na katulad ng palay; tinatahip na parang bigas upang maihiwalay ang ipa at binlid; at ginigiling tayong parang mais upang higit na mapalabas ang tunay na esensiya ng sinasabing pag-ibig at pagmamahal Sa puntong ito, makikita ang pagkawala ng/sa sarili ng may-akda matapos ang isang masakit at makirot na yugtong dulot ng pag-ibig (batay sa ating pagkakabasa) at pagkatagpong muli nito sa gitna ng sinasabing kawalan o void.

Ito ang sinisimbolo ng tuldok na nasa gitna ng tula ang sariling nasa gitna ng kalawakang madilim at tila basyo, walang buhay, na matatagpuan lamang kung sakaling muling tingnan ang liwanag na nasa puso. Ang pagkatagpo sa sarili ang pinakalundo (end) ng paghahanap.

Muling pagsipi natin kay Gibran:

Love gives naught but itself and takes naught but from itself.

Love possesses not nor would it be possessed; For love is sufficient unto love

When you love you should not say, “God is in my heart,” but rather, “I am in the heart of God.”

And think not you can direct the course of love, for love, if it finds you worthy, directs your course

Love has no other desire but to fulfil itself

But if you love and must needs have desires, let these be your desires:

To melt and be like a running brook that sings its melody to the night. To know the pain of too much tenderness

To be wounded by your own understanding of love;

And to bleed willingly and joyfully.

To wake at dawn with a winged heart and give thanks for another day of loving;

To rest at the noon hour and meditate love’s ecstacy;

To return home at eventide with gratitude;

And then to sleep with a prayer for the beloved in your heart and a song of praise upon your lips.

Sabi nga sa huling talata ng tula ni Tongohan:

( uh i start to write for now i see myself again

22

HIGITPASANAKIKITANGPANINGIN:PAGLILINGIDAT

DAMDAMINSABERSONITONGOHAN

Isa pa sa nakatatawag-pansin ni Epitacio Ramos Tongohan, na kilala sa internasyonal at lokal na sirkulong pampantikan bilang si Doc PenPen Bugtong Takipsilim ay ang tulang nailathala sa kaniyang personal na Facebook account Narito ang tulang pinipilit nating panganinuhan o suriin:

I shall speak to U now underneath my skin underneath my scars underneath my skin underneath my tears underneath my skin underneath my laughter underneath my skin underneath my rage underneath my skin underneath my chaos underneath my skin underneath my silence underneath my skin underneath my skin a poem of LOVE

Kung babasahin ang tula, mapupuna ang paulit-ulit na paggamit ng pariralang (phrase) na “underneath my skin.” Bilang metapora, ang “underneath my skin” o pagiging malalim na nakaukit sa balat ay nangangahulugan nang higit pa sa superpisyal (superficial) na paghahandog ng pagkalinga’t pagmamahal Bagaman masasabing natapos na ang ugnayan, naroroon pa rin ang bakas na di-mabubura lalo na’t malalim at matiim ang naging pinagsamahan, halimbawa, ng dalawang mangingibig, magkasama (comrades), o magkaibigan kaya

Subalit kung mas palalalimin pa natin ang pagsipat sa tula, makikita nating mas nangingibabaw ang mensahe ng di-mapag-imbot na pagmamahal. Sa madaling-sabi, maaaring maituring na agape, o mataas at banal na uri ng pagmamahal ang nakaukit, malalim sa balat [ng damdamin o puso] ng makata o kung sinumang personaheng ibig katawanin/kumatawan sa umuugit/bumibigkas ng tula

Ang bersong ito ni Tongohan ay nagpapakita ng lalim at tindi ng pagmamahal na naadrama ng makata, na hindi panlabas lamang kundi nakaukit, sabi nga nila, sa ilalim ng balat (skin deep).

(Larawan mula sa Facebook profile ni Tongohan.

23

Paglalagom

Sa naging pagsusuri natin sa apat na napiling berso ni Dr. Epitacio Ramos Tongohan, ang duktor na naging makata at pinutungan ng korona bilang “Ama at Hari ng Panulaang Biswal” (Father and King of Visual Poetry) ng mga makata sa ibayong dagat at maging dito sa ating bansa, kapuna-punang nakatuon sa pag-ibig at diwa (consciousness) ang mga tulang kadalasan niyang “inipinta.” (Nasabi nating ipinipinta at hindi lang basta isinusulat dahil hinuhubog ng mga titik ang mga larawan hayag at di-hayag o nalilihim—na gustong ipaabot ng makatang ito sa kaniyang mga mambabasa.)

