ď Ľď€ Tula ni Kuo-Mo Jo Nang makita niyang nilupig ng Bakulaw ang Demonyo Kung nakalilitong pinagsasanib ang mga tao at ang mga demonyo ang tama at ang mali mabait ang monghe sa mga kaaway walang habag sa mga kaibigan. Walang katapusan niyang sinasambit "Ang Orasyon Ng Ginintuang Sinsing," at tatlong ulit niyang pinahintulutang makatakas ang Puting Butong Demonyo. Marapat lamang gutay-gutayin ang katawan ng monghe. Para sa kahanga-hangang manggagawa walang silbi kung bubunutin lamang ang isang hibla ng kanyang buhok. Marapat na lubos na papurihan ang gayong lubhang napapanahong aral maging ang Baboy ay naging higit na matalino kaysa mga hangal.
Salin ni Rogelio L. OrdoĂąez