Ang pag-ibig na tinutukoy natin ay hindi sa romantikong aspeto kundi isang unibersal at transendental na tipo, gaya nang nababanggit noon ng mga pantas at mistiko ng sinaunang panahon. Sa pag-ibig na kilala at marahil ay nadarama ng makatang ito na kilala rin bilang Doc PenPen Bugtong Takipsilim, naglalagos ito sa mga hangganan ng lahi, kulay, at maging pagkatao. Sa pamamagitan ng ganitong uri ng pagmamahal, mas nakikita natin ang pagkakapareho kaysa pagkakaiba natin sa ibang nilalang sapagkat nagsasalo tayo sa iisang lakas o puwersang nagpapagalaw sa lahat ang pag-ibig na siya namang sumasalamin sa katangian at naturalesa ng kung sino man ang nagdisenyo ng sanglibutang ito

Ang pag-ibig na tinutukoy natin ay hindi sa romantikong aspeto kundi isang unibersal at transendental na tipo, gaya nang nababanggit noon ng mga pantas at mistiko ng sinaunang panahon. Sa pag-ibig na kilala at marahil ay nadarama ng makatang ito na kilala rin bilang Doc PenPen Bugtong Takipsilim, naglalagos ito sa mga hangganan ng lahi, kulay, at maging pagkatao. Sa pamamagitan ng ganitong uri ng pagmamahal, mas nakikita natin ang pagkakapareho kaysa pagkakaiba natin sa ibang nilalang sapagkat nagsasalo tayo sa iisang lakas o puwersang nagpapagalaw sa lahat ang pag-ibig na siya namang sumasalamin sa katangian at naturalesa ng kung sino man ang nagdisenyo ng sanglibutang ito.

24
PANGHULINGPANGANGANINO

Nabanggit din natin sa unang bahagi ng paglalagom na ito ang hinggil sa diwa/kamalayan (consciousness) ng tao na siya namang kumakatawan sa kaluluwang nagpapagalaw sa katawang yari sa laman at buto, na namamatay at nabubulok kalaunan. Para sa makata, walang hanggan ang kapasidad ng diwa o espiritu ng tao na siyang nakarugtong naman sa sinasabi nga ng mga Hermetiko na “diwa o isip ng Diyos.”

Sabi nga ni Rumi isang makata at maestrong Sufi noong ika-13 siglo): “As you live deeper in the heart, the mirror gets clearer and cleaner ”

Nabanggit din natin sa unang bahagi ng paglalagom na ito ang hinggil sa diwa/kamalayan (consciousness) ng tao na siya namang kumakatawan sa kaluluwang nagpapagalaw sa katawang yari sa laman at buto, na namamatay at nabubulok kalaunan. Para sa makata, walang hanggan ang kapasidad ng diwa o espiritu ng tao na siyang nakarugtong naman sa sinasabi nga ng mga Hermetiko na “diwa o isip ng Diyos ” (Pasintabi sa mga dinaniniwala sa isang makapangyarihang maylikha/manlilikha.)

Ang patuloy na sumusulong at umuunlad (evolve) na diwang ito ay salamin o repleksiyon din ng sangkalawakang nagsisilbing simbolo naman sa patuloy ding sumusulong at umuunlad na diwa ng Diyos.

Sa tulang But Up) ni Tongohan, halimbawa, higit pa sa lakas ng isip ang kailangan para patuloy na sumulong sa gitna ng trahedya. Gaya nang nabanggit sa papel nina Garay et al. (2020), isang salik o factor ng pagiging matatag ng mga Pilipino ay ang espirituwal nilang tatag at lakas, bukod pa sa mahigpit na ugnayang pampamilya at panlipunang likas sa Pilipinas.

Sa ating pagsusuri, masasabi kong bukod sa anyo (form) ng kaniyang panulaan ang pinakalakas ng kaniyang mga tulang biswal ay ang pinakalaman (content) nito. Hindi sapat na pumukaw lamang ng kritikal na pag-iisip ang isang tulang biswal para lamang maging mabisa ito, kundi dapat ay maitawid din nito sa iba pang bahagi ng pagkatao ng isang bumabasa ang pinakamensahe o pinakakalamnan (meat) ng tula.

Sabi nga ni Edwin M Cordevilla, isang makata rin at nagsuri ng mga tula ni Tongohan:

But beyond its aesthetic beauty, poetry serves as a powerful metaphor for the soul, capturing the essence of our being and the complexities of our existence. Just as the soul is the essence of our being, poetry is the essence of language, distilled into its most potent form Through carefully crafted words and vivid imagery, poets convey the deepest truths and emotions that resonate within us all. Like the soul, poetry transcends the boundaries of time and space, connecting us to the universal human experience and revealing the interconnectedness of all beings Poetry has the power to inspire, uplift, and transform It speaks to our innermost truths, stirring our emotions and awakening our senses

25

Ang mga nabanggit ni Cordevilla ang eksaktong naglalarawan sa mga tula ni Epitacio Ramos Tongohan: Nilalamang ng kaniyang mga tula ang diwa, damdam, at danas hindi lamang ng isang indibidwal o ng makata kundi ng sangkatauhan.

Talasanggunian

Barcelona, N S (2023, September 13) Reintroducing Doc Penpen Takipsilim: The “Madman,” Visionary, and the Father of Visual Poetry. Conspiring with the Universe. March 19, 2024, https://itsnoelbarcelona.wordpress.com/2023/09/13/reintroducing-doc-penpen-takipsilim-themadman-visionary-and-the-father-of-visual-poetry/

Barnes, W. (2018). The expansion of the soul quotes by Will Barnes. Goodreads. https://www goodreads com/work/quotes/4572054

Cordevilla, E. M. (2024, March 6). Poetry as Metaphor of the Soul. Agimat Sining at Kulturang Pinoy. https://agimat.net/poetry-as-metaphor-of-the-soul/

Domingo, R. W. (2016, January 13). Visa woes for poet. INQUIRER.net. https://business.inquirer.net/205455/biz-buzz-scion-with-sticky-fingers

Garay, G , Garay, M C , & Martinez, H (2020) RESILIENCE AMIDST ADVERSITY: THE MANY FACES OF RESILIENCE IN FILIPINOS. International Journal of Social Science and Humanities Research, 8(2), 327–335.

Gibran, K. (2019). On LoveVersion (2021). In The Prophet. Project Gutenberg Literary Archive Foundation. Retrieved April 2, 2024, from https://www.gutenberg.org/files/58585/58585h/58585-h htm#link15

Huth, G (2008, November) Visual poetry today by Geof Huth Poetry Foundation

https://www.poetryfoundation.org/poetrymagazine/articles/69141/visual-poetry-today

Institute for Dynamic Educational Advancement. (2008). Poetry through the ages. webexhibits. https://www.webexhibits.org/poetry/explore 21 visual background.html#:~:text=The%20antece dents%20of%20today’s%20visual,motion%20reflected%20in%20the%20poem%2C

Llorito, D (2009, September 29) Philippines: Surviving Tropical Storm Ondoy - Ketsana World Bank Blogs. https://blogs.worldbank.org/en/eastasiapacific/philippines-surviving-tropical-stormondoy-ketsana

Martínez, A. M. (2016, April 11). Calligramme, Technopaegnia τεχνοπαíγνια, Carmina figurata, pattern poetry, figure poem, visual poetry, Concrete Poetry, creative writing History of Greece and Rome https://www antiquitatem com/en/calligramme-technopaegnia-pattern-poetry/

Mindel, G. S. (2018, July 28). Future concrete: Poetics after this. Unit/Pitt Projects. https://www.academia.edu/37140241/Future Concrete Poetics After This

Peterson, T. (2006). New media poetry and poetics from concrete to codework: praxis in networked and programmable media. Leonardo Electronic Almanac. Retrieved March 19, 2004, from http://leoalmanac org/journal/vol 14/lea v14 n05-06/tpeterson asp

26

Prabhupada, A. C. B. S. (n.d.). Bhagavad Gita as it is original by Prabhupada. Bhagavad Gita As It Is Original by Prabhupada. https://asitis.com/4/23.html

Rumi (2021, February 11) 85 inspirational Rumi quotes on love - good vibe quotes Inspire Good Vibes https://inspiregoodvibes.com/blogs/news/rumi-quotes-love-inspirational

Shackelford, L (2014) Migrating Modes: Multimodality in E-Poetics as Another Kind of Language Mosaic, 47(4), 100–118

Sharp, R., McKinney, P., & Ross, S. (2003). Visual Text: concrete poetry, hyperfiction and the future of the narrative form ms, Glasgow Retrieved March 15, 2024, from https://www researchgate net/publication/228387320 Visual text Concrete poetry hyperfiction and th e future of the narrative form.

Takipsilim, D P B (2010a, March 16) But up) - but up) PoemHunter com https://www poemhunter com/poem/but-up/

Takipsilim, D. P. B. (2010b, March 25). The day I saw myself - the day I saw myself. PoemHunter.com. https://www poemhunter com/poem/the-day-i-saw-myself/

Takipsilim, D. P. B. (2017, January). Poems by Doc Penpen Bugtong Takipsilim. Poems by Doc PenPen Bugtong Takipsilim. https://www.setumag.com/2017/01/poems-by-doc-penpen-bugtong-takipsilim.html

Takipsilim, D P B (2023) The photo rendition of Doc PenPen Bugtong Takipsilim’s Poem Facebook Epitacio Ramos Tongohan. Retrieved April 2, 2024, from https://www.facebook.com/photo/? fbid=10219467666760916&set=a.3086256253964.

27
GNABA H A NDOGSAMUTYANGHARAYAAT P AHKILGA

HinggilsaManunulatatMananaliksik

Pinaikling espirituwal na pangalan ng isang mamamahayag, mananaliksik, mananaysay, makata, kuwentista, manggagawang pangkultura, (dating) aktibista, at mistiko ang Maha Sri Babaji.

Taong 2000 nang sumabak si Maha Babaji sa mundo ng peryodismo habang nag-aaral ng kolehiyo Nagsimula siya bilang proofreader hanggang naging reporter at section editor ng isang progresibong lingguhang pahayagan sa Filipino, habang nagaambag din ng mga balita at iba pang mga pahayagan gamit ang totoo niyang pangalan. Naging fellow rin siya sa isang prestihiyosong palihan (seminar-workshop) na inorganisa ng isang state university sa Pilipinas.

Bilang makata at malikhaing manunulat, lumabas na ang mga akda niya dagli, maikling kuwento, tula, at personal at kritikal na mga sanaysay sa iba’t ibang websites at antolohiya sa Pilipinas. Nagwagi rin ang isa niyang tula ng ikalawang gantimpala sa isang pambansang patimpalak sa pagsulat ng tula noong 2002, na idinadalangin niyang maulit.

Isang manggagawang pangkultura, tinulungan niya ang ilang pintor at iba pang alagad ng sining na magtayo ng mga organisasyong kakatawan at magsusulong ng kanilang mga interes at maging ng mga magazine na pang-sining upang magkaroon ng pagkakataon ang mga pintor, eskultor, at iba pa na mailathala ang kanilang mga gawa.

Ngunit hindi lang sa mundo ng panitikan at pamamahayag ang kaniyang mundo Naging aktibo siya mulang 2000 hanggang 2008 sa aktibismo at masigasig na nagsulong ng kapakanan at karapatan ng mga aping sektor sa Pilipinas maralitang tagalungsod, mga manggagawa at magsasaka, migrante, at katutubo. Katunayan, naging public information officer siya ng isang malaking pederasyon ng unyon sa pampublikong sektor noong 2008 at nalipat sa isang non-government organization na nakatutok naman sa Pilipinong seafarer. Mahalaga ang ginampanan niyang papel upang maitampok at maitambol ang mga isyu ng mga Pilipinong manlalayag na nakasakay sa international fleets (barkong naglalayag sa ibang bansa) lalo na sa kasagsagan ng pananalasa ng mga pirata sa Horn of Africa.

Bukod sa gawaing pangkultura at aktibismong panlipunan (social activism), nakilala rin si Maha Babaji bilang isang mistiko at energy healer Katunayan, naging tagapagsalita siya sa isang online forum tungkol sa alternative lifestyle at healing

Sa kasalukuyan, aktibo pa rin siya sa mundo ng panitikan at panaka-nakang nakikialam sa maiinit na isyung panlipunan. Isinusulat niya ngayon ang isang module para sa spiritual cultivation and development habang nagsasagawa ng panaka-nakang lektura hinggil sa metapisika, espirituwalidad, at paranormal.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